2015 Filg10q2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 88

2015

LEARNING MODULE
Filipino G10 | Q2

Panitikan ng mga
Bansa sa Kanluran:
Mitolohiya at Dula
NOTICE TO THE SCHOOLS

This learning module (LM) was developed by the Private Education Assistance
Committee under the GASTPE Program of the Department of Education. The learning
modules were written by the PEAC Junior High School (JHS) Trainers and were used
as exemplars either as a sample for presentation or for workshop purposes in the JHS
In- Service Training (INSET) program for teachers in private schools.

The LM is designed for online learning and can also be used for blended learning and
remote learning modalities. The year indicated on the cover of this LM refers to the year
when the LM was used as an exemplar in the JHS INSET and the year it was written or
revised. For instance, 2017 means the LM was written in SY 2016-2017 and was used
in the 2017 Summer JHS INSET. The quarter indicated on the cover refers to the
quarter of the current curriculum guide at the time the LM was written. The most recently
revised LMs were in 2018 and 2019.

The LM is also designed such that it encourages independent and self-regulated


learning among the students and develops their 21st century skills. It is written in such a
way that the teacher is communicating directly to the learner. Participants in the JHS
INSET are trained how to unpack the standards and competencies from the K-12
curriculum guides to identify desired results and design standards-based assessment
and instruction. Hence, the teachers are trained how to write their own standards-based
learning plan.

The parts or stages of this LM include Explore, Firm Up, Deepen and Transfer. It is
possible that some links or online resources in some parts of this LM may no longer be
available, thus, teachers are urged to provide alternative learning resources or reading
materials they deem fit for their students which are aligned with the standards and
competencies. Teachers are encouraged to write their own standards-based learning
plan or learning module with respect to attainment of their school’s vision and mission.

The learning modules developed by PEAC are aligned with the K to 12 Basic Education
Curriculum of the Department of Education. Public school teachers may also download
and use the learning modules.

Schools, teachers and students may reproduce the LM so long as such reproduction is
limited to (i) non-commercial, non-profit educational purposes; and to (ii) personal use or
a limited audience under the doctrine of fair use (Section 185, IP Code). They may also
share copies of the LM and customize the learning activities as they see fit so long as
these are done for non-commercial, non-profit educational purposes and limited to
personal use or to a limited audience and fall within the limits of fair use. This document
is password-protected to prevent unauthorized processing such as copying and pasting.
FILIPINO BAITANG 10

Modyul 2: Panitikan Ng Mga


Bansa Sa Kanluran: Mitolohiya At
Dula
PANIMULA AT POKUS NA MGA TANONG
Paano mo susuklihan ang pag-aaruga at pagmamahal na
ipinadadama sa’yo ng iyong mga magulang? Paano kung umabot sa
puntong iyong matuklasan na ikaw ay ampon lamang? Iiwan mo ba ang
nag-ampon sa’yo at hahanapin ang totoong magulang? Sa kabilang banda,
ano ang iyong gagawin kung ang pinuno ng inyong bayan ay hinihimok kang
huwag ilantad ang katotohanang iyong nalalaman upang di masira ang
bayan? Sa modyul na ito, mabibigyang kasagutan ang sumusunod
na mga katanungan:
1. Bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan ang iba’t
ibang akdang pampanitikan ng mga bansang kanluranin?
2. Masasalamin ba sa panitikan ng mga bansang kanluranin ang
kultura o kalagayang panlipunan ng ating bansa? Patunayan.
3. Paano nakaaapekto ang panitikan ng mga bansa sa kanluran
sa buhay nating mga Pilipino?
4. Paano mapananatili at mapauunlad ang panitikang ng mga
bansa sa kanluran?
5. Paano nakatulong ang mabisang paggamit ng wika sa
pagpapalutang ng kasiningan ng akda?

SAKLAW NG MODYUL:
Sa modyul na ito, mabibigyang-tugon ang mga nabanggit na katanungan
kapag pinag-aralan mo ang magkasunod na dalawang aralin:

ARALIN 1: Mitolohiya ng North America


Panitikan: Mitolohiya: Ang Lalaking Buffalo (batay sa salaysay ni Robert
Harry Lowie)
Wika: Pokus ng Pandiwa: Pokus sa Tagaganap, at Pokus sa Layon

ARALIN 2: Dula ng Norway


Panitikan: Dula: Kaaway ng Bayan (manunulat: Henrik Ibsen)
Wika: Pokus ng Pandiwa: Pokus sa Pinaglalaanan/Benepaktibo, at
Pokus sa Kagamitan

Developed by the Private Education Assistance Committee 1


under the GASTPE Program of the Department of Education
Sa modyul na ito, matatamo mo ang mga sumusunod kompetensi:

Pag-unawa sa Napakinggan (PN)


Mitolohiya ● F10PN-IIa-b-71 Nailalahad ng mga pangunahing paksa at
ideya batay sa napakinggang usapan ng mga tauhan
Pag-unawa sa Binasa (PB)
● F10PB-IIa-b-73 Nasusuri ang nilalaman, elemento at
kakanyahan ng binasang mitolohiya
● F10PB-IIa-b-74 Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan sa
binasa sa sariling karanasan
Paglinang ng Talasalitaan (PT)
● F10PT-IIa-b-71 Naisasama ang salita sa iba pang salita
upang makabuo ng ibang kahulugan (collocation) Panonood
(PD)
● F10PD-IIa-b-69 Nabubuo ang sistematikong panunuri sa
mitolohiyang napanood
Pagsasalita (PS)
● F10PS-IIa-b-73 Naipapahayag ang mahahalagang
kaisipan at pananaw tungkol sa mitolohiya Pagsulat (PU)
● F10PU-IIa-b-73 Pasulat na naihahambing ang mitolohiya
mula sa bansang kanluranin sa mitolohiyang Pilipino
Wika at Gramatika (WG)
● F10WG-IIa-b-66 Nagagamit ng wasto ang pokus ng
pandiwa: tagaganap at layon sa pagsulat ng paghahambing

Pag-unawa sa Napakinggan (PN)


● F10PN-IIa-b-72 Nailalahad ang kultura ng lugar na
pinagmulan ng kuwentong-bayan sa napakinggang usapan
ng mga tauhan.
Pag-unawa sa Binasa (PB)
● F10PB-IIa-b-75 Naihahambing ang kultura ng bansang
pinagmulan ng akda sa alinmang bansa sa daigdig.
Paglinang ng Talasalitaan (PT)
● F10PT-IIa-b-72 Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita
Dula batay sa pinagmulan nito (epitimolohiya)
Panonood (PD)
● F10PD-IIa-b-70 Naipaliliwanag ang katangian ng mga tao sa
bansang pinagmulan ng kuwentong-bayan batay sa
napanood na bahagi nito.
Pagsasalita (PS)
● F10PS-IIa-b-74 Naibabahagi ang sariling damdamin at
saloobin sa isang pangkatang talakayan ang sariling kultura
kung ihahahambing sa kultura ng ibang bansa batay sa
nabasang dula.

Pagsulat (PU)
● F10PU-IIa-b-74 Naisusulat nang wasto ang ang sariling
damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung
ihahahambing sa kultura ng ibang bansa batay sa
nabasang dula.
Wika at Gramatika (WG)
 F10WG-IIa-b-67 Nagagamit ng wasto ang pokus ng
pandiwa (pinaglalaaanan at kagamitan) sa pagsulat ng
sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura
kung ihahahambing sa kultura ngibang bansa.

Kapaki-pakinabang ang pagbibigay-pansin mo sa binuong mapa ng mga leksyon


na pag-aaralan mo sa modyul na ito.

MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG MGA BANSA SA KANLURAN

ARALIN 1: Mitolohiya ng North America


Panitikan:Mitolohiya: Ang Lalaking Buffalo
(batay sa salaysay ni Robert Harry Lowie)
Wika:Pokus ng Pandiwa: Pokus sa Tagaganap, at Pokus sa Layon

ARALIN 2: Dula ng Norway


Panitikan:Dula: Kaaway ng Bayan (manunulat: Henrik Ibsen)
Wika:Pokus ng Pandiwa: Pokus sa Pinaglalaanan/Benepaktibo,
at Pokus sa Kagamitan

Aralin 1: Panitikan ng mga Bansa sa Kanluran: Mitolohiya ng North


America – Ang Lalaking Buffalo

ARALIN 1: Mitolohiya ng North America

Panitikan:Mitolohiya: Ang Lalaking Buffalo


(batay sa salaysay ni Robert Harry Lowie)
Wika:Pokus ng Pandiwa: Pokus sa Tagaganap, at Pokus sa Layon
Sa mga araling ito, matututuhan mo ang mga sumusunod na kompetensi:

Pag-unawa sa Napakinggan (PN)


● F10PN-IIa-b-71 Nailalahad ng mga pangunahing paksa
at ideya batay sa napakinggang usapan ng mga tauhan
Pag-unawa sa Binasa (PB)
Mitolohiya ● F10PB-IIa-b-73 Nasusuri ang nilalaman, elemento at
kakanyahan ng binasang mitolohiya
● F10PB-IIa-b-74 Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan sa
binasa sa sariling karanasan
Paglinang ng Talasalitaan (PT)
● F10PT-IIa-b-71 Naisasama ang salita sa iba pang salita
upang makabuo ng ibang kahulugan (collocation)
Panonood (PD)
● F10PD-IIa-b-69 Nabubuo ang sistematikong panunuri
sa mitolohiyang napanood
Pagsasalita (PS)
● F10PS-IIa-b-73 Naipapahayag ang mahahalagang kaisipan
at pananaw tungkol sa mitolohiya
Pagsulat (PU)
● F10PU-IIa-b-73 Pasulat na naihahambing ang mitolohiya mula
sa bansang kanluranin sa mitolohiyang Pilipino
Wika at Gramatika (WG)
● F10WG-IIa-b-66 Nagagamit ng wasto ang pokus ng pandiwa:
tagaganap at layon sa pagsulat ng paghahambing
PAUNANG PAGTATAYA:

Bago mo simulan ang pagsasagawa sa mga makabuluhang gawain sa


unang aralin ng modyul na ito, tuklasin muna natin ang lawak ang iyong
kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot mo sa sumusunod na mga katanungan.
Sagutin ang lahat ng aytem.

Pagkatapos masagot ang panimulang pagtatayang ito, malalaman mo ang


iyong iskor. Pagkatapos masagutan at maiwasto ang lahat ng kasagutan,
isaalang-alang ang mga naging kamalian at tuklasin ang tamang sagot sa mga
ito habang pinag-aaralan ang ang mga aralin sa modyul na ito.

Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang titik na


kumakatawan sa tamang sagot.

1. Anong anyo ng panitikan ang sadyang binuo upang itanghal sa


entablado? (K)
a. Nobela
b. Dula
c. Mitolohiya
d. Maikling kuwento

2. Bakit naging lalaking Buffalo ang itinuring na anak ng mag-asawang


nabubuhay sa kahirapan? (K)
a. Sapagkat isinumpa siya ng kaniyang naging asawa
b. Sapagkat isinumpa siya ng kaniyang kinagisnang magulang
c. Dahil binanggit ng asawa niya ang di niya dapat banggitin
d. Dahil bunga ito ng di niya pagtupad sa kaniyang naging pangako

3. Sa dulang “Kaaway ng Bayan”, sino ang may papel na Punong Sanidad ng


Paliguan Municipal? (K)
a. Peter Stockmann
b. Tomas Stockmann
c. Kapitan Horster Aslaksen
d. Morten Kiil

4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang kakikitaan ng Pokus sa


Benepaktibo? (P)
a. Ang sinigang ay niluto ni nanay para sa mga panauhing
galing Maynila.
b. Ang nilutong sinigang ni nanay ay para sa mga panauhing
galing Maynila.
c. Ang nanay ay nagluto ng sinigang para sa mga panauhing
galing Maynila.
d. Ipinagluto ni nanay ng sinigang ang mga panauhing galing Maynila.
5. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagtataglay ng Pokus sa
Kagamitan? (P)
a. Kutsilyo na matalas ang ipinambalat niya sa mangga.
b. Binalatan niya ang mangga sa pamamagitan ng matalim na
kutsilyo.
c. Siya ang nagbalat sa mangga sa tulong ng matalim na kutsilyo.
d. Ipinambalat niya ng mangga ang matalim na kutsilyo.

6. Sa mitolohiyang “Ang Lalaking Buffalo”, alin sa mga sumusunod na


salawikain ang pinakaakma sa mag-asawang nabiyayaan ng anak? (P)
a. “Ang di marunong lumingon sa pinanggalingan, di makararating sa
paroroonan”
b. “Sa likod ng makapal na ulap, may nakakubling liwanag”
c. “Aanhin mo ang damo kung patay na ang kabayo”
d. “Ang talon ng inang kambing, ang anak ay ganoon din”

7. Alin sa mga sumusunod na islogan ang pinakaangkop na mensahe ng


dulang “Kaaway ng Bayan”? (P)
a. “Kaaway ng Bayan, Huwang nang Pansinin nang Di Maapektuhan”
b. “Kaaway ng Bayan, Magwawakas Din Hayaan Lamang”
c. “Kaaway ng Bayan, Asikasuhin at Puksain nang Magtagumpay”
d. “Kaaway ng Bayan, Ipaubaya na Lamang sa mga Kinauukulan”

8. Mula sa dulang “Kaaway ng Bayan”, alin sa mga sumusunod ang


pinakaangkop na tono ng pahayag ni Dr. Tomas Stockmann na “Sa akala
mo ba’y ipag-iingay ko sa buong bayan nang wala pa akong nahahawakang
katibayan? Naku hindi, salamat. Hindi ako luko-luko”? (P)
a. nag-aalinlangan
b. nagbabakasakali
c. nagagalit
d. naniniguro

9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang itinuturing na isa sa mga maling


palagay o misconception ng ilang mag-aaral na tulad mo may kinalaman sa
tunay na layunin ng pagkakakatha ng dula? (maling palagay/misconception)
(U)
a. Layunin ng anumang dula na itanghal sa entablado
upang kapulutan ng aral.
b. Layunin ng dula na basahin upang kapulutan ng aral sa halip na
itanghal sa entablado.
c. Layunin din ng pagkakabuo ng dula na aliwin ang
sinumang nakararanas ng kabagutan.
d. Layunin ng pagkakatha ng dula na talakayin ang mahahalagang
usapin sa lipunan.
10. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na dahilan kung bakit dapat
pag- aralan ang mga panitikan ng mga bansa sa kanluran? (EU)
a. Sapagkat sa paraang ito mapaiigting ang ugnayan ng ating
bansa sa mga bansa sa daigdig
b. Sapagkat maraming aral na matututuhan na nakatutulong
upang magtagumpay sa buhay
c. Dahil sa paraang ito mababawasan ang lungkot na nararanasan ng
bawat mamamayan
d. Dahil tulong ito upang di tayo maging ignorante sa mga nangyayari
sa mga bansa sa kanluran

11. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalapit na kahulugan ng pahayag na


hinalaw sa dulang “Kaaway ng Bayan” na “Napakasarap ang
pakiramdam ng isang taong nakatatalos na nakagawa siya ng kabutihan
sa kaniyang bayang sinilangan at sa kaniyang mga kapuwa
mamamayan”? (U)
a. Nagdudulot ng panloob na kasiyahan ang pagtulong sa kapwa
at sa sariling bansa.
b. Nakadaragdag ng salapi ang pagtulong sa iba yamang maaari ka
nilang bigyan ng gantimpala.
c. Napananatili ang magandang reputasyon sa oras na tumulong sa
mga nangangailangan.
d. Nadaragdagan ang bilang ng mga kaibigan sa tuwing nagkakaloob
ng tulong sa kapwa.

