Pag-Usbong NG Balbal Na Pananalita Bilang Modernong Wika NG Kabataan: Isang Pagsusuri
Pag-Usbong NG Balbal Na Pananalita Bilang Modernong Wika NG Kabataan: Isang Pagsusuri
Pag-Usbong NG Balbal Na Pananalita Bilang Modernong Wika NG Kabataan: Isang Pagsusuri
net/publication/346700877
CITATIONS READS
0 41,741
1 author:
Arnel Noval
Cebu Technological University
3 PUBLICATIONS 0 CITATIONS
SEE PROFILE
All content following this page was uploaded by Arnel Noval on 08 December 2020.
Noval, Arnel T.
Cebu Techological University, Cebu, Philippines ([email protected])
ISSN: 2243-7703
Received: 8 November 2020 Revised: 30 November 2020 Accepted: 7 December 2020 Online ISSN: 2243-7711
Available Online: 8 December 2020 DOI: 10.5861/ijrse.2020.5069
OPEN ACCESS
Abstract
This study analyzed the structure and the reasons as to how slang language emerged at present
time. This also sought to find out the influences which have big impact to the emergence of
slang as modern language in this generation. The data were gathered through interviewing
thirteen (13) participants and interpreted through descriptive phenomenological method of
research. The study revealed that the most common structure in the formation of slang words
is through combination. With this, slang words were used for entertainment, self-expression
and personal identity, to be in trend and for socialization. It can also be seen from the study
that technology, gadget, social media, peers and friends and the artists being idolized have a
big impact in the emergence of slang words. As a conclusion, the emergence of slang words in
the modern generation is related to the language situation existing in a society and as to how
its speakers embrace and accept the language.
1. Introduksiyon
Sinasabi ng maraming mananaliksik at dalubwika na ang wika ay dinamiko. Umaalinsabay ito sa mabilis na
pag-inog ng mundo sang-ayon sa mga pangangailangan ng lipunan at ng sitwasyong pangwika. Sa makabagong
henerasyon kung saan bahagi na ng sistema ang teknolohiyang dihital, hindi maikakaila ang katotohanang
napakarami na ng mga salitang nagsusulputan at nagiging uso. Ang nakatutuwa pa rito, ginagamit ito ng
nakararami at halos bukambibig sa pang-araw-araw na pakikisalamuha. Ganito kalaki ang naging impluwensiya
ng teknolohiya gaya ng radio, telebisyon, social media at iba pa sa buhay ng tao sa paggamit ng makabagong
salitang balbal na umuusbong sa kasalukuyang panahon.
Ang salitang balbal ay tinatawag ding slang sa Ingles. Nanggagaling ang mga salitang ito sa mga grupo ng
mga tao na ginagamit ang mga salita upang magkaroon ng sariling codes. Dagdag pa nila, ang isang wika ay
maaaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo bunga ng pagiging malikhain ng mga tao, maaaring sila ay
nakalilikha ng mga bagong salita. Ang pinakamahusay na halimbawa nito ay ang mga salitang balbal at
pangkabataang pananalita (Aldaca at Villarin, 2012).
Ayon naman kay Ocampo (2013), ang salitang balbal ay naging bahagi na ng bokabularyong Filipino na
tumutugon sa kinakailangan ng lipunan. Masasabing ang wikang ito ay pampersonal na pakikipagkomunikasyon
at tinatawag ding “salitang kalye” (halaw sa Estanislao et al., 2018). Binanggit naman nina Kazuhiro et al. (2009)
halaw sa Quia et al., (2018), ang balbal na salita ay ang di pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng
isang partikular na grupo ng lipunan. Isang lipunan na lalong nanghimok sa kabataan na makasanayang bigkasing
madalas ang mga salitang ito gaya ng lipunang mabubuo sa social media, isang lipunang dihital na nabibigyan ang
sinoman ng pagkakataong makilahok o di kaya ay makibahagi sa anomang paksa o usaping pinag-uusapan.
Ang paglaganap ng mga salitang balbal sa modernong panahon ay dulot na rin ng mga sitwasyong
pangwikang dinadanas ng tagapagsalita kasangkot ang malikhaing pagpapahayag ng mga kaisipan at mga ideya
patungkol sa isang tiyak na paksa. Ang malikhaing pagpapahayag na ito ay sinangkapan ng malikhaing
paghahabi ng mga salita sa makabuluhang pamamaraan sa pagbuo ng mga salitang balbal sa iba’t ibang
henerasyon.
