0% found this document useful (0 votes)
173 views40 pages

Q1 Module 7

The story is about five friends - Skin, Tongue, Nose, Ears and Eyes who live in a village called Face Village. One day while playing, Nose trips and accuses Eyes of pushing him. They start arguing about who is more important. Skin calmly tells them that they are all important and each has their own unique role.

Uploaded by

Guada Guan Fabio
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
173 views40 pages

Q1 Module 7

The story is about five friends - Skin, Tongue, Nose, Ears and Eyes who live in a village called Face Village. One day while playing, Nose trips and accuses Eyes of pushing him. They start arguing about who is more important. Skin calmly tells them that they are all important and each has their own unique role.

Uploaded by

Guada Guan Fabio
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 40

K

Kindergarten
Quarter 1 – Module 7:
Ang Aking Katawan ay may Iba’t-ibang Bahagi at
Gamit. Ang mga Bahaging ito ay Naigagalaw Ko
Kindergarten
Self-Learning Module (SLM)
Quarter 1 – Module 7: Ang Aking Katawan ay may Iba’t-ibang Bahagi at Gamit. Ang mga Bahaging ito ay Naigagalaw Ko
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright
holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not
represent nor claim ownership over them.
Development Team of the Module
Writers: Anacelle L. Edulza, J_sel Joy P. Ripdos, Joelly Cyndel Gay R. Remando, Homerlice
C. Yuson, Queenie Marie G. Manlunas, Nomilyne V. Pascua, Shinichi V. Deles
Editors: Edward Ryan F. Gulam
Reviewers: Leah F. Tingson
Illustrator: Milrose N. Alcaide
Layout Artist: Edward Ryan F. Gulam
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Management Team: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Name of Schools Division Superintendent Gildo G. Mosqueda, CEO VI
Name of Assistant Schools Division Superintendent Diosdado F. Ablanido
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Name of REPS – Jade Palomar
Name of CID Chief Donna S. Panes
Name of Division EPS In Charge of LRMS Elizabeth G. Torres
Name of Division ADM Coordinator Judith B. Alba
Name of EPS –Kindergarten - Garelene Agnes V. Dona-al

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: [email protected]
K
Kindergarten
Quatter 1 – Module 7
Week 7 Day 1
Ako ay Nakakikita at Nakaririnig
Introductory Message
For the facilitator:
Ang module ay isang uri ng kagamitan sa pagtuturo na may sapat at tiyak na gawain na
kayang gawin ng bata sa bahay ng walang patnubay ng guro. Naglalaman ito nga patnubay
sa gawain na nakatakdang gawin ng mag-aaral katuwang ang mga magulang o tag- pag-alaga.
Nakapaloob sa module ang mga Objectives o Layunin na dapat na matutunan at mahasa ng
bata ayon sa mga araw na naka-atang. Bilang isang kinder na mag-aaral higit na
kinakailangan ng bata ang kanyang magulang o tagapag-alaga upang maisagawa ang mga
gawain sa module na ito.
For the learner:
Ang module na ito ay babasahin na makakatulong sa paglinang ng inyong mga kakayahan ng
hindi kinakailangan ang patnubay ng guro. Nakapaloob sa module na ito ang inyong dapat na
matutunan sa loob ng isang lingo sa tulong ng inyong mga magulang o taga pag-alaga. Ang
bawat gawain ay may nakasulat na patnubay upang maisagawa ito ng tama. Inaasahan na sa
loob ng isang lingo kayo ay may matututunan, malinang at mahasa ang mga kakayahan ng
may pagkukusa.
WEEK 7
DAY 1-5

PERFORMANCE MOST ESSENTIAL


CONTENT STANDARD CODE
STANDARD LEARNING COMPETENCIES
The child demonstrates The child shall be able to • Tell the function of each • PNEKBS-Id-1
an understanding of take basic body part
care of oneself and the
body parts and their environment and able to • Demonstrate
solve movements using
uses
different body parts • PNEKBS-Id-2
problems encountered
within
the context of everyday
living

Kuwentuhan
(Pre-Reading Activities)
Mga Gawain Bago ang Pagbabasa ng Kuwento

Panimulang Gawain:
1. Paghahawan ng Balakid

Magulang: Ngayon ay magbabasa tayo ng kuwento ngunit bago tayo magsimula, ang mga sumusunod na
mga salita ay dapat nating maintindihan sapagkat ito ay mababasa natin mula sa ating kuwento.

a. maaaninag- makita o masilayan


b. samyo- halimuyak o amoy
2. Pagganyak
Panuto sa Magulang: Sabihin sa bata ang:
a. Magbigay ng mga bahagi ng iyong katawan na makikita sa iyong mukha.
Inaasahang sagot ng bata: Ang mga bahagi ng aking katawan ay ulo, balikat, kamay at mga paa.
b. Ano-ano ang mga bahagi ng iyong mukha?
Inaasahang sagot ng bata: Ang mga bahagi ng aking mukha ay mga mata, ilong, bibig, dila at mga tainga.

