0% found this document useful (0 votes)
33 views8 pages

Ortographiya

big thanks
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
33 views8 pages

Ortographiya

big thanks
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 8

Ang salitang "ortograpiya," ay nagmula sa Kastila na ortografia.

Na mula naman sa Latin na ortographia,


nabuo mula sa Griyego na ortho ("wasto") + graphia("pagsulat", o "sumulat”).

-Sa madaling salita, ito ang nagtatakda kung paano isinusulat nang tama ang mga salita upang
masiguro ang pagkakaintindihan ng mga nagsasalita at nagsusulat ng wika.

Ito ay sining ng pagsulat na mga salita na may kawastuhan sa paggamit ng mga titik alinsunod sa
wastong gamit at pagbaybay. Ang Filipino, naman ang wikang nilinang katuwang ang iba't ibang wika at
wikain na umiiral sa Pilipinas.

-Sa madaling salita, ang ortograpiya ay ang tamang pagsulat ng mga salita, habang ang Filipino ay
isang wikang umuunlad sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng iba't ibang wika at dialekto sa
Pilipinas.

Ang Estandardisasyon, naman ay proseso na kinakailangan upang may unipormidad ang isang wika para
sa malawakang pagtanggap at paggamit.

-Ang estandardisasyon ay proseso ng paglikha ng unipormidad sa isang wika upang ito ay madaling
tanggapin at gamitin ng marami.

Ayon kay Haugen (1966), ang estandardisasyon ng wika ay isang prosesong tuloy-tuloy dahil ang
anumang wika ay sumasailalim ng estandardisasyon.

-wika ay isang patuloy na proseso dahil ang lahat ng wika ay palaging nagbabago at kailangang iayon
sa mga pamantayan.

Ito rin ay nakatuon sa unipormidad na sistema sa paggamit ng wikang Filipino bilang wikang pambansa
na ginagamit sa pagsulat. Nangangailangan din ng unipormidad o pagkakapareho o tinatawag na
kodipikasyon sa yugto ng pag-unlad at estandardisasyon ng wika

-Ito ay nakatuon sa pagkakaroon ng isang pare-parehong sistema sa paggamit ng wikang Filipino


bilang pambansang wika, lalo na sa pagsulat. Mahalaga ang kodipikasyon para sa unipormidad sa pag-
unlad at estandardisasyon ng wika.

Kinakailangan ito upang mapaunlad ang pamantayan sa iba't ibang lingguwistikong komponent na may
unipormidad sa pagbigkas, bokabularyo at panggramatikang estruktura ng wika.

-Kinakailangan ito upang mapanatili ang pamantayan sa iba't ibang aspeto ng wika, tulad ng
pagbigkas, bokabularyo, at gramatika, upang magkaroon ng pagkakapareho at unipormidad.
Naglalayon ito na tanggapin at gamitin ng nakakarami ang tiyak na talaan ng mga talasalitaan o
bokabularyo.Naglalayon ito na maiwasan ang kalituhan sa paggamit ng mga salita.

-Naglalayon ito na magkaroon ng tiyak na talaan ng mga talasalitaan o bokabularyo na tatanggapin at


gagamitin ng nakararami, upang maiwasan ang kalituhan sa paggamit ng mga salita.

Ang aspekto naman ng Estandardisasyon ay ang Ortograpiya ng Filipino na tumutukoy sa


estandardisasyon ng mga grafema(o pasulat na mga simbolo) at mga tuntunin sa paggamit ng mga
simbolong ito.

-tamang paggamit ng mga simbolong ito, upang magkaroon ng pare-parehong sistema sa pagsulat ng
wika.

Ortograpiya- Ito ay sining ng tamang pagbaybay at pagsulat ng mga salita ayon sa tamang pamantayan o
gamit.

-Ang ortograpiya ay ang sining ng tamang pagbaybay at pagsulat ng mga salita ayon sa mga
pamantayang pangwika.

Halimbawa, sa Filipino, ang tamang pagbaybay ng salitang "sulat" ay "sulat" at hindi "sulit" o "sulot."

Grafema- Ay ang pinaka maliit na yunit o bahagi ng isang sistema ng pagsulat.

-Ang grafema ay ang pinakamaliit na yunit o bahagi ng isang sistema ng pagsulat, kung saan ito ay
nagrerepresenta ng isang tunog o letra.

Halimbawa, sa sistema ng pagsulat ng Filipino, ang bawat letra tulad ng "a," "b," o "c" ay mga
grafema.

