EPP 5 HE Module 5

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

1

EPP/ TLE
QUARTER -2
HOME ECONOMICS

Pag-aalis ng Mantsa sa Damit


2

EPP/TLE- Grade 5
Quarter 2-Module 4A

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalties. Such agency or office may, among
other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e. songs, stories, poems, pictures, photos, brand


names, trademarks,etc.) included in this book are owned by respective
copyrightholders. Everyeffort has been exerted to locate and to seek permission to
use these materials from their respective copy owners. The publisher and authors do
not represent nor claim, owned over them.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad

Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Development Team of the Module


Writer: Mhilen Dalde- Marquez, T-III Victory Village Elementary School
Editor: Ma. Ganda B. Almoguera MT- I, Buraguis Elem. School
Reviewers:
Illustrator:
Consultant: Raul B.Bendian,EPS EPP/TLE/TVL
Management Team:
Gilbert T.Sadsad,Regional Director
Jessie L.Amin,Assistant Regional Director
Francisco B. Bulalacao,Jr.,CLMD Chief,ROV
Christie L.Alvarez,Regional EPS EPP/TLE/TVL
Crestito M.Morcilla, Schools Division Superintendent
Fernando C.Macaraig,Assistant Schools Division Superintendent
Imelda R.Caunca,Division CID Chief
Raul B. Bendian, Division EPS EPP/ TLE/TVL
3

H.E 5
PAG-AALIS NG MANTSA SA DAMIT

Pamantayang Pangnilalaman :

Naipapamalas ang pag-unawa sa kaalaman at kasanayan sa mga “ gawaing


pantahanan “ at tungkulin at pangangalaga sa sarili.

Pamantayan sa Pagganap :

Naisasagawa ang kasanayan sa pangangalaga sa sarili at gawaing pantahanan na


nakatutulong sa pagsasaayos ng tahanan.

Code : EPP 5 HE- Oc- 7

Layunin: 1. Naiisa- isa at nakikilala ang mga uri ng mantsa sa damit.


2. Natutukoy ang mga paraan ng pag-aalis ng mantsa sa damit.
4

SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIAL IN EPP/ TLE 5

Pangkalahatang –idea (Overview):

Makikita ang kahalagahan ng pangangalaga sa sarili sa pamamagitan ng malinis na


kasuotan. Nakakatulong ito sa pag-angat ng isang personalidad ng isang tao. Ang
mga paraan ng pag-alis ng mantsa sa damit at pagkilala sa mga ito ang tatalakayin
at bibigyang pansin sa modyul na ito.

Sa modyul na ito, tatalakayin ang iba pang pamamaraan sa pangangalaga at pag-


iingat ng kasuotan.

Aralin 1: Uri ng mantsa sa damit.

Aralin 2: Paraan ng pag-aalis ng mantsa sa damit.

Layunin:
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, matutunan at
maisasagawa ang wastong paraan ng pag-aalis ng mantsa sa damit .
Malalaman din natin ang at maiisa –isa ang mga uri ng mantsa sa damit.

Vocabulary List

Tastas- kalas ang pagkakatahi.


Syrup- malapot at matamis na likido.
Chewing gum- isang malagkit na may matamis na lasang preparasyon na
nginunguya.
Kalawang- ang mamula-mulang kulay tsokolateng dumi na bumabalot sa mga
bakal o tanso.
Amag o tagulangin- putting punggus na kumakapit sa damit.
Thinner- likidong inihahalo sa pintura.
Alcohol- likidong sangkap sa paggawa ng alak o sa mga limiento
Pre-Test 5

Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang kaisipan at MALI kung hindi wasto.
____1. Pakuluan ang damit na nadiktan ng chewing gum.
____2. Ang katas ng kalamansi ay nakatutulong maalis ang kalawang sa damit.
____3. Magandang tingnan ang damit na may mantsa.
____4. Anumang mantsa ay dapat tanggalin habang sariwa pa.
____5. Mahalagang malaman ang iba’t-ibang pamamaraan sap ag-aalis ng
mantsa.

Learning Activities

PAG-AALIS NG MANTSA SA DAMIT

Kailangan isipin ninuman na ang wastong pangangalaga ng kaniyang


kasuotan , mga kagamitan at anumang ang damit na mayroon ay dapat isapuso
at mahalin upang tumagal ang pakinabang.Hindi magandang tingnan ang damit
na may mantsa. Anumang mantsa ay dapat tanggalin habang sariwa pa.Labhan
agad ang damit na nalagyan ng mantsa upang madali itong maalis at maiwasan
ang pagkalat at pagkatuyo. Tiyakin na naalis ang mantsa sa damit bago ito
labhan. Sundin at isagawa nang wasto ang mga paraan ng pag-aalis ng iba’t-
ibang mantsa.Mahalaga ang kaalaman sa epektibong paraan ng pag-aalis nito.
Maisasagawa mo kaya ang iba’t- ibang pamamaraan na ito sa iyong kasuotan??

