Chapter 1 (GRP 7)

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

ANG EPEKTO NG INSTRUKSYONAL BIDYO SA MGA MAG-AARAL

NG BAITANG ISA SA ST. THERESE ACADEMY


SA ASIGNATURANG FILIPINO

An Undergraduate Thesis Presented to the Faculty


Of the Department of Professional Education
College of Education
MSU-Iligan Institute of Technology

In Partial Fulfillment of the Requirements for the


Degree of Bachelor of Secondary Education
Major in Filipino

ANDRADA, NOVA JEAN C.


GOMONIT, FRITZIE JORIZ N.
LIQUIDO, KREXIA MAE L.

May, 2023
Kabanata 1

ANG SULIRANIN

Panimula
Ang asignaturang Filipino ay isa sa mga pangunahing asignatura sa sistema ng

edukasyon sa Pilipinas. Ito ay naglalayong mapabuti ang kaalaman ng mga bata sa wikang Filipino,

kasaysayan, kultura, panitikan, at iba pa. Gayunpaman, mayroong mga bata na nakakaranas ng

problema sa pagkatuto ng asignaturang ito. Ang pagkakaroon ng sapat at mabuting kaalaman sa

asignaturang Filipino ay mahalaga hindi lamang sa pag-aaral kundi pati na rin sa pang-araw-araw

na buhay ng mga bata. Ang pagkakaroon ng mabuting kaalaman sa wikang Filipino ay nakatutulong

sa mga bata upang magkaroon ng magandang komunikasyon sa kanilang kapwa at maunawaan

ang mga tradisyon at kultura ng kanilang bansa. Sa kabila ng kahalagahan ng asignaturang Filipino,

mayroong mga bata na hindi nakakapag-aral nang mabuti dito. Maaaring dahil sa kakulangan sa

makrong kasanayan ng mga bata; ang panonood, pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat

sa wikang Filipino, o maaaring dahil sa iba pang mga personal na suliranin ng bata.

Napapansin natin na mas natututo ang mga bata sa asignaturang Ingles kaysa sa Filipino.

Isa sa mga kadahilanan ay ang panonood ng mga bata ng multimedia exposures gaya na lamang

ng mga videos sa youtube. Ang pagkakaroon ng exposure sa multimedia ay nagiging bahagi na ng

pang-araw-araw na buhay ng mga bata. Mula sa panonood ng telebisyon, paglalaro ng mga video

games, at paggamit ng internet. Ang multimedia ay maaaring magdulot ng positibong epekto sa

pagkatuto ng mga bata. Halimbawa, ang mga educational games at mga interactive na libro ay

maaaring magbigay ng mas malawak at mas interesanteng karanasan sa pagkatuto.

Isang epektibong pagkatuto ng mga bata mula sa exposure ng multimedia ay ang mga

instructional videos gaya ng Cocomelon, na kung saan ay napapadali ang kanilang bokabularyo sa

Ingles. Ayon sa isang pananaliksik na may pamagat na “The Use of the Cocomelon YouTube

Channel as a Medium for Introducing Children's English Vocabulary” (July, 2022), ay epektibo ang

Cocomelon sa mga bata na matuto ng mga bokabularyo sa Ingles sa panonood lamang ng mga

episodes nito. Ang pagkuha ng mga impormasyon ay napapabilis sa tulong ng mga educational na

video na mapapanood online. Tunay na napakadali na lamang ngayon ang pagbabahagi ng mga
impormasyon higit na sa mga mag-aaral. Mas higit nauunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang

mga pinag-aaralan sa pamamagitan ng panonood ng mga educational videos. Higit sa lahat,

tinuturuan na maging praktikal sa pag-aaral ang mga mag-aaral sa tulong nito. Ang K to 12

Kurikulum (2012) ay ipinanukala upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral at

makasabay sila sa pandaigdigang kompetisyon. Ang pagbabagong ito ay nakatuon din sa

pagbabago sa paraan ng pagtuturo ng mga guro sa iba’t ibang asignatura.

Kaya’t sa pag-aaral na ito ay naglalayon na malaman “Ang Epekto ng Instruksyonal Bidyo sa

mga mag-aaral ng Baitang Isa sa St. Therese Academy sa Asignaturang Filipino”. Ang mga

mananaliksik ay gagawa ng isang interaktib na instructional video mula sa konteksto ng K-12 Filipino

Gabay Pangkurikulum na magiging konteksto sa kasalukuyang pinag-aaralan ng mga bata sa loob

ng silid aralan. Magkakaroon ng panimula at pangwakas na pagtataya upang malaman ang epektibo

ng ginawang instructional video.


