Patakaran:''Universal Code of Conduct''/Mga Alituntunin sa Pagpapatupad
Aprubado ang patakarang ito ng Board of Trustees ng Wikimedia Foundation. It may not be circumvented, eroded, or ignored by Wikimedia Foundation officers or staff nor local policies of any Wikimedia project. Dapat mong malaman na kung sakaling may pagkakaiba sa kahulugan o interpretasyon sa pagitan ng orihinal na bersyon sa Ingles ng nilalaman na ito sa isang salin nito, dapat manaig ang orihinal na bersyon nito sa Ingles. |
1. Mga Alituntunin sa Pagpapatupad ng UCoC
Inilalarawan nitong mga Alituntunin sa Pagpapatupad (Enforcement Guidelines) kung paano makakamit ng pamayanan at ng Wikimedia Foundation ang mga layunin ng Universal Code of Conduct (UCoC). Kabilang dito, bukod sa iba pang mga paksa ay ang: pagtataguyod ng pag-unawa sa UCoC, pagsali sa maagap na gawain para maiwasan ang paglalabag, pag-gawa ng mga prinsipyo upang masugpo ang mga paglabag ng UCoC, at pagsuporta sa lokal na mga istruktura ng pagpapatupad.
Nilalapat ang UCoC para sa lahat ng online at offline na nilalawak ng Wikimedia. Samakatuwid, ang pagpapatupad ng UCoC ay isang pinagbabahaginang katungkulan. Alinsunod sa prinsipyong decentralisation o pagpapalawig ng kilusan, ang UCoC ay dapat maipatupad sa pinakamaaring nauugnay na lokal na antas.
Ang Mga Alituntunin sa Pagpapatupad ay nagbibigay ng balangkas para sa pakikipag-ugnayan ng kasalukuyan at hinaharap na mga istruktura ng pagpapatupad, na naglalayong lumikha ng batayan para sa isang kapantay-pantay at magkaka-singtulad na pagpapatupad ng UCoC.
1.1 Mga Pagsasalin ng mga Alituntunin sa Pagpapatupad ng UCoC
Ang orihinal na bersyon ng UCoC Enforcement Guidelines ay nasa English. Ito ay isasalin sa iba't-ibang wika na ginagamit sa mga proyekto ng Wikimedia. Ang Wikimedia Foundation ay gagawa ng kanilang makakaya upang magkaroon ng tumpak na mga pagsasalin. Kung may anumang pagkakaiba sa kahulugan sa pagitan ng Ingles na bersyon at isang pagsasalin, ang mga kapasyahan ay ibabatay sa Ingles na bersyon.
1.2 Pagsuri ng UCoC Alituntunin sa Pagpapatupad at UCoC
Batay sa tagubilin ng Board of Trustees, isang taon matapos ang pagpatibay ng Alituntunin sa Pagpapatupad, ang Wikimedia Foundation ay magsasagawa ng pamayanang panayam at pagsusuri ng UCoC Enforcement Guidelines at UCoC.
2. Pangingat na Gawain
Ang bahaging ito ay naglalayong magbigay ng mga alituntunin para sa mga pamayanan ng Wikimedia at mga kaakibat na indibidwal na magkaroon ng kamalayan sa UCoC, upang lubos na maunawaan at sumunod dito. Sa layuning iyon, lilinawin ng seksyon na ito ang mga rekomendasyon para sa paglakas ng kamalayan sa UCoC, pagpamahala sa mga pagsasalin ng UCoC, at pag-paunlad ng kusang-loob na pagsunod sa UCoC kung saan naaangkop o kinakailangan.
2.1 Abiso at kumpirmasyon ng UCoC
Tumutugon ang UCoC sa lahat ng nakikipag-ugnayan at nag-aambag sa mga proyekto ng Wikimedia. Nilalapat din ito sa mga opisyal na harapang kaganapan, at mga nauugnay na espasyo na naka-host sa mga third party na mga plataporma bilang batayan ng pag-uugali para sa pakikipagtulungan sa mga proyekto ng Wikimedia sa buong mundo.
Inirerekomenda namin na idagdag ang UCoC sa mga tuntunin ng paggamit ng Wikimedia (Terms of Use).
Karagdagan dito, kailangang tiyakin ng mga sumusunod na indibidwal ang kanilang pagsunod sa UCoC:
- Lahat ng kawani at kontratista ng Wikimedia Foundation, mga kasapi ng Board of Trustees, mga kasapi at kawani ng mga kaakibat (affiliates) ng Wikimedia;
- Sinumang kinatawan ng kaakibat ng Wikimedia o naghahangad na kaakibat ng Wikimedia (katulad ng, ngunit hindi limitado sa: isang indibidwal, o pangkat ng mga indibidwal, na naglalayong magsulong at/o makipagtulungan sa isang kaganapan, grupo, pag-aaral na inii-sponsor ng Wikimedia, sa loob man o sa labas ng wiki sa pook ng pag-aaral); at
- Sinumang indibidwal na may nais na gumamit ng tatak (trademark) ng Wikimedia Foundation sa isang kaganapan tulad ng, ngunit hindi limitado sa: mga kaganapang may mga tatak ng Wikimedia (tulad ng pagsangkot nito sa pamagat ng kaganapan) at representasyon ng organisasyon, pamayanan, o proyekto ng Wikimedia sa isang kaganapan (tulad ng, ngunit hindi limitado sa, mga nagtatanghal o isang tagapamahala ng isang booth).
