0% found this document useful (0 votes)
73 views10 pages

Written Report

Paghahanda ng kagamitang tanaw dinig
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
73 views10 pages

Written Report

Paghahanda ng kagamitang tanaw dinig
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 10

Republic of the Philippines

SORSOGON STATE UNIVERSITY


Sorsogon City
Magsaysay Street, Sorsogon City

MCFIL7 – PAGHAHANDA AT EBALWASYON NG KAGAMITANG PAGTUTURO

Tagapanayam: Sean Vincent L. Zepeda


Patrick Cyruz E. Ladip
Email: [email protected]
[email protected]
Kurso-Taon at Seksyon: BSED FILIPINO-2A
Paksa: Paghahanda ng mga Kagamitang Tanaw-dinig
Instructor/Propesor: Jucelyn Bordeos-Ombao
Associate Professor I
______________________________________________________________________

I.PANIMULA

Ang teknolohiya at paggamit ng mga kagamitang tanaw-dinig ay isang mahalagang


bahagi ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Sa kasalukuyang panahon, ang mga guro
ay kailangang maging bihasa sa paghahanda at paggamit ng mga midyang pang-
edukasyon upang mapataas ang antas ng pagkatuto ng kanilang mga mag-aaral. Ang
mga kagamitang ito ay tumutulong sa pagbibigay ng konkretong karanasan sa mga
mag-aaral at nagiging tulay upang mas madali nilang maintindihan ang mga
abstraktong konsepto. Isang mahalagang teorya na ginagamit sa paghahanda ng mga
kagamitang ito ay ang “Hagdan ng Karanasan” ni Edgar Dale, na nagbibigay ng
balangkas sa iba’t ibang antas ng karanasan mula sa kongkreto patungo sa abstrakto.

II.PAGTALAKAY NG PAKSA

Paghahanda ng mga Kagamitang tanaw-dinig

Totoo nga naman na sadyang malaki ang papel na ginagampanan ng mga kagamitan
panturo sa proseso ng pagtuturo ng ating mga guro at sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Mga kagamitang panturo na ginagamit upang maging makatotohanan ang talakayan,
mga kagamitang nakatutulong sa pagsasakatuparan ng mga layunin sa pagtuturo at
mga kasangkapang gumigising sa kawilihan ng mga mag- aaral at humihikayat ng
interaksyon.

Narito ang mga Kagamitang Tanaw-dinig:

a. Larong Book Baseball


Kagamitan:
Limang aklat na gagawing beys
Dalawang pangkat na may parehong bilang ng manlalaro
Paglalaruan: silid-aralan
Paraan:
Ilagay isa-isa sa apat na sulok ng silid-aralan ang apat sa limang aklat upang
magsilbing beys ng mga manlalaro. Ilagay sa may bandang gitna ang isang aklat.
Magiging beys ito ng tagahagis ng bola o pitser
b. Hot Potato
Kagamitan:
Panyo
Mga batang manlalaro
Paglalaruan: silid-aralan
Paraan:
Maghahawak-kamay ang mga bata at bubuo sila ng pabilog na pormasyon. Ang taya ay
tatayo sa gitna at pipiringan ang mga mata. Kakanta ngayon ang mga bata habang
iniikutan nila ang taya, paghinto
Ng kanta, hihinto rin sa pag-ikot ang mga bata. Likot ngayon ang taya. Paghinto niya’y
agad- agad niyang ituturo ang isa sa mga batang nakapaligid sa kanya. Ang batang
itinuro ay magbibigay agad ng tanong at sasagutin naman agad ng taya. Kapag
nasagot ng wasto ang katanungan, ang nagtatanong ang magiging taya. Kapag hindi
naman nasagot ng wasto, mananatiling taya ang dating taya.
c. Laro ng may-akda (Author’s Game)
Kagamitan:
Mga kard na may nakasulat na pangalan ng mga may-akda Mga binilong papel na kung
saan nakasulat ang may akda Kahon na paglalagyan ng mga binilog na papel
Paraan:
Bubunot ang mga mag-aaral ng tig-iisang kard na may nakasulat na pangalan ng mga
may akda. Dadalhin nila ang mga ito sa kanilang upuan at magsisilbing kard nila..
Pagkatapos, bubunot ang guro ng mga may-akda na nakasulat sa papel. Babasahin
niya ito. Titingnan ngayon ng mga bata ang hawak nilang kard. Kapag nakasulat ang
pangalan ng may akda sa hawak-hawak nilang kard lalagyan nila ng ekis ang nasabing
pangalan. Patuloy ang pagbasa ng guro sa mga tanong at patuloy rin ang pagmamarka
ng mga bata sa kanilang kard. Kung may batang nakapag-ekis ng limang tamang sagot
sa kanyang kard ng diretsong pahalang. Bibigyan sila ng regalo bilang pabuya.
D. Pahulaan
Ang mga manlalaro ay binubuo ng dalawang pangkat. Magbibigay ng katanungan ang
guro sa unang kasapi ng unang pangkat. Pag nasagot ng wasto ang katanungan,
bibigyan ng puntos ang pangkat na kinabibilangan niya. Susunod na tatanungin ngayon
ang ikalawang manlalaro na nasa unang pangkat pa rin. Pag nasagot ulit ng tama,
isang puntos ulit ang ibibigay sa kanila. Ngunit kung hindi tama ang kasagutan, ang
ikalawang pangkat na ang sasagot. Ganito ng ang gagawin hanggang sa umabot sa
itinakdang oras. Kung alin ang mas maraming puntos, iyon ang mananalo.
d. Magdala Ka
Kagamitan:
Mga bagay na nasa loob ng silid-aralan
Paraan:
Ang guro ay magsasabi ng bagay o mga bagay na dadalhin sa kanya Kapag nagsabi
na siya ng bagay, unahan ngayon ang mga bata sa paghahanap. Ang batang unang
makakapagbigay sa guro na binaggit niya ay siyang panalo.

