Kabanata 4 Panahon NG Propaganda
Kabanata 4 Panahon NG Propaganda
Kabanata 4 Panahon NG Propaganda
Kabanata 4:
Panahon ng Propaganda
Layunin ng Pag-aaral:
1. Mapahalagahan ang ipinamalas na
katapangan ng mga Pilipino laban sa
dayuhang Kastila at ang pag-aalab ng
damdaming makabayan sa ating
panitikan.
2. At makilala ang mga akdang tumutuligsa
sa politika, upang magising, magkaisa at
matamo ang minimithing kalayaan.
INTRODUKSYON
Iniluwal ang “middle class” o Ilustrado ng
panahong ito.
Nagkaroon ng liberal na gobernadora-
heneral sa Pilipinas sa katauhan ni Carlos
Ma. Dela Torre, isang mabuting pinuno na
nagpakita ng demokratikong pamamahala.
INTRODUKSYON
Ngunit di nagtagal siya ay pinalitan ni
Gobernador Heneral Rafael de Isquierdo, isang
mapagmataas at may kahigpitang pinuno.
Maraming Pilipino na humiling at naghain ng
pagbabago at naging daan sa pagkatatag ng
Kilusang Propaganda.
KILUSANG PROPAGANDA
KILUSANG PROPAGANDA
Walang pakay na maghimaghsik o maglunsad
ng karahasan ang mga propagandista, ni
lumabag sa batas o lumaban sa may
kapangyarihan.
Mga pagbabago ang hiniling nila – mga reporma
na kikilalanin ng pamahalaang Espanya.
KILUSANG PROPAGANDA
Ang ilan sa mga layunin ng kilusan ay ang mga
sumusunod:
Pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa
harap ng batas;
Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas;
Pagtatalaga ng mga Pilipino bilang kura-paroko at
Kalayaan sa pagpapahayag, pagsasalita, pagtitipon,
pagpupulong at pagkakaroon ng hustisya.
ANG MGA PROPAGANDISTA
ANG MGA PROPAGANDISTA
DR. JOSE RIZAL
Dimasalang, Laong Laan, May
Pagasa
Isinilang noong Hunyo 19, 1861.
Nakapagsasalita ng dalawampu’t
dalawang wika.
Nakapaglakbay sa Silangan,
Amerika at Europa.
DR. JOSE RIZAL
Limang (5) taong gulang Nakapagsasalita sa wikang
Kastila
Walong (8) taong gulang Nakasulat ng isang dula
Labinlimang (15) taong Natutong magpinta, maglilok,
gulang at magsulat ng tula
Labingwalang (18) taong Nagwagi sa kanyang tulang
gulang “La Juventud Filipino”
Dalawampu’t apat (24) na Kinilalang paham,
taong gulang manggagamot, at siyentipiko
sa Europa.
DR. JOSE RIZAL
Nagsimulang mag-aral ng
medisina sa UST at tinapos ito sa
Unibersidad ng San Carlos sa
Madrid, Espanya.
Ang kanyang mga akda ay ang
mga sumusunod:
DR. JOSE RIZAL
‘Noli Me Tangere’
“Huwag mo akong salingin”
Inilimbag sa Berlin noong 1887
Ipinagkaloob kay Maximo Viola
Tungkol sa kaapihan ng Pilipinas at
kabulukan ng Lipunan sa
pananakop ng Kastila.
DR. JOSE RIZAL
‘El Filibusterismo’
“Ang Pagsusuwail”
Inihandog ang nobela sa tatlong paring
martyr (Gomburza)
Ipinagkaloob kay Valentin Ventura
Naglantad sa sakit ng Lipunan, pagsupil sa
karapatang-pantao, pagmamalabis sa
kapangyarihan ng pamahalaan at simbahan.
DR. JOSE RIZAL
‘Sobre La Indolencia de los Filipinos’
Hinggil sa katamaran ng mga Filipino
Isang malalim na pagsusuri ni Rizal sa
mga dahilan kung bakit sinabi ng
dayuhang kastila na tamad ang mga
Pilipino.
DR. JOSE RIZAL
‘Sa mga Kabataang Dalaga sa Malolos’
Pebrero 22, 1889
Hiniling ni Marcelo H. Del Pilar na sulatan
ni Rizal ang mga Kabataang babae sa
Malolos upang pasiglahin pang lalo ang
nag-aalab na damdamin ng mga babaing
taga-Malolos para sa kanilang
paninindigan at pagnanais na matuto.
DR. JOSE RIZAL
‘El Consejo-de los Dioses’
Ang kapulungan ng mga bathala
Isang dulang nagpapahayag ng
paghanga kay Cervantes.
DR. JOSE RIZAL
‘Brindis’
Isang talumpating inihandog niya sa
dalawang pintor na nagkamit ng
gantimpala sa Madrid.
