I. PANUTO: Lagyan ng tsek / kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagmamalasakit, pagkamahabagin at
pagkakawanggawa. Ekis X naman kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang.
______1. Maging masaya sa mga taong natulungan.
______2. Ang mga pulubi at may kapansanan ay ating tulungan dahil sila ay ating kapwa. ______3. Piliin lamang ang mga tutulungan. ______4. Boluntaryong tumulong sa mga mahihirap. ______5. Ang pagbibigay ay maaaring pinansiyal o materyal na gamit. ______6. Tumulong ng may hinihintay na kapalit. ______7. Tumulong lamang upang maging tanyag. ______8. Magbigay ng hindi bukal sa kalooban. ______9. Magreklamo habang tumutulong. ______10. Manghingi ng bayad kapalit ng pagbibigay ng tulong. ______11. Tumulong hanggat kayang magbigay ng tulong sa iba. ______12. Maraming naitutulong sa atin ang ating kapwa. Tulad ng ating pamilya bigyan natin sila ng paggalang at pagmamahal. ______13. Dapat natin awayin ang ating mga kaklase na marurumi at mababaho. ______14. Kahit ako ay bata pa, marami akong magagawa upang ipakita ang aking pagmamalasakit sa aking kapwa. ______15. Gumagamit ako ng salitang "Pakiusap at Salamat" kahit sa mga taong hindi ko kakilala. ______16. Tumutulong ako sa mga nasalanta ng bagyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga damit at laruan na hindi ko na ginagamit. ______17. Tumulong sa barangay kapag kailangan lamang. ______18. Napakaganda ng pagtulong nang kusa at walang inaasahang gantimpala. ______19. Tumutulong si Janna nang malaman na may bayad. ______20. Itaboy ang mga pulubing humuhingi ng pagkain sa iyo.
II. PANUTO: Isulat ang tama kung tama ang isinasaad ng bawat pangungusap, mali naman kung mali ang isinasaad. Isulat ang sagot sa patlang.
______21. Tumutulong sa mga matatanda na tatawid sa kalsada.
______22. Ang pagkakawanggawa ay pana-panahon lamang. ______23. Ipinagmamalaki ko ang mga nagawa kong tulong sa iba. ______24. Kinukutya ang mga batang palaboy at madungis. ______25. Nakikisa sa mga adhikain sa paggabay sa mga batang nasa lansangan. ______26. Kambal ang pagkakawanggawa at pagkamahabagin. ______27. Lagi kong iisipin ang kapakanan ng aking kapwa sa isip, sa salita at sa gawa. ______28. Pinagtatawanan ang kamag-aral na mahina sa klase. ______29. Ang tunay na pagkakawanggawa ay mula sa puso. ______30. Ang pagbibigay ng benepisyo sa mga nasalanta ng mga sakuna at iba pang nangangailangan ay pagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa. ______31. Unang nararamdaman ang pagkamahabagin, kaya nagkakawanggawa ang tao. ______32. Pinandidirihan ang kapitbahay na nagpositibo sa COVID-19. ______33. Ibinabahagi ang mga kagamitan o lumang kasuotan sa mga batang walang magamit. ______34. Pinandidirihan ang mga batang kumakain ng tira tira dahil sa kahirapan. ______35. Tinulungan ang mga batang nangangalakal dahil lubak ang daan. ______36. Nakikiisa sa pagtulong sa mga frontliner sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagkain. ______37. Magdedesisyon ako para sa ikabubuti ng lahat. ______38. Mas uunahin kong tulungan ang aking kaibigan kaysa sa iba. ______39. Ibinahagi ni John ang kanyang mga damit sa mga batang mangangalakal. ______40. Tutulong ako sa aking kapwa na walang alinlangan.
"HONESTY IS THE FIRST CHAPTER IN THE BOOK OF WISDOM."