Logos

Katagang ginagamit sa pilosopiyang Kanluranin, sikolohiya, retorika, at relihiyon

Ang Logos (Sinauanang Griyego: λόγος, mula sa λέγω lego "Aking sinasabi") ay isang mahalagang termino sa pilosopiya, sikolohiya, retorika at relihiyon. Ito ay orihinal na nangangahulugang "isang saligan", "isang pagsusumamo", "isang opinyon", "isang ekspektasyon", "salita", "talumpati", "salaysay", "katwiran"[1][2] at naging isang terminong teknikal sa pilosopiya mula kay Heraclitus (ca. 535–475 BCE) na gumamit ng terminong ito para sa isang prinsipyo ng kaayusan at kaalaman. [3] Ang terminong ito ay ginamit ng mga sinaunang pilosopo sa iba't ibang mga paraan. Ito ay ginamit ng mga sopista upang pakahulugang diskurso. Ito ay nilapat ni Aristotle upang tukuyin ang "makatwirang diskurso" o argumento sa larangan ng retorika.[4] Tinukoy ng mga pilospong Stoiko ang Logos sa prinsipyong bumubuhay na makadiyos na lumalaganap sa uniberso. Ito ay inangkop ni Philo (ca. 20 BCE– 50 CE) sa pilosopiyang Hudyo.[5] Ito ay tinukoy sa Ebanghelyo ni Juan bilang diyos na sa pamamagitan nito ay ginawa ang lahat ng mga bagay[6] at karagdagang tinukoy si Hesus bilang ang preeksistenteng Logos na nagkatawang tao. Sa akademya, ang terminong ito ay kadalasang tumutukoy sa iba't ibang mga paggamit nito sa Sinaunang Gresya o sa pagkatapos ng Kristiyanismong pagamit sa loob ng kontemporaryong pilosopiya, Sufismo at sa analitikal na sikolohiya ni Carl Jung.

Logos, baybay na Griyego

Stoisismo

baguhin

Sa Stoisismo na sinimulan ni Zeno ng Citium c. 300 BC kungn saan ang Logos ang aktibong katwiran na lumalagapan at bumubuhay sa Uniberso. Ito ay naisip na isang materyal na nauugnay sa Diyos o kalikasan. Tinutukoy rin ng mga Stoiko ang ("logos spermatikos") o batas ng paglikha ng uniberso na prinsipyo ng aktibong katwiran na bumubuhay sa mga walang buhay na materya. Ang mga tao rin ayon sa Stoisismo ay nagtataglay ng bahagi ng makaDiyos na logos.[7]

Ginamit ng mga Stoiko ang lahat ng paggawa upang ipahiwatig ang isang logos. Bilang isang kumikilos na prinsipyo sa mundo, ang Logos ang anima mundi na isang konseptong nakaimmpluwensiya kay Philo ng Alehandriya bagaman hinango niya ang mga nilalaman ng katagang ito mula kay Plato.[8]

Philo ng Alehandriya

baguhin

Inilarawan ng Hudyo-Helenistikong si Philo ng Alehandriya (20 BCE-50 CE) ang Logos bilang isang tagapamagitang isang makadiyos na nilalang o demiurge. Sinundan niya ang distinksiyon na Platoniko sa pagitan ng hindi sakdal na materya at perpektong Anyo at kaya ay ang mga tagapamagitang nilalang ay kailangan upang maging tulay sa malaking puwang sa pagitan ng Diyos at materyal na mundo. Ang Logos ayon kay Philo ang pinakamataas na tagapamagitang nilalang na kanyang tinawag na panganay ng Diyos. Tinawag niya ang Logos na "ikalawang diyos", arkanghel, taxiarch(komandante ng pulutong), pangalan ng Diyos, makalangit na Adan, "ang tao na salita ng walang hanggang Diyos". Ang Logos para kay Philo ay isang ring Dakilang Saserdote bilang reperensiya sa posisyon ng Dakilang Saserdote ng Israel pagkatapos ng pagkakatapon sa Babilonya bilang ang sentro ng estadong Hudyo. Ang Logos ayon kay Philo ay tulad ng Dakilang Saserdote, ang naglilinis ng kasalanan, ang tagapamagitan at tagapagtaguyod ng mga tao. Ang Logos ang aspeto ng Diyos na gumagana sa muno at sa pamamagitan ng Logos ay nalikha ang mundo at tinutustan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Henry George Liddell and Robert Scott, An Intermediate Greek–English Lexicon: logos, 1889.
  2. Entry λόγος at LSJ online.
  3. Cambridge Dictionary of Philosophy (2nd ed): Heraclitus, 1999.
  4. Rapp, Christof, "Aristotle's Rhetoric", The Stanford Encyclopedia of Philosophy (Spring 2010 Edition), Edward N. Zalta (ed.)
  5. Cambridge Dictionary of Philosophy (2nd ed): Philo Judaeus, 1999.
  6. May, Herbert G. and Bruce M. Metzger. The New Oxford Annotated Bible with the Apocrypha. 1977.
  7. Tripolitis, A., Religions of the Hellenistic-Roman Age, pp. 37–38. Wm. B. Eerdmans Publishing.
  8. Studies in European Philosophy, by James Lindsay, 2006, ISBN 1-4067-0173-4, p. 53