e. Bugtungan: Sino ako?


Paraan:
Ang klase ay nahahati sa dalawang pangkat. Magbibigay ang guro ng bugtong. Alinman
sa dalawang pangkat ay maaring sumagot. Ang pangkat na nakasagot ng wasto ay
may puntos at siya ring magtatanong sa kabilang pangkat. Kapag nasagot ang bugtong,
ang pangkat na nagtanong ang siya naming sasagot sa ibabatong bugtong ng kabilang
pangkat. Kapag hindi naman nasagot ng wasto ang puntos ay mapupunta sa pangkat
na nagtatanong at sila muli ang magtatanong. Ang guro ang taga-iskor. Ganito ang
gagawin hanggang sa matapos ang itinakdang oras. Ang pangkat na may
pinakamaraming puntos ang panalo.
f. Luntiang Ilaw, Pulang Haw
Paraan:
Ang guro ay nasa harap ng klase habang ang mag-aaral ay nakaupo sa kani- kanilang
upuan. Kapag sinabi ng gurong “luntiang-ilaw” lahat ng mag-aaral ay tatayo at kapag
sinabing “pulang-ilaw”, uupo naman sila. Maaring salit-salit o sunod-sunod ang
pagkakasabi ng “lunting-ilaw”o “pulang- ilaw”. Ang sinumang mahuling magkamali ay
pinapupunta sa harapan. Ang mga pinapunta sa harapan ay parurusahan sa
pamamagitan ng pagtatanong tungkol sa leksyong pinag- aralan. Sa paraang ito,
naglalaro na sila, nag-aaral pa

