Araling Panlipunan: Quarter 3 - Module 2 Paglawak NG Kapangyarihan NG Europe
Araling Panlipunan: Quarter 3 - Module 2 Paglawak NG Kapangyarihan NG Europe
Araling Panlipunan: Quarter 3 - Module 2 Paglawak NG Kapangyarihan NG Europe
Quarter 3 – Module 2
Paglawak ng Kapangyarihan
ng Europe
Araling Panlipunan - Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 3 – Module 2: Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe
First Edition, 2020
Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in
anywork of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalty.
Pablito B. Altubar
CID Chief
Alamin
Itinuturing ang Europe bilang maunlad na kontinente ngg daigdig. Matatagpuan dito
ang mga sikat na lungsod tulad ng Rome sa Italy, Paris sa France, at London sa Great
Britain. Ang mga lunsod na ito ay kakikitaan ng malalaking gusali, magagandang pasyalan
at maging ang nangungunang train system sa buong daigdig. Kontribusyon sa malawak na
pag-unlad ng Europe ang lahat ng ito.
i
Pangkalahatang Panuto
Ito ang magiging gabay sa paggamit ng Modyul na ito:
1. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang mga
direksiyon o panuto habang binabasa ang materyales.
2. Sagutin ang lahat ng mga katanungan.
3. Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan.
4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.
ii
Subukin
Panimulang Pagtataya
Upang masubok ang iyong dati nang alam tungkol sa nilalaman ng Modyul na ito,
sagutin ang panimulang pagtataya. Isula ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang.
Bigyan pansin ang mga aytem na hindi mo nasagot at subuking muling sagutan ang
nasabing mga aytem habang ginagamit ang Modyul na ito.
5. Sino ang isang marinong Italian, na sa kanyang panukala ang mga Espanyol ay
naglayag pakanluran patungong Asya? Taong 1492 nang maglayag siya patawid ng
Atlantic Ocean at narating ang ilang teritoryo sa Carribean o West Indies.
a. Amerigo Vesoucci
b. Ferdinand V
c. Vasco da Gama
d. Christopher Columbus
iii
6. Ang _________ ang nagbibigay ng tamang direksyon habang naglalakbay
samantalang gamit naman ang _______ upang sukatin ang taas ng bituin.
a. Tape measure - ruler
b. Relo- steel tape
c. Compass- astrolabe
d. Wala sa nabanggit.
7. Ito ay gamit bilang pampalasa sa mga pagkain at upang mapreserba ang mga karne.
a. Pabango
b. Sabon
c. Asin
d. Spices
9. Sinong papa ang naglabas ng papal bull na naghahati sa lupaing maaaring tuklasin
ng Portugal at Spain?
a. Pope Francis
b. Pope Chistopher
c. Pope John
d. Pope Alexander VI
10. Sinong Portuges ang naglakabay sa rutang pakanluran tungong Silangan na itinama
ang lumang kaalaman na ang mundo ay patag dahil nakabalik ang kanyang barkong
Victoria sa Spain kahit napatay siya.
a. Ferdinand Magellan
b. Vasco da Gama
c. Ferdinand V
d. Christopher Columbus
iv
Aralin
Yugto sa Kasaysayan ng Europa:
1 Panahon ng Pagtuklas at Paglalakbay
Alamin
https://elearningindustry.com/top- https://www.tes.com/lessons/gRuS
https://www.vectorstock.com https://www.tibco.com/blog/2015/
/royalty-free-vector/brown- 10-books-every-college-student-read LJs1IIf2nA
08/25/en-route-keys-to-value-
law-book-vector-4194119 driven-iot-deployments-in-
transportation-and-logistics/
1
Suriin
Gawain 2: Basahin at Matuto!
Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Ang dakilang panahon ng eksplorasyon o paghahanap ng mga lugar na hindi pa
nararating ng mga Europeo ay nagsimula noong ika-15 siglo. Ito ang nagbigay daan sa
KOLONYALISMO na ang ibig sabihin ay ang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa
sa isang mahinang bansa.
