Grade 11 PP Pagbasa at Pagsusuri

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 39

Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t Ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan – Modyul 1
Pagbasa Tungo sa Pagkilala
sa Paksa, Kahulugan at
Katangian ng
Mahahalagang Salita
Matapos ang modyul na ito,
inaasahang:

1. natutukoy ang paksang


tinalakay sa iba’t ibang
tekstong binasa, (F11PB-IIIa-
98);
2. natutukoy ang kahulugan
at katangian ng
mahahalagang salitang
ginamit ng iba’t
ibang uri ng tekstong binasa.
(F11PT-IIIa-88).
Subukin

Panuto: Tukuyin ang tamang


paksang angkop sa bawat
pahayag sa ibaba. Piliin
ang titik ng tamang sagot.
1. Patuloy ang pagbuhos nang malakas na
ulan kasabay ang paghagupit nang malakas
na hangin, nagbagsakan ang matataas na
punongkahoy na
sinabayan nang malalakas na kulog at
matatalim na kidlat.
a. Trahedya sa Lupa
b. Malakas na Bagyo
c. Hagupit ng Kalikasan
d. Kalikasang Nagpupunyagi
2. Ang bayan ng Orani ay binubuo ng
dalawampu’t siyam (29) na barangay. Ang
populasyon nito ayon sa census noong
nakaraang 2015 ay nasa 66,909 na katao.
Ang kanilang katutubong wika na ginagamit
dito ay Tagalog, Kapampanagan at
Marivelenyo.
a. Bayan ng Orani
b. Bayang Katutubo
c. Bayang Minamahal
d. Bayan ng mga Banal
3. Ano ang mas nauna, itlog ba o manok?
a. Itlog o Manok
b. Itlog ang Nauna
c. Manok ang Nauna
d. Ano ang mas Nauna?
4. Ang Mahalya Soap ay mabibili sa
napakamurang halaga. Ito ang sabon na
nakapuputi ng kutis ay nakakikinis pa.
Garantisadong ang kutis ay
magkakaroon ng buhay.
a. Kutis Kinesa
b. Mahalya Soap
c. Pampaputi ng Kilikili
d. Garantisadong Mahusay
5. Ang tamang pagluluto ng adobong manok
ay ilagay ang mantika sa mainit na
kawali, igisa ang bawang, isunod na ihulog
ang karne, lagyan ng toyo, paminta
at isunod ang suka, pakuluan hanggang
maluto.
a. Adobong Baboy
b. Halinang Magluto
c. Tamang Paggigisa
d. Pagluluto ng Adobong Manok
Ang Pagbasa