3. Pangganyak na tanong
Pag-usapan ang tungkol sa Pabalat na Pahina.

Panuto sa Magulang: Magtatanong ka ng mga sumusunod na katanungan.


a. Kailan mo nagagamit ang iyong mata at tainga?

Inaasahang sagot ng bata: Nagagamit ko po ang mga mata ko upang makita ang mga bagay sa aking paligid
at ang tainga upang marinig ang mga tunog at boses ng mga taong nakapaligid sa akin.

b. Anong mga bahagi ng iyong katawan ang palagi mong nagagamit?


Inaasahang sagot ng bata: Mata, tainga, ilong, bibig, kamay at mga paa.

c. Kailan mo naman nagagamit ang mga bahaging ito ng iyong katawan?


Inaasahang sagot ng bata: Tuwing naglalaro at inuutusan po ako ng mga simpleng gawain ay nagagamit ko
po ang aking mga kamay, paa, mata at tainga upang magawa po ng maayos ang mga gawain.

Magulang: Magaling, gamitin ang katawan hindi lang upang maglaro kundi ay upang makatulong sa mga
gawaing bahay.
Ngayon ay magbabasa tayo ng kwento na tungkol sa mga magkakaibigang bahagi ng katawan na nag
away-away kung sino ang pinakamahalaga.
Magkakabati pa kaya ang magkakaibigang ito?

Ang kuwentong ating babasahin ay pinamagatang Tinuod nga Managhigala (Tunay na Magkakaibigan) na
isinulat ni May-Ann Grace Samputon, iginuhit ni Mik Zarzuela , na mula naman sa orihinal na guhit nina Pablito
Petallar at Rosemarie Lofranco
at isinalin sa Filipino ni Anacelle L. Edulza.
Tinuod nga Managhigala (Tunay na Magkakaibigan) May limang magkakaibigan, sina Balat, Dila,
Kwento ni May-Ann Grace Samputon Ilong, Tainga at Mata.
Guhit ni Mik Zarzuela
Isinalin sa Filipino ni Anacelle Edulza
Sila ay nakatira sa lugar na kung tawagin ay Nayon ng Habang sila’y namamasyal at naglalaro ay
Mukha. Maganda at masaya sa kanilang nayon. biglang nadapa si Ilong.
Maraming bulaklak, mga prutas at mga bubuyog.
Isang araw, sila ay masayang namamasyal at
naglalaro.
“Bakit mo ako ‘tinulak?! Hindi mo ba alam na ako ang Habang pabulyaw na sinabi ni Dila, “Wala ng
pinakamahalaga sa ating lahat?!”, pagalit na sabi ni nakakatalo sa akin! Ako talaga ang
Ilong kay Mata. pinakamahalaga!”
“Walang tumulak sa iyo! At ako ang pinakamalahaga sa
ating lahat!”, matapang na sagot ni Mata kay Ilong. Samantalang si Balat ay tahimik lamang sa
“Wala ng mas mahalaga pa kaysa sa akin. Ako ay mas nanunuod sa away ng kanyang mga kaibigan.
mahalaga kaysa sa inyo!”, ang sabi ni Tainga.
“Tama na ‘yan, walang dahilan para kayo ay mag away-
away. Lahat kayo ay mahalaga”, mahinahon na sabi ni “Dahil sa iyo Ilong maaamoy ang mababangong
Balat sa kanyang mga kaibigan. samyo ng bulaklak at masasarap na pagkain.
“Ikaw Mata ang dahilan kaya nakikita ang magagandang Ikawrin ang dahilan kung bakit nakakhinga.”
kulay sa paligid, lahat ay didilim kung ikaw ay nakapikit.”
Salamat sa iyo Dila dahil nalalaman nila kung ang
pagkain ay matamis, mapait, maasim at maalat.
“Hindi maririnig ang musika sa radio, ang
malalakas, mahihina at iba’t-ibang tunog na Ikaw rin ang nakakaalam kung ang pagkain ay
nagsisilbing palatandaan sa kaayusan ng paligid masarap at maari pang kainin o kung ito ay sira na at
kung mawawala ka Tainga.” makakasama sa kanila. Ikaw rin ang dahilan na
masaya silang nakakapag salita at nakakaawit.
Naisip nila na tama si Balat. Hindi na galit si Dila. Hindi na galit si Mata. Hindi na galit si
Tainga.
Lahat nga sila ay mahalaga at may kanya-kanyang At nawala na rin ang galit ni Ilong. Salamat kay Balat na
gawain na tanging sila lamang ang makakagawa. nagparamdam sa kahalagahan nilang lahat at sila ay
Humingi sila ng paumanhin sa kanilang mga naging hindi na nag away-away pa. Sama-sama ulit silang
asal. naglaro.
Dahil sa muling pagkakabati ng mga magkakaibigang
sina Mata, Tainga, Ilong, Dila at Balat ay naging masaya
muli sa Nayon ng Mukha.
(Post-Reading Activities)
Mga Gawain Pagkatapos Basahin ang Kuwento

