sURING - bASA
sURING - bASA
sURING - bASA
Pambansa:
Pagsulat ng Anekdota
_______________________________
Pamagat
Pagsulat ng Talumpati
Panimula
Ang isang maanyong pagpapahayag ng kaisipan sa paraang
pasalita sa harap ng madla ay tinatawag na talumpati. Ito’y naghahatid ng
kaalaman, nang-aaliw, nanghihikayat, at nagpapaliwanag tungkol sa
katotohanan. Ang manunulat ng isang talumpati ay kinakailangang may tiyak
na kabatiran sa
paksa upang makahikayat. Dapat ding napapanahon ang paksa ng talumpati
at isinasaalang- alang ang gulang, kasarian, pinag- aralan, at tungkulin ng
magtatalumpati.
May tatlong bahagi ang isang talumpati- ang panimula, katawan o nilalaman, at pangwakas.
Upang maging mabisa at makatawag- pansin, kinakailangang maging nakaaakit at kawili- wili
ang panimula ng talumpati. Maaaring ito ay nakatatawa, nakatutuwa, o ukol sa isang
makabuluhang karanasan.
Ang pinakakaluluwa ng isang talumpati ay ang katawan o nilalaman nito. Ang isang mabisang
talumpati ay nakagaganyak, nagpababatid, at nagpalilibang. Ang paraan ng talumpati ay
nagpapaliwanag, nangangatwiran, o nagsasalaysay.
Ang pangwakas ng talumpati ay humahamon sa makikinig o bumabasa sa kilos na kanilang
gagawin at naghahanay ng mga katibayan.
Modelo
Buwan ng Wika
Makabuluhan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Lalo na sa panahon
ngayong patuloy na pinahahalagahan ang paggamit nito sa iba’t ibang larangan
lalo’t sa larangan ng edukasyon.
Sa nalalabing bahagi ng kasalukuyang panahon ay lalo nating pag-ibayuhin
ang ating pagpupunyagi tungo sa puspusang pagsasagamit ng Wikang Filipino sa
bayan, sa pamahalaan, sa akademya sa lahat ng larangan.
Ipagpatuloy natin ang paggamit ng ating pambansang wika na wikang
Filipino.
Mabuhay ang kalayaan at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino. Mabuhay
tayong mga Pilipino. Mabuhay ang wikang Filipino.
Pagsulat ng Talumpati
Sumulat ng talumpati. Pumili sa mga sumusunod na paksa.
pagiging world class na Pilipino
pagiging isang matagumpay na atleta
______________________________________________________
Pamagat
Pagpapakahulugan
______________________________________________________
Ang pagpapakahulugan ay ginagamit sa salawikain, likhang sining, isang kaisipan,
at iba pa. Ito ay isang masusing pagpapaliwanag o interpretasyon sa masalimuot na
diwa ng orihinal na paksa. Nararapat na alamin ng sumusulat ng
pagpapakahulugan ang layunin ng manunulat at sikaping mabigyan ng wasto at
malinaw na paliwanag.
Pagpapakahulugan sa Salawikain
I. PANIMULA
Ang salawikain ay isang karunungang- bayang napag-aralan ng tao buhat sa bibig ng mga
matatanda at hango sa karanasan sa buhay. Ito ay mayroong matatalinghagang salita na may tugma at
sukat. Mayroon ding mapupulot dito na magandang aral sa buhay.
II. MODELO
Salawikain: Kung may isinuksok, may madudukot
Pagpapakahulugan:
Ang salawikaing ito’y isang pagpapakahulugan sa buhay Pilipino na iniuugnay sa
pagiging masinop ng Pinoy. Maganda ang kahihinatnan ng taong masinop at marunong mag-
impok hindi lamang ng pera kundi pati ng pakikipagkapwa. Dahil sa oras ng kagipitan at krisis,
kailangan ito upang magkaroon ng masasandalan na matatag na kabuhayan at maaasahang
matatapat na kaibigan na dadamay sa iyo.
