Kasabihan o kawikaan
Halimbawa:
1. Sa panahon ng kagipitan, nakikita ang
kaibigan.
2. Ang magalang na sagot ay nakapapawi
ng poot.
3. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang
gawa.
Paano sinulat ang mga kasabihang ito? Ano
ang kahulugan ng bawat kasabihang ito?
Mapapansin na higit na tuwiran ang
pagpapahayag nito ng aral kaysa sa
salawikain. Ibig sabihin, payak lamang ang
paglalahad na ginagamit sa pagsulat ng
kasabihan dahil sa pagkakasulat pa lamang
nito, sa mga ginamit na salita, mas
madaling maunawaan ang kahulugan nito.
Kaya naman sa pagsulat ng
kasabihan, tandaan na:
-tuwiran ang pagpapahayag
-payak ang pagkakalahad
-nagtuturo ng wastong kilos at
gawi
Samantala, ang kasabihan ay ginagamit din na:
-pang-aliw - tulad ng katuwaan ng mga
naglalarong bata.
-panudyo - ginagawa ng mga bata sa kalaro
kapag nagkapikunan.
-sabi-sabi lamang o bukambibig.
-pampadulas-dila- ito’y larong pangkasanayan
dila nang lumaking hindi utal ang bata.
3. Sawikain
Halimbawa:
Positibo: Sawikain o Idyoma Kahulugan
1. kapilas ng buhay asawa
2. ilaw ng tahanan ina
3. busilak ang puso malinis na kalooban
4. bukal sa loob taos puso/tapat
5. naniningalang-pugad nanliligaw
4. Bugtong
Ang bugtong ay pahulaan sa
pamamagitan ng
paglalarawan. Binubuo ng isa
o dalawang taludtod na
maikli at may sukat at
tugma.
Suriin kung paano sinulat ang sumusunod na bugtong:
Halimbawa:
1. Kung kailan mo pinatay,
Saka pa humaba ang buhay.
Sukat : 8 sa unang taludtod
9 sa ikalawang taludtod
Tugma: katinig (malumay)
Sagot: Kandila
2. Baboy ko sa pulo,
Ang balahibo’y pako.
Sukat : 6 sa unang taludtod
7 sa ikalawang taludtod
Tugma: patinig (malumi)
Sagot: Langka
Gawain 2.
Panuto: Iugnay ang sumusunod na karunungang-bayan sa
kasalukuyang kalagayan ng lipunan. Gamitin din ito sa
sariling pangungusap.
Karunungang bayan Pag-uugnay sa Paggamit sa
kasalukuyang pangungusap
kalagayan
1. Balitang Kutsero
2. Magdilang anghel
3. Mahina ang loob
4. Matalas ang ulo
5. Makapal ang palad