Liturgy Dedication of The Lateran Basilica
Liturgy Dedication of The Lateran Basilica
Liturgy Dedication of The Lateran Basilica
℟: At sumayo rin
Ang pari o sinumang angkop na tagapaglingkod ay makapagbibigay ng maikling paliwanag tungkol sa buod ng
Misang ipagdiriwang
Susunod na gaganapin ang pagsisisi sa kasalanan. Aanyayahan ng pari ang mga tao:
Mga Kapatid aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging marapat
gumanap sa banal na pagdiriwang
Magkakaroon ng saglit na katahimikan. Pagkatapos nito , lahat ay sabay-sabay na aamin sa nagawang kasalanan.
Isusunod ang mga pagluhog na ‘’ Panginoon, kaawaan mo kami,’’ maliban kapapag naganap na ito kaugnay ng
ibang paraan ng pagsisisi sa kasalanan:
℣: Manalangin tayo
PANGKAT PARA SA PAGTATALAGA NG BAHAY DALANGINAN SA
TAUNANG PAGGUNITA SA PAGTATALAGA
PALALANGING PAMBUNGAD
Ama naming makapangyarihan, taun-taon ay sinasariwa mo ang araw ng
pagkakatalaga ng bahay-dalanginang ito.
Dinggin mo ang mga panalangin ng iyong sambayanan at ipagkaloob
mong ikaw ay laging mapaglingkuran dito nang dalisay at sumaamin
nawa ang lubos na kaligtasan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
PANALANGIN PAKIKINABANG
Ama naming mapagmahal, taglayin nawa ng iyong banal na sambayanan
ang bunga at kasiyahang dulot ng pagpapala mong bigay upang ang
paglilingkod na aming ginaganap sa pagdiriwang na ito ay matutuhan
naming gampanan sa Espiritu at katotohanan sa pamamagitan ni
Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
PAGPAPALA SA WAKAS NG MISA
Ang Poong Maykapal ng langit at lupa na tumipon sa inyo sa pagtatalaga
ng tahanang ito sa ngalan niyang dakila ay maggawa nawa sa inyo ng
nag-uumapay niyang pagpapala ngayon at magpasawalang hanggan.
℟: Amen
℟: Salamat sa Diyos