0% found this document useful (0 votes)
115 views

Mas Guidelines

formation
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
115 views

Mas Guidelines

formation
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 44

This document is the fruit of the endeavor of the Clergy of the

Diocese of Imus under the direction and leadership of Most Rev.


Reynaldo G. Evangelista, DD, as initiated by the Ministri sa Liturhiya.
This manual underwent scrutiny, evaluation, and review. The
revisions done to this document were based on the plenary session
and undertones of the open forum with the guest speakers during
the Liturgy Conference 2019 for Imus Clergy held at St. Paul Center
for Renewal in Alfonso, Cavite on March 11-12, 2019.
DIOCESE OF IMUS
Bp. REYNALDO G. EVANGELISTA, DD
Bishop of Imus

VICAR GENERAL
Fr. GEORGE A. MORALES
EPISCOPAL VICAR FOR PASTORAL CONCERNS
Fr. MICHAEL REUBEN R. CRON

APOSTOLADO SA APOSTOLADO SA APOSTOLADO SA APOSTOLADO SA


APOSTOLADO SA
LARANGAN NG LARANGAN NG LARANGAN NG LARANGAN NG
LARANGAN NG
PANGANGALAGA SA TAO PAGTATAGUYOD SA BUHAY PAGKILALA SA DIYOS PAMAMAHALA SA KALIKASAN
KAAYUSAN
Fr. CONRAD N. AMON Fr. MICHAEL REUBEN R. CRON Fr. ALFREDO A. MARAMARA
Fr. ERIC M. ORCULLO Fr. BERNARDO I. GACELO

MINISTRI SA MINISTRI SA
MINISTRI SA MINISTRI SA PAGBUBUO NG POPULAR
KATEKESIS LITURHIYA MGA SIMBAHANG RELIGIOSITY AT MGA
Fr. ALVIN C. CHAVEZ
PAMAYANAN DEBOSYON
Fr. ROBERTO C. CAPINO
Fr. MIGUEL R. CONCEPCION, III
Fr. REINIER R. DUMAOP
Fr. RYAN M. BALTAZAR
RIO P. GATPANDAN, Lay Worker

Extraordinary Ministers Ministry on Music


Ministry of Commissioned Ministry of Altar Servers Ministry of Sacristan in the Liturgy Ministry of Church Ministry of Liturgical
of Holy Communion
Readers and Commentators Greeters and Collectors Environment and Arts
Fr. ALVIN C. CHAVEZ Fr. ROBERTO C. CAPINO Fr. REINIER R. DUMAOP
Fr. ROBERTO C. CAPINO
Fr. RYAN M. BALTAZAR Fr. MIGUEL R. CONCEPCION, III Fr. MIGUEL R. CONCEPCION, III Fr. RYAN M. BALTAZAR Fr. ROBERTO C. CAPINO

Vicarial Liturgy
Committee

Parish Liturgy
Committee

Lay Liturgical
Ministries
BISHOP’S HOUSE
BISHOP’S HOUSE
IMUS, CAVITE, 4103 PHILIPPINES
IMUS, CAVITE 4103 PHILIPPINES

M E S S A G E

The Second Vatican Council teaches that the Holy Eucharist is ‘the
source and summit of the Christian life’ (Lumen Gentium, 11; cf.
Catechism of the Catholic Church, 1324). This lapidary teaching is
enshrined in the Constitution on Sacred Liturgy which provides that
‘the liturgy is the summit toward which the activity of the Church is
directed; at the same time, it is the font from which all her power
flows’ (Sacrosanctum Concilium, 10). As such, ‘the Church draws her
life from the Eucharist’ (John Paul II, Encyclical Letter Ecclesia de
Eucharistia on the Eucharist in its Relationship to the Church, 1).

So that all members of the Body of Christ, the Church, are formed in
Eucharistic spirituality and are enabled to draw utmost grace from
the riches of the Church’s worship, the same venerable Council has
endowed the bishop the responsibility to promote the liturgical life of
the Church by exercising his teaching office in such a way that his
clergy and people have an ever fuller understanding of the Church’s
worship. Thus he ‘should elucidate the inherent meaning of the rites
and liturgical texts, and nourish the spirit of the liturgy in the priests,
deacons and lay faithful’ (Congregation for Divine Worship and the
Discipline of the Sacraments, Instruction Redemptionis Sacramentum on
Certain Matters to Be Observed or to Be Avoided Regarding the Most
Holy Eucharist, 22). As chief stewards of the divine mysteries, the
bishops are ‘the principal dispensers of the mysteries of God and are
the moderators, promoters, and guardians of the liturgical life of the
Churches entrusted to their care’ (Christus Dominus, 15; cf. Canon 835,
§1, and Apostolorum Successores, 145).

The very nature of liturgical celebrations deems the necessity of


ministers both ordained and lay. As each part of the liturgy manifests
its meaning and as we are deep into the experience of Eucharist, the
more we become aware of the need for diversified functions. Thus, it
is our inherent duty, as a Diocese, to continue promote a collaborative
effort and ministry of both the lay and clergy--- one that is well-
informed, well-formed and well-performed. The Lay Liturgical
Ministries are a fruit and one of the blessings of the Second Vatican
Council’s desire for liturgical renewal.

The Sacred Consitution on the Liturgy, well quoted and referred to in


Pope Paul VI’s (now, Pope St. Paul VI) Apostolic Letter Ministeria
Quaedam (motu proprio) on first tonsure, minor orders and the
subdiaconate, and other Church documents had inspired our efforts
to enhance our Diocese’s Lay Liturgical Ministry, not only to toe the
line and regulate but more so --- that liturgical life in the Diocese
becomes truly alive and grace-filled where ‘each one, minister or
layperson, who has an office to perform, should do all of, but only,
those parts which pertain to that office by the nature of the rite and
the principles of liturgy (SC, 28; as cited in MQ, par. 4) and Mother
Church’s desire ‘that all faithful be led to that full, conscious, and
active participation in liturgical celebrations called for by the very
nature of the liturgy’ (SC, 14, as cited in MQ par. 5) be so realized.

It is for this purpose that the Guidelines and Policies for each
particular Lay Liturgical Ministry which had been a product of a
series of careful study, discussion, assessment, reflection, and
discernment based on the teachings of our Holy Mother Church and
of faith-inspired cultural consideration, are hereby promulgated and
shall be up for faithful consideration and guidance of all those who
exercise a particular ministry in liturgical celebrations in communities
within the Diocese of Imus. It is our earnest and humble desire that
the Guidelines and Policies be observed in all of the communities of
faith in our Diocese.

May the Blessed Virgin Mary, Our Lady of the Pillar, and Patroness of
the Diocese, inspire us with her total obedience to God and her
faithfulness to the Lord whose Mysteries we remember, we celebrate
and we believe.

+ REYNALDO G. EVANGELISTA, D. D.
Bishop of Imus

Telefax: (046) 471-2786 * Email: [email protected]


DIYOSESIS
DIYOSESIS NG NG IMUS
IMUS
DIYOSESIS
Ministri sa NG IMUS
Liturhiya
Ministri sa Liturhiya
MINISTRI NGMinistri
MINISTRI NG MGA sa Liturhiya
MGA LINGKOD
LINGKOD NG DAMBANA
NG DAMBANA
MINISTRI NG MGA LINGKOD NG DAMBANA

M
M E E N N S S A
A H H E E
M E N S A H E
Ang
Ang liturhiya
liturhiya ay
ay siyang
siyang ay ay tugatog
tugatog kungkung saan
saan ang
ang mga
mga gawain
gawain
Simbahan
Simbahan ay
ay tumutungo,
tumutungo, at
at ito
ito rin
rin ang
ang bukal
bukal kung
kung saan
saan ang
ang
Ang liturhiya
kanyang ay siyang
biyaya ay tugatog kung
dumadaloy saan ang mgaConcilium
(Sacrosanctum gawain Simbahan
10).
kanyang
ay biyaya
tumutungo, at ay
ito dumadaloy
rin ang bukal (Sacrosanctum
kung saan ang Concilium
kanyang 10). Sa
biyaya Sa
ay
bawat
bawat pagdiriwang
pagdiriwang nito
nito ang
ang “kaganapan
“kaganapan ng
ng pagliligtas
pagliligtas ay
ay
dumadaloy
nagaganap” (Sacrosanctum
(SC Concilium 10). Sa bawat pagdiriwang nito
nagaganap”
ang “kaganapan (SCng10) sapagkat
sapagkatayang
10)pagliligtas ang namumuno
namumuno
nagaganap”
nito ay
(SC nito ay si
si Kristo
10) sapagkatKristo
ang
(SC7).
(SC7).
namumuno nito ay si Kristo (SC7).
Sa ganitong
Saganitong
ganitongdiwadiwa
diwanaisnais ingatan
naisingatan
ingatan at pag-ibayuhin ng ating Diyosesis
Sa at at pag-ibayuhin
pag-ibayuhin ng ng ating
ating Diyosesis
Diyosesis ang
ang mataas
ang mataas na antas
nangantas ng pagpapahalaga
ng pagpapahalaga sa bawat liturhikong
sa bawat pagdiriwang
liturhikong
mataas na antas pagpapahalaga sa bawat liturhikong
pagdiriwang
pagdiriwang lalo’t
lalo’t higit
higit angang pagdiriwang
pagdiriwang ng Banal na
na Misa. Tayo
lalo’t higit ang pagdiriwang ng Banal na ng Banal
Misa. Tayo Misa.
bilang Tayo
mga
bilang
bilang mga
mga Lingkod
Lingkod ng
ng Dambana
Dambana o
o “Altar
“Altar Servers”
Servers” ay
ay binigyan
binigyan ng
ng
Lingkod ng Dambana o “Altar Servers” ay binigyan ng natatanging
natatanging
natatanging tungkulin
tungkulin upang makibahagi
upangsa makibahagi sa mga
sa mga liturhikong
liturhikong
tungkulin upang makibahagi mga liturhikong pagdiriwang. Sa
pagdiriwang.
pagdiriwang. Sa
pagsasakatuparan pagsasakatuparan
Sa nito
pagsasakatuparan
ang bawat Lingkod nito ang
nito ng
ang bawat
bawat ay
Dambana Lingkod
Lingkod ng
ng
nararapat
Dambana
mayroonay
Dambana
na ay nararapat
nararapat
kaalaaman, na
na mayroon
kabanalanmayroon kaalaaman,
kaalaaman, kabanalan
at kaayusan. kabanalan at at
kaayusan.
kaayusan.
Ang lathalaing ito nawa ay maging patnubay at gabay ng bawat
Ang
Ang lathalaing
maglilingkod
lathalaingsaito nawa
mga
ito nawa ay
ay maging
liturhikong patnubay
patnubay at
magingpagdiriwang. gabay
atIto ay ng
gabay angbawat
ng ating
bawat
maglilingkod
munting hakbang
maglilingkod sa mga
sa sa
mga liturhikong
pagnanais pagdiriwang.
ng Inang
liturhikong Simbahan Ito
pagdiriwang. Ito ay
ng isang
ay angang ating
buhay na
ating
munting
liturhiya: hakbang
muntingganap,
hakbang maysa pagnanais
pagnanais ng
sapagkakabatid, ngatInang Simbahan
aktibong
Inang ng
ng isang
isang buhay
pakikibahagi.
Simbahan buhay
na
na liturhiya:
liturhiya: ganap,
ganap, maymay pagkakabatid,
pagkakabatid, at at aktibong
aktibong pakikibahagi.
pakikibahagi.