12. Alin sa mga sumusunod ang pinamakabuting dahilan kung bakit


kailangan ng bawat isa na makisangkot sa mga nangyayari sa lipunang
kinabibilangan? (U)
a. Dahil bilang isa sa mga nakatira sa lipunang iyon, dapat lamang na
makialam sa ayaw at sa gusto niya
b. Dahil malaki ang posibilidad na maapektuhan din siya mga
nangyayari tuwiran man o di tuwiran
c. Dahil kung di niya ito gagawin, pariringgan o dili kaya’y aawayin
lamang siya ng ibang kapwa
d. Dahil kung di niya ito gagawin, may posibildad ding di siya
pagbibigyan kung sa kaling may pabor na hihilingin

13. Bakit may mga balitang kailangang-kailangang malaman ng


sambayanan subalit pilit pa rin itong ikinukubli ng mga taong nakaaalam?
Alin sa mga sumusunod ang pinakamabigat na dahilan? (U)
a. Hinihintay ang tamang pagkakataon at iniipon ang sapat na
katibayan bago ipaalam sa madla.
b. Dahil sa pamgamba na may madamay o masangkot na mataas na
opisyal, nakakahiya naman.
c. Baka kasi sangkot mismo ang taong nakaalam nito kaya ayaw
ipaalam sa sambayanan.
d. Dahil sa takot na may malapit na kamag-anak o kaibigan na
madadamay sa ibabalita.

14. Bakit may mga anak na pilit na hinahanap ang totoong mga magulang kahit
sabihin pang walang pagkukulang ang kinalakihan o kinagisnang
magulang? Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na dahilan? (U)
a. dahil wala lang magawa sa buhay kaya hinahanap-hanap pa rin
ang totoong magulang upang may pagkaabalahan
b. dahil sa kagustuhang makakuha ng tulong-pinansyal at pagkatapos
itong gawin, iiwan din lamang sila
c. dahil likas sa atin na hanapin ang tunay na magulang at ibang-iba
talaga ang pakiramdam pag kilala sila
d. dahil kung di ito gagawin ng anak, kukutyain lamang siya at
sasabihang walang pakialam sa tunay na magulang

15. Sa tuwing dumaraan ka sa isa pang daanan palabas sa inyong lugar,


nakikita mong naghihirap sa buhay ang isang mag-asawa na malapit sa
inyong tirahan. Wala kasi silang anak. Ramdam mong kailangang-kailangan
nila ng tulong ngunit tila mailap ang tulong sa kanila. Batid mong may
kakayahan kang tumulong sa kanila sapagkat nakaririwasa ang inyong
pamilya. Isa pa, kilala ka sa pagiging matulungin sa kapwa. Gayunpaman,
may pangamba kang tumulong sapagkat narinig mo minsan na may
pagkamasungit sila. Ano ang pinakamainam mong gawin. (T)
a. Sabihin sa mga magulang ang hangaring tumulong upang
ika’y kanilang masuportahan sa maganda mong binabalak.
b. Huwag na silang pansinin pa at huwag na rin silang pag-
aksayahan ng panahon dahil matanda na rin lamang sila.
c. Itanim sa isipan ang narinig hinggil sa kasungitan ng mag-asawang
matanda upang gamitin itong dahilan nang di sila tulungan.
d. Dumaan lagi sa ibang daanan upang di na makita pa ang mag-
asawang matanda at di ka na maapektuhan sa kanilang kalagayan.

16. Kalugod-lugod ang samahan ninyong magkapatid. Kapwa kayo nagtataglay


ng busilak na kalooban. Lagi kayong magkasama sa hirap man o ginhawa,
sa kasiyahan man o kalungkutan. Nangako kayo sa isa’t isa na ibibigay ang
suporta sa bawat isa. Isang araw, sinabihan mo ang iyong kapatid na ibigay
ang isang folder na naglalaman ng mahahalagang dokumento dahil ikaw ay
sasama sa tatlong araw na camp ng inyong paaralan. Kailangang maibigay
ito sa inyong ama sa gabing iyon. Pagkatapos ng camp, natuklasan mong di
pa ito naibibigay ng iyong kapatid. Nang ibigay ito, sukdulan ang galit sa’yo
at ikaw ang sinisisi ng iyong ama dahil bakit raw ngayon lamang ibigay ang
folder. Ano ang pinakamainam mong gawin?
a. Pagagalitan din nang husto ang kapatid at sisihin siya sa nangyari
kahit masira na ang inyong magandang samahan.
b. Maglalayas sa bahay at ipangakong di na babalik upang makabawi
sa kapatid na di tumupad sa usapan.
c. Ipamumukha sa kapatid ang ginawang pagkakamali at sabihan
siyang huwag na huwag ka na niyang kakausapin pa.
d. Humingi ng paumanhin sa ama, alamin sa kapatid ang nangyari
at uunawain ang dahilan o paliwanag ng kapatid.

17. Abot-langit ang iyong pasasalamat sa pagkakaroon ng mabait, maunawain,


at mapag-arugang ama’t ina. Walang araw na di mo nadama ang kanilang
wagas na pagmamahal. Kaya, lagi mo naman silang ibinibida sa’yong mga
kaibigan. Gayunpaman, sa di sinasadyang pagkakataon habang ikaw ay
tumutulong sa general cleaning sa bahay, isang kasulatan mula sa kabinet
ng iyong ama ang iyong nakita’t nabasa na labis mong ikinagulat. Oo,
natuklasan mong ika’y di nila tunay na anak. Isa ka lamang na ampon! Ano
ang pinakamabuti mong gawin sa mga sandaling iyon?
a. Punit-punitin at itapon ang dokumentong nakita at magkunwaring
walang nakitang gayong uri ng dokumento.
b. Buong suyo at kapakumbabahang kausapin ang ama’t ina at
kalmadong pag-usapan ang tungkol sa’yong natuklasan.
c. Agad na susugurin ang ama’t ina at isusumbat sa kanila ang
ginawang paglilihim ng katotohanan tungkol sa kaniyang pagkatao.
d. Kukunin ang dokumento, kukunin ang lahat ng gamit at agad na
aalis ng bahay upang hanapin ang totoong mga magulang.

18. Batid mong ikaw at ng iyong nakatatandang kapatid ay may magkaibang


prinsipyo at paniniwala sa buhay. Makailang beses na ring nagkabanggaan
ang inyong mga ideya o pahayag tungkol sa isang maselang usapin sa
buhay. Alam mong di magpapatalo ang iyong kapatid sa aspektong ito.
Ayaw mo namang laging ganito dahil magkapatid kayo at ulila na kayong
lubos sa ama’t ina. Isa pa, ayaw mo siyang iwan dahil laging sumisige ang
kaniyang atake sa puso. Ano ang pinakamabuti mong gawin?
a. Hayaang magpatuloy ang inyong bangayan kung iyon ang gusto ng
iyong kapatid, ganyan talaga ang buhay.
b. Matutong magparaya sa buhay kung di naman ito nagdudulot ng
kasamaan o kapahamakan sa’yo.
c. Aalis ka sa inyong bahay at makikitira na lamang sa mga kamag-
anak upang makaiwas sa bangayan.
d. Isumpa na lamang sa sarili na huwag siyang kakausapin
upang makasigurong maiiwasan ang bangayan.
19. Ipagpalagay na ikaw ang alkalde sa inyong lugar. Higit na umunlad ang
lungsod na iyong nasasakupan mula nang ika’y maluklok sa puwesto.
Ngunit alam mong ang pag-unlad na ito ay dahil sa mahuhusay na ideya
mula sa iyong nakababatang kapatid na isang doktor. Hanggang sa isang
araw, sa’yong pagdalaw sa bahay ng iyong kapatid, nabanggit niyang may
natuklasan siyang tiyak na ikagugulat ng inyong mga kababayan. Ibig mo
itong malaman agad ngunit tumanggi siyang ipaalam ito sa’yo. Ano ang
pinakamabuti mong gawin?
a. Ipagpilitan sa kapatid na sabihin sa’yo ang natuklasan kahit maging
sanhi pa ito ng inyong alitang magkapatid yamang karapatan mo ito
bilang alkalde ng bayan.
b. Igalang ang pasya kung ayaw muna niya itong sabihin sa’yo
sapagkat siya ang higit na nakaaalam kung kailan ang tamang
panahon ng paglalantad sa natuklasan.
c. Magpasyang di aalis sa bahay ng kapatid hanggat di sinasabi ang
natuklasan kahit nangangahulugan ito ng pagkainis at pagkayamot
ng kapatid, asawa’t mga anak.
d. Tawagin ang iba pang mga opisyal ng bayan upang samahan
kang hikayatin ang iyong kapatid na sabihin ang bagay na
inaasam- asam mong malaman.

20. Ipagpalagay mo na isa kang ama na nagtataglay ng mabuting kalooban.


May anak kang dalaga na nagkakagusto at umiibig sa isang binatang
mahirap lamang subalit kitang-kita ang kasipagan. Di ka sang-ayon dito
sapagkat may iba kang nagugustuhan para sa’yong anak, isang binatang
mayaman ang angkan ngunit di ka sigurado kung masipag sa buhay. Ano
ang pinakamainam mong gawin bilang isang amang naghahangad ng
ikaliligaya ng anak?
a. Hikayatin ang anak na ibigin ang lalaking gusto talaga niya
sapagkat iyon ang nararapat at siya naman ang makikisama rito
habambuhay.
b. Hikayatin ang anak na huwag munang iibig dahil malakas ka pa at
kayang-kaya mo pa siyang ipagtanggol laban sa mga masasama.
c. Hikayatin siyang magkaroon ng maraming kasintahan nang
sabay- sabay upang makapamili nang maayos sa tamang
panahon.
d. Hikayatin ang anak na makipagrelasyon agad sa lalaking
nagugustuhan ngunit kung nagsawa’y makikipaghiwalay rin agad.
Ano ang iyong gagawin kung nalaman mong ikaw ay ampon lamang? Paano mo
pakikitunguhan ang iyong kinagisnang magulang? Ang iyong mga kasagutan sa
mga tanong na ito ang magpapalitaw sa iyong totoong taglay na katangian. Kaya,
atin nang tuklasin ang taglay mong katangian sa pamamagitan ng susunod na
gawain.

GAWAIN BLG. 1: Kung Ako’y Ampon Lamang


DESKRIPSYON: Bigyang-kasagutan ang dalawang tanong sa itaas. Maging tapat
sa’yong mga sagot. Isulat sa loob ng kahon ang ang iyong tugon sa loob ng lima
hanggang walong pangungusap lamang.
Walang alinlangang sa unang gawain pa lamang, natukasan mo na ang
aplikasyon sa tunay na buhay ng isang mitolohiya mula sa bansang kanluran
– ang North America. Higit pa rito ang iyong matutuklasan sa pagpapatuloy ng
iyong paglalakbay sa araling ito. Makikita mong nakatutulong sa pagpapaigting
ng ugnayang pandaigdig ang pag-aaral ng panitikan ng iba’t ibang bansa,
partikular na sa bansang kanluran.
Ang susunod na gawain ay may layuning tuklasin ang lawak at lalim ng iyong pag-
unawa sa kahalagahan ng mitolohiyang nagmula sa bansang kanluran.

GAWAIN BLG. 2. Mapa ng Konsepto ng Pagbabago


DESKRIPSYON: Nasa ibaba ang halimbawa ng IRF tsart. Punan ang unang hanay
ng iyong sagot sa katanungang “Paano nakaaambag sa relasyong
internasyunal ang pag-aaral sa mga panitikan mula sa iba’t ibang bansa,
partikular na sa bansang kanluran?” Isaalang-alang ang magiging tugon yamang
may posibilidad na ito’y mabago habang at pagkatapos mapag-aralan ang kabuuan
ng araling ito.

Unang Tugon (Initial)

Pagbabago sa Unang Tugon (Revised)

Pinal na Tugon batay sa Natutuhan (Final)

WAKAS NG PAGTUKLAS:
Tunay na sa bisa ng tinugunan mong IRF, nabigyan ka ng pangkalahatang pananaw
hinggil sa mga puntong dapat mong bigyang-pansin sa pag-aaral ng araling ito.

Ngayon, iyo nang pasukin at galugarin ang daigdig ng mitolohiya mula sa bansang
kanluran sa pamamagitan ng susunod na bahagi.
Bilang bahagi ng paglinang ng iyong kaalaman at pag-unawa sa mitolohiya, nakabubuting alamin mo muna

GAWAIN BLG. 3: Video: Mitolohiya, Bakit Nabuo?


DESKRIPSYON: Sa tulong ng video na ito, mauunawaan mo ang dahilan ng
pagkakabuo ng mitolohiya bilang anyo ng panitikan. Malalaman mo rin kung ano
ang epekto ng mitolohiya sa realidad ng ating buhay kahit sabihin nating ito’y
punong- puno ng pantasya. Panoorin ito sa: https://www.youtube.com/watch?
v=ez6C8xXDsG4. Pagkatapos, sagutin ang mga pamprosesong tanong.

MGA PAMPROSESONG TANONG


1. Bakit nabuo ang mitolohiya ayon sa Egyptian Archeology Professor na si Dr.
Okasha Al Daly?
2. Ano-ano ang naitutulong ng pag-aaral ng mitolohiya ayon naman kay Winnie
Li, nagtapos ng BA Mythology?
3. Ano-ano ang mga saklaw ng pag-aaral ng mitolohiya?
4. Bakit nabanggit sa video ang tungkol sa Gelgamesh, Ramayana, at
Mahabharata?
5. Ayon kay Rodney Sharkey, Popular Culture Professor, ano-ano ang dapat
na bigyang-atensyong sa isang mitolohiya?
6. Sumasang-ayon ka ba sa binanggit sa video na ang mitolohiya ay “HINDI
namamatay”? Pangatuwiranan.
7. Sumasang-ayon ka rin ba sa binanggit sa video na ang mitolohiya ay “puso
ng mamamayan”? Ipaliwanag.
8. Ano ngayon ang nabuo mong konklusyon hinggil sa halaga ng pag-aaral ng
mitolohiya?

Sa tulong ng sinundang gawain, napalitaw ang katotohanang malaki ang epekto


ng mitolohiya sa realidad ng ating buhay yamang masasalamin sa mga ito ang
tiyak na kultura ng isang lugar sa takdang panahon. Oo, iyo nang napagtanto
kung bakit dapat pag-aralan ang mitolohiya bagamat naglalaman ang mga ito ng
pantasya.

Nang tuluyang malinang ang iyong kaalaman, kaunawaan at pagpapahalaga sa


mitolohiya, pakikinabangan mong tunay ang susunod na gawain.
GAWAIN BLG. 4: Video: Mitolohiya, Bakit Dapat Ituro?
DESKRIPSYON: Sa pamagat pa lamang ng gawain, tiyak na dadalhin ka ng
gawaing ito sa mga iba’t ibang kadahilanan kung bakit ang mga estudyante at
anak na tulad mo ay dapat na pag-aralan ang mitolohiya. Paglimiin mong mabuti
ang bawat pahayag ng isang ama at gurong lalaki na kinakapanayam sa video na
ito. Puntahan ang https://www.youtube.com/watch?v=ObX3-1DueA0.
Pagkatapos, sagutin ang mga pamprosesong tanong.

