Esp Module 3
Esp Module 3
Esp Module 3
Edukasyon
sa
Pagpapakatao
Quarter 1 – Module 8
Pagtutukoy ng mga Karanasan at Gawain
na Nagpapakita ng Papel Panlipunan at
Pampolitika ng Pamilya
Management Team
Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Pablito B. Altubar
Chief, Curriculum Implementation Division
Paunang Salita..................................................................................................................i
Alamin................................................................................................................ iii
Subukin...............................................................................................................iv
ARALIN 1:
Balikan................................................................................................................. 1
Tuklasin................................................................................................................. 2
Suriin..................................................................................................................... 5
Pagyamanin.......................................................................................................... 9
Isaisip.................................................................................................................... 10
Isagawa.................................................................................................................11
Tayahin................................................................................................................. 12
Karagdagang gawain.............................................................................................13
Susi ng kasagutan.................................................................................................14
Sanggunian............................................................................................................ 15.
ARALIN 2:
Alamin.................................................................................................................... 16
Subukin.................................................................................................................. 17
Balikan................................................................................................................... 19
Tuklasin.................................................................................................................20
Suriin..................................................................................................................... 22
Pagyamanin........................................................................................................... 23
Isaisip.................................................................................................................... 25
Isagawa............................................................................................................... 26
Tayahin.................................................................................................................28
Karagdagang Gawain...........................................................................................29
Susi ng kasagutan...............................................................................................30
Sanggunian.......................................................................................................... 31
Paunang Salita
Ang modyul na ito ay binuo ng may akda bilang tugon sa paghahanda sa mga krisis o
emergency dulot ng mga kalamidad o pandemya. Ito ay nagsisilbing kagamitan sa pagkatuto ng
mga mag-aaral sa hangarin tungo sa isang matagumpay na Edukasyon.
i
Napaloob dito ang mga sumusunod na pagsasanay upang matugunan ang mabisang pagkatuto
ii
Mga Aykons ng Modyul
Pangkalahatang Panuto
Para matamo ang mga layunin sa itaas, kailangan lang ay sundin ang sumusunod:
1. Basahin at sundin ang panuto sa bawat paksa.
2. Itala ang mga kaukulang punto na nangangailangan ng masusing kasagutan.
3. Gawin ang mga gawain sa Modyul nang may pag-unawa.
4. Sagutin ang lahat ng mga katanungan sa bawat gawain.
Subukin
Gawain 1
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang tamang sagot sa papel.
1. Ano nga ba ang komunikasyon?
a. Ang komunikasyon ay mga salita lamang na ginagamit sa isang nagsasalita.
b. Ito ay mga aksiyon na ipinapakita sa isang nagsasalita lamang.
c. O anumang senyas o simbolo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kaniyang isip
at pinahahalagahan.
d. Isang kilos na nagpapahayag ng kanyang damdamin.
Balikan
Sa gawaing ito ating babalikan ang nakaraang aralin upang malaman kung
naiintindihan ba ang natapos na aralin.
Gawain 2
1
Tuklasin
Gawain 3
Panuto: Sagutin ang mga gabay na tanong. Isulat sa patlang ang iyong sagot.
3. Tingnan ulit ang larawan sa itaas, sa palagay mo ano nga ba ang kahalagahan naibigay nito
sayo, sa iyong pamilya, sa kapwa at komunidad? Bakit?
_
Ikaw ba ay may dinadalang saloobin? Halina’t iparating sa ating pamilya
kausapin para matugunan at matulungan kang harapin sa mga pagsubok na darating. Halika
panoorin ang video na makakatulong sa iyong gawain.
Gawain 3.1
Panuto: Hanapin at panoorin ang video clip sa youtube: Hapag- usapan (Lucky Me-
Commercial Ads). Para naman sa walang cellphone, laptop, tablet at desktop o walang internet
connection obserbahan ninyo ang inyong pamilya na nasa hapagkainan. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong?
https://www.youtube.com/watch?v=lTJjLHOoH0k
1. Ano ang naobserbahan ninyo at narinig sa magpamilya doon sa hapag kainan na nasa
video? O sa sarili ninyong pamilya na nasa hapag-kainan?