1. Mga Dula

1.1 Pagtatanghal (Pageant)


Ang pagtatanghal ay isang makulay na pagkilala ng mga mahahalagang bahagi ng
kasaysayan na kung saan ang mga tauhan ay nakasuot na angkop na damit.
1.2 Pantomina o Panggagagad
Ang Pantomina ay pag-arte nang walang salitaan. Kikilos at aarte ang kasali ayon sa
hinihingi ng kanyang papel na ginagampanan. Ito ay payak na anyo ng dula na
magagamit sa iba't ibang pagkakataon. Ang mga mahiyaing mag-aaral ay nalilinang na
magkaroon ng tiwala sa sarili, maging magalang sa pagkilos sa pamamagitan ng
pantomina.
1.3 Tableau
Malaki ang pagkakatulad ng tableau sa pantomina dahil parehong walang salitaan.
Kaya lamang ang tableau ay walang galaw samantalang ang pantomna ay may kilos at
galaw. Ito ay parang isang larawang eksenang may mga tauhang tahimik na tahimik
ngunit may sapat at magandang kapaligiran.
1.4 Saykodrama
Ang saykodrama ay isang kusang-loob na dula na nauukol sa pansariling lihim o
suliranin ng isang tao. Ang mismong may suliranin ang gagawa ng iskrip at
magsasadula. Karaniwang ginagawa ito sa mga asignatumn Homeroom Guidance at
Edukasyong Pagpapahalaga.
1.5 Sosyodrama
Ang dulang ito ay walang gaanong paghahanda at pag-eensayo. Umunog ang paksa sa
suliraning panlipunan.
1.6 Role Playing
Kung sa sosyodrama ang diin ay sa suliraning panlipunanan, sa role playing naman ay
ang papel na ginagampanan, ang importante dito ay mabigyang buhay at halaga ang
papel na ginagampanan.
1.7 Dulang Pasalaysay (Chamber Theater)
Ang dulang pasalaysay o chamber theater ay tulad ng isang tunay na dula kung saan
ang mga tauhan ang nagbibigay buhay sa bawat tagpo sa pamamagitan ng mga
usapan, kilos at galaw. Kaiba sa tunay na dula, ang dulang pasalaysay ay may bahagi
kung saan ang mga tauhan ay nagkakaroon ng pagkukwento tungkol sa kanilang
ginagawa at mga gagawin
1.8 Sabayang Pagbigkas
Sabayang pagbigkas ang tawag sa sabay-sabay na pagbigkas sa tanghalan ng isang
pangkat ng anumang akdang pampanitikan.

2. Mga Papel

2.1 Karilyo
Pagpapagalaw ng anino ng mga pira-pirasong kartong hugis-tao sa likod ng putting
kumot na may ilaw. Habang pinapagalaw ang hugis-taong karton ay sinasabayan ng
salaysay gaya ng kurido, awit, dulang panrelihiyon o alamat.
2.2 Istik Papel
Cut-out ng anumang bagay na idinidikit sa patpat. Mabisa itong pangganyak sa bata
lalo’t sinasabayn ng pagkukwento.
2.3 Kamay na Papet o Hand Puppet
Anumang anyo ng tao, hayop o bagay na iginiguhit sa supot na papel. Ang isang kamay
ay ipinapasok sa supot na papel. Kapag iginagalaw ang kamay gumagalaw din ang
papet. Kinatutuwaan ng mga mag-aaral ang ganitong klase ng papel. Napupukaw ang
kanilang interes kaya’t nakapokus ang kanilang atensyon sa aralin.
2.4 Daliring Papel
Ito ay paggamit ng daliri sa paggawa ng anumang hugis o anyo ng gustong gayahin.
Maaaring guhitan ang daliri ng anyong mukha ng tao. Pinapagalaw ang daliri habang
sinasabayan ng pagsasalita o pagkukwento.
2.5 Marvonet o Pising Papel
Gumuhit ng larawan ng tao o hayop o anumang bagay sa isang malapad na karton,
Gupitin ito at paghiwa-hiwalayin ang mga bahagi ng katawan. Kabit ang mga bahagi sa
pamamagitan ng tamtaks. Itali ang pisi sa mga bahaging gustong pagalawin. Kung
hihilahin nang paitaas ang pisi, kikilos ang papet

Narito ang mga kagamitang tanaw-dinig para sa pakitang turo:


1. Pisara
Ang silid-aralang walang pisara ay tulad ng isang dyip na walang gasolina. May kulang
sa pagtuturo ng guro kung walang pisarang masusulatan ng mga paliwanag at
ilustrasyon.
Maraming guro ang nag-aakalang nangangailangan ng mga kakaiba at mamahaling
kagamitan ang pakitang-turo. Hindi lahat ng ito ay totoo sapagkat ang pisara ay mura
bagama’t mabisang kasangkapan sa pakitang-turo. May magandang bentahe ang
pisara. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
a. Kagyat at agad-agad na magagamit.
b. Nabubura kaagad ang mga mali.
c. Animated ang bilis o bagal ng pakitang-turo na hindi nagagawa sa
demonstrasyon sa pamamagitan ng sine o telebisyon.
d. Nagkakaroon ng masiglang pakikilahok ang mga mag- aaral na pumunta sa
pisara at isulat ang sagot o ang hinihingi ng pakitang-turo.
2. Paskilang Pranela o Pelt
Ang paskilang pranela ay isang kagamitang tanaw dinig na dikitan ng mga bagay. Para
dumikit ang mga ito, kailangan ang paskilan ay nababalutan ng pranela o pelt o mga
lumang istaking, at ang likod naman ng mga bagay tulad ng mga cut-out, larawan at
bilang ay kailangang nadidikitan ng papel de liha.
Kaakit-akit Mainam gamitin ang paskilang pranela sa mga display, pakitang-turo at
paglalahad ng aralin. Ito ay Magaan at madali itong itago. Madali rin itong gawin.