Republika ng Pilipinas
BENGUET STATE UNIVERSITY (BSU)
La Trinidad, 2601 Benguet
Pagpapakahulugan sa Salawikain
Bigyang pagpapakahulugan ang paboritong salawikain.
Pagkukuwento
I. PANIMULA
Naaalala mo pa ba ang isa sa mga paborito mong kuwento na ibinahagi
sa iyo noong ikaw ay bata pa? Subuking alalahanin ito at ibahagi rin ito sa
iyong mga kaklase.
Ang pagkukuwento ay natural lamang sa atin. Ang pagkukuwento ay mas magiging
kawili- wili kung gagamitan ito ng mga time signals at transitional devices.
Ang kuwento ay isang mabisang paraan ng pagpapahayag ng mga ideya, impresyon,
pananaw, at pang-unawa. Ang manunulat ay nagsasalaysay ng isang pangyayari o serye ng
mga pangyayari na naganap sa isang tao o karakter sa isang lugar at panahon. Ang mga
pangyayari ay dapat na sunod- sunod na ilalahad at magkakaugnay (logically related). Ang
manunulat ay unti- unting naglalahad ng mga pangyayari na hahantong sa kasukdulan
(climax).
II. MODELO
Basahin ang modelong ito ng isang talatang pagkukuwento. Bigyang- pansin ang
pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari.
Malalim na ang gabi ngunit ako’y nag-aaral pa rin. Lahat ng aking kasambahay
ay mahimbing na ang tulog. Nang walang ano- ano’y napatingin ako sa bintana.
Dalawang nanlilisik na mga mata ang nakatitig sa akin. Kung anuman iyon, ito’y
papalapit nang papalapit sa akin. Mayroong nalaglag sa harapan ko. Mga daliring
mapuputla, mahahaba, at mabubuto ang dahan- dahang lumalapit sa akin. Sinubukan
kong sumigaw ngunit walang lumalabas na tinig mula sa aking mga labi. Sinubukan
kong tumakbo ngunit tila may pumipigil sa akin. Naramdaman ko na lamang na ako’y
itinataas. Iniunat ko ang aking mga kamay at nahipo ko ang ilawan. Dahan- dahang
iniipit ako ng sahig at kisame. Nakarinig ako ng isang kakila-kilabot na halakhak.
May mga malalakas at di nakikitang kamay na sumasakal sa aking leeg. Humigpit
nang humigpit ang hawak nito sa akin hangga’t hindi na ako makasigaw at
makagalaw. Hindi na rin ako makahinga. Nanghihina na ako. Nararamdaman kong
ako’y tuluyan nang nahuhulog sa piit ng kadiliman. Walang ano- ano ay bigla na
Republika ng Pilipinas
BENGUET STATE UNIVERSITY (BSU)
La Trinidad, 2601 Benguet
Pagkukuwento
Magsulat ng isang talatang nagkukuwento tungkol sa pagkakakilala ninyo ng matalik
mong kaibigan.
SANAYSAY
Ang salitang sanaysay ay nagmula sa salitang Latin na ang ibig
sabihi’y “exagium” o isang pagtitimbang- timbang. Dito
inilalahad ang damdamin, opinyon at kuru- kuro ng manunulat
tungkol sa isang paksa sa maayos at epektibong paraan. Ang
paraan ng pagpapahayag ng isang sanaysay ay mabisa, kawili- wili, at walang tiyak
na haba.
Ang dalawang anyo ng sanaysay ay pormal at di-pormal.
Ang sanaysay ay kadalasang batay sa karanasan, pananaw sa buhay, at pagmamasid
ng manunulat. Ito’y may simula, katawan, at wakas.
Ang mga sumusunod ay dapat taglayin ng isang sanaysay.
1. May isang paksa
2. May malinaw na mga halimbawa at angkop at mapananaligang mga batayan
3. May kawili- wiling panimula at wakas
4. Ang paglalahad ay hindi lantay
5. May paglalahad, pagsasalaysay, at paglalarawan ng mga nagsasalungatang
opinyon sa paksa
Republika ng Pilipinas
BENGUET STATE UNIVERSITY (BSU)
La Trinidad, 2601 Benguet
Suring- basa
LAYUNIN: Nakapagsusuring- basa ng isang sanaysay.