Sa kasalukuyang panahon, maraming wika ang nagsusulputan sang-ayon sa kung paano ito ginagamit ng
lipunan. Maraming uri ng wika ang nabubuo gaya ng bekimon, conyo, gay lingo at iba pa. Ang mga wikang ito
ay ang mga wikang gamit ng mga mag-aaral na kung hindi masasabayan ay magiging malaking hadlang sa
larangan ng komunikasyon hindi lamang sa tahanan pati na rin sa paaralan. Kaya, nararapat lamang na
maiangkop at magkaroon ng sapat na kaalaman sa mga wikang ito nang sa gayon maiiwasan ang kung anomang
hindi pagkakaunawaan. Ang pag-unawa at pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa mga balbal na pananalita ay
magtutulay sa agwat ng wikang gamit ng noon at ng wikang gamit ng mga kabataan na itinatampok ng kanilang
henerasyon.
Ang mananaliksik, isang guro na nagtuturo ng sabjek na Filipino ay nagnanais na matumbok ang mga
aspekto ng pagsibol ng makabagong salitang balbal na karaniwang ginagamit ng kanyang mga estudyante. Sa
ganitong paraan, lubusang mauunawaan ng pangkalahatan ang kanilang mga lunggati, lungkot, kabiguan at iba
pang damdamin o saloobing dinaranas. Dagdag pa nito, mapalalawak ang kaalaman at pang-unawa sa paraan ng
pagpapahayag ng kabataan sa kasalukyan, ang kanilang pakikisalamuha o pakikisama maging ang kanilang
pag-uugali. Ito ang nagtulak sa mananaliksik upang isagawa ang pag-aaral. Sa ganitong paraan, maisusulong ang
pagkakaunawaan at makadaragdag sa kaalaman sa wikang gamit ng kasalukuyan tungo sa pagpapayaman ng
Nilayon din ng pag-aaral na ito na masuri ang kadahilanan ng pagsibol ng mga makabagong salitang balbal,
damdaming nararamdaman at naghimok o nagganyak sa mga kabataan bilang tagapagsalita nito na gamitin ito sa
pang-araw-araw na pamumuhay. Higit sa lahat, tinumbok din ng pag-aaral ang impluwensyang may malaking
impak sa paggamit at pagkabuo ng makabagong salitang balbal.
Mahalaga ang pag-aaral na ito sa pagpapalawak sa pag-unawa ng wika ng mga kabataan at magsisilbing
gabay sa pakikitungo sa kanila at pagsabay sa kanilang gamit na wika bilang patunay sa pagtanggap ng
pagkakaiba hindi lamang sa katangian at kakayahan pati na rin sa wikang kanilang sinasalita.
Nilayon ng pag-aaral na mailarawan ang karanasan ng mga partisipante sa paggamit ng balbal na pananalita
sa kanilang pang-araw-araw na pakikipagtalastasan at masuri ang (1) nangungunang estruktura sa pagkakabuo
ng mga makabagong salitang balbal sa kasalukuyan at (2) ang kadahilanan ng pagsibol ng mga salitang ito. (3)
Tinumbok din ng pag-aaral ang impluwensyang may malaking impak sa pagsibol ng mga salitang balbal bilang
modernong wika ng henerasyon.
2. Metodolohiya
Ginamit sa pag-aaral ang Husserlian Descriptive Phenomenology at Colaizzi’s Seven Steps of Data Analysis
upang mailarawan at masuri ang karanasan ng mga pagrtisipante ukol sa paggamit ng balbal na pananalita sa
pamamagitan ng isinagawang pakikipanayam. Ayon nga kay Lester (1999, p. 1), “phenomenology is concerned
with the study of experience from the perspective of the individual ‘bracketing’ taken-for-granted assumptions
and usual ways of perceiving. Binanggit naman ni Priest (2004), na ang nanguna sa pagsusulong sa
deskriptibong penomenolohiya ay si Edmund Husserl na naglalayong tuklasin, galugarin, at ilarawan ang
kahulugan ng isang penomenong naranasan (halaw sa Augusto, 2019). Mabusising hinimay sa pag-aaral na ito
ang karanasan ng mga partisipante sa paggamit ng balbal na pananalita kabilang na ang nangungunang estruktura
ng pagkabuo ng mga makabagong salitang balbal sa kasalukuyan at ang kadahilan ng pagsibol ng mga salitang
ito.Tinumbok din ng pag-aaral ang impluwensyang may malaking impak sa pagsibol ng mga salitang balbal
bilang modernong wika ng henerasyon.
Ang mananaliksik ay gumamit ng purposive sampling sa pagpili ng mga partisipante. Ang kriterya ng
pamimili ay ang mga sumusunod: (1) kinakailangang nakagamit na siya ng mga makabagong salitang balbal sa
pang-araw-araw na pamumuhay; (2) nasa edad 15-19 taong gulang at kasalukuyang nasa Senior High School, at
(3) boluntaryong makikilahok bilang partisipante ng pag-aaral. Matapos nito, labintatlong mag-aaral ang napili
bilang partisipante ng pag-aaral.