Ang ilan sa mga porma ng eksibit ay ang mga sumusunod:


1.Displey na yari ng guro at mga mag-aaral
Ito ay mga bagay na ginawa ng guro at ng kanyang mga mag-aaral. Unang itatanghal
ng guro ang kanyang mga ginagawang bagay o proyekto. Magsisilbing halimbawa ito
sa mga bata at gagawa rin sila ng kanila. Ipapaskil o ididispley rin ang mga nagawa ng
mga mag-aaral na kasama ng gawa ng guro sa isang lugar na tiyak na mapapansin.
2. Museo
Ang museo ay isang lugar na kakikitaan ng pagtatanghal ng mga bagay na may
kinalaman sa alinman sa mga sumusunod: siyensiya, sining, kultura, heograpiya,
kasaysayan, mga kagamitang luma ng ating mga ninuno at iba pa. Ang mga museong
tanyag sa Pilipinas na dinudumog hindi lamang ng mga Pilipino kundi maging ng mga
dayuhan ay ang Malacañang Museum, National Museum, Rizal Museum sa Calamba,
Ayala Museum, Marcos Museum at iba pa.
3. Bulitin Bord
Ang bulitin bord ay isang kagamitang tanaw na katularin ng pisara at ginagamit bilang
tanghalan o paskilan ng mga bagay na may relasyon sa aralin at pag-aaral. Maraming
gamit ang bulitin bord. Maaari itong paskilan ng mga takdang-aralin, ulat, cut-out,
dayagram, larawan,
4. Takbord
Magkatulad na magkatulad ang gamit ng takbord at bulitin bord bilang tanghalan at
paskilan. Nagkakaiba lamang sila sa paraan ng pagpapaskil. Ang ginagamit na
pampaskil sa bulitin bord ay kola samantalang sa takbord ay tamtaks o aspili. Kaya’t
dapat lamang na ang materyales ng takbord ay malambot tulad ng kork o styrofoam. Sa
gayon, madali ang paglalagay o pag-aalis ng anumang bagay na ipinapaskil dito sa
pamamagitan ng tamtakso pantusok.
5. Poster
Laganap ang poster sa ating paligid. Ang mga bilbord na nasa bubungan ng mga
gusali, ang mga patalastas ng sine na nakadikit sa mga bakod at punong-kahoy, ang
mga nakapaskil na anunsyo ukol sa nalalapit na konsiyerto o pagbubukas ng bagong
pamilihan ang lahat ng ito ay ilan lamang sa mga porma ng poster.
Sa mga paaralan, ginagamit ang poster bilang kagamitang tanaw-dinig. Nakapaskil ang
mga ito sa pisara, bulitin bord o dingding ng silid-aralan. Nagsisilbi itong pangganyak,
paalaala at patnubay sa mga mag-aaral hinggil sa liksyong kanilang pinag-aaralan.
Madaling gumawa ng poster. Maaaring gumuhit ang mga mag-aaral o gumupit na
lamang sa mga babasahin. Ang mga ginupit na larawan ay ididikit na lamang sa
kardbord o kartolina at lalagyan ng paksa o kaya’y tema.
6. Timeline
Ang timeline ay pisi o kawad na ginagamit bilang sabitan. Pinapasukan ito ng mga sipit
upang maging sabitan ng mga larawan o iba pang bagay. Sa pamamagitan nito,
napapadali ang pagtatanghal ng anumang kagamitang tanaw-dinig na kailangang
ipakita sa harap ng klase.
7. Dayorama
Ang dayorama ay isang kagarnitang tanaw-dinig na yari sa kahon. Inaalis ang itaas at
harap na bahagi ng kahon at sa halip, ang pinapalit ay plastik. Ang dahilan nito ay
upang makita ng mga bata ang mga bagay na nakadispley sa loob ng kahon na may
kaugnayan sa liksyon. Ang isang magandang halimbawa ng dayorama ay iyong nakikita
sa Ayala Museum tungkol sa kasaysayan ng ating lahi. Kaya lamang, masyadong
magastos ang ganitong klase ng dayorama. Ang mga kahong malalaki na
pinaglalagyan ng mga de-lata at kagamitan ay sapat na upang gawing dayorama
pampagtuturo.
8. Mobil o Pabitin
Ang mobil ay anumang kagamitang tanaw-dinig na itinatanghal sa pamamagitan ng
pagsasabit, kaya’t ito’y gumagalaw kapag humahangin. Karaniwang nakikita ang mobil
sa mga tindahan at groserya. Ang iba’t ibang produkto ay maaaring maipatalastas sa
pamamagitan ng pagsasabit ng mga halimbawang produktong karton sa harap at loob
ng isang tindahan. Sa panahon ng kapaskuhan, ang mga paaralan ay kakikitaan ng
mga parol na nagsabit. Ang parol ay magandang halimbawa ng mobil. Ang mga
isinasabit din sa Krismas tri ay mga halimbawa ng mobil. Ang isang gurong nagsabit ng
iba’t ibang uri ng prutas sa mga sanga ng halamang nasa loob ng silid-aralan bilang
panggayak sa paksang-araling “mga uri ng prutas” ay gumamit ng kagamitang tanaw-
dinig na kung tawagin ay mobil. Ang mga banderitas na nakasabit sa harapan ng silid-
aralan na may paksa ng isang bagong aralin ay isa ring halimbawa ng mobil.

