0% found this document useful (0 votes)
236 views

Module 4

Uploaded by

Shelda Vicoy
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
236 views

Module 4

Uploaded by

Shelda Vicoy
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 21

4

Art
Ikalawang Markahan
Modyul 4: Geographical Location,
Practices, and Festivals of Different
Cultural Groups
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII, CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF SIQUIJOR

COPYRIGHT NOTICE

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the
Philippines. However, prior approval of the government agency of office wherein the
work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed through the initiative of the Curriculum
Implementation Division (CID) of the Department of Education – Siquijor Division.

It can be reproduced for educational purposes and the source must be clearly
acknowledged. The material may be modified for the purpose of translation into another
language but the original work must be acknowledged. Derivatives of the work including the
creation of an edited version, supplementary work or an enhancement of it are permitted
provided that the original work is acknowledged and the copyright is attributed. No work may
be derived from this material for commercial purposes and profit.

Borrowed materials (i.e. songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their
respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.

Published by the Department of Education

OIC-Schools Division Superintendent: Dr. Neri C. Ojastro


Assistant Schools Division Superintendent: Dr. Edmark Ian L. Cabio

Development Team of the Learning Module


Writer: Cyril B. Suan

Evaluators: Rogelio D. Lubguban Elizabeth C. Bucol Leila G. Canoy

Honeylene A. Dela Peña Gina Lynn A. Sumalpong Joseline M. Gom-os

Management Team: Dr. Marlou S. Maglinao


CID – Chief

Earl J. Aso
Education Program Supervisor ( MAPEH)

Edesa T. Calvadores
Education Program Supervisor (LRMS)

Printed in the Philippines by___________________________


Department of Education – Region VII, Central Visayas, Division of Siquijor
Office Address: Larena, Siquijor
Telephone No.: (035) 377-2034-2038
E-mail Address: [email protected]

4
Art

Ikalawang Markahan

Modyul 4: Geographical
Location, Practices, and
Festivals of Different Cultural
Groups
Paunang Salita
Ang modyul na ito ay inihanda upang masuportahan ang K to 12
Basic Education Program para masiguradong mapaunlad ninyo ang
kasanayang inaasahan sa inyo bilang mag-aaral.

Ito ay nagbibigay kaalaman tungkol sa paghahambing ng


geographical location, practices, and festivals sa iba’t-ibang pangkat-
kultural sa bansa.

Kabilang nito ang sumusunod na mga Gawain:

 Inaasahang Resulta ng Pag-aaral-Dito makikita ang


kinalalabasan ng pag-aaral na inaasahang makakamit ninyo
sa pagtatapos ng modyul na ito.
 Panimulang Pagtataya –Tinutukoy nito ang iyong naunang
kaalaman tungkol sa araling ibig mong matutunan.
 Pagtatalakay- Ito ay nagbibigay sa inyo ng mahalagang
kaalaman,prinsipyo, mabuting katangian at kaugalian na
tutulong sa inyo upang makamtan ninyo ang inaasahang
matutunan.

Sana sa pamamagitan ng iba’t-ibang mga Gawain sa Pagkatuto sa


modyul na ito, sana ay matutulungan kayong matugunan ang
kaalamang nais mo na may kasiyahan upang malinang at mapaunlad
ang iyong critical thinking skills.
Alamin
Pagkatapos ng araling ito inaasahang ang mag-aaral ay
makapag:

Compare the geographical location, practices, and festivals of


the different cultural groups in the country. (A4EL-IId)

Subukin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong kwaderno.

1. Anong pagdiriwang ang idinaraos sa Lungsod ng Baguio?


A. Maskara
B. Moriones
C. Pahiyas
D. Panagbenga

2. Sa pagguhit ng pagdiriwang tulad ng Panagbenga, Pahiyas, at


Masskara, ano anong mga kulay ang ginagamit ng isang pintor
upang maipakita ang masayang damdamin?
A. Itim, abo, at puti
B. Asul, berde, at lila
C. Berde at dilaw-berde
D. Pula, dilaw, at dalandan

3. Ano ang ibig sabihin ng salitang Panagbenga? Ito ay panahon


ng _______________?
A. pag-aani
B. pagtatanim
C. pamumulaklak
D. pamumunga

4. Ano ang tawag sa pista ng Lucban, Quezon?


A. Maskara
B. Moriones
C. Pahiyas
D. Panagbenga

1
5. Ano ang tawag sa padiriwang sa Cebu?
A. Kadayawan
B. Masskara
C. Moriones
D. Sinulog

6. Ano ang tawag sa pista sa Kalibo, Aklan?


A. Ati-atihan
B. Kaamulan
C. Panagbenga
D. Sinulog

7. Kung ikaw ay nakabisita o napadpad sa lugar na tinitirhan ng


mga pangkat-etniko, paano mo maipapakita ang respito at
pagpapahalaga sa kanila?
A. Gawing libangan ang kanilang kapaligiran.
B. Magmasid sa kanilang kultura at huwag pansinin ito.
C. Igalang ang kanilang kultura at maging sensitibo dito.
D. Gamitin ang kanilang kagamitan ayon sa sariling gusto.

