q3 Week7 Day1 Lesson

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 44

Lesson 25 Day 1

Literature:
“Mateo’s Favorite
Clothes”
Unlocking Vocabulary and Concept
Development
a. favorite
Marlon has red, blue, green and black
toy cars. Every morning he looks at his
toy cars in the cabinet. He likes them all
but the red one is his favorite. The red
toy car is the one he likes most. What
does favorite mean?
b. evacuation center
Look at the picture. What do you see? Can
you describe the weather? Where do people
go to keep themselves safe when there is a
typhoon?
c. fitting
Ask a child to come up front. Tell him to
fit each shirt on the table. As he is trying
to wear each shirt, ask the pupils what is
he doing. Guide the pupils to say that
the child is fitting each shirt.
Ask: Do you have favorite
clothes? What do you do with
them?
Ask: What do you think would
Mateo do with his favorite clothes?
Write the guesses of the pupils on
the board.
Mateo’s Favorite Clothes

One Saturday afternoon, Mateo found his Mother


getting old clothes from his cabinet.
“What are you doing, Mama?” Mateo asked.
“I’m taking your old clothes to the evacuation
center. Many children lost their clothes because
of the typhoon,“ Mother explained to him.
“But wait, Mom! They still fit me. Look,” Mateo
said after fitting on his old red shirt. “Grandma
gave this to me. It’s my favorite,” Mateo added.
Mateo tried putting on his old jacket, pairs of pants and
slippers. They still fit me. Mateo remembered who gave them
and when he received those items.
“Oh did I grow so much? I love these clothes. “Mateo told his
mother.
“Ok, you can take them back,” Mother told Mateo.
So Mateo got the box with his old shirt, jacket, pants and
slippers in it.
The next day Mother asked Mateo where the box was. She
hoped that Mateo would change his mind.
“Mama, the box was gone. I wasn’t able to take it to the
evacuation center,” Mateo said.
“Oh, what happened?” Mother asked. “On my way to the
evacuation center, I found a child who really needed some
clothes. I gave the box to him,” Mateo said.
Discussion Questions:
1. Who are the characters in the story?
2. Where did the story happen?
3. When did it happen?
4. Why did Mateo’s mother get his old clothes from the
cabinet?
5. Did Mateo give his old clothes at once? Why? Why not
6. If you were Mateo, would you also keep your favorite
clothes? Why?
7. Did Mateo change his mind?
8. What did he do with his old clothes?
9. Did Mateo make a quick and right decision about his
favorite clothes?
10. Do you have any experience similar to Mateo’s? Share it
with your classmates.
Mga Pangkat ng mga
Tao sa Rehiyon na
Kinabibilangan Ko
Ang ating bansa ay binubuo ng pangkat ng
mga taong naninirahan sa iba‟t ibang panig
nito. Nakikilala ang bawat pangkat sa kanilang
mga pagkakalilanlan. Ang grupo o pangkat ng
mga taong sama-samang naninirahan sa isang
lugar na may sariling wika, kultura, tradisyon at
paraan ng pamumuhay ay tinatawag na
Pangkat Etniko. Mayroon silang mga katangian
na kakaiba sa ibang pangkat. Ang kanilang