Iba’t ibang kagamitang pangkomunikasyon na ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral ay


gaya ng mga sumusunod:
1. Ang Telebisyon
Ang telebisyon ay isa sa mga bantog na imbensyon ng tao. Naghahatid ito ng aliw,
kaalaman, balita at pangyayari sa iba’t ibang panig ng daigdig. Sa silid-aralan, mabisa
itong kagamitang tanaw-dinig. Bagamat maraming natututuhan ang mga bata sa
telebisyon, kinakailangan naman ang patnubay ng mga magulang sa pagpili ng
kanilang papanoorin.
2. Sine
Ang sine, bilang isang kagamitang tanaw-dinig, ay may layuning hindi lamang
magbigay-aliw kundi magdagdag ng kaalaman sa mga mag-aaral. Maaari itong magturo
ng mga bagay na hindi nila nararanasan nang tuwiran, gawing mas madaling
matutunan ang mahihirap na paksa, at muling ipakita ang nakaraang pangyayari.
Mahalaga na maging maingat ang guro sa pagpili ng pelikulang ipapanood, tiyakin ang
pagiging angkop nito sa edad, interes, at kakayahan ng mga mag-aaral. Bago manood,
kailangan magbigay ang guro ng gabay na tanong at ipaliwanag ang mahihirap na
salita. Pagkatapos manood, dapat sagutin ng mga estudyante ang mga tanong at
maaari silang gumawa ng proyekto o ulat batay sa kanilang napanood.
3. Ang Radyo
Ang radyo ay isa sa mga pinakagamiting kasangkapan sa larangan ng komunikasyon.
Nagsisilbi itong mabisang midyum sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga
gawain ng pamahalaan, pangyayari sa mundo, presyo ng mga bilihin, mabubuting gawi
at iba pang kaalaman.
Nagagamit ng guro ang radyo sa mga gawaing pansilid- aralan. Sa pamamagitan ng
radyo, nalilinang ang kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral; naghahatid ito ng
dagliang impormasyon; pinasisigla nito ang iba’t ibang gawain ng mga bata; nagbibigay-
kawilihan ito at nagpapatayog ng imahinasyon; nanggagayak ito upang maging
malikhain ang mga mag-aaral; at naghahatid ito ng katotohanan at karagdagan
kaalaman.
4. Ang Prodyektor
Ang prodyektor ay kasangkapang ginagamit upang magmukhang malaki ang isang
maliit na larawan, guhit o bagay na ipinapakita sa telon. Ang mga detalyeng hindi
malinaw sa orihinal na larawan, guhit o bagay ay nagiging malinaw kapag isinubo sa
prodyektor. Maraming uri ng prodyektor gaya ng opaque projector, overhead projector,
slide projector, motion picture projector at tachitoscope projector.
5. Mga larawang Di-gumagalaw
Ang mga larawang di-gumagalaw ay maaaring retratong kuha ng kamera, maaari ring
iginuhit lamang o ginupit sa mga magasin, pahayagan at iba pang babasahin.
6. Ang Teyp Rekorder
Isang mahalagang kagamitan sa pagtuturo at pag-aaral ang teyp rekorder. Nagbibigay
ito ng iba’t ibang at kasanayan sa pamamagitan ng pakikinig. Nagiging masigla at
kawili-wili ang pag-aaral dahil sa mga ideya, panayam, tula, awit, sabayang pagbigkas
interbyu at pakikinig sa sariling boses na inirekord. Ang teyp rekorder ang nagsisilbing
tagatsek ng maling bigkas al maling intonasyon.

