Mga Batayan Sa Pagpili NG Asignaturang Medyor NG Mga Magaaral NG Batsilyer NG Sekundaryang Edukasyon Sa Pampamahalaang Unibersidad NG Kanlurang Mindanao
Mga Batayan Sa Pagpili NG Asignaturang Medyor NG Mga Magaaral NG Batsilyer NG Sekundaryang Edukasyon Sa Pampamahalaang Unibersidad NG Kanlurang Mindanao
Mga Batayan Sa Pagpili NG Asignaturang Medyor NG Mga Magaaral NG Batsilyer NG Sekundaryang Edukasyon Sa Pampamahalaang Unibersidad NG Kanlurang Mindanao
ABSTRACT: College plays a significant role in the life and future of the students. It is associated with the
individual's course selection as well as with their life in the future. The main objective of this study is to
determine the factors that became the basis for selecting the area of specialization of the Bachelor of Secondary
Education students. Therefore, it focused on determining the factors that may have influenced students in
choosing the subject as a specialization. This study is a quantitative research that used descriptive research
design and cluster sampling method. The data was collected from seventy (70) participating BSED students
from different areas of specialization through a questionnaire survey. In the entirety of this study, it was found
that the most influential factor was the consideration of future job opportunities which was the basis for
students to choose the subject as a major. In addition to this, the factor of personal choice and parent’s decision
was also considered which motivated the students to choose the specialization. On the other hand, the factor of
peer and former teachers’ influence was found that it did not influence the students in their decision-making in
choosing a specialization. Based on the results, the researchers gave a conclusion and recommendations to
further develop the said study.
ABSTRAK: Malaki ang ginagampanang papel ng kolehiyo sa buhay at kinabukasan ng mag-aaral. Kaakibat
nito ang pagpili ng kursong tatahakin sapagkat ito ang magiging kaakibat ng indibidwal sa kanyang hinaharap
na pamumuhay. Ang pinakalayunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang mga batayan sa pagpili ng asignaturang
medyor ng mga mag-aaral ng Batsilyer ng Sekundaryang Edukasyon. Kung kaya ang pananaliksik ay nakatuon
sa pagtukoy ng mga salik na maaaring nakaimpluwensya sa mga mag-aaral sa pagpili ng asignatura bilang
medyor. Ang pag-aaral na ito ay isang kuwantitatibong pananaliksik na ginamitan ng descriptive research design
at cluster sampling method. Ang mga datos ay nakalap mula sa pitompung (70) kalahok na mag-aaral ng BSED
mula sa iba‟t ibang asignaturang medyor sa pamamagitan ng sarbey kwestyuner. Sa kabuoan ng pag-aaral na ito,
napag-alaman na ang pinakamaimpluwensyang salik ay ang pagsasaalang-alang ng posibleng trabaho sa
hinaharap na naging batayan ng mga mag-aaral na piliin ang asignatura bilang medyor, bukod pa rito isinaalang-
alang din ang salik na sariling kagustuhan at kagustuhan ng magulang na nag-udyok sa mga mag-aaral na piliin
ang asignaturang medyor. Habang ang salik na impluwensya ng mga kaibigan at dating guro ay napag-alaman
na hindi ito nakaimpluwensya sa mga mag-aaral sa pagbuo ng desisyon. Batay sa naging resulta ay nagbigay ng
kongklusyon ang mga mananaliksik at rekomendasyon upang mas mapaunlad pa ang nasabing pag-aaral.
I. INTRODUKSYON
Ang pagdedesisyon ay likas na sa atin bilang mga tao. Madalas natin itong gawin kung kaya
maituturing na itong bahagi ng ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ang bawat desisyon na ating ginagawa ay
may kaugnay na resulta, ang mga resultang ito ay siyang magiging batayan sa pagtukoy kung tama o mali ang
iyong naging desisyon. Kung kaya, nararapat lamang na maging maingat sa pagbuo ng desisyon. Ang isang
mag-aaral na magtatapos sa sekundarya ay kailangang pumili sa kung anong karera o landas ang kaniyang
AJHSSR Journal P a g e | 30
American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
tatahakin sa kolehiyo. Ayon kina Ramoso et al. (2013), ang pagpili ng kursong nais tahakin sa kolehiyo ay isa sa
pinakamahirap na desisyon na maaaring gawin ng isang nagtapos sa sekundarya dahil kaakibat nito ang
magiging propesyon ng mag-aaral sa hinaharap. Ito ay dapat pagtuunan ng pansin ng mga kabataan sapagkat ito
ay napakahalaga upang maihanda ang kanilang sarili sa buhay pagkatapos ng pag-aaral.
May iba‟t ibang dahilan ang mga mag-aaral kung bakit sila nahihirapan sa pagpili ng kursong nais
kunin sa kolehiyo, at isa na rito ang kawalan ng ideya sa usaping kakayahan – ang kanilang kalakasan at
kahinaan. Dahil dito ang Pamahalaan at Kagawaran ng Edukasyon ay nagpatupad ng pagbabago sa Sistema ng
Edukasyon. Sa pamumuno ng dating Pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Benigno Aquino III at ng
Kagawaran ng Edukasyon taong 2013, ang Republic Act 10533 o K-12 kurikulum, ay ang naging bagong
kurikulum na ginamit sa ating bansa. Isa sa mga pinakalayunin ng pag-usbong ng K-12 kurikulum ay ang
matulungan ang mga mag-aaral na mapabuti ang kanilang pag-aaral o mas maging mulat sa kanilang mga
kakayahan. Ang K-12 program ay dalawang karagdagang taon sa sekundarya na idinisenyo upang tulungan ang
mga mag-aaral na matuklasan ang kanilang mga talento para sa kanilang mga karera sa kolehiyo sa hinaharap,
(Nazaro et al., 2017).
Base sa enrolment data mula sa gobyerno at Private Higher Education Institution sa bansa noong taong
panunuruan 2009-2010, isa sa mga kursong may maraming mag-aaral ang nagpaparehistro ay ang kursong
edukasyon. Ang mga mag-aaral na naghahangad na maging bahagi ng propesyon ng pagtuturo ay maaaring
pumili sa ilang mga undergraduate na programa sa larangan ng pagtuturo. Isa sa mga programang inaalok ng
kursong edukasyon ay ang BSED o Batsilyer ng Sekundaryang Edukasyon.
