Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralang Lungsod
MATAAS NA PAARALANG CARLOS P. GARCIA
Jesus St., Pandacan, Maynila
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
ACTIVITY SHEET
Pangalan: ______________________ Baitang/Pangkat: ________________ Iskor: ________
Week No. 1-2
IKALAWANG MARKAHAN
Paksa: Ang Pakikipagkapwa
Batayang Konsepto:
Ang tao ay likas na panlipunang nilalang, kaya't nakikipag-ugnayan siya sa
kanyang kapwa upang malinang siya sa aspetong intelektuwal, panlipunan,
pangkabuhayan, at politikal.
Ang birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity) ay kailangan sa
pagpapatatag ng pakikipagkapwa.
Ang pagiging ganap niyang tao ay matatamo sa paglilingkod sa kapwa --
ang tunay na indikasyon ng pagmamahal.
Ang kapwa ay taong labas sa iyong sarili, maaaring iyong magulang, kamag,anak, kaibigan, kaklase, at
pati na rin kaaway (Agapay, 1991).
Ang Pakikipagkapwa ay pagtugon sa pangangailangan ng iba nang may paggalang at pagmamahal. Ang
konsepto ng Golden Rule ng paggamit ng Diyalogo,Pagkakaisa at komunikasyon at higit sa lahat ay matuto
tayo makisalamuha ,makisali sa samahan ng may pagmamahal at pakikisama.
Sa kabuoan, Ang Pakikipagkapwa ay tumutukoy sa pagkikipag-ugnayan sa iba na nag-uudyok upang
maglingkod sa kapuwa nang walang hinihintay na kapalit at nakahandang ibahagi ang sarili sa iba, ito din ay
pagpapakita ng pagmamalasakit at pagmamahal.
Ang paglilingkod sa kapuwa ay indikasyon ng pagmamahal. Ito’y ating maipakikita sa maraming paraan
ayon sa hinihingi ng pagkakataon. Sa araw-araw
na pakikisalamuha natin sa ating kapuwa, nakakarinig tayo ng mga kuwento ng pakikibaka na sa maliit na
paraan ay maari tayong makatulong.
Ang pagtukoy at pagkilala sa mga tao na itinuturing mong kapwa ang simula ng paglinang sa intelektwal,
panlipunan, pangkabuhayan, at politikal na aspekto ng iyong pagkatao.
Gawain 1: Paglinang
Graphic Organizer: Ang Pakikipagkapwa
Panuto: Gamit ang Graphiic Organizer sa ibaba, ipahayag ang nahihunuha mong batayang konsepto sa aralin.
Gawain 2: Pagyamanin
Aral na nakamit may gamit!
Panuto: Sa tulong ng talaan sa ibaba.Isulat ang mga taong nais mong paglingkuran at mga bagay na nais mong gawin
upang mapaunlad mo ang pakikipag-ugnayan sa kanila.
Pangalan Siya ay aking: Gagawin ko upang Petsa ng Petsa ng
mapaunlad ang Pagsasakatuparan Pagsasakatuparan
pakikipag-ugnayan ko
1.
2.
3.
4.
5.
MODYUL 5 -EsP8
MELCS# 5.1: Naisasagawa ng mag - aaral ang isang gawaing tutugon sa pangangailangan ng mga mag -aaral o
kabataan sa paaralan o pamayanan.
MELCS#5.2: Naisasagawa ng mag - aaral ang isang pangkatang gawaing tutugon sa pangangailangan ng mga mag -
aaral o kabataan sa paaralan o pamayanan.
MELCS #5.3:
Nahihinuha na:
a. Ang tao ay likas na panlipunang nilalang, kaya’t nakikipag - ugnayan siya sa kanyang kapwa upang malinang siya
sa aspektong intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan, at politikal.
b. Ang birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity) ay kailangan sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa .
c. Ang pagiging ganap niyang tao ay matatamo sa paglilingkod sa kapwa - ang tunay na indikasyon ng pagmamahal.
MELCS #5.4: Naisasagawa ang isang gawaing tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral o kabataan sa paaralan
o pamayanan sa aspektong intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan, o pulitikal
Sanggunian: Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Modyul para sa Mag-aaral, DepEd-BLR, Unang Edisyon 2013, pp 117-132