Kinakatawan ng simbolong biswal ang mga kagamitan gaya ng mga sumusunod:


1. Mapa o Globo
Ang mapa at globo ay mga halimbawa ng simbolong biswal. Gamiting-gamitin ang mga
ito sa pagtuturo ng Araling Panlipunan, Sibika at Kultura at Agham. Ginagamit din ito
kapag kailangang tukuyin ang mga lugar na nababasa sa panitikan at sa iba pang mga
aralin.
2. Dayagram
Ang dayagram ay isang kagamitang tanaw-dinig o isang simbolong biswal na
nagpapaliwanag sa ugnayan ng mga sangkap ng isang bagay sa pamamagitan ng mga
linya at simbolo. Dahil ang dayagram ay abstrak at makahulugan, kinakailangan ang
maintindihan ito ng mga mag-aaral. Maliwanag dapat pagkakalahad nito upang
mapagaan at mapadali ang pagkatuto ng mga mag aaral. Karaniwang hindi
maintindihan ang diagram kung walang kasamang batayang salita o keyword, larawan
at iba pang simbolo, and pastang mga ito ay dapat isaalang-alang ng guro sa paggawa
ng dayagram (Kinder, 383).
3. Grap
Ang grap ay isang kagamitang nagpapakita ng malinaw na balangkas ng ugnayan ng
dalawa o mahigit pang bilang ng mga bagay o pangyayari. Ginagamit ito sa paglalahad
ng istadistika sa pamamagitan ng tulduk-tuldok, linya, bilog, hanay o mga larawan. Ito
ay ginagawa ayon sa panuntunang pangmatematika. Natatagpuan ang mga ito sa mga
aklat, polyeto, magasin at pahayagan.
4. Tsart
Karamihan sa mga kagamitang nagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng linya o
guhit, hugis, larawan at krokis ay tinatawag na tsart o kagamitang grapikal. Ang mapa,
grap, poster at dayagram ay nasa kategorya ng tsart. Ngunit may mga kagamitang
grapikal na hindi mabigyan ng tiyak na pangalan, kung kaya’t inuri nina Mc Known at
Roberts ang mga ito bilang tsart. Ayon kay Kinder, ang tsart ay ang mga kaalamang
nakatala, nakalarawan at nakadayagram. Kaya, ang tsart na may mga larawan ng mga
bulaklak ay tinatawag na tsart ng mga bulaklak, ang tsart na may nakasulat sa wastong
pagbigkas ay tinatawag na tsart ng pagbigkas, at ang tsart na nagpapakita ng
komposisyon ng isang tanggapan ay tinatawag na organizational chart.
Ang guro ang gumagawa ng mga tsart na ginagamit sa pagtuturo. Sa paggawa nito,
maaari siyang humingi ng tulong sa kanyang mga mag-aaral kung kinakailangan.
Maaari ring bilhin na lang ang tsart sa tindahan ng mga aklat kung mahirap itong gawin.
5. Kartun
Ayon kay Kinder, ang kartun ay pagpapakahulugan ng larawan sa pamamagitan ng
pagsasagisag. Kadalasan, ginagamitan ito ng pagmamalabis o katatawanan upang
maihatid ang isang mensahe o kaisipan tungkol sa mga pangyayari, tao o sitwasyon.
Maaaring magamit ng guro ang kartung nakikita sa pang-araw-araw na pahayagan.
Maaari niya itong idikit sa kartolina upang magamit sa paglalahad ng bagong liksyon sa
talakayan, pagganyak at pagsubok sa nakaimbak na karanasan ng mga mag-aaral.
6. Sketch
Ang sketch ay payak at dagliang pagguhit na nagbibigay ng tampok na katangian ngunit
walang detalye. Agbibigay Haas at Packer, ang sketch ay tinatawag na “spark plug” sa
pagsasanay na biswal dahil madaling gawin at mabisang kasangkapan sa pagsasanay.

