Until Forever by Jonaxx

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 461
At a glance
Powered by AI
Klare and Elijah seem to have a romantic relationship but their history is complicated. They are now trying to rebuild trust between them.

Klare and Elijah appear to have rekindled their romantic relationship after a period of being mad at each other. They care deeply for each other but have faced challenges.

Klare and Elijah are traveling to Resorts World Sentosa in Singapore for Elijah's basketball tournament.

Until Forever (Book 3 of Until Trilogy)

Elijah Montefalco never liked this particular girl cousin. Naramdaman niyang ayaw
sa kanya ng pinsan niyang ito at hindi naman siya 'yong tipong ipagpipilitan ang
kanyang sarili sa taong ayaw sa kanya. They were family so he needed to deal with
her sometimes. Mabuti na nga lang at marami naman sila kaya hindi na napapansin ng
iba na ayaw nila sa isa't-isa. But there was a reason why he never liked her� Pero
bakit nga ba? Ano ang nangyari at bakit nagkaganito? Paano sila napunta dito? And
after all the sacrifices, would they still make it through? Kaya nga kaya ng
pagmamahalan nila na lagpasan lahat? Paano kung hindi pa nga naayos ay unti unting
mawawasak ulit? Is their love really a curse? Can't they live happily even just for
a moment? Is their forever too much to ask for?

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and


incidents are either the products of the author�s imagination or used in a
fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual
events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works


from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

---------------------------------------------------------------------------------

No Soft Copies.

Priority Story will be EBNAB

Ito po ang third book ng Until He Was Gone. This is both a prequel and a sequel.
Please be patient with the ups coz my priority is EBNAB. Thank you so much for
supporting this story! Hope you'll continue to support this till the end.

---------------------------------------

Simula

"Bro, wanna play ball?" Kakadating lang ni Azi galing sa kanila.

I told him I'm not in the mood to go out. Ang tigas talaga ng ulo ng isang ito.
Pumasok sa loob ng kwarto ko si Josiah at Damon. Nag dala pa talaga siya ng kanyang
team.

"What the fuck, dude? You're decaying inside your room. Go out, man!" Ani Azi sabay
dribble ng bola. Mabilis na lumipad ang dirty finger ko sa ere.

Humalakhak siya.

"Dammit, I told you I'm not in the mood..." Paos pa ako sa nagyari kagabi.
Kinusot ko ang mata ko. Hinawi ni Josiah ang kurtina kaya lumiwanag ng husto doon.
Hinawakan ko ang ulo ko. Damn! I just want to sleep the whole day.

"I hate you guys." Because it's true, I hate them right now.

Pero mas naiinis ako kay Kuya Justin. I told him to go slow. Now I'm a wreck.
What's it called again? Jim Beam and Jack Daniels? Sabi ko sa kanyang beer lang
muna dahil first time ko pang uminom. So much for being his apprentice.

Naririnig ko na ang tawa niya galing sa labas. Kasama niya si Rafael at si Knoxx.
Tinaas ko ang kamay ko nang nakitang umamba ng high five si Knoxx sa akin.

"You cool, bro?" Aniya.

Ngumisi ako at ginulo ang buhok.

"I heard muntik ka ng ma lason ng Jim Beam." Knoxx chuckled.

"Or ma comatose?" Nagtaas ng kilay si Rafael.

"Non sense. I'm good. Si Kuya ang na comatose kagabi. Dad was too angry to let him
sleep."

Bumaling silang lahat kay Kuya Justin. Syempre, nagalit si daddy nang nalaman
niyang pinainom ako ng alak ni Kuya. Kahit na kagustuhan ko iyon, still Kuya Justin
is responsible for that.

Napuno ng kantyaw si Kuya habang dumiretso na ako sa bathroom. I'm not sure if I
can even dribble a ball right now. Masyadong masakit ang ulo ko para tumakbo. I
just really wanna rest.

After the cold shower, naabutan ko silang lahat sa kama ko. Azi's too curious about
the alcoholic beverages. Naaalala ko sa kanya ang sarili ko kahapon.

"Fuck you, Kuya. I just wanna try." Iritadong sinabi niya kay Knoxx nang pagbawalan
siya nito.

"Try my ass. You're still a kid!" Ani Knoxx.

"Isang taon lang gap natin. Kung bata ako, bata ka rin."
Umiling na lang ako at naghanap ng maisusuot. Hindi ko na maalala ang nangyari
kagabi. Ang alam ko ay pinagalitan ni daddy si Kuya Just. Nasali pa 'yong issue na
ayaw ni Kuya Justin mag major ng business. Dad's too hard on Kuya Just these past
few days. Kaya naiintindihan ko kung gusto niyang mag loosen up.

"Ej, drink these." Sabay lapag ni Kuya Justin sa isang tablet ng vitamin C at
mamahaling mucolytic.

Napatingin ako sa kanya. "Are you kidding me?"

"Trust me. It will help. I got this." Kindat niya.

Nagkibit balikat ako. Simple. Kung lalala ang pakiramdam ko dahil sa pinainom
niyang ito, I'll stay inside my room forever. Hindi ako mapipilit ni Azi na lumabas
dito.

Ngunit nakakagulat dahil tama si Kuya Justin. Nakatulong nga ang dalawang
pinagsamang tablet na iyon. Fast relief, indeed.

"May study tungkol diyan. That's the cure for hangover, Elijah. If you wanna learn,
I'll teach you the whole thing." Kindat ulit niya sa akin.

Nagkibit balikat ako. Well, I guess I should take note.

"I wish Justin's my brother. Nakakairita ang Knoxx na iyon. Yabang!" Singhal ni
Azi, papalabas kami ng bahay. "Age my ass. He's just Grade 9. Akala mo naman kung
makapag salita, legal age na. Kuya Justin's cool. Knoxx sucks big time."

"Try kaya natin uminom next week o mamayang gabi? Tago lang tayo para di makita
nina mommy." Ani Damon sabay ayos sa kanyang buhok.

"At saan naman tayo magtatago?" Nagtaas ng kilay si Josiah.

And curiousity killed the cat. Alam kong noon pa lang ay gusto na nilang ma try
uminom. Syempre, I got the eldest Montefalco brother kaya ako ang naunang maka
experience ng ganon. Ngayong na experience ko na, silang lahat gusto na rin. I bet
Azi's ass, Knoxx won't let them drink a drop.

"What about sa bahay nina Elijah? Elijah's room?" Ngising aso ni Azi, papasok kami
sa sasakyan ni Rafael.

"At ako ang papagalitan ni Dad? Tsss." Sabi ko.

"Come on, Elijah. Hindi tayo papagalitan kung di nila malalaman. Sabihin natin na
'sleepover'." Nag quotation marks pa sa hangin ang unggoy.
"What are you, a girl, Azi? Sleepover ka dyan." Irap ni Josiah. "Jamming, Elijah.
Let's invite Rafael."

"Pag inimbitahan mo si Kuya Rafael, dadating si Knoxx. Azi's ass will burn." Ani
Damon.

Tumawa ako.

Syempre, nang dumating na si Rafael at Knoxx ay tumahimik na sila tungkol don. Nag
shift ang topic sa girls. Halos hindi pa kami magkasya sa loob ng sasakyan. Dalawa
naman ang dala dahil sumama naman si Kuya Justin but heck the monkeys want to be
together. Hindi bale na raw na maging sardinas kami sa loob.

"Akin na nga." Sabay kuha ni Josiah sa winawagayway ni Dame na cellphone.

He's at it again. Searching for interesting schoolmates and trying his badboy
moves. Humikab ako habang tumitingin sa labas ng sasakyan. Sinusundan ko ng tingin
ang bawat building na nadadaanan namin.

"Just look at her, man!" Sabay pakita ni Azi sa picture don sa cellphone ni Damon.
"Andrea Tancinco! She's so hot!"

Dinungaw ko ang picture ng isang babaeng medyo chinita at payat. Yeah, well, she's
pretty. "Looks too young." Sabay tingin ko ulit sa labas.

"Mas maganda kaya ang mas bata!" Panindigan ni Azi.

"Patingin, Azrael!" Sabi ni Knoxx na nasa front seat.

"Hell, maghanap ka ng babae mo sa school niyo." Galit na sambit ni Azi.

Tumawa na lang si Knoxx sa front seat. Bumaling ulit si Azi sa akin. "What about
this girl, bra?" Sabay palit ng picture sa cellphone ni Damon. "Who's this again,
Dame?"

"Alyssa Acosta." Sabi ni Damon.

Once again, I'm tempted. Dinungaw ko ulit ang isang picture ng babaeng sobrang
puti, nakalabas ang dimple, pula ang labi, may maiksing shorts, at spaghetti strap
na damit. Damn!

Kinuha ko 'yong cellphone sa kamay ni Azi. Lumaki ang ngisi niya dahil sa ginawa
ko.

"What section, Dame?" Tanong ko.


"I don't know. She's from Pueblo Campus." Sagot ni Damon.

"How about this Andrea whatever?" Sabay tingin ko ulit sa picture nung babaeng
medyo chinita. Azi's right, she's hot!

"Klare's classmate." Sagot ni Damon.

Nagtaas ako ng kilay. Binigay ko kay Azi ang cellphone ni Damon. I lost my interest
there.

"May isa pa, dude!" Sabi ni Azi sabay pakita ng isa pang babaeng morena at
matangkad.

Damn girls. Pinag aagawan na ni Josiah at Azi ang cellphone ni Damon. Punong puno
iyon ng girls. Well, at least they're not watching porn habang naghahanda kami sa
game na 'to.

"Nandon ba sina Erin?" Tanong kong sinagot kaagad ni Josiah.

"Yup. Claudette and Klare. Sinundo, diba, ni Justin?" Nagtaas siya ng kilay sakin.

Nagkasalubong ang kilay ko. Wala akong alam. Hindi ko alam na sinundo ni Kuya ang
tatlo.

"How about Yasmin, Ej?" Tanong ni Rafael.

"Surigao with mommy." Sagot ko sabay tingin ulit sa labas.

Nakarating na kami sa Marco Hotel. Dito gaganapin 'yong basketball game. Katuwaan
lang pero sineseryoso nila. Tamad akong bumaba sa sasakyan. Nagpapasalamat dahil
nakahinga na rin ang mga buto ko. Mamaya kay Kuya Justin na ako sasakay. Damn boys.
Sumulyap ako sa kabilang parking lot nang narinig kong tumunog ang sasakyan namin.

Kakalabas lang ng girls sa sasakyan. Hinawi ni Claudette ang mahaba niyang buhok at
nilagay niya sa tainga niya ang kanyang malaking headphones. Inaayos ni Erin ang
kanyang damit samantalang nilalagay ni Klare ang kanyang kamay sa loob ng mga bulsa
ng kanyang Nike Jacket.

"Where's Chan, by the way?" Tanong ni Kuya Justin kay Josiah.

"Probably with his cheating boyfriend. Tsss." Sagot ni Josiah. "May araw 'yon sa
akin. Kung di ako aawayin ni Ate, suntukin ko 'yon."
Ngumuso ako habang tamad na tumatayo doon. Maaga pa naman kaya tumayo muna kami sa
parking lot. Abala rin si Azi at Knoxx sa pamimili sa tatlong bola sa likod ng
sasakyan. Siguro ay kulang sa hangin ang mga iyon kaya natatagalan sila.

Kinagat ko ang labi ko nang naramdaman ko ang siko ni Klare sa tagiliran ko. Busy
sila ni Erin sa pag uusap tungkol sa hindi ko alam. Basta ay nagtitilian ang
dalawa. Their topic must be about a crazy serial killer. Their shrieks are filling
up my ears.
"Elijah, where's ate Yas?" Nagulat ako nang bigla akong tinanong ni Erin.

Nilingon ko sila. Nakita ko kung paano nagulat si Klare na sobrang lapit niya pala
sa akin. Jesus, we're not even that close to each other. 'Yong siko lang naman niya
ang tumatama sa tagiliran ko. Paranoid girl. Umatras siya at lumayo sa akin. Oh,
you don't wanna be near me? I don't want to be near you too.

"Nasa Surigao kasama si Mommy." Sagot ko at tumingin na ako sa likod. Ang tagal ni
Azi at Knoxx.

"Eto na, e. Kung sana nandito si Ate Yas, makikita niya na si Eion Sarmiento."
Bulong ni Erin.

Well, hindi iyon bulong kasi naririnig ko. Eion Sarmiento? XUHS player? Napatingin
ako kay Knoxx na ngayon ay may suot ng Chevalier jersey. They're not Crusaders for
today, huh?

Sinarado na nila ang likod ng sasakyan pagkatapos makuha ang bolang dadalhin namin.
Pinanood ko silang naglalakad patungo sa akin.

"Let's go, dude." Sabi ni Josiah.

Hindi ako gumalaw. I waited for Knoxx and Azi. Nang naabutan na nila ako ay saka
ako naglakad kasabay sa kanila. Nakita ko kaagad na papasok na ang girls sa gym,
sumusunod naman ang boys.

"Who's Eion Sarmiento, Knoxx?" Tanong ko nang di nililingon si Knoxx.

"One of our varsities. At... uh? Crush ni Klare?"

Tumango ako. His name sounds familiar. Probably one of Xavier University's star
player. Sumabog ang gym sa hiyawan. I'm really not a fan of the XUHS basketball
team, they always have a bunch of cheerleaders with them everytime.

Tumingala ako para makita ang mga mukha nong babaeng sumisigaw para sa kanila.
Nagulat ako nang nakita kong may iilang taga school din namin na sumisigaw para sa
amin. Nag angat pa ako ng tingin at sinalubong ako ng nakakabinging tili ng
dalawang babae.

"ELIJAH MONTEFALCO!!!"

Napapikit ako at napahawak sa aking tainga. Dammit! Binunggo agad ako ni Azi.

"Damn, bro, you've got some real fans out there." Tumawa siya.

"Fuck off." Iritado kong sinabi.

Halos pumutok ang ear drums ko sa tiling iyon. I don't wanna hear it again. Mabilis
na akong nag tungo sa benches pero ewan ko kung anong nakain nung mga babaeng iyon,
mas ginanahan ata silang tumili nang nakita akong nasaktan sa kanilang mga boses. I
don't understand them!

Agad kong inayos ang sapatos ko habang naririnig ang nakakairitang tili ng mga
babae at mas nakakairitang kantsyaw ni Azi at Josiah sa tabi ko. Nakaupo ako habang
silang dalawa ay nakatayo. Sinubukan pa ni Azi na tanggalin ang kanyang jersey, mas
lalong tumili ang mga babae.

"Thanks, Azi." Sarkastiko kong sinabi sa kanyang.

Tumawa lang siya at parang enjoy na enjoy sa ginagawang pagtili ng mga babae.
Bastard. Napatingin ako sa kabilang bench, nakita ko kaagad ang matangkad, medyo
payat at maputing player na may nakalagay na Sarmiento 28 sa likod. We have the
same number.

Inangat ko pa ang mata ko at nakita ko kaagad na pumwesto ang mga babae kong pinsan
sa bleachers malapit sa bench ng Chevaliers. Claudette's busy with her iPod, Erin's
watching us, and Klare's watching Eion Sarmiento.

"Tsss. What's so special?" I'm suddenly pissed.


Kabanata 1

Good Morning

Hindi ko parin mahanap ang sagot kung ano ang meron sa Sarmiento na 'yan. Why is
Klare crazy over him? Some other girls are crazy over him too! Naririnig ko kung
paano humiyaw ang iilang schoolmates niya sa bleachers. It's stupid.

Azi passed the ball to me. Dinribble ko ngunit nakaharang si Eion sa dadaanan ko
dapat. I suddenly got pissed and frustrated. I need to shoot this ball but how? Sa
sobrang frustration ko ay hindi ko sinasadyang nasiko si Eion Sarmiento. The
referee didn't notice it kaya hindi tinawag bilang foul. Diniretso ko ang bola sa
ring at agad akong nanlamig. I'm sure the audience noticed it!

Nakita ko kung paano pumalibot ang mga teammates niya para sa kanya. Tumatango
naman siya at panay ang sabing okay lang siya.

"Two points from Number 28, Montefalco."

Mabilis akong tumingin sa mga bleachers kung nasaan ang mga pinsan kong babae. They
didn't even clap their hands! Nakatingin lang si Erin at Klare kay Eion. Si
Claudette naman ay nakatoon sa kabilang team.

"Hindi ko sinasadya." Paliwanag ko kaagad nang lumapit si Rafael sa akin.

"I know. He's an annoying guard." Ani Rafael at tinapik ako sa likod. "Nasiko ko
rin 'yon kanina nong ako ang binantayan niya."

Tumango ako at binalewala na lang.

Tumili ang mga babaeng maiigay. Sinisigaw ang apelyido ko. Well, Azi's really proud
of it. Panay ang flying kiss niya sa mga babaeng tumitili sa apelyido namin.

"Ni hindi mo alam kung ikaw nga ang tinutukoy na Montefalco. It could be me, you
know! Tsss." Ani Josiah kay Azi.

