Wants and Needs

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Northeastern Mindanao Academy

“The School that Trains for Life”

P-10, Los Angeles, Butuan City

Statement of Vision
EKONOMIKS
Northeastern Mindanao Academy has
greatly envisioned to transform the students,
ARALING PANLIPUNAN into exemplary citizens and leaders by
providing them with physical, mental, social,
and spiritual trainings.

Statement of Mission

9
By making Christ the Bedrock of
education, Northeastern Mindanao Academy
is committed to prepare the students for
higher academic pursuits by consistently
providing enhanced learning experiences that
will promote the maximum development of the
mind, body, and soul. To inspire them in
Unang Kuwarter gaining the highest possible capacity for
usefulness and service in the life that now is
and in the life of the better world.

Statement of Philosophy

Northeastern Mindanao Academy


conforms to the Seventh-day Adventist belief
that the students are God’s heritage and their
teachers as His servants. Their school in all
level adheres the commission to educate the
young for a true knowledge of God and
experience His companionship in study and
service. To put in effect the Divine Plan “To
restore in man the image of God”

Name of Learner:__________________________
LYNDILOU G. CASINILLO
Grade Level:______________________________
TEACHER
Section:__________________________________
09262563569/09302384074
Address:_________________________________
[email protected]
Date:____________________________________
MODYUL 2
PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN

INTRODUKSYON
Bawat tao ay humaharap sa iba’t ibang sitwasyon sa araw-araw. Kalimitan, magkakaiba ang
kanilang mga karanasan ayon sa kanilang mga kagustuhan at pangangailangan. Ang kanilang
pagtugon ay batay sa kanilang interes at preperensiya o pinipili.
Sa kabila nito, hindi maikakaila na kaalinsabay ng pagtugon sa mga pangangailangan at
kagustuhan ay nahaharap sila sa suliranin na dulot ng kakapusan ng pinagkukunang-yaman.

Ang modyul na ito ay naglalayong maipamalas mo bilang mag-aaral ang iyong pag-unawa sa
mga pangunahing konsepto ng ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-
araw na pamumuhay. Layunin din nitong maisabuhay mo ang mga pangunahing konsepto ng
ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.

PAGGANYAK
We humans always want more. Sometimes we ruin what we
already have by searching for something we don’t need.
Unknown
“People are motivated to achieve certain needs. When
one need is fulfilled a person seeks to fulfil the next
one, and so on.” -Maslow (1943

Sa pagtatapos ng aralin na ito ay inaasahang makakamit ang mga sumusunod na


kakayahan:

A. Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan (wants) sa pangangailangan (needs) bilang


batayan sa pagbuo ng matalinong desisyon
B. Nailalarawan ang ugnayan ng personal na pangangailangan at kagustuhan sa suliranin
ng kakapusan
C. Nasusuri ang herarkiya ng pangangailangan
D. Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan (wants) sa pangangailangan (needs) bilang
batayan sa pagbuo ng matalinong desisyon
E. Nasusuri ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa pangangailangan at kagustuhan

Gawain 1: Pag-isipan Mo!


A. Isa-isahin ang mga produkto at serbisyo sa ibaba. Tukuyin kung ang bawat produkto o
serbisyo ay PANGANGAILANGA o KAGUSTUHAN. Isulat sa bawat kahon ang kani-
kaniyang pagkakauri.

Tinapay School Uniformkompyuter tablet libro


Foot spa Kotse Skateboard tsinelas bahay
Softdrinks aircon Prutas Cellphone sapatos

PANGANGAILANGAN KAGUSTUHAN

1. Ano ang iyong batayan para matukoy ang mga produkto o serbisyo ayon sa kanilang
pagkakauri?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Ano ang iyong pagkakaunawa sa mga terminong “pangangailangan” at “kagustuhan”
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, alin sa dalawa ang dapat na higit na isaalang-alang?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Sa pagsasanay na ito,dapat maisip mo kung alin sa mga produkto at serbisyo ang higit na
mahalaga at dapat mabigyan ng pansin. Mahalaga na maunawaan mo rin ang pagkakaiba ng
pangangailangan at ng kagustuhan upang mapaghandaan at mapagpasyahan kung alin sa mga
produkto at serbisyo ang mas unahin.

PAGTALAKAY

Hindi natin maipagkakaila na araw-araw ay mayroon tayong binibli. Ito ay maaaring


pangangailangan at maaari ding isang bagay na kagustuhan lamang. Bago bumili ng isang
produkto, iniisip mo ba kung ito ay talagang iyong mapakikinabangan o isang luho o udyok
lamang ng iyong pagkahilig? Sa katulad mo na isang mag-aaral, mahalaga na usisain ang mga
bagay na binibili at tanungin ang sarli kung ito ay isang pangangailangan o kagustuhan lamang.
Mahalaga na maunawaan natin ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan. Maaari na
ang iyong pangangailngan ay pangangailngan din ng marami sa lipunan. Ito ay ang dapat
pinagtutuunan at inaalam ng bawat indibidwal, bahay-kalakal, pamahalaan,at ng iba’t ibang
sektor sa lipunan upang matugunan ang kakapusan.
Pangangailangan at Kagustuhan: Ano ang Pagkakaiba Nito?

