Araling Panlipunan: Self-Learning Module

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

4

Araling Panlipunan
:

Self-Learning Module

“Una sa tanan, BATA: Buligan, Amligan, Tudluan, Alalayan!”

DIVISION OF BACOLOD CITY


Copyright Page
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 7: Kahalagahan ng mga Katangiang Pisikal sa
Pag-unlad ng Bansa
Unang Edisyon, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency
or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work
for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the
payment of royalties.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright
holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these
materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not
represent nor claim ownership over them.
Developed by the Department of Education – SDO Bacolod City
SDS Gladys Amylaine D. Sales, CESO VI
ASDS Michell L. Acoyong, CESO VI

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Mga Manunulat: Madonna T. Libo-on, Mary Grace M. Abellar
Editor: Nove P. Macayan
Mga Tagasuri: Pinky Pamela S. Guanzon, Caroline C. Sedayon
Tagaguhit: Arish Jedd B. Libo-on
Tagalapat: Adonna S. Cueva
Tagapamahala:
Janalyn B. Navarro
Pinky Pamela S. Guanzon
Ellen G. De La Cruz
Ari Joefed Solemne L. Iso

Printed in the Philippines by

Department of Education – Region VI – Division of Bacolod City

Office Address: Rosario-San Juan Sts., Bacolod City 6100


Telefax: (034) 704-2585
E-mail Address: [email protected]

ii
4
Araling Panlipunan
Quarter I – Modyul 7:
Kahalagahan ng mga Katangiang
Pisikal sa Pag-unlad ng Bansa

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by educators from the Public Schools in the Division of Bacolod City.

iii
Paunang Mensahe
Para sa Tagapagdaloy
Ang materyal na ito ay masusing inihanda upang magabayan ang mga
mag-aaral na matuto gamit ang mga proseso at gawaing kapakipakinabang na
maaring gabayan ng mga magulang at nakatatandang mga indibidwal.
Pinaalalahanan ang mga mag-aaral na gumamit ng hiwalay na sagutang papel sa
pagsagot sa pauna, pansarili at panapos na pagtataya.
Para sa Mag-aaral

Ang modyul na ito ay magiging gabay mo upang matamo ang kasanayan sa


iyong pagkatuto. Babasahin mo ang bawat aralin at sasagutin ang mga katanungang
inihanda. Susubukin mo rin na gawin ang bawat gawaing inihanda mula sa modyul
na ito. Ang gawain ay mula sa topikong kahalagahan ng mga katangiang pisikal sa
pag-unlad ng bansa kung saan nakapagbibigay ng konklusyon tungkol sa
kahalagahan ng mga katangiang pisikal sa pag-unlad ng ating bansa.

Makikita rin dito ang iba’t ibang lebel ng modyul tulad ng Aalamin Ko, Susuriin
Ko, Pag-aaralan Ko, Gagawin Ko, Tatandaan Ko, Isasabuhay Ko at Susubukin Ko.
Sa bahaging:

Bahagi ng modyul kung saan ipinapakilala ang


Aalamin Ko
learning competency na dapat matutuhan sa
araling ito.
Napapaloob dito ang ibat-ibang pagsasanay na
Susuriin Ko nagsisilbing pre-test at balik-aral sa nakaraang
leksiyon.
Napapaloob dito ang mga araling dapat mong
Pag-aaralan Ko matutunan.

Napapaloob dito ang ibat iba at karagdagang


Gagawin Ko gawain tungkol sa aralin.

Napapaloob dito ang mga aralin na maging gabay


Tatandaan Ko para magawa at masagutan ang mga pagsasanay.
Nasusuri ang iyong kakayahan sa mga natutunang
Isasabuhay Ko aralin upang matamo ang pamantayan sa
pagganap.
Napapaloob dito ang iba’t ibang uri ng pagsusulit
Susubukin Ko na angkop sa aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


Susi sa Pagwawasto
mga gawain sa modyul.
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

iv
Ikapitong Araling Panlipunan 4
Linggo Unang Markahan-Modyul 7

Pamantayan sa Pagkatuto:
• Nakapagbibigay ng konklusyon tungkol sa kahalagahan ng mga
katangiang pisikal sa pag-unlad ng bansa.