2.1.1 Pagsusulong ng kamalayan sa UCoC
Upang mapahusay ang kamalayan, mahahanap ang link papunta sa UCoC sa:
- Mga naka-rehistro na pahina ng taga-gamit (user) at kaganapan;
- Mga sinasailalim na pahina ng mga proyekto ng Wikimedia at mga pahinang pagsang-ayon (confirmation pages) sa mga pagbabago para sa mga naka-logout na mga tagagamit (kung saan naaangkop at teknikal na naaari);
- Mga sinasailalim na pahina ng mga website ng mga kinikilalang kaakibat (recognized affiliates) at user groups;
- Malinaw na pagbabatid sa mga harapan, malayuan, at magka-halo (hybrid) na mga kaganapan; at
- Kahit saan pa na itinuturing na naaangkop ng mga lokal na proyekto, kaakibat, samahan ng mga tagagamit, at taga-organisa ng kaganapan.
2.2 Mga rekomendasyon sa pagtuturo ng UCoC
Ang U4C Building Committee, na may suporta mula sa Wikimedia Foundation, ay magbubuo at magpapatupad ng pagturo upang magbigay ng pangkalahatang kaunawaan tungkol sa UCoC at mga kasanayan para maipatupad ito. Inirerekomenda na konsultahin ang mga may-katuturang stakeholder sa pagbuo ng pagtuturo nito kabilang ang, ngunit hindi limitado sa: Mga kaakibat (Affiliates), ang Affiliations Committee, Arbitration Committee, mga Steward at iba pang mga Advanced Rights Holders, T&S at Legal, at iba pa na sa tingin nito ay kapaki-pakinabang sa pagbibigay isang kumpletong pananaw ng UCoC.
Ang mga pagtuturo na ito ay inilaan para sa mga taong gustong maging bahagi ng mga proseso sa pagpapatupad ng UCoC, o sa mga may gustong maka-alam tungkol sa UCoC.
Ang pagtuturo ay isasaayos bilang mga nakabukod na module na malayang matutunan ang pangkalahatang impormasyon, pagtukoy sa mga paglabag at pag-suporta, at mga masalimuot na mga sakdal (cases) at pagsamo (appeal). Pagkatapos na isakay ang unang U4C, ang U4C ay may katungkulan sa pagpapanatili at pag-update ng mga training module ayon sa kinakailangan.
Magiging kaabot-abot ang mga training modules sa iba't-ibang mga format at sa iba't ibang mga plataporma para sa madaling pag-access. Ang mga lokal na pamayanan at mga Kaakibat ng Wikimedia na nais magbigay ng pagtuturo sa antas ng kanilang komunidad ay makaka-kuha ng suportang pinansyal mula sa Wikimedia Foundation upang maipatupad ang pagtuturo. Kabilang dito ang suporta para sa mga pagsasalin (translations).
Hinihikayat namin na ang mga kalahok na nakapagtapos ng isang module ay dapat bigyan ng pasya na makilala ng madla ang kanilang pagtatapos.
Iminumungkahi ang sumusunod na hanay ng pagtuturo:
Modyul A - Oryentasyon (UCoC - Pangkalahatan)
- Tumulong upang matiyak ang pangkalahatang kaunawaan ng UCoC at ang pagpapatupad nito
- Ipaliwanag nang maikli kung ano ang UCoC at ang pagpapatupad na inaasahan, pati na rin kung anong mga kasangkapan ang magagamit upang makatulong na iulat ang mga paglalabag
Modyul B - Pagkilala at Pag-uulat (UCoC - Mga Paglabag)
- Bigyan ang mga tao ng kakayahang tukuyin ang mga paglabag sa UCoC, maunawaan ang mga pamamaraan sa pag-uulat at matutunan kung paano gumamit ng mga kasangkapan ng pag-uulat
- Ilarawan ang uri ng paglabag, kung paano maiuulat na mga pangyayari sa kanilang lokal na konteksto, kung paano at saan gagawa ng mga ulat, at pinakamainam na paghawak ng mga kaso sa loob ng mga pamaraan ng UCoC
- Ang pagtuturo nito ay tutgunin ang mga bahagi ng UCoC, tulad ng tungkol sa panliligalig at pagsasamantala ng kapangyarihan (kung kinakailangan)
Modules C - Mga masalimuot na kaso, mga Apela (appeals) (UCoC - Mararaming Paglabag, Mga Apela)
- Ang mga modules na ito ay paunang kinakailangan sa pagsanib sa U4C, at inirerekomenda para sa mga may kagustuhan na aplikante ng U4C at sa mga may karanasan sa paghawak ng mga karapatan
- Ang modules na ito ay dapat sumaklaw sa dalawang partikular na paksa:
- C1 - Paghawak ng mga masalimuot na kaso (UCoC - Mararaming Paglabag): Sakupin ang mga cross-wiki na asunto, pangmatagalang panliligalig, patotohanan ang mga banta, mainam at mahinay na pakikipag-usap, at pagtanggol sa kaligtasan ng mga inapi at iba pang tao na mahihina
- C2 - Pangangasiwa sa mga apela, pagsasara sa mga paglilitis (UCoC - Mga Apela): Pangasiwaan ang mga sinasakop ng mga apela sa UCoC
- Ang mga module na ito ay pamumunuan ng tagapag-turo (ínstructor) at mga pagsasanay (trainings) na pinasadya upang ibahagi sa mga kasapi at aplikante ng U4C, at mga hinalal ng pamayanan na mga tagasagawa (functionaries) na maging tagapirma sa Access to Nonpublic Personal Data Policy
- Kung kakayanin na ang mga materyales ng mga pagsasanay na ito na pinamumunuan ng tagapagturo (instructor), tulad ng mga indibidwal na module, slide, tanong, atbp., ay magagamit sa publiko
3. Matugon na gawain
Nilalayon ng bahagi na ito (section) na magbigay ng mga alituntunin at paninindigan para sa pagsasagawa ng mga ulat ukol sa paglabag sa UCoC, at mga mungkahi para sa mga lokal na istruktura ng pagpapatupad na tumutukoy sa mga paglabag ng UCoC. Sa layuning iyon, liliwanagin ng bahaging ito ang mga mahahalagang prinsipyo ng gawaing pag-uulat, mga payo sa paggawa ng reporting tool, iminumungkahing pagpapatupad sa mga iba't-ibang antas ng paglabag, at mga rekomendasyon para sa mga istrukturang lokal na pagpapatupad.
