Filipino: Modyul NG Mag-Aaral Sa Filipino Ikaapat Na Kuwarter Modyul 1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Bayugan 3, Rosario, Agusan del Sur

School ID: 405939

Pangalan: ____________________________________Iskor: __________________________


Baitang at Seksyon: __________________________________________________________
Pangalan ng Guro: Wella E. Espinas Numero ng Guro: 09071509430
Pangalan ng Guro: Wilmark P. Balicog Numero ng Guro: 09386343591
(For Section Mercury)

FILIPINO 8 Modyul ng Mag-aaral sa Filipino


Ikaapat na Kuwarter
Modyul 1

Pangkalahatang Panuto: Inaasahan na matatapos mo ang gawain sa Self-


Learning Materials (SLM) sa loob lamang ng dalawang Linggo. Huwag
kaligtaang sagutan ang mga inihandang gawain. Kung may katanungan
tawagan lamang ang numero ng guro na nasa ibabaw. Maraming salamat at
nawa’y patnubayan ka ng Poong Maykapal.
Kagamitan sa Pagkatuto ng Asignaturang Filipino (Baitang 8) Quarter 4 (Week 1-2)

KALIGIRANG
ARALIN 1: PANGKASAYSAYAN NG
FLORANTE AT LAURA

I. Pangkalahatang Layunin:
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng isang makatotohanang radio broadcasting.

Pangwakas na Gawain:

Different ways of learning have been normalized nowadays to the point that these
multiple strategies of learning leaves doubt to the parents about its effectivity.
The network head tasked your team to deliver a news article concerning the
students’ opinion about academics in this time of pandemic focusing only the
online learning where you highlight the pros and cons of it to help the parents
gain some point of views from the actual students. With this, you will gather
information from the schools that conduct online learning and report it on air both
television and radio.
Coincidentally, your team have an important matter to do in your news schedule
so you decided to record a video of you reporting your subject so that the technical
staff could just play it instead.
The following criteria should be your focus for your news report.
Rubrics:
Criteria 20 15 10 5
Signal words are Signal words are Signal words No use or
used correctly and used as taught are used mostly
range beyond what and some words although some incorrect use
is taught. Words are chosen effectively were used of signal
Signal Words
chosen effectively in but has no effect incorrectly. words.
constructing an in phrases in
opinionated text. constructing an
opinionated text.
Students uses a Students’ voice is Students’ voice Students
clear voice and clear and is low and mumble,
correct, precise pronounces most pronounces incorrectly
pronunciation of words correctly the words pronounces
Speaking/Oral terms without with minimal incorrectly. terms, and
Presentation mumbles nor mistakes. Other group speaks too
mistakes in members have softly and/or
memorizing the difficulty of almost
script. memorizing the inaudible.
script.
Students share more Students share at Students share Students
than 3 examples and least 3 examples 1 or 2 share little or
evidences to support and evidences to examples only no evidence
Details and the idea or opinion support their ideas and evidences at all nor
Evidence of their although not all. to support examples to
subject/topic. their topic. support their
subject/topic.

1
Philsaga High School Foundation, Inc.
Kagamitan sa Pagkatuto ng Asignaturang Filipino (Baitang 8) Quarter 4 (Week 1-2)

II. Paksa: Kaligirang Pangkasaysayan Ng Florante At Laura


III. Pamantayan sa Pagkatuto:

Code Pamantayan sa Institutional SDG/Ambisyon 21st


Pagkatuto Goal/Core 2040 Century
Values Lifelong
Skills
F8PN- Nahihinuha ang Perseverance SDG #4 – Critical
IVa-b-33 kahalagahan ng pag- Quality Thinking
aaral ng Florante at Education
Laura batay sa
napakinggang mga
pahiwatig sa akda

