Values Education
Values Education
3. Paghubog na pananampalataya
Narito ang ilan sa mga pamamaraan na maaring makatulong sa
iyo at sayong pamilya.
1. Tanggapin na ang Diyos ang dapat aging sentro ng
buhay-pampamilya. Sa paglipas ng panahon, ang mga
kasapi ng pamilya, lalo na ang mga magulang, ay labis
ang pagiging abala sa pagtatrabaho para sa
pagtataguyod ng pangangailangan ng pamilya.
2. Ituon ang pansin sa pag unawa. Ang pakikinig sa
panalangin o nilalaman ng mga aklat tungkol sa
pananampalataya (hal. Qur'an sa mga muslim at Bibliya
sa mga Kristiyano) ay hindi sapat kahit pa ang
pangmemorya sa nilalaman nito.
3. Hayaang maranas ang tunay at malalim nitong
mensahe. Hindi natin malilimutan ang mga karanasan
na nagkaroon ng malalim na epekto sa ating pagkatao.
4. Gamitin ang mga pagkakataon na handa ang bawat
kasapi ng pamilya na makinig at matuto. Ang paghubog
sa tao sa pananampalataya ay hindi dapat ipinipilit.
5. Tulungan ang bawat kasapi uang maitanim sa kanilang
kaisipan ang mga itinuturo tungkol sa
pananampalataya. Mabilis makalimot ang tap. Kaya sa
pagtuturo tungkol sa mahahalagang aral tungkol sa
pananampalataya, mahalagang maisagawa ito nang
paulit-ulit upang ito ay tumanim nang malalim sa
kanilang puso at isipan.
6. Iwasan ang pag-aalok ng suhol. "sige, kapag sumama
ka sa akin magsimba ay kakain tayo sa labas"
7. Ipadanas ang pananampalataya nang may kagalakan.
Mas masaya, mas hindi malilimutan. Ito ang
mahalagang tandaan kung magtuturo tungkol sa
pananampalataya. Tiyakin na lilikha ng mga
pagkakataon na magiging masaya ang kasapi ng
pamilya na matito.
1. Posisyon ng katawan
2. Ekspresyon ng mukha
3. Kumpas ng kamay at nakagawiang galaw o kilos