Tatlong bagay ang itinuturing na motibo sa kolonyalismong dulot ng eksplorasyon:
1.Paghahanap ng kayamanan:
2.Pagpapalaganap ng kristiyanismo; at
3.Paghahangad sa katanyagan at karangalan.
Nagsimula ang unang yugto ng imperyalismo na maaaring tuwiran o di-tuwirang
pananakop noong ika-15-17 siglo. Ang imperyalismo ay ang paghihimasok, pag-
iimpluwensiya, o pagkontrol ng isang bansa sa isang mahinang bansa.
Hindi na sana maisasakatuparan ang paglalakbay ng Europeo sa malalawak na
karagatan noong ika-15 siglo kung hindi dahil sa ilang salik. Ito ang mausisa na pag-aaral ng
mga monarkiya sa paglalakbay at ang pagpapaunlad sa sasakyang pandagat at mga
instrumentong pangnabigasyon dahil kailangan ito sa kanilang paglalakbay upang
mapagtagumpayan ang maraming pagsubok na kanilang kinakaharap. Nagkaroon ng
matinding epekto sa naging takbo ng kasaysayan ng daigdig ang nasabing eksplorasyon.
Ang mga karagatan ay naging daan tungo sa pagpapalawak ng mga imperyong Europeo sa
panahon ng eksplorasyon.
Mga Motibo at Salik sa Eksplorasyon
Para sa mga Europeo ang Asya ay isang kaakit-akit na lugar kahit na ang kanilang
kaalaman tungkol nito ay limitado at hango lamang sa mga tala ng mga manlalakbay tulad
nina Marco Polo at Ibn Battuta. Napukaw ang kanilang paghahangad na makarating dito
dahil sa paglalarawan na mayaman ang lugar na ito. Sa aklat na “The Travels of Marco
Polo” (circa 1298) ipinabatid nito sa mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng China
at naghikayat sa mga Europeo na marating ang China.
Samantala, si Ibn Battuta Muslim na Muslim na manlalakbay ay nagtala sa kanyang
paglalakbay sa Asya at Africa. Ang tala nina Marco Polo at Ibn Battuta ay nakadagdag sa
hangarin ng mga Europeo na maghanap ng mga bagong ruta patungo sa kayamanan ng
Asya. Kontrolado ng mga Muslim ang rutang dinaanan sa kanlurang Asya sa panahong ito.
Sa pagkatuklas ng compass at astrolabe, parang sumang-ayon ang panahon sa mga
manlalakbay at mangangalakal. Kapwa malaki ang tulong nga dalawang instrumentong ito
sa mga manlalayag. Nagbibigay ng tamang direksyon habang naglalakbay ang compass
habang ang astrolabe naman ay para sukatin ang taas ng bituin.
Ang Portugal at Spain ang dalawang bansa sa Europe na nagsimula sa paglalayag
at pagtuklas ng mga bagong lupain. Dahil kay Prinsipe Henry “the Navigator” na naging
inspirasyon ng mga manlalayag sa kanyang panahon, nanguna ang Portugal sa mga
bansang Europeo. Pangarap niyang makatuklas ng mga bagong lupain para sa karangalan
ng Diyos at ng Portugal.
Limitado lamang sa Spain at Portugal ang paglalayag ng mga Europeo noong ika-6
na siglo. Ito ang panahon kung saan naitatag ang unang pinakamalakaing imperyo ng mga
Europeo na nagpasimula ng mga dakilang pagtuklas ng mga lupain.
2
Sa panig ng mga Español, nagsimula ito noong 1469 nang magpakasal si Issabella
kay Ferdinand ng Aragon. Sa pamamagitan ng kanilang suporta nananatili ang
kapangyarihan ng mga dugong bughaw sa Castille. Nasupil ang mga Muslim sa Granada at
nagwakas ang Reconquista sa kanilang paghahari.