Sa mga nakaraang mga aralin,naunawaan natin ang


kakapusan sa pinagkukunang yaman na problema ng
bawat bansa. Dahil dito, dapat nating maunawaan at Ano ang kaugnayan
matugunan ang mga pangunahing katanungang pang- ng pangangailangan
ekonomiya at malaman kung alin sa mga salik ng yaman at kagustuhan sa
ang pangangailangan at kagustuhan ng lipunan upang
kakapusan?
makagawa ng tamang produkto at serbisyo. Upang
magkaroon ng matalinong pagpapasya sa paggawa ng
produkto at serbisyo, mahalaga na malaman natin ang
pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan.

Ako bilang Estudyante


Ang pangangailangan ay mga bagay na kailangan natin upang mabuhay sa araw-araw. Ang
ilang halimbawa nito ay pagkain, tirahan, at damit. Hindi tayo mabubuhay kung wala ang mga
bagay na ito.
Samantala, ang mga kagustuhan ay mga bagay na hindi nakaaapekto sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Ang mga pangangailangan ng tao ay masusing pinag-aralan ng sikologo o
psychologist na si Abraham H. Maslow sa pamamagitan ng obserbasyon. Ang kaniyang libro na
“A Theory of Human Motivation” ay nailimbag noong 1943. Ipinaliwanag niya sa akdang ito na
dapat matugunan at masiyahan muna ang unang baiting o lebel ng herarkiya ng
pangangailangan ng tao hanggang ito ay umakyat sa pinakamataas na antas. Ito ay ipinakikita
sa pyramid o tagilo ng herarkiya ng pangangailangan.
Herarkiya ng Pangangailangan
Bawat tao ay may iba’t ibang pangangailangan at kagustuhan sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Ang mga pangangailangan ng tao ay masusing pinag-aralan ng sikologo o
psychologist na si Abraham H. Maslow sa pamamagitan ng obserbasyon. Ang kaniyang libro na
“A Theory of Human Motivaton” ay nailimbag noong 1943. Ipinaliwanag niya sa akdang ito na
dapat matugunan at masiyahan muna ang unang baiting o lebel ng herarkiya ng
pangangailangan. Habang napupunan ng kasiyahan ang unang antas ay lalong tumataas ang
pangangailangan ng tao hanggang ito ay umakyat sa pinakamataas na antas. Ito ay ipinakikita
sa pyramid o tagilo ng herarkiya ng pangangailangan.
Sino si Abraham H. Maslow?
Siya ay isang Amerikanong sikologo na ipinanganak
noong Abril 1, 1908.Siya ay nagging propesor sa ibat
ibang kolehiyo at Unibersidad. Nailimbag niya ang
isa sa marami niyang manuskrito at teorya katulad
ng Review of General Psychology, Journal of Humanistic
Psychology, at Motivation and Personality.
Gayunpaman, higit na nakilala si Maslow sa
kaniyang teorya na Hierarchy of Needs o Herarkiya
ng Pangangailangan.
Mga antas ng Herarkiya ng Pangangailangan
1. Pisyolohikal – ito ang unang antas ng pangangailangan na kinabibilangan ng mga
bagay na kailangan ngating katawan upang mabuhay. Ito ay maaaring makamit kung
ang tao ay may pagkain, kasuotan, tirahan, tubig, at hangin.
2. Pangkaligtasan – kapag natugunan ang unang antas ng pangangailangan, maaari
nang tumaas ang pangangailangan ng tao sa antas na pangkaligtasan. Marami ang
nagnanais na ang kapaligiran ay may kaayusan, katahimikan,
kasaganahan,kabuhayan,at kapayapaan.
3. Pakikisalamuha o Pakikisama – ang tao ay hindi lamang nangangailangan ng maeryal
na bagay,kundi kailangan din niya ng pagmamahal, pakikisalamuha, at pakikibagay sa
ibat ibang uri ng tao. Gayundin ang makisapi sa ano mang organisasyon, magkaroon ng
kaibigan at matatag na pamilya, at makipag-ugnayan sa kapwa. Sapagkat ang tao ay
hindi kayang tugunan ang kaniyang pangangailangan kung siya ay nag-iisa lamang,
importante sa tao ang may maganda at matatag na relasyon sa kapwa at sa kahit
sinong miyembro o ano mang sektor ng lipunan.
4. Pagpapahalaga – lahat ng tao ay naghahangad ng respeto. Minimithi ng tao na
maramdaman ang kahalagahan niya sa lipunan. Ito ay ang mataas na pagtingin ng
lipunan sa tao o dignidad. Hinahangad din ng tao na magkaroon ng malaking pagtitiwala
sa sarili at magkaroon ng paninindigan. Ang ibig sabihin nito ay mataas ang
pagpapahalaga niya sa kaniyang sarili.
5. Pagkatao – kung napupunanan ng tao ang mga pangngailangang nasa ibabang antas,
maaari na niyang marating, magawa, at makamit pa ang mas mataas na antas. Ang
pagkatao ay ang pinakamataas na antas sa herarkiya ng pangangailangan ng tao. Ito
ang pagkamit ng mataas na pangarap o ambisyon sa buhay. Ito ay maaaring binubuo ng
mga pangarap na nararanasan nang walang pangamba o takot dahil nagtiwala at
naniniwala ang isang tao sa kaniyang sariling kakayahan. Ito ay isang paniniwala na
kaya niyang malampasan ang kahit anong unos na maaaring dumating. Nararapat din
na magkaroon ng positibong pag-iisip at tapat na pag-uugali.

