0% found this document useful (0 votes)
503 views39 pages

Lesson Plan

1) The document discusses a lesson plan for a class discussion on the short story "Ang Higad at Ang Paruparo" by Jerwin Eileen G.C Tarnate. 2) The story is about two caterpillars named Diwa and Mago who hatch from eggs on the same leaf and see each other for the first time. 3) The lesson plan outlines the objectives, materials, procedures and activities for a class discussion and analysis of the short story.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
503 views39 pages

Lesson Plan

1) The document discusses a lesson plan for a class discussion on the short story "Ang Higad at Ang Paruparo" by Jerwin Eileen G.C Tarnate. 2) The story is about two caterpillars named Diwa and Mago who hatch from eggs on the same leaf and see each other for the first time. 3) The lesson plan outlines the objectives, materials, procedures and activities for a class discussion and analysis of the short story.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 39

Republic of the Philippines

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


Villa de Bacolor, Pampanga

MASUSING BANGHAY-ARALIN

I. Layunin

Sa loob ng isang oras ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nakapagbibigay ng mas malalim na pakahulugan sa malikhain kwento na isinulat ni

Eileen G.C Tarnate;

B. Nakabubuo ang mga mag-aaral ng isang maikling kwento pagkatapos ng talakayin ang

nabasa at napakinggang kwento;

C. Napahalagahan ng mag-aaral ang importansya ng maikling kwento at nabigyang pansin.

II. Paksang Aralin:

Paksa: Ang Higad at Ang Paruparo ni Jerwin Eileen G.C Tarnate

Mga Kagamitan:

 Pisara

 Yeso

 Visual Aids
 Laptop

 Power Point

 Aklat

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

- Panalangin:

- Tumayo tayong lahat at maghanda - (Tatayo ang mga mag-aaral,

para sa ating pagbungad na yuyuko at mananalangin)

panalangin na pangungunahan ni

C. Lopez

- Magandang Umaga!

- Magandang Umaga, Ginoo.


- Pagsasaayos sa klase

- Bago kayo umupo ay maaari bang

pakiayos muna ang inyong mga


- Opo, Ginoo. (Aayusin ang mga
upuan at pakipulot na rin ang mga
upuan at pupulutin ang mga
kalat sa ilalim.
kalat)

- Pagtala ng Lumiban sa klase

- Tagpagtala, sino ang lumiban

ngayon sa ating klase?


- Mahusay, Maraming Salamat!

D. Pambungad na pagbati:

-Isang masiglang umaga sa - Wala po, Ginoo.

inyong lahat mga anak ko!

- Pagbabaliik Aral:
- Isang masiglang umaga po,
- Bago tayo dumako o pumunta sa
Ginoo!
ating talakayan ay maaari bang

magbalik-tanaw mu na tayo. Sino

ang nais mag bigay ng kasagutan?,


- ( Nagtaasan ng mga kamay)
mag taas lamang ng kamay mga

baby ko.

- Sige nga baby ko, ibahagi mo nga

ang iyong kasagutan.

- Noongg nakaraan po ay

tinalakay na tin ang kwentog


- Mahusay! Sige anak ko ipag
‘Ang Mang-mang at Ang Pari’,
patuloy.
na kung saan ay nanalangin

ang isang lalaki sa diyos para


sa isang daang piso po

- Ayon nga po Nakita ito ng pari

at nakuha nito ang atensyon

nito kaya kinabukasan ay

inabangan ito ng pari sa

kanyang pwesto kung saan lagi


- Napakahusay! Tama ang kanyang
nag dadasal ang lalaki. Isang
tinuran palakpakan mga bebe!
araw ay narinig ng pari kung

anong dinadasal nito, iyon nga


- Pagganyak
ay humihingi ito ng isang daan
- Ngayon, bago tayo dumako sa
piso sa diyos.
ating talakayan, magkakaroon
- (Pumalakpak)
muna tayo ng isang munting

gawain na kung saan ang lahat ay

makakasama. Tatawagin itong Go

Go Go Sir! Sa larong ito ay

magkakaroon kayo ng ideya

patungkol sa ating tatalakayin na

paksa o malikyaing kwento.

