Soslit Reviewer

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

SOSLIT REVIEWER~

Aralin 1 – Kahulugan at Kahalagahan ng Panitikan

ANO ANG PANITIKAN?

PANITIKAN
 English – “Literature”
 Kastila – “Literatura”
 Latin – “Litera”
 Salitang ugat – Titik o Letra

Arrogante, 1983 - Ito ay talaan ng buhay.


Webster, 1947 – Ito ay Katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing
pagpapahayag, aestikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw.
G. Azarias – Ang panitikan ay nagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol sa iba't ibang bagay sa daigdig,
sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa Dakilang Lumikha.
G. Abadilla – Ang panitikan ay bungang-isip na isinatitik.
Luz A. de Dios – Ang panitikan ay mula sa mga salitang pangyayaring isinatitik at pinalamutian.
Ito'y pagpapahayag na kinapalolooban ng katotohanan at pagpapahayag sa paraang nagpaparanas sa
bumabasa ng kaisipan at damdamin ng manunulat.

KAHALAGAHAN NG PANITIKAN
 Lubos nating makikilala ang ating sarili bilang Pilipino at matatalos natin ang minana nating
yaman at talinong taglay ng ating pinagmulan.
 Mababatid natin ang kadakilaan at karangalan ng ating mga sariling tradisyon at kultura
 Mababatid natin ang pagkakatulad at pagkakaiba- iba ng katangian ng mga panitikan ng iba-
ibang rehiyon.
 Mapangalagaan natin ang ating yamang pampanitikan na isa sa ating pinakamahalagang yamang
panlipi.
 Mahuhubog natin ang magiging anyo, hugis, nilalaman at katangian ng panitikan sa kasalukuyan
na siya namang magiging sanligan ng panitikan sa hinaharap

MGA LAYUNIN AT DAHILAN


 Mababatid ng mga tao ang kanilang sariling tatak.
 Makikita ang kalakasan at kahinaan ng kanilang pag-uugali at paniniwala.
 Masasalamin ang nakaraan ng ating mga ninuno
 Matutuhang ipagmalaki ang mga bagay na kanila
 Makikita ang mga kapintasan at kagalingan ng sariling panitikan
 Mapupukaw ang marubdob na pagmamalasakit at pagpapahalaga sa sariling wika

Aralin 2 – Kasaysayan ng Panitikang Filipino sa iba’t ibang Panahon


SINAUNANG PANAHON
 Nakilala ang Baybayin o Alibata.
 Ginagamit ang kalikasan upang maipahayag ang panitikan.
 lilan na lamang ang natagpuan ng mga arkeologo
 Mga Uri ng Panitikan: Alamat, Kwentong Bayan, Epiko, Salawikain, Bugtong

PANAHON NG MGA KASTILA


 Nahalinlan ng Alpabetong Romano ang Baybayin o Alibata
 Naging bahagi ng Wikang Filipino ang maraming salita sa Kastila.
 Nagkaroon ng makarelihiyong himig ang mga akda.
 Nadala ang ilang akdang pampanitikan ng Europa at tradisyong Europeo na naging bahagi ng
ating panitikan.
 Mga Uri ng Panitikan: Awit, Corido, Moro-moro at iba pa.

MGA UNANG AKLAT


 Ang Doctrina Cristiana (1593) - Padre Juan de Placencia at Padre Dominga Nieva
 Nuestra Senora del Rosario (1602) - Padre Blancas de San Jose
 Ang Barlaan at Josaphat (nobelang Tagalog) - Padre Antonio de Borja
 Ang Pasyon - iba't ibang bersyon sa Tagalog (Mariano Pilapil, Gaspar Aquino de Belen, Anecito
de la Merced at Luis de Guia)
 Ang Urbana at Felisa - Modesto de Castro (Ama ng klasikang tuluyan sa Tagalog)

MGA AKDANG PANGWIKA:


 Arte Y Reglas de la Lengua Tagala
 Compendio de la lengua Tagala
 Vocabulario de la Lengua Tagala
 Vocabulario de la Lengua Pampango
 Vocabulario de la Lengua Bisaya
 Arte de la Lengua Bicolana
 Arte de la Lengua lloka

PANAHON NG PAGBABAGONG-ISIP
 Ang diwang maka-relihiyon ay naging makabayan at humihingi ng pagbabago sa sistema ng
pamamalakad sa pamahalaan at simbahan
 Pagpasok ng diwang liberalismo

