0% found this document useful (0 votes)
906 views16 pages

Q2 LE VE7 Lesson-2 Week 2

lesson exemplar gmrc 7

Uploaded by

JEMIMA BERNARDO
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
906 views16 pages

Q2 LE VE7 Lesson-2 Week 2

lesson exemplar gmrc 7

Uploaded by

JEMIMA BERNARDO
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 16

K TO 12 School CATACTE INTEGRATED SCHOOL Grade Level Grade 7

DAILY LESSON Teacher JEMIMA B. PASCUAL Learning Area Filipino


LOG
Teaching Dates and Time October 7-11, 2024 / 2:45-3:30 Quarter 2- WEEK 2

I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN

A. Mga Pamantayang Pangnilalaman Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagtupad sa mga tungkulin sa pamilya.

B. Mga Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang pagtupad sa mga tungkulin sa pamilyang kinabibilangan bilang tanda ng
pagiging matiyaga.

C. Mga Kasanayan at Layuning Pampagkatuto Nakapagsasanay sa pagiging matiyaga sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa mga kahalagahan at
kahihinatnan ng pagtupad sa sariling tungkulin sa pamilyang kinabibilangan.
1. Natutukoy ang mga tungkulin sa pamilya na nararapat tuparin.
2. Naipaliliwanag na ang pagtupad sa mga tungkulin sa pamilya ay nakapaglilinang ng mga mabuting gawi,
positibong pagtingin sa sarili, at nakapagpapatibay ng ugnayan sa pamilya.
3. Naisasakilos ang pagtupad sa mga tungkulin sa pamilyang kinabibilangan.

C. Nilalaman 1. Mga Tungkulin ng Bawat Kasapi ng Pamilya


2. Epekto ng Pagtupad sa mga Tungkulin
3. Paraan ng Pagsasakilos sa mga Tungkulin sa Pamilyang Kinabibilangan

D. Lilinanging Pagpapahalaga Matiyaga (Perseverance)

E. Integrasyon

II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO

1
Bognot, R. C. et al. (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao Ikawalong Baitang Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon. ISBN: 978-971- 9990-80-2.
Chung, W. (2021). Marriage, family, and the sex of your significant other: The case of Taiwan. Asia Research Institute (ARI), National University of Singapore.
https://ari.nus.edu.sg/ariscope/marriage-family-and-the-sex-of-your-significant-other-the-case-of-taiwan/ Evason, N. (2017). Italian Culture. Cultural
Atlas. https://culturalatlas.sbs.com.au/italian-culture/italian-culture-family

2
Forever Family (2020). Family Strengths: Clear Roles and Responsibilities. https://foreverfamilies.byu.edu/family-strengths-clear- roles-and-
responsibilities
Gagahina, B. C. (2021). Araling Panlipunan 10 Ikatlong Markahan - Modyul 1: Mga Isyu at Hamong Pangkasarian. Unang Edisyon.
https://www.studocu.com/ph/document/araullo-university/accounting-cost-and-control/ap10-q3-m1-na/13970699
Gonzales, R. (2013). Transformative Values Education Series. My Family: A Gift of God. Quezon City : Phoenix Publishing House, [Copyright
2013.] https://library.jru.edu/cgi-bin/koha/opac-detail.pl?biblionumber=179168. ISBN: 9789710633708.
Manlapaz, I. M. (w.p.). Pantay na Tungkulin ng mga Magulang sa Loob ng Tahanan. The Atlantic, Plan International, Right for Education.
https://ph.theasianparent.com/tungkulin-ng-lalaki-sa-pamilya
Mañebog, J. DG. (2023). Ang Mga Tungkulin ng Bawat Kasapi ng Pamilyang Kinabibilangan: Isang Gabay sa Pag-unawa at Pagkakaisa.
https://ourhappyschool.com/Ang-mga-tungkulin-ng-pamilya-sa-pagpapanatili-ng-kalinisan-ng-tubig
Matatag Curriculum Good Manners and Right Conduct (GMRC) (Baitang 1-6) Values Education (VE). Republic of the Philippines Department of
Education DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig City (Baitang 7-10)
Rallama, Z. V. (2008). Ang Tao: Ugat ng Pakikipagkapwa: Edukasyon sa Pagpapahalaga II. Karapatang Sipi ng 2008 ng Gabay Eskwela Publishing House.
Scroope, C. & Evason N. (2017). Chinese Culture. Cultural Atlas. https://culturalatlas.sbs.com.au/chinese-culture/chinese-culture- family
Siason, A. (2023). Kahon ng Pagpapahalaga [Lesson activity]. West Visayas State University.
Siason, A. (2023). Epekto ng Pagtupad ng mga Tungkulin Ko [Lesson activity]. West Visayas State University. Siason, A. (2023).
Lakbay-Isip sa Ibang Bansa [Lesson activity]. West Visayas State University.
Siason, A. (2023). Suriin at Pag-ugnayin Mo! [Lesson activity]. West Visayas State University.
Siason, A. (2023). Plano sa Pagsasakilos ng mga Tungkulin Ko [Lesson activity]. West Visayas State University. Siason, A. (2023).
Tseklist ng Pagsasagawa ng Tungkulin [Lesson activity]. West Visayas State University.
Villanueva, V. (2018). #ABKD: Ako Bibo Kase Dapat (Alpabeto ng Inobatibo at Makabagong Guro ng Araling Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapakatao, at
Filipino. VMV Publishing House. Makati: Bangkal.
Mga sanggunian ng larawan:
Department of Education (w.p.). nipa hut (bahay kubo) [Online image]. Learning Resource Portal.
https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/306
freepik (w.p.). Free vector hand drawn flat design salat illustration [Online image]. https://shorturl.at/ipFVX freepik (w.p.).
Collection of people reading a book [Online image]. https://shorturl.at/fiDG0
freepik (w.p.). Free vector collection of illustrated minimalist characters doing housework [Online image]. https://shorturl.at/ci048 freepik (w.p.). Free
vector family enjoying time together [Online image]. https://shorturl.at/alxP5
freepik (w.p.). Free vector ancient treasure chest with flat design [Online image]. https://shorturl.at/howS2 freepik (w.p.).
Free vector hand drawn asian family illustration [Online image]. https://shorturl.at/csFNX freepik (w.p.). Free vector big
happy family with flat design [Online image]. https://shorturl.at/rATW4 freepik (w.p.). Free vector hand drawn family scenes
illustration [Online image]. https://shorturl.at/chnyE
freepik (w.p.). Free vector hand drawn woman being jealous at couple illustration [Online image]. https://shorturl.at/agGY4