- Simple lamang ang ating laro na

kung saan ay huhulaan niyo ang

mga ipapakitang larawan at kung


sino man ang makasasagot ay

magkakaroon ng karagdagang

puntos. Maliwanag ba? - Opo, Ginoo

- Sige, Unang Larawan, ano ang

nakikita mo? G. Miclat

- Mahusay! Ito ang iyong

karagdagang puntos.

- Malikhaing kwento po.


- Pangalawang Larawan, G.

Manese.

- Magaling! Para sa pangatlong


- Isang Higad po, Ginoo.
larawan, ano kaya ito? G. Eurie

- Tama ang galing! Ito ang iyong

papremyo, para naman sa ika-apat

na larawan G. Magcaling

- Isang hardinero po, Ginoo.


- Magaling! Para sa ating paghuling

larawan, handa na ba kayo? ano

- Isang hardin po.


kaya ito? BB. Palo

- Mahusay! Ito ang iyong premyo.

Binabati ko lahat ng mga nanalo.


- Isang paruparo po, Ginoo.
Bigyan ng dalawang bagsak ang

bawat isa.

Paglalahad - (Pumalakpak ng malakas)

- Sa tingin ninyo, saan kaya

patungkol ang ating paksa o

malikhaing kwento ngayon mga


- Sa tingin ko po na patutungkol ito
anako ko? sa higad at paruparo.

- Ang galing!

- Mahusay, bigyan ng isang palakas

na palakpak yan!

- Ang ating paksa o malikhaing - (Pumalakpak ng malakas)

kwentong tatalakayin na’tin

ngayon ay pinamagatang “Ang

Higad At Ang Paruparo” Isang

Maikling kwento na isunulat ni


Jerwin Eileen G.C Taernete

- Ngayon ay ipapakilala ko sa inyo

ang sumulat ng Ang mga anak ni

mang gustin, ito ay si Jerwin

Eileen G.C Taernete ay

pinanganak sa Bulacan, Pampanga

at Isa siyang guro sa DepEd ay

nanalo sa gawad palangcanoong

2016 at isa siyang mahusay na

manunulat ng mga maikling

kwento.

- Talasalitaan

- Pero bago tayo dumako sa ating


aralin ay atin munang alamin ang
mga talasalitaan na maaaring
maging balakid sa ating pag-
unawa.

- Ano kaya ang kahulugan ng


Diwa?

- Magaling! Bigyan ng isang isang


malakas na palakpak

- Maaari mo bang gamitin ito sa


Pangungusap Bb. Jenny

- Ito po ay isang kaisipan na


bumubuo sa tao.

- Magaling! Bigyan ng isang isang


malakas na palakpak

- Isang lalaki ang nawawalan ng


- Ngayon naman ano naman kaya diwa sa tuwing nagagalit.

ang kahulugan ng mago kaya ?

- Magaling! - (Pumalakpak)

- Maaari mo bang gamitin ito sa


Pangungusap Bb. Jenny - Isa po itong mahika

- Magaling! Bigyan ng isang isang

malakas na palakpak

-
- Tila ang husay niyang gumawa
- Ayan napakahusay at kagilas-gilas
ng samut saring magosa
naman talaga. Ngayon, sabay-
kaniyang palad.
sabay nating basahin ang mga

talasalitaan. - (Pumalakpak)

- Ngayon ay malinaw na sa inyo


- (Babasahin ang mga
ang mga matatalinghagang salita, talasalitaan sa pisara)
 Diwa
dumako na tayo sa ating tunay na  Mago

aralin.

- Ipapakilala ko sa inyo ang sumulat


ng Ang mga anak ni mang gustin,
ito ay si Jerwin Eileen G.C
Tarnete

- Isa siyang guro sa elementarya at


mahusay na manunulat ng mga
maikling kwentong pambata.

- Minsan na rin siyang nanalo sa


gawad palanca noong 2016 sa
akdang Ang Higad At Ang
Paruparo.

- Pinanganak sa lungsod ng Bulacan


Pampanga.

