Distric-1-LAS No. 4-ESP 5 3rd QTR

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

LD-1

EsP
LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)
SA EsP 5
WORKSHEET NO. 4 | QUARTER 3

Pangalan: _______________________________________________________________________
5
Antas at Seksiyon: _______________________________ Petsa: ______________________

A. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


o Nakapagpapakita ng magagandang halimbawa ng pagiging
responsableng tagapangalaga ng kapaligiran (EsP5PPP – IIId – 27)
5.1. Pagiging mapanagutan
5.2. Pagmamalasakit sa kapaligiran sa pamamagitan ng pakikiisa sa
mga programang pangkapaligiran,

Lahat tayo ay may tungkulin at reponsibilidad na nakaatang sa ating mga


balikat na kailangan nating gawin at isakatuparan. Bilang isang mag-aaral, dapat
alamin ang mga paraan sa wastong pangangalaga ng kapaligiran. Kailangan na
maging isang responsableng mamamayan tungo sa isang magandang
kinabukasan.
Kung hangad natin ang maaliwalas na paligid, sariwang hangin, at malinis na
bukal
ng tubig, lagi nating pakatandaan na ito ay nakasalalay lahat sa ating mga
kamay.
Pangalagaan, ingatan at gamitin ito nang wasto.

Mahalaga ang pangangalaga sa ating kapaligiran. Ito ay dapat bigyan ng


pansin at hindi pinababayaan. Kapag hinayaan natin na masira ito, magdudulot
ito ng masamang epekto tulad ng pagkakaroon ng matinding pagbaha, polusyon,
pagguho ng lupa, at marami pang iba na makasasama sa kalikasan. Upang
maiwasan ang mga sakunang dulot nito. Bawat isa sa atin ay may
responsibilidad na dapat gampanan ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Huwag magtapon ng basura kung saan-saan; ilagay ito sa tamang
lalagyan.
2. Magtanim ng mga puno at halaman na makatutulong upang maging
sariwa at malinis ang hangin.
3. Panatilihing malinis ang mga daluyan ng tubig.
4. Pakikiisa sa mga programang pangkapaligiran.
5. Pagiging mapanuri sa mga iligal na gawain na nakasisira sa kapaligiran.

Ang kalikasan ang tunay nating tahanan kung kaya dapat lamang
natin itong ingatan at pangalagaan.

Pahina Blg. 1 ng 5
LD-1
EsP

5
A. Pagsasanay Blg 1
Iguhit ang masayang mukha kung ang pangungusap ay
nagsasaad ng pagiging responsableng tagapangalaga ng kapaligiran at
malungkot na mukha naman kung hindi. Isulat ang sagot sa
puwang.
_____1. Ang malinis na kapaligiran ay nagsisilbing kayamanan ng isang
pamayanan.
_____2. Pagsasaayos o pagkukumpuni ng mga bagay na maaari pang
ayusin sa halip na ito ay itapon.
_____3. Pagtatapon ng mga basura sa mga ilog at dagat.
_____4. Pagsunod sa mga programa ng pamahalaan na may kinalaman sa
pangangalaga ng kapaligiran.
_____5. Paghihiwalay ng mga basura mula sa nabubulok at di-nabubulok.

B. Pagsasanay Blg 2
Masdan mo ang larawan. Ano ang iyong reaksyon ukol dito? Isulat ito
sa ibaba.

Makatwiran ba ang
ginagawa ng tao sa larawan?

Kung ikaw ang nasa


kanilang sitwasyon gagawin
mo rin ba ang ginagawa nila
para lamang kumita ng pera?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

C. Pagsasanay Blg 3

Panuto: Ano ang gagawin mo sa mga nakasaad na sitwasyon? Isulat


ang iyong sagot sa patlang.

1. Nakita mong nagsusulat sa pader ng paaralan ang iyong mga


kamag-aral.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
2. Nag-iingay ang mga kaibigan mo sa loob ng simbahan.