Ang mga di-titik naman ay binubuo ng mga tuldik at mga bantas. Ang mga tuldik o asento ay gabay sa
paraan ng pagbigkas ng mga salita, samantalang ang mga bantas ay kumakatawan sa mga patlang at
himig ng pagsasalita sa pagitan ng mga tit titik at pantig.

-Sa madaling salita, ang mga tuldik at bantas ay nagbibigay-daan sa tamang pagbigkas at pag-unawa
sa pagitan ng mga salita sa isang wika.

Itinuturing ang tuldik na simbolo para sa impit na tunog o kayâ sa diin o habà ng pagbigkas. Ang tuldik na
kalimitang ginagamit ay(1)ang tuldik o pahilis (') na sumisimbolo sa diin at?o habà, (2) ang tuldik na
paiwa (`^) at (30 ang tuldik na pakupyâ (^) na sumisimbolo sa impit na tunog. (4) ang tuldik na patuldok,
kahawig ng umulaut at dieresis (") upang kumatawan sa tunog na tinatawag na schwa sa linggwistika.

-Ang mga tuldik ay mga simbolo na tumutukoy sa diin, haba, o impit na tunog sa pagbigkas ng mga
salita. Mayroong iba't ibang uri ng tuldik tulad ng pahilis ('), paiwa (`^), pakupyâ (^), at patuldok (").
Ang pahilis ay tumutukoy sa diin o haba ng pagbigkas, habang ang paiwa at pakupyâ ay
nagpapahiwatig ng impit na tunog. Samantala, ang patuldok naman ay kumakatawan sa tunog na
tinatawag na schwa sa linggwistika. Ang mga tuldik ay mahalaga upang maipakita ang tamang
pagbigkas at intonasyon sa isang wika.

Narito ang mga bantas na ginagamit at ang kanilang kahulugan, kasama ang mga halimbawa:

1.KUWIT (,) - Ginagamit din ang kuwit sa paghihiwalay ng isang sinipi

A. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkakauri. Halimbawa:

Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang bungang- kahoy.

Shana, saan ka nag-aaral ngayon?

B. Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham-pangkaibigan.

Halimbawa:

Mahal kong Marie,

Nagmamahal,

Sa iyo kaibigang Jose,

Tapat na sumasaiyo,

C. Pagkatapos ng OO at HINDI.

Halimbawa:

OO, uuwi ako ngayon sa probinsiya.

HINDI, ayaw niyang sumama.

D. Sa mga lipon ng salitang panuring o pamuno. Halimbawa:

Si Andres Bonifacio, ang ama ng Katipunan, ayisinilang sa Tondo.

Si Pastor Arias, isang mahusay na tagapagtanggol, ay isang Manobo.

E. Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitan ng kalye at purok at ng bayan at lalawigan sa pamuhatan


ng isang liham.

Halimbawa:

Nobyembre 14, 2008.

Project 8. Quezon City


F. Sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng pangungusap.

Halimbawa:

Ayon kay Rizal, "Ang hindi magmamahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda".

2. TULDOK (.)

- Ang tuldok ay ginagamit na pananda:

A. Sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos.

Halimbawa:

Igalang natin ang Pambansang Awit.

B. Sa pangalan at salitang dinaglat

Halimbawa:

Si Gng. A.A. Jose ay mahusay magturo.

Si Bb. Macarayan ang kanilang guro sa asignaturang "Basic Christian Living"

C. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawa't hati ng isang balangkas, talaan.

Halimbawa:

A. 1.

3. PANANONG (?)- Ginagamit ang pananong:

A. Sa pangungusap na patanong.

Halimbawa:

Ano ang pangalan mo?

Sasama ka ba?

B. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang pag-aalinlangan sa diwa ng pangungusap.

Halimbawa:

Si Manuel Roxas ang ikalawang (?) pangulo ng Republika ng Pilipinas.

4. PADAMDAM (!)- Ang bantas na pandamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o
pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin..

Halimbawa:
Mabuhay ang Pangulo!

Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos.

Aray! Naapakan mo ang paa ko.

5. TULDOK - KUWIT(;)- Ito ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad


sinusundan ng isa pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig

A. Maaaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na tutuldok sa katapusan ng bating panimula ng liham


pangalakal.

Halimbawa:

Ginoo; Bb;

B. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi pinag-uugnay ng


pangatnig.

Halimbawa:

Kumain ka ng maraming prutas; ito'y makabubuti sa katawan.