F8PB- Natitiyak ang Persevarance SDG #4 – Critical


IVa-b-33 kaligirang Sincerity Quality Thinking
pangkasaysayan ng Education
akda sa pamamagitan
ng:
-pagtukoy sa
kalagayan ng lipunan
sa panahong nasulat
ito
- pagtukoy sa layunin
ng pagsulat ng akda
- pagsusuri sa epekto
ng akda pagkatapos
itong isulat

F8WG- Nabibigyang Achievement SDG #4 – Critical


IVa-b-35 kahulugan ang Quality Thinking
matatalinghagang Education
pahayag sa binasa

F8PN- Nailalahad ang Achievement SDG #4 – Critical


IVc-d-34 mahahalagang Quality Thinking
pangyayari sa Education
napakinggang aralin

F8PB- Nasusuri ang mga Perseverance SDG #4 – Critical


IVc-d-34 pangunahing kaisipan Quality Thinking
ng bawat kabanatang Education
binasa
2
Philsaga High School Foundation, Inc.
Kagamitan sa Pagkatuto ng Asignaturang Filipino (Baitang 8) Quarter 4 (Week 1-2)

F8PT- Nabibigyang- Achievement SDG #4 – Critical


IVc-d-34 kahulugan ang Quality Thinking
:matatalinghagang Education
ekspresyon,tayutay
simbolo

F8PU- Naisusulat sa isang Persevarance SDG #4 – Critical


IVc-d-36 monologo ang mga Achievement Quality Thinking
pansariling damdamin Education
tungkol sa: pagkapoot,
pagkatakot

IV. Mga Gawain:

GAWAIN 1: Kahulugan Mo, Natatalos Ko!


Panuto: Bilugan ang letra ng pinakamalapit na kahulugan ng mga initimang
salita. (5 Puntos)
1. Kinamulatan ni Francisco Balagtas ang panahon ng pananakop ng mga
Kastila.
a. Kinagisnan c. Kinatakutan
b. Kinamalayan d. Kinatandaan
2. Kinamkam ng mga dayuhan ang lupain ng mga katutubong Pilipino.
a. Hiningi c. Inagaw
b. Ipinamigay d. Binili
3. Napag-alab ng akdang “Florante at Laura” ang damdaming makabayan ng mga
Pilipino.
a. Napag-apoy c. Napayapa
b. Napagsindi d. Napasidhi
4. Pinatawan nila ng napakalaking buwis ang lupain ng mga karaniwang
magsasaka.
a. Pinarusahan c. Siningil
b. Dinagdagan d. Pinagbayad
5. Matatayog ang mga kaisipang ginamit ni Balagtas sa kanyang akda.
a. Matataas c. Mahihirap
b. Malalalim d. Matatangkad

3
Philsaga High School Foundation, Inc.
Kagamitan sa Pagkatuto ng Asignaturang Filipino (Baitang 8) Quarter 4 (Week 1-2)

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA

Isang tulang romansa ang “Florante at Laura.” Binubuo ito ng 399 na


saknong; may labindalawang pantig ang bawat taludtod; may apat na taludtod
ang bawat saknong at may tugma. Gumamit ito ng mga piling salita, simbolo,
tayutay, at iba’t ibang pahiwatig.

Isinulat ang akda noong daantaon nang pananakop ng mga dayuhang


Kastila ng Pilipinas. Ipinalimbag ng may akda ang “Florante at Laura” Nang
makalaya siya sa piitan noong 1838.

Kalagayan ng Lipunan sa Panahon ng Pagkakasulat

Napakahaba ng panahong sinakop ng mga kastila ang Pilipinas, mahigit na


tatlong daang taon. Pormal itong nagsimula noong 1565 at natapos noong 1898.
Sa haba ng panahong iyon, magkasanib ang kapangyarihan ng simbahang
Katoliko at ng pamahalaan sa pamamalakad sa Pilipinas.

Krus at Espada- Ginamit ng mga Kastila sa pananakot sa mga katutubo.

Pinairal nila sa bansa ang maling aral ng relihiyon at karanasan.