URI NG MANTSA KAGAMITAN PAMAMARAAN


1. Dugo Tubig at sabong panligo -Ibabad sa palangganang
o mild soap may tubig
-Kuskusin ng sabong panligo
-Banlawan

2. Tsokolate Mainit na tubig na may Ibabad sa palangganang


sabon may mainit na tubig.
-Kuskusin ng sabon panlaba
at labhan
-Banlawan
3.Katas ng prutas, kape Mangkok o dish -Ibabad sa malamig na tubig
6

at tsaa Malamig na tubig -Banatin ang bahaging


Kumukulong tubig namantsahan sa ibabaw ng
mangkok
-Buhusan ng kumukulong
tubig sa isang talamapakan
ang taas
4. Syrup Mainit na tubig -Ibabad sa mainit na tubig
-Labhan
5. Mantika Mainit na tubig -Labhan sa maligamgam na
Sabon tubig na may sabon
Pulbos -Wisikan ng pulbos ang
Malinis na puting blotting bahaging may mantika
paper -Ipagpag
Plantsa -Ulitin kung kailangan
-Ipitin ang mantsa sa pagitan
ng blotting paper at diinan ng
plantsa.
6. Chewing Gum Yelo -Kuskusin ng yelo ang kabila
ng damit na may chewing
gum hanggang tumigas
-Tanggalin ang tumigas na
chewing gum sa
pamamagitan ng kamay
7. Kalawang Asin -Lagyan ng asin at katas ng
Katas ng Kalamansi kalamansi ang bahaging
namantsahan
-Sabunin
8. Amag o Tagulangin Brush -Kuskusin ng eskoba ang
Mainit na Tubig bahaging namantsahan
Katas ng Kalamansi -Labhan ng mainit na tubig at
ikula
-Lagyan ng katas ng
kalamansi
-Banlawan
-Sabunin at labhan
9. Pintura Gaas o thinner -Basain ng gaas ang
Mainit na tubig at sabon basahan
-Gamiting pangkuskos ang
basahan sa bahagi ng damit
na may pintura
-Banlawan at labhan

10.Tinta Alkohol Buhusan ng alcohol na 70%


7

solution

Tandaan Natin:

 Ang damit na may mantsa ay hindi magandang tingnan. Ito ay nagpapakita ng


kapabayaan ng may suot. Dapat tanggalin kaagad ang mantsa habang bago pa
dahil mahirap na itong tanggalin kapag luma at natuyo na.
 Mayroon ding mga kemikal na maaring gamitin sa mga mantsang mahirap
tanggalin tulad ng asetona, peroxide, ammonia, glycerine at zonrox. Bago
gamitin ang mga nasabing kemikal, siguraduhin muna itong hindi
makakapinsala. Maaaring subukan muna ang mga ito sa laylayan ng damit o sa
kuwelyo. Gumamit ng bulak sa paglalagay ng kemilkal. Ang paglalagay nito ay
mula sa gilid ng mantsa patungo sa gitna upang hindi na ito kumalat pa. Gawing
marahan lamang ang pagkukuskos.

Post Test:

Hanapin sa Hanay B ang makatatanggal ng mga mantsang nasa Hanay A. Isulat


ang sagot sa inyong kuwaderno.

Hanay A Hanay B
___1. Kalawang a. alcohol
___ 2. Dugo b. gaas
___3. Pintura c. kalamansi
___4. Bubble gum d. sabong pampaligo
___5. Amag o tagulamin e.70% alcohol

Karagdagang
Kaalaman
8

Gamitin ang sumusunod na rubriks upang masukat ang kasanayan sa pag-aalis


ng mantsa sa kasuotan.
Rubriks sa Pag-aalis ng Mantsa sa Damit

Pamantayan Puntos Nakuhang


Puntos
Nakasusunod sa wastong hakbang sa
pag-alis ng mantsa sa damit. 10
Nakasusunod sa mga pangkalusugan at
pagkaligtasang gawi sa paggawa. 10
Naipapakita ang kalinisan sa
pamamaraang isinagawa 10
Kabuuan 30

Pagpapahalaga : 30-25- Napakahusay


24-20- Mahusay
19- 15- Mahusay- husay
14- 10- Kailangan pa Magsanay

Sanggunian:
Ventura, Ana B. Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan V,
Adriana Publishing Co.,Inc.Cubao, Quezon City ,Manila 2006
Peralta, Gloria A.etc. Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran V,
VICARISH Publilication and Trading, Inc. Sta.Ana, Manila 2016

You might also like