Reb. P. ROBERTO C. CAPINO


Reb.
Reb. P.
Paring ROBERTO
ROBERTO C.C. CAPINO
P.Tagapag-ugnay CAPINO
Paring
Ministri Tagapag-ugnay
Paring Tagapag-ugnay ng Dambana
ng mga Lingkod
Ministri
Ministri ng
ng mga
mga Lingkod
Lingkod ng
ng Dambana
Dambana
MINISTRY OF ALTAR SERVERS/
MINISTRI NG MGA LINGKOD NG DAMBANA (MAS)

Layko Ministro ng Liturhiya (Lay Liturgical Ministers)

Ang bawat layko na ikinomisyon o kinilala ng Simbahan sa


anumang uri ng paglilingkod ay matatawag na layko ministro. Sa
Diyosesis ng Imus, sa pamamagitan ng binalangkas na programa
pastoral (Diocesan Pastoral Priorities for Evangelization) ang mga
layko ay inaanyayahan na makibahagi sa iisang apostolado na may
23 uri ng paglilingkod o “ministries”.

Ang salitang Layko Ministro ng Liturhiya o “Lay Liturgical


Ministers”, ay ang opisyal na katawagan ng lahat ng mga laykong
nakikiisa sa iba’t-ibang uri ng paglilingkod sa liturhiya.

Ang pagkakakabit ng salitang “ng Liturhiya” o “Liturgical” ay


upang bigyan ng tukoy at malinaw na pagkilala ang paglilingkod o
“ministry” ng isang layko na ikinomisyon ng Simbahan sa larangan
ng mga liturhikong pagdiriwang. Ang mga sumusunod ay ang
mga laykong kabilang sa Layko Ministro ng Liturhiya o “Lay
Liturgical Ministers”:

A. Ministry of Altar Servers


Ministri ng mga Lingkod ng Dambana
B. Extraordinary Ministers of Holy Communion
Layko Ministro ng Banal na Komunyon
C. Ministry of Commissioned Readers and Commentators
Layko Ministro ng Salita ng Diyos
D. Ministry of Sacristan
Ministri ng mga Sakristan
E. Ministry on Music in the Liturgy
Ministri ng Musika sa Liturhiya
F. Ministry of Church Greeters and Collectors
G. Ministry of Liturgical Environment and Arts

1
UNANG BAHAGI:
ANG LINGKOD

Tradisyon ng Paglilingkod

Ang mga natatanging tagapaglingkod sa mga sambayanang


pagsamba ay hindi kathang isip ng Simbahan.

Maari natin itong ugatin mula sa panahon ng Israel, ang bayang


hinirang, kung saan makikita natin na may mga tagapaglingkod na
mula sa panahon ng Lumang Tipan. Bago pa ang mga dakilang
templo na siyang itinayo ni Haring Solomon, ang mga batang lalaki
ay itinatalaga na sa paglilingkod sa Diyos sa ilang mga banal na
dako. Sa Unang Aklat ni Samuel 2:18, mababasa natin ang tungkol
sa batang si Samuel na naglilingkod sa Diyos sa banal na dako ng
Silo. Tinawag ng Diyos ang batang ito upang maging dakilang
propeta. Nang lumaon, ng ang templo ay itinayo sa Jerusalem, ang
mga kalalakihan sa lahi ni Levi, ang mga Levita, ang siyang
naglilingkod sa kanilang mga saserdote sa kanilang pagganap sa
paghahandog, pagpupuri at pagbabasbas. Ang kanilang banal na
tungkulin ay nabuo ng ang bayang pinili ng Diyos ay naglalakbay sa
ilang, at naging mas konkreto sa mga templo. Ang mga Levitang
ito ay tila kumilos bilang mga tagapaglingkod sa dambana ng
paghahandog. Sila ang tumutulong sa mga seremonya at mga
musika sa loob ng templo, sa pagsamba sa Diyos.

Ang mga lingkod ng dambana ay maari din na ugatin mula sa


Huling Hapunan na siyang inilahad sa ebanghelyo kung saan iniutos
ni Hesus sa mga apostol na puntahan ang isang silid at ihanda ito
upang siyang pagdausan ng Hapunang Pampaskuwa. (Mateo
26:17–19)

Ang mga unang Misa ay ipinagdiriwang sa mga bahay para sa


pamilya, sa mga kamag-anak at mga malalapit na kaibigan. Wala
noong tabernakulo, maaaring may kaunti o walang anumang
Kristiyanong simbolo, walang anumang damit pansamba at wala
ring anumang liturhikong gabay. Ang akolito, o lingkod ng

2
dambana, na tumutulong sa tagapagdiwang ay tinatayang anak ng
pamilyang pinagdarausan, o isang tao na kabilang sa maliit na
grupo ng mananampalataya.

Hindi nakapagtataka na malaman na sa unang Simbahan makikita


ang patuloy na tradisyon ng mga kalalakihan at mga batang lalaki
na tumutulong sa mga sambayanang pagsamba. Mula sa
panahong ang simbahan ay hindi hayagan at pinag-uusig sa Roma,
may kasaysayan tayong tulad ni San Tarcisio, ang batang Kristiyano
na binigyan ng mapanganib na misyon na lihim na dalhin ang Banal
na Katawan sa mga nakapiit. Siya ay nahuli at pinahirapan, ngunit
hindi niya isiniwalat ang Banal na Handog na kanyang dala-dala.

Nang ika-4 na siglo, nabago ang larawan ng ang Emperador


Constantino, isang naakit sa Kristiyanismo, ay hindi lamang
ginawang legal ang Kristiyanismo kundi ginawa niya itong opisyal
na relihiyon ng Emperyo Romano. Ang mga Simbahan ay itinayo
saan mang dako at ang mga Eukaristiyang pagtitipon ay
lumaganap. Ang mga pagsamba ay naging mas detalyado at ng
lumaon ay naging kleriko.

Unti-unti, ang Simbahan ay nagbigay ng opisyal na katawagan sa


mga naglilingkod sa mga pari sa pagsamba. Ang mga
tagapaglingkod na ito ay tinawag na “akolito”, mula sa salitang
Griyego na ang ibig sabihin ay “tagasunod” o “tagasilbi”. Ang mga
“akolito” ay itinatalaga sa kanilang tungkulin, “minor order” iba
mula sa mga “major order”: Obispo, pari, at diyakono. Unti-unting
nawala ang natatanging gampanin ng “order” ng mga akolito at ito
ay naging bahagi na lamang ng bahagdan tungo sa pagpapari. Sa
mga nakalipas na taon, ang Ministri ng Akolito ay pinalawak. Hindi
na lamang ito isang katawagang nakatuon bilang bahagdan tungo
sa pagpapari bagkus ito ay katawagan na sa paglilingkod sa loob
ng sambayanang Kristiyano. Ang paglilingkod na ito ay ibinalik sa
mga layko na siyang gumagawa nito noon pa man sa
nagsisimulang Simbahan.

3
Sa dokumentong Ministeria Quaedam, ang paglilingkod na
nakaatang sa itinalagang “lector” at “akolito”, ay maaring
ipagkaloob sa laykong Kristiyano; samakatuwid, hindi na
itinuturing na para na lamang sa mga nagpapari.

Ang mga lingkod dambana ay tunay na nabuo mula sa Ministri ng


Akolito. Habang ang Simbahan ay lumalaki, dumarami ang lugar na
tanging pari lamang ang naroroon, kaya, ang gampanin ng
paglilingkod ng isang “akolito” ay ikinatawan (deputed) sa mga
kalalakihan at mga batang lalaki, ang mga Lingkod ng Dambana.
Dito sa Diyosesis ng Imus, ang gampanin ng “Akolito” ay
ikinatawan (deputed) sa mga Layko ng Banal na Komunyon
(Special Ministers of the Holy Communion) at sa mga Lingkod ng
Dambana (Altar Servers).

Lingkod ng Dambana (Altar Servers)


Ikaw ay isang Lingkod ng Dambana (Altar Server). Habang
tinutulungan mo ang pari, na namumuno sa pagsamba ng
Simbahan, ginagawa mong ang pagsambang Katoliko ay maging
mapitagan, mahusay, at maganda.