Pahina Blg. 2 ng 5
LD-1
EsP
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3. Nadaanan mo ang isang pangkat ng kabataan sa inyong lugar na


abalang-abala sa pagkakabit ng banderitas para sa nalalapit na
pista ng inyong patron.
____________________________________________________________________
5
____________________________________________________________________

4. Magkakaroon ng Brigada Eskwela sa inyong paaralan,


nangangailangan ng mga boluntaryo na tutulong sa paglilinis ng
inyong paaralan.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
5. Nakita mong nagtatapon ng mga plastic at bulok nab asura ang
inyong kapitbahay sa ilog.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

A. Basahin ang mga sitwasyon. Isulat ang P kung nagpapakita ito ng


pangangalaga sa kapaligiran at HP kung hindi.

____________1. Pagsusunog ng mga plastik at papel.


____________2. Paggawa ng compost pit para gawing tapunan ng nabubulok na
basura.
____________3. Makikiisa sa proyekto ng barangay na Clean and Green.
____________4. Pagkakalat sa pook pasyalan.
____________5. Pakikilahok sa Tree Planting Program ng paaralan.
B. Basahin ang mga sitwasyon kung nagpapakita ng pagiging mapanagutan
sa kapaligiran. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.

_______ 6. Napansin mong umaapaw na ang basura sa inyong basurahan. Ano


ang dapat mong gawin?
A. Sunugin ito.
B. Hayaan lang ito.
C. Itapon sa kanal.
D. Itapon sa tamang lugar.
_______ 7. May programa ang inyong barangay sa aklinisan ng kapaligiran. Lahat
ng tao ay hinihikayat na lumahok. Ano ang dapat mong gawin?
A. Makiisa sa programa.
B. Huwag itong pansinin.
C. Hindi ako makikilahok.
D. Hikayatin ang iba na sila ang lumahok.
_______ 8. Marami ang nagkakasakit ng dengue sa inyong lugar. Ano ang maaari
mong gawin upang maiwasan ito?
A. Magpahid ng maraming lotion.
B. Huwag mabahala sa nangyayari.

Pahina Blg. 3 ng 5
LD-1
EsP
C. Iwasan munang lumabas ng bahay.
D. Panatilihin ang kalinisan sa loob at labas ng bahay.
_______ 9. Nakita mo ang iyong kamag-aral na nagsusulat sa inyong desk. Ano
ang gagawin mo?
A. Isusumbong ko siya sa principal.
B. Pagsasabihan ko siya na mali ang ginagawa niya.
C. Sisigawan ko siya para tigilan niya ang ginagawa niya.
5
D. Sasabayan ko siya sa kaniyang ginagawa para masaya.
_______ 10. Narinig mong nagpaplano ang tatay mong gumamit ng dinamita sa
pangingisda dahil palaging mahina ang kanyang huli. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Huwag makialam sa kanya.
B. Magbingi-bingihan na lang.
C. Suportahan siya sa kaniyang plano.
D. Pagsasabihan ko siya na mali ang gagawin niya.

David, G. (2020). Edukasyon sa Pagpapakatao, Ikatlong Markahan Modyul 4, Pangangalaga sa


Kapaligiran, Responsibilidad Ko. Balanga City: Kagawaran ng Edukasyon - Schools Division of
Bataan.

Olivares, M. B., Rebancos, M., Palacio, A., Nepumoceno, C., Delfino, C., Catanduanes, J., . . .
Patactacan, J. (2018). Kontekstwalisadong Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Baitang 5 Quarter 3. Ligao City: DepEd-SDO Ligao City.

Ylarde, Z. R. (2016). Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon. Quezon City: Vibal Group Inc.

https://www.dreamstime.com/stock-illustration-scene-lumberjack-chopping-trees-illustration-
image95369236

Inihanda ni:

RIZZA M. DE MESA
Teacher I, Bariis Elementary School

Quality Assured by:

MHARK ALAN M. PEÑA __________________________________


ESP I, BARIIS ELEMENTARY SCHOOL

Layout Artist:

Pahina Blg. 4 ng 5
LD-1
EsP
ROY S. CAPANGPANGAN
Teacher II, Banquerohan National High School

5
Pagsasanay 1. Pagsasanay 2.

Depende sa sagot ng bata.


1.

2.
Pagsasanay 3.
3. Depende sa sagot ng bata.

4.

5.

Pagtataya

1. HP

2. P

3. P

4. HP

5. P

6. d

7. a

8. d

9. b

10. d

Pahina Blg. 5 ng 5

You might also like