Munda - Banghay Aralin Sa Filipino Iii

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO III

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
1. maipahayag ang kahulugan ng pandiwa.
2. matukoy ang pandiwa sa pangungusap.
3. makagawa ng tula gamit ang pandiwa bilang karanasan.

II. Paksang Aralin


Paska: Paggamit ng Pandiwa
Sangunian: CG pahina 54 ng 190, TG pahina 191-192, LM pahina 17-21
C:\Users\admin\Documents\PERFORMANCE RUBRICS.pdf
Kagamitan: Cartolina, Pentel Pen, mga larawan, bondpaper, krayola, lapis
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa Gawain sa ating pang araw-araw

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag -aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

“Maaari bang tumayo ang lahat at tayo’y


tumahimik para sa panalangin.”

(Ang mga bata ay nagsitayo at nagdasal ng tahimik)

2. Pagbati

Magandang Umaga mga bata!

“Magandang Umaga rin po aming guro!”

Kumusta ang pakiramdam ninyo ngayong


araw?

“Mabuti naman po!”


“Okay lang po!”

“Mabuti kung ganun mga bata”

“Bago umupo pulutin muna ang mga


kalat sa inyong ilalim ng upuan at ayusin ang
inyong mga silya.”

(Ang mga mag-aaral ay nagpupulot ng kalat at inayus


ang mga silya)

“Maaari na kayong umupo”

(Ang mga bata ay nagsiupo)

3. Pagtala ng Liban

“Class Secretary, may lumiban ba sa araw na


ito?” “Wala pong lumiban sa araw na ito, Sir.”

“Magaling! Lahat ay kumpleto kaya naman


bigyan ang mga sarili ng “Yahoo Clap”
“Ang mga bata ay papalakpak.”

B. Panlinang na Gawain

1. Balik- aral

“Bago tayo magsimula, tingnan nga natin kung


natandaan pa ninyo ang paksa natin kahapon.”

“Pero may twist ang ating gagawin mga bata,


dahil meron akong inihandang bola rito kung
saan ipapasa niyo ito sa inyong mga kaklase at
habang pinapasa ang bola ay magpapatugtong
ako sa saliw ng musikang “Totoy Bibo” at
kapag huminto ang tugtog at kung sino ang
huling may hawak na bola ay siyang sasagot sa
aking mga katanungan?”
“Maliwanag ba mga bata?”
“Opo”

“Sabihin nga nang sabay-sabay “Yes po, Yes


po!” “Yes po, Yes po!”

“Magaling! Handa na ba kayo mga bata?


Kung handa na sabihin nga “Yes sir!”
“Yes sir!”

“Kung hand ana ay simulan na natin”

(Pinatugtog ng guro ang musika)


(Ang mga bata ay nagpapasahan)

(Ang mga bata ay magbibigay pa ng ilang mga


Okay Khim, mukhang ikaw ang ating buena halimbawa.)
mano dahil ikaw ang unang sasagot sa aking
katanungan.

“Ano ang ating tinalakay kahapon?”


“Paggamit ng pangngalan po”

“Magaling! Ito nga ay ang paggamit ng (Ang mga bata ay papalakpak.)


pangngalan.”

(Muling pinatugtog ang musika)


(Ang mga bata ay nagpapasahan)

“Okay Junely, ikaw ang pangalawang sasagot


kaya magbigay ka nga ng halimbawa ng
ngalan ng tao?”
“Titser po.”

“Tama! Ang ang salitang Titser ay isang


halimbawa ng ngalan ng tao maging ang guro,
principal, nanay , tatay at iba pa.”

(Muling pinatugtog ang musika)


(Ang mga bata ay nagpapasahan)

“Okay Trixie. Magbigay ka nga ng halimbawa


ng ngalan ng hayop?”
“Aso po.”

“Tama! Ang ilang halimbawa pa ay ang mga


pusa, kabayo, isda at marami pang iba.

(Muling pinatugtog ang musika)


(Ang mga bata ay nagpapasahan)

“Okay Berna, magbigay ka nga ng halimbawa


ng ngalan ng bagay?”
“aklat po”

“Tama ang ating mga kagamitan dito tulad ng


aklat, papel, lapis at iba pa ay isa ngang ngalan
ng bagay.”