natatanging pagkakakilanlan ay itinuturing na
mahalagang bahagi sa kabuuan ng Kulturang
Pilipino.
MGA TAONG BUMUBUO SA MGA LALAWIGANG
TAGALOG
Ang Tagalog - ay isang malaking pangkat ng mga
tao na naninirahan sa apat na rehiyon sa bansa.
Ang National Capital Region (NCR), ang buong
Rehiyon IV CALABARZON at MIMAROPA at ilang
bahagi ng Rehiyon III.
Ang Tagalog ay nagmula sa salitang “taga-ilog”
na ang ibig sabihin ay nakatira sa baybaying ilog.
Sila ay isa sa pinakamalaking pangkat etniko sa
bansa. Ayon sa 1995 Philippine census, sila ang
tinatayang may pinakamalawak
na bilang sa bansa.
Biniyayaan ang mga Tagalog ng mayamang
lupa at dagat kaya ang pangunahing
hanapbuhay nila ay pagsasaka at
pangingisda.Tagalog ang pangunahing wika
ng mga taga-CALABARZON. Sila ay
kinagigiliwan dahil sila ay
a. masayahin, d. maawain
b. matapat, e. pala- kaibigan,
c. matatalino f. may mataas na kalinangan.
Bunga marahil ito ng lapit nila sa kabihasnan,
komersyo at pamahalaan.
MGA KATUTUBO O PANGKAT ETNIKO NA MATATAGPUAN
SA MGA
LALAWIGAN SA SARILING REHIYON
Ang mga Aeta ang
tinatayang kauna-
unahang mga taong
nanirahan sa Pilipinas.
May katangian
ng pagiging maitim ang
balat, makapal na labi,
pandak, at kulot na
buhok.
Maraming Aeta ang matatagpuan sa iba‟t
ibang bahagi ng Luzon lalo na sa Hilaga at
Silangan. Maraming tawag sa kanila;
a. Aeta, c. Ita
b. Agta, d. at Negrita.
Sa mga lalawigan ng Quezon at Rizal sila ay
tinatawag na Dumagat.
Ang pangunahing hanapbuhay ng mga Negrito
ay pagsasaka at pangangaso. Matatagpuan
sila sa kabundukan at hindi gaanong
nakakaangat sa kabuhayan dahil sa layo nila
sa kabihasnan.
IBANG PANGKAT NG MGA TAO SA REHIYON IV-A
Ayon sa Philippine Census 2010, may ilang
pangkat ng mga dayuhan ang naninirahan sa mga
lalawigan sa ating rehiyon. Ilan sa kanilang
pangkat ng mga Chinese o tinatawag na Tsino.
Halos lahat sa kanila ay mga negosyante. Meron
ding tinatawag na Indian na nanggaling sa
bansang India. Karaniwang tawag sa kanila ay
mga Bombay. Sila din ay mahilig magnegosyo.
Ang ibang pangkat ng mga tao na dumayo sa
ating rehiyon at permanentente nang naninirahan
dito ay mga Amerikano, Espanyol, Hapones at iba
pa.
Tukuyin ang mga sumusunod na mga salita na
ipinapahiwatig sa pahayag/tanong sa bawat bilang.
Tagalog Tsino Matapat
masayahin Pagsasaka Pala-kaibigan
Pangingisda Maawain Ilog
1. Ito ang pangunahing wika na ginagamit ng mga
naninirahan sa buong rehiyon ng CALABARZON?. _______
2. Ang salitang ito ay nagmula sa salitang taga-ilog na ang
ibig sabihin ay nakatira sa baybay ilog. ____________
3. Ano ang pangkat ng tao na ang karamihan (majority) ay
matatagpuan sa Rehiyon IV-A?
4-5. Ito ang pangunahing pangkabuhayan ng katutubong
pangkat sa Rehiyon IV- A CALABARZON. ___________ at
______________
CONGRUENT LINE SEGMENT
1. Drill
Buuin ang mga jumbled letters upang mabuo ang
hinihinging salita.
1.ysra - R_ _ s
2.nedipston - E_ _ P_ i _ t _
3.hdeaowarr - A _ _ o _ h _ a _s
4.eiln - L _ _e
5.inel mentseg - L _ _ e s_ _ m _ n _
6.isoptn - P_i_t_
Tukuyin ang mga sumusunod mula sa figure.
•Points
•Lines
•Line segment
•Rays
Suriin ang larawan.

