We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 20
MAGANDANG
UMAGA! “Mga Lingo/ Terminal na ginagamit sa mundo ng Bakit kaya mahalaga na gumamit ng social media? Multi- Media “multi “media”.
marami paraang ginagamit para
makapagpadala o makapaghandog ng impormasyon. Multimedia ay nangangahulugan paggamit ng maraming paraan upang makapagpadala at makapagbahagi ng impormasyon sa ibang tao. Pagtuturo Text Pag-aaral Pictures Pag- unlad ng Audio Panitikan Video Pagbubuo ng Animation mga salita at akronim 5 Elemento ng Multimedia Text Pictures Audio Video Animation Social Media- ito ay isang internet base application at website kung saan maaari tayong bumuo magbahagi at makipagpalitan ng impormasyon o iba pang content sa publiko. Isa itong communication tool o paraan sa pakikipagusap sa iba. Social Networking Sites- modernong paraan ngayong pakikipagkaibigan ng iba’t ibang tao sa mundo dahil sa ito ay mas hightect, mas madali at higit sa lahat mas mabilis. Ito ang tulay sa atin para makamusta ang mga taong malalayo sa atin, magkaroon ng bagong kakilala at kaibigan. Ang isang makabagong ideya na nag-aalok sa ating pagkakataong makipag- ugnmayan sa isang malawak na sansinukob na tao, mga taong marahil ay bago para sa atin. Facebook- ito ay isang uri ng social networking sites na kung saan napapadali nito ang pakikipag-ugnayan at pagbabahagi sa mga kapamilya at mga kaibigan online. Twitter- ang tawag sa microblogging na serbisyong nagbibigay kakayahan sa gumagamit nito na magpdala at basahin ang mga mensahe na kilala bilang tweets. Media sharing - Isang website na nagbibigay- daan sa mga user na magbahagi ng kanilang mga multimedia file tulad ng mga larawan, bidyo at musika sa iba, Youtube- ay isang website na nagbabahagi ng mga bidyo at nagbibigay-daan para sa mga tagagagamit o user nito na mag-upload, makita, at ibahagi ang mga bidyo clip. Ang mga bidyo na ito ay maaaring husgahan; ang dami ng husga at ng mga nakanood ay parehong nakalathala. Instagram- ay isang online mobile na serbisyong photo-sharing, video-sharing at social networking na nagbibigay-pahintulot sa mga gumagamit na kumuha ng mga larawan at bidyo, at ibahagi ang mga ito sa iba't ibang plataporma ng social networking, gaya ng Facebook, Twitter at iba pa. Tiktok- ay isang social media app kung saan ang mga gumagamit nito ay malayang nakakapagpahayag ng kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagpost ng mga maiikling bidyo tungkol sa kanilang mga sarili, mga kaalaman, interes, talento at iba pa. Discussion network- ang mga gumagamit nito ay maaaring magiwan ng komento sa comment section at ang ibang gumagamit naman nito ay pwedeng magreply na dahilan para lumawak ang talakayan. Blog- Ang blog ay iba pang katawagan o pinaiksing salita para sa weblog (literal na "talaan sa web"). Isa itong websayt o sityo sa web na parang isang elektronikong talaarawan o diyornal. Karamihan sa mga tao ang makagagawa ng isang blog at, pagkatapos nito, sumulat kasunod ng blog na iyon Gawain 2 Panuto: Piliin sa kahon ang kahulugan ng mga tinutukoy sa pahayag. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. Hastag Twitter You tube Emoji
Apps Tiktok Blog Facebook Messenger
_____________1. Ito ay isang online news at social networking service kung saan ang mga user ay nag-iinterak gamit ang mga mensaheng tinatawag na "tweet" _____________2. Ito ay isang social-platform ng maikling video na pinaaandar ng musika. Maging sayaw man ito, malayang estilo o pagganap, hinihikayat ang mga tagalikha na hayaan ang kanilang imahinasyon na mamayagpag at maging malaya sa paghayag. _____________3. Ito ay isang app na dina download sa phone na nagpapangasiwa rin nang Facebook, upang makapagbigay nang mensahe sa kausap nito, ito rin ay bersyon nang Facebook upang maging madali ang pag uusap nang bawat isa. _____________4. Ito ay ang modernong pamamaraan ng pagsusulat kung saan nagbibigay ng impormasyon sa pamamagitan ng internet sa mukha ng mga artikulo na may iba't- ibang mga partikular na paksa. _____________5. Ito ay isang website na nagbabahagi ng mga bidyo at nagbibigay- daan para sa mga tagagagamit o user nito na mag-upload, makita, at ibahagi ang mga bidyo clip. Ang mga bidyo na ito ay maaaring husgahan; ang dami ng husga at ng mga nakanood ay parehong nakalathala. Takdang Aralin
Panuto: Magsaliksik ng mga
impormasyon na naidudulot ng social media sa mga kabataan.