- Matapos kong ipakilala sa inyo


ang may-ari ng akda. Hayaan niyo
akong ipakilala ang mga tuahan sa
tula. Kung inyong napapansin ay
mayroong tauhan sa ating
kwentong pambata na si diwa at
mago

- (Ipapakita ng guro ang mga


larawan sa powerpoint)

- Ang unang tauhan ay si mago isa

siyang higad at nais niya lamang

maging higad panghabang buhay

at wag maging paruparo.

- Pangalawa, ay si Diwa isa siyang

higad na pinili niyang maging


paruparo upang makatulong sa

hardinero.

- May katanungan ba?

- Wala po, Ginoo.


- Ngayon naman ay tatalakahin na

natin ang kwentong Ang Higad At


- (Naghanda para makinig)
Paruparo.

- ANG HIGAD AT ANG PARU-

PARO

Minsan ay may dalawang itlog ng

paru-paro sa isang dahon na sabay

napisa. Diwa ang

pangalan ng dilaw na higad at

Mago naman ang pangalan ng

kayumangging higad. Dahil ang

isa’tisa ang una nilang nasilayan

pagkalabas sa itlog, nagkaroon sila

ng agarang ugnayan. Nagturingan

silang parang magkapatid at sabay

na nanghinain ng mga dahon sa

Hardin. Nagkahiwalay si Diwa

at Mago ng hindi nila

namamalayan noong magpalipat-


lipat sila ng halamang kinakainan.

Isang

araw, muli silang nagkita.

“Ang sarap ng mga dahon sa lugar

na ito, ‘di ba?” ang sabi ni Diwa.

“Oo nga. Ginaganahan tuloy ako

lalong kumain,” ang sagot ni

Mago habang punung-puno

ang bibig.

“Kaya lang minsan pakiramdam

ko peste tayo. Nasisira kasi natin

ang mga dahon ng isang

magandang halaman.”

“Pasalamat tayo dahil mabait ang

Hardinero sa atin.”

“Oo nga. Hinahayaan Niya tayong

lumaki. Buti na lang at sa

sandaling panahon pwede na

tayong maging paru-paro.

Makakatulong na tayo sa Hardin”

“Ayoko ngang maging paru-

paro!” ang pahayag ni Mago.

“Ha? Bakit? Ang ganda kayang


maging paru-paro. Matamis na

nektarya ang kakanin natin

araw-araw. Higit sa lahat, hindi na

tayo pabigat dahil magiging

kapaki-pakinabang na bahagi na

tayo ng Hardin,” ang paliwanag ni

Diwa.

“Hay…malaking kalbaryo ang

maging paru-paro. Kailangan

mong gumawa ng sisidlan

kung saan ibabalot ang sarili mo.

Nakabitin ka ng patiwarik at

maghihintay sa loob ng mahabang

panahon bilang isang pupa o tilas.

Pagdating ng oras, ang hirap-hirap

pang lumabas mula sa

You sent

pinagbalutan mo. Pagkalabas,

kailangan mo pang magpalipat-

lipat ng bulakak para lang

makakain.

Hindi katulad ng pagiging higad

na pwedeng kainin ang


pinaghigaan pagkagising na

pagkagising

pa lang. Higit sa lahat, dalawang

linggo na lang ang magiging

buhay mo kapag naging paru-paro

ka. Ayoko ngang mawala agad.

Gusto ko ng mahabang buhay

kaya hindi ako magbabago.

Mananatili akong higad,” ang

pagmamatigas ni Mago.

Natigilan si Diwa. Nagsimula

siyang mag-alinlangan sa balak

niyang gawin sa buhay.

‘Tutuloy pa ba akong maging

paru-paro?’ ang tanong ni Diwa sa

sarili.

Isang araw, nakakita siya ng paru-

paro. Naakit siya sa taglay nitong

kagandahan at

kaligayahan sa paglipad. Higit sa

lahat, nakita niya kung paano

ngumiti ang Hardinero habang

nagpapalipat-lipat ito ng bulaklak


na dadapuan. Ang masipag na

paru-paro ay naghatid ng polen o

mawo sa bawat bulaklak upang

tulungan ang mga halamang

mamunga at makapagparami.

Dahil

sa mga nasaksihan, nawala ang

pag-aalinlangan ni Diwa.

“Mahirapan man, magtitiyaga ako.

Balang araw, lilipad din ako.”

Araw-araw ginawa ni Diwa ang

trabaho niya bilang higad.