Teoretikal na Balangkas

Cognitive Load Theory (CLT), John Sweller (1988). Ang cognitive load theory ay isang

teorya sa larangan ng edukasyon at sikolohiya na nagpapakadalubhasa sa kung paano nagbabago

at nagli-limita ang kakayahan ng ating isipan (cognitive capacity) sa pagproseso, pagtanggap at

pagpapahalaga ng impormasyon.

Ang Cognitive Load Theory (CLT) ay may malaking papel sa paglikha ng epektibong

instructional videos para sa mga mag-aaral. Ang pagkakaroon ng tamang balanse sa cognitive load

ay mahalaga upang mapabuti ang proseso ng pagkatuto ng mag-aaral sa pamamagitan ng mga

instructional videos. Kapag ang instructional video ay mayroong mataas na extraneous cognitive

load, o mga elementong hindi naman talaga kailangan sa pagtuturo na nagdadagdag ng cognitive

load ng mag-aaral, maaring magdulot ito ng labis na pagod sa kaisipan ng mag-aaral. Halimbawa,

ang kawalan ng kaayusan o sobrang komplikadong graphics sa video ay maaaring magdulot ng

labis na cognitive load na makakasama sa proseso ng pagkatuto ng mag-aaral. Upang maibsan ang

extraneous cognitive load, mahalaga na magkaroon ng maayos at organisadong presentasyon ng

impormasyon sa instructional video. Maaaring magdagdag ng mga visuals, animation at iba pang

teknolohiya upang mas madaling maunawaan ng mga mag-aaral ang konsepto. Mahalaga din na

magtaglay ng kaukulang sukat ng impormasyon upang hindi maging overloaded ang mga mag-aaral

sa impormasyon.

Sa kabilang banda, ang Germane cognitive load ay magbibigay ng pagkakataon para mas

maintindihan ng mag-aaral ang mga konsepto sa loob ng instructional video. Sa pamamagitan ng

pagsasaayos ng impormasyon at pagkakaroon ng sapat na sukat ng cognitive load, magkakaroon

ng mas magandang pagkakataon para mas maintindihan at maalala ng mga mag-aaral ang mga

konsepto na itinuturo sa kanila. Sa pangkalahatan, ang cognitive load theory ay mahalaga sa

paglikha ng instructional videos sa pamamagitan ng pagpapalakas ng germane cognitive load at

pagpapababa ng extraneous cognitive load upang mas maging epektibo ang pagkatuto ng mga

mag-aaral.
Multimedia Learning Theory, Mayer & Moreno’s (1999). Ang multimedia learning theory

ay isang teorya sa pag-aaral ng edukasyon at psychology na naglalayong maunawaan kung paano

ang mga estudyante ay natututo mula sa mga multimedia na karanasan tulad ng video, audio,

graphics, at tekstong pinagsama-sama sa isang pag-aaral na karanasan. Ayon sa teorya, ang

multimedia learning ay nagpapakita ng iba't ibang mga benepisyo kaysa sa tradisyunal na pagtuturo

na batay lamang sa teksto o pagtuturo sa pamamagitan ng salita. Ito ay dahil sa pagpapakita ng

impormasyon sa iba't ibang anyo ng media ay makakatulong sa pagpapalawak ng kaisipan ng mag-

aaral at pagpapadali ng pag-unawa sa mga konsepto. Ang multimedia learning theory ay mayroong

ilang mga prinsipyo, kabilang ang paggamit ng mga kahalintulad na media para sa pagpapakita ng

impormasyon, pagpapakita ng mga salita at larawan sa parehong oras, pagbibigay ng sapat na

panahon sa pag-unawa at pagproseso ng impormasyon, at pagpapakita ng mga konsepto sa mga

nakasanayang sitwasyon at konteksto. Ang mga prinsipyong ito ay maaaring magtulungan upang

mapabuti ang epektibong pagtuturo sa pamamagitan ng multimedia.

Constructivism, Jean Piaget (1896-1980). Ang constructivism ay isang teorya sa larangan

ng edukasyon at sikolohiya na nagtitiyak na ang pagkatuto ng isang tao ay batay sa kanyang mga

naunang kaalaman at karanasan. Sa constructivism, ang pagkatuto ay nakasalalay sa pagbuo ng

bagong kaalaman at kasanayan sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga kaugnayan sa mga naunang

kaalaman at karanasan ng isang indibidwal. Ayon sa constructivism, ang bawat indibidwal ay may

sariling interpretasyon ng mundo na nakabatay sa kanilang karanasan at konteksto ng buhay. Ang

pagkakaroon ng ganitong kaalaman ay nagbibigay ng mga kasanayang kakailanganin ng isang

indibidwal upang maunawaan ang bagong impormasyon at maging epektibong tagapagkatuto.