THE GREAT TRIAMVRIATE


Jose Rizal
 Laong Laan at Dimasalang
 Noli Me Tangere, El Filibusterismo, Mi Ultimo Adios
Marcelo H. Del Pilar
 Plaridel, Piping Dilat, Pupdoh, Dolores Manapat at Siling Labuyo
 Kaiingat Kayo, Dasalan at Tocsohan
Graciano Lopez-Jaena
 Diego Laura
 Fray Botod, Sa Mga Pilipino, Honor En Pilipinas
PANAHON NG AMERIKANO
 Maalab ang diwang makabayan na hindi na magawang igupo ng mga Amerikano
 Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang iba't ibang larangan ng panitikan tulad ng tula,
kwento, dula, sanaysay, nobela atbp.
 Namayani sa panahong ito ang mga akda sa Tagalog at wikang Ingles
 Pinatigil ang mga dulang may temang makabayan
 Sa panahong ito nailathala ang babasahing Liwayway
 Nagsimula ang pelikula sa Pilipinas
 Pag-ibig sa bayan at pagnanais ng kalayaan ang tema ng mga isinusulat

Francisco Balagtas
 Prinsipe ng mga manunulang Pilipino
 Florante at Laura (awit)
 Filipino William Shakespeare
Lope K. Santos
 Ama ng Balarila
 Banag at Sikat (nobela)
 Bagong Alpabetong Pilipino
Amado V. Hernandez
 Manunulat ng mga manggagawa
 Isang Dipang Langit
 Quijano de Manila

1. El Nuevo Dia (Ang Bagong Araw)- ni Sergio Osmena (1900)


2. El Grito del Pueblo (Ang Sigaw ng Bayan)-itinatag ni Pascual Poblete (1900)
3. El Renacimiento (Muling Pagsilang) – itinatag ni Rafael Palma (1900)

PANAHON NG HAPON.
 Natigil ang panitikan sa Ingles'kasabay ng pagpatigil ng lahat ng pahayagan.
 Gintong Panahon para sa mga manunulat sa wikang tagalog.
 Ipinagbawal din ng mga Hapon ang paggamit ng wikang Ingles.
 Ang paksa ay natutungkol sa buhay lalawigan.
 Napasara ang mga sinehan at ginawa na lamang tanghalan.
 Nagkaroon ng krisis ng papel kaya hindi masyadong marami ang akdang naisulat

Liwayway Arceo
 Pangunahing mangangathang Tagalog at Filipino
 Nakasulat ng 90 nobela
 2 libong mahigit ng kuwento
 1 libong mahigit na sanaysay
 36 tomo ng iskrip sa radyo
 7 aklat ng salin, 3 iskrip sa telebisyon
 Titser, Uhaw ang Tigang na Lupa

Genoveva Edroza-Matute
 Guro
 balarilang Tagalog
 Kwento ni Mabuti - kauna-unahang gawad Palanca Award (Maikling Kwento)

TULA NA SUMIKAT SA PANAHON NG HAPON

Haiku - Hapones, 5-7-5

"The Old Pond" by Matsuo Bashō


An old silent pond
A frog jumps into the pond-
Splash! Silence again.

Tanaga - Pilipino, 7-7-7-7

Tumatawag sa langit
Sana ay 'wag ma galit
Tadhana'y makikita
Malimot pagdududa

PANAHON NG BAGONG KALAYAAN


 Sumigla muli ang panitikan sa Pilipinas
 Naging paksain ang kabayanihan ng mga gerilya, kalupitan ng mga Hapon, kahirapan ng
pamumuhay noon atbp
 Nabuksang muli ang mga palimbagang naipasara dahil sa giyera
 Sumigla rin ang pagkakaroon ng pahayagan sa mga paaralang pangkolehiyo
 Nagbukas rin ang palimbagan ng lingguhang babasahin: Liwayway, Bulaklak, Tagumpay, llang-
ilang atbp.

ILANG SAMAHANG NAITATAG PARA SA PANITIKANG FILIPINO:


 Taliba ng Inang Wika (TANIW)
 Kapisanan ng Diwa at Panitik (KADIPAN)
 Kapisanan ng mga Mandudulang Pilipino (KAMPI)

ILANG SAMAHANG NAITATAG PARA SA PANITIKANG INGLES:


 Philippine Writers Association
 Dramatic Philippines
 Philippine Educational Theater Association (PETA)
 Arena Theater
 Barangay Writer's Guild

KASALUKUYANG PANAHON
 Isa pang makulay na kabanata ng panitikang Pilipino
 Namulat ang mamamayang Pilipino sa kahalagahan ng pambansang wika
 Marami na ang sumusubok na sumulat gamit ang kanilang sariling bernakular
 Mas mayaman ang pinagkukunan ng paksang isusulat
 Malayo na rin ang naaabot ng media
 Kahit sa mga telebisyon nagbabago na rin ang wikang ginagamit
 Balbal, kolokyal at lalawiganin

KONTEMPORARYONG PANAHON (MEDIA)