2. Para sa’yo, ano ang dapat gagawin sa bawat kasapi ng pamilya para mapanatili ang
magandang pagsasama/relasyon?
__
Suriin
Basahin mo at unawain
Habang patungo sa ilog Ganges upang maligo ang isang gurong Hindu, nadaanan niya
ang isang pamilyang nagtatalo-talo at galit na sinisigawan ang isa’t isa. Tinanong nito ang mga
kasamang mag-aaral, “Bakit sumisigaw ang tao sa pakikipag-usap kung siya ay nagagalit?”
Sumagot ang isa, “Nawawalan tayo ng pasensya kaya’t tayo’y sumisigaw.”
“Ngunit bakit kailangan nating sumigaw gayong ang ating kausap ay nasa tabi lang natin?
Maaari namang sabihin ang ating ikinagagalit sa mahinahong paraan?” tanong muli ng guro.
Nagbigay pa ng sagot ang ilan sa mga mag-aaral ngunit hindi nasiyahan ang guro sa
kanilang mga ibinigay na pangangatwiran. Sa huli’y nagpaliwanag ang guro, “Pinaglalayo ng
galit ang mga puso ng tao sa isa’t isa. Dahil dito, kailangan nilang sumigaw upang marinig ang
isa’t isa. Samakatuwid, mas lumalakas ang pagsigaw habang lalong tumitindi ang galit at lalong
naglalayo ang kanilang mga damdamin.
Ano naman ang nangyayari kung nagmamahalan ang dalawang tao? Hindi sila
sumisigaw, sa halip ay mahina at mahinahon ang kanilang pag-uusap sapagkat magkalapit ang
kanilang mga puso.
Habang lalo nilang minamahal ang isa’t isa, lalo namang naglalapit ang kanilang mga
kalooban, kaya’t sapat na ang mga bulong upang ipahayag ang damdamin. Sa huli’y ni hindi na
kailangan pa ang mga pangungusap o salita. Ang kanilang mga tingin at kilos ay sapat na.
Ganyan sila nagiging kalapit sa isa’t isa. Matapos ang paliwanag ay sinabi ng guro, “Kung
kayo’y nakikipagtalo o nakikipagpaliwanagan, lalo’t sa minamahal, huwag ninyong hayaang
maglayo ang inyong mga kalooban. Maaaring dumating ang panahong malimot na ang daan
patungo sa isa’t isa. Maaaring maging dahilan ito ng inyong tuluyang paghihiwalay ng landas.”
Ipinahihiwatig sa anekdotang ito ang halaga ng mabuting komunikasyon sa pakikipag-
ugnayan sa kapwa. Nararapat na gamitin natin ang salita upang magpahayag ng nasasaisip at
niloloob sa paraang makalilikha ng pag-unawa at nakapaglalapit sa kapwa. Ipinahihiwatig din
dito na ang pagmamahal ang pinakamabisang paraan ng komunikasyon, sapagkat ang tunay
na pagmamahal ay ang pagkakaisa ng isip at puso ng dalawang tao. Samakatuwid, hindi ito
nangangailangan pa ng salita.
Gayunpaman, ayon kay Dr. Manuel Dy (2010), “Sa pagwiwika sumasalipunan ang tao.”
Hindi posible ang mabuhay sa lipunan kung walang salita o wika. Upang maging ganap na tao
kailangan nating magsalita at makipagtalastasan sa kapwa tao. Mahalaga ang komunikasyon
sa
5
patuloy na paghahanap ng tao sa katotohanan. Mahalagang kondisyon para sa isang
pangkalahatan at panlipunang komunikasyon na ito ay ang pagiging tapat at
mapagkakatiwalaan. Ngunit ang pagiging tapat at ang pag-iwas sa pagsisinungaling at
pandaraya ang pinakamaliit nating maibibigay bilang katarungan sa ating kapwa. Ang
komunikasyon ay may mas higit na malalim na kahulugan kaysa sa pagsasabi ng totoo at hindi
pagsisinungaling.