Sa larangan ng pagkatuto sa pamamagitan ng instructional video, maaaring masiyahan ang

mga mag-aaral sa paglikha ng kanilang sariling kahulugan at pag-unawa sa mga impormasyong

nakalap sa mga video. Sa pagpapalawig ng teoryang ito sa larangan ng instructional video, ang

paglalagay ng mga video ay dapat na maging interactive at may pagkakataon para sa mga mag-

aaral na mag-isip, magpahayag ng sariling opinyon, at magkaroon ng mga personal na karanasan

sa kanyang pagkatuto. Sa ganitong paraan, magkakaroon sila ng pagkakataon upang maiugnay


ang kanilang mga natutunan sa mga nakaraang kaalaman, karanasan at kamalayan, at magamit

ang mga ito upang lumikha ng bago at mas malalim na pang-unawa.

Attention Span Theory, Broadbent (1958). Ang Attention Span Theory ay isang konsepto

na tumutukoy sa haba ng panahon na kayang pagtuunan ng pansin ng isang tao sa isang partikular

na aktibidad o stimulus. Ayon sa teoryang ito, ang average na attention span ng isang tao ay nasa

8 hanggang 10 segundo lamang bago siya ma-distract sa ibang bagay. Sa larangan ng edukasyon,

lalo na sa pagbuo ng instructional videos bilang pagkatuto ng mga mag-aaral, mahalagang isaalang-

alang ang Attention Span Theory upang masiguro na magiging epektibo ang mga video na

ginagawa. Kailangan ng mga educational video na maging engaging at informative upang hindi

mawala ang interes ng mga mag-aaral sa loob ng ilang segundo lamang. Sa pamamagitan ng

pagbabalangkas ng video na may kaugnayan sa asignatura at pagpapakita ng mga visual aids tulad

ng mga graphic organizers at mga mapa ng kaisipan, mas mapapadali ang pag-unawa ng mga mag-

aaral sa mga konsepto at kaisipan sa wikang Filipino. Upang mapanatili ang pansin ng mga mag-

aaral sa buong video, mahalaga ring magpakita ng mga aktibidad at mga halimbawa na

nakakapagpakita ng kahalagahan ng asignatura sa totoong buhay. Kailangan din itong magbigay

ng mga pahinga sa pagitan ng mga bahagi ng video upang mabigyan ng sapat na pagkakataon ang

utak ng mga mag-aaral na magpahinga at mag-process ng mga impormasyon. Sa ganitong paraan,

mas magiging engaging at epektibo ang instructional video bilang isang tool sa pagkatuto ng mga

mag-aaral sa asignaturang Filipino.


Rebyu ng Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga akademiko at propesyonal na mga babasahin

na may kinalaman sa ginawang pag-aaral. Nagbibigay rin ng malinaw na kaalaman ang mga

literatura at pag-aaral na inilakip sa pananaliksik na ang motibo ay madagdagan ang kaalaman ng

mga mambabasa, lalo na ang mga kasama sa bahaging Kahalagahan ng Pag-aaral.Ang mga

natuklasang pag-aaral hinggil sa educational videos na nagsilbing inspirasyon at makunan ng ideya

tungkol pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:

Kaugnay na Literatura

Walang katapusang paghahanap ng mga epektibong paraan kung paano pataasin ang

pagganap ng mga mag-aaral sa silid-aralan. Dahil, sa panahon ngayon, karamihan sa mga

estudyante ay nakikibahagi sa teknolohiya. Walang dahilan kung bakit hindi dapat gamitin ng mga

guro ang teknolohiya sa silid-aralan. Ang paggamit ng teknolohiya sa silid-aralan ay ang

pinakamahusay na paraan sa pagkuha ng interes ng mga mag-aaral at sa pag-abot sa kanila kahit

na sila ay nasa labas ng paaralan. Ito ay kung paano ipinapakita sa atin ng K to 12 – ang kapaligiran

ng teknolohiya sa silid-aralan.Isinasaalang-alang ang kahalagahan ng paggamit ng video at mga

visual na bagay para sa pagtuturo, ang ilan ginagamit ng mga unibersidad ay ang YouTube bilang

pantulong na tool sa pagtuturo. Sinusuri ng gawaing ito ang mga pananaw ng mga mag-aaral sa

paggamit ng YouTube para sa pag-aaral, ang kanilang kaukulang usage pattern, at nauugnay na

mga salik na nag-udyok sa kanila na gamitin ang YouTube (Moghavvemi, 2018).