3.1 Mga prinsipyo ng paghahain at pagproseso ng mga paglabag sa UCoC
Ang mga sumusunod na prinsipyo ay pamantayan para sa mga reporting systems sa lawak ng buong Kilusan.
Mga Ulat:
- Ang mga pagsusuplong ng paglabag sa UCoC ay kinakailangang magawa ng tinutuonan ng paglabag, gayundin ng mga ikatlong partido (third parties) na hindi kasangkot na nakapamalas sa pangyayari
- Ang mga pagsusuplong ay maaring sumaklaw sa mga paglabag ng UCoC, mangyari man na ang mga ito ay online, offline, sa isang pagdadalo na hino-host ng isang third party, o isang magkahalo na kadaluhan
- Kailangan na maaring iulat ang pangyayari sa publiko o sa ibang antas na pang-sarilinan
- Ang pagpapatibay at pagpapatunay ng mga bintang ay susuriin nang lubusan upang maayos na suriin ang panganib at pagiging makatotohanan
- Ang mga user na patuloy na nagpapadala ng masamang pananampalataya o hindi makatwirang mga ulat ay nanganganib na mawalan ng mga pribilehiyo sa pag-uulat
- Ang mga pinagbintangang tao ay dapat magkaroon ng access sa detalye ng mga di-umano'y paglabag na ginawa, maliban kung ang gayong pag-access ay maglalagay ng panganib o malamang na makaka-pinsala sa tagapag-suplong o sa kaligtasan ng iba.
- Ang mga mapagkukunan para sa pagsasaling-wika ay dapat ibigay ng Wikimedia Foundation kapag ang mga ulat ay ibinigay sa mga wika na ang mga itinalagang indibidwal ay hindi bihasa
Pagproseso ng mga paglabag:
- Ang mga resulta ay dapat na nakasukat (proportional) sa kalubhaan ng paglabag
- Ang mga kaso ay hahatulan sa paraang may kaalaman, na gumagamit ng konteksto, alinsunod sa mga prinsipyo ng UCoC
- Ang mga kaso ay dapat lutasin sa loob ng isang katanggap-tanggap na takdang panahon, na may napapanahong mga update na ibibigay sa mga kalahok kung ito ay matatagalan
Kalinawan:
- Kung saan naaari, ang samahan na nagproseso ng paglabag sa UCoC ay magbibigay ng pampublikong talaan ng mga kaso na iyon, habang pinapanatili ang pagkapribado at seguridad sa mga hindi pampublikong kaso
- Maglathala ang Pundasyong Wikimedia ng mga pangunahing istatistika tungkol sa sentral na kagamitang pang-ulat na minimungkahi sa Bahagi 3.2, habang ginagalang ang mga prinsipyo ng kakaunting pangongolekta ng datos at paggalang sa pagkapribado.
- Hinihikayat ang mga samahan na nagpro-proseso ng mga paglabag sa UCoC na maglathala ng mga pangunahing istatistika tungkol sa mga paglabag at pag-uulat ng UCoC sa kakayahan nila, habang ginagalang ang mga prinsipyo ng kakaunting pangongolekta ng datos at paggalang sa pagkapribado.
3.1.1 Pagbibigay ng mga mapagkukunan para sa pagproseso ng mga kaso
Ang pagpapatupad ng UCoC ng mga istruktura ng lokal na pamamahala ay aakbayan ng maraming paraan. Ang mga pamayanan ay makakapili mula sa iba't-ibang mekanismo o diskarte batay sa ilang salik tulad ng: ang kakayahan ng kanilang mga istruktura sa pagpapatupad, diskarte sa pamamahala, at mga kagustuhan ng pamayanan. Ang ilan sa mga pamamaraang ito ay maaaring kinabibilangan ng:
- Isang Arbitration Committee (ArbCom) para sa partikular na proyekto ng Wikimedia
- Isang ArbCom ang ibinahagi sa maraming proyekto ng Wikimedia
- Ang mga tagahawak ng mga mataas na karapatan na nagpapatupad ng lokal na mga patakaran na naaayon sa UCoC sa isang desentralisadong paraan
- Mga panel ng lokal na mga tagapangasiwa na nagpapatupad ng mga patakaran
- Mga lokal na kontribyutor na nagpapatupad ng lokal na mga patakaran sa pamamagitan ng talakayan at kasunduan sa pamayanan
Dapat patuloy na pangasiwaan ng mga pamayanan ang pagpapatupad sa pamamagitan ng umiiral na mga paraang hindi sumasalungat sa UCoC.
3.1.2 Pagpapatupad ayon sa uri ng mga paglabag
Ang bahaging ito ay nagdedetalye ng hindi kumpletong listahan ng iba't-ibang uri ng mga paglabag, kasama ang naaring mekanismo ng pagpapatupad na nauukol dito.
