PAGPAPATIWAKAL-WPS Office

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

II.

PAGPAPATIWAKAL (suicide)

A. Ang pagpapatiwakal ay sadyang pagkitil ng sariling buhay at naaayon sa kagustuhan. Dapat


may maliwanag na intensyon ang isang tao sa pagtatapos ng kaniyang buhay bago ito maturing
na isang gawain na pagpapatiwakal.

“Ang pagpapatiwakal ay isang malubhang suliraning pangkalusugan ng bayan.”—David Satcher,


U.S. surgeon general, noong 1999."

Ang pangungusap na iyan ang naging kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan na


binanggit ng isang surgeon general sa Estados Unidos ang pagpapatiwakal bilang isang isyu ng
bayan. Parami nang parami ang tao sa bansang iyon ang nagpapakamatay kaysa pinapatay ng
ibang tao. Hindi kataka-taka na ipinahayag ng Senado ng Estados Unidos ang pag-iwas sa
pagpapatiwakal bilang isang pambansang priyoridad.

Gayunman, ang bilang ng pagpapatiwakal sa Estados Unidos, na 11.4 sa bawat 100,000 noong
1997, ay mababa sa pandaigdig na bilang na inilathala ng World Health Organization noong
2000—16 sa bawat 100,000. Ang bilang ng pagpapatiwakal sa buong daigdig ay tumaas nang
60 porsiyento sa nakalipas na 45 taon. Ngayon, sa loob lamang ng isang taon, mga isang milyon
katao sa buong daigdig ang nagpapatiwakal. Katumbas iyan ng halos isang kamatayan sa
bawat 40 segundo! Subalit, hindi lubusang maiuulat ng estadistika ang buong situwasyon. Sa
maraming kaso, ikinakaila ng mga miyembro ng pamilya na ang isang kamatayan ay dahil sa
pagpapatiwakal. Isa pa, tinatayang sa bawat naisagawang pagpapatiwakal, sa pagitan ng 10 at
25 ang tinangka. Natuklasan ng isang surbey na 27 porsiyento ng mga estudyante sa high
school sa Estados Unidos ang umamin na noong nakaraang taon, seryoso nilang pinag-isipan
ang pagpapatiwakal; 8 porsiyento sa grupong sinurbey ang nagsabi na sila’y nagtangkang
magpatiwakal. Natuklasan ng iba pang pagsusuri na mula 5 hanggang 15 porsiyento ng mga
nasa hustong gulang ang minsa’y nakapag-isip na magpatiwakal. Lubhang nagkakaiba-iba ang
pangmalas ng mga tao sa pagpapatiwakal. Minamalas ito ng ilan bilang isang krimen, ng iba
bilang isang duwag na pagtakas, at ng iba naman bilang isang marangal na paraan ng paghingi
ng tawad para sa isang malaking pagkakamali. Itinuturing pa nga ito ng ilan bilang isang
marangal na paraan upang isulong ang isang layunin. Bakit ang gayong pagkakaiba-iba ng
pangmalas? Malaking papel ang ginagampanan ng kultura. Sa katunayan, sinasabi ng The
Harvard Mental Health Letter na ang kultura ay maaari pa ngang “makaimpluwensiya sa
posibilidad ng pagpapatiwakal”. “Ang kalakhang bahagi ng desisyong mamatay ay depende sa
pagpapakahulugan sa mga pangyayari,” ang sabi ni Kay Redfield Jamison, propesora ng
saykayatri sa Johns Hopkins University School of Medicine. Sabi pa niya: “Ang karamihan sa
mga isipan, kapag malusog, ay hindi nagpapakahulugan sa anumang pangyayari na gayon na
lamang kagrabe upang magpatiwakal.” Sinabi ni Eve K. Mościcki, ng U.S. National Institute of
Mental Health, na maraming salik—ang ilan sa mga ito ay umiiral at pangunahin subalit hindi
halata—ang nagsasama-sama upang humantong sa pagkilos na umaakay sa pagpapatiwakal.
Kabilang sa gayong pangunahing mga salik ang mga sakit sa isip at pagkasugapa, kayariang
henetiko, at kemikal na reaksiyon sa utak. Isaalang-alang natin ang ilan sa mga ito.