Nakasaad sa CHED Memorandum Order No. 75 Series of 2017, ang BSED o Batsilyer ng Sekundaryang
Edukasyon ay isang programang nag-aalok ng apat na taong degree na programa na idinisenyo upang ihanda
ang mga mag-aaral sa pagiging guro sa sekundarya. Ang kursong ito ay nagsasanay sa mga mag-aaral na
magturo ng isa sa iba't ibang asignatura o larangan ng pag-aaral tulad ng English, Filipino, Mathematics,
Sciences, Social Studies, MAPEH at Values Education. Ang isang mag-aaral ay kinakailangang pumili ng isang
asignaturang kaniyang pagdadalubhasaan o major.
Ayon kina Begs et al. (2008), ang pagpili ng isang medyor o espesyalisasyon ay isa sa
pinakamahahalagang desisyon na dapat gawin ng isang mag-aaral. Ang pagpili ng asignaturang pagdadalubhasa
ay isang malaking alalahanin para sa mga mag-aaral ng BSED marahil may mga salik ang kailangang isaalang-
alang. Ang mga salik na makaiimpluwensya sa pagpili ng asignaturang pagdadalubhasa ay talagang malaking
bahagi sa buhay ng mag-aaral dahil taon ang masasayang kung ang espesyalisasyong napili ay hindi ninanais na
kunin o hindi buo ang desisyon sa pagpili o pagpasya. Maaaring ang espesyalisasyong kinuha ay kagustuhan
lamang ng magulang para sa kanilang anak o di kaya ay impluwensya ng mga kaibigan sa dahilan na gusto pa
rin maging magkaklase at magkasama ulit sa iisang silid. Mahalagang pag-isipan nang mabuti at bigyan ng sapat
na oras ang pagdedesisyon sa pagpili ng espesyalisasyon na nais tahakin sa kolehiyo upang hindi masayang ang
taon kapag nagbago ang isipan at puso sa kursong napili, (Nazaro et al., 2017).
Samakatuwid, iba-iba ang batayan ng bawat indibidwal ukol sa kung anong karerang nais niyang
tahakin. Ang edukasyon bilang isang propesyon ay sinasabing pagpasok din sa isang bokasyon – bokasyon ng
pag-aalay ng iyong sarili upang hubugin ang kaalaman at asal ng mga mag-aaral na siyang pag-asa ng ating
bayan.
Bagaman nabanggit sa pag-aaral nina Climaco, et. al., (2011) na may mga salik na nakaaapekto sa
pagpili ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo ng kursong edukasyon at nabanggit din sa pag-aaral
nina Almencion et al. (2020) ang mga salik na nakaiimpluwensya sa pagpili ng mga mag-aaral ng kursong
BSED, ngunit limitado lamang ang mga pag-aaral na nabanggit sa pagtukoy ng mga salik na nakaimpluwensya
sa pagpili ng mga mag-aaral ng kursong edukasyong pangguro at hindi tinukoy o hindi nagsagawa ng
karagdagang pag-aaral upang malaman kung ano-ano rin ang mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng
asignaturang medyor ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong BSED. Kaya naman ang mga mananaliksik sa
kasalukuyan ay naganyak na magsagawa ng pananaliksik upang matukoy sa pag-aaral kung ano-ano ang mga
batayan at salik na nakaaapekto sa pagpili ng medyor o espesyalisayon ng mga mag-aaral ng kursong Batsilyer
ng Sekundaryang Edukasyon sa Pampamahalaang Unibersidad ng Kanlurang Mindanao.
1. Pagdedesisyon
Ayon kay Caluza (2015), malaki ang papel na ginagampanan ng pagdedesisyon sa ating buhay, ngunit
kung minsan ay maaari itong magkaroon ng malaking epekto sa ating buhay. Tila isa itong bagay na maaaring
AJHSSR Journal P a g e | 31
American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
magdulot ng isang maganda o minsan ay masamang epekto. Kaya naman, dapat maging maingat at wais sa
paggawa nito dahil maaaring baguhin nito ang paraan ng ating pamumuhay.
Ang pagdedesisyon ay isang bagay na palagi nating ginagawa at sa sobrang dalas ng paggawa nito ay
hindi na napapansin na ginagawa natin ito. Ito ay sadyang napakakomplikado. Ang paggawa ng desisyon ay
nagsasalamin sa totoong karakter ng isang tao. Ito ay batay sa kanyang pag-uugali, personalidad at mga
pinahahalagahang paniniwala. Kapag ang isang tao ay nagdedesisyon, madalas ito ay nahihirapan sa pagpili
kung ano ang nararapat, (Ocier, 2010).
Ayon kina Alberts et al. (2003), ang pagpili ng bokasyon ay may malaking impluwensya sa kanyang
panlipunan at kalagayang pang-ekonomiya. Nagtatalo sila na ang personal na interes, patnubay ng magulang,
impluwensya ng mga kaibigan at mga regulasyong institusyonal ay maaaring makaimpluwensya sa mga
pagpipilian sa karera ng mga mag-aaral. Ang mga mag-aaral na nalilito sa pagpili ng mga espesyalisasyon sa
karera ay madalas na nakararanas ng mga hamon sa panahon at pagkatapos ng kanilang pag-aaral.
AJHSSR Journal P a g e | 32
American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
linya at emosyon, ang guro ay nagpupuyat din dahil pinaplano nila kung paano nila mapakinig ang higit sa isang
libong mag-aaral na nahaharap sa kanila sa limang araw kada linggo.
Ang pagkuha ng kursong pang-edukasyon at pagsasanay ay maghahanda para sa totoong mundo ng
pagtuturo at pagkatuto. Ang paaralan ng Pampamahalaan Unibersidad ng Kanlurang Mindanao ay nag-aalok ng
kursong edukasyon at oportunidad sa iba‟t ibang programa tulad ng Early Childhood Education, Elementary
Education, Secondary Education, Special Needs Education, at Culture and Arts Education.
Nabanggit na isa sa mga programang pang-edukasyon na inaalok ng Pamantasan ay ang BSED o
Batsilyer ng Sekundaryang Edukasyon. Nakasaad sa CHED Memorandum Order No. 75 Series of 2017, ang
Batsilyer ng Sekundaryang Edukasyon ay isang apat na taong degree na programa at isang board course na
idinisenyo upang ihanda ang mga mag-aaral sa pagiging guro sa sekundarya na may pangunahing layunin na
mabigyan ang mga mag-aaral ng matatag na pag-unawa sa disiplina sa pamamagitan ng teoretikal at praktikal na
mga bahagi ng kurikulum.