Sa altar, ang iyong paglilingkod ay nakatuon una, sa Diyos, ikalawa,


bilang tulong sa kaparian at ikatlo, bilang katuwang sa mga taong
natitipon para sa pagsamba. Ang iyong mga kilos ay nakikita. Ikaw
ay nakikita ng lahat, subalit hindi ka isang tagapagtanghal. Sa iyong
tapat na tungkulin, nananatili kang tanging lingkod ni Hesukristo sa
komunidad na kanyang Simbahan. (Ministry at the Altar by Peter
Elliott)

Ang mga lingkod dambana ay may natatanging lugar sa


pagdiriwang ng liturhiya. Sinabi ni Papa Juan Pablo II, “sa liturhiya,
kayo ay higit pa kaysa ‘katulong ng pari ng parokya’. Higit sa lahat,
kayo ay mga lingkod ni Hesukristo, ang walang hanggang kataas-
taasang pari. Kaya, kayo na mga lingkod ng dambana ay tinatawag
na maging mga kaibigan ni Hesus. (Mensahe ni Papa Juan Pablo II sa
mga Lingkod ng Dambana, General Audience, 1 August 2001.)

4
Ang Huwarang Katangian ng mga Lingkod ng Dambana1
Ang mga Katolikong Lingkod ay may mga huwarang katangian.
Ang mga huwarang katangiang ito ay madali niyang
maisasakatuparan at magaganap sa napakagandang balangkas ng
liturhiya at mahihirapan siya kung ito’y mawawala. Isa sa pinaka-
payak na huwarang katangian ay ang maging katuwang ng mga
pari, “ang laging handa at aktibong katulong ng mga Katolikong
Pagkapari,” mula kay Papa Pablo VI.

Sa gawain ng paglilingkod, mayroong mataas na huwaraang


katangian, sapagkat ikaw ay hindi lamang basta tinawag upang
tumulong sa pari. Sa bisa ng Binyag at Kumpil, ikaw ay nakikihati sa
pagkapari ni Kristo at tinawag sa mga liturhikong pagdiriwang. Ang
Konstitusyon ng Banal na Liturhiya (Sacrosanctum Concilium), ang
dokumento ng Ikalawang Konsilyo Vaticano, ay may 14 na artikulo
na nagpapaliwanag, “Ninanais ng Simbahan na ang lahat ng
mananampalataya ay maihatid sa isang buo, may kamalayan, at
aktibong pakikibahagi sa mga liturhikong pagdiriwang na siyang
panawagan ng mismong kalikasan ng liturhiya. Ang ganitong uri ng
pakikibahagi ng Sambayanang Kristiyano bilang ‘lahing hinirang,
mga saserdote ng hari, isang bansang nakatalaga sa Diyos. Pinili
kayo ng Diyos upang maging kanya… (1 Pedro 2:9) ay kanilang
karapatan at tungkulin na nakaugat sa kanilang binyag.” Sa
pamamagitan ng Binyag at Kumpil ikaw ay inatasan na makibahagi
sa mala-paring pagsasakripisyo ni Hesukristo, ang Eukaristikong
sakripisyo, ang rurok at bukal ng buhay ng Bayan ng Diyos. Sa
pamamagitan ng mga sakramento ng pagtanggap, ikaw ay
binigyan ng daan sa Diyos sa pagdiriwang ng Kristiyanong
pagsamba. Hindi nito pinahihina ang kahalagahan ng Banal na
Orden: Obispo, pari at diyakono, mga kalalakihang binigyan ng
kapangyarihan “na maging tagapanguna at magbigay direksyon sa
pagsamba ng Simbahan.” Ang tungkulin ng mga inordenahan ay
mananatiling pinakamahalaga.

1
Serving at the Altar (A Manual for Altar Servers), Ministry of Altar
Servers. Compiled by Rev. Fr. Jason Laguerta, Archdiocese of Manila, pp 4-
5. (Hereafter referred to as SA with paragraph number)

5
Ngayon, nakikita mo ang iyong natatanging lugar sa kilos
pagsamba. Kapag ikaw ay naglilingkod sa banal na Misa, ginagamit
mo ang mala-paring pagtatalaga mula sa iyong Binyag at Kumpil.
Ikaw ay tumutulong sa mga inordenahan para sa higit na mala-
paring pagtatalaga. Isinasabalikat mo ang iyong laykong gampanin,
sa isang katangi-tanging paraan, bahagi ng aktibong pakikibahagi
ng lahat ng ibang mga layko na natitipon sa dambana.
Isinasakatuparan mo ang mga banal na tungkulin, na ibinigay sa iyo
ng mga inordenahan. Ikaw ay natatanging taga-ugnay ng
pinagsamang kilos ng pagsamba at pagpupuri, kung saan ang
buong Simbahan ay nagdiriwang ng kanyang liturhiya.

PAGGALANG (Reverence)
Ang paggalang sa Diyos at sa mga banal na bagay ay napakahalaga
sa iyong paglilingkod. Ang mapitagang kilos, ang mapayapa at
kagalang-galang na kilos, ay nararapat na makita ng sambayanan
kapag ikaw ay nasa dambana. Sinasabing ang nararapat ay hindi
lang dapat isagawa, ito ay kailangang makitang isinasagawa. Ito ay
katulad din sa paggalang. Maaring maramdaman ng isang lingkod
na maging kagalang-galang, mapanalangin, ngunit ito ay magiging
maliit na tulong kung siya ay kumikilos ng wala sa loob o walang
ingat. Kapag ganito ang nangyari hindi siya makikitang mapitagan
maaring magambala niya ang mga tao.

Isang susi sa huwaran ng pagiging mapitagan ay ang pag-alala.


Laging alalahanin kung sino ka, ano ang iyong ginagawa, upang
hindi ka maging pabaya. Alalahanin mo kung gaano ka kalapit sa
banal na misteryo ng Eukaristiya. Nararanasan mo ng malapitan na
si Kristo ay nakaharap, kasalukuyan at aktibo sa bawat
pagdiriwang ng liturhiya. Alalahanin mong ikaw ay pinahintulutang
humawak at gumamit ng mga sagradong bagay. Alalahanin na ang
paghawak ng aklat o ang pagdadala ng kandila ay maliit na bahagi
ng isang dakila at banal na kilos ng liturhiya.

Ang dalisay na paggalang ay sa tulong ng iyong maalam na


pagkaunawa sa liturhiya. Mula sa Konstitusyon ng Banal na
Liturhiya, “Ang tagapaglingkod, tagapagpahayag ng Salita… ay

6
nararapat na gawin ang kanilang tungkulin ng may tunay na
kabanalan at malumanay na kilos na hinihingi sa paglilingkod at
inaasahan sa kanila ng Sambayanan ng Diyos. Dahil dito, nararapat
na manuot sa kanila ang diwa ng liturhiya, sa abot ng kanilang
makakaya, at sila ay kailangang hubugin sa pagganap nila sa
kanilang tungkulin sa wasto at maayos na paraan.” SC 29.

Mula sa mahalagang pahayag na ito ng Ikalawang Konsilyo


Vaticano, maari nating hanguin ang tatlong huwarang katangian na
bubuo sa isang paglilingkod na may paggalang at wagas at siyang
makatutulong upang makapasok sa diwa ng liturhiya. Ang mga
huwarang ito ay Disiplina, Mahinhing Kilos, at Kabanalan.

DISIPLINA (Discipline)
Ikaw ay nararapat na hubugin para sa paglilingkod. Ang pagtuturo
o paghuhubog ay may kalakip na disiplina. Samakatuwid ang mga
namamahala at ang iba’t-ibang sangay ng Ministri ng Lingkod ng
Dambana ay nararapat na magsagawa ng pagtuturo sa mga
lingkod, ang masusing pagpaplano ng mga grupo at mga kasama.
Bahagi ng disiplina sa paglilingkod ang pagtutulungan ng lahat.
Kahit na ikaw ay mag-isang naglilingkod, bahagi ka pa rin ng isang
grupong nagtutulungan: ang pari at ang sambayanan.

Ang pagkamasunurin ay bahagi ng disiplina. Sa isang lingkod, may


dalawang uri ng pagsunod. Una, sa pari, sa gabay sa pagdiriwang,
sa mga namamahala, at sa sambayanan. Pangalawa, sa mga batas
ng liturhiya ng Simbahan. Ang bawat lingkod ay kumikilos ng may
pandama at pakikipagtulungan, at mabilis itong isinasagawa tulad
ng paghahanda ng damabana bago magmisa, paglilinis ng
sakristiya pagkatapos ng misa.

Ang Pananampalataya ay may kalakip na disiplina. Ang matibay na


buhay pananampalatya ay may kasamang sariling disiplina.

MAPITAGANG PAGKILOS (Decorum)


Nakarating ka na ba sa isang simbahan, kung saan ang mga
tagapaglingkod ay lumalabas na ang damit na suot ay lubhang

7
maliit para sa kanila? Anong kakatwang tagpo kung ito ay
mangyayari. Sila ay nagkukulang sa mapitagang katangian,
salitang nangangahulugang “kung ano ang wasto”. Maaring tama
ang kanilang kasuotan para sa isang palabas ngunit hindi para sa
Misa.

Ang iba-ibang uri ng damit at kilos ay nararapat sa iba’t-ibang


pagdiriwang. Ang Ikalawang Konsilyo Vaticano ay nagtakda hindi
lamang ng pagsasanay sa mga naglilingkod sa dambana; bagkus,
ang mapitagan na pagkilos. Nagloloko sa loob ng sakristiya,
mukhang gusgusin, nagsasalita habang nagmimisa—ito ang mga
halimbawa ng nagkukulang sa mapitagang pagkilos.

Hinihingi ng mapitagang pagkilos ang diwa ng dignidad. Hindi ito


nangangahulugang mukhang marangya, naglalakad sa dambana na
tila nagmamalaki. Ang maging mapitagan ay ang pagkilos ng may
taglay na paggalang, hindi kumikilos ng pilit bagkus gumagalaw ng
may katapatang-loob at isinasagawa ang bawat kilos ng hindi
magulo at hindi nagmamadali. Kasama rin sa katangiang ito ang
pagiging maagap sa ano mang maliit na pagkakamali, inaalala na
marami sa sambayanan na nakikipagdiwang ng misa ay hindi batid
ang anumang maling nagawa.