Batay sa teorya ni Maslow, malahagang maunawaan natin ang pangangailangan ng tao


para sa matalinong pagpapasya sa pang-araw-araw na pamumuhay upang makatulong
sa mga suliranin ng lipunan. Kung ang bawat antas ay may kakulangan at kakapusan sa
pangangailangan ng tao, ito ay maaaring magdulot ng malaking suliranin sa bawat antas
katulad ng pagkagutom, kaguluhan, kapabayaan, panghihina ng loob, at pangamba.

Mga Salik na Nakaiimpluwensiya sa Pangangailangan at Kagustuhan

Edad – ang pangangailangan at kagustuhan ay nagbabago ayon sa edad ng tao. Ang


mga kabataan ay nasisiyahang kumain basta’t naaayon ito sa kaniyang panlasa. Ngunit
sa pagtanda ng tao, kailangan na niyang piliin ang kaniyang maaaring kainin upang
manatiling malusog ang pangangatawan.

Antas ng Edukasyon. Ang pangangailangan ng tao ay may pagkakaiba rin batay sa


antas ng pinag-aralan. Ang taong may mataas na pinag-aralan ay karaniwang mas
malaki ang posibilidad na maging mas mapanuri sa kanyang pangangailangan at
kagustuhan.

Katayuan sa Lipunan. Ang katayuan ng tao sa kaniyang pamayanan at


pinagtatrabahuhan ay nakakaapekto rin sa kaniyang pangangailangan at kagustuhan.
Maaaring ang taong nasa mataas na posisyon sa kaniyang trabaho ay maghangad ng
sasakyan sapagkat malaki ang maitutulong nito upang lalo siyang maging produktibo sa
kaniyang mga obligasyon at gawain.

Panlasa. Isa pa sa mga salik na nakapagpapabago sa mga pangangailangan ay ang


panlasa. Ang panlasa sa istilo ng pananamit at gupit ng buhok ng mga kabataan ay
ibang-iba sa istilo ng mga nakatatanda.

Kita. Malaki ang kinalaman ng kita sa pagtugon ng tao sa kaniyang pangangailangan at


kagustuhan. Kapag maliit ang kita ng tao, malimit na nagkakasya na lamang siya sa
mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit, at pagkakaroon ng bahay.
Samantala, naghahangad ng malalaki at modernong bahay ang mga taong may
malaking kita. Kung mas malaki ang kita mas madalas na malaki rin ang konsumo, hindi
lamang sa pagkain kundi sa mga bagay na itinuturing na kagustuhan.
Kapaligiran at Klima. Ang kapaligirang pisikal ay nakaaapekto sa pangangailangan ng
tao. Kung malapit sa dagat ang isang lugar, kalimitan ng hanapbuhay ng mga tao rito ay
pangingisda, kaya malaki ang pangangailangan sa mga produktong pangisda. Kung
malamig naman ang lugar ay maaaring maghangad ang tao ng mga produktong
makatutulong upang malabanan ang matinding lamig, tulad ng heater. Samantala ang
electric fan, aircondition unit, at iba pang mga kahalintulad nito ang pangangailangan sa
lugar na may mainit na klima.

Gawain 2: Anu ang masabi mo?