(Muling pinatugtog ang musika)


(Ang mga bata ay nagpapasahan)

“Okay Kylle, magbigay nga ng halimbawa ng


ngalan ng lugar?”

“Paaralan po”

“Tama! Ang paaralan, palaruan, tindahan at


iba pa ay isa ngang halimbawa ng ngalan ng
lugar.”

(Muling pinatugtog ang musika)


(Ang mga bata ay nagpapasahan)

Okay ang ating panghuli ay si Vangie,


magbigay nga ng halimbawa ng ngalan ng
pangyayari?”

“Pasko po.”
“Tama! Ang pasko, bagong taon, kasalan,
Eleksiyon at iba pa ay ang mga halimbawa
Nito.

“Magagaling mga bata! Ang lahat ng inyong


sagot ay tama. Bigyan nga ng “Mabuhay Clap”
ang inyong mga sarili.”

2. Pagganyak

“TUKUYIN MO ANG GINAGAWA KO”

“Bago tayo magsimula sa ating talakayin


ngayong umaga, mayroon akong inihandang
mga larawan na para sa inyo.”

“Maari ba ninyong tukuyin at sabihin sa klase


kung ano ang ginagawa sa mga larawan?”

Magaling! Kung ganun, ano ang ginagawa ng


nasa unang larawan?”

“Naghuhugas po.”
“Tama! Siya ng ay naghuhugas ng plato. Ano
naman kaya ang ginagawa ng nasa
pangalawang larawan?”

“Nagwawalis po!”

“Mahusay! Siya nga ay nagwawalis ng mga


kalat. Ano naman ang ginagawa ng nasa
ikatlong larawan?

“Tumatakbo po.”

“Tama! Sila nga ay tumatakbo


Tanong:

“Bilang anak ng tahanan, ano ang mga


ginagawa niyo sa bahay para makatulong kay
nanay at tatay?”

“Nagdidilig po!”
“Nagwawalis”
“Nagpupunas ng bintana.”

“Magagaling mga bata! Tunay nga na kayo ay


isang mabuting mga anak sa bahay.”

“Ngayon, bilang estudyante. Ano ang


ginagawa niyo dito sa loob ng ating paaralan?”

“Nagbabasa”
“Nagsusulat”
“Nakikinig po sa inyo!”

“Mahusay! Ako ay natutuwa dahil ginagawa


niyo ang mga bagay na yan.”

“Sa tingin niyo ano ang tawag sa mga kilos o


gawi na binanggit niyo kanina?”

(Tahimik ang mga bata)

Ang inyong mga nabanggit kanina ay isang


halimbawa ng pandiwa o salitang kilos kung
saan ito ang paksang tatalakayin natin ngayon

3. Pagtuklas

“Ngayong araw ay tutukuyin natin ang


kahulugan ng pandiwa at mga pandiwa sa
pangungusap.

“May alam na ba kayo kung ano ang mga


pandiwa? “
“Wala pa po!”
“Kung wala pa, maaari niyo bang sabihin
kung a no ang mga nais niyong malaman
sa ating tatalakayin?
“Ano ang kahulugan ng pandiwa?”

“Paano tukuyin ang pandiwa sa isang pangungusap?”

“Ang inyong mga nabanggit ay isang


magandang katanungan, kaya naman ay
sasagutin natin yan mamaya sa ating
tatalakayin ngayon.”

4. Paglalahad

“Mga bata ako ay may inihandang mga


Pangungusap. Pakibasa nga ng sabay-sabay.”

Ang batang si Maria

“Ang batang si Maria ay masayahing bata


kung kaya’t lagi mo syang makikitang
tumatawa. Siya ay masipag na anak,
tumutulong siya sa gawaing bahay, katulad na
lang ng paglalaba, paglilinis, at pagpupunas
ng sahig. Tuwing umaga ay naglalakad sya
papuntang ilog upang duon maligo. Tularan
ang mabait na si Maria.”
(Ang mga bata ay nagbabasa.)