8. Paano mo malalaman ang kaibahan ng Moriones at Sinulog?


Sa pamamagitan ng mga_______________.
A. gamit at palamuti sa katawan.
B. kanilang mga palabas sa karagatan.
C. pag-awit at pagsasayaw sa mga mall.
D. pagkaing nakahanda sa mga hapagkainan.

2
Balikan
Suriing mabuti ang larawan sa ibaba.

 Ano ang ginagawa ng mga tao sa larawan?


 Bakit kaya nila ito ginagawa?
 May alam pa ba kayong gumagawa ng ganito sa panahon
ngayon?
 Paano mo mapapahalagahan ang ganitong uri ng kultura?

Tuklasin
Tulad ng iyong nakitang larawan sa itaas na gumagawa ng
kaugalian na bahagi ng kanilang kultura, may mga pagdiriwang rin na
ginagawa hanggang ngayon ng iba,t-ibang pangkat kultural. Suriing
mabuti ang mga larawan sa ibaba.

3
- Anong pagdiriwang ang nasa larawan?
- Saan ito ginaganap?
- Bukod dito, may alam pa ba kayong ibang pagdiriwang o
pista/festival?
- Ano ano ang mga ito?

Suriin
Ang mga Pilipino ay sadyang masayahin. Nakakapagbuklod tayo
dahil sa mga selebrasyon at pagdiriwang tulad ng panahon ng
pagtatanim at pistang bayan. Ang mga tao ay sama-samang nagsasaya,
nagbabatian, at gumagawa upang maisakatuparan ang layunin ng
kanilang pagdiriwang.

Mga Pistang Bayan


Ang bawat lugar o bayan ay may kani-kanilang panahon ng
pista/festival. Ito ay parangal sa santong patron ng bayan at ginagawa
isang beses sa isang taon. Ang mahahalagang bahagi ng pagdiriwang
ay ang misa at prusisyon. Dito nagkakasama ang mga magkakaibigan at
magkakamag-anak. Lahat ay nagsasaya dahil sa mga palaro at
masasayang tugtugin ng mga musikong umiiikot sa buong bayan
habang ang iba naman ay nagsasalo-salo sa maganang pagkain.

4
Ati-atihan

Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero


kada taon sa Kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Niño. Nagpapahid
ng uling sa mukha sa katawan ang mga mananayaw, samantalang
patuloy ang ritmo ng tambol na waring nagsasagutan sa himig na “Hala,
Bira!” Makikilahok ang buong bayan sa pista, magbabahaginan ng
pagkain at inumin, at isang linggong malalango ang lansangan. Hinango
ang pista sa maalamat na pagtatagpo ng mga katutubo at ang mga
kristiyanong mananakop, at ang pagsamba sa Santo Niño na malimit
hinihingan ng milagro.

Sinulog

Alay ito sa Santo Niño at sa tuwing Sinulog Festival ay libo-libong


mga deboto ang tradisyunal na nagtutungo sa Cebu upang magbigay ng
pasasalamat at magdasal. At sa mga turista ay kasiyahan naman ang
naghihintay sa kanilang pagdating at tipong Rio Carnival at mardigras
ang tema ng Sinulog Festival.
5
Pahiyas

Ang pahiyas festival ay isang makulay at magarbong selebrasyon


bilang pagdakila kay San Isidro Labrador, ang patron saint ng mga
magsasaka, bilang pasasalamat sa masaganang anihan. Bawat bahay
sa tabi ng kalsada sa Lucban ay nilalagyan ng palamuti gamit ang mga
ibang naani ng magsasaka. At ang pinakahighlight ng pistang ito ay
tinatawag na “kiping”. Ito ay wafer na gawa sa bigas na may iba’t-ibang
kulay. Ang mga Lucbanos ay may mga sari-sariling disenyo kada taon at
dito nila naipapakita ang kanilang talento sa pagiging artistiko sa
pagpapalamuti sa kanilang mga bahay.