3
III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO MGA TALA sa GURO

A. Pagkuha ng UNANG ARAW- October 7, 2024 Ito ay isang modelong banghay- aralin lamang.
Dating I. Balikan Natin Maaaring baguhin ng guro ang mga gawain na
Kaalaman Gawain: Hulaan Mo! naaayon sa kasanayan na dapat malinang, sa
Panuto: Basahin ang mga kahulugan ng salita na nasa kahon at tukuyin kung anong kakayahan ng kaniyang
uri ng pamilya ang sumusunod. Isulat ang sagot sa patlang mag-aaral, at sa oras na nakalaan sa aralin.

Hulaan Mo!
Binubuo ng tatlo o higit pang henerasyon ng Maaaring magpakita rin ang guro ng larawan at
pamilya mula sa lolo at lola, mga magulang, ipahula sa mga mag-aaral bilang alternatibo sa
mga anak, at apo sa tuhod. gawaing ito.
Nagsasama ang mga magkakapatid sa isang
bubong kasama ang kani-kaniyang pamilya o
pinalawak na nukleyar na pamilya.
Ang ama at ina ang gumagabay at nagtuturo
ng mabuting asal at pagpapahalaga sa mga
anak. Kahon ng Pagpapahalaga Ang guro ay
maghahanda ng isang kahon na kawangis ng
Sagot: extended na pamilya, joint na pamilya, nukleyar na pamilya isang treasure box at malilit na piraso ng papel na
maaaring pagsulatan ng mga mag-aaral para sa
gawaing ito.
Kahon ng Pagpapahalaga
(Siason, 2023) Ang kahon ay ilalagay ng guro sa isang
Madalas ay maririnig na sinasabi ng mga Pilipinong magulang sa anak ang ganito: estratehikong lugar kung saan makikita ito ng mga
“Maaaring wala akong materyal na kayamanan na maiiwan sa’yo, pero ang aming mag-aaral upang magsilbing paalala sa kanila.
mga mabuting pangaral ay kayamanan na kailangan mo sa pag-unlad ng iyong Maaari ring
buhay. Kahit anong yaman mo sa pera o pag-aari, kung masama naman ang iyong
ugali ay hindi ka magiging masaya at lubusang magtatagumpay.”
Tanong: Kayo ba ay sang-ayon dito? Ipaliwanag ang sagot.
Ang mga birtud at pagpapahalagang ikinintal sa ating puso’t isipan ng ating pamilya
ay kayamanan na walang katumbas na halaga.

4
Anong pagpapahalaga ang natutuhan mo sa iyong gamitin ang kahon ng imbakan ng mga
pamilya na hanggang ngayon ay nagsisilbing gabay mo mahahalagang aral na natutuhan ng mga mag-
sa pagkilos ng tama at paggawa ng wastong desisyon? aaral sa mga aralin sa asignatura.
Isulat sa maliit na piraso ng papel ang nasabing
pagpapahalaga. Ibahagi sa klase kung bakit ito ay
pagpapahalagang itinuturing mo na importante sa
buhay mo. Pagkatapos ay ilagay ito sa kahon.

