Pumunta sa nilalaman

Wikang Kastila

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Espanyol, Kastila
Español, Castellano
Bigkas/espaˈɲol/, /kasteˈʎano/ - /kasteˈʝano/
RehiyonMga bansa at teritoryo na gumagamit ng Espanyol:
 Argentina,
 Bolivia,
 Chile,
 Colombia,
 Costa Rica,
 Cuba,
 Dominican Republic,
 Ecuador,
 El Salvador,
 Equatorial Guinea,
 Guatemala,
 Honduras,
 Mexico,
 Nicaragua,
 Panama,
 Paraguay,
 Peru,
 Puerto Rico,
 Spain,
 Uruguay,
 Venezuela,
at may kapansin-pansing bilang ng populasyon sa
 Andorra,
 Belize,
 Gibraltar,
at ng
 United States.
Mga natibong tagapagsalita
Pangunahing wikaa: 322[1]– c. 400 million[2][3][4]
Totala: 400–500 million[5][6][7]
aAll numbers are approximate.
Latin (Halaw sa Kastila)
Opisyal na katayuan
20 mga bansa, Nagkakaisang mga Bansa, Unyong Europeo, Organisasyon ng mga Amerikanong Estado, Unyong Latin
Pinapamahalaan ngAsosasyon ng Mga Akademya ng Wikang Kastila (Real Academia Española at ng iba pang 21 mga akademya ng pambansang wikang Espanyol)
Mga kodigong pangwika
ISO 639-1es
ISO 639-2spa
ISO 639-3spa

Kabatiran:
  Ang Espanyol na kinilala bilang opisyal na wika
  Ang Espanyol na kinilala bilang wikang ko-opisyal
  Ang Espanyol na kinilala na ginagamit din ngunit hindi isang opisyal na wika

Ang Kastila o Espanyol ay isang wikang Romanse na nagbuhat sa Espanya at ngayon ay ang pangunahing wika ng Amerikang Latino. Sa Espanya at ilang bahagi ng Latinoamerika, ito ay kilala din sa tawag na “Castellano” na tumutukoy sa rehiyon (o lumang kaharian) ng Castilla (Kastilya) sa Espanya, kung saan ito nagmula upang linawin mula ibang mga wika ng Espanya (tulad ng Galisyano, Basco, at Katalan) at ng Latinoamerika (tulad ng Quechua at Guarani). Sa mga bansang gumagamit nito, español ang tawag ng ilang bansa ngunit sa iba naman mas madalas ang paggamit ng castellano. Castellano ang tawag rito sa Arhentina, Tsile, Peru at Urugway. Ilang pilologo ang tumatawag sa Kastilyano kapag bumabanggit sa wika sa Kastilya noong Gitnang Panahon at Kastila sa makabagong porma nito. Ang Kastelyano ay maari ring subdyalekto ng Kastila na sinasalita sa Kastilya sa panahong ito. Ito ay may serye ng pagkakaiba sa pagbigkas na naiibang Kastila halimbawa rito ang Andulusia o Aragon na kung saan sila'y nagsasalita ng ibang sub-diyalekto. Sa madaling salita, Castellano sa pambansang pananaw; Espanyol sa pandaigdigang pananaw.

Klasipikasyon

Ang wikang Kastila ay myembro ng sangay na Romanse ng Pamilya ng mga wikang Indoeuropeo at isa sa mga wikang nag-ugat sa Latin.

Ponolohiya

Madaling maiaangkop ang ponolohiya ng Tagalog sa Kastila. Gayumpaman, ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga pinakamahalagang pagkakaiba:

(base sa Wastong Pambalitang Kastila ng Mehiko)

  • Ang eu ay binibigkas na /ew/ at hindi /e·u/ o /yu/: eucaristía /ew·ka·ris·tí·ya/.
  • Ang güe at güi ay binibigkas na /gwe/ at /gwi/: Argüelles /ar·gwé·lyes/, pingüino /ping·gwí·no/.
  • Hindi binibigkas ang h, maliban kung kasunod ng c: historia /is·tor·ya/, pero coche /kó·tse/.
  • Ang ng ay binibigkas na /ng·g/ at hindi /ng/: inglés /ing·glés/, tango /táng·go/, fritanga /fri·táng·ga/, singapur /sing·ga·pur/.
  • Magkasintulad ang bigkas ng v sa b at hindi ito binibigkas nang /v/: voluntario /bo·lun·tá·ryo/.
  • Ang w ay maaaring bigkasin na /v/ o /gw/: Walhala /val·á·la/, whisky /vís·ki/ o /gwís·ki/, wafle /vá·fle/ (karaniwan sa mga salitang-hiram lamang; hindi ito katutubong titik)
  • Ang z ay hindi binibigkas na /z/, kundi bilang /s/ (o /th/ sa hilagang Espanya).