Ngumuya siya ng ngumuya ng

mga dahon. Kailangan niyang

mag-imbak ng lakas bilang

paghahanda para sa haharaping

metamorposis o banyuhay. Isa

itong mahabang proseso ng

pagbabagong anyo ng isang higad

patungo sa pagiging paru-paro.

Kahit nangangawit na kangangata

ng dahon at nabibigatan na sa

laki ng katawang pinapasan,


nagpatuloy pa rin siya. Walang

oras na pwedeng sayangin.

Sa isang banda, madalas na

magpagulong-gulong lang sa

dahong kinalalagyan si Mago.

Madalas din siyang magpalundag-

lundag sa ibat’ibang halaman para

maglaro. Nagpakasaya siya

ng labis sa kanyang oras.

Nang nasa sapat na laki na si

Diwa, sinimulan niyang balutin

ang sarili ng bahay-uod. Bago

siya matakpan ng tuluyang, nakita

siya ni Mago at muling siyang

binalaan nito.

You sent

“Sinabi ko na sa iyo. Kapag

naging paru-paro ka, katakot-takot

na hirap ang dadanasin mo

para magbago. Sandali rin lang

ang itatagal ng buhay mo.”

Ngunit hindi nasiraan ng loob si

Diwa. Ningitian niya ang kaibigan


at saka nagwikang,

“Alam ko iyon. Pero

nararamdaman kong ito ang dapat

kong gawin kaya gagawin ko ang

nararapat. Paalam na kaibigan.”

Natulala si Mago. Sa isip-sip niya,

‘Saan kaya niya nakuha ang

ganoong tapang na suungin

ang hirap at maging handa sa

katapusan?’

“Hay naku! Bahala ka sa buhay

mo. Pinili mo iyan. Wala na akong

magagawa kung iyan

ang paniniwala mo!” ang hiyaw ni

Mago sa pupang si Diwa.

Nagpatuloy si Mago sa

pangkaraniwan niyang ginagawa

subalit hindi niya maialis sa isipan

ang sinabi ng kaibigan. Araw-

araw niyang sinisilip kung may

pagbabagong nagaganap sa

bahayuod nito.

“Parang wala namang


nangyayari”, ang dismayadong

komento ni Mago.

Subalit isang araw, napansin

niyang tila gumagalaw ang bahay-

uod ni Diwa. “Ngayon na

kaya ang araw ng paglabas niya?”

Mula sa matagal na pagtitiis sa

masikip at madilim na

kinalalagyan, unti-unting lumabas

si Diwa. Naawa si Mago sa

kaibigan nang makita niyang

nahihirapan itong kumawala.

Buong gilas

siyang gumapang papunta sa

kinaroroonan nito upang

sumaklolo. “Nandiyan na ko

kaibigan!

Tutulungan kita!”

“Huwag!” ang nanghihina subalit

madiing sambit ng palabas na

paru-paro.

Napahinto si Mago at nangilid ang

luha sa kanyang mga mata.


“Pero…hirap na hirap ka

You sent

“Ang labang ito ang magpapatibay

sa akin para makalipad. Kailangan

ko itong haraping

mag-isa.”

Walang nagawa si Mago kun’di

ang manood. Kailangan niyang

igalang ang pasya ng

kaibigan na dumaan sa likas na

landasin ng sinumang nais maging

paru-paro.

‘Kayanin po sana ito ni Diwa.

Maitawid po nawa niya ang

yugtong ito,’ ang tahimik na

usal ni Mago.

Nang makalabas na si Diwa, hindi

naman siya agad nakalipad dahil

maliit at lukot na lukot

pa ang kanyang mga pakpak.

Kitang-kita ang pagod sa itsura

niya. Nais sana muli ni Mago na

lumapit at tulungan si Diwa, pero


wala din naman siyang magagawa.

Kaya nanahimik na lang siya

sa isang tabi pero hindi siya

umalis. Nanatili siyang nakamasid

bilang suporta sa kaibigang may

matinding pinagdadaanan.

Makalipas ang ilang oras, unti-

unting naunat at lumaki ang lukot

na pakpak ni Diwa.