Isang mahalagang bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na maipakita ang mga aralin

na itinuturo sa loob ng klase. Marami naimbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na

siglo. Halimbawa na lamang nito ay ang kompyuter kung saan ay maaari kang mag suri , magsiyasat

at magsaliksik ng mga bagay na ninanais mong nalaman o kinakailangan sa eskwelahan. Ang

simpleng proyektor na ang ginagamit sa mga klasrum ng mga estudyante. Ito ay may kakayahan

na palakihin ang mga imahe upang mas maayos na maipakita ang mga halimbawa ng mga

tagapagturo. Ang kahalagahan naman ng prodyektor ay natutulungan an gmga guro na maipakita


ang biswal na larawan ng kanilang itinuturo at makita ang mga halimbawa ng kanilang inaaral ng sa

gayon ay madaling maintindihan at mauunawaan ang kanilang paksa

(https://filipinoblog161.wordpress.com/2017/06/30/ang-kahalagahan-ng-teknolohiya-sa-pag-aaral)

Effectiveness of Educational Videos

Ayon sa pag-aaral ni Cynthia J. Brame, ang teknolohiya sa kasalukuyan ay karaniwan

sa mga paaralan, opisina, at sa bawat indibidwal, dahil ito ay sumusuporta sa pag-aaral at

tumutulong sa pagbuo ng kaalaman, kung saan, ang integrasyon ay ang paggamit ng teknolohiya

upang mapahusay, ulitin, ipakita, at masuri kung paano nauunawaan ng mga mag-aaral ang

syllabus o ang programa. Bukod dito, sinusuportahan nito ang parehong pagtuturo at pag-aaral.

(Edutopia, 2005)

Basi sa pag-aaral nina A. D. Greenberg, et al., 2012, Ang mga materyal na nakabatay sa

video ay nagpapalakas ng pagkamalikhain at pakikipagtulungan ng mag-aaral. Makakatulong ang

pag-access sa video na hikayatin ang mga mag-aaral at lumikha ng natatanging konteksto para sa

kanilang karanasan sa pag-aaral. Batay sa isang totoong kuwento- ang pagsasama ng video sa

silid-aralan, pinahintulutan nito ang mga mag-aaral at guro ng Broadmeadows na tumulong sa pag

broadcast ng mga anunsyo sa paaralan, gumamit ng mga pre-record na klase upang madaig ang

mga kakulangan ng guro at naimpluwensyahan ang digital na video na nakabatay sa Internet upang

mapahusay ang self-directed learning.

Using Educational Video in the Classroom

Ang paggamit ng pang-edukasyon na video at telebisyon sa mga silid-aralan ay patuloy na

tumaas sa nakalipas na 20 hanggang 30 taon, ayon sa serye ng mga pag-aaral na isinagawa ng

Korporasyon para sa Pampublikong Broadcasting. Sinukat ng mga survey na ito ang parehong mga

pattern ng paggamit at mga saloobin ng guro at mga inaasahan para sa mga resulta. Hindi lamang

malawakang ginagamit ang teknolohiyang ito, ayon sa pinakahuling pag-aaral, ngunit ito rin ay lubos

na pinahahalagahan bilang isang paraan ng pagtuturo nang mas epektibo at malikhain (CPB, 1997).

Isang pananaliksik na isinagawa noong 2004 ng Korporasyon para sa Pampublikong Broadcasting


ay nagsasabi na ang “mga bata 8 ang panonood ng pang-edukasyon na telebisyon ay ipinakita na

sumusuporta sa makabuluhan at pangmatagalang learning gains at ng isang positibong relasyon

ang natagpuan sa pagitan ng childhood viewing at kognitibong gawain sa parehong preschooler at

antas ng kolehiyo"

Learning through Digital Media Experiments in Technology and Pedagogy

Higit pa rito, ang isang pag-aaral na pinamagatang, “Learning through Digital Media

Experiments in Technology and Pedagogy” " ay nagsasabi na ang mga video ay hindi kailangan

mahaba para ito ay mapang-akit. Sa totoo lang, ang mga mas maikling segment ay maaaring

maglagay ng higit na diin sa malapit na panonood at resulta ng pag-unawa. Sa pamamagitan ng

paggamit ng teknolohiya, lumilitaw ang video presentation sa pagtuturo at sa pag-aaral. Ito ay

kasalukuyang ginagamit sa pagpapakilala ng mga ideya, lektura, talakayan at mga update. Ang mga

materyal na nakabatay sa video sa mga espesyal na ginawang pang-edukasyon na mga video,

dokumentaryo, BALITA at mga pelikula ay lumalabas sa maraming mga programa sa mga araw na

ito (R. T. Scholz, 2011) [7].