"Stop ruining the moment and just be greatful you idiot." Ani Azi na siya sigurong
magpapatalo sa amin.
Sa sobrang saya niya sa mga tili ay halos puro pasikat na lang ang ginagawa niya.
Halos mag slam dunk na siya sa sobrang pasikat.

"Yabang!" Sigaw ko nang tinaas niya ang kanyang kamay pagkatapos maka shoot ng isa.

Nilingon ko ulit ang mga babaeng nagtitilian para sa amin. Dumami sila at pare
parehong nakabalandra ang makikinis nilang mga legs. Damn... Let's do this!

We won. Isang puntos lang ang lamang. I didn't like it. Gusto kong manalo ng
sobrang laking puntos ang lamang. Ni hindi pinapasok si Knoxx sa last two quarters
and I felt shit about that. That means they could win if they'd maximize their
players but they didn't.

"Ayos!" Sabay fist bump ni Knoxx sa aming lahat. Tumigil siya sa akin. "You
improved a lot."

"Gym, Elijah. Not just jog. Mas maganda pag toned ang muscles. You'll feel
lighter." Ani Kuya Justin habang nagpupunas ako ng pawis.

"Maybe you should enrol him, Just?"

Tumango si Kuya Justin at nag usap pa sila ni Rafael at Knoxx tungkol sa laro.

Habang nag papalit ako ng damit ay nahagip ng mga mata ko iyong mga babae na bumaba
galing bleachers patungo sa amin. Napatingin ako sa kani kanilang mga legs. Tumaas
ang dalawa kong kilay at yumuko para kalasin ang sintas ng sapatos ko.

"Hi, Melissa!" Salubong ni Josiah sa kanyang girlfriend.

Sinalubong din ni Azrael at Damon ang iba pang mga kilala namin na sumusuporta.
Nahagip ng paningin ko sina Erin na naroon sa kabilang benches at nakikiusisa sa
mga players ng Crusaders. Nakatayo lang si Klare sa pinaka likod habang hinihila
siya ni Erin. Nagpupumiglas pa si Klare sa ginawa niya kay Erin. Nag angat ang labi
ko.

"Hi Elijah! Nice game!" Nawala ako sa focus dahil sa biglang lumapit sa akin.

I remembered this girl! Ito 'yong nasa cellphone ni Azi. But I forgot her name.
What's her name again? Her long fair legs looked really nice to me. Lalo na ngayong
naka tayo siya sa gilid ko.
"Ah! Thanks! I'm sorry. You are?" Kinunot ko ang noo ko.

"Alyssa Acosta." Medyo naoffend siya sa tanong ko. "Magkatabi ang classroom natin."

Tumango ako.

"Alyssa, pakilala mo naman ako sa kanya." May lumapit na tatlo pang babae.

Tumayo na ako at inayos ko ang bag ko. I don't wanna be rude. Naglahad ako ng kamay
sa kanila at nagpakilala. Namumukhaan ko sila pero hindi ko parin na rere-call ang
pangalan nila. Si Alyssa Acosta lang iyong naalala ko nang nasa sasakyan na kami.

"Mag ja-jamming kami ngayon sa bahay nina Elijah." Panimula ni Josiah nang tumawag
ang kanyang dad.

So they're still at it. Gusto pa rin nila talagang uminom. I need to tell Kuya
Justin. He'll help. Hindi niya naman siguro ilalaglag si Azi kay Knoxx. He'll
understand. They're just curious.

Bumaba ako ng sasakyan. Wala pa naman si Knoxx at Rafael at nakita ko sa kabila na


nandoon na si Kuya Just kasama ang girls. Naglalakad ako patungo doon nang biglang
tumunog ang cellphone ko. It's from an unknown number.

Unknown number:

This is Alyssa Acosta. Nice meeting you Elijah. Save my number. Josiah gave your
number to me.

Mabilis akong nag type ng reply.

Ako:

Sure thing. Nice meeting you too. Naka alis na kayo sa venue?

Nag angat ako ng tingin nang nakitang nakahalukipkip si Justin sa labas ng sasakyan
habang si Klare at Erin ay nagtitilian sa gilid. Kumunot ang noo ko at bumaling
ulit kay Kuya.

"They want a drink but Azi's not allowed. Ayaw ni Knoxx, e."

Ngumuso si Kuya sa akin. "Curious boys. Well, anong plano niyo? Pwede naman sa
bahay but they need to be really quiet. Dad's around for tonight. Ayokong pagalitan
niya na naman ako."

"I don't know if they can shut their mouths."

"Pwede naman siguro, Ej, itago na lang natin 'yong bottle incase mag check si dad."

Tumango ako at nilingon ko ang kabilang sasakyan. Sumenyas ako ng 'okay' sa kanila
at halos maghiyawan sila sa saya.

"Ayan! Nanghihinayang ka ngayon! Kung sana ay hindi ka nahiya kanina ay nakausap mo


na si Eion!" Dinig ko ang boses ni Erin na pinapagalitan si Klare.

"Marami pa namang pagkakataon." Simpleng sagot ni Klare.

Humalukipkip ako at hindi ko napigilang sumungit. "You'll stoop down to that level?
Girls should just keep quiet and wait for the boy to make a move. Tsk."

Sinimangutan ako ni Erin. "Yup. Kasi madalas yung mga lalaking pumuporma ay iyon
sila 'yong mga arseholes, Elijah."

Lumingon si Klare sa akin at nakita ko ang mataray niyang ekspresyon. Ngumisi ako.
"Like all of you."

"Well, hindi ako ang pumuporma sa mga babae." Humalakhak ako.

"You're too proud. Feeling chic-magnet. Tss." Umirap si Klare at hinawi ang kanyang
bangs. Nilagay niya iyon sa kanyang tainga at nakita ko kaagad ang kanyang ear
piercing. Hindi siya nag susuot ng earrings.

"Ikaw ang nagsabi niyan. Hindi ko sinabing chic-magnet ako."

"Get lost, Elijah. Shoo!" Ani Erin. "Away na naman kayo."

Medyo nairita ako sa kanilang dalawa kaya naglakad na ako ng di nagpapaalam.

"Rude. Saan ka pupunta?" Dinig ko ang tanong ni Klare.

Halos matigilan ako sa paglalakad. Nilingon ko siya at nakita kong hindi natinag
ang mataray niyang mukha.

"Sa sasakyan, syempre. To get lost." Umirap ako at nagtungo na sa sasakyan.

Hindi ko malaman kung badtrip ako o ano basta ay masaya ako dahil sa bahay
matutulog ang mga boys. This will be really fun!
Pauwi kami ay panay ang reply ni Alyssa Acosta sa akin.

Alyssa:

Yup. Kayo?

Ako:

I'm home. What are you doing?

"Shit, dude! Hiningi ni Alyssa Acosta 'yong number mo!" Sabi ni Josiah papasok kami
ng bahay.

"Really? Akala ko binigay mo lang bigla sa kanya?" Ngumisi ako at mas lalong
ginanahan sa pag titext kay Alyssa.

"Hindi ah! Tinanong niya kung anong network mo. Sinabi ko Globe tapos sabi niya
pareho daw kayo at pwede daw bang makita 'yong number mo."

Nagtawanan kami at mas lalong dumami ang usapan na patungkol sa mga babaeng nag
cheer kanina. Syempre sa hapag ay pormal kami. Sumama si dad sa amin sa pagkain.
Panay ang pangaral niya sa amin na mag enjoy dahil mga bata pa kami at huwag na
huwag malulong sa mga masasamang bisyo most specifically 'yong drugs.

"No... Hindi ako mamamatay sa prohibited drugs pag nag take ako. Mamamatay ako
dahil papatayin ako ni dad pag ginawa ko 'yan so I'd rather live a simple happy
life." Tumango tango pa si Azi.

Good boys kaming masyado. Mabuti na lang at medyo busy si Rafael at Knoxx kaya
hindi sila sumama. Si Damon, Josiah, Azi, at ako lang ang nandoon.

Pagkatapos kumain ay nagsiakyatan na agad kami sa kwarto ko. Naabutan ko si Kuya


Justin na naglalagay ng Henessy sa round table ng balcony ko.
"We'll start easy." Aniya sabay ngising aso.

"Is that even easy?" Tanong ko.

"Let's start hard, Just. Para matuto kami." Halakhak ni Damon.

"I'm quiet surprised, Dame. Hindi ko alam na first time mo rin 'to. Rafael is open
minded." Ani Kuya kay Damon na umuupo na ngayon sa tapat ng Henessy.

"Well, he is. But dad isn't... so..."


Nagsimula na kami doon. Umupo lang kami sa balcony. Nag s-strum ng guitar si Josiah
habang ako ay panay ang text habang nagpapahangin doon. Palaging pumipikit ng
mariin si Azi tuwing nilalagok ang shot.

"Bakit may naaadik dito kung ganito ka sama ang lasa? I don't get it!" Sabi ni Azi
pagkatapos mailapag ang pangatlong shot ng Henessy.

Pulang pula ang kanyang mukha at basang basa ang kanyang labi. Hindi ko mapigilang
kantyawan siya. Ganon din ang ginawa ni Damon. Kung medyo okay lang sana si Josiah
ay siguro kanina niya pa 'to tinawanan si Azi pero maging siya ay mukhang tipsy na
rin.

"Ganon talaga, Azi. Pag sobrang lasing ka na, masarap na 'yan!" Ani Kuya.

Nagtawanan kami. May kumatok sa aking pintuan. Agad nag presenta si Damon na siya
na ang mag oopen non. Nagpaluto kasi kami ng sisig at beef tapa sa cook kaya iyon
na siguro 'yon.

Pagkatapos kunin ni Dame ay binalot agad kami ng nakakagutom na amoy ng sisig. Agad
iyong nilantakan ni Azi at nag reklamo siya sa sobrang sakit ng ulo niya.

Alyssa:

Wow! Ang swerte siguro pag naging pinsan kita. Hehe

Nag type agad ako ng reply.

Ako:

Do you want us to be cousins? Hindi kita maliligawan pag cousins tayo.

Nilingon ko ulit si Azi na nakapikit ang isang mata habang nag titext. Sino kaya
ang ka text nito.

Tumawa si Kuya Justin. "Iyan ang signs na medyo lasing na."

Tumawa rin si Josiah at kinuha ang cellphone niya. "Remember this day. Ito ang araw
na nadevirginized ng alcohol ang lalamunan at atay natin."
Nagtawanan kami.

"Next on my checklist? Devirginize a girl. Or have sex." Sabi ni Azi. "I'm sure mas
mauuna ako sa inyong lahat."

"Well..." Nagkibit balikat si Josiah.

Ngumisi ako. Mauuna my ass. Josiah's probably doing 'it' already.

"Shut up, Joss. You're a big fat virgin." Sabi ni Azi.

"Hoy! Pag naka buntis kayo, ibubuking ko kayong lahat!" Sabi ni Kuya Justin. "Don't
make the girls cry! That plan is disgusting, Azi."

"Well kung willing siya, edi willing din ako. Hindi ko naman sinabing iri-rape ko
siya, Justin. It's mutual understanding. Let's be open minded. Tsaka, I'm smart. I
won't get anyone pregnant."

Nanlaki ulit ang mata ni Azi nang tumunog ang kanyang cellphone. Tumunog din ang
akin at nakita kong may tatlong mensahe na doon. Isa galing kay Alyssa, isa galing
sa nangungumusta kong classmate at isa pang unknown number.

Alyssa Acosta:

Bolero! I hate you. :(

Ngumisi ako ngunit narinig ko ang halakhak ni Azi. Sino ang katext niya? Mabilis
kong dinungaw ang cellphone ko.

"Sinong ka text mo?"

"A couple of girls. But Klare made me laugh hard." Tumawa ulit siya.

Hinawakan ko ang cellphone ni Azi at nagulat ako dahil nag titext sila ni Klare.
Binigay niya naman sa akin ang phone niya.

"Sinabi ko sa kanyang nag inuman tayo. I'm sure she won't tell anyone. She can keep
a secret." Ani Azi.

Binasa ko ang text ni Klare. Wala akong number niya at kahit kailan hindi siya nag
appear sa inbox ko. Kahit emergency texts wala!
Klare:

You're so drunk Azrael. Mali mali ang texts mo. You'll die so young because of
alcohol or worst, ma aaaddict ka dyan!

"She needs to seriously sort her hierarchy of things. Sabi niya worst daw ang
maaddict! Mas worst kaya ang mamatay! Crazy girl." Tatawa tawa lang si Azi.

Tiningnan ko ang cellphone kong maraming nagtitext. Tuwing ganito na ang oras ng
gabi ay sobrang daming nag titext sa akin. Binalingan ko ulit ang cellphone ni Azi
at tiningnan ko ang kabuuan ng conversation nila ni Klare.

Ang unang text niya kay Azi, kahit na mukhang text niya sa lahat ay: "Good morning!
<3 "
Bakit di niya ako sinasali? Suplada talaga. Binalik ko kay Azi ang kanyang
cellphone at nilagok ko ang shot ng Henessy. Tinabi ko ang cellphone ko at nagsalin
na lang ng isa pang shot sa akin. Nakakainggit. I want to recieve Good Morning
texts too. Nilingon ko si Azi at nairita ako sa naka ngisi niyang mukha habang nag
tatype ng reply. Fucker.

Song: I Will Always Stay This Way In Love by Nina

Kabanata 2

Nice Voice

So yeah, we all got drunk. Sumakit ang ulo ko pero dahil don sa tinuro ni Kuya
Justin sa akin ay mabilis naman akong nakaahon. Sila naman ay panay ang request ng
sabaw kinaumagahan. Ayaw pang umalis sa kwarto ko. Mabuti na lang at walang sumuka
sa sahig. Si Azi at Josiah panay ang suka sa bathroom kagabi.

"Ang tagal ng soup." Sabi ni Azi habang nakapulupot sa aking comforter.

Sabog ang mga mukha nila. Natatawa na lang ako at panay ang mura nila sa akin dahil
hindi daw ako nalasing. Nalasing ako pero mas nauna lang talaga sila kaya hindi na
nila namalayan.

"I feel like shit." Ani Azi sabay kuha sa nilalahad na cellphone ni Josiah. "Ano
'to?"

Dinungaw ko iyon para tingnan kung ano 'yong ipinapakita ni Josiah kay Azi.
"CR muna ako." Ani Josiah at padabog na sinarado ang CR.

"Tangina mo, Josiah!" Tawa nang tawa si Azi.

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong porn ang nasa cellphone ni Josiah.
Humagalpak sa tawa si Damon nang narinig ang boses ng babae galing sa cellphone ni
Joss. Lumapit din siya sa amin para manood.

Nagtawanan kaming tatlo at hinagisan ni Azi ng unan ang pintuan ng bathroom ko.

"Fuck your cure for hangover is porn? At anong ginagawa mo dyan sa CR?"

Panay ang tawanan namin kahit sa school. Hindi kayang bitiwan ni Azi 'yong ginawa
ni Josiah sa bahay. Our teacher got pissed cuz Azi won't stop laughing. Napagalitan
na kami at lahat pero hindi parin kami matigil sa kakatawa.

"Huy, boys!" Binatukan ni Chanel si Azi at Josiah habang kumakain kami sa canteen.

"Ano ba!" Iritadong sabi ni Azi sabay tingin kay Chanel.

"I know what you did! Kayo talaga, di kayo nagsasabi!" Aniya. "Elijah, sana sinama
mo ang girls."

"Ang KJ ng girls." Sabi ko.

Sumimangot si Chanel. "Hindi sila iinom. They'll just watch. Bonding lang naman.
I'll convince Knoxx next time."

"I'm not going to let Dette taste that thing." Ani Azi na agad namang sinapak ni
Damon.

"Loko! Nasarapan ka na nong lasing ka na!"

Patuloy sila sa pag aasaran habang napansin ko ang panay na pag tunog ng cellphone
ko. Kinuha ko kaagad iyon sa bulsa ko at nakita ko ang mga texts ni Alyssa Acosta
at iilang babaeng classmate ko.

"So... Kelan ba alis ni Kuya Just?" Tumabi si Chanel sa akin.

"Next month. Kasama si Ate." I said.

"Hindi ka sasama?" Tanong ni Chanel.

"Hindi. Sa December pa ako. Don kami magpapasko." Sagot ko.


"Kaya pala di nag enrol si Just for this year? How about Yas? Enroled siya, a?"

"Aabsent lang siya ng two months." Sagot ko habang nag tatype para makapag reply sa
text ni Stephanie Angeles, iyong crush ng kaibigan ko.

Stephanie:

I heard you're texting Alyssa. Akala ko ba di ka pumapatol ng textmates?

Ako:

I'm being polite. You jealous?

Binatukan agad ako ni Chanel at agad siyang tumayo.

"What?" Tanong ko sabay angat ng tingin sa kanya.

"Ang kapal mo? Alyssa Acosta tapos Stephanie Angeles? Tsss."

Tumawa na lang ako at umiling. "Saan ka, Ate?" Tanong ni Josiah.