Ang komunikasyon ay anumang senyas o simbulo na ginagamit ng tao upang ipahayag
ang kanyang iniisip at pinahahalagahan, kabilang dito ang wika, kilos, tono ng boses, katayuan,
uri ng pamumuhay, at mga gawa. Maging ang katahimikan ay may ipinahihiwatig. Sa
pagmamahal, inihahayag ng tao ang kanyang sarili sa minamahal. Nagpapahayag tayo hindi
lamang sa pamamagitan ng ating sinasabi o ginagawa kundi maging sa kung sino tayo at paano
tayo namumuhay. Mahalaga sa atin ang katapatan at integridad hindi lamang sa salita kundi sa
gawa. Humahanga tayo sa taong may isang salita. Ayaw natin ng pagkukunwari o
pagpapanggap, mga palabas lamang, mga taong doble kara o balimbing, mga taong mababaw
o puro porma; iwinawaksi natin ang pandaraya, pagpapaimbabaw, at pagtatraydor.
Nauunawaan natin ang halaga ng mabuting halimbawa at ng katotohanan. Alam din natin na
ang buhay ng isang tao ay maaaring maging isang pamumuhay sa kasinungalingan.
Ang komunikasyon sa pamilya ay ang paraan kung paano nagpapalitan ng pasalita at di-
pasalitang impormasyon sa pagitan ng mga kasapi nito. Isang mahalagang kasanayan sa
komunikasyon ang kakayahan na magbigay ng tuon sa iniisip at sa nadarama ng kapwa. Tulad
nga ng nasabi na, hindi lamang pagsasalita ang mahalagang bahagi ng komunikasyon,
mahalaga rin ang pakikinig sa sinasabi ng kausap at ang pag-unawa sa kanyang mga hindi
sinasabi.
Sa pamamagitan ng komunikasyon, naipahahayag ng mga kasapi ng pamilya ang
kanilang mga pangangailangan, ninanais, at ang kanilang pagmamalasakit sa isa’t isa. Ang
bukas at tapat na komunikasyon ay daan upang maipahayag ng bawat kasapi ang pagkakaiba
ng pananaw o di-pagsang-ayon gayon din ang kanilang pagmamahal at pagmamalasakit sa
isa’t isa. Sa pamamagitan ng komunikasyon, nagagawa ng mga kasapi ng pamilya na malutas
ang mga suliraning dumarating.
Hindi nakapagtataka na ang hindi maayos na komunikasyon sa pamilya ay nagiging
sanhi ng hindi mabuting ugnayan ng mga kasapi nito. Ang hindi maayos na komunikasyon ay
maaaring maging sanhi ng madalas na pagtatalo sa pamilya, kakulangan sa kakayahang
malutas ang mga suliranin, paglalayo ng loob sa isa’t isa, at mahinang pagbibigkis ng mga
kasapi nito. Kaya nga’t mahalagang mapabuti ang daloy ng komunikasyon sa pamilya upang
maging matatag ito.
Mas malaking hamon ang pagkakaroon ng mabisang komunikasyon sa pamilya sa
modernong panahon. Ang pamilya ay nahaharap sa maraming pagbabago. Ang mga
pagbabagong ito ay nakaaapekto sa daloy ng komunikasyon at sa uri ng ugnayan ng mga
kasapi ng pamilya. Ang ilan ay mga positibong pagbabago at ang ilan naman ay mga hamong
kailangang malampasan nito. Ilan sa mga positibong pagbabago ay ang pagkakaroon ng mga
kasapi nito ng kamalayan tungkol sa kanilang kalayaan bilang tao, kamalayan tungkol sa
kanilang pakikipagkapwa, mapanagutang pagmamagulang, at edukasyon. Ang ilan naman sa
mga negatibo ay ang entitlement mentality, kawalang galang sa awtoridad at nakatatanda, ang
mga kahirapan sa pagsasalin ng pagpapahalaga, ang legal na paghihiwalay ng mga mag-
asawa o pagsasawalang bisa ng matrimonya ng kasal, pagpapalaglag, at kahirapan o kasalatan
sa buhay. Nag-uugat ang mga negatibong pagbabagong ito sa pamilya sa labis na
materyalismo at pangingibabaw ng paghahangad sa pansariling kapakanan bago ang pamilya.