Hindi likas sa wikang Kastila ng mga titik k at w.

Talasalitaan

Espanyol Tagalog Pagbigkas
mundo mundo [mun-do]
canción kanta [kan-tyon]
teléfono telepono [te-le-fono]
agua tubig [ag-wa]
fuego apoy [fwe-go]
libro aklat [li-bro]
lápiz lapis [la-pis]
casa bahay [ka-sa]
cama kama [ka-ma]
vida buhay (noun) [bi-da]
papel papel [pa-pel]
cocina kusina [ko-ti-na]
padre ama
madre ina
niño lalaki [nin-yo]
niña babae [nin-ya]
comida pagkain [ko-mi-da]
grande malaki [gran-de]
pequeño maliit [pe-ken-yo]
noche gabi [no-tse]
mañana umaga [man-ya-na]
dia araw [di-ya]
mes buwan [mes]
Enero Enero [e-ne-ro]
Febrero Pebrero [feb-re-ro]
Marzo Marso [mar-so]
Abril Abril [ab-ril]
Mayo Mayo [ma-yo]
Junio Hunyo [hun-yo]
Julio Hulyo [hul-yo]
Agosto Agosto [a-gos-to]
Septiembre Setyembre [set-yem-bre]
Octubre Oktobre [ok-tub-re]
Noviembre Nobyembre [no-wiem-bre]
Diciembre Disyembre [di-tiem-bre]
porque kasi [por-ke]
pero pero [pe-ro]

Distribusyong heograpiko at mga dyalekto

Ang Kastila ay isa sa mga wikang opisyal ng United Nations, Unyong Europeo at Unyong Aprikano.

Ang Mehiko ang may pinakamaraming tagapagsalita nito na nasa bilang na 100 milyon. Ang sumunod ay ang mga bansang Kolombiya (44 milyon), Espanya (41 milyon), Arhentina (39 milyon) at Estados Unidos (30 milyon).

Kastila ang opisyal at pinakamahalagang wika sa 20 mga bansa: Arhentina, Bulibiya (koopisyal sa Aymara), Tsile, Kolombiya, Kosta Rika, Kuba, Ekwador, El Salvador, Espanya (koopisyal sa Katalan, Galisyano, at Basko), Guwatemala, Equatorial Guinea (koopisyal sa Pranses), Honduras, Mehiko, Nicaragua, Panama, Paraguay (koopisyal sa Guaraní), Peru (koopisyal sa Quechua at Aymara), Portoriko, Republikang Dominikano, Urugway, at Beneswela.

Ito ay mahalaga at ginagamit, ngunit walang opisyal na status, sa Andorra at Belis.

Ito ay ginagamit ng karamihan sa mga taga-Hibraltar (na inaangkin ng Espanya), pero ang Inggles ang nananatiling tanging opisyal na wika ng kolonya.

Sa Estados Unidos—na walang kinikilalang tanging opisyal na wika—ang Kastila ay ginagamit ng ¾ ng populasyon nitong Latino. Ito rin ay pinag-aaralan at ginagamit ng maliit ngunit mabilis na lumalaking bahagi ng populasyong di-Latino nito bunga ng pag-usbong ng negosyo, komersyo, at politikang Latino.

Ang Kastila ay may mga tagapagsalita rin sa Netherlands Antilles, Aruba, Kanada, Israel (kapwa Kastila at Ladino o Hudeokastila), Kanluraning Sahara, hilagang Morocco, Trinidad at Tobago, Turkiya (Ladino), at US Virgin Islands.

Sa Brasil, kung saan ang salita ay Portuges, ang wikang Kastila ay nagiging pangalawa o pangatlong wika sa mga kabataang estudyante at propesyonal. Ang popularidad nito sa bansa ay dahil na rin sa maraming pagkakahalintulad ang dalawang wika at pati na rin sa halos lahat ng karatig bansa ng Brasil ay Kastila ang gamit.

Sa Pilipinas, kung saan ang paggamit nito ay bumababa ng husto sa mga nakalipas na dekada, tinanggalan ng opisyal na status ang wikang Kastila noong 1973. Bagamat tadtad ng katutubong salita at Inggles ang mga wika sa Pilipinas, nanatili pa rin ang Kastila sa wika tulad ng sistema ng pagbibilang, pananalapi, pagsasabi ng oras, ng edad, atbp. Pati ang sistemang kalendaryo ng Pilipinas ay isang bersyon ng Kastila. Gayunpaman, ang natatanging kryolyong Kastila-Asyatiko, ang Wikang Zamboangueno o Chavacano ng Zamboanga at Wikang Caviteno o Chavacano ng Cavite, ay ginagamit ng 292 630 mga Pilipino (senso ng 1990) sa ilang rehyon sa isla ng Mindanao at sa isang rehyon sa kalapit-timog ng Maynila sa isla ng Luzon. Ang ibang mga wika sa Pilipinas ay naglalaman din ng maraming hiram na salitang Kastila.