"Bakit? Sama ka?" Sarkastikong tanong ni Chanel. "Pupunta ako sa speech lab. 'Yong
CD ng kakantahin ni Klare para sa speech test nila nasa akin. Ibibigay ko."

"Ngayon ba 'yon? Manonood ako." Tumayo agad si Josiah at umambang sasama kay
Chanel. "Ako nagturo kay Erin nong kanta niya. Pinaghirapan ko 'yon."

Tumayo rin si Azi at Damon para sumunod kay Chanel. Wala akong nagawa kundi
sumunod. Ayokong maiwan sa canteen na puno ng nanonood na mga mata. Tumunog ang
cellphone ko at naging abala ako sa pagrereply sa mga text ng mga kilala ko.

Stephanie:

Nope. Bakit naman ako magseselos? Hindi naman tayo.

Alyssa:

May practice kayo mamaya?

Ako to Stephanie:

Aryt. :)
Ako to Alyssa:

Wala. Every Friday lang madalas. Depende kay Coach.

Mabilis na nag reply si Stephanie.

Stephanie:

:(

Ako:

Why are you sad?


"Tingnan niyo si Rafael? God damn it, anong ginagawa niya diyan sa kabilang
section?" Tanong ni Josiah.

Sumilip kami sa pintuan nila at nakita naming naroon nga si Rafael, walang takot na
nakiki upo sa classroom ng may classroom. May kinakausap siyang babaeng may
malaking salamin.

Sabay kaming suminghap at sabay rin naming binanggit ang pangalan nung babaeng
kausap niya, "Tasha."

"Ha?" Iritadong sambit ni Chanel at agad bumalik sa kanyang dinaanan para tingnan
si Rafael na nasa Grade 9 section. "Anong. Ginagawa. Niya. Diyan?"

Tinulak ko si Chanel para maalis doon. "Hayaan mo na."

"Why is he still pursuing that bitch?" Iritado niyang sinabi.

"Who said?"

"Sino?" Tanong kong inosente.

"Sinong nagsabing nililigawan niya 'yan?" Dagdag ni Damon.

"Pag untugin ko kayong apat dyan! I know Rafael. Humanda 'yang Tasha na 'yan."

"Yeah, great!" Sabi ko nang nagmartsa si Chanel paliko sa corridor.

"Ano ba, Chanel, hayaan mo na si Rafael." Ani Azi.

"Wala ka bang konsiderasyon para kay Claudette, Azi? Hindi mo na ba naaalala?" Inis
na sinabi ni Chanel.

"Of course naaalala! Pero kasalanan 'yon ni Dette at Erin!"


Nilingon agad ni Chanel si Azi at itinuro. Natigilan si Damon at Josiah. Suminghap
na lang ako at umiling habang nagbabasa ng mga mensahe ng mga girls.

"Itinali niya si Claudette sa isang punong kahoy at binato ng putik. Si Dette


Dette, Azrael. Si Claudette Montefalco!" Mariing sinabi ni Chanel.

"Grade 7, yeah. That was a long time ago." Sabi ko.

"That was last year. Shut up, Elijah! Her legs isn't everything." Kumunot ang noo
ko at nagtama ang paningin namin ni Chanel. Inirapan niya ako.

"Boom!" Sabay tapik ni Josiah sa balikat ko.

"What's the matter with her?" Tanong Azi sabay turo sa naglalakad na Chanel.

Sumunod na lang kami at nagtawanan ulit nang nakasalubong ang iilang mga kaibigan
naming babae. Papalapit na kami sa speechlab ay unti unti rin kaming tumatahimik.
Inisip ko kung pwede ba kaming pumasok. Malaki ang speech laboratory namin at
naaalala ko nong kumanta rin kami noon para dito ay naka pasok naman ang ibang
estudyante. Nakita ko si Claudette na kumakanta sa harapan. Wala kaming naririnig
dito sa labas. Ang malaking salamin at ang mga classmate niyang naka head phones
lang ang nakikita namin galing doon.

"Dito lang kayo." Sabi ni Chanel.

"Di tayo makakapasok?" Tanong ko.

Itinuro ni Chanel iyong mga upuan sa likod kung saan may dalawang classmate kaming
naka upo at iilang babaeng taga ibang level. "Magpapaalam muna ako." Aniya.

Pumasok siya sa loob. Pumalakpak ang mga classmates nila. Nakita kong pumula ang
pisngi ni Claudette. She must've been nervous.

"Go Dette!" Ani Azi sabay tulak nang pintuan, ni hindi pa nga kami pinapapasok ni
Chanel.

"Si Erin ang susunod." Ani Damon kay Josiah.

"How did you know?" Tanong ni Joss.

"Montefalco, C. Montefalco, E. Montefalco, K." Umirap si Damon at pumasok na rin sa


loob.

"Dito tayo." Ani Chanel habang nagsiksikan kami sa bench doon sa likod. Nakatayo na
lang si Dame sa gilid ni Azi dahil hindi na kami nagkasya.
Si Chanel ay binibigay iyong CD sa magandang teacher ng speech.

"Hi, Ma'am!" Bati ko sa kanya.

Ngumisi lang siya at tumango. Kinurot ako ni Chanel at binulungan na sasapakin niya
ako mamaya.

Natahimik kami nang kumanta na si Erin. Panay ang banggit ni Josiah na siya ang
nagturo kay Erin non. Well, he also got pissed coz some of the boys were checking
her out.

"Sobrang protective mo naman, Joss. Kakairita." Ani Chanel sabay akbay sa kanyang
kapatid.

"Yeah, let her go, Joss." Sambit ko pagkatapos kong isend ang text ko para kay
Alyssa.

Nagpalakpakan ang mga kaklase nila. Syempre, ang kinukuha ng teacher sa speech ay
kung paano i-pronounce ang mga salita. Hindi ito pagandahan ng boses pero syempre
mas maganda pakinggan kung whole package. Maganda ang diction, pronouncation, at
ang boses mismo.

Nag angat ako ng tingin nang humakbang si Klare sa stage. Pansin ko ang iksi ng
kanyang dark blue na skirt, iyong uniform ng girls sa school. Inayos niya ang
striped necktie at nakipag tawanan pa siya sa operator.

"Go, Klare!" Dinig kong sigaw ni Erin.

"I love you, Klare!"

Sinabayan pa ito ng ilang lalaking kaklase niya.

"Sino 'yong sumigaw?" Napatanong ako sa kawalan.

Hindi ko makita dahil bawat estudyante ay nasa loob ng cubicle. Gusto kong tumayo
pero ayokong gumawa ng eksena. Nilagay ni Klare ang headphones sa kanyang ulo.
Hinawi niya ang bangs niya at malaki pa rin ang kanyang ngiti.

She's pretty confident. I haven't heard her sing though. Humalukipkip ako at
naghintay sa kakantahin niya.
Simula pa lang ng kanta ay tumindig na ang balahibo ko.

"I never lost the love that I had given you

With all the things that we have both been through

I never stayed in love before

As much as I have stayed in love with you..."

Itinukod ko ang aking siko sa aking tuhod at pumangalumbaba ako sa panonood sa


kanya. Gumagala ang tingin niya. Hindi makapirmi. Palipat lipat sa kanyang mga
kaklase.

"Galing niya talaga." Ani Chanel.

"Yeah." Sabi ni Azi.

Habang tumatagal ay mas lalo lang akong kinikilabutan.

"Love

It means just you and me to stay together."

Hindi ako mapakali. Lalo na tuwing ngumingiti siya dahil sa hiyaw ng kanyang mga
kaklase. I don't like this. Kahit na malamig dahil sa aircon ay pinagpawisan ako.
Panay ang punas ko sa pawis ko. Lalo na nang nasa huli na siya ng kanyang kanta.
She's repeating these words over and over again:

"I will always stay this way in love with you."

Linipat niya ang kanyang paningin sa isang kaklase. Tiningnan ko kung sino ang
tiningnan niya at napabuntong hininga ako nang si Erin 'yon.

"I will always stay this way in love with you." Inilipat niya ulit ang tingin niya
at nakita kong kay Claudette.
"I will always stay this way in love with you." God! Inilipat niya ulit at sa isang
lalaking kaklase siya nakatingin. You better be gay or a nerd, dude.

"I will always stay this way in love with you." Inilipat niya don sa kaklase niyang
varsity. I won't forgive you, Klare.

"I will always stay this way in love with you." Nakita kong tumingin siya sa sahig
at ngumiti.

Hinahabol ko ang hininga ko at mabilis ang pintig ng puso ko. I'm probably sick or
something. Tatayo na sana ako para lumabas nang nagtama ang tingin naming dalawa.

"I will always stay this way in love with you...

I will always stay in love this way..." Her eyes lingered on me.

I can't help but open my damned mouth. Manghang mangha ako sa kanya at hindi ko
alam kung bakit ako nagkakaganito. Fuck!

"Tas na! Ang galing!" Sabay palakpak ni Azi.

Tinakpan ko na lang ang mukha ko ng aking mga palad. I can't take it... Hindi ko
alam kung bakit ako nagkakaganito. But I like it. I like hearing her saying those
words...

"Galing mo, Klare!" Sabi ng isang lalaki.

Hindi ako nag angat ng tingin. Yeah. Flirt all you want.

"You okay?" Tanong ni Azi sa akin nang natapos na at ganon pa rin ako. "Alis na
tayo. Lalabas na sila. Tsaka time na. Computer lab tayo ngayon." Ani Azi.

Tumango ako at tumayo. Nagulat ako nang pagkalabas namin ay lumabas din ang kanyang
mga kaklase. Aalis na sana ako nang hinawakan ni Chanel ang braso ko.
"You wait. Sasabay ako. Babatiin ko lang sila." Aniya at mabilis siyang tumakbo kay
Klare, Erin, at Claudette. Niyakap niya ang tatlo.

Humalukipkip ako at pinanood ko rin si Josiah at Damon na lumapit sa kanilang


tatlo.

"Galing niyo! Congrats! Akala ko di ako makakaabot. Nagmadali ako kanina." Ani
Chanel.

"Thanks, Chan! Kinabahan ako don!" Ani Klare.

"Nice voice." Sambit ko at lumapit sa kanya.

Fuck! I'm nervous again. PInagpapawisan ang kamay ko.

"Yeah, sarcastic." Inirapan niya ako at tinalikuran.

Napawi ang ngiti ko at pinagmasdan ko siyang kinakausap si Claudette, papalayo sa


akin.

"Tara na!" Ani Chanel sabay hila sa akin para makaalis na rin kami don.

"Ouch..." Halakhak ni Azi.

Napatingin ako sa kanya at nagkibit balikat lang siya sa akin.

Kabanata 3

Sick

"What? So wala ka, ganon?" Halos ilayo ko ang cellphone ko sa aking tainga.

"Don't be such a girl. May flu ako-"

Hindi pa ako natatapos sa pagsasalita ay pinutol na ni Azrael ang tawag niya.


Asshole. I'm really sick and tired. Kung sana di ko lang pinatulan 'yong hamon ng
mga taga XUHS na mag laro ng basketball nong isang araw ay di sana ako nabasa ng
ulan at nagkaganito. Absent ako sa school kanina because of this freaking flu.

Tumunog ang cellphone ko habang nanonood ako ng movie. Tamad ko itong sinagot.
"Hello, mom?" Sabi ko.

"Ej, uminom ka ng medicine? How are you feeling? Is your dad there? Nasa school pa
ang ate mo at sabi ni Justin, di ka daw pupunta sa birthday ni Azrael dahil masakit
parin ang ulo mo?"

"Yup. Dad isn't here. Si Kuya Justin lang ang nandito." I said.

"Sorry. I convinced him to stay pero ayaw niya. He needs that, though. He'll be
flying to Manila next week. He needs all the bonding he can get."

Umirap ako sa kawalan. "It's okay mom. I can take care of myself."

"May papupuntahin ka ba sa bahay? Perhaps a girl? or shall I ask Chanel to take


care of you. You know your Ate Yas will be late, Friday ngayon, activities ng
school nila."

"Wala akong papupuntahin sa bahay natin. Seriously mom, where'd you get your ideas?
I can take care of my self."

Narinig ko na lang si mommy na suminghap.

"Mom, I gotta go. Take care sa Manila. I love you. Muwah."

She giggled. "Elijah! Drink your meds."

"Yes, mom."

At nang nakawala na ako sa kanyang mga tanong at bilin ay nagsimula ulit akong
kumain ng pop corn at nanood ng TV.

"Still sick?" Dinig ko ang mga yapak ni Kuya Justin sa gilid.

"Yeah. Good luck!" Sabi ko sabay tingin sa cellphone kong nag vibrate.

Alyssa:

Drink meds, please.

"Siguro may papupuntahin kang babae dito no?" Tanong ni Kuya Justin sabay hagis sa
akin ng unan.

Umayos ako sa pagkakaupo at hinawi ko 'yong unan sa aking dibdib.

"Bakit 'yan ang iniisip ng lahat? Wala akong papupuntahin dito. I'm just damn sick.
My head is aching. May flu ako. Just tell them."

I shivered. I need to turn off the centralized aircon. Kung bakit ba kasi nag a-
aircon sa bahay kahit na maulan naman. God, I hate the rain. I'm fine with the
snow. Nakakairita kasi 'yong ulan, nakakadumi ng sapatos, paa, at iba pa. Inaayos
ni Kuya Justin ang kanyang buhok habang tinitingnan akong naka ngising aso.

"You'll miss the fun. At magiging burden ka kay Yasmin. Kung dito ka sa bahay, I'm
sure uuwi 'yon dito imbes na pumunta kina Azrael because of you."

"Sinabi ko sa kanyang pumunta siya doon." Sabi ko nang di siya tinitingnan.

"Sabi ni Knoxx, pumayag daw si Tito Az na painumin ang boys so legit 'yong inuman
sa bahay nila ngayon."

"I know." Di parin ako natinag.

Dumungaw ulit ako sa cellphone ko.

Stephanie:

It's so cold kasi. :( How are you feeling? Kinuha mo na ba 'yong body temp mo?

Ako:

Yup. 38. I'm okay, though. Wala lang sa mood. What are you doin?

Tumunog ulit ang cellphone ko para sa isa pang nag text bukod sa mga mura ni Chanel
dahil hindi ako makakapunta.

Unknown number:

Hi, this is Lorainne. Save my number guys. Xoxo

What does xoxo mean? Hugs and kisses right? Lorainne who?

Ako:

Lorainne Santos?
Mabilis siyang nag reply.

Lorainne:

How rude. Lorainne Montalban.

Okay. Hinagisan ulit ako ni Kuya Justin ng unan. Tumawa siya nang nakitang nairita
ako.

"Since di ka pupunta, paki gawa na lang 'tong assignment ni Klare. Nagpatulong siya
kay Rafael. Tinanggap ni Rafael pero binigay niya sa akin."

Ngumiwi ako. "At ibibigay mo sa akin?"

"Well, you're good at math."

"Hindi ba siya magaling sa Math?"

"She is pero mahirap 'to. Nabaliw siguro 'yong teacher nila."

Hinagis niya ang notebook na kulay pink sa table. Agad ko iyong kinuha.

"I'll get the keys. You sure you don't wanna go, huh? The drivers are all out. Kay
dad at kay Yas. Good luck!" Aniya.

Tumango ako at tiningnan ang notebook na may magandang sulat kamay. Magaan ang
kanyang sulat kamay at malinis. Tuwing may erasures ay hindi masakit sa mta. Isang
beses na crash out lang at ang letter G niya ay may arte. Palaging may date sa taas
at may nakalagay na heart sa baba. Nang nakita ko kung asan 'yong assignment niya
ay mabilis na gumana ang utak ko.

Kumuha ako ng ballpen at nagsimulang mag scribble ng mga sagot doon sa gilid. So
much for the headache. Mas lalo lang sasakit ang ulo ko nito. I need a scratch
paper. Binaliktad ko ang kanyang notebook at imbes na sumulat ako sa huling page ay
nakita ko ang mga nakasulat.

"Eion Sarmiento forever. I thougt I can never find the right man to love. I've seen
so many faces, been in different places, until I finally gave up. Sweetheart, it
took me half of my life in finding you. Now I wish to spend the other half in
keeping you and loving you for the rest of my life."

WHAT THE HECK? Ngumisi ako. Really? Sweetheart, huh? Half of your life in finding
him? Half my ass.

Nilagyan ko ng mga notes doon.

Ako:

Half? If my math is correct, mamamatay ka at the age of 26?

You've been in different places? Hindi ko alam na naghahanap ka pala ng mamahalin


nong nag Cam Sur kayo nina Tito?

YOU ARE JUST A GIRL. GET OVER THIS LOVE THING.

CRUSH IS THE TERM. LOVE IS DIFFERENT. DON'T CONFUSE IT.

Napawi ang ngiti ko nang narealize na ang dami kong sinulat at paniguradong
papatayin ako non. Well, I'm dying anyway.

"Ej!" Kumalabog ang pintuan nang pumasok si Ate Yas. Mabilis na dumapo ang kamay
niya sa noo ko. Hinawi ko iyon agad.