Magulang: At dito nagtatapos ang ating kuwento. Ihanda ang sarili at sagutin ang mga katanungan.

a. Sino-sino ang magkakaibigan sa kuwento?

Inaasahang sagot ng bata: Ang magkakaibigan po sa kwento ay sila Ilong, Mata, Dila, Tainga at Balat po.

Magulang: Mahusay! Nakinig ka nga ng maayos sa ating kuwento. Ngayon sagutin mo ang mga susunod
na katanungan.

b. Ano ang dahilan at nag away-away ang mga magkakaibigan?

Inaasahang sagot ng bata: Akala po ni Ilong ay itinulak siya ni Mata habang sila ay naglalaro, kaya nagalit
siya at sinabing siya ang pinakamalahaga.
Nagalit din po si Mata, si Tainga at si Dila. Tulad ni Ilong ay sinabi din nila na sila ang pinakamahalaga.

c. Paano sila muling nagkabati?

Inaasahang sagot ng bata: Ipinaalala po ni Balat ang kahalagahan at gawain ng bawat isa.

d. Sumasang-ayon ka ba sa ginawa at sinabi ni Balat? Bakit?

Inaasahang sagot ng bata: Opo. Sumasang-ayon po ako, dahil hindi po siya sumali sa away. Mainam po
ang kausapin at pagbatiin ang mga kaibigan at ipaalala sa kanila na ang bawat isa ay mahalaga.
Napapanatili po ang kasayahan at kalusogan sa Nayon ng Mukha kapag nagagawa nilang lahat ang
kanilang mga gawain.
Magulang: Magaling! Huwag hayaang mag away-away ang mga kaibigan kapag may di
pagkakaunawaan sa halip ay pagbatiin sila.
At higit sa lahat, laging magiging masaya at malusog kapag nagagampanan ng iyong katawan at mukha
ang gawain ng mga bawat bahagi nito. Mapapanatili ang kalusugan kung sila ay aalagaan at iingatan.

Panuto sa Magulang: Ang aking muling pagbati sa iyong matagumpay at mahusay na paggabay sa iyong
anak.
Maaari mong basahing muli ang kuwento kasama ang iyong anak sa oras na gusto mo. Ito ay
makakatulong upang malinang ang kanyang kakayahan sa pakikinig at pagbabasa. Maaari mo rin
siyang hayaang magbasa ng mag-isa gamit ang Modyul na ito. Hayaan lang siyang magbasa ng mga
larawan dahil ito ang unang antas sa pagbabasa.
K
Kindergarten
Quater 1 - Module 7
Week 7 Day 2
Ako ay may Mukha. Ito ay may ibat-ibang bahagi at
gamit.
Alamin
Para sa magulang
Babasahin ng magulang ang nasa ibaba
Ang araling ito ay tungkol sa pangunahing bahagi ng katawan at ang gamit ng mga ito. Ang pangunahing bahagi ng katawan
ay ang ulo, balikat, mga kamay at mga paa. Sa ulo ay matatagpuan ang mukha kung saan ay makikita ang mga mata, tainga,
ilong at bibig.
Ngayon ay ating pag-aaralan ang ibat-ibang bahagi ng mukha at ang gamit nito. Ang ating mukha may dalawang mata,
dalawang tainga, ilong, at bibig. Ang ating mga mata ay ginagamit upang tayo ay makakita, ang ilong naman ay sa paghinga
at pang- amoy, ang ating bibig naman ay upang makapagsalita habang ang ating tainga ay ginagamit upang makarinig ng
tunog sa ating paligid.
Mapag-uusapan din natin sa araling ito ang wastong pag-aalag ng ating mukha upang tayo ay magiging kaaya-aya sa
paningin ng ibang tao at magampanan ang ating mga pang araw-araw na gawain.