May dalawang bahagi ng instrumento ng pananaliksik – ang unang bahagi ay isang maliit na papel kung
saan isusulat ng mga partisipante/informants ang kanilang personal na impormasyon at ang ikalawang bahagi
naman ay ang pakikinayam gamit ang limang katanungan tungkol sa mga makabagong salitang balbal na
ginagamit, paano ito nabuo at ang kanilang nararamdaman. Ang mga katanungan sa pakikipanayam ay nabuo sa
tulong ng isang guro na nagtuturo ng Filipino. Nabuo ang limang katanungan ukol sa pag-usbong ng mga
panibagong wikang balbal na ginagamit ng kabataan sa kasalukuyan.
Sa pagusuri ng mga datos ginamit ang pamamaraang nakabatay sa Collaizi’s (1978) Seven Steps of Data
Analysis. Kinasasangkutan ito ng pitong hakbang (hinalaw sa Gaddi, 2016): (1) Ang mabusising pagsusuri sa
mga nakolektang datos ay makatutulong upang magkaroon ng kabuluhan sa mga mananaliksik ang mga
natranskrayb na mga datos. (2) Maingat na pagkuha ng mahahalagang pahayag ang isinasagawa; yaong may
Ang kasunod na hakbang ay ang pagsusuri sa tugon ng mga partisipante ayon sa mga hakbang na inilahad sa
Colaizzi’s Seven Steps of Data Analysis. Una, binasa ng mananaliksik ang lahat ng deskripyon ng mga protokol.
Sinundan naman ito sa pagkuha ng mga mahahalagang pahayag mula sa tugon ng mga partisipante ukol sa
kanilang mga karanasan sa paggamit ng mga balbal na pananalita at pinagbigay rin sila ng mga halimbawang
salitang balbal. Pagkatapos, binigyan ng pagpapakahulugan ang mga mahahalagang pahayag na lutang na lutang
sa mga tugon na nalikom. Sinundan naman ito ng pagsasaayos ng mga nabuong pagpapakahulugan sa
pamamagitan ng pagkaklaster ng mga tema na may kaugnayan sa mga dahilan sa pagsibol ng mga makabagong
salitang balbal sa modernong panahon, paraan ng pagkabuo ng mga salitang balbal sa kasalukuyan, at
impluwensyang may malaking impak sa pagkakabuo ng mga salitang balbal. Matapos na mabuo ang klaster ng
mga tema, binalangkas ng mananaliksik ang kabuoang paglalarawan sa penomenong pinag-aaralan. Panghuli, sa
pagbabalideyt ng pangkalahatang pag-aaral, binalikan ng mananaliksik ang mga partisipante at tinanong sila sa
kaangkupan ng naging kinalabasan ng pag-aaral sa kanilang naging karansan. Hiningan din ng komento at
suhestiyon ang mga kalahok upang mabigyang-linaw ang kabuoang pag-aaral.
Sa pag-aanalisa, hinimay ang mga pahayag o tugon ng mga partisipante sa isinagawang pakikipanayam sa
labintatlong (13) mag-aaral ng SHS. Matapos nito, itinala ang mga balbal na pananalita, ang estruktura ng
pagkakabuo nito at tiningnan ang pagkakahawig at relasyon ng mga tugon at bumuo ng mga temang may
kaangkupan sa mga pahayag. Nakatuon ang paglalarawan sa karanasan ng mga partisipante sa paggamit ng
balbal na pananalita sa kasalukuyang panahon at masuri ang nangungunang estruktura sa pagkakabuo ng mga
makabagong salitang balbal sa kasalukuyan at mga kadahilanan ng pagsibol ng mga salitang ito. Tinumbok din
ng pag-aaral ang impluwensyang may malaking impak sa pagsibol ng mga salitang balbal bilang modernong
wika ng henerasyon.
3. Resulta at pagtatalakay
Inilalahad sa bahaging ito ang pagsusuri sa tugon ng mga partisipante batay sa mga sumusunod: pagtatala ng
mga salitang balbal na pananalitang ginamit ng mga partisipante, kinalabasan ng pakikipanayam ukol sa mga
Inilalahad sa bahaging ito ang pagsusuri sa paraan at estruktura ng mga makabagong salitang balbal na
nabubuo sa kasalukuyang panahon. Sinuri at tinukoy ang klasipikasyon ng pamaraan at estruktura ng mga
makabagong salitang balbal at binigyan ito ng pagpapakahulugan.