Ang kursong BSED ay mayroong ilang mga lugar ng espesyalisasyon tulad ng English, Filipino,
Mathematics, Sciences, Social Studies, Music Arts Physical Education H, at Values Education. Dito ay
kinakailangan ng mag-aaral na pumili ng isang asignaturang medyor o pagdadalubhasa. Ang pagpili ng
asignaturang medyor ay kaugnay ng pagpili ng kurso dahil kaakibat na rin ng asignaturang napili ang magiging
oportunidad o propesyon sa hinaharap. Ito rin ay isang komplikadong pagpapasya dahil nangangailangan ng
kritikal na pag-iisip na kung saan may mga salik din na nakaaapekto sa pagpili ng mga mag-aaral ng
asignaturang medyor.
AJHSSR Journal P a g e | 33
American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
IV. LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang mga batayan sa pagpili ng asignaturang medyor ng
mga mag-aaral ng Batsilyer ng Sekundaryang Edukasyon sa Pampamahalaang Unibersidad ng Kanlurang
Mindanao.
Upang makamit ang layuning ito, bumuo ng mga tanong ang mga mananaliksik:
2. Ano-ano ang mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng asignaturang medyor sa sumusunod na komponents:
2.1 Sariling Kagustuhan
2.2 Kagustuhan ng Magulang
2.3 Impluwensya ng mga Kaibigan at Dating Guro
2.4 Posibleng Trabaho sa Hinaharap
3. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng asignaturang medyor
kung ang mga baryabol ay papangkatin ayon sa:
3.1 Kasarian
3.2 Asignaturang Medyor
4. Sa pangkalahatan, alin sa mga salik ang naging pinakabatayan ng mga mag-aaral ng Batsilyer ng
Sekundaryang Edukasyon sa pagpili ng asignatura bilang medyor?
V. METODOLOHIYA
Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga pamamaraang ginamit ng mga mananaliksik, paraan ng
pagpili ng mga kalahok, instrumentong ginamit, paglilikom ng datos, at estadistikal na pamamaraang ginamit.
Masusing pinili at inalisa ng mga mananaliksik ang mga ginamit na instrumento at pamamaraan upang maging
mas kapaki-pakinabang ang pananaliksik na isinagawa.
1. Disenyo
Ang pag-aaral na ito ay isang kuwantitatibong pananaliksik. Ginamit ang deskriptibong disenyo sa
pananaliksik na ito dahil ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalarawan ng demograpikong propayl ng
mga mag-aaral at mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng asignaturang medyor batay sa sariling kagustuhan,
kagustuhan ng magulang, impluwensya ng mga kaibigan at dating guro, at posibleng trabaho sa hinaharap.
Gayundin, ito ay comparative dahil ito ay may layon na alamin ang makabuluhang pagkakaiba ng mga baryabol
ng pananaliksik.
Ang Descriptive Survey Research Design na gumagamit ng talatanungan, ang uri ng descriptive method na
piniling gamitin ng mga mananaliksik upang mangolekta, mag-analisa, at maghinuha ng mga datos. Ito rin ay
ginamit upang lalong mapagtibay ang mga datos na nakalap.
Ang mga mananaliksik ay naniniwalang angkop ang ganitong uri ng metodolohiya sapagkat mas
mapadadali ang pagkuha at pagsuri ng mga datos sa malaking bilang ng kalahok. Samakatuwid, makakukuha
ang mga mananaliksik ng mas malinaw at maayos na datos mula sa mga kalahok.
2. Mga Kalahok
Sa pananaliksik na ito, ang mga datos ay nakalap mula sa pitompung (70) kalahok na mga mag-aaral
ng Batsilyer ng Sekundaryang Edukasyon mula sa iba‟t ibang asignaturang medyor. Ang bawat medyor ay
nilahukan ng sampung (10) mag-aaral na binubuo ng limang (5) lalaki at limang (5) babae mula sa una, ikalawa,
at ikatlong antas. Sila ay napili sa pamamagitan ng cluster sampling para sa asignaturang medyor at random
sampling para sa antas. Ang cluster sampling ay isang paraan ng probability sampling na kadalasang ginagamit
upang pag-aralan ang malalaking populasyon. Ito ay ang paghahati ng populasyon sa mga cluster at random na
pagpili ng sample mula sa mga cluster na ito, (Thomas, 2023).
Ito‟y isinakatuparan sa Pampamahalaang Unibersidad ng Kanlurang Mindanao, partikular na sa
Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro, Taong Panuruan 2022-2023.
3. Instrumentong Ginamit
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng standardized instrument na adapted na talatanungan o sarbey
kwestyuner bilang pagkukuhanan ng datos. Ito ay ibinase sa ginawang instrumento nina Alcantara et al. (2015)
AJHSSR Journal P a g e | 34
American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
na may pamagat na “Factors Affecting The College Course Preference of the Fourth Year Students of Roosevelt
College San Mateo for The School Year 2014-2015”. Ang orihinal na instrumento ay nakasulat sa Ingles kung
kaya ay sinalin ito ng mga mananaliksik sa Filipino upang matugunan ang mga layunin ng pag-aaral na ito.
Kaugnay nito, ang talatanungan ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi; sa unang bahagi, ito ay
binubuo ng propayl ng mga kalahok ayon sa kasarian at asignaturang medyor. Sa ikalawang bahagi, ito ay
binubuo ng mga salik na nakaiimpluwensya sa pagpili ng asignaturang medyor – sariling kagustuhan,
kagustuhan ng magulang, impluwensya ng mga kaibigan at dating guro, at posibleng trabaho sa hinaharap.
4. Pagpapatibay ng Instrumento
Sa pagpapatibay ng instrumentong ginamit, minabuti ng mga mananaliksik na hingin ang tulong ng
kanilang ika-una at ikalawang guro sa pananaliksik upang maging malinaw, maayos, makatotohanan at matibay
ang bawat detalyeng nilalaman ng talatanungan. Kaugnay nito, humingi rin ang mga mananaliksik ng tulong sa
estadistika upang malaman kung reliable o mapagkakatiwalaan ang ginamit na instrumento para sa magandang
kalalabasan ng resulta ng mga datos na nakalap.
Mula sa payo ng estadistika, sinimulan ng mga mananaliksik na magsagawa ng pilot testing upang mas
mapatibay ang instrumentong ginamit. Sa pamamagitan nito, nakasisiguro ang mga mananaliksik na masasagot
ang mga layunin sa bawat tanong sa talatanungan.
