FSPL–Sining@Disenyo
FILIPINO SA PILING LARANG – SINING & DISENY0
1. Nabibigyang-kahulugan ang mga
anyo ng sulatin sa sining at disenyo.
CS_FSD11/12PB-0a-c-103
2. Nakikilala ang iba’t ibang anyo ng
sining at disenyo ayon sa : (a)
Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d)
Anyo (e) Target na gagamit
CS_FSD11/12PT-0a-c-91
3. Nakapagsasagawa ng panimulang
pananaliksik kaugnay ng kahulugan,
kalikasan, at katangian ng iba’t
MELCS
ibang anyo ng sining at disenyo.
CS_FSD11/12EP-0a-c-41
LAYUNIN
Nakikilala ang iba’t ibang
konsepto kaugnay ng sining at
disenyo.
Natutukoy ang kahulugan ng mga
wika ng sining at disenyo
Napahahalagahan ang pag-
unawa sa wika ng sining at
disenyo.
PANSININ ANG LARAWAN
May Sariling Wika
ba ang Sining at
Disenyo?
Ayon kina Kress at Van Leeuwen (1998). tulad sa
gramatika ng wika na naglalarawan sa kung paano
pinagsasama-sama ang mga sugnay, pangungusap, at
teksto, ang gramatikang biswal ay naglalarawan sa
paraang hinahalaw ang mga tao, lugar, at bagay na
pinagsasama-sama sa biswal na pagpapahayag. Gaya ng
wika, nahuhubog ang sining bilang diyalogo sa mga
panlipunang interaksiyon at pakikisangkot upang bumuo
ng kahulugan.
Kung gayon, ipinapalagay ang sining at disenyo bilang
isang wika na may magkaugnay na sistematikong
larangan ng pagpapahayag at pagbuo ng kahulugan na
hinububog ng mga panlipunang kondisyon. Pinaunlad
ang ganitong lohika ng pagpapakahulugan sa gramatika
ng lingguwistang si Halliday (1985) na, lampas sa pormal
na mga tuntunin ng kawastuhan ay pinahihintulutan ang
mga tao na lumikha sa kanilang isipan ng interpretasyon
ng realidad upang magdulot ng makabuluhang
karanasan sa mga nakapaligid at nakapaloob sa kanila.
Ito ay REALISTIKONG INTERPRETASYON
sa bawat sining at disenyo na nalilikha ng tao upang magdulot ng
kamulatan mula sa kanya/ kanilang kapaligiran.
SINING
Paano nga ba natin maisasalin ang
ating mga pagpapakahulugan at
pagpapahayag na nalilikha ng sining at
disenyo?
DISENYO
Disenyo?
Sining?
DISENYO = plano at pag-
oorganisa.
Hango naman ang sining sa
salitang Latin na ars na nangangahulugang
kakayahan at katumbas din sa kahulugan ng
salitang Griyego na techne na pinagmulan
naman ng salitang teknolohiya.
Samantala, sa larangan ng
sining, ang artista o manlilikha
ay nagpaplano ng pagsasaayos
sa mga elemento para bumuo
ng isang biswal na padron.
(Laurer at Pentak 2000)
larangan ng paglikha na
nangangailangan ng kakayahan at
sistematikongpagplanosapagbuo
Siningat Disenyo
THE PROBLEM
Ang suliranin ay kung paano
matagumpay na magagamit
sa pakikipagtalastasan ng ideya o
paghahanap ng tinatawag na
solusyong biswal o visual solution
sa pagsasanib ng dalawang ito?
Nagpanukala sina Lauer at Pentak (2000) na
“…ang matagumpay na solusyon ay hindi lamang
epektibo sa biswal bagkus maging sa
pakikipagkomunika ng ideya. Anumang elemento ng
sining ay maaaring gamitin sa komunikasyon.”
LAYUNIN
Nauunawaan ang paksa,
konteksto at gamit ng sining at
disenyo.
Nakasusulat ng sulating
pansining at disenyo gamit ang
mga konsepto tinalakay sa
pagsulat.
Naisasaalang-alang ang
panlipunang kalagayan sa sulatin
sa sining at disenyo.