Naitatag ang mga bagong imperyo sa hilagang Europe, Great Britain, France, at
Netherlands noong ika-17 na siglo. Ito ang nagbibigay lakas sa mga Europeo upang
palakihin ang pakikipagkalakalan at pagpapalaganap ng mga produktong galing sa
Silangan.
Pagyamanin
Motibo Salik
• __________________ • __________________
• __________________ • __________________
• __________________ • __________________
Suriin
Ang Paghahanap ng Spices
Mula noong ika-13 na siglo ay nagdepende na ang Europe sa spices na
matatagpuan sa Asya lalong-lalo na sa India. Ang ilan sa mga spices na may malaking
demand para sa mga Europeo ay ang mga paminta, cinnamon at nutmeg.
Kontrolado ng mga Muslim at ng mga taga-Venice, Italy ang kalakalan ng spices sa
Europe at Asya. Bumibili ng spices sa mga mangangalakal na Arabe na siyang nagdadala
ng mga panindang ito sa mga mangangalakal na taga-Venice ang mga mangangalakal na
Tsino at Indian. Ang ganitong uri ng kalakalan ay nag-akyat ng malaking kita sa mga
mangangalakal na Arabe at Venetian. Dahil sa pagmomonopolyo sa kalakalang ito ay
naghangad ang mga Europeong mangangalakal ng direktang magkaroon ng kalakalan sa
Asya ng mga spices na kailangan nila. Ang panlupang kalakalan ay di na garantisadong
protektado dahil sa mga pananambang na ginawa ng mga Mongol kaya mas minabuti ng
mga Europeo na gamitin ang katubigan.
Ang spices ay ginagamit nila bilang pampalasa sa kanilang mga pagkain,
pagpreserba ng mga karne, panghalo sa mga pabango, kosmetiks, at medisina.
Pinangunahan ng Portugal ang Paggagalugad
Ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa paggagalugad sa
karagatan ng Atlantic ay ang Portugal dahil gusto nitong makahanap ng mga spices at ginto.
Sa pagitan ng mga taong 1420 hanggang 1528, nakapaglayag ang mga mandaragat na
Portuges hanggang sa kanlurang bahagi ng Africa upang hanapin ang rutang katubigan
patungo sa Asya. 3
Noong Agosto 1488 natagpuan ni Bartholomeu Dias ang pinakatimog na bahagi ng
Africa na tanging kilala sa katawagang Cape of Good Hope. Nagpakilala ang paglalakbay ni
Dias na maaaring makarating sa Silangang Asya sa pamamagitan ng pag-ikot sa Africa.
Samantalang noong 1497 ay apat (4) na sasakyang pandagat ang naglakbay na
pinapamumunuan ni Vasco da Gama mula Portugal hanggang sa India. Ang nasabing
ekspedesyon ay umikot sa Cape of Good Hope, tumigil sa ilang mga trade post sa Africa
upang makipagkalakalan at nakarating matapos ang 10 buwan sa Calicut, India. Dito
natagpuan ni Da Gama ang mga Hinu at Muslim na nakikipagkalakalan ng mahuhusay na
seda, porselana at pampalasa na pangunahing kailangan ng mga Portuges sa kanilang
bansa. Hinimok niya ang mga Asyanong mangangalakal sa kanila ngunit di siya gaanong
nagtagumpay dito. Sa bansang Portugal ay nakilala siyang isang bayani. Dahil din sa kanya
kaya nalaman ng mga Portuges ang yaman na mayroon sa silangan at ganoon din ag
maunlad na kalakalan.
Si Prinsipe Henry, anak ni Haring Juan ng Portugal, ang naging pangunahing
tagapagtaguyod ng mga paglalayag sa pamamagitan ng pag-aanyaya ng mga mandaragat.
Siya ay tagagawa ng mapa, matematisyan, astrologo, at mag-aaral ng siyensya ng
nabigasyon sa bansa. Dahil siya ang naging patron ng mga manlalakbay ikinabit sa
pangalan ni Prinsipe Henry ang katawagang “The Navigator.” Sa mga paglalakbay na
kanyang itinaguyod ay nakarating siya sa Azores, Isla ng Madeiram, at sa mga isla ng Cape
Verde.