Aalamin Ko

Alam kong sabik ka ng simulan ang pampitong modyul at malaman


ang maraming bagay tungkol sa paksang tatalakayin. Kaya simulan na.
Ang Pilipinas ay isang arkipelago. Ang arkepilago ay isang anyong
lupa na binubuo ng malalaki at maliliit na mga pulo. Ang pagiging
arkepilago ng bansa ay may malaking pakinabang sa pag-unlad ng
bansa.
Gaano nga ba kahalaga ang pagiging isang kapuluan ng Pilipinas?
Paano makakatulong sa pag-unlad ng isang bansa ang mga katangiang
pisikal nito?
Sa araling ito, inaasahang:
1. Maiisa-isa mo ang katangiang pisikal ng bansa
2. Maiuugnay mo ang kahalagahan ng katangiang pisikal sa pag-unlad
ng bansa.

1
Susuriin Ko
NAAALALA MO PA BA ANG NAPAG-ARALAN MO NOONG
NAKARAANG LINGGO?
Subukin mong gawin ang isinasaad ng panuto.

PANUTO: Iguhit sa papel ang 😊 kung ang pangungusap ay nagsasaad


ng tamang pamamaraan upang mabawasan at maiwasan ang
masamang epekto ng kalamidad at krisis at iguhit ang ☹ kung
hindi.

1. Ugaliing maghugas palagi ng kamay gamit ang sabon at malinis na


tubig para maiwasan ang virus.
2. Magsuot ng face mask kong lumalabas ng bahay o kung may
karamdaman.

3. Pumunta sa matataong lugar at makihalubilo sa mga tao.

4. Makinig sa radyo o manood ng tv para sa mga babala o mga balitang


ipinalalabas upang may alam kung may parating na bagyo.
5. Huwag putulin ang mga mahahabang sanga na malapit sa bahay.

2
Pag-aaralan Ko
BASAHIN AT UNAWAIN ANG MGA TEKSTO SA IBABA.

Ang Pilipinas ay may malalawak na kapatagan kung saan


matatagpuan ang malalaking taniman ng palay at iba pang produkto
katulad ng tubo at mais, mahahabang bulubundukin na nagsisilbing
panangga sa mga bagyong dumarating, nakabibighaning mga
bulubundukin, at bulkan na bagaman may panganib ay nagsisilbing
pasyalan, napakagagandang dalampasigan na nagbibigay saya lalo na
sa panahon ng tag-init, nakahihikayat na mga ilog, lawa at talon;
malalaki at maliliit na pulo.
Ang pagiging masagana ng bansa sa mga katangiang ito ay
nagbibigay ng malaking pakinabang sa kaunlaran ng pamahalaan.

Turismo

Tunay na maipagmamalaki ang turismo ng bansa. Bilang mga


Pilipino, makiisa tayo sa mga programa ng bansa sa turismo. Ayon sa
datos ng Kagawaran ng Turismo, umaas ng 15 bahagdan ang kinita ng
bansa sa taong 2013 kung ihahambing sa taong 2012. Maraming
dayuhan ang nahikayat dumayo sa Pilipinas dahil sa likas na
kagandahan nito. Ipinapakita sa tsart na mula sa taong 2010 hanggang
2014 ay patuloy na dumarami ang pumapasok na turista mula sa iba't
ibang bansa kasabay rin ng pagdami ng mga lokal na turista.

3
Tanjay Mangrove Forest Boardwalk,
Negros Oriental

Muelle Loney Bridge, Iloilo City

4
Napapasigla rin ng pagiging mayaman sa katubigan ang iba't
ibang maaaring pagkakakitaan katulad nga pangingisda, pagbabangka
at pagbibiyahe.
Sa pamamagitan ng mga sasakyang pandagat, napaunlad ang
turismo at kalakalan. Ang RORO (Roll on, Roll off) ay higit na
nakatulong sa pagbibiyahe ng mga produkto mula sa iba't ibang
lalawigan.

