0% found this document useful (0 votes)
37 views5 pages

IDE Reporting

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1/ 5

Ang tatalakayin naman natin ngayon ay ang Mga Etnikong Awitin ng etnikong grupo ng

Bukidnon.
Ay mga Etnikong awitin ay sumasalamin sa araw-araw na pamumuhay ng mga katutubo at
mamamayan ng Pililinas. Ang mga awiting ito ay nagkukuwento tungkol sa mga katutubo, lalo
na ng mga probinsya sa kanilang simpleng pamumuhay, at kung paano nila ginagawa ang iba’t
ibang gawain. Ating maisasalarawan ang mga pangyayari sa sinaunang mga panahon sa tulong
ng mga etnikong awitin.
Narito ang etnikong awitin ng Bukidnon. Una ay ang,
 Olaging - isang katutubong epiko na tungkol sa agrikultura ng Bukidnon. Ito ang pinaka
sikat na epiko sa bukidnon at Isa itong katutubong epiko na may iba’t ibang berso. Ito ay
isang epikong bayan tungkol sa labanan sa Nalandangan at ang pagtatanggol ng
bayaning si Agyu sa kaniyang angkan. Dito nasasalamin ang kultura at paniniwala ng
mga taga Bukidnon, dahil layunin ng bayang ipagtanggol ang kaniyang lupain upang
mapanatili amg kanilang lahi at tribu.
 Limbay - isang patulang awitin na ipinapahahayag ng mang aawit ang kanyang hinaing at
nasa katauhang dinaramdam sa isang tao.
 Sala- Ito ay ang awiting nagpapahiwatig patungkol sa panliligaw o pagmamahal.
 Nanangaon- Ito ay awiting puro lamang sa aliwan. Ang mensahe dito ay nag-iiwan ng
magandang asal at inaawit tuwing gabi o di kaya’y tuwing nagbabalat ng mais,
naghahabi ng banig at naglilinis ng ratan.
 Basahan- ang pagbigkas ng mga salawikain o kasabihan ang Bukidnon. Nagaganap ito
tuwing may paligsahan upang malaman kung sino ang magaling.
Next slide plss..
 Idangdang - isang awiting nagbabalik-tanaw sa mahahalagang pangyayari sa kanilang
kasaysayan.
 Kaligaon – isang awiting tumatawag ng mga diwata.Tinatawag nila ang diwata ng
mabuting ani. Dapat may malumanay at malagintong boses ang umaawit nito upang
maging epektibo ang awiting ito.
 Antoka - isang pagtutunggaling berso lalo kapag nag-uusap tungkol sa halaga ng
dowry ng anak na babae. Karaniwan dito ay sa pamamagitan ng bugtong.

Narito naman ang kanilang mga Etnikong Sayaw


 Kilala ang kakaibang estilo sa pagsasayaw ng Bukidnon sa tadyak, indayog at paggalaw
ng kanilang kaatawan. Ang sayaw ay may mga kahulugan, mensahe na nauugnay sa
lipunang ginagalawan ng isang tribu. Ginagawa ang pagsayaw nito sa pamamagitan ng
ekspresyon ng mukha, kumpas ng mga kamay at galaw ng buong katawan, at tamang
padyak ng paa. Narito ang mga uri ng sayaw sa Bukidnon.

 Binanog – tipikal na sayaw na ginagaya ang galaw ng isang ibong tinatawag na banog. Ito
ay tipikal na sayaw ng tribung Talaandig. Ang ritmo ng sayaw ay 1-2-3-4. Sinasabayan
naman ito ng mga gong at iba pang katutubong instrumento. Sa pagsayaw ng binanog,
katumpakan at kaliksihan ng mga galaw ng paa ang kailangang maisagawa ng mga
mananayaw. Dalawa sa pinakaginagamit na galaw ng paa ang pagtalon at pagdausdos.

 Tinambol – isang sayaw bilang pag-aaliw at pag-aalay sa kanilang Diyos na si


Magbabaya. Ito ay sinasayaw ng mga kalalakihan at kababaihan ng tribong talaandig.
 Saut – ito ay sinasayaw ng mga
kalalakihan na nagpapakita ng pagiging eksperto nila sa iba’t-ibang estilo at sining ng
pakikipaglaban.
 Sayaw pagadugsa – sayaw na gumagaya sa paglalakbay ng isang mangangaso.
 Sayaw pang-aliw – usang sayaw na pinapakita kung may pagtitipon at piyesta ang
inagong.

 Talupak - sayaw nagpapakita ng kanilang pamamalakad at paraan ng pagtatanim, pag-


aani at pagpapahangin ng palay.
 Tinagpi – sayaw na gingaya ang pagtatanim ng palay.
 Bubudsil - ang sayaw ng mga mananayaw na may hawak na poste o haligi bilang
pandurog ng butil ng palay.
 Dugso - isang ritwal na sayaw ng kababaihan tuwing may selebrasyong panrelihiyon.
Karaniwang isinasayaw ito sa mahalagang okasyong gaya ng kaliga (pista) at kaamulan
(pagtitipon ng tribu). Ginagawa rin sa pagdiriwang ng masaganang ani, pagsisilang ng
tagapagmanang anak na lalaki, at tagumpay sa labanan. Gayunman, may nagsasabing
itinatanghal lámang ito kung may kaliga upang aliwin ang mga anito.
Sinasayaw ang dúgso ng kababaihan sa pangunguna ng isang babaylan. May masalimuot
itong mga hakbang ng paa hábang umiikot sa dapúlan isang sisidlan ng apoy na
seremonyal. Dinadála diumano ng usok ang mga dalangin sa pook ng mga bathala.
 Pinagkabula - pagsasayaw ng mag-isa o solo.
 Binalanak – isang sayaw na nangangahulugang
sosyal na sayaw.