Itanong:
Saan makikita ang mga line segments?
Ilang line segments mayroon ang larawan?
Ang mga mag-aaral sa ikatlong baitang ay nagkaroon ng
pangkatang gawain kung saan dalawa ang miyembro ng
bawat pangkat. Ang unang mag-aaral ay naatasang gumuhit
ng isang tuwid na linya samantalang ang ikalawa naman ay
guguhit din ng katulad ng ginawa ng unang mag-aaral.
Narito ang halimbawa ng pares ng line segment na
kanilang ginawa

Ano ang masasabi ninyo sa ginawa ng una at ikalawang


pares?
Ano naman ang napansin ninyo sa ikatlo at ikaapat na pares
Kailan masasabi na ang line segments ay equal o pantay?
Guided Practice
Ikahon ang pares na nagpapakita ng congruent line segment.
Generalization
Ang line segment ay congruent kapag ito ay may
magkaparehong haba. Upang malaman kung ang
line segment ay congruent, maaaring gumamit ng
ruler sa pagsusukat at paghahambing ng haba nito.
Sukatin at paghambingin ang bawat line
segment. Alin sa mga line segment ang
magkapareho ang haba o congruent?
PAGSUSUNOD-SUNOD NG MGA
PANGYAYARI
Pagbabaybay
Ipabaybay ang mga sumusunod na salita
gamit ang show me board
Panuto: Baybayin ang mga sumusunod na
salita.
1. naimpatso
2. nilapatan
3. pagkain
4. napasimangot
5. matakaw
pamantayan sa pakikinig
Pagganyak
Itanong:
Ano ang paborito mong pagkain?
(Hayaang magkwento ang mga bata
sa kanilang paboritong pagkain)
Babasahin ng guro ng
malakas ang kuwentong
“Ang Batang Walang Tigil
sa Pagkain
Si Tommy ay isang matabang bata. Mahilig siyang kumain ng mga kendi at
tsokolate. Hindi siya mahilig kumain ng mga gulay at masusustansiyang
pagkain. Pawang karne lamang at mga pagkaing matataba ang nais niyang
kainin.
Isang araw ay nagkasakit si Tommy at nagpatingin siya sa
doktor kasama ang kanyang ina.
"Alam mo Tommy dapat mong iwasan ang sobrang pagkain ng tsokolate,
kendi at mga pagkaing matataba. Ito ay magdudulot sa iyo ng sakit at lalo ka
lamang tataba. Ang dapat mong kainin ay gulay, isda, prutas, itlog at mga
masusustansiyang mga pagkain na magbibigay sa iyo ng lakas." ang wika
ng doktor.
Ang mga ganitong usapan ay di na pinapansin ni Tommy.
Maging sa kanilang bahay ay ganito rin ang naririrnig sa kanyang ama't ina.
Subalit sa kabila ng lahat ay hindi pa rin nagbabago si
Tommy. Nang siya ay gumaling ay patuloy pa rin siya sa pagkain. Sa loob ng
isang araw ay nauubos niya ang isang buong lechong manok na paborito
niyang ulam. Nakakaubos rin siya ng isang kahong tsokolate at isang supot
ng kendi.
Pigilan man siya ay gumagawa siya ng paraan upang makuha
ang kanyang nais kainin. Palibhasa ay mayroon silang sariling
karinderya at maliit na tindahan kaya't nangungupit si Tommy
kapag wala ang kanyang ina.
Isang araw ay muling kumain nang busog na busog si
Tommy. Dahil sa labis na kabusugan ay napadukdok siya sa mesa
at nakatulog.
Napanaginipan ni Tommy ang lahat ng mga paborito
niyang pagkain na nakahain sa isang malaking mesa.
Si Tommy ay takam na takam sa sarap ng mga nakahaing
mga pagkain. Nang kanya itong lapitan ay biglang naging halimaw
ang bawat pagkain.
Ang manok ay lumaki nang mas higit pa sa kanya at ito
ay may dalang mahabang lubid upang siya ay sakalin. Ang
tsokolate ay nagkaroon ng nakatatakot na hitsura at ito ay may
mga dalang sakit at papalapit sa kanya.
ng mga kendi ay naging insekto na lumilipad papalapit sa kanya
upang siya ay kagatin. Gayundin ang ibang matatabang pagkain
ay nagmistulang mga nakatatakot na halimaw. Ang mga ito ay
papalapit na kay Tommy upang siya ay saktan at salakayin.
"Andyan na kami. Ikaw naman ang aming
kakainin. Ha......ha....ha....ha....ha!, ang wika ng mga nakatatakot
na mga halimaw.
Si Tommy ay sigaw ng sigaw.
"Huwag maawa po kayo sa akin, huwag niyo po akong sasaktan.
Ipinapangako ko po na hindi na ako kakain ng mga
nakasasamang mga pagkain at hindi na rin po ako mangungupit
sa aming karinderya". ang pakiusap ng natatakot na bata.
Walang anu-ano ay lumapit ang kanyang ina at
ginising siya. Laking pasasalamat ni Tommy dahil panginip lang
pala ang lahat. Ngunit ang panaginip na ito ay nagturo ng
malaking leksyon kay Tommy.
Simula noon ay kumakain na si Tommy ng gulay, isda, prutas at
masusustansiyang mga pagkain. Iniiwasan na niya ang mga kendi
at tsokolate. Kumakain pa rin siya ng mga paborito niyang mga
pagkain subalit paminsan-minsan na lamang. Masayang masaya
ang ina ni Tommy sa pagbabago ng kanyang pinakamamahal na
anak.
Si Tommy ay patuloy na nagbago sa kanyang
ugali sa pagkain.
Tanong na Pang-unawa
Itanong:
1.Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
2.Paano mo ilalarawan ang tauhan sa
kuwento?
3.Ano ang nangyari sa pangunahing tauhan
sa kuwento?
4. Ano ang naging katapusan ng kuwento?
5. Kung ikaw ang bata sa kuwento tutularan
mo rin ba ang ginagawa niya? Bakit?
Gawain 1: Pagsunud-sunurin ang sumusunod:
_____Sumakit ang tiyan ni Lito.
_____Bumili ng sorbetes,tinapay,tsokolate,sitsirya at
manga
_____Agad na nilapatan ng lunas si Lito ng
kaniyang ina.
_____Nagtungo si Lito sa likod ng kanilang bakuran
at inilagay sa malaking bangko ang kaniyang mga
paboritong pagkain.
_____Hmmmmmm,ang sarap talaga,ang wika ni
Lito habang inuubos ang lahat ng pagkaing nasa
harap niya.
Gawin Mo 2
Itanong:
Ano ang ginagawa mo bago pumasok sa
paaralan.
Lagyan ng bilang 1 hanggang 5 ang mga
pangungusap.
_________ Kumain ng almusal
_________ Gumising
_________ Naligo
_________ Nagpalit ng damit
_________ Pumasok sa paaralan.
Paggamit ng mga Ekspresyon Na
Nagbibigay Dahilan sa Isyu,
Pangyayari o Balita.
Pagbabaybay