Ang maging mapitagan sa pagkilos ay paraan upang makita ang


paggalang. Ipinakikita nito kung paano kilalanin ang presensya ng
Panginoon, sa kanyang pag-aalay, sa kanyang sakramento, sa
kanyang sambayanan.

KABANALAN (Piety)
Binabanggit din ng Ikalawang Konsilyo Vaticano ang tungkol sa
KABANALAN. Hindi ito nangangahulugang nagmumukhang
“madasalin”, palakad-lakad habang ang mga mata ay nakatuon sa
langit tulad ng isang santo sa isang lumang larawan. Ang isang tao
ay maaring tunay na madasalin ng hindi siya nagmumukhang
kakatwa.

8
Ang kabanalan ay diwa ng lahat ng ating pagsamba sa Diyos. Ito ay
isang katangian. Ito ay isang katangian na nagbibigay direksyon sa
ating buhay patungo sa Diyos. Sa paglilingkod, ang kabanalan ay
tulong sa atin upang masabi natin sa ating sarili, “Ginagawa ko ang
lahat ng ito para sa iyo, Diyos ko.” Ang kabanalan ay isang puwersa
na ating bubuksan o isasara habang tayo ay nasa dambana. Ang
kabanalan ay nanalaytay sa ating buhay, kaya ito ay isa sa mga
kaloob ng Banal na Espiritu sa Kumpil. Taglay ang tunay na
Kabanalan, aking kinikilala ang katotohanan na ang Diyos ang
dahilan ng aking pag-iral, na ako ay nagmula sa kanya at ako ay
babalik sa kanya. Ito ang nagpapanatili na maging mababang-loob
sa harap ng Diyos. Sa pananalangin maari ko siyang sambahin,
magpahayag ng aking pagkukulang, magpasalamat sa magandang
buhay, humingi para sa pangangailagan ko at ng aking kapwa.

Ang malalim na motibasyon ng kabanalan ay naipapakita sa


nakikitang pagkilos. Kapag ako ay nakikibahagi sa liturhiya,
naglilingkod man o hindi, isinasagawa ko ang aking kilos bilang
buhay na pagsamba na bumubukal mula sa pusong nag-aalab mula
sa pag-ibig ng Diyos. Tulad ng paalala ni Papa San Juan Pablo II,
“Ang inyong paglilingkod ay hindi lamang limitado sa loob ng
Simbahan. Ito ay kailangang magningning sa inyong pang-araw-
araw ng buhay: sa paaralan, sa pamilya at sa iba’t-ibang
panlipunang kalagayan. Sa mga nagnanais na paglingkuran ang
Panginoong Hesukristo sa Simbahan, kailangan maging saksi siya
nito kahit saan.

Ang isang Lingkod ng Dambana na yumayakap sa ganitong


panawagan ay nagnanais na tuparin ang ganitong gampanin sa
liturhiya ng marapat at maalam. Siya ay magiging halimbawa sa
pagsasakatuparan ng palagiang pribadong panata sa buhay, tulad
ng palagiang pagdarasal, pagbabasa ng Bibliya, pagbisita sa Banal
na Sakramento, palagiang pagtanggap ng Sakramento ng
Kumpisal, at pagdedebosyon sa Mahal na Ina. Ang mga ganitong
gawain ay nagpapaunlad sa espirituwal na buhay at tumutulong sa
iyo sa pakikibahagi sa pampublikong pagsamba “nanunuot sa diwa

9
ang liturhiya”, hindi hinahayaang maging walang kabuluhang
seremonya.

KAPATID SA DAMBANA
Ang pagtutulungan ay binanggit bilang mahalagang sangkap ng
mabuting paglilingkod. Sa pag-unawa kung paanong tinawag tayo
ng Simbahan sa isang katangi-tanging gampanin sa pagsamba,
nauunawan mo rin na ikaw ay bahagi ng mas malaking pangkat,
kabilang sa sambayanang sumasamba. Hindi ka naglilingkod ng
mag-isa. Ikaw ay dapat mulat sa kapwa kapag naglilingkod.

Ikaw ay mananatiling mahalagang tulong kapag inatasan ka ng pari


ng maliliit na gampanin. Isasaalang-alang mo ang mga maliliit na
bagay, tulad ng paghawak ng libro upang mabasa niya itong
mabuti, o ang pag-aabot ng alak at tubig na hindi siya
pinaghihintay. Sa paglilingkod mo sa iba’t-ibang pari, nakikilala mo
sila bilang mga lingkod ng Diyos. Matutuklasan mo na sila ay mga
kaibigan at natutuwa sa iyong paglilingkod. Palagian mong ituring
ang pari ng may paggalang at magiliw na pakikipagtulungan.

Sa iyong paglilingkod, lumikha ka ng maraming kaibigan mula sa


hanay ng mga tinawag maglingkod. Mahalaga na ang mga lingkod
ay nakikipagtulungan sa isa’t-isa, palakaibigan at mabuti, hindi
mayabang at hindi nakikipagtagisan. Kung may bagong kasapi sa
pangkat, tutulungan mo siya, pagpapaliwanagan sa mga gampanin
at ipararamdam na sila ay kabahagi.

Sa kanyang bagong utos, sinabi ng Panginoon sa atin, “kung


paanong iniibig ko kayo, mag-ibigan kayo sa isa’t-isa.” Isinasabuhay
natin ang Kristiyanong Pag-ibig sa pamamagitan ng tunay na
pakikipagkapatiran at pakikipagkaibigan.

KUWALIPIKASYON NG ISANG LINGKOD NG DAMBANA


1. Isang Mabuting Katoliko sa pananampalataya at gawa.2

2 Catechism of the Catholic Church: Word and Life Publications, Manila, 1994,

no. 14. (Hereafter referred to as CCC with paragraph number); cf. Vatican
Council II, Constitution on the Sacred Liturgy (December 4, 1963), The Liturgy

10
2. Mula sampung taong gulang o nakatanggap na ng Unang
Komunyon. Ito ay magbibigay sa kanya ng pagkakataon sa
isang maalam, aktibo at buong pakikiisa sa pagdiriwang ng
Eukaristiya.3
(Ang Sertipiko ng Binyag at Unang Komunyon ay ibibigay sa
Kura-paroko o sa paring nakatalaga).
Ang Ministri ng Lingkod Dambana ay hindi isang “transition
ministry”. Ito ay isang ganap na uri ng paglilingkod na
maaring piliin ng isang binyagan bilang kaloob na tinanggap
niya sa Sakramento ng Binyag at Kumpil.
3. May kahandaang magbigay ng sarili sa pagtupad sa mga
tungkulin bilang Lingkod ng Dambana sa mga liturhikong
pagdiriwang.4
4. May mahusay na pangangatawan at kaisipan.
5. Maaaring tanggapin ang isang tao na may limitasyong
pisikal subalit maari pa ring makatugon sa paglilingkod (cf.
SC14)
6. Kabilang sa nasasakupan ng Parokyang kanyang nais
paglingkuran.
7. May kahandaang dumaan sa mga pangunahing
paghuhubog.5

Documents Volume I: Essential Documents for Parish Worship. 5th edition.


Chicago: Liturgy Training Publications, 2012, no. 14 (Hereafter referred to as SC
with paragraph number).
3 cf. SC #48 & 55; General Instruction of the Roman Missal, Third Edition, The
Liturgy Documents Volume I: Essential Documents for Parish Worship. 5th
edition. Chicago: Liturgy Training Publications, 2012, no. 85. (Hereafter referred
to as GIRM with paragraph number); Decree on the Apostolate of Lay People –
Apostolicam Actuositatum, 18 November 1965. Accessed December 201, 2018 at
the Holy See
http://www.vatican.va/archive/hist_councils/ii_vatican_council/documents/vat-
ii_decree_19651118_apostolicam-actuositatem_en.html. (Hereafter referred to as
AA with paragraph number.)
4
cf. SC nos. 28, 29,48
5
cf. SC no. 14

11
8. May kahandaang dumaan sa patuloy na paghuhubog.6

PANGUNAHING PAGHUHUBOG
1. Tradisyon ng Paglilingkod
2. Mga Katingian ng Lingkod Dambana
3. Kahalagahan ng Banal na Misa sa buhay ng Lingkod ng
Dambana
4. Mga bahagi ng Misa
5. Panahon ng Liturhiya
6. Mga Kilos sa Banal na Misa
7. Mga Banal na Bagay at Kagamitan

PATULOY NA PAGHUHUBOG
1. Rekoleksyon na maaring isagawa ng taunan bago ang
muling pagsusugo “Renewal”.
2. Mga paghuhubog na may kaugnayan sa liturhiya.
3. Mga paghuhubog na makatutulong sa paghuhubog ng
ugali ng Lingkod Dambana.
4. Taunang Pagtitipon ng mga Lingkod Dambana.

KASUOTAN
Ang anumang kasuotang pangliturhiko ay nararapat at
nagpapatingkad ng dignidad ng isang naglilingkod maging pari
man o layko. Isinasaad ng Pangkalahatang Tagubilin ng Aklat ng
Pagmimisa sa Roma (General Instruction of the Roman Missal)
bilang 339 na ang mga Akolito, tagabasa ng Salita ng Diyos at iba
pang Layko Ministro sa Liturhiya ay maaring magsuot ng alba o
anumang nararapat na kasuotan na akma sa liturhikong
pagdiriwang.

Sa Diyosesis ng Imus, batay sa isinasaad ng Pangkalahatang


Tagabulin, ang ALBA ay liturhikong kasuotan ng mga LINGKOD NG
DAMBANA.