"I'm okay."

Umismid siya. "Then bakit di ka sasama?"

Tumayo ako at nilapag ko ang notebook sa table. I'll answer the last two items
later.

"Sasama ako sa'yo. Bihis lang ako." Sabi ko.

"But you're sick. Mainit pa ang noo mo."

"Tss..." At mabilis nang umakyat para magbihis.

Well yes, I look and feel sick. Nag jacket na lang ako at ballcap. Tiningnan ko ang
cellphone ko na may mga message galing sa mga kaibigan ko. Dalawa sa mga lalaki,
tatlo naman ulit galing kay Stephanie, Alyssa, at Lorainne.

Lorainne:

Is this Elijah Montefalco?


Ako:

Yup.

Alyssa:

Are you asleep?

Ako:

Nope. Pupunta ako sa bday ni Azrael.

Stephanie:

Nag FB. Ang daming posts ng babae sa wall mo. :(

"Let's go." Sabi ko sa naghihintay na si Ate Yas. Mas mabilis pa siyang nakapag
bihis sa akin.

"Tara." Inakbayan niya ako.

Inayos ko ang notebook ni Klare pagkarating sa sasakyan. Doon ko sinagutan ang


huling mga items. Ibibigay ko 'to sa kanya mamaya. She's there right? Sa party ni
Azrael?

Pormal at hindi gaanong maingay ang party ni Azi. Pagkapasok ko ay naroon ang iba
kong kaibigan. Nagulat ako nang nakita ko doon si Lorainne Montalban. Tumatawa pa
siya kasama ang mga kaibigan niya. Tumango lang ako.

Kahit paano, pormal parin dahil syempre, nandito ang kanyang pamilya. Nakipag high
five ako sa iilang kaibigan ko at nakita kong nagulat si Knoxx at Kuya Justin sa
pagpunta ko.

"Kala ko ba may sakit?" Sabay tapik ni Kuya Just sa balikat ko.

May mga nagpapaalam na kay Azi. Papatapos na siguro ang party niya. Nilapitan ni
Ate Yasmin si Azi para ibigay 'yong gift niya at mag greet.
"Yeah. Meron parin. Got bored so..." Sabi ko.

"ELIJAH RILEY MONTEFALCO." Ani Chanel nang nakita ako. "You're just so busy with
your girls! Kaya mong makipag text text sa kanila pero ang umupo dito, hindi?"

Tumawa lang ako. "Come on, Chan. I'm sick." Sabay hawak ko sa kamay niya at lagay
ko sa ulo ko.

Umiling siya at tinampal ang kamay ko.

It's fun. Kung sana ay wala lang akong flu ay mas masaya sana ito. Kumain ako pero
hindi masyadong marami. Narealize ko din na mukhang dito kami matutulog mag pinsan.
Nang dumating ang alas otso ay halos umalis na lahat ng bisita.

"Happy birthday, bra!" Sabay tapik ko sa likod ni Azi habang kausap 'yong
pinopormahan niyang Grade 10. Well, what the hell? Mas matanda pa kay Knoxx 'yon
ah? But she's damn pretty.

"Go away." Aniya.

Tumawa na lang ako at pumunta kina Rafael. Nilapag ko ang cellphone ko katabi ng
mga beeg na nilagay ni Tito Az.

"I'll let you drink just for tonight. Para hindi kayo ma ignorante sa mga inumin.
But this is strictly for the boys only." Sabay tingin niya kay Ate Yas at Chanel.

Sumimangot silang dalawa. "Pero tito, kahit taste lang?" Ani Ate Yas.

"No, Yas. Tsaka wa'g kayo sa mga kwarto. Dito lang kayo sa sala. Pagkatapos ay
pwede na don."

Syempre nag diwang kaming mga boys. Kumuha agad kami isa-isa ng mga beer. Umuwi na
lahat ng mga kaibigan ni Azi. Nasa labas na rin siya para ihatid 'yong pinopormahan
nila.

Sumulyap ako sa mga girls at nakita kong abala si Chanel sa mga, Idunno, nail polis
or something? Girls...

"Birthday sex! Birthday sex!" Sabi ni Azi nang pumasok siya.

"My ass!" Tawa ni Josiah.

"Cool!" Sabay lapit ni Damon at tapik sa kanya.

Nag kibit balikat siya. "Second base."


Halos mailuwa ko ang beer na iniinom ko. Dammit! Hindi nga?

Nakita ni Azi ang gulat kong mukha at nag kibit balikat ulit siya.

"Susumbong kita kay dad." Sabi ni Claudette sa malayo.

Tumawa lang si Azi. "He'll congratulate me, Dette."

Umirap si Claudette sa kayabangan ni Azi. Panay naman ang tanong ni Rafael at Knoxx
tungkol sa nangyari sa labas. Really? Umiling na lang ako at uminom. Gumalaw ako
nang nakita ko si Klare na lumalapit table. Ngunit mas nakakaengganyo ang usapan
nina Azi kaya nakinig na lang ako don.

"Hindi ba akin 'to?" Tanong niya kay Rafael.

Nagulat si Raf sa tanong ni Klare. "Oo. Just. Ikaw nag dala niyan?"

Tinaas ko ang kamay ko. "Ako."

Kinuha ni Klare ang cellphone ko at tumitig siya doon bago niya dinampot ang
kanyang notebook. Blanko ang tingin niya sa akin. Nag taas ako ng kilay. Marahan
siyang humakbang patungo sa akin. Napansin ko ang mga kuko niya ay kulay pink na
ngayon.

"Your phone." Aniya sabay lahad sa akin ng cellphone ko.

"Thanks." Sabi ko.

"Ang landi." Umirap siya at tinalikuran ako.

What? Dinungaw ko ang cellphone ko at nakita ko ang text ni Alyssa.

Alyssa:

Wow. Sana pwede akong sumama. Welcome kaya ako sa familyo niyo kung sakali? :P

Sinong malandi? Ako ba? Tumingin ako kay Klare at nakita kong kumuha pala siya ng
beer. Tumatawa si Chanel sa ginawa niya. Namutla si Claudette at panay ang tago ni
Erin sa beer. Nakita ko kung paano niya agad nilagok ang kalahati.

Ikaw ang malandi. And you're breaking the rules.


Nilapag ko ang beer ko sa mesa. Tumagilid siya at mas lalong umiksi ang kanyang
shorts. Nagtawanan sila ni Erin. Ngumiwi si Erin sa kanyang pag inom ng beer na
agad kinuha ni Klare.

Hinablot ko ito sa kamay niya. Tumingala siya sa akin at unti unting napawi ang
kanyang ngisi.

"You're not allowed to drink yet." Aniya.

"Uminom ako kasama si mommy at daddy last Christmas. I'm sure they won't mind."
Aniya.

Nagtaas ako ng kilay. "Sabi ni tito Az, hindi kayo pwede ngayon."

Nagtaas din siya ng kilay at ngumuso. Mabilis akong tumingin sa kanyang labi.
"You're sick. Bakit ka umiinom? Sa ating dalawa, ikaw dapat ang hindi pwedeng
uminom."

Kinagat ko ang aking labi. Alam niyang may sakit ako. "Pakealam mo. Di ko alam na
may alam ka pala sakin." Ngumisi ako.

May kinuha siya sa gilid. Narinig ko ang tawa ni Erin. "Duh! We're cousins." Aniya
at kinuha ang beer ni Josiah.

Tumayo si Klare. May linya sa kanyang hita. Probably because of her tight shorts.
Umatras ako. Mabilis niyang hinablot ang beer sa kamay ko at pinalitan niya 'to ng
baso.

"Tubig ang iinumin mo for tonight." Utos niya.

Nilagpasan niya ako at nilapag niya 'yong beer ko sa mesa. Hindi na siya tumingin
ulit sa akin pero ako, buong gabi kong binabalik ang titig ko sa kanya. Hindi na
rin siya uminom. Pinatikim niya lang si Erin. At hindi ko na rin naibalik ang beer
sa kamay ko. Dammit. Tiningnan ko ang baso ng tubig na binigay niya. I can't help
but smile.

I wanna be sick for the next three weeks.

Habang tinitingnan ko siya at nakikipagtawanan ako kina Joss at Azi na panay babae
ang pinag uusapan ay pinanood ko kung paano pumula ang kanyang pisngi nang binuksan
ang kanyang notebook.
Hah! Sinong malandi ngayon? Nilingon niya ako at kumunot ang kanyang noo. Nag taas
ako ng kilay sa kanya. Pinatingin niya kay Erin ang mga nilagay ko doon at hindi ko
mapigilang makaramdam ng pagkakairita. That was supposed to be our secret. Bakit
kailangan pang ipakita niya sa ibang tao? Tumawa si Erin at inirapan niya ako.

Nag iwas ako ng tingin sa kanila. I need to stop this... shit. Whatever. Inabala ko
ulit ang sarili ko sa pakikinig kina Joss at Azi habang nag titext ako sa ibang
babae.

Ako:

You free next Saturday, Alyssa?

Alyssa:

Yup. Bakit?

Nag angat ako ng tingin kay Klare na ngayon ay tinatali 'yong buhok niya. Nakataas
ang kamay niya habang ginagawa iyon.

"I kissed her neck, then her collarbones, then I squeezed her boob." Ani Azi habang
tinitingnan ko ang leeg at collarbones ni Klare.

Fuck. Pumikit ako at pinagpawisan. Hindi ko alam kung mas lalala ba 'tong sakit ko
o magiging maayos na ako ngayon.

Kabanata 4

No Hard Feelings

Ilang taon din ako sa U.S. Unfortunately (well), grade school pa ako nong naka
second base ako. She's an aspiring cheerleader and a blondie. Sa likod ng locker,
nong natanggap na siya sa squad ng school, bigla niya akong hinalikan. Of course, I
kissed her back. I'm not an idiot. She was hot. I was her first kiss, she wasn't
mine. May nahalikan na ako bago siya, it was with an older girl. Schoolmate parin.

Pagkabalik ko ng Pinas, pinormahan ko 'yong kapatid ni Tatiana Alcaraz, Rafael's


crush (well, what the fuck?). He got pissed so I stopped. Lalo na nong nahalikan ko
na siya at nag kwento kay Tasha kaya tinigil ko rin naman.
Hindi iyon alam ng iba kong pinsan. I'm glad that Raf's quiet about that. Azi
thinks my lips are virgin. Kasalanan niya na kung ganon siya mag isip. I'm never
proud of those experiences anyway. I mean, it's not something to be proud of.

"So this double date thing, I'm pretty sure walang nakakaalam nito?" Nagtaas ng
kilay si Tasha sa katabi kong si Alyssa.

She looked seriously horrible with that big rimmed glasses. Hindi ko alam kung
gusto niya bang masuka si Rafael o ano. Nilingon ko si Rafael at wala akong
makitang bahid ng pagkakasuka. He was euphoric. Hindi ko maintindihan kung bakit
namumungay ang kanyang mga mata habang tinititigan ang nakahalukipkip na si Tasha
sa kanyang gilid.

"Don't worry, Tash. Ang malalaman lang naman nila ay 'yong date namin ni Elijah. I
won't post about you and Raf." Ngiti ni Alyssa.

Nakakasilaw ang kutis niyang sobrang kinis at puti. Lahat ng suot niya, maiksi. And
with her red sexy lips, I'm speechless. Iniisip ko pa kung paano siya tumakas sa
dad niya para lang sa date na 'to.

"Sana nga..." Bumaling sa akin si Tatiana. "My sister won't like it."

Nagulat ako sa sinabi ni Tasha. Inaway ni Tash si Rafael nong sinubukan kong
pormahan ang kanyang kapatid. Ngayon, bakit niya sasabihin sa akin 'yon?

Nagkibit balikat ako at pumasok na sa loob ng sasakyan nina Rafael. Hindi pa siya
pwedeng mag maneho ng sasakyan kaya may dala kaming driver. Raf's just Grade 9
anyway.

"Bakit nakikipag date si Rafael ng tulad ng babaeng 'yan, Elijah? She's a nerd.
Look at her face? And her full bangs? And her ugly dress? And her cardigan?"
Iritadong bulong ni Alyssa sa akin.

"He finds her sexy. I don't judge." Kibit balikat ko.

Papunta kami ng Del Monte Golf Course. Madalas kami ni Raf dito because my dad and
his dad loves playing golf. Naisip naming pumunta dito, not to play golf, but to
stroll, eat, and date.
Narinig kong umubo si Tatiana sa gilid ni Rafael at panay ang tulak niya kay Raf
para lang malayo siya nito.

"Raf, may flu ako. Wa'g kang masyadong malapit sakin!" Sabi ni Tatiana.

But Raf won't stop. She's obviously faking her "flu".

"Sir, pangalan ng dad niyo o?" Tanong ng driver nang nasa gate na kami ng
Clubhouse.

"Rafael Douglas Montefalco." Sabi ni Raf sabay bigay ng card at I.D. niya tsaka
pinapasok kami doon.

Nang pumasok kami sa buong course, lumayo na agad si Rafael sa amin ni Alyssa. Some
alone time, eh? Nilingon ko si Alyssa at tanaw niya ang buong golf course. Mainit
at ang tanging nagpipigil sa sinag ng araw ay ang mga naglalakihang puno sa gilid
namin.

"Ngayon pa lang ako nakarating dito. My dad's not fond of golf. He's into guns."

Nanlaki ang mga mata ko. "My dad's into guns too. Nag a-airsoft ang kuya ko at
gusto ko ring subukan."

Tumango siya. "Wow! That's cool! Pag nangyari 'yan, I'm sure magkakasundo kayo ng
dad ko."

Whoa! Wait there, missy. Masyado kang mabilis. I'm sure you won't introduce me to
your dad yet?

"Ikaw? Ano ba ang hilig mo?" Tanong ko.

"Wala lang. Mahilig ako sa mga fashion magazines. You know, clothes and such."
Hinawi niya ang kanyang buhok.

She smelled nice. I know girls like clothes and fashion. Maganda talaga 'yong mga
girls na maalaga sa kanilang sarili.

May kumalabit sa akin. Nilingon ko kaagad ang driver nina Rafael na naglalahad ng
isang tray na may Clubhouse Sandwich, Fries, at Juice.
Nilingon ko si Ayssa. "Where do you wanna eat? Sa loob ng clubhouse o dito?" Tanong
ko.

"Dito na lang." Ngiti niya at sinubukang umupo sa damuhan.

Tumango ako at kinuha ang tray sa driver nina Rafael. Umalis din siya agad.
Hinintay kong mawala siya sa aking paningin bago umupo din sa damuhan.

Marami kaming pinag usapan. Mostly about her dreams and her friends. She's
interested about me too. 'Yong hobbies ko madalas at ang relationship namin ng
cousins ko.

"Grabe, may Montefalco din akong kakilala. He's, I think, second degree cousin mo?"

Tumango ako. "Malaking pamilya kami. Pero di ko masyadong nakakasama 'yong second
degree cousins namin."

"At madalas pa sa inyo, lalaki. How does it feel kaya to be one of the Montefalco
girls? I mean, Erin, Chanel, Yasmin, Claudette, Klare?"

"Sucks to have myself as a cousin." Tumawa ako.

Kumunot ang noo niya. "Why?"

"I'm... possessive..." Nag iwas ako ng tingin.

"Huh? Possessive?" Tumawa rin siya. "Siguro over protective ka lang. Parang kuya.
But I find it sweet."

"Yeah, kaya lang annoying para sa kanila." Sabi ko.

"I'm sure you're talking about Yasmin? Okay lang 'yan. You're her brother."

"Nah... Yas won't need my help. Iiyak lang ang mga lalaki sa kanya." Tumawa ulit
ako.

Nagulat ako nang hinawakan niya ang aking kamay. Nasa damuhan ito at hindi ko alam
kung bakit niya iyon ginawa. Nilingon ko kaagad siya. She's blushing big time.

"I find it sweet, Elijah. Super sweet. Nakakainggit naman kung magiging possessive
ka sa isang tao."

Ngumuso siya. Nagpakita ang kanyang dimple. I can't help but look at her lips.

"It's a bad thing, Alyssa. Masamang maging possessive. You don't own anyone. You
can't." Sabi ko.

"Yeah, but you want to own someone when you're in love." Nilagay niya ang aking
kamay sa kanyang makinis na hita.

Hell. I lost all the right words to say. Ang tanging naiisip ko na lang ngayon ay
ang makinis niyang hita.

Nag angat siya ng tingin sa akin habang hinahaplos ang kamay ko. Ang tanging nakita
ko na lang ay ang kanyang mga labi.

I kissed her. She kissed me back. Masarap siyang humalik. Hindi ko mapigilan ang
magpatuloy. Nakahilig na siya sa kahoy dahil sa pagdidiin ko sa kanya. Kinuha niya
ang kamay ko at nilagay niya sa kanyang dibdib. FUCK! Of course, I know what she
meant. I just couldn't believe it. I played with her boob.

"Ej..." Bulong niya.