Subukin
Gawain ng magulang:
Bigyan ng sagutang papel ang bata at basahin ang panuto at mga pangugusap.
Iguhit sa sagutang papel ang masayang mukha ( ) kung tama ang pahayag at malungkot( )kung mali.
Gawain ng bata:
Iguhit ng bata sa sagutang papel ang masayang mukha at malungkot naman kung mali ang pahayag.

1. Ang ating mukha ay may ibat- ibang bahagi.

2. Ang ating mata ay nakakasulat.

3. Kinakailangan ang wasto at palagiang paglilinis ng mukha.

4. Ang pagsisipilyo ay paraan ng pag-aalaga ng ngipin at bibig na bahagi ng mukha.

5. Kumain ng mga junk foods araw-araw.


Lesson 1 Ako ay may Mukha. Ito ay may ibat-ibang bahagi at gamit.

Tuklasin
Gawain ng magulang:
Sa araw na ito ang ating pag-uusapan ay tungkol sa ating mukha mga bahagi at gamit nito.
Makinig ng mabuti, at hawakan ang bahagi ng iyong mukha na mababangit habang binabasa ko ang tula. Handa kana bang
makinig?
Inaasahang sagot ng bata:
Handa na po.
Ang Aking Mukha
Bawat bata ay may mukha
Bilugan, mapanga at parihaba
Hugis nito ay iba-iba
Nagpapatingkad sa ating ganda
Sa ating mukha makikita
Parte ng katawan- ilong at mata
Mga parte itong mahalaga
Na dapat sa tuwina ay alaga
Linisin at lagi itong ingatan
Hugasan, haplusin nang dahan-dahan
Kapag ito’y nawala at ika’y iniwan
Di na makakaamoy, makakakita kailanman
Suriin
Gawain ng magulang:
Itanong ang mga sumusunod na tanong sa bata:

1. Anu-ano ang mga bahagi ng mukha ang nabanggit sa tula?


2. Ano ang nais ipaabot na mensahe ng may akda ng tula sa iyo?
3. Paano mo mapangangalagaan ang iyong mukha?

Inaasahang sagot ng bata:

1. Ang mga bahagi ng aking mukha ay ang aking dalawang mata, ilong, bibig at dalawang tainga.
2. Ang nais ipaabot na mensahe ng may akda sa akin ay ang tamang pag-aalaga ng mukha.
3. Mapapangalagaan ko ang aking mukha sa pamamagitan ng paghuhugas at paglilinis ng mga bahagi nito.
Pagyamanin

Face-Off

Pangalan:
Petsa:
Gawain ng magulang:
Gumawa ng face template kopyahin ang nasa module.
Inaasahang gagawin ng bata:
Iguhit ang ibat-ibang bahagi ng mukha sa face template.

Face template
Isaisip

Sa araw na ito ay ating napag-aralan ang tungkol sa ibat-ibang bahagi ng mukha at ang gamit nito. Nalaman natin na ang
bawat bahagi ay may kanya kanyang gawain upang maging madali sa tao ang pang araw-araw na gampanin. Natutunan
din natin ang wastong pag-aalaga ng mukha sa pamamagitan ng wastong paghihilamos, palagiang paglilinis ng tainga at
ilong at pagsisipilyo pagkatapos kumain o tatlong beses sa isang araw. Mainam din ang sapat na pahinga lalo na sa mata at
pagkain ng masusustansiyang pagkain na nakakatulong sa ibat- ibang bahagi ng mukha.