- Mga paglabag na kinasasangkutan ng anumang uri ng mga banta ng pisikal na karahasan
- Pinangangasiwaan ng Wikimedia Trust & Safety team
- Mga paglabag na kinasasangkutan ng paglilitis o legal na mga banta
- Ipapadala sa Legal team ng Pundasyong Wikimedia, o kapag naaangkop, iba pang propesyonal na maaaring sumuri ng naaangkop na katotohanan ng mga pagbabanta
- Mga paglabag na kinasasangkutan ng walang pahintulot na pagsisiwalat ng impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan
- Pangkalahatang pinangangasiwaan ng mga tagagamit na may mga pahintulot sa pangangasiwa o tagasugpo ng mga pagbabago
- Paminsan-minsan ay pinangangasiwaan ng Trust & Safety
- Ipapadala sa Pundasyong Wikimedia Legal team o kapag naaangkop, iba pang propesyonal na maaaring magsuri ng mga naaangkop na katotohanan ng kaso kapag ang paglabag na ito ay nananawagan ng legal na obligasyon
- Mga paglabag na nauugnay sa kaakibat na pamamahala
- Pinangangasiwaan ng Komite ng mga Kaakibat o naaangkop na katawan
- Paglabag sa espasyong teknikal
- Pinangangasiwaan ng Komite ng Technical Code of Conduct
- Sistemikong pagkabigong sumunod sa UCoC
- Pinangangasiwaan ng U4C
- Ang ilang halimbawa ng sistemikong pagkabigo ay kinabibilangan ng:
- Kakulangan ng lokal na kapasidad na ipatupad ang UCoC
- Pare-parehong lokal na mga desisyong sumasalungat sa UCoC
- Pagtangging ipatupad ang UCoC
- Kakulangan ng mga mapagkukunan o kakulangan ng paghahangad na tugunan ang mga isyu
- Mga paglabag ng UCoC sa wiki
- Mga paglabag sa UCoC na nangyayari sa maraming wiki: Pinangangasiwaan ng mga pandaigdigang sysop at katiwala at ng mga ahensyang humahawak sa mga palabag sa iisang wiki UCoC o pinangangasiwaan ng U4C kung saan hindi ito salungat sa mga patnubay na ito
- Mga paglabag sa UCoC na nangyayari sa iisang wiki: Pinangangasiwaan ng umiiral na kaayusang pangpapatupad ayon sa umiiral na mga alituntunin ng mga ito, kung saan hindi ito salungat sa mga patnubay na ito
- Ang simpleng mga paglabag sa UCoC tulad ng bandalismo ay dapat pangasiwaan ng kasalukuyang mga istruktura ng pagpapatupad sa pamamagitan ng umiiral na mga paraang hindi sumasalungat sa mga alituntuning ito
- Mga paglabag sa teknikal na mga lugar
- Pinangangasiwaan ng Komite sa Teknikal na Alituntunin ng Pag-uugali
- Mga paglabag sa labas ng wiki
- Pinangangasiwaan ng U4C kung saan walang lokal na istruktura ng pamamahala (hal. ArbCom) ang umiiral, o kung ang kaso ay isinangguni sa kanila ng istruktura ng pagpapatupad na kapag hindi man ay magiging responsable
- Sa ilang kaso, maaaring makatulong na iulat ang mga paglabag sa labas ng wiki sa mga istrukturang nagpapatupad ng nauugnay na lugar sa labas ng wiki. Hindi nito pinipigilan ang umiiral na lokal at pandaigdigang mga mekanismo ng pagpapatupad na umaksyon sa mga ulat
- Mga paglabag sa personal na mga kaganapan at lugar
- Ang kasalukuyang mga istruktura ng pagpapatupad ay kadalasang nagbibigay ng mga panuntunan ng pag-uugali at pagpapatupad sa mga lugarang nasa labas ng wiki. Kabilang dito ang mga patakaran sa magiliw na lugar at mga panuntunan sa kumperensya
- Ang mga istruktura ng pagpapatupad na humahawak sa mga kasong ito ay maaaring magdala sa kanila sa U4C
- Sa mga kaso ng mga kaganapan na pinamamahalaan ng Pundasyong Wikimedia, ang Trust & Safety ang magpapatupad ng patakaran sa kaganapan
3.2 Mga rekomendasyon para sa tool ng pag-uulat
Bubuo ng isang sentralisadong tool sa pag-uulat at pagproseso para sa mga paglabag sa UCoC at pananatilihin ng Pundasyong Wikimedia. Maaring gumawa ng mga ulat sa pamamagitan ng MediaWiki gamit ang tool na ito. Ang layunin ay upang mapababa ang teknikal na hadlang para sa pag-uulat at pagproseso ng mga paglabag sa UCoC.
Ang mga ulat ay dapat magsama ng may-katuturang kaalamang naaaksyunan o magbigay ng talaan ng dokumentasyon ng kasong hawak. Dapat payagan ng interface ng pag-uulat ang nag-uulat na magbigay ng mga detalye sa sinumang responsable sa pagproseso ng partikular na kaso. Kabilang dito ang kaalaman tulad ng, ngunit hindi limitado sa:
- Paano nilalabag ng iniulat na pag-uugali ang UCoC
- Sino o ano ang napinsala ng paglabag na ito sa UCoC
- Ang petsa at oras kung kailan naganap ang (mga) insidente
- Ang (mga) lokasyon ng (mga) insidente
- Iba pang kaalaman na nagbibigay-daan sa mga pangkat ng tagapagpatupad para pinakamahusay na mapangasiwaan ang usapin
Dapat gumana ang tool sa ilalim ng mga prinsipyo ng kadalian ng paggamit, pagkapribado at seguridad, pagiging naiaangkop sa pagproseso, at kalinawan.