Naguguluhan siya sa buhay; iniisip nya ang magpatiwakal.

C. Sa unahan ng mga salita at parirala tulad halimbawa, gaya ng, paris ng, kung nangunguna sa isang
paliwanag o halimbawa.

Halimbawa:

Maraming magagandang bulaklak sa Pilipinas na hindi na napag-uukulan ng

pansin; gaya ng kakwate, kabalyero, banaba, dapdap at iba pa.

6. TUTULDOK(:)- ginagamit matapos maipuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag.

A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod.

Halimbawa:

Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: Rosal, Rosas, Orchids, Sampaguita, Santan
at iba pa.

B. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal naliham o liham-pangangalakal.

Halimbawa:
Dr. Garcia:

Bb. Zorilla:

C. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa isang dula, sa kabanata at taludtod ng
Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan.

Halimbawa:

8:00 a.m Juan 16:16

7. KUDLIT(')- Ginagamit na panghalili ang kudlit sa isang titik na kina-kaltas:

Halimbawa:

Siya't ikaw ay may dalang pagkain.

Ako'y mamayang Filipino at may tungkulin mahalin at pangalagaan ang aking bayan.

8. GITLING(-)- Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon:

A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.

Halimbawa:

araw-araw isa-isa apat-apat dala-dalawa sari-sarili kabi-kabila masayang-masaya

B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na
kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan

Halimbawa:

mag-alis nag-isa nag-ulat pang-ako mang-uto pag-alis may-ari tag-init pag-asa

C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.

Halimbawa:

pamatay ng insekto pamatay-insekto kahoy sa gubat - kahoy-gubat humgit at kumulang - humigit-


kumulang lakad at takbo lakad-takbo bahay na aliwan - bahay-aliwan dalagang taga bukid dalagang-
bukid Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan
ng gitling ang pagitan nito.

Halimbawa:
dalagangbukid (isda)

buntunghininga

D. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan,
sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling

Halimbawa:

maka-Diyos maka-Rizal maka-Pilipino pa-Baguio taga-Luzon taga-Antique mag-pal maka-Johnson mag-


Sprite

mag-Corona mag-Ford mag-Japan

E. Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng
inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan

Halimbawa:

mag-Johnson magjo-Johnson mag-Corona magco-Corona

mag-Ford magfo-Ford

mag-Japan magja-Japan mag-Zonrox magzo-Zonrox

F. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang.

Halimbawa:

ika-3 n.h. ika-10 ng umaga ika-20 pahina

ika-3 revisyon ika-9 na buwan ika-12 kabanata

G. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng

fraction.

Halimbawa:

isang-kapat (1/4)

lima't dalawang-kalima (5-2/5) tatlong-kanim (3/6)

H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana o asawa.

Halimbawa: Gloria Macapagal-Arroyo

Conchita Ramos-Cruz

Perlita Orosa-Banzon
I. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.

Halimbawa:

Patuloy na nililinang at pinalalawak ang pag-gamit ng Filipino.

9. PANIPI ("") - Inilalagay ito sa unahan at dulo ng isang salita

A. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang tuwirang sipi. Halimbawa:

"Hindi kinukupkop ang criminal, pinarurusahan," sabi ng Pangulo.

B. Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin, aklat at iba't ibang mga
akda.

Halimbawa:

Nagbukas na muli ang "Manila Times".

Isang lingguhang babasahin ang "Liwayway".

Napaluha ang marami nang mapanood ang dulang "Anak Dalita".

C. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga.

Halimbawa:

Ang binasa niyang aklat ay hinggil sa bagong "Computer Programming".

Pagbaybay na pasalita

Patitik ang pasalitang pagbaybay sa Filipino. Ang ibig sabihin, isa-isang binibigkas sa maayos na
pagkakasunod-sunod ang mga letrang bumubuo sa isang salita, pantig, akronim, daglat, inisyal,
simbolong pang-agham at pang-matematika at iba

-Ang pasalitang pagbaybay sa Filipino ay isang paraan ng pagbibigkas ng bawat letra na bumubuo sa
isang salita, pantig, akronim, daglat, inisyal, o simbolo sa isang maayos na pagkakasunod-sunod. Ang
bawat letra ay sinasabi nang magkakasunod ayon sa pagkakahanay nito sa salita. Halimbawa, ang
salitang "bata" ay binabaybay bilang "B-A-T-A." Ito ay mahalaga sa pagtuturo ng tamang spelling at
pagbigkas ng mga salita.

You might also like