Pagsusuri sa
Paksa,
Konteksto, at
Gamit ng
Sining at
Disenyo
Ang tinutukoy na (theme) paksa sa
isang likhang-sining ay ang
pangunahing ideya na kinakatawan
nito. Matutunton sa paksa ang
pangunahing esensiya ng komposisyon
o piyesa na gustong ilarawan: palitawin
ang nais sabihin ng artista at kung
paano nais ihatid at buuin ang mensahe
mula sa imahinasyon.
Ortiz et al (2003) - ang (subject) paksa
ng sining ay tumutukoy sa sinumang
tao, bagay, senaryo, o pangyayari na
inilalarawan o kinakatawan sa isang
likhang-sining.
Ayon sa kanila, nahahati ang
sining sa dalawa:
representasyonal, na
nagtataglay ng batayang paksa,
di-representasyonal,
na walang
pinagbabatayang
paksa.
Sa kabila ng mga unibersal at pangkalahatang konsepto
sa pag-aaral at pagbuo ng anumang likhang-sining, hindi
dapat mawaglit sa mga mag-aaral at kritiko sa larangang ito
na may kani-kaniyang konteksto ang mga likhang-sining na
mahalagang isaalang-alang sa gagawing pagtataya sa
anumang tipo nito. Sa puntong ito, tinutukoy ang
konteksto o pinagmulan/identidad ng likhang-sining bilang
mahalagang aspekto sa pag-unawa nito.
ANO ANG DAPAT
MONG MAUNAWAAN
SA KONTEKSTO NG
ISANG LIKHANG-
SINING
- Kikilanin sa bahaging ito ang artista, ang diyalogo sa kaniyang
manonood, at ang matingkad na pilosopiya sa paglikha.
- Kailangang iugnay ang panahon, kasaysayan, at karanasang
posibleng nakaimpluwenisya at humubog sa sining ng
manlilikha.
- Susuriin ang produksiyon ng sining kabilang ang sosyal,
politikal, kultural, ekonomikong sangkap sa pagkakabuo nito,
at ang posibleng ambag nito sa ebolusyon ng larangan.
Sa tulong ng ganitong
pagsasakonteksto sa sining at disenyo,
makabubuo ng kritikal at
makabuluhang palagay at
pagpapakahulugan sa isang
likhang-sining. Mahalaga ring
matukoy ang gamit ng isang sining at
disenyo upang mapalalim pa ang pag-
unawa sa saysay at kabuluhan nito sa
artista, target audience, at sa lipunan
sa kabuuan. Kung susuriin,
maituturing na magkaugnay ang
pag-alam sa konteksto at gamit
ng sining at disenyo.
3 PANGUNAHING GAMIT NG SINING
magpahayag ng sarili, komunikasyon sa isang tao,
karanasang estetiko, pagbibigay-aliw sa kapuwa,
1. personal; panggagamot, pagkontrol, o anumang pagsisilbi sa
personal na interes at kapakinabangan ng indibidwal.
pagganap ng mga partikular na serbisyo at operasyon at
pagtugon sa pangangailangang indibidwal o kolektibo.
2. pisikal; Halimbawa, idinidisenyo ang mga gusali batay sa gamit
nito, gaya ng hotel, tirahan, mall, at iba pang
establesimyento.
kung nilalayon nitong makaimpluwensiya ng kolektibong pag-
3. panlipunan uugali ng tao, nilikha upang makita at magamit sa pampublikong
sitwasyon at ginagamit sa pagpapahayag ng kolektibong
karanasan (Ortiz et al 2003). Ang ilang hal. ay ang politikal na
sining panlansangan, rituwal, at mga panlipunang pagtitipon
Binigyang-kahulugan nina Cecilia
Dela Paz at Patrick Flores (2014) ang
kritisismong pansining na
Pagsulat ng "interpretasyon, pagsusuri, at
Sulating pagtatasa ng sining at ng mga aspekto
Pansining at nito. Ang sumisipat ng sining ay
Disenyo nagtatala ng datos (tema, estilo, at
kumbensiyon) tungkol sa obra,
naglalarawan, nagbibigay-kahulugan,
at nagtatalaga ng halaga sa konteksto
hindi lamang sa kultura kundi sa
pamilihan ng sining din."