Ang pagbasa ay pagkilala ng mga


simbolo o sagisag na nakalimbag
at pagpapakahulugan o
interpretasyon sa mga ideya o
kaisipan na gusto ng manunulat
nailipat sa kaisipan ng mambabasa
Uri ng Pagbasa
1. Intensibong Pagbasa – ito ay
detalyadong pagsusuri ng isang teksto
batay sa kung paano ito nabuo o
isinulat ayon sa estruktura, salitang
ginamit at pagkakaugnay-ugnay ng
mga ideya.
Halimbawang Teksto (Isang Pagsusuri)
Kahalagahan ng Enerhiya
Nang maging malaya na ang ating bansa,
natunghayan natin ang mabilis na pag-unlad
nito sa ilalim ng pamamahala ng mga pinunong
Pilipino. Isa sa mga magandang pagbabagong
naganap ay ang pagkakaroon ng malawakang
paggamit ng elektrisidad- ang enerhiyang
napakahalaga para sa nagpapatakbo ng
industriyalisasyon at modernisasyon
Lubhang napakahalaga ng enerhiya o
elektrisidad. Sadyang tumitigil ang pag-ikot ng
daigdig kung walang enerhiya. Sa paglipas ng
panahon, naging mabilis ang pag-usad ng
modernisasyon at madalas na sa elektrisidad
nakadepende ang tao sa pagsasakatuparan ng
kanyang mga gawain. Kung walang kuryente,
hindi natin magagamit ang ating mga
kompyuter at cellphone.
Mapuputol ang daloy ng komunikasyon.
Maaantala ang operasyon ng MRT at LRT.
Mabubulilyaso ang andar ng mga makina at
magkakaroon ng resesyon ang maraming
industriya at mga kalakalan. Magmula pa noon,
ang mga sinaunang tao ay gumagamit ng
enerhiya. Gumagamit sila ng apoy upang
makapagluto ng pagkain sa araw-araw at
magpainit ng katawan sa taglamig. Mula noon,
nakatali na ang mga tao sa paggamit ng enerhiya.
Paano nabuo ang teksto? Ano-ano ang mga salitang
ginamit? Nakatulong ba ang mga salitang ginamit
upang matukoy ang nilalaman ng teksto?
Ang tekstong binasa ay nagsimula sa pagpapakilala ng
paksa na isinulat sa unang bahagi ng talataan.
Pagkatapos, nagbigay ito ng mga mahahalagang salita
na may kaugnayan sa paksa. Gumamit rin ito ng mga
pantulong na ideya upang higit na matukoy ng
mambabasa ang mga nilalaman ng teksto na
magpapakilala sa paksa.
2. Ekstensibong Pagbasa- ito ay pagkuha
ng mga kaalaman batay sa iba’t ibang
teksto o akda. Layunin nito ang makuha
lamang pangkalahatang ideya at
eksaktong detalye na magbibigay ng
pangkalahatang pang-unawa mula sa
binasang teksto.
Antas Ng Pagbasa
1. Primarya – pinakamababang lebel
ng pagbasa. Ito ay tumutugon sa mga
detalye ng impormasyon sa akda.
Kalimitan nito ay sumasagot sa
tanong na ano, saan, kailan at sino.
2. Mapagsiyasat- ito ay tumutukoy
sa pagbibigay ng impresyon mula sa
binasa kabilang ang panlabas na
bahagi ng teksto tulad ng pamagat,
heading at subheading. Isinasagawa
ang pagbasa upang maunawaan ang
nilalaman ng teksto.
3. Analitikal- malalim na pag-unawa
sa binasa hindi upang maunawaan
lamang ang nilalaman nito kundi
upang masuri ang akda sa mas
mapanuring pamamaraan na tutugon
sa kritikal na paraan ng pang-unawa
sa binasa.
4. Sintopikal- pinakamataas na
lebel ng pagbasa na makabubuo ng
sariling persepsiyon mula sa akda
gamit ang ibang akda na isinulat ng
mga bihasa sa kanilang akdang
isinulat.
Mga Kasanayan sa Pagbasa
1. Mabilis na Pagbasa
~Pagbasa nang may malalawak na laktaw.
~Pagtingin nang mas mabilis sa mga salita sa
loob ng akda.
~Ang napasadahan na ng tingin ay hindi na
binabalikan.
~Kinukuha o tinitingnan lamang ang mga
mahahalagang tala na gustong makuha sa
teksto.
2. Pagbasang may kasamang Pag-unawa
~Pagbasa na may kasamang pag-intindi sa
binabasa.
~Pag-unawa sa malalalim na salita upang
madaling maintindihan ang tala.
~Pagbasa nang may kasabay na pagsusuri sa
binabasa.
~Malalim na pag-iintindi sa nilalaman ng
talata.
~Higit na binibigyang pansin ang
matutuhan ang mga ugnayan ng mga
ideya at kaalamang nakapaloob sa talata.
Ayon kay Lalunio (1985), ang bilis ay
tumutukoy sa ikatatagal ng
mambabasa sa pagbabasa ng teksto. Ito ay
ang bilang ng salitang nabasa sa loob
ng isang minuto. Ang mambabasa na may
katamtamang bilis ay nakababasa ng
250 salita bawat minuto.
Ang mahusay na mambabasa nakababasa ng
500 – 600 salita bawat minuto. Ang
napakahusay na mambabasa na may bilis ay
nakababasa ng 1,000 salita bawat minuto. Ang
bilis sa pagbasa ay dapat mapag-iba-iba ayon
sa layunin ng mambabasa at kahirapan ng
binabasa.
Upang maging magaling na
mambabasa,
1. Matutong idibuho sa isip ang mga kaalaman
pilit na ikinikintal ng may akda sa
bumabasa ng kanyang akda.
2. Pag-ugnay-ugnayin ang mga konsepto at
ideyang ibinabahagi sa loob ng
akda.
3. Ang kahirapan sa pagbasa ay mawawakasan
sa pamamagitan ng komprehensibong
komprehensyon batay sa pagsangguni sa mga
babasahing makatutulong sa malawak na
komprehensyon.
4. Ang elaborisasyon at organisasyon ng mga
impormasyon o tala ay makatutulong sa
paghubog ng koneksyon ng akda sa buhay at
karanasan.
5. Bagamat iba-iba ang estilo ng mga
manunulat bawat isa ay may gustong
ipahatid sa mambabasa at iyon ay
dapat na igalang at respetuhin ng
bumabasa ng akda.
Ang pagbasa ay isang masalimuot na makrong
kasanayan na dapat malinang. Maipapakitang
nalinang mo ang iyong kahusayan sa pagbasa
sa pamamagitan ng epektibong pagtukoy sa
kahalagahan ng binabasa upang makabuo ng
isang hinuha na magagamit sa pang-araw-araw
na pakikipagtunggali sa hamonng buhay,
Mahalaga ring matutuhan ang mga aral na
nakapaloob sa akda upangmaipakita ang tunay
na layunin ng teksto sa mga mambabasa.
Ang katangian ng teksto ay tumutukoy sa
salitang naglalarawan na maaaring may
kaugnayan sa halaga (moral, mabuti, masama,
tama at mali). Maaari rin itong tumutukoy sa
bilang (marami, kaunti at iba pa).
Ito ay sumasagot sa mga katanungang
nagsisimula sa ano, sino, kailan at
saan.
Ang kahulugan naman ay tumutukoy sa
pagpapaliwanag sa depenisyon ng
isang salita.
Ang mga mahahalagang salita ay mula sa
salitang-ugat na halaga, na ang
ibig sabihin ay naglalaman ng kailanan at
kaurian ng kalidad na paliwanag mula
rito.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti
ang teksto. Sagutin ang mga
hinihinging
tanong sa ibaba.
Magdamag akong nagsusunog ng kilay upang
makapagtamo ng mataas na karunungan sa
paaralang aking pinapasukan. Hindi alintana
ang lalim ng gabi maipasok lamang sa aking
isipan ang kinang ng kaalaman na dapat
kong makuha mula rito. Ang mga asignaturang
dapat bigyan ng mas malalim na pokus ay
aking pinaglalaanan ng malaking panahon.
Paksa ng teksto _______________________
Mahahalagang salita na ginamit sa teksto
_______________________________
Katangian ng mahahalagang salita
_______________________________
Kahulugan ng mahahalagang salita
_______________________________
Gawaing Pagkatuto
 
Panuto: Sumulat ng isang teksto na
binubuo ng tatlong talata na may
tiglilimang pangungusap na
naglalaman ng mga mahahalagang
kaisipan. Lagyan ng pamagat ang
teksto
Matapos maisulat ang teksto, itala ang mga
mahahalagang salita na nakapaloob mula dito
at bigyan ito ng sariling pagpapakahalugan
Gamitin ang talahanayan sa ibaba.

You might also like