Magkasabwat ang pamahalaan at simbahan. Ang sinumang hindi susunod sa
among Kastila, tiyak na makakaranas ng kalupitan at kamatayan. Inangkin ng
mga mananakop ang mga malalawak na lupain. Pinatawan nila ng malalaking
buwis ang mga magsasaka hanggang isuko na ang mga ito sa pamahalaang
kastila. Tinakot nila ang mga Pilipinong nakaririwasa. Kinamkam ng mga prayle
ang kayamanan ng sambayanan. Pinagkaitan nila ng malayang edukasyon ang
sambayanan. Ang iilang mayayaman ay kinailangan pang mangibang-bayan
upang makapag-aral. Ang ilan ay nagsisikap na matuto sa kabila ng kahirapan
ngunit pinagbintangang mga rebelde. Pinagmalupitan at ginawa nilang alila ang
mahihirap. Ang kalalakihan ay pinagsaka ng lupa at ang mga kababaihan ay nasa
bahay lamang o kaya ay nagsilbi at inangkin ng simbahan. Ang sumalungat sa
kanilang kagustuhan ay parurusahan ng pamahalaan at ng simbahan.

Ang May-akda at ang Kanyang Layunin


Nakilala at inibig ni Kiko (Francisco Baltazar) si Maria Asuncion Rivera nang
nanirahan siya sa Pandacan, maynila. Ipinagpapalagay na ang dalagang ito rin
ang tinawag niyang Celia at pinaghandugan ng kaniyang dakilang akda. Naging
karibal niya kay Maria Asuncion si Mariano Capule, isang mayaman at
maimpluwensiyang tao nang panahong iyon. Nagawa niyang ipakulong si Kiko
upang mailayo sa dalaga. Habang nasa bilangguan, doon niya kinatha ang
“Florante at Laura.” Halos kahawig ng pangyayari sa kanyang buhay ang
isinalaysay niya sa kanyang obra maestra.
Isinulat ni Lope K. Santos, manunulat at Ama ng Balarilang Tagalog, ang
“Apat na Himagsik ni Francisco Balagtas” noong Abril 1955. 4
Philsaga High School Foundation, Inc.
Kagamitan sa Pagkatuto ng Asignaturang Filipino (Baitang 8) Quarter 4 (Week 1-2)

▪ Himagsik laban sa malupit na pamahalaan


▪ Himagsik laban sa hidwaang pananampalataya
▪ Himagsik laban sa maling kaugalian
▪ Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan.

Epekto ng Akda Pagkatapos Isulat ang Florante at Laura

Masasabing ang “Florante at Laura” ay nakaimpluwensiya sa iba pang


manunulat tulad nina Jose Rizal at Apolinario Mabini. Marahil nakaimpluwensiya
rin ito sa kanya nang isulat niya ang “Noli Me Tangere” at “ El Filibusterismo” na
may kapareho ring tema at paksa. Samantala, naisaulo raw ni Mabini ang akda
at naisulat ang bersiyon nito batay sa edisyon noong 1878.

Matatayog ang mga kaisipang kanyang ginamit, gayundin ang mga salita,
pahiwatig, at simbolo. Kahanga-hanga ang paraan ng kanyang paglalahad.
Kitang-kita na naging palabasa siya ng mga akdang klasiko. Marami sa mga
manunulat noon hanggang sa kasalukuyan ang naimpluwensiyahan ng kanyang
estilo ng pagpapahayag.

Kayamanan ng Panitikang Pilipino ang awit na “Florante at Laura.” Isang


kaban ito na punong-puno ng mga hiyas na huhubog sa pagkatao ng sinuman---
- bilang magulang, anak, mag-aaral, kaibigan, kasintahan, mamamayan, pinuno,
mandirigma, guro, at iba pa.