PAMUMUNANG PAMPELIKULA
________________________________________________________________________________
PAGSASANAY
1. Pag- usapan sa klase ang isang pelikulang Pilipino.
2. Sumulat ng isang panunuring pampelikula batay sa mga napag-alamang aralin.
Republika ng Pilipinas
BENGUET STATE UNIVERSITY (BSU)
La Trinidad, 2601 Benguet
Pagsusuring Pampelikula
Ang panunuri ay isang paraang kumikilatis upang magpahalaga, magtimbang at bumuo ng
isang pagpapasya. Hindi nito layuning manira o mamintas kundi magbigay ng mga puna upang lalo
pang mapaganda ang isang palabas. Alamin ang kahinaan, ang kalakasan at kagalingan upang
makapagbigay ng angkop na pagpapahalaga at pagpapasya sa isang programang pantelebisyon, sa
pelikula o sa dulang pantanghalan.
ANG BUOD
I. PANIMULA
Ang buod ay ang pinakalaman ng anumang binasang akda. Sa pamamagitan
nito ay napalilitaw at nadadalisay ang tunay na mensahe ng teksto sa
pinakamaikling paraan.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Buod:
1. Basahin ang orihinal na teksto. Kailangang basahin muna nang buo ang orihinal na
teksto upang makuha ang nais nitong ipahayag.
2. Itala ang mga importanteng detalye. Piliin ang mga makabuluhan at mahahalagang
detalye lamang.
3. Isaayos ang tala. Isaayos ang talang nakalap base sa pagkakaugnay-ugnay at pagkakasunod-
sunod nito.
4. Isulat ang buod. Hangga’t maaari, gumamit ng sariling salita sa paglalahad. Kung may mga
diyalogo sa kwento, nobela, dula o pinanood na akda na may malaking impact at di
maaaring mawala, ihayag ito sa iyong sariling paraan (paraphrase). Kung kailangan namang
sipiin ang orihinal na pahayag, kulungin ito sa panipi (“).
Pagsulat ng Buod
PAGSULAT NG LATHALAIN
KATANGIAN NG BILIRAN
Nasa Biliran, Leyte ang may pinakamalinis na tubig sa
buong mundo.
Ang Biliran ay ang dating Panamao sa bayan ng Leyte. Ito
ay inaprubahang tawaging Biliran noong Abril 8,1959 sa ilalim ng Republic Act No.
2141. Ang Biliran ay may lawak na 55.5 kilometro kuwadrado. May pitong bayan at
isang isla na tinatawag na kapital Maripipi. Ang kabisera ng Biliran ay Naval.
Ang Biliran ay maraming tourist spots- isa na rito ang Tumalistic Falls.
Maaaring inumin ang tubig dito dahil ayon sa World Almanac, ito ang may
pinakamalinis na tubig sa buong mundo.
Matatagpuan din sa Biliran ang San Bernardo Swimming Pool na may natural
na mountain spring na may amoy ng pabangong Camia.
Sumulat ng isang lathalain tungkol sa isang piling tao, pook, ritwal o kalugud- lugod na
paksa.
PAGSULAT NG SANAYSAY
PAGSULAT NG TULA
ANG RETORIKA:
Proseso ng Mabisang Pagpapahayag
Ang retorika ay proseso ng maayos na pagpili ng wasto, malinaw, mabisa at kaaya- ayang
pananalita sa pagpapahayag ng mensahe upang higit na maunawaan at makalugdan ng nakikinig o
nagbabasa.
Sa pagbuo ng tumpak, epektibo at kalugud- lugod na pananalita, kinakailangang magkatugon
ang balarila at retorika. Ang balarila ay may kinalaman sa kawastuan ng mga tungkulin (function) ng
mga salita at kani-kanilang ugnayan (relation) sa loob ng pangungusap. Samakatwid, dalawang
kawastuan ang kailangan sa pagpapahayag: kawastuang pambalarila at kawastuang panretorika.