Ang iba't ibang anyong lupa ay nagkaroon ng ibat ibang


pakinabang na naging kaagapay sa pagsulong ng kaunlaran. Ilan sa
mga ito ay pagsasaka at transportasyon sa kapatagan,
Malaki ang naidulot sa bansa ng pagiging mayaman nito sa
katangiang pisikal hindi lamang sa mga mapagkakakitaan ngunit higit sa
lahat, mapaunlad nito ang ugaling Pilipino gaya ng pagiging matatag at
determinado, masipag, may pagkakaisa at pagtutulungan, may
malasakit sa kapwa, at may takot sa Diyos.

5
Gagawin Ko

Panuto: Ilarawan ang pag-unlad ng bansa noon at ngayon. Isulat sa


sagutang papel.

Noon Ngayon
1. Pangingisda
2. Pagsasaka
3. Transportasyon

6
Tatandaan Ko

➢ Ang Pilipinas ay isang kapuluan.

➢ Ang arkipelago ay isang anyong lupa na binubuo ng malalaki at


maliliit na pulo.

➢ Binubuo ang bansa ng malalawak na kapatagan, mahahabang


bulubundukin, nakabibighaning mga kabundukan at bulkan,
napakagandang dalampasigan, nakahihikayat na mga ilog at
talon, malalakit at malilit na pulo.

➢ Malaki ang pakinabang ng bansa sa turismo.

➢ Maraming magagandang tanawing dulot ng katangiang pisikal


ng bansa ang dinarayo ng mga turista mula sa iba't ibang
bansa gayundin ng mga lokal na turista.

7
Isasabuhay Ko

PANUTO: Isagawa ang isinasaad at isulat ang sagot sa papel.

A. Magtala ng tig dalawang (2) mga kahalagahan ng katangiang pisikal


Sa pag-unlad ng ating bansa
• Pagkakaroon ng mahahabang bulubundukin

1. ______________________________

2. ______________________________

• Malalawak na kapatagan

1. ______________________________

2. ______________________________

• Sagana sa katubigan

1. _____________________________

2. _____________________________

8
Susubukin Ko
Pangalan:___________________ Baitang:______________
Paaralan:____________________ Iskor:________________

PANUTO: Lagyan ng 😊 kung tama ang isinasaad ng pangungusap at


☹ kung mali. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

_____1. Nakakatulong ang pagkakaroon ng malalawak na kapatagan


at pagiging mayaman sa katubigan para mapagkunan ng
kabuhayan ng mga tao.
_____2. Masagana sa likas na yaman ang bansang Pilipinas.
_____3. May malalawak na kapatagan nag Pilipinas kung saan
matatagpuan ang malaking taniman ng palay, tubo at mais.
_____4. Nagpapasigla sa pagiging mayaman sa katubigan ang iba't
ibang maaaring pagkakakitaan katulad ng pangingisda at
pagbibiyahe.
_____5. Sa pamamagitan ng sasakyang pandagat ay napapaunlad
ang turismo at kalakalan.
_____6. Ang RORO ay ay higit na nakatulong sa pagbibiyahe ng mga
produkto sa iba't ibang lalawigan.
_____7. Ang Pilipinas ay hindi isang kapuluan.
_____8. Hindi napapakinabangan ng Pilipinas ang turismo nito.
_____9. Ang arkipelago ay isang anyong lupa na binubuo ng malalaki
at maliliit na mga pulo.
_____10. Ang mga mahahabang bulubundukin ay nagsisilbing
panangga sa mga bagyong dumarating.

9
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

Kagamitan ng Guro sa Araling Panlipunan 4.


pahina 24-27

Kagamitan ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 4.


pahina 108-111

Araling Panlipunan 3 Quarter 1, Modyul 8.


Sedayon, Caroline, 2020

Mga larawang kuha nina Nove P. Macayan, Leah M. Pacurib,


Madonna T. Libo-on, Benife P. Montecastro,
Pinky Pamela S. Guanzon, Liza A. Balogo

10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – SDO Bacolod City
Office Address: Rosario-San Juan Sts., Bacolod City 6100
Telefax: (034) 704-2585
E-mail Address: [email protected]

You might also like