Dahan-dahan niya itong

ikinampay at maya-maya pa’y

lumipad na siya sa kalangitan.

“Whihh...” masayang-masaya

siyang nagsayaw sa hangin. Ang

ganda-ganda niya. Hindi

na siya si Diwa, ang dilaw na

higad. Siya na si Diwa, ang

ginintuang paru-paro.

Nagpalipat-lipat siya sa iba’t-

ibang bulaklak at nilasap ang

tamis ng nektaryang tila ba

pagkain ng mga diwata. Higit sa

lahat, marami siyang nabisitang


mga bulaklak. Dahil dito, may

mga puno siyang natulungang

mamunga at mga halamang

natulungang magparami. Tuwang-

tuwa

ang Hardinero sa kanya. Marami

rin siyang nakasalamuhang kapwa

paru-paro na may iba’t-ibang

makukulay na pakpak. Pagkatapos

ng kanilang pagsisilbi sa

maghapon, napagkukwentuhan

nila

ang kanilang mga naging

paglalakbay. Aliw na aliw siya sa

bago niyang buhay.

You sent

Subalit makalipas ang ilang araw,

unti-unting nasira ang mga pakpak

ni Diwa. Nagsimula

na siyang manghina hanggang sa

hindi na siya makalipad. Malapit

nang sumapit ang araw ng

kanyang paglisan. Naabutan siya


ni Mago sa ganitong kalagayan.

“Sabi sa iyo, maikli lang ang

buhay ng paru-paro. Hindi ka ba

nagsisisi at tumuloy ka?”

ang tanong ni Mago.

“Ikaw ba, hindi ka ba nagsisisi at

nananatili kang higad?” ang balik

na tanong ni Diwa.

“Hindi ka isang basta-bastang

paru-paro. Sa hubog na mayroon

ka, alam naming isa kang

Mariposa. Bakit nakuntento kang

manatili bilang higad lang?”

Natahimik si Mago. Nakadama

siya ng inggit at hiya. Aminado

siya sa kanyang sarili na

nagsayang lang siya ng oras.

Malayong-malayo siya sa naging

lakbayin ng kaibigan niya.

“Wala akong pinagsisisihan,” ang

nakangiting sambit ni Diwa. “Mas

masayang lumipad

kaysa gumapang. Mas mainam


kumayod kaysa kumain lang.

Masaya akong maging paru-paro

dahil dito ko natagpuan ang

dahilan kung bakit ako nabuhay.

Isa itong bagay na hindi ko

makikita

kung nanatili akong higad.”

Pagkasabi nito’y unti-unting

pumikit ang mga mata ni Diwa.

Wala na siya. Bumalik na ang

kanyang enerhiya sa kung saan

nagsimula ang lahat. Lumuha si

Mago ngunit hindi dahil lumisan

na ang kanyang kaibigan. Maikli

man ang naging buhay ni Diwa,

naging makabuluhan naman ito.

Hindi katulad nang sa kanya.

Lumuha siya para sa buhay niyang

walang pinatutunguhan.

Dahil dito, nawala ang takot ni

Mago. Sinimulan niyang gawin

ang trabaho niya bilang

isang higad. Ngumuya siya ng


ngumuya ng dahon hanggang sa

bumigat ang pinapasang katawan.

Binalot niya ang sarili ng bahay-

uod at hinarap ang pagiging pupa.

“Maging maikli man ang buhay ko

bilang paru-paro, kahit isang

linggo o kahit isang araw

man lang, kaya ko nang

makuntento basta’t natupad ko

ang dahilan kung bakit ako

naririto.”

You sent

Makalipas ang ilang araw, isang

bagong katuwang ng mga

bulaklak at kaibigan ng

Hardinero ang natunghayan sa

Hardin, si Mago ang

nakamamanghang Mariposa.

Masaya niyang

ikinampay sa hangin ang maganda

niyang pakpak.

“Ganito pala ang paglipad. Ang

sarap sa pakiramdam.”
Nagsimula siyang magpalipat-

lipat ng bulaklak. Naglakbay siya

kung saan kailangan ng

manggagawa gaano man ito

kalayo upang pamungahin at

paramihin ang mga halaman.