Moriones

Ang Pista ng Moriones ang isa sa pinakamakulay na pagdiriwanag


sa pulo ng Marinduque. Ang Morion ay nangangahulugan na “maskara”
na parte ng armor ng Romano na ipinapantakip ng mukha noong
panahong Medyibal.
6
Ang Moriones ay ang mga taong naksuot ng maskara at
nakagayak, na nagmamartsa paikot sa bayan, sa loob ng pitong araw sa
paghahanap kay Longhino. Ang isang linggong pagdiriwang na ito ay
nagsisimula sa Araw ng Lunes Santo at nagtatapos sa pasko ng
pagkabuhay.

Panagbenga

Ang Pistang Panagbenga o ang Baguio Flower Festival ay ang


taunang kapistahan sa Lungsod ng Baguio na idinaraos sa buong
buwan ng Pebrero. Ipinagmalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak
sa Baguio gayundin ang mayamang kultura nila kung kaya ito ay
dinarayo taon-taon ng mga turista.
Ang salitang panagbenga ay may kahulugang, “panahon ng
pagyabong, panahon ng pamumulaklak”. Sa selebrasyong ito makikita
ang mag magagarbong kaayusan ng mga bulaklak, sayawan sa kalye,
eksibit ng mga bulaklak, paglibot sa hardin, paligsahan ng pag-aayos ng
bulaklak, maningning na pagsabog ng mga paputok, at iba pa.

7
Kadayawan

Ang Pista ng Kadayawan sa Davao ay isang linggong selebrasyon


ng pasasalamat para sa masaganang ani. Ito ay ipinagdiriwang tuwing
ikatlong linggo ng Agosto sa Lungsod ng Davao. Ang salitang
“Kadayawan” ay nagmula sa katutubong salitang “dayaw” na ang ibig
sabihin ay “madayaw”, isang ekspresyon na ginagamit din upang
ipaliwanag ang mga bagay na mahalaga, maganda, mabuti, at kapaki-
pakinabang. Sa Mandaya, ito ay tumutukoy sa isang magandang bagay
na nagdadala ng suwerte.

Peñafrancia

Nagsimula ang pagdiriwang ng PeñaFrancia Festival tuwing


ikatlong Sabado ng Seyembre sa lalawigan ng Naga, Bicol. Ang festival
ay ang pinakamalaking pista ng Marian sa buong bansa. Tinagurian din
itong isa sa nangungunang festival ng pinagsamang relihiyon, kultura at
tradisyon na siyam na araw na pagdiriwang. Kasama sa selebrasyong

8
ito ang mga parada, iba’t-ibang isports, trade fairs at pagtatanghal,
karera ng mga bangka, tanghalang pangkultura, timpalak
pangkagandahan, at iba pang nakakasiglang kompetisyon.
Masskara

Ang Masskara Festival ay ipinagdiriwang sa Bacolod tuwing


Oktobre. Kilala itong isa sa pinakamakulay na pagdiriwang sa buong
Pilipinas. Ang mga kalahok sa pagdiriwang na ito ay nagsusuot ng
makukulay na maskara. Nakangiti ang mga nasasabing masskara na
sumisimbolo ng ugali at pagkakilanlan sa mga residente ng Bacolod
bilang lungsod ng mga ngiti. Ang masskara ay mayroong dalawang
kahulugan. Una, ito ay result ang pinagsamang ingles na “mass” na ang
ibig sabihin ay “marami” at Espanyol na na salitang “kara” na ang ibig
sagihin ay “mukha”.

Lechon

Ang parada ng mga lechon ay itinanghal tuwing ika-24 ng Hunyo,


taon-taon sa Balayan, Batangas. Ang parada ay upang ipagdiriwang ang
pista ni San Juan de Bautista, ang patron ng mga taga Balayan, sa
pamamagitan ng pagbibihis sa mga letsong baboy at pagpaparada nito
sa buong bayan.
9
Kaamulan

Ang Kaamulan Festival ay isang pagdiriwang na ginaganap sa


lalawigan ng Bukinon tuwing ika-3 hanggang ika-7 ng Marso. Ang
salitang “kaamulan” ay nagmula sa salitang Binukid na “amul”, na
nangangahulugang “tipunin”. Isa itong makabuluhang pagtitipon ng mga
kasapi ng tribu sa Bukidnon. Maaari itong maging isang ritwal sa
pagiging datu, isang seremonya sa kasal, isang pagdiriwang ng
pasasalamat tuwing panahon ng ani, isang kasunduan sa kapayapaan o
lahat ng mga ito.