B. Paglalahad Gawain 1: Magaling Ako Rito! Gawain 1: Tingnan ang worksheet para sa
ng Layunin Ang pamilya ay isang mahalagang yunit sa ating lipunan. Ito ang unang paaralan aktibidad na gagawin ng mga mag-aaral Gawain:
kung saan tayo natututo ng mga aral at halaga na magbubukas ng landas sa ating Magaling Ako Rito! Maaaring dagdagan ng guro o
kinabukasan. Sa pagsusulong ng isang matatag at masayang pamilya, mahalaga na humingi ng opinyon sa mga mag-aaral hinggil sa
ang bawat kasapi ay may malinaw na kaalaman at pag-unawa sa kanilang mga iba pang bahagi ng bahay kung kinakailangan para
tungkulin. Ang bawat kasapi ay may gampanin. Tulad ng tahanan, ang bawat mas mapalawak ang kaalaman tungkol sa
bahagi’y may kahalagahan na kapag wala, tila ang mahalagang estruktura na tungkulin ng iba pang kasapi ng pamilya. Sa
tagpuan ng unawaan at pagmamahalan ay kulang pero may paraan para punan. pagtatapos ng mga gawain, mahalagang malinaw
Gawain: Kilalanin Siya! sa mga mag-aaral ang mga susing kaisipan at
Panuto: Basahin nang mabuti ang sumusunod na mga pahayag na nagpapahiwatig naipahayag ng
ng tungkulin ng bawat kasapi ng pamilya. Sa tradisyonal na estruktura ng pamilyang mag-aaral ang kahalagahan ng pag-unawa at
Pilipino, sino ang inaasahang gumawa ng sumusunod? pagsasabuhay ng mga tungkulin ng bawat kasapi
● haligi ng tahanan at lider ng pamilya Sino siya? ng pamilya.
● nagdidisiplina sa mga anak Sagot: Ama
● nagbibigay proteksiyon sa pamilya
Gawain: Kilalanin Siya! Bilang alternatibong
● nagtatrabaho at nagbibigay ng pinansyal na
pamamaraan sa pagsasagawa
pangangailangan

 nag-aalaga sa mga anak Sino siya?


 gumagawa ng gawaing-bahay Sagot: Ina
 nagbabadyet
● tumutulong sa nanay sa gawaing-bahay Sino siya?
● nag-aalaga sa mga kapatid Sagot: Ate; Anak na
Babae
● masinop sa pag-aaral

5
● tumutulong sa tatay sa mga mabibigat na Sino siya? nito, maaaring maghanda ang guro ng mga
gawain Sagot: Kuya; Anak na ginupit na larawan ng mga kasapi ng pamilya at
● nag-iigib at nagsisibak ng kahoy Lalaki ipapaskil sa mga mag-aaral sa nararapat na
kolum.
● kakampi ng mga apo Sino siya?
● kahalili ng nanay Sagot: Lola Magpabigay rin sa mag-aaral ng mga karagdagang
tungkulin ng bawat kasapi na kanilang nalalaman.
● tagapayo ng mga lalaking apo Sino siya?
● tagabuhat ng mga apo Sagot: Lolo
● halili ng tatay

● nagsisilbing nakakatandang ate Sino siya?


● hingahan ng problema ng pamangkin Sagot: Tiya
● tagaalalay sa mga pampaaralang gawain ng
pamangkin

● nagsisilbing nakakatandang kuya Sino siya?


● kaagapay ng pamangkin na lalaki sa mga Sagot: Tiyo
lakaran

Gawain: Susing Salita


Panuto: Buoin ang mga salita sa bawat kahon upang mabuo ang palaisipan.
Gamitin ang mga kahulugan sa ibaba at ang ibinigay na titik upang maging gabay
upang matukoy ng salitang hinahanap.

1. P I A

G
2. K 3. E 4. T
A

L G

6
N
N

Pahalang Pababa
1. Isang mahalagang yunit sa ating 1. Tumutukoy sa iba't ibang
lipunan at paaralan kung saan katangiang pisikal, hormonal, at
natututo ng mga aral at halaga na biyolohikal na tumutukoy sa isang
magbubukas ng landas sa indibidwal bilang lalaki, babae, o
kinabukasan o maaari silang ibang kategorya ng kasarian.
magkamag-anak sa pamamagitan Sagot: Pangkasarian
ng pagsilang sa iisang pamilya, sa 3. Tumutukoy sa proseso ng
pag-aasawa, sa pag-ampon o sa pagbabago at pag-unlad dala ng
pagsasama-sama sa iisang paglipas ng panahon.
tahanan. Sagot: Ebolusyon
Sagot: Pamilya 2. Pananagutan o responsibilidad na
2. Ideya tungkol sa/mga bagay at dapat gampanan ng isang tao.
nagmula sa mga partikular na Sagot: Tungkulin
pagkakataon at pangyayari.
Sagot: Konsepto