Republika ng Pilipinas
BENGUET STATE UNIVERSITY (BSU)
La Trinidad, 2601 Benguet
ANG RETORIKA:
Proseso ng Mabisang Pagpapahayag
Ang retorika ay proseso ng maayos na pagpili ng wasto, malinaw, mabisa at kaaya- ayang
pananalita sa pagpapahayag ng mensahe upang higit na maunawaan at makalugdan ng nakikinig o
nagbabasa.
Sa pagbuo ng tumpak, epektibo at kalugud- lugod na pananalita, kinakailangang magkatugon ang
balarila at retorika. Ang balarila ay may kinalaman sa kawastuan ng mga tungkulin (function) ng mga salita
at kani-kanilang ugnayan (relation) sa loob ng pangungusap. Samakatwid, dalawang kawastuan ang
kailangan sa pagpapahayag: kawastuang pambalarila at kawastuang panretorika.
Pagsulat ng Pagsasalaysay o Naratibong Komposisyon
ANG RETORIKA:
Proseso ng Mabisang Pagpapahayag
Ang retorika ay proseso ng maayos na pagpili ng wasto, malinaw, mabisa at kaaya- ayang
pananalita sa pagpapahayag ng mensahe upang higit na maunawaan at makalugdan ng nakikinig
o nagbabasa.
Sa pagbuo ng tumpak, epektibo at kalugud- lugod na pananalita, kinakailangang
magkatugon ang balarila at retorika. Ang balarila ay may kinalaman sa kawastuan ng mga
tungkulin (function) ng mga salita at kani-kanilang ugnayan (relation) sa loob ng pangungusap.
Samakatwid, dalawang kawastuan ang kailangan sa pagpapahayag: kawastuang pambalarila at
kawastuang panretorika.
Republika ng Pilipinas
BENGUET STATE UNIVERSITY (BSU)
La Trinidad, 2601 Benguet
KARIKATURA (Cartoon)
Ang opinyon ng mga mag-aaral ay ipinahahayag sa pahayagang pampaaralan sa
pamamagitan ng pamatnubay na editoryal, mga kolum, liham sa patnugot at editoryal
na karikatura.
Ang editoryal na karikatura ay ang pahina ng editoryal na inilalarawan ang ipinapahayag na
opinyon sa pamamagitan ng iginuguhit na interpretasyon hinggil sa partikular na paksa o isyu. Ang salitang
“Karikatura” ay hango sa dalawang salita: “Caricature” at “Lampoon.” Ang “caricature” ay ang labis na
pagsasalarawan sa pangkalahatang disenyo. Ito ay ang larawang kumakatawan sa tao o bagay na kung
saan ang kapintasan o kakaibang katangian ay pinalabis upang makalikha ng kakatwang epekto.
Samantalang ang “lampoon” ay ang tumutuligsa naman. Ito ay isang malisyosong isinulat na
pahayag. Ang personal na pahayag ay isinulat na pauyam, bumabatikos at nangungutya.
Ang editoryal na karikatura ay isa sa pinakamatanda at kapansin- pansin na aytem sa pahina ng
editoryal. Ayon sa salawikaing Intsik, na ang isang larawan ay katumbas ng mga libong salita na inilalapat
upang makahimok.
Ang editoryal na karikatura ay maaari ring gumanap ng alinman sa tatlong gawain ng pahayagan-
upang maipabatid, maimpluwensyahan at makalibang.
Ang mabuting karikatura ay nakapag-aanyaya tungo sa kamalayan ng mambabasa upang
makahimok na tumanggap ng opinyon. Ito ay isang epektibong panlipunang lakas.
Gayunman, ang karikatura ay tulad ng pangunahing editoryal na kailangang tumalakay sa iisang
ideya. Ang paksa ay tumatalakay sa malawak na sakop. Ang tipikal na karikatura ay may mga layunin
hinggil sa politika, panlipunang kalagayan at mga suliranin ng bansa. Ang ibang karikatura ay may
mabuting pagkakalahad at kasiya- siya; ang iba naman ay seryoso at sophisticated.
