Commons:Pagiging malambing
Ang Commons ay isang espesyal na lugar. Hindi ito katulad ng ibang wiki. Mayroon itong isang espesyal na misyon. Isa itong lugar para sa pagsasama ng mga taong nanggaling sa mga ibang wiki, magbahagi ng mga magagandang larawan, at makipagtulungan upang mairesolba ang mga problema at pagandahin lalo ang kabuuang sayt (sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga kagamitan, teknik, at karanasan). Hindi lahat ay may alam sa wika mo. Kahit Ingles...
Kaya, para panatilihin ang maayos at mapayapang Commons, kailangan mong maging malambing. Mas malambing. Huwag mong isipin na lahat ng mga tao ay naiintindihan kung saan ka galing. Baka hindi ito ang wiki-tahanan mo, at hindi lahat ng mga tao rito ay nagtatrabaho sa iisang paraan. Ang kompromiso, pagkamakatuwiran, at pagpapaliwanag ay kailangan. Tandaan: konsenso ang nagpapagana sa lahat ng mga proyekto natin.
Kaya maglaan ng oras sa pagpapaliwanag kung bakit ginawa mo ang isang pagbabago, huwag magalit kung may gustong liwanagin mula sa iyo, at huwag sumama ang loob kung hindi nila maintindihan. Magpaliwanag ulit. Maging mahinahon. Kumuha ka ng mga komento mula sa iba. Sikaping magtatag ng isang konsensus. Siguraduhin mo na lahat ay sang-ayon sa iyong mungkahi. Hindi kailangang magmadali. At huwag matakot humingi ng tulong!
Anong dapat gawin habang nandito...
- Magpahinga at masiyahan sa ilang mga kasindak-sindak na mga gawa ng iyong mga kapwa. Kamangha-mangha!
- Tumulong sa pagsasalinwika. Mayroon lagi mga bagay na kailangang isalinwika, at kung kaya mong isalinwika sa lengguwahe ng iyong wiki-tahanan, pinaganda mo ang wiki! Kung gusto mo, isalinwika mo pa ang sanaysay na ito.
- Tumulong sa pagpapabuti ng mga kagamitan. Mayroon lagi mga magagawang pagpapabuti.
- Tumulong sa backlog. Mukhang mayroon tayo lagi mga larawang hindi tayo sigurado. Maglaan ng oras sa pagtingin sa kanila at tumulong sa pagpapasya kung anong gagawin. Mayroon ding ibang mga uri ng backlog.
Anong hindi dapat gawin habang nandito...
- Huwag dalhin ang mga alitan mula sa ibang wiki. Hindi ito isang kadugtong ng mga wiking iyon. Gumawa ng bagong simula, mag-hinuha ng katapatan, at tingnan kung anong gusto ng iyong mga kapwa. Mas maganda, bakit hindi ka gumawa ng mga kaibigan dito at tumulong sa pagresolba ng alitan doon? Para sa mga problemang nakakaapekto sa maraming wiki, ang tamang lugar ay ang Meta-Wiki.
- Huwag magsimula ng away sa mga bagay na hindi mahalaga. Ang kulay ng mga bagay, mga pangalan, mga pamagat, anong wika dapat gamitin? Hindi talaga sila mahalaga sa kabuuan.
- Huwag matakot sabihin kung anuman ang nasa iyong isip. Hindi ibig sabihin ng pagiging malambing ay maging mahiyain. Kung may katwiran ka, ipaglaban mo. Basta gawin mo sa malambing na paraan.
- Huwag matakot maging madamdamin sa ginagawa mo, sa mga naitulong mo, sa paniniwala mo, at anong sa tingin mo ay dapat ayusin. Hindi ibig sabihin ng pagiging malambing ay hindi pakikialam. Hindi masamang makialam. Basta maging magalang at tandaan na baka iba ang damdamin ng iba. Hindi ito tungkol sa kung sinong tama at sino ang mali (sa tingin ng parehong panig, sila ay tama), kundi pagtatrabaho ng sama-sama at pagresolba ng mga problema bilang iisang pangkat.
Tandaan...
Ang Commons ay isang imbakan ng mga medya, kaya may espasyo para sa lahat. Kung sa tingin mo ay puwede mong pagandahin ang isang larawan, gawin mo. Hindi sulit mag-away sa kung anong dapat ang itsura ng isang larawan - mag-karga ng bagong talaksan gamit ang iyong bersyon at ikawing sa "Other versions" ng mas lumang talaksan! (i-overwrite lamang ang mga talaksan para sa mga pagpapabuting hindi pagtatalunan)
Huwag matakot na humingi ng paumanhi kung nagkamali ka, o magpasalamat kung binigyan ka ng payo - ang mga tao rito ay kadalasang mabait at matulungin, at ang mga magagandang salita ay nakakatulong sa pagtatag ng isang malakas at nagkakaisang komunidad, habang pinapanatiling masaya ang lahat.
Itutuloy... (mo, magbago ng isang pahina! wiki ito)
Para ipakita mo na ika'y malambing
Kung mahilig ka sa mga userbox, puwede mong ilagay ang {{User mellow}} sa iyong sariling pahina para maipakitang ika'y ay mahilig maging malambing:
This user stays |
Tingnan din
- W:WP:COOL - pagkakalma kung nagiging mainit ang pagbabago (mula sa Wikipediang Ingles)
- Commons:Don't be bold - Ang masyadong pagiging mangahas ay hindi malambing :)
- Commons:Not staying mellow - isang pananaw kontra rito.
- meatball:BarnRaising - Pagtutulungan para sa isang layunin.
- User:ABF/Deletion Song - Isang nakakatawang kanta tungkol sa mga tagapangasiwa ng commons
- Commons:Civility