Talahanayan 1
Paraan at estruktura ng pagkabuo ng mga makabagong salitang balbal sa kasalukuyan
Estruktura ng Pagkabuo ng Salitang Balbal Mga Salita Kahulugan
Pagbabaligtad lodi (P1,2,6,7,11) idol
erpat (P3) father
werpa (P5,6) power
abab (P5) baba/bibig
nosi (P6) sino
petmalu (P5,6,7,11,13) malupet
bayu (P11) uyab/kasintahan
imal (P9) lami/masarap
yeko ar (P10) okey lang
Paggamit ng Akronim SML (P3,7,13) share mo lang
SKL (P7) share ko lang
LOL (P9) laugh out loud
P.S. (P13) pahabol na salita
Pagpapalit-pantig jowa (P8) asawa
juntis (P8) buntis
shofo (P6,9) gwapo
shufa (P7,9) gwapa/maganda
Kombinasyon angatch (P1,11) tanga/laging sablay
gora (P1,2,12) tara na
sinetch (P1) sino
charlangs (P1) joke lang
aketch (P1) ako
beshy (P1,2,7,11,) best friend
shudi abas (P2,5,10) wag mag-ingay
aw na dutch (P2,5,10) walang pera
nanatch (P2) lahat
yadz (P3,7,12) babae
siszum (P3) kapatid na babae
gorabels (P4,11) tara na
gotch na oks (P4) tulog na ako
ikal (P4,12) lalaki
mudrakels (P4) nanay
siszt (P4,5) kapatid babae
mars (P6) kumare
shookt (P8) takot
Ipinalulutang ng talahanayan 1 na ang estrukturang pabaligtad ay kinabibilangan ng mga salitang lodi, erpat,
werpa, abab, nosi, petmalu, bayu, imal at yeko ar. Sa kabilang banda ang mga salitang SML, SKL, LOL at P.S.
ay maikaklasipika sa paggamit ng akronim. Samatala, ang mga salitang jowa, juntis, shofo at shufa naman ay
mauuri pagpapalit pantig na mga salita habang ang mga salitang angatch, gora, sinetch, charlangs, aketch, beshy,
shudi abas, aw na dutch, nanatch, yadz, siszum, gorabels, gotch na oks, ikal, mudrakels, siszt, mars at shookt
naman ay nasa estrukturang kombinasyon. Sa madaling salita, ang nangungunang paraan ng pagkakabuo ng mga
Sa pag-aaral ni Francisco (2014), binanggit niya na ang lahat ng mga salitang balbal ay may kanya-kanyang
konteksto ng pagkakalikha. Tanging ang mga nabubuong social fragment ang makalilikha ng salita na
magkaklasipika dito at tanging ang koleksyon ng mga social fragment ay maaaring magresulta ng enunsasyong
diskurso na may kaugnayan sa kasalukuyan at kongkretong sistema.
Ayon naman kay Mutunda (2007), na ang kadalasang pamamaraan ng mga pagbabagong naganap sa mga
salitang balbal sa Nyanja at iba pang anyo nito. Ilan sa mga salitang balbal ay mula sa mga naunang mga salita.
Dagdag nito, ang deskripsyon ng mga salitang balbal sa Nyanja ay hindi exhaustive dahil ang wika ay dinamiko
at tulad ng ibang kabataan saanmang sulok ng mundo, ang kabataang Luska ay patuloy na lilikha ng panibagong
bokabularyong balbal.
Pinatutunayan lamang sa pag-aaral nina Francisco (2014) at Mutunda (2007) na bagamat ang salitang balbal
ay pinaniniwalang sinasalita ng maliit na yunit ng lipunan at sumisibol sang-ayon sa pangangailangan ng
sitwasyong pangwika, kakikitaan naman ito ng mga estruktura ng pagkakabuo.
Bilang paglalahat, mahihinuha sa mga kaugnay na pag-aaral na binanggit na ang kabataan sa kasalukuyang
henerasyon ay may sariling wikang gamit. Ang mga wikang ito ay ginagamit nila sang-ayon sa pangangailang
dulot ng kanilang lipunan at bunga na rin ng kanilang malawak na pag-iisip. Sa patuloy na pakikipagkapwa ng
makabagong henerasyon, nakabubuo ng wikang natatangi sa kanilang henerasyon na makatutulong upang
maipahayag ang kanilang mga sarili.
3.3 Mga dahilan sa pagsibol ng mga makabagong salitang balbal sa modernong panahon
Ang mga partisipante (P) ng pag-aaral ay tinanong kung ano ang kanilang nararamdaman at ang mga
dahilan ng paggamit ng mga makabagong salitang balbal na umuusbong sa kasalukuyan.