Ang Mundong Hispano


Mga bansang may mga populasyon ng mga Hispaniko
Alphabetical Order Bilang ng mga tagagamit
  1. Alemanya (410,000)
  2. Andorra (40,000)
  3. Arhentina (41,248,000)
  4. Aruba (105,000)
  5. Australya (150,000)
  6. Austria (1,970)
  7. Bagong Selanda (26,100)
  8. Belis (130,000)
  9. Beneswela (26,021,000)
  10. Bulibiya (7,010,000)
  11. Bonaire (5,700)
  12. Brasil (19,700,000)
  13. Curaçao (112,450)
  14. El Salvador (6,859,000)
  15. Ekwador (10,946,000)
  16. Equatorial Guinea (447,000)
  17. Espanya (44,400,000)
  18. Estados Unidos ng Amerika (41,000,000)
  19. Guwatemala (8,163,000)
  20. Guyana (198,000)
  21. Guyana Pranses (13,000)
  22. Hayti (1,650,000)
  23. Hapon (500,000)
  24. Honduras (7,267,000)
  25. Israel (160,000)
  26. Italya (455,000)
  27. Kanada (272,000)
  28. Kanluraning Sahara (341,000)
  29. Kuwait (1,700)
  30. Kolombiya (45,600,000)
  31. Kosta Rika (4,220,000)
  32. Kuba (11,285,000)
  33. Libano (2,300)
  34. Mehiko (106,255,000)
  35. Morocco (960,706)
  36. Nicaragua (5,503,000)
  37. Olanda (17,600)
  38. Panama (3,108,000)
  39. Paraguay (4,737,000)
  40. Peru (26,152,265)
  41. Pilipinas (2,900,000)
  42. Pinlandiya (17,200)
  43. Portugal (1,750,000)
  44. Portoriko (4,017,000)
  45. Pransiya (2,100,000)
  46. Republikang Dominikano (8,850,000)
  47. Rumaniya (7,000)
  48. Rusya (1,200,000)
  49. Suwesya (39,700)
  50. Swisa (172,000)
  51. Timog Korea (90,000)
  52. Trinidad at Tobago (32,200)
  53. Tsile (15,795,000)
  54. Tsina (250,000)
  55. Turkiya (29,500)
  56. United Kingdom (900,000)
  57. Urugway (3,442,000)
  58. US Virgin Islands (3,980)
  1. Mehiko (106,255,000)
  2. Kolombiya (45,600,000)
  3. Espanya (44,400,000)
  4. Arhentina (41,248,000)
  5. Estados Unidos ng Amerika (41,000,000)
  6. Peru (26,152,265)
  7. Beneswela (26,021,000)
  8. Brasil (19,700,000)
  9. Tsile (15,795,000)
  10. Kuba (11,285,000)
  11. Ekwador (10,946,000)
  12. Republikang Dominikano (8,850,000)
  13. Guwatemala (8,163,000)
  14. Honduras (7,267,000)
  15. Bulibiya (7,010,000)
  16. El Salvador (6,859,000)
  17. Nicaragua (5,503,000)
  18. Paraguay (4,737,000)
  19. Kosta Rika (4,220,000)
  20. Portoriko (4,017,000)
  21. Urugway (3,442,000)
  22. Panama (3,108,000)
  23. Pilipinas (2,900,000)
  24. Pransiya (2,100,000)
  25. Portugal (1,750,000)
  26. Hayti (1,650,000)
  27. Rusya (1,200,000)
  28. Morocco (960,706)
  29. United Kingdom (900,000)
  30. Hapon (500,000)
  31. Italya (455,000)
  32. Equatorial Guinea (447,000)
  33. Alemanya (410,000)
  34. Kanluraning Sahara (341,000)
  35. Kanada (272,000)
  36. Tsina (250,000)
  37. Guyana (198,000)
  38. Swisa (172,000)
  39. Israel (160,000)
  40. Australya (150,000)
  41. Belis (130,000)
  42. Curaçao (112,450)
  43. Aruba (105,000)
  44. Timog Korea (90,000)
  45. Andorra (40,000)
  46. Suwesya (39,700)
  47. Trinidad at Tobago (32,200)
  48. Turkiya (29,500)
  49. Bagong Selanda (26,100)
  50. Olanda (17,600)
  51. Pinlandiya (17,200)
  52. Guyana Pranses (13,000)
  53. Rumaniya (7,000)
  54. Bonaire (5,700)
  55. US Virgin Islands (3,980)
  56. Libano (2,300)
  57. Austria (1,970)
  58. Kuwait (1,700)