Unang-una sa mga salik na ito ang mga sakit sa isip at pagkasugapa, gaya ng
panlulumo, bipolar mood disorder, schizophrenia, at pag-abuso sa mga inuming de-alkohol o
droga. Ipinakikita ng pananaliksik kapuwa sa Europa at sa Estados Unidos na mahigit sa
90 porsiyento ng naisagawang mga pagpapatiwakal ay nauugnay sa gayong mga karamdaman.
Sa katunayan, nasumpungan ng mga mananaliksik na Sweko na sa mga lalaking nasuri na
walang anumang uri ng gayong karamdaman, ang dami ng pagpapatiwakal ay 8.3 sa bawat
100,000, subalit sa mga nanlulumo ito ay lumukso sa 650 sa bawat 100,000! At sinasabi ng mga
dalubhasa na ang mga salik na humahantong sa pagpapatiwakal ay kahawig niyaong sa mga
lupain sa Silangan. Gayunman, kahit ang pagsasama ng panlulumo at mga pangyayaring sanhi
ng pagpapakamatay ay hindi tumitiyak sa pagpapatiwakal.

Si Propesora Jamison na minsa’y nagtangkang magpatiwakal mismo, ay nagsabi: “Waring


natitiis o nababata ng mga tao ang panlulumo habang naroroon ang paniniwala na bubuti pa
ang mga bagay-bagay.” Gayunman, nasumpungan niya na habang ang dumaraming kabiguan ay
hindi na mabata, unti-unting nanghihina ang kakayahan ng sistema ng isip na pigilan ang mga
bugso ng pagpapatiwakal. Inihahalintulad niya ang kalagayan sa pagnipis ng mga preno sa
isang kotse dahil sa madalas na pagpreno.

Mahalagang kilalanin ang gayong hilig sapagkat nalulunasan ang panlulumo. Ang mga
damdamin ng kawalang-kakayahan ay maaaring baguhin. Kapag nalutas ang pangunahing mga
salik, maaaring iba na ang maging reaksiyon ng mga tao sa mga sama ng loob at mga
kaigtingan na kadalasang nagiging sanhi ng pagpapatiwakal.

Inaakala ng ilan na ang henetikong kayarian ng isa ay maaaring maging isang pangunahing salik
sa maraming pagpapatiwakal. Totoo, ang mga gene ay gumaganap ng papel sa pagtiyak sa
disposisyon ng isa, at isinisiwalat ng mga pagsusuri na ang ilang angkan ng pamilya ay may
higit na mga insidente ng pagpapatiwakal kaysa sa iba. Subalit, “ang henetikong hilig na
magpatiwakal ay hindi nangangahulugan na hindi maiiwasan ang pagpapatiwakal,” sabi ni
Jamison.

Maaari ring maging isang pangunahing salik ang kemikal na reaksiyon sa utak. Ang bilyun-
bilyong neuron ng utak ay nakikipagtalastasan sa elektrokemikong paraan. Sa nagsasangang
dulo ng mga himaymay ng mga nerbiyo, may maliliit na agwat na tinatawag na
mga synapse kung saan dinadala ng mga neurotransmitter ang impormasyon sa kemikal na
paraan. Ang antas ng isang neurotransmitter, ang serotonin, ay maaaring nasasangkot sa
biyolohikal na kahinaan ng isang tao na magpatiwakal. Ganito ang paliwanag ng aklat na Inside
the Brain: “Ang mababang antas ng serotonin . . . ay maaaring mag-alis sa kaligayahan ng buhay,
anupat nawawalan ng interes ang isang tao sa kaniyang pag-iral at nadaragdagan ang panganib
ng panlulumo at pagpapatiwakal.”
Subalit, ang totoo ay na walang sinuman ang itinalagang magpatiwakal. Napagtatagumpayan
ng milyun-milyong tao ang mga sama ng loob at mga kaigtingan. Ang paraan kung
paano tumutugon ang isipan at puso sa mga panggigipit ang siyang umaakay sa ilan na
magpakamatay. Dapat lutasin hindi lamang ang kasalukuyang mga sanhi kundi ang
pangunahing mga salik din naman.

Kaya, ano ba ang magagawa upang lumikha ng isang mas positibong pangmalas na
magpapanumbalik ng sapat na kasiyahan sa buhay?