A. Basahing mabuti ang bawat pangungusap at isulat sa patlang na nakalaan ang


letrang P kung ito ay pangangailangan at letrang K naman kung ito ay kagustuhan.
_______________1. Ang doktor ay may cellphone.
_______________2. Si Germs ay umorder ng pizza at softdrinks.
______________3. Pagkatapos kumain, dapat maglaro ng video games.
______________4. Kumain ng gulay at isda.
______________5. Bumili ng sapatos tuwing may sale sa mall.
______________6. May washing machine at refrigerator si Prew sa bahay.
______________7. Mamahalin ang kwaderno na ginagamit ni Glenn na mula pa sa ibang
bansa.
______________8. Madalas may dalang inuming tubig sa paaralan si Ben.
______________9. Mahalagang magpatingin ng regular sa doktor.
______________10.Kailangan ni Angela Brown malaking pera upang mabili ang lahat ng
kaniyang luho.

Gawain 3: Ako bilang isang nilalang!


B. Isulat ang pagkakasunod –sunod ng bawat antas ng herarkiya ng
pangangailangan ayon kay Abraham Maslow sa loob ng tatsulok.
Magbigay ng positibo at negatibong katangian o maaaring
sitwasyon ng isang tawo sa bawat antas ng herarkiya ng pangangailngan. Isulat ang
mga positibong katangian sa kolum na Positibo, at isulat ang negatibong katangian
sa kolum ng Negatibo.

Positibo Negatibo

Gawain 4: Think and share!


Unawaing mabuti ang kuwento ng isang mag-aaral tungkol sa kaniyang mga
pangangailangan sa paaralan. Piliing mabuti ang karapat-dapat na sagot sa pagbuo ng
isang desisyon. Ipakita mo sa iyong kaklase ang iyong sagot. Ihambing ang inyong mga
sagot sa isat-isa. Pareho ba kayo ng sagot? Kung hindi magpalitan kayo ng inyong
kuro-kuro kung bakit hindi pareho ang inyong sagot. Alamin ang mga kadahilanan.
Si Dom ay nasa ika-9 na baitang na sa susunod na taon ng paaralan. Hiniling niya sa
kaniyang mga magulang na ibili siya ng mga gamit para sa darating na pasukan. Subalit
nang nakita ng mga ito ang mga bagay sa listahan ay malungkot na sinasabi na hindi
nila kayang bilhin ang lahat ng nasa listahan. Tinanong siya kung alin sa mga nasulat na
bagay ang higit na kailangan sa kaniyang pag-aaral. Kung ikaw si Dom, alin sa mga
bagay ang dapat bilhin na sa iyong palagay ay higit na makakatulong sa iyong pag-
aaral?
Lagyan ng ( ⁄ ) ang kung sa iyong palagay ito ay isang pangangailangan sa paaralan.
Laptop tablet
Sapatos bisikleta
Cellphone aklat-sulatan
Aklat bolpen
Uniporme Relo
tsinelas

Gawain 5:
A. Magbigay ng iyong limang personal na pangangailangan at kagustuhan bilang isang
mag-aaral.

Pangangailangan Kagustuhan
1.

2.

3.

4.

5.

Gawain 6:

B. Paano mo maiugnay ang personal mong pangangailangan sa herarkiya ng


Pangangailangan at sa pagtugon sa suliranin ng kakapusan?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

RUBRIK SA REPLEKSYON

Kriterya 4 3 2 1
Pagkakaunawa Ang kaalaman Maliwanag na Hindi gaanong Hindi
sa konsepto sa konsepto ay nauunawaan maliwanag at naipaliliwanag
maliwanag na ng mag aaral, hindi gaanong ng mag-aaral,
nailalahad at subalit may naipaliwanag at hindi
naiuugnay ng kulang sa ang konsepto. angkop sa
mag-aaral. detalye sa paksa, at
paksang kulang ang
aralin. pag-uugnay
Organisasyon Maayos at Organisado Hindi Magulo ang
organisado ang ang paksa masyadong presentasyon
pagpapaliwanag ngunit hindi naipaliliwanag in ideya ng
ng mag-aaral. mabuting ang paksa at mag-aaral.
naipaliwanag kulang sa
ng mag-aaral detalye

SANGUNIAN:
Alejandria, Beverly A., Alab: Araling Panlipunan, Ekonomiks, The
Inteligente Publishing, Inc.Quezon city, 2017
Miguel, Sofia Marie S., Sinag: Serye ng Araling Panlipunan, Ekonomiks,
Sunshne Interlinks, Publishing house, Inc.Quezon City, Phils.
https://philnews.ph/2019/07/09/ang-konsepto-ng-pangangailangan-at-
kagustuhan/
https://sites.google.com/site/kahuluganngekonomiks/services/teorya-ng-
pangangailangan-ni-maslow
https://sites.google.com/site/kahuluganngekonomiks/services/mga-salik-na-
nakaiimpluwensiya-sa-pangangailangan-at-kagustuhan

Prepared by:
Ms. Lyndilou G. Casinillo
Subject Teacher

For inquiry, just contact me through this cell phone number –


09302384074/09262563569 – or message me in my FB account – lyn gozo -
fronteras casinillo

You might also like