Natural lamang na
6
kung sira ang ugnayan sa pamilya, sira rin ang komunikasyon at gayon din naman kung sira ang
komunikasyon ay sira rin ang ugnayan ng pamilya.
Ang pinakamabisang tugon dito ay ang pag-unawa sa tunay na kahulugan ng
komunikasyon sa pagitan ng tao. Ang tunay na komunikasyon sa pagitan ng mga tao ay
tinawag ni Martin Buber na “diyalogo.” Ang tunay na diyalogo ay hindi lamang pag-uusap o
pakikipagtalastasan. Hindi ito tulad ng teknikal na pakahulugan dito. Hindi ito pakikipagkasundo
o pakikipagpalitan ng impormasyon upang makumbinsi ang kapwa na magkaroon ng katulad na
pananaw.
Ang diyalogo ay nagsisimula sa sining ng pakikinig. Ang dalawang tao ay dumudulog sa
diyalogo nang may lubos na pagbubukas ng sarili at tiwala sa isa’t isa. Umaalis sila sa diyalogo
na kapwa may pagbabago kung hindi man napabuti kaysa dati dahil sa karanasang ito. Hindi ito
pagkumbinsi, kundi ang pakikinig sa kapwa upang maunawaan ang kanyang pananaw at
pinanggagalingan at pagpapahayag naman ng sariling pananaw sa kapwa. Sa huli’y hindi nila
kailangang magkaroon ng parehong pananaw o kompromiso tungkol sa isang bagay.
Katarungan ang pinakamababang hatid ng tao sa diyalogo at pagmamahal naman ang
pinakamataas.
Ang pakikipagdiyalogo ay pagkumpirma sa pagkatao ng taong kadiyalogo. Sa
pakikipagdiyalogo tinitingnan mo ang kapwa nang may paggalang sa kanyang dignidad kaya’t
inilalagay mo ang iyong sarili at ibinibigay ang buong atensyon sa pakikipagdiyalogo sa kanya.
Kaya nga sa diyalogo nakahanda kang tumayo sa tinatawag na “narrow ridge” o makipot na
tuntungan. Ito ang tinatawag ni Buber na ugnayang I – thou.
Ang komunikasyong ito ay posible lamang sa pagitan ng mga tao. Natutuwa tayo sa
ating alaga kung kaya nitong ipaalam sa atin ang kanilang pangangailangan. Halimbawa ang
asong nais pumasok ng bahay na marunong kumatok, o binibitbit ang kanyang kainan papunta
sa atin kung ito’y nagugutom na, o kaya’y kusang pumapasok sa palikuran upang magbawas at
umihi, at marunong pang mag-flush ng toilet! Bagama’t nagagawa ito ng aso wala itong
kamalayan na tulad ng sa tao. Hindi niya alam ang mga bagay na ito. Ginagawa niya ito dahil
epektibo ang mga kilos na ito upang makuha niya ang kanyang mga kailangan. Tinatawag itong
conditioning ng psychologist na si Ivan Pavlov. Sa isang banda, ang tao sa komunikasyon ay
may kaalaman at kamalayan. Bukod sa siya’y may kakayahang magwika, kaya niya ring
maging mapanlikha o malikhain sa pagpapahayag ng kanyang iniisip at nadarama. Halimbawa,
kung nais niyang suyuin ang isang kaibigan, maaaring bigyan niya ito ng bulaklak o ipagluto
kaya ng masarap na pagkain. May kamalayan ang tao; dahil sa kanyang isip at mga pandama,
nararanasan niya ang kanyang kapwa at ang komunikasyong namamagitan sa kanila. May
kalayaan din siya bilang tao. Maaari niyang piliing magsalita o hindi kumibo, makinig o
magbingi-bingihan. Tao lang ang may kakayahang magkunwaring natutulog upang iwasan ang
pakikipag-usap. Nakakita ka na ba ng asong nagpapanggap na tulog o nagpapanggap na
busog kahit ang totoo’y nagugutom?