6
ibid. -

12
Sa diwa ng Pastoral na pagsaalang-alang, isang yari ng damit ang
iminumungkahi upang magkaroon ng opisyal na kausotan ang mga
Lingkod Dambana sa buong Diyosesis; upang sa mga okasyon na
may pagsasama-sama ng mga Lingkod Dambana mula sa iba’t-
bang parokya isang yari na lamang ng damit ang gagamitin.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA MGA PAGDIRIWANG


BAGO ANG PAGDIRIWANG
Paghahanda ilang araw bago ang Pagdiriwang
1. Alamin ang lugar at ang kalagayan ng pagdarausan ng mga
Banal na Misa o ng iba pang mga pagdiriwang.
2. Alamin ang Rito na gagamitin.
3. Makipag-ugnayan sa ibang mga Layko Ministro sa Liturhiya
na makakasama sa Banal na Misa at iba pang mga
pagdiriwang para sa isang maayos at pinag-usapang kilos.
Ang isang pagpupulong ay mainam na isagawa ng Ministri
sa Liturhiya ng parokya.
4. Makipag-ugnayan sa Kura-Paroko o sa Punong
Tagapagdiwang.
5. Magsagawa ng pagsasanay ilang araw bago ang
pagdiriwang.

Paghahanda sa araw ng Pagdiriwang


1. Tiyakin na kumpleto na ang mga gamit. (Mainam na may
talaan ng mga gagamitin sa Misa.)
2. Tiyakin kung ang sound system at ang mga mikropono ay
gumagana. Iayos ang mga bentilador.
3. Tiyakin na maayos na ang mga upuang gagamitin ng
punong tagapagdiwang at iba pang mga pari (kung
mayroon).
4. Tiyakin na handa at walang sagabal sa lugar kung saan
maghahanda ang mga Lingkod Dambana.
5. Manalangin bago ang mga Pagdiriwang.

HABANG NAGDIRIWANG
1. Maging mahinahon sa paglilingkod.
2. Maging alisto sa mga pangyayari sa loob ng pagdiriwang.

13
3. Kung may pagkakamali na maganap huwag itong ipahalata
sa mga nagsisimba, bagkus bigyan ng tutok ang mga
gagawin pa.

PAGKATAPOS NG PAGDIRIWANG
1. Manalangin.
2. Likumin ang mga ginamit sa Misa.
3. Magpasalamat sa mga nakasama. Magkaroon ng pagtatasa
o evaluation, para mas mapagbuti ang paglilingkod.

MGA DAPAT IHANDA SA BANAL NA MISA


1. Sapat na tinapay na gagamitin. (ihanda ang malaking ostiya
na gagamitin ng tagapagdiwang at malilit na ostiya na
ibibigay sa mga tao. Isaalang-alang ang bilang ng mga taong
inaasahang magsisimba sa paghahanda.)
2. Alak at tubig. (tiyaking malinis at maayos ang pinaglalagyan
ng mga ito. Kung maari nakalagay sa maayos na lalagyan ang
alak na siyang iaalay sa paghahanda ng mga alay.)
3. Kalis (isaalang-alang ang bilang ng kalis ng gagamitin kung
ang pagdiriwang ay lalahukan ng malaking bilang ng mga
pari.)
4. Patena
5. Mga Siborya
6. Korporal (isaalang-alang ang bilang na gagamitin)
7. Purificatory (isaalang-alang ang bilang na gagamitin)
8. Pall (isaalang-alang ang bilang na gagamitin)
9. Hand Towel
10. Aklat ng Pagmimisa sa Roma (Sakramentaryo)
11. Salita ng Diyos (Leksyonaryo)
12. Aklat ng Mabuting Balita (Ebanghelaryo)
13. Banahera (Cruets)
14. Gamit sa paghuhugas ng kamay
15. Insensaryo (kung ito ay gagamitin)
16. Lalagyan ng Insenso (Incense Boat) (mas mainam kung
mabangong insenso ang gagamitin)
17. Communion Plate
18. Bell

14
19. Processional Cross (maaring gamitin lamang sa prusisyon
kung may Krusipiho na sa Santuwaryo. Kung wala ito ay
maaring ilagay sa tabi ng Altar upang magsilbing Krusipiho
ng Santuwaryo. Nakasaad sa GIRM 117 ang paggamit nito.)
20. Processional Candles (isaalang-alang ang okasyon. Nakasaad
sa GIRM 117 ang bilang ng mga kandilang gagamitin: 2 sa
anumang okasyon, 4 o 6 sa araw ng Linggo at mga
mahalagang okasyon, 7 kung ang tagapagdiwang ay ang
Obispo ng Diyosesis.)
21. Aklat ng Rito

15
IKALAWANG BAHAGI:
PANUNTUNAN SA PAGDIRIWANG

PAGKAKATULAD NG KILOS
Kapag may dalawa o higit na nagsasagawa ng isang pagkilos,
halimbawa, ang pagluhod, pagyuko, paglakad, o pagdarasal,
nararapat silang kumilos na sama-sama, magkakasabay na may
banayad na galaw.

MGA BATAYANG KILOS SA PAGLILINGKOD SA BANAL NA MISA


Ang mga Batayang Kilos ay pamamaraan kung paano isasagawa ng
isang Lingkod Dambana ang kanyang tungkulin. Ang isang
mahusay na pamamaraan sa paglilingkod ay nakasalalay kung
“Bakit” ang isang kilos ay ginagawa.

Ang lahat ng mga pagkilos ay nagpapahayag ng aktibong


pakikilahok sa pagdiriwang na siyang itinatakda ng Konsilyo
Vaticano. Dahil ito ay nagpapahayag ng aktibong pakikilahok sa
gawaing pagsamba, ang bawat pagkilos ay mahalaga at
nagtataglay ng pantay-pantay na dignidad.

ANG MGA KAMAY


1. Ang iyong mga kamay ay marapat na palaging malinis.
Hugasan ang mga ito bago ka maglingkod, sapagkat ikaw
ay hahawak ng mga kagamitan na banal.
2. Ang magkadaop-palad na mga kamay ay nakatapat sa
dibdib, ang mga palad ay magkadikit, ang mga daliri ay
nakalahad, ang mga hinlalaki ay magkakrus, ang kanang
hinlalaki ay nasa ibabaw ng kaliwa. Ang magkadaop-palad
na kamay ay ang nagpapahayag ng mapitagang
pananalangin at disiplina.

TANDA NG KRUS
Ang iyong mga kamay ay nagpapahayag ng kwento sa mga tao.
Paano mo maingat na ginagawa ang tanda ng krus? Ito ay ang
ating pagbibigay pugay sa Diyos, ang pagpapahayag ng ating
pananampalataya.

16
POSISYON NG MGA KAMAY
1. Kapag ang kamay ay walang anumang hawak, ito ay nasa
magkadaop-palad na posisyon na nakatapat sa dibdib.
2. Kapag ang isa sa mga kamay ay may tangan, ang isa na
walang hawak ay nakatapat sa dibdib.
3. Kapag nakaupo, ang dalawang kamay ay nasa nakalahad sa
ibabaw ng tuhod.
4. Kapag may dala:
Aklat- hawakan na ang bukas na bahagi ay nasa kaliwa.
Kandila- hawak ito papalabas.
Insensaryo- hawak ito ng kaliwang kamay bago ito lagyan
ng insenso at kapag ito ay may lamang insenso, hawak ito
ng kanang kamay.

PAGTAYO
Ang pagtayo ay kilos na nagpapahayag ng paggalang. Kung kaya sa
Banal na Misa, nararapat na tumayo sa Pagpapahayag ng Mabuting
Balita sapagkat ito ay Salita ng Diyos. Kahalintulad nito, ang
sambayanan ay tumatayo upang magbigay galang sa
tagapagdiwang na siyang magbibigay ng pagbati.

PAG-UPO
Ang pag-upo ay nagpapakita ng kilos ng pakikinig sa ipinahahayag
na Salita ng Diyos at pagtuturo ng tagapagdiwang sa Homilya.

PAGLAKAD
Kapag ikaw ay naglalakad, ito man ay sa prusisyon o sa
pagsasakatuparan ng tungkulin, huwag magmamadali. Maglakad
ng matikas at banayad na hindi lumilinga-linga. Maaring may mga
pagkakataon na may malimutan sa mga gagawin at ikaw ay utusan
upang kunin o isagawa ang mga iyon, sa mga ganitong sitwasyon
huwag magmadali, tuparin ito ng marahan at may disiplina. Iwasan
ang maglakad ng paatras o patagilid.

17
PAGYUKO
Ang pagyuko ay tanda ng paggalang sa isang tao o sa mga banal na
bagay, sa bawat paglapit o pag-alis, o sa mga pagkakataon na
dumaraan sa mga banal na bagay.

May dalawang uri ng pagyuko:


Pagyuko na ulo lamang (head bow)
Iniyuyuko ang ulo nang walang pagmamadali at nakadaop ang mga
kamay sa dibdib. Ginagawa ito ng marahan tuwing magbibigay o
tatanggap ng mga gamit mula sa pari, bago at pagkatapos ibigay o
tanggapin ang anumang gamit.

Pagyuko ng katawan (full o profound bow)


Yumuyuko mula sa baywang nang walang pagmamadali at
magkadaop ang mga kamay sa dibdib kapag nagbibigay galang sa
dambana at sa tabernakulo na may nakalagak na Banal na
Sakramento sa pasimula at pagtatapos ng Misa.

Sa loob ng Banal na Misa, ang pagyuko na tanda ng pagbibigay-


galang ay patungkol sa Altar at hindi sa tabernakulo (GIRM 274)

PAGDADALA NG INSENSARYO
Bago at pagkatapos ng pag-iinsenso, ang pagyuko ng katawan ay
ginagawa sa tao o sa bagay na iniinsensuhan. (GIRM 277, CB 91)

Dalhin ang insensaryo sa kaliwang kamay bago ito malagyan ng


insenso at sa kanang kamay kapag nalagyan na ito ng insenso.