MGA PAMPROSESONG TANONG


1. Bakit ginamit ng propesor ang mga sumusunod na tauhan ng Bibliya
upang bigyang-diin ang kahalagahan ng pag-aaral ng mitolohiya?
a. Ang Pamumuno ni Moises upang itakas ang mga Israelita sa malupit na
kamay ng mga Ehipsyo
b. Ang tungkol kay Pablo nang siya’y nasa Atenas
c. Ang tungkol sa ipinamalas na pananampalataya ni Daniel noong siya’y
nasa Babilonia
2. Ano ang ipinayo ng propesor upang maiwasan ang pagkalito sa pag-
aaral ng mitolohiya?
3. Bakit mahalagang pag-aralan ang mitolohiya ayon sa propesor? Isa-
isahin ang mga ito.
4. Ano ang puntong nais ipabatid ng propesor nang sabihin niya ang
pinagkaiba ng “pag-aaral ng mitolohiya” at “pagsasabuhay ng
mitolohiya”?
5. Paano nakatulong ang video na ito hinggil sa iyong pangmalas sa pag-
aaral ng mitolohiya?

Hindi na ngayon maikukubli ang katotohanang natulungan ka ng mga video na


magkaroon ng positibong saloobin kaugnay ng pag-aaral mo ng mitolohiya. Oo,
kahit naglalaman ng mga pantasya ang mga mitolohiya, ang epekto nito sa atin
sa totoong buhay ay di maitatatwa.

Ngayon, sapat na ang iyong dahilan upang pag-aralan ang isang halimbawa ng
mitolohiya mula sa bansang kanluran, sa North America na pinamagatang “Ang
Lalaking Buffalo” batay sa salaysay ni Robert Harry Lowie. Nang matamo ang
lubusang pag-unawa sa nilalaman ng mitolohiyang ito, makatutulong ang
susunod na gawain.
GAWAIN BLG. 5: Pagpapalawak ng Talasalitaan
DESKRIPSYON: Isulat sa kolum A ang kasingkahulugan ng salitang nasa bawat
bilang, at sa kolum B naman ang kasalungat nito upang maunawaan nang husto
ang mitolohiyang “Ang Lalaking Buffalo” mula sa North America. Isulat sa
nakalaang kahon ang kasagutan

A. KASINGKAHULUGAN B. KASALUNGAT

1. BAKAS

2. NAGITLA

3. TUMALIMA

4. NAPAGTANTO

5. HABAG

6. KAGYAT

7. TUMALILIS
Ngayon at naging malinaw na sa’yo ang kahulugan ng mga salitang maaaring
makasagal sa iyong pag-unawa sa babasahing mitolohiya, masasabi nating handa
ka na nga upang isagawa ang pagbasa sa mitolohiya ng North America sa
pamamagitan ng susunod na gawain.

PAGBASA BLG.1: Mitolohiya ng North America


DESKRIPSYON: Isa ang North America sa mga bansa sa kanluran. Iklik
lamang ang site na ito upang iyong mabatid nang husto ang kabuuan ng
mitolohiyang “Ang Lalaking Buffalo”,
https://gurosafilipino72591.wordpress.com/2014/01/13/ang-lalaking-buffalo-
2/. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na mga tanong.
MGA PAMPROSESONG TANONG:
1. Bakit mo masasabing mahirap ang kinagisnang buhay ng mag-
asawa? Patunayan.
2. Nagtagal ba ang kahirapan ng buhay ng mag-
asawa? Pangatuwiranan.
3. Paano sinuklihan ng anak ang pag-aarugang ipinadama ng
kaniyang kinagisnang magulang?
4. Nang maging ganap na binata ang tinaguriang anak ng mag-asawa,
ano ang naisipan niyang gawin, at paano siya napabilang sa tribong
kaniyang napuntahan?
5. Paano natukasan ng binata na ngayo’y may-asawa na ang
kaniyang tunay na pagkatao o tunay na pagkakakilanlan?
6. Bakit ang mitolohiya ay pinamagatang “Ang Lalaking Buffalo”?
7. Ano-nong kaugalian sa North America ang masasalamin sa
mitolohiyang binasa?
8. Bakit kapaki-pakinabang ang pag-aaral sa mitolohiya ng bansa
sa kanluran tulad ng North America? Ipaliwanag.
9. Paano nakaaambag sa relasyong internasyunal ang pag-aaral sa
mga panitikan mula sa iba’t ibang bansa, partikular na sa
bansang kanluran?

Binabati kita sapagkat naging maliwanag na sa iyo ang kabuuan ng mitolohiyang


“Ang Lalaking Buffalo” mula sa bansang Kanluran. Kasabay nito, nabigyang-diin
ang katotohanang nakatutulong ang panitikan mula sa bansang kanluran
upang mapaigting ang ugnayang pandaigdig ng ating bansa, maliban pa sa
mga praktikal na ginintuang aral na natutuhan mula rito.

Sa puntong ito, ating isanib ang pagtalakay sa gramatika, partikular na ang


dalawang uri ng Pokus ng Pandiwa: Una, ang Pokus sa Tagaganap. Ikalawa, ang
Pokus sa Layon. Ang susunod na gawain ang magpapatibay rito.
PAGBASA BLG. 2: Pagsasanib-Gramatika: Pokus ng Pandiwa
DESKRIPSYON: Basahin at unawaing mabuti ang dalawang uri ng pokus ng
pandiwa: Pokus sa Tagaganap, at Pokus sa Layon.

POKUS NG PANDIWA
tumutukoy sa relasyon o ugnayan ng paksa at ng pandiwa

A TAGAGANAP POKUS SA LAYON


aging paksa ang gumaganap sa kilos. Sumasagot sa tanong na sino ang
anggumaganap
paksa ay sumasagot
sa pandiwa?
sa tanong na ano

Halimbawa: Mga Halimbawa:


1. Pinag-uusapan
g-aaral nang mabuti ang anak upang masuklihan ang kabutihan ngayon
ng kaniyang mgasamagulang.
buong Pilipinas ang tinaguriang Fallen 44.
a: ang anak Paksa: ang tinaguriang Fallen 44
iwa na nagbibigay-turing sa paksa: nag-aaral Pandiwa: pinag-uusapan
Ano ang pinag-uusapan?
wanag na ang anak ang gumaganap sa kilos na nag-aaral.
– ang tinaguriang Fallen 44
gtampisaw sila sa ilog kahapon dahil napakalinaw nitong tubig.
a: sila 2. Niluto ni nanay ang manok na galing sa probinsya.
iwa: nagtampisaw Paksa: ang manok
wanag na sila ang gumanap sa pandiwang nagtampisaw. Pandiwa: niluto
Ano ang niluto? – ang manok

Ngayon at batid mo na ang tungkol sa dalawang uri ng pokus ng pandiwa, wala


nang dahilan pa upang di balikan ang binasang mitolohiya.
Oo, hindi maipagkakailang handa ka na upang isagawa ang mga gawaing
nakaabang na susukat sa iyong pag-unawa sa mitolohiyang binasa, gayundin sa
gramatika. Huwag nang magpatumpik-tumpik pa, ituloy na ang pagsasagawa sa
mga ito.

GAWAIN BLG. 6: Kilala Ko Kayo!


DESKRIPSYON: Mapatutunayan mo sa gawaing ito ang lawak at lalim ng iyong
pag-unawa sa mitolohiyang “Ang Lalaking Buffalo” ng North America, isang bansa
sa kanluran. Iyong susuriin ang mga pangunahing tauhan sa nabanggit na
mitolohiya batay sa kani-kanilang kilos, paniniwala, kaasalan, at ugali.

KATANGIAN PANINIWALA

LALAKING BUFFALO

KILOS KAASALAN

KATANGIAN PANINIWALA

AMA

KILOS KAASALAN
KATANGIAN PANINIWALA

INA

KILOS KAASALAN

KATANGIAN PANINIWALA

PINUNO NG TRIBO

KILOS KAASALAN
KATANGIAN PANINIWALA

ASAWA NG LALAKING BUFFALO

KILOS KAASALAN

Mahusay! Iyong napatunayang kilala mo nang lubos ang mga pangunahing tauhan
sa mitolohiyang binasa. Makatutulong ang kaalamang ito upang patuloy mong
maisagawa nang may kahusayan ang susunod pang mga gawain tulad ng susunod
mong isasagawa na may kinalaman sa gramatika.

GAWAIN BLG. 7: Pagtibayin, Kaalaman sa Gramatika


DESKRIPSYON: Nasa ibaba ang mga pangungusap na may kaugnayan sa
mitolohiyang binasa. Salungguhitan ng isang beses ang paksa samantalang
dalawang beses naman sa pandiwa na nagbibigay-turing sa paksa. Pagkatapos,
tukuyin kung ang pangungusap ay nasa Pokus sa Tagaganap, o nasa Pokus sa
Layon. Isulat sa nakalaang patlang ang PT kung Pokus sa Tagaganap at PL
naman kung Pokus sa Layon.

1. Naghanap ng makakain ang mag-asawa dahil sa sobrang kagutuman.

2. Ang namuong dugo na nakita ng asawang lalaki ay kanilang iniluto.

3. Sinuklihan ng butihing anak ang pag-aaruga ng kinagisnang ama’t ina.

4. Ang anak ay nangaso upang may makain ang kaniyang ama’t ina.
5. Ang patay na buffalo ay nakita sa harapan ng kanilang bahay.

6. Nagsilbing hanapbuhay ng anak ang pangangaso.

7. Ang pakiusap ng asawang lalaki ay nakalimutan ng kaniyang asawa.

8. Kapupulutan ng magagandang aral ang mitolohiyang “Ang Lalaking


Buffalo”

9. Ang panitikan ng mga bansa sa kanluran ay dapat nating pag-aralan.

10. Nagkasundo ang mga mag-aaral at guro na ipagpatuloy ang pag-


aaral sa mga panitikan ng mga bansa sa kanluran.

Magaling! Totoong napagtibay ang iyong pag-unawa sa mga Pokus ng Pandiwa


partikular na sa Pokus sa Tagaganap at Pokus sa Layon.
Ngayon, pagtibayin din natin ang mga natutuhang kasanayan at kaasalang dapat
taglayin ninuman sa pamamagitan ng mga sumusunod na gawain.
GAWAIN BLG. 8: May Pananagutan Ako!
DESKRIPSYON: Kung ikaw ang asawa ng lalaking Buffalo, anong pasya ang
iyong isasagawa kapag natuklasan mo ang tunay na kaanyuan ng iyong
pinakasalang asawa? May pananagutan ka ba bilang asawang babae sa
sinapit ng iyong asawa? Isulat ang kasagutan sa loob ng kahon sa loob ng lima
hanggang walong pangungusap.

aw ang asawa ng lalaking Buffalo, anong pasya ang iyong isasagawa kapag natuklasan mo ang tunay na kaanyuan ng iyong pina

May pananagutan ka ba bilang asawang babae sa sinapit ng iyong asawa?


Ano-anong pagpapahalagang kultural ang masasalamin sa binasang mitolohiya? At bakit mahalagan

Tunay na sa mga sinundang gawain, napagtibay ang isa sa mga positibong


katangiang dapat mong taglayin, ang pagkakaroon ng “sense of accountability” sa
anumang ginagawa mo. Sa puntong ito, nawa’y napagtanto mong muli ang
kasagutan sa tanong na “Paano nakaaambag sa relasyong internasyunal ang
pag-aaral sa mga panitikan mula sa iba’t ibang bansa, partikular na sa
bansang kanluran”?

Atin pang dagdagan ang mga kaaya-ayang dulot ng pag-aaral ng mitolohiya sa


bansang kanluran sa bisa ng susunod na gawain.
GAWAIN BLG. 9: Pagninilay-nilay na Kayhusay!
DESKRIPSYON: Paano maipamamalas ang pagmamahal sa mga sumusunod na
pagkakataon? Ipaliwanag ang mga ito sa loob ng lima hanggang walong
pangungusap. Pagkatapos, komlpetuhin ang bahaging Pagninilay-nilay.
PAGMAMAHAL SA KINAGISNANG MAGULANG

PAGMAMAHAL SA TUNAY NA MAGULANG NA DI PA NASISILAYAN

PAGMAMAHAL SA TRIBO O LAHING KINABIBILANGAN


PAGNINILAY-NILAY SA SINUNDANG GAWAIN:

Sa tulong ng sinundang gawain, napagtanto kong ang pagpapamalas ng pagmamahal sa lahat ay


. Dahil dito, ako’y lubusang nagpapasalamat sa mitolohiyang aking napag-aralan na pinamagatang mula
.

Sa pag-aaral nito, napagnilay-nilay kong ito ang sa pang-internasyunal na ugnayan ng Pilipinas sa mg


ang mga panitikan ng mga bansa sa kanluran.

GAWAIN BLG.10: Masining na Pagbasa ng Liham-Pasasalamat


DESKRIPSYON: Isa sa mga aral na nakapaloob sa mitolohiyang pinag-aralan ay
pagtanaw ng utang na loob sa kinalakihang magulang. Sa
pamamagitan ng isang liham, isulat mo ang pasasalamat sa
kanila.
Pagkatapos, basahin ito nang masining o nang may
damdamin, gamit ang aplikasyong Present.me –www.present.me.com. I-upload sa
discussion board at padalhan din ng kopya ang guro.Isaalang-alang ang
nilalaman ng checkbric sa pagsasagawa nito.

Checkbric sa Masining na Pagbasa ng Liham-Pasasalamat


4 = napakahusay 3 = mahusay 2 = nalilinang 1 = nagsisimula
Mga Pamantayan 4 3 2 1
1. Isang liham-pasasalamat para sa magulang
ang nilalaman
2. Akma ang mga salitang ginamit sa pagbulalas
ng pasasalamat
3. Mula sa puso ang pagbasa
4. Dating sa madla
Kabuuang Puntos
Binabati kita sapagkat muli mong napagtibay ang pagmamahal sa mga
ginagisnang magulang. Salamat sa aral na ito na natutuhan mula sa
panitikan ng North America. Muli, damang-dama mo ang
makabuluhang tugon sa tanong na “Paano nakaaambag sa relasyong
internasyunal ang pag-aaral sa mga panitikan mula sa iba’t ibang
bansa, partikular na sa bansang kanluran? Ngayon naman, muli nating
balikan upang tugunan ang Konsepto ng Pagbabago nang mapagtanto ang
ilang pagbabago sa iyong mga natutuhan.