5. Paglikom ng Datos
Ang pangangalap ng datos ay isinagawa matapos ang pilot testing. Isang liham ng pahintulot ang
ipinadala sa Tanggapan ng Dekano sa Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro upang hingiin ng pahintulot na
isagawa ng mga mananaliksik ang sarbey sa mga natukoy na kalahok na mga mag-aaral ng Batsilyer ng
Sekundaryang Edukasyon. Nang nabigyan ng pahintulot, nagtungo ang mga mananaliksik sa mga kalahok
upang ibigay ang mga talatanungan na kanilang sagutan. Kalakip nito ay ang informed consent na kanilang
nilagdaan na sila ay boluntaryong makilahok sa isinagawang pag-aaral.
Mapapansin sa talahanayan 1.1 ang bilang ng kasarian ng mga kalahok sa pag-aaral. May kabuoang
pitumpung (70) kalahok mula sa iba‟t ibang medyor na nahahati sa dalawang kasarian na babae at lalaki na may
parehong bilang na tatlum pu‟t lima (35). Sa madaling salita, ang bawat kasarian ay may limampung (50)
bahagdan.
Talahanayan 1.2: Asignaturang Medyor ng mga Kalahok
Asignaturang Medyor Frequency Percentage
English 10 14.28
Filipino 10 14.28
Science 10 14.28
Mathematics 10 14.28
AJHSSR Journal P a g e | 35
American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
Social Studies 10 14.28
Values Education 10 14.28
Bachelor of Culture and Arts Education 10 14.28
Ang talahanayan 1.2 ay nagpapakita ng asignaturang medyor ng mga kalahok. Ang bawat medyor ay
nilahukan ng sampung (10) mag-aaral na binubuo ng limang (5) babae at limang (5) lalaki na kalahok. Ang
major na English, Filipino, Science, Mathematics, Social Studies, Values Education, at Bachelor of Culture and
Arts Education ay may magkakaparehong bahagdan na 14.28. Ang mga kalahok mula sa iba‟t ibang
asignaturang medyor ay ganap na lumahok nang boluntaryo.
2. Ano-ano ang mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng asignaturang medyor sa sumusunod na komponents:
AJHSSR Journal P a g e | 36
American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
aking mga magulang.
3. Ang aking kurso ay base sa sinabi ng aking magulang na 2.63 Neutral
nababagay sa akin.
4. Ang asignaturang pinili ay may pakinabang para sa aking 3.49 Sumasang-ayon
mga magulang.
5. Ang isa o pareho ng aking mga magulang ay nasa larangang 2.23 Hindi Sumasang-ayon
ito.
6. Naging daan ang desisyon ng magulang sa pagbuo ng 2.93 Neutral
desisyon hinggil sa pagpili ng asignaturang medyor.
AVERAGE MEAN 2.91 Neutral
Legend: 1.0-1.8 – Lubos na Sumasang-ayon 3.41-4.20- Sumasang-ayon
1.81-2.6- Hindi Sumasang-ayon 4.21-5.0- Lubos na Sumasang-ayon
2.61-3.4- Neutral
Makikita sa talahanayan 2.2 ang mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng asignatura bilang medyor sa
ikalawang komponent na kagustuhan ng mga magulang. Ang salik na pagkakaroon ng pakinabang sa magulang
na napiling medyor ang may pinakamataas na mean score na 3.49 kaya masasabing sinang-ayunan ito ng mga
kalahok. Neutral naman ang tugon ng mga kalahok sa salik na ang desisyon ng magulang ang naging daan sa
pagpili ng medyor dahil ito ay may mean responses na 2.93. Sa kabilang banda, mababa ang mean responses ng
mga kalahok na ang isa o pareho ng kanilang magulang ay nasa larangan ng pagtuturo dahil mayroon lamang
itong 2.23 at nangangahulugang hindi sila sumasang-ayon dito.
Sa kabuoan, pinapatunayan ng resultang ito na ang kagustuhan ng magulang ay maaaring may
impluwensyang naidulot sa mga kalahok hinggil sa pagpili ng asignatura bilang medyor na may average
mean na 2.91 na nangangahulugang neutral.
Ilang mga pag-aaral ang maaaring magpatunay sa natuklasan ng pag-aaral na ito. Sa pag-aaral nina
Rayfield et al. (2013), Eremie at Chiamaka (2019), at Sear at Gordon (2002), isiniwalat na ang mga magulang
ay may malaking impluwensya kapag ang isang anak o mag-aaral ay pipili ng course major. Sa ilang mga
nagdaan na pag-aaral, nalaman ng mga mananaliksik na ang mga magulang ang pinakamaimpluwensyang
huwaran sa karera ng mga mag-aaral. Sa katunayan, ang mga ina ay tila may mas malaking impluwensya sa
pag-aaral ng kanilang mga anak sa sekundarya at ang mga ama ay tila maimpluwensya sa paggawa ng desisyon
ng kanilang mga anak sa kolehiyo.
Matutunghayan sa talahanayan 2.3 ang ikatlong komponent na impluwensya ng mga kaibigan at dating
guro na isa sa mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng asignatura bilang medyor. Ayon sa mean responses na
3.37, sumasang-ayon ang mga kalahok na sila ay nakahugot ng inspirasyon mula sa dating mga guro at ito ang
may pinakamataas na mean. Neutral naman ang mga kalahok na ang impluwensya ng mga kaibigan at ng dating
mga guro ang nag-udyok na piliin ang asignatura bilang medyor na may 2.90 na mean score. Sa kabilang banda,
hindi sinang-ayunan ng mga kalahok na ang asignaturang napili ay batay sa sinabi ng dating guro na nababagay
AJHSSR Journal P a g e | 37
American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
sa kanila, ito ay pinapatunayan ng mean responses na 2.26. At ang pinakamababang mean responses ay 1.63 sa
salik na hindi naimpluwensyahan ang mga kalahok ng kanilang kaibigan sa pagpili ng asignaturang medyor na
lubos na hindi sinang-ayunan ng mga kalahok.
Sa kabuoan, ang average mean na 2.47 na nangangahulugang hindi sumasang-ayon ay nagpapatunay
na ang salik na impluwensya ng mga kaibigan at dating guro ay hindi nakaaapekto sa pagbuo ng desisyon ng
mga kalahok hinggil sa pagpili ng asignaturang medyor.