“Anu-anong mga salita ang may salungguhit


na makikita niyo sa binasa?”

“Tumatawa”
“Paglalaba”
“Paglilinis”
“Pagpupunas”
“Naglalakad”
“Maligo”
‘Tingnan nga natin kung tama ang inyong
mga sagot.”

(Ipapakita ng guro ang sagot sa pisara)

“Magaling mga bata, tama nga ang inyong


binanggit.

“Pakibasa nga ulit ang mga salitang may


salungguhit?”
(Ang mga bata ay nagbabasa)

Mahuhusay! Ang inyong mga binasa at


binanggit ay tinatawag nating salitang kilos o
pandiwa

5. Pagtatalakay

“Pero mga bata ano nga ba pag sinabi nating


pandiwa?”

“Ang pandiwa ay salita na nagsasaad ng kilos


o galaw ng tao, hayop o bagay. Ito ay
nagbibigay buhay sa pangungusap dahil
nagsasaad ito ng ng kilos o galaw ng sabjek na
binibigyang-tuon o pokus.”

“Binubuo ito ng mga salitang-ugat at mga


panlapi.”

“Halimbawa ng mga panlapi na ginagamit sa


pandiwa.”

“Panlapi: na, ma, nag, mag, um, in at hin”

Halimbawa: sumigaw Halimbawa: nagluto


Salitang-ugat: sigaw Salitang-ugat: luto

“Magbigay nga kayo ng iba pang halimbawa


ng mga salitang kilos?”
“uminom po.”
“nagwalis”
“tumakbo”
(Ang mga bata ay magbibigay pa ng kanilang mga
sagot.)

“Mahuhusay mga bata!

“Ano naman kaya pag sinabi nating pandiwa


bilang karanasan?”

“Ang pandiwa bilang karanasan ay


kadalasang naipahahayagn kapag may
damdamin ang pangungusap at may
tagaramdam ng emosyon o damdamin na
nakapaloob sa pangungusap.”

Halimbawa:

“Nagalit si Ruben dahil iniwan siya ng


kaniyang mga kalaro.”

Salitang-ugat: galit
Panlapi: na
Karanasan: nagalit

‘Magbigay nga kayo ng iba pang halimbawang


pangungusap na may pandiwa bilang
karanasan?”
“Nagulat si Nicole sa nakitang palaka.”

“Magaling! Ano ang pandiwa bilang karanasan


na nabanggit sa pangungusap?

“Nagulat po!”

“Ano naman ang salitang ugat nito?’

“gulat po!”

“Ang panlapi?”

“na po!”
“Magagaling mga bata! Ang ilan pang
mga halimbawa ng pandiwang karanasan
ay ang natawa, umiyak, nainlab, nalungkot,
nairita, nahiya, naghirap, nabigla ta marami
pang iba. Sana kayo ay may natutunan
ngayong araw.”

“May katanungan ba o gusting sabihin mga


Bata?”

6. Pagsasagawa ng Gawain

“Kung wala ng tanong ay magkakaroon tayo ng


pagpapangkatang gawain. Kayo ay hahatiin ko
sa tatlo. Ngunit para mabuo ang bawat grupo
ay magbibilang tayo ng isa hanggang tatlo at
pagkatapos ay pumunta sa kanya kanyang
bilang. Ako ay magbibigay ng pamantayan
upang maging inyong gabay sa inyong
gagawin.”

“Maliwanag po ba mga bata? Kung maliwanag


sa inyo sabihin nga “Yes Yes Yes sir!”
“Yes yes yes sir!”

“Kung ganun ay pumunta sa akin ang leader ng


inyong grupo upang pumili ng envelope kung
saan nakalagay ang mga kategorya na inyong
dapat gawin.”

(Kinuha ng bawat leader ang envelope)

PANGKAT I
Gumawa ng isang tula na nagpapakita ng salitang kilos
bilang karanasan niyo tuwing kayo ay nagdiriwang
ng inyong kaarawan
PANGKAT II
Bumuo ng mga karanasan noong kayo ay bata pa.
Gumamit ng pandiwa at ipakita sa pamamagitan ng
role playing

PANGKAT III
Iguhit ang pinaka hindi niyo malilimutang karanasan
noong kayo ay bata pa sa pamamagitan ng poster.
Ipaliwanag ito habang tinuturo ang mga larawan na
nagpapakita ng salitang kilos.