C. Paglinang at Kaugnay na Paksa 1: Mga Tungkulin ng Bawat Kasapi ng Pamilya at ang Kanilang Sa araling ito, gagabayan ng guro na magkaroon ng
Pagpapalalim Ebolusyon sa Paglipas ng Panahon kamalayan ang mga mag-aaral ukol sa konsepto ng
Ang pagsasagawa ng mga tungkulin ay nagbubukas ng pintuan sa mas matatag, pamilya at tungkulin ng bawat kasapi sa
masaya, at makulay na samahan ng pamilyang kinabibilangan. Ang pagiging diskursong pangkasarian at konteksto ng ibang
responsableng kasapi ng pamilya ay nakakatulong sa pagkakaroon ng balanse at bansa.
malusog na relasyon sa tahanan.
I. Pagproseso ng Pag-unawa Gawain 3: Tingnan ang worksheet para sa
Gawain 3: Kilalanin Siya! aktibidad na gagawin ng mga mag-aaral
Balikan ang gawaing Kilalanin Siya! Sa pagkakataong ito ay sagutin ang gawain na
naaayon sa konteksto ng kasalukuyan o modernong pamilya. Maaari ring sagutin ito Pagproseso ng Pag-unawa Ipaunawa sa mga
batay sa personal mo na karanasan. Pagkatapos ay sagutan ang sumusunod na mga mag-aaral na bahagi ng pagbabago ng
tanong:

1. May pagkakatulad o pagkakaiba ba sa inyong naging sagot sa pagkakataong


ito? Ipaliwanag ang sagot.

7
2. Bakit nanatiling magkatulad? Bakit mayroong pagkakaiba? panahon ay ang paghahati-hati ng mga miyembro
3. Anong mahalagang kaalaman ang nais ipahiwatig ng katatapos na gawain? ng lipunan sa diskursong pangkasarian.
Batay sa nakaugalian, lalo’t higit sa pamilyang
Pilipino, ang mga kalalakihan ang siyang
IKALAWANG ARAW- October 8, 2024 naghahanapbuhay para sa pamilya samantalang
II. Pinatnubayang Pagsasanay ang mga kababaihan naman ay nananatili sa loob
Ipabasa ang teksto sa ibaba na may kaugnayan sa aralin. Mahalagang mahasa ang ng bahay.
aspektong intelektuwal ng mga mag-aaral sa pagsagot sa mga gabay na tanong. Ngunit sa paglipas ng panahon ay kapansin-pansin
1. Sumasang-ayon ka ba na dapat ay pantay ang tungkulin na dapat gampanan na hindi na ganito ang ating pananaw hindi lamang
ng mga magulang? Ipaliwanag ang sagot. sa ating bansa gayundin sa ibang bahagi ng
2. May kabutihan bang naidudulot kung pantay ang tungkulin na ginagampanan daigdig. Samakatuwid, bunga ng pagbabago sa
ng ama at ina? lipunan, namulat ang mga tao sa mga pagbabago
3. Ano naman ang posibleng hamon o problema na kahaharapin ng pamilya ng mga gampanin hindi lamang sa kalalakihan,
kung pantay ang tungkuling ginagampanan ng mga magulang? maging sa mga kababaihan din.
Pagpapabasa ng Teksto 1: Pamilya sa Diskursong Pangkasarian
Pantay na Tungkulin ng mga Magulang sa Loob ng Tahanan Sa gawain, maaaring magdagdag ang mga mag-
Sinulat ni Irish Mae Manlapaz aaral ng kasapi ayun sa komposisyon ng
Bagama't dapat ikatuwa ng mga misis ang pagtulong ng kanilang mister sa paggawa pamilyang kinagisnan/kinabibilangan niya.
ng gawaing-bahay, hindi umano dapat nila itong pasalamatan. Sapagkat ito umano'y Magpabigay rin sa mag- aaral ng mga karagdagang
responsibilidad at tungkulin ng ama sa kaniyang pamilya na dapat ay regular niyang tungkulin ng bawat kasapi hango sa kanilang
ginagawa. Hindi lang mas magpapatibay ng pagsasama ng buong pamilya kundi pati karanasan.
na rin nilang mag-asawa.
Ang kahalagahan ng pantay na paggawa ng tungkulin na ito'y sinasabing isa sa mga
dahilan para maisalba ang isang relasyon mula sa paghihiwalay. Ayon sa isang
report, lumabas na 45% less happy ang mga misis na mas gumagawa ng gawaing-
bahay kumpara sa mga misis na tinutulungan o nakikibahagi ang mister sa gawaing-
bahay. Sinuportahan ito ng isa pang pag-aaral na isinagawa sa UK, Sweden, at US
na kung saan natuklasan na ang hindi pakikibahagi ng mga ama sa gawaing bahay
ang isa sa mga dahilan kung bakit naghihiwalay ang mga mag-asawa sa nakaraang
sampung taon. Ang pagpapakita rin ng pantay na tungkulin ng ama at ina o
magulang sa isang bahay ay makakabuti sa kanilang mga anak. Sapagkat ito ang
kanilang magiging batayan at modelo sa paghubog sa kung magiging ano at sino sila
sa lipunan. Ito ang simula para maintindihan nila na ang mga babae at lalaki ay may
pantay na karapatan na kanilang nakikita sa kanilang mga magulang. Bagama't
sinasabing may ilang gawaing-bahay na babae lang ang nakakagawa ng mabuti gaya
ng pag-aalaga ng anak, dapat ay maging pantay pa rin ang responsibilidad at