Kung ang komunikasyon ay ginagawa upang makamit ang isang layuning pansarili, o
kung ang pakay ay marinig lamang at hindi ang makinig, hindi ito nasa isang diyalogo kundi
monologo. Hindi tinitingnan ang kapwa bilang tao kundi isang daan upang makamit ang nais. Ito
ang tinatawag na ugnayang I – it.
Ang diyalogo ay nararapat na sa pamilya nagsisimula at natututuhan. Ang isa sa
pinakamalaking suliranin sa pamilya ngayon ang kawalan ng tunay na komunikasyon sa pagitan
ng mag-asawa, mga magulang at mga anak. Madalas na sa pakikipag-usap sa mga anak, mas
mahalaga sa magulang ang maipaunawa ang nais nila para sa kanilang anak, hindi ang
pakikinig
7
sa nais ng mga anak. Ang mga anak naman ay tinitingnan ang mga magulang bilang mga taong
walang kakayahang makinig at umunawa kaya’t mas minamabuti pa ang manahimik at itago
ang tunay na nararamdaman. Minsan mas madali ang magpanggap kaysa magpakatotoo sa
loob ng pamilya. Labis na nakalulungkot ang katotohanan na maging sa loob ng pamilya ay
kadalasang hindi nakukumpirma ang ating pagkatao.
Ang diyalogo ay nararapat na higit na madali para sa isang pamilya kaysa sa hindi
magkakapamilya. Kailangan lamang na pairalin ang pagmamahal na natural na nagbibigkis sa
mga kasapi nito. Kung mas pinahahalagahan natin ang pamilya at ang kapamilya kaysa ating
sarili, mas magiging madaling dumulog sa isang diyalogo nang may kababaang loob at
kahandaang umunawa. Mas magiging madali ang maging bukas at magtiwala. Mas magiging
madali ang makinig at umunawa hindi lamang sa sinasabi kundi sa mga hindi masabi ng
kapamilya. Sa diyalogo ang mga anak ay pinakikinggan at inuunawa. Madalas din sila’y
binibigyan ng kalayaang lumahok sa paggawa ng pasiya at tumulong sa paglutas ng mga
problema. Sa diyalogo walang maliit o malaki, mataas o mababa. Lahat ay magkakatulad na
tao, may dignidad at sariling isip at kalooban. Ang mga magulang naman ay tinitingnan ng mga
anak bilang mga taong bukas at may pag-unawa at buong pagtitiwalang ipinahahayag ng mga
anak ang kanilang isip at damdamin sa kanila. Ang diyalogo ay kailangan ng mag-asawa upang
hindi nila malimot na bagama’t ipinagkaloob na nila ang sarili sa isa’t isa sa pag-ibig at
matrimonya ng kasal, sila rin ay indibidwal na may sariling isip at kalooban.
Sa huli’y balikan natin ang aral ng gurong Hindu tungkol sa komunikasyon. Ang
pagmamahal ang pinakamabisang paraan ng komunikasyon, sapagkat ang tunay na
pagmamahal ay ang pagkakaisa ng isip at puso ng dalawang tao. Samakatuwid, hindi ito
nangangailangan pa ng salita. Napakatahimik at payapa marahil ng mundo kung ang lahat ay
nagmamahalan.
URI NG KOMUNIKASYON
1. Berbal na komunikasyon – ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay
naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng mga salita. Maaring pasulat o pasalita.
Pagyamanin
8
Gawain 4
Isaisip
Gawain 5
Panuto: Sa pamamagitan ng Bubble web, isulat sa mga bilog ang kahalagahan ng komunikasyon sa
pagpapatatag ng pamilya.