Kinilabutan ako. Fuck, I'm turned on. Hindi dapat dito. Hindi ko kaya. Tumigil ako
sa pag halik at pinasadahan ng tingin ang malawak na golf course. Walang tao.

"Come on..." She whispered.

Hinalikan niya ulit ako. Hinaplos ko 'yong tiyan niya, pabalik sa dibdib. Pabalik
balik ko lang 'yon ginawa. At sa bawat pagbalik ay bumababa pa ang haplos ko.

Tumigil siya sa paghalik at kinagat niya ang kanyang labi. She looked drunk and
ready. I kissed her again and this time, hindi lang sa tiyan ang baba ng aking
kamay. Dammit!

Third Base, Azrael. But I won't tell you. I'm an asshole, yes, pero nirerespeto ko
si Alyssa. Hindi siya maglalakad ng walang ulo sa akin. I like her... I'll probably
date her.

"Do you like me, Elijah?" She moaned.

Most probably, Alyssa. Obviously.


Kinagat niya ang kanyang labi at pinikit ng mariin ang kanyang mga mata. Tumunog
ang cellphone ko at papatayin ko na talaga ang tumatawag. Dammit!

Hinayaan ko ang tawag na 'yon at pinagpatuloy ang ginagawa namin. Nawala rin pero
bumalik ulit. Ilang mura na ang binitiwan ko hanggang sa sinigaw ni Alyssa ang
pangalan ko. Fuck! I want to do it again. Papatayin ko nga lang muna 'tong
tumatawag. Pa importante. Kung si Rafael 'to, susuntukin ko na talaga siya. Baka
nakatingin lang siya sa paligid at nang iistorbo. Walang magawa dahil sa sobrang
boring nong date niya?

AZRAEL FUCKING MONTEFALCO CALLING?

"HELLO? Fuck you!" Sigaw ko sa cellphone at agad na nag iwas ng tingin kay Alyssa.

Hindi sumagot ang nasa kabilang linya. I'm really going to kill Azi. Really going
to kill him. Paano ko kaya siya papatayin? I'm suddenly fantasizing about punching
his face.

"Azi, ayoko na..." Sabi ni Klare sa kabilang linya.

I'm sure it was her! Hindi ako magkakamali! Boses niya 'yon! Nalaglag ang panga ko.
Nanlamig ang mukha ko. I'm... dead.

"Bakit?" Narinig kong sinabi ni Azi sa kabilang linya.

Anong ginagawa nila? On a Saturday? Anong ginagawa nilang hindi ko alam?

"I'm busy, Klare. Just ask him kung nasan siya..." Sabi ni Azi at narinig ko kaagad
ang tunog ng paborito naming laro.

"Joss!" Iritadong sinabi ni Klare.

"Kanina pa kami text nang text. Sabihin mo showing na 'yong Transformers.


Manlilibre ako in 3D!"

Pumikit ako. Where the hell is his GF? Bakit sa amin niya pa naisipang manlibre at
bakit hindi si Claudette ang inutusan nila? Bakit si Klare? Of course, they like
pissing me off.

"Ayoko!" Sigaw ni Klare. She's pissed.

"Elijah..." Dinig kong tawag ni Alyssa.

Nilingon ko kaagad siya at inutusan siyang tumahimik muna. Tumayo ako para lumayo
sa kanya.

"Klare... Klare..." Tawag ko.

God! Tinapon niya ang cellphone?

"Klare, answer the darn phone. Elijah's in distress!" Dinig kong sinabi ni Azi.

Naka loud speaker ang phone? At distress my ass, Azi. Papatayin talaga kita!

"Ikaw na ang sumagot. Ayokong kumausap sa gago."

"Then bakit mo kinakausap si Azi at Josiah? Mga gago din sila." Iritado kong
sinabi.

"Patayin mo nga yong cellphone mo Azi. Nakakairita ang boses ni Elijah." Sabi ni
Joss.

Fuck you. I want to curse again pero ayokong maalala ni Klare kung paano ko siya
sinagot kanina.

"Answer the phone, Klare." Sabi ni Azi.

"Ayoko."

"Answer it!" Sabi ulit ni Azi.

Now I'm pissed. Paano nagagawang utusan ni Azi si Klare? Nakakairitang marinig.
Sana hindi siya sundin ni Klare. Pero gusto kong humingi ng tawad sa kanya.
"Klare..." Tawag ko ulit. I'm dead. Naka loud speaker 'yong phone.

"Die Elijah." Natatawang sinabi ni Chanel sa background.

"Answer, Klare. Mukhang may kailangan sayo." Sabi ni Azi sabay tawa. "Lagot ka, Ej.
You'll die a virgin."

Pumikit ako at yumuko. Kumukulo na talaga ang dugo ko. I want to say sorry. Nagulat
ako nang may narinig akong kung ano sa phone. Huminga ng malalim ang nasa kabilang
linya. Sino kaya ang sumagot?

"Ano? Hindi na 'to loud speaker at nasa kusina ako. Ano?" Iritado at nagmamadaling
sinabi ni Klare.

First off... bakit niya sinunod si Azi? Another, nasa kaninong bahay sila?

"Sasagutin mo ba ako o maririnig ko lang ang hininga mo the whole time?" Maarte
niyang sinabi.

"I'm sorry."

Shit. Questions my ass.

"Okay. No hard feelings. Fuck you too." ani Klare at pinatay ang linya.

Tinapon ko ang cellphone ko pagkapatay niya sa kanyang linya.

Want another question, Elijah? Why are you acting this way? Just pissed. Yeah, I'm
just pissed.

Nilapitan ko ang cellphone ko. Narinig ko ang tawag ni Alyssa sa akin. Dinungaw ko
ang cellphone kong basag.

Just pissed? Yeah, what a load of bull crap.

Kabanata 5

Jerks
Syempre, hindi pumayag si Rafael na umalis. Nag aksaya pa ako ng isang oras para
maayos si Alyssa at kumbinsihin si Rafael pero di rin naman pala aalis. Pinaulanan
ko na ng text si Azi at Joss na pupunta ako don sa loob ng isang oras. Of course,
using Rafael's phone. Patay na 'yong akin. Kinailangan ko pang tumawag kay dad
using Raf's phone again just to tell him about the phone.

"Dad, nasira ang phone ko." Sabi ko habang pinagbuksan si Alyssa sa sasakyan.

Pinanood niya ako. Tiningnan ko lang siya habang nakikinig sa sinabi ni dad na
gumamit ng spare phone o ipaayos. Dammit, kung pwede lang ipaayos 'to. Basag ang
screen at alam kong hindi lang iyon ang problema sa loob. Sa inis ko kanina, buong
lakas ata ang nagamit ko sa pag bato nito.

God, I hated Klare for that. Somehow I'm blaming her.

"Ikaw ang bahala. Funds mo 'yan. I hope you stop being so materialistic." Mariin
niyang sinabi. "Hindi ka ba makakapag hintay ng December?"

"What? December pa ako magkakaphone? I'm not materialistic. Tsaka I'm not asking
for another iPhone. Low cost Android phones will do." Sabi ko.

Pumasok na ako sa loob. Diretso ang tingin ko sa kalsada habang sinisenyasan ang
driver nina Rafael na paandarin na ang sasakyan. Nagpaiwan si Tatiana at Raf.
Babalikan na lang daw sila nong driver. Namura pa ako kanina dahil aksaya daw sa
gas. Kasalanan ko ba 'yon? I want to go home.

"Bahala ka." Ani dad at binabaan niya na ako.

Fuck it. Humanda talaga 'yong mga pinsan ko. Nilapag ko ang cellphone ni Rafael sa
dashboard. Pinayagan niya pa akong gumamit nito patungong Cagayan de Oro. Hindi ko
alam kung iniiwasan ba niyang halughugin ni Tash 'yong phone niya o talagang nag
magandang loob lang siya.

"Elijah, bakit mo kasi tinapon 'yong phone mo at bakit tayo uuwi?"

Halos mapatalon ako nang maalalang nandon nga pala si Alyssa sa likod. "Ah, hindi
ko tinapon. Nadulas sa kamay ko." I lied.
Hindi niya naman nakita. Hindi ko alam bakit niya naisip na tinapon ko.

"Ba't nagmamadali kang umuwi? Ayaw pa ni Raf at Tatiana, ah? And we're having a
good time."

Nilingon ko siya.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang katawan. She's smoking hot. I won't deny that. At
nagkasala talaga ako. I was just tempted. Come on. No need to feel guilty. She
liked it too. She asked for it. Sabi ni Kuya Justin, the key to a peaceful life is
to just wait for the girls to beg. Gusto niya, tinugunan ko lang.

"I need to run some errands."

Ngumiwi siya. "But I thought you're free?"

Suminghap ako. "I'm sorry. Babawi ako." at tumingin na kaagad sa kalsada para
maiwasan ang dugtong niya.

Narinig ko ang hininga niya at hindi na ulit siya nagsalita. Sa kalagitnaan ng


byahe ay nilingon ko siya at nakita kong nakahalukipkip lang siya at nakatingin sa
labas.

She's mad, right? Paano ko ba gagawin 'to?

"Alyssa, saan nga pala ang bahay niyo?" Tanong ko para malaman ko kung saan kami
didiretso ng driver.

Tumingin siya sa akin. "Sa LimKetKai mo na lang ako idrop. Nandon mga kaibigan ko."
Aniya.

Holy shit. Doon din ang punta nina Azi! Doon kami manonood ng sine!

"Oh that's good. Magkikita pa kami ng mga pinsan ko bago ako aalis para sa mga
bilin ni dad." I'm going to hell now.

"Pinsan ba talaga?" Nagtaas siya ng kilay. "O ibang babae?"

Tumawa ako. "Ibang babae? Wala akong ibang babae." Tinikom ko kaagad ang bibig ko
at tumingin ulit sa kalsada.
"Ewan ko, Ej. I think marami kami."

Uminit ang pisngi ko at napasulyap ako sa driver na seryoso naman ang tingin sa
kalsada.

"Come on, Alyssa... anong marami?" Tingin ko sa kanya.

Tumingin ulit siya sa labas at hindi na nagsalita. Great! Panay na lang ang singhap
ko. This is stupid. Ang hirap naman intindihin ng mga babae. Ano ba ang gusto
niyang marinig? We're friends. I'm single. Natural lang na marami akong girl
friends like her. Kung iniisip niyang marami akong pinopormahan. Wala naman siyang
ebidensya at hindi ko naman aaminin. Wala akong pinopormahan. Wala pa... Date, yes.
Communicate, yes. Pero porma? Wala... pa.

"Sige, ihahatid kita sa mga pinsan mo." Aniya nang nakarating na kaming Cagayan de
Oro.

"What?"

"Why are you so shocked?" Nag taas siya ng kilay sa akin. Some detective moves
there, huh... "Ihahatid lang kita-"

"Ako dapat 'yong mag hatid sa'yo."

"No, it's okay. Nag text 'yong kaibigan ko na nasa Big Flat Bread daw 'yong mga
pinsan mo, kumakain. Nasa Candy's sila. Malapit lang naman."

Hindi ako nagsalita. I'm just relieved na hindi pa sila nanonood ng sine.
Makakahabol pa ako.

"Hindi ba allowed ang friends sa lakad niyo ng mga pinsan mo?"

"I probably won't stay." I lied again. "May kailangan pa akong gawin."

"Oh... Okay..." Matabang niyang sinabi nang niliko na ng driver sa Rosario Arcade
ang sasakyan.

What a jerk. Ginulo ko ang buhok ko. Sigurado na ang punta ko sa impyerno. Hindi ko
alam paano ko natakasan si Alyssa sa mga tanong niya. Ni hindi ako kumurap sa bawat
kasinungalingang sinabi ko.

Naaninaw ko kaagad si Damon sa outdoor table ng Big Flat Bread. Tumaas ang kilay
niya nang nakita ang kanilang sasakyan na pumarada.
"Thanks. Nasa drawer na ang phone ni Raf. Balik ka na agad?" Tanong ko sa driver.

Kumalabog ang pintuan sa likod dahil lumabas si Alyssa. Narinig ko kaagad ang tili
ng mga babae sa katabing restaurant ng inuupuan nina Damon. Great!

"Oo. Sabihin ko na lang sa kanya." Sabi nung driver.

Nag pabirong hand salute pa ako bago ko sinarado ang pintuan ng front seat. Pag
lingon ko sa dalawang katabing restaurant ay nakita ko kaagad ang mga babaeng
kaibigan ni Alyssa doon sa table. Samantalang sa Big Flat Bread ay sa isang
malaking table si Josiah, Damon, Azi, Claudette, Klare, at Erin. Tahimik silang
anim at lumilingon pa si Claudette sa kabilang restaurant dahil sa ingay nila.

Nahihiyang lumapit si Alyssa sa kanyang mga kaibigan. Nilingon pa niya ako.

"So pano? Dito na ako sa mga pinsan ko?" Tanong ko.

"Can I introduce you first? Sa mga friends ko." Nahihiya niyang sinabi sa akin.

Wala na ako sa sarili habang inintroduce ako sa lima niyang kaibigan. Iniisip ko na
lang ang tahimik na table nina Azi. Madalas nakakarinig ako ng tawanan sabay tingin
nila dito. Nag dirty finger pa si Azi nang nakita niyang nakatingin ako sa kanila.

Nang sa wakas ay nakawala ako kay Alyssa, dumiretso na agad ako sa Big Flat Bread.
Hindi ko alam kung mumurahin ko ba sila o mananahimik na lang. Panay pa ang tingin
ko kay Klare at iniisip kong agad niya rin akong mumurahin dahil sa nangyari
kanina. Pero wala siyang imik. Nagpatuloy lang siya sa pagkain.

"Alyssa Acosta. Wow, Elijah, girlfriend mo na?" Panimula ni Erin.

"Hindi." Malamig kong sagot.

"What the fuck? Kailangan mo pang manligaw?" Like courtship is a big disgrace.

"Hindi ako manliligaw. At wa'g mo akong mabiro biro!" Sabi ko at wala sa sariling
kinuha ang basag kong cellphone.

Halos mailuwa ni Damon ang iniinom na lemonade. "What happened to your phone?"

Nag angat ako ng tingin kay Klare na umiinom ng lemonade at nagtaas ng kilay sa
phone kong basag.

"Nabasag."

"Well, obviously." Umirap si Damon sa akin. "Pero bakit?"

Naglaro ang mga mata ko kay Klare na inilipat na ang tingin kay Erin ngayon sabay
taas ng dalawang kilay. Itinuro ni Erin ang mga babae sa Candy's kasama si Alyssa.

"Don't ask. I need to buy one right now. Bago tayo mag sine." Sabi ko.

"She's your grade diba, Elijah?" Tanong ni Erin. "She's pretty, diba, Klare?"
Baling niya kay Klare.

Tumango si Klare. "Yup. And sexy too."

Not what I expected. Nilapag ko ang cellphone ko sa tabi ng mga pizza na inorder
nila. Kumakain si Klare non habang tinitingnan ang grupo nina Alyssa.

"'Yong katabi ni Alyssa, Klare. Okay ba 'yan? Classmate namin 'yan." Sabi ni
Josiah.

"'Yong kaharap niya 'yong maganda. Taga Pueblo Campus 'yan." Sabi ni Azi.

"Shut up, Azrael. Si Alyssa ang pinaka maganda sa kanila. Wa'g ka ng pumorma."
Ngumisi si Klare sa ngumungusong si Azi.

May kung ano sa tiyan kong hindi ko maintindihan. Lumunok ako at nagtaas ng kilay.
Ngumisi rin ako at tumingin kay Josiah.

"Hindi ko siya liligawan. Friends lang kami. I'll find someone else." Sabi ko at
narinig ko na lang ang tawanan ni Klare at Erin. Wala siyang pakealam. Wala siyang
pakealam sa kahit ano.

I just want to piss her off. Para lang may pakealam siya!

"Ang sabihin mo, hindi mo kaya!" Sabi ni Azi sa akin.

Nagkibit balikat ako. "Bahala ka anong isipin mo. Sige nga, pormahan mo 'yong
kaharap ni Alyssa?" Hamon ko.

Lumingon agad si Klare sa akin. Now she's pissed. She's pissed because I challenge
Azi. And I hate every fucking bit of it.

"Azi! Wa'g na! You're already a horndog! Wa'g mo nang dagdagan." Pigil ni Klare
habang tumatawa si Erin at umiiling si Claudette.

Tumayo agad si Azi sa hamon ko. Naghiyawan si Damon at Josiah.

"He's already a jerk, Klare. Ba't mo pa pipigilan?" Nagtaas ako ng kilay sa kanya.

Dumiretso ang mata niya sa akin. "Kung gusto mong pumorma don, wa'g mo siyang
idamay." Iritado niyang sinabi.

"Gusto niya, Klare. Kanina pa. Hinihintay niya lang na hamunin ko siya." Sabi ko.

Nag uusap na si Josiah at Azi tungkol sa babaeng kaharap ni Alyssa. Iniisip pa nila
kung 8 o 9 ba ang babaeng iyon. Alyssa's 8.5 for me. We used to rate girls that
way.