Pagyamanin
4
Isagawa
Gawain 5: Pangarap ko! Isagawa ko!
Sa panahon ng eksplorasyon, maraming ginawa ang mga Europeo upang
matustusan ang kanilang pangangailangan.
Ikaw, bilang isang mag-aaral, ano ang iyong gagawin upang makamit mo ang iyong
pinapangarap sa buhay ngayong nagkaroon ng pandemic ang buong mundo?
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
_________
5
Aralin
Paglakas ng Kapangyarihan ng mga
2 Kanluranin
Balikan
Hanay A Hanay B
6
Suriin
Gawain 2: Basahin at Matuto!
Ang Paghahangad ng Spain ng Kayamanan sa Silangan
Naging daan upang ang Spain ay maghangad din ng mga kayamanan sa Silangan
ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna
Isabella I ng Castille noong 1469. Naging daan ang pinagsanib na lakas
ng kanilang kaharian sa pagpapadala ng mga ekspedisyon sa Silangan
na ang una ay pinamunuan ni Christopher Columbus. Noong 1492,
namuno siya sa unang ekspedisyon patungong India na dumaan
pakanluran ng Atlantiko ngunit nakarating sila sa isla ng Bahamas,
Hispaniola (kasalukuyan ay ang mga bansang Haiti at Dominican
Republic) at Cuba. Ang mga tao dito ay tinatawag nilang Indians https://www.biography.com/news
dahil sa magkapareho ang kulay nila sa mga taga India. Narating din /christopher-columbus-day-facts
niya ang Caribbean at South America. Nakatagpo ng bagong Mundo na tinawag na
America.
Paghahati ng Mundo
Dahil sa lumalalang paligsahan ng pagpapadala ng mga ekspedisyon ng Portugal at
Spain, humingi ang mga bansang ito ng tulong sa Papa sa Rome na si Pope Alexander VI
upang mamagitan sa kanilang mga paglalabanan. Noong 1493 ay gumuhit ng line of
demarcation ang Papa, isang hindi nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa
Hilagang Polar hanggang sa Timogang Polar. Para sa Spain ang kanlurang bahagi ng linya
at sa Portugal naman ang sa silangang bahagi ng linya.
Si Pope Alexander VI ang naglabas ng papa bull na naghahati sa lupaing maaring
tuklasin ng Portugal at Spain.
Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan
Nagsimula ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan, isang Portuges na ang
paglalakbay ay pinondohan ng Spain sa taong 1519 kung saan nilakbay ng kanyang
ekspedisyon ang rutang pakanluran tungong silangan at dito, natagpuan nila ang silangang
baybayin ng South America. Ito ang bansang Brazil sa kasalukuyan. Naglakbay sila sa
isang makitid na daanan ng tubig, ang Strait of Magellan ngayon, at pinasok ang malawak
na Karagatang Pasipiko hanggang marating nila ang Pilipinas. Nakaranas sila ng pag-aalsa
ng mga miyembro at taggutom dahil sa haba ng paglalakbay.
Ang lahat ng ito ay kanilang nalagpasan at nakatagpo ng malaking kayamanang
ginto at mga pampalasa. Matagumpay naman nilang nakumbersyon sa Katolisismo ang
mga katutubo. Ang ekspedisyon ay nagpatunay na maaaring ikutin ang mundo at muling
bumalik sa pinanggalingan nang ang barkong Victoria ay nakabalik sa Spain kahit pa
napatay si Magellan ng isa sa mga tauhan ng katutubong si Lapu-lapu. Ang nasabing
ekspedisyon ang unang circumnavigation o pag-ikot sa mundo na nagtama sa lumang
kaalaman ng mga Europeo na ang mundo ay patag. Dahil dito, naitala din sa mapa ang iba
pang kalupaan sa Silangan at lalong nakilala ang mga yaman nito.