 Ang wika ng panitikan sa kasalukuyang panahon
 FB, IG, twitter, vlog, at marami pang iba. ay mga salitang ginagamit ngayon sa kasalukuyan sa
ating wika at umuusbong dulot ng teknolohiya na ginagamit na rin sa mga akdang pampanitikan

KONTEMPORARYONG PANAHON
Sa panahon ngayon ay mapapansin din ang mabilis na paglaki ng mga kabataan. Mababatid na
sumasabay ang panitikan sa modernisasyon ng mundo - ito ang nagluwal ng makabagong anyo sa
pamamaraan ng pagtula, pagkukwento at iba pa.
Internet ang tinutukoy na dahilan na isa sa mga dahilan ng kawalan ng interes ng - mga mlenyal
at generation Z - sa mga panitikan dahil mas nahuhumaling ang mga tao ngayon sa mga banyagang akda
at ibang anyo ng panitikan.

Aralin 3 – Uri ng Panitikan

DALAWANG URI NG A PANITIKAN


Pasalin-Dila
 Ito ay naisalin sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao.
 Halimbawa nito ay epiko, awiting-bayan, alamat, kasabihan, salawikain at bugtong

Pasulat
 Masining na pagpapahayag gamit ang pagsulat.
 Ang panitikan ay pasulat simula pa noong matutuhan ng tao ang sistema ng pagsulat.

DALAWANG ANYO NG PANITIKAN


Patula
 Pagpapahayag ng damdamin sa pasaknong na paraan
Tuluyan/ Prosa
 Pagpapahayag ng damdamin sa patalatang paraan

MGA PATULA

PANDULAAN
 Moro-Moro - Nakasentro ang tema sa poot sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim sa simula, at
pagkakaisa at kapatiran sa huli.
 Panuluyan - Pagsasadula sa paghahanap nina Birheng Maria at San Jose ng matutuluyan.

PASALAYSAY
 Epiko - Ito ay nagsasalaysay ng hindi kapni-paniwalang kabayanihan ng isang tao.
 Awit - May lalabindalawang pantig sa bawat taludtod. Mabagal ang bigkas.
 Kurido - May wawaluhing pantig sa bawat taludtod. Mabilis ang bigkas.

PANDAMDAMIN O LIRIKO
 Pastoral - Naglalarawan ng simpleng buhay sa bukid.
 Soneto - Naglalaman ito ng labing-apat na taludtod.
 Oda - Isang tula ng paghanga o papuri sa isang bagay o tao.
 Elehiya – tula ng kalungkutan dahil sa kamatayan.
 Dalit – tulang inaawit bilang papuri sa Panginoon o sa Mahal na Birhen.

PATNIGAN
 Balagtasan – Tagisan ng talinong patula
 Batutian – sagutang patula na may halong pangungutya at pagpapatawa
 Duplo – isa ring pagtatalo at pahusayan sa pagbigkas ng tula na ginagawa sa lamayan
 Karagatan - larong patula na kadalasang ginagawa sa lamayan. Ang paksa ng karagatan ay
tungkol sa isang prisesa na nawala ang singsing sa karagatan. Nagpapasikatan ang mga binata sa
kanilang mga husay at talento (na isinasagawa sa pamamagitan ng pagtula).

MGA PROSA/TULUYAN

PIKSYON
 Nobela - Ito ay isang mahabang salaysay ng mga masalimuot na pangyayaring naganap sa isang
mahabang panahon.
 Maikling Kwento - Ito ay maikling salaysay ng isang natatangi at mahalagang pangyayari sa
buhay ng isang pangunahing tauhan. Nagtataglay ng isang kakintalan o impresyon
 Dula - Ito ay naglalarawan ng isang bahagi ng buhay sa pamamagitan ng kilos at itinatanghal sa
tanghalan.
 Pabula - Ang mga tauhan ay hayop na ang layunin ay magbigay-aral.
 Parabula - Ito ay kwentong hinango sa biblia. May taglay itong magandang kaisipan at mabuting
asal.
 Alamat - Ito ay isang salaysayin na nauukol sa pinagmulan ng mga pagay, pook o pangyayari.

DI-PIKSYON
 Kasaysayan - Ito ay akdang tumatalakay sa kasaysayan ng isang lipunan
 Balita - Isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at loob ng
isang bansa na nakakatulong sa pagbibigay alam sa mga mamamayan.
 Talambuhay - Nagsasaad ito ng kasaysayan o mahahalagang tala sa buhay ng isang tao.
 Anekdota - Isang salaysay na hango sa tunay na karanasan o pangyayari sa buhay ng tao. Ito'y
kapupulutan din ng aral.