“Ako po ay natutuwa at nalilibang sa mga salitang iyon kasi parang ito po ay makabago at hindi
ko ito kadalasang naririnig sa mga taong aking nakakasalamuha.” (P1)
“Uhm...parang natutuwa lang ako...ah na-eenjoy ko yun kasi naka... nakasanayan ko na kasing
gamitin.” (P3)
“Dahil na rin sa pabago-bago ang sistema natin so marami na ring nagbago na mga salita kaga
dahil na rin sa mga dahil na rin sa teknolohiya na nabubuo may marami nag at sa mga... mga...
mga... kagaya lamang kagaya dahil sa social media so nandun pwede natin i-express yun so
parang... nabuo ang kung ano-ano nalang salita na pinagbago-bago na.” (P12)
“Para sa akin po sir, dahil ah may mga tao kasi na uhm grupo-grupo na hindi nila alam na ano
ang ay may gusto... kanang gusto rin nila sila lang yun ang makakaalam kung ano ang sinasabi
nila kaya nabuo ito upang mas nakata... ay maitago nila ito sa ibang tao...” (P13)
“Sa tingin ko lang sir, dahil... dahlan ito sa pagiging mga siguro yung mga barkada nila then
nag-ano sila nakikiuso lang sa mga kabataan.” (P2)
“Uhm... isa sa mga nararamdaman ko is ‘pag binibigkas ko ito is awkward para sa akin kasi
parang... parang ano hindi pa ako sanay magsalita pero na-fefeel ko na isa ako sa mga “in”
ngayon na mga yung parang naka... nakakasabay ako kung ano ang uso ngayon.” (P5)
“Uhm... para lang po sa akin sir, para hndi po mahuli sa uso at para hindi maging ignorante”
(P8)
Ginagamit ang mga makabagong salitang balbal sa patuloy na pagpapahayag ng tao sa kanyang lipunan
bilang paraan ng pakikisalamuha o pakikisama. Sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng tao kasabay ang pagbabago
ng panahon ay ginagamit ang mga salitang balbal at naging bahagi na ito sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan.
Ayon naman kay Güniz (2015), “Tanggapin man natin o hindi ang wikang balbal ay nakaimpluwensya sa
wikang Ingles. Kinalimutan natin ang pagkakaiba ng pormal at impormal na piyesa ng pagsulat at ginamit natin
ang mga salitang balbal. Dumarami ang mga taong nagsisimula at nakauunawa sa mga wikang balbal. Kung
kaya ang salitang balbal ay hindi lamang wika, diyalekto o ordinaryong rejister. Ito ay isang espesyal na koda na
naiiba sa gumagamit nito, gumagawa ng eksena. Ipinapakahulugan na ang eksena ay kultura ng kabataan. Ang
mga salitang balbal ay hindi isang profanity o walang barila. May mga salitang balbal para sa droga at pagtatalik
ngunit ito ay dahil sa paksang kinagustuhan ng kabataan.” Sa madaling salita, ang mga wikang balbal ng
modernong panahon ay may mahalagang gampanin sa diskurso ng mga kabataan sa modernong panahon. Hindi
lamang ito nabubuo ng basta-basta lang kundi may mga dahilan sa pagkakabuo nito.
Sa pag-aaral nina Abel et al, (2016), binanggit nila ang mga bagong salita at pagpapakahulugang nalinang
ng mga Pilipinong manlalaro ay simbolo ng pagkakakilanlan ng kalagayan ng lipunan sa Pilipinas sa
pamamagitan ng pagkilala kung paano ito ginagamit sa pakikipagtalastasan. Kaugnay nito, ang komunidad ng
mga manlalarong Pilipino ay itinuturing na toxic ngunit dahil sa larong ito, ang dinamikong interaksyon at
komunikasyon ng mga manlalaro ay nabubuo anuman ang kalalabasan ng kanilang laro.
Bilang paglalahat, masasabing ang mga salitang balbal sa makabagong henerasyon ay mahalagang sangkap
bilang diskurso ng kabataan. Ginagamit ang mga makabagong salitang balbal bilang kaakuhan at sa patuloy na
pagpapahayag ng kabataan sa lipunan bilang paraan ng pakikisalamuha o pakikisama. Sa pamamagitan nito,
Ang mga partisipante (P) ng pag-aaral ay tinanong tungkol sa kanilang nalalaman sa dahilan ng pagkakabuo
ng mga makabagong salitang balbal sa kasalukuyang panahon.
Tema 4 Pagkamalikhain
“Para sa akin, nabuo yung ganung klase ng pananalita dahil na rin sa lawak ng pag-iisip ng tao.