Hindi kinakailangang gamitin ng mga indibidwal na inatasan sa pagpapatupad ng UCoC ang tool na ito. Maaari silang magpatuloy sa paggamit ng anumang mga tool na sa tingin nila ay naaangkop, hangga't ang mga kaso ay pinangangasiwaan ayon sa parehong mga prinsipyo ng kadalian ng paggamit, pagkapribado at seguridad, pagiging naiiangkop sa pagproseso, at kalinawan.
3.3 Mga prinsipyo at rekomendasyon para sa mga istruktura ng pagpapatupad
Kapag naaari, hinihikayat namin ang umiiral na mga istruktura ng pagpapatupad na gampanan ang tungkulin sa pagtanggap ng mga ulat at pagharap sa mga paglabag sa UCoC, alinsunod sa mga alituntuning nakasaad dito. Upang matiyak na ang pagpapatupad ng UCoC ay nananatiling pare-pareho sa buong kilusan, itinatagubilin namin na ang mga sumusunod na prinsipyo ng batayan ay dapat na mailapat kapag pinangangasiwaan ang mga paglabag sa UCoC.
3.3.1 Pagiging patas sa proseso
Hinihikayat namin ang mga istruktura ng pagpapatupad sa pagbuo at pagpapanatili ng tumataguyod na mga patakaran sa kasalungat ng interes. Ang mga ito ay dapat makatulong sa mga tagapangasiwa o iba pa na matukoy kung kailan dapat umiwas o huminto sa isang ulat kapag sila ay malapit na kasangkot sa usapin.
Karaniwang magkaroon ng pagkakataon ang lahat ng partido na magbigay ng kanilang pananaw, ngunit maaaring limitado ito upang maprotektahan ang pagkapribado at kaligtasan. Maaari ding kumuha ng tugon mula sa iba upang makatulong sa pagbibigay ng higit pang kaalaman, pananaw, at konteksto. Maaring higpitan ito para sa pagkapribado at kaligtasan.
3.3.2 Kalinawan ng proseso
Ang U4C, alinsunod sa layunin at saklaw nito gaya ng tinukoy sa 4.1, ay dapat tiyak na magbibigay ng dokumentasyon sa bisa ng mga aksyon sa pagpapatupad ng UCoC at ang kaugnayan nito sa karaniwang mga paglabag sa buong kilusan. Dapat silang itagyuod ng Pundasyong Wikimedia sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito. Ang layunin ng dokumentasyong ito ay tulungan ang mga istruktura ng pagpapatupad sa pagbuo ng pinakamahuhusay na mga kasanayan para sa pagpapatupad ng UCoC.
Ang mga proyekto at kaakibat ng Wikimedia, kapag naaari, ay dapat tiyak na magpanatili ng mga pahinang nagbabalangkas ng mga patakaran at mga mekanismo ng pagpapatupad alinsunod sa teksto ng patakaran ng UCoC. Ang mga proyekto at kaakibat na may umiiral na mga alituntunin o patakaran na salungat sa teksto ng patakaran ng UCoC ay dapat talakayin ang mga pagbabago upang umayon sa mga pandaigdigang pamantayan ng pamayanan. Ang pagbago o paglikha ng bagong lokal na mga patakaran ay dapat gawin sa paraang hindi sumasalungat sa UCoC. Ang mga proyekto at kaakibat ay maaaring humiling ng mga payong opinyon mula sa U4C tungkol sa maaring bagong mga patakaran o alituntunin.
Para sa mga pag-uusap na partikular sa Wikimedia na nagaganap sa nauugnay na espasyo na nakapuwesto sa mga plataporma ng ikatlong partido (hal. Discord, Telegram, at iba pa), maaaring hindi nalalapat ang mga Tuntunin sa Paggamit ng Wikimedia. Sinasaklaw ang mga ito ng mga Tuntunin ng Paggamit at mga patakaran sa pag-uugali ng partikular na platpormang iyon. Gayunpaman, ang pag-uugali ng mga Wikimedian sa nauugnay na lugar na nakapuwesto sa ikatlong partido na mga platform ay maaaring tanggapin bilang ebidensya sa mga ulat ng mga paglabag sa UCoC. Hinihikayat namin ang mga kasapi ng pamayanan ng Wikimedia na nangangasiwa sa mga kaugnay na lugar ng Wikimedia sa mga ikatlong partido na platform na iugnay ang paggalang sa UCoC sa kanilang mga patakaran. Dapat na hikayatin ng Pundasyong Wikimedia ang mga pinakamahuhusay na kasanayan para sa ikatlong partido na mga platform na pumipigil sa pagpapatuloy ng mga salungatan sa wiki sa kanilang mga lugar.
3.3.3 Mga Apela
Ang aksyong ginawa ng indibidwal na tagahawak ng mataas na karapatan ay maiaapela sa isang lokal o nakabahaging istruktura ng pagpapatupad maliban sa U4C. Kapag walang ganoong istruktura ng pagpapatupad, maaaring payagan ang isang apela sa U4C. Bukod sa kaayusang ito, maaaring payagan ng lokal na mga pamayanan ang mga apela sa ibang indibidwal na tagahawak ng mataas na karapatan.
Ang mga istruktura ng pagpapatupad ay magtatakda ng mga pamantayan para sa pagtanggap at pagsasaalang-alang ng mga apela batay sa nauugnay na impormasyon sa konteksto at mga salik na nagpapagaan. Kabilang sa mga salik na ito ang, ngunit hindi limitado sa: kakayahang mapatunayan ang mga akusasyon, ang haba at epekto ng parusa, at kapag may hinala ng pang-aabuso sa kapangyarihan o iba pang sistemikong isyu, at kapag naaring magkaaron ng susunod na paglabag. Ang pagtanggap ng apela ay hindi ginagarantiyahan.