Aralin 4 – Batayang Kaalaman sa Sosyedad o Lipunan

SOSYEDAD O LIPUNAN
 tumutukoy sa mga taong sama- samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may
iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga.
 Karl Marx (Panopio, 2007) - Ito ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo
dahil sapag-aagawan ng mga tao ng pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang
pangangailangan
 Emile Durkheim. (Mooney, 2011) - Ito ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang
mga pangyayari at Gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago.
 Charles Cooley (Mooney, 2011) - Ito ay binubuo ng tao na may magkakahawig na ugnayan at
tungkulin. Nuunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng
pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan.

ELEMENTO NG LIPUNAN
 Tao o Mamamayan – ang pinakamahalagang elemento ng lipunan na nainirahan sa isang tiyak
na teritoryo o lupang sakop ng lipunan.
 Teritoryo – Lawak ng nasasakupan ng lipunan at tirahan ng mga tao.
 Pamahalaan – Ahensiya na nagpapatupad ng mga batas at mga kautusan at nagpapahayag sa
kalooban ng lipunan.
 Soberanya – pinakamataas na kapangyarihan ng lipunan para mapatupad o mag-utos ng
kagustuhan nito sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga batas.

BUUMBUO SA LIPUNAN
 Istrukturang Panlipunan
 Kultura

MGA ELEMENTO NG ISTRUKTURANG PANLIPUNAN


 Institusyon – isang organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.
o Pamilya
o Edukasyon
o Ekonomiya
o Relihiyon
o Pamahalaan
 Social Group - Tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkatulad na katangian na
nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at binubuo ng isang ugnayang panlipunan.
 Status - tumutukoy sa Posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa lipunan.
o Ascribed Status - nakatalaga sa isang indibidwal simula nang siya ay isilang.
o Achieved Status - nakatalaga sa isang indibidwal sa bias ng kanyang pagsusumikap.
 Gampanin (Roles) – tumutukoy ang mga gampaning ito, sa mga Karapatan, obligasyon at mga
inaasahan ng lipunang kanyang ginagalawan.

KULTURA
 Isang kumplikadong Ito Sistema ng ugnayan na nagbibigay kahulugan sa paraan ng pamumuhay
ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan.
 Ito ay kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at gawi at
ang kabuuang gawain ng isang tao.
 Ito ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan.

DALWANG URI NG KULTURA


- Materyal – binubuo ng mga gusali, likhang-sining, kagamitan at iba pang mga bagay na
nakikita at nahahawakan na likha ng tao.
- Ang mga bagay na ito ay may kahulugan at mahalaga sapag-unawa sa kultura ng isang
lipunan.
- Hindi Materyal - kabilang dito ang mga batas, gawi, ideya, paniniwala at norms ng isang
grupo ng mga tao.

ELEMENTO NG KULTURA
 Paniniwala - Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at
tinatanggap na totoo.
 Pagpapahalaga/Values - Maituturing itong batayan ng isang grupo kung ano ang katanggap-
tanggap at kung ano ang hindi. Ito ang batayan kung ano ang tama at mali, kung ano ang
nararapat at hindi nararapat.
 Norms - Tumutukoy ito sa mga asal, kilos o gawi na binubuo at nagsisilbing pamantayan sa isang
lipunan
o Folkways (Right vs Wrong) - Mga simpleng nakaugalian na tama at mali sa lipunan. Pag
ito ay nilabag, maaring sumama ang tingin sayo at maari kang bahagyang maparusahan.
HALIMBAWA: Pagmumura
o Mores (Ethical vs Unethical) - May mga grupo ng tao sa lipunan na may mga sinusunod
na mga striktong paniniwala at pagpapahalaga na madalas na nakaantabay sa kanilang
relihiyon. Para sa sakanila, ang mga lumalabag dito ay maaring kamuhian at kailangan
humingi ng matinding tawad upang muli silang tanggapin sa lipunan.
HALIMBAWA: Kultura ng Muslim, Dinuguan, LGBT
o Taboo (Moral vs Immoral) - Mga bagay O gawain na kinasusuklaman ng lipunan. Mga
hindi makataong gawain. Pag ito ay ginawa ng isang indibidwal, maari itong magdulot ng
matinding kalungkutan o pandidiri ng lipunan at maari siyang mapatalsik O parusahan
ng lipunang kanyang kinabibilangan.
HALIMBAWA: Abortion
o Laws (Legal vs Illegal) - May dapat at hindi dapat gawin ng isang tao sa lipunan. Ang mga
ito ay nakasulat sa isang pormal na batas. Kapag ito ay nilabag, maari kang magmulta o
makulong.
HALIMBAWA: Pagpatay, “Bawal tumawid dito” at Pagmamaneho na lasing.
 Símbolo - Ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit nito. Kung
walang simbolo, walang magaganap na komunikasyon at hindi rin magiging possible ang
interaksyon ng mga tao sa lipunan.

You might also like