Isagawa

Ang tamang pamamaraan sa pag-aalaga ng ating mukha ay ang paghihilamos ng mukha at paglilinis ng mga bahagi nito
tulad ng pagsisipilyo ng ngipin upang ang tao ay ligtas at malusog maging kaaya-aya sa paningin ng ibang tao.
K
Kindergarten
Quarter 1 Module 7
Week 7 Day 3
Ako ay may Dalawang Kamay
Alamin
Para sa Magulang: Basahin at ipaintindi sa iyong anak ang mga layunin.
Ang module na ito ay naglalaman ng mga aralin na nagtatalakay ng mga kaalaman tungkol sa ating mga kamay.
Pagkatapos magamit ang module, ikaw ay inaasahang:
1. Makilala ang kamay bilang bahagi ng katawan;
2. Ibigay ang kayang gawin ng mga kamay;
3. Matutong pahalagahan ang mga kamay;

Subukin
Gawain ng Magulang:
Basahin ang mga tanong at ipasagot ito sa sagutang papel sa pamamagitan ng paglagay ng tsek (/) sa patlang kung tama
ang pangungusap at paglagay ng ekis (x) kung mali ang pangungusap.
Gawain ng Bata:
Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng paglagay ng tsek (/) sa patlang kung tama ang pangungusap at paglagay ng
ekis (x) kung mali ang pangungusap.
____________________1. Ang kamay ay bahagi ng katawan na ginagamit pangsulat,
pangguhit at pangpalakpak
________________ 2. Ang tao ay may apat na kamay.
________________ 3. Mayroong limang daliri sa kaliwang kamay at limang daliri sa kanang
kamay.
________________ 4. Hindi mahalaga ang ating mga kamay kung kaya huwag itong
alagaan.
________________5. Ang kamay ay karugtong ng braso at balikat.
Lesson 1 Ako ay may Dalawang Kamay.

Tuklasin
Gawain ng Magulang: Ano ito? (habang pinapakita ang dalawang kamay)
Inaasahang sagot ng bata: Ang tawag po diyan ay kamay.
Gawain ng Magulang: Tama! Ito ay kamay. Ngayon, itaas mo ang iyong mga kamay at sabay nating awitin ang;
“Ako ay may Dalawang kamay” (with the tune of I Have Two Hands)
Ako ay may dalawang kamay, Kaliwa at kanan.
Aking itataas malinis kong kamay
Ipalakpak, isa, dalawa, tatlo
Malinis kong kamay ang gandang tingnan

Suriin
Gawain ng Magulang: Itanong sa bata ang mga sumusunod.
1. Ilan ang iyong kamay?
2. Ilan naman ang daliri sa iyong kaliwang kamay? Sa kanang kamay?
3. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang iyong mga kamay katulad ng mga mata, ilong, bibig at tainga?
Inaasahang sagot ng bata:
1. Ako po ay may dalawang kamay.
2. Mayroon po akong limang daliri sa kaliwang kamay at limang daliri din po sa kanang kamay.
3. Opo. Mahalaga po ang aking mga kamay. Katulad lang po ito ng mga mata, ilong, bibig at tainga na may papel na
ginagampanan sa ating katawan na tanging ang mga kamay lang ang makakagawa
Pagyamanin
Hand Tracing
Pangalan: ____________________________________________________________________________
Petsa: _________________
Gawain ng Bata:
1. Babalangkasin ang kanang kamay sa papel.
2. Babalangkasin din ang kaliwang kamay sa tabi ng kanang kamay at
kukulayan ito.
3.Pagkatapos kulayan, ito’y gugupitin at ididikit sa isa pang papel.

Dito balangkasin ang mga kamay Dito idikit ang binalangkas na


kamay
Isaisip

Sa araw na ito ay ating natutunan na tayo ay may dalawang kamay. Nalaman din natin na ito ay karugtong
sa ating mga braso at balikat. Ang bawat kamay ay may tig-lilimang daliri. Napag-aralan din natin na
marami ang pweding gawin ng ating kamay, maaari itong pumalakpak, sumulat, gumuhit at magpinta kung
kaya’t nararapat lamang na alagaan natin ang ating mga kamay.