Ang natuklasan sa pananaliksik na ito ay sumasang-ayon sa mga pag-aaral nina Dublin (2020), Perez
(2018), at Duque (2017) na napag-alaman sa mga pag-aaral na nabanggit na ang salik lamang na impluwensya
ng mga kaibigan ang hindi lubos na nakaaapekto sa mga mag-aaral sa pagbuo ng desisyon hinggil sa pagpili ng
kurso. Sa mga pag-aaral na ito, kakaunti lamang sa mga kalahok ang sumang-ayon na sila ay nagpakaapekto sa
kagustuhan ng kanilang kaibigan, at karamihan sa mga kalahok ang hindi sumasang-ayon na nakaaapekto ang
mga kaibigan sa pagpili nila ng kurso.
Sumasalungat naman ang pag-aaral nina Ouano et al. (2019) na kanyang natuklasan, sumasang-ayon
ang mga kalahok na sila ay naimpluwensyahan ng kanilang mga kaibigan sa paggawa ng desisyon sa pagpili ng
kurso dahil tumutulong, nagbibigay ng payo, at humihikayat sa kanila ang mga kaibigan na makamit ang kurso.
At gayundin sa mga mananaliksik na sina Matolo et al. (2022), ang impluwensya ng mga kaibigan at guro ay
kabilang din sa karaniwang mga kadahilanan para sa mga mag-aaral na pumili ng kanilang espesyalisasyon.
Lalo na para sa yaong wala pang maayos na desisyon sa pagpili ng kanilang mga kurso, sila ay
naiimpluwensyahan ng kanilang mga kaibigan at iba pang mga tao. Sinusuportahan nito ang pag-aaral nina
Saavedra et al. (2022) na ang motibasyon ng mga mag-aaral na matuto ng mga konsepto at aralin ay natutukoy
kung paano binibigyang inspirasyon ng mga guro ang kanilang mga mag-aaral.
Ipinapakita ng talahanayan 2.4 ang ikaapat na komponent na posibleng trabaho sa hinaharap na mga
salik na nakaaapekto sa pagpili ng asignaturang medyor. Batay sa pinakamataas na mean responses na 4.33,
lubos na sumasang-ayon ang mga kalahok na ang kaalaman sa asignaturang napiling maging medyor ay
magagamit sa hinaharap. Ang salik na hinaharap na kapakanan ang unang isinaalang-alang sa pagdesisyon
kung anong asignatura ang pipiliin bilang medyor ay sinang-ayunan ng mga kalahok na may 4.04 na mean
responses. Sumasang-ayon din ang mga kalahok na may 4.01 na mean responses na maraming oportunidad na
trabaho anag kanilang mapapasukan sa napiling asignatura bilang medyor. Gayundin na sumasang-ayon ang
mga kalahok na ang napiling asignatura ay batay sa mataas na demand sa lipunan na may mean responses na
3.83. At ang pinakamababang mean responses na 3.11 ay lumabas na neutral ang mga kalahok sa salik na sila ay
makaaasa ng magandang sahod sa napiling medyor.
Ang kabuoang salik ng posibleng trabaho sa hinaharap ay may kabuoang 3.76 na average mean na
pinapatunayan nito na isinaalang-alang ng mga kalahok ang salik na posibleng trabaho sa hinaharap sa
pagbuo ng desisyon hinggil sa pagpili ng asignatura bilang medyor.
Ang natuklasan sa pananaliksik na ito ay may kaugnayan sa naging resulta ng pag-aaral nina Ouano et
al. (2019) at Kusumuwati (2013), napag-alaman sa mga pag-aaral na ito na sumasang-ayon ang mga naging
kalahok na ayon sa future job opportunities ang piniling kurso. Ayon kay Kusumuwati (2013), ang ilang mga
mag-aaral ay isinaalang-alang ang kadahilanan tulad ng pag-asa sa trabaho. Pinapahiwatig nito na ang desisyon
AJHSSR Journal P a g e | 38
American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
ng mga mag-aaral sa pagpili ng kurso ay talagang isinaalang-alang ang katayuan ng trabaho at inaasahan nila
ang isang magandang suweldo.
3. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng asignaturang medyor
kung ang mga baryabol ay papangkatin ayon sa:
Ipinapakita ng talahanayan 3.1 ang makabuluhang pagkakaiba ng mga salik na nakaaapekto sa pagpili
ng asignaturang medyor kapag pinagsama-sama ayon sa kasarian. Napag-alaman na ang halaga ng 0.777 ay mas
malaki kaysa sa antas ng alpha na 0.05, na nagpapahiwatig na walang makabuluhang pagkakaiba ang mga salik
na nakaaapekto sa pagpili ng medyor kapag ang kasarian ay pinagsama-sama. Ibig sabihin, hindi sinasang-ayon
ng pananaliksik na ito na ang kasarian ay nakaaapekto sa pagpili ng asignaturang medyor.
Sinasalungat ng pananaliksik na ito ang nakalimbag sa Philippine Comission on Women na „2022 Fact
Sheet on Women and Men in the Philippines‟ mula sa Philippine Statistics Authority, lumalabas na ang mga
lalaki ay mas pinipili ang mga kursong may kaugnayan sa mathematics at science tulad ng engineering at
information technology o IT, at ang mga babae ay pinipili ang mga kursong may kaugnayan sa art, language o
pagtuturo, at kursong kay kaugnayan sa history. Gayundin ang lumabas sa assessment mula sa Cambridge
Assessment Network and Research „Fact Sheet 2 AS and A Level Choice: Gender makes a Difference‟ na
mayroong kapansin-pansing pagkakaiba sa bahagdan ng mga babae at lalaki na kumukuha ng asignatura bilang
medyor. Mas karamihan ng mga lalaki ang kumuha ng mga asignatura gaya ng mathematics, physics, ICT, o „di
kaya ay business studies na lahat ay may kaugnayan sa science at mathematics. Ang mga asignaturang may
kinalaman sa wika tulad ng asignaturang English, humanidades, sociology, at sining ay mas pinipili naman ng
mga babae.
Sinusuportahan nito ang pag-aaral nina Jaspers et al. (2015), na kung saan ang kasarian ay maaaring
makaaapekto sa pagpili ng asignaturang medyor. Ang mga asignaturang may kaugnayan sa science,
mathematics, at information technology o IT ay itinuturing mga asignaturang panlalaki, samantalang ang sining,
wika, at humanidades ay karaniwang mga asignaturang pambabae. Sa kanilang pag-aaral, nagpapakita na ang
mga lalaki ay mas gusto o pinipili ang asignaturang matematika gayundin ang physical education at ICT habang
ang mga babae ay mas pinipili ang drama, wika, heograpiya, at sining. Ngunit sa pag-aaral nina Saavedra et al.