B. Sariling pananaw sa isyu.

Hindi maganda ang pag papatiwakal dahil ayon sa bibliya ang pagpapatiwakal ay katapat pag
patay ng tao dahil ito ay pag patay sa sarili. Ang Diyos lamang ang dapat na magdesisyon kung
kailan at paano mamamatay ang isang tao. Kung kukunin mo ang desisyong iyon at ilalagay mo
sa iyong sariling mga kamay, ayon sa Bibliya, ito'y isang pagkutya sa Diyos. Kung makakaranas
ka ng depresyon mag pa konsulta agad sa psychiatric dahil baka ito ay humantong sa
pagpapakamatay o pagpapatiwakal. Kung may kamag anak, kaibigan o karelasyon ka naman na
nakakaranas nito ay agad mo itong kausapin tungkol sa kaniyang problema para hindi niya ito
gawin o kaya alalahanin natin kung pano siya magiging ligtas at humanap ng mga propsyonal
na nakaka alam sa isyung ito. Wala naman gustong magpakamatay, gusto lang nilang
maiwasan ang mapait na naranasan nila o ang mga problema nila, pero nawawalan sila ng
pag-asa sa buhay, pakiramdam nila walang may pake sa kanila, walang may gustong
makiramay sa kanilang problema kaya nila nagagawa ang pagpapakamatay.

III. MGA ARGUMENTO SA ISYU.

A. BUOD NG ARGUMENTO.

Pagkakaiba-Iba sa Kultura.

Lubhang nagkakaiba-iba ang pangmalas ng mga tao sa pagpapatiwakal. Minamalas ito ng ilan
bilang isang krimen ng iba bilang isang duwag na pagtakas, at ng iba naman bilang isang
marangal na paraan ng paghingi ng tawad para sa isang malaking pagkakamali. Itinuturing pa
nga ito ng ilan bilang isang marangal na paraan upang isulong ang isang layunin. Bakit ang
gayong pagkakaiba-iba ng pangmalas? Malaking papel ang ginagampanan ng kultura. Sa
katunayan, sinasabi ng The Harvard Mental Health Letter na ang kultura ay maaari pa ngang
“makaimpluwensiya sa posibilidad ng pagpapatiwakal.”
B. MGA IMPORMASYONG SUMUSOPORTA SA ARGUMENTO.

Isaalang-alang ang isang bansa sa gitnang Europa—ang Hungary. Binabanggit ni Dr. Zoltán
Rihmer ang mataas na bilang ng pagpapatiwakal doon bilang ang “malungkot na ‘tradisyon’ ” ng
Hungary. Sinabi ni Béla Buda, ang direktor ng National Institute for Health sa Hungary, na ang
mga taga-Hungary ay handang-handang magpatiwakal, sa halos anumang dahilan. Ayon kay
Buda, isang karaniwang reaksiyon ang, “May cancer siya—alam niya kung paano wawakasan
ang gayong kalagayan.”

May relihiyosong kaugalian noon sa India na kilala bilang suttee. Bagaman matagal nang
ipinagbabawal ang kaugaliang ito, kung saan kusang tumatalon ang isang biyuda sa sigáng
pinansunog sa bangkay ng kaniyang asawa, umiiral pa rin ito. Nang isang babae ang iniulat na
nagpatiwakal sa ganitong paraan, pinuri ng mga tagaroon ang trahedya. Ayon sa India
Today, ang rehiyong ito sa India “ay nakasaksi sa halos 25 babae na nagsunog ng kanilang sarili
sa sigáng pinansunog sa bangkay ng kani-kanilang asawa sa loob ng gayunding dami ng taon.”

Kapansin-pansin, tatlong ulit ang dami ng mga buhay sa Hapón ang nasasawi sa
pagpapatiwakal kaysa sa mga aksidente sa trapiko! “Ang tradisyunal na kultura ng Hapón, na
hindi kailanman humahatol sa pagpapatiwakal, ay kilalá sa pagkakaroon ng isang ritwal at
pormal na paraan ng paglalaslas ng sariling tiyan hanggang sa lumabas ang bituka (seppuku, o
hara-kiri),” sabi ng Japan—An Illustrated Encyclopedia.

