ARP 101 Aralin 1
ARP 101 Aralin 1
ARP 101 Aralin 1
ARALING PILIPINO
Aralin 1 Araling Pilipino sa Panahon
ng Neoliberal at Artipisyal na
Pilipino ni Prof. Mykel Andrada
Oryentasyon at Kasaysayan
A – Akademikong Disiplina P – Panlipunang Uri at Ekonomiya
R – Reaksyon sa Kolonyal na I – Imperyalismo ang Kalaban
Oryentasyon sa Edukasyon L – Lahi at Etnisidad
A – Agham (Siyentipiko) I – Identidad
L - Linang (Kalinangan) P – Progresibo
I – Indihenisasyon I - Interdisiplinaryo
N – Nasyonalismo (Makabayan) N – Nagpapalaya o Mapagpalaya
G – Gender at Seksuwalidad O - Organisado
Bakit Hindi Paksaing Filipino?
Ipinapakita sa unang bahagi ng talumpati ni Dr. Bienvenido Lumbera na may pamagat “Bakit
Hindi Paksaing Filipino?” na may indibidwalismong kulturang namamayani; na higit iniisip ang
pansariling pag-unlad; at impluwensiya ng mga kolonyalista. Salungat sa katutubong kulturang
Pilipino na higit na pinapahalagahan ang kulturang kolektibo. Isang patunay rito ang wikang
Filipino, mga salitang halimbawa ay kapuwa, tayo, atbp.
Re-edukasyon, hindi ito tumutukoy lamang sa pag-aaral muli. Ito ay pagsasaayos ng sistema ng
edukasyon. Kailangan ng re-edukasyon, kailangan ng paglalapat ng mga aralin sa tunay na
pangyayari sa buhay ng Pilipino.
MGA HAMON SA PAGTUTURO GAMIT
ANG LENTE NG ARALING PILIPINO
Kalituhan sa Identidad
Lumalang Neoliberalisasyon
Fake News
Historical Revisionism
Kultura
Sa biswal na pagtingin ng kultura, higit na nakikita natin ang dulot nito sa
paraan ng pagbati sa isa't isa; mga tradisyong sinusunod kapag may
pagdiriwang; mga pagkain at marami pang iba. Sa kabilang banda,
makikita rin sa ating mga paniniwala, kaugalian at pananaw ang
kulturang namamayani sa atin.
Upang makasanayan
Upang bigyan ng mataas na pagkilala
Upang pagyamanin
Kultura
* Gawi Kumbensiyon
* Kaisipan Pananamit
* Pagkilos Paraan ng
*Tradisyon pamumuhay
* Panitikan Wika
“Ang tao ang lumilikha ng Wika,
Panitikan at Kultura”
(Pagnilayan)
Ang tao ang lumilikha ng Wika,
Panitikan, at Kultura
Ang tao ang lumilikha ng Wika, Panitikan at Kultura sapagkat siya ang nakikipag-
ugnayan, sa pakikipag-ugnayan ay kinakailangan ang komunikasyon na maaring
makikita sa kilos o sa mga tunog.
Tao ang bumubuo ng kultura, siya ang nagtatakda ng mga dapat at hindi dapat,
mga bagay na tama o mali, mga pananaw at paniniwala sa buhay at marami pang
iba.
Lumalago ang kultura sa mga paraang
tulad nito: