Grade 6 Filipino LAS PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 147

6

Filipino
Unang Markahan

LEARNING ACTIVITY
SHEET
COPYRIGHT PAGE

Learning Activity Sheet in Filipino

(Grade 6)

Copyright © 2020
DEPARTMENT OF EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500

“No copy of this material shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created
shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K to 12 Curriculum through the
Curriculum and Learning Management Division (CLMD). It can be reproduced for
educational purposes and the source must be acknowledged. Derivatives of the work
including creating an edited version, an enhancement of supplementary work are permitted
provided all original works are acknowledged and the copyright is attributed. No work may
be derived from this material for commercial purposes and profit.

Consultants:
Regional Director : ESTELA L. CARIÑO, EdD., CESO IV
Assistant Regional Director : RHODA T. RAZON, EdD., CESO V
Schools Division Superintendent : ALFREDO B. GUMARU, JR., EdD., CESO VI
Asst. Schools Division Superintendent(s) : NELIA M. MABUTI, EdD., CESE
Chief Education Supervisor, CLMD : OCTAVIO V. CABASAG, PhD
Chief Education Supervisor, CID : RUBY B. MAUR, EdD.

Development Team
Writers : EZEQUIEL G. TAGANGIN, ANALYN L. ANTONIO (M1,3),
RITA L. CACAL, CHERRYL C. ABIQUI (M2),
ANALYN L. ANTONIO (M4), LORENA B. ABON (M4),
MA. TERESA D. ARONCE (MELC5), ARNEL T. ARIOLA,
JEAN N. CRISTOBAL (M6), ANGELICA D. CABAROBIAS (M7),
MARK JOSEPH G. DULNUAN, LILIA M. MARAMAG (M8),
JENNY D. CORNEJO, MARIVIC D. ANDRES,
MERCY T. VERGARA, APRIL N. MATIAS (M9, M10)
MINERVA M. DECANO (M11), ROSALIE S. PADUA (M12)
RODEL F. CIELO (M13), SHEILA MICAH T. YAO (M14, M15),
Content Editor : MARILOU G. GAMMAD
ROMANO C. SALAZAR
MARK-JOHN R. PRESTOZA
JUN-JUN R. RAMOS
Language Editor : MARILOU G. GAMMAD
ROMANO C. SALAZAR
: ROMEL B. COSTALES
Focal Persons : IRENE B. SALVADOR
: CHERRY GRACE D. AMIN
: ROMEL B. COSTALES, Regional Learning Area Supervisor
: RIZALINO G. CARONAN, Regional LRMDS

Printed by: DepEd Regional Office No. 02

Regional Center, Carig Sur, Tuguegarao City
TALAAN NG NILALAMAN
Kompetensi Pahina
Blg.
❖ Nasasagot ang mga tanong tungkol sa
napakinggang/nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-
impormasyon at usapan  1-9

❖ Nasasagot ang tanong na bakit at paano  10-21

❖ Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip

sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon
 22-28
❖ Nabibigyang kahulugan ang kilos at pahayag ng mga
tauhan sa napakinggang pabula  29-37

❖ Nabibigyang kahulugan ang sawikain  38-43

❖ Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa

tulong ng nakalarawang balangkas at pamatnubay na
tanong  44-56

❖ Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga

pangyayari bago, habang at matapos ang Pagbasa  57-65

❖ Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t ibang

sitwasyon:
• sa pagpapahayag ng saloobin/damdamin
• pagbabahagi ng obserbasyon sa paligid
• pagpapahayag ng ideya
• pagsali sa isang usapan
• pagbibigay ng reaksiyon  66-73

❖ Nagagamit nang wasto ang mga panghalip na panao,

paari, pananong, pamatlig, pamaklaw
❖ sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon
 74-78
❖ Nasusuri ang mga kaisipan/tema/layunin/tauhan/
tagpuan at pagpapahalagang nakapaloob
❖ sa napanood na maikling pelikula  79-84

❖ Nakapagbibigay ng sarili at maaring solusyon sa isang

suliraning naobserbahan sa paligid  85-94

❖ Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa

binasang/napakinggang talata  95-110

❖ Naipapahayag ang sariling opinyon o reaskyon sa isang

napakinggang balita isyu o usapan  111-116

❖ Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa  117-122

pagsasaliksik
❖ Nakasusulat ng kuwento; talatang nagpapaliwanag at  123-128
nagsasalaysay
Filipino 6
Pangalan: ________________________________ Lebel: ____________
Seksiyon: _________________________________ Petsa: ____________

GAWAING PAGKATUTO
Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa
Napakinggang/Nabasang Pabula, Kuwento, Tekstong
Pang-Impormasyon at Usapan

Panimula
Mahalagang matutuhan ng bawat isa ang masusing pagsagot sa mga
tanong tungkol sa iba’t ibang teksto na ang pangunahing layunin ay para
malaman kung naunawaan ito.

Paano ang pagsagot ng mga tanong tungkol sa napakinggan o

nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon at usapan?

■ Masasagot ang mga tanong sa kuwentong nabasa o napakinggan kung

pakikinggan o babasahin nang mabuti ang teksto.
■ Unawaing mabuti ang kuwentong pinakikinggan o binabasa upang
madaling matandaan ang daloy ng kuwento at masagot nang tama ang mga
tanong.

Ilang paraan ng pagsagot sa mga tanong ayon kay Rosemarie U. Gabion.

1. Mga tanong na humihingi ng limitadong sagot na oo o hindi.

• Maikli lamang ang inaasahang sagot at hindi na nangangailangan
ng pangungusap na magpapaliwanag sa sagot.
Halimbawa:
1. Nakuha mo ba ang aral na hatid ng pabula? Oo, (nakuha ko)
Hindi (ko nakuha)
2. Magagamit mo kaya ang aral na ito sa iyong buhay? Oo,
(magagamit ko) Hindi (ko magagamit)

2. Mga tanong na masasagot ng mayroon, wala, oo, hindi, ayaw ko/ayoko,

ewan/aywan, siguro/marahil, at iba pa na may tonong naiinis, naiinip,
natutuwa, walang gana, at iba pa.

• Mababakas sa tono o intonasyon ng pagtatanong ang damdaming

taglay ng nagtatanong.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 1

Halimbawa:
1. May kilala ka bang katulad ng mapanlinlang na aso sa pabula?
Mayroon. Wala.
2. Matututo na kaya ang aso mula sa karanasan niyang ito?
Siguro. Ewan ko.

3. Mga tanong na binubuo ng pangungusap na sinusundan ng hindi/di

ba upang matiyak ang katotohanan o kamalian ng sinasabi sa
pangungusap.
• Masasagot din ng oo/opo, hindi/hindi po, o ewan/aywan ko po,
siguro, sigurado, tiyak ‘yon, at iba pa ang ganitong mga tanong.

Halimbawa:
1. Natuto ka rin sa naging karanasan ni Uwak, hindi ba? Opo.
Mag-iisip.
ka na muna bago maniwala sa mga bolero, hindi ba? Tiyak po
iyon.
4. Mga tanong na nagsisimula sa mga salitang pananong tulad ng
ano/ano- ano, sino/sino-sino, kailan, saan, bakit, at paano.
• Bago sumagot sa tanong na ito, mabuting tumigil muna sumandali
at suriing mabuti ang nilalaman ng tanong upang makatiyak na
tumpak ang magiging kasagutan.
• Ang mga tanong na nagsisimula sa Bakit at Paano ay
nangangailangan ng mas malalimang pang-unawa upang
makasagot nang maayos at tama.
• Karaniwan ding nangangailangan ng paliwanag ang ganitong uring
mga tanong kaya’t inaasahang mas mahaba ang kasagutan.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nasasagot ang mga Tanong tungkol sa Napakinggang/Nabasang Pabula,
Kuwento, Tekstong Pang-Impormasyon at Usapan

Koda: F6PN-Ia-g-3.1

Panuto
Basahin, suriin at unawain ang mga naihandang mga gawain na lilinang
sa iyong kaalaman sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa
napakinggang/nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon at
usapan.

Gawain 1
Basahin at unawain nang mabuti ang kuwento. Pagtambalin ang tanong
sa tamang sagot nito sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
kuwaderno.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 2

Ang Unggoy at ang Buwaya
Sa isang pulo ay may nakatirang mag-amang lahi ang mga unggoy.
Sa pulong ito, malinaw, malalim at malinis na tubig sa ilog ang nakapalibot
dito. Nakatira rin ang lahi ng matatakaw na buwaya sa ilog na nakapalibot
sa pulo.
Masarap at masaya ang buhay ng mga unggoy dahil marami ang mga
punongkahoy na namumunga rito. Gayundin ang mga buwaya dahil
sagana sila sa isda at iba pang hayop na minsan ay naliligaw sa ilog.
Subalit dahil sa pagdami ng mga matsing at buwaya, dumating ang
panahon ang wala na halos silang makain.
Isang araw, habang masaya naglalambitin sa mga sanga ang mga
unggoy, napansin ng isa na maraming bungang-kahoy sa kabilang pulo.
Tuwang-tuwa ang kanyang mga kasamahan. Gustong-gusto nilang
lumangoy papunta sa kabilang pampang.
Ngunit dahil maraming buwayang gutom ang nakaabang sa kanila,
wala silang madaraanan. Gustong-gusto ng buwaya ang masarap nilang
atay.
Pumunta ang tusong unggoy sa tabi ng ilog at tinawag ang pinuno
ng mga buwaya. “Pinunong Buwaya, may mahalagang mensahe ang hari,”
ang kanyang pakli. Lumabas naman ang pinuno na halos nasa tabi ng
unggoy. “Ano ang maipaglilingkod namin sa mahal na hari?” usisa ng
punong buwaya.
“Nais malaman ng hari kung ilan kayong lahat. Magpapasko na kasi at
bibigyan kayo ng regalo. Pumila kayo at bibilangin ko kung ilan kayong
lahat,” sagot naman ng unggoy.
Sinabihan ng buwaya ang lahat ng kanyang mga tauhan na pumila.
Magsimulang magbilang ang unggoy. “Isa, dalawa, tatlo, apat …..
tatlumpu’t pito,” sabay talon sa kabilang pampang. Nakatawid siya sa
kabilang pulo nang walang kapagud-pagod.

____1. Tungkol saan ang kuwentong binasa?

____2. Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
____3. Bakit naubos ang mga pagkain ng unggoy at mga buwaya?
____4. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng unggoy, ano ang gagawin mo
upang makatawid sa kabilang pulo?
____5. Isalaysay kung paano nakatawid sa kabilang pulo ang unggoy?

A. Ang kuwento ay tungkol sa mga unggoy at buwayang nakatira sa isang pulo at ilog na
nakapalibot dito.

B. Naniwala ang mga buwaya sa tagubilin ng tusong unggoy na bibigyan sila ng regalo ng
mahal na hari sapagkat magpapasko na. Sa tulong ng pinuno ng mga buwaya, pinapila niya
ang mga kasamahan upang bilangin sila ng unggoy. Walang kamalay-malay ang mga buwaya
na habang nagbibilang ang mga ito ay tumatawid na pala sila patungo sa kabilang pulo.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 3

C. Dahil sa pagdami ng populasyon ng mga matsing at mga buwaya.

D. Ang mga tauhan sa kuwento ay mga unggoy at mga buwaya.

E. Maaari kong pakiusapan ang mga buwaya na tulungan kami sa pagtawid sa kabilang pulo
at pangakuang bibigyan sila ng karneng makakain pagdating sa pampang.

Gawain 2
Basahin at unawaing mabuti ang pabula. Sagutin ang mga tanong at isulat
ang sagot sa iyong kuwaderno.

Ang Tipaklong at ang Paruparo

Ang katapatan ng isang kaibigan ay masusukat sa panahon ng
pangangailangan.

Kaylakas ng ulan! Kaylakas din ng hangin! May bagyo nang umagang

iyon. Nagsasayawan ang mga puno maging ang mga halaman at bulaklak.
“Ginaw na ginaw na ako,” ang sabi ni Tipaklong kay Paruparo. “Nakalabas
pa kasi ako sa aking pinagtataguang kahoy.” “Tiyak na giginawin ka rin
kahit nakatago ka na sa kahoy. Wala namang tumatakip sa katawan mo,
a. Bakit sisisihin mo ang paglabas mo sa iyong pinagtataguan?” ang tanong
ng kanyang kaibigang Paruparo. “Hindi nga ako mababasa kung ako ay
nakakubli,” ang malumanay na sagot ni Tipaklong.
“Hindi mo naman makikita ang ganda ng paligid kung hindi ka
lumabas sa pinagtaguan mo. Ang lamig ng hangin ay hindi mo madarama.
Hindi mo maaamoy ang halimuyak ng mga nababasang bulaklak. Ang
dulas ng mga dahon at halaman ay hindi mo mahahawakan,” ang sagot ni
Paruparo.
“Oo nga, ano?” ang sagot ni Tipaklong na may pagsang-ayon. “Higit
kang mapalad kaysa sa akin kaibigang Tipaklong,” ang sabi ni Paruparo.
“Bakit mo naman nasabi iyan?” ang tanong ni Tipaklong.
“Ang katawan mo ay mahaba. Matibay pa. Bakit giniginaw ka pa?
Samantalang ako, ang nipis-nipis ng aking katawan. Kapag nagpatuloy
ang paghihip ng malakas na hangin at pagbagsak ng malalaking tipak ng
ulan, ang pakpak ko ay matatangay,” ang sabi ni Paruparo.
“Makukulay ang mga pakpak mo ngunit may kanipisan. Hindi ba’t
takot ang ulan sa nakasisilaw mong kulay? Huwag kang mag-alala. Ang
mga pakpak mo ay hindi liliparin ng hangin,” ang sabi ni Tipaklong. “Saka,
e ano kung liparin ang mga pakpak mo? Ang mahalaga’y buhay ka.”
“Kung wala na akong ganda, aanhin ko pa ang buhay? Paano na ako
makalalapit kay Bulaklak kung wala na akong mga pakpak?” ang
malungkot na tanong ni Paruparo.
“Kung sabagay, tama ang sinasabi mo, kaibigang Paruparo. Ako
man ay natatakot na kapag hindi tumigil ang bagyo, dahil sa sobrang ginaw

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 4

mababali ang aking mga paa na kahit anong pagpigil ay ayaw huminto sa
panginginig,” ang sabi ni Tipaklong.
“Upang makaiwas tayo sa bagyong ito, ano kaya ang mabuti nating
gawin para maligtas ang ating buhay?” ang tanong ni Paruparo. “Alam ko
na, may paraan akong naisip”, ang sabi ni Tipaklong. “Paano?” ang tanong
ni Paruparo. “Sa ilalim ka ng mga bulaklak magtago,” ang mungkahi ni
Tipaklong. “At ikaw naman, paano ka?” ang tanong ni Paruparo.
“Habang nakakapit ako at nagtatago sa sanga ng puno ay
babantayan ko ang bulaklak na pagtataguan mo para hindi malaglag,” ang
sagot ni Tipaklong.
At sabay na kumapit sa bulaklak ang magkaibigang si Paruparo at
si Tipaklong.

1. Ano ang sinabi ni Tipaklong upang lumakas ang loob ni

Paruparo?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Ano ang ikinatatakot ng dalawa kaugnay ng sama ng panahon?

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

3. Ano ang maaaring nangyari kung nagkubli na lamang si

Tipaklong?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

4. Bakit nakatulong sa Paruparo ang makulay nitong pakpak?

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
5. Kung makapal ang katawan ni Paruparo, ano kaya ang maaaring
mangyari?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

6. Paano pinatunayan ng magkaibigan ang pagmamahal nila sa isa’t

isa?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

7. Patunayang pinahahalagahan ni Paruparo ang ganda ng

kalikasan.
______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 5

Lagyan ng tsek (/) kung naisagawa ang mga sumusunod at ekis (X)
kung hindi.
Natitiyak ko na tama ang aking sagot sa mga tanong.
Nalinang ang aking pagiging mapanuri sa isang nabasang
kuwento.
Napagnilayan ko ang kahalagahan ng mensahe ng
nabasang kuwento.
Natuto akong intindihing mabuti ang binabsaang
kuwento.
Aktibo ako sa mga gawaing ipinapagawa ng guro.

Gawain 3
Basahin at unawaing mabuti ang kuwento. Sagutin ang mga kasunodna
tanong. Isulat ang mga tanong at sagot sa iyong kuwaderno.

Ang Gamot ni Bien

Bata pa ay may kapilyuhan na ang batang si Bien. Madali siyang
umisip ng paraan upang huwag makagalitan. Isang araw ay inutusan siya
ng ina na bumili ng paso. “Bien, ibili mo nga ako ng dalawang paso.
Nabasag ang pasong pinagtatamnan ko ng rosas. Eto ang pera at dalian
mo sana,” ang utos ng ina kay Bien.
“Opo, Nanay,” sagot ni Bien na agad umalis papuntang palengke.
May kalayuan din ang bahay nila sa bayan. Nagdudumali siyang
makarating sa palengke. Nakabili naman agad ng paso si Bien. Napansin
niyang maaga pa, kaya marahan lamang ang paglalakad niya. Nanood
muna siya ng mga nakapaskil na larawan sa isang sinehan.
Itinabi niya sa isang sulok ang mga pasong dala niya. Paglabas ng
mga tao sa sinehan ay nagkagulo na sa labasan. Lahat ng tao ay kamot
nang kamot. Dahil sa siksikan sa labasan, natapakan ang mga paso ni
Bien at nabasag.
Malungkot na pinulot ni Bien ang nagdurog-durog na paso. Alam
niyang pagagalitan siya ng ina. Mabilis na nag-isip siya ng paraan upang
makalusot sa problema. Maya-maya pa’y napasuntok siya sa tuwa.
Kinuha niya ang mga basag na paso at umalis. Dinikdik niya nang
pinong-pino ang mga basag na paso. Hindi naglaon at bumalik siya sa
palengke. May panibagong tinda siya.
“Mabisang gamut sa kati! Bili na kayo at murang-mura!”
Agad naglapitan ang mga taong galing sa sinehan at inusyoso ang
mga balot sa papel na tinda ni Bien. “Bili, bili kayo! Baratilyo! Baratilyo!
Piso-piso lang! Garantisadong maaalis ang kati!” Naubos ang tinda ni Bien
at marami siyang pinagbilhan. Nakabili pa siya ng tatlong paso. Takang-
taka ang ina niya ngunit hindi na lamang umimik.
Nang sumunod na araw, nagbalik sa kabayanan si Bien. Nakita siya
ng mga tao at hinabol siya. Galit na galit ang mga tao kay Bien.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 6

1. Ano ang katangian ni Bien bilang isang bata?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Ano ang ginawa ni Bien sa mga nabasag na paso? Bakit?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Kung ikaw si Bien, gagawin mo ba ang kanyang ginawa? Kung Oo,

bakit? Kung hindi, ano ang gagawin mo?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

4. Bakit hindi natin dapat niloloko ang ating kapwa?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

5. Anong aral ang nais iparating ng kwento? Ipaliwanang ang sagot.

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Gawain 4
Basahin at unawaing mabuti ang kuwento at sagutin ang mga tanong
pagkatapos. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Mapalad si Boking
Maliit man sa tingin, may nagagawa rin. Taga-Romblon sina Lola
Rosing, ang ina ni Mama. Tuwing bakasyon ay umuuwi kami. Gustong-
gusto kong makinig sa mga kuwento ni Lola. Isa sa kuwento niya ang
tungkol kay Boking.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 7

Noong hindi pa marami ang tao sa Romblon may mag-asawang Pedro at
Tekla. Nagkaanak sila ng isang napakaliit na sanggol na hindi masabi kung
ito’y tao o isang bagay na parang walang buhay.
Ang anak nilang ito ay tinawag na Boking. Simula nang isilang si
Boking ikinahiya na ito ng kanyang mga magulang dahil sa kalagayan niya.
Itinago nila ang kanilang anak sa kabundukan upang malayo sa
kabihasnan.
Lumipas ang maraming taon, hindi pa rin lumalaki si Boking.
Matanda na ang kanyang mga magulang at mahina na. Napilitan si Boking
na maghanap ng pagkain. Isang araw, naghanap siya ng masasakyan.
Nakita niya si kalabaw at dali-daling sumakay dito. Dahil sa nabigla
ang hayop sa pagkasakay ni Boking, biglang tumakbo ito hanggang
marating ang kabilang nayon. Pinigil ito ng mga tao hanggang may nakita
siyang bumaba rito.
Hindi nila malaman kung ano ang bagay na iyon, hinabol nila si Boking na
dagling nakapagtago sa isang bato. Hindi nila nahuli si Boking kaya iniwan
na nila ito.
Nagpatuloy si Boking sa paghahanap ng makakain. Sa isang dako ay
may nakita siyang isang babaeng nakahandusay sa lupa. Marami itong
galos sa katawan. Pinilit niyang dalhin ito sa isang punongkahoy upang
gamutin. Hindi nalaunan ay natauhan na ang babae at nagpakilalang anak
ng isang hari na naligaw sa kagubatan
Nabigla naman si Boking at hindi ito nagpahalata sa Prinsesa. Bilang
pasasalamat ay binigyan ng prinsesa si Boking ng isang panyo na may
anting-anting. Nabigla si Boking nang biglang naglaho ang prinsesa.
Nang umuwi si Boking, nagulat siya ng matagpuan doon ang
napakaraming pagkain. Isang araw, nagpapahinga si Boking ng tawagin
siya ng mga magulang. May naghahanap daw sa kanyang dalawang kawal
at ipinatatawag daw siya sa palasyo.
Nang dumating siya sa kaharian sinabi sa kanya na siya ang napili
ng mahal na prinsesa na maging kabiyak niya. Ito’y dahil sa kanyang
ginawang tulong sa kagubatan. Simula noon ay tumira na si Boking at ang
kanyang mga magulang sa palasyo.

1. Bakit itinago ng magulang sa bundok si Boking?

______________________________________________________________________

2. Bakit napilitang maghanap ng pagkain si Boking?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 8

3. Bakit hinabol siya ng mga tao?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

4. Paano tinulungan ni Boking ang prinsesa?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

5. Paano siya naging mapalad sa kamay ng prinsesa?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Rubrik sa Pagsagot sa mga tanong mula sa nabasa o napakinggang

kuwento o pabula

Pamantayan Iskor
Napakahusay ang pagkabuo ng pangungusap. Lahat ng 5
tanong ay nasagot ng tama.
May kahusayan ang pagkabuo ng pangungusap. Apat o higit 4
pa ang nasagot na tanong ng tama.
Hindi gaanong malinaw ang pangungusap. Dalawa hanggang 3
tatlo lamang tamang sagot sa mga tanong.
Hindi malinaw ang pangungusap. Isa lamang ang tanaong na 2
nasagot ng tama,
Hindi maintindihan ang pangungusap. Walang tamang sagot. 1

Gawain 5
Basahin at unawaing mabuti ang impormasyong nasa ibaba. Sagutin ang
mga tanong at isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Corona Virus Disease 2019 (COVID 19)

ni Ezequiel G. Tagangin

Ang COVID-19 na nakahahawang sakit ay isang bagong tuklas sa

populasyon ng tao. Maaring sanhi ito ng anumang mga nakahahawang
mikrobyo tulad ng virus, bakterya o mga parasito na kung saan ang
populasyon ng tao ay mababa o walang umiiral na imunidad. Maaari itong

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 9

magresulta sa dami ng namamatay at dami ng nahawaan sa ibat’t ibang
kalubhaan at maaaring maging sanhi ng matagal na paglaganap sa
komunidad o magpapatuloy bilang isang pandemya.
Ang mga miyembro ng lipunan ay pinapayuhang humingi ng payo sa
medikal kapag nakaramdam ng hindi maayos tulad ng nangyari sa mga
ilang taong nahawaan ng COVID 19, kaya’t mahalaga na gawin ito ng
pinakamaagang panahon. Ang pinakakaraniwang sintomas ng COVID-19
ay may kasamng lagnat, panghihina, tuyong ubo at igsi ng paghinga. Ang
iba pang mga sintomas ay kasama ang pagbara ng ilong, sakit ng ulo,
namamagang lalamunan, pagtatae, pagkawala ng panlasa o amoy, pantal
sa balat o pagkawala ng kulay ng mga daliri o daliri ng paa. Ang
pangunahing paraan kung paano mahahawaan ay sa pmamagitan ng
maliit na patak, ang virus ay maaari ring makahawa sa pamamagitan ng
direktang paghawak.
Bukod sa aksidente at serbisyo ng emerhensiya ng mga
pampublikong ospital at pangkalahatang mga klinika sa palabas na mga
pasiyente, maaari mo ring bisitahin ang mga pribadong klinika at ospital,
at gumawa ng isang kahilingan sa iyong mga pribadoing doktor para sa
pagsusuri kung mayroong anumang hinala. Ang Departamento ng
Kalusugan (DH) ay nagbibigay ng pagsusuri na libre. Maaari mong piliin
na ibigay ang specimen sa pamamagitan ng iyong doktor, pamilya o mga
kaibigan, o serbisyo ng koleksyon ng specimen ng pinto-sa-pinto.
Kung ang isang halimbawa ng sinuri ay positibo, ipapasok ito sa
Kwarentina. Ang mga Kwarentinang center ay magbibigay sa mga confines
ng pagkain at mahahalagang pang-araw-araw na personal na
pangangailangan. Ang mga koneksyon sa wifi ay maaaring ibigay kung
kinakailangan. Maaari kang magpadala ng sariling mga personal na
pangangailangan, tulad ng damit at pang-araw-araw na gamot.
Marami sa mga sintomas ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng
ating mga walang kapagurang frontliners na nangangalaga sa mga
pasiyente.
Ang lahat ay mariing hinihimok na iwasan ang di-mahahalagang
paglalakbay sa labas ng Pilipinas.

1. Ano ang pamagat ng tekstong binasa?

2. Sino ang maaaring mahawaan sa sakit na ito?

3. Ano-ano ang sintomas ng COVID-19?

4. Magbigay ng paraan kung paano makaiiwas sa virus na ito?

5. Sa iyong palagay, paano ka makatutulong sa iyong komunidad

upang hindi na lumala ang paglaganap ng sakit na ito?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 10

Pangwakas
Binabati kita, naisagawa mo nang mahusay ang layunin ng gawaing ito.
Mahalaga na nauunawaan natin ang mga kuwentong ating binabasa sa
pamamagitan ng pagsagot ng tama sa mga tanong pagkatapos nito. Isa ring
mahalagang layunin ng araling ito ay upang malinang pa ang kahusayan
natin sa malikhaing pagbasa.

Mga Sanggunian

A. Aklat
Belvez, Paz M. Landas sa Pagbasa Batayang Aklat Filipino 6-
Kagawaran ng Edukasyon

B. Internet
https://lrmds.deped.gov.ph/login
https://www.slideshare.net

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. A 2. D 3. C 4. E 5. B
Gawain 2-5
Ang pagpupuntos ay nakabatay sa rubrik at sagot ng mga bata

EZEQUIEL G. TAGANGIN
ANALYN L. ANTONIO
________________________________
Mga May-Akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 11

FILIPINO 6
Pangalan: ___________________________________ Lebel: ____________
Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ____________

GAWAING PAGKATUTO
Pagsagot sa Tanong na Bakit at Paano

Panimula
Mababakas sa tono o intonasyon ng pagtatanong ang damdaming
taglay ng nagtatanong.
Marahil, ilan sa mga pinakamahalagang tanong na dapat nating
itanong ay ang bakit at paano Ang kahalagahan nito bilang mga tanong ay
nagbibigay ng layunin sa anumang bagay na gusto mong malaman.
Ang tanong na bakit ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa
dahilan. Sa pagsagot sa tanong na ito ang mag-aaral ay nagagamit ang
kanyang kasanayang magpaliwanag at makapagbigay ng malalim na kuro-
kuro batay sa kanyang naunawaan sa paksang tinatalakay. Karaniwang
nagsisimula sa kasi, dahil, sa, mangyari, paano, kung hindi ko gagawin
‘yon e ‘di…
Halimbawa:
➢ Bakit pinayagang makauwi ang mga OFW sa ating bansa sa
kalagitnaan ng pandemya?
➢ Bakit hindi agad nakarating ang kanilang ayuda?
Samantala, ang tanong na “Paano’ ay ginagamit naman sa
pagtatanong tungkol sa pamamaraan.
Halimbawa:
➢ Paano kumalat ang Corona Virus?
➢ Paano natin malabanan ang sakit na ito?