Sa kaniyang aklat na Bushido—The Soul of Japan, ipinaliwanag ni Inazo Nitobe, na nang


maglaon ay naging pangalawang kalihim panlahat ng Liga ng mga Bansa, ang pagkabighaning
ito ng kultura sa kamatayan. Sumulat siya: “Isang imbensiyon noong Edad Medya, ang [seppuku]
ay isang proseso kung saan ang mga mandirigma ay maaaring mapawalang-sala sa kanilang
mga krimen, mapatawad sa mga pagkakamali, makatakas sa kahihiyan, mawaging-muli ang
kanilang mga kaibigan, o magpatunay sa kanilang kataimtiman.” Bagaman ang ritwal na anyong
ito ng pagpapatiwakal ay, sa pangkalahatan, isang lipas na bagay na, ginagawa pa rin ito ng ilan
alang-alang sa epekto nito sa lipunan.

Sa kabilang panig naman, malaon nang minamalas sa Sangkakristiyanuhan ang pagpapatiwakal


bilang isang krimen. Noong ikaanim at ikapitong siglo, itinitiwalag ng Simbahang Romano
Katoliko ang mga nagpapatiwakal at pinagkakaitan sila ng mga seremonya sa libing. Sa ilang
lugar, ang sigasig sa relihiyon ay nagbunga ng kakatwang mga kaugalian may kinalaman sa
pagpapatiwakal—kasali na ang pagbibitin sa bangkay, at maging ang pagtarak ng isang tulos sa
puso.

Balintuna nga, yaong nagtangkang magpatiwakal ay maaaring parusahan ng kamatayan. Sa


pagsisikap na kitlin ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng paglalaslas ng kaniyang lalamunan,
isang lalaking Ingles noong ika-19 na siglo ang binitay. Sa gayon ay nagawa ng mga awtoridad
ang hindi nagawa ng lalaki. Bagaman ang parusa para sa tangkang pagpapatiwakal ay nagbago
sa paglipas ng panahon, noon lamang 1961 ipinahayag ng Parlamentong Britano na hindi na
krimen ang pagpapatiwakal at tangkang pagpapatiwakal. Nanatili itong krimen sa Ireland
hanggang noong 1993.

Sa ngayon, itinataguyod ng ilang awtor ang pagpapatiwakal bilang isang mapagpipilian. Isang
aklat noong 1991 tungkol sa tinulungang pagpapatiwakal para sa mga may taning na ang buhay
ang nagmungkahi ng mga paraan upang wakasan ang buhay ng isa. Nang maglaon, dumami
ang mga taong gumagamit ng isa sa mga iminungkahing paraan bagaman wala namang taning
ang buhay nila.

Pagpapatiwakal nga ba ang talagang lunas sa mga problema ng isa? O may mabubuting dahilan
ba upang patuloy na mabuhay? Bago isaalang-alang ang mga tanong na ito, suriin muna natin
kung ano ang umaakay sa pagpapatiwakal.

C. MGA EBIDENSIYA PARA SA ARGUMENTO.

1. Gayunman, ang bilang ng pagpapatiwakal sa Estados Unidos, na 11.4 sa bawat 100,000


noong 1997, ay mababa sa pandaigdig na bilang na inilathala ng World Health Organization
noong 2000—16 sa bawat 100,000. Ang bilang ng pagpapatiwakal sa buong daigdig ay tumaas
nang 60 porsiyento sa nakalipas na 45 taon. Ngayon, sa loob lamang ng isang taon, mga isang
milyon katao sa buong daigdig ang nagpapatiwakal. Katumbas iyan ng halos isang kamatayan
sa bawat 40 segundo!

Subalit, hindi lubusang maiuulat ng estadistika ang buong situwasyon. Sa maraming kaso,
ikinakaila ng mga miyembro ng pamilya na ang isang kamatayan ay dahil sa pagpapatiwakal.
Isa pa, tinatayang sa bawat naisagawang pagpapatiwakal, sa pagitan ng 10 at 25 ang tinangka.
Natuklasan ng isang surbey na 27 porsiyento ng mga estudyante sa haiskul sa Estados Unidos
ang umamin na noong nakaraang taon, seryoso nilang pinag-isipan ang pagpapatiwakal;
8 porsiyento sa grupong sinurbey ang nagsabi na sila’y nagtangkang magpatiwakal. Natuklasan
ng iba pang pagsusuri na mula 5 hanggang 15 porsiyento ng mga nasa hustong gulang ang
minsa’y nakapag-isip na magpatiwakal.