(2022), lumabas sa resulta na ang kasarian ay hindi salik na maaaring makaapekto sa motibasyon ng mga mag-
aaral sa pag-aaal ng wika. Sapagkat makikita sa pag-aaral nina Saavedra et al. (2020) na ang kasarian ay may
kinalaman sa pagiging bihasa sa larangan ng teknolohiya. Lumabas na ang kababaihan ay nalampasan ang
kakayahan ng kalalakihan sa mga tuntunin ng teknolohiya. Higit pa rito, ipinapalagay din ng mga mananaliksik
na ang pagkamalikhain at pasensya ng mga babae sa paghahatid ng mga konsepto sa tulong ng teknolohiya ay
marahil isang kasanayan ng mga babaeng guro. Samakatuwid, inaasahan na ang mga babae ay magiging mas
mahusay sa mga tuntunin ng mga kasanayang teknolohikal.
AJHSSR Journal P a g e | 39
American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
ay ang asignaturang Social Studies, ibig sabihin ay malaki ang epekto sa kanila ng apat na magkakaibang salik,
sinusundan naman ng BCAED at Values Education na asignaturang medyor. At ang may pinakamababang mean
rank ay ang asignaturang Science.
Batay sa enrolment data ng Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro ng taong panunuruan 2022-2023,
mayroong kabuoang populasyon na tatlong daan pitompu‟t walo (378) na mga mag-aaral mula una, ikalawa, at
ikatlong antas na kumuha ng kursong Batsilyer ng Sekundaryang Edukasyon. Iba-iba ang bilang o bahagdan ng
mga mag-aaral sa bawat asignaturang medyor. Na kung saan 20% ng populasyon ay English majors, 13%
naman ay Filipino majors, ang Science majors naman ay binubuo ng 15%, 16% Mathematics majors, binubuo
naman ng 14% ang Social Studies majors, 10% naman para sa Values Education majors, at ang 12% ng
populasyon ay binubuo ng BCAED majors. Lumalabas na ayon sa kanilang enrolment data, maaaring naging
salik din ang slot na inaalok ng kolehiyo partikular na ng departamento ng BSED sa pagpili ng asignaturang
medyor ng mga mag-aaral. Ang departamento ng BSED ay mayroong lamang tiyak na bilang ng slot para sa
bawat medyor na inilalaan para sa mga mag-aaral na nais kumuha ng kursong ito. May tinatayang tatlumpung
(30) slots lamang ang inilalaan para sa bawat medyor na talagang maaaring maging salik na makaaapekto sa
pagpili ng medyor.
Masasabi na ang mga mag-aaral ay maaaring pipili na lamang ng ibang asignaturang medyor kung ang
kanilang pinakagustong medyor ay puno na o wala nang slot. Maraming mga kwalipikadong mag-aaral ang
hindi nakapapasok sa major na nais nila dahil inuunang pinipili ang mga may mas matataas na marka sa CET o
College Entrance Test at isa na nga ring salik ang pagpuno ng slot na iniaalok ng kurso.
4. Sa pangkalahatan, alin sa mga salik ang naging pinakabatayan ng mga mag-aaral ng Batsilyer ng
Sekundaryang Edukasyon sa pagpili ng asignatura bilang medyor?
Sa talahanayan 4.0 ipinapakita rito ang mga pangkalahatang salik na maaaring makaimpluwensya sa
mga mag-aaral hinggil sa pagpili ng asignaturang medyor. Ang salik na posibleng trabaho sa hinaharap ang
nakakuha ng pinakamataas na mean score na 3.76 na nangangahulugang ang pagsasaalang-alang ng magiging
trabaho sa hinaharap ay ang unang pinag-iisipan ng mga kalahok. Sunod naman ay ang salik na sariling
kagustuhan na may computed mean na 3.69, ibig lamang nitong sabihin na ang pansariling interes at kagustuhan
ay isinaalang-alang din ng mga kalahok sa pagbuo ng desisyon sa pagpili ng asignaturang medyor. Ang mean
score na 2.91 ay natamo ng salik na kagustuhan ng magulang, na kung saan ito ay nangangahulugang neutral na
ang mga kalahok ay maaaring naimpluwensyahan din ng pasya ng kanilang magulang. At ang salik na
impluwensya ng kaibigan at dating guro ang may pinakamaliit na mean score na 2.47 na nagpapahiwatig na
hindi sumasang-ayon ang kalahok na sila ay naimpluwensyahan ng desisyon ng kanilang mga kaibigan at dating
guro sa pagpili ng asignaturang medyor.
Natuklasan sa pag-aaral na ang salik na pagsasaalang-alang sa posibleng trabaho sa hinaharap ang
naging pinakabatayan ng mga mag-aaral sa pagpili ng asignatura bilang medyor. Gayundin ang lumabas sa pag-
aaral ni Al-Rfou (2013), na ang pinakamahalagang salik sa lahat ng mga konsiderasyon ay ang mga oportunidad
sa trabaho, at potensyal na kita ng trabaho. Napag-alaman din sa pag-aaral ni Calma (2020), na may pamagat na
“The Factors that Influencing Students’ Decision in Choosing the BSA Program” na ang mga salik na may
kaugnayan sa trabaho ay may pinakataas na impluwensya at motibasyon sa pagpili ng kurso bilang career path
ng mga mag-aaral.
VII. KONKLUSYON
Batay sa mga datos na nakalap at matapos dumaan sa SPSS, nabuo ang mga sumusunod na
kongklusyon; sa apat na mga komponent ng mga salik na maaaring makaapekto sa pagpili ng asignaturang
medyor, ang mga komponent na posibleng trabaho sa hinaharap, sariling kagustuhan, at kagustuhan ng
magulang lamang ang lumabas na may malaking impluwensya na naging batayan ng mga mag-aaral ng
AJHSSR Journal P a g e | 40
American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
Batsilyer ng Sekundaryang Edukasyon sa pagsasaalang-alang kung anong asignatura ang kanilang pipiliin
bilang medyor. Habang ang salik na impluwensya ng mga kaibigan at dating guro ay natuklasan na hindi ito
nakaaapekto sa mga mag-aaral sa pagbuo ng desisyon hinggil sa pagpili ng medyor. Natuklasan din sa pag-aaral
na walang makabuluhang pagkakaiba ang mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng asignaturang medyor kapag
papangkatin ang baryabol na kasarian asignaturang medyor ay papangkatin. Sa kabilang banda, mayroon
namang makabuluhang pagkakaiba kapag ang mga baryabol ay pinagsama ayon sa asignaturang medyor na
kung saan lumalabas sa pag-aaral na maaaring naging salik din ang slot na iniaalok ng departamento ng BSED
sa bawat asignaturang medyor sa pagbuo ng desisyon hinggil sa pagpili ng medyor ng mga mag-aaral ng
kursong ito.