Hindi naari ang mga apela laban sa ilang desisyong ginawa ng Legal na departamento ng Pundasyong Wikimedia. Gayunpaman, mayroong mga gawain at desisyon ng opisina ng Pundasyong Wikimedia na naisusuri ng Case Review Committee. Ang paghihigpit, at partikular na ang mga apela sa mga gawan at desisyon ng opisina, ay maaring di tumukoy sa ibang mga hurisdiksyon, kapag nagiiba ang mga kinakailangang pang-legal.
Ang mga istruktura ng pagpapatupad ay dapat humingi ng matalinong mga pananaw sa mga kaso upang makapagtatag ng batayan sa pagbibigay o pagtanggi sa isang apela. Ang kaalaman ay dapat hawakan ng sensitibo at nang may pag-iingat sa pagkapribado ng mga taong sangkot at sa proseso ng paggawa ng desisyon.
Upang makamit ang layuning ito, itinataguyod namin na dapat isaalang-alang ng mga istruktura ng pagpapatupad ang iba't-ibang salik kapag sinusuri ang mga apela. Maaaring kabilang dito ang, ngunit hindi limitado sa:
- Ang kalubhaan at pinsalang dulot ng paglabag
- Mga nakaraang kasaysayan ng mga paglabag
- Tindi ng mga parusang iniaapela
- Tagal ng panahon mula noong paglabag
- Pagsusuri sa paglabag sa pakikipag-ugnayan
- Mga hinala ng posibleng pag-aabuso sa kapangyarihan o iba pang sistematikong isyu
4. UCoC Coordinating Committee (U4C)
Isang bagong pandaigdigang komite na tinatawag na Universal Code of Conduct Coordinating Committee (U4C) ang bubuuin. Ang komiteng ito ay magiging kapantay na ahensya ng iba pang mataas na antas na mga ahensya sa paggawa ng pagpili (hal. mga ArbCom at AffCom). Ang layunin nito ay magsilbi bilang huling paraan sa kaso ng mga systemikong pagkabigo ng lokal na mga grupo na ipatupad ang UCoC. Ang pagiging miyembro ng U4C ay dapat tiyak na sumasalamin sa pandaigdigan at magkakaibang ayos ng ating pandaigdigang pamayanan.
4.1 Layunin at saklaw
Sinusubaybayan ng U4C ang mga ulat ng mga paglabag sa UCoC, at maaaring magsagawa ng karagdagang mga pagsisiyasat at gumawa ng mga aksyon kapag naaangkop. Palaging susubaybayan at susuriin ng U4C ang estado ng pagpapatupad ng UCoC. Maaari itong magmungkahi ng angkop na mga pagbabago sa UCoC at sa mga Alituntunin sa Pagpapatupad ng UCoC para isaalang-alang ng Wikimedia Foundation at ng pamayanan, ngunit maaaring hindi baguhin ang alinmang dokumento nang sarili nito. Kung kinakailangan, tutulungan ng U4C ang Wikimedia Foundation sa paghawak ng mga kaso.
Ang U4C:
- Pinangangasiwaan ang mga reklamo at apela sa mga sitwasyong nakabalangkas sa mga Alituntunin sa Pagpapatupad
- Nagsasagawa ng anumang mga pagsisiyasat na kinakailangan upang malutas ang mga nasabing reklamo at apela
- Magbigay ng mga mapagkukunan para sa mga pamayanan sa pinakamahuhusay na kasanayan ng UCoC, tulad ng kinakailangang materyales ng pagtuturo at iba pang mapagkukunan kapag kinakailangan
- Nagbibigay ng panghuling interpretasyon sa mga UCoC Enforcement Guidelines at ng UCoC kapag kinakailangan, sa pakikipagtulungan ng mga kasapi ng pamayanan at mga istruktura ng pagpapatupad
- Sinusubaybayan at tinatasa ang pagiging epektibo ng pagpapatupad ng UCoC, at nagbibigay ng mga tagubilin para sa pagpapabuti
Ang U4C ay hindi kukuha ng mga kaso na hindi pangunahing kinasasangkutan ng mga paglabag sa UCoC, o sa pagpapatupad nito. Maaaring italaga ng U4C ang panghuling awtoridad sa paggawa ng pagpipili nito maliban sa mga pagkakataon ng matitinding sistematikong isyu. Ang mga responsibilidad ng U4C ay ipinaliwanag sa konteksto ng iba pang istruktura ng pagpapatupad sa 3.1.2.
4.2 Pagpili, pagiging kasapi, at mga tungkulin
Ang mga taunang halalan, na inorganisa ng pandaigdigang pamayanan, ay pipili ng mga kasaping boboto. Ang mga kandidato ay maaaring sinumang kasapi ng pamayanan na dapat ding:
- Nakakatugon sa pamantayan ng Pundasyong Wikimedia para sa patakaran ng pagbubukas ng hindi pampublikong personal na datos at kinukumpirma sa kanilang pahayag sa halalan na sila ay ganap na susunod sa pamantayan
- Hindi kasalukuyang pinagbabawalan sa anumang proyekto ng Wikimedia o may pagbabawal sa kaganapan
- Sumusunod sa UCoC
- Natutugunan ang anumang iba pang kinakailangan sa pagiging karapat-dapat na tinutukoy sa panahon ng proseso ng halalan
Sa mga pambihirang pagkakataon, maaaring tumawag ang U4C ng mga pansamantalang halalan, kapag natukoy nito na ang mga pagbibitiw o kawalan ng aktibidad ay nakalikha ng agarang pangangailangan para sa karagdagang mga kasapi. Ang mga halalan ay isasagawa sa pormat na katulad ng sa regular na taunang halalan.