Ang pabula ay isang maikling kwento/kathang isip na ang mga

hayop o bagay na walang buhay ang gumaganap sa kwento.
Ang tekstong pang-impormasyon ay naglalayong magbigay ng tiyak
na impormasyon o kaalaman hinggil sa isang bagay, tao, lugar o
pangyayari.
Ang usapan ay ang pagpapalitan ng dayalogo ng mga nagsasalita.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 12

Ang kwento ay isang maikling salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng mga tauhan.
Ang talaarawan ay kalipunan ng mga baha-bahaging sulatin na
nakasulat at nakaayos sa sunod-sunod na petsa o araw.
Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa
kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat
o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong
buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa
ng mga tao.
Ang ulat ay naglalayong magbigay ng impormasyon sa
napapanahong isyu o nauukol na paksa.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano tungkol sa
napakinggang/nabasang: pabula; kwento; tekstong pang-impormasyon
(procedure), usapan, talaarawan; anekdota; ulat
Koda: F6PB-If-3.2.1
Panuto: Basahin, suriin at unawain ang mga naihandang mga Gawain na
lilinang sa iyong kaalaman sa pagsagot sa na “bakit at paano.”

Gawain 1
Basahing mabuti ang kwentong “Oo Nga’t Pagong” at sagutin ang mga
sumusunod na mga tanong pagkatapos.

“Oo Nga’t Pagong”

Matagal-tagal ding hindi umahon ang Pagong. Natatakot kasi siyang
muling magkita sila ni Matsing. Nang inaakala niyang matagal nang
panahon ang lumipas, naglakas-loob siyang umahon sa ilog at maglakad-
lakad naman sa dalampasigan. Nakarating si Pagong sa isang taniman ng
mga sili. Marahang-marahang naglalakad si Pagong sa paligid ng taniman.
Natutuwang minamasdan ni Pagong ang mga puno na sili na hitik na hitik
sa bungang pulang-pula dahil sa kahinugan. Wiling-wili siya sa panonood
sa mga mapupulang sili at hindi niya namalayan ang paglapit ni Matsing.
“Aha! Nahuli rin kita! Hindi ka na makakaligtas ngayon sa akin,” ang sabi
ni Matsing sabay sunggab sa nagulat na pagong. “Kung naloko mo ako
noon, ngayon ay hindi na. Hinding- hindi na,” nanggigigil na sigaw ni
Matsing. “Teka, teka, Ginoong Matsing, hindi ko kayo naiintindihan sa
pinagsasabi ninyo,” ani Pagong. Ano? “Hindi ba’t ikaw ang Pagong na
nagtanim ng saging? Ikaw ang Pagong na inihagis ko sa ilog?” sabi ni

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 13

Matsing. “Aba! Hindi po. Hindi kop o nalalaman iyon. At hindi ko rin kilala
kung sino mang Pagong iyong inihagis nyo sa ilog,” tugon ni Pagong.
“Hindi nga ba ikaw iyong damuhong Pagong na iyon?” tanong ni
Matsing na pinakasipat-sipat ang hawak ng Pagong.
“Talaga pong hindi!” ani Pagong. “Matagal na po ako rito. Ang Gawain
ko po ay magbantay ng mga mapupulang bungang ito,” dugtong pa ni
Pagong.
“Bakit, ano ba ang mga mapupulang bungang iyan?” ang tanong ni
Matsing. “A, e, ito po ay gamot sa mata ng lola ko. Inilalagay niya po ito sa
mata kapag kumakati. Pero hindi po kayo maaaring kumuha nito, para sa
lola ko lamang ito,” sabi ni Pagong. “Makati rin ang mata ko. At sa ayaw
mo’t sa gusto, kukuha ako nito,” ani Matsing at namitas agad ng maraming
pulang sili. Piniga niya’t niligis ang mga sili sa dalawang palad at kanya
itong ipinahid sa kanyang mga mata. “Kra-kra-kra…” natataranta na sigaw
ni Matsing pagkat halos umusok ang dalawang mata niya sa hapdi at kirot.
Mainit na mainit ang mga mata niya. Kinapa-kapa ni Matsing si Pagong.
Subalit wala na ito at nakalayo nang nagtatawa. Naisahan na naman ang
hangal na Matsing.
Maraming araw ding nangapa-ngapa ng mga bagay sa kanyang
paligid si Matsing. At si Pagong naman ay malayang nakapamamasyal.
Isang araw, nasa isang bakuran si Pagong. May handaan doon at nagkatay
ng baboy. Sa malapit sa kinalalagyan ni Pagong ay may mga taong
nagpapakulo ng tubig sa isang malaking kawa. Tahimik na nagmamasid-
masid doon si Pagong. Nagulat siya. Bigla kasi siyang sinunggaban ni
Matsing. “Nahuli na naman kita. Niloko mo ako noon. Hinding-hindi na
kita paliligtasin ngayon,” ang sabi ni Matsing. “Dahil sa iyo, matagal akong
hindi nakakita.” Ako po ang dahilan? Bakit po?” tanong ni Pagong. “E, ano
pa ba! Hindi ba’t ikaw ang Pagong na kinunan ko ng sabi mo’y gamut sa
mata ng lola mo? E iyon pala’y nakabubulag,” ang sabi ni Matsing.
“Aba, naku! Hindi po. Ako po’y matagal na rito sa pwesto kong ito.
Ako po’y nagbabantay ng kawang iyon na paliguan ng aking nanay,” ang
sabi ni Pagong. Itinuro kay Matsing ang tubig na kumukulo sa kawa.
“Opo! Pero sekreto po namin iyan. Huwag po ninyong sasabihin kahit
kanino. Iyan po ang pampapula ng pisngi ng Nanay ko,” paliwanag ni
Pagong.
“ibig ko ring pumula ang pisngi ko,” sabi ni Matsing. “Ay hindi po
maaari ito para sa inyo. Talagang para sa nanay ko lamang po iyan,” sabi
ni Pagong. “A, basta! Gusto ko ring pumula ang pisngi ko,” sabi ng hangal
na Matsing at tumakbong mabilis at lumundag sa loob ng kawa ng
kumukulong tubig. At doon natapos ang makulay na buhay ng hangal na
Matsing.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 14

Mga katanungan:

1. Bakit matagal-tagal ding hindi nagpakita si Pagong?

a. upang makapagpahinga
b. magtago upang hindi siya makita ni Matsing
c. upang makapag-ipon siya ng lakas

2. Paano hinuli ni Matsing si Pagong sa puno ng mga sili?

a. Nakita niya ito habang pinagmamasdan ni Pagong ang mga hinog
na sili.
b. Sa pamamagita ng isang kaibigan
c. Itinali ni Matsing si Pagong sa puno ng sili

3. Paano inilagay ni Matsing ang sili sa kanyang mga mata?

a. Sa pamamagitan ng tulong ni Pagong
b. pumitas ng maraming pulang sili. Piniga niya’t niligis ang mga sili
sa dalawang palad at kanya itong ipinahid sa kanyang mga mata.
c. Isa-isa niyang ipinahid ang sili sa kanyang mga mata upang
maibsan ang pangangati ng kanyang mga mata.

4. Paano nagtapos ang buhay ni Matsing?

a. Nagtapos ang buhay ni Matsing dahil sa kasakiman.
b. Hinuli siya ng mga iba pang hayop at ikinulong hanggang sa
malagutan ng hininga.
c. Nagtapos ang buhay ni Matsing nang sinubukan niyang tumalon
sa kawa na may laman na kumukulong tubig.

5. Bakit kaya gustong-gusto ni Matsing na gawin ang mga sinasabi ni

Pagong?
a. Sapagkat sa kanyang palagay ay tama ang mga sinasabi ni
Pagong.
b. Gusto niya ring magamot ang pangangati ng kanyang mga mata.
c. Ibig din nitong pumula ang kanyang pisngi kapag naligo sa kawa
na may kumukulong tubig.

6. Kung bibigyan mo ng bagong pamagat ang kwento, anong pamagat

ang ibibigay mo? Bakit?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 15

7. Kung babaguhin ang wakas ng kwento, paano mo ito wawakasan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Gawain 2

Basahin at intindihing mabuti ang tekstong pang-impormasyon sa

ibaba. Pagkatapos sagutan ang mga katanungan.

Maging Ligtas sa Paghuhugas ng Kamay!

Alam mo ba na mahalaga ang paghuhugas ng kamay? Ang

paghuhugas ng kamay ay isang mahalagang pansariling kalinisan sa
katawan upang maiwasang makakuha at magpalaganap ng mga
nakahahawang sakit.
Kailangan nating maghugas ng ating kamay bago hawakan ang ating
mga mata, ilong at bibig, bago kumain o humawak ng pagkain at
pagkatapos gumamit ng palikuran. Gayundin, kapag ang kamay ay
kontaminado ng sekresyon sa paghinga, halimbawa pagkatapos umubo o
bumahing. Pagkatapos humawak ng mga pampublikong kagamitan gaya
ng mga hawakan ng escalator, mga pindutan ng elevator o mga hawakan
ng pinto. Dagdag pa dito kailangan ding maghugas ng kamay pagkatapos
magpalit ng mga lampin o humawak ng mga bulok na bagay kapag nag-
aalaga ng ng bata o may sakit.
Narito ang ilang hakbang para sa mabuting paghuhugas ng kamay.

1. Basain ang mga kamay sa tumutulong tubig.

2. Maglagay ng likidong sabon at kuskusin ang mga kamay upang bumula.
3. Kuskusin ang mga palad, likod ng mga kamay, pagitan ng daliri, likod
ng mga daliri, mga
hinlalaki, dulo ng mga daliri at pupulsuan. Gawin ito ng 20 segundo.
4. Banlawan nang mabuti ang mga kamay sa tumutulong tubig.
5. Patuyuin ang mga kamay nang mabuti gamit ang malinis na pamunas.
6. Hindi direktang hawakan ng mga malinis na kamay kapag isara ang
gripo.

* Gumamit ng malinis na pamunas kapag isasara ang gripo,

* Pagkatapos, sabuyan ng tubig ang gripo upang luminis bago gamitin ng
iba.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 16

Mga katanungan.
1. Tungkol saan ang tekstong binasa?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Kailan dapat maghugas ng kamay?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Bakit mahalaga ang paghuhugas ng kamay?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

4. Paano ang tamang paghuhugas ng kamay ayon sa teksto?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 17

Gawain 3
Basahin ang Usapan nina Pagong at Matsing:

“Aha! Nahuli rin kita! “Teka, teka, Ginoong

Hindi ka na makakaligtas Matsing, hindi ko kayo
ngayon sa akin,” “Hindi naiintindihan sa
ba’t ikaw ang Pagong na pinagsasabi ninyo,” Aba!
nagtanim ng saging? Ikaw Hindi po. Hindi ko po
ang Pagong na inihagis ko nalalaman iyon. At hindi ko
sa ilog?” rin kilala kung sino mang
Pagong iyong inihagis nyo
sa ilog,”
“Bakit, ano ba ang
mga mapupulang
bungang iyan?”
“Opo! Pero sekreto po namin iyan.
“A, basta! Gusto ko Huwag po ninyong sasabihin kahit
ring pumula ang pisngi kanino. Iyan po ang pampapula ng
ko,” pisngi ng Nanay ko,”

Matsing Pagong

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Bakit nalinlang muli ni Pagong si Matsing sa pangalawang pagkakataon?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Paano nagawa ni Pagong na linlangin si Matsing?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 18

3. Mula sa binasang usapan nina Pagong at Matsing, gumawa ng isang tula
na binubuo ng tatlong saknong na may tig-aapat na taludtod na sumasagot
sa kung bakit at paano muling nalinlang ni Pagong si Matsing. Bigyan ito
ng pamagat.

Rubrik sa pagtataya ng gawain

Lebel ng pagsulat ng tula
Mga 1 2 3 4
krayterya
Organisasyon Hindi maayos May lohikal na MaayosMahusay ang
ang organisasyon ang pagkakasunod-
organisasyon ngunit hindi organisasy
sunod ng mga
ng mga ideya masyadong on, at may
ideya sa
mabisa ang ideya angkop na
kabuuan at may
ideya sa
malakas na
kabuuan
kongklusyon
batay sa
ebidensya.
Nilalaman Hindi naayon May bahagi ng Malaking Ang kabuuan ng
sa usapan ang awit na naaayon bahagi ng awit ay naaayon
nilalaman ng ang nilalaman sa awit ang sa usapan
awit usapan naaayon sa
usapan

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 19

Gawain 4
Basahing mabuti ang kwento at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

Pagtatapos sa Gitna ng Pandemya

ni: Cherryl C. Abiqui

Malungkot si Ramil sa araw na iyon habang hinahaplos ang kanyang

uniporme na susuotin sana sa kanilang pagtatapos sa elementarya. Kung
hindi dahil sa pandemya na kinahaharap ng mundo marahil ay suot-suot
na niya ito at taas noong tinatanggap ang mga karangalan na
maipagmamalaki at maibabahagi niya sa kanyang mga magulang. “Ngayon
ang nakatakdang araw ng aming pagtatapos ngunit kailanman ay hindi na
ito mangyayari dahil sa sakit na talamak na kumakalat” sambit ni Ramon
sa kanyang sarili.
Nakita ni Aling Minda ang kanyang anak sa kanyang silid. Hindi
lingid sa kanyang kaalaman ang malaking panghihinayang ng anak.
Nilapitan ni Aling Minda ang anak “Ramon anak, alam kong mabigat sa
iyong kalooban ang anunsyo na hindi maidadaos ang pagtatapos sa taong
ito, wala tayong ibang dapat gawin kundi sundin ang mga alituntunin na
ibinaba ng pamahalaan upang mailayo tayo sa tiyak na kapahamakan”
paliwanag nito kay Ramon.
Batid ni Ramon ang mga kaganapan sa paligid at pilit na tinatanggap
ang mga pangyayari. Ibinaling niya ang lungkot na nadarama sa pagbabasa
ng mga aklat. Nakibahagi din siya sa pagsagot ng mga aralin sa Deped
Commons, isang hakbang ng kagawaran ng edukasyon upang patuloy na
matuto ang mga mag-aaral.
Sa paglipas ng araw, itinuon ni Ramon ang kanyang sarili sa
pagbabasa at pagtulong sa kanyang mga magulang sa gawaing bahay at
bukid. Tuwing hapon, nalilibang siya sa pagsama sa kanyang tatay sa
pagpapainom at pagpapaligo ng kanilang kalabaw sa ilog. Habang
nakatanaw sa malayo, pilit na sumisiksik sa kanyang imahinasyon na sila
ng kanyang mga kamag-aral ay masayang nagmamartsa suot-suot ang
kanilang uniporme. “Anak, tara uwi na tayo” sambit ng kanyang ama
habang tila nagulat si Ramon ng marinig ito.
Masayang sinalubong ni Aling Minda ang anak at asawa na
paparating galing sa ilog. Halos wala siyang mapagsidlan ng tuwa habang
ibinabalita kay Ramon na magkakaroon sila ng Mobile Graduation
kinabukasan. Hindi makapaniwala si Ramon sa kanyang narinig. Sa wakas
matutupad na rin ang kanyang pinakahihiling. Ipinaliwanag ng ina kung
ano ang mga alituntunin na dapat nilang gawin at kung paano nila ito
isasagawa. Maluwag naman na inintindi ni Ramon ang lahat.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 20

Kinaumagahan, suot ang uniporme at ang pantakip sa ilong at bibig
ay masayang naghihintay si Ramon. Hanggang sa naulinigan niya ang
tugtugin sa pagtatapos. Tanaw niya mula sa malayo ang sasakyan ng
barangay na nilagyan ng payak na palamuti. At nang ito ay matapat sa
kanilang bahay, si Ramon at ang kanyang mga magulang ay naglakad
papalapit sa sasakyan. Iginawad kay Ramon kasabay ang pagsunod sa mga
alituntunin ng GCQ ang mga sertipiko at medalya bilang karangalan. Higit
naman ang kanyang pasasalamat sa mga magulang sa lahat ng kanilang
sakripisyo sa kanya.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Bakit malungkot si Ramon sa kwentong iyong binasa?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Paano isinagawa ang pagtatapos nila Ramon?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Paano ipinadama ng isang ina ang kanyang pagmamahal sa anak sa

kwento?

___________________________________________________________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 21

Gawain 5
Basahin at intindihin ang talaarawan sa ibaba.
Sagutin ang mga tanong. Lagyan ng ang patlang kung ito ay sumasagot
sa tanong na Paano at kung ito sumasagot sa tanong na Bakit.
Marso 12, 2020

Maganda at maayos naman ang aking umaga ngayon dahil maaga akong
nakapunta sa paaralan. Pero bago ako pumasok sa paaralan, naligo muna
ako, nagbihis ng maayos, nagsuklay ng buhok, kumain at nagsipilyo ng
ngipin. Pagkatapos kong magbihis hinatid na ako ni papa ko sa paaralan.
Pagdating ko sa paaralan ay ay naging abala na ang lahat para sa huling
markahang pagsusulit.
Sa tanghali naman ay masaya kaming kumain ng tanghalian ng aking
mga kaibigan sa kantina ng Paaralan. Nang tumunog na ang “buzzer” ito
ay hudyat na naman ng pagsisimula ng aming pagsusulit kinahapunan.
Tutok sa pagsagot sa pagsusulit ang lahat. Nakasisiguro ako na mataas
ang markang aking makukuha sapagkat pinaghandaan ko ito. Masaya
akong umuwi sa bahay sa hapong ito.

_____1. Sumusulat tayo ng talaarawan upang itala ang mga pangyayaring

nagaganap sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
_____2. Inilalahad natin ang mahahalagang pangyayari upang hindi natin
makalimutan.
_____3. Isinusulat natin ang talaarawan ayon sa pagkakasunod-sunod
nito.
_____4. Ayon sa talaarawan, nakasisiguro siya na makakukuha ng mataas
na marka sa pagsusulit.
_____5. Tutok sa pagsagot ang lahat ngestudyante sa pagsusulit.

Gawain 6
Basahin at intindihin ang ulat sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang mga
tanong.

Lalawigan ng Isabela, sasailalim pa rin sa GCQ

Patuloy na sasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ang
lalawigan ng Isabela mula Hunyo 1-15, 2020 bilang hakbang sa patuloy na
pag-iwas sa pagdami ng mga apektadong indibidwal sa sakit na COVID 19.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 22

Iminungkahi ito ng Inter-Agency Task Force (IATF) upang masiguro
ang kapakanang pangkalusugan ng mga mamamayan sa iba’t ibang bayan
sa lalawigan
Ipinatutupad ang GCQ sa pamamagitan ng patuloy na pagbibigay ng
mga alituntunin na dapat sundin ng mga mamamayan tulad ng pasuot ng
face mask sa labas ng bahay, pagpapanatili ng social distancing sa
pagpunta sa pampublikong lugar, hindi paglabas ng mga senior citizen at
edad bente-uno pababa kapag hindi kinakailangan.
Pinahintulutan na rin ang mga pribadong sasakyan sa pagbiyahe
ngunit patuloy pa rin ang umiiral na number coding sa mga
pampasaherong traysikel. Ipinatutupad din ang “No Face Mask, No Ride”
at isa lamang ang pasaherong maaaring isakay nito.
Patuloy naman ang pagpapaalala ng mga nasa kagawaran ng
kalusugan sa kahalagahan ng paghuhugas ng kamay at pagpapanatili sa
kalinisan ng katawan upang makaiwas sa naturang sakit.

1. Tungkol saan ang binasang ulat?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Paano ipinatutupad ang General Community Quarantine (GCQ) sa

lalawigan ng Isabela?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Bakit patuloy pa rin na sasailalim ang lalawigan sa General

Community Quarantine (GCQ)?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Pangwakas
Binabati kita, naisagawa mo ng mahusay ang layunin ng gawaing ito.
Mahalaga ang pagsagot ng bakit at paano upang malaman ang dahilan at
pamamaraan ng isang pangyayari.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 23

Mga Sanggunian
Curriculum Guide Grade 6
Manwal ng Guro - Lesson Plan I Filipino 6
Formative, Summative, Table of Specification and
Periodic Test, 2012 Edition
A. Olivervaz, Hap S. Reyes Love A. Aragon

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. B 2. A 3. B 4. C 5. A 6. Kanya-kanyang sagot 7. Kanya-kanyang sagot

Gawain 2
1.Ang tekstong pang-impormasyon ay tungkol sa paghuhugas ng kamay.
2. Mahalaga ang paghuhugas ng kamay upang maiwasan ang makakuha at magpalaganap ng
sakit.
3. Kailangan nating maghugas ng ating kamay bago hawakan ang gating mga mata, ilong at bibig,
bago kumain o humawak ng pagkain at pagkatapos gumamit ng palikuran. Gayundin kapag ang
kamay ay kontaminado ng sekresyon sa paghinga, halimbawa pagkatapos umubo o bumahing.
Pagkatapos humawak ng mga pampublikong kagamitan gaya ng mga ng hawakan ng escalator,
mga pindutan ng elevator o mga hawakan ng pinto. Dagdag pa ditto kailangan ding maghugas ng
kamay pagkatapos magpalit ng mga lampin o humawak ng mga bulok na bagay, kapag nag-
aalaga ng ng bata o may sakit.
4.
1. Basain ang mga kamay sa tumutulong tubig.
2. Maglagay ng likidong sabon at kuskusin ang mga kamay para makagawa ng bula.
3. Malayo sa tumutulong tubig, kuskusin ang mga palad, likod ng mga kamay, pagitan ng daliri,
likod ng mga daliri, mga hinlalaki, dulo ng mga daliri at mag pupulsuan. Gawin ito ng kahit 20
segundo.
4. Banlawan nang mabuti ang mga kamay sa tumutulong tubig.
5. Patuyuin ang mga kamay nang mabuti ng kahit malinis na cotton na tuwalya, isang papel na
tuwalya, o isang pantuyo ng kamay.
6.Hindi muling dapat direktang hawakan ng mga malinis na kamay ang gripo.
* Maaaring isara ang gripo sa paggamit ng tuwalya na babalot
sa gripo; o
*Pagkatapos sabuyan ng tubig ang gripo upang luminis bago gamitin ng ibang tao.
Gawain 3
A
1. Muling nalinlang ni Pagong si Matsing dahil sa labis na pagnanais sa lahat ng bagay.
2. Nalinlang ni Pagong si Matsing sa pamamagitan ng pagbabalat kayo at pagpain nito kay
Matsing.
B. Gamitin ang rubriks na basehan sa pagbibigay ng marka

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 24

Gawain 4
1. Malungkot si Ramon dahil hindi nila maidadaos ang kanilang pagtatapos dahil sa pandemya
2. Isinagawa ang pagtatapos nila Ramon sa pamamagitan ng mobile graduation

Gawain 5

1. 2. 3. 4. 5.

Gawain 6
1. Ang ulat ay tungkol sa patuloy na pagsasailalim sa lalawigan ng Isabela sa General Community
Quarantine o GCQ.
2. Patuloy paring sasailalim sa GCQ ang Isabela upang maiwasan ang pagdami ng mga
maaapektohang indibidwal sa talamak na sakit COVID 19.
3.Ipinapatupad ang GCQ sa pamamagitan ng patuloy na pagbibigay ng mga alituntuning dapat
sundin ng mga mamamayan.

RITA L. CACAL
CHERRYL C. ABIQUI
Mga May Akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 25

Filipino 6
Pangalan: ________________________________ Lebel: ____________
Seksiyon: _________________________________ Petsa: ____________

GAWAING PAGKATUTO
Paggamit ng mga Pangngalan at Panghalip sa Pakikipag-usap
sa Iba’t Ibang Sitwasyon
Panimula
Araw-araw tayong nakikipag-usap, nanonood, nakikinig, at
nakikipaglaro kaya madalas din tayong gumagamit ng mga pangngalan at
panghalip sa pakikipagtalastasan. Ang pangngalan o noun sa Ingles ay
salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop at mga
pangyayari. Ang pangngalan ay may dalawang pangkalahatang uri. Ito ay
ang uri ng pangngalan ayon sa katangian at pangngalan ayon sa
tungkulin. Ang uri ng pangngalang ayon sa katangian ay ang pangtangi at
pambalana. Ang Pangngalang Pantangi ay tumutukoy sa tiyak at tanging
ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop, gawain at pangyayari. Halimbawa:
Isabela, Pedro Penduko, Maria Mangubat. Ito ay karaniwang nagsisimula sa
malaking titik. Ang Pangngalang Pambalana ay tumutukoy sa
pangkaraniwang ngalan ng mga bagay, tao, pook, hayop, at pangyayari.
Ang pangngalang ito ay pangkalahatan, walang tinutukoy na tiyak o tangi.
Halimbawa: Guro, Doktor, Janitor. May tatlong uri ng pangngalan ayon sa
tungkulin: Tahas o kongkreto- pangkaraniwang pangngalan na nakikita
o nahahawakan. Halimbawa: tsinelas, tsap-istik, kompyuter. Basal o di-
kongkreto-tinatawag din itong abstract. Ito ay mga pangngalang di-
nakikita o di-nahahawakan pero nadarama, naiisip, nagugunita o
napapangarap. Halimbawa: kaligayahan, karangalan, pangarap, pag-ibig.
Lansakan-pangkaraniwang pangngalan na nagsasaad ng kaisahan sa
kabila ng dami o bilang. Halimbawa: grupo, organisasyon, komite,
pangkat.
Ang Panghalip o pronoun sa wikang Ingles ay ang salitang pamalit o
panghalili sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong
pangungusap o sa kasunod na pangungusap.
Halimbawa: ako, ikaw tayo, akin, ka, mo, siya, niya, ninyo, inyo, sila, nila,
ito, iyan, dito, diyan, ayan, ayun, ganito, ganyan, narito, sino, alin, kalian.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 26

Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pakikipag-
usap sa iba’t ibang sitwasyon
Koda: F6WG-Ia-d-2

Panuto
Basahin, suriin at unawain ang mga naihandang mga Gawain na lilinang
sa iyong kaalaman sa paggamit ng mga pangngalan at panghalip sa
pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.

Gawain 1
A. Basahin ang sumusunod na talaarawan. Magtala ng limang pangngalan
na makikita sa talaarawan. Uriin kung kongkreto, di kongkreto o lansakan.
Isulat ang inyong sagot sa kuwaderno.
1. May 29, Biyernes
Karawan ko. Naghanda ng mga pagkain si Nanay para sa mga bisita
ko. May dalang keyk si Tita Arlyn na galing sa bayan. Nagbigay naman ng
limang daang piso si lola ko. Isang kumpol naman ng rosas ang ibinigay ni
papa. Umaapaw ang aking kasiyahan sa araw na ito.
________________________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
________________________________________________ .

B. Basahin at unawaing mabuti ang talata. Ibigay ang mga panghalip na

ginamit sa talata. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

KABUTIHAN SA KAPWA
Ang pagpapakita ng kabutihan sa kapwa ay para na ring pagpapakita
ng kabutihan sa ating Diyos. Ito ay sinabi mismo ng ating Panginoon sa
Biliya. Kaya nararapat lamang na maisabuhay natin ang paggawa nang
mabuti. Nandito tayo sa mundo hindi lamang para sa ating mga sarili.
Nilikha tayo ng Diyos upang magtulungan, magmahalan, at unawain ang
bawat isa. Sa ganitong paraan natin maipakikita ang tamang paraan ng
pakikipagkapwa. Ngayon ko higit na napatunayang ang itinatanim natin

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 27

lalo na sa ating mga kapwa ay aanihin din natin. Ayan ang isa pang aral
na natutuhan ko sa pabulang “Si Nardong Lawin at si Mariang Manok.”

Gawain 2
A. Hanapin sa kahon ang mga pangngalang kongkreto o di kongkreto na
bubuo sa diwa ng sumusunod na pangungusap. Ang mga pangngalan ay
gagamitin lamang nang minsan. Isulat ang iyong sagot sa iyong
kuwaderno.

daan liham kaaway telepono pagmamahal

ginto tinapay bahay kaibigan kaligayahan

1. Ang isang __________ ay makikilala sa oras ng pangangailangan.

2. Siya ang nagbibigay ng ______________ sa panahon ng

kalungkutan.

3. Siya rin ang naghahati ng kanyang huling ____________ kung

ikaw ay nagugutom.

4. Maaasahan siyang magtatanggol kapag ikaw ay may

______________.

5. Ituturo niya ang tamang _____________ kapag ikaw ay naliligaw.

6. Subalit kailangan ding ibigay mo sa kanya ang iyong

______________.

7. Dalawin mo siya sa _______________ kapag siya ay may sakit.

8. Tawagan mo siya sa _________________ kapag hindi kayo

nagkikita.

9. Sumulat ka ng _____________ kapag siya ay malayo.

10. Ang tunay na kaibigan ay pangalagaan sapagkat mas mahalaga

pa siya sa ______________________.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 28

B. Punan ang patlang ng tamang panghalip na kokompleto sa diwa ng
pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon

ito ilan ako

natin sinuman kanyang

1. Pawang kabutihan ang __________ ipinakita sa kapwa.

2. Hanga ________ sa tinaguriang “Ina ng Katipunan”.
3. Nabasa ko ang kanyang buhay sa aklat na _______.
4. _______ pa kayang tao ang katulad niyang nabubuhay sa kasalukuyan?
5. _______ ay dapat tumanaw ng utang na loob sa kanya.

Gawain 3
A. Magbigay ng pangngalang kongkreto, di kongkreto at lansakan na
makikita sa larawan sa ibaba. Gamitin ang mga ito upang makabuo
ng limang makabuluhang pangungusap.

1. _________________________________________________________

2. _________________________________________________________

3. _________________________________________________________

4. _________________________________________________________

5. _________________________________________________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 29

B. Palitan ng panghalip ang mga pangngalan na ginamit sa Gawain
A.

1. _________________________________________________________

2. _________________________________________________________

3. _________________________________________________________

4. _________________________________________________________

5. _________________________________________________________

Rubrik sa Paggamit ng mga Pangngalan at Panghalip sa Pangungusap

Pamantayan Iskor
Napakahusay ang pagkabuo ng pangngusap gamit ang 3
pangngalan/panghalip mula sa larawan.
May kahusayan ang pagkabuo ng pangungusap ngunit hindi 2
makikita sa larawan ang ginamit na pangngalan/panghalip
Hindi gaanong malinaw ang pangungusap ngunit makikita sa 1
larawan ang ginamit na pangngalan/panghalip

Gawain 4
Bumuo ng pangungusap batay sa isinasaad ng panuto sa bawat bilang.
1. Bumuo ng pangungusap na may pangngalang tahas o kongkreto
upang mapasaya mo ang bunso mong kapatid.
________________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Ipahayag mo ang iyong damdamin sa iyong ina sa pamamagitan ng

pagbuo ng pangungusap na may pangngalang basal o di kongkreto.

______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Gamitin sa pangungusap ang isang pangngalang lansakan upang

makapag-abot ng tulong sa mga nangangailangan .
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 30

4. Bumuo ng pangungusap gamit ang panghalip na ako upang ipahayag
ang nararamdaman mo sa darating na pasukan.

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5. Itanong mo kung ano-ano ang magagawa ng bawat isa upang

maiwasan ang pagtatalo o hindi pagkakasundo.

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Rubrik sa Paggamit ng Pangngalan/ Panghalip sa Pangungusap

Pamantayan Iskor
Napakahusay ang pagkabuo ng pangungusap gamit ang mga 5
pangngalan/panghalip hinihingi.
Mahusay ang pagkabuo ng pangungusap gamit ang mga 4
pangngalan/panghalip na hinihingi.
May kahusayan ang pagkabuo ng pangungusap gamit ang 3
mga pangngalan/panghalip na hinihingi.
Hindi tama ang ginamit na pangngalang/panghalip ngunit 2
buo ang pangungusap.
Hindi tama ang ginamit na pangngalan/panghalip at hindi 1
buo ang pangungusap

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 31

Gawain 5
Gamitin ang mga pangngalang nasa loob ng kahon sa pagbuo ng talata
tungkol sa pagsugpo ng COVID-19 Pandemic. Gumamit din ng mga
panghalip na napag-aralan sa iyong talata.
partisipant impluwensya negosyo ospital
nars benepisyo awtoridad pandemya
ekwipment edukasyon interbyu ahensya
face mask espiritwal isyu eksperto

Rubrik sa Paggamit ng Pangngalan/Panghalip sa Pangungusap

Pamantayan Iskor
Napakahusay ang pagkabuo ng talata gamit ang mga 5
pangngalan/panghalip. Malawak at maraming impormasyon.
Mahusay ang pagkabuo ng talata gamit ang mga 4
pangngalan/panghalip. Malinaw at tiyak ang mga
impormasyon.
May kahusayan ang pagkabuo ng talata gamit ang mga 3
pangngalan/panghalip. Tiyak ang mga impormasyon.
Hindi gaanong malinaw ang talata ngunit nagamit ang mga 2
pangngalan/panghalip.
Maligoy ang talata. Nakalilito at hindi tiyak ang mga 1
impormasyon.

Pangwakas
Binabati kita, naisagawa mo nang mahusay ang layunin ng gawaing ito.
Mahalaga na wasto ang mga pangngalan at panghalip na gagamitin sa
pagbuo ng pangungusap upang madaling maunawaan at maintindihan
ng nakikinig o nagbabasa ang tinutukoy o sinasabi natin.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 32

Mga Sanggunian
A. Aklat
Baisa-Julian, Aileen G. Pinagyamang Plima 5, Wika at Pagbasa
para sa Elementarya (2013)
Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma Wika at Pagbasa 4 para sa
Elementarya (2013)
Liwanag, Lydia B.Ph.D. Landas sa Wika Batayang Aklat Filipino 6,
Binagong Edisyon-Kagawaran ng Edukasyon

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
A. Kongkreto di kongkreto Lansakan
Pagkain kaarawan kumpol
Nanay kasiyahan
Bisita araw
Keyk
Tita Arlyn
Limang daang piso
Lola, papa, rosas
B.
Atin/g natin tayo ganito/ng
Ito ko ayan
Gawain 2
A. B.
1. kaibigan 6. pagmamahal 1. kanyang
2. Kaligayahan 7. bahay 2. ako
3. tinapay 8. telepono 3. ito
4. kaaway 9. liham 4. ilan
5. daan 10. ginto 5. Sinuman

ANALYN L. ANTONIO
EZEQUIEL G. TAGANGIN
________________________________
Mga May-Akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 33

Filipino 6
Pangalan: ___________________________ Lebel: ____________
Seksiyon: ___________________________ Petsa: ____________

GAWAING PAGKATUTO
Pagbibigay kahulugan sa Kilos at Pahayag ng mga Tauhan
sa Napakinggang Pabula

Panimula
Mahilig ka bang magbasa ng pabula? Ano ang pinakapaborito mong
pabula?
Ang Pabula ay isang akdang pampanitikang gumagamit ng mga tauhang
hayop na nag-iisip at nagsasalitang parang tao. Ito ay nagtataglay ng aral
at madalas nagpapakitang hindi nagtatagumpay ang kasamaan laban sa
kabutihan.
Sa pagbabasa o pakikinig ng mga maikling kwento, alamat, kwentong-
bayan, pabula, at iba pang uri ng panitikan ay madalas nating makita ang
mga ekspresyong tuwiran at di-tuwiran. Ano ba ng pagkakaiba ng
dalawang ito?
➢ Eskpresyong Tuwiran – linya o pangungusap na direktang sinabi ng
tauhan. Ito ay ikinukulong ng panipi at sinusundan ng paliwanag
kung sino ang nagpahayag.

Halimbawa:
“Ayoko, ayokong balutin ang sarili ko sa bagay na iyan at matulog
nang mahabang panahon,” sabi ni Pudpod.

➢ Ekspresyong Di-tuwiran – ang pahayag ng tauhan ay isinasabibig

na lamang ng tagapagsalaysay. Hindi ito ginagamitan ng panipi.

Halimbawa:
Sinabi ni Pudpod na ayaw niyang balutin ang sarili at matulog nang
mahabang panahon.

Ang paglalarawan ng katangian ng isang tauhan ay maaaring mahinuha

sa pamamagitan ng pag-unawa kung ano ang kanyang ikinikilos, paano
ito nagsasalita at kung paano nagpapakita ng kanyang naging reaksyon
sa mga sitwasyon sa kwento.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 34

Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Nabibigyang kahulugan ang kilos at pahayag ng mga tauhan sa
napakinggang pabula
Koda: F6PN-Ic-19

Panuto
Basahin, suriin at unawain ang mga naihandang mga Gawain na lilinang
sa iyong kaalaman sa pagbibigay kahulugan sa kilos at pahayag ng mga
tauhan sa napakinggang pabula.

Gawain 1
A. Piliin ang titik ng tamang sagot na naglalarawan sa katangian ng
tauhan batay sa kilos at pananalita. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. “Ha, ha, ha! Wala ka palang binatbat eh.”, wika ni Lata-Lakas kay Amang
Tsinelas.
a. masayahin b. magagalitin c. mayabang d. mabait

2. Inumpisahan ni Amang Tsinelas ang pagtira. Hinampas niya ng ubod-

lakas ang kalaban nang walang alintana.
a. matapang b. masigla c. mainipin d. matatakutin

3. “Paano tayo makakawala sa mabagsik na kamay niya?” nangangambang

wika ni ina.
a. nagdaramdam b. natutuwa c. nahihiya d. nag-aalala

4.” Itay, Inay, Ate. Ako po ang bahala sa inyo.”

a. malakas ang loob b. magalang c. maliksi d. mapagmalasakit

5. “Napakaganda ng iyong singsing! Maari ko bang mahiram iyan sa loob

ng isang araw? gusto ko lamang ipakita sa aking maybahay,” wika ni
Tandang.
a. mainggitin b. mapagmatyag c. mayabang d. mainisin

6. Atubili man si Agila ay napilitan pa rin siyang pahiramin ang kaibigan.

“O sige, basta’t ingatan mo ito dahil mahalaga sa akin ang singsing na ito.”
Anong katangian ni Agila batay sa kanyang sinabi ang mahihinuha?
a. palakaibigan b. maunawain c. mapagpahalaga sa gamit d. mapagbigay

7. “Dapat ay bigyan mo rin ako ng ganitong singsing. Matagal ko nang gusto

ang tulad nito.” Ibili mo ko ng singsing para naman may magamit ako.
a. palabili b. mainggitin c. mapanghusga d. mapanghamak

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 35

8. “Hindi ko makita ang singsing ni Agila. Saan ko ba inilagay iyon. Hindi
ko maalala. Alam ko na inilapag ko sa isang lamesa o aparador. Ano ba?
Saan ko ba talaga naiwan?”
a. waldas b. bulagsak c. malilimutin d. pabaya

9. “Naku! Nawawala ang singsing ng kaibigan ko! Paano ko ito sasabihin

kay Agila. Hindi bale, papalitan ko nalang ng kahawig na singsing ang
nawala ko. Hindi na niya mahahalata iyon.”
a. matatakutin b. waldas c. mapanlinlang d. maparaan

10. “Siya ba? Itong maliit na ito ang ipinagmamalaki ninyo?”

a. mayabang b. mapanglait c. madaldal d. matapang

Gawain 2
A. Tukuyin kung galit, galak, inis, pagmamaliit, pagmamalaki, takot,
lungkot, sakit, o hiya ang damdaming isinasaad ng bawat pahayag.
Isulat sa patlang ang sagot.

__________1. “Hindi ko talaga mapapatawad ang pusang kumain sa

aking munting mga daga!”
__________2. “Maawa ka sa akin, marangal na Leon! Huwag mo akong
kainin! Sa liit kong ito’y hindi ka mabubusog.”
__________3. “Ano ba naman ‘yan? Kaytagal kong naghintay sa
pagdating mo, Suso.”
__________4. “Hoy, Kalapati. Lalaban ka ba sa akin sa pabilisan ng
paglipad? Alam ko namang wala kang binatbat sa akin.”
__________5. “Patawad mga kaibigan. Ang kaning aking itinanim,
binayo, at isinaing ay sapat lamang para sa pamilya
namin.”
__________6. “Aalis na ako, Senyora Baka. Salamat sa pagbibigay
pahintulot mong makapagpahinga ako sa dalawang sungay
mo.”
__________7. “Hindi ko inaasahang matatalo ako ng isang maliit na
langgam sa paligsahan. Akala ko matatalo ko siya
sapagkat ako ay mas Malaki kaysa sa kanya. Ano na lang
kaya ang sasabihin ng mga kaibigan ko?”
__________8. “Aruy ko! Aruy ko! Tanggalin mo na
ang tinik. Tanggalin mo na.
Mamamatay na yata ako! Aruy ko!
Aruy ko!”

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 36

__________9. “Aha! Anong magagawa mo para
matulungan ang Leon na katulad ko
kung napakaliit mong daga ka?”
__________10. “Kaibigang Kambing! Kaibigang
Kambing! Napakaganda mo lalo’t
tinatamaan ng sikat ng araw ang
balahibo mo.”

Gawain 3
B. Basahin at intindihin ang pabula sa ibaba. Sagutin ang mga tanong
pagkatapos.

Ang Pagkikita ng mga Munti

Sa isang liblib na lugar sa lungsod ay may apat na munting

kulisap na hindi sinasadyang nagkasama-sama sa munting
halamanang pag-aari ng mag-asawang matanda. Sila ay sina
Gagamba, Paruparo, Bubuyog, at Alitaptap. Nagmula sa iba’t ibang
bahagi ng lungsod ang apat na kulisap na ito. Napadpad sila sa
bahay ng mag-asawang matanda dahil naakit sila sa munting
halamanan ng mga ito. Matagal na silang naging palaboy sa lungsod
at naghahanap ng lugar na pwedeng matuluyan. Nawalan na ang
mga dati nilang tirahan. Nasari na ang mga ito dahil napagtayuan
ng naglalakihang bahay-kalakal at pasyalan.
“Salamat at makapaagpapahinga na rin ako. Ilang buwan na
akong palaboy-laboy sa kalsada. Ang hirap na ng buhay ng mga
kagaya natin sa lungsod. Pakiramdam ko ay palaging nanganganib
ang aking buhay,” mahabang wika ni Paruparo.
“Ako nga’y takot na takot din habang lumilipad. Nahihirapan
akong humihinga dahil sa tindi ng usok sa daan. At sa gabi ay
talagang nagtatago ako lalo na sa mga batang naglalaro sa kalsada.
Baka kasi kunin nila ako at gawing laruan dahil sa aking ilaw,” ang
kuwento naman ni Alitaptap.
“Naku, ganyan din ang pakiramdam ko! Ako rin ay nagtatago sa
mga tao lalo na sa mga bata. Ginagawa nila kaming laruan.
Kinukulong nila ang mga kagaya ko sa isang maliit na kahon at pilit
na pinag-aaway na parang mga manok na nagsasabong.
Napahiwalay nga ako sa mga kasama ko kaya ako lang mag-isa
ngayon. Hinahabol nila kami at kahit saan kami sumuot ay talagang
sinusundan kami,” ang dagdag na kuwento ni Gagamba.
“Ang pamilya ko ay wala na. Pinutol ng mga tao ang puno kung
saan naroon an gaming pukyutan. Nagkawatak-watak din kami.
Noong una ay mayroon pa akong kasama pero dahil sa pagod,

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 37

gutom, at polusyon ay namatay rin sila. Kaya, ngayon, heto ako’t
nag-iisa,” maluha-luhang kwento ni Bubuyog sa tatlong kulisap na
bagong kakilala.
“Halos pare-pareho pala tayo ng karanasan. Mahirap na talaga
para sa mga katulad natin ang mabuhay rito sa lungsod. Halos wala
na kasing mga puno at halaman na pwede nating matirhan at
makuhanan ng pagkain,” wika ni Alitaptap.
“Mabuti nga at mayroon pa ring mga taong nagtatanim ng
halaman sa lungsod gaya ng matandang mag-asawang nakatira rito.
Kahit papaano ay mayroon tayong matutuluyan,” medyo
nabuhayang sabi ni Bubuyog.
“Huwag lang sanang dumating ang panahon na tuluyan nang
maubos ang mga katulad natin lalo na rito sa lungsod,” dagdag pang
muli ni Alitaptap.
“Sana ay makita ng mga tao kung gaano kahalaga ang bawat isa
sa atin. Hindi ba’t napakagandang tingnan ang mga katuad ko na
lumilipad-lipad sa paligid?” may pagmamalaking sabi ni Paruparo.
“Oo nga, kung alam lang nila na kapag nawala kami ay wala
nang kakain sa mga mapanirang kulisap o insekto sa kanilang mga
tahanan,” ang hirit naman ni Gagamba.
“Mahirapan na silang makakuha ng masarap na pulut-pukyutan
kapag kami naman ay tuluyang mawala,” ang sabi ni Bubuyog.
“Siguro dahil sa ating kaliitan ay hindi gaanong napapansin ng
mga tao ang ating kahalagahan. Hay, kung alam lang nila ang ibig
sabihin kung tayo ay tuluyan nang maglaho. Mas mapanganib ito
sa kanilang mga buhay. Ibig sabihin ay laganap na ang polusyon at
dumi sa kanilang paligid,” malungkot na litany ni Alitaptap.
“Hay, kailan kaya magigising ang mga tao? Kailan kaya tayo
muling magkakaroon ng tahanan? Tanong ni Paruparo habang
nakatingala sa kalangitan.
“Sa ngayon ay dumito muna tayo sa halamanang ito. Sa tingin
ko’y mababait at masisipag ang dalawang matandang may-ari nito.
Nakita ko sila kaninang dumating ako na nag-uusap. Sabi nila ay
magtatanim naman daw sila ng punongkahoy sa bakanteng lote sa
likod ng kanilang bahay. Ligtas tayo rito,” pagbibigay pag-asa ni
Bubuyog sa mga kasama.
“Tama ka, kaibigang Bubuyog, dito muna tayong apat. Tulungan
natin ang matatanda sa pagpapaganda ng halamanang ito,” sang-
ayon na sabi ni Alitaptap.
“Sang-ayon kami sa iyo,” nakangiting sagot ng tatlong kulisap.
Naramdaman nilang nawalay man sila sa kanilang tunay na pamilya
ay nakatagpo naman sila ng mga bagong kaibigan sa kanilang
bagong tahanan.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 38

Kilalanin kung sino sa mga munti ang nagsabi ng sumusunod na
pahayag. Isulat din ang damdaming kanilang ipinahahayag. Isulat ang
iyong sagot sa patlang.

________________1. “Ako nga’y takot na takot din habang lumilipad.

Nahihirapan akong huminga dahil sa tindi ng usok sa daan. At sa gabi ay
talagang nagtatago ako lalo na sa mga batang naglalaro sa kalsada. Baka
kasi kunin nila ako at gawing laruan ang aking ilaw.

________________2. “Kinukulong nila ang mga kagaya ko sa isang maliit na

kahon at pilit na pinag-aaway na parang mga manok na nagsasabong.

________________3. “Ang pamilya ko ay wala na. Pinutol ng mga tao ang

puno kung saan naroon ang aming pukyutan. Nagkawatak-watak din
kami.

________________4. “Sana ay makita ng mga tao kung gaano kahalaga ang

bawat isa sa atin. Hindi ba’t napakagandang tingnan ang mga katulad ko
na lumilipad-lipad sa paligid.

________________5. “Oo nga, kung alam lang nila na kapag nawala kami ay
wala nang kakain sa mga mapanirang kulisap o insekto sa kanilang mga
tahanan.

Gawain 4
A. Basahin at suriin ang pabula. Sagutin ang mga katanungan
pagkatapos.
Ang Leon at ang Daga
Isang araw, natutulog ang mabagsik na leon. Isang daga ang
naparaan at siya’y naamoy ng leon kaya’t ito’y nagising. Bigla nitong
hinuli ang daga. Nagmakaawa sa leon ang daga.
“Maawa ka sa akin! Huwag mo akong kainin! Sa liit kong ito’y hindi
ka mabubusog. Pakawalan mo na ako. Balang araw ay makagaganti
rin ako sa iyo.”
“Sa liit mong ‘yan, paano ka makatutulong sa akin?” sagot na
patanong ni Leon.
“Hindi ko alam. Pero nasisiguro ko, makakatulong ako sa iyo,” sagot
ni Daga.
“Magpasalamat ka at kakakain ko lang. Sige, makaaalis ka na,” sabi
ni Leon.
“Maraming salamat,” sabi ni Daga na nagmamadaling umalis.
Minsan, habang naglalakad sa gubat si Leon, hindi niya napansin
ang isang bitag. Nakita na lamang niya ang sarili sa loob ng isang
lambat.
“Tulungan ninyo ako!” sigaw ni Leon. Nakita ni Usa ang nangyari
kay Leon. Lumapit ito.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 39

“Tulungan mo ako, kaibigan,” pakiusap ni Leon kay Usa.
“Pakakawalan kita, pagkatapos ay kakainin mo rin ako. Ayoko!”
sagot ni Usa sabay alis.
Hindi malaman ni Leon ang gagawin. Paikut-ikot siya, nagpipilit na
makawala. Isang unggoy ang naparaan.
“Kaibigan, maawa ka na. Pakawalan mo ako,” ang sambit ni Leon
kay Unggoy.
“Ano? Pakakawalan kita? Kahapon lang ay hinabol mo ako para
kainin. Tapos ngayon, tutulungan kita? Hindi, ayoko!” sagot ni
Unggoy. At nagpatuloy ito sa paglalakad.
Siya namang pagdating ni Daga.
“Tutulungan kita, kaibigan,” ang sabi ni Daga kay Leon.
“Paano mo ako tutulungan? Napakaliit mo,” pagalit na sagot ni
Leon.
Hindi na sumagot ang daga. Sinimulan niyang ngatngatin ang
lambat hanggang sa makagawa siya ng butas na daraanan ni Leon.
Sa wakas, nakalabas din si Leon. Anong tuwa niya!
“Maliit ka nga pero malaki ang nagawa mo. Salamat, kaibigan.
Makagaganti rin ako sa iyo,” sabi ni Leon.
“Huwag mo nang alalahanin ‘yon. May utang na loob din naman ako
sa iyo,” sagot ni Daga.

Magbigay ng lima (5) na pahayag mula sa pabula at tukuyin kung

anong damdamin ang inilalarawan ng pahayag ng tauhan.

1. Pahayag:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Damdamin: ____________________
2. Pahayag:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Damdamin: ____________________
3. Pahayag:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Damdamin: ____________________
4 Pahayag:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Damdamin:____________________
5 Pahayag:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Damdamin: ____________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 40

Gawain 5
Basahin at intindihin ang pabula.

Ang Kabayo at ang Kalabaw

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw
ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang
kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang
paglalakbay. Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod
at pang-hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.

“Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit

keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?”
pakiusap ng kalabaw.

“Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan
mo,” anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.

“Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat

ng dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig
sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang
katawan ko,” pakiusap pa rin ng kalabaw.

“Bahala ka sa buhay mo,” naiinis na sagot ng kabayo.

Makaraan pa ang isang oras at lalong tumindi ang init ng araw. Hindi
nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya’y
pumanaw. Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang
lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya
namang makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.

“Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging

ganito kabigat ang pasan ko ngayon,” may pagsisising bulong ng kabayo
sakanyang sarili.

Pumili ng limang (5) pahayag ng tauhan mula sa pabulang “Ang Kabayo at

ang Kalabaw.” Tukuyin ang damdaming isinasaad nito.

1.______________________________________________________________________
____________________________________________________________________
___________________________________________________.

2.______________________________________________________________________
____________________________________________________________________
___________________________________________________.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 41

3.______________________________________________________________________
____________________________________________________________________
___________________________________________________.

4.______________________________________________________________________
____________________________________________________________________
___________________________________________________.

5.______________________________________________________________________
____________________________________________________________________
___________________________________________________.

Rubrik sa Pagsasadula ng Pahayag ng Tauhan sa Pabula

Pamantayan Iskor
Naisagawa ng buong husay ang pagganap sa mga pahayag 3
na pinili
Hindi gaanong makatotohanan at kapani-paniwala ang 2
pagkakaganap sa mga pahayag na pinili

Hindi makatotohanan at kapani-paniwala ang pagganap sa 1

mga pahayag

Pangwakas
Binabati kita, naisagawa mo nang mahusay ang layunin ng gawaing ito.
Mahalaga na maunawaan ang ikinikilos, pagsasalita at kung paano ang
reaksyon ng mga tauhan upang mas maintindihan at naisasaalang-ala
natin ang nararamdaman ng ating kausap o ng mga tauhan sa ating
binabasa.

Mga Sanggunian

A. Aklat
Baisa-Julian, Aileen G., Pinagyamang Pluma 5, Wika at Pagbasa sa
Elementary, 2013
B. Website
• www.slideshare.ph
• www.pinoyedition.com/mga-pabula/
• www.pinoycollection.com/pabula-halimbawa/

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 42

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1. Gawain 4

1. C 6. C (Iba-iba ang magiging kasagutan ng mga bata

2. a 7. B sa gawaing ito.)
3. d 8. c
4. a 9. c
5. a 10. a/b

Gawin 2 Gawain 5

1. galit 6. Galak (Gamitin ang rubrics sa pagpupuntos sa

2. takot 7. Lungkot gawaing ito.)
3. inis 8. sakit
4. pagmamalaki 9. pagmamalaki
5. hiya 10. Galak

Gawain 3

1. takot/nababahala
2. paghihirap/pagdurusa
3. lungkot
4. nais/pag-asa
5. kahalagahan

ANALYN L. ANTONIO
LORENA B. ABON
___________________________________
Mga May Akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 43

Filipino 6
Pangalan: ______________________________ Baitang/Seksiyon: _________
Petsa: __________________________________ Iskor: ___________________

GAWAING PAGKATUTO
Panimula

Lahat ng ating pangunahing pangangailangan upang mabuhay ay

mula sa kalikasan. Ang ating pagkain ay mula sa mga halaman at hayop
sa ating kapaligiran. Hindi tayo mabubuhay kung walang oxygen na mula
sa mga halaman. Ang makapal na kagubatan naman ang tumulong upang
maipon ang tubig sa ilalim ng kalupaan kung saan nagmumula ang malinis
at malinaw na tubig na ating kailangan. Ito ang nagsisilbing tagalinis ng
hanging nilalanghap natin.

Sa kasalukuyan ay wala pang anumang imbensiyong makagagawa

ng mga bagay at serbisiyong ibinibigay sa atin ng kalikasan. Wala pa ring
ibang planeta ang nadidiskubre na pwede nating malipatan at tirahan.

Paano tayo mabubuhay kung tuluyan nang maubos at masira ang

Inang Kalikasan?

Ang sawikain o idyoma ay maikling pahayag na may nakatagong

kahulugan. Bahagi ito ng kulturang Pilipino sapagkat noon pa man ay
ginagamit na ng ating mga ninuno at naisalin naman hanggang sa
kasalukuyang henerasyon.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nabibigyang kahulugan ang sawikain. (F6PN-Ij-28)

Panuto

Basahin, suriin, at unawain ang mga inihandang mga Gawain na

lilinang sa iyong kaalaman sa pagbibigay ng kahulugan ng mga sawikain.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 44

Gawain 1
Piliin sa kahon ang kahulugan ng mga sawikaing nalimbag ng
pahilig. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

a. pagsisinungaling b. tandaan c. nagmalinis

d. magkatotoo e. kalimutan

__________1. Mahalagang pangalagaan ang kalikasan. Itaga mo sa bato ang

mensahe ng tulang ito.
__________2. Huwag mong ilista sa tubig ang iyong pangakong aalagaan si
Inang Kalikasan.
__________3. Naghugas-kamay ang kampanya ng minahan sa pagkalason
ng mga isda sa lawa.
__________4. Ang paglulubid ng buhangin ng isang tao ay hindi magandang
pag-uugali.
__________5. Magdilang-anghel ka sana na sana ay maging maayos na ang
kalagayan ng ating bansa.