Mga panghalip Pilipino sa Ingles at Kastila

syon -> tion -> cion

Pilipino Ingles Kastila
aksyon action accion
seksyon section seccion
komunikasyon communication comunicacion
donasyon donation donacion
posisyon position posicion
telebisyon television televicion
edukasyon education educacion
polusyon polution polucion
deklarasyon declaration declaracion
impormasyon information informacion
kumbensyon convention convencion
kumbersyon convertion convercion
kumeksyon connection conexion
konstitusyon constitution constitucion
korupsyon corruption corupcion
kolusyon collusion colucion
kontribusyon contribution contribucion
sitwasyon situation situacion
transportasyon transportation transportacion
punsyon function funccion
bersyon version version
komisyon commission comisión

dad -> ty -> dad

Pilipino Ingles Kastila
unibersidad university universidad
baridad varity varidad
kwalidad quality calidad
kwantidad quantity cantidad
realidad reality realidad
aktwalidad actuality actualidad

ismo -> ism -> ismo

Pilipino Ingles Kastila
organismo organism organismo
komunismo communism comunismo
sosyalismo socialism socialismo
liberalismo liberalism liberalismo
kapitalismo capitalism capitalismo

ista -> ist -> ista

Pilipino Ingles Kastila
sosyalista socialist socialista
journalista journalist journalista
pianista pianist pianista

iko -> ic -> ico

Pilipino Ingles Kastila
demograpiko demographic demografico
heograpiko geographic geografico
diplomatiko diplomatic diplomatico
awtomatiko automatic automatico

isasyon -> ization -> izacion

Pilipino Ingles Kastila
organisasyon organization organizacion
sosyalisasyon socialization socializacion

o -> cian -> o

Pilipino Ingles Kastila
politiko politician politico

te -> t -> te

Pilipino Ingles Kastila
bakante vacant vacante
independyente independent independente
dependyente dependent dependyente
parke park parque
konstante constant constante
pasporte passport pasporte

yal -> ial -> ial

Pilipino Ingles Kastila
industryal industrial industrial

wal -> ual -> ual

Pilipino Ingles Kastila
indibidwal individual individual
bilingwal bilingual bilingual

ulo/ro -> le/re -> ulo/ro

Pilipino Ingles Kastila
prinsipyo principle prinsipio
artikulo article articulo
bariabulo variable variabulo
sampulo sample sampulo
litro litre litro
metro metre metro
teatro theatre teatro
miyembro membre miembro

ya -> y -> ia

Pilipino Ingles Kastila
monarkya monarchy monarchia
anarkya anarchy anarkiya
ekonomya economy economia
pamilya family familia
demokrasya democracy democracia
istorya history historia
impluensya influency influencia
industrya industry industria
sekretarya secretary secretarya
Pinlandya Finland Finlandia
Taylandya Thailand Tailandia
Islandya Iceland Islandia
heograpiya geography geografia
biyolohiya biology biologia
ponolohiya fonology fonologia

titik + yo -> letter -> carta + io

Pilipino Ingles Kastila
kalendaryo calendar calendario
komentaryo commentar comentario
boluntaryo voluntar voluntario

titik + a -> letter + e -> carta + a

Pilipino Ingles Kastila
kultura culture cultura
sutruktura sutructure sutructura

titik + o -> letter -> carta + o

Pilipino Ingles Kastila
konsepto concept concopto
diyalekto dialect dialecto
simbolo simbol simbolo
proseso process proceso
argono argon argano
karbono carbon carbono
kriptono cripton criptono
neono neon neono
atomo atom atomo
kongreso congress congreso
kritiko critic critico
krisiso crisis crisiso

kataliwasan

Pilipino Ingles Kastila
titik + a -> letter -> carta + a
musika music musica
politika politic politika
problema problem problema
programa program programa
sistema sistem sistema
alarma alarm alarma
diplomata diplomat diplomata
sporta sport sporta
suporta support suporta
tableta tablet tableta
matematika mathematic matematica
pisika physic fisica
kimika chemistry kimica
titik + o -> letter + e -> carta + o
telepono telephone telefono
senado senate senado
lehislatibo legislative legislativo
administratibo administrative administrativo
uniberso universe universo
imberso inverse inverso

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. Encarta-Most spoken languages
  2. Ciberamerica-Castellano
  3. El Nuevo Diario
  4. Terra Noticias
  5. Universidad de México[di-maaasahang pinagmulan?]
  6. Instituto Cervantes ("El Mundo" news)
  7. Yahoo Press Room
  8. "Spanish". ethnologue.
  9. Pinakawiniwikang mga wika, Nations Online
  10. Pinakawiniwikang mga wika, Ask Men
  11. Mga wika ng Encarta na winiwika ng mahigit sa 10 milyong mga tao
Wikipedia
Wikipedia

Padron:Link FA Padron:Link FA