8
tungkulin ng ama at mga ina o magulang. Sapagkat ang pagwawalang bahala sa isyu
na ito ay maaaring makasira ng pamilya na akala natin ay napapatakbo natin ng
maayos at walang problema. Hindi lamang mapapadali ang mga bagay-bagay sa loob
ng bahay lalo na sa pagpapalaki ng mga anak. Sa isang pamilya at pagsasama na
mayroong pantay na responsibilidad mas nagiging malapit din ang isang mag-asawa.
Kagaya nga ng mga sinasabi ng pag-aaral, maiiwasan nito ang pagkakaroon ng lamat
sa isang relasyon. Maganda rin ito sapagkat nakakalikha sila ng isang team na mag-
asawa. Kumbaga, nagtutulungan sa lahat ng aspekto kaya naman sa ganitong
paraan mas napapadali at napapagaan ang mga gawain sa loob ng bahay.
Makakaiwas din sa mga sumbatan na kadalasan na pinagmumulan ng away ng mga
mag-asawa. Kaya naman bilang mag-asawa dapat na pinag-uusapan din ang mga
ganitong bagay. Ang mga gawain na pantay na ginagawa o ginagampanan ay
kailangang magkasamang pinagkakasunduan. Hindi ito magiging madali sapagkat
nakasanayan na sa ating lipunan na ang babae ay para lamang sa mga gawaing-
bahay. Samantalang ang kalalakihan naman ay ang magtatrabaho at magbibigay ng
mga pangangailangan ng pamilya sa usaping pinansiyal. Tandaan na hindi ito social
responsibility ng gender. Isa ka mang ama o ina wala dapat na itinatangging
tungkulin, kundi dapat parehas kayong tumutupad sa mga tungkulin bilang mga
magulang. Sa ganitong paraan din natuturuan ninyo ang inyong mga anak ng gender
equality. Maganda itong halimbawa para sa kanila na magagamit din nila sa kanilang
paglaki
Gawain 4: Iba na Ngayon sa Noon!
Mga tanong para sa talakayan: Gawain 4: Tingnan ang worksheet para sa
1. Anong pagbabago sa pampamilyang tungkulin ng babae at lalaki ang iyong aktibidad na gagawin ng mga mag-aaral
naitala? Iba na Ngayon sa Noon! Maaari itong gawin na
2. Ano ang mga salik na nagbigay-daan sa mga pagbabagong ito? isang pangkatang gawain.
3. Ano ang iyong damdamin o saloobin sa mga pagbabagong ito?
Konsepto ng Pamilya at Tungkulin ng mga Kasapi sa Konteksto ng Ibang Sa pagproseso sa mga sagot sa ikalawang tanong,
Bansa Ang mga tungkulin ng pamilya ay naaayon din sa mga kaugalian at kultura ng talakayin rin ang mga batas at programa na may
isang bansa. Ang kamalayang ito ay magbubukas ng kaisipan sa bawat mag-aaral na kaugnayan sa gender at sekswalidad para sa
tanggapin at igalang ang bawat kaibahan at pagbabagong nangyayari. Pagyamanin karagdagang kaalaman ng mga mag-aaral.
ang kaisipang ito sa tulong ng mga tampok na bansa sa tekstong babasahin.
Pagpapabasa ng Teksto 1
Pamilya sa Tsina
(Hango sa isinulat ni Scroope at Evason, 2017)