“Bibigyan ko lamang kayo ng 10 minuto upang


pagusapan at paghandaan ang inyong
gagawin.”
(Ang mga bata ay nagsimila nang magusap at
magpalitan ng mga ideya.)

“Natapos na ang oras mga bata, maaari na


kayong magsimula sa pagpresenta ng inyong
pagpapangkatang gawain.”

(Isa-isang nagpresenta ang bawat pangkat)

“Magaling mga bata! Ako ay natutuwa dahil


nagawa niyo nang maayos ang inyong
pagpapangkatang gawain.”

“Ngunit mga bata lagi natin tatandaan na


mahalaga sa pagsasalaysay o pagsasalita ang
diin, bilis, antala at intonasyon dahil mas
naiintindihan at mas nakakakit-akit ito sa mga
mambabasa o tagapakinig.”

“Naintindihan po ba?”
“Opo!”

“Wala na bang mga katanungan o gustong


sabihin sa ating naging talakayin?”

“Wala na po”
“Kung wala na, ako ay may katanungan sa
inyo.”

7. Paglalapat ng aralin sa pang araw-


araw na buhay

“Isipin Ninyo na kayo ay naiwang dalawa ng


iyong nakababatang kapatid, Ikaw ay nagtutupi
ng damit at siya nama’y naglalaro, ngunit
napansin mo na sobrang gulo na ng inyong
bahay gawa ng paglalaro ng iyong
nakababatang kapatid. Paparating na ang
inyong nanay sa inyong bahay. Ano ang
gagawin mo?” “maglilinis po”
”magliligpit po nang pinaglaruan”

(Ang mga bata ay magbibigay pa ng kanilang mga


opinion.)

“Magaling mga bata! mukhang kayo nga ay


masisipag at matulungin sa inyong mga bahay”

8. Paglalahat ng Aralin

“Ngayon, maaari ko bang malaman kung ano


ang inyong natutunan sa ating talakayin
patungkol sa paggamit ng pandiwa?”
“Ang pandiwa ay nagsasaad ng kilos o galaw na
ginagamit natin upang mas mabigyan ng buhay ang
isang pangunguap”

“Mahalagang bagay ang mga salitang kilos sa


pagsasalaysay o paglalahad ng mga pangyayari
upang higit itong maging kaakit-akit sa mga
mambabasa o tagapakinig.

(Ang mga bata ay magbibigay ng ibang natutunan)

“Mahusay mga bata! Bigyan nga ng “Boom


Clap” ang mga sarili.
9. Pagtataya ng Aralin

Panuto: Bilugan ang mga pandiwa o pandiwa


bilang karanasang ginamit sa pangungusap.
Isulat ang sagot sa patlang

_____1. Natuwa si Gina sa marka niya sa


Filipino.
_____2. Naiyak si Nico sa pagkawala ng
kaniyang aso.
_____3. Nabigla ako nang malaman kong
pumanaw na ang lolo mo.
_____4. Nagulat si Ela sa nakita niya.
_____5. Naghirap ang kanilang buhay nang
masunugan sila.
_____6. Kumain si Nene ng mainit na puto.
_____7. Nagluto ng hapunan si Nanay.
_____8. Naglaba ng maruruming damit si Ate.
_____9. Nag-igib ng tubig si bunso.
_____10. Nagmasid ng laro si Kuya

10. Takdang- aralin

PANUTO:
Pumili ng paksa sa ibaba. Sumulat ng limang
(5) pangungusap gamit ang pandiwa bilang
karanasan.Gawin ito sa inyong kuwaderno.

Mga Paksa:

o Paboritong ice cream flavor


o Hindi malilimutang lugar na
napuntahan
o Pinakanakakatawang pelikulang
napanood
o Pinagmulan ng sariling pangalan

INIHANDA NI:
AARON MUNDA

You might also like