Ang karikatura sa pahayagang pangkampus ay hindi kailangang maging katulad ng sa propesyonal
gaya ng mga nasa pang-araw-araw na pahayagan. Ang mga ideya sa editoryal na karikatura ay maaaring
imungkahi ng editor, o maaaring magmula sa tagapagguhit. Kung sa bagay, ang pangalan ng tagapagguhit
ay nakasulat sa ilalim ng karikatura, kahit na ang ideya ay hindi sa kanya. Marahil, ang gumuhit ay higit na
mahirap kaysa sa nagbigay ng ideya. Ang karikaturang editoryal ay malawak ang nasasakupan ang paksa.
Ang iba ay maaaring:
Inspirasyunal- hal., ang pangalan ay kumakatawan bilang isang inang nag-aaruga sa kanyang anak.
Pangungutya- hal., ang kahihiyan ng babae sa pagsusuot ng napakaikling palda sa loob ng silid-aralan
sa isang kolehiyo ng mga madre.
Pagkakakulong- hal., mga suliraning kinakasangkutan ng mga taong gumagamit ng droga.
Ang mga ideya sa karikatura ay kinakailangang maging maingat sa paglalahad. Ang karikatura o
ang gumagawa ng karikatura ay kinakailangang tanungin ang sarili hinggil sa:
1. Makasakit ba sa iba ang karikatura?
2. Lubha ba ang pagmamalabis?
3. Disente ba ang karikatura?
4. “Corny” ba ang karikatura? Halimbawa, sumobra ang ideya tulad ng isang kabalyerong
nakikipaglaban sa mga dragon o nagliligtas ng isang dalagang nasa kagipitan. Ang mag-aaral na
umaakyat sa isang napakatarik na bundok upang marating ang kastilyong mayroong karatulang
“tagumpay.” Ang isang bulkang pumuputok na may nakasulat na “Rebolusyon.”
Ang karikatura ay maaaring makapag-isip ng bagong pamamaraan upang magamit na muli ang
lumang paksa sa makabagong paraan.
Mga Mungkahi para sa Paggawa ng Karikatura
1. Kung napagpasyahang gumamit ng karikatura, tiyakin na ito ay nagawang maayos batay sa
mabuting panlasa at makabuluhan.
2. Tulad ng editoryal, kinakailangang ito ay tumatalakay sa iisang paksa lamang.
3. Ang layunin ng karikatura ay upang maisalarawan ang ideya, limitado ang gamit ng salita at mga
lebel. Sa karikatura hindi na kailangan ang pamagat di tulad ng larawan sa pahina ng mga balita.
4. Gumamit ng mga simbolo tulad ng: kalapati para sa kapayapaan, o puso para sa pagmamahal, o
laureado para sa tagumpay. Tiyakin na ang simbolong ginamit ay para sa pangkalahatan. Ang
mensahe ay higit na mahalaga kaysa sa pagguhit.
5. Maging orihinal. Huwag gayahin ang sa iba. Linangin ang sariling istilo.
6. Ang karikatura ay katulad ng pangunahing balita at pamagat, na maaaring pagmulan ng
demandang libelo.
Republika ng Pilipinas
BENGUET STATE UNIVERSITY (BSU)
La Trinidad, 2601 Benguet
Pangalan: _______________________________________________________
Antas (Elementarya/Sekundarya/Tersyarya): ________________________
Paaralan: _______________________________________________________
Gurong Tagapagsanay: ___________________________________________
Pagguhit ng Editoryal kartun
Nanalasa ang isang malakas na unos sa isang maralitang lalawigan
(pangalanan ang unos at ang pook na kinaganapan ng sakuna). Ikinasawi ito ng
maraming mamamayan at nagdulot ng malaking pinsala sa maraming
ari-arian.
Gumuhit ng editoryal kartun na naglalarawan ng trahedya at humihiling
ng tulong sa mga mambabasa.