Nakakilala

rin siya ng maraming kaibigan

tulad ng mga kapwa manggagawa

at ng mga halamang kanyang

natutulungan. Araw-araw na

niyang nakikita ang Hardinero sa

paglibot niya sa Hardin. Masaya si

Mago na makita Siya dahil sa

Kanyang maamong mukha at

magaan na presensya. Namangha

rin

si Mago nang masaksihan kung

paano pangalagaan ng Hardinero

ang lahat ng nasa Hardin.

Sa araw-araw niyang paglipad,

napagmasdan ni Mariposa ang

mga bagay na hindi niya


makikita kung nanatili siyang

higad, katulad ng kagandahan ng

namumukadkad na bulaklak, saya

na dulot ng paglalakbay sa ihip ng

hangin, kagaanan sa puso na

nagmumula sa pagtulong at ang

maningning na mukha ng

Hardinero. Ngayon lang niya

naunawaan ang ligaya ng

lumisang

kaibigan sa araw-araw nitong

lakbayin.

Nagbalik sa kanyang alaala ang

nakaraan. Isang araw, habang

nakadapo sa isang bulaklak

si Diwa, tinanong niya ito.

“Hindi ka ba napapagod? Araw-

araw mo na lang ikinakampay ang

pakpak mo. Halos hindi

na kita nakikitang nagpapahinga.

Lagi ka na lamang nagtatrabaho.

Magbakasyon ka naman.”

“Bakit naman ako mapapagod


gawin ang isang bagay na gusto

kong gawin?” ang

nakangiting sagot ni Diwa sabay

lipad ng mas mataas pa.

Napanganga noon si Mago.

“Kakaiba talaga siya. Para siyang

taga-ibang mundo. Hindi ko

siya maintindiha

You sent

Ngayong isa na rin siyang paru-

paro, naiintindihan na niya ang

dating kaibigan. Mula sa

kawalan, tila ba narinig niya ang

tinig ni Diwa. “Ang gawain ang

nagbibigay ng kahulugan sa

buhay natin. Hangga’t gusto mo

ang iyong ginagawa, pakiramdam

mo, nasa bakasyon ka. Ang

tanging paraan lamang para

mangyari iyon ay mahalin mo ang

gawaing inatang sa iyo.”

Natawa si Mago, “Hay naku,

Diwa. Hanggang sa guni-guni ba


naman nangangaral ka pa

rin. Pakiramdam ko tuloy kasama

pa kita. Salamat sa alaala,

kaibigan.”

Hindi rin naman sa lahat ng

pagkakataon maayos ang lahat.

May mga panahon na inaabot

siya ng bagyo. Hindi siya

makalabas at walang magawa

kundi ang maghintay. Subalit

anumang

unos ang dumaan, lumilipas din

naman. Buong pananabik niyang

inaabangan ang pagdating ng

bukang-liwayway.

Hindi namalayan ni Mago ang

paglipas ng panahon. Tila ba

lumagpas siya sa dalawang

linggo. Hindi rin niya alam kung

gaano ba talaga katagal ang buhay

ng mga Mariposang tulad

niya. Subalit hindi na niya

inintindi ang oras. Ang mahalaga


walang siyang sinayang na

sandali.

Sinigurado niya na may katuturan

ang bawat araw na magdaan.

Dumating ang pagkakataon na

naging marupok ang kanyang mga

pakpak. Hindi na siya

makalipad. Alam niyang dumating

na ang kanyang oras. Habang

nakadapa at naghihintay, isang

maliit na kayumangging higad ang

lumapit sa kanya.

“Ahmm…mawalang-galang na po

pero ayos lang po ba kayo?

Mukhang masama po ang

pakiramdam ninyo,” ang may

pangambang tanong ng batang

higad.

“Ayos lang anak.”

“Pero mukhang ang lata-lata

ninyo. Paano po kayo naging

maayos?”

You sent
“Ayos lang dahil nakahabol ako.

Akala ko mauubos ang panahon

ko ng walang saysay.

Ngayon, lilisan ako nang walang

pagsisisi dahil masasabi kong

ibinigay ko lahat. Naubos ako at

wala kong itinira.”

“Hindi ko po kayo maintindihan.

Hindi po ba ninyo ginusto na

magkaroon ng mahabang

buhay?”