1. Ati-Atihan
2. Lamilamihan
3. Penagbenga
4. Turumba
5. Lemlunay
6. Sinulog
7. Kadayawan
8. Moriones
9. Pintados
10. Pahiyas
Pagbasa ng Pagdiriwang sa ating bansa

Dinagyang - Iloilo City, Iloilo –


Isinasagawa sa pamamagitan ng pagpadyak
ng mga paa sa saliw ng tunog ng tambol. Ito
ay napakamakulay na kaganapan na
dinadaluhan ng libu-libong mga taong
nakasuot ng makukulay na kasuotang
katutubo na sumasayaw at umaawit buong
araw at gabi
Zambulawan- Pagadian City, Zamboanga del
Sur- Ang pagkatatag ng Lungsod ng
Pagadian na nagpapakita ng pamana ng
mayamang kulturang tribong Subanon sa
pamamagitan ng mga awit, sayaw at mga
eksibit ng mga instrumentong pangmusika.

Pak'kaat Kallo- Magpet,Cotabato – Taunang


pista ng tribo ng Manobo sa pamayanan ng
Magpet bilang pagdiriwang ng masaganang
ani
Ibalong Festival - Legaspi City - Pagdiriwang
na nagpapakita ng sinaunang pinagmulan ng
Bikol na ipinakikita sa epikong “Ibalong”
tungkol sa mga makapangyarihang mga
bayaning sila Handiong, Baltog at Oryol at mga
kontrabida at mga ligaw na hayop na
gumagala noong unang panahon. Sa
pamamagitan ng musika at mga sayaw, parada
sa mga kalye na nakasuot ng mga mascara.
Kabilang din ang turismo at mga tyangge ,
paligsahan ng kagandahan at pagsasadula ng
mga bayani at kalaban sa epiko.
Pagdidiwata - Puerto Princessa, Palawan -
Pasasalamat ng mga katutubong Tagbanua
sa Palawan sa pamamagitan ng mga ritwal
na mga sayaw at paghahandog ng pagkain
sa mga anito at mga kaluluwa ng mga
namatay na kaanak.
Talakayan
1.Paano isinasagawa ang Dinagyang sa
Iloilo?
2.Saan ipinagdiriwang ang Zambulawan?
3.Anong tribo ang nagsasagawa ng Pak’kaat
Kallo?
4.Saang epiko halaw ang Ibalong Festival?
5.Anong pagdiriwang ang isinasagawa sa
Puerto Princesa, Palawan? Sa paanong
paraan?

You might also like