Ang mga Dutch
Bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya, napalitan ng mga Dutch ang mga
Portuguese sa pagpasok ng ika-17 siglo. Sila ang nag-agaw sa Moluccas mula sa Portugal
at nagtatag ng bagong sistema ng plantasyon - ang mga lupain ay pinatamnan ng mga
tanim na mabili sa pamilihan. Dahil dito, nagkaroon ng sapilitang paggawa na naging
patakaran din ng mga Español sa Pilipinas. 7
Ang mga Dutch ay nagkaroon din ng mga kolonya sa North America na
pinangunahan ni Henry Hudson na isang English na manlalayag na naglakbay para sa mga
mangangalakal na Dutch. Siya ay nakapasok sa New York Bay noong 1609 at pinangalanan
itong New Netherland.
Isang trade outpost o himpilang pangkalakalan ang itinatag noong 1624, sa rehiyon
na pinangalanang New Amsterdam na kilala ngayon bilang New York City. Mas nagtagal
ang kapangyarihan ng mga Dutch sa Asya dahil sa pagkakatatag ng Dutch East India
Company o Vereenigde Oostindische Compagnie (VOC) noong 1602 kung ihahambing sa
pananakop nila sa America. Nagbigay ng proteksiyon sa monopolyo ng mga Dutch sa
paminta at iba pang rekado ang mga daungan ng VOC.
Sa pamamagitan ng mga Boers o mga magsasakang nanirahan sa may Cape of
Good Hope nagtatag din ng pamayanan sa Africa ang mga Dutch. Nguni’t humina ang
kapangyarihang pangkomersiyo ng mga Dutch noong ika-17 siglo, at ito’y pinalitan ng
Inglatera bilang pinakamalakas na imperyong pangkatubigan ng Europe.
Ang Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas ng mga Lupain
Nagbunga ng pagbabago ng mga ruta sa kalakalan ang pagtuklas at paglalayag
noong ika-15 at ika-16 na siglo kung saan nawala sa dating kinalalagyan ang Italy sa
kalakalan na kanyang pinamunuan sa Medieval Period. Ang mga pantalan sa baybay-dagat
ng Atlantic mula sa Spain, Portugal, France, Flanders, Netherlands at England ay naging
sentro ng kalakalan. Sa pagkakatuklas ng mga lupain, higit na dumagsa ang mga kalakal at
spices na nagmula sa Asia gaya ng kape, ginto at pilak sa North America; asukal at
molasses sa South America; at indigo sa Kanlurang Indies.
Nagpalawak sa paglaganap ng mga salaping ginto at pilak na galing sa Mexico, Peru
at Chile ang mga produktong pangkalakalan. Ito ang nagpasimula ng pagtatatag ng mga
bangko. Kinailangan ng mga mangangalakal na may paglagyan ng kanilang salaping barya
sa dami nito. Ginamit at ipinakilala sa mga mangangalakal ang salaping papel at ito ay
nagbigaydaan sa pagtatatag ng sistemang kapitalismo, kung saan mamumuhunan ng
kanyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo o interes.
Hindi alam ng mga tao sa Medieval Period, ang pag-iipon ng salapi. Masaya na sila
kung sapat ang kanilang kita sa kanilang pangangailangan pero sa pag-unlad ng kalakalan,
ang kanilang salaping naipon ay dumami. Hindi naman nila ito itinago bagkus, pinalago nila
ang ito at ginamit nilang puhunan sa kalakalan.
Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon
Maraming mahahalagang epekto ang unang yugto ng kolonisasyon.
1. Nagbigaydaan ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga Español at
Portuguese sa malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa nagagalugad pati na
ngpagkatuklas ng mga sibilisasyong. Ang ugnayan ng Silangan at Kanluran ay lalong
lumakas.
2. Ang mga bagong pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag ay
nakapukaw rin ng interes sa eksplorasyon.
3. Ang kolonisasyon ang nagpasigla sa paglaganap ng sibilisasyong Kanluranin sa
Silangan.