Ang indibidwal na mga kasapi ng U4C ay hindi kailangang magbitiw sa ibang mga posisyon (hal. lokal na sysop, miyembro ng ArbCom, tagapag-ugnay ng kaligtasan ng kaganapan). Gayunpaman, hindi na sila maaaring lumahok sa pagproseso ng mga kaso na direkta silang kasangkot bilang resulta ng kanilang iba pang posisyon. Pipirmahan ng mga kasapi ng U4C ang Patakaran ng Pagbubukas ng Hindi Pampublikong Personal na Datos para mabigyan sila ng karapatang buksan ang hindi pampublikong impormasyon. Dapat magpasya ang Tagabuong Komite ng U4C sa naaangkop na mga tuntunin para sa mga kasapi ng U4C.
Ang U4C ay maaaring bumuo ng mga mas mababang lupon o magtalaga ng mga indibidwal para sa partikular na mga gawain o tungkulin kapag naaangkop.
Ang Pundasyong Wikimedia ay maaaring humirang nang hanggang dalawang hindi bumobotong kasapi sa U4C at magbibigay ng mga kawani ng suporta ayon sa ninanais at naaangkop.
4.3 Mga Pamamaraan
Ang U4C ang magpapasya kung gaano kadalas ito magpupulong at sa iba pang pamamaraan sa pagpapatakbo. Ang U4C ay maaaring gumawa o magbago ng kanilang mga pamamaraan hanggang ito ay nasa loob ng kanilang saklaw. Sa tuwing naaangkop, ang Komite ay dapat kumuha ng tugon ng pamayanan sa nilalayong mga pagbabago bago ipatupad ang mga ito.
4.4 Patakaran at alinsunuran
Ang U4C ay hindi gumagawa ng bagong patakaran at hindi maaaring amyendahan o baguhin ang UCoC. Sa halip, inilalapat at ipinapatupad ng U4C ang UCoC gaya ng tinukoy ng saklaw nito.
Habang nagbabago ang mga patakaran, alituntunin at pamantayan ng pamayanan sa paglipas ng panahon, ang nakaraang mga pagpipili ay isasaalang-alang lamang hanggang sa mananatiling may kaugnayan ang mga ito sa kasalukuyang konteksto.
4.5 Tagabuong Komite ng U4C
Kasunod ng pagpapatibay sa mga alituntunin sa pagpapatupad ng UCoC, ang Pundasyong Wikimedia ay mangangasiwa ng isang Tagabuong Komite upang:
- Matukoy ang mga pamamaraan, patakaran, at paggamit ng precedent ng U4C
- Maibalangkas ang natitira sa proseso ng U4C
- Magtalaga ng anumang iba pang logistik na kinakailangan upang maitatag ang U4C
- Tumulong na mapadali ang mga paunang pamamaraan ng halalan para sa U4C
Ang Tagabuong Komite ay dapat tiyak na binubuo ng kusang-loob na mga kasapi ng pamayanan, kaakibat na kawani o mga kasapi ng lupon, at kawani ng Pundasyong Wikimedia.
Ang mga kasapi ay pipiliin ng Bise Presidente ng Community Resilience and Sustainability ng Pundasyong Wikimedia. Ang kusang-loob na mga kasapi ng komite ay dapat na iginagalang na mga miyembro ng pamayanan.
Ang mga kasapi ay dapat tiyak na sumasalamin ng pagkakaiba-iba na pananaw ng mga prosesong pagpapatupad ng kilusan na may karanasan sa, ngunit hindi limitado sa: karanasan sa pagbalangkas ng patakaran, karanasan sa paggamit ng umiiral na mga tuntunin at patakaran sa mga proyekto ng Wikimedia, partisipasyon sa paggawa ng pagpipili. Ang mga kasapi ay dapat tiyak na sumasalamin ng pagkakaiba-iba ng ating kilusan kabilang ngunit hindi limitado sa: mga wikang sinasalita, kasarian, edad, heograpiya, at uri ng proyekto.
Ang gawain ng Tagabuong Komite ng U4C ay pagtitibayin ng Pandaigdigang Konseho o ng proseso ng pamayanan na katulad ng pagpapatibay ng dokumentong ito. Kasunod ng pagtatatag ng U4C sa pamamagitan ng gawain ng Tagabuong Komite nito, dapat na buwagin ang Tagabuong Komite.
5. Talasalitaan
- Tagapangasiwa o administrador (sysop o admin)
- Tingnan ang kahulugan sa Meta.
- Tagahawak ng mataas na karapatan
- isang tagagamit na naghahawak ng mga karapatang pang-tagapangasiwa na mas mataas sa karaniwang karapatang bumago, at ay karaniwang hinahalal sa pamamagitan ng prosesong pamayanan o hinirang ng mga Arbitration Committee. Kasama dito, bilang isang hindi-kumpletong listahan: mga lokal na sysop/tagapangasiwa, mga functionary, mga pangdaigdigang sysop, at mga katiwala.
- Komite ng mga Kaakibat o Affcom
- Tignan ang kahulugan sa Meta.