Pinagmasdan nila na ang median na oras ng pakikipag-ugnayan para sa mga video na wala

pang 6 na minuto ang haba ay malapit sa 100% –iyon ay, ang mga mag-aaral ay may kaugaliang

panoorin ang buong video. Ang isa pang paraan upang panatilihing nakatuon ang mga mag-aaral

ay ang paggamit ng istilo ng pakikipag-usap. Tinatawag na prinsipyo ng personalization ni Mayer,

ang paggamit ng pakikipag-usap sa halip na pormal na wika sa panahon ng pagtuturo ng multimedia

ay ipinakita na may malaking epekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral, marahil dahil ang istilo ng

pakikipag-usap ay naghihikayat sa mga mag-aaral na bumuo ng isang pakiramdam ng

pakikipagsosyo sa lipunan sa tagapagsalaysay na humahantong. sa higit na pakikipag-ugnayan at

pagsisikap (Mayer, 2008).

Multimedia Theory

Si Richard Mayer ay isang dalubhasa sa pag-aaral ng multimedia. Ang kanyang teorya sa

multimedia ay iginuhit sa paivio's Dual code theory (1990), Sweller's Cognitive Load theory (1994)
at teoryang constructivist ni Bruner. Mayer at ang kanyang kasamang si Mareno (2000), nagsagawa

ng pag-aaral sa paghahatid ng mga prinsipyo sa disenyo ng pagtuturo mula sa teoryang nagbibigay-

malay sa pag-aaral ng Multimedia. Ang kanilang pangunahing argumento ay ang aktibong pag-

aaral ay nangyayari kapag ang mag-aaral ay nakilahok sa tatlong cogntibong proseso. Ito ay ang

selection, organization, at integration.

The Effect of Educational Videos on Increasing Student Classroom Participation

Ipinakita ni Jacobs (2012) na ang paggamit ng mga video ay maaaring humantong sa silid-

aralan at pakikilahok sa konteksto ng mas mataas na edukasyon. Bukod pa rito, ilang iskolar ang

nagsiwalat na ang paggamit ng mga video na pang-edukasyon sa silid-aralan bilang isang

pangunahing diskarte ay maaaring mapahusay ang partisipasyon ng mga mag-aaral. Ang ganitong

diskarte ay inirerekomenda sa lahat mas mataas na mga disiplina sa edukasyon (M. Sherin &

Elizabeth, 2009; M. G. Sherin & Han, 2004; Zhang, Zhou, Briggs, &Nunamaker, 2006). Ang

linkage na ito ay pinag-aralan ng ilang mga mananaliksik na direktang nagpahiwatig na ang mga

video na pang-edukasyon ay nagpapabuti sa pakikilahok sa silid-aralan at maaaring ipakita na isang

epektibong paraan pagdating sa pagpapabilis ng pag-unlad ng edukasyon (Baker, Lang, & O'Reilly,

2009).

Students Engagement

Ang isa pang lens kung saan isinasaalang-alang ang pang-edukasyon na video ay ang

pakikipag-ugnayan ng mag-aaral. Ang ideya ito ay simple lamang: kung ang mga mag-aaral ay hindi

nanonood ng mga video, hindi sila matututo. Ang mga aralin sa pagtataguyod ng pakikipag-ugnayan

ng mag-aaral ay nagmula sa naunang pananaliksik sa pagtuturo sa multimedia at sa mga video na

ginagamit sa loob ng MOOCs (massive online courses). Ang una at pinakamahalagang patnubay

para sa pag-maximize ng atensyon ng mag-aaral sa pang-edukasyon na video ay panatilihin itong

maikli (Guo et al., 2014). Ang konsepto ng "pakikipag-ugnayan ng mag-aaral" ay may maraming

mga kahulugan at walang isang, unibersal na pag-unawa.Gayunpaman, ang video ay nakikita bilang

may mga pakinabang para sa pakikipag-ugnayan sa ilang partikular na paraan, lalo na sa

pagpapalawak ng pakikilahok, emosyonal na pakikipag-ugnayan at pangkalahatang pakikipag-


ugnayan sa kurso. Sa flipside, video maaaring maglagay ng ilang mga hadlang sa pakikipag-

ugnayan (hal. mga hamon sa teknolohiya).

Kaugnay na Pag-aaral

Lokal

Sa kasalukuyan, ang mga opisyal na wika sa Pilipinas ay Filipino at Ingles. Dahil ito ang kaso,

mayroong isang bilingual na patakaran sa edukasyon na nagsasaad ng kahalagahan at kakayahan

sa parehong wika. Gayunpaman, mayroong isang problema sa patakarang iyon. Ito ay sa sistema

ng pang-edukasyon kung paano ipinatupad ang patakarang ito. Sa simula ng mga mag-aaral sa

elementarya, ang mga mag-aaral sa paghahanda sa ika-tatlong baitang ay gumagamit ng mga

wikang panrehiyon na ipinag-uutos ng patakarang Mother Tongue-Based-Multilingual Education,

kung sakali man ang Metro Maynila ay Tagalog, ito ay dahan-dahang pinagsama ang Filipino at

Ingles bilang midyum ng pagtuturo. Ito ay nagtataguyod ng katatasan at pag unawa sa lingua franca,

at isang intelektwalisasyon ng foreign na wika.