“Ginusto, kaya nga ayokong

maging paru-paro noong una dahil

akala ko iikli lang ang

buhay ko. Pero nagawa ko kung

para saan ako nilikha. Hindi

nasayang ang buhay na binigay sa

akin. Kaya masaya akong aalis.

Ikaw, anak? Sa tingin ko’y isa ka

ring Mariposa.”

Namula ang batang higad. “Ah…

opo. Kaya lang natatakot po akong

maging paru-paro.
Nahihiya rin po ako dahil hindi ko

po alam kung para sa akin po ba

iyon.”

Kaunti lamang ang nais maging

ganap na paru-paro. Hindi lahat

nangangahas, lalo na ang

mga kayumangging higad.

“Huwag mong ikahiya ang iyong

sarili,” ang madiing pahayag ni

Mago. “Tandaan mo, isa

kang marikit na Mariposa. Hindi

ka magiging ganap na nilalang

kung hindi mo tatahakin ang

landas patungo sa pagiging paru-

paro. Huwag kang makuntento na

manatiling higad lang. Liparin

mo ang kalangitan, dahil ito ang

iyong kapalaran.”

Matapos mangganyak, huminga

siya ng malalim at ibinuga ang

huli niyang hininga.

Namaalam na nang tuluyan si

Mago. Gayunpaman, hindi


nasayang ang kanyang buhay.

Natupad

niya ang kanyang misyon at higit

sa lahat, naipasa niya ang apoy na

iyon sa puso sa isang batang

higad. Isang bagong henerasyon

ng mga manggagawa ang sumibol

upang maglilingkod sa

Hardinero at magpapatuloy sa

pangangalaga sa mahal nilang

Hardin.

- Nais ko malaman kung mayroon

ba kayong nahinuha sa ating

talakayan ngayon

- Bb. Cruz maaari kabang magbigay

ng hinuha.

- Napaka husay!!!

Pangkatang Gawain
- Sa pagkakataong ito, hahatiin ko
ang klase sa limang grupo para sa
ating pangkatang Gawain.

- Ito ang unang pangkat, ikalawang


pangkat, ikatlong pangkat, ika-

apat na pangkat at ang ikalimang

pangkat.

- Dito ay magkakaroon tayo ng

Role Playing na kung saan ay

kukuha ng 3 hanggang 5 saknong

sa akdang Ang Higad At Ang

Paruparo para bigyan ng buhay.

- Maliwanag ba?

- Kung ganon, maari niyo nang


- Busog po ito sa kaalaman at ideya
ibilog ang inyong mga upuan. hindi lang po sa pakikipagkaibigan
pati na rin po sa tunay na buhay
halimbawa rito ang mga
desisyong kinakaharap po ntin sa
- Maaari bang pumunta ang buhay.

representante ng bawat grupo sa

harapan upang bumunot ng

envelop na aking hawak na may

lamang numiro kung sino ang

mauuna.

- Para sa inyong magiging

pamantayan:

Pagkamalikhain: 30%
Emosyon at Tindig: 30%%

Pagkakaisa: 30%

Katahimikan: 10% - Opo Ginoo

Kabuuan: 100%

- Mayroon lamang kayo ng


- (Bibilugin ang mga upuan
dalawampung minuto para sa
kasama ang mga kagrupo)
Gawain na ito. Anumang uri ng

ingay ay mababawasan sa inyong

puntos. Maliwanag ba? - (Pupunta ang mga

representante ng bawat grupo


- May katanungan?
sa harapan upang bumunot ng

envelop)
- Kung ganon ang inyong ay

magsisimula na.

- Natapos na ang inyong oras,

handa na ba ang unang pangkat

para ipakita ang kanilang

inihanda?

- Ayan pakinggan at panoorin


naman angUnang Pangkat

- Napakahusay naman ng unang


pangkat, bigyan natin sila ng angel
clap.

- Sa unang pangkat ay nakita natin

ang masayang pagsasama ng

dalawang mangkaibigan sa hardin

ng hardinero mababatid natin ang

saya sa bawat pagbigkas ng mga

linya sa kanilang muka at dahil - Opo

dyan bibgyan ko sila ng karapat - WalaPO

dapat na grado.