Inilahad naman ng The Kennedy Center Arts Edge sa kanilang
website ang apat na batayang larangan ng kritisismong
pansining.
1. pagbibigay ng deskripsiyon sa obra (inilalarawan sa bahaging ito ang mga
batayang impormasyon sa obra, elementong ginamit, teknikal na katangian at
paksa).
2. paglalatag ng pagsusuri (pagtataya sa kabuuan ng komposisyon, ang
epektibong pagkakalapat ng mga batayang elemento at prinsipyo, at ugnayan ng
mga ito).
3. pagbibigay-interpretasyon (nakatuon sa paglalarawan sa naging pagdanas at
epekto ng obra sa pag-iisip at damdamin).
4. ang ebalwasyon (paglalahad sa mga naging pangkalahatang kahinaan at
kalakasan ng obra).
ANO NGA BA ANG
PAGSULAT?
Pagsulat
- artikulasyon ng mga ideya, konsepto,
paniniwala at nararamdaman na
ipinahahayag sa paraang pasulat, limbag
at elektroniko (sa kompyuter).
2 yugto ng pagsulat
- yugtong kognitibo
- mismong pagsulat
Kalikasan ng Akademikong Sulatin sa Sining at Disenyo
Likas o taglay ng akademikong sulatin kaugnay sa sining at disenyo ang
maglaman ng iba't ibang kaalaman. Mahalagang maging sangkap sa
pagpapaliwanag ng kaalaman ang tinutukoy ni Bisa (1992) na mabisang
pagpapahayag.
Ang epektibong pagpapahayag ay kaugnay ng kasiningan at kabisaan
gamit ang diskurso ng pagsulat.
Para sa kaniya, magiging masining at mabisa ang pasulat na
pagpapahayag batay sa sumusunod na prinsipyong kailangan:
1. Katapatan
2. Kalinawan
3. Katipiran
4. Pagkakaiba ng Paraan
Ang ugnayan ng mga prinsipyo ay nakasalalay sa malawak na
kabatiran sa isang paksa kaugnay ng sining at disenyo. Maisasakatuparan
ito kung malawak ang isinagawang pananaliksik o pinagkukuhanang
impormasyong maaaring primarya o sekondaryang sanggunian upang
talakayin ang isang paksa. Sa tulong ng pananaliksik, nagiging malaman
ang kaalaman na dapat ipabatid. Hindi maligoy, nakalilito, nakababagot, at
nagsasayang ng oras sa pagsulat. Batayan o kalikasan ng akademikong
sulatin sa sining at disenyo ang paraan upang ito ay maisulat. Ang paraan
o kalikasan ng pagsulat ay umiikot sa batayang diskurso na maaaring
magsalaysay, maglarawan, maglahad, at mangatuwiran. Nababagay ang
anyo o paraan ng pagsulat depende sa layuning nais maiparating ng
manunulat ng akademikong sulatin sa sining at disenyo.
Narito ang ilang gabay bilang hulwaran kung paano ang angkop na
paraan ng akademikong sulatin sa mga kurso ng sining at disenyo.
Pormal o Hindi Pormal na pagsulat?
✓ Kailan nagiging pormal at hindi pormal ang isang sulatin?
Malinaw na ang isang akademikong sulatin ay nakakiling sa pormal na
paraan ng pagsulat. Subalit maaari bang maging katangian ng kasiningan
ng akademikong sulatin sa sining at disenyo ang paggamit ng hindi
pormal na anyo ng sulatin? Dahil ang uri ng sulatin sa sining at disenyo ay
madalas matagpuan sa mga sanggunian at batayang aklat, natatanging
artikulo o lathalain, teknikal na babasahin, dyornal, pahayagan, at
magasin, taglay nito ang maingat sa mga salitang gagamitin na lantad ang
kapormalan ng anyo ng pagsulat.
Ngunit kung ang layunin ng manunulat ng akademikong
sulatin sa sining at disenyo ay gumamit ng mga mas
pinagaang salita sa paglalahad ng pagtalakay na pawang
pagsasanib ng pormal at hindi pormal na paraan ng
pagsulat ang mahalaga sa huli ay maunawaan ng
mambabasa ang mensahe ng akademikong sulatin
kaugnay ng sining at disenyo na manghikayat,
magpamulat, at magpalaya. May mga pagkakataong
nagiging komportableng sandigan ng manunulat ang
pagpapalit-koda o code switching ng mga salita upang
isakonteksto ang pagpapaliwanag.