Gawain 2

Tukuyin ang kahulugan ng mga sawikain na nakapaloob sa mga

pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

______1. Akala ni Mang Ibiong na suntok sa buwan ang kanyang

pakikipag-usap sa pangulo.
a. patay b. imposible c. matalino d. maawain

______2. Mababa ang loob ng pangulo sa mga nangangailangan.

a. mabait b. mayabang c. matapang d. masaya

______3. Maputi ang tenga ng mga Ilokano. Iyan ang laging kasabihan nila
dahil sila ay matitipid.
a. malas na tao b. kuripot c. matatakutin d. Malaya

______4. Mataas ang ulo ng pinuno ng bansa.

a. matalino b. imposible c. tinandaan d. patay

______5. Masayang pagmasdan ang takip silim lalo na kung kasama mo

ang iyong mahal sa buhay.
a. malas na tao b. pagsasaya
c. paglubog ng araw d. paglalaro

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 45

______6. Malaki ang utang na loob ko sa aking mga magulang na nagpaaral
sa amin.
a. malaking pasasalamat b. matalino
c. tinandaan d. madaling magbago

______7. Kung minsan ang mga magkakapatid ay nagsosolian ng kandila

lalo na kung mayroong di-pagkakaunawaan.
a. nagkagalit b. nagkabati c. nagsasaya d. malungkot

______8. Ang daming naging kaso ng pantay ang mga paa sa covid-19 sa
buong mundo.
a. problemado b. panatag c. patay d. problema

______9. May mga kaibigan na talusira kung may nalaman na di-

magandang ipinapakitang ugali sa kanila.
a. madaling magbago b. mapag-unawa
c. matapang d. matatakutin

_____10. Si Maricon ay maliit ang daigdig dahil siya ay mahiyain at ayaw

makihalubilo sa iba.
a. walang pera b. wala gaanong kaibigan
c. nagmamaliit d. naglalaro

Gawain 3

Punan ng tamang letra ang bawat patlang upang mabuo ang

sawikaing hinihingi.

Halimbawa- Ito ang tawag sa taong madaldal o tsismosa.

makati ang dila

1. Taong may maraming kalokohan ay kinamumuhian.

_ira ang ul_

2. Ang batang nagbabait-baitan ay pinagagalitan.

San_a-s_nt_t_

3. Ang buhay ni Dr. Jose Rizal ay alam ng halos lahat ng tao.

u_as na _kl_t

4. Ang aming ama ay isang ulirang tatay.

H_l_g_ ng tah_n_n

5. Karamihan sa buwan ng Hunyo ay maraming ikinakasal.

P_g-I_san_ d_bd_b

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 46

Gawain 4

Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga sawikain sa Hanay A. Isulat

ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B
____1. nahulog ang loob a. umalis
____2. nagladlad na ng kapa b. naghihirap sa buhay
____3. nagdadalawang isip c. nag-aalanganin
____4. nagdidildil ng asin d. ipinakita ang totoo
____5. nagbaba ng balutan e. natutuhang mahalin
____6. May tali sa dila f. masamang balak
____7. Mayo gatas pa sa labi g. mayabang
____8. Matalim ang dila h. walang laya kung magsalita
____9. Mataas ang lipad i. nakasasakit kung magsalita
____10. Maitim ang hangarin j. masyadong bata

Gawain 5

Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na sawikain.

1. Kapag makitid ang kumot matuto kang mamaluktot.

___________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
____________________

2. Ang mabuting ugali, masaganang buhay ang sukli.

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
____________________

3. Kung may tiyaga, may nilaga.

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
____________________

4. Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kasaganaan.

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
____________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 47

5. Walang umani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
____________________

Pangwakas

Binabati kita, naisagawa mo ng mahusay ang layunin ng gawaing

ito.

Mahalaga na malaman natin ang mga kahulugan ng sawikain na

ating ginagamit sa pang-araw-araw nating buhay upang maayos natin
itong gamitan sa pakikipagtalastasan at sa ating mga bubuuing pahayag
o anunmang sulatin na ating gagawin.

Mga Sanggunian
Aklat Marasigan, Emily V.et,al, Pinagyamang Pluma Wika at Pagbasa 6,
2013
Alab Filipino 5 Aggarrado, Patricia Jo, et, al, Alab Filipino 5, 2016

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. b
2. e
3. c
4. a
5. d

Gawain 2
1. b
2. b
3. b
4. a
5. c
6. a
7. a
8. a
9. a
10. c

Gawain 3
1. sira ang ulo
2. santa-santita

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 48

3. bukas na aklat
4. haligi ng tahanan
5. pag-iisang dibdib

Gawain 4 Gawain 5
1. e 1. Kapag mahirap ang buhay matuto kang pagtiyagaan
ang sitwasyon
2. d
3. c 2. Kapag mabuti ang iyong kalooban tiyak na ikaw ay
4. b pagkalooban ng masaganang pamumuhay
5. d 3. Kapag matiyaga ka at masipag paniguradong may
6. h magandang bunga ito.
7. j 4. Hindi nasusukat sa kung anong mayroon ka sa
8. I kaginhawaan ng iyong buhay. Ito ay nakabase
sa kung gaano ka kasaya sa buhay.
9. g
10. f 5. Lahat ng daan patungo sa tagumpay ay may
Kaakibat na kahirapan na kailangang lampasan.

Gng. MA. TERESA D. ARONCE

May Akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 49

Filipino 6
Pangalan: ______________________________ Baitang: ____________________
Petsa: ____________________ Iskor: ____________________

GAWAING PAGKATUTO
Panimula
Gaano mo ba kakilala ang ating bansa? Tara, sabay-sabay nating
alamin ang ating kinagisnang lupa. Ang Pilipinas ay isang bansang
napakayaman sa likas na yaman dahil ito ay nasa Rehiyong Tropikal. Ang
kagubatan nito, ayon sa World Conservation Monitoring Centre of the
United Nations Environment Programme (UNEP-WCMC), ay nagtataglay ng
mahigit sa 6,000 uri ng mga halaman at daan-daang uri ng mga hayop na
ang karamihan ay matatagpuan lamang dito sa Pilipinas.
Sa kasamaang palad ay isa rin ito sa may pinakamahabang listahan
ng mga hayop at halamang nanganganib nang mawala dahil sa mabilis na
pagkaubos ng mga kagubatan. Ayon sa tala ng Kagawaran ng Kapaligiran
at Likas na Yaman (DENR) noong 2012, mula sa kagubatang sumasakop
sa 70% ng kabuoang kalupaan ng bansa noong mga unang taon ng ika-19
na dantaon, ay humigit kumulang na 7% na lamang nito ang natitira sa
ngayon.
Malaki at mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng mga
kagubatan sa ating kapaligiran. Maraming buhay, kasama ang sa atin, ay
nakasalalay sa kagubatan. Kung magpapatuloy ang pagkawala ng mga ito,
maraming suliraning pangkapaligiran ang magiging bunga nito at
malalagay sa panganib pati na ang mga buhay natin.
Malaki ang iyong maitutulong sa pagpigil ng pagkaubos at sa
pagpapanumbalik ng mga kagubatan sa ating bansa. Paano ka kaya
makatutulong dito?

Kasanayang Pampagkatuto at koda

Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa tulong ng
nakalarawang balangkas at pamatnubay na tanong
Koda: F6PB-Ib-5.4 at F6RC-IIe-5.2

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 50

Panuto
Basahin, suriin at unawain ang mga naihandang Gawain mula sa
iyong babasahing kuwento.

Gawain 1
Nasirang Paraiso
(Hango sa Pinagyamang Pluma 6)

Bakasyon na sa paaralan ng magpipinsang sina Bikoy, Baldu,

Mirang, Mae, Justine at Ave. Maaga silang nagkita-kita sa bahay ng
kanilang tiya upang doon magsimula ng kanilang paglalakbay papuntang
probinsiya. Ito ang unang pagkakataong makararating sila sa bayang
sinilangan ng kanilang mga magulang. Sabik na silang makita ang
magagandang bagay na ikinukwento ng mga ito sa kanila.
“Nagdala ba kayo ng damit pampaligo?” tanong ni Mae, “Masarap maligo
sa ilog na may malinaw, malinis at malamig na tubig.”
“At pwede pa tayong manghuli ng isda. Naaalala ko pa ang kwento sa
atin ni Lolo. Maglalatag lang sila ng lambat sa ilog kung gabi at sa umaga
ay isang palangganang isda na ang kanilang makukuha,” ang dagdag ni
Bikoy.
“Makakikita na rin tayo ng laksa-laksang paniking lumalabas mula sa
kweba kung dapithapon upang maghanap ng kanilang makakain ganoon
din ang mga kuwago. Sabi ni Tito Jay, ang huni ng mga ito raw ang hudyat
upang umuwi galling sa paglalro dahil sa papadilim na ang paligid,” ang
wika ni Justine.
Ang sabi naman ni Mirang, “Sana may oras din tayong makapunta sa
talon. Sinabi ni Papa na may pinapaliguan din silang talon doon.”
“Basta ako, masaya na kung makakikita ako ng maraming ibon lalo na
iyong mga kalaw na nagpupugad sa mga puno ng pili na ikinukukwento ni
Mama.” Wika ni Baldu. “O, hayan na pala ang mga dyip na sasakyan natin.
Tumulong na tayo sa pagkakarga ng ating mga bag para makaalis na tayo.”
Ipinagpatuloy na magpipinsan ang kanilang kwentuhan habang nasa
daan. Mahaba ang byahe ngunit hindi sila nainip dahil naaliw silang
nagmasid sa magagandang tanawing kanilang nadaraanan. Malalim na
ang gabi ng makarating sila sa bahay ng kanilang Tito Teddy kung kaya’t
hindi na nila maaninag ang kapaligiran at dala na rin ng pagod ay madali
silang nahimbing pagkatapos ng hapunan.
“Tik-ti-la-ok! Tik-ti-la-ok” “Oink-oink” “Ungaa…unga.”. Nag-iingayna
mga hayop ang gumising sa Mhimbing ba pagtulog ng magpipinsan. Ito ang
unang araw nila sa probinsiya. Agad silang bumangon at lumabas sa silid

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 51

para magtungo sa bakuran. Naabutan nila roon ang kanilang Tito Teddy
na nagpapakain ng mga alagang hayop.
“Pwede po ba kaming tumulong Tito? Ang tanong ng mga bata”.
“Aba’y oo!” ang natutuwang sagot no Tito Teddy. “Heto sa balde ang
mais. Bigyan nyo ang mga manok. Lagyan nyo ng malinis na tubig ang
kanilang mga inumn.”
“Pagkatapos dito ay pupunta ako sa taniman upang mag-ani ng gulay
na pang-ulam. “Gusto n’yo bang sumama? “ang nag-iimbitang tanong ni
Tito Teddy.
“O sige, magpaalam muna kayo sa mga magulang niyo at at pagkatapos
ay lalakad na tayo. Magsuot kayo ng matibayat komportableng sandalyas
saagkat malayo-layo ang lalakarin. Tatawid pa tayo ng ilog,” paalala ni Tito
Teddy sa kanila.
Lalong natuwa ang mga bata nang malamang pupinta sila sa ilog. Iyon
po ba ang ilog na pinglalanguyan ninyo noon? Tanong nila.
“Oo, pero hindi na iyon katulad ng dati,” sagot nito ngunit bahagya na
lang siyang napakinggan dahil mabilis na tumakbo ang mga bata para
magpaalam para magbihis.”
Pagkaraan nang may sampung minutong masayang paglalakad ay
narrating na nila ang ilog. Ang masiglang pag-asam ay napalitan ng
pagtataka. “Ito po ba ang ilog? Bakit po halos wala nang tubig? Nasaan
napo ang lagaslas ng malinaw, malinis, at malamig na tubig sa ibabaw ng
malalapad at makikinis na bato?” ang sbay-sabay natanong ng mga bata.
Malungkot at may panghihinayang na nanahimik ang magpipinsan.
Hindi malaman ni Tito Teddy kung paano sasagutin ang maraming tanong
ng mga pamangkin.
“Para alam ko na ang dahilan ng pagkatuyo ng ilog,” ang mapagmasid
na si Ave ang bumasag sa katahimikan. “Tingnan n’yo ang mga
kabundukan, kalbo na. Halos wala nang puno ang nakatayo. Kung
mayroon man, ay kakaunti at maliliit na lamang. Ayon sa kwento sa atin,
iyan dati ay makapal na kagubatan.”
“Alam ko na ang ibig sabihin, kuya Ave,” ang wika ni Baldu.
“Natatandaan ko ang sinabi sa amin ng guro naming sa Agham na
magkaugnay ang ilog at ang kagubatan.”
“Paanong magkaugnay ang ilog at ang kagubatan?” tanong ni Mirang.
“Kapag makapal ang kagubatan, Marami at malinaw ang tubig ng mga
ilog.” sagot ni Baldu,

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 52

“Tama,” sang-ayon ni Ave. “Ang mga dahon at sanga ng mga puno sa
kagubatan ay parang palangganang sumasahod sa mga patak ng ulan kaya
hindi diretsong tumatama sa lupa. Dahil dito, naiiwasan ang malakas na
agos ng tubig na nagigiging sanhi ng dagliang pagbaha. Dahil sa mga puno,
ang tubig ulan ay marahang nakadadaloy pababa kung kaya’t mas
maraming tubig ang nasisipsip at naiipon sa ilalim ng lupa. Mula sa ilalim
ng lupa ang tubig naman ay lalabs sa mga sibol at aagos papunta sa mga
sapa at mg ilog. Kapag mas makapal ng gubat, mas maarami at malinaw
ng tubig sa ilog.” Paliwanag pa niya.
“Kapag nawala ang kagubatan, ang tubig-ulan ay diretso at mabilis na
umaagos dala ang lupa sa kanyang dinaraanan pababa sa mga sapa at ilog
kung kaya’t dumarami ang putiksa ilalim ng mga ito na nagiging sanhi
namanng pagbabawng tubig at mdaling pag-apaw ng mga ilog. Dahil din
sa mabilis nap ag-agos ng tubig, kaunti lang ang nasisipsip ng lupa kaya
nauubos ang deposito ng tubig sa ilalim na pinanggagalingan namanng
tubig sa mga sibol, sapa, at ilog,” dagdag pa ni Baldu.
“Ganoon pala yon. Kaya pala tuluyan nang natuyo ang ilog na ito
matapos ubusin ng mga magtotroso ang malalaking puno sa kabundukan.
Ang maliliit namang punong naiwan at inubos ng mga mag-uuling,” ang
may panghihinayang na sambit ni Tito Teddy.
“Makikita pa rin po ba naming ang mga kalaw at ang laksa-laksang
paniki?” sabay na tanong nina Baldu at Justine.
“Naku, pasensiya na kayo, mga pamangkin. Kaunti na lang ang mga
panicking makikita nyo rito at wala na rin ang mga kalaw. Dangan kasi ay
wala nang malalaking punong tiotahan nila kaya siguro lumipat na sila
roon sa mas malayo o di kaya ay nangamatay na sila,” sagot ni Tito Teddy.
“Sabi ng aming guro ay nanganganib nang maubos ang lahi ng mga
kalaw at kuwago. Isa siguro ito sa mga dahilan,” ang sabi ni Mirang.
“Hindi na rin tayo makapaliligo sa talon. Sigurado akong wala na rin
iyon, saying naman!” ang bulalas ni Mae, “Ano ang gagawin natin dito
ngayon?” tahimik na napaisip ang lahat.
“Aaa… mabuti pa ay tumuloy natayo sa taniman upang makapanguha
na tayo ng mga gulay. Tanghali na at baka hinihintay na tayo sa bahay,”
ang yaya ni Tito Teddy.
Habang nasa taniman ay pansamantalang nalibang ang magpipinsan
sa pag-aani ng sari-ring mga gulay. Marami silang nakuhang talong,
sigarilyas, sitaw, patani, kamatis at sili. Kumuha rin sila ng kalabasa at
mustasa.
“Ang galing! Kumpleto na at sariwa pa ang gulay para sa pinakbet,” ang
sabi ni Bikoy.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 53

“Sapat na siguro ang naani natin para sa ulam natin ngayong araw,
tayo nang umuwi para mailuto na ang mga ito,” ang yaya ni Tito Teddy.
Agad na sumunod ang mga bata. Ang kanilang saya ay muling napalitan
ng lungkot nang mapadaan silang muli sa tuyong ilog. May
panghihinayang nilang binalikan ang mga kwento ng kanilang mga
magulang tungkol sa lugar na ito na noon ay isang paraiso.
“May kailangan tayong gawin para maibalik ang gandan ng lugar na
ito,” ang bulalas ni Bikoy. “May panganib na dala para sa mga tao ang mga
kalbong kagubatan lalo na kung tag-ulan. Dapat itong malaman ng mga
tao rito,” dugtong pa niya.
“Ngunit paano?” tanong ni Mae, “Pakikinggan at paniniwalaan ba nila
tayo?”
Nakikinig sa usapan ng mga bata si Tito Teddy at sa naririnig niya ay
hindi niya mapigilang makaramdam ng pag-aalala. “Kakausapin ko an
gaming punong barangay. Ipararating ko sa kanya ang aking mga nalaman
mula sa inyo,” pangako niya sa mga pamangkin.
Nabuhayan ng loo bang mga bata. “Salamat po, Tito Teddy handa po
kaming tumulong sa pagpapaliwanag. Ganoon din po sa pagpaplano at
pagsasagawa ng mga proyekto para rito,” masiglang tugon ng mga bata.
Kinagabihan, pagkatapos ng hapunan may mga panauhing dumating
sa bahay nila Tito Teddy. Nakausap na pala niya ang punong barangay
kung kaya’t ipinatawag nito ang lahat ng mga kagawad upang
makipagpulong sa kanila tungkol sa pagsasaayos ng kanilang nasirang
paraiso.

1. Bakit hindi natupad ang mga inaasam ng magpipinsan sa kanilang

pag-uwi sa probinsiya?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
___________________________________________.
2. Ano ang mararamdaman mo kung ikaw ay isa sa kanila? Bakit?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________.
3. May sapat bang dahilan ang pag-aalala ni Bikoy para sa kaligtasan
ng mga naninirahan sa lugar? Paano mo ito patutunayan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 54

4. Kung ikaw ang punong barangay, paniniwalaan mo ba ang sinasabi
ng mga bata? Bakit?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
5. Bakit kailangan natin ang mga kagubatan? Ano-anong
kapakinabangan ang naibibigay ng mga tao?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Gawain 2

Panuto: Unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at pagkatapos ay

bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod ang nararamdaman ng magpipinsan nang

malaman nilang uuwi sila sa probinsiya?
a. nalulungkot c. nananabik
b. nanghihinayang d. nag-aalala

2. Paano naging paraiso sa isip ng mga bata ang lugar na sinilangan

ng kanilang mga magulang?
a. Magaganda at masasaya ang mga kuwento ng kanilang mga
magulang.
b. Magaganda ang mga larawang ipinakita ng kanilang mga
magulang.
c. Masaya ang kanilang unang bakasyon sa probinsiya.
d. Magaganda ang mga balitang naririnig nila sa radyo at
telebisyon tungkol sa lugar.

3. Alin ang isa sa mga inasam ng mga bata sa kanilang pag-uwi sa

probinsiya?
a. Makakita ng maraming paniki
b. Makalangoy sa dagat
c. Makipagpulong sa punong barangay
d. Makapagpakain ng mga hayop

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 55

4. Alin sa mga ginawa nila ang HINDI nakapagpasaya sa mga bata?
a. Pamimitas ng gulay sa taniman
b. Panonood ng magagandang tanawin sa daan
c. Pagpapakain ng mga manok
d. Pagpunta sa ilog

5. Ano ang dahilan ng pagpunta ng mga opisyal ng barangay sa bahay

ng kanilang tiyo?
a. Upang makisaya sa mga bata
b. Upang dalhan sila ng pagkain
c. Upang dumalaw sa lola nila
d. Upang makipagpulong sa mga bata

6. Ano ang unang nangyari pagkatapos makarating at

makapagpahinga ang mga bata?
a. Nagpunta sa taniman ng gulay ang mga bata.
b. Nakipagpulong sa kanila ang mga pinuno ng barangay.
c. Nagkita-kita ang magpipinsan sa bahay ng kanilang tiya.
d. Nagising sila sa ingay ng mga hayop.

7. Ano ang huling pangyayari sa kwento?

a. Nag-alala si Bikoy para sa kaligtasan ng mga taong naninirahan
sa lugar.
b. Kinausap ang mga bata ng punong barangay at iba pang
namumuno.
c. Nakita nila ang kalbong kabundukan.
d. Nanguha sila ng mga gulay.

8. Alin ang HINDI nangyari sa kwento?

a. Naligo sa talon ang mga bata.
b. Sumakay sila sa dyip.
c. Nagpakain sila ng mga manok.
d. Tumawid sila sa tuyong ilog.

9. Ano ang epekto ng pagkalbo ng kagubatan?

a. Nagkakaroon ng marami at malinaw na tubig ang mga ilog
b. Mas maraming hayop ang nabubuhay.
c. Mabilis bumaha.
d. Napipigilan ang pagguho ng lupa.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 56

10. Alin ang parehong sanhi ng pagkakalbo ng mga kagubatan?
a. Pagtotroso at pagmimina
b. Pagtatanim at pagkakaingin
c. Pangangaso at pag-uuling
d. Paghahalaman at pagmimina

Gawain 3
Alam mo ba ng ibig sabihin ng balangkas? Halika, sabay-sabay
nating alamin ang ibig sabihin nito para mas lalo mo pang maiintindihan.
Ang Balangkas ay binubuo ng mga pangunahing diwa ng talata, kuwento
o anumang seleksiyong binasa at ang mahalagang detalyeng sumusuporta
o lumilinang dito. Ang balangkas ay ang pagkasunod-sunod ng kuwento.
Ang balangkas ay maaaring isulat sa buong pangungusap na
balangkas (sentence outline)
Maaari ring isulat ang balangkas sa anyong pa-paksa sa halip na mga
pangungusap ang gamitin. Ito ay tinatawag na pa-paksang balangkas
(topic outline)
A. Isulat ang buod ng kwentong Nasirang Paraiso. Gamiting gabay ang
balangkas na ibinigay.

Tauhan:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________.

Tagpuan:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________.

Mahalagang Pangyayari:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_________________________________________________.

Tunggalian:

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 57

Wakas:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_________________________________________________.

Buod:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
______________________________________.

Mahalagang Aral na magagamit mo sa pang-araw-araw na iyong

pamumuhay:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_____.__________________________________________________________________

B. Ayusin ang larawan ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga

pangyayari sa kwento. Lagyan ng bilang 1 hanggang 5.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 58

Gawain 4
Nakapanood kana ba nang tungkol sa kuwentong batang suwail?
Alam mo ba ang larong Kara y Krus? Ang kara y krus (mula sa Espanyol
na cara y cruz, literal na “mukha at krus”) ay isang laro ng paghula kung
ano ang mukhang lilitaw pagbagsak ng hinagis na barya. Tunghayan natin
ang totoong kuwento tungkol sa buhay ni Juan. Sabay-sabay nating
basahin at intindihin.

Nasayang na Panahon
Isinulat nina: Jean N. Cristobal at Arnel T. Ariola

Isinilang si Juan sa isang malaking pamilya. Siya ang pang-anim na

anak sa walong magkakapatid. Ang kanyang mga ama ay isang magsasaka
at ang kanyang ina ang tagapagbantay sa maliit nilang tindahan. Matapang
at istrikto ang kanilang ama samantalang ang kanilang ina naman ay
kunsintidor kung minsan.
Isang araw si Juan ay papasok sa paaralan at nadaanan ang mga
batang naglalaro ng kara y kruz. Naingganyo si Juan at kanyang itinaya
ang kanyang baon sa sugal at sa kasawiang palad ay natalo siya.
Malungkot na pumasok sa eskwela si Juan dahil sa ang pambili niya ng
meryenda ay wala na.
Sumunod na araw ay muli niyang itinaya ang kanyang baon sa laro
at muli siya ay natalo. Sa bawat araw na lumilipas ay lalong nalululong si
Juan sa maling laro na siyang nag-udyok sa kanya na mangupit ng pera
sa kanilang tindahan.
Sa tuwing siya ay nahuhuli ng kanyang ina ay pinagsasabihan siya
nito at pinagtatakpan niya ito sa kanyang ama upang si Juan ay hindi
maparusahan.
Lumipas ang mga araw at nagbibinata na si Juan dahil sa
pagkalulong sa sugal ay hindi niya namalayang hindi na rin pala siya
makakatapos sa pag-aaral. Ang hindi alam ng kanyang ama na si Juan ay
hindi na pala pumapasok sa paaralan.
Sa umaga si Juan ay gumagayak papasok sa paaralan ngunit hindi
pala siya nakakarating dito. Lubos na nagtaka ang kanyang ina dahil halos
hindi niya nakikita si Juan na gumagawa ng kanyang mga aralin.
Dumating ang araw ng pagtatapos at inaasahan ng kanyang mga
magulang na si Juan ay makaakyat sa entablado upang tanggapin ang
kanyang sertipiko ngunit laking gulat nila dahil pangalan ni Juan ay hindi
nakasulat dito. Sa sobrang galit ng kanyang ama ay hinampas si Juan ng
sinturon nito hanggang sa mga latay ay nagmarka sa likod at mga hita
niya. Sa sobrang sakit ay hindi nakatayo si Juan at maraming araw na siya

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 59

ay naupo na lamang sa harap ng kanilang tahanan at tinitingnan ang mga
dati niyang kamag-aral na naghahanda sa susunod na pasukan ngunit sa
mataas ng paaralan.
Magsisi man si Juan ay huli na dahil siya ay naiwan na nang
kanyang mga kamag-aral sa mababang paaralan. At sabi niya sa kanyang
sarili kung nakinig lamangg sana ako sa pangaral nang nanay ko ay hindi
sana manggyayari ang mga bagay na ito sa buhay ko.

Panuto:
A. Balangkasin ang kwento batay sa:

Tauhan:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Tagpuan:
________________________________________________________________________

Mga Mahahalagang Pangyayari:

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 60

B. Bilang isang mabuting anak, paano mo maipakikita o maipadarama
ang iyong pagmamahal sa iyong mga magulang?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Gawain 5
Naparakaraming magagandang tanawin ang makikita at
mapupuntahan dito sa ating bansa isa na rito ang kamangha manghang
‘Summer Capital of the Philippines” ang Baguio City, maraming mga turista
ang pumupunta rito lalo na kapag bakasyon dahil sa klima nito at sariwang
hangin na naibibigay, kasama na rito ang magagandang pasyalan sa
lungsod tulad ng Botanical Garden, The Mansion, Mines View, Strawberry
farm, at marami pang iba. Ikaw, saang lugar kana nakapaglakbay dito sa
ating bansa? Sa pamamagitan nang sarili mong karanasan sumulat ng
Papaksang Balangkas.

A. Gumawa ng balangkas tungkol sa iyong sariling paglalakbay. Hatiin

ang iyong Gawain sa tatlong pangunahing paksa.

I. Mga Gawain bago maglakbay

II. Mga Gawain habang naglalakbay
III. Mga Gawain pagkatapos ng paglalakbay

Itala ang mga detalye ng mga pangunahing Gawain. Gumamit ng

mga titik sa mga ito ayon sa pagkakasunod-sunod maging maingat sa
paggamit ng maliit at malaking titik sa paggawa ng balangkas. Isulat nang
maayos ang iyong balangkas sa loob ng kahon.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 61

Panuto: Ang gawaing ito ay susukatin sa pamamagitan ng pamantayan
sa ibaba.

Pamantayan Puntos Nakuhang

Puntos
Nakapanghihikayat Nakapanghihikayat at 5
sa mga maliwanag na nailahat ang
tao/mensahe sariling karanasan
Batayang Nakapagbibigay ng mga 5
Impormasyon impormasyon para sa mga
taong mambabasa
Organisasyon Naisusulat nang may maayos 5
na daloy ng kaisipan at
pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangungusap

Kabuoang 15
Puntos

5- Napakahusay 2- Di-gaanong mahusay

4- Mahusay 1- Sadyang di- mahusay
3- Katamtaman

--Hango sa Pinagyamang Pluma 6, Phoenix Publishing

House Inc.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 62

B. Basahing mabuti ang sanaysay at gumawa ka ng papaksang
balangkas o balngkas sa anyong pangungusap.

Tinig ng kabataang Pilipino

Ang mga kabataan ay may pangarap sa buhay. Nais nilang

ipakita ang tapat na pagmamahal sa bayan. Nais ng mga kabataang
na ang pagpapatupad ng mga batas ng bansa ay mamamayang
nagpapanatili ng katahimikan. Laging sinisiguro ang kapayapaan.
Nais nila ang mga tapat na pinuno at mamamayang nagmamahal sa
Diyos.

Pangarap ng mga kabataan ang pagkakaroon ng ligtas na

kapaligiran. Kapaligirang may sariwang hangin, malinis na tubigan
at matabang lupa. Isang magandang kapaligirang walang polusyon.
Idagdag pa rito ang isan tahimik at maunlad na pamayanan.

Hangad rin ng mga kabataan na magkaroon ng tunay na

edukasyon. Gabay nila ang edukasyon para sa kanilang
kinabukasan. Ang kaalamang natamo sa mga kursong kanilang pinili
ay tulong sa kanila na makakakuha ng trabaho angkop sa tinapos ng
kurso. Karamihan sa kanila ngayon ay nasa kursong panteknolohiya.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_____________.

Pangwakas

Mahusay nagawa mo nang maayos ang ating mga gawain

tungkol sa mga balangkas. Magaling! Magaling! ang paggawa ng
balangkas ay nakatutulong ito sa pang-araw-araw nating
pamumuhay.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 63

Mga Sanggunian
Pinagyamang Pluma 6 Bagong Edition (2017), Phoenix Publishing House
Inc., Phoenix Building 927, Quezon Avenue, Lungsod ng Quezon City.
google.com//internet

Susi sa Pagwawasto
Gawain 2
1. C 6. C
2. A 7. B
3. A 8. A
4. D 9. C
5. D 10. A

Gawain 3 letrang B
4 1
3
2 5
Gawain 4 letrang A
1. Nasayang na Panahon
2. Maaaring hatiin sa tatlong paksa.
3. a. Ang mga kapamilya ni Juan.
b. Ang katangian ng ama at ina ni Juan.
c. Ang antas ng buhay nila Juan.
4. a. Ang pag-uugali ni Juan.
b. Ang pag-aaral ni Juan.
c. Ang pagkalulong ni Juan sa sugal.
5. a. Ang sinapit ni Juan dahil sa kanyang nakasanayan.
b. Ang sinapit ng pisikal na katawan ni Juan.
c. Ang naglahong pangarap ni Juan bunga ng kanyang maling gawa.

ARNEL T. ARIOLA
JEAN N. CRISTOBAL
_____________________________
Mga May-Akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 64

FILIPINO 6
Pangalan: ______________________________ Baitang: ____________________
Petsa: _______________________________ Iskor: ______________________

GAWAING PAGKATUTO
Paghihinuha sa Kalalabasan ng Pangyayari

Panimula

Ang Paghihinuha (inferring) ay prediksyon sa mangyayari gamit ang

mga impormasyon at mga pangyayari. Ito ay mga himaton (clues) o tanda,
bakas, palatandaan.

Ang pagbibigay ng hinuha o palagay ay isang kasanayang

nakapagpapatalas ng pandama at pagtingin sa maaring maganap o
mangyari. Ito ay maaring hindi magkatotoo dahil palagay lamang.

Magagawa lamang ng mambabasa kung tunay na nauunawaan niya

ang kanyang binabasang artikulo o seleksyon.

Sa bawat seleksyon, nagbibigay ng mga pahiwatig ang manunulat na

hindi tuwirang sinasabi o ipinahahayag sa halip ay ibinibigay na
implikasyon.

Kung ang bawat pahiwatig at implikasyong ibinigay ay uunawaing

mabuti, at buhat dito ay makakayanang bumuo ng isang makabuluhang
hinuha, ganap ang naging pag-unawa niya sa nabasa.

Sa hinuhang ito, makabubuo ng prediksyon o paghuhula.

Kadalasan, nagaganap ang paghuhula kung ang naging wakas ng akdang
binabasa ay nakabitin.

Hinuhulaan ng mambabasa kung ano ang mangyayari o posibleng

nangyari sa akda sa pamamagitan ng mga pahiwatig at implikasyong
ginamit sa paghihinuha.

Hindi makagagawa ng paghihinuha at paghuhula ang mambabasa

kung hindi ganap ang naging pag-unawa niya sa binasang akda.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 65

Sa makatuwid tatak ng pagkaunawa sa bumabasa ang kakayahang
gumawa ng paghihinuha (inferring) at paghuhula (predicting) sa hinihingi
ng binabasang akda.

Nagbibigay ng pahiwatig ang manunulat sa teksto. Ito ay di niya

direktang ipinahahayag bagama't may mga implayd na kahulugan sa
pagitan ng mga salita, pangungusap at talataan. Hindi ito dinidisklos ng
manunulat at hinahayaang ang mambabasa ang kusang makadiskubre
hanggang sa tuluyang makapaghinuha o makapanghula sa kalalabasan ng
pangyayari.

HALIMBAWA NG PAGHIHINUHA AY:

- baka - wari - marahil - posible
- tila - siguro - maari

Halimbawa sa Pangungusap:

- Marahil totoo ang kanyang sinasabi.

- Si Maria ay tila maglalaba mamaya.
- Siguro may bagyong darating dahil makulimlim.

May mga artikulo, salaysay, mensahe, kwento at iba pang kaugnay

na uri na bitin at sa palagay ng mambabasa ay hindi "buo" o "ganap" ang
pagkakasulat, kaya hinuhulaan ang maaaring kalabasan. Sa ganitong
paraan ay nakapagpapalawak, nakapag-iisip ang mambabasa at
nakapagsasanay sa pagbibigay ng kongklusyon sa pangyayari.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari bago,

habang at matapos ang pagbasa.

Koda: F6PN-Id-e-12 at F6PB-IIIf-24

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 66

Panuto:

Basahin, suriin, at unawain ang mga naihandang mga Gawain na lilinang

sa iyong kaalaman sa paghihinuha sa kalalabasan ng pangyayari sa
kuwento o alamat na napakinggan/nabasa.

Pamaraan
Gawain 1
Masdan ang nasa larawan. Ibigay ang hinuha o palagay sa bawat larawan.

1.

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 67

3.

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4.

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 68

Gawain 2
Ibigay ang iyong hinuha tungkol sa kalalabasan ng mga sumusunod
na pangyayari o sitwasyon.

1. Mahusay at masipag gumuhit ng larawan si Jekjek. Ito ang

kanyang maipagmamalaking talento.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Matalinong mag-aaral si Travis ngunit madalas itong lumiban sa
klase.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Mahirap lamang ang pamumuhay nina Joana ngunit nakatapos
siya ng pag-aaral sa kolehyo.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
4. Ideneklara na ang Enhanced Community Quarantine sa lugar nina
Jayjay.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
5. Laging pinapaalalahanan si Ben ng kanyang nanay na huwag
lalabas ng bahay at laging sundin ang tamang paghuhugas ng mga
kamay.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Gawain 3

Basahin at unawain ang kuwento. Sagutin ang mga tanong.

ANG KUWENTO NI MANG CARLOS

Nalungkot si mang Carlos sa nakita niya sa kanyang tatlong anak.

Wari’y hindi nagkakasundo ang mga ito. Madalas silang magkairingan.
Kahit simpleng bagay ay pinagtatalunan pa ng tatlo.

Katulong ng kanilang ama ang tatlong anak na lalaki sa bukid na

kanilang pinagkukunan ng hanapbuhay. Kaya’t labis niyang ikinalungkot
ng makita ang tatlo na nagtatalo tungkol sa kanilang mga trabaho.

Pagkatapos ng kanilang hapunan, tinawag ng ama ang kanyang mga

anak at nagsimulang magkuwento. Ikinuwento ni mang Carlos ang tungkol

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 69

sa isang lalaki na tagapangalaga ng isang hardin. Masipag at magaling
mag-alaga ng mga pananim si Aga. Labis niyang ikinatutuwa kung nakikita
niyang malago ang kanyang hardin.

Isang araw, nalungkot si Aga nang makita niyang nalalanta at unti-

unting namamatay ang kanyang mga tanim. “Bakit nagkakaganito ang mga
ito?” ang bulong niya sa sarili. Lingid sa kaalalaman niya na nag-uusap
pala ang kanyang mga kagamitan. Nagpapayabangan sila pala, asarol,
lagadera, at iba pa kung sino ang mas may pakinabang sa kanila. Walang
gustong magpatalo.

Sa kabilang banda, habang pinagmamasdan ni Aga ang kanyang

hardin ay pinag-isipan niya kung ano kaya dapat niyang gawin. Hindi
nagtagal, dali dali niyang kinuha ang kanyang kagamitan sa paghahardin.
Isa-isa niya itong ginamit hanggang sa matapos ang kanyang trabaho. Unti
– unti’y nagsimula nang lumago ulit ang kanyang mga tanim. Doon naisip
nina pala, asarol, lagadera at iba pa na lahat sila ay may pakinabang. Lahat
sila ay pantay-pantay at may iisang layunin. Ang tulungan si Aga.

Nadala ang damdamin ng tatlong magkakapatid. Ngayon ay

nauunawaan na nila ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtututlungan.
Simula noon ay hindi na nagbangayan ang magkakapatid. Tinutulungan
na rin nila ngayon ang isa’t isa.

Sagutin
1. Ano sa palagay mo ang gagawin ng magkakapatid sa bukid
kinabukasan?
2. Totoo nga kayang nag-uusap ang mga gamit ni Aga?
3. Paanoipinakita ni Mang Carlos ang kanyang pagmamahal sa mga anak?
4. Ilahad ang mga pangyayaring nagpapakita ng pagmamahal ng isang
anak sa ama.
5. Bakit kailangang lumikha si Mang Carlos ng isang kuwento para sa mga
anak?

Gawain 4
Basahin ang alamat at sagutin ang mga tanong pagkatapos.

ANG ALAMAT NG UNANG MATSING

Maraming taon na ang nakaraan, may isang munting baranggay sa

paanan ng isang bundok. Isang maliit na kubo ang nakatayo sa itaas ng
baranggay, sa tagiliran mismo ng bundok na balot ng makapal na gubat.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 70

Doon nakatira ang isang matandang babae at ang kanyang apo, isang
binatilyo.

Masipag ang lola. Hanap-buhay niya ang himayin ang mga buto
mula sa bulak at gawing sinulid ang bulak. Laging may buslo ng bulak sa
tabi ang lola, at isang mahabang patpat na kidkiran (huso, spindle) ng
sinulid. Samang-palad, tamad ang binatilyong apo, ayaw tumulong sa lola
at, araw-araw, bumababa sa baranggay upang makipag-barkada at
magsugal.
Isang araw, umuwing mainit ang ulo ng binatilyong apo dahil natalo
sa sugal. Nagsisigaw siya nang makitang wala pang hapunan. “Maghintay
ka nang kaunti,” sagot ng lola habang abalang nagta-trabaho, “at
minamadali kong himayin itong bulak. Pagkatapos kong ipagbili ito, bibili
ako ng pagkain natin.”

Lalong nagalit ang binatilyong apo. Pumulot siya ng mga bao ng

niyog, gamit na panggatong sa apoy, at hinagis sa lola. Nasaktan, nagalit
din ang lola at gumanti. Hinampas niya ng hinampas ng kidkiran ang
binatilyong apo.

Kagila-gilalas! Biglang nagbago ang anyo ng apo - isang pangit na

hayop na balot ng bulak na naging balahibo, at kumabit ang kidkiran sa
kanyang tumbong at naging buntot. Nang matuklasan ng binatilyong apo
na siya ay isang pangit na hayop na, kumarimot siya patakas sa baranggay.
Hinanap niya lahat ng kabarkada niya sa sugal at sinisi sa nangyari sa
kanya. Pinaghahataw niya ng kanyang buntot at isa-isang nagbago rin ang
mga ito at naging hayop tulad niya - ang tinatawag ngayong matsing o
tsonggo (mono, monkey).

Nang makita ng mga taga-baranggay ang mga pangit, maingay at

magulong mga hayop, itinaboy nila ang mga ito at hindi na pinayagang
pumasok uli sa baranggay.

Tanong:

1. Bakit kaya nagbago ang pag -uugali ng kanyang apo?

2. Ano kaya ang kahihinatnan ng pag-aaway ng lola at ng kanyang apo?
3. Babalik pa kaya sa dating anyo ang mga magbabarkadang naging
matsing? Ano sa palagay mo ang mangyayari kung babalik sila sa
dating anyo?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 71

Gawain 5
Panuto: Narito ang isang alamat. Basahin at intindihing mabuti ito.

Alamat ng Gagamba

By wikakids

Noong unang panahon, may isang mag-asawa na biniyayaan ng

isang magandang anak na babae. Ang kanilang anak ay tinawag nilang
Amba.
Ang mag-asawa ay may hanapbuhay na paghahabi ng mga tela.
Parehas na galing sa angkan ng mga mahuhusay humabi ang mag-asawa.
Kaya’t tama lamang na ito rin ay kanyang ipapamana sa nag-iisang anak.
Habang maliit pa ang bata ay itinuro na ng mag-asawa kung paano
ang humabi. At habang lumalaki na nga ang bata ay unti-unti itong naging
bihasa sa paghahabi ng mga tela. Maging ang mga mahihirap na disenyo
ay kaya ng gawin ng bata sa murang edad. Nahigitan na nito ang
kakayanan ng kanyang ama at ina.
Dahil sa kanyang natatanging kakayanan, naging tanyag ang bata
sa iba’t ibang lupalop. Marami ang dumarayo hindi lamang para bumili ng
mga disenyo kundi upang makita rin ang paggawa ng bata. Naging
mayaman din ang mag-anak dahil sa mga bentang tela na ginagawa ng
bata.
Ngunit ang bata ay naging mayabang. Dahil sa alam nito na magaling
siya sa kanyang kakayanang paghahabi hinamon nito ang sino man na
magkipagtagisan sa kanya. Maraming mga mahuhusay na maghahabi ang
tumaggap sa hamon ng batang si Amba. Gusto rin nilang patunayan kung
siya nga ay magaling tulad ng napabalita.
Nagtagisan ng galing ang mga maghahabi. Napakahusay nga ang
bata. Lahat ng magagaling na maghahabi ay napakahanga sa kakayanan
ni Amba. Nilaos sila ng bata at dahil dito, mas lalong yumabang ang bata.
Aniya, wala nang makakatalo sa kanyang kakayanan. Maging ang
mga diyosa ay kanyang hinamak na wala na ngang makahihigit pa sa
galing niya. Narinig ng mga diyosa ang kayabangan ng bata. Hindi na sila
nasisiyahan sa nagiging asal ng bata.
Isang araw, isang matanda ang nagpunta sa bahay ng bata at
hinamon niya ito. Natawa ang bata ngunit pumayag din ito. Mukha
namang pangkaraniwan lang ang matanda at baka nga hindi pa nito alam
kung paano humabi. Sigurado na siyang walang panalo sa kanya ang
matanda.
Nag-umpisa ang paligsahan. Maraming tao ang dumalo upang
manood kung mananalo ang matanda sa batang si Amba. Naging
napakaganda ng telang hinabi ng matanda. Maging si Amba ay natulala sa

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 72

mahirap na disenyong nagawa ng matanda. Ang pasya nang pagkapanalo
ay sa tela ng matanda.
Nagngingit-ngit ang bata. Paano daw siya natalo ng isang matanda
na mahina na ang mata at uugod-ugod pa. Pinagalitan niya ang matanda
at tinulak-tulak ito. Igigiit nito na ang matanda ay nandaya at baka ipinalit
lamang ang isang nagawa nang tela sa ginagawa nito. Baka nga si Amba
pa gumawa ng tela aniya.
Tangka na niyang pagbuhatan ng kamay ang matanda nang biglang
lumiwag ang damit ng matanda at nagbago ang kanyang anyo. Iyon pala
ay isang diyosa na nagpapanggap lamang.

Hindi na maganda ang asal ng bata ayon sa diyosa. Naging

masyadong mayabang ang bata at nararapat daw itong parusahan.
Nagbago ang anyo ng bata. Lumiit ito at nagkaroon ng mga mahahabang
paa. Umiiyak ang kanyang mga magulang ngunit alam nilang wala na
silang magawa para sa bata.
Simula noon ang batang si Amba ay naging unang gagamba. Sa
ngayon, makikita pa rin ang kahusayan ng mga gagamba sa paghahabi ng
kanilang mga bahay.

Tanong:
1. Kung ikaw si Amba, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? Bakit?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Kung ikaw ang may-akda, ano sa palagay mo ang dapat baguhin sa
alamat? Bakit?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Sa iyong hinuha, kung naging mapagkumbaba ba si Amba ay hindi niya
inabot ang ganoong kahihinatnan? Bakit?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Pangwakas
Binabati kita. Naisagawa mo ng mahusay ang layunin ng gawaing
ito. Tandaan mo na ang kasanayan sa paghihinuha ay mahalaga sa
pagbasa ng isang teksto, kuwento at alamat. Kapag nauunawaan ang
nilalaman nito ay lubos ding mauunawaan ang mga detalye, at madaling
makapagbibigay ng sariling hinuha at hula ang mambabasa tungkol sa
binasa batay sa kung paano ito nauunawaan. Halimbawa, sa isang
maikling kuwento o alamat, maaaring makapagbigay ng kalalabasan ng
pangyayari kahit hindi pa ito natatapos basahin.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 73

SANGGUNIAN
• Bagong Likha (Wika at Pagbasa 4); RAFLORES ESTER V.
• Diwang Dayuhan 5; Vico Lorelie L.

WEBSITE
• https://buklat.blogspot.com/2017/11/ang-alamat-ng-unang-
matsing.html
• https://www.wikakids.com/filipino/alamat/alamat-ng-gagamba/
• https://philnews.ph/2019/07/25/ano-ang-maikling-kwento-
kahulugan-mga-halimbawa/
• https://buklat.blogspot.com/p/mga-alamat.html

Susi sa Pagwawasto
(Iba iba ang maaaring sagot ng bata)
Gamitin ang rubrics sa pagpupuntos sa bawat gawain

RUBRIC SA PAGSUSURI
Pamantayan Pagpupuntos Ibinigay na Komento
puntos
Nauunawaan ang Lubos na sumasang-
kabuuang konsepto ng ayon: 3
larawan/sitwasyon/ku Sumasang-ayon: 2
wento/alamat Bahagyang sumasang-
ayon: 1
Hindi sumasang-ayon: 0
Malinaw na Lubos na sumasang-
naipaliliwanag ang ayon: 3
bawat punto sa Sumasang-ayon: 2
ginawang pagsusuri sa Bahagyang sumasang-
larawan/sitwasyon/ku ayon: 1
wento/alamat Hindi sumasang
Maayos at angkop ang Lubos na sumasang-
mga ginamit na salita. ayon: 3
Tiyak ang paggamit sa Sumasang-ayon: 2
gramatika at bantas. Bahagyang sumasang-
ayon: 1
Hindi sumasang

ANGELICA D. CABAROBIAS
May Akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 74

FILIPINO 6
Pangalan: ____________________________________________Lebel: ____________
Seksiyon: ___________________________________________Petsa: _____________

GAWAING PAGKATUTO

Panimula

Kayo ba ay gumagamit ng magagalang na pananalita sa mga

nakakatanda sa inyo? Sa anong sitwasyon ninyo nagagamit ang
magagalang na salita? Dapat ba nating gamitin ito sa lahat ng
pagkakataon?
Sa kasalukuyan nating henerasyon, ang paggamit ng magagalang na
pananalita ay nakakaligtaan na. Sinasabing marami sa mga kabataan ang
hindi mo na maririnig na gumagamit ng mga magagalang na salita. Ang
magagalang na pananalita ay nararapat gamitin sa pagbati,
pakikipagkilala, paghingi ng pahintulot at pagtatanong ng direksiyon.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t ibang sitwasyon

➢ sa pagpapahayag ng saloobin/damdamin. (F6PS-Id-12.22)
➢ pagbabahagi ng obserbasyon sa paligid. (F6PS-IIc-12.13)
➢ pagpapahayag ng ideya. (F6PS-IIIf-12.19)
➢ pagsali sa isang usapan. (F6PS-IVc15)
➢ pagbibigay ng reaksiyon. (F6PS-IVh-12.19)

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 75

Panuto
Basahin, suriin at unawain ang inihandang mga Gawain.Nalilinang sa
iyong kaalaman sa paggamit ng mgagagalang na pananalita sa iba’t ibang
sitwasyon.

Pamamaraan
Gawain 1
Bumuo/buuin ang mga pangungusap batay sa isinasaad na
sitwasiyon. Gamitan ng magagalang na salita.

1. Magbigay ng limang pangungusap kung paano ka makatutulong sa

mga nangangailangan sa panahon ng krisis?
a. _______________________________________________________________
b. _______________________________________________________________
c. _______________________________________________________________
d. _______________________________________________________________
e. _______________________________________________________________

2. Maraming organisasyon ang tumulong upang

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
____________________________________________

3. Kailangang manatili ang bawat pamilya sa kani-kanilang mga

tahanan upang
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
___________________________________________

4. Ang pag-aaral sa new normal ay

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 76

5. Isang napalaking hamon para sa akin ang
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
________________________________

Gawain 2
A. Suriing mabuti ang mga larawan. Gamit ang semantic web sa ibaba
isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang larawan.
Gamit ang magagandang salita, bumuo ng tig-iisang pangungusap
sa kanilang pagkakatulad.

LARAWAN A LARAWAN B

Pagkakaiba Pagakakaiba

Pagkakatulad

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 77

B. Gamitin ang larawang nasa ibaba.Bumuo ng limang pangungusap na
gumagamit ng mga magagalang na pananalita sa iba’t ibang sitwasyon.

1._____________________________________________________________________________
2._____________________________________________________________________________
3._____________________________________________________________________________
4. ____________________________________________________________________________
5._____________________________________________________________________________

Gawain 3
Basahin at unawain ang tula. Sagutan ang mga katanungan sa ibaba.

Manalig Tayo
Taong 2020, ang daming pagsubok Magbalik loob na tayo sa Kanya
Mga kalamidad nagkasunod sunod Wika nga sa mahiwagang libro
COVID 19 Saan ka nanggaling? Madami pang magaganap na hindi
Wala ka man lang pasabi bigla ka biro,
nalang dumating. At ang lahat ng iyan ay nagaganap na.

Buong mundo’y iyong dinamay Ngayon ko lang nakita mga tao ay

Libu-libo ang namamatay nangamba,
Isa kang salot na di namamalayan Naging matulungin, mapagmalasakit
Pag kumapit sa tao, swerte kung sa kapwa.
makayanan Maging presidente halos mawalan ng
pag-asa,
Dapat nang matapos ang pagsikat Kung hanggang kailan salot ay
Sa buong mundo ikaw ay mawala.
namamayagpag
Daig mo pa mga artistang sikat Ngunit sa Panginoon ay walang
Kahit di umarte, pangalan mo’y imposible
kumakalat.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 78

Ito’y pagsubok Kahit madaming buhay na ang
Na bigay ng Diyos nadadale.
Sapagkat mga tao’y nakakalimot Lumapit tayo sa kanya at humingi ng
Kaya siguro dumating ang salot. awa,
Payo ko sa inyo’y huwag padalos-dalos. Isang kumpas lang ng kamay Niya
Covid19 ay mawawala!

1. Sa tulang binasa, anong talata ang nakaantig ng iyong

damdamin?Bakit?______________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Bakit inihalintulad ng sumulat sa tula ang COVID 19 sa mga artista?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3.Sa iyong palagay, ano ang gustong ipahiwatig ng sumulat sa tula?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4.Paano inilarawan ang mga tao sa panahon ng pandemya?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5. Anong aral ang natutuhan mo sa tula? Paano mo ito isasabuhay?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Gawain 4
Basahin at intindihin ang usapan. Pagkatapos, sagutan ang mga
katanungan sa ibaba.
Elma: Magandang umaga Karina.
Karina: Magandang umaga din Ate.
Elma: Bakit ka nakasilip diyan sa bintana?
Karina: Nagpapaalam po kasi ako kay nanay na lumabas, pero hindi siya
pumayag. Dahil kahit sumilip daw ako sa labas, wala akong makikitang
mga bata.
Elma: Alam mo ba ang dahilan kung bakit ayaw ni nanay na lumabas
ka?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 79

Karina: Ang sabi lang po ni Nanay dahil sa kumakalat na virus, yung
COVID 19 daw Ate.
Elma: Tama si Nanay, Karina.Hindi basta-basta ang virus nayan. Madami
na ang nagbuwis ng buhay dahil nahawa sila. Kaya napakadelikado sa
ating lahat na lumabas.Lalo na sa katulad mong bata.
Karina: Nakakatakot naman ate. Kaya po ba halos lahat ng nasa labas ay
nakasuot ng face mask?
Elma: Iyan ang katotohanan Karina.Isa iyong pamamaraan upang
maiwasang mahawa sa virus na iyan.
Karina: At ang palagiang paghuhugas ng kamay ay dapat din nating
isagawa.
Elma: Magaling! At huwag din nating kalimutang isagawa ang tinatawag
na social distancing.
Karina: Ano po ang ibig sabihin ng social distancing?
Elma: Ang social distancing ay ang isang metrong pagitan ng isang tao sa
isa pang tao.
Karina: Ahh iyon pala ang ibig sabihin ng social distancing Ate.
Elma: Tama! Ipinagbabawal din ang mass gathering ngayong panahon ng
epidemya.
Karina: Mass gathering? Ano po iyon?
Elma: Ang mass gathering ay paghahalubilo ng maraming tao sa isang
lugar lamang tulad ng kaarawan, kasalan, reunion, pamamsyal sa mall at
iba pa.
Karina: Bawal po ang mass gathering dahil hindi po nagkakaroon ng
social distancing tama po ba ate?
Elma: Tama!
Karina: Ngayon ay nauunawaan ko ng mabuti kung bakit ayaw ni nanay
na palabasin ako. Maraming salamat po ate. Marami po akong natutunan
sa iyo.
Elma: Walang anuman Karina.Magtanong ka lang kung may mga hindi
ka pa naiintindihan.
Karina: Opo ate.

Mga Tanong:
1. Ilahad ang mga diyalogo na nagpapakita ng paggalang.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 80

2. Kakikitaan mo ba ng paggalang ang nakababatang kapatid sa
kanyang Ate? Patunayan.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Ang pagsunod bas a lahat ng utos ng magulang ay nagpapakita ng
paggalang?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

4. Ano ang mga magagalang na pananalita ang ginamit sa usapan?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Gawain 5
Ang Epekto ng COVID 19 sa Bansa
“My God”, yan ang matunog na salita ng mga tao kapag maririnig
ang corona virus o covid 19. Ano ba ito? Ito ay isang epidemya ng
nakakahawang sakit na kumakalat sa pamamagitan ng mga populasyon
sa isang malawak na rehiyon.
Malaking pagbabago ang naganap sa buong bansa, at sa iba pang
mga bansa dahil sa corona virus. Ang epekto ng corona virus ay hindi
nagtatapos sa mga pasyenteng napupunta sa mga hospital, ito ay makikita
rin sa kabuhayan ng mga Pilipino. Milyon-milyong Pilipino ang nawalan ng
trabaho dahil sa COVID 19 at maaari pang tumaas depende sa kung gaano
kalakas pang epekto ng sinasabing pandemya sa ekonomiya ng
Pilipinas.Marami sa ating kababayan ang wala nang mapagkukunan ng
kanilang ikabubuhay. Maging mga kabataan ay nangangambang hindi
makapagtapos ng naaayon sa tamang taon dahil sa COVID 19.

Bumubo ng isang tula ng kakikitaan ng pagmamahal at paggalang sa

kapawa sa panahon ng pandemya. Ang tula ay bubuuin ng dalawang
saknong na may tig-aapat na taludtod. Bigyan ng pamagat.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 81

_________________________________________

Rubriks sa Pagpupuntos
Pamantayan at Iskor
75-84 85-90 91-95 96-100
Hindi maayos May lohikal na Maayos ang Mahusay na
ang mga organisasyon organisasyon pagkasunod-sunod
organisasyon ngunit hindi pagkakabuo ng ng mga ideya at
ng mga ideya. masyadong mga ideya. naaayon sa mga
mabisa ang tanong.
ideya.