Isagawa

Ang kamay ay nakakatulong sa pagpapagaan ng gawain ng mga tao tulad ng pagliligpit ng mga gamit,
paghawak ng pagkain, pagsusulat at marami pang iba. Kailangan din nating alagaan ang mga kamay tulad
ng paputol ng kuko at paghugas nito ng mabuti upang maiwasan ang pagkakasakit.
K
Kindergarten
Quatter 1 – Module 7
Week 7 Day 4
Ako ay may paa. Ito ay konektado sa aking binti at sa
buong katawan.
Alamin

Ang module na ito ay ginawa at isinulat upang matulungan ang bata na lubos na maunawaan ang iba’t-ibang bahagi at gamit
ng paa. Saklaw ng module na ito na magamit sa ano mang uri ng sitwasyon sa pagkatuto.
Pagkatapos ng module na ito, ang bata ay inaasahang:
1. nasasabi ang bahagi at gamit ng mga paa;
2.naiguguhit o mabalangkas ang sariling paa;
3.nakapagbabahagi ng paraan upang mapangalagaan ang sariling katawan.

Subukin

Para sa Magulang: Gabayan ang bata sa pagsagot sa alituntunin.


Para sa Bata: Bilugan ang larawan na magka pareho.

1.

2.

3.

4.
Lesson
Ako ay may paa. Ito ay konektado sa aking binti at sa buong katawan.
1

Tuklasin

Para sa Magulang: Awitin kasabay ng bata ang action song na “Ako ay may ulo na aking ginagalaw”.
Para sa Bata: Sabay na aawit at ituturo ang mga bahagi ng katawan na mababanggit sa awit.
“Ako ay may ulo na aking ginagalaw
Aking ginagalaw, aking ginagalaw,
Ako ay may ulo na aking ginagalaw,
Salamat sa maykapal”
(Palitan ang nakaguhit na salita ng Balikat, Baywang, Paa, Buong Katawan)

Suriin

Para sa Magulang: Matapos umawit, itanong sa bata ang mga sumusunod.

Katanungan: 1. Tingnan ang mga paa, ilan ang mga ito?


2. Ilan lahat na mga daliri sa bawat paa, sabihin kong ilan.
3. Bilangin ang mga daliri sa bawat paa, sabihin kong ilan?
4. Bakit tayo may mga paa? Anu-ano kaya ang gamit ng ating mga paa?
Inaasahang sagot ng bata:
1. Ang isang tao ay mayroong dalawang paa.
2. Ang bilang ng daliri sa kaliwa/kanang paa ay tig-lima.
3. Ang mga paa ay may sampung daliri.
4. Ang ating paa ay ginagamit natin sa paglakad upang makapunta sa ating gustong puntahan
Pagyamanin

Measuring Feet
Pangalan: ____________________________________________________________________________
Petsa: _________________________________

Gawain ng bata: Gamit ang lapis, ibalangkas ang paa sa papel. Sukatin kong ilang dangakal ang iyong
paa

Ilang dangkal
Isaisip

Para sa Magulang: Itanong sa bata ang mga sumusunod:


1. Kailan natin nagagamit ang ating mga paa?
2. Paano natin alagaan ang ating mga paa?
3. Ano ang mangyayari sa ating mga paa kong hindi natin ito aalagaan?
Inaasahang sagot ng Bata:
1. Ang ating mga paa ay pangunahing ginagamit sa paglalakad upang makapunta sa lugar na gustong puntahan.
2. Mapapangalagaan natin ang ating mga paa sa pamamagitan ng paglilinis nito. Magsuot ng sapatos o tsinelas kapag nasa
labas ng bahay, naglalakad o naglalaro para maiwasan na masugatan.
3. Mahalagang alagaan at laging mapanatiling malinis ang ating paa sapagkat ito ay ginagamit natin sa pagalalakad at
pagkilos sa pang-araw araw. Kung ito ay masusugatan, mahihirapan tayo sa pagkilos o paggawa ng ating mga gawain.
K
Kindergarten
Quarter 1 - Module 1
Week 7 Day 5
Maigalaw Ko Ang Aking Katawan
Alamin

Ang aralin na ito ay pag-aaralan ang patungkol sa ating katawan at ang iba’t ibang kilos nito. Mapag-aaralan din ang
kahalagahan ng pagkakaroon ng masiglang pangangatawan at ang angkop na paggalaw nito. Ang maayos na galaw at
koordinasyon ng mga bahagi ng katawan ay nakakapagpamalas ng sapat na lakas na ating magagamit sa pang araw-araw
na gawain.
Pagkatpos ng araling ito, ang bata ay inaasahang:
• Matutunan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng masiglang pangangatawan sa kanyang kapaligiran at naiuugnay nito
ang angkop na paggalaw ng katawan.
• Matutunan ang mga konsepto upang lubos na mapahalagahan ang sarili at tamang pagkilos sa lahat ng pagkakataon
na may paggalang at pagsasaalang-alang sa sarili at sa iba.
• Matutunan ang maayos na galaw at koordinasyon ng mga bahagi ng katawan.