Bilang ng Pag-iinsenso batay sa (GIRM 277, CB 92)

Three Swings:
- Sa Banal na Sakramento
- Relikya ng Banal na Krus
- Imahe ng Panginoon
- Handog na Tinapay at Alak
- Krusipiho sa Altar
- Aklat ng Mabuting Balita

18
- Kandila ng Pasko ng Pagkabuhay
- Tagapagdiwang
- Sambayanan
Two Swings:
- Mga Relikya at imahen ng Mahal na Birhen at mga Banal na
Tao

Gamit ng Insensaryo sa mga sumusunod na bahagi ng Banal na


Misa (GIRM 276)
1. Prusisyon patungong Altar
2. Pag-iinsenso sa Krus at sa Altar
3. Pagpapahayag ng Mabuting Balita
4. Sa pag-aalay: pag-iinsenso sa mga handog na tinapay at
alak, altar, krus, tagapagdiwang at sambayanan.
5. Sa konsagrasyon

PAGLALAHAD NG AKLAT
Ilalahad ang Aklat sa pasimula ng Misa, Panalanging Pambungad,
Panalangin Pagkapakinabang at Pagbabasbas.

19
IKATLONG BAHAGI:
ANG BANAL NA MISA

Napakahalaga na malaman ng bawat Lingkod Dambana ang


balangkas ng Banal na Misa. Hindi ito isang bagay lamang ng
kaalaman “ano ang mauna” kundi ito ay upang maunawaan ang
kahulugan ng bawat yugto ng pagdiriwang ng Banal na Liturhiya.
Ang Banal na Misa ay isang pangyayari, na ang kilos ay patungo sa
rurok ng karanasan kung saan ang langit at lupa ay nagtatagpo sa
dakilang misteryo ng dambana.

BAHAGI NG BANAL NA MISA AT ANG KAHULUGAN NG MGA ITO7


Ang Banal na Misa ay binubuo ng dalawang mahalagang bahagi:
Liturhiya ng Salita o Pagdiriwang ng Salita, na siyang nagdadala
patungo sa Liturhiya ng Eukaristiya o Pagdiriwang ng Eukaristiya.
Bago ang Liturhiya ng Salita o Pagdiriwang ng Salita ay ang
Panimulang Bahagi at pagkatapos ng Liturhiya ng Eukaristiya o
Pagdiriwang ng Eukaristiya ay ang Pangwakas na Bahagi.

A. PANIMULANG BAHAGI/ RITO


1. Pambungad na Awit- ito ang nagbubukas ng
pagdiriwang at sumasaliw sa prusisyon ng pari at mga
tagapaglingkod patungong dambana. Ang pag-awit ay
nagpapalalim ng ating pagkakaisa at nagpapakilala ng
misteryo ng panahon o kapistahang ipinagdiriwang.
2. Pagbibigay galang sa Altar at Pagbati- bilang
paggalang kay Kristong siyang sentro ng Simbahan at
Eukaristikong pagtitipon, ang dambana ay binibigyan
ng paggalang sa tatlong tradisyonal na paraan, ang
pagyuko, ang paghalik at ang pag-iinsenso (kung ito ay
ginagamit). Ang tagapangulo ng pagdiriwang na
nagpapaalala ng ating kaisahan ay magbibigay ng
pagbati sa kapangyarihan at biyaya ng Diyos.

7
GIRM #46-90.

20
3. Pagsisisi- nag-aanyaya sa atin na tumangis at humingi
ng kapatawaran sa ating mga kasalanan. Dumudulog
tayo sa Diyos sa diwa ng pagsisisi, upang marapat
tayong makabahagi sa pagdiriwang ng karapat-dapat
at lumalago sa biyaya.
4. Papuri- ito ay matandang awitin ng pagpupuri na
inaawit o dinadasal sa pagdiriwang ng mga Panahon ng
Kapaskuhan, Ordinaryong Panahon, Panahon ng Pasko
ng Pagkabuhay, kapistahan at dakilang kapistahan.
Hindi ito inaawit tuwing Panahon ng Adbiyento at
Kwaresma.
5. Panalanging Pambungad- tinatawag itong “Collect”
“Kolekta”, sa ngalan ng buong sambayanan, ang pari
ay nagbubuod ng mga panalangin ng sambayanan sa
isang panalangin at lahat ay tumutugon ng Amen.

B. LITURHIYA NG SALITA
1. Unang Pagbasa- malimit itong hinahango sa Lumang
Tipan ngunit sa panahon ng Pagkabuhay ito ay
hinahango sa Gawa ng mga Apostol.
2. Salmong Tugunan- itinutuloy nito ang tema ng pagbasa
o ng panahon. Ito ay nararapat na inaawit.
3. Ikalawang Pagbasa- ito ay hinahango sa bagong tipan
particular sa mga Sulat o Epistola.
4. Aleluya o Awit Pambungad sa Mabuting Balita- ito ay
awitin ng pagbubunyi sa gagawing pagpapahag ng
Mabuting Balita, nararapat itong inaawit. Kung
panahon ng Kuwaresma hindi ito inaawit bagkus
pinapalitan ng awit pambungad.
5. Mabuting Balita- ang pinakatampok na pagbasa sa
Liturhiya ng Salita. Ang lahat ay tumatayo bilang
pagpapakita ng paggalang sa mga salita ni Hesukristo
at sa mga pangyayari sa kanyang buhay. Tanging ang
mga inordernahan lamang ang maaring bumasa nito.
6. Homilya- ito ang pagpapaliwanag at pagpapalalim ng
mga pagbasa sa liturhiya.

21
7. Sumasampalataya– ito ay ang pagpapahayag ng
pananampalataya, ang ating pagsang-ayon sa mga
katuruan ni Kristo sa Simbahan.
8. Panalangin ng Bayan o Panalanging Pangkalahatan-
ang paglalahad sa Diyos sa mga intensyon ng
sambayanan.

C. LITURHIYA NG EUKARISTIYA
1. Paghahanda ng mga Alay (pag-aabot ng alay
hanggang sa Panalangin ukol sa mga alay)- ang tinapay
at alak na mula sa Diyos ay ibinabalik sa Diyos, na
siyang pinagmumulan ng lahat.
2. Panalanging Eukaristiko- ay panalangin ng
pasasalamat, panalangin ng konsagrasyon, mala-paring
panalangin ng pag-aalay. May iba’t-ibang yugto ang
dakilang panalanging ito ng liturhiya:
a. Prepasyo- inaanyayahan ng pari ang lahat sa
paghahandog ng pasasalamat sa Diyos.
b. Santo- awit pagpupuri ng lahat sa Banal na Diyos.
c. Epiklesis- habang nakalukob ang mga kamay ng
pari sa mga alay, tinatawag ang Banal na Espiritu na
baguhin ito bilang Katawan at Dugo ng Panginoon.
d. Ang mga salita ng Konsagrasyon- ito’y ang mga
salita na hinango sa Huling Hapunan para sa
konsagrasyon. Sa rurok na tagpong ito ng Misa,
ang tinapay at alak, nagiging tunay na Katawan at
Dugo ni Kristo.
e. Ang pagtatanghal- ang pagpapakita ng Banal na
Ostiya at Kalis at pagsamba ng sambayanan.
f. Aklamasyon- ito ang pagpapahayag ng Misteryo ng
Pananampalataya, na nananalig tayo sa Tunay na
Presensiya ni Hesus at ng kanyang sakrispisyo.
g. Anamnesis- ito ay paglalahad ng pagliligtas na
ginawa ni Hesus sa kanyang kamatayan at muling
pagkabuhay, na sinasangayon sa Banal na
Eukaristiya.

22
pagkabuhay, na sinasangayon sa Banal na
Eukaristiya.
h. Pag-aalay- ipinahahayag ng pari ang nagaganap, na
itinataas natin si Kristo bilang handog sa Ama; na
ini-aalay natin ang ating mga sarili kay Kristo, ang
tunay na pari upang maging kaisa niya tayo.
i. Pamamagitan- ito ay panalangin para sa iba,
pagkakaisa ng Simbahan sa lupa, sa purgatoryo at
sa langit sa pamamagintan ng Kaisa-isang
Sakripisyo na inilalaan para sa mga nabubuhay at
yumao kaisa ng Mahal na Birhen at ng mga Banal.
j. Doxologia- ay pagpupuri sa Diyos habang ang
katawan at dugo ay itinataas. Lahat ay mabunying
aawit ng Amen.
3. Pagkokomunyon- ito ay nagsisimula sa panalanging
itinuro ng Panginoon (Ama Namin), kung saan ang
lahat ay lumalapit sa Ama bilang mga anak. Ang Bati ng
Kapayapaan, ay paghingi ng kapayapaan at pagkakaisa
sa Simbahan at sa buong mundo. Sa pag-awit ng
Kordero ng Diyos, ginaganap ng pari ang paghahati ng
tinapay tulad ng ginawa ni Hesus sa Huling Hapunan.
Ang pag-awit ay maaring ulit-ulitin hanggang matapos
ang paghahati ng tinapay. Pagkatapos na idulot ang
komunyon ang Panalangin Pagkapakinabang ay
darasalin na siyang nagbubuo sa Rito ng
Pagkokomunyon.

D. ANG PANGWAKAS NA BAHAGI/RITO


1. Iginagawad ng pari ang Pagbabasbas. Kung paanong
sinimulan ang Misa sa ngalan ng Banal na Santatlo,
gayon din ang pagwawakas ng Misa habang
isinasagawa ang tanda ng Krus.
2. Ang tagapagdiwang o diyakono ang magbibigay ng
Pagpapahayo bilang pagususugo sa lahat na mahalin at
paglingkuran ang Diyos bilang pagsasabuhay ng
Eukaristiyang ipinagdiwang.