GAWAIN BLG. 11: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago (IRF)


DESKRIPSYON: Nakabubuti munang balikan mo ang Mapa ng?” lahad mo
rin ang mga dahilan kung bakit kinailangan mong palitan ang Konsepto ng
Pagbabago na iyong nasimulan sa ilalim ng pagtuklas. Alin sa mga naging
sagot mo sa bahaging I ng IRF ang nangangailangan ng pagbabago hinggil
sa tanong na “Paano nakaaambag sa relasyong internasyunal ang pag-
aaral sa mga panitikan mula sa iba’t ibang bansa, partikular na sa
bansang kanluraniyong mga naging sagot.
Unang Tugon (Initial)

Pagbabago sa Unang Tugon (Revised)

Dahilan/Mga dahilan:

Pinal na Tugon batay sa Natutuhan (Final)

Wakas ng PAGLINANG:

Malugod na pagbati ang nais kong tanggapin mo. Walang pag-aalinlangang


napagtibay ang mga kaaya-ayang kaisipang nakuha mula sa mitolohiya ng North
America. Dahil dito, napagtibay ang katotohanang dapat yakapin ang
panitikan mula sa mga bansang kanluran yamang nakatutulong ito upang
MAPAIGTING ang internasyunal na ugnayan ng ating bansa. Ngayon, taas-
noo kong masasabing handa ka na sa susunod na bahagi.
PAGPAPALALIM:

Layunin ng bahaging ito na palalim ang mga kasanayan at palalimin ang


pagpapahalaga sa mga kalugod-lugod na kaisipang nakapaloob sa mitolohiyang
binasa. Kasabay nito, mapalalalim din ang ating apresasyon sa mga panitikang
nagmumula sa mga bansang kanluran. Kung ganoon, iyo nang simulan ang mga
gawaing naihanda.

Sa puntong ito, isang gawain ang tiyak na magpapalalim sa mga pagkatutong


natamo ukol sa mga Pokus ng Pandiwa: Pokus sa Tagaganap at Pokus sa Layon
sa pamamagitan ng susunod na Gawain.

GAWAIN BLG. 12: Bihasa sa Pokus ng Pandiwa


DESKRIPSYON: Pagbuo ng mga pangungusap na naglalaman ng Pokus sa
Tagaganap at Pokus sa Layon. Siguraduhing ang mga pangungusap na mabubuo
ay may kinalaman sa mitolohiyang “Ang Lalaking Buffalo”. Ilagay sa loob ng kahon
ang mga kasagutan.

Mga Pangungusap na Naglalaman ng Pokus sa Tagaganap


1.

2.

3.

4.
Mga Pangungusap na Naglalaman ng Pokus sa Layon
1.

2.

3.

4.

Ngayon at tapos mo na ang hinggil sa Pokus sa Tagaganap at Pokus sa Layon,


oras nang palalimin natin ang iyong apresasyon sa mga kasanayan at kaasalang
kalugod-lugod na iyo nang natutuhan sa tulong ng susunod na gawain.

Taglayin nang patuluyan ang hangaring matuto. Gayundin, patuluyang ipamalas


ang saloobing positibo at kagalakang matuto.
GAWAIN BLG. 13: Istratehiyang POW + TREE
DESKRIPSYON: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bahagi sa talahanayan
sa ibaba. Pagkatapos, ibigay ang hinihiling ng bawat bahagi sa loob ng
talahanayan sa pamamagitan ng pagkompleto sa graphic organizer na
sumusunod dito bilang inaasahang produkto.

ISTRATEHIYA GAWAIN

Pumili ng isang ideya o Bumuo ng isang opinyon tungkol sa isa sa mga aral
na iyong natutuhan sa mitolohiyang “Ang Lalaking
opinion Buffalo”

O rganisahin at Organisahin ang mga ideya sa pamamagitan ng


pagkompleto sa grapikong pantulong na makikita sa
bumuo ng mga
ibaba.
ideya sa bawat
bahagi ng
TREE

Bumuo ng pamaksang
Topic pangungusap (topic sentence) na
Sentence nagsasaad ng opinyon tungkol sa
isa sa mga aral na iyong
natutuhan.

Magbigay ng tatlong dahilan upang


Reason suportahan ang pamaksang
pangungusap (topic sentence)
tungkol sa isa sa mga aral na
iyong natutuhan.

Explanation Ipaliwanag ang iyong mga dahilan

Bumuo ng isang pahayag bilang


Ending buod sa pamaksang pangungusap
(topic sentence) tungkol sa isa sa
mga aral na iyong natutuhan.

Bumuo ng isang talata. Sundin ang


Write o magsulat at magdagdag pa mga detalyeng nakapaloob sa
istratehiyang TREE.
Pamaksang Pangungusap (Topic Sentence):

Dahilan 1 (Reason 1)
Pagpapaliwanag (Explanation)

Dahilan 2 (Reason2)
Pagpapaliwanag (Explanation)

Dahilan 3 (Reason 3)
Pagpapaliwanag (Explanation)

BB
Pagwawakas (Ending):

Isinaalang-alang ko ba ang paglalagay ng:


Topic
Sentence
Reasons Explanations Ending

Naging makabuluhan ang katatapos na gawain, ang POW + TREE sapagkat dito
napagtibay ang isa na namang aral na natutuhan na pakikinabangang lubos kung
ito’y isasabuhay. Binabati kita sa kasabikan mong matuto.
Ngayon, atin namang pagtibayin ang isa pang ginintuang-aral na natutuhan sa
pamamagitan ng susunod na gawain.

GAWAIN BLG. 14: Paggawa ng Collage: Huwarang Anak, Ikinagagalak!


DESKRIPSYON: Gamit ang site na www.glogster.com maghanap ng iba’t ibang
mukha ng pagmamahal, sakripisyo’t pagpapakasakit na ipinamamalas ng mga
anak sa kani-kanilang mga magulang. Puntahan lamang ang site ng glogster at
doo’y magagawa mo ang hinihiling ng gawaing ito. Pagkatapos, sagutin ang
sumusunod na mga katanungan.

MGA TANONG NA SASAGUTIN:


1. Limitado ba ang dami ng mga larawang nakuha mo mula sa site? Ano ang ibig
sabihin ng dami ng larawang iyong nakita?

2. Anong damdamin ang nangibabaw sa’yo habang at pagkatapos maisagawa


ang gawaing ito? Ipaliwanag.
3. Paano nakaapekto sa’yong pagkatao ang gawaing ito? Ipaliwanag.

4. Sa tulong ng gawaing ito, bakit masasabing kapaki-pakinabang ang pag-


aaral sa mga panitikan ng mga bansa sa kanluran?
5. Paanop mapaiigting ng mga panitikan mula sa mga bansang kanluran
ang ugnayan ng Pilipinas mula sa mga bansa sa mundo? Ipaliwanag.

Oo, kay-inam ng sinundang gawain. Sadyang tumatarok-kaisipan at nakaaantig-


puso.
Pinalalim nitong tunay ang pagpapadama ng anak ng pagmamahal sa
kinagisnang mga magulang. Ating ipagpapatuloy ang pagpapalalim sa nga
kaasalang dapat nating taglayin tuwi-tuwina sa bisa ng susunod na gawain.

GAWAIN BLG. 15: One-Minute Essay: May Pananagutan ang Bawat Isa
DESKRIPSYON: May pananagutan ang bawat isa anuman ang kanilang
ginagawa, mabuti man ito o masama. Masasalamin ito sa mitolohiyang “Ang
Lalaking Buffalo”. Ating palalimin ang pagpapahalaga sa pagkakaroon ng
“sense of accountability” sa tulong ng gawaing ito. Ilagay sa nakalaang kahon sa
ibaba ang iyong sanaysay.

May Pananagutan ang Bawat Isa


Nawa’y sa tulong ng sinundang gawain, napalalim ang iyong pagkadama ng iyong
pananagutan sa mga bagay na iyong ginagawa. Nakatutulong ang pagkadama ng
“sense of accountability” yamang pinag-iingat ka nito sa anumang bagay na iyong
gagawin. Muli, salamat sa panitikang nagmula sa bansang kanluran dahil sa
kapakinabangang dulot nito.

Ngayon naman, ating palalalimin ang isa pang aral na natutuhan mula sa nasabing
panitikan, ang pagpapahalaga sa sariling lahi at pagkakakilanlan bilang isang
Pilipino sa pamamagitan ng susunod na gawain.

Patuloy ka sanang magpamalas ng kasabikang matuto.


BGAWAIN BLG. 16: Pagbibigay-Mensahe sa Awitin
DESKRIPSYON: Puntahan ang bawat site na nasa loob ng kahon. Alamin at
unawaing mabuti ang nilalaman ng mga ito. Pagkatapos, isulat ang mensahe ng
mga ito sa iyo bilang isang mamamayang Pilipino.

httpy

MENSAHE

httpyq

MENSAHE

httpy

MENSAHE
PAGNINILAY-NILAY SA NILALAMAN NG MGA AWITIN

Nang dahil sa tatlong awiting aking napakinggan, napagtanto kong

mo ay bunsod ng pag-aaral ng panitikan mula sa isa sa mga bansa sa kanluran. Kaya, kumbinsido akong dapat pag-aralan an

Nawa’y napakilos ka ng mga awiting iyong sinuri na ipagmalaki ang iyong lahi
bilang isang Pilipino. Isang lahing kilala sa buong mundo. Nakadama ka rin sana
ng pananagutan upang mapanatiling kaaya-aya ang imahe o reputasyon ng ating
pagkakakilanlan sa iyong munting paraan.

Patuloy nating pasidhiin ang iyong pagpapahalaga sa ating lahi’t bansa sa bisa ng
susunod na gawaing iyong isasagawa.
GAWAIN BLG. 17: Islogan ni Juan, Kapaki-pakinabang
DESKRIPSYON: Bumuo ng tatlong islogan hinggil sa pagmamahal sa sariling
bayan at sa pagkakakilanlan nating mga Pilipino. Pagkatapos, i-upload ito sa iyong
facebook account upang makita’t mapahalagahan ng iba.

Islogan Blg.1

Islogan blg.2 Islogan blg.3

https://thefilipinoservant.wordpress.com/tag/inspir

Manatili nawa sa’yong puso’t isipan ang mga islogang iyong binuo sapagkat
tatak ito ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Bueno, iyong
ipagpatuloy ang magpapasidhi ng iyong pagpapahalaga sa’yong bansa at
sa’yong pagiging Pilipino sa pamamagitan ng susunod na gawain.
GAWAIN BLG. 18: MAIPAGPAPALAKING AKROSTIK
DESKRIPSYON: Sa bawat titik, bumuo ng isang pahayag ukol sa pagkakakilanlan
nating mga Pilipino. Pagkatapos, i-upload ito sa iyong Facebook Account upang
makita’t mapahalagahan din ng iba lalong-lalo na ng mga kabataang tulad mo.
P-
I-
N-
O-
Y-

A-
K-
O-

S-
A-

I-
S-
I-
P-
S-
A-
L-
I-
T-
A-
A-
T-

G-
A-
W-
A-
PAGNINILAY-NILAY SA ISINAGAWANG AKROSTIK

Kay-inam ng sinundang gawain sapagkat

papahalagang ito ay aking natutuhan mula sa mitolohiya ng North America na pinamagatang .


o, napalalim nang
g aking pagpapahalaga sa lahi nating mga Pilipino.
bi ko ngayon na mahalagang pag-aralan ang panitikan
tik ito sa mga magagandang aral na akma sa buhay nating mga Pilipino. Dahil sa kaalamang ito, mapapalapit ang ugnayan n

Hindi maikukubling sa isinagawang AKROSTIK, muling naikintal sa’yong puso ang


malalim na apresasyon sa’yong bansang kinabibilangan at sa’yong pagkakakilanlan
bilang isang Pilipino.

Ngayon, huling pagtugon mo na sa Mapa ng Konsepto ng Pagbabago para sa


araling ito. Nawa’y maging positibo ang magiging bunga nito.
GAWAIN BLG. 19: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago (IRF)
DESKRIPSYON: Huling pagsipat na ito sa IRF. Punan ang huling bahagi nito
bilang pinal na tugon sa tanong na “Paano nakaaambag sa relasyong
internasyunal ang pag-aaral sa mga panitikan mula sa iba’t ibang bansa,
partikular na sa bansang kanluran?” Gayundin, nakabubuting ilahad ang/ang
mga dahilan kung bakit ito na nga ang pinal mong kasagutan.

Unang Tugon (Initial)

Pagbabago sa Unang Tugon (Revised)


Dahilan/Mga dahilan:

Pinal na Tugon batay sa Natutuhan (Final)

Dahilan/Mga dahilan:

WAKAS NG PAGPAPALALIM

Binabati kita sapagkat totoong nag-uumapaw ang mga makabuluhang gawaing


iyong isinakatuparan na humubog sa’yong pagkatao. Ngayon, narating mo na ang
huling bahagi ng araling ito, ang bahagi ng Paglilipat.

PAGLILIPAT

Praktikal at makatotohanang aplikasyon sa mga bagay na natutuhan ang


pangunahing layon ng bahaging ito. Hindi lamang upang maisagawang
matagumpay ang proyektong nakaabang sa dulo ng modyul na ito bagkus
magagamit ang mga kasanayan sa totoong buhay.
GAWAIN BLG. 20 Mini-Task: Natutuhan Mo, Ibalita Mo!
DESKRIPSYON: Pumunta sa www.fodey.com nang makabuo ng isang
makabuluhangbalita tungkol sa kahalagahan at epekto sa ating
bansa ng pag-aaral ng panitikan ng mga bansa sa kanluran
tulad ng mitolohiyang “Ang Lalaking Buffalo”.Tugunan lamang
ang hinihiling ng site na ito. Pagkatapos, i-upload o i-post mo ito sa iyong Facebook
Account nang mabasa ng madla at mabatid ang iyong ginawang balita na
naglalaman ng iyong mga natutuhan hinggil sa mitolohiya ng bansa sa kanluran.
Isaalang-alang ang nilalaman ng rubrik sa pagbuo ng balita.

Checkbric sa Paggawa ng Balita


4 = Lubusang Nailantad 3 = Nailantad 2 = Di Gaanong Nailantad
1 = Di Nailantad
PAMANTAYAN 4 3 2 1
1. Natiyak ang panahon kung kailan natutuhan ang
tungkol sa mitolohiya ng bansang kanluran .
2. Nabanggit sa balita ang malinaw na epekto sa
ugnayan ng ating bansa sa mga bansa sa mundo
kung ng pinag-aralan ang mga panitikan mula sa
bansang kanluran.
3. Naipaliwanag sa balita ang mga paraan upang
mapanatili at mapaunlad ang mga panitikan ng
mga bansa sa kanluran.
4. Nasasalamin sa balita ang panghihikayat sa mga
kababayan na panatilihin at paunlarin ang mga
panitikan ng mga bansang kanluranin.
5. Maayos ang pagkakahanay ng mga kaisipan mula
simula hanggang natapos ang balita.
Kabuuang Puntos

TANDAAN
Hindi maitatatwang masasalamin ang mga kulturang Pilipino sa mga
panitikan ng mga bansang kanluranin. Masasalamin din sa mga panitikang
ito ang mga kalagayang panlipunan na totoo hanggang sa kasalukuyan.
Kaya naman, huwag agad isantabi ang mga nabanggit na panitikan yamang
pinaiigting ng mga ito ang ugnayan ng ating bansa sa mga bansa sa mundo.
KATAPUSANG BAHAGI NG PAGLILIPAT

Ang mini task na katatapos mo lamang na isagawa ay paghahanda upang


maisakatuparan mo nang mahusay ang iyong magiging proyekto sa pagtatapos ng
modyul na ito, ang makapaglathala ng anumang ng sariling akda sa hatirang
pangmadla (social media).