Pagyamanin
Panuto: Anong pagdiriwang ang tinutukoy sa mga larawan sa ibaba?
Isulat ang iyong sagot sa kuwadeno.

1.

10
2.

3.

4.

Isaisip
Natutunan ko na :
 Ang bawat lugar o bayan ay may kani-kanilang panahon
ng pista. Ito ay parangal sa santong patron ng bayan at
ginagawa isang beses sa isang taon. Ang mahahalagang
bahagi ng pagdiriwang ay ang misa at prusisyon. Dito
nagkakasama ang mga magkakaibigan at magkakamag-
11
anak. Lahat ay nagsasaya dahil sa mga palaro at
masasayang tugtugin ng mga musikong umiiikot sa buong
bayan habang ang iba naman ay nagsasalo-salo sa
maganang pagkain.
 Naipapakita ang damdamin ng isang tao sa pamamagitan
ng paggamit ng kulay. Ang mga kulay tulad ng dilaw,
kahel, pula at iba pang kulay ay ginagamit sa mga
masasayang pagdiriwang o selebrasyon tulad ng pista.

Isagawa
Panuto: Paghambingin ang dalawang pagdiriwang na nasa larawan
sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

Rubriks:
Krayterya Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula
4 3 2 1
1.Nilalaman
2. Presentasyon
3. Organisasyon
4.Baybay ng mga
salita, grammar,
capitalization,
pagbabantas, at gawi
ng pagkasulat
12

Tayahin
A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Piliin
ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa
kwaderno.
1. Sa pagguhit ng pagdiriwang tulad ng Panagbenga, Pahiyas, at
Masskara, ano anong mga kulay ang ginagamit ng isang pintor
upang maipakita ang masayang damdamin?
A. Itim, abo, at puti
B. Asul, berde, at lila
C. Berde at dilaw-berde
D. Pula, dilaw, at dalandan

2. Ano ang tawag sa pista sa Kalibo, Aklan?


A. Ati-atihan
B. Kaamulan
C. Panagbenga
D. Sinulog

3. Anong pagdiriwang ang idnaraos sa Lungsod ng Baguio?


A. Masskara
B. Moriones
C. Pahiyas
D. Panagbenga

4. Paano mo maipapakita ang respito atpagpapahalaga sa kanila


kung nakabisita ka o napadpad sa lugar natinitirhan ng mga
pangkat-etniko?

A. Gawing libangan ang kanilang kapaligiran.


B. Magmasid sa kanilang kultura at huwag pansinin ito.
C. Igalang ang kanilang kultura at maging sensitibo dito.
D. Gamitin ang kanilang kagamitan ayon sa sariling gusto.
13

A. Panuto: Paghambingin ang mga larawan sa ibaba. (4 na puntos)

Rubriks:
Krayterya Napakahusay Mahusay Nalilinan Nagsisim
4 3 g ula
2 1
1.Nilalaman
2. Presentasyon
3. Organisasyon
4.Baybay ng mga
salita, grammar,
capitalization,
pagbabantas, at gawi
ng pagkasulat
14
Talasanggunian

Cynthia Montañez; Ma. Teresa Caringal; adulfo Amit;


Benjamin Castro; Emely Maninang; Joan D. Sadoval (2015), Musika at
Sining 4 (Kagamitan ng Mag-aaral), Book Media Press, Inc. Pasig City

Cynthia Montañez; Ma. Teresa Caringal; adulfo Amit; Benjamin


Castro; Emely Maninang; Joan D. Sadoval (2015), Musika at Sining 4
(Patnubay ng Guro), Book Media Press, Inc. Pasig City

www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-4-learners...

www.slideshare.net/lhoralight/arts-50204613

www.slideshare.net › mga-festivals-n...

Prepared by: CYRIL B. SUAN


Tagmanocan ES
15

Pre-test:

1. D
2. D
3. C
4. C
5. D
6. A
7. C
8. A

PAGYAMANIN

1. Lechon festival
2. Sinulog festival
3. Kaamulan festival
4. Moriones festival

TAYAHIN:
A.
1. D
2. A
3. D
4. C

B. Rubriks:
Krayterya Napakahusay Mahusay Nalilinan Nagsisim
4 3 g ula
2 1
1.Nilalaman
2. Presentasyon
3. Organisasyon
4.Baybay ng mga
salita, grammar,
capitalization,
pagbabantas, at gawi
ng pagkasulat
16

You might also like