Factors influencing the level of Filipino language proficiency

Ang pagtatamo ng wikang Filipino ay maaaring maging madali sa mga mag-aaral na nakatira

sa Tagalog Rehiyon. Gayunpaman, sa pagsasaalang-alang ng napakaraming mga mga diyalekto

na sinasalita sa magkakaibang sambahayan sa Visayas at Mindanao, maaaring nahihirapan ang

mga estudyante sa paggamit ng wikang Filipino. Sinabi ni Salvatierra (2005) ,karamihan sa

pangunahing pangangailangan para mapadali ng mga mag-aaral ang pagkuha ng pangalawang

wika ay ang pagsasanay sa kanilang sariling wika .Ang mga mag-aaral na mahusay sa tunog sa

paggamit ng wika ay mas madaling maunawaan ng sariling wika. Ang mga tanong, tagubilin at

direksyon ng guro at maaaring makipag-usap ng mas mahusay sa kanilang mga kaklase. Bukod

dito, napagtanto din ng DepEd ang kahalagahan ng paggamit ng mother tongues na wika para sa

pre-school hanggang sa ikatlong baiting dahil ang kasanayan nito ay makakatulong sa mga mag-

aaral sa pag-aaral ng pangalawa at pangatlong wika tulad ng Filipino o Ingles. Naniniwala ang mga
tagapagturo na kung ang isang bata ay maaaring ganap na ipahayag ang kanyang sarili, siya ay

may posibilidad na aktibo at mas lumahok sa mga talakayan sa silid-aralan.

Epekto ng Educational Video

Ayon sa isang mananaliksik, higit na nakakatulong ang paggamit ng mga educational video

upang mas maunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang mga aralin batay kay Willmot et al (2012).

Ang educational video ay magiging isang malaking tulong para sa mga guro upang mas maibigay

ang pangangailangan at kaalaman sa kanilang mga estudyante, at mas maging epektibo ang

kanilang pagtuturo kapag ang kanilang estratehiya ay naaayon sa hilig ng kanilang mga tinuturuan.

Matutukoy din dito ang mga estratehiya upang lalong mapabilis ang pagkatuto ng mga estudyante

at mas maging interesado sila sa pamamagitan ng panunuod ng mga edukasyonal na bidyo.

Nabanggit din ni Jonassen (2008), “Knowledge is embedded in the technology ad technology

presents that knowledge to students.” May kaugnayan ito sa ipinahayag nina Halal and Leibowitz

(1994) na, “a powerful combination of earlier technologies that constitutes an extraordinary advance

in the capability of machines to assist the educational process.” Sinasabi dito na malaki ang

maitutulong ng mga makabagong kagamitan sa pagtuturo ng mga guro. Gaya nalamang ng mga

iba’t ibang video na makukuha sa online na nakapaloob sa mga educational na video. Ang mga

estudyante ngayon ay mayroong mga Educational video bilang kasangkapan sa pag-aaral sa lahat

mula sa pagbabago ng gulong sa pinakahuling pagkahumaling dance "(Max Bevan, 2017). Mga

Mag-aaral na makahanap ng pang-edukasyon video bilang isang paraan upang matulungan ang

mga ito sa kanilang pag-aaral, ginagamit nila ito hindi lamang bilang isang tool para sa pag-unawa

ng trabaho sa paaralan ngunit bilang isang paraan upang malaman ang tungkol sa mga bagong

trend at kung ano ang popular.

Taong 2013 nang maisabatas ni Pangulong Benigno Aquino III ang K to 12 program. Bukod

sa dagdag taon sa Basic Education Program sa bansa ay makabubuti nito ang akademikong

kompetensi at oportunidad sa paggawa ng mga Pilipinong magsisipagtapos. Kabilang sa

kompetensi ng 21st century skills ay impormasyon, midya at pang kasanayang pang-teknolohiya ay

bahagi ng 21st century skills. Ito ay kasanayang kailangan na makamit ng mga mag-aaral upang
makasabay sa hamon ng buhay sa kasalukuyan. Ayon sa pag-aaral Jeny Ann G. Taracatac (2021)

tungkol sa bidyo komprehensyon aplikasyon: bisa ng paggamit sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa

asignaturang filipino tungo sa akademikong pagganap. Ipinakita dito na may makabuluhang

pagkakaiba ang pauna at panapos na pagtataya sa Akademikong Pagganap ng mga mag-aaral”.