Kinakatawan ng simbolong berbal ang mga kagamitan gaya ng mga sumusunod:


1. Semantic Mapping
Ang semantic mapping o semantic webbing ay isang parang ng pagpapalawak ng kahit
pamamagitan ng mga katergorya ng salita na nauugnay rito. Ito ay nababatay sa
panuntunan na ang mga bagay rit natututuhan ng mag-aaral ay kaugnay ng kanyang
karanasan at dati nang alam.
2. Association o Word Network
Ang association o word network ay isang proseso ng pagbibigay ng mga salitang
kaugnay sa isang paksa o ideya. Ang mga salitang nauugnay sa isang paksa o bagay
ay naayon sa karanasan o nakaraang kaalaman ng mga mag-aaral.
3. Clining
Ang clining ay isang proseso ng pagkilala ng pagkakaugnayan ng mga salita ayon sa
antas o tindi ng kahulugan na ipinahahayag. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na may mga
salita silang ginagamit ayon sa tindi ng damdamin na nais na ipahayag. Halimbawa,
hindi maaaring sabihin na galit ka kung naiinis ka lamang. Pansinin ang pagkakaayos
ng mga salita ayon sa tindi ng damdaming ipinahahayag.
4. Clustering
Ang clustering ay isang proseso ng pagbibigay ng iba pang salita na halos kapareho rin
ng kahulugan ng batayang salita.
5. Collocation o Kolokasyon
Ang collocation o kolokasyon ay isang proseso ng pagsasama ng salita sa iba pang
salita upang makabuo ng ibang kahulugan. Nabibilang dito ang mga matalinghagang
salita na binubuo ng mahigit sa isang salita o parirala. Sa pag-unawa ng mga salitang
ito, kailangang malaman muna ng mag-aaral ang payak na kahulugan ng mga salitang
pinagsama, pagkatapos ay ang iba pang kahulugan na ipinapahiwatig dito.
6. Huwaran o Pattern
Ang huwaran o patem ay proseso ng pagsusuri sa kayarian ng salita o grupo ng mga
salita. Nauunawaan ng isang mag-aaral ang isang salita sa pamamagitan ng mga
bahagi nito tulad ng salitang-ugat, mga panlapi, paraan ng pagkakabuo ng salita tulad
ng pag-uulit ng pantig, pag-uulit ng salitang ugat at pagtatambal
7. Kasabihan, Kawikaan, Sawikain, Salawikain
Ang mga kasabihan, kawikaan at salawikain ay mga halimbawa ng simbolong berbal na
karaniwang nakikita sa porma ng poster sa mga silid-aralang pang-elementarya at
pansekundarya.
8. Plaskard
Ang plaskard ay isang kagamitang tanaw-dinigo simbolong berbal na pinagsusulatan ng
anumang bagay ibig ipakita nang mabilisan o pauli-paulit sa mga mag-aaral upang
mahasa sila sa mabilis na pagbasa, pag-unawa pagkuwento. Ang sukat nito ay
depende sa haba at laki isusulat.

III.KONKLUSYON

Ang paghahanda at paggamit ng mga kagamitang tanaw-dinig ay isang mahalagang


bahagi ng modernong edukasyon. Sa pamamagitan ng maingat na pagpili at tamang
pag-aangkop ng mga kagamitan sa aralin, nagiging mas makabuluhan at epektibo ang
proseso ng pagkatuto. Gayunpaman, mahalagang tandaan na ang mga kagamitang ito
ay suporta lamang sa pagtuturo; ang tunay na pokus ay dapat pa ring nakatuon sa
pakikipag-ugnayan ng guro at mag-aaral. Kung wasto ang paghahanda, magiging mas
matagumpay ang pagsasakatuparan ng mga layunin ng pagtuturo.

IV.SANGGUNIAN

Abad M. Ruedas P. 1996.Paghahanda ng mga Kagamitang Pampagtuturo. National


Book Store.

Mayos N. Gutierrez J. Tica-a P. Mga Kagamitang Panturo sa Filipino. 105 Del Pilar St.,
Cabanatuan City, Philippines.
V. DOKUMENTASYON

You might also like