• Paksa: Pahayag na Tesis at Paksang Pangungusap
✓ Esensiyal na elemento ng akademikong sulatin sa sining at disenyo ang paksa.
Mabibigyang linaw ang paksa na iikutan ng pagsulat ang paraan ng pagpapahayag
ng tesis o paksang pangungusap. Tumutukoy ang pahayag na tesis sa mga
terminolohiyang gagamitin kung ano ang maaaring gawin, sabihin, o layunin ng
akademikong sulatin (Bisa, 2008). Sa pagbuo ng tesis, binabanggit ang paksa at
dinaragdagan ng pahayag. Samakatwid, laman ng isang pahayag na tesis ang isang
pangungusap na nagpapahayag ng hangarin na patutunayan, pasusubalian,
ilalarawan, o kung anuman ang intensiyon sa akademikong sulatin sa sining at
disenyo. Sa pahayag na tesis bilang iikutang paksa ng akademikong sulatin,
makikita ang magiging daloy o mismong kabuuang nilalaman ng akademikong
sulatin. Sa pagpapahayag ng tesis, kinakailangang buo ang pagpapahayag. Kung
kaya't ito ay binubuo ng isang pangungusap. Hindi ito dapat gawing pangungusap
na patanong. Marapat na maging diretso sa paksa at hindi masaklaw.
• Introduksiyon Hanggang Konklusyon: Umpisa at Wakas ng Sulatin
✓ Ang panimula, katawan, at wakas ang likas na batayan ng isang komprehensibo at epektibong pagsulat.
Sa panimula, kadalasang itinatampok ang paksa, layunin, at kahalagahan ng pagsulat. Dahil marami sa
kurso sa sining at disenyo ang mga teknikal na salita, marapat na ito ay mabigyan ng angkop na
pagpapaliwanag batay sa kahulugang nakuha sa espesyal na diksiyunaryo angkla sa sining at disenyo o
paliwanag ng mga eksperto na may kaugnayan sa nasabing larangan.
Sa katawan o nilalaman, itinatampok ang masinop na pagtalakay o paghihimay-himay sa paksa.
Makikita rito ang kasaysayan at kaligiran ng paksang nais talakayin o suriin. Dito ibinubuhos ng manunulat
ang maraming impormasyon na magbibigay hugis sa akademikong sulatin sa sining at disenyo. Hindi lamang
layuning pakapalin o pahabaan ng katawan o nilalaman ng akademikong sulatin ang kabuuang nilalaman,
bagkus ilantad ang kabuuang kahalagahan o kakulangan ng mga naunang pag-aaral na pinupunuan ng
kasalukuyang akademikong sulatin sa sining at disenyo.
Sa panghuling bahagi o wakas ng akademikong sulatin, makikita ang buod o lagom, konklusyon, at
rekomendasyon. Bahagi ng kalikasan ng akademikong sulatin ang simetrikal o pantay na ugnayan ng mga
elementong bahagi ng pagsulat. Mainam kung ang haba o kapal ay magiging batayan bilang sining ng
kabuuan ng pagsulat. Kaya't dapat tandaan na ang haba ng panimula at wakas ay halos hindi nagkakalayo,
samantalang ang katawan ang pinakamalamang bahagi ng akademikong sulatin sa sining at disenyo at iba
pang akademikong sulatin.
• Kaisahan, Ugnayan, at Diin ng Impormasyon
✓ Ang impormasyong ilalahad sa akademikong sulatin sa sining at disenyo ay kinakailangang
mayroong kaisahan, ugnayan, at diin.
Sa kaisahan, dapat matukoy ang payak na paksa o impormasyong dapat ikutan ng pagtalakay.
Hindi kailangang paghalu-haluin na magdududlot ng kaliruhan. Dapat maitakda ang parametro ng
pagsulat upang bigyang linaw ang kabuuan ng akademikong sulatin sa sining at disenyo. Ibig sabihin,
may patutunguhan ang pagtalakay na posibleng nakatuon sa panahon bilang direksiyon ng pagsulat.
