Republic of the Philippines
Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
DIVISION OF ZAMBOANGA CITY
Baliwasan Chico, Zamboanga City
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IV
Unang Kwarter
ARALIN 5: Mga Salik na may Kinalaman sa Klima ng Bansa
_______ Araw
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pang -unawa sa pagkakailanlan ng bansa ayon sa mga katangiang
heograpikal gamit ang mapa.
Pamantayan sa Pagganap
Naipapamalas ang kasanayan sa paggamit ng mapa sa pagtukoy ng iba’t ibang
lalawigan at rehiyon ng bansa.
I. Layunin:
Pamantayan sa Pagkatuto
1. Natutukoy ang iba pang salik (temperatura, dami ng ulan) na may kinalaman sa klima
ng bansa.
1.1 Nasusuri ang epekto ng iba pang salik (temperatura, dami ng ulan) na may
kinalaman sa klima ng bansa
II. Paksang Aralin:
Paksa: Mga Salik na may kinalaman sa Klima ng Bansa
Kagamitan: globo, digital thermometer, malaking mapang pangklima ng Pilipinas (ilagay sa
manila paper), at larawan ng takbo ng hangin kapag may bagyo,pangkulay, cartolina, slide
deck
Sanggunian: Learner’s Material, pp. 27-37
K to 12 AP4AAB-Ie-f-8
Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports (1994). Pilipinas: Heograpiya at
Kasanayan 4 (Serye ng Proded). Quezon City: Instructional Materials
Development Center (IMDC).
MISOSA Lesson #9 (Grade IV)
www.gov.ph/crisis- response/the-philippine-public-storm-warning-signals/
Pagpapahalaga: pagpapahalaga sa kalikasan, pagiging laging handa
Integrasyon: Science, ESP, MAPEH (Arts)
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. a. Pagbalik-aralan ang nakaraang aralin tungko sa “Äng Pilipinas ay Bansang
Tropikal”
Itanong:
Ano ang klima?
Ano-ano ang mga klimang nararanasan sa Pilipinas?
b. Gamit ang globo, ipaturo sa mga bata ang kinalalagyan ng Pilipinas.
c. Ipasabi sa mga bata ang eksaktong kinalalagyan ngn Pilipinas Pilipinas sa mundo.
d. Sa tulong ng slide deck o powerpoint presentation, sabihin at ipakita sa video ng
patunay na ang Pilipinas ay isang bansang tropikal.
B. Panlinang na Gawain:
1. Gawain (Activity)
(Bago magsimula ang klase, maghanda ng apat na digital thermometer na ipagagamit
sa bawat pangkat)
- Pangkatin ang klase sa apat. Ipakuha sa bawat pangkat ang temperatura na
mababasa nila sa bawat thermometer.
Pangkat I- temperatura sa silid-aralan
Pangkat II- temperatura sa isang silid na may aircon (ICT Room)
Pangkat III- temperatura sa labas ng silid- aralan
Pangkat IV- temperatura sa bagong kulong na tubig.
- Ipaliwanag sa mga bata ang wastong paggamit ng digital thermometer at ang
pagsulat ng temperature nito.
- Magpabalita sa harapan ng klase tungkol sa klima ng bansa sa pamamgitan ng
pagsagot sa mga sumusunod na tanong:
Ano ang temperatura ng silid-aralan? Ng silid na may aircon (ICT Room)? Sa
labas ng silid-aralan? Sa bagong kulong tubig?
Mataas ba ito o mababa?
Ano ang nadarama kapag mataas ang temperatura?
Ano ang nadarama kapag mababa ang temperatura?
2. Pagsusuri (Analysis)
- Pag-usapan ang natapos na gawain.
Itanong sa mga bata kung ano sa palagay nila ang iba pang salik na may
kinalaman sa klima ng bansa. Tanggapin lahat ng sagot. Isulat sa pisara.
- Pagtatalakay (gamit ang slide deck)
TEMPERATURA
Ang Temperatura ay tumutukoy sa
Maituturing na may kainaman ang temperatura sa
narranasang init o lamig sa isang lugar.
May katamtamang klima ang Pilipinas bansang Pilipinas. Dahil sa hanging nagmumula sa
sapagkat nararanasan sa bansa ang dagat at lupa ay maginhawa pa rin sa pakiramdam
hindi gaanong init o lamig. kahit mainit ang panahon.
Ang climate change ay ang Ang tindi ng init at lamig sa Ang hanging monsoon na na dumarating
hindi pangkaraniwang Pilipinas ay hindi sa Pilipinas ay ang hanging amihan at
pangyayari sa kalikasan. Ang magkaktulad. may mga lugar hanging habagat . Ang hanging amihan
pagbabago sa klima ay sa bansa na nakakaranas ay malamig na hangin buhat sa
pinaniniwalaangsanhi ng mga hilangang-silangan. Ang hanging habagat
gawain ng tao na maaring naman ay mainit na hangin na buhat sa
makapagbabago sa timog-kanluran.
komposisyon sa atmospera.