Ngayon, handa ka na upang pag-aralan ang susunod na panitikang nagmula pa


rin sa bansang kanluranin – ang dula na pinamagatang “Kaaway ng Bayan”.
Aralin 2: Panitikan ng mga Bansa sa Kanluran: Dula ng Norway
– Kaaway ng Bayan

ARALIN 2: Dula ng Norway


Panitikan: Dula: Kaaway ng Bayan (manunulat: Henrik Ibsen)
Wika: Pokus ng Pandiwa: Pokus sa Pinaglalaanan/Benepaktibo, at
Pokus sa Kagamitan
Sa mga araling ito, matututuhan mo ang mga sumusunod na kompetensi:
Pag-unawa sa Napakinggan (PN)
● F10PN-IIa-b-72 Nailalahad ang kultura ng lugar na
pinagmulan ng kuwentong-bayan sa napakinggang usapan ng
mga tauhan.
Pag-unawa sa Binasa (PB)
● F10PB-IIa-b-75 Naihahambing ang kultura ng bansang
pinagmulan ng akda sa alinmang bansa sa daigdig.
Paglinang ng Talasalitaan (PT)
● F10PT-IIa-b-72 Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita batay
sa pinagmulan nito (epitimolohiya)
Dula Panonood (PD)
● F10PD-IIa-b-70 Naipaliliwanag ang katangian ng mga tao sa
bansang pinagmulan ng kuwentong-bayan batay sa napanood
na bahagi nito.
Pagsasalita (PS)
● F10PS-IIa-b-74 Naibabahagi ang sariling damdamin at
saloobin sa isang pangkatang talakayan ang sariling kultura
kung ihahahambing sa kultura ng ibang bansa batay sa
nabasang dula.
Pagsulat (PU)
● F10PU-IIa-b-74 Naisusulat nang wasto ang ang sariling
damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung
ihahahambing sa kultura ng ibang bansa batay sa nabasang
dula.
Wika at Gramatika (WG)
● F10WG-IIa-b-67 Nagagamit ng wasto ang pokus ng pandiwa
(pinaglalaaanan at kagamitan) sa pagsulat ng sariling
damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung
ihahahambing sa kultura ngibang bansa.
Kung ikaw ang magiging pinuno ng bayan balang-araw, ano-anong katangian
ang dapat mong taglayin upang magtagumpay ang bayang nasasakupan at
patuloy kang kalugdan ng taumbayan na naghalal sa’yo? Sa kabilang banda,
ano ang dapat mong gawin kung ikaw ay may natuklasang sangkot ang
kaligtasan ng lahat ng iyong kababayan at ng mga turistang pumupunta sa
iyong lugar? Paano kung ang natuklasan mo’y di pinaniniwalaan at
binabaliwala pa ng mga awtoridad?
GAWAIN BLG. 1: Saloobing Dapat Paglimiin
DESKRIPSYON: Ilantad ang iyong saloobin sa tanong na ano ang dapat
mong gawin kung ikaw ay may natuklasang sangkot ang kaligtasan ng lahat
ng iyong kababayan at ng mga turistang pumupunta sa iyong lugar? Paano
kung ang natuklasan mo’y di pinaniniwalaan at binabaliwala pa ng mga
awtoridad? Ilagay sa speech balloon ang iyong kasagutan.
Sa panimulang gawain, mahihinuha mo na ang isa sa mga puntong dapat
mapagtibay sa araling ito sa pamamagitan ng pagtalakay sa dulang pinamagatang
“Kaaway ng Bayan” na nagmula sa bansang kanluran – Norway na isinulat ni
Henrik Ibsen.

Sa tulong ng dulang ito, muli mong matutugunan ang mahalagang tanong na


“Paano nakaaambag sa relasyong internasyunal ang pag-aaral sa mga
panitikan mula sa iba’t ibang bansa, partikular na sa bansang kanluran?”

Gayunpaman, bago mo tuluyang basahin ang nasabing dula makatutulong ang


pagsasagawa mo sa susunod na gawain.

GAWAIN BLG.2: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago


DESKRIPSYON: Sukatin mo kung gaano na kalawak ang iyong kabatiran sa
tanong na “Masasalamin ba sa dula ng mga bansang kanluranin ang
kultura at kalagayang panlipunan ng ating bansa?” at “Bakit
mahalagang pag-aralan ang dula ng mga bansa sa kanluran”? Sagutin
ang unang dalawang hanay sa KWL tsart sa ibaba.
K W L
Ano ang alam mo Ano ang nais mong Ano ang iyong
na? malaman? natutuhan/
(What do you know) (What do you want to find naunawaan?
out) (What did you learn)
WAKAS NG PAGTUKLAS
Isaalang-alang mo ang iyong mga naging tugon upang magkaroon ng tiyak na
direksyon ang iyong pag-aaral sa kabuuan ng araling ito. Huwag na nating
patagalin pa ang iyong pagkatuto. Tayo’y dumako na sa ikalawang bahagi ng
araling ito.

Layunin ng bahaging ito na ipabatid ang mga detalye hinggil sa dulang nagmula sa
bansang kanluran na pinamagatang “Kaaway ng Bayan” mula sa Norway sa
panulat ni Henrik Ibsen. Kasabay nito, sa bahaging ring ito tatalakayin ang tungkol
sa isinanib na gramatika.
Makatuwiran kung ganoon na iyo nang simulang gawin ang mga inihandang gawain.

Ang unang gawain sa bahaging ito ay tutulong sa’yo upang makilala mo nang lubos
ang istruktura o modelong ginamit ng manunulat sa kaniyang dulang “Kaaway ng
Bayan” (An Enemy of the People) at sa pag-alam nito, higit mong mauunawaan
ang nilalaman.

PAGBASA BLG. 1: Ang 3-Act Structure ni Henrik Ibsen


DESKRIPSYON: Kailangan mong malaman na ginamitan ni Henrik Ibsen ng
modelong “3-Act Structure” ang kaniyang dulang “Kaaway ng Bayan” o An
Enemy of the People”. Nang malaman ang tiyak na kahulugan ng mga nasabing
modelo, nakabubuting puntahan ang mga site na ito.
http://en.wikipedia.org/wiki/Three- act_structure at http://kristinrix.com/dramatic-
division/; https://www.youtube.com/watch?v=H6QD5Pbc50I. Pagkatapos, sagutin
ang mga pamprosesong tanong.

MGA PAMPROSESONG TANONG

1. Ano ang kahulugan ng modelong 3-Act Structure?

2. Ano-ano ang pangunahing pagkakaiba ng mga bahagi ng 3-Act Structure? Isa-


isahin ang mga ito.

3. Paano nakatutulong ang modelong 3-Act Structure sa pagtamo ng lubusang


pag-unawa sa nilalaman ng teksto? Isa-isahin at ipaliwanag ang mga ito.
4. Sang-ayon ka ba sa paggamit ni Henrik Ibsen sa modelong 3-Act Structure sa
kaniyang mga katha, partikular na ang dulang “Kaaway ng Bayan”? Ipaliwanag.

5. Sa iyong palagay, makatutulong ba ang paggamit ni Ibsen ng ganitong


modelo upang higit mong maunawaan at mapahalagahan ang kaniyang mga
katha? Pangatuwiranan.

Tunay, natamo mo ang kaalamang kailangan hinggil sa modelong 3-act structure


na ginamit ni Henrik Ibsen sa kaniyang dulang “Kaaway ng Bayan o An Enemy
of the People”. Nang di ito makaligtaan at para na rin sa higit na pag-unawa,
makakatulong muli ang pagbubulay-bulay mo sa dayagram sa ibaba ukol sa
nasabing 3-Act Structure.

ahawor ld93.bl ogspot. com/20 12/07/3-


act- structu re.html
3-ACT STRUCTURE:
Act I ● Naglalaman ito ng tinatawag na “Inciting Incident”
● Ipakikilala ang protagonist at antagonistang tauhan
● Ilalantad ang uri ng kapaligirang pamumuhayan ng protagonista
● Ipakikita ang mga pangyayaring magiging sanhi ng tunggalian (conflict)
na haharapin ng protagonista
Act II ● “Naglalaman ito ng mga tinatawag na “Confrontations” sapagkat
samo’t saring komprontasyon ang haharapin ng protagonista.
● Ito ang pinakamahaba sa tatlong bahagi yamang tinatawag din itong
“Rising Action”
● Sa bahaging ito bibigyang-kalutasan ng protagonista ang mga
suliraning bumangon sa Act I.
● Sa bahaging ito mawawalan ng pag-asa ang protagonista na matalo ang
antagonista dahil sa kakulangan nito ng kakayahan at kasanayan na
taglay ng kaniyang kalaban kaya lalabas na mas malakas ang
antagonista sa kaniya.
● Gayunpaman, sa bahaging ito matutuhan ng protagonist ang
mga kasanayan upang mapagtagumpayan ang mga antagonista
kaya hahantong sa bahaging kasukdulan.
● Nagbibigay-pahiwatig kung sino ang magtatagumpay: protagonist ba o
antagonista; at kung malulutas ba o hindi ang tunggalian

ACT III ● Tinatawag na “Resolutions” sapagkat dito nabibigyang-kalutasan


ang mga tunggalian (conflicts)
● Sa bahaging ito muling maibabalik ng protagonista ang
kaniyang tunay na katauhan at tunay na pagkakakilanlan

Ngayon, iyong suriin kung paano ginamit ni Henrik Ibsen ang modelong three-act
structure sa kaniyang dulang “Kaaway ng Bayan o An Enemy of the People”. Suriin
mo rin kung paano nakatulong ang modelong ito upang maiparating ni Ibsen ang
mensaheng ibig niyang ipabatid sa madla. Narito ang gawaing iyong susuriin.

PAGBASA BLG. 2: Pagbasa’t Pag-unawa sa Kahulugan ng Dula,


at sa Dulang “Kaaway ng Bayan sa panulat ni Henrik
Ibsen”
DESKRIPSYON: Una, basahin at unawaing mabuti ang kahulugan ng dula at
ang iba pang detalye ukol dito sa pamamagitan ng pagpunta mo sa mga site
na ito: http://tl.wikipedia.org/wiki/Dula, at
http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Dula . Para sa lubos na pag-unawa,
basahin ang karagdagang pagpapaliwanag sa nilalaman ng dula sa
pamamagitan ng pagpunta mo sa mga sumusunod na site:
http://www.shmoop.com/enemy-of-the-people/;
http://www.bookrags.com/studyguide-an-enemy-of-the-people-plays-
pengui/#gsc.tab=0; http://ibsen.nb.no/id/495.0
http://www.shmoop.com/enemy-of-the-people/summary.html. Pagkatapos,
sagutin ang mga pamprosesong tanong na sumusunod dito.

MGA PAMPROSESONG TANONG:


1. Ano ang kahulugan ng dula at ang pangunahing layunin sa
pagkakatha nito?
2. Paano ang pakikitungo ng Dr. Tomas Stockmann sa ibang tao? Ano sa
kaniyang palagay ang tingin ng ibang tao sa kaniya?
3. Paano mo ilalarawan si Peter Stockmann bilang isang Alkalde ng Bayan?
Ano ang kaniyang tingin sa sarili bilang Alkalde?
4. Ano-ano ang ipinagkaiba ng personalidad at prinsipyo ng magkapatid na
Peter at Tomas Stockmann?
5. Ano-anong paglalarawan ang iyong masasabi hinggil sa relasyon ng
magkapatid na Peter at Tomas Stockmann? Patunayan.
6. Ano-ano ang iyong masasabi sa pamilya ni Dr. Tomas Stockmann?
7. Ano ang natuklasan ni Dr. Stockmann hinggil sa tubig sa Paliguan
Municipal? At bakit niya nasabing magkakagulo ang buong bayan sa
kaniyang natuklasan?
8. Ano-anong isyung panlipunan ang masasalamin sa dula?
9. Naging epektibo ba ang paggamit ni Ibsen ng modelong 3-Act Structure sa
paghahatid ng mensahe ng dula? Patunayan.
10. Bakit mahalagang pag-aralan ang dulang ito na mula sa
bansang kanluran?
11. Paano nakaaapekto ang pag-aaral ng panitikan ng mga bansa sa
kanluran sa ugnayan ng Pilipinas sa mga bansa sa mundo?
Ipaliwanag.

Ngayon, batid mo na rin ang kabuuan ng dulang “Kaaway ng Bayan” mula sa


bansang kanluran. Batid mo ring ginamitan ni Ibsen ng modelong 3-act structure
ang dulang ito. Isaalang-alang ang modelong ito yamang may iba pang gawaing
nakalaan kaugnay rito.
Ngayon, oras naman nang isanib ang pag-aaral sa gramatika, partikular na sa iba
pang Uri ng Pokus ng Pandiwa – ang Pokus sa Benepaktibo, at Pokus sa
Kagamitan sa pamamagitan ng susunod na gawain.
PAGBASA BLG. 3: Pagsasanib-Gramatika
DESKRIPSYON: Narito ang dalawa pang uri ng Pokus ng Pandiwa. Suriing
mabuti ang ipinagkaiba ng mga ito sa dalawang nauna na tinalakay sa Aralin 1 ng
modyul na ito.
POKUS NG PANDIWA
● tumutukoy sa relasyon o ugnayan ng paksa at ng pandiwa

POKUS SA BENEPAKTIBO
● nasa bahaging paksa ang POKUS SA KAGAMITAN
tagatanggap sa kilos. Sumasagot sa ● ang paksa ay sumasagot sa
tanong na para kanino ang kilos? tanong na ano ang ginamit

Mga Halimbawa: Mga Halimbawa:


1. Ipinagluto ni nanak ng adobong 1. Ipinambalat niya ng mangga
manok ang mga panauhing galing ang matalas na kutsilyo.
ibang bansa.
Paksa: ang panauhing galing ibang Paksa: matalas na kutsilyo
bansa Pandiwa: ipinambalat
Pandiwa: ipinagluto
► Maliwanag na ang panauhing Ano ang ginamit upang
galing ibang bansa ang maisagawa ng pandiwa?
tumanggap sa kilos na ipinagluto. – matalas na kutsilyo
2. Niregaluhan ni tatay ng bagong
sasakyan ang bagong kasal. 2. Ang laptop ang ipinambato sa
Paksa: ang bagong kasal magnanakaw.
Pandiwa: niregaluhan
► Maliwanag na ang bagong kasal Paksa: ang laptop
ang tumanngap sa kilos na Pandiwa: ipinambato
niregaluhan. Ano ang ipinambato? – ang
laptop

Tandaan ang kaalamang natamo hinggil sa Pokus sa Tagatanggap at Pokus sa


Kagamitan upang maisagawa mo nang buong husay ang mga susunod na gawain
patungkol dito.

Nakaabang na ang unang gawain para dito.


GAWAIN BLG. 4: Kaunawaan sa Gramatika, Akin Ka!
DESKRIPSYON: Nasa ibaba ang mga pangungusap na may kaugnayan sa dulang
binasa. Salungguhitan ng isang beses ang paksa samantalang dalawang beses
naman sa pandiwa na nagbibigay-turing sa paksa. Pagkatapos, tukuyin kung ang
pangungusap ay nasa Pokus sa Tagatanggap, o nasa Pokus sa Kagamitan. Isulat
sa nakalaang patlang ang PT kung Pokus sa Tagatanggap at PK naman kung
Pokus sa Kagamitan.

1. Pinaglagyan ng masarap na alak ang kopeta na kinuha sa kabinet.

2. Ang kapatid na doktor ay pinagsabihan ng kapatid na Alkalde ng


bayan tungkol sa natuklasang ikagugulat ng bayan.

3. Di pinakinggan ng kapatid na doktor ang Alkalde sa kaniyang pakiusap


na ilihim na lamang ang natuklasang ikagugulat ng bayan.

4. Ang taumbayan ay pinasaringan ni Dr. Tomas Stockmann dahil sa


kanilang kawalan ng tiwala sa kaniyang tuklas.

