Dinuguan
Ang dinuguan ay isang Pilipinong ulam na yari sa lamanloob ng baboy (karaniwang baga, bato, bituka, tainga, puso at nguso) at/o karne na pinakulo sa malinamnam, maanghang, maitim na sarsa na gawa sa dugo ng baboy, bawang, sili (kalasdan ang siling haba), at suka.[1][2][3]
Ibang tawag | Tinumis |
---|---|
Uri | Nilaga |
Kurso | Ulam |
Lugar | Pilipinas |
Ihain nang | Mainit |
Pangunahing Sangkap | Lamanloob at dugo ng baboy, suka, bawang, siling haba |
|
Etimolohiya at papangalan
baguhinAng pinakakilalang termino dinuguan at iba pang rehiyonal na baryante ng pagpapangalan ay nanggagaling sa mga salita para sa "dugo" (kaya sa wikang Tagalog, "ilaga sa dugo" ang kahulugan ng "dinuguan"). Sa wikang Ingles, maaari itong tawaging pork blood stew o blood pudding stew.[4]
Ang dinuguan ay tinatawag ding sinugaok sa Batangas, zinagan sa Ibanag, twik sa Itawis, tid-tad sa Kapampangan, dinardaraan sa Iloko, dugo-dugo sa Sebwano, rugodugo sa Waray, sampayna o champayna sa Hilagang Mindanao at tinumis sa Bulacan at Nueva Ecija. Isang eupemismo para sa ulam na ito ang "karneng tsokolate".
Matatagpuan din ang dinuguan sa Kapuluang Mariana kung saan tinatawag itong fritada. Pinaniniwalaan na ipinakilala ito ng mga dayuhang Pilipino.[5]
Paglalarawan
baguhinMaaring ihain ang dinuguan na walang lamanloob; gagamitin lang ang mga hiniwang karne ng baboy. Sa Batangas, sinungaok ang tinatawag sa bersiyong ito. Maaari ring gamitin ang karne ng baka at manok.[6][7] Karaniwang sinasabayan ang dinuguan ng puting kanin o puto.[6] Ang mga bersiyon nitong ulam sa Hilagang Luzon, ang dinardaraan ng mga Ilokano at zinagan ng mga Ibanag ay mas tuyo at sinasahugan ng tsitsarong bituka. Mayroon ding bersiyon ang mga Itawes ng Cagayan na may mas malalaking tipak ng karne at mas maraming taba na tinatawag nilang twik.
Ginagamit ang pinakaimportanteng sangkap ng dinuguan, ang dugo ng baboy, sa iba pang lutuing Asyano sa dalawang paraan: namuong dugo na ginagawang ekstender para sa karne o hinahalo ang dugo sa sabaw mismo. Sumasailalim ang dinuguan sa huling nabanggit.[7][8]
Hindi kinakain ang ulam na ito ng mga relihiyosong grupo na may batas sa pagkain na nagbabawal ng pagkonsumo ng dugo, kagaya ng Iglesia ni Cristo, Mga Saksi ni Jehova, Adbentistang Pang-ikapitong Araw, at Pilipinong Hudyo.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Laquian, Eleanor at Irene Sobreviñas. Filipino Cooking Here and Abroad, nasa wikang Ingles, 1977 (Unang Taon ng Paglilimbag), National Bookstore, Lungsod ng Maynila, Pilipinas, pahina 88, ISBN 9710800620
- ↑ "dinuguan - Diksiyonaryo". Diksiyonaryo.ph (sa wikang Filipino). Nakuha noong 13 Abril 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Margarita Marquis (2007). La Cuisine des Philippines (sa wikang Pranses). Editions Publibook. ISBN 978-2-7483-3506-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Emily Ignacio (2005). Building diaspora: Filipino community formation on the Internet [Pagbuo ng diaspora: Pagbuo ng pamayanang Pilipino sa Internet] (sa wikang Ingles). Rutgers University Press. ISBN 978-0-8135-3514-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Taste of Guam: Making pork, beef or venison blood stew" [Patikim ng Guam: Paggawa ng dinuguang baboy, baka, o usa]. Stars and Stripes Guam (sa wikang Ingles). 11 Agosto 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Septiyembre 2022. Nakuha noong 11 Setyembre 2022.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ 6.0 6.1 Alan Davidson & Tom Jaine (2006). The Oxford companion to food [Ang kompanyerong Oxford sa pagkain] (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 978-0-19-280681-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 "Dinuguan a la Ate Angelina". MarketManila. 26 Hulyo 2006.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Easy Pork Dinuguan Recipe" [Madaling Resipi ng Dinuguang Baboy] (sa wikang Ingles). RecipeniJuan. 11 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)