Sa ugnayan o coherence ng akademikong sulatin sa sining at disenyo lilitaw ang tamang
pagkakasunod-sunod na daloy ng imporrnasyon. Tuwirang nilalabanan din nito ang pagiging magulo o
sabog ng mga impormasyon. Magiging matibay na sandigan sa ugnayan ang kaayusan ng pagtalakay sa
sanhi at bunga, pagtalakay na nakaayon sa panahon at espasyo, at higit sa lahat ang gramatikang
kasanayan upang sistematikong mapag-ugnay-ugnay ang mga mahahalagang impormasyon.
Sa diin, pinalulutang ang konseptong nakapaloob sa paksa. Sa diin makikita ang kahalagahan ng
ideya na nais maipakilala, maipadama, at mabigyang halaga ng mambabasa. Itinatampok ito sa unang
bahagi at kailanman ay hindi inihihiwalay sa kabuuan ng pagtalakay. Mayroong pagkakataon na ito ay
inuulit upang patuloy na matandaan at maikintal sa mambabasa ang mahalagang impormasyon na
binibigyang diin.
Katangian ng Akademikong Sulatin sa Sining at Disenyo
Gaya ng isang patok, mamahalin, at epektibong sining, taglay ng
akademikong sulatin sa sining at disenyo ang mga katangiang:
• Pili at Pino
Pinipili ng isang manunulat ang mga paksang may kaugnayan sa sining at
disenyo na kapupulutan ng kaalaman, kasanayan, at kapangyarihan. Sining at
disenyo na magpapakilala sa pakakakilanlang Pilipino, mayroong potensyal
na paangatin ang antas pangkabuhayan, at sining na kinakailangan bigyang-
pansin at pahalagahan para sa kapakanan ng mamamayan.
- Upang maging pino ang isang akademikong sulatin, nasa kakayahan ito ng
manunulat na ayusin at pagandahin ang akademikong sulatin tulad ng
anumang sining o disenyo. Nakapaloob dito ang ugnayan ng nilalaman,
paraan, at wika. Ang maayos na pagsasangkapan ng mga ito ang daan sa
komprehensibo at epektibong pagsulat ng akademikong sulatin kaugnay sa
sining at disenyo.
May Gamit at Pakinabang
Upang ito ay mapansin at bigyan ng oras ng mga mambabasa,
marapat na ito ay may maigting na kaugnayan sa makukuhang
pakinabang ng mga mambabasa. Ang akademikong sulatin sa sining
at disenyo ay may hatid na benepisyo, bukod sa usapin ng saya,
diskuwento, at gamit ng sining at disenyo; naghahatid ito ng
kamalayan at nabibigyan ng kaalaman, at kasanayan ang isang
mambabasa. Ang akademikong sulatin sa sining at disenyo ay
nagtataglay ng kahulugan, kalikasan, at katangian. Ang ng ito ay
dapat bigyang halaga ng isang manunulat tungo sa epektibong
pasulat na pagpapahayag.
HALIMBAWA NG MGA SANAYSAY
SA SINING AT DISENYO
3 in 1 sa
Sining at Disenyo
GAWAIN: 3 in 1 sa SINING AT DISENYO
1. – Kumuha ng sariling kuhang-larawan na sumasalamin sa realidad
ng buhay o tungkol sa usaping panlipunan sa panahon ngayon.
2. - Pagkatapos ay gawan ito ng sariling kritisismo batay sa mga ss:
➢ pagbibigay ng deskripsiyon sa obra
➢ paglalatag ng pagsusuri
➢ pagbibigay-interpretasyon
➢ ang ebalwasyon
3. Sumulat ng sanaysay na pansining at disenyo batay sa sariling
kuhang-larawan. Ipakita ang mga ss na bahagi; pamagat, simula,
katawan, at wakas. Isaalang-alang ang iba’t ibang layunin sa pagsulat.
RUBRIK : UNANG GAWAIN
LARAWAN
KUHANG
LARAWAN
RUBRIK : IKALAWANG GAWAIN
RUBRIK : IKATLONG GAWAIN