0% found this document useful (0 votes)
256 views5 pages

Semi Detailed Lesson Plan

This lesson plan is for an Araling Panlipunan class on civilizations in Northern Asia. The objectives are for students to identify civilizations that emerged in Northern Asia, create a poster showing their importance, and appreciate their contributions. The lesson will involve role-playing about life in ancient Northern Asian civilizations, a presentation on key civilizations like the Huns and Mongols, and creating posters on their significance. Assessment includes identifying terms and concepts from the lesson in short answer. Students will also write a short response identifying the most impactful Northern Asian civilization contribution.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
256 views5 pages

Semi Detailed Lesson Plan

This lesson plan is for an Araling Panlipunan class on civilizations in Northern Asia. The objectives are for students to identify civilizations that emerged in Northern Asia, create a poster showing their importance, and appreciate their contributions. The lesson will involve role-playing about life in ancient Northern Asian civilizations, a presentation on key civilizations like the Huns and Mongols, and creating posters on their significance. Assessment includes identifying terms and concepts from the lesson in short answer. Students will also write a short response identifying the most impactful Northern Asian civilization contribution.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 5

Notre Dame of Midsayap College

Integrated Basic Education


Midsayap, Cotabato
A.Y. 2021-2022

LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN

Petsa : Ika -30 ng Marso taong 2022

Baitang at Seksiyon: 8 – St.Thomas

I. Layunin

Pagkatapos ng sesyon ang mga mag – aaral ay inaasahang :

a. Natutukoy ang mga sibilisasyon na umusbong sa Hilagang Asya.

b. Nakagagawa ng poster na nagpapakita ng kahalagahan ng sibilisasyon


sa Hilagang Asya.

c. Napapahalagahan ang mga kontribusyon ng sibilisasyon sa Hilagang Asya.

II. Paksang Aralin

Paksa : Sibilisasyon sa Hilagang Asya

Batayang Aklat : (H)ISTORI(A): Araling Asyano (page 133-142)


Britannica (Internet Resources)

Mga Kagamitan : Laptop at Prodjector


Cartolina , Krayola , Lapis
Cut-out letters

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

a) Panalangin

Pipili ng isang mag-aaral na mangunguna sa panalangin.

b) Pagbati

Babatiin ng guro ang mga mag-aaral.


c) Pagtala ng lumiban sa klase

Aalamin ng isang inatasang mag-aaral ang mga lumiban sa klase.

d) Pamantayan sa klase

Ilalahad ng guro ang mga alituntunin sa loob ng silid-aralan.

e) Pagbabalik-aral

Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga katanungang inihanda patungkol sa


sa nakaraang aralin.

- Ano ang mga sibilisasyong umusbong sa Timog-Kanlurang Asya?


- Ano ang mga kontribusyon ng sibilisasyong ito ?

f) Pagganyak (Motivation)

Buoin Mo Ako !

Magpapaskil ng mga jumbled letters na may kinalaman sa Sibilisasyon sa


Hilagang Asya sa pisara at mag tatawag ng sampung mag-aaral upang ayusin
ang mag letrang ito upang makabuo ng mga salita. Ang mga mag-aaral na
makakakuha ng tamang sagot ay may kaakibat na gantimpala.

Ang mga sumusunod ay mga salitang nabuo gamit ang jumbled letters:
Nomadiko, Kapatagan, Hilagang Asya ,disyerto, Tupa, sibilisasyon,pagsakop
Postal System, mandirigma at travel route .

B . Paglalahad

a. Gawain (Activity)

Role Playing !

Bumuo ng limang pangkat. Isipin na kayo ay mga taong namuhay sa Hilagang


Asya sa panahon na naitatag ang mga sibilisasyon. Ipakita ang kanilang
pamumuhay at presenta ito sa harap ng

Kraytera sa Simulasyon:

Nilalaman : 25 %
Pagkamalikhain : 25 %
Akma sa Tema : 25 %
Presentasyon: 25%

b. Pag-aanalisa (Analysis)

Mula sa role playing na ginawa ,narito ang mga katanungang nagpapailalim sa


paksa.

- Sa pangkalahatan ,ano ang iyong masasabi sa pamumuhay ng mga tao sa


Panahon ng Sibilisasyon sa Hilagang Asya ?

- Bakit sila tinatawag na magagaling sa pandirigma ?