4. Maraming suliranin ang idinulot ng kolonisasyon sa mga bansang nasakop nito
gaya ng pagkawala ng kasarinlan ng mga ito, paninikil ng mananakop at pagsasamantala sa
likas na yaman ng mga bansa.
5. May pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta sa pagpapalitan ng hayop
at halaman at mga sakit sa pagitan ng Old World at New World.
8
Pagyamanin
Gawain 3: Sagutin Mo!
Panuto: Basahin at unawain ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa
kwaderno ang iyong sagot.
1. Bakit hinangad ng Spain ang yaman ng Silangan?
2. Ano ang dahilan bakit nagkaroon ng line of demarcation?
3. Naging mabuti o masama ba ang epekto ng unang yugto ng kolonisasyon at
imperyalismo? Patunayan.
Isaisip
Bansang
Mga Bansang
Kanluranin Dahilan ng Pananakop Epekto
Sinakop
(Mananakop)
Spain
Portugal
Dutch
Isagawa
Gawain 5: Sanaysay
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na naglalarawan sa Unang Yugto ng
Kolonyalismo at Imperyalismo.
_____________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
9
Rubriks sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
Nilalaman 10
Organisasyon sa Paksa 8
Kabuuan 25
Buod
Naniniwala ang mga Europeo na makakatulong para sa kanilang adhikain na maging
makapangyarihan at maunlad ang ginto at pilak. Ito ang tanda ng kayamanan at
kapangyarihan ng bansa base sa sistemang merkantilismo ng lumaganap sa Europa. Mas
mahalaga pa sa lupa ang pera o salapi bilang pinagkukunan ng kapangyarihan sa panahong
iyon.
Higit na marami ang iniluwas na produkto sa mga bansang sumunod sa sistemang
merkantilismo kaysa inangkat na produkto mula sa mga kolonya ng bansa.
Sa pagkawala ng kapangyarihan ng mga panginoong may-lupa, ang hari ang
nagsilbing pinuno at nagpatingkad sa pagtatatag ng monarkiyang nasyonal. Malaki ang
ginampanan ng salapi sa pag-unlad ng monarkiyang nasyonal. Nagkaroon ng pagkakataon
ang mga mamamayan na bilhin mula sa panginoong may-lupa ang kanilang kalayaan.
Nabago ang pamumuhay ng mga kanluranin sa gawaing pang-ekonomiya sa
pagtatatag ng monarkiyang nasyonal. Ang kabuhayan ay hindi lamang nakatuon sa lupa.
Higit na naging malawak at aktibo sa kinabibilangang pangkat sa lipunan abng mga tao.
10
Pagtatasa
Panuto: Upang masubok ang iyong dati nang alam tungkol sa nilalaman ng Modyul na ito,
sagutin ang panimulang pagtataya. Isulay ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang.
Bigyan pansin ang mga aytem na hindi mo nasagot at subuking muling sagutan ang
nasabing mga aytem habang ginagamit ang Modyul na ito.
6. Anong linya ang naghahati sa mundo upang mapigilan ang pag-aaway ng mga bansang
Spain at Portugal?
a. Pedestrian lane c. line of demarcation
b. Boarder line d. Straight line
7. Sinong papa ang naglabas ng papal bull na naghahati sa lupaing maaring tuklasin ng
Portugal at Spain?
a. Pope Alexander VI c. Papa Gregory I
b. Papa Leo the Great d. Papa Gregory VII
11
9. Bakit mahalaga para sa mga kanluraning bansa ang pagtuklas ng mga bagong lupain?
a. Upang maging pinakamakapangyarihang bansa
b. Upang makatuklas ng mga likas na yaman at mga pampalasa
c. Upang lumawak ang mga teritoryo nila at yumaman
d. Lahat ng nabanggit
10. Anong libro ang nagpa-usbong sa kagustuhan ng mga kanluraning bansa upang
sakupin ang China?
a. The Book of Travel c. The Travels of Marco Polo
b. The Travels of Vasco Da Gama d. The Expedition of Prince Henry
12