9
Ang yunit ng pamilya ay itinuturing na isa sa mga pinakasentro na institusyon. Para
sa marami, ang kanilang pamilya ay nagbibigay sa kanila ng isang pakiramdam ng
pagkakakilanlan at suporta. Ang isang asawang lalaki/ama ay inaasahang
magpakita ng pangingibabaw at kabaitan sa kaniyang asawa bilang kapalit ng
pagsunod at pagmamahal, at mag-alok ng patnubay at proteksiyon sa kaniyang mga
anak bilang kapalit ng paggalang at pagsunod. Ang buong pamilya ay inaasahang
kumonsulta sa mga nakatatanda ng pamilya tungkol sa malalaking desisyon. Bukod
dito, inaasahang pangalagaan ng mga anak ang kanilang mga magulang sa kanilang
pagtanda. Itinuturing na nakakahiya ang pagpapadala ng mga matatandang
magulang sa pasilidad ng pangangalaga sa matatanda. Sa loob ng tradisyonal na
hirarkiya ng sambahayan, ang patriyarka at tagapagbigay ng pamilya ay ang ama o
panganay na anak na lalaki. Pinanindigan siya bilang pinakahuling tagapasya, kahit
na ang ilang mga pamilya ay maaaring ipinagpaliban ang pagkonsulta sa kanilang
mga nakatatanda. Ayon sa kaugalian, ang tungkulin ng ina ay tuparin ang mga
tungkulin sa tahanan at pangangalaga sa mga anak. Extended family din ang
karaniwang nakatira kasama ang unang pamilya. Habang tinatanggap ang
pagkakapantay-pantay ng kasarian, nagagawa na ng mga kababaihan na
magtrabaho at gumamit ng awtoridad sa mga usapin ng pamilya. Sa ilang
metropolitan na lugar, tulad ng Shanghai, ang mga babae ay maaaring maging mas
nangingibabaw kaysa sa mga lalaki sa sambahayan. Bukod dito, maraming
kababaihan na naninirahan sa malalaking lungsod ang magtatrabaho upang
mapababa ang pinansiyal na pasanin sa kanilang asawa. Gayunpaman, mayroon pa
ring agwat ng kasarian sa pulitika at negosyo. Ang mga kababaihan ay madalas ding
inaasahang mag-aalaga sa mga bata at sambahayan. Ang ilan sa mga kultura sa
Tsina ay nabubuhay ayon sa isang matriyarkal na estruktura ng pamilya, na ang
mga babae ang pinuno ng sambahayan at ang pangunahing gumagawa ng desisyon.
Pagbabasa ng Teksto 2
Pamilya sa Italya
(Hango sa isinulat ni Evason, 2017)
Ang pamilya ang pinakamahalagang aspekto ng buhay ng isang Italyano. Nagbibigay
ito ng emosyonal at pang-ekonomiyang suporta sa indibidwal at kadalasang
nagiging batayan ng kanilang mga social circles. Ang mga magulang na Italyano sa
pangkalahatan ay may maraming awtoridad sa kanilang mga anak sa buong buhay
nila. Karamihan sa mga Italyano ay naghahanap ng awtonomiya at kalayaan, ngunit
dahil sa pang-ekonomiyang kalagayan ng bansa, marami ang nananatili sa bahay
nang maraming taon hanggang sa kanilang pagtanda. Dumating din ang panahon sa

10
Europa na ang mga anak ay nagsilisan sa tahanan ng kanilang mga magulang.
Subalit, kahit na lumayo ang mga anak, nanatili pa ring matibay ang ugnayan ng
pamilya. May malalim na paggalang sa matatandang miyembro ng pamilya sa
kulturang Italyano. Ang matatandang miyembro ng pamilya ay lubos na nakatuon
sa kanilang mga anak at apo. Ang kanilang pangangalaga ay may pag-asa na
susuportahan at tutulungan sila ng kanilang mga anak sa buong pagtanda sa
susunod na buhay. Iniiwasan ang residential care maliban kung walang ibang
pagpipilian ang pamilya. Kahit na noon, ang mga nursing home ay madalas na
tinitingnan nang negatibo at ang mga matatandang Italyano ay maaaring labanan na
ilagay sa isa sa pamamagitan ng paglalapat ng moral na panggigipit at pagkakasala
sa kanilang mga anak. Ang mga babaeng Italyano ay hinihikayat na maging malaya
at matapang mula sa murang edad. Kilala sila sa kanilang pagtitiwala, bagaman ang
mga personal na katangian ay nag-iiba sa isang indibidwal na batayan. Ang mga
panlipunang saloobin ay nagbabago, ngunit maaari pa rin silang magpakita ng mga
paghihirap para sa pag-unlad ng karera ng kababaihan dahil maaaring hindi sila
seryosohin. Nahaharap din sila sa iba pang hamon sa lugar ng trabaho, tulad ng mas
mababang sahod at kagustuhan para sa mga lalaking empleyado sa ilang sektor.
Habang ang mga lalaki at babae ay may pantay na karapatan sa batas, ang lipunan
ay higit sa lahat ay pinangungunahan ng mga lalaki. Sa loob ng dinamikong pamilya,
ang lalaki ay karaniwang ang patriyarka at itinuturing na pangunahing kumikita.
Ayon sa kaugalian, ang isang babae ay inaasahang gampanan ang mga tungkulin ng
pag-aasawa at pagiging ina. Ngayon, karamihan sa mga babaeng Italyano ay
tumatanggap ng mataas na antas ng edukasyon at trabaho upang mag-ambag sa
kita ng sambahayan; gayunpaman, inaasahan pa rin silang maging responsable para
sa karamihan ng mga tungkulin sa bahay.
Lakbay-Isip sa Ibang Bansa Para mapagyaman
Alamin at Ibahagi Mo! pa ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa
Lakbay-Isip sa Ibang Bansa konsepto ng pamilya at tungkulin ng mga kasapi sa
(Siason, 2023) konteksto ng ibang bansa, ang guro ay magbibigay
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng pananaliksik tungkol sa konsepto ng pamilya sa ng isang pananaliksik na gawain sa mga mag-aaral.
iba pang mga bansa. Maaari nilang piliin ang bansang nais nilang bisitahin balang
araw para mas mapukaw pa ang kanilang interes sa pagsasagawa ng gawaing ito.
Gawing batayan ang pormat. Bigyan ng pagkakataon na maibahagi ito ng mga mag-
aaral sa klase.
Halimbawa:
Bansa: Pilpinas