Dagdag pa, dahil lumabas sa pag-aaral na ang pagsasaalang-alang ng posibleng trabaho sa hinaharap
ang pinakamaimpluwensyang salik, ibig sabihin ito ay hindi sumusuporta sa teoryang Social Cognitive Career
Theory. Ang pag-aaral ay hindi sumasang-ayon sa teorya na ang mga mag-aaral ay pumili ng karera batay sa
personal na kagustuhan at ayon sa anong kaya nilang gawin dahil mas isinaalang-alang nila ang posibleng
maging trabaho sa hinaharap at ang potensyal na kita ng trabaho.
VIII. REKOMENDASYON
Ayon sa naging resulta at konklusyon ng pag-aaral, iminumungkahi ng mga mananaliksik ang mga
sumusunod: (a) Ang mga natuklasan sa pag-aaral ay maaaring magsilbing gabay sa mga mag-aaral, partikular na
sa mga mag-aaral na nagpaplanong magkuha ng kursong Batsilyer ng Sekundaryang Edukasyon sa kung anong
mga salik ang kailangan nilang isaalang-alang sa kanilang pagbuo ng desisyong hinggil sa kung anong
asignaturang medyor ang kanilang pipiliin. (b) Ito ay magbibigay kamalayan sa mga magulang ng mga mag-
aaral sa kung paano nila gagabayan ang kanilang mga anak sa pagpili ng asignatura bilang medyor. (c) Ang mga
natuklasan sa pag-aaral ay makatutulong sa mga administrador ng paaralan sa pagpapatibay ng career
orientation ng mga programa sa paaralan partikular upang higit pang gabayan ang mga mag-aaral sa pagplano
ng kanilang kukuhang espesyalisasyon dahil kaakibat nito ang magiging karera nila sa hinaharap.
Iminumungkahi rin ng mga mananaliksik ang sumusunod para sa hinaharap na pananaliksik; (a)
Pagpapalawak ng laki ng sakop ng sample o kalahok na mga mag-aaral ng kursong Batsilyer ng Sekundaryang
Edukasyon. (b) Pagsasaalang din ng iba pang mga salik na maaaring makaiimpluwensya sa pagpili ng mga mag-
aaral ng asignatura bilang medyor na hindi isinaalang-alang sa pag-aaral tulad ng kasarian, akademikong mga
salik gaya ng slot na iniaalok ng kurso, ang College Entrance Test score at iba pang mga demograpiko at
pangkapaligirang salik.
SANGGUNIAN
[1] D. Ramoso, J. Calzado, R. Escribe, Q. Sebucao, & G. Guimera, Pagpili ng Kursong Kukunin sa
Kolehiyo ng mga Mag-aaral sa RTU Laboratory High School: Isang Pag-aaral, Scribd, 2015,
https://pdfcoffee.com/thesis-sa-filipino-pdf-free.html
[2] J. Nazaro, J. Mojica, J. Ramirez, J. Marasigan, & J. Soriano, Salik na Nakaaapekto sa Pagpili ng
Kursong Pang-kolehiyo ng mga Mag-aaral sa Ika-labindalawang Baitang ng Mataas na Paaralan ng
Aurora Nasyunal-Malvar Ekstension, Studocu, 2020.
https://www.studocu.com/ph/document/university-of-manila/organic-chem/jenet-pananaliksik-ara-b-
reyes/36259494
[3] CHED Memorandum Order (CMO) No. 75, Series of 2017. Revised Policies, Standards and Guidelines
for Bachelor of Secondary Education, Scientific Research
Publishing. https://www.scirp.org/reference/referencespapers?referenceid=3234911
[4] J. Begs, J. Bentham, S. Tyler, Distinguishing the Factors Influencing College Students' Choice of
Major, College Student Journal, 42(2), 2008, 381.
[5] R. Climaco, A. Difuntorum, E. Hernandez, J. Villaralvo, G. Gialogo, R. Gamayo, C. Aguilar, & K.
Sarmiento, Mga Saloobin at Impluwensya sa Pagpili ng Kursong Edukasyon sa mga Mag-aaral ng
Unang Taon sa University of Perpetual Help System-Laguna, Scribd, 2011.
https://www.scribd.com/doc/58794710/Mga-Saloobin-at-Impluwensya-Sa-Pagpili-Ng-Kursong-
Edukasyon-Sa-Mga-Mag-Aaral-Ng-Unang-Taon-Sa-University-of-Perpetual-Help-System-Laguna
[6] L. Almencion, S. Fugoso, R. Lamban, D. Martinez, A. Panes, C. Tohoy, & C. Zacarias, Mga Salik sa
Pagpili ng Kursong Bachelor of Secondary Education ng mga Estudyanteng nasa Unang Taon ng
Kolehiyo ng Trece Marites City College sa Taong 2019-2020, Scribd, 2020.
https://www.scribd.com/document/446021023/THESIS
[7] S. Ocier, Pagdedesisyon, Wordpress, https://socier12.wordpress.com/2010/09/30/pagdedesisyon/
AJHSSR Journal P a g e | 41
American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
[8] C. Alberts, N. Mbalo, C. Ackermann, Adolescents' Perceptions of the Relevance of Domains of
Identity Formation: A South African Cross-Cultural Study, Journal of Youth and Adolescence, 32(3),
2003, 169-184. https://doi.org/10.1023/A:1022591302909
[9] Z. Baculando, I. Casiano, M. Durante, G. Gemao, M. Generoso, J. Sandoval, & M. Tberio, Mga Salik
na Nakakaapekto sa Pagpili ng Kurso sa Kolehiyo ng mga Mag-aaral sa Ika-12 Baitang ng AMA
Computer Learning Center-Antipolo City, Scribd, 2020.
https://www.scribd.com/presentation/473928710/oo
[10] J. Pineda, Blog: Bakit Eduk ang Pinili Ko, Wordpress, 2016.
https://ust1e1.wordpress.com/2016/02/28/bakit-eduk-and-pinili-ko/
[11] A. Saavedra, & C. Barredo, Factors that Contribute to the Poor Writing Skills in Filipino and English of
the Elementary Pupils, International Journal of Innovation, Creativity and Change, 14(5), 2020, 1090-
1106. https://papers.ssrn.com/sol3/papers.cfm?abstract_id=3697915
[12] P. Perez, College Choice Process of Latino Undocumented Students: Implications for Recruitment and
Retention, Journal of College Admission, 2010. https://www.semanticscholar.org/paper/College-
Choice-Process-of-Latino-Undocumented-for-
P%C3%A9rez/02a4958ca86f231ea89794b55a6754917da82b29
[13] R. Lent, W. Brown, & G. Hackett, Toward a Unifying Social Cognitive Theory of Career and
Academic Interest, Choice, and Performance, Journal of Vocational Behavior, 45(1), 1994, 79-122.
https://doi.org/10.1006/jvbe.1994.1027
[14] A. Bandura, & National Inst of Mental Health, Social Foundations of Thought and Action: A Social
Cognitive Theory (Prentice-Hall, Inc. 1986).
