Monarkiyang konstitusyonal

Uri ng monarkiya kung saan ang kapangyarihan ay pinaghihigpitan ng isang konstitusyon
Pagbabago noong 08:18, 15 Disyembre 2020 ni Glennznl (usapan | ambag)

Ang monarkiyang konstitusyonal ay pinamumunuan ng isang monarko (Hari o Reyna) na ang kapangyarihan ay limitado at hindi lubos. Ang kapangyarihan ng monarka ay nakokontrol ng ibang mga pinunong pampamahalaan at ng mga karapatan ng tao. Kadalasan, ang ganitong uri ng monarka ay umiiral sa isang parlamentaryo, na ang monarka ang simbolikong pinuno ng estado. Siya ay naghahari subalit hindi namamahala. Ang tunay na pinuno ng pamahalaan ay ang punong ministro na ang partido ay may pinakamaraming bilang sa parlamentaryo o sa sangay ng gumagawa ng batas.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.