- (Magsisimula na ang bawat


- Ngayon naman ay dumako na tayo grupo)

sa ikalawang-pangkat, handa na ba

ikawwalang-pangkat?

- Ayan pakinggan at panoorin


- Opo Ginoo
nanatin ang ikalawang pangkat

- Isa lang masasabi ko mga anak ko - (Nagsimula na ang unang grupo,


Punong-puno ng puso ang
ang huhusay ninyo! kanilang reaksyon sa bawat
eksena)

- Bigyan ng isang malakas na


- (ANGEL CLAP CLAP CLAP)
bagsak angIkawalang- Pangkat

- Sa puntong ito makikita natin ang

pagtatalo ni Diwa at Mago sa


- Maraming salamat po Ginoo sa
usaping paruparo. Hati ang inyong positibong kumento
kanilang swesyon patungkol ditto.

- Ang ikalawang- Pangkat ay

mahusay pagdating sa pagbibigay

ng impormasyon ngunit dahil

siguro sa hiya at di maiwasang

tumawa ng iilan ngunit kahit

ganoon napabilib nyo pa rin ako - Opo Ginoo


dahil sa husay niyo pag dating sap

ag arte kaya’t narito ang inyong

puntos
(Nag tanghal na ang ikalawang pangkat at
- Ikatlong pangkat handa na ba? punong-puno ito ng mga pagtatalo ukol
sa pagiging paruparo ni mago at diwa)

- Iba talaga ang section na ito ang - (binigyan ng isang bagsak at


malakas na palakpak)
huhusay. Hindi na ko

magpapaligoy-ligoy pa napaka

galing niyo ikatlong- pangkat

- At ngayon ay dumako na tayo sa

panghulinng pangkat. Hnada na

ba?
- Maraming salamat po

- Hindi ako nagsisisi na hinawakan

ko sayo mga anak ko dahil sa

inyong husay ay napapawi ang

pagod na nararamdaman ko.

Napakagaling niyo ikaapat na

pangkat lahat kayo mahusay sa

aktibitad na ito

- Kung makikita niyo sa parting ito - Handang-handa na po!

ay nalaman di n imago ang tunay

na layunin nya kung bakit nagging - (Nagtanghal na ang ikatlong-


pamngkat. Puno ng iemosyon at
siyang isang higad. Ganon pa man galit ang bawat pagbitaw nila ng
salita sa bawat isa)
masaya ako dahil napaka husay ng

inyong ginawa palakpakan ninyo


- (Nagsigawan sa tuwa ang
ang inyong sarili
ikatlong-pangkat)
- May katanungan ba mga anak ko?

- Mahusay! Maraming Salamat..

- Handan a po
- Paglalagom
- Para sa paglalagom Marahil ang
buhay natin ay punong-puno ng
- (Nag tanghal na ang panghuling-
hirap at pasakit ngunit wag natin pangkat. Sa puntong ito binigay
ng huling pangkat ang kanilang
kakalimutan na mayroon tayong makakaya upang mabigyan ng
hustisya ang kanilang parting
isang layunin para mabuhay at yon nakuha)

ang gawin natin ang tama at

iwaksi ang kasamaan.

- Maliwanag ba klas?

- Ebalwasyon
- Maraming salamat. Ngayon ay

kumuha kayo ng isang malinis na

papil at gumawa kayo ng isang


- (Pumalakpak ng malakas ang
maikling kwento. buong klase)

- (Paglipas ng kalahating oras)

- Tapos na baa ng lahat? Kung

ganon ay magpasa na kayo

- Takdang Aralin

- Kunin ninyo ang inyong - Wala po Ginoo

kuwaderno para sa inyong takdang

aralin.

- Gumawa ngisang maikling kwento

na napatutungkol sap ag-ibig na


wagas ngunit natapos sa

kalungkutan

- Tayo na at tumayo para sa atinga

pangwakas na panalangin. Bb.

Manalang pangunahan mo.

- Magandang Araw!

- Maliwanag na maliwanag po!

- (Gumawa ng isang maikling


kwento ang buong klase)

- (Nagpasa na ang buong klase)


- (Magdadasal ang bawat isa)

- Magandang araw din, Ginoo.

You might also like