"Anong alam mo sa mga gusto niya?"

"Mga lalaki kami, Klare. Don't act as if you know him so well."

"Hinahamon mo! Maagapan pa siya!"

"Wala siyang sakit! Hindi siya maaagapan! It's our nature!" Hindi ko na alam kung
bakit namin pinagtatalunan ito.

I'm pissed because she's protecting Azi's ass from his favorite distress. Gusto ni
Azi 'yong pumorma sa mga babae. Hindi ko alam bakit iniisip ni Klare na kaya pa
siyang 'maagapan'.

"It's your nature! Not his!" Aniya.

Now she thinks I'm a bigger jerk than him? Hindi ako pumuporma! And I swear to God
hindi na ulit ako poporma. Ang tanga niya kung iyon ang iniisip niya!

"O sige, pigilan mo siya. Dali!" Sabi ko nang lumapit na si Azi sa mga babae.

Binalewala na kami ni Damon, Erin, at Claudette. Panay na ang ngisi nila habang
nanonood kay Azi at Josiah na lumalapit doon.
"Go to him, Klare. Hilahin mo palayo..." Nanunuya kong sinabi sa kanya.

Umismid na siya at panay ang iling niya. Panay rin ang banggit niya sa salitang
'cheap'. And I'm so pissed.

"Go to him. Ilayo mo siya sa mga babae." Patuloy ko.

"Shut up, Elijah." Aniya.

"Chill babies. Kanina pa kayo. We want to have fun here." Ani Erin. "Hindi ko alam
anong pinaglalaban niyo."

Nakipagkamayan si Azi sa babaeng iyon. Hindi ko alam kung ano ang kinagagalit ni
Klare pero nang nakita ko ang galit sa mga mata niya habang tinitingnan ako ay
nanikip na lang ang dibdib ko.

"There. Congrats, Elijah! He's at it again."

"We'll, he's at it ever since. Kung di mo 'yon nakikita." Sabi ko.

"Sana di ka na lang pumunta dito. Sana nakipagdate ka na lang. We don't need your
presence here." Humalukipkip siya.

Tumayo agad ako. Uminit ang pisngi ko sa galit at gustong gusto kong baliktarin ang
mesa namin. Fuck...

"Okay fine! I'm the B.I. Suit yourself, Klare." Sabi ko at tumalikod kaagad sa
sobrang inis.

Nanginig ang kamay ko. Gusto kong tumama iyon kahit saan pero wala akong magawa
kundi ang maglakad palayo.

"Uy! Uy! Klare naman!" Sabi ni Erin.

"Elijah, bro!" Sabi ni Damon sabay tayo at takbo patungo sa akin.

Hindi ko alam kung paano ako nagpalamig. Basta ang alam ko ay kami na lang ni Damon
ang magkasama sa mall habang ang mga pinsan ko ay naroon parin sa restaurant.
Yeah right... this isn't my day.

Iniisip ko kung ano ang pakiramdam na ako naman. Ako naman ang pinipigilan niya.
Naiirita ako kasi pinipigilan niya si Azi. Pag si Azi, may nasasabi talaga siya.
Naiirita ako. They're close, I get it. Mas close nga sila ni Josiah. Hindi ko alam
kung bakit 'to big deal sa akin. Hindi ko talaga siya makasundo. Gusto ko siyang
makasundo pero hindi talaga namin magawa. Hindi niya sinusubukan. Ako lang. One
sided 'to. Naiirita ako kasi ang dali para sa ibang tao.

"Nahingi ko ang number nong pinsan mo, Elijah." Sabi ng kaklase kong kasama sa
varsity ng badminton sa amin.

Tumaas agad ang kilay ko. "Sino? Chanel, Erin, Claudette, or Klare?"

"Klare." Sabay pakita niya sa number ni Klare.

Nabuhay agad ang dugo ko habang nag aayos ng sintas sa loob ng gym namin. Paano
niya nakuha ang number ni Klare? Hindi ko alam. Kay Erin ba? Mabenta si Erin sa mga
lalaki. Maraming naghahabol sa kanya at friendly din siya sa mga lalaki, si
Claudette naman 'yong madalas nalalagay sa pedestal dahil tahimik at medyo suplada.
Si Chanel ay may boyfriend na. Si Klare... wala akong masabi.

"Paano mo nakuha ang number niya?" Kumunot ang noo ko. Inisip ko kaagad kung paano
ko susuntukin ang mukha niyang nakangisi ngayon.

"Binigay niya. Hiningi ko tas binigay niya." Ngisi ng kasama ko.

Nanlaki ang mga mata ko. That easily? Binigay niya? This isn't Eion Sarmiento here.
This is just a so-so player. Why would Klare give her number... She's flirting?

Kinagat ko ang labi ko. Ilang segundo na lang masusuntok ko na ang lalaking ito.

Naaninag ko si Azrael at Josiah galing court. Hinihingal pa sila galing sa


practice. Dinaluhan nila kami. Panay ang salita ni Azi pero di ko na maintindihan.
Nakatingin lang ako sa kasama ko.

"Uy, wala namang masama diba? Kaibigan lang naman." Sabi niya sa akin.

"Ano 'yan?" Tanong ni Azi.

"'Yong pinsan niyo, ititext ko." Sabay high five niya kay Azi.

"Klare?" Tanong ni Azi.


Tumango siya. "Oo, e. Okay lang? Mukhang ayaw ni Elijah, e."

Nag angat ng tingin si Azi sa akin. "Okay lang yan. She loves texting. Para naman
di ako 'yong pagbuntungan niya lagi." Ngumisi si Azi.

"Oo nga! Okay lang 'yon." Sabi kong nag pagaan ng loob sa kaibigan namin.

My heart's gonna explode. Bakit kaya ako nagkakaganito? Simple lang iyong sinabi ko
pero ang hirap sabihin na 'okay lang'.

Pumito si coach. Tumayo agad sila para lumapit ulit sa court. Naiwan ako dahil sa
pagsisintas ng sapatos. Nilingon ko ang bag nong kaibigan namin. Katabi don ang
cellphone niya. Pumikit ako ng mariin. Pagkadilat ay mabilis kong dinampot ang
cellphone niya para hanapin ang number ni Klare at idelete 'yon.

There's something wrong with me.

Kabanata 6

Happy Birthday

Lumayo ako. I know it was weird to hate someone like that. Walang rason at madalas
hindi ko alam kung iritado ba ako sa kanya o takot. Mas kumportable akong kasama
ang ibang mga kaibigan kumpara sa mga pinsan. Azi's likes hanging out with me
though.

"Gustong manood ni Erin at Klare nong bagong movie sa 3D." Ani Azi habang nag aaral
kaming mag shoot sa target range ng kaklase namin.

"Uh yeah. Manood kayo." Sabi ko pagkatapos pinutok ang baril.

Tinanggal ni Azi ang kanyang headphones.

"Di ka sasama? Got a date again?" Tanong niya.

Nilapag ko ang baril sa table at tinanggal din ang headphones ko. Mas narinig kong
mabuti ang mga tunog sa paligid. Umiling ako kay Azi. "Mag papractice pa ako ng
airsoft." Sagot ko kahit na gustong gusto kong sumama.

"Oh come on, Dude. Ayokong mag isa si Klare. Iniisip kong imbitahan si Andrea."

"Nandyan naman si Erin." Sabi ko.

"Isasama niya si Evan." Bigong sinabi ni Azi.


Lahat ng rason ko ay tumakbo kung saan. Agad akong nag desisyon na sumama. Magiging
thirdwheel at ma o-OP si Klare sa kanila. But she hates me too much, she won't be
happy when I'm around.

"Isama mo si Jos. Wala siyang girlfriend ngayon." Lumabas sa bibig ko.

"The heck, anong problema mo? Dahil parin sa away niyo ni Klare? Seriously,
nakalimutan ko na kung bakit kayo nag aaway." Aniya habang sinusuot ang Ray-ban.

Nagkibit balikat ako. "I need to practice."

"Na aaddict ka na sa sport na 'yan. That's an expensive sport. Mula yata nong
nagpasko ka sa Singapore last December, 'yan na inaatupag mo."

Well that's called diversion.

"End of March papa New York kami ni Ate Yasmin. I need to prepare Azi. This is a
family thing." Alibi ko.

"Whatever, dude. Atupagin mo 'yan, basta ako, malapit na akong maka third base."

Umirap ako sa kawalan. Seriously, what's with the bases? Nag break na sila nong
older girl na dini-date niya dahil narealize nong babae na pinaglalaruan siya ni
Azi. That's better, I think. Kumpara kay Josiah na palaging blind ang mga babae sa
mga panloloko niya. Azi's transparent. Josiah's a liar.

Nagpatuloy naman ang pag ti-text ko sa iilang babae. I date and kiss them, too.
Pero hanggang doon lang iyon. Unlike Azi, I don't have goals and checklists to
fulfil.

"Fucking shit, Ej!" Dinig kong sigaw ng isang pinsan ko sa kabilang bato ng range.

I like this sport. Mas masaya talagang mag laro pag marunong ka at magaling ka sa
larong sinasalihan mo. Tumatawa na si Justin sa tabi ni Spike. Lumabas na rin ang
mga kaibigan kong kasamang naglalaro ng airsoft.

Nagbababad kaming lahat sa mainit na araw sa Bukidnon. Isang taon na rin nang
natutunan ko ang sport na 'to. It was a diversion. Dahil dito, mas naging busy ako.
Finally, I'm not busy with girls. It's my stress reliever. Nong una basketball
iyon. Gusto ko parin naman ang basketball but it involves too much... well, stress.
Uminom ako ng Gatorade. Iritado kong tiningnan si Kuya Justin na namumula lang
kahit na mainit. Pareho kaming pawis at kumikinang ni Spike at ng kapatid niyang si
Maxwell.

"Asintadong asintado." Tumatawang sinabi ng kaibigan ni Kuya Justin sa akin.

"Still need to improve."

"And very humble at that." Sabi pa nong isa.

Halos mailuwa ni Kuya Just ang iniinom niyang Gatorade. "Humble? I wanna puke.
Mayabang 'yan. Sobra. Tumatanggi lang ngayon pero sobrang yabang na niyan sa loob."

Tumawa lang ako. Nag asaran pa kaming lahat. I'm damn tired. Mas pinili kong
pumasok sa club house at panoorin sila doon kesa sa sumali sa kanilang giyera.

"Tara na!" Yaya ni Kuya Just sa mga kaibigan.

"I'll pass." Sabi ko.

Pinanood ko silang nagsisimula. Kuya Justin is so good at planning. Kaya madalas


manalo ang grupo nila because of him. Pinaglalaruan ko ang bote ng Gatorade at
inisip kung paano niya matatalo ang grupo nina Maxwell nang di sila natatamaan ng
isa.

"Hell, Ej. Isang beses lang yata kitang natamaan." Sabi ni Spike habang inaayos ang
kanyang buhok.

"I'm just really good at hiding." Sabi ko sa pinsan ko nang di siya tinitingnan.
Masyado akong nahumaling sa laro nila sa baba.
"Malapit na naman ang July. I miss the US. Summer 'to don, e. Tag ulan dito." Iling
niya.

"Yeah. But I don't miss it that much. Mas gusto ko dito sa Pilipinas." Sabi ko.

Nag simula kaming mag usap tungkol sa ekonomiya ng Pilipinas. Alam kong pareho
kaming Grade 9 pa lang at pakiramdam namin ay marami na kaming alam tungkol doon
pero dahil na rin siguro sa involvement ng pamilya namin sa negosyo ay may kaonti
kaming masasabi. The Philippines is improving a lot and I'm proud of that. Spike
loves the US for the people. Hindi naman sa ayaw niya sa mga tao sa Pinas pero
'yong pamilya namin ay naroon kaya mas gusto niya roon.

"Ej... Remember the last game we had? 'Yong sa X.E?"


"Hmmm?" Nakatoon ang tingin ko sa kay Kuya Justin na muntik ng matamaan habang
nagpapaputok si Maxwell.

Pinaypay ni Spike ang kanyang jersey na kulay yellow at may itim na apelyido niyang
Vasquez. Tumingin ako sa kanya at naalala ko kaagad 'yong tinutukoy niyang laro. We
lost that game and Azi sprained his ankle.

"What about that?"

He pursed his lips. Agad naman akong na weirduhan. Kinabahan.

"Your cousin..."

Oh God, sinasabi ko na nga ba.

"She's hot."

Nakatoon na ang pansin ko kay Spike. Which cousin? I hope it's Chanel. Iritado na
si Rafael sa boyfriend non, e.

"Which cousin?" Tanong ko.

"'Yong maputi." Ngumisi pa siya lalo.

If he's going to say chinita, I'm really gonna punch him straight. "Si Chanel?
Petite? What?"

"Petite but hot." Aniya.

"Si Chanel?" Pag uulit ko.

"You mean, Chanel, 'yong kapatid ni Josiah? Hindi 'yon. Well, she's hot but I like
your younger cousins."

Tumindig ang balahibo ko.

"Erin? Erin's her younger sister." Sabi ko.

"No... Siya 'yong morena, diba? She's hot too pero 'yong isa."

Napalunok ako. "Claudette or Klare?"

"'Yong maputi tsaka may dimple?"

I sighed heavily. Thank God. "Si Dette Dette."


"Yeah? Claudette ba pangalan non? She's hot dude. Can you introduce me to her?"

SURE. Bakit hindi? Kahit sino, syempre.

Hindi ko talaga alam kung bakit masyado akong over protective sa kanya. I mean,
sure, pwede mo siyang kaibiganin pero naiirita ako. What the fuck is wrong with me?

Grade 9, September. Birthday niya at lagi siyang pinaghahanda sa kanyang birthday.


Everyone's got stupid gifts. Ako, wala.

"Asan na gift mo, Elijah, ilagay mo na sa table?" Sabi ni Erin habang may ginagawa
siya sa laptop.

Umupo ako sa sofa at umiling. Nasa loob na ng hall ang mga bisita ni Klare na
kaibigan din namin. Si Erin at ako na lang ang nasa labas. Nanliit ang mga mata ko
nang nakitang profile ni Eion Sarmiento sa Facebook nakababad ang kanyang browser.

"You're scanning Sarmiento's pics?" Sabi ko.

Mabilis na naminimize ang browser at agad na nakita ko ang isang photo editor na
may mukha ni Klare sa caricature na babaeng binubuhat naman ng lalaking may mukha
ni Eion Sarmiento. Mas lalong nanliit ang mga mata ko.

Nataranta si Erin nang nilingon niya ako. "E-Eto ang gift ko sa kay Klare.
Caricature nilang dalawa nong crush niya. Pinaframe ko." Sabay pakita niya sa gift
na dala-dala.

"Tsss. Kung ako makakatanggap niyan, I'd throw it-"

"Shut up, Ej. Si Klare naman tatanggap, hindi ikaw." Aniya.

Bumukas ang pintuan ng hall at nakita kong lumabas si Azi na nagmumura.

"Where the hell is Dette Dette? Pinagbubuntungan na ako ng baliw na Knoxx na 'yon.
Kung sana ay siya na lang ang maghanap?" Ani Azi.

"Chill, Azrael. Bumibili siya ng gift." Ani Erin.


Bakit may gift silang lahat? Ako, wala?

"Ohh ba't di niya ako gayahin? I bought Klare 5 pieces of panties." Humagalpak si
Azi.

Nanlaki ang mga mata ko. I'm offended. Bakit niya bibigyan si Klare ng ganon?

"What did you just say, Azi?" Hindi ko maitago ang galit sa boses ko.

"Panty, dude, panty."

"Marami siyang panty, bakit panty ang ibibigay mo?" Tumawa si Erin.

Halos mapapikit ako habang inuulit ulit nila ang salitang iyon. What the hell?

"I'm here!" Hinihingal si Claudette pagkapasok sa Dynasty Court, winawagayway niya


ang kanyang regalong nasa loob ng box at nililingon ang labas.

Kinakalma ko ang sarili ko. I wanna punch something but I should stop myself from
doing that.

"Anong binili mo para sa kanya? At bakit ka namumutla?" Medyo nag aalalang boses ni
Azi.

Hindi ako makapagsalita. Masyado pa akong nagulat sa ibibigay ni Azi. Hindi ko


mabura sa isipan ko ang isang bagay. Tumindig ang balahibo ko.

"I... uhm... libro ang ibibigay ko. Love story." Nalilitong sinabi ni Claudette.

"Sinong writer?" Tanong ni Erin.

"Ohh... Those steamy hot love scenes na naman." Ani Azi.

"Ikaw, Azrael, ewan ko kung saan mo nakukuha ang ideya mong iyan. Pag libro ba na
love story kama agad ang naiisip mo?"

"Of course! Page one hundred and fourteen, excerpts from God knows what book, 'He
licked my lips and I shudder. He grabbed me by the waist and forcefully backed me
into the wall kissing me-"
"TF 'to Kuya. Shut up!" Sabi ni Claudette.

Mas mariin kong pinikit ang mga mata ko.