5. Ipinang-ilaw sa madilim na bahagi ng bahay ni Dr. Stockmann ang


lampara.

6. Ang anak na si Petra ay tinanggal sa trabaho dahil lamang sa ginawa


ng amang si Dr. Tomas Stockmann.

7. Ang lamesa ay pinagpatungan ng ulam na masarap.

8. Niyaya ni Gng. Stockmann si Peter Stockmann na tikman ang karne.

9. Inilagay sa ulo ang sombrero upang di mainitan.

10. Pinagsabihan ni Dr. Stockman ang mga anak na lalaki na magtungo


muna sa kanilang silid.
Nawa’y nasagutan mo nang tumpak ang sinundang gawain. Malaking tulong ito
upang maging bihasa sa mundo ng gramatika.
Ngayon naman, ating linangin ang mga kasanayan at pagpapahalagang
nakapaloob sa binasang dula sa pamamagitan ng iyong pagsasagawa sa susunod
na mga gawain. Muli mong taglayin ang kasabikang matuto.

GAWAIN BLG. 5: Pagkatao Niyo, Batid Ko!


DESKRIPSYON: Kilalaning lubos ang pagkatao at papel na ginampanan ng mga
tauhan sa dula sa pamamagitan ng pagkompleto sa pahayag na nasa loob ng
kahon. Maging tiyak at huwag nang magpaligoy-ligoy pa sa paglalarawan.

Ako si Peter Stockmann

Ako si Dr. Tomas Stockmann

Ako si Gng. Katrina Stockmann


Ako si Aslaksen

Ako si Houstad

Ako si Burgomaster

Ako si Petra

Binabati kita sa ipinamalas mong husay sa paglalarawan sa mga pangunahing


tauhan ng dula. Tanda ito na ang kabatiran mo sa kanilang pagkatao at papel na
ginampanan sa dula ay nalinang na. Isang mabuting manipestasyon ng pagkatuto!

Ngayon naman, subukan natin ang iyong angking husay sa pag-unawa sa mga
pangyayari sa dula sa pamamagitan ng susunod na gawain.
GAWAIN BLG. 6: Tukuyin Mo Nang Wasto!
DESKRIPSYON: Nasa ibaba ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa dula.
Tukuyin mo ang tiyak na eksena kung saan mo ito nakita, gamit ang sarili mong
mga pananalita. Maaari mong ulitin ang pagbasa kung kinakailangan. Isulat sa
nakalaang kahon ang kasagutan.

Pagiging masunurin ng magkapatid sa kanilang magulang

Pagmamalasakit sa bayan ni Dr. Stockmann

Alitan sa pagitan ng magkapatid na Peter at Tomas Stockmann


Pagsuporta ni Katrina sa asawang doktor

Ang kalupitan ng taumbayan

Ang pagpanig ni Burgomaster sa alam na tama

Trahedyang sinapit ng pamilya ni Dr. Tomas Stockmann


Ang takot ng isang pinuno sa taumbayan

Taglay na integridad ni Dr. Tomas Stockmann

Buong pamilya sa likod ng mga problema

Magaling! Napatunayang mong taglay mo na ang pag-unawa sa nilalaman ng


dulang “Kaaway ng Bayan” ng bansang kanluran – Norway. Kung iyong
napansin, ang sinundang gawain ay pawang mga katangian dapat iwaksi at
taglayin bilang isang tagasunod na mamamayan at pinuno ng bayan. Isa itong
napakainam na dahilan o sagot sa tanong na “Bakit mahalagang pag-aral
ang mga panitikan mula sa mga bansang kanluran”?
Ngayon naman, subukan mong ipabatid sa madla ang iyong natutuhan sa dula
sa pamamagitan ng susunod na gawain.
GAWAIN BLG. 7: Balitang Kay-inam, Pahalagahan!
DESKRIPSYON: Nais nating bigyang-diin ang pagpapahalagang pangkatauhan na
iyong natamo mula sa dulang “Kaaway ng Bayan”. Pumunta sa
www.fodey.com nang makabuo ng isang makabuluhang balita.
Tugunan lamang ang hinihiling ng site na ito. Pagkatapos, i-upload
o
i-post mo ito sa iyong Facebook Account nang mabasa ng madla
at mabatid ang iyong ginawang balita na naglalaman ng iyong mga natutuhan
hinggil sa dula. Isaalang-alang ang nilalaman ng rubrik sa pagbuo ng balita.

Checkbric sa Paggawa ng Balita


4 = napakahusay 3 = mahusay 2 = nalilinang 1 = nagsisimula
PAMANTAYAN 4 3 2 1
1. Natukoy ang pamagat ng dula at ang bansang pinag-
ugatan nito.
2. Naisa-isa sa balita ang mga praktikal na aral na
natutuhan mula sa dula.
3. Nahihimok ang taumbayan na huwag magpapadala sa
kagustuhan ng nakararami, gayundin sa mga pinuno na
huwag ipagwalang bahala ang kaligtasan ng madla nang
dahil sa kayabangan.
4. Nasasalamin sa balita ang panghihikayat sa mga
kababayan na panatilihin at paunlarin ang mga panitikan
ng mga bansang kanluranin.
5. Nabibigyang-diin sa balita ang mga kalugod-lugod na
epekto sa ugnayan ng ating bansa sa mga bansa sa
mundo pag pinag-aaralan ang mga panitikan ng mga
bansa sa kanluran.
6. Maayos ang pagkakahanay ng mga kaisipan mula simula
hanggang natapos ang balita.
Kabuuang Puntos

PAGTATAPOS NG PAGLINANG
Tiyak na may mga magla-like at magbibigay-komento sa ibinalita mo. Positibo man
o negatibo ang mababasa mong komento, huwag manghinaan ng loob. Tandaan, di
lahat ay masaya sa ginagawa natin kahit sabihin pang maganda ang iyong motibo.
Ngayon, oras nang mapalalim ang iyong pagpapahalaga sa mga kapaki-
pakinabang na nilalaman ng dulang “Kaaway ng Bayan” sa pamamagitan ng
susunod na bahagi ng araling ito.
Isaalang-alang na ang bahaging ito ay naglalayong pasidhiin o palalimin ang iyong
pagpapahalaga sa mga ginintuang kaisipan at pasidhiin din ang iyong saloobin na
iwaksi ang anumang nakitang ugali na di karapat-dapat mula sa napag-aralang dula
tungo sa pagiging mabuting mamamayan ng bansa.

Nakahanda ang unang gawain sa bahaging ito. Iyo nang simulan ang
makabuluhang pagpapalalim ng natutuhan.

GAWAIN BLG. 8: Bihasa sa Gramatika


DESKRIPSYON: Pagbuo ng mga pangungusap na naglalaman ng Pokus sa
Tagatanggap at Pokus sa Kagamitan. Siguraduhing ang mga pangungusap
na mabubuo ay may kinalaman sa dulang “Kaaway ng Bayan”. Ilagay sa loob
ng kahon ang mga kasagutan.

Mga Pangungusap na Naglalaman ng Pokus sa Tagatanggap


1.

2.

3.

4.
Mga Pangungusap na Naglalaman ng Pokus sa Kagamitan
1.

2.

3.

4.

5.

Tanggapin mo ang aking pagbati! Napalalim na ang pag-unawa mo sa dulang


binasa, napalalim pa ang kaalaman mo sa gramatika.

Ngayon naman, ating palalalimin ang iyong pagpapahalaga sa mga


mahahalagang kaisipang nakapaloob sa dulang “Kaaway ng Bayan”. Lalo na
ang katotohanang nakatutulong ang mga panitikan ng mga bansang
kanluranin upang mapaigting ang ugnayan ng ating bansa sa mga bansa
sa daigdig sa pamamagitan ng susunod na mga gawain.
GAWAIN BLG. 9: Salamat Sa Inyo, Lubusan Akong Natuto
DESKRIPSYON: Sa pamamagitan modelong 3-act structure, suriing mabuti
ang papel ng bawat tauhan sa dulang “Kaaway ng Bayan”, at kung anong
mahalagang kaisipan ang nais ikintal o ituro ng manunulat sa kaniyang mga
mambabasa. Sa paggawa nito, maikikintal din sa’yong puso’t isipan ang
kahalagahan ng panitikang ito na nagmula sa bansang Kanluran at tuluyan
mong mapatunayang nakatutulong ang mga panitikang tulad nito upang
mapaigting ang ugnayan ng ating bansa sa mga bansa sa mundo, partikular
na sa mga bansa sa Kanluran. Puntahan lamang ang bawat site sa loob ng
kahon. Pagkatapos, tugunan ang mga hinihiling sa loob ng kahon. Isunod ding
sagutan ang pamprosesong mga tanong.

http://an-
enemy- Tauhan:
ofthe- Sa tulong ng modelong 3-act structure, ano-ano ang
people- mga mahahalagang kaisipan ang nais ituro o ikintal
henrik- sa atin ni Ibsen gamit ang tauhang ito?
ibsen.blogs
pot.com/20
12/08/com
prehensive
-
characteriz
ation-
of html

Tauhan:
Sa tulong ng modelong 3-act structure, ano-ano ang mga mahahalagang kaisipan ang nais ituro o ikintal
shmoo
http://anene Tauhan:
myofthepeo Sa tulong ng modelong 3-act structure, ano-ano
plethegunne ang mga mahahalagang kaisipan ang nais ituro o
ry.wikispace ikintal sa atin ni Ibsen gamit ang tauhang ito?
s.com/Cathe
rine+Stockm
ann+Charac
ter+Page

Tauhan:
Sa tulong ng modelong 3-act structure, ano-
http://www.
ano ang mga mahahalagang kaisipan ang nais
shmoop.co
ituro o ikintal sa atin ni Ibsen gamit ang
m/enemy-
tauhang ito?
of-the-
people/dr-
thomas-
stockmann.
html
Tauhan: w.shmoo p.com/e
Sa tulong ng modelong 3-act structure, ano-ano ang mga mahahalagang kaisipan ang nais ituro o ikintal s

MGA PAMPROSESONG TANONG

1. Sino sa mga tauhan ang binabanggit sa dula na “Kaaway ng Bayan”?


Patunayan.

2. Kung ikaw ang nasa katauhan ng Dr. Stockmann, ipagpipilitan mo ba sa


taumbayan ang iyong natuklasan kahit alam mong di nila ito
paniniwalaan? Ipaliwanag.
3. Kung ikaw si Peter Stockmann, paano mo haharapin ang katotohang
natuklasan ng iyong kapatid na doktor? Ipaliwanag.

4. Makatarungan ba ang ginawang pagtanggal kay Petra bilang guro nang


dahil sa kaniyang ama? Ipaliwanag.

5. May pananagutan ba si Peter Stockmann sa trahedyang dumating sa


pamilya ng kapatid na Dr. Tomas Stockmann? Pangatuwiranan.

6. Paano sana naiwasan ang trahedyang sinapit ng pamilya ni Dr. Tomas


Stockmann? Ipaliwanag?
7. Masasalamin ba sa kasalukuyang lipunang Pilipino ang pag-uugali
ng mga tauhan sa dula? Pangatuwiranan.

8. Paano nakaaambag sa relasyong internasyunal ang pag-aaral sa


mga panitikan mula sa iba’t ibang bansa, partikular na sa bansang
kanluran? Ipaliwanag.

Sadyang makabuluhan ang sinundang gawain! Nailantad nang husto ang


mga patunay na ang dulang “Kaaway ng Bayan” na nagmula sa bansang
kanluran – sa Norway, ay nakatutulong upang mapaigting ang ugnayan
natin sa ibang mga bansa sa mundo yamang di nalalayo ang nilalaman
ng kanilang panitikan sa kasalukuyang lagay ng ating bansa. May sapat
tayong dahilan kung gano’n na yakapin at pahalagahan ang mga
panitikan ng mga bansang kanluranin.

Ngayon, isa na namang gawain ang tiyak na magpapalawak nang husto


sa’yong kabatiran hinggil sa mabuting pamumuno.

GAWAIN BLG. 10: Katotohanan o Kayamanan?


DESKRIPSYON: May naghihintay na gantimpala kay Dr. Tomas Stockmann
kung pasisinungalingan niya ang totoong kondisyon ng tubig. Gayunpaman,
pinili ng doktor ang katotohanan. Ano-anong mga sitwasyon sa pamayanan
maikakapit ang pangingibabaw sana ng katotohanan sa halip na kayamanan?
Ilantad ang mga ito sa loob ng kahon.

Mga Sitwasyong Naglalantad ng Pangingibabaw ng Katotohanan sa halip na Kayamanan


Sitwasyon blg.1

Sitwasyon blg.2

Sitwasyon blg.3

Sitwasyon blg.4
Kay-inam ng sinundang gawain hindi ba? Nawa’y patuloy na maghari ang
katotohanan sa bawat sulok ng ating lipunan upang makamtan ang
kapayapaan at kasiyahan sa buhay. Muli, salamat sa panitikang nagmula sa
bansang kanluran dahil sa pinag-isip niya tayo kung alin ang higit na
matimbang, ang kayamanan nga ba o ang katotohanan. Nawa’y maghari ang
katotohanan.

Ngayon naman, pagsusuring-kritikal ang iyong masusubukan sa pamamagitan


ng susunod na gawain.

GAWAIN BLG. 11: Mensahe ng mga Video, Kuha Ko


DESKRIPSYON: Puntahan ang mga site sa ibaba. Sa tulong ng mga site na
ito, mapalalalim pa nang higit ang pagpapahalaga mo sa mga katangian ng
isang mabuting pinuno. Dahil dito, mapatutunayan mong dapat ngang yakapin
ang mga panitikan ng mga bansa sa kanluran yamang praktikal na mga aral
ang hatid nito sa atin. Sa paggawa nito, mapaiigting pa lalo ang ugnayan ng
ating bansa sa mga bansa sa Kanluran. Ngayon, alamin ang nilalaman ng
bawat site. Pagkatapos, ipaliwanag mo kung paano mo ito mapakikinabangan
sa ngayon at sa hinaharap.

Anon ang nilalaman? Paano mapapakinabangan?


https:// www.yo utube.c om/wat ch?v=t3 DDjeVe Ju4

Anon ang nilalaman? Paano mapapakinabangan?


https:// www.yo utube.c om/wat ch?v=lu bq- WPkjF8
https:// www.yo utube.c om/wat ch?v=_
Anon ang nilalaman? DZ2uW
Paano mapapakinabangan?
AxrVQ& spfreloa d=10

Anon ang nilalaman? Paano


https:// www.yo utube.c om/wat ch?v=E mapapakinabangan?
kWTzti Cl5g

AHAT AT REPLEKSYON
Ang pagkakatulad ng
. Dahil dito, n

muling napatunayang ang mga panitikan ng mga bansang kanluran ay kaya dapat lamang na ang mga ito’y mapag-aralan at
Kay-inam malaman ang mga katangiang dapat taglayin ng isang pinuno.
Magsisilbing gabay mo ang mga ito sa pang-araw-araw na pamumuhay
yamang tayo’y nagiging lider sa ating mumunting paraan at sa mga mumunting
pagkakataon.

Ngayon naman, iyong tunghayan ang ilan nating kababayan na nagsisilbing


buhay na bayani dahil sa walang pag-iimbot na paglilingkod sa
pamayanang kinabibilangan sa pamamagitan ng susunod na gawain.

