0% found this document useful (0 votes)
50 views5 pages

Activity KomPan Week 3

Konseptong pangwika

Uploaded by

Princess Isar
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
50 views5 pages

Activity KomPan Week 3

Konseptong pangwika

Uploaded by

Princess Isar
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 5

Panuto: Pag-aralan ang ilustrasyon. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Bakit ang bilog na kumakatawan sa sarili ay nasa gitna ng bilog na


kumakatawan Sa mga konseptong pangwika?

a. Wika ang daan sa pakikipag-ugnayan sa tao at kailangang


may kaalaman Din sa mga konsepto nito
b. Isinilang ang tao na may wika na magiging daan sa pakikipag-
ugnayan sa Kapuwa
c. Malaki ang kaugnay ng wika sa sarili para makipag-usap sa
ibang tao
d. Nakapaloob ang wika sa sarili

2. Anong konsepto ang mga rehiyunal na wika?


a. Wikang sarili
b. Unang wika
c. Rehistro ng wika
d. Ikalawang wika

3. Kung ang isang tao ay maraming wikang sinasalita, ano ang tawag
sa kaniya?
a. Monolingguwal
b. Bilingguwal
c. Multilingguwal
d. Nolingguwal

4. Ano ang isang mahalagang pagkakakilanlan ng isang lahi?


a. Simbolo
b. Wika
c. Kilos
d. Bansa
5. Ano ang pinakamahalagang gamit ng wika?
a. mayroong simbolo ang bansa
b. nakikilala ang tao
c. ginagamit sa pagsasalita
d. ginagamit sa pakikipag-ugnayan

6. Wika na kadalasan ay nagmula o sinasalita sa loob ng tahanan.


a. Dayalek
b. Etnolek
c. Idyolek
d. Ekolek
7. Nagkita sa isang tindahan ang dalawang magkaibigan sa kanilang
barangay. Nasambit ng isa ang ganit, “Wow Pare, ang tindi ng tama
ko… heaven.”
a. Sosyolek
b. Dayalek
c. Idyolek
d. Etnolek
8. Sa iyong sariling palagay, bakit napapabilang ang barayti ng wikang
Jargon ang mga termino tulad ng account, balance, diagnosis at test
paper?
a. Sapagkat ito ay may kaugnayan sa iba’t ibang hanapbuhay o
larangan
b. Sapagkat ito ay mula sa etnolingguwistikong grupo
c. Sapagkat ito ay mula sa isang partikular na grupo
d. Sapagkat ito ay wikang hindi pag-aari ninuman
9. Sir, gamit mo ba lesson plan o daily log? Ma’am sa dami nating
gawain bilang adviser malaking bagay na daily log na ang gagamitin
ko.
a. Idyolek
b. Sosyolek
c. Rehistro
d. Dayalek

10. Ang chaka naman ng damit mo! Waley inggit ka lang.

a. Idyolek
b. Sosyolek
c. Rehistro
d. Dayalek
11. Bago ang tsikot ng erpat mo, ibig sabihin marami kayong
datung.
a. Idyolek
b. Sosyolek
c. Rehistro
d. Dayalek
12. Ayon sa panukalang batas ni Sen. Pia Cayetano, hindi
nararapat na bigyanghalaga ang edad sa pagtanggap ng isang
empleyado sa isang tanggapan o isang pagawaan.
a. Idyolek
b. Sosyolek
c. Rehistro
d. Dayalek
13. “Bibigyan kita ng reseta para gumaling ang iyong sakit.”

a. Idyolek
b. Dayalek
c. Sosyolek
d. Rehistro
14 Ang banas naman dito sa lugar ninyo Mare, samantalang sa
amin ay Napakaaliwalas.
a. Dayalek
b. Idyolek
c. Rehistro
d. Sosyolek

15.Tumutukoy ito sa punto o paraan ng pagsasalita ng isang tao.

a. Barayti
b. Idyolek
c. Register
d. Sosyolek

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat sa patlang ang letra
ng tamang Sagot

_____1. “Sir, na-encode ko na po yung report at ise-send ko na lang sa Fb.”


Anong Domeyn ang makikita sa rehistro ng wikang ipinahayag?

a. Agrikultural. b. Edukasyon
b. Computer. d. Pang-agham

_____2. Saan madalas marinig ang ganitong usapan?

“Tingnan mo sa faculty, baka naandoon si Ma’am.”

a. Paaralan b. Opisina
b. Bangko d. Kongreso

____3. “Tigang na ang lupa, kailangan itong bungkalin at sakahin.”

a. Barbero. d. Magsasaka
b. Pulis. d. Empleyado

____4. “Chief, magsasampa po ako ng reklamo, pang-eestapa.”

a. Eskuwela b. Tailoring
b. Restawran d. Presinto

____5. “Normal naman, Dok, ang vital signs nya. Okay naman ang heart
beat.”
a. Bahay. b. Ospital
b. Presinto. d. Bangko

Dayuhan

Ni Ana Marie Josue

Madaling nakasakay si Lani sa pampasaherong bus na dumaan sa tapat


ng kanilang trangkahan. Nakaupo siya sa bandang gitna ng bus, kahit
maaga pa ay halos mapupuno na rin ang bus. Nasa bandang Bacoor na
ang sasakyan nang may sumakay na Amerikano na kasama ang isang
Pilipino. Sa kabutihang palad, dahil walang katabi sa upuan si Lani at puno
na ang mga upuan, sa tabi niya naupo ang Amerikano. Hindi naman ito
pansin ni Lani. Maya-maya’y kinausap siya ng Amerikano.

“Hi!, saan ba ang uniporme na yan?” itinuro ang uniporme ni Lani.Medyo


nagulat si Lani. Matatas ang pagsasalita ng Filipino ng Amerikano. Walang
bahid ng pagka-slang. Bawat tanong ng Amerikano sinasagot ni Lani. Puro
tanong na nasa wikang Filipino. Pagdating sa Baclaran, tatayo na ang
lalaki para bumaba. Nagtanong si Lani, “ilan taon na po kayo sa Pilipinas?”
Sumagot ang Amerikano, “dalawang taon na.”

Panuto: Sagutin ang tanong. Isulat ang sagot sa laang patlang.

1. Ano ang wikang ginamit sa pag-uusap ng Amerikano at Pilipino?


______________________

2. Ano ang maaring dahilan nang pagiging matatas ng Amerikano sa


wikang Filipino ? _________________

3. Ano ang kakaibang karanasan mo na may kaugnayan sa konsepto ng


wika? _________________

Tukuyin at isulat sa inyong sagutang papel kung TAMA o MALI ang


pahayag.

1. Ang komunikasyon ay nagsisimula sa sarili.


2. Ang hanapbuhay ay isang salik na tumutukoy sa saang lugar,
pook, o bayan Na ginagamit ang wika.
3. Ang homogeneous at heterogeneous na wika ay iisa.
4. Komunikasyon ang pundasyon ng personal na relasyon ng
isang tao sa Kanyang kapuwa.
5. Ang komunikasyon ay hindi nangangailangan ng proseso.

You might also like