EMCEE Induction
EMCEE Induction
Isang maganda at mapagpalang araw sa ang lahat. On behalf of the Payar Elementary School faculty
and sta, kami po ay nagpapasalamat at nagagalak na bain kayong lahat ngayong hapon.
Mga magulang, mga mag-aaral, mga guro, mga kinatawan ng brgy. Council, at sa ating mga panauhing
pandangal, isang mapagpalang hapon po sa inyong lahat.
Bilang bahagi ng taong-panuruan 2023-2024, ating isasagawa ngayon ang ang Mass Induction at Oath
Taking Ceremony ng samahan ng mga magulang at mga mag-aaral.
Sa pormal na pagsisimula nng ating programa, inaaanyayahan ang lahat na tumayo para sa panalangin na
susundan ng Pilipinas Kong Mahal sa pamamagitan ng Audio-Visual Praesentation
Maaari na po tayong maupo. At para naman sa pambungad na pananalita, ito ay ibibigay sa atin ng ating
Master Teacher, G. Wilfredo G. Ballesteros Jr.
Inaanyayahan ko po ang lahat na tumayo para sa ating pampasiglang bilang na pangungunahan ni Mam
Ginalyn M. Rosario.
Isang mensahe ang ibibigay sa atin ng ating ama ng Barangay Payar, Kapitan Reynaldo C. Paragas.
Ang isang programa na katulad nito ay hindi makukumpleto kung walang panauhing pandangal. Para po
ipakilala sa atin ang ating mga panauhing pandangal sa hapong ito, akin pong tinatawagan ang ating
napakagandang School head Dr. Vernalisa A. Magalong.
Pakinggan po natin ang mensahe ng ating mga panauhing pandangal. Pakinggan po natin si Arch. Robert
F. Pamintuan. Maraming Salamat po Arch sa inyong pagtugon at pagbibigay ng oras sa aming imbitasyon.
Ngayon naman, pakinggan din po natin ang isa pa nating panauhing pandangal na si Ms. Zuzzane G.
Rodas. Maraming Salamat po Ms. Zuzzane sa inyong pagtugon at pagbibigay ng oras sa aming
imbitasyon.
Tinatawagan ko naman po ngayon ang ating School Head, Dr. Vernalisa A. Magalong para po igawad ang
mga sertipiko sa ating mga panauhing pandangal.