Nakalilikha tayo ng mga malilikhaing... malilikhaing bagay at mga pananalita na magagamit
natin sa pang-araw-araw na buhay.” (P3)
“Uhm... para sa akin, nabuo ang mga ganitong pagsasalita ‘pag mga salita is dahil sa palitan
ng pag-iisip natin dahil sa pagiging creative ng mga tao kaya tayo nakbubuo ng ganitong
klaseng salita.” (P5)
“Siguro po kasi ang mga kabataang millennial ay yung creative, malikhain so ganaha... so rin
po nilang makapag-imbento ng mga bagong salita kung saan mas siguro mas makaintindi sila
kung ewan ko ba kung nakaintindi sila ng ganun or sadyang yah something they want to be
creative lang talaga na makapaglikha ng mga bagong salita.” (P9)
“Ah... ang nararamdaman ko po sir parang ok lang pero ‘pag inisip mo na tinanong mo sarili
mo kung bakit ba... bakit ba kailangan nilang... kailangan nilang bali-baliktarin kung meron
namang... namang madaling salita.” (P2)
“Para po sa akin, nabubuo ito sa isipan ng tao kasi kagaya ng sinabi ko pinaikli.” (P6)
“Uhm... sa una na nakapag-isip po ako bakit ba ito binabaliktad ano bang dahilan nila para
baliktarin ito at napag-iisipan kop o na siguro millennial ako kaya kailangan na siguro akong
makisabay kung ano ang uso.” (P9)
“Siguro dahil po sa sosyal... sosyal media po kasi nakikita ko po dun may mag-popost po na
hindi po... hindi po a ano po kanang bago po sa akin na masasabi na... parang masasabi mo
‘anong anong ibig sabihin nito’ ganun po tapos malalaman mo rin ganun pala binaliktad lang
pala nila.” (P11)
Nabubuo ang mga makabagong salitang balbal dulot ng pagkamalikhain ng tao sa pagpapaikli,
pagbabaliktad at pagbabagong ayos ng mga salita sa layuning maipaabot ang kanyang mga ideya at saloobin. Sa
lawak ng pag-iisip at pagkamalikhain ng tao nabubuo ang mga makabagong salitang balbal alinsunod sa
pangangailangan ng tao sa pagpapahayag. Ang kagalingang taglay na ito ng isang tao sa paggamit ng wika ay
ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng kaantasan ng wika. Ang paghahalo-halo ng wika sa isa pang wika,
panghihiram, pagbabaliktad atbpa. ay halimbawa ng kaantasan ng wika.
Isang mahalagang katangian ng wika ay ang pagkakaroon nito ng antas. May iba’t ibang kategoryang
kinabibilangan na naayon sa klasipikasyon ng antas nito. Ang antas ng wika ay kadalasang may kaugnayan sa
katayuan sa lipunan ng taong gumagamit nito (Dumapias, 2018).
Binanggit sa pag-aaral nina Oco et al. (2015), napag-alaman na ang resorses, isyu, pagsubok at
kompyutisyunal na karakteristik ay madetalyado. Natuklasan sa pag-aaral na ito na ang karamihan sa mga
pananalitang beki ay hindi saklaw ng rule file at hindi makikita sa mga ginagamit na resorses. Bilang isang
sosyolek na naging bahagi na ng lipunan, kinakailangan ang constant na pag-update sa pagbabago at pag-usbong
ng mga pananalitang ito.
Bilang paglalahat, nabubuo ang mga makabagong salitang balbal dulot ng pagkamalikhain ng tao sa
pagpapaikli, pagbabaliktad at pagbabagong ayos ng mga salita sa layuning maipaabot ang kanyang mga ideya at
saloobin. Patunay lamang ito na ang bawat tagapagsalita ay may kanya-kanyang estilo at paraan ng
pagpapahayag. Sa ganitong paraan, napapalawak ang midyum na ginagamit upang mas lalong maipahayag ang
mensahe sa pamaraan na komportable ang tagapagsalita nito.
Ang mga partisipante (P) ng pag-aaral ay tinanong tungkol sa impluwensyang may malaking impak sa
kanila upang gamitin ang mga salitang balbal sa pakikipagtalastasan. Ang mga tugon sa ibaba ang kanilang
naging tugon ukol sa katanungang ito:
“Para po... sa ngayon kapag nanood po ako ng “It’s Showtime” yung si Vice Ganda siya pong
naging influence sa ngayon kay dahil kanang... marami po siyang kanang... na-entertain po siya
kanang... na-entertain po siya sa amin yung mga kabataan lalong-lalo na po sa mga tao na idolo
po siya.” (P7)
“Yung mga taong nasa paligid kasi sila rin po nakikiuso rin po kasi sila ah mara... marami ah...