- Arbitration Committee o ArbCom
- pangkat ng pinagkakatiwalaang mga user na nagsisilbing panghuling pangkat sa paggawa ng desisyon para sa ilang hindi pagkakaunawaan. Ang bawat saklaw ng ArbCom ay tinutukoy ng pamayanan nito. Ang ArbCom ay maaaring maghatid ng higit sa isang proyekto (hal. Wikinews at Wikivoyage) at/o higit sa isang wika. Para sa mga layunin ng mga alituntuning ito, kabilang dito ang Komite ng Kodigo ng Pag-uugali para sa Teknikal na mga Espasyo ng Wikimedia at pang-administratibong mga hukom. Tingnan din ang kahulugan sa Meta.
- Nagbubuklod na pandiwa
- Habang nagsusulat ng Alituntunin sa Pagpapatupad, tinuturi ng komiteng tagasulat ang mga salitang ‘gumawa’, ‘pag-unlad’, ‘dapat’, ‘ipagpatupad’, ‘kinakailangang’, ‘gumawa’, ‘dapat tiyak na’, at ‘dapat’ na nagbubuklod. Ihambing ito sa Naghihikayat na pandiwa.
- Case Review Committee
- Tignan ang kahulugan sa Meta.
- Pamayanan
- Tumutukoy sa isang pamayanan ng proyekto. Ang mga desisyon na gawa ng pamayanan ng isang proyekto ay karaniwang tinutukoy ng pagkasunduan. Tignan din: Proyekto.
- Cross-wiki
- Nakakaapekto o nagaganap sa higit sa isang proyekto. Tingnan din: Pandaigdigan.
- Tagapag-ugnay ng kaligtasan ng kaganapan
- isang tao na itinalaga ng mga taga-ayos ng isang sa personal na kaganapang kaakibat sa Wikimedia na nananagot sa kaligtasan at seguridad ng kaganapang iyon.
- Pandaigdigan
- Tumutukoy sa lahat ng mga proyektong Wikimedia. Sa kilusang Wikimedia, ang “pandaigdigan” ay isang balbal na salita na tumutukoy sa namamahalang katawan sa buong-Kilusan. Ito ay karaniwang ipinaghahambing sa “lokal”.
- Pandaigdigang sysop/tagapangasiwa
- Tignan ang kahulugan sa Meta.
- Mataas na antas na mga ahensya sa paggawa ng pagpili
- Isang grupo (i.e. U4C, Arbcom, Affcom) kung saan lampas dito ay wala nang apela. Ang ibang mga pagpipili ay maaring may ibang mataas na antas na mga ahensya sa paggawa ng pagpili. Ang katawagang ito ay hindi sinasama ang mga samahan ng tagagamit na kasapi sa isang usapan na naka-ayos sa isang noticeboard at nagtatapos sa isang pagpipili, kahit ang katapusan ng usapang ito ay hindi na maaaring maapela.
- Lokal
- Tumutukoy sa isang proyektong Wikimedia, kaakibat, o organisasyon. Ang katawagang ito ay karaniwan tumutukoy sa pinakamaliit at pingunahing namamahalang katawan na naaangkop sa sitwasyon.
- Labas ng wiki
- Karaniwang tumutukoy sa mga espasyong online na hindi ipinuwesto ng Pundasyong Wikimedia, kahit mayroong mga kasapi ng pamayanang Wikimedia na naroon at aktibong ginagamit ang espasyo. Mga halimbawa ng mga nasa labas ng wiki na espasyo ay ang Twitter, Whatsapp, IRC, Telegram, Discord, at iba pa.
- Impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan (PII)
- ay ang anumang datos na makakapag-tukoy ng isang tiyak na indibidwal. Ang kahit anong impormasyon na magagamit para maitukoy ang isang tao sa iba at nagagamit para matanggal ang pagka-anonymous ng dating anonymous na datos ay natuturing PII.
- Proyekto (proyektong Wikimedia)
- Isang wiki na pinaaandar ng WMF.
- Naghihikayat na pandiwa
- Habang nagsusulat ng Alituntunin sa Pagpapatupad, tinuturi ng komiteng tagasulat ang mga salitang ‘hinihikayat’, ‘maaari’, ‘iminumungkahi’, ‘itinatagubilin’, at ‘dapat’ na naghihikayat. Ihambing ito sa nagbubuklod na pandiwa.
- Nauugnay na mga lugar na nakapuwesto sa mga plataporma ng mga ikatlong partido
- Mga wesbite, kasama din ang mga pribadong wiki, na hindi pinaa-andar ng WMF ngunit kung saan ang mga tagagamit ay naguusap tungkol sa mga proyektong bagay na nauugnay sa Wikimedia. Karaniwan ito ay pinangangasiwaan ng mga kusang-loob na kasapi ng Wikimedia.
- Kawani
- Empleado ng at/o kawani na nakatakda sa isang organisasyon ng kilusang Wikimedia o kontratista ng isang kilusang organisasyon na ang trabaho ay kinakailangan ng pakikipag-ugnayan sa mga kasapi ng pamayanang Wikimedia o sa mga espasyo ng kilusang Wikimedia (kasama ang mga ikatlong-partido na espasyo tulad ng mga plataporma sa labas ng wiki na nakatuon sa galawan ng kilusang Wikimedia).
- Katiwala
- Tignan ang kahulugan sa Meta.
- Systemikong isyu o pagkabigo
- Isang suliranin kung saan mayroong huwaran ng pagkabigo sa pagsunod ng Universal Code of Conduct na may pakikilahok ng ilang tao, lalo na ang mga mayroong mas mataas na karapatan.
- Patakaran ng mga Aksyon ng Opisina ng Pundasyong Wikimedia
- Ang patakaran na nahahanap sa Meta o ang katumbas na sumusunod na patakaran nito.