Dumayo naman tayo sa kanilang Mga Etnikong Damit at Kagamitan


Mahalaga ring malaman ang mga etnikong pananamit ng mga tribu sa Bukidnon.
 Hinati sa dalawang grupo ang pananamit: Datu o lider ng tribu at Bae o asawa ng isang
Datu.
 Ang isang Datu ay nakasuot ng pang-itaas na may mahabang manggas, may kuwelyo at
mahaba ring Pantalon. Mas marami ang kulay na pula, itim o asul at may palamuting
pinaghalo ang kulay pula, itim, Asul, dilaw, berde at puti.
 May disenyo ang damit nga mga datu at bae na tinatawag na linabian, ginontingan, at
kinabuka. Ito ay tinatahi na gamit lamang ang kamay.

 Linabian ay ginupit ng pirapiraso sa tuwid na tabas ng tela na naglalaman ng maraming


kulay at ididisenyo sa harap ng polo, blusa, palda at pantalon sa dulo ng manggas.
 Ginontingan - may zigzag na disenyo at inilalagay sa mga gilid nito.
 Kinabuka - paggugupit ng pira-pirasong parisukat na tela.
 Solang-solang - disenyong tulad ng ginontingan na hugis korona ng pinakamataas na
datu o pari. Ito ay gawa sa mga butyl o bead na idinikit sa tela, at buhok ng isang hayop
tulad ng kambing o kabayo.

Narito naman ang mga Kagamitan ng datu


 Angulo - espesyal na tela na ginupit na may hugis tatsulok. Nilalagyan ng bead, butones
o tipay, at buhok ng hayop. Ito ay laging ginagamit o dinadala ng datu at dito inilalagay
ang kanyang kamama o Mama (betel nut at line), pabango, at iba pa.
 Salibulan - maliit na kahon na gawa sa ginto, pilak o bronse. Inilalagay sa loob ang mamâ
at ipinapasok sa loob ng kamiseta.
 Sangi - isang matulis na kutsilyong nakakurba na may espesyal na artistikong sakuban na
nakadikit sa kamiseta ng datu.
 Bari o bolo, kalasag o taming, bangkaw o kalawit, baliug o kuwintas na gawa sa butyl o
mga bead na pinaghalong kulay pula, puti, itim, asul, at dilaw.
 Panutod - kilala sa tawag na tattoo. Ang mga datu ay mayroon nito sa iba’t ibang parte
ng Katawan gamit ang itim na tinta.
Next slide plsss.
Ating talakayin ang damit at kagamitan ng mga bae.
Damit:
 Ang damit ng Bae ay blusang maaaring may guhit o imahen ng bulaklak o linsong tela
lamang. Mayroon ding linabian, ginontingan, at kinabukang disenyo ang kanilang
damit.
 Patadyong – ito ay saya o palda na maaaring may guhit o simple lamang ngunit
nangingibabaw ang kulay pula, asul o putting kulay.
 Panika – ito ay isang head-dress na isinusuot tuwing may festival. Yari sa katutubong
materyal at himaymay
Na sinulid o yarn. Karaniwang ang mga materyal ay mula sa patpat ng kawayan at
balahibo ng manok.
 Benoong – ito ay ginagamit bilang dekorasyon tuwing may pagtitipon sa ilang
espesyal na okasyon. Ito ay sumisimbolo ng pagrespeto sa asawa ng kanilang datu.

Habang sa Kagamitan naman may tinatawag silang :


 Balaring – ito ay isang kuwentas na gawa sa sinulid o butyl.
 Kapulan – ito ay maliit na kahon na gawa sa ginto, pilak o bronse at nilalagyan ng
kanyang mga personal na gamit tulad ng mama at iba pa.
 Lebad - ang maliit na mula sa ratan na may palamuting butones, at buhok ng hayop
na inilalagay sa gilid nito.
 Songol - isang pulang sinturon
 Ang Tacus ay isang pulseras sa bukong-bukong (anklet) at yari sa mga bead, at
senibod naman kung yari sa kahoy.
 Sonong – buslo ng babae at Bukala sa pulseras.

(Cebuana at Filipino – ginagamit nila upang makipag-komunikasyon sa mga bisita na


hindi taga-Bukidnon.)

Ang iba’t ibang kultural na komunidad na makikita sa Probinsya ng Bukidnon ay Ang mga
grupo ng Manobo, Bukidnon, Higaonon, Matigsalug, Talaandig, Tigwahanon, at
Umayamnon.

You might also like