madalas po sila rin po nilang ginagamit yung mga salitang ‘yan.” (P10)
“Para sa akin na kung ano kasi kanang kung ano kasi ang nandito tayo sa makabagong
panahon so kung anong nakikita natin sa telebisyon, social media so parang nakukuha ang
atensyon natin so tayo parang nadadala na rin natin ‘yan yung mga kaibigan mo magsasalita ng
mga ganyan so nadadala... oo.” (P12)
May malaking impak sa kabataang milinyal ang teknolohiya, social media, mga kaibigan at iniidolong
artista sa paggamit ng mga makabagong salitang balbal sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang impluwensyang
panlipunan ay may malaking impak sa kabataang milinyal sa paggamit ng mga makabagong salitang balbal sa
pakikipagtalastasan.
Ang social media ay isang makabagong teknolohiya na nagbibigay-daan sa mga tao sa iba’t ibang panig ng
mundo na magkaroon ng koneksyon, makipag-ugnayan, bumuo at magbahagi ng impormasyon (Lewis, 2010).
Dagdag naman nina Howard at Parks (2012), ito rin ay isang mahalagang sangkap ng komunikasyon (halaw sa
Tubio et al., 2017). Sa pamamagitan ng social media, nabibigyan ng malawak na midyum ang tao upang
maipahayag ang sarili – hinaing, kaligayahan, pagmamahal, kabiguan at iba pang damdamin nararanasan sa
kanyang mga kaibigan, kaklase, kapamilya at maging sa mga taong hindi kakilala. Ito marahil ang dahilan ng
pagsibol ng mga makabagong salitang balbal na karaniwang ginagamit ng mga kabataan sa kasalukuyan. Dahil
dito, naging talamak ang paggamit ng mga salitang ito bilang bahagi ng pagpapahayag ng kabataan sa kanyang
lipunan.
Dagdag nito, ayon kay Barnett (2011) na sa pamamagitan ng social media, nabubuo ang isang kasangkapang
magsisilbing daan sa mga gumagamit nito na makipagtalastasan sa kanilang online networks sa lahat ng
pagkakataon, pinagsama ang kanilang pisikal at online na presensya, inaangat nito ang larangan ng makabagong
Natuklasan sa pag-aaral nina Tubio et al. (2017) na maraming mga salita ang umiiral sa social media sa
kasalukuyang panahon at karamihan dito ay ngayon pa lamang narinig dahil na rin sa pag-usbong ng
makabagong panahon. Maraming mag-aaral ang nagsasabi na ang mga salitang ito ay mahalaga para sa kanila at
natutulungan sila nito para mapadali ang pakikipag-usap sa ibang tao ngunit karamihan sa mga salitang ito ay
hindi nagugustuhan at nauunawaan ng ibang mag-aaral.
Bilang paglalahat, malaki ang impak ng mga kaibigan at iniidolong artista bilang impluwensya sa paggamit
ng mga makabagong salitang balbal sa pang-araw-araw na pamumuhay. Hayagan nitong isinasaad na mabisang
kasangkapan ang mga ito sa pagsagap ng mga kabataang milinyal ang teknolohiya, social media, impormasyong
makaiimpluwensya sa pagkatao at higit sa lahat sa paraan ng pakikipagkomunikasyon.
4. Kongklusyon at rekomendasyon
Nilayon ng pag-aaral na masuri ang nangungunang estruktura sa pagkakabuo ng mga makabagong salitang
balbal sa kasalukuyan at ang kadahilanan ng pagsibol ng mga salitang ito. Tinumbok din ng pag-aaral ang
impluwensyang may malaking impak sa pagsibol ng mga salitang balbal bilang modernong wika ng henerasyon.
Ang nangungunang paraan sa pagkakabuo ng salitang balbal sa makabagong henerasyon ay sa pamamagitan ng
kombinasyon. Ginagamit ng mga kabataan sa kasalukuyan ang mga makabagong salitang balbal bilang libangan
at pakikisama o pakikisalamuha sa pamamagitan ng malikhaing pagpapaikli, pagbabaliktad at pagbabagong ayos
ng mga salita sa pakikipagtalastasan. Malaki ang impluwensya ng teknolohiya, social media, mga kaibigan at
iniidolong artista sa paggamit ng mga ganitong uri ng pananalita.