Nagpapahayag sa bisa ng paggamit ng Bidyo Komprehesyang Aplikasyon sa pagkatuto sa

asignaturamg Filipino.

Nasyonal

Sa kasalukuyang panahon, mapapansin natin na naging lunsaran na ang teknolohiya sa

pagkatuto ng mga bata. At karamihan sa mga kabataan ay mas natututo sa kanilang pag-aaral

kapag nilalapatan o ginagamitan ito ng mga instruksyunal na mga bidyo. Ayon sa pag-aaral

ng Universal Journal of Educational Research tungkol sa students views on learning environments

Enriched by Video clips, tinutukoy ang mga pananaw ng mag-aaral tungkol sa pagpapayaman ng

proseso ng pagtuturo sa pamamagitan ng video clip batay sa mga layunin ng klase. Tinutukoy ng

mananaliksik ang maikling video clip na kaugnay sa nilalaman ng aralin ginamit bilang materyal sa

silid-aralan sa panahon ng proseso ng pagtuturo mula sa sumusunod na web address:

www.youtube.com. Ang mga video clip ay sinuri ng dalawang eksperto sa larangan ng sikolohiyang

pang-edukasyon at mga teknolohiyang pang-edukasyon upang tasahin ang kaangkupan para sa

mga layunin.

Ayon sa mga natuklasan, ang mga mag-aaral binigyang-diin ang mga positibong epekto ng

paggamit ng mga video clip bilang nakapukaw ng interes sa klase (11,9%), tumutok sa panahon

klase (8,9%), pagpapabuti ng memorya sa pag-aaral (27%) at pagbibigay ng kakayahang

maunawaan ng paksa (7,9%). Mga mag-aaral din nagbigay ng mga mungkahi para sa pagtaas ng

pagiging epektibo ng paggamit mga video clip, gaya ng: paggamit ng mga video sa maikling

panahon, gamit ang mga video na may kaugnayan sa mga layunin ng klase at paggamit ng a

limitadong bilang ng mga video. Sa resulta ng pananaliksik sa pang-edukasyon na paggamit ng mga

palabas sa video, na paggamit ng video o multimedia na materyales sa edukasyon ay nagpapataas


ng pagkatuto. Kung ikukumpara sa tradisyunal na pagtuturo, ito ay nagbibigay ng higit pang mga

pakinabang sa mga tuntunin ng pagkatuto ng mag-aaral (Greenberg at Zanetis )

The Impact on Student Learning Outcomes of Video When Used as a Primary Teaching Tool

May mga pananaliksik ang nagawa kamakailan sa video bilang isang tool na pang-

edukasyon. Isang malaking bahagi ng pananaliksik na ginawa, ay luma na at hindi na ganap na

ginagamit. Inilalarawan ng 1950s hanggang 1980s na ang video bilang isang mamahaling bagong

teknolohiya na bihirang ginagamit sa silid-aralan at hindi praktikal para sa paggamit sa silid-aralan.

Hanggang sa 1986 ay natuklasan ng isang pag-aaral ni Cottingham na ang paggamit ng video

lesson sa ay unti-unting tumataas. Ang naiulat ay may mataas na paggamit ng video sa pagtuturo

sa silid-aralan. Si Smeltszer (1988) ay nagsabi na bahagyang positibo ugnayan sa pagitan ng

diskarteng nakasentro sa mag-aaral sa pagtuturo at paggamit ng video.

Iba pang pag-aaral tulad Children and Television: Video-Based Learning by Very Young

Children shows na sa murang edad ay maipapakita na ng mga bata ang kaya ng utak, na

maramdaman at mabigyang kahulugan (within their cognitive level) video images”

In Schmitt and Anderson’s (2002) study Television and Reality: Toddlers ’ Use of Visual

Information from Video to Guide Behavior. Nagawa nilang ipakita na sa 30 buwan, ang isang bata

ay maaaring mag-apply ng impormasyon na nakuha mula sa video at ilapat ito sa totoong mga

senaryo sa mundo. Ang mga pag aaral na ito ay hindi lamang nagbibigay ng precedent kundi isang

background na sumusuporta sa pag-aaral na ito, na nagpapakita na kahit na sa isang napakabatang

edad, ang video ay matagumpay na ginagamit bilang isang kasangkapang pang-edukasyon.

Natuklasan nila Schwan at Riempp (2004) at Zhang, Zhou, Briggs, and Nunamaker (2006)

na ang pagkakaroon ng interactive na elemento sa video (ibig sabihin, ihinto, i-pause, i-play, at i-

rewind) ay nakaktipid ng oras para sa pag-aaral dahil maaaring suriin ng mga mag-aaral ang

mahalaga o hindi gaanong nauunawaan na materyal, at pagpapadali sa pagkuha ng kaalaman.