Kaunting Kaalaman

Wikang Kabataan- ang mga salita na ginagamit ng mga kabataan sa


kaslukuyang panahon. Sinasabi nga na ang wika ay dinamiko at ito ay
nagbabago sa paglipas ng panahon kung kaya’t marami ang mga wikang
umusbong sa kasalukuyan batay sa pangangailangan ng mga tao o indibidwal
na gumagamit nito sa ating modernong panahon. Halimbawa na lamang ang
pag-usbong ng mga salitang balbal, gay linggo at iba na dulot ng pag-unlad n
gating ekonimiya.

Halimbawa: petmalu, lodi, lispu, erpat, ermat, pabebe, at marami pang iba.

5
Philsaga High School Foundation, Inc.
Kagamitan sa Pagkatuto ng Asignaturang Filipino (Baitang 8) Quarter 4 (Week 1-2)

GAWAIN 2: Tama o Mali!


Panuto: Mula sa iyong nabasa sa Paglinang/ Pagpapatibay na bahagi ng modyul
suriin at isulat ang T kung tama ang nakasaad na pahayag at M kung
mali. (10 Puntos)

_____1. Ipinalimbag ng may akda ang “Florante at Laura” Nang makalaya siya sa
piitan noong 1838.
_____2. Krus at Espada ang ginamit ng mga Kastila sa pananakot sa mga
katutubo.
_____3. Kayamanan ng Panitikang Pilipino ang awit na “Florante at Laura.”
_____4. Isinulat ni Lope K. Santos, manunulat at Ama ng Balarilang Tagalog, ang
“Apat na Himagsik ni Francisco Balagtas” noong Abril 1955.
_____5. May sabwatan ang simbahan at pamahalaan sa pananakop sa bansa.
_____6. Relihiyon at karahasan ang namayani sa kanilang pananakop.
_____7. Ang akda ay isang tala ng kasaysayan ng pinagdaanan ng mga Pilipino.
_____8. Isinulat ang “Florante at Laura” noong daantaon nang pananakop ng
mga dayuhang kastila ng Pilipinas.
_____9. Matatayog ang mga kaisipang kanyang ginamit, gayundin ang mga
salita, pahiwatig, at simbolo.
_____10. Naging karibal ni Kiko kay Maria Asuncion si Marciano.
_______________________________________________________________________________

GAWAIN 3: Suriin Mo!

Panuto: Suriin ang matatalinghagang pahayag. Piliin lamang ang titik ng tamang
sagot sa pinakamalapit na pagpapakahulugan. Isulat sa patlang bago ang
bilang. (5 Puntos)
_____1. Sa haba ng panahong iyon, magkasanib ang simbahang Katoliko at ng
pamahalaan sa pamamalakad sa Pilipinas.
a. May sabwatan ang pamahalaan at simbahan sa pananakop sa bansa
b. Mas makapangyarihan ang simbahan kaysa sa pamahalaan.
c. Nangingibabaw ang kapangyarihan ng pamahalaan kaysa sa simbahan.
d. Nagkaisa ang simbahan at pamahalaan sa pamamahala sa bansa.
6
Philsaga High School Foundation, Inc.
Kagamitan sa Pagkatuto ng Asignaturang Filipino (Baitang 8) Quarter 4 (Week 1-2)

_____2. Ginamit ng mga Kastila ang krus at espada sa pananakop ng mga


katutubo.
a. Relihiyon at karahasan ang namayani sa kanilang pananakop.
b. Pananakot sa pamamagitan ng sandata ang ginamit sa pananakop.
c. Panunuyo at kalupitan ang ginamit nila sa pananakop.
d. Katotohanan at relihiyon ang naging daan ng kanilang pananakop.
_____3. Tapat at may mabuting kalooban ang sinumang may pananalig sa
Lumikha kahit na ano pa ang kanyang relihiyon.
a. Mahalaga ang pananalig para sa bawat taong nananampalataya.
b. Ano man ang relihiyon, ang katapatan at kabutihan ay mahalaga.
c. Hindi mahalaga ang katapatan kung may ibang relihiyon.
d. Ang pananalig ng tao ay nakabatay sa kanyang relihiyon.