Napapanahon ang pag-aaral na ito dahil na rin sa impluwensiya ng social media at teknolohiya sa wikang
gamit ng mga mag-aaral higit lalo sa paggamit ng mga balbal na pananalita. Kung kaya mahalagang
mapag-aralan ang mga ito nang sa gayon ay maunawaan ng mga guro ang wikang gamit ng kanilang mga
mag-aaral sa ganitong paraan ang komunikasyon ng guro sa kanyang tinuturuan ay hindi mahahadlangan
sapagkat mayroon siyang sapat na kaalaman sa pag-unawa sa mga salitang ito. Napapanahon din na
mapag-aralan ang pagkamalikhain ng mga mag-aaral sa paggamit ng wika upang mas malinang pa ang kanilang
kahusayan pagdating sa kasanayan sa pagsasalita sang-ayon sa mga layunin na kinakailangang linangin sa
makrong kasanayang ito.
Acknowledgement - Bahagi ng papel na ito ay naipresenta sa 6th International Teacher Education Student
5. Mga sanggunian
Abadiano, M. N., Bonotan, A., & Makiling R. (2014). The dynamics of netizens’ infraction sharing in social
media: why do we see information in social media? International Journal of Interdisciplinary Research
and Innovations, 2(3), 30-55.
Abel, M., Autor, C., Gripal, A., & Demetrio III, F. (2016). The language of Filipino gamers: analysis of the
origin and meaning of words being used in the worlds of Dota 2 and Lol [Wika ng mga manlalarong
Pilipino: pagsusuri sa pinagmulan at saysay ng mga salitang ginagamit sa mundo ng Dota 2 at LoL].
Malay, 29(1), 45-68.
Alcaraz, C.V., Jocson, M. O., & Villafuerte, P. V. (2016). Communication and research for senior high school
[Komunikasyon at pananaliksik para sa senior high school]. Educational Resources Corporation.
Aldaca, B. B. & Villarin, I. J. (2012). Communication in Filipino academics: reference and book of exercises in
Filipino 1, tertiary level [Komunikasyon sa akademikong Filipino: batayan at sanayang-aklat sa
Filipino 1, antas-tersyarya]. Maxcor Publishing House Inc.
Augusto, W. S., Jr. (2019). A phenomenological study on the lived experience of the out-of-field mentors.
International Journal of Advance Research and Publications, 3(6), 35-42.
Dumapias, L. M. L. (2018). Daksigya: communication and research in language and Filipino culture [Daksigya:
komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino]. CMU Press.
Estanislao, J.C., Padrigan, J. C., Cabanes, R. V., Lopez, K. J., Pallega, R. J., Ituralde, J., Tapar, J., & Pacat, J.
(2018). Effects of slang on the learning of selected grade 12 students in ABM strand this school year
[Epekto ng salitang balbal sa pag-aaral ng mga piling mag-aaral sa ikalabin-dalawang baitang sa strand
na ABM panuruang taon] [Tesis].
https://www.academia.edu/36190864/EPEKTO_NG_SALITANG_BALBAL_SA_PAG-AARAL_NG_
MGA_PILING_MAG_AARAL_SA_IKALABING_DALAWANG_BAITANG_SA_STRAND_NA_A
BM_PANURUANG_TAONG_2018
Francisco, L. (2014). Heteronormativity: good language and bad slang: sex and gender roles of Brazilian
traversities in the context of transnational prostitution. New University of Lisbon.
Gaddi, Z.A. (2016). From experiences to themes: phenomenology on the school’s culture contributing to
Eexcellence. AsTEN JOURNAL of Teacher Education, 1(2), 99-110.
Güniz Çelik, (2015). Slang language movement.
https://www.academia.edu/21474986/Topic_Slang_Language_Movement
Lester, S. (1999). An introduction to phenomenological research.
https://www.researchgate.net/publication/255647619_An_intoroduction_to_phenomenological_researc
h
Mutunda, S. (2007). Language behavior in Lusaka: the use of Nyanja slang. The International Journal of
Language Society and Culture.
https://www.researchgate.net/publication/251622306_Language_Behavior_in_Lusaka_The_Use_of_Ny
anja_Slang
Oco, N., Fajutagana, C. M. L., Miñon, J. D., Morano, J. A., & Tinoco, R. C. (2015). Witchebelles anata
magcharot kay mudra na nagsusuba si akech: developing a rule-based unidirectional beki lingo to
Filipino translator.
https://www.national-u.edu.ph/wp-content/uploads/2016/08/Witchebelles-Anata-Magcharot-kay-Mudra
-na-Nagsusuba-si-Akech-Developing-a-Rule-based-Unidirectional-Beki-Lingo-to-Filipino-Translator.p
df
Quia, L. J. M., Rivera, N. A. R., Rustia, J. E. R., Tinio, M. J. L., & Varona, A. P. (2018). Study on the impact of
the use of slang on selected students of 11 ABM [Pag-aaral tungkol sa epekto ng paggamit ng mga