"What's TF? The Fuck?" Ani Azi.

"Teen Fiction. Goodness! Ewan ko sayo!" Iritadong sinabi ni Claudette at dumiretso


na sa hall.

Dumilat ako at tiningnan ang gulat na mukha ni Azi. Itinuro niya ang pintuan kung
saan umalis si Claudette. Humagalpak naman sa tawa si Erin habang sinasarado ang
kanyang laptop.

"She's suddenly just mad. Sinasabi ko lang ang opinion ko."

"That's because you're stupid." Iritado kong sinabi.

"Oh, pati ikaw? Anong ginawa ko sa inyo?"

Umiling si Erin at nilagay ang laptop sa loob ng bag.

"Why would you say something so graphic in front of your sister. At bakit mo
bibigyan si Klare ng..." I couldn't say the word.

"Panty? Dude, binigyan ni Josiah si Klare ng panty nong December. Nasa Singapore ka
non kaya di mo alam. I gave Erin a bikini. What's your point?"

Ginulo ko ang buhok ko. Yeah, what the hell is my point? Tumayo ako at kasabay ni
Erin ay pumasok na sa hall na maraming tao at kaibigan namin. Kumpleto ang pamilya
sa simpleng salu-salo para kay Klare. Charles entertained our parents habang abala
kami sa pag uusap sa iba't ibang table. Sa table naming mga boys ay kasama namin
ang iilang mga lalaki ring kaibigan ni Klare.

Pinag lalaruan ko na naman ang baso ng tubig. Ayokong manood sa tawanan ng mga
girls. Mabuti na lang at tumunog ang cellphone ko at naging abala ako sa pagtitext.

Abala sa pag uusap si Josiah at Damon habang si Azi naman ay salita nang salita
tungkol sa magandang kaklase ni Klare.

"Full rack, dude. Nine." Ani Azi habang nirereplyan ko ang text ni Spike.
Spike:

Safe ba siyang naka pasok ng hotel?

What?

Ako:

Claudette?

Spike:

Sino pa bang iba? Hinatid ko siya. I used dad's car.

Nanlaki ang mga mata ko.

Ako:

Wala ka pang lisensya, ah? You're underage. That's probably why she looked like
she's going to pee in her pants.

Spike:

You're giving me a real bad and hot picture of her inside my head, Ej. You like me
for your cousin, huh

Kumalabog ang table at halos mapatalon ako. Siguro ay dahil masyado akong
nahumaling sa pag uusap namin ni Spike kaya kagulat gulat ang nangyari. Ngunit mas
lalong nakakagulat nang nakita kong si Klare ang pumalo rito.

She's wearing a dress that's too short. Iyong tipong pag yumuko siya, makikita na
ang kaluluwa niya. This is why I didn't wanna look at her. Damn.

"Azi! Stop it! Hindi ka papatulan ni Hannah!" Ani Klare.

"But she's cute. At kanina pa siya tingin nang tingin sa akin. I know Julia and
Liza. Transferee ba 'tong si Hannah?"

Lumagapak ulit ang kamay ni Klare sa table. Her nails were red. Nakita ko rin ang
kaonting kulot sa kanyang buhok para lang sa araw na iyon.

Tumawa si Klare. "Stop it!"

This is pissing me off. Imbes na patulan ay natuto na ako. Mas pinili kong magreply
kay Spike.

Ako:

My opinion doesn't matter. Try mong kausapin si Knoxx at Azi.

Nag angat ako ng tingin at nakita ko kaagad ang diretsong titig ni Klare sa akin.
Nakahalukipkip siya at instinct siguro ang nag tulak sa akin para itago ko ang
cellphone ko. Nag taas siya ng kilay sa akin at nilagpasan niya ako ng tingin.

"Just kidding, Klare!" Sigaw ni Azi. "Happy birthday!" Hinalikan niya si Klare sa
pisngi.

Uminit ang pisngi ko. Tulala ako habang pinagmamasdan na ganon din ang ginawa ni
Damon at Rafael. Ganon din ang ginawa ni Josiah at Justin.

"Cousins only." Banta ni Raf sa mga lalaking kaklase ni Klare.

"Happy birthday, Klarey!" Sigaw ni Knoxx at hinalikan na rin si Klare.

Huminga ako ng malalim at napatingin na si Rafael at Knoxx sa akin. Hinagkan ng mga


girls si Klare. Kinalma ko ang sarili ko. Just say 'Happy Birthday' and kiss her,
Elijah.

Tumayo ako at halos lumutang sa kaba. Inayos ko ang buhok ko at nag iwas ng tingin
sa nagkakatuwaang girls.

"Mag aaway na naman kayo pag di mo siya i-gi-greet." Bulong ni Josiah sa akin.

"Mag aaway kami pag igi-greet ko siya." Sagot ko kahit na alam kong wala akong pake
kung mag away kami, gusto ko siyang i greet.

"Mag away pero na greet o mag away kasi di na greet. Ano ba mas maganda?" Tinapik
ni Josiah ang balikat ko.
Hindi na ako nag alinlangan. Inunahan ko na ang kaba ko. Hinigit ko ang braso ni
Klare kaya napalayo siya kina Erin. Nagulat siya sa nag higit sa kanya pero bago
niya pa ako nalingon ay hinalikan ko na siya ng mabilis sa pisngi.

"Happy birthday." Bulong ko sa gitna ng mabilis na pintig ng puso ko.

Dammit. Dammit! DAMN IT! Bakit ang bilis ng pintig ng puso ko?

Napawi ang ngiti ni Klare nang nakita kung sino ang nag greet sa kanya. Nabigo agad
ako. I told you so, Elijah. She's gonna be pissed. She's gonna be pissed!

Umirap siya at nilingon ulit sina Erin. "Ang ganda talaga. Ilalagay ko 'to sa
kwarto ko! Konti lang ang frame sa kwarto ko!"

Pinalagpas niya. Shit! Pinalagpas niya! Hindi ko mapigilan ang pag ngiti. Nilingon
ko si Azi na tumango sa akin. Alam niyang nag tagumpay ako nang di nasasampal.

"Sana ako rin." Humalakhak ang kaklase ni Klare sa table.

Binalingan ko kaagad ng tingin ang kaklase niya. Nakita niyang tumitig ako.
Sinulyapan ko ulit ang mga girls na palayo na doon bago bumaling ulit sa kaklase ni
Klare na ngayon ay halos mamutla.

"Makakatikim sakin ang poporma kay Klare." Sinabi ko iyon kay Azi pero pinaringgan
ko lahat ng kaklaseng lalaki ni Klare.

Fuck the hell off.

Kabanata 7

Alcohol

"Third Base, baby!" Kumindat si Azi kay Josiah.


Mag iisang taon niya nang iniisip na si Josiah ang pinaka kalaban niya sa aming
apat. Wala rin akong pakealam kung iyon man ang isipin niya. This isn't a
competition.

Nagpatuloy ako sa pag inom ng protein shake. Tinatamad akong magsalita. Pinanood ko
lang ang pag aasaran nila ni Joss at ang pagkakairita ni Damon sa kanilang dalawa.

"Ang problema sa'yo, Dame, naghihintay ka lang sa babae. Palibhasa, mabenta talaga
ang mga bad boys. Tsss." Ani Azi pagkatapos siyang tapunan ng masamang tingin ni
Damon.

"Mas mabenta sa mga babae 'yong walang pakealam." Nginuso ako ni Damon.

Nagtaas ako ng kilay. "What's up with you guys and these bases? Dude, we have girl
cousins. How would you feel-"

"See?" Nagkibit balikat si Damon kay Azi.

Umiling na lang ako at di na dinugtungan ag sasabihin. This will just piss me off.

"Dude, I won't let anyone touch any of our cousins. Lalo na siyempre si Dette
Dette. Kung makapag salita ka ay parang sobra sobrang pagtatanggol ang ginawa mo
kahit na ikaw naman ang nag bigay ng number ni Dette kay Spike!"

Binalingan ko si Azi. Hindi ko malaman kung galit ba siya o ano. "Hindi ako ang nag
bigay kay Spike. Kung hindi si Claudette, baka kinuha ni Spike sa phone ko. I don't
know. Man, he plays dirty."

"Kaya nga. Pinsan mo si Dette Dette, kapatid ko siya, alam mong gago 'yong
pumuporma sa kanya-"

"Yeah, yeah, I'm trying my best, Azi." Sabi ko.

"Pag kay Klare may pumorma, tsaka ka lang nag wawala, e."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Azi. Bumaling siya kay Josiah at nagtawanan
ang dalawa sa isang text na ipinakita ni Joss. I can�t believe it. Iyon ang pananaw
niya sa akin? Iniisip niyang kay Klare lang ako protective? Protective ako kay Ate
Yas but she doesn�t need my protection. Nagmana rin yata si Erin sa kanya.
Protective rin kaming lahat ni Chanel but Raf�s willing to kill for her. Hindi na
mapapansin ang pag aalala ko sa kanya. Hindi rin naman boy-magnet si Claudette.
Yes, she�s pretty pero natatakot ang mga lalaki sa kanya dahil masyado siyang weird
at tahimik. Klare�s intimidating but she knows how to converse with boys. And I
swear to God, kung may kaaway man siyang lalaki, tulad ng pang aaway niya sa akin
ay malamang hindi na makatulog iyong lalaki sa kakaisip sa kanya.

Pumikit ako at pinukpok ng marahan ang ulo ko. Damn this shit. What the hell is
wrong with me?
Nagpatuloy ako syempre sa pag i-airsoft. It�s a pretty good diversion. Lalo na
nitong mga nakaraang buwan. I needed that diversion.

�Finally, nakabawi!� Sigaw ni Azi at tinaas niya ang kanyang dalawang kamay para
sumabay sa ingay ng audience.

Nanalo kami sa Semi Finals. Here we go again. Finale na naman sa tournament ang
laban ng Knights at ang Crusaders, �yong team ng Ateneo. Panay ang kantyaw ni Knoxx
kay Azi nong last game dahil ilang puntos lang ang nagawa niya at halos puro
pasikat lahat. Bumawi siya ngayon kaya heto at panalo kami.

Inaayos ko ang sintas ng aking sapatos. Nagwawala na sina coach at ibang varsity
players. Bumaba na rin �yong mga girls na nag cheer sa amin kanina.

Pinunasan ko ang tumutulong pawis sa noo ko at tinanaw ang mga babaeng papalapit.
Lovely girls... Dinalaw ako ng kaba, damn... Kasi alam ko kaagad kung sino �yong
naka plain white t shirt at faded shorts sa likod nila. Nagkunware akong hindi
nakita ang mga pinsan ko.

�Ej, bilis na. It�s the last.� Ani Spike, punong puno pa ng pawis dahil sa laro
namin.

Sila iyong kalaban namin ngayon. Kaya hindi rin ako masyadong kumbinsido kung
nanalo ba talaga kami o pinanalo niya ang ego ni Azi para lang makuha si Claudette.

Tumango ako at pinagmasdan siyang lumalayo dala ang kanyang bag. Hindi siya sumabay
sa mga nagluluksang teammates niya.

Nilingon ko kaagad ang mga pinsan kong babae at nakita ko ang mga titig ni
Claudette sa kanya. Damn, he�s just probably plotting this one. Playing the �good
wounded player� para lang makuha ang atensyon ni Dette.

Tumayo ako at nilagay ang bag ko sa aking balikat.

�Elijah! Celebrate tayo sa bahay nina Coach!� Panimula ni Josiah.

Umiling agad ako. Nagtagpo ang mga mata namin ni Hazel, isa sa mga frequent texters
ko na kaklase namin. �Can�t, Joss. I need to go.� Sabi ko.
�Saan ka pupunta? Ikaw talaga, you�re always absent.� Ani Joss.

�May gagawin pa kami nina Spike at �yong mga kaibigan niya.� Kibit balikat ko.

�Probably date someone.� Halakhak ni Erin.

Nakita ko kung paano bumaling si Klare sa akin. Sarkastiko ang kanyang tingin.

�Yeah. He�s too possessive to introduce his girl, Erin. Or baka naman he�s just
playing kaya ikinakahiya niya ito. I feel sorry for the girl.� Her lips looked like
cupid�s bow and I hate that I�m attracted.

Kung hindi lang sana lumuluwa ng masasamang salita �yong labi niya...

�Narinig mo ba ako? I said kasama ko si Spike at ang mga kaibigan niya. We�re
playing airsoft. Malapit na �yong alis namin and this is our last practice-�

�Yeah, like I care.� Aniya at bumaling agad kay Erin.

FUCK. FUCK THIS SHIT. Lumunok ako ngunit tabang lang ang tangi kong nalasahan.
Narinig ko pa kung gaano siya ka excited kasi sina Knoxx at Eion na naman ang
kalaban namin sa finals. Yeah, Klare, I�ll break his nose!

Yumuko ulit ako. Unfortunately, I�m leaving for the US by that time. Hindi ako
makakalaro sa finals.

�Aray ko po!� Tumawa si Azi sabay siko sa akin.

�Reincarnation yata siya ni Hitler.� Sabi ko sabay tingin kay Klare.

Nagtawanan si Damon, Josiah, at Azi. Ngumiti na lang ako at umiling. She�s pissing
me off big time pero hindi ko parin magawang magalit sa kanya ng lubusan.

Dalawang hakbang palayo sa kanila ay narinig ko kaagad ang tawag ni Claudette sa


akin. Nilingon ko siya at nagulat ako sa kanyang pag aalala.

�Uhm, k-kasama mo si Spike, diba?� Nag iwas siya ng tingin.

�Yup, Dette. Sasabay ako sa kanya. He�s using tito�s car illegally.� Kibit balikat
ko.
Tumango si Claudette. �Well, pwedeng sumabay?�

Nag black out agad ako. I was torn between my cousin duties for Claudette and my
cousin duties for Spike.

�Hindi ba kayo kukunin ni Knoxx?� Tanong ko at agad nagdasal na sana tumigil siya
sa ginagawa niya.

Umiling si Claudette. �Gusto kong sumabay kay Spike.�

She�s straightforward. Noon pa man, alam ko na �yon. That was why Tatiana hated
her. She called her ugly.

Tumikhim ako at napatingin kay Azi na abala sa pag eentertain sa kanyang mga babae.
Hindi ko naman hahayaang may mangyaring masama kay Claudette sa mga kamay ni Spike.
I will protect Claudette no matter what. Kahit na pinsan ko si Spike.

�Okay.�

Sumama siya sa akin. Nang nakarating kami sa sasakyan ni Spike ay nagulat agad ako
sa pagseseryoso niya.

�Someone�s lost.� Ani Spike nang binaba ang salamin ng front seat.

�Spike, sa front seat na siya. Dito na lang ako sa likod. Drive safely. Ibaba natin
siya sa bahay nina coach. Papunta don sina Azrael.�

Narinig ko ang singhap ni Spike at pinagbuksan niya si Claudette ng pintuan galing


sa loob. Pulang pula ang pisngi ni Claudette habang dahan dahang pumasok sa loob.
�Alright. If I wasn�t crazy for this girl...� Bulong bulong niya.

Nagpigil ako ng tawa. Hindi ko alam kung pumuporma lang ba siya o talagang totoo
�yon. Ang malas naman ni Claudette kung totoo �yon. Hindi siya tatantanan ni Spike.
He�ll find a way to make her fall. He�ll play dirty.

Tamad na pinaandar ni Spike ang sasakyan. I know his driving skills suck big time.
Dapat pala si Claudette dito sa likod para maprotectahan siya. Magmumura na sana
ako kay Spike nang nakita kong tumigil siya kahit na orange pa lang ang traffic
light.
�I promise to obey the traffic rules when I�m with you. There.� Sabay lahad ng
pinsan ko sa traffic light na kulay pula.

�I�m sorry.�

�Why is she sorry?� I can�t help but butt in. Bakit mag sosorry ang pinsan ko?

�None of your biz, couz.� Ani Spike.

Kinagat ko ang labi ko.

�Hindi ko alam anong gagawin ko. I�m too speechless to say anything. I just...
can�t...� She sound so upset.

Tamad at mayabang na pinaandar ni Spike ang sasakyan gamit ang isang kamay sa
manibela. �Yeah, I know. Pupunta na akong US next week. I�m really gonna miss you.�
Madramang sinabi ng pinsan ko.

Claudette never cries. That�s one trait I remember about her. Simula pa nong
pagkabata namin, tsaka ko lang siya nakikitang umiiyak pag may namatay. Suki siya
sa mga bullies dahil magaspang ang bibig ni Erin at si Klare naman ay masyadong
popular sa mga kaklase. Ganunpaman ay hindi ko siya nakitang umiyak sa pambubully
sa kanya. Iyong mga bullies na lang ang umiiyak pag inaaway na ni Erin at Klare.
Tumindig ang balahibo ko nang narinig ko ang hagulhol niya.

Halos lumipad din ang kaluluwa ko nang biglaang tinigil ni Spike ang sasakyan.
Nanlalaki ang kanyang mga mata at tinitigan si Claudette.

