MTB 1 - Salitang Naglalarawan

You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA MOTHER TONGUE 1

IKATLONG MARKAHAN

I. Layunin

Natutukoy ang mga salitang naglalarawan sa pangungusap.

II. Paksang Aralin

Paksa: Mga Salitang Naglalarawan


Sanggunian: K -12 Curriculum, Patnubay ng Guro saMTB 1 pah. 98-100
LM, pah. 29, MELC MTB 1, p. 155
Kagamitan: laptop, larawan, tarpapel, Powerpoint Presentation), flashcards
Pagpapahalaga: Pagiging matulungin

III. Pamamaraan

A. Paunang Pagtataya:
Piliin ang mga pangngalang ginamit sa pangungusap.

B. Pagganyak
Pag-awit ng “Tatlong Bibe"

C. Paglalahad ng Aralin:

a. Paghahawan ng mga balakid sa pamamagitan ng paggamit ng larawan.


gilingan, unano, sinegwelas

b. Pangganyak na Tanong:

Bakit maalat ang tubig sa dagat?

c. Pagbibigay ng pamantayan sa pakikinig ng kwento.

d. Paglalahad ng Kwento:
Panonood sa Video presentation " Ang Maalat na Dagat"

D. Pagtatalakay:

Sinu-sino ang mga pangunahing tauhan sa kwento?


Anong aral ang napulot mo sa kwento?
Suriin ang mga pangungusap mula sa kwentong napanood.

E. Paglalahat
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Ang mga salitang naglalarawan ay nagsasabi ng kulay, hugis, lasa, laki amoy,
katangian at hitsura.
F. Paglalapat / Pangkatang Gawain:
Pagbibigay ng iba't ibang pagsasanay sa bawat grupo.

Pangkat 1 - llarawan ang kulay ng bawat larawan.


Pangkat 2 – Bilugan ang angkop na salitang naglalarawan.
Pangkat 3 – Kulayan ang bawat larawan ayon sa kulay na nakasulat.

IV. Pagtataya:

Bilugan ang mga salitang naglalarawan sa bawat pangungusap.

1. Ang elepante ay malaki.


2. Ang ahas ay mahaba.
3. Ang manga ay maasim.
4. Ang bola ay bilog.
5. Magalang si kuya.

V. Gawaing Bahay:

Lagyan ng hugis ang salitang naglalarawan sa pangungusap.

1. Masunurin si Ate.
2. Si nanay ay maganda.
3. Si tatay ay matalino.
4. Si bunso ay mabait.
5. Si kuya ay magalang.

Inihanda ni:

ALENE GRACE B. ALIGA


Guro

You might also like