Pagwawakas
Binabati kita, naisagawa mo ng mahusay ang layunin ng gawaing
ito. Tandaan na hindi lamang sa pananalita naipakikita ang paggalang
kundi sa kilos at gawa. Kumilos ng magalang kung nakikipag-usap sa
mga nakatatanda.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 82

Mga Sanggunian
Curriculum Guide Filipino 6

Susi sa Pagwawasto

Gawaing 1: *walang eksaktong sagot.

Gawain 2:

A. : *walang eksaktong sagot.

B. : *walang eksaktong sagot
Gawain 3: *walang eksaktong sagot
Gawain 4:
1. Ang mga tauhan sa usapan ay sina Elma at Karina
2. Ang usapan ng magkapatid ay tungkol sa COVID 19.
3. Ayaw ng nanay na lumabas si Karina dahil delikado dahil sa kumakalat na virus
4. Ang mga mahahalagang paraan upang maiwasan ang COVID !9 ay ang palagiang
paghuhugas ng kamay, pagsasagawa ng social distancing at ang pagsusuot ng
face mask lalong-lalo na kapag lumalabas sa bahay.
5. Oo, gagawin ko din para makaiwas sa sakit.
Gawain 5:
➢ Gagamitin ang rubrik sa pagpupuntos

MARK JOSEPH G. DULNUAN

LILIA M. MARAMAG
__________________________________________
May Akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 83

Filipino 6
Pangalan: _________________________________ Lebel: ___________
Seksiyon: __________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Paggamit ng mga Panghalip Panao, Paari, Pananong, Pamatlig,
Panaklaw
sa Pakikipag-usap sa Iba’t Ibang Sitwasyon

Panimula
Ang gawaing ito ay inihanda upang magamit ang panghalip at ang
mga uri nito sa iba’t ibang sitwasyon. Ang Panghalip ay bahagi ng
pananalitang ipinapalit sa mga pangngalan. Ginagamit ito upang
maiwasan ang paulit-ulit na paggamit ng pangngalan sa isang salaysay.
Ang mga Uri ng Panghalip ay ang mga sumusunod:
Panghalip Panao – ito ay ipinapalit o inihahalili sa ngalan ng tao
gaya ng ako, akin, ko, ikaw, ka, iyo, mo, siya, niya, kaniya, kita, tayo,
kami, natin, namin, atin, amin, kayo, ninyo, sila, nila, kanila at iba pa.
Panghalip Paari – ito ay inihahalili sa taong nagmamay-ari ng
bagay o lugar. Maari itong gamitin sa unahan o hulihan ng pangngalan o
salitang inaari. Ilan sa mga halimbawa nito ay akin, iyo, mo, nila at
namin.
Panghalip na pananong - ito ay ginagamit sa pagtatanong tulad
ng ano, sino, saan, alin, kanino at ilan. Gumagamit din tayo ng mga
salitang pananong na bakit at paano at iba pa.
Panghalip na Pamatlig – ito ay ginagamit sa pagtuturo ng
pangngalan tulad ng ito, nito, dito, rito, iyan, niyan, diyan, iyon, noon,
doon, heto, hayan, hayun, ganito, ganyan, at ganoon.
Panghalip Panaklaw – ito ay sumasaklaw na kaisahan, bilang,
dami o kalahatan katulad ng balana, tanan, madla, lahat, anuman at
kailanman at iba pa.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nagagamit nang wasto ang panghalip na panao, paari, pananong,
pamatlig, panaklaw sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.

Koda: F6WG-Ia-d-2

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 84

Panuto
Basahin, suriin at unawain ang mga naihandang mga Gawain na lilinang
sa iyong kaalaman sa paggamit ng mga uri ng panghalip na natutuhan sa
araling ito sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.

Gawain 1
Bilugan ang angkop na panghalip sa pangungusap.
1. (Sino, Alin, Ano) ang madaling kapitan ng virus?
2. (Siya, Tayo, Kami) ay dapat sumunod sa batas na itinakda ng
pamahalaan upang manatili tayong ligtas sa banta ng COVID-19.
3, Ang tamang paghuhugas ng kamay ay makapagliligtas sa (anuman,
balana, bayan).
4-5. Hindi (gaano, ganito, ganyan) dadami ang magkakasakit kung (lahat,
bawat, madla) ay susunod sa pamantayang pangkalusugan ng
pamahalaan.
6-7. (Ating, Nating, Ninyong) mapagtatagumpayan ang bawat hamon
kung (tayo, kayo, sila) ay magtutulungan.
8. (Saanman, alinman, anuman) sa mundo makikita ang pagtutulungan
sa kabila ng pandemiya.
9. Buong-puso (nila, niya, namin) ginagampanan ang kanilang tungkulin
bilang frontliners,
10.(Sila, Tayo, Kami) ang itinuturing na bagong bayani ngayon.

Gawain 2
Salungguhitan ang panghalip na ginamit sa pangnungusap at isulat sa
patlang kung ito ay panao, paari, pananong, pamatlig, o panaklaw.

___________________1. Ako ay kabilang sa mga mamamayang sumusunod

sa batas.
___________________2. Makikita ang magagandang bulaklak doon sa
hardin ni inay.
___________________3. Paano ang ginagawang paghahanda ng mga guro sa
pasukan?
___________________4. Heto ba ang nawawala mong sapatos?
___________________5. Alin ang mas mabili, lomi o gisado?
___________________6. Sinuman ay maiinis sa suliranin sa trapiko.
___________________7. Ayun na ang bahay na ating pupuntahan,
natatanaw na.
___________________8. Nabasa ko sa kwaderno ni ate ang tungkol sa
bagyo.
___________________9. Ano-ano ang mga hakbang sa tamang paghuhugas
sa pasukan? ng kamay?
__________________10. Ganyan ang kalalabasan sa mga hindi sumusunod
sa batas.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 85

Gawain 3

Salungguhitan ang mga panghalip na ginamit sa tula. Pumili ng

limang panghalip mula sa tula at gamitin ito sa pangungusap.

Takot sa Puso
Nina: Jenny D. Cornejo
Marivic D. Andres
Mercy T. Vergara
April G. Matias

I
Ako nga ba’y namamalikmata sa aking nakikita
Kalungkuta’y maaaninag mo sa bawat mata
Takot at pangamba sa puso nati’y nadarama
Buong mundo’y nagdurusa, sa dulot ng pandemiya.

II
Ano nga ba ang aking magagawa?
Pag-iwas sa pandemiya, makakaya ko ba?
Paano ko haharapin kalabang ‘di nakikita
Lunas mo’y hanggang ngayon ‘di pa rin nagagawa

III
Kaya’t ating pag-ingatan ating kalusugan
Masustansiyang pagkain, ihanda sa hapag kainan
Paghuhugas ng kamay tuwina’y ugaliin
Upang virus at mikrobiyo tigok sa atin.

IV
Dagling tumigil, dating pamumuhay natin
Bagong kadawyan, umiiral sa atin
Pagsusuot ng face mask alalahanin natin
Social distancing huwag ding lilimutin

V
Kapit-bisig nating harapin
Pandemiyang bumalot dito sa bansa natin
Pagmamahal sa bawat isa ipadama na natin
Pananampalataya sa lumikha, siya na lamang magagawa natin.

1.________________________________________________________________
2.________________________________________________________________
3.________________________________________________________________
4.________________________________________________________________
5.________________________________________________________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 86

Gawain 4
Suriing mabuti ang mga larawang sa ibaba. Gamit ang iba’t ibang uri ng
panghalip bumuo ng tig-iisang pangngusap sa bawat uri.

1.________________________________________________________________
2.________________________________________________________________
3.________________________________________________________________
4.________________________________________________________________
5.________________________________________________________________

Gawain 5
Gumawa ng pangungusap tungkol sa kabayanihan ng mga Frontliners na
lumalaban sa COVID-19 sa ating bansa. Gamitin ang panghalip panao,
paari, pamatlig, pananong at panaklaw sa pangungusap.

1.________________________________________________________________
2.________________________________________________________________
3.________________________________________________________________
4.________________________________________________________________
5.________________________________________________________________
6.________________________________________________________________
7.________________________________________________________________
8.________________________________________________________________
9.________________________________________________________________

10._______________________________________________________________

Pangwakas
Binabati kita, naisagawa mo nang mahusay ang layunin ng gawaing ito.
Mahalaga na nagagamit ng wasto ang panghalip at ang limang uri nito sa
pakikipagusap sa iba’t-ibang sitwasyon upang maliwanag at madaling
maiparating ang iyong mensahe sa iyong kinakausap.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 87

Mga Sanggunian
Aklat
Landas sa Wika 6
Tabobo,Virginia V., et.al, Sanayang Aklat Sa Filipino V, Cultural
Publisher,2002

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
Gawain 3
1. Sino
2. Tayo I. Ako, Akin, ko, mo, natin bawat
3. Balana II. Ano, Akin, ko, mo, Paano
4. Gaano III. Atin
IV. Natin, atin
5. Lahat
V. Dito, natin, siya
6. Atin
7. Tayo Para sa mga pangungusap, ito ay
8. Saanman diskresyon ng guro
9. Nila
10. Sila

Gawain 2 Gawain 4 Diskresyon ng

guro
1. Ako, panao
2. Doon, pamatlig
3. Paano, pananong Gawain 5 Diskresyon ng
guro
4. Heto, pamatlig
5. Alin, pananong
6. Sinuman, panaklaw
7. Ayun, Pamatlig
8. Ko, paari
9. Ano-ano, pananong
10. Ganyan, pamatlig

JENNY D. CORNEJO
MARIVIC D. ANDRES
MERCY T. VERGARA
APRIL N. MATIAS
_____________________________________
Mga May Akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 88

Filipino 6

Pangalan: ___________________________________ Lebel: ____________

Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ____________

GAWAING PAGKATUTO

Panimula
Madalas ka bang manood ng pelikula? Nakasubaybay ka bang palagi
sa mga palabas sa sinehan?
Sa gawaing ito malalaman mo ang mga kaisipan, tema at layunin,
tauhan, tagpuan at pagpapahalagang nakapaloob sa napapanood na
maikling pelikula.
Bilang manonood mahalagang malaman ang mga sumusunod:
Tema- tumutukoy ito sa pangkalahatang konsepto ng palabas at ang
inaasahang epekto nito sa manood gaya ng pag-ibig, pag-asa at karahasan.
Kaisipan- ito ay mahahalintulad sa salitang konsepto, ideya o
pananaw. Ito ay maaring masasabing produkto ng pag-iisip.
Layunin- ito ay hangarin ng manunulat na gusto niyang ipahatid sa
kanyang pelikula.
Tauhan- ito ay mga taong gumaganap sa isang pelikula.
Tagpuan- ito ay tawag sa lugar na pinangyarihan ng isang kuwento.
Pagpapahalaga- ito ay aral na maaring napulot sa napanood na
pelikula.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nasusuri ang mga kaisipan/tema/layunin/tauhan/tagpuan at
pagpapahalagang nakapaloob sa napanood na maikling pelikula.
Koda: F6PD-If—10; F6VC-IIe-13; F6PD-IIIh-1-6

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 89

Panuto
Basahin, suriin at unawain ang mga naihandang Gawain na lilinang sa
iyong kaalaman sa pagsusuri ng napanood na pelikula ayon sa kaisaipan,
tema, layunin at mga elemento nito.

Gawain 1
Panoorin ang maikling video clip na inihanda sa inyo na may
pamagat na “Gustin “
https://www.youtube.com/watch?v=zJcTtetwB0E&pbjreload=10 at
sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Sino-sino ang tauhan sa kwento?
2. Saan naganap ang kwento?
3. Anong katangian ni Gustin ang hinahangaan mo?
4. Tama ba ang ginawa ni kapitan? Bakit?
5. Kung ikaw si Gustin, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa?
Bakit?

Gawain 2
Ilarawan si Gustin sa pamamagitan ng pagsagot sa semantic web
sa ibaba.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 90

Gawain 3
Bumuo ng isang maikling tula na binubuo ng dalawang saknong na
may tig-apat na linya gamit ang mga katangian ni Gustin na naisulat mo
sa Gawain 2. Lagyan ito ng angkop na pamagat.

______________________________
_______________________________________________________________________

Rubric sa Pagsusuri
Pamantayan 3 puntos 2 puntos 1 puntos
Pagkakabuo Angkop at wasto May iilang Walang
ang mga salitang ginamit kaugnayan at
salitang ginamit na hindi angkop hindi wasto ang
sa pagbubuo at wasto mga salitang
ginamit
Nilalaman Mabisang Hindi gaanong Hindi
naipahayag ang naipahayag ng naipahayag
mensahe ng mabisa ang nang mabisa
tula mensahe ng ang nilalaman
tula ng tula

Gawain 4
Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa pelikula ayon sa
pangyayari. Lagyan ng bilang mula 1-10.
_____1. Ibinalik ng kapitan kay Gustin ang napulot na bag at pinagpasya
siya kung ano ang
dapat niyang gawin sa bag na may lamang pera.
______2. Pagkatapos mangalakal, bumili si Gustin at ang kaibigan niya ng
pagkain at
pinagsaluhan nila ito.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 91

______3. Dumaan si Gustin sa barangay hall upang ibalik ang napulot na
bag.
______4. Ipinagmamalaki ni Kapitan si Gustin sa kanyang katapatan at
kagandahang loob.
______5. Nangangalakal si Gustin at ang kaibigan niya upang makatulong
sa kanilang mga magulang.
______6. Nakapulot si Gustin sa gilid ng baurahan ng bag na naglalaman
ng maraming pera.
______7. Hindi mapakali si Gustin sa kakaisip kung ano ang dapat niyang
gawin sa napulot niyang pera.
______8. Ibinigay ni Gustin ang napulot na bag sa kanilang Kapitan.
______9. Pinaghintay ng kapitan si Gustin sa labas ng barangay hall.
______10. Nagkatagpo sa barangay hall si Gustin at ang may ari ng bag.
Gawain 5
Sumulat ng maikling talata tungkol sa bahagi ng pelikulang iyong
naibigan.

______________________________
__________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Rubric sa Pagsusuri
Kraytirya Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimul
4 pts 3 pts 2 pts a
1 pts
Nilalaman Kumpleto at Kumpleto ang May ilang Maraming
komprehensibo nilalaman ng kakulangan kakulangan
ang nilalaman ng talata. Wasto sa nilalaman sa nilalaman
talata. Wasto ang ang lahatng ng talata. May ng talata.
lahatng impormasyon. ilang maling
impormasyon. impormasyon
sa nabanggit.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 92

Presentasyon Malikhaing Maayos na Hindi gaanong Hindi maayos
nailahad ang nailahad ng maayos na na nailahad
nilalaman ng talata. nailahad ang ang
talata. Maayos Nauunawaan talata. Hindi Talata.Hindi
ang daloy. ang nilalaman gaanong gaanong
Nauunawaan ang ng talata. nauunawaan nauunawaan
nilalaman ng ang ang
talata. nilalaman. nilalaman.
Organisasyon Organisado, Malinaw at Maayos ang Hindi maayos
malinaw, maayos ang presntasyon ang
Simple at may presntasyon ng mga ideya presntasyon
tamang ng mga ideya sa talata. May ng mga ideya
pagkakasunud- sa talata. bahaging sa talata.
sunod ang Malinaw ang hindi gaanong Maraming
presentasyon ng daloy ng malinaw. bahagi ang
ideya sa talata. paglalahad ng hindi
Malinaw ang kaisipan. malinaw sa
daloy at paglalahad
organisado ang ng kaisipan.
paglalahad ng
kaisipan.

Baybay ng Malinaw, maayos Tama ang Maayos ang Hindi maayos

salita, at tama ang baybay ng pagbabaybay ang grammar
grammar, baybay ng mga mga salita ng mga salita at
capitalization salita, grammar, grammar, subalit may pagbabantas.
, pagbabantas capitalization at capitalization kaunting Hindi maayos
at gawi ng pagbabantas. at kamalian sa ang
pagkakasulat Maayos ang pagbabantas. grammar at pagkakasulat
pagkakasulat. Maayos ang pagbabantas .
pagkakasulat. Hindi gaanong
aayos ang
pagkakasulat.

Pangwakas
Binabati kita, naisagawa mo nang mahusay ang layunin ng gawaing
ito. Mahalaga na masuri mo ng wasto ang pelikulang iyong pinapanood
upang makita mo kung makapagbibigay ba ito sa iyo nang maganda
halimbawa o kapupulutan mo ito ng aral. Higit sa lahat, pumili ng tama at
ang angkop na pelikula na naaayon lamang sa iyong gulang at
pangangailangan.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 93

Mga Sanggunian
https://www.slideshare.net/jankyerakino/mga-elemento-ng-pelikula-at-
gabay-sa-pagsulat
https://www.youtube.com/watch?v=zJcTtetwB0E&pbjreload=10
https://www.scribd.com/doc/274148770/Rubrik-Sa-Pagtataya-Ng-Talata

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. Gustin, Kapitan, kaibigan, babae
2. Iskwater
3. Matapat (Tanggapin ang ibang sagot na may kaugnayan sa paksa)
4. Diskresyon ng guro
5. Diskresyon ng guro

Gawain 2
-matapat
-mabait
-masunurin
-masipag
-may paninindigan
(Tanggapin ang iba pang maaaring maging sagot na may kaugnayan sa
katangian ni Gustin)

Gawain 3
Tingnan ang rubric sa pagsusuri
(Diskresyon ng guro)

Gawain 4
1. 6 6. 3
2. 2 7. 7
3. 8 8. 4
4. 10 9. 5
5. 1 10. 9

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 94

Gawain 5
Tingnan ang rubric sa pagsusuri
(Diskresyon ng guro)

JENNY D. CORNEJO
MARIVIC D. ANDRES
MERCY T. VERGARA
APRIL N. MATIAS
_________________________________________________
Mga May Akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 95

Filipino 6
Pangalan: __________________________ Baitang/Seksiyon: _______________
Petsa: ______________________________ Iskor: _______________________

GAWAING PAGKATUTO
Panimula (Susing Konsepto)
Mayroon ka bang suliranin? Marahil ang isasagot mo, “Ako
mayroon”! Sabi kasi nila, halos lahat ng tao mayroong problema o suliranin
sa buhay, depende na lamang ito sa gaan o bigat ng suliraning
pinagdaraanan.
Ang suliranin ay anumang problema o isyu na kinakailangan ng
kalutasan at masulosyonan. Ang solusyon naman ay ang kasagutan sa
isang suliranin o problema.
Ang Pilipinas ay humaharap sa malaking suliranin kasama ang iba’t
ibang bansa sa buong mundo. Ang pagkakaroon ng sakit na tinatawag na
COVID-19, na kung saan ito ang puno’t dulo ng nangyayaring gulo at lubos
na kahirapan sa buhay ng bawat Pilipino. Ang Kagawaran ng Kalusugan
ay nagbigay ng mga patakaran upang masulosyunan at maiwasan ang
panganib na dulot ng nakakatakot na sakit tulad ng social distancing,
paggamit ng mask, paghuhugas ng kamay, paggamit ng hand-sanitizer o
alcohol, at iba pang pamamaraan upang hindi mahawaan ng nakatatakot
na sakit na kinakaharap ngayon ng buong mundo.

Kasanayang Pampagkatuto at koda

Nagbibigay ng sariling solusyon sa isang suliraning naobserbahan sa
paligid

Koda: F6PS-lg-9

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 96

Gawain 1

Panuto
A. Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Sagutin kung ito ay
nagpapahayag ng suliranin o solusyon. Lagyan ng kung suliranin at
kung solusyon.

________1. Sa tuwing umuulan, ang bayan namin ay laging nababaha.

________2. Seryosong pinatutupad ang batas sa aming pamayanan.
________3. Pumili ng mga taong tapat sa pamumuno upang hindi magsisi
sa dulo.
________4. Talamak ang korupsyon sa kanilang samahan.
________5. Nagkakaroon ng kakulangan sa tubig lalo na kung tag-araw.
________6. Pagkakaroon ng limitadong oras sa gadyet sa tuwing naglalaro.
________7. Hinihiwalay ang mga basura o pagsesegregate.
________8. Marami pa rin ang nababalitaang gumagamit ng
ipanagbabawal na gamot.
________9. Sobrang paggamit ng mga gadyet ay nakasisira ng kalusugan.
________10. Kailangan ang magtipid ng tubig.

B. Paano mo mabibigyan ng angkop na kasagutan ang sitwasyon?

Maaaring panoorin ang link
https://www.youtube.com/watch?v=gsiHIZBk7N4 upang lubos na
maunawaan ang maikling pelikula tungkol sa napapanahong isyung
panlipunan. Sagutin ito sa iyong sagutang papel.
• Sa murang edad ay nagmahal ang kanyang ina at iniwan ng kanyang
minamahal nang malamang siya ay nagdadalang tao na. Namatay ang
kanyang ina nang siya’y ipinanganak. Lumaki ang bata sa hirap na
wala sa piling ng kanyang mga magulang. Sa kanyang murang edad,
natuto siyang maghanap buhay upang matugunan ang kanyang
pangangailangan.

1. Anong suliranin ang nabanggit? Maituturing ba itong

suliranin na nangangailangan ng agarang solusyon?
Bakit?

2. Bilang isang kabataan, paano ka makatutulong upang

Matugunan ang ganitong uri ng suliraning panlipunan?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 97

Gawain 2
Basahing mabuti ang sanaysay. Alamin ang suliranin at solusyon tungkol
dito. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

ANG KALABANG HINDI NAKIKITA

Ni: Minerva M. Decano

Ang Pilipinas ay humaharap sa malaking suliranin, kasama ang iba’t

ibang bansa sa buong mundo. Ang pagkakaroon ng pandemyang sakit. Ang
sakit na ito ay galing sa probinsya ng Wuhan sa bansang Tsina,
karaniwang sa mga hayop lamang natatagpuan. At napag-alamang, ang
mga kaso doon ay isang uri pala ng hindi kilalang coronavirus. Ang
coronavirus ay pamilya ng mga virus na nagdudulot ng sakit, mula sa
karaniwang ubo’t sipon hanggang sa mas malulubhang impeksiyon tulad
ng MERS-COV. Ang novel coronavirus (2019-nCOV) ay isang uri ng
coronavirus na hindi pa natatagpuan sa tao noon. Ayon sa World Health
Organization (WHO), inerekomenda nitong palitan ang opisyal na pangalan
nito sa “2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease” o 2019-nCOV
ARD noong ika-30 ng Enero,2020. At noong ika-12 ng Pebrero ng taong
kasalukuyan ay pinahayag ng WHO, na ang kasalukuyang sakit na “2019
Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease” ay opisyal ng pinangalanan
at tinawag na Coronavirus Disease ‘19 o COVID-19. (source:
https://www.doh.gov.ph). Naisasalin ito ng mga taong mayroong ganitong
sakit sa isa o higit pang katao na mahihina ang resistensya sa
pamamagitan ng face to face interaction o malapitang ugnayan sa isa’t isa.
Ang Kagawaran ng Kalusugan ay pinag-iingat ang lahat ng tao dahil wala
itong pinipili, bata, matanda, babae, lalaki, mayaman man o mahirap. Ilan
sa mga sintomas ng sakit na ito ay: hirap sa paghinga, pagtatae, mataas
na lagnat na may panginginig, may ubo at sipon.
Naunang isinailalim ng gobyerno ang National Capital Region (NCR)
sa “Community Quarantine” matapos makapagtala ng mga kaso ng COVID-
19 at kasunod nito ang “Enhanced Community Quarantine” o (ECQ) sa
buong Luzon dahil sa pagdami ng mga nahawaang indibidwal. Mistulang
sayaw na “stop dance” ang sakit na ito, sapagkat pinahinto niya o
nilimitahan ang bawat galaw o pangyayari sa buhay ng bawat
mamamayan. Marami ang napatigil na trabaho sa iba’t ibang sector na
dahilan ng pagbaba ng ekonomiya ng bansa. Kung kayat hindi lamang ito
suliranin sa pangkalusugan sapagkat naapektuhan nito ang ekonomiya at
industriya ng bansa. Maraming buhay ang hanggang ngayon ay labis na
naapektuhan at lubos pang hirap ang mararamdam sa hindi mabatid na
panahon.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 98

Hanggang ngayon ay wala pa din natutuklasan na gamot o bakuna
laban dito, ngunit ang Kagawaran ng Kalusugan ay paulit-ulit na
pinapaalala ang mga patakaran upang hindi mahawaan at makaiwas sa
nakamamatay na sakit. Ilan sa mga ito ay, pagkakaroon ng social
distancing, paggamit ng face mask, pag-iwas sa paglabas kung hindi
kinakailangan, ugaliin ang madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang
tubig at sabon, paggamit ng hand sanitizer o alcohol, pagkain ng mga
masusustansiya at pag-eehersisyo araw-araw, at iba pang mga
pamamaraan upang lumakas ang pangangatawan at resistensya ng hindi
mahawaan ng nakakatakot na sakit na ating kinakaharap, sapagkat
mahirap makipaglaban sa kalabang hindi kailanman makikita.

Sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang sanaysay. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
1. Tungkol saan ang paksa ng binasang sanaysay?
2. Ano ang suliranin sa sanaysay?
3. Saan at paano nagkaroon ng COVID-19?
4. Ano ang mga solusyon upang makaiwas sa suliraning binanggit?
5. Bakit kinakailangan mahigpit na sundin ang mga pamamaraan na
binigay ng Kagawaran ng Kalusugan? Ang mga ito ba’y sinusunod mo at
ng iba pang miyembro ng iyong pamilya? Bakit?
6. Bakit mahalaga na mabigyan nang agarang solusyon ang isang
suliraning naobserbahan?

Sa panahon ngayon, halos laman ng balita kung paano mapangangalagaan

ng mamamayan ang kanilang kalusugan. Gumagamit din ng plakard na
nakasulat ang mga paalala o ordinansa ng bawat barangay upang
maiwasan ang pagkahawa sa nasabing sakit na COVID-19. Sa ibaba ay
mga sitwasyon kung saan susuriin ang pagbibigay ng mga angkop na
solusyon tungkol sa suliraning ito.

A. Lagyan ng tsek (√) ang loob ng kahon kung nagpapakita ng angkop na

solusyon sa suliranin na dulot ng sakit na COVID-19 at ekis (X) kung hindi.

1. Naghugas nang mabilisan si Lito bago at pagkatapos niyang

kumain.

2. Nagsusuot ng face mask si Maria kahit siya ay nasa loob ng

kanilang bahay.

3. Pagkatapos ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), ang

mga tao ay agad na namasyal sa Mall at ibang pook pasyalan.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 99

4. Si Kiko ay umiinom ng Bitamina C upang palakasin ang
resistensya at makaiwas sa sakit.
5. Kumakain ng masusustansiyang pagkain.

B. Buuin ang ugnayang suliranin at solusyon. Isulat sa sagutang papel ang

posibleng suliranin at inaasahang solusyon ng mga nakasaad na
pangyayari.