�Hey, what�s wrong, Dette?� Tanong ko. �Spike, anong nangyari?� Nag aalala kong
sinabi.

�Ej, can you please leave us? Mauna ka na lang sa Manolo Fortich. I need to fix
her.�

WHAT THE FUCK?

�Spike, what�s wrong. I�m really gonna punch your face right now. What�s wrong?�

Nagpatuloy sa paghagulhol si Claudette.


�Dammit, Ej, just leave us please. Privacy?� Iritado niyang sinabi.

�Azrael is going to kill me for this!�

�I swear I won�t touch her, Elijah. Just... mag taxi ka na lang pauwi sa inyo tas
sunduin kita don o magkita na lang tayo?�

Hindi ko talaga kayang iwan si Claudette. Niyugyog ko ang braso ni Claudette. I


need her to speak.

�Dette, Dette, Ayos ka lang?� Tanong ko.

Tumango siya ngunit nanatili ang kanyang mga kamay na nakatakip sa kanyang mukha.

�Anong nangyari? Sinaktan ka ba ni Spike?�

Halos pumulupot ang aking sikmura. Bago ako mapatay ni Knoxx, papatayin ko siguro
muna si Spike.

�Hell ako pa ang nanakit? Siya �yong nanakit dito.� Iritadong sinabi ni Spike.

�What?� Kumunot ang noo ko.

�Elijah, leave us please?� Narinig kong sinabi ni Claudette sa nanginginig na


boses.

THE HELL! OKAY. Aalis ako.

�Spike, binabalaan kita.� Banta ko kay Spike.

�Just leave. You don�t need to threaten me. I won�t hurt her, Ej.�

Sa sinabi ng pinsan kong iyon ay padabog kong sinarado ang pintuan. Umiling ako at
naghanap agad ng taxi na masasakyan. Hell, paano ko ieexplain ito sa mga pinsan ko?
I wish Claudette can explain this phenomena. Pinaalis niya ako don kaya wala akong
nagawa! Ngunit paniguradong susumbatan ako ni Josiah na kung siya �yong nasa lugar
ko ay hinding hindi siya aalis magkamatayan man.

Fuck it.
Nagkamali pa ako sa mga ideya ko. Umiling si Spike sabay high five sa akin. Nasa
airport na kami ni mommy, tita, Spike, Maxwell, at ate Yasmin. Sinasabi ko na nga
ba. Walang kabuluhan.

�Hindi siya nagtanong, Elijah. Sinabi ko lang sa kanya na aalis na ako. Akala niya
lang naman na di na ako babalik.� Ani Spike.

�Shut up, Spike. I�m pissed. Baka mabasag ko ang mukha mo pag nagpatuloy ka pa sa
pagsasalita.�

I�m right. Gumagawa nga siya ng paraan para mapaamin si Claudette sa kung ano mang
nararamdaman niya para kay Spike. Hindi ko alam kung anong meron sa dalawa. Pero
nang nakita kong umiyak si Claudette sa kanyang sasakyan ay sigurado akong merong
laman lahat ng nangyayari ngayon.

He stared blankly on the boarding gate like an idiot. �Shit, di ako makapaghintay
na bumalik ng Cagayan de Oro. Finally, may babalikan na talaga ako ngayon.� Ngumiti
siya.

Umiling ako. �Sinagot ka na?�

Umiling rin siya. �Hindi pa. But she kissed me.�

Pumikit ako at inisip kung paano ako bubugbugin ni Azi at Knoxx. I should train.
Isang buwan sa New York at kailangan kong mag train. Sana naman ay huwag akong
sisihin.

Pagkarating ko ng New York, araw araw ay party. Lalo na�t holidays na. Dito kami
magpapasko. Buong pamilya ng mga Vasquez at kami naman lahat. Tumatawag sina Damon
at Rafael palagi dahil nandito rin ang dad nila. But unlike our family, uuwi din
ang daddy nila pag tungtong ng 20s ng December.

�Ej, calm your tits. Bakit ka nag papa-hot? May pinopormahan ka bang babae?� Sabi
ni Maxwell nang nagkita kami sa gym.

�No. I�m just training. Pagkatapos nong airsoft natin last week, pakiramdam ko
nangangayayat na ako.� Sabi ko.

Uso dito ang party sa mga bahay o apartments kasama ang ibang Pilipino. Pero dahil
na rin may kilala na kaming mga Amerikano ay welcome din silang makiparty. Mas
masaya akong mag party ng kilala at mas intimate kumpara sa mga party sa bar.

�Yong New Year party ang pinaka engrande. My mom and dad were asleep. Kami na lang
ang nagpatuloy till dawn. Ito na yata ang pinaka lasing kong gabi. My eyes were
sleepy but I still wanna dance with the girls. May nakilala akong gaing Ilo-ilo.
She�s damn pretty and hot, ka edad ko lang.

�Ej...� Bulong ng isang babae. Sa twang ng kanyang boses ay alam ko agad na si


Rianna iyon. Iyong half Australian, half Pinay na anak ng isa sa mga kaibigan nina
mommy. She�s my age too. Maganda at makinis din.

�Hmmm?� Napaaga ang dilat ko nang inatake niya na ako ng halik.

Bumungad agad sa akin ang kanyang cleavage. I�m not sure if it�s because of the
alcohol or what but I�m turned on.

�You still kiss so good.� Bulong niya sa akin.

Yeah, I kissed her last night. Sobrang lasing na ako non pero mas lasing yata ako
ngayon. Ni wala na akong pakealam kung may nakakakita man sa aming dalawa.
Everyone�s probably too drunk to notice us kissing on this couch.

Hinawakan ko ang baywang niya at dumilat ako. Nagulat ako nang wala na kami sa
couch. Were on someone�s bed!

�Holy shit!� She moaned.

Lalo na nang gumapang ang kanyang kamay sa ilalim ng aking pantalon. Pinilig ko ang
ulo ko para matauhan. But when she tried to suck all of me, I lost all my senses.
Blame it on the alcohol!

Kabanata 8

I Wont Stop

My head is throbbing horribly. Magandang panimula ng bagong taon? Dumilat ako at


bumangon. I'm shirtless. Kinapa ko agad ang kama para sa damit ko. Nang nakuha ko
iyon ay agad ko iyong isinuot ang aking damit. Nilingon ko ang babaeng nasa tabi ko
at nanlaki ang mga mata ko.

"Oh shit."

Pinilig ko ang masakit kong ulo. Naalala ko halos lahat ng nangyari kagabi sa amin
ni Rianna. That was too fast. Ni hindi ko napigilan ang sarili ko. Fuck!
Mabilis akong lumabas sa kwarto. This was their house. That was probably her room.
Natagpuan ko kaagad si kuya Justin sa couch nila, tulog siya kasama si Spike at
Maxwell.

The heck. I need to wash up or something. Dumiretso ako sa sink para maghilamos.
Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap ay ganon na lang agad ang nangyari. I
swear to God I'm not drinking again. Kumalabog ang pintuan at nilingon ko kaagad si
Ate Yas kasama ang iilan pa naming kilala.

"Tulog parin sila?" Ani Ate.

Lumabas ako sa kusina at nagtungo agad kina Ate Yasmin. Nanlamig ang pisngi ko nang
nagtagpo ang aming paningin. Hindi ko alam kung kabado ako dahil pakiramdam ko ay
may alam siya sa nangyari kagabi o ano...

"Where have you been, Ej? Hinanap ka namin kagabi. Akala ko sumama ka kina Spike sa
Time Square?"

Umiling ako. "Uh, I passed out."

"Galing kaming Central Park. It's freezing." Ani Ate habang tinatanggal ang kanyang
coat.

Nilagay ng mga kaibigan namin 'yong mga pagkaing binili nila sa kanilang road trip.
Gutom ako kaya agad akong kumuha ng pizza. Nag usap sila at nag tawanan. Gusto ko
nang umalis pero wala pa yatang plano sina Ate Yas na umalis.

Nang narinig ko ang pagpihit ng pintuan sa kwarto ni Rianna ay kumalabog agad ang
puso ko. Inaantok siyang lumabas at sobrang gulo pa ng buhok niya. Nagtagpo ang mga
mata namin at kumindat lang siya. Dumiretso agad siya sa pizza na kinakain namin.
Kumuha siya at kumain na rin.

"You guys went to central park?" Tanong niya sa mga kaibigan namin.

Nilingon ko kaagad si Kuya Justin na umupo ng maayos sa sofa. Gising na siya! Isang
tingin niya lang sa kanyang relo ay agad na siyang nag panic.

"Shall we go?" Tanong niya sa akin sabay tayo.


"Sure!" Mabilis kong sinabi. I'll be glad to go, Kuya.

"Yas." Untag ni Kuya.

"Kuya, mamaya na please. I'm enjoying the pizza. i'm sure mom and dad's enjoying
their alone time." Humalakhak si Ate Yas.

"I'm leaving you." Ani Kuya Justin kaya tumayo agad ako para hindi maiwan.

Nag usap kami ni Rianna bago ako umuwi ng Pilipinas. Kabado ako. Hindi ko alam kung
ano ang nasa utak niya. Spur of the moment ang nangyaring iyon at wala akong
intensyon na mangyari iyon sa gabing iyon. I'm not blaming her for initiating. May
kasalanan din ako. Hindi ko na control ang sarili ko. I feel so damn guilty.

Kagat kagat niya ang kanyang labi sabay hawi sa kanyang kulot na buhok. She was
hot, alright. I won't deny that. Her piercing green eyes of interest and hope for
me sent shivers down my spine.

"Rian, I'm leaving for the Philippines tomorrow."

Tumango siya. "Yeah, I know. Can I count your emails and texts? Perhaps, phone
calls?"

Huminga ako ng malalim. "I'm not sure. I'm kinda busy." I'm not interested. "I'm
sorry."

Tumingin siya sa kanyang mga daliri. "Oh well. That's too bad, huh." Ngumiti siya.

Ngumiti rin ako.

"Will you be here Christmas of Next year too?" Tanong niya.

Nagkibit balikat ako.

Hindi kami. Magkaibigan lang kami at dahil sa nangyaring iyon ay nabigyan ng


malisya ang lahat. Hindi ko nagustuhan ang pakiramdam na iyon. Akala ko 'yong una
kong makakaganon ay 'yong taong mahal ko. Hindi ako nagmamadali. I'm not even
curious. It's cheesy but I want my first to be memorable. Ngayon halos hindi ko nga
maalala ang buong nangyari because I was drunk. Gusto ko na lang tuloy tabunan iyon
ng ibang alaala.

Pagkabalik ko sa Cagayan de Oro, agad kong na appreciate ang buong syudad. How I
missed this city. And of course the people. Medyo late ako sa pasukan pero ayos
lang iyon. Excused naman ako. Nag paalam ng mabuti ang mommy at daddy na aalis ako
kaya hindi masyadong big deal sa teachers.

"Well, you know, Azi, kung sana ay hindi ka masyadong nagmamadali, makukuha mo ang
gusto mo. Ang hirap kasi sayo, masyado kang nag mamadali." Advice ni Josiah sa
isang failed mission ni Azrael.

Tumikhim ako. Yes, I miss this too. Kahit na nakakaumay makinig sa mga advice ni
Joss para sa mission impossible ni Azi ay hahayaan ko.

"Why don't you ask Elijah, Azi? Sabi ni Justin, malawak na raw karanasan niyan!"
Tumawa si Damon.

Matalim ko siyang tinitigan. Damn, Kuya Justin won't shut his mouth. Wala naman
siyang alam. Ang alam lang nina Spike ay nag halikan kami ni Rianna. She's not even
the only girl I kissed last December.

"Anong malawak? Tss."

"Last Christmas daw, 'yong australyana?"

"We made out, that's all." Sabi ko kahit na titig na titig si Josiah at Azi sa
akin.

"He's damn weak. Foreigner 'yon. They're westernized." Ani Azrael.

"Why don't you just wait for March, Azi. Diba pupunta din kayo ng New York?" Tanong
ko.

"Nah! I like Pinays, Elijah. I'm not like you."

Umirap na lang ako at tumahimik kaming lahat nang nakita naming paparating na ang
girls. Inatupag ni Josiah ang kanyang cellphone samantalang si Azi naman ay
pumangalumbaba at tiningnan ang bawat babaeng dumadaan sa aming table.

"Elijah!" Sigaw ni Chanel sabay pulupot ng kanyang braso sa aking leeg. "I missed
you! Thanks sa make up!" Ginulo niya ang buhok ko.

"Si Ate Yas ang pumili non. Not me." Sabi ko.

"Of course, I know. Thank you sa gifts." Sabi ni Chanel.

Naramdaman ko kaagad ang mga yapak ng tatlo ko pang pinsan sa likod. Lumingon si
Azi at kumunot ang kanyang noo. Umupo si Chanel sa tabi ni Damon at kinausap niya
ito.

"Elijah, thanks sa mga damit!" Sabi ni Erin.

"Yeah, thanks kay Ate Yas." Sabi ko at nilingon siya.


Nakita ko kaagad si Klare na naka P.E. Uniform wearing the shoes I gave her.
Yeah... Hell yeah...

"Dette, stop texting." Panirang sinabi ni Azi.

Kumunot ang noo ni Claudette at inirapan niya ang kanyang kuya. Thank God hindi
dito nag aaral si Spike. Kung hindi ay baka higit pa sa text ang maaaninag ni Azi.

"Let her go, Azi. Dalaga na 'yan." Sabi ni Chanel.

"She's still a child, Chan. Puro Domo-kun ang gamit niyan sa bahay. Why the hell
would she flirt? Dapat ay nag lalaro lang 'yan?"

Nagtawanan sila. Sa irita ni Claudette ay umalis siya don. Sumenyas lang siya kina
Erin at Klare na aalis at agad nang naglakad palayo.

Tumayo agad si Azi. Sinapak siya ni Erin.

"Hayaan mo na nga 'yong kapatid mo! Naaalibadbaran 'yon sa'yo. Besides, Spike isn't
our schoolmate." Sabi ni Erin.

"Yeah, kaya lang malapit lang ang school natin sa kanila at pinsan siya ni Elijah
Montefalco. He's probably hiding somewhere and he probably wants to make out with
my sister!"

Pumikit ako. Fuck you, Azrael.

"Ano ang implications ng mga sinasabi mo? Mahilig mag tago si Elijah at mahilig
siyang makipaghalikan? Calm down, dude." Halakhak ni Josiah.

Isa pa 'to. Hindi ako nagpahalatang kabado ako. Binalewala ko ang sinabi nila.

"Kawawa naman si Elijah. Wa'g mo nga siyang itulad kay Spike." Iritadong sinabi ni
Erin.

"He's probably even worse than Spike." Halakhak ni Josiah.

Pumikit ako. Pasalamat talaga ako at hindi ko sinasabi sa kanila ang bawat detalye
ng buhay ko. Kung hindi ay baka kanina pa nila bukang bibig iyon. This is why I
don't kiss and tell. I;m not proud of my experiences.

"Azrael, hayaan mo na si Claudette. Pupuntahan din naman namin 'yon pagkatapos


naming bumili ng pagkain. Chill." Ani Klare at pinaupo agad si Azi.

Pinaglaruan ko ang bote ng mineral water. Hindi ko kayang lumingon sa kanya.


Binigay ko sa kanya ang sapatos na suot niya, and yet, di siya nag thank you man
lang. Where's your manners, girl? Ako ang pumili niyan. Her favorite color's pink
so pinili ko 'yong Nike na pink. Latest. And fits her perfectly. Size seven ang mga
paa niyan.
"O sige, bumili na kayo. Bilisan niyo para mapuntahan niyo na." Atat na sinabi ni
Azi.

"Aww. Ayaw mo bang makasama muna kami dito?" Halakhak ni Klare.

Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakita ko kung paano niya pinahinga ang kanyang
baba sa balikat ni Azi. Fuck...

"Gusto, pero syempre 'yong kapatid ko..."

"So over protective. How I wish may ganyan ka protective sa akin." Ani Klare.

I swear I want to punch this table and turn it upside down. Hindi niya ba iyon
nakikita? Ewan ko sa kanya. Nakakairita siya. Nakakainis talaga ang babaeng ito.

"Meron. Syempre ako!" Sabi ni Azrael.

Nagbubuhat pa ito ng sariling bangko. Magsama kayong dalawa. Tumayo agad ako sa
pagkakairita. "Oh, Elijah, saan ka pupunta?" Tanong ni Damon.

"Balik lang ako ng classroom." Sabi ko at hindi na agad lumingon.

You know what, Klare? You have got to open your frigging eyes, sometimes. I would
kill if you get hurt. You should know that. So you should rest your chin on my
shoulders... Bakit kay Azi? Okay, I get it. Mas nagkakasundo sila. I'm trying to
accept that fact. Pero hindi ko parin talaga kayang tagalan.

Naging busy ako sa pag i-airsoft at pag ti-train. Nang nag summer sa taong iyon,
nagpasya kaming mag pipinsan na pumunta sa Camiguin bago lumabas ng bansa sina Azi.
Hindi naman sila