Konseptwal na Balangkas

Sa pag-aaral na ito malalaman ang daloy ng pananaliksik. Sa pangunahing gawain ay ang

pagtukoy ng problema, dito pinag-uusapan o tinutukoy ang problema na ninanais na tugunan ng

mga mananaliksik. Pagkatapos matukoy ng problema, isasagawa ang pagpaplano sa magiging

kabuuang daloy ng pananaliksik. Pinagpaplanuhan ang story board ng isasagawang instructional

video, at ipapakonsulta sa mga video at content experts. Pagkatapos ng nagganap na pagpaplano

sa story board at pagpapa konsulta sa mga experto, maaari ng simulan ang pagsasagawa ng

Edukaboom Serye sa napiling eskwelahan na gaganapan. Sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito,

ninanais nitong malaman kung gaano ka epektibo ang paggamit ng instruksiyonal video, at dito

magaganap ang ebalwasyon. Ebalwasyon ng isinagawang Edukaboom Serye sa mga mag-aaral ng

baitang 1 sa St. Therese Academy. Tutuklasin ang maaaring maging dulot ng isinagawang

instructional video sa mga mag-aaral. Sa huling bahagi, isinasaad ang pangkalahatang natuklasan

sa buong proseso ng pananaliksik.


Paglalahad ng Suliranin

Sinusuri ng pananaliksik na ito ang mga kontribusyon ng seryeng EDUKABoom sa pagkuha

ng bokabularyo ng mga mag-aaral ng baitang isa sa St. Therese Academy.

Ang mga pangunahing layunin ng pag-aaral ay: (1) upang matutunan ng mga mag-aaral ang

pangunahing Wikang Filipino mula sa serye ng EDUKAboom, at (2) upang makita ang bisa ng pag-

aaral sa pamamagitan ng paggamit ng multimedia exposure at ICT integration.

Sa partikular, hinahangad nitong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. profile ng mga respondente ayon sa:

1.1 Edad

1.2 Kasarian

2. Ano ang pre-test mean performance ng mag-aaral?

3. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng mga resulta ng pre-test at post-test, mula

sa panonood ng EDUKABoom instructional bidyo?

4. Ano ang pagsusuri ng mga eksperto sa ginawang instructional video kasama ang mga

sumusunod: nilalaman, kalinawan, biswal, at kahalagahan ng presentasyon?

5. Ano ang pagsusuri ng mga mag-aaral sa ginawang instructional video kasama ang mga

sumusunod: nilalaman, kalinawan, biswal, at kahalagahan ng presentasyon?

6. Mabisa ba ang edukaboom sa pagkatuto ng mga mag-aaral lalo na sa asignaturang filipino?


Depinisyon ng mga Salitang Ginamit

Ang mga salitang ginamit sa pag-aaral na ito ay binigyan ng kahulugan ayon sa istandard na

depinisyon o konsepto at operasyonal upang madaling maintindihan. Ang mga salitang ito ay:

Edukasyon. Proseso ng pagpapalawak at pagpapalalim ng kaalaman, kasanayan, pag-

unawa, at pagpapahalaga sa isang partikular na larangan o disiplina. Dito makikita kung paano

nakakaimpluwensya ang instruksional video sa larangan ng edukasyon o pagkatuto ng mag-aaral

sa baitang 1.

Instructional Video. isang uri ng video na nilalaman ng mga impormasyon at mga tagubilin

na maging basehan ng mga mag-aaral sa baitang 1 sapag katuto tungkol sa isang partikular na

paksa o gawain.

Multimedia. Ang multimedia ay tumutukoy sa paggamit ng iba't ibang media o midya upang

maghatid ng impormasyon o mensahe sa pamamagitan ng pagpapakita ng teksto, larawan, tunog,

bidyo, at iba pang media na nakakapagbigay ng kahulugan sa mensahe.

Pedagogy. Tumutukoy sa mga estratehiya at pamamaraan ng pagtuturo at pag-aaral na

ginagamit upang makatulong sa pagpapaunlad ng kaalaman, kasanayan, at pagpapahalaga ng mga

mag-aaral.

Teknolohiya. Ito ay kadalasang may kaugnayan sa mga elektronikong kagamitan at sistema,

kabilang ang mga kompyuter, telepono, at internet. Sa pag-aaral na ito, ang papel ng teknolohiya

ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante na magkaroon ng access sa mga educational

resources.

Youtube. Ang YouTube ay isang online na plataporma ng video sharing kung saan maaaring

mag-upload, manood at magbahagi ng mga video ang mga gumagamit. Ito ang gagamiting

plataporma sa panonood ng mga mag-aaral sa pag-aaral na ito.

You might also like