11
Estruktura ng Pamilya:
● Extended family; Close-knit
● Kadalasan ay pinamumunuan ng ama
Mga Kasapi Tungkulin
Ama ● Naghahanap-buhay
● Tagapagtanggol ng pamilya

Mga tanong para sa talakayan:


1. Base sa mga pagbabahagi ng iyong mga kaklase at nabasa na teksto, ano-ano
ang mga pagkakatulad o pagkakaiba ng mga tungkulin ng mga kasapi ng
pamilya sa ibang bansa ang iyong napansin?
2. Kung ikaw ang papipiliin, sa anong konsepto ng pamilya ang iyong
napupusuan? Ipaliwanag ang sagot.
3. Bakit mahalagang malaman ang konsepto ng pamilya sa iba’t ibang bansa?

IKATLONG ARAW- October 9, 2024 Gawain 6: Tingnan ang worksheet para sa


III. Paglalapat at Pag-uugnay aktibidad na gagawin ng mga mag-aaral
Gawain 6: Suriin at Pag-ugnayin Mo!
(Siason, 2023) Paglalapat at Pag-uugnay Ang guro ay maaaring
magdagdag pa ng situwasyon na susuriin ng mga
Kaugnay na Paksa 2: Epekto ng Pagtupad sa mga Tungkulin sa Sarili at sa Pamilya mag-aaral.
I. Pagproseso ng Pang-unawa
Bawat tao ay may tungkulin na dapat gampanan at isakatuparan. Tulad ng isang
puno, dapat matatag ang samahan ng bawat isa. Ang pagganap nang maayos sa
mga tungkulin ay may makatutulong sa pagbabago at pagpapaunlad ng ating sarili
at ng ating pamilya, gayundin sa pagpapalago ng ating lipunan. Ano kaya ang
mangyayari kung hindi mo nagawa ang iyong tungkulin bilang isang anak at mag-
aaral? Nakikita mo ba ang magiging epekto nito sa iyong sarili, sa pamilya mo, o sa
lipunan?

II. Pinatnubayang Pagsasanay


Epekto ng Pagtupad ng mga Tungkulin
Sa bawat pagtakbo ng panahon unti-unting nayayanig at nawawasak ang isang
tahanan kung ang pagiging makasarili ng iilan ang mangingibabaw. Mahalagang

12
turuan ang sarili na magkaroon ng matiyagang pagtupad sa tungkulin para mas
lalong maging matatag ang relasyon sa pamilya. Ang pagtupad sa ating mga
tungkulin ay may mas malalim at positibong epekto sa ating buhay na naglilinang
ng magagandang gawi at disiplina sa sarili. Pinapalawak nito ang mga kasanayan
sa pagpaplano at pagtatakda ng layunin na humahantong sa personal na paglago
at tagumpay para sa matibay na samahan at ugnayan sa pamilya tungo sa isang
matatag na lipunan.
Gawain 7: Tukuyin at Suriin
Mga tanong sa talakayan:
1. Bakit mahalagang maisakatuparan mo ang iyong mga tungkulin?
2. Ano ang epekto ng paggiging responsable mo sa pagtupad ng iyong tungkulin
sa
a. iyong sarili?
b. iyong pamilya?
c. lipunan?
3. Anong pagpapahalaga ang iyong nahuhubog sa sarili kung ikaw ay matapat
at matiyagang nagsasagawa ng iyong tungkulin?

III. Paglalapat at Pag-uugnay Gawain 8: Tingnan ang worksheet para sa


Gawain 8: Pagsusuri ng Situwasyon aktibidad na gagawin ng mga mag-aaral

IKAAPAT NA ARAW- October 10, 2024


Kaugnay na Paksa 3: Paraan ng Pagsasakilos sa mga Tungkulin sa Pamilyang
Kinabibilangan Gawain: Roleta ng Kaalaman Ang guro ay maaari
I. Pagproseso ng Pang-unawa pang magdagdag ng mga katanungan na
Roleta ng Kaalaman makakatulong sa pagproseso ng pang-unawa ng
Panuto: Maghanda ng roleta, tradisyonal o makikita sa kompyuter. Siguraduhin ng mga mag-aaral.
guro na ang lahat ng pangalan ng mga mag-aaral ay makikita sa roleta. Paiikutin
ang roleta at ang tatapatang pangalan ay siyang sasagot sa tanong. Hingan ng
maikling paliwanag ang bawat sagot.
1. Ano ang mahalagang tungkulin mo sa pamilya na dapat sundin?
2. Sa mga tungkulin mayroon ang mga kasapi ng iyong pamilya, ano ang
pinakamadali?
3. Sa mga tungkulin mayroon ang mga kasapi ng iyong pamilya, ano ang
pinakamahirap?

13
4. Sa mga miyembro ng iyong pamilya, sino ang pinakamasunurin sa pagsunod ng
nakatalagang gawain?