Subukin

Gagawain ng magulang: Ipahula sa bata ang bahagi ng katawan ayon sa pahayag na mabanggit.
1. Ito ay pipikit, didilat at kukurap. Ano ito?
2. Ito ay kumakaway, pumapalakpak at humahawak. Ano ito?
3. Ito ay tumatalon, sumasayaw at pumapadyak. Ano ito?
4. Ito ay kumikembot. Ano ito?
5. Ito ay bumubuka at ngumunguya. Ano ito?
Inaasahang sagot ng bata: Mahulaan anong bahagi ng katawan ayon sa pahayag.
1. Mata
2. Kamay
3. Paa
4. Baywang
5. Bibig
Lesson
Maigagalaw ko ang aking katawan.
5

Tuklasin

Gawain ng magulang: Ngayong araw ay isasagawa natin ang iba’t ibang galaw ng ating katawan.
• Itango-tango ang ulo ng tatlong beses
• Igiling-giling ang baywang ng dalawang beses
• Itaas ibaba ang dalawang kamay ng dalawang beses
• Lumundag ng tatlong beses
Inaasahang sagot at gawin ng bata:
• Pagtango ng ulo ng tatlong beses
• Paggiling ng baywang ng dalawang beses
• Pagtaas ng dalawang kamay ng dalawang beses
• Paglundag ng tatlong beses

Suriin

Gawain ng magulang: Itanong sa bata kung anong bahagi ng katawan ang ginamit sa paggalaw.
Anong bahagi ng katawan ang ginagamit sa: pagtango-tango, paglundag-lundag, paggiling-giling at pagtaas ng kamay?
Inaasahang sagot at gawin ng bata:

Mahusay! Ang mga iba’t ibang bahagi ng katawan na nabanggit ay nagagalaw sa iba’t ibang paraan. Ito ay magkakarugtong
mula ulo hanggang paa, gaya ng mata, ilong, bunganga at tainga na makikita sa parte ng ating ulo. Ang pang itaas na bahagi
ay ang leeg, balikat, braso, kamay at ang ibabang bahagi naman ay baywang, hita, tuhod, binti at paa.
Pagyamanin

Counting Body Parts

Pangalan:_______________________________________________________________________________
Petsa: _________________________________
Gawain ng magulang: Ipaguhit sa bata ang bahagi ng katawan sa loob ng kahon. Umpisahan sa mukha, tainga, ilong, bibig.
Kasunod ang balikat, kamay, daliri, paa. Ipabilang ang iba’t-ibang bahagi ng katawan
Inaasahang sagot at gawin ng bata: Maiguhit ang iba’t-ibang bahagi ng katawan sa loob ng kahon. Mabilang at maisulat
kung ilan ito.

Bahagi ng katawan Bilang ng bahagi ng


katawan
Isaisip

Sa araw na ito ay ating natutunan ang bahagi ng ating katawan at ang iba’t ibang kilos nito. Ang bawat bahagi ay may iba’t
ibang galaw o gamit. Laging tandaan na ang maayos na galaw at koordinasyon ng mga bahagi ng katawan ay ang
pagkakaroon ng masigla at malusog na pangangatawan.

Natutunan kung ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng masiglang pangangatawan sa kanyang kapaligiran at naiuugnay
nito ang angkop na paggalaw ng katawan.
Natutunan ang mga konsepto upang lubos na mapahalagahan ang sarili at tamang pagkilos sa lahat ng pagkakataon na may
paggalang at pagsasaalang-alang sa sarili at sa iba.
Natutunan ang maayos na galaw at koordinasyon ng mga bahagi ng katawan.

Isagawa

Mag-isip ng mga paraan kung paano natin mapapangalagaan ang ating katawan upang mapalayo sa kapahamakan o
sakuna.
Huwag tumakbo ng matulin.
Iwasang umakyat sa mga puno o matataas ng bahagi.
Answer Key

Day 2 Day 3
Answer Key

Day 5
Day 4
References
Kindergarten Teacher’s Guide
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay
batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na
gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso
ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihikayat ang pagbibigay
ng puna, koment

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: [email protected]

You might also like