Sinaunang Gresya
Nangangailangan ang artikulong ito ng karagdagang mga pagsipi o sanggunian para sa pagpapatunay. |
Ang Sinaunang Gresya (Griyego: Αρχαία Ελλάδα) ang kabihasnang Griyego na kabilang sa isang panahon ng kasaysayan ng Gresya na tumagal ng mga isang libong taon mula ika-8 siglo BCE hanggang ika-6 siglo BCE hanggang sa wakas ng antikwidad(ca. 600 CE). Pagkatapos ng panahong ito ang pasimula ng Maagang mga gitnang panahon at panahong Bisantino.[1] Kabilang sa Sinaunang Gresya ang panahon ng Klasikong Gresya na yumabong noong ika-5 hanggang ika-4 siglo BCE. Ang Klasikong Gresya ay nagsimula sa pagpapatalsik sa isang pananakop na Persa (Persian) ng mga pinunong Atenian. Dahil sa mga pananakop ni Dakilang Alejandro, ang kabihasnang Helenistiko ay yumabong mula Sentral Asya hanggang sa kanluraning dulo ng Dagat Mediteraneo.
Ang kulturang Griyego lalo na ang pilosopiya ay makapangyarihang nakaimpluwensiya sa Imperyong Romano na nagdala ng bersiyon nito sa maraming mga bahagi ng Europo at ito ang isa sa mga inspirasyon ng Muling Pagsilang sa Kanlurang Europa. Ito rin ang naging batayan ng pagusbong ng Neoklasisismo sa Europa at mga Amerika noong ika-18 at ika-19 na dantaon.
Ginagamit ang salitang Sinaunang Gresya patungkol sa mga tao, pamumuhay at kaganapan sa mga lugar kung saan Grego ang salita ng mga tao noong sinaunang panahon. Maliban sa peninsula ng Gresya, kabilang dito ang Tsipre, mga isla sa Dagat Egeo, ang baybayin ng Anatolia (kilala noon bilang Ionia), Sicily sa timog Italya (kilala noon bilang Magna Graecia), at ang mga kalat na tirahan ng mga Grego sa baybayin ng Kolkis, Illyria, Thrace, Ehipto, Cyrenaica, timog Gaul, silangan at hilagang-silangan ng Peninsulang Iberiko, Iberia at Taurica.
Heograpiya
baguhinAng Sinaunang Gresya ay matatagpuan sa dulo ng tangway ng Balkan sa timog-silangang Europa. Pinaliligiran ito ng tatlong dagat na nagsisilbing hangganan ng mga lupain. matatagpuan ang dagat Egeo sa silangan, ang Dagat Honiko sa kanluran, at ang Dagat Mediteraneo sa timog. Ang golpo ng Corinth ang nagdurugtong sa halos magkahiwalay na relihiyon ng Peloponnesus at Attica. Ang malaking bahagi ng sinaunang Gresya ay bulubundukin. Naging hadlang ito sa pakikipagtalastasan sa mga sumibol na lungsod estado. Naging mabagal ang pagpasok ng iba't ibang kaisipan at teknolohiya rito. Gayunpaman, nakabuti rin ang pisikal na katangiang ito dahil napanatili nito ang natatangi nitong kultura. May mga kapatagan din dito na matatagpuan sa Thessaly (sa Attica), Bocotia (sa gitnang Gresya), at Messenra (sa Peloponnesus) na nasa timog ng tangway ng Gresya.
Ang mga Griyego
baguhinIndo-Europeano - ninuno ng mga Griyego na mula sa Lambak ng Danube.
Apat na pangunahing tribong Griyego:
- Achaean
- Ionian - kinakatawan ng makasining na Athenian.
- Dorian - mandirigmang Spartan.
- Aetolian
Puwersa ng Pagkakaisa:
- Ibinibilang nilang sila'y mga griyego at ang ibang tao ay hindi griyego o mga barbarian.
- Hellenes - ang kanilang sarili
- Hellas - ang kanilang Bansa
- Hellenic - ang kanilang sibilisasyon
- Nagsasalita sila ng iisang wika
- Meron silang klase ng pagsusulat
- Sumasamba sila sa iisang diyos at nagsasama-sama sa mga pangrelihiyong kapistahan.
- Bundok Olympus - pinaniniwalaang dito nakatira ang kanilang mga diyos at diyosa
- Nagdaos sila ng Palarong Olimpiko.
- Olimpya, Katimugan Gresya - dito dinadaos ang kanilang Palarong Olimpiko.
- 776 BK - unang ginanap ang Palarong Olimpiko.
Kabihasnang Helenistiko
baguhinPamahalaan
baguhinPólis - independenteng estadong lungsod na nilikha ng sinaunang Hellas
Iba't ibang porma ng gobyerno
baguhin- Monarkiya - pamumuno ng isang hari
- Aristokrasya - pamumuno ng maharlikang pamilya
- Oligarkiya - pamumuno ng kakaunti
- Diktatoryal o tyranny - pamumuno ng ilegal na lider.
- Demokrasya - pamumuno ng mamamayan.
Ang Republika - isinulat ni Plato
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Carol G. Thomas (1988). Paths from ancient Greece. BRILL. pp. 27–50. ISBN 978-90-04-08846-7. Nakuha noong 12 Hunyo 2011.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Gresya at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.