Ipinakikita ng isang kamakailang surbey sa Britanya na kapag ang mga bata ay dumanas ng
matinding pananakot o pang-aapi, halos pitong ulit na mas malamang na sila’y magtangkang
magpatiwakal. Ang kirot sa damdamin na dinaranas ng mga batang ito ay tunay. Isang 13-anyos
na batang lalaki na nagbigti ang nag-iwan ng isang maikling sulat na bumanggit sa pangalan ng
limang tao na nagpahirap at nangikil pa nga ng pera sa kaniya. “Pakisuyong iligtas ang ibang
mga bata,” ang sulat niya. Maaari namang sikapin ng iba na magpatiwakal kapag sila’y
nagkaproblema sa paaralan o sa batas, dumanas ng kabiguan sa pag-ibig, nakakuha ng
mababang marka sa kard, dumanas ng kaigtingan sa mga eksamen, o nasiraan ng loob dahil sa
mga alalahanin tungkol sa hinaharap. Sa mga kabataan namang may matataas na marka na
may hilig na maging mga perpeksiyonista, ang isang pagkatalo o isang kabiguan—totoo man ito
o guniguni—ay maaaring maging dahilan upang magtangkang magpatiwakal.
2. Maraming nagpapatiwakal hindi dahil lang sa problema, kundi sa kawalan din ng pag-asa sa
buhay, depression, stress (sa buhay o paaralan), problemang pang-pamilya at maaari rin dahil
sa relasyon.

IV. ANG SARILING POSISYON SA ISYU.

A. Kapag tinanong ninyo sa isang tao kung naisipan na ba niyang mag-suicide dahil sa kanyang
mga problema, ang maaaring resulta ng inyong tanong ay ang pag-iisip niyang gawin ito, kahit
na malayo ito sa kanyang iniisip bago mo pa siya natanong.

1. Hindi ito totoo, sa totoo lang makakatulong pa tayo kung tayo ay mag tatanong sa mga
nakakaranas nito dahil naiisip nila na mayroong nakakaunawa sa kalagayan nila sa oras ng
kabiguan ng buhay nila. Alam din ng mga taong may ganitong sitwasyon na may handang
makinig na hindi matatakot o malilito kahit na ibahagi ang kanilang nararamdaman o saloobin.

2. Sina JOHN at MARY ay malapit nang mag-60 at nakatira sa isang maliit na bahay sa
kabukiran ng Estados Unidos. Si John ay unti-unting namamatay dahil
sa emphysema at congestive heart failure. Hindi talaga lubos-maisip ni Mary ang buhay kung
wala si John, at hindi niya makayanan ang kirot na nakikita siyang unti-unting nanghihina, na
nangangapos sa paghinga. May mga suliranin din sa kalusugan si Mary at maraming taon nang
nagdurusa dahil sa panlulumo. Nag-aalala si John nitong bandang huli dahil nagsasalita si Mary
ng tungkol sa pagpapatiwakal. Ang kaniyang pag-iisip ay lalong nagugulumihanan dahil sa
panlulumo at sa lahat ng gamot na iniinom niya. Sinabi niyang hindi niya makakayanan na
isiping siya’y mag-iisa. Maraming gamot sa bahay—mga pildoras para sa
puso, antidepressant, at tranquilizer. Isang madaling araw, si Mary ay nagpunta sa kusina at
basta nagsimula na lang uminom ng mga pildoras. Hindi siya tumigil hanggang sa nakita siya ni
John at inagaw ang mga pildoras mula sa kaniya. Tinawagan niya ang rescue squad habang
unti-unti siyang nakoma. Nananalangin siya na sana’y hindi pa huli ang lahat.