Isagawa
Gawain 6
Panuto: Isulat ang iyong sariling saloobin at pananaw sa mga sumusunod na katanungan.
Tayahin
Gawain 7
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang mga sumusunod at bilugan ang wastong titik ng
iyong napiling sagot.
5. Isang karapatan sa isang estado ng pag-iisip kung saan ang isang tao ay dumating
upang maniwala sa pribilehiyo sa halip sa kanyang karapatan.
a. Entitlement mentality
b. Narrow ridge
c. I-it
d. I-thou
Karagdagang Gawain
Gawain 8
Panuto: Sumulat ng slogan na binubuo ng labing lima hanggang dalawampung salita, tungkol
sa “Kahalagahan ng Komunikasyon Tungo sa Matatag na Pamilya.” Gamitin ang kraytirya sa
ibaba. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist Approach)
Kraytirya:
a. Angkop sa Paksa 40%
b. Paggamit ng Salita 30%
c. Orihinalidad 20%
d. Kalinisan 10%
SANGGUNIAN:
Aklat:
Bognot, R. et. al. 1st Edition. 2013. Chicago Manual. Edukasyon sa Pagpapakatao Learners
Module 8. 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600.
Vibal Publishing House, Inc
Internet:
A. Nahinuha.
Ang bukas na komunkasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak
ay nagbibigay-daan sa mabuting ugnayan ng pamilya sa kapwa.
Gawain 1
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang tamang sagot sa papel.
1. Alin dito ang hindi kasali para sa mabuting ugnayan ng pamilya?
a. Nagsasabi ng totoo
b. Nagpapatawad
c. Nakikinig
d. Nagpapanggap
4. Alin dito ang dapat ipapanatili sa mag-aasawa sa kanilang buhay mag-asawa para mapanatili
ang tunay na pag-ibig at palaging buhay ang pangako sa isa’t isa?
a. May oras sa pag-uusap (diyalogo)
b. Pagtatago sa mga nararamdaman sa isa’t isa
c. Dapat ang haligi ng pamilya lamang ang pakinggan
d. Walang kikibu-an para may katahimikan sa pamilya
6. Isang karapatan sa isang estado ng pag-iisip kung saan ang isang tao ay dumating
upang maniwala sa pribilehiyo sa halip sa kanyang karapatan.
a. Entitlement mentality
b. Narrow ridge
c. I-it
d. I-thou
7. Alin dito ang hadlang sa mabuting komunikasyon na nagtatago ng saloobin na parang bakod
ng sarili na hindi ito napapasukan ng iba.
a. Pagiging umid o walang kibo
b. Ang mali o magkaibang pananaw
c. Pagkainis o ilag sa kausap
d. Takot na sasabihin o ipahahayag ay daramdamin o didibdibin
Balikan
Gawain 2
2. Gamit ang graphic organizer na ito, punan ang mga bilog batay sa uri ng komunikasyon.
Tuklasin
Gawain 3
Message in the Bottle
Panuto: Laruin ito kasama ang iyong mga mahal sa buhay. Ito ay iyong mga magulang,
kapatid, pamangkin, pinsan, tiyuhin o tiyahin at iba pa.
Ipa-upo sa sahig o kaya isa-ayos ang mga upu-an sa inyong bahay na kung saan naka-
upo ang iyong kasapi sa pamilya sa bilog na porma.
I-handa ang isang bote na may lamang mga mensahe/katanungan. Ikaw mismo ang
gagawa ng mensahe o katanungan.
Sa paglaro nito, ipa-ikot ang bote at kayo ay umawit ng leron-leron sinta o nahihiligang
awit o kaya maghanda ng isang musika at patugtugin habang pina-iikot ang bote.
Paghinto ng tugtug, sino yung na turo ng bote ang siyang kumuha ng isang message sa
loob ng bote at ito ay kanyang babasahin at sa ilang segundo , magbibigay siya ng
reaksiyon tungkol nito;
Kung ang isang mensahe o tanong ay hindi masagot ng kasapi bigyan siya ng
pagkakataon magpaliwanag kung bakit di niya masagot ang mensahe o tanong.