Juan Luna (Spolarium)
Felix Resurreccion (Mga Dalagang
Kristiyanong Itinambad sa
Nagkakagulong mga Tao)
DR. JOSE RIZAL
‘Mi Piden Versos’
“They asked me for Verses”
Nang dumating sa Espanya si Rizal,
sumapi siya sa Circulo Hispano-Filipino.
Di niya naitago ang kanyang kalungkutan
sa mga taludtod ng kanyang tula.
DR. JOSE RIZAL
‘Kundiman’
Isa itong tula na isinulat ni Rizal sa
wikang Tagalog na nagpapahayag na
ang bayang inaapi ay ililigtas sa
darating na panahon dumanak man
ang dugo.
DR. JOSE RIZAL
‘Sa aking mga Kababata’
Isinulat ni Rizal ang tulang ito para sa
kanyang mga kababata noong siya’y
walong taong gulang pa lamang.
DR. JOSE RIZAL
‘A La Juventud Filipina’
“Sa Kabataang Pilipino”
Malaki ang paniniwala ni Rizal na ang
Kabataan ang pag-asa ng bayan.
Isinaad dito ang katangian ng mga
Kabataan para sa pag-unlad ng bayang
tinubuan.
DR. JOSE RIZAL
‘Filipinos Dentro de Cien Anos’
“Ang Pilipinas sa loob ng Sandaang Taon”
Isang sanaysay na nagpapahiwatig na
ang interes ng Europa sa Pilipinas ay
mababawasan, samantalang ang
impluwensiya ng Estados Unidos ay
nararamdaman.
DR. JOSE RIZAL
‘Junto al Pasig’
“Sa Tabi ng Pasig”
Isinulat niya ito noong siya’y labing
apat na taong gulang pa lamang.
DR. JOSE RIZAL
‘Notas a la Obra Sucesos de las
Filipinas por el Dr. Antonio de Morga’
(1889)
Ito’y mga tula mula sa akdang “Mga
Pangyayari sa Pilipinos” ni Dr. Antonio
de Morga.
DR. JOSE RIZAL
‘P. Jacinto. Memorias de un Estudiantes
de Manila’ (1882)
“Memories of a Student in Manila”
Akda ni Rizal hinggil sa mga gunita ng
isang mag-aaral sa Maynila.
DR. JOSE RIZAL
‘Mi Ultimo Adios’
Isinalin sa iba’t ibang wika sa Pilipinas
maging sa iba’t ibang lenggwahe sa
mundo.
Si Andres Bonifacio ang kauna-
unahang nagsalin ng tulang ito.
ANG MGA PROPAGANDISTA
MARCELO H. DEL PILAR
Piping Dilat, Plaridel, Dolores
Manapat, Pupoh
Ayon kay Heneral Blanco, siya ang
lalong kinakatakutang politikong
Pilipino, ang lalong matalino sa
lahat, ang tunay na tinig ng mga
separatista na higit pa kay Rizal.
MARCELO H. DEL PILAR
Ang kanyang mga akda ay
diretsong tumuligsa sa kaapihan ng
bayan – walang takot, walang
pangingilag, tapat, tahas at di
mapagkakamalian.
Ang kanyang mga kinikilalang akda:
MARCELO H. DEL PILAR
‘Caiingat Cayo’
Isang akdang nangangantiyaw
sa ginawang pagbaba ni Padre
Jose Rodriguez sa pagbabasa
ng Noli Me Tangere.
MARCELO H. DEL PILAR
‘Kalayaan’
Binigyang-diin dito ang tunay na
kahulugan ng Kalayaan.
Di niya natapos ang nobelang ito
dahil siya ay pumanaw.
MARCELO H. DEL PILAR
‘La Frailocracia sa Filipinas’ at ‘La
Soberana Monaccal en Filipinos’
Mga sanaysay ito na nagpapakita ng
dinaranas na kaapihan, mga
katiwalian at di makatwirang
pamamalakad ng pamahalaang
kastila sa mga Pilipino.
MARCELO H. DEL PILAR
‘Dupluhan..Dalit..Mga Bugtong’
(1907)
Ito ay kalipulan ng mga maiigsing
tugma at tula ni Del Pilar na
inilathala ni Cagingin sa akdang
“Life of Marcelo H. Del Pilar”.
MARCELO H. DEL PILAR
‘Dasalan at Tocsohan’
Tinuturing na pinakamabangis
na akda ni Del Pilar na
gumigising sa damdamin ng
Pilipino.
Tinuligsa ang mga aklat-dasalan.
MARCELO H. DEL PILAR
‘Isang Tula sa Bayan’
Tulang inihandog niya sa bayan.