23
BUOD KUNG KAILAN TATAYO, UUPO, AT LULUHOD SA MISA

Bahagi ng Misa Dapat gawin


PANIMULANG RITO
Tanda ng Krus Nakatayo
Pagbati Nakatayo
Panimula Nakatayo
Pagsisisi/ Panginoon Maawa Ka Nakatayo
Papuri Nakatayo
Panalanging Pambungad Nakatayo

LITURHIYA NG SALITA
Unang Pagbasa Nakaupo
Salmo Nakaupo
Ikalawang Pagbasa Nakaupo
Aleluya/ Awit Pambungad Nakatayo
Mabuting Balita Nakatayo
Homilya Nakaupo
Sumasampalataya Nakatayo
Panalangin ng Bayan Nakatayo

LITURHIYA NG EUKARISTIYA
Paghahanda ng Alay Nakatayo
Panalanging ukol sa mga Alay Nakatayo
Prepasyo Nakatayo
Panalanging Eukaristiko Nakaluhod
Ama Namin Nakatayo
Pagbati ng Kapayaan Nakatayo
Kordero ng Diyos Nakatayo
Paanyaya sa Pakikinabang Nakaluhod
Komunyon Nakatayo
Panalangin Pagkapakinabang Nakatayo

PANGWAKAS NA BAHAGI/ RITO


Pagbabasbas Nakatayo
Paghayo Nakatayo

24
IKAAPAT NA BAHAGI:
ANG PAGLILINGKOD SA MISA

A. PASIMULA
1. PAGDULOG NG MGA TAGAPAGLINGKOD (ENTRANCE
PROCESSION)
Isinaad sa Pangkalahatang Tagubilin ng Aklat ng Pagmimisa
sa Roma bilang 24 (GIRM 47, 120) kapag natitipon na ang
Sambayanan, habang pumapasok ang pari at mga
tagapaglingkod, sisimulan ang awit sa pagdulog.

Makabubuti na ang mga Tagapaglingkod ay tumungo agad


sa lugar na pagsisimulan ng prusisyon mga ilang minuto
bago ang pagsisimula ng Banal na Misa. Tiyakin na
kumpleto ang mga maglilingkod at ang gamit. Kung
gagamit ng insenso bago magsimula ang prusisyon,
lumapit ang tagapagdala ng insensaryo upang palagyan ito
ng insenso sa tagapagdiwang.

Ang paglakad patungong santuwaryo ay isagawa sa natural na


paglakad, hindi mabilis o sobrang bagal. Lumakad ng may
katamtamang bilis at iwasan ang paglingon na makakagambala
upang mabigyang pansin ang paglakad patungong dambana.

Pagsapit sa dako ng dambana, magbibigay galang sa dambana ang


pari at mga tagapaglingkod (PTAPR 27). Iyuyuko ng tagapaglingkod
ang kanyang buong katawan (profound bow) bilang tanda ng
kanyang paggalang (GIRM 49, 122). Hindi gaganapin ang pagyuko
ng mga tagapalingkod na may tangan na gamit sa pagdiriwang,
halimbawa, ang processional cross, ang may hawak ng kandila, o
Aklat ng Mabuting Balita (CB 70).

Kung gagamit ng insenso, lalapit at yuyuko ang tagapagdala nito sa


tagapagdiwang matapos itong yumuko at humalik sa dambana.
Palalagyan ng insenso ang insensaryo sa tagapagdiwang ng walang
anumang salitang binabanggit. Iinsensuhan ng tagapagdiwang ang
dambana. Hindi na kinakailangan hawakan ang kasulya ng

25
tagapagdiwang sa pag-iinsenso ng dambana. Pagkaabot ng
insensaryo yuyuko ang tagapagdala bago umalis.

HANAY NG PRUSISYON SA BANAL NA MISA


Mula sa GIRM Blg. 120

Modelo Bilang 1
(Kung gumagamit ng insenso)

Thurifer and Incense Boat

Processional Cross

Processional Candle

Bell

Book/ Mic Bearer

Commissioned Readers

Extraordinary Ministers
of Holy Communion

Book of Gospel

Presider

26
HANAY NG PRUSISYON SA BANAL NA MISA
Mula sa GIRM Blg. 120

Modelo Bilang 2

(Kung walang insenso)

Processional Cross

Processional Candle

Bell

Book/ Mic Bearer

Commissioned Readers

Extraordinary Ministers
of Holy Communion

Book of Gospel

Presider

27
HANAY NG PRUSISYON SA BANAL NA MISA NA
PINANGUNGULUHAN NG OBISPO (ORDER OF ENTRANCE
PROCESSION PRESIDED BY THE BISHOP)

Mula sa GIRM Blg. 120 at CB (Ceremonial of Bishops) Blg. 128

Modelo Bilang 3

Thurifer and Incense Boat

Processional Cross

Candle Bearers

Bell

Commissioned Readers

Book of Gospel

Concelebrants

Presider

Deacons

Book/ Mic Bearer

Crozier and Miter

28
2. PAGBATI/ PAGSISISI/KYRIE/ PAPURI/PANALANGING
PAMBUNGAD
Pagkaraan ng awit sa pagdulog at ang tagapagdiwang ay nasa
lugar ng upuan, ang pari at ang sambayanan ay magkukrus.
Gaganapin ang Pasimulang Bahagi o Rito: Pagbati, Pagsisisi,
Panginoon kaawaan mo kami, Papuri (kung meron), at Panalanging
Pambungad. (PTAPR 28,29,30,31,32); (GIRM 50-54, 124-127)

Ang mga tagapaglingkod na may tangang Aklat ng Pagmimisa sa


Roma at mikropono ay lalapit sa tagapagdiwang. Yuyuko sila bilang
tanda ng paggalang, bubuksan ang Aklat at itatapat ang
mikropono sa bibig ng tagapagdiwang. Tiyakin na ang layo ng aklat
sa tagapagdiwang ay tama, sapat upang mabasa ang teksto ng
mga panalangin. Gayundin sa may hawak ng mikropono, upang
ang tinig ay nasa tamang lakas nito. Sa mga bahagi na may pag-
awit ang tagapagdala ng aklat at mikropono ay maaring gumilid. Sa
sandaling madasal na ang Panalanging Pambungad, ang dalawang
tagapaglingkod ay tutungo sa harap ng tagapagdiwang at matapos
ay aalis.

Ang awit na papuri ay napakatanda at talagang kagalang-galang.


Inaawit ito ng buong pagtitipon o tugunan ng koro at nagsisimba
o ng mga mang-aawit lamang (PTAPR 31) (GIRM 53, 126).

Ang Sambayanan ay nakatutok sa pag-awit o pagbigkas ng Papuri.


Kung inaawit ang Papuri, maaring patugtugin ang mga batingaw
(Aklat ng Pagmimisa sa Roma, Pagkabuhay bilang 31). Ang
pagpapatunog ng mga batingaw lalo na sa loob ng simbahan ay
hindi dapat makabalam sa pag-awit ng papuri kaya iminumungkahi
na ito ay gawin sa mga unang bahagi ng Papuri.

3. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


Ang Pagpapahayag ng Salita ng Diyos ay binubuo ng mga pagbasa
mula sa Banal na Kasulatan, ng homilya, pananampalataya at
panalanging pangkalahatan o panalangin ng bayan. Si Kristo ay
kapiling ng mga nagkakatipon sa pamamagitan ng Salita Niyang
ipinahahayag. (PTAPR 33).

29
Sa mga bahaging ito ng pagdiriwang ng Salita ng Diyos, ang mga
Lingkod ng Dambana ay nararapat na nakaupo at nakikinig sa mga
ipinapahayag na Salita. Kapag malapit na ang pag-awit ng Aleluya,
ihahanda ng mga tagapaglingkod ang kandila at insensaryo (kung
ito ay gingamit).

Magkakahanay na lalakad ang mga tagapaglingkod na may dalang


mga kandila, insensaryo at insenso at tutungo sa santuwaryo. Ang
tagapagdala ng insenso at insensaryo ay tutungo sa
tagapagdiwang upang palagyan ng insenso ang insensaryo na
walang anumang sinasabi (CB 140, GIRM 132). Matapos itong
isagawa, gaganapin ang prusisyon patungong basahan ng Salita ng
Diyos. Ang prusisyon ay pangungunahan ng tagapagdala ng
insenso at kandila na susundan ng may dala ang Aklat ng Mabuting
Balita (CB 140). Pagdating sa basahan ng Salita ng Diyos, matapos
ang pag-awit ng Aleluya at paglalahad ng Ebanghelyong babasahin,
iaabot ng tagapaglingkod ang insensaryo sa magbabasa (CB 141).
Matapos ang pagpapahayag, ang mga tagapaglingkod ay tutungo
sa lugar na inilaan sa kanila. Nakaupong makikinig ng homilya ang
mga tagapalingkod. Upang makapakinig ng mabuti ang
sumusunod ay isagawa: buksan ang kalooban sa pakikinig, iwasan
ang mga kilos na hindi akma sa pakikinig at iwasan ang pag-abala
sa mga kasamang Lingkod ng Dambana.

Matapos ang Homilya at sandaling pananahimik, ipapahayag ang


Pananampalataya. Ang lahat ay tatayo upang ipahayag ito, ang
tagapagdala ng Aklat at mikropono ay tutungo sa tagapagdiwang,
yuyuko bilang tanda ng paggalang. Mananatili sila sa harap ng
tagapagdiwang hanggang matapos ang Panalanging
Pangkalahatan. Bago sila umalis sa harap ng tagapagdiwang sila ay
yuyuko.

4. PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN


Noong Huling Hapunan, itinatag ni Kristo ang paghahain at salu-
salong pamasko ng pagkabuhay na pinaggaganapan ng kanyang
paghahain ng sariling buhay habang siya’y nakabayubay sa krus.
Bilang patuloy na pangyayari sa Simbahan, ang paring

30
kumakatawan sa Panginoong si Hesukristo ay gumaganap sa
ginawa ng Panginoon at kanyang ipinagawa naman sa mga alagad
sa pag-alala sa kanya. Dahil dito, isinaayos ng Simbahan ang
pagdiriwang ng Huling Hapunan sa paraang tinutumbasan ang
mga pangungusap na ito at mga ginawa ni Kristo. Kaya nga:
a. sa paghahanda ng mga alay, ipinuprusisyon patungong
dambana ang tinapay at alak na may kasamang tubig
sapagkat ang mga ito ang hinawakan ni Kristo;
b. sa Panalangin ng Pagpupuri at Pasasalamat ginaganap ang
pasasalamat sa Diyos Ama para sa lahat ng ginawa Niya
ukol sa kaligtasan ng tanan at ang mga alay ay nagiging
katawan at dugo ni Kristo; at
c. sa paghahati-hati sa isang tinapay ipinahahayag ang
pagkakaisa ng sambayanan at sa pakikinabang
tinatanggap ng mga nagsisimba ang Katawan at Dugo ng
Panginoon katulad ng naganap sa pag-aabot niya nito sa
mga sinugo niyang alagad (PTAPR 48).