GAWAIN BLG. 12: Ikinararangal Ko Kayo!


DESKRIPSYON: Kilalanin ang ilan nating kababayan na nagisilbing huwaran sa
mabuting pagliligkod sa kapwa. Punahin ang kani-kanilang mga katangian na
nakatulong upang maibigay ang serbisyong nararapat para sa bayan. Puntahan
lamang ang bawat site.

.yatc
Atty. Francis Sarona

Bakit siya pinarangalan at ano ang mensahe niya para sa atin?

.yatc Dr. Hilarion T. Salvaña

Bakit siya pinarangalan at ano ang mensahe niya para sa atin?


.yatc Amado Torre Gurango

Bakit siya pinarangalan at ano ang mensahe niya para sa atin?

.yatc Grace Urbien Salvatus

Bakit siya pinarangalan at ano ang mensahe niya para sa atin?

.yatc batang lider 2014

Bakit sila pinarangalan at ano ang mensahe nila para sa atin?

Iyong napatunayan na marami sa ating mga kababayan ang naglilingkod nang


tapat. Napatunayan mo ring walang pinipiling edad ang pamumuno basta’t may
pusong handang maglingkod para sa iba.
Salamat sa dulang kanluranin sa pagpapahalagang natutuhan. Oo, wala nang
dahilan pa upang di maibigay ang mahusay na sagot sa tanong na “Paano
nakaaambag sa relasyong internasyunal ang pag-aaral sa mga panitikan
mula sa iba’t ibang bansa, partikular na sa bansang kanluran”?
Ngayon, makatuwiran din lamang na pasalamatan mo ang mga pinunong
buong-puso at buong-katapatang naglilingkod sa pamamagitan ng susunod na
Gawain.

GAWAIN BLG. 13: Walang Hanggang Pasasalamat


DESKRIPSYON: Iyong bigyang-pugay ang mga pinunong walang sawang
nagbibigay ng taos-pusong paglilingkod sa kani-kanilang bayan sa
pamamagitan ng pagkatha ng isang simpleng tula ng pasasalamat. Ang
mabubuong tula ay i-post mo sa discussion board at i-post mo rin sa’yong
facebook account upang makita’t mabasa ng iba at magbibigay-ngiti at
kagalakan ito sa mga pinunuong makababasa. Isaalang-alang ang rubrik sa
paggawa nito.

Checkbric sa Paggawa ng Tula ng Pasasalamat


4 = Lubusang Naisakatuparan 2 = Di Gaanong Naisakatuparan
3 = Naisakatuparan 1 = Di Naisakatuparan
Mga Pamantayan 4 3 2 1
1. Ang nilalaman ay hinggil sa pasasalamat sa
mga huwarang pinuno ng bayan.
2. Ang mga salitang ginamit ay nakaaantig-
kalooban.
3. Ang mensahe ay nagbibigay-galak sa mga
pinuno.
4. Ginamitan ng mga idyoma at tayutay nang
maging mabisa ang mensahe.
5. Dating sa madla: may kapangyarihang
makahimok ng kalooban ng iba upang ihayag
din ang kanilang pasasalamat sa mga pinuno
Kabuuang Puntos

Tunay na nagbibigay-galak sa puso at nakawawala ng pagod para sa isang


pinuno ang mabasa ang iyong kinathang tula para sa kanila. Nawa’y tularan ka
ng iba sa’yong ginawa.

Ngayon naman, upang mahimok ang mga pinuno na panatilihin ang kanilang
kapaki-pakinabang na pag-uugali, at tuluyang isantabi ang mga pag-uugaling
di nakabubuti sa nakararami, makatutulong ang susunod mong gawain.
GAWAIN BLG. 14: Munting Tinig na Kaibig-ibig
DESKRIPSYON: Bumuo ng sampung utos na ibig mong maging bahagi ng
pagkatao ng bawat pinuno upang ang lahat ay magkaroon ng kaaya-ayang
ugnayan at maiwasan ang masamang epekto ng di maayos na pamumuno. I-
post ito sa discussion board at i-upload sa iyong facebook account upang
mapakinabangan ng kapwa lalong-lalo na ng mga namumuno sa bansa.

Sampung Utos para sa Huwarang Pinuno


Di lamang sa mga pinuno ng bayan ang utos na iyong binuo kundi maging
sa’yo at sa mga indibidwal na mgiging pinuno balang-araw. Muli, salamat sa
dulang “Kaaway ng Bayan” na nagmula sa bansang kanluran yamang
pinagtibay nito ang katotohanang dapat magkaroon ng pinunong may wagas
na pagmamalasakit sa lahat. Muli, mula sa puso nating masasabi ang
positibong tugon sa tanong na “Bakit kapaki-pakinabang ang pag-aaral sa
mga panitikan mula sa iba’t ibang bansa, partikular na sa bansang
kanluran?

Higit pa nating paigtingin ang iyong pakikisangkot sa mahalagang usapin


hinggil sa pamumuno sa pamamagitan ng susunod na Gawain.

GAWAIN BLG. 15: Lubusang Pakikisangkot


DESKRIPSYON: Maghanap ng mga editorial Kartun na tumutuligsa sa mga
tiwaling opisyal ng bayan. I-post ito sa discussion board at i-upload sa’yong
facebook account upang mapakinabangan ng lahat lalong-lalo na sa mga
taong nais punahin. Pagkatapos, lagumin sa isang talata kung bakit ang mga
ito ang iyong napili na ipabatid sa nakararami.
Editoryal Kartun #1

Editoryal Kartun #2
Editoryal Kartun #3

Editoryal Kartun #4

Mga Dahilan ng Pagpili sa mga Editoryal Kartun


Muli kitang binabati sapagkat damang-dama ko ang sigasig mo sa pag-aaral at
hangarin mong matuto. Binabati rin kita dahil naging mahusay ang iyong
pagganap sa mga gawaing kapaki-pakinabang.

Ngayon, kung may isinagawa kang gawain upang tuligsahin ang maling paraan
ng pamumuno, nais nating mangibabaw ang iyong positibong saloobin sa mga
namumuno ng ating bayan sa pamamagitan ng susunod na gawain.

GAWAIN BLG.16: Sagisag ng Mahusay na Pamumuno


DESKRIPSYON: Gumuhit ng isang simbolo na sa tingin mo’y pinakaangkop
na
paglalarawan sa papel na ginagampanan ng ating mga
mahuhusay na pinuno sa kasalukuyan bilang patunay
na
iyong natutuhan sa dulang pinag-aralan mula sa
bansang Kanluran. Iguhit mo ito gamit ang skitch evernote. Puntahan amang
ang www.evernote.com at hanapin ang “skitch draw attention”. I-upload mo ito
sa discussion board at padalhan ng kopya ang guro. Mamarkahan ang iyong
talumpati batay sa nilalaman ng checkbric.

Checkbric sa Pagguhit ng Simbolo


4 = Tunay na Kapuri-puri 2 = Di Gaanong Kapuri-puri
3 = Kapuri-puri 1 = Di Kapuri-puri
Mga Pamantayan 4 3 2 1
1. Orihinalidad ng simbolo (bunga ng mayamang
imahinasyon)
2. Kaangkupan ng simbolo sa kalayaan
3. Mensahe ng simbolo
4. Linis ng trabaho
5. Dating sa madla
Kabuuang Puntos

Binabati kita sa husay ng iyong gawa! Tunay na bisa ng sinundang gawain,


napalalim na ang iyong apresasyon sa halaga ng mga panitikan mula sa mga
bansa sa Kanluran anupa’t makikita mong praktikal ang mga aral na hatid nila.
Dahil dito, madarama ng ating bansa ang halaga ng mga bansa sa
kanluran at ito ang magpapaigting n gating ugnayan sa kanila.

Sa puntong ito, muli mong balikan at tugunan ang Konsepto ng Pagbabago. Sa


paggawa nito, makikita mo ang pagsulong ng iyong pagkatuto.
GAWAIN BLG.17: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago
DESKRIPSYON: Muling balikan ang KWL tsart at sagutan ang huling hanay.
Isulat din sa hanay na ito kung may nagbago sa dati mong alam at kung bakit
kailangang baguhin ang mga ito.

K W L
Ano ang alam mo Ano ang nais mong Ano ang iyong
na? malaman? natutuhan/
(What do you know) (What do you want to find naunawaan?
out) (What did you learn)

WAKAS NG PAGPAPALALIM
Walang alinlangang napalalim nang husto ang iyong pagkatuto sa araling ito
sa tulong ng iba’t ibang gawain. Wala ring kaduda-duda na napalalim ang
iyong apresasyon sa mga panitikan ng mga bansang kanluranin. At di rin
maitatatwang napatunayan mong dapat lamang na pahalagahan ang mga
nasabing uri ng panitikan. Binabati kita nang lubos!

ng ito na sukatin ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman upang maisakatuparan nang buong husay ang
a nag-iisang gawain sa bahaging ito.
GAWAIN BLG.18: Mini-Task: Pagbigkas ng Talumpati
DESKRIPSYON: Yamang kilala kang mananalumpati sa inyong paaralan, ikaw
ay isa
sa mga napili upang bumigkas ng isang talumpati hinggil sa
paksang
“Mabuting Pamumuno” kaugnay ng pagdiriwang ng
Foundation Day
ng inyong bayan. I-upload mo ang iyong talumpati gamit ang
aplikasyong Present.me – www.present.me.com . I-upload
sa discussion board at padalhan din ng kopya ang guro.
Isaalang alang ang nilalaman ng checkbric sa pagsasagawa nito.

Checkbric sa Masining na pagkukuwento


4 = napakahusay 3 = mahusay 2 = nalilinang 1=
nagsisimula
Mga Pamantayan 4 3 2 1
1. Saulado ang piyesa
2. Kaangkupan ng Nilalaman sa Okasyon
3. Malinaw na Pagbigkas
4. Kagalang-galang naTindig
5. Akmang Kumpas at Galaw ng Katawan
6. Dating sa madla
Kabuuang Puntos
WAKAS NG PAGLILIPAT:
Mula sa pusong pagbati ang ibig kong tanggapin mo dahil isa na namang
kasanayan ang nalinang sa’yo sa bahaging ito na magagamit mo upang
maisakatuparan nang buong husay ang Inaasahang Pagganap sa pagtatapos
ng modyul na ito – ang makapaglathala ng sariling akda sa hatirang
pangmadla (social media)

Tandaan: Ang DULA na tinalakay sa araling ito bilang anyong panitikang


nagmula sa bansang kanluran ay kailangang mapanatili at mapagyaman
yamang masasalamin dito ang kalagayang panlipuan nating mga Pilipino.
Pinaiigting din ng pag-aaral ng mga panitikan ng mga bansang
kanluranin ang ugnayan ng ating bansa sa mga bansa sa mundo.

Ngayon, taas noo kong masasabi na handang-handa ka na para sa susunod


na modyul.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang titik na


kumakatawan sa tamang sagot.

1. Anong anyo ng panitikan ang sadyang binuo upang itanghal sa


entablado? (K)
a. Nobela
b. Dula
c. Mitolohiya
d. Maikling kuwento

2. Bakit naging lalaking Buffalo ang itinuring na anak ng mag-asawang


nabubuhay sa kahirapan? (K)
a. Sapagkat isinumpa siya ng kaniyang naging asawa
b. Sapagkat isinumpa siya ng kaniyang kinagisnang magulang
c. Dahil binanggit ng asawa niya ang di niya dapat banggitin
d. Dahil bunga ito ng di niya pagtupad sa kaniyang naging pangako

3. Sa dulang “Kaaway ng Bayan”, sino ang may papel na Punong Sanidad


ng Paliguan Municipal? (K)
a. Peter Stockmann
b. Tomas Stockmann
c. Kapitan Horster Aslaksen
d. Morten Kiil
4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang kakikitaan ng Pokus sa
Benepaktibo? (P)
a. Ang sinigang ay niluto ni nanay para sa mga panauhing
galing Maynila.
b. Ang nilutong sinigang ni nanay ay para sa mga panauhing galing
Maynila.
c. Ang nanay ay nagluto ng sinigang para sa mga panauhing
galing Maynila.
d. Ipinagluto ni nanay ng sinigang ang mga panauhing galing Maynila.

5. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagtataglay ng Pokus sa


Kagamitan? (P)
a. Kutsilyo na matalas ang pinambalat niya sa mangga.
b. Binalatan niya ang manga sa pamamagitan ng matalim na kutsilyo.
c. Siya ang nagbalat sa mangga sa tulong ng matalim na kutsilyo.
d. Ipinambalat niya ng mangga ang matalim na kutsilyo.

6. Sa mitolohiyang “Ang Lalaking Buffalo”, alin sa mga sumusunod na


salawikain ang pinakaakma sa mag-asawang nabiyayaan ng anak?
(P)
a. “Ang di marunong lumingon sa pinanggalingan, di makararating sa
paroroonan”
b. “Sa likod ng makapal na ulap, may nakakubling liwanag”
c. “Aanhin mo ang damo kung patay na ang kabayo”
d. “Ang talon ng inang kambing, ang anak ay ganoon din”

7. Alin sa mga sumusunod na islogan ang pinakaangkop na mensahe ng


dulang “Kaaway ng Bayan”? (P)
a. “Kaaway ng Bayan, Huwang nang Pansinin nang Di Maapektuhan”
b. “Kaaway ng Bayan, Magwawakas Din Hayaan Lamang”
c. “Kaaway ng Bayan, Asikasuhin at Puksain nang Magtagumpay”
d. “Kaaway ng Bayan, Ipaubaya na Lamang sa mga Kinauukulan”

8. Mula sa dulang “Kaaway ng Bayan”, alin sa mga sumusunod ang


pinakaangkop na tono ng pahayag ni Dr. Tomas Stockmann na “Sa
akala mo ba’y ipag-iingay ko sa buong bayan nang wala pa akong
nahahawakang katibayan? Naku hindi, salamat. Hindi ako luko-luko”? (P)
a. nag-aalinlangan
b. nagbabakasakali
c. nagagalit
d. naniniguro
9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang itinuturing na isa sa mga
maling palagay o misconception ng ilang mag-aaral na tulad mo may
kinalaman sa tunay na layunin ng pagkakakatha ng dula? (maling
palagay/misconception) (U)
a. Layunin ng anumang dula na itanghal sa entablado upang kapulutan
ng aral.
b. Layunin ng dula na basahin upang kapulutan ng aral sa halip na
itanghal sa entablado.
c. Layunin din ng pagkakabuo ng dula na aliwin ang
sinumang nakararanas ng kabagutan.
d. Layunin ng pagkakatha ng dula na talakayin ang mahahalagang
usapin sa lipunan.

10. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na dahilan kung bakit dapat
pag-aralan ang mga panitikan ng mga bansa sa kanluran? (EU)
a. Sapagkat sa paraang ito mapaiigting ang ugnayan ng ating bansa sa
mga bansa sa daidig
b. Sapagkat maraming aral na matututuhan na nakatutulong
upang magtagumpay sa buhay
c. Dahil sa paraang ito mababawasan ang lungkot na nararanasan ng
bawat mamamayan
d. Dahil tulong ito upang di tayo maging ignorante sa mga nangyayari sa
mga bansa sa kanluran

11. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalapit na kahulugan ng pahayag na


hinalaw sa dulang “Kaaway ng Bayan” na “Napakasarap ang
pakiramdam ng isang taong nakatatalos na nakagawa siya ng kabutihan
sa kaniyang bayang sinilangan at sa kaniyang mga kapuwa
mamamayan”? (U)
a. Nagdudulot ng panloob na kasiyahan ang pagtulong sa kapwa at
sa sariling bansa.
b. Nakadaragdag ng salapi ang pagtulong sa iba yamang maaari ka
nilang bigyan ng gantimpala.
c. Napananatili ang magandang reputasyon sa oras na tumulong sa mga
nangangailangan.
d. Nadaragdagan ang bilang ng mga kaibigan sa tuwing nagkakaloob ng
tulong sa kapwa.
12. Alin sa mga sumusunod ang pinamakabuting dahilan kung bakit kailangan
ng bawat isa na makisangkot sa mga nangyayari sa lipunang
kinabibilangan? (U)
a. Dahil bilang isa sa mga nakatira sa lipunang iyon, dapat lamang na
makialam sa ayaw at sa gusto niya
b. Dahil malaki ang posibilidad na maapektuhan din siya mga nangyayari
tuwiran man o di tuwiran
c. Dahil kung di niya ito gagawin, pariringgan o dili kaya’y aawayin
lamang siya ng ibang kapwa
d. Dahil kung di niya ito gagawin, may posibildad ding di siya pagbibigyan
kung sa kaling may pabor na hihilingin

13. Bakit may mga balitang kailangang-kailangang malaman ng


sambayanan subalit pilit pa rin itong ikinukubli ng mga taong nakaaalam?
Alin sa mga sumusunod ang pinakamabigat na dahilan? (U)
a. Hinihintay ang tamang pagkakataon at iniipon ang sapat na katibayan
bago ipaalam sa madla.
b. Dahil sa pamgamba na may madamay o masangkot na mataas na
opisyal, nakakahiya naman.
c. Baka kasi sangkot mismo ang taong nakaalam nito kaya ayaw ipaalam
sa sambayanan.
d. Dahil sa takot na may malapit na kamag-anak o kaibigan na
madadamay sa ibabalita.

14. Bakit may mga anak na pilit na hinahanap ang totoong mga magulang
kahit sabihin pang walang pagkukulang ang kinalakihan o kinagisnang
magulang? Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na dahilan? (U)
a. dahil wala lang magawa sa buhay kaya hinahanap-hanap pa rin
ang totoong magulang upang may pagkaabalahan
b. dahil sa kagustuhang makakuha ng tulong-pinansyal at pagkatapos
itong gawin, iiwan din lamang sila
c. dahil likas sa atin na hanapin ang tunay na magulang at ibang-iba
talaga ang pakiramdam pag kilala sila
d. dahil kung di ito gagawin ng anak, kukutyain lamang siya at
sasabihang walang pakialam sa tunay na magulang

15. Sa tuwing dumaraan ka sa isa pang daanan palabas sa inyong lugar,


nakikita mong naghihirap sa buhay ang isang mag-asawa na malapit sa
inyong tirahan. Wala kasi silang anak. Ramdam mong kailangang-
kailangan nila ng tulong ngunit tila mailap ang tulong sa kanila. Batid
mong may kakayahan kang tumulong sa kanila sapagkat nakaririwasa
ang inyong pamilya. Isa pa, kilala ka sa pagiging matulungin sa kapwa.
Gayunpaman, may pangamba kang tumulong sapagkat narinig mo
minsan na may pagkamasungit sila. Ano ang pinakamainam mong gawin.
(T)
a. Sabihin sa mga magulang ang hangaring tumulong upang
ika’y kanilang masuportahan sa maganda mong binabalak.
b. Huwag na silang pansinin pa at huwag na rin silang pag-aksayahan
ng panahon dahil matanda na rin lamang sila.
c. Itanim sa isipan ang narinig hinggil sa kasungitan ng mag-
asawang matanda upang gamitin itong dahilan nang di sila
tulungan.
d. Dumaan lagi sa ibang daanan upang di na makita pa ang mag-
asawang matanda at di ka na maapektuhan sa kanilang kalagayan.

16. Kalugod-lugod ang samahan ninyong magkapatid. Kapwa kayo


nagtataglay ng busilak na kalooban. Lagi kayong magkasama sa hirap
man o ginhawa, sa kasiyahan man o kalungkutan. Nangako kayo sa isa’t
isa na ibibigay ang suporta sa bawat isa. Isang araw, sinabihan mo ang
iyong kapatid na ibigay ang isang folder na naglalaman ng
mahahalagang dokumento dahil ikaw ay sasama sa tatlong araw na
camp ng inyong paaralan. Kailangang maibigay ito sa inyong ama sa
gabing iyon. Pagkatapos ng camp, natuklasan mong di pa ito naibibigay
ng iyong kapatid. Nang ibigay ito, sukdulan ang galit sa’yo at ikaw ang
sinisisi ng iyong ama dahil bakit raw ngayon lamang ibigay ang folder.
Ano ang pinakamainam mong gawin?
a. Pagagalitan din nang husto ang kapatid at sisihin siya sa nangyari
kahit masira na ang inyong magandang samahan.
b. Maglalayas sa bahay at ipangakong di na babalik upang makabawi sa
kapatid na di tumupad sa usapan.
c. Ipamumukha sa kapatid ang ginawang pagkakamali at sabihan
siyang huwag na huwag ka na niyang kakausapin pa.
d. Humingi ng paumanhin sa ama, alamin sa kapatid ang nangyari
at uunawain ang dahilan o paliwanag ng kapatid.

17. Abot-langit ang iyong pasasalamat sa pagkakaroon ng mabait,


maunawain, at mapag-arugang ama’t ina. Walang araw na di mo nadama
ang kanilang wagas na pagmamahal. Kaya, lagi mo naman silang
ibinibida sa’yong mga kaibigan. Gayunpaman, sa di sinasadyang
pagkakataon habang ikaw ay tumutulong sa general cleaning sa bahay,
isang kasulatan mula sa kabinet ng iyong ama ang iyong nakita’t nabasa
na labis mong ikinagulat. Oo, natuklasan mong ika’y di nila tunay na anak.
Isa ka lamang na ampon! Ano ang pinakamabuti mong gawin sa mga
sandaling iyon?
a. Punit-punitin at itapon ang dokumentong nakita at magkunwaring
walang nakitang gayong uri ng dokumento.
b. Buong suyo at kapakumbabahang kausapin ang ama’t ina at
kalmadong pag-usapan ang tungkol sa’yong natuklasan.
c. Agad na susugurin ang ama’t ina at isusumbat sa kanila ang ginawang
paglilihim ng katotohanan tungkol sa kaniyang pagkatao.
d. Kukunin ang dokumento, kukunin ang lahat ng gamit at agad na aalis
ng bahay upang hanapin ang totoong mga magulang.

18. Batid mong ikaw at ng iyong nakatatandang kapatid ay may magkaibang


prinsipyo at paniniwala sa buhay. Makailang beses na ring
nagkabanggaan ang inyong mga ideya o pahayag tungkol sa isang
maselang usapin sa buhay. Alam mong di magpapatalo ang iyong kapatid
sa aspektong ito. Ayaw mo namang laging ganito dahil magkapatid kayo
at ulila na kayong lubos sa ama’t ina. Isa pa, ayaw mo siyang iwan dahil
laging sumisige ang kaniyang atake sa puso. Ano ang pinakamabuti mong
gawin?
a. Hayaang magpatuloy ang inyong bangayan kung iyon ang gusto ng
iyong kapatid, ganyan talaga ang buhay.
b. Matutong magparaya sa buhay kung di naman ito nagdudulot ng
kasamaan o kapahamakan sa’yo.
c. Aalis ka sa inyong bahay at makikitira na lamang sa mga kamag-anak
upang makaiwas sa bangayan.
d. Isumpa na lamang sa sarili na huwag siyang kakausapin
upang makasigurong maiiwasan ang bangayan.

19. Ipagpalagay na ikaw ang alkalde sa inyong lugar. Higit na umunlad ang
lungsod na iyong nasasakupan mula nang ika’y maluklok sa puwesto.
Ngunit alam mong ang pag-unlad na ito ay dahil sa mahuhusay na ideya
mula sa iyong nakababatang kapatid na isang doktor. Hanggang sa isang
araw, sa’yong pagdalaw sa bahay ng iyong kapatid, nabanggit niyang may
natuklasan siyang tiyak na ikagugulat ng inyong mga kababayan. Ibig mo
itong malaman agad ngunit tumanggi siyang ipaalam ito sa’yo. Ano ang
pinakamabuti mong gawin?
a. Ipagpilitan sa kapatid na sabihin sa’yo ang natuklasan kahit maging
sanhi pa ito ng inyong alitang magkapatid yamang karapatan mo ito
bilang alkalde ng bayan.
b. Igalang ang pasya kung ayaw muna niya itong sabihin sa’yo
sapagkat siya ang higit na nakaaalam kung kailan ang tamang
panahon ng paglalantad sa natuklasan.
c. Magpasyang di aalis sa bahay ng kapatid hanggat di sinasabi ang
natuklasan kahit nangangahulugan ito ng pagkainis at pagkayamot ng
kapatid, asawa’t mga anak.
d. Tawagin ang iba pang mga opisyal ng bayan upang samahan kang
hikayatin ang iyong kapatid na sabihin ang bagay na inaasam-asam
mong malaman.

20. Ipagpalagay mo na isa kang ama na nagtataglay ng mabuting kalooban.


May anak kang dalaga na nagkakagusto at umiibig sa isang binatang
mahirap lamang subalit kitang-kita ang kasipagan. Di ka sang-ayon dito
sapagkat may iba kang nagugustuhan para sa’yong anak, isang binatang
mayaman ang angkan ngunit di ka sigurado kung masipag sa buhay. Ano
ang pinakamainam mong gawin bilang isang amang naghahangad ng
ikaliligaya ng anak?
a. Hikayatin ang anak na ibigin ang lalaking gusto talaga niya sapagkat
iyon ang nararapat at siya naman ang makikisama rito habambuhay.
b. Hikayatin ang anak na huwag munang iibig dahil malakas ka pa at
kayang-kaya mo pa siyang ipagtanggol laban sa mga masasama.
c. Hikayatin siyang magkaroon ng maraming kasintahan nang sabay-
sabay upang makapamili nang maayos sa tamang panahon.
d. Hikayatin ang anak na makipagrelasyon agad sa lalaking
nagugustuhan ngunit kung nagsawa’y makikipaghiwalay rin agad.
GLOSARYO NG MGA TERMINONG GINAMIT SA MODYUL NA ITO:

Mahimok. Makumbinsi, mahikayat

Maikintal. Maitanim sa isip at puso upang matandaan

Mapanibughuin. Seloso/selosa, mAinggitin

Masasalamin. Makikita

Matarok. Maisip, maunawaan

Nagulantang. Nagulat

MGA SANGGUNIANNG GINAMIT SA MODYUL NA ITO

Mga Aklat:
Gojo Cruz, Genaro R., (2011). BANYUHAY IV. Makati City: Don Bosco Press,
Inc.
Mga Sangguniang Elektroniko
Awiting Dakilang Lahi. Hinalaw noong Pebrero mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=YlxiKw4tN8s&list=RDYLGGvd9ArPk&index=2
7
Awiting Pag-ibig Ko Inang Bayan. Hinalaw noong Pebrero mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=PCJHq9iDr1k&index=27&list=RDYLGGvd9Ar
Pk
Awiting Ako Ay Pilipino. Hinalaw noong Pebrero mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=YlxiKw4tN8s&list=RDYLGGvd9ArPk&index=3
5

Buod ng Dulang Kaaway ng Bayan sa Wikang Ingles: An Enemy of the People.


Hinalaw noong Pebrero mula sa
http://www.shmoop.com/enemy-of-the-people/ ;
http://www.bookrags.com/studyguide-an-enemy-of-the-people-plays-
pengui/#gsc.tab=0 http://ibsen.nb.no/id/495.0
http://www.shmoop.com/enemy-of-the-people/summary.html
Dayagram ng Modelong 3-Act Structure. Hinalaw noong Pebrero mula sa
http://hahaworld93.blogspot.com/2012/07/3-act-structure.html

Kahulugan at Saklaw ng Dula. Hinalaw noong Pebrero mula sa


http://tl.wikipedia.org/wiki/Dula
http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Dula

Katangian ng Mabuting Lider. Hinalaw noong Pebrero mula sa


https://www.youtube.com/watch?v=lubq-WPkjF8
Kahulugan ng Mitolohiya. Hinalaw noong Pebrero mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=ez6C8xXDsG4
Kahulugan ng modelong 3-Act Structure.Hinalaw noong Pebrero mula sa
http://en.wikipedia.org/wiki/Three-act_structure
http://kristinrix.com/dramatic-division/ .

Kahulugan ng Modelong 3-Act Structure. Hinalaw noong Pebrero mula sa


https://www.youtube.com/watch?v=H6QD5Pbc50I.

Mga Dahilan ng Pagtuturo ng Mitolohiya.Hinalaw noong Pebrero mula sa


https://www.youtube.com/watch?v=ObX3-1DueA0
Mga Prinsipyo para sa Pagiging Lider. Hinalaw noong Pebrero mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=_DZ2uWAxrVQ&spfreload=10
Mga Nangungunang Katangian ng Lider. Hinalaw noong Pebrero mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=EkWTztiCl5g
Mitolohiya: Lalaking Buffalo. Hinalaw noong Pebrero mula sa
https://gurosafilipino72591.wordpress.com/2014/01/13/ang-lalaking-buffalo-2/.

Pagsusuri sa buhay ni Aslaksen. Hinalaw noong Pebrero mula sa


http://www.cliffsnotes.com/literature/e/an-enemy-of-the-people/character-
analysis/aslaksen

Pagsusuri sa buhay ni Hovstad. Hinalaw noong Pebrero mula sa


http://www.shmoop.com/enemy-of-the-people/hovstad.html
Pagsusuri sa buhay ni Gng. Stockmann. Hinalaw noong Pebrero mula sa
http://anenemyofthepeoplethegunnery.wikispaces.com/Catherine+Stockmann+C
haracter+Page

Pagsusuri sa buhay ni Dr. Thomas Stockmann. Hinalaw noong Pebrero mula sa


http://www.shmoop.com/enemy-of-the-people/dr-thomas-stockmann.html
Pagsusuri sa buhay ni Peter Stockman. Hinalaw noong Pebrero mula sa
http://www.shmoop.com/enemy-of-the-people/mayor-peter-stockmann.html
Parangal kay Atty. Francis Sarona. Hinalaw noong Pebrero mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=-cLI4YQ7hTs
Parangal kay Dr. Hilarion T. Salvaña. Hinalaw noong Pebrero mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=zCVW9PdqsoQ

Parangal kay Amado Torre Gurango. Hinalaw noong Pebrero mula sa


https://www.youtube.com/watch?v=wA0Vj3GbeV4

Parangal kay Grace Urbien Salvatus. Hinalaw noong Pebrero mula sa


https://www.youtube.com/watch?v=AHgDESPfNdA

Parangal sa mga batang lider 2014. Hinalaw noong Pebrero mula sa


https://www.youtube.com/watch?v=qOB_PDxp4po
Taong Nakahawak sa Watawat ng Pilipinas Hinalaw noong Pebrero mula sa
https://thefilipinoservant.wordpress.com/tag/inspirasyon/
Totoong Lider. Hinalaw noong Pebrero mula sa https://www.youtube.com/watch?
v=t3DDjeVeJu4

You might also like