Pagkatapos ituloy ang gawa-in.( limitahan lamang ang gawa-in,para sa susunod
nagawain.
Para malaman ng guro na ito ay iyong ginawa kinakailangan mong idikit ang mga papel
na may mensahe o tanong sa malinis na papel o band paper. Kinakailangan din na may
lagda bawat tanong/mensahe sa taong tinatanong.
3. Pagkainis o ilag sa kausap. Mayroong mga taong tila namimili ng kausap. Kapag
pakiramdam nila, wala sila sa kondisyong makipag-usap, hindi sila kumikibo. May mga taong
umiiwas na makipag-usap lalo na kung pakiramdam nila ay wala sa katwiran ang kausap.
22
pulubi ang kausap, isiping mayroon kayong pantay na dignidad at karapatan. Kahit itinuturing
na mababa ang kanilang kalagayan sa lipunan, humingi ng paumanhin sa kanila kung nasaktan
mo ang kanilang damdamin.
Pagyamanin
Gawain 4
23
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Gawain 5
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa tanong. Piliin ang tamang sagot.
A. Bilang 1-3, Tukuyin kung ang uri ng komunikasyon ay I-Thou or I-It . Isulat ang sagot sa
patlang na nakalaan.
1. ( ) May suliranin si Gina sa kaniyang pamilya. Kailangan niya ng
mapaghihingahan ng kaniyang sama ng loob. Pumunta siya sa kaniyang gurong
tagapayo.Mahusay na tagapakinig ang kaniyang gurong-tagapayo.Alam niya niya na
bibigyan nito ng panahon at hindi siya huhusgayan.
2. ( ) Madalas nagkagagalit ang magkakapatid na Rolly at Reyna. Hindi nila
pinakikinggan ang isat-isa. Kapwa ayaw magpapatalo sa argumento.
3. ( ) Maganda ang samahan nina Keith at ang kanyang ina.Pinakikinggan nito
ang kanyang mga opinyon sa tuwing silang nagkaka-usap. Bagama’t hindi siya nito
pinagbibigyan sa kaniyang mga gusting gawin alam ni Keith na ito’'y para sa kaniyang
ikabubuti.
B. Bilang 4- 6, Tukuyin kung anong uri ng komunikasyon ang sumusunod: Ito ba ay diyalogo
o monologo.
4. ( ) Pinagagalitan ni Aling Juana ang anak na si Mer dahil sa ginawa nitong
pag- alis ng bahay na walang paalam. Walang magagawa si Mer kung di tumahimik at
walang kibo at umiiyak na lamang. Alam niyang nagkakamali siya at pinagsisihan niya ito.
5. ( ) Ang amang si Ronald ay nag-aalala nang nalalaman niyang nag-aaway ang
mga anak na sina Rizza at Ruel dahil sa mga gawain sa bahay. Hindi na sila nagkikibu-
an.Ina- anyayahan niya ang dalawa na sasama sa kanya sa isang resort, na pinakapakay
niya ay mag-uusap ang dalawa para malinawan ang isa’t isa at magbabalik ang kanilang
mabuting pagsasama.
Isagawa
Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang sariling hinihiling na gustong maabot.
Halimbawa nlang ang pagkakaroon ng salo-salo sa ating kaarawan, minsan nga hinihiling mo
sayong magulang na sana mayroong handaan sa iyong kaarawan at dinadalangin mo sana rin
may magbibigay ng regalo sa kaarawan ko o anumang okasyon na mahalaga sayo. Narito ang
halimbawa.
Gawain 6
Panuto: Basahin ang isang maikling kuwentong may pamagat na “Regalo”. Pasagutan ang
mga tanong sa susunod na pahina. (Gawin. (Reflective Approach)
“Regalo”
Si Chini ay isang dalagang mayaman at nag-aaral bilang isang high schoolstudent sa isang
kilala at mamahaling paaralan sa kanilang lugar. Ilang araw bago ang kaarawan niya ay
kinausap niya ang kanyang ama.