SULIRANIN SOLUSYON

1. Ang maruming kapaligiran ay nagdudulot _________________________

ng iba’t ibang sakit. __________________________

2. ________________________________________ Kumakain ng masustansya

_________________________________________ at nag-eehersisyo araw-araw.

3. Ang sakit tulad ng COVID-19 ay ___________________________

nakakahawa kaya mabilis itong kumalat. __________________________

4. ______________________________________ Uminom ng bitamina,

______________________________________ proteksiyon ito sa sakit.

5. Hindi sumusuporta ang ilang mamamayan ________________________

sa patakaran na binibigay ng Kagawaran ng ________________________
Kalusugan. ________________________

Gawain 3
A. Piliin ang sa palagay mo ay pinakamahusay at angkop na solusyon sa
suliraning nakalahad sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1.Inabutan ka ng malakas na ulan habang pauwi sa inyong bahay galing

sa eskuwelahan. Hindi maiwasan na mabasa ang iyong paa ng tubig sa
kalsada. Ano ang gagawin mo?
A. Punasan ng tuyong damit ang paa.
B. Sabunin at hugasan ng malinis na tubig ang paa.
C. Ispreyan ng pabango ang paa.
D. Lagyan agad ng gamot ang paa.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 100

2. Nakita mo na may maliliit na daga na tuma-takbo sa loob ng inyong
bahay. Anong solusyon ang maaari mong gawin upang hindi na ito
makapagkalat ng sakit.
A. Bugawin hanggang umalis.
B. Mag-alaga ng pusa upang manghuli ng daga.
C. Maglinis ng bahay upang walang pamahayan ito at gumamit ng mouse
trap upang mahuli ito.
D. Tawagin itong mabait upang ‘di manira ng gamit

3. Nalaman mo na laganap ang Dengue sa inyong lugar. Bukod sa

paglilinis ng paligid, alin pa ang maaari mong gawin upang di makagat ng
lamok.
A. Maglagay ng insect repellant lotion at mag-suot ng mahabang damit
upang di makagat ng lamok.
B. Manatili na lamang sa loob ng kulambo.
C. Gumamit ng malakas na elektrikpan upang hindi makadapo ang
lamok.
D. Lumipat ng tirahan kung saan hindi laganap ang Dengue.

4. Malakas ang naging ulan nang nakaraang gabi, dati-rati ay mabilis

naming humupa ang tubig sa inyong lugar, ngunit ngayon ay tanghali na
ay di pa humuhupa. Ano ang maaari mong gawin?
A. Hayan mong kusa itong humupa.
B. Sabihin mo sa kapitan na ayusin ang problema
C. Yayain ang kaibigan na maglaro sa tubig.
D. Alamin ang pinagmulan ng problema, mag-isip ng solusyon at
magpatulong sa mga taong may kakayanan upang maisagawa ang
solusyong naisip.

5. Matamang pinag-iisipan ng mga taga Cauayan City, Isabela ang

kanilang maaaring maging solusyon sa kanilang suliranin.
A. Tama, mas maraming nag-iisip, mas malaki ang pagkakataong
makabuo ng tamang
solusyon.
B. Hayaan mo sila, hindi mo naman problema yon.
C. Mali, baka mas lalong gumulo kapag nakisali pa.
D. Magsawalang –kibo nalang.

B. SLOGAN/ POSTER: Gumawa ng slogan o poster tungkol sa

problema o suliranin na kinakaharap ng inyong pamayanan.
Gawin ito sa isang buong long bond paper. Tingnan ang rubrik
sa ibaba para sa pagmamarka.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 101

PAMANTAYAN (5) LUBHANG (4) KASIYA-SIYA (3)
KASIYA-SIYA NALILINANG
1. Angkop sa
suliranin

2. Ang mensahe ay
malinaw na
naipakita

3. Maganda at
malinis ang
pagkaka-buo

KABUUAN

Gawain 4
A. Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Sa iyong pananaw, bigyang
solusyon ang bawat suliranin. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang
papel. Basahin ang rubriks para sa pagmamarka sa ibaba.

1. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari na dulot ng COVI-19, ang

pagbubukas ng klase ay sa Agosto na gaganapin at may posibilidad nang
pagkakaroon ng “home study” hangga’t walang gamot para dito. Anong
pamamaraan ang maari mong gawin tungkol dito?
2. Lumiban ka sa iyong klase isang araw, kinabukasan nalaman mong
meron kayong takdang aralin at sinabi ng guro na kailangan mayroon
maipapasa para dito. Ano ang iyong gagawin?
3. Nagtratrabaho sa ibang bansa ang iyong ina at bilang ikaw ang panganay
isa ka sa pinagbilinan niya sa iyong bunsong kapatid. Isang araw
nagkasakit ang iyong kapatid at kayo lang ang tanging naiwan sa inyong
tahanan. Ano ang gagawin mo?
4. Hinihiling ng pangulo ng bansa ang pagtitipid sa paggamit ng kuryente
upang mabawasan ang pag-angkat ng langis sa ibang bansa.
5. Isa kang matalino at mayamang mag-aaral. Nakatapos ka ng medisina
sa isang tanyag na unibersidad. Ngayon handa ka nang gamitin ang iyong
pinag-aralan. Ano ang iyong gagawin?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 102

Pamantayan 3 4 5
1.Naibigay ang angkop na solusyon sa suliranin
2.Maliwanag na nailahad ang mga maaaring solusyon sa
suliranin
3.Gumamit ng mga angkop na salita sa pagpapaliwanag
5- Napakahusay 4- Mahusay 3- Mahusay-husay

B. Tingnan ang bawat larawan sa kaliwang bahagi. Ang bawat larawan ay

nagpapakita ng iba’t ibang suliranin na kinaharap ng bansa. Magsulat ng
mga pamamaraan kung paano masusulosyonan ang bawat suliranin.
Gamitin ang Rubriks sa Gawaing 4-A.

SULIRANIN SOLUSYON

________________________
________________________
1. ________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
_________________________
________________________
_________________________
2. ________________________
_________________________
________________________
_________________________
________________________
_________________________
__
_________________________
_________________________
_________________________
3. _________________________
_________________________
________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
4. _________________________
_________________________
_________________________
________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times ________________ 103
5. _________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
(source: google free images) _________________________
_________________________
C. Basahin at unawain ang bawat tanong sa ibaba. Isulat sa loob ng
_________________________
kahon ang suliranin at mga mungkahi mong solusyon upang mabuo ang
_________________________
tsart. Gawin ito sa iyong sagutang papel. ________________

1. Alin sa mga suliraning ipinakikita ng mga larawan sa itaas ang

madalas mong masaksihan o maranasan sa inyong lugar? Paano ito
nakaaapekto sa inyong pamayanan?
2. Bilang isang mag-aaral at kabataan ng inyong pamayanan, may
magagawa ka ba upang masolusyunan ito?

Rubriks
Pamantayan 8 6 4
1.Angkop ang solusyon sa suliranin
sa pamayanan
2.Ang mensahe ay mabisang
naipaliliwanag
3.Malinaw at madaling maintindihan
ang punto
KABUUAN

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 104

Gawain 5
Anong suliranin ang nais mong solusyunan upang makatulong ka sa
inyong pamayanan? Paano mo ito magagawa? Sumulat ng maikling talata
tungkol dito. Gamitin ang gabay na balangkas sa ibaba.

I. Paglalarawan sa Suliranin-
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

II. Sanhi ng Suliranin-

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

III. Epekto ng Suliranin-

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

IV. Mungkahing Solusyon sa Suliranin-

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Rubriks
Pamantayan (5) Lubhang (4) Kasiya- (3)
kasiya-siya siya Nalilinang
1.Angkop ang solusyon sa
suliranin
2.Ang mensahe ay mabisang
naipakita
3.Malinaw at madaling
maintindihan ang punto
KABUUAN

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 105

PANGWAKAS

Binabati kita, naisagawa mo ng buong

husay ang mga layunin ng gawaing ito.
Mahalagang bigyang pansin ang kalusugan
upang makaiwas sa anumang uri ng sakit o
karamdaman. Ang kalusugan ay itinuturing
din na yaman na dapat taglayin ng bawat isa.
Mainam na gawin ang mga angkop na gawain
upang mapanatiling malusog ang
pangangatawan.

Sanggunian

• K to 12 Curriculum
• DOH https://www.doh.gov.ph
• Google (free images)
• Youtube https://www.youtube.com/watch?v=gsiHIZBk7N4
• DepEd Workplace
• Pintig ng lahing Pilipino

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 Gawain 2
A. B. Sanaysay
Ang kasagutan iba-iba
ay maaaring ay maaaring
1. 6. iba-iba Ang kasagutan

A. B. Ang kasagutan
2. 7.
ay maaaring
1. x iba-iba
3. 8. 2. ✓
3. x
4. 9. 4.✓
5. ✓
5. 10.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 106

Gawain 3 Gawain 4 Gawain 5
A. A. Gamitin ang rubriks A. Gamitin ang rubriks sa
1. b sa pagmamarka pagmamarka
2. c
3. a B. Gamitin ang rubriks
4. d sa pagmamarka
5. a
B. Gamitin ang rubriks C. Gamitin ang rubriks
sa pagmamarka sa pagmamarka

MINERVA M. DECANO
May Akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 107

FILIPINO 6

Pangalan: _____________________________________ Baitang: ___________

Petsa: _________________________________________ Iskor: _____________

GAWAING PAGKATUTO
Pagbibigay ng Pamagat sa Kuwento

Panimula
Ang Pamagat ay nagpapahayag ng kabuuan ng isang talata o
kuwento. Isang mabisang kasangkapan upang matawag ang pansin ng
mambabasa.
Sa pagbibigay ng pamagat, tandaan na dapat itong maging maikli
at nakatatawag ng pansin. Simulan sa malaking titik ang mahalagang
salita sa pamagat.
Kailangang may pamagat ang bawat akda. Ang binibigay na
pamagat sa akda ay naaayon sa paksang tinatalakay.
Sa pagbibigay ng pamagat, ang mga sumusunod ay dapat tandaan.
1. Gawing maikli, isa hanggang limang salita lamang.
2. Kailangang makatawag pansin sa mambabasa.
3. Tiyaking may kaugnayan sa paksa o temang tinalakay.
4. Isulat sa malalaking titik ang mahahalagang salita.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa binasang/napakinggang talata

Koda: MELCs F6PB-Ig-8

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 108

Panuto
Basahin, suriin at unawain ang mga naihandang nga Gawain na lilinang
sa iyong kaalaman sa pagbibigay ng pamagat sa binasang/napakinggang
talata.

Pamaraan
Gawain I

Basahing mabuti ang bawat talata. Piliin ang angkop na pamagat.

Bilugan ang titik ng napiling sagot.

1. Sa iba’t ibang dako ng kapuluan, ang pamahalaan ang namamahala

sa pagtatapon at pagtunaw ng mga basura. May mga bayan naming
ipinauubaya ang pag-alis ng basura sa mga may bahay. Magiging
matagumpay ang ganitong paraan kung may mabuting kalooban ang mga
tao sa pamayanan. Magmumukhang malinis ang bakuran kapag walang
nakatambak na basura sa bakuran. Subalit saan kaya itinatapon ang mga
iyon? Sa bakuran ng iba o sa ilog? Napakahalagang magtulungan para
maiwasan ang suliranin sa basura.
a. Suliranin…….. May Solusyon c. Nasa Pagtutulungan
b. Ang Pagtatapon ng Basura d. Para sa Bayan

2. Ang tinatawag na mañana habit ay ugaling minana ng mga Pilipino

sa Kastila. Ito’y nangangahulugang pagpapabukas ng isang gawaing
kayang-kaya naming gawin sa araw na iyon. Nakagawiang ugali ito ng lahat
ng tamad na tao sa buong mundo at hindi lang mga Pilipino at mga Kastila.
Sinuman ay maaaring magkaroon ng ganitong ugali. Pinakamabuti ay
simulant na agad ang anumang dapat gawin. Huwag nang ipagpabukas
pa.
a. Ang Ugaling Pagpapabukas c. Isang Pamanang Ugali
b. May Naghihintay na Bukas d. Ang Mga Tao sa Mundo

3. Kailangan ang isang mabuting lider upang maging mabuti ang

gawain ng isang pangkat. Isang katangian ng isang mabuting lider ang
magkaroon siya ng kakayahang making sa kuru-kuro ng kanyang mga
kasapi. Kakayahang madama ang kahalagahan ng mga mungkahi ng iba
tungkol sa gawaing tinatalakay. Ang pinakamabuting lider, kailangan niya
ang pakikiisa ng mga kasapi upang makatulong sa mga Gawain.
a. Pagbubuo ng Pangkat c. Makibahagi sa Pananagutan
b. Ang Paggawa ng Pasiya d. Ang Mabuting Lider

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 109

4. Si Hawatha ay isang batang Indiyan. Maliit pa, nagsimula nang
magtanong sa kanyang kapaligiran. Kagubatan ang nagging paaralan niya.
Natutuhan niya lahat ng gawi ng mga mababangis na hayop sa kagubatan.
Natutughan niya sa mga ibon at hayop ang una niyang aralin sa sining ng
paglilok. Pati na ang kahulugan ng mga bakas ng paa at kung paano
masasabi ang direksyon at oras.
a. Ang Buhay sa Kagubatan
b. Ang Indiyang si Hawatha
c. Ang mga Pagsubok ni Hawatha
d. Ang mga Kapaki-pakinabang na Gawain

5. Ang pinakadakilang katangian ni Jose ay marubdob niyang

pagmamahal sa Inang Bayan. Minamahal niya ang kanyang mga
kababayan at ang kanyang bayan. Malaki ang paniniwala ni Rizal sa mga
kabataang Pilipino. Naniniwala siyang nasa kabataan ang pag-asa ng
bayan.
a. Alay sa Kabataang Pilipino
b. Ang Pinakadakilang Ugali
c. Si Jose Rizal at Kabataang Pilipino
d. Sa Aking Inang Bayan

6. Yamang tao ang pinakamahalagang yaman ng bansa. Nasa kamay

ng mga mamamayan ang wastong paggamit ng mga likas na yaman na
mahalaga sa pagsulong ng kaunlaran ng bansa. May mga katangian ang
bawat mamamayan, maaaring talino sa kaisipan, lakas ng katawan at likas
na kakayahan sa paggawa, pag-awit, pagtugtog, pagguhit at pagsulat na
magagamit upang makatulong sa pambansang pag-unlad.
a. Yamang Tao vs Likas na Yaman
b. Isulong ang Pambansang Kaunlaran
c. Yamang Tao, Pinakamahalagang Yaman ng Bansa
d. Ang Yamang Tao ng Bansa
7. Kabilang ang usa sa may pinakamagandang kilos sa mga hayop na
may mga kuko. Mabilis tumakbo at may kakayahang tumalon ang mga ito.
Barako ang tawag sa lalaking usa at may sanga-sanga at matitigas na
sungay ang mga ito. Minsan naghuhunos ang kanilang mga sungay.
Ginagamit ng mga usa ang kanilang sungay at paa kapag sumasalakay sa
mga kaaway. Ngunit madalas na tumatakbo silang paalis kaysa
makipaglaban.
a. Ang Barako
b. Ang mga Sanga-sangang Sungay
b. Ang Usa
d. Ang Pinakamagandang Hayop

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 110

8. May dalawang uri ng papaya: Hawaiian at Mexican. Ang mga
papayang Hawaiian ay karaniwang nakikita sa mga supermarket. Ang
mga ito ay hugis peras at ang timabang nito ay humigit kumulang sa
isang kilo. Mas madaling anihin ang mga ito dahil bihirang tumaas ang
kanyang puno. Ang papayang Mexican ay mas Malaki kaysa sa Hawaiian.
Maaari naman itong tumimbang ng higit sa sampung kilo. Hindi ito
gaanong matamis na tulad ng Hawaiian.
a. Ang Pag-aalaga ng Papaya c. Ang Masarap na Prutas
b. Ang Dalawang Uri ng Papaya d. May Sasarap pa ba?

9. Isang napakasayang pagdiriwang ang Sinulog. Ito’y isinasagawa sa

pamamagitan ng sayaw na sinasaliwan ng sunud-sunod na pagpalo ng
tambol. Hindi lamang ang mga mananayaw ang nagbibigay sigla sa
tradisyong ito. Ang mga manonood ay napasasayaw rin sa sigla.
Isinasagawa ang Sinulog bilang pagsalubong ng mga taga Cebu sa mga
panauhin. Ito ay isinasagawa bilang pasasalamat sa mga biyayang
ipinagkaloob sa buong lalawigan ng Cebu.
a. Ang Sinulog-Napakasayang Pagdiriwang
b. Sa Lalawigan ng Cebu
c. Ang Masayang Pagsalubong
d. Pasasalamat sa Panginoon

10. Ang diabetes ay isang karamdamang ang asukal sa dugo ay mas

mataas kaysa sa normal. Ito ay maaaring maging sanhi sa mga maselang
komplikasyon sa kalusugan na kasama ang sakit sa puso, pagkabulag,
sakit sa bato at pagputol sap aa. Ang diabetes ay pang-anim sa mga
nangungunang dahilan ng kamatayan sa Estados Unidos.
a. Kamatayan… Dala ng Diabetes
b. Ang Sanhi ng Diabetes
c. Ang Diabetes at mga Komplikasyon Nito
d. Ang Pagsugpo sa Diabetes

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 111

Gawain 2
Piliin sa loob ng kahon ang angkop na pamagat sa bawat talata. Isulat
ang sagot sa patlang.

Ang Ulirang Kabataan

Pangalan ng Tao-May Kahulugan
Ang Iba’t Ibang Kulay at Hugis ng Kiping
Iba’t Ibang Libangan
Ang Dalawang Uri ng Bigas
Ang Ahas, Kapaki-pakinabang Din
Puerto Princesa-Ang Kapital ng Palawan
Isa sa pinakamagandang Kulisap sa Daigdig
Masiglang Kalakalan sa Palawan
Ang Sibilisasyon ng Ating mga Ninuno
Dyipning Pinoy- Hari ng Lansangan
Ang Pahiyas
Ang Masinop na Bata

1.
________________________________________________________________________

Ang Puerto Prinsesa ay capital ng Palawan. Dati itong kilala sa

pangalang Puerto dela Asuncion. Ito ang pangunahing sentro ng kalakalan
sa lalawigan dahil sa lokasyon nito. Mayroon ditong paliparan at daungan
ng mga barko na papuntang Maynila at iba pang pulo sa lalawigan. Sa
kasalukuyan ang Puerto Prinsesa ang isang paboritong pasyalan ng mga
turista.

2.
________________________________________________________________________

Mula sa pagkabata, nakitaan na ng pagiging masinop si Nena sa

gulang na anim na taon, marunong na siyang mag-ayos at magbalik ng
kanyang mga laruan gayong siya ang pinakabata sa kanila. Hindi siya nag-
aaksaya o nagtatapon ng pagkain. Ano mang sobrang pagkain ay ibinabalik
niya sa kanilang ref. Maging ang kanyang mga damit ay malinis at
nananatiling maayos sa kanyang lalagyan.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 112

3.
________________________________________________________________________

Ang Pahiyas ay pagdiriwang sa panahon ng anihan. Isinasagawa ito

sa mga bayan ng Lucban, candelaria, Sariaya. Tiaong at Lungsod ng
Lucena bilang parangal kay San Ignacio Labrador, ang patron ng mga
magsasaka. Naging tradisyon na ang pagsasabit ng mga kiping na may iba’t
ibang kulay at hugis at pati na rin lahat ng kanilang mga aning gulay at
prutas. Nagtatapos ang maghapong kasiyahan sa isang prosisyon ng
imahen at patron.

4.
________________________________________________________________________

Ang bigas ang pangunahing pagkain ng mga Pilipino ay may

dalawang uri. Ang isa ay inihahain sa hapg-kainan araw-araw ay may butyl
na hugis pahaba. May iba’t ibang uri ng pangalan ayon sa varayti tulad ng
wagwag, dinurado, C-4 at milagrosa. Ang pangalawa ay mabilog ang hugis
ng butyl, kakaiba ang puti at punung-puno. Malagkit ang tawag dito at
nilulutong suman, champorado, arrozcaldo, lugaw at iba pa.

5.
________________________________________________________________________

Kinikilalalng hari ng lansangan ang dyipning Pinoy. Makikita sa

buong kaanyuan nito ang kalinangan ng mga Pilipino. Nakadekorasyon
ang magagandang lugar sa bansa tulad ng bulking mayon at Talon ng
Pagsanjan. Mababasa rin ang mga kasabihang Pilipino. Makatawag pansin
ang larawan ng Panginoon at ng mahal na Birhen. Maraming makikitang
dyip sa lansangan

6.
________________________________________________________________________

May maunlad na sibilisasyon ang ating mga ninuno. Manggagawa ng

Bangka ang ilan sa kanila. May magsasaka at mangingisda rin. Ang iba
naman ay nagtatanim ng niyog at nag-aalaga ng mga hayop. Marunong din
silang maghalo ng bakal at ibang metal, maghabi at gumawa ng palamuti
sa katawan at sa tahanan tulad ng magagandang paso. Ang iba pang
kasangkapan ay natuklasan nila sa yungib. Inilagak sa mga museo ang
mga gamit na ito ng kanilang kultura.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 113

7.
________________________________________________________________________

Kailangang maglibang ang bawat tao. Pagkatapos ng mahahalagang

Gawain sa maghapon, nararapat maglibang ang isang tao. May libangang
nakapagpapatalas ng isipan tulad ng pagbabasa, pagbubugtungan at
paglaro ng scrabble. Mayroon ding pampalakas ng katawan gaya ng
basketbol, balobol, tennis, badminton at pingpong. May libangan
nakabubuti sa damdamin tulad ng panonood ng sine at telebisyon at
pakikinig sa radio. Gugulin ang panahon sa wastong paglilibang

8.
________________________________________________________________________

Kadalasan, kinakatakutan ng mga tao ang ahas. Ngunit walang

dahilan maliban sa nakagawian na nating nakasasama, nakalalason at
malansa ang lahat ng ahas. Pag nakakita ng aha sang mga tao, agad itong
pinapatay. Hindi natin alam na kapaki-pakinabang ang maraming ahas
bilang tagapuksa ng mga daga at iba pang peste. Iba-iba ang laki ng ahas.
Nababalutan ang katawan ng mga ito ng kaliskis na makinis at tuyo kaya
hindi masasabing madulas ang mga ito.

9.
________________________________________________________________________

Nalalaman ba ninyo na may kahulugan ang pangalan ng tao?

Halimbawa ang kahulugan ng pangalang Margarita ay “perlas “. Ang
teodoro naman ay “isang regalo sa Diyos” ang Dorotea naman ay
kabaligtaran ng Teodora. Marami sa mga pangalan ay hango sa mga salita
sa wikang Greko. Ang iba naman ay sa salitang Latin gaya ng rex na ang
kahulugan ay “Hari.” Ang iba naman ay kinuha sa mga salitang Ingles tulad
ng Rose, Rubie at Peter.

10._____________________________________________________________________
_

Kabilang ang paruparo sa pinakamagandang kulisap sa buong

daigdig. Mahahaba ang katawan nito at may dalawang pares ng pakpak.
Sa araw ay lumilipad at pag nakadapo ay nakatiklop ang dalawang pakpak
na parang layag ng isang bangka. Nagkakaroon ng isang ganap na
pagbabago ang paruparo mula sa itlog hanggang sa maging ganap na
paruparo. Nangingitlog ang babaeng paruparo sa mga halamang siyang
nagsisilbing pagkain para sa mga batang paruparo.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 114

Gawain 3
Basahin ang mga talata at bigyan ito ng angkop na pamagat. Isulat ang
sagot sa loob ng kahon
1. Ang uwak ay matalinong ibon. Nagagawa nito ang iba’t ibang tunog.
May uri ng uwak na natuturuang magsalita na gaya ng tao

2. Si Mika ang aking bunso. Siya ay batang masayahin at hindi iyakin.

Basta busog at may laruan, siya ay tahimik na naglalaro. Natutulog na
siyang mag-isa kapag inaantok o pagod. Kaya giliw na giliw sa aking bunso
ang mga nakatatanda niyang kapatid.

3. Ang sampaguita ay pambansang bulaklak ng bansa. Ito ay may

puting talulot at mabangong amoy. Malimit na ginagawang kuwintas para
ialay o isabit sa leeg. Mayroon na ngayong ginawang pabango mula sa
sampaguita.

4. Mahalaga sa paglaki ng bata ang masustansiyang pagkain.

Kailangan ng murang katawan ang mga pagkaing mayaman sa protina,
mineral, bitamina, at iba pang pagkaing pampalusog. Ang mga junk food
ay walang maidudulot na mabuti kaya dapat iwasan. Kumain ng karne,
gulay, prutas at uminom ng gatas araw-araw.

5. Si Apolinario Mabini ay isa sa mga dakilang bayaning Pilipino. Sa

kabila ng pagiging lumpo, patuloy siyang naglingkod sa bansa noong
panahon ng himagsikan laban sa mga Kastila. Tinagurian siyang Utak ng
Himagsika at Dakilang Lumpo.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 115

6. Ang kamote, gabi at kamoteng kahoy ay mga halamang-ugat.
Itinatanim ang mga ito sa mga lugar na malimit daanan ng bagyo sa
dahilang ang bunga ng mga halamang ganito ay nasa ilalim ng lupa.

7. Matipid na bata si Angelo. Araw-araw nagtitira siya ng pera mula sa

baong ibinibigay sa kanya. Tinitiyak niyang hindi naaaksaya ang kanyang
mga gamit sa paaralan. Nagpapabili lamang siya ng mga bagay na talagang
kailangan niya.

8. Maaga pa nagwawalis na sa paligid ng kanilang barangay ang ilang

babae at bata. Ang mga lalaki ay naglilinis ng mga kanal. May mga
nagtatanim ng mga halaman sa tabi ng bakod sa bawat bahay. Talagang
nagkakaisa ang mga mamamayan ng Barangay Malusak.

9. Tanyag na si Bea Bareto. Maraming tagahanga niya ang bumibili ng

kanyang mga CD’s at nanonood ng mga pelikula niya. Kabi-kabila ang pag
eendorso niya sa mga iba’t ibang produkto. Malimit din siyang panauhin
sa mga programa sa telebisyon.

10. Araw-araw maagang natutulog at gumigising si Albert. Naliligo siya

at nagbibihis ng malinis na uniporme. Kumakain ng almusal bago
pumasok sa paaralan. Umiinom ng gatas sa gabi pagkatapos mag-aral.
Sadyang maalaga sa kalusugan ng kanyang katawan si Albert.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 116

Gawain 4
Bigyan ng pamagat ang talata sa bawat bilang. Itiman ang bilog na
katapat ng angkop na sagot

1. Ang aming guro sa Filipino ay si ginang Minerva Magaru. Mahusay

siyang magpaliwanag ng mga aralin. Napagagaan ng kanyang matiyagang
pag-uulit-ulit ng halimbawa ang mahihirap na paksa. Siya ang paborito
kong guro.
May Isang Guro
Ang Paborito Kong Guro
Ang Asignaturang Filipino

2. Ang asin ay isang mineral na nabubuo sa tubig-alat. Ito ay isa sa

pinakamatandang pampalasa sa pagkain. Dahil sa maalat na lasa nito,
ginagamit itong pangpreserba ng pagkain. Mahalaga ang asin sa
kalusugan ng tao subalit masama sa katawan kapag nasobrahan.
Asin, Asin, Mahalaga Ito!
Ang Pagpreserba ng Pagkain
Minsan Mabuti, Minsan Masama
3. Kaarawan ni Faith, naghanda ng sari-saring pagkain ang kanyang
nanay. Isang maganda at malaking keyk ang binili para sa kanya.
Masayang nagsalo-salo ang buong mag-anak at ang mga panauhin.
Ang Masayang Salo-salo
Ang Masarap na Handa
Minsan Mabuti, Minsan Masama

4. Kambal sina Annalyn at Annalee. Magkamukhang-magkamukha sila.

Palagi pang pareho ang kanilang suot na damit. Halos magkasintalino rin
silang dalawa. Ang pinakamahalaga, kapwa sila mabait at mapagmahal
na anak sa kanilang mga magulang.
May Magkapatid
Isang Mag-anak
Ang Kambal

5. Ang buwan ay satelayt ng mundo. Ito ay umiikot sa mundo. ANg isang

pag-ikot nito ay nabubuo sa loob ng isang buwan. Humihiram ito ng
liwanag mula sa araw.

Ang Pag-ikot sa Mundo

Ang Satelayt ng Mundo
Liwanag ng Araw

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 117

6. Martha ang pangalan ng ate ko. Siya ay matalino at masipag.
Mabait siya sa akin. Matulungin din siya sa aming mga magulang.

Ang Ate Ko
Ang Matalinong Bata
Si Mabait at Si Masipag
7. Ang talbos ng kamote ay masustansyang pagkain. Ito ay masarap
nag awing salad kasama ng ibang sangkap. Mabuting pagkain ito para sa
mga taong mapuputla at sakitin. Maaari ring inumin ang kamote juice
mula sa pinaglagaan ng talbos.