- Paano kaya nabuo ang mga sibilisasyon sa Hilagang Asya ?

c. Abstraksyon (Abstraction & Discussion)

Gamit ang PowerPoint Presentation, tatalakayin ang mga Sibilisasyon sa


Hilagang Asya at ang mga kontribusyon nito .

1. Ang pag-usbong ng organisasyon ng mga mandirigma sa Hilagang Asya

Ang mga mandirigmang umusbong sa Hilagang Asya ay kadalasang naninirahan


Sa disyerto at sa malawak na kapatagan. Sila nomadikong tao at ang ikinabubuhay
nila ay ang pag-aalaga ng kabayo at tupa. Sila ay kilala bilang isang magagaling na
mangabayo naging isang alas nila sa pakikipaglaban.

2. Ang Huns o Hsiung Nu

Sila ay ang mga nomadikong pastoral na paminsan minsang nagtatanim ng mga


butil at nagpapastol ng mga tupa. Ang mga Huns ang dahilan kung bakit ginawa
ang Great Wall of China.

3. Ang mga Mongol

Ang mga Mongol ay kilala bilang isang mga matatapang at magagaling na


mandirigma. Ang Mongol ay pinamumunuan ni Genghis Khan na mas
kilala bilang “Universal Ruler “ dahil sa kanyang magaling na pamaraan
nang pagsakop ng ibat –ibang teritoryo.

4. Ang Imperyo ng Ottoman

Ang Imperyong Ottoman ay isa sa pinakamalakas at pinakamahabang dinastiya


sa kasaysayan ng mundo. Si Osman I ,ang pinunong nagtatag ng imperyong ito
noong 1299. Ang salitang ‘’Ottoman”’ ay nagmula sa pangalan ni Osman na
‘’Uthman” sa Arabe.
5. Russia

Sa loob ng 250 na taon, ang Russia ay na impluwesiyahan na mga Mongol.


Ang tawag nila sa mga Mongol ay ‘’Tatars o Tartars’’. Ang mga Mongol ay
hindi nanatili sa Russia bagamat sila ay may itinalagang administrasyon na
mamuno sa Russia.

d. Paglalapat (Application)

Hahatiin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat . Bawat pangkat ay


bubuo ng isang poster na nagpapakita ng kahalagahan ng mga kontribusyon
ng Sibilisasyon sa Hilagang Asya at ilahad ito sa harap ng klase.

Krayterya sa Simulasyon :

Nilalaman : 50 puntos
Pagkamalikhain : 30 puntos
Presentasyon: 20 puntos

e. Paglalahat (Generalization)

Magtatawag ang guro ng isa o dalawang mag-aaral at ipalagom ang natapos na


aralin.

IV. Pagtataya (Assessment)

Kilalanin ang tinutukoy sa bawat pangungusap at Isulat sa linya ang tamang sagot .
Gawin ito sa isang kalahating papel.

1. Ang unang sibilisasyong umusbong sa Hilagang Asya.

2. Dito kadalasang naninirahan ang mga tao sa Hilagang Asya .

3. Ang imperyong ito ay namayani sa pagitan 1206 at 1368 sa Hilagang


Asya.

4. Sila ang mga nomadikong pastoral na nagtatanim ng mga butil.

5. Ito ang hayop na karaniwang inaalagaan ng iba’t ibang pangkat sa hilagang


asya at itinuturing nilang bahagi ng kanilang buhay.
6. Ito ang tawag sa mga taong namuhay sa pamamagitan pagpapalipat-lipat
ng tirahan.

7. Sa sibilisasyong ito ,ang kalakalan at komunikasyon ay mas nabigyang


pansin.

8. Isang postal system na nagawa sa ilalim ng Imperyong Mongol at isa sa


mga kontribusyon ng Sibilisasyon sa Hilagang Asya.

9. Ito ang naging batayan ng pagbuo at pagpapalawak ng estado sa ilalim ng


Imperyong Mongol.

10. Sila ang dahilan kung bakit ginawa ang Great Wall of China.

V. Takdang Aralin (Assignment)

Sa isang kapat na papel , sagutin ito sa tatlo hanggang limang pangungusap lamang .

1. Anong kontribusyon ng sibilisasyon sa Hilagang Asya ang pinaka tumatak sa iyo? Bakit?

Nilalaman – 30 %
Paggamit ng Salita – 20 %

Prepared by : KRYSTAL CLYDEL A. GERODIAS

Checked by : MS. MAE ANGELYN CELESTIAL , LPT

You might also like