_____4. Subalit napag-alab niya ang puso ng kanyang mga mambabasa dahil sa
nag-uumapaw niyang pagpapahayag ng damdamin sa kanayang akda.
a. Punong-puno ng paghihimagsik ang kanyang akda kaya ang lahat ng
bumasa ay naghimagsik din.
b. Naging mapusok ang mensahe ng kanyang isinulat kaya ganoon rin ang
naramdaman ng mga mambabasa.
c. Damang-dama ng mambabasa ang lahat dahil punong-puno ng iba’t
ibang damdamin ang kabuoan ng paglalahad.
d. Nagising sa katotothanan ang mambabasa na dapat nang kumilos at
maghimagsik laban sa mga kastila.
_____5. Isang napakahalagang baul itong nagtataglay itong nagtataglay ng
kasaysayan ng lumipas, katotohanan ng kasalukuyan, at ng pangarap
ng mithiin ng hinaharap ng lipunang Pilipino.
a. Ang akda ay isang tala ng kasaysayan ng pinagdaanan ng mga Pilipino
b. Mahalagang aklat ng kasalukuyan ang “Florante at Laura.”
c. Mababakas sa akda ang kahapon, ngayon, at bukas ng mga Pilipino.
d. Mabuting sanggunian ng kasaysayan ng bansa ang akda.
_______________________________________________________________________________

7
Philsaga High School Foundation, Inc.
Kagamitan sa Pagkatuto ng Asignaturang Filipino (Baitang 8) Quarter 4 (Week 1-2)

Panaghoy sa Gubat na
ARALIN 2: Mapanglaw, Mapagmahal, at
Mapanlilong Ama.
_______________________________________________________________________________

GAWAIN 1: Palagay Mo!

Panuto: Ipagpalagay na ikaw ay nasa gubat at nag-iisa. Anu-ano kaya ang


damdaming iyong mararamdaman? Pumili ng isang damdaming
mangingibabaw sayo. Ilagay ang ekspresyon ng damdaming ito sa loob
ng kahon na nasa ibaba. Gumamit ng anumang paraang naiisip mo para
ipahayag ang damdaming iyon. (5 Puntos)

Sino ang unang taong naiisip mo sa ganitong pagkakataon? Bakit siya?


Ipaliwanag sa loob ng 1-2 pangungusap.

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
8
Philsaga High School Foundation, Inc.
Kagamitan sa Pagkatuto ng Asignaturang Filipino (Baitang 8) Quarter 4 (Week 1-2)

Mapanglaw na Gubat
( Buod )

Sa isang madawag na gubat malapit sa kahariang Alberno, matatagpuan


ang isang mala Adonis na lalaki na nakatali sa malaking puno. Ang lalaki ay ay
ang mandirigmang si Florante ng kahariang Albanya. Makinis ang balat na halos
di nadapuan ng langaw ngunit ngayo’y hindi lamang ang katawan ang sugatan
kundi pati ang nagdurusang kalooban. Madilim at masukal ang kapaligiran at
halos hindi nasisikatan ng araw bunga ng malalagong dahon ng matitinik na
punong kahoy. Ang huni ng ibon ay kalunos-lunos at higit na nagpapanglaw ng
buong paligid. Maraming gumagalang hayop sa gubat tulad ng h’yena’t tigre at
maraming mga syerpe’t basilisko. Subalit hindi lamang ang nagbabantang
kamatayan ang labis na ipinagdaramdam ni Florante kundi ang kinahantungan
nga bayang Albanya na kanyang pinaglingkuran at maging ng kasintahang sa
Laura. Nilinlang siya ng mga pagtataksil at pagbabalatkayo.