Dami ng Ulan
UNANG URI
Mula Hunyo hanggang Nobyembre ay tag-ulan at mula Disyembre hanggang Mayo ay tag-araw.
Nakakranas ng kalahating taon ang tag-uan at tag-araw ang mga lugar sa bansa na kabilang sa
unang uri.
IKALAWANG URI
Mula Disyembre hanggang Pebrero nakararanas ng pinakamalakas na pag-ulan ang mga lugar
na kabilang sa ikalawang uri. Nakakaranas ang mga lalawigan kabilang sa ikalawang uri ng pa-
ulan sa buong taon dahil sa kalapitan ng mga nabanggit na lugar sa baybayin. Idagdag pa rito
ang kawalan ng mga bundok na hhadlang sa dalang ulan ng mga hanging amihan at habagat.
IKATLONG URI
Nakararanas ng maulan at maikling panahon ng tag-araw ang mga lalawigang kabilang sa
ikatlong uri ng klima. Halos tumatagal lamang ng isa hanggang tatlong buwan ang nararnasang
tag-araw ng mga lalawigang kabilang sa ganitong uri.
IKAAPAT NA URI
Nakakaranas ang mga lalawigang nabibilang sa ikaapat na uri ng pantay-pantay na dami at
pagkakabahagi ng ulan sa buong taon.
3. Paghahalaw (Abstraction)
- Ano ang epekto ng climate change sa temperatura ng bansa kung tag-init o tag-
araw?
- Paano natin mapahalagahan ang ating kapaligiran upang mkaiwas sa patuloy na
pagtaas ng ating temperature na sanhi ng climate change?
- Paano nagkakaroon ng bagyo sa Pilipinas?
- Bakit may lalawigan sa bansa na nakararanas ng maulang klima sa buong taon?
4. Paglalapat (Application)
- Gamit ang kaparehong pangkat gumawa ng mapang pangklima sa tulong ng
pangkulay (gawin ito sa puting cartolina)
- Kulayan ang pula ang mga bahaging kabilang sa unang uri.
- Kulayan ng dilaw ang mga bahaging kabilang sa ikalawang uri.
- Kulayan ng asul ang mga bahaging kabilang sa ikatlong uri.
- Kulayan ng berde ang bahaging kabilang sa ikaapat na uri.
- Ipaskil ang kanilang natapos na Gawain at ilahad sa klase.
- Bigyan ng puntos ang bawat pangkat batay sa rubrics.
RUBRICS:
Pamantayan 5 3 2 Iskor
Organisasyon Napakaayos ng Maayos ang Magulo ang 10
pagkagawa pagkagawa pagkagawa
Teamwork Lahat ng pangkat 2 o higit sa mga Isa lamang sa 10
ay nagtutulungan mag aaral ang hnd miyembro ng
tumulong sa pangkat ang
paggawa gumawa
IV. Pagtataya
A. Panuto: Piliin sa hanay B. ang inilalalarawan sa hanay A. Isulat ang letra sa patlang.
Hanay A Hanay B
_____1. Pagbabago sa klima na sanhi ng mga A. Klima
gawain ng tao na maaring makapagbago sa B. Climate Change
komposisyon ng atmospera C. Hanging Amihan
_____2. Hanging mainit buhat sa timog-kanluran. D. Hanging Habagat
_____3. Malamig na hangin buhat sa hilagang-silangan E. Hanging Monsoon
_____4. Paiba-ibang direksyon ng ihip ng hangin na F. Ikaapat na uri
nakabatay kung saan ang mas mainit o G. Ikalawang uri
malamig na lugar. H. Ikatatlong uri
_____5. May pantay-pantay na dami at I. Temperatura
pagkakabahagi ng ulan sa buong taon. J. Unang uri
_____6. Maulan sa buong taon
_____7. Maulan at may maikling panahon ng tag-araw
_____8. May kalahating taon ng tag-ulan at tag-araw
_____9. Nararanasang init o lamig sa isang lugar.
_____10. Ang pangkalahatang kalagayan ng panahon
sa isang lugar na may kinlaman sa atmospera
o hanging nakapaligid sa mundo, temperature
o ang sukat ng init o lamig ng paligid.
B. Takdang- Aralin
Mag research sa internet ang weather forecast sa araw na ito. I-print ito sa short
bond paper.
V. Mga Puna :
Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 75% na pagtataya : _______
Bilang ng mga-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation: _____
VI. Paninilay:
Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
____________________________