Paghahanda sa mga alay


Sa simula ng pagdiriwang ng Huling Hapunan ang mga alay na
magiging Katawan at Dugo ni Kristo ay dadalhin sa dambana.

Bago pa ito gawin, ang dambana ay ihahanda. Ilalatag ang telang


pagpapatungan sa magiging Katawan ni Kristo. Ihahanda rin dito
ang pamahid, ang Aklat ng Pagmimisa, ang kalis. (PTAPR 49). Maari
itong gawin ng diyakono, akolito, at laykong tagapaglingkod (GIRM
139, CB 145).

Ang mga alay ay ipuprusisyon patungong dambana. Sa pagdadala


ng mga alay, napakainam na ito ay dalhin ng ilan sa mga
nagsisimba… Bagaman ang tinapay at alak na ito ay hindi talagang
galing sa mga nagsisimba katulad ng nangyari noong araw, ang
pagganap ng prusisyon ng mga alay ay may ipinahihiwatig pa ring
kahulugan para sa pamumuhay sa Espiritu. (PTAPR 49)

Ang mga abuloy na salapi at iba pang mga alay para sa mga dukha
o para sa kagamitan ng simbahan na pawang dinala rin ng mga

31
nagsisimba o nilikom sa pagtitipong ito ay maipuprusisyon din.
(PTAPR 49)

Tatanggapin ng tagapagdiwang kasama ng mga katuwang na


lingkod ang mga alay sa harap ng dambana. Maliban sa tinanggap
na tinapay at alak na ilalagay sa dambana, ang ibang mga handog
ay ilalagay sa isang akmang lugar hiwalay sa dambana. (PTAPR 49
49; GIRM 73, 14; CB 145)

Pagkatanggap ng alay, tutungo ang tagapagdiwang at mga


tagapaglingkod sa dambana. Ang mga tagapaglingkod na may
dalang alak at tubig ay tutungo, yuyuko at iaabot ito sa
tagapagdiwang, sa isang paring nakikipagdiwang o sa diyakono.
Matapos itong maiabot, yuyukong muli at aalis. Lalapit ang isang
lingkod na may dalang pitsel, palanggana at punasan ng kamay,
yuyuko at huhugasan ang kamay ng tagapagdiwang. Matapos
isagawa ang paghuhugas yuyukong muli at aalis.

Kung gumagamit ng insenso, pagkatapos ng tahimik na


pananalangin para sa mga alay, lalapit ang tagapagdala ng
insensaryo at palalagyan ito ng insenso sa tagapagdiwang.
Iinsensuhan ng tagapagdiwang ang mga alay, dambana at krus.
Matapos ito, ibibigay ng tagapagdiwang ang insensaryo sa may
dala nito. Iisensuhan niya ang tagapagdiwang ng tatlong ulit,
matapos na ito ay maisagawa iinsensuhan ang sambayanan ng
tatlong ulit tulad sa tagapagdiwang. (GIRM 277, CB 92).

Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat


Ang Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat ang
pinakatampok na nilalaman at siyang tugatog ng buong
pagdiriwang. Dito ginaganap ang pasasalamat at pag-gagawad ng
pagpapala. Ang pari ay nag-aanyayang itaas ang puso at diwa ng
sambayanan sa Panginoon sa pagdalangin at pasasalamat at
pinalalahok niya sila sa ipinaaabot niyang panalangin sa Diyos Ama
sa ngalan nila sa pamamagitan ni Hesukristo. Ang layunin ng
panalanging ito ay upang ang nagkakatipong mga tao ay maging

32
kaisa ni Kristo sa pagpupuri sa mga dakilang gawain ng Diyos at sa
pagganap ng paghahain (PTAPR 54).

Prepasyo
Habang binabasa ang Prepasyo, inihahanda ng mga Lingkod
Dambana ang kanilang sarili sa pinakatugatog na bahagi ng
pagdiriwang. Higit sa mga kilos na isasagawa, ang mga Lingkod
Dambana ay nararapat na nakatuon sa misteryo ng pagdiriwang,
ang pag-aalay na naghatid ng katubusan na isinasagawa ni Kristo.

Ang tagapagdala ng batingaw ay pupunta sa puwesto na makikita


niya kung ang mga alay ay itinataas sa harap ng sambayanan.

Ang mga tagapagdala ng kandila at insenso (kung ito ay ginagamit)


ay nakahanda sa paglakad papuntang dambana.

Ang mga iba pang Lingkod Dambana na walang gagawin ay


nakatayo at matamang nakikiisa sa pamamagitan ng pakikinig.

Pagbubunyi/ Pag-awit ng Santo


Habang inaawit ang Banal, Banal, Banal…o Santo, Santo, ang mga
may dala ng kandila at insenso ay lalakad patungong dambana.
Maaring isaalang-alang ang laki ng santuwaryo sa pagpwesto sa
harap ng dambana.

Mungkahi 1

ALTAR

Incense Boat Thurifer

Candles

33
Mungkahi 2

ALTAR

Incense Boat Thurifer

Candles

Panawagan sa Diyos/ Epiklesis


Ang mga Lingkod Dambana na nasa harap ng dambana ay
nakaluhod. Maaring lagyan ng insenso ang insensaryo sa bahaging
ito. Hindi patutunugin ang batingaw.

Konsagrasyon
Ang pagsasalaysay sa Huling Hapunan ay ginaganap sa bahaging
ito. Sa sandaling ipamalas ang mga alay iinsensuhan ng tatlong ulit
ang tinapay na ginawang Katawan ng Panginoon, matapos ang pag
iinsenso yuyuko ang mga lingkod. Ganun din ang isasagawa sa alak
na ginawang Dugo ng Panginoon. Maaring patunugin ang
batingaw sa pagtataas ng alay. Matapos ang konsagrasyon ay ang
aklamasyon. Matapos ang aklamasyon tatayo ang mga Lingkod
Dambana sa harap ng dambana at lilisan.

Pag-alala/ Anamnesis, Pag-aalay, Pagluhog, Pagbubunying


Pangwakas/ Dakilang Amen
Sa Diyosesis ng Imus, sa bahaging ito ng Misa, ang mga Lingkod ng
Dambana gayun din ang mga mananampalataya ay nakaluhod.
Pagdating ng Pagbubunying Pangwakas ang lahat ay aawit ng
Amen. Upang mabigyan ng diin ang aklamasyon o pag-awit ng
Amen, hindi na patutunugin ang batingaw.

Pakikinabang
Tatayo ang lahat upang sama-samang awitin o bigkasin ang Ama
Namin. Walang anumang probisyon ang Pangkalahatang Tagubilin

34
ukol sa posisyon ng kamay sa Ama Namin. May mga pagtuturo na
huwag isagawa ang paglalahad ng kamay subalit may mga
pagtuturo din na maari itong gawin sapagkat ang bahaging ito
naman ay hindi isang panalangin ng pangungulo (presidential
prayer) (GIRM 237).

Pagkokomunyon
Sa pagkokomunyon, ang platong pangkomunyon (communion
plate) ay hahawakan ng lingkod ng dambana upang magsilbing
pansalo sa ibinibigay na komunyon sa mananampalataya.

Matapos ang pagbibigay ng komunyon, lalapit ang lingkod na may


dalang tubig upang iabot sa tagapagdiwang na naglilinis ng mga
banal na kagamitan. Kapag ito ay nalinis na, maaari itong ilagay sa
isang mesa.

Maaari din namang isagawa ang paglilinis ng mga gamit sa isang


bukod na mesa (credence table) kung maraming mga kagamitang
ginamit (GIRM 163). Kung saan isasagawa ang paglilinis, doon
tutungo ang Lingkod Dambana upang tumulong sa pag-aayos ng
mga nilinis na gamit.

Panalanging Pagkapakinabang
Ang tagapagdala ng Aklat at mikropono ay tutungo sa
tagapagdiwang upang ilahad ang panalanging babasahin habang
nakatapat ang mikropono. Mananatili ang dalawang lingkod sa
harap ng tagapagdiwang kung mayroong mga paunawa.

Paghayo sa Pagwawakas
Nananatili ang dalawang lingkod na may tangang Aklat at
mikropono sa pagbabasbas at pagpapahayo. Matapos ito yuyuko
ang mga lingkod at ilalagay ang gamit sa nakatakdang mesa
(credence table). Matapos mailagay ang mga gamit sasama ang
ang mga lingkod sa kapwa lingkod ng dambana para yumuko sa
dambana at lisanin ito.

35
Mga Sanggunian/Sources:

Institutio Generalis Missalis Romani/


General Instruction of the Roman Missal, 2002

Sacrosanctum Concilium/
Constitution on the Sacred Liturgy, 1963

Ordo Lectione Missae/


General Introduction to the Lectionary, 1981

Ministeria Quaedam/
On Certain Ministries, 1972
Ceremonial of Bishops

Ministry at the Altar by Peter J. Elliot


Sydney, Australia
E.J. Dwyer (Australia)
Property Limited, 1980

Message to Altar Servers’s General Audience


by John Paul II
L’oservatore Romano, 1 August 2001

Serving at the Altar, Manual for Altar Servers, 2004


121 Arzobispo St. Intramuros, Manila

De Caeremoniarum Magistro
Diyosesis ng Malolos

36

You might also like