[15] L. Thomas, Cluster Sampling | A Simple Step-by-Step Guide with Examples, Scribbr, 2023.
https://www.scribbr.com/methodology/cluster-sampling/
[16] C. Alcantara, Z. Fernando, R. De Ocampo, G. Garillo, L. Iglesias, T. Lanto, C. Villarta, G. Fumera, &
J. Serafica, Factors Affecting The College Course Preference of the Fourth Year Students of Roosevelt
College San Mateo for The School Year 2014-2015, Scribd, 2015.
https://www.scribd.com/doc/310245863/Factors-Affecting-the-College-Course-Preference
[17] A. Tsikati, Factors Influencing the Choice of Subject Specialisation by Students at Teacher Training
Institutions in Eswatini, Asian Journal of University Education, 2019.
https://eric.ed.gov/?id=EJ1222627
[18] S. Duque, C. Mendez, L. Pederio, J. Pomansin, & J. Reyes, Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagpili ng
Kursong ABM ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Our Lady of Fatima, Academia, 2017.
https://www.academia.edu/34673648/MGA_SALIK_NA_NAKAAAPEKTO_SA_PAGPILI_NG_KU
RSONG_ABM_NG_MGA_MAG_AARAL_SA_UNIBERSIDAD_NG_OUR_LADY_OF_FATIMA
[19] R. Masood, & A. Sarwar, Factors Affecting Selection of Specialization by Business Graduates,
ResearchGate, 2015.
https://www.researchgate.net/publication/320757652_Factors_Affecting_Selection_Of_Speci
alization_By_Business_Graduates
[20] J. Rayfield, T. Murphrey, C. Skaggs, & J. Shafer, Factors that Influence Student Decisions to Enroll in
a College of Agriculture and Life Sciences, North American Colleges and Teachers of Agriculture
Journal, 57(1), 2013, 88-83. https://www.jstor.org/stable/nactajournal.57.1.88
[21] O. Chiamaka, & E. Maxwell, Factors Affecting Career Choice Among Senior Secondary School
Students in Obio/Akpor Local Government Area of Rivers State (Implication to Counselling),
International Journal of Innovative Social Sciences & Humanities Research, 2018.
https://www.semanticscholar.org/paper/Factors-Affecting-Career-Choice-Among-Senior-School-
Eremie-Okwulehie/d2f15922873f655716665da6ac4017ed26898c19
[22] B. Dublin, A. Logrosa, M. Sosing, & E. Cornillez Jr., Factors Affecting Career Preference of Junior
High School Students for Senior High School Study, TARAN-AWAN Journal of Educational Research
and Technology Management, 1(1), 2020, 29-38.
[23] J. Ouano, J. Dela Torre, W. Japitan, & J. Moneva, Factors Influencing on Grade 12 Students‟ Chosen
Courses in Jagobiao National High School – Senior High School Department, International Journal of
Scientific and Research Publications, 9(1), 2019, 421-431. https://www.ijsrp.org/research-paper-
0119.php?rp=P858154
[24] M. Matolo, S. Sadjail, & D. Sansawi, Factors Influencing Students in Choosing their College Course,
Academia, 2022.
www.academia.edu. https://www.academia.edu/84837761/Factors_Influencing_Students_in_Choosing
_their_College_Course
AJHSSR Journal P a g e | 42
American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
[25] E. Jaspers, I. Maas, T. der Lippe, & Boys‟ and Girls‟ Educational Choices in Secondary Education. The
Role of Gender Ideology, Educational Studies, Taylors & Francis Online, 42(2), 2016, 181-200.
https://doi.org/10.1080/03055698.2016.1160821
[26] M. Borchert, Career Choice Factors of High School Students, ResearchGate, 2001.
https://www.researchgate.net/publication/43402228_Career_choice_factors_of_high_school_students/c
itations
[27] A. Saavedra, O. Sandal, C. Madrazo, & M. Ramos, Gender and Socio-economic Status: Revisiting its
role on the English language Learning Motivation among Secondary Language-Specialized Students,
Journal of Positive Psychology and Wellbeing, 6(4), 2022, 2689-2704.
https://www.journalppw.com/index.php/jpsp/article/view/3734
[28] A. Saavedra, A. Antonio, R. Probitchado, C. Ricohermoso, & J. De La Rama, Gender Differences in
Technological Competence among Science Teachers: Implications, International Journal of Advanced
Science and Technology, 29(7), 2020, 13257-13268. https://doi.org/10.13140/RG.2.2.31976.29441
[29] A. Al-Rfou, Factors that Influence the Choice of Business Major Evidence from Jordan”, IOSR Journal
of Business and Management, 8(2), 2013, 104–108.
[30] R. Calma, & L. Abiog, The Factors that Influence Students‟ Decision in Choosing the BSA Program,
ResearchGate, 2020.
https://www.researchgate.net/publication/341275964_The_Factors_that_Influence_Students%27_Deci
sion_in_Choosing_the_BSA_Program
[31] N. Pimpa, The Influence of Family, Peers, and Education Agents on Thai Students‟ Choices of
International Education, Semantic Scholar, 2002. https://www.semanticscholar.org/paper/The-
Influence-of-Family-%2C-Peers-%2C-and-Education-on
Pimpa/16994f655d82c2e872a4c9397305c4520a6b7a48
[32] S. Suhi, F. Oyshi, A. Mamun, N. Jahan, T. Shohel, M. Rahman, N. Islam, &T. Hossain, Public vs. Private Job
Dilemma: Influencing Factors in a Career Selection for University Graduates, PLOS One, 16(10), 2021.
https://doi.org/10.1371/journal.pone.0258331
AJHSSR Journal P a g e | 43