B. Isang Kasalanan ang pagpapatiwakal.

1. Wag magpatiwakal dahil ito ay isang kasalanan. Wag nating sayangin an gating buhay dahil
lamang sa kawalan ng pag asa malutas ang problema. Hiram lamang natin ang buhay natin sa
diyos kaya wag natin itong sasayangin. Ayon sa aking nabasa ang taong nag pakamatay ay
mapupunta sa impyerno hindi dahil sa pagpapakamatay niya kundi dahil sa pambabaliwa niya
sa kaligtisang pinagkaloob ni kristo. Kaya nanaisin nyo pabang magpakatiwakal. Isa itong
kasalanan sa diyos.
2. Ayon sa Bibliya, kung ang isang tao ay magpakamatay hindi ito ang magtatakda kung
makapapasok ba siya sa langit o hindi. Kung ang isang hindi mananampalataya ay
magpakamatay, wala siyang ginawa kundi ang padaliin ang kanyang pagpunta sa impyerno.
Gayon man, ang taong nagpakamatay ay mapupunta sa impiyerno hindi dahil sa siya ay
nagpakamatay kundi dahil sa pagbalewala niya sa kaligtasang ipinagkakaloob ni Kristo.
Binanggit ng Bibliya ang apat na partikular na mga tao na nagpakamatay: Saul (1 Samuel 31:4),
Ahithophel (2 Samuel 17:23), Zimri (1 Hari 16:18), at Judas (Mateo 27:5). Bawat isa sa kanila ay
masama, asal-demonyo, at makasalanan. Itinuturing ng Bibliya ang pagpapakamatay na
kapantay ng pagpatay sa tao (murder) - dahil ito'y pagpatay sa sarili. Ang Diyos lamang ang
dapat na magdesisyon kung kailan at paano mamamatay ang isang tao. Kung kukunin mo ang
desisyong iyon at ilalagay mo sa iyong sariling mga kamay, ayon sa Bibliya, ito'y isang pagkutya
sa Diyos.

C. Isa sa pinakamalaking dahilan ng pagpapatiwakal sa isang bansa ang kahirapan.

1. Hindi rin po ito totoo. Ang kahirapan ay hindi malaking dahilan ng pagpapatiwakal. Kagaya
ng depression, natatamaan ang lahat ng socio-economic status, at ang pagiging mayaman ay
hindi garantiyang hindi magpapakamatay o hindi magiging depressed ang isang tao. Kahit po
pag-aralan ang mga dahilan ng suicide, hindi sumasang-ayon ang mga pananaliksik na ang
kahirapan ay dahilan ng pagpapakamatay ng isang tao. Ang kahirapan, kung sa pera lang ang
pinaguusapan, ay hindi sapat na dahilan ng pagpapakamatay ng isang tao. Ang tunay na
kahirapan (poverty) na maaaring maging epekto sa mga nagpapakamatay ay ang kakulangan ng
gabay at pagmamahal sa kaniya ng pamilya o mga nakapaligid sa kaniya. Marahil ang maling
paniniwalang ito’y ay dahil sa impluwensya ng media. Minsan ang ang responsable sa maling
paniniwalang ganito. Isang dahilan ay ang mga kuwento tungkol sa suicide ay siguradong
makakakuha ng maraming mambabasa (“good copy”). Para tumaas ang interes sa storya,
naghahanap ang iilang mga babasahin (newspapers, magazines) ng mga storyang talagang
nakakaiyak, nakaka awa at tumatama talaga sa puso. Isa sa mga iyon ay ang sobrang kahirapan
ng taong nagpakamatay.
IV. KONKLUSYON

A. Buod ng posisyon.

Dapat nating kausapin ang mga magpapatiwakal sapagkat makaka sagip pa tayo ng buhay ng
ating kapwa. Wag nating isipin na tayo ay makakadagdag pa sa kanila dahil iisipin nila kapag
may kumausap sa kanila tungkol dito ay may nag mamalasakit pa pala sa kanila at may nag
aalala at maari nilang hindi nag win ito. Kasalanan ang pagpapatiwakal dahil katapat nito ay pag
patay sa tao dahil ito ay pag patay sa sarili at ito ay kasalanan sa diyos kaya wag natin ito
gagawin kung ayaw nating tayo ay malayo sa diyos. Isa daw sa dahilan ng pag papatiwkal ay
ang kahirapan hindi ito totoo dahil hindi ito sapat na dahilan para magpakamatay.

B. Plano ng pagkilos.

Para maiwasan ang ganitong sitwasyon dapat tayo ay lumayo sa mga negative vibes at sa mga
nakakapag papabab n gating confidence at kung Malala na ito dapat na mag patingin sa
psychiatrist para ang isipan ay malinawagan.

V. SANGGUNIAN

http://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102001761

https://www.gotquestions.org/Tagalog/pagpapakamatay-Kristiyano.html

https://dobolp.com/2015/01/29/teen-suicide-laganap-sa-buong-mundo/

http://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102000121

http://mshorizonchasernghappymorning.blogspot.com/2014/09/magpakamatay-paano-ito-
maiiwasan.html

You might also like