Masustansiyang Pagkain
Ang Talbos ng kamote
Mabuting Pagkain

8. Ang paborito kong ulam ay adobong manok. Lalo itong magiging

masarap para sa akin kapag si nana yang nagluto. Marami akong
nakakain tuwing adobong manok ang aking ulam.

Ang Paborito kong Ulam

Adobong Manok
Ang Masarap na Ulam

9. Si Biko ang aking alagang aso. Siya ay isang Chiwawa. Maliit pero
mahusay siyang bantay sa bahay. Malambing ang aking makulit na
alaga.

Si Biko
Ang Aking Alaga
Mahusay na Bantay

10. Isang masustansyang inumin ang gatas. Ito ay mayaman sa

calcium na nagpapatibay ng mga ngipin at mga buto. Mayaman din ito sa
protina na mahalaga para lumaking malusog ang isang bata.

Ang Gatas
Masustansyang Inumin
Malusog na Bata

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 118

Gawain 5
Pag-aralan at isulat sa patlang ang tamang pamagat ng bawat chart o
graph.

1. ______________________________________________________________________

Iba't-ibang Propesyon
80
Bilang ng mga nagtapos

70
60
50
40
30
20
10
0
guro akawntant nars doktor inhinyero abogado elektrisyan

Mga uri ng propesyon

Series 1

2.
_______________________________________________________________________

Buwanang Bayad sa Kuryente ng Pamilya Singson sa Taong

2019
4500
Buwanang Bayad sa Kuryente

4000
3500
3000
2500
2000
1500
1000
500
0

Buwan

Series 1

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 119

3.______________________________________________________________________

Buwanang Gastos At Iba Pang Pangangailangan Ng Pamilya Reyes

Pag-
Buwan Pagkain Tirahan Kalusugan Insyurans
aaral
Mga Ngalan ng Buwan

Enero 14,850 3500 4600 1500 1250

Pebrero 14600 3500 4800 1020 1250

Marso 14800 3500 4500 1300 1250

Abril 15500 3500 - 1500 1250

Mayo 16000 3500 19500 1020 1250

Junyo 14600 3500 6500 2800 1250

4. _____________________________________________________________________

Buwanang Budget ng Pamilya

Iba pang gawain:
4,000
Libangan:3,500 Ipon (Savings): 10,000

Kalusugan: 5,000

Edukasyon: 8,000
Pagkain: 15,000

Kuryente: 5,000
Ipon (Savings): 10,000 Pagkain: 15,000
Kuryente: 5,000 Edukasyon: 8,000
Kalusugan: 5,000 Libangan:3,500
Iba pang gawain: 4,000
Mga Gastusin ng Isang Pamilya

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 120

5.
________________________________________________________________________

Mga Buwan na may Sunog

60
BIlang ng mga Nasusunog na Tahanan sa Isabela

50

40

30

20

10

0
Enero Pebrero Marso Abril Mayo Junyo
Buwan

Series 1

6._____________________________________________________

Benta ng Sapatos sa Ibang Bansa

1200
Bilang ng mga Pares ng Sapatos

1000

800

600

400

200

0
Singapore Austria Japan KSA Malaysia France USA Hongkong Canada
Bansa

Benta ng Sapatos sa Ibang Bansa

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 121

7. ____________________________________________________
Bilang ng Medalyang Nakamit ng Paaralan.
Mga Lumahok na Paaralan

Paaralan Ginto Pilak Tanso

Nagrumbuan Elem School Main 4 3 3

Nagrumbuan Elem School

1 2 3
Annex

Marabulig 1 Elem School 3 3 2

Marubulig 2 Elem School 2 2 3

Pinoma Elem School 3 2 2

8.
_____________________________________________________

Mga Bansang may Pinakamaraming Tinamaan ng COVID-19

12,000
Bilang ng mga Tinamaan ng COVID-19

10,000

8,000

6,000

4,000

2,000

Mga Bansa

Mga Bansang may Pinakamaraming Tinamaan ng COVID-19

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 122

9. ____________________________________________________
Mga Programang Bigay ng Gobyerno

Benipisaryo SAP AKAP SIKAP RSBA DOLE

Mga Dapat Maktanggap

Trisikel 5000
Drayber

PWD 5,500

Tindera 5,500

Magsasaka 5,500

OFW 10,000
Vendor 5,500

10.
____________________________________________________

MGA KAGAMITAN SA PAG-AARAL SA PANAHON NG

PANDEMIC
Radio
24%

Modyul
Telebisyon
58%
13%

Internet
5%
MGA KAGAMITAN

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 123

Pangwakas
Binabati kita, naisagawa mo ng mahusay ang layunin
ng gawaing ito.
Mahalagang malaman mo ang paksa ng bawat
kwentong nabasa o kaya ya napakinggan. Nagagamit
natin ito sa ating pang araw- araw na pamumuhay.

Sanggunian:
Most Essential Learning Competencies
Binhi

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. B 6. C
2. A 7. D
3. D 8. B
4. B 9. A
5. B 10. C

Gawain 2
1. Puerto Prinsesa ang Kapital ng Palwan
2. Ang Masinop na Bata
3. Ang Pahiyas
4. Ang Dalawang Uri ng Bigas
5. Dyipning Pinoy Hari ng Lansangan
6. Ang Sibilisasyon ng Ating mga Ninuno
7. Iba’t ibang Libangan
8. Ang Ahas-Kapaki-pakinabang Din
9. Pangalan ng Tao May Kahulugan
10. Isa sa Pinakamagandang Kulisap sa Daigdig

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 124

Gawain 3
1. Ang Uwak
2. Ang Aking Bunso
3. Sampaguita, Pambansang Bulaklak
4. Ang Masustansyang Pagkain
5. Si Aplonario Mabini
6. Mga Halamang Ugat
7. Matipid na Bata
8. Ang mga Mamamayan ng Barangay Malusak
9. Si Bea Barreto
10. Si Albert

Gawain 4
1. Ang Paborito kong Guro
2. Ang Asin….Magalaga Ito
3. Ang Kambal
4. Ang Satelayt ng Mundo
5. Ang Masayang Salu-salo
6. Ang Ate Ko
7. Ang Talbos ng Kamote
8. Ang Paborito Kong Ulam
9. Si Biko
10. Ang Gatas

Gawain 5
1. Iba’t ibang Propesyon
2. Buwanang Bayad sa Kuryente ng Pamilya Reyes sa Taong 2019
3. Buwanang Gastos at Ibang Pangangailangan ng Pamilya
4. Buwanang Budget ng Pamilya
5. Mga Buwan na May Sunog
6. Benta ng Sapatos sa Ibang Bansa
7. Bilang ng Medalyang Nakamit ng Paaralan
8. Mga Bansang May Pinakamaraming Tinamaan ng COVID 19
9. Mga Programang Bigay ng Gobyerno
10.Mga Kagamitan sa Pag-aaral sa Panahon ng Pandemic

ROSALIE S. PADUA
May Akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 125

Filipino 6
Pangalan: _________________________________ Lebel: ____________
Seksiyon: _________________________________ Petsa: ____________

GAWAING PAGKATUTO
Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksyon sa
isang Napakinggang Balita, Isyu o Usapan

Panimula
Maraming isyu ang laganap sa ating paligid araw-araw. Madalas
tayong makarinig ng mga palagay o reaksyon tungkol sa mga isyu subalit
angkop ba o nararapat nga ba ng mga reaksyong ibinibigay natin? Madalas
kasi’y wala naming sapat na basehan ang mga reaksyong ibinibigay
sapagkat kadalasa’y kakaunti lang o isang bahagi lang ng isyu ang
nalalaman ng nagbibigay-reaksyon. Kapag nagkayon ay hilaw o kulang ang
nilalaman ng maibibigay mong palagay o reaksyon. Ano ang opinyon at
reaksyon?

Ang Opinyon ay mga pahayag na nakabatay sa paniniwala ng isang

tao. Ito ay nagpapakita ng pananaw ng isang tao sa isang bagay.

Ang Reaksyon naman ay ang damdaming nagpapakita ng pagsang-

ayon, pagsalungat, pagkatuwa, pagkalungkot o pagkadismaya matapos
makita, malaman, marinig o mapanood ang isang bagay na may halaga sa
isang organismo kagaya ng tao.

Narito ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagbibigay

reaksyon o palagay.
➢ Palawakin pa ang kaalaman ukol sa isyung bibigyang-reasyon
upang maiwasang makapagbigay ng walang basehang reaksyon.
➢ Ang reaksyon ay maaaring sang-ayon o salungat sa isyung pinag-
uusapan.
➢ Piliin ang mga salitang gagamitin sa pagpapahayag.

Tandaan, sa pagbibigay ng reaksyon ay maaaring sa pamamagitan ng

pasang-ayon o pasalungat sa kaisipan ng nagsaslita o kausap. Sikapin
lamang na maging magalang upang maiwasan ang makasakit ng
damdamin ng kapuwa.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 126

Kasanayang Pampagkatuto at koda:

Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang

balita isyu o usapan Koda: F6PS-Ij-1

Panuto

Basahin, suriin at unawain ang mga naihandang mga Gawain na lilinang

sa iyong kaalaman sa pagpapahayag ng sariling opinyon o reaksyon sa
isang napakinggang balita, isyu o usapan.

Gawain 1
Pag-aralan ang larawan at sagutin ang mga katanungan sa ibaba nito.

1. Ano ang nakikita ninyo sa larawan?

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Ibigay ang iyong reaksyon kung bakit nakararanas tayo ng

ganitong panahon?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

3. Sapat ba ng mga programa na ginagawa ng ating pamahalaan

upang matugunan ang problemang ito sa ating kalikasan?
Ibigay ang iyong opinion.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 127

Gawain 2

Basahin ang isyu na nasa ibaba. Gamit ang graphic organizer tukuyin
ang mga problemang binanggit sa nabasang isyu.

Edukasyon ang susi ng kaginhawaan at magandang kinabukasan na

hindi
ipagkait ng sinumang magulang o mga tao upang mapaunlad ang buhay
ng mga anak.

Hindi lingid sa atin na ang edukasyon ay walang bayad na matrikula

sa
pampublikong paaralan ngunit marami pa rin ang nasa kalyeng palaboy-
laboy.

Magulang minsan ang walang panahon sa mga anak dulot nang

pagpapahalaga
sa trabaho o kawalan ng oras. Hindi napapangalagaan ang mga anak dahil
sa
pangingibang bansa na nagdulot ng pagkawatak-watak ng kasapi ng
pamilya.

Malulutas ang problema sa edukasyon ng mga anak nito kung mga

magulang ay
masusing minomonitor, inaaruga at pinapahalagahan ang kapakanan ng
bawat
isa tungo sa magandang kinabukasan.

Sinulat ni: Amy S. Bretania

Itala ang mga sagot sa loob ng graphic organizer.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 128

Gawain 3

Basahin ang sumusunod na sanaysay. Tukuyin ang mahalagang

kaisipang inilahad. Ibigay ang sariling opinyon tungkol dito.

Likas na mapamahiin ang mga Pilipino. Isa siguro ito sa mga

dahilan kung bakit hindi tayo umuunlad sa siyensiya. Kung minsan ay
nakatatawa na ang mga pamahiin. Ganoon pa man, ang mga ito ay
sinusunod pa rin ng maraming Pilipino. Ilan sa mga pamahiing ito ang
sumusunod:

Ang mga Taga-Polillo, Quezon ay naniniwalang ang isang taong

nagtatanim ng saging ay kailangang busog na busog upang maging
mapipintog, matataba, at malalaki ang saging.

Sa Tanauan, Batangas, ang mga tao ay naniniwala sa mga nuno.

Ang mga ito raw ay nakatira sa isang bundok, puno o sa isang punso. Kung
makikiraan ka sa tirahan ng nuno, kailangang humingi ka muna ng
pahintulot bago kumilos.

1. Sumasang-ayon kaba o tumututol sa ipinahayag sa sanaysay?

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Marami pangpamahiin o paniniwala tayong mga Pilipino. Sa iyong

palagay, dapat bang paniwalaan ang mga ito?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Gawain 4

Ibigay ang sariling reaksyon o palagay sa mga sumusunod na mga paksa.

Isulat ang iyong sagot sa iyong kwuderno.

1. Paghahanda nang labis ng mga Pilipino kung pista.

2. Unti-unting pagkalimot ng mga kabataan na magmano sa
nakakatanda.
3. Paniniwala sa multo.
4. Pagiging malapit ng mga kasapi ng mag-anak sa isa’t isa.
5. Pagtutulungan sa oras ng sakuna o sa gawain sa barangay.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 129

Gawain 5

Manood sa telebisyon, making sa radyo o magbasa sa pahayagan ng isang

isyu o balita. Isulat ang pamagat sa iyong napanood, narinig o nabasa,
pagkatapos ibigay ang iyong reaksyon/opinyon tungkol dito.

_________________________________________

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

RUBRIK SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS

KRAYTERYA PINAKAMA MAHUSAY KATAMTA PAPAUN NANGANGAI
HUSAY MAN LAD LANGAN NG
GABAY
5 4 3 2 1
NILALAMAN
• Pagsunod
sa uri ng
anyong
hinihingi.
• Lawak at
lalim ng
pagtatalaka
y sa paksa.
BALIRALA
• Wastong
gamit ng
wika.

HIKAYAT
• Lohikal na
pagkakaayo
s ng mga
ideya.
• Pagkakaug

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 130

nay ng mga
ideya
• Paraan ng
pagtatalaka
y sa paksa.

Pangwakas:

Binabati kita, naisagawa mo ng mahusay ang

layunin ng gawaing ito. Ang pagbibigay
reaksiyon ay isang mabuting kasanayan dahil
naipahahayag natin ang sariling saloobin, o
pananaw hinggil sa mga kaisipang inilalahad.

Susi ng pagwawasto:

Gamitin ang rubrik sa pagpupuntos sa gawaing 1-5.

Mga Sanggunian:

A. Aklat
Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma 4, Wika at Pagbasa para sa
Elementary, 2013
Liwanag, Lydia B., PhD, Landas sa Wika, Binagong Edisyon,
Kagawaran ng Edukasyon

B. Website

1. www.lrmds portal
2. www.Slideshare.net

RODEL F. CIELO
May-Akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 131

Filipino 6
Pangalan: ________________________________ Lebel: ____________
Seksiyon: _________________________________ Petsa: ____________

GAWAING PAGKATUTO
Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian sa Pananaliksik
Panimula
Mahilig ka bang magbasa? Naiintidihan mo ba ang iyong binabasa?

Upang higit na lumawak ang ating kaalaman sa maraming bagay,

gumagamit tayo ng iba’t ibang sanggunian.

Ang Pananaliksik ay isang sistematiko at siyentipikong propeso ng

pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag-oorganisa, at pagpapakahulugan
ng mga datos tungo sa paglutas ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon,
pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng tao.

Narito ang ilan sa mga pangkalahatang sangguniang maaari nating

magamit:

➢ Diksyunaryo- aklat talaan ng mga salita na nagbibigay kahulugan o

depinisyon ng mga ito. Ibinibigay rin ang wastong pagbigkas,
wastong gamit at wastong pagdadaglat. Nakaayos ng paalpabeto ang
mga salita rito.
➢ Ensiklopedya- Ito ay kalipunan o set ng mga aklat na nagtataglay ng
mga impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa. Kinapapalooban ito
ng mga artikulo tungkol sa mga katotohanan sa isang bagay, tao,
pook, o pangyayari.
➢ Almanac- Ito ay aklat na taunang inilalathala upang makapagbigay
ng pinakahuling impormasyon tungkol sa mga punto ng kawilihan,
mga pangyayari sa isang bansa, palakasan, relihiyon, politika,
industriya, at iba pa.
➢ Atlas-Ito ay aklat ng mga mapang nagsasabi ng lawak, distansya, at
lokasyon ng mga lugar. Ipinakikita rin ang mga antong-tubig (tulad
ng karagatan, dagat, lawa, look, at ilog) at anyong-lupa (tulad ng
kabundukan, burol, mga pangunahing lansangan, at daan) na
matatagpuan sa isang lugar. Ang mga mapa rito ay nakaayon sa
pagkakahating pampolitika, rehiyon, o estado.
➢ Thesourus- Aklat na talaan ng mga salita at ng mga
kasingkahulugan nito.

Ang mga ito ay maaaring nakalimbag o nasa internet web page.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 132

Kasanayang Pampagkatuto at koda
Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pananaliksik
Koda: F6EP-Ib-d-6

Pamaraan
Basahin, suriin at unawain ang mga naihandang mga Gawain na lilinang sa
iyong kaalaman sa paggamit ng pangkalahatang sanggunian sa pananaliksik.
Gawain 1
Sagutin ang crossword puzzle sa ibaba gamit ang mga pangungusap na
palatandaan para sa bawat numero.
Pangkalahatang Sanggunian
Pababa:
1. Grupo ng mga aklat na nagtataglay ng mga impormasyon tungkol sa mga
bagay-bagay at mga artikulo tungkol sa katotohanan.
4. Aklat na nagtataglay ng pinakahuling impormasyon tungkol sa mga punto
ng kawilihan, mga pangyayari sa isang bansa, palakasan, relihiyon, politika
at iba pa.
Pahiga:
2. Isang maliit na replika ng mundo
3. teknolohiyang maaaring pagkunan ng impormasyon gamit ang
kompyuter, tablet o piling telepono.
5. Ipinapakita rito ang mga anyong lupa at anyong tubig na
matatagpuan sa isang lugar. Ito ay nakaayos ayon sa pulitika,
rehiyon o estado.
6. Pinagkukuhanan ng kahulugan, baybay o ispeling, pagpapantig,
bahagi ng pananalitang kinabibilangan ng salita, pinanggalingan ng
salita, at nakaayos ito nang paalpabeto.
7. Isang palapad na guhit ng mundo o ng bahagi nito.

4
5

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 133

Gawain 2

Isulat sa patlang kung anong sanggunian ang gagamitin kung nais mong
malaman ang sumusunod na impormasyon.

______________1. Nais mong malaman kung ano ang kahulugan ng

salitang mitolohiya.
______________2. Gusto mong makakuha ng impormasyon tungkol sa
Bundok ng Olimpo.
______________3. Nais mong malaman kung sino-sino ang pinakasikat
na manalalaro para sa taong ito.
______________4. May nagtatanong sa iyo kung saan eksaktong
matatagpuan ang bansang Gresya sa mapa.
______________5. Ikaw ay naatasang mag-ulat tungkol sa iba pang
katangian ni Athena bilang diyosa.

Gawain 3

Magsaliksik gamit ang pangkalahatang sanggunian na diksyunaryo.

Hanapin ang kahulugan, tamang ispeling o baybay; at bahagi ng
pananalita ang bawat salita.

Salita Kahulugan Tamang Bahagi ng

ispeling o pananalita
baybay
1. Matematika
2. Agham
3. Mawsoleo
4. Talahulugan
5. Palikuran
6. Balintataw
7.
Durungawan
8. Kagaw
9. Lalagukan
10. Anluwage

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 134

Gawain 4

Gamit ang tamang pangkalahatang sangguniang napag-aralan mo na,

magsaliksik ukol sa mga araw/buwan na mainam ang magtanim. Isulat
ito sa loob ng graphic organizer. Sumulat ng maikling ulat ukol rito. Isulat
sa ibaba kung anong pangkalahatang sanggunian ang iyong ginamit sa
gawaing ito.

Araw/Buwan
na mainam
ang
magtanim

_____________________________________________________
Ginamit na Pangkalahatang Sanggunian

_______________________________________________

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 135

Gawain 5
Magsaliksik ukol sa ibinigay na paksa sa ibaba. Sumulat ng maikling
sanaysay mula sa mga impormasyong nakuha.

Sampung Teknolohiyang Nagpabago sa Mundo

Narito ang rubriks para sa Gawain 4 at 5.

Pamantayan Iskor
Natapos sa takdang oras, maayos at angkop sa tema ang
5
pagkakasulat ng sanaysay/ulat
Maayos at naaangkop sa tema ang pagkakasulat ng salaysay
ulat ngunit hindi natapos sa takdang oras 4

Natapos sa takdang oras ngunit hindi maayos at hindi angkop

sa tema ang pagkakasulat ng sanaysay/ulat 3

Nakagawa ngunit hindi natapos sa takdang oras, hindi angkop

sa tema at hindi maayos ang pagkakasulat ng salaysay/ulat 2

Hindi nakagawa ng gawain.

1

Pangwakas
Binabati kita, naisagawa mo nang mahusay ang layunin ng gawaing ito.
Mahalaga ang paggamit ng pangkalahatang sanggunian sa pananaliksik
upang mas lalong maunawan ang konsepto, salita o ideyang sinasaliksik
at pandagdag ng kaalaman at laman sa sinasaliksik.

Mga Sanggunian
Curriculum Guide
Baisa-Julian, Aileen G., Pinagyamang Pluma 5, Wika at Pagbasa para sa
Elementarya,2013
TG),igonometry, Mo, Module 2 (L

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 136

Susi ng Pagwawasto:
E
N
C
Gawain 2
Y 1. Ensiklopedya/diksyunaryo
C 2. Atlas
L 3. Almanac
2G L O B O 4. Atlas
P 5. Esiklopedya
I N T E R N E T 22
D
I
Y A
5A T L A S
M
D I K S Y U A R Y O
N
M
7 A P A
C

SHEILA MICAH T. YAO

May Akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 137

Filipino 6
Pangalan: ________________________________ Lebel: ____________
Seksiyon: _________________________________ Petsa: ____________

GAWAING PAGKATUTO
Pagsulat ng Kwento; Talatang Nagpapaliwanag
at Nagsasalaysay

Panimula
Ang kwento ay isang maiksing salaysay hinggil sa mahalagang pangyayari
na kinasasangkutan ng isa o higit pang mga tauhan at kaganapan.
Ang talata ay binubuo ng pangungusap o lipon ng mga pangungusap na
naglalahad ng isang bahagi ng buong pagkukuro, palagay o paksang diwa.
Ang talatang nagpapaliwanag ay binubuo ng pangungusap o lipon ng mga
pangungusap na nagpapaliwanag o nagbibigay ng dahilan sa teksto.
Ang talatang nagsasalaysay ay binubuo ng pangungusap o lipon ng mga
pangungusap na nagsasalaysay o nagkukwento sa teksto.

Kasanayang Pampagkatuto at koda

Nakakasulat ng Kwento; Talatang Nagpapaliwanag at Nagsasalaysay
Koda: F6PU-Id-2.2, F6PU-If-2.1, F6-Ih-2.1

Pamaraan
Basahin, suriin at unawain ang mga naihandang mga Gawain na lilinang
sa iyong kaalaman sa pagsulat ng kwento; talatang nagpapaliwanag at
nagsasalaysay.

Gawain 1
Hanapin at bilugan sa word search ang mga salitang nasa kahon.

KWENTO NAGPAPALIWANAG TALATA NAGSASALAYSAY

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 138

O D Y J H D X A X A P T Z Z X

O T S O F V Q X Z T E Q Z Q N

T F N J K H I G N A Z O U M P

F J D E R I I P M L O Z A J L

Z L G V W B R I P A X U E Q G

R Z Z G W K A H F T O N O L Y

N D G Y G V K V S A R K H B M

N A G P A P A L I W A N A G I

Y A S Y A L A S A S G A N V Z

Gawain 2

Isulat ang K kung ang teksto ay kwento, P kung ang teksto ay talatang
nagpapaliwanag at S kung ang teksto ay talatang nagsasalaysay

_____________1. Noong unang panahon, may isang batang nanirahan sa

kagubatan.
____________2. Bumagsak siya sa kanyang pagsusulit dahil hindi siya nag-
aral nang mabuti.
____________3. Nag-iingat ang bawat isa sa banta ng pandemya.
____________4. Nakaahon ang mag-anak sa hirap dahil sa kanyang
pagsisikap.
____________5. Ang mga front liners ay nagbabantay para mapanatiling
ligtas ang mamamayang Pilpino.
____________6. Siya ay nabasa dahil nakalimutan niyang magdala ng
payong.
____________7. Mabuti binabantayan ni Nanay Manok ang kanyang mga
sisiw mula sa nagbabantang si Uwak.
____________8. Isang araw, nagpapayabangan sa kagubatan si Narra, Ilang-
ilang at Mangga. Tahimik lamang si Kawayan at nakikinig
lamang sa kanilang usapan.
____________9. Nagdadalang tao si Aling Nena.
____________10. Umiiyak ang bata sapagkat siyang nadapa.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 139

Gawain 3

Panuto: Sumulat ng malikhaing kwento tungkol sa paksang nakasaad.

Paksa: Hindi malilimutang karanasan sa panahon ng pandemya

_______________________________________

________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

________________________________________

________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Narito ang rubriks para sa gawaing ito.

Pamantayan Iskor
Natapos sa takdang oras, malikhain at naaangkop sa tema ang
5
pagkakasulat ng kwento.
Malikhain at naaangkop sa tema ang pagkakasulat ng kwento
ngunit hindi natapos sa takdang oras 4

Natapos sa takdang oras at malikhain ang pagkakasulat ng

kwento ngunit hindi naaangkop sa paksa. 3

Nakagawa ngunit hindi natapos sa takdang oras, hindi

malikhain ang pagkakasulat ng kwento at hindi naaangkop sa 2
paksa.
Hindi nakagawa ng gawain.
1

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 140

Gawain 4
Sumulat ng talatang nagpapaliwanag na binubuo ng apat na talata.
Paksa: Bakit kailangang alagaan ang ating katawan?

_______________________________________

________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Narito ang rubriks para sa gawaing ito.

Pamantayan Iskor
Natapos sa takdang oras, malikhain, naaangkop sa paksa ang
pagkakasulat ng talatang nagpapaliwanag at binubuo ng apat 5
na talata.
Malikhain, naaangkop sa paksa ang pagkakasulat ng talatang
nagpapaliwanag ngunit tatlo lamang na talata ang naisulat. 4

Malikhain, naaangkop sa paksa ang pagkakasulat ng talatang

nagpapaliwanag ngunit dalawa lamang na talata ang naisulat. 3

Malikhain, naaangkop sa paksa ang pagkakasulat ng talatang

nagpapaliwanag ngunit isa lamang na talata ang naisulat. 2

Hindi nakagawa ng gawain.

1

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 141

Gawain 5
Sumulat ng talatang nagsasalaysay na binubuo ng apat na talata.
Paksa: Mga pinagkaabalahan sa panahon ng quarantine.

_______________________________________

________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Narito ang rubriks para sa gawaing ito.

Pamantayan Iskor
Natapos sa takdang oras, malikhain, naaangkop sa paksa ang
pagkakasulat ng talatang nagsasalaysay at binubuo ng apat na 10
talata.
Malikhain, naaangkop sa paksa ang pagkakasulat ng talatang
nagsasalaysay ngunit tatlo lamang na talata ang naisulat. 7

Malikhain, naaangkop sa paksa ang pagkakasulat ng talatang

nagsasalaysay ngunit dalawa lamang na talata ang naisulat. 5

Malikhain, naaangkop sa paksa ang pagkakasulat ng talatang

nagsasalaysay ngunit isa lamang na talata ang naisulat. 3

Hindi nakagawa ng gawain.

0

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 142

Pangwakas
Binabati kita, naisagawa mo nang mahusay ang layunin ng gawaing ito.
Ang pagsulat ng kwento, pagpapaliwanag at pagsasalaysay ay isang
napakahalagang kasanayang dapat malinang sa isang batang katulad mo
dahil ito ay susi sa mabisang pakikipagtalastasan.

Mga Sanggunian
Curriculum Guide
MELC
TG

Susi ng Pagwawasto:

Gawain 1
.

O D Y J H D X A X A P T Z Z X

O T S O F V Q X Z T E Q Z Q N

T F N J K H I G N A Z O U M P

F J D E R I I P M L O Z A J L

Z L G V W B R I P A X U E Q G

R Z Z G W k A H F T O N O L Y

N D G Y G V K V S A R K H B M

N A G P A P A L I W A N A G I

Y A S Y A L A S A S G A N V Z

Gawain 2
1. K 6. P
2. P 7. K
3. S 8. K
4. P 9. S
5. S 10. P

SHEILA MICAH T. YAO

May Akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 143

You might also like