Chini: Dad, sa birthdayparty ko, bukod sa engrandeng mga handa, gusto ko po may gift ka pa
rin ha?
Dad: Ha? Anak hindi ka pa ba nasisiyahan sa engrandeng birthday party mo. Nagtratrabaho
ako ng sobra-sobra para maibigay ang pangangailangan mo. Lalo na ngayon at magkokolehiyo
ka na. Matagal ng namatay ang mommy mo kaya ako na lang ang kumakayod sa awa at tulong
ng Panginoon.
Chini: Sige na Dad, gusto ko, kotse. Nakakahiya naman, ako lang ang walang kotse sa
barkada. Kaya ang wish ko sa birthday ko ay kotse!!!
Nagpumilit na sinabi ni Chini sa kanyang ama habang ang kanyang ama naman ay yumuko na
lamang at nalulungkot dahil sa hindi pagiging kuntento ng kanyang nag-iisang anak.
Dumating ang araw ng kaarawan ni Chini at bawat isa ay nagbigay ng kani-kanilang regalo sa
kanya. Sa kahuli-hulihan, ang kanyang ama ang nagbigay ng regalo. Pagbukas niya sa munting
regalo nito – isang Biblia. Nainis si Chini sa regalo ng kanyang ama at inihagis ito. At sinigawan
ang nag-iisa niyang magulang.
Chini: Ano ba Dad???!!! Di ba sabi ko sa’yo kotse ang gusto ko? Ayoko nito! Ayoko nito! Ayoko
nito!!!
At inihagis ang Biblia at tumakbo ang dalaga palayo. Matapos nito ay ang pagbagsak ng
kanyang ama sa lupa dahil inatake ito sa puso sapagkat hindi nakayanan ng kanyang ama ang
ginawa ni
Chini. At tuluyan nang namatay ang kanyang ama. Hinabol ng kanilang katulong si Chini at
ibinalita ang ang kamatayan ng kanyang ama at sinabi.
Katulong: Ma’am Chini, ito po yung Biblia na regalo ng inyong tatay sa inyo po. May susi po
palang nakasingit sa gitna ng libro kasama po ng liham ng daddy n’yo po. Chini,
Anak, gawin mong gabay ang salita ng Diyos sa pag-aalaga ng regalo ko sa’yong kotse.
Mahal na mahal kita.
~Dad
Nanlumo si Chini at labis ang pagsisisi.
Tayahin
3. Isang karapatan sa isang estado ng pag-iisip kung saan ang isang tao ay dumating
upang maniwala sa pribilehiyo sa halip sa kanyang karapatan.
a. Entitlement mentality
b. Narrow ridge
c. I-it
d. I-thou
4. Alin dito ang hadlang sa mabuting komunikasyon na nagtatago ng saloobin na parang bakod
ng sarili na hindi ito napapasukan ng iba.
a. Pagiging umid o walang kibo
b. Ang mali o magkaibang pananaw
c. Pagkainis o ilag sa kausap
d. Takot na sasabihin o ipahahayag ay daramdamin o didibdibin
4. Anong uri ng komunikasyon kung ang pakay ay sa sarili lamang o ang gusto na
siya lamang ang pakinggan at hindi makinig sa iba?
(monologo, diyalogo)
5. Ito ay hindi tinitingnan ang kapwa bilang tao kung di isang daan upang makamit
ang nais. Anong tawag nito?
(I-it, I- thou)
Karagdagang Gawain
Gawain 8
Kraytirya
a. Nilalaman - 50%
b. Kaugnayan sa Paksa - 30%
c. Paggamit ng Angkop na Salita- 20%
SANGGUNIAN:
Aklat:
Bognot, R. et. al. 1st Edition. 2013. Chicago Manual. Edukasyon sa Pagpapakatao Learners
Module 8. 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600.
Vibal Publishing House, Inc
Internet:
Google.com. Division of Lucena City. Daily Lesson Log ESP8. 2017. Accessed June 28, 2020.