3RD Kontemporaryo
3RD Kontemporaryo
3RD Kontemporaryo
I. Panuto. Tukuyin ang konsepto inillalarawan sa bawat aytem. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
______________________1. Ito ay tumutukoy sa kawalan ng trabaho.
______________________2. Ito ang tawag sa tulong na ibinibigay ng pamahalaan sa mga walang trabaho.
______________________3. Tumutukoy ito sa pagtaas ng pangkalahatang lebel ng presyi ng mga kalakal
______________________4. Ang tawag sa pagsusulong ng pandaigdigang kalakalan sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga pambansang
hangganan at pagpapatatag ng ugnayan ng mga bansa sa kapwa bansa.
______________________5. Ang pagbubukas nito noong 1869 ay nagbigay-daan sa higit na mabilis na transportasyon sa mababang halaga.
______________________6. Ano ang tawag sa katangian ng isang bansang malayang namumuhay nang walang tulong o pakikipagkalakalan
sa ibang bansa?
______________________7. Ito ang paraan ng paghikayat sa isang estado na sumunod sa kagustuhan ng isa pang estado sa pamamagitan
ng pananakot gamit ang mga barkong pandigma.
______________________8. Ito ang nagbigay-daan sa pagkakaroon ng surplus o sobrang pagkain noong ika-18-ika -19 siglo na naganap sa
Gran Britanya.
______________________9. Tumutukoy ito sa pagsasama-sama ng ibat-ibang element upang maging isang bagay
______________________10. Ang tawag sa pagbabawas ng mga gawaing lokalat pag-usbong ng mga gawaing pandaigdigan bilang kapalit
nito.
______________________11. Ito ang tawag sa paglaganap nang trabahong may kinalaman sa kaalaman o knowledge, pag-aanalisa o
technical expertise
______________________12. Ang tawag sa kompanyang nagmamay-ari ng capital o assets sa mga bansa maliban sa bansang pinagmulan
nito
______________________13. Tumutukoy sa paraan ng paggalaw ng mga serbisyo, produkto, tao at komunikasyon upang mas maging
maginhawa at mabilis ang paggamit sa mga ito.
______________________14. Ito ang batas na nagpanukala sa Reproductive Health and Responsible Parenthood.
______________________15. Ito ang batas na kilala bilang “Magna Carta of Women”
II. Isulat sa patlang ang TAMA kung katotohanan ang ipinapahayag ng bawat pangungusap at kung MALI, salungguhitan ang
salitang nagpapamali nito.
_______1. Ang globalisasyon ay penomenang gawa ng tao.
_______2. Ang Pilipinas ay kasali sa World Market.
_______3. Ang Suez Canal ay matatagpuan sa pagitan ng kontinente ng Africa at North America.
_______4. Ang transport revolution ay naganap sa paglalayag lamang.
_______5. Noong 1858, ang bansang Hapon ay sapilitang nagbukas para sa pandaigdigang kalakalan dahil sa bantang pagsalakay ng mga
pandigma sa Europa.
_______6. Ag globalisasyon ay kumakatawan sa tagumpay ng kapitalismo sa mundo.
_______7. Ang NAFTA ay naglalayong mapadali ang daloy ng kalakalan sa North America, Canada at California.
_______8. Ang tawag sa pinag-isang salapi ng mga bansang kasapi ng EU ay dollar.
_______9. Ang pagsulong ng teknolohiya ay nagbukas ng daan sa mas maraming posibilidad ng kalakalan at paggawa.
_______10. Ang Pilipinas ay hindi lamang isang local na pamilihan kundi isa rin itong pandaigdigang pamilihan.
_______11. Ang mga MNC ang may hawak ng pinakamalaking control sa pagbuo ng mga polisiya sa pandaigdigang politika.
_______12. Ang mga NGO’s ay hindi bahagi ng pamahalaan ngunit pangunahing hangad nila ang kabutih an para sa lahat.
_______13. Ang pagsulong ng integrasyon sa mga bansa ay isa sa mga katangian ng globaisasyon.
_______14. Ang terorismo ay isa sa mga negatibong epekto ng globalisasyon.
_______15. Ang pamahalaan ang pinakamalking organisasyon sa kahit saang bansa.
_______16. Ang mga pansexual ay hindi aktibo sa gawaing sekswal.
_______17. Ang sekswalidad ay tumutukoy sa sekswal na oryentasyon ng isang tao.
_______18. Ang sekswalidad ay may kaugnayan sa bayolohikal o pisyolohikal na aspeto ng isang tao.
_______19. Ang tao ay maaaring walang sekswal na atraksiyon kanino man.
_______20. Karapatan ng isang tao na hubugin ang kanyang kasarian.
_______21. Ang same-sex marriage ay legal na sa Pilipinas.
_______22. Ang relihiyon at kultura ay kabilang sa mga dahilan ng pagkakaroon ng diskriminasyon sa kasarian.
_______23. Pinapaboran din ng Kongreso ng Pilipinas ang mga miyembro ng LGBT.
_______24. SA Pilipinas, mas mataas ag pagtingin nila sa mga kalalakihan kumpara sa mga kababaihan.
_______25. Si Pangulong Duterte ang lumagda sa RH Bill upang maging batas.
_______26. Ang heterosexuality ay tumutukoy sa romantikong atraksyon sa mga kabilang sa magkaparehong kasarian.
_______27. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala.
_______28. Ang aktibong pakikilahok sa mga gawaing pansibiko ay kabilang sa mga karapatan ng isang mamamayan.
_______29. Ang media ay isa sa mga instrumento na maaaring gamitin upang ipalaganap o ipatupad ang mga gawaing political.
_______30. Ang political socialization ay nagsisimula lamang kapag nasa tamang edad na sila.
III. Ipaliwanag ang iyong sariling kalooban at opinion tungkol sa “Legalization of Same-Sex Marriage”. Sang-ayon ka ba
dito? Oo o hindi? Pangatwiranan.