PAGGAMIT NG TAYUTAY

1. ALUSYON- Sumasangguni ito sa kasaysayan, panitikan, politika, Bibliya at


iba pang aspekto ng buhay.
Halimbawa: Sa paglalarawan sa gubat, inihalintulad ito sa impyernong
pinaghaharian ni Pluto:
Ito’y gubat manding sa pinto’y malapit
Ng Abernong Reyno ni Plutong masungit.
2. METAPORA- Naghahambing ito ng dalawang magkaibang bagay sa tuwirang
paraan.
Halimbawa: Sa paglalarawan sa kagandahan ni Laura, nang banggitin ang
kanyang mga labi, itinulad ito sa isang rubi (ruby) na isang
mamahalin at pulang bato:
Hanggang sa di maligning ay idinarampi
Sa mga mukha ko ang rubi mong labi
3. SIMILI - Naghahambing ito ng dalawang magkaibang bagay sa di-tuwirang
paraan. Gumagamit ito ng mga salitang tulad ng, mistula, tila, kamukha ng,
anaki’y, at iba pang kauri nito.
Halimbawa: Sa paglalarawan sa kawa-awang kalagayan at anyo ng
binatang nakagapos, inihahalintulad siya sa isang patay:
Bangka’y na mistula’t ang kulay na burok
Ng kanyang mukha’y naging putting lubos.
9
Philsaga High School Foundation, Inc.
Kagamitan sa Pagkatuto ng Asignaturang Filipino (Baitang 8) Quarter 4 (Week 1-2)

4. APOSTROPE- Isa itong madamdaming pakikipag-usap o pagtawag sa isang


bagay o katauhang hindi kaharap.
Halimbawa: Dahil sa labis na damdamin ng pagkasawi at kawalang-
katarungan, tinawag ng binatang nakagapos ang kalangitan
upang humingi ng tulong:
Mahiganting langit! Bangis mo’y nasaan?

Kaunting Kaalaman

Monologo- Isang uri ng pagsasadulang pampanitikan ang monologo.


Ginagampanan ito ng iisang tao lamang. Nagsasalita ang nagmomonologo ng
mga kaisipan ng mga karakter na kanyang ginagampanan. Ipinahihiwatig at
ipinadadarama niya iyon sa mga manonood.

_______________________________________________________________________________

GAWAIN 2: Sagutan Mo!

Panuto: Salungguhitan ang mga tayutay na ginamit sa mga taludtod. Isulat ang
letra ng wastong uri nito sa patlang bago ang bilang. (10 Puntos)

a. Alusyon b. Metapora c. Simili D. Apostrope

____1. Makinis ang balat at anaki’y burok,


Pilik-mata’t kilay mistulang balantok.
____2. Halos naghihirap ang kay Pebong silang
Dumalaw sa loob na sobrang masukal.
____3. Halina, Laura ko’t aking kailangan
Ngayon ang lingap mo nang naunang araw.
____4. Ay mapagkandiling amang iniibig!
Bakit ang buhay mo’y naunang napatid.
____5. Kundi si Narciso’y tunay na Adonis,
Mukaha’y sumisilang sa gitna ng sakit.

10
Philsaga High School Foundation, Inc.
Kagamitan sa Pagkatuto ng Asignaturang Filipino (Baitang 8) Quarter 4 (Week 1-2)

GAWAIN 3: Damdamin Mo, Ilahad Mo!


Panuto: Pumasok sa katauhan ng isang karakter. Ikaw na ngayon ang taong ito.
Kumilos at magsalita katulad niya. Sumulat ng isang talatang
nagsasalaysay ng iyong damdamin batay sa kalagayang naranasan mo.
Hindi kailangang sabihin ng tuwiran sa pagsasalaysay ang karakter na
napili. Mas mabuting madama iyon ng nagbabasa. Gumamit ng limang
pangungusap lamang. (10 Puntos)
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

V: Pidbak:
Kung may komento o suhestiyon isulat lamang sa nakalaang patlang. Mag-ingat
at nawa’y pagpalain ka ng Diyos.
____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________
11
Philsaga High School Foundation, Inc.

You might also like