II. Pinatnubayang Pagsasanay


Gawain: Tungkulin Ko, Gagawin Ko!
Plano sa Pagsasakilos ng mga Tungkulin Ko (Siason, 2023)
Ang hindi pagtupad sa tungkulin ng isang kasapi ay maaaring makaapekto sa
ugnayan ng pamilya. Bilang anak, mainam na maisagawa mo nang maayos ang
mga nakaatang na responsibilidad. Gawain 9: Tingnan ang worksheet para sa
Gawain 9: Plano sa Pagsasakilos ng mga Tungkulin Ko aktibidad na gagawin ng mga mag-aaral
Gawain: Pagnilayan Mo!
Ano ang kabutihang naidudulot ng pagsasagawa nga mga tungkulin ng bawat
kasapi ng pamilya upang: Gawain 10: Tingnan ang worksheet para sa
a. maitaguyod ang mabuting gawi? aktibidad na gagawin ng mga mag-aaral
b. malinang ang positibong pagtingin sa sarili?
c. mapagtibay ang ugnayan sa pamilya? Gawain: Tularawan
Ang guro ay maaaring magdagdag ng mga larawan
III. Paglalapat at Pag-uugnay ayon sa bilang ng mga pangkat.
Gawain 10 : Tularawan
Isang estratehiya na pangunahing ginagamit ang ugnayan ng tula at larawan upang
magbigay-kabuluhan sa natutuhan mula sa aralin. Hatiin sa maliit na pangkat ang
mga mag-aaral.

D. Paglalahat I. Pabaong Pagkatuto Mas Malinaw na Ngayon! Mahalagang malagom


Gawain: Mas Malinaw na Ngayon! ang kaalaman ng mga mag-aaral para mas maging
Panuto: Dugtungan ang mga sumusunod na pahayag upang makabuo ng handa sa mga
pangkalahatang kaalaman tungkol sa aralin. susunod pa na mga aralin o
1. Ang bawat kasapi ng pamilya ay . paksang pag-aaralan.
2. Ang pagsasagawa ng tungkulin nang maayos ay nagdudulot ng . Gawain 11: Tingnan ang worksheet para sa
3. Nararapat na ang mga anak na tulad ko ay . aktibidad na gagawin ng mga mag-aaral

II. Pagninilay sa Pagkatuto


Gawain 11: Pangako Ko!

14
IV. EBALWAYSON NG PAGKATUTO: PAGTATAYA AT PAGNINILAY MGA TALA sa GURO

A. Pagtataya Gawain 12: Tayain ang Sarili!- October 11, 2024 Gawain 12: Tingnan ang
Mga Kasapi ng Pamilya at Kanilang Tungkulin worksheet para sa aktibidad na
gagawin ng mga mag-aaral
Tseklist ng Pagsasagawa ng Tungkulin (Siason, 2023) Mga Kasapi ng Pamilya at Kanilang Tungkulin
Gawain 13: Tseklist ng Pagsasagawa ng Tungkulin Ang guro ay maaaring magdagdag pa ng mga
larawan ng kasapi ng pamilya na naaayon sa
Gawaing Pantahanan/Takdang-Aralin nalaman niyang estruktura ayon sa personal na
Gawain 14: Simbolo ng Pamilya Ko, Iguguhit Ko! konteksto ng mga mag-aaral.
Gawain 13: Tingnan ang

worksheet para sa aktibidad na


gagawin ng mga mag-aaral
Tseklist ng Pagsasagawa ng Tungkulin
Maaaring magdagdag ang mga mag-aaral ng
personal na tungkulin na inaasahan ng kaniyang
pamilya na dapat niyang gampanan.
Gawain 14: Tingnan ang

worksheet para sa aktibidad na


gagawin ng mga mag-aaral
Simbolo ng Pamilya Ko, Iguguhit Ko
Sa gawaing ito, bibigyan ng guro ng tagubilin ang
mga mag- aaral na magdala ng mga kagamitang
pansining tulad ng bond paper, pangkulay, at
lapis.

15
B. Pagbuo ng Itala ang naobserhan sa
Epektibong Pamamaraan Problemang Naranasan at
Anotasyon pagtuturo sa alinmang
Iba pang Usapin
sumusunod na bahagi.

Estratehiya

Kagamitan

Pakikilahok ng mga Mag-


aaral

At iba pa

C. Pagninilay Gabay sa Pagninilay:

▪ Prinsipyo sa pagtuturo
Anong prinsipyo at paniniwala ang naging bahagi ng ginawa sa aralin?
Bakit dapat ituro ang aralin sa paraang aking ginawa?

▪ Mag-aaral
Anong gampanin ng mga mag-aaral sa aralin?
Ano at paano natuto ang mga mag-aaral?
▪ Pagtanaw sa Inaasahan
Ano ang aking nagawang kakaiba?

Ano ang maaari kong pang gawin sa susunod?

Prepared by: Checked by: Noted by:

JEMIMA B. PASCUAL ARNEL S. SANTOS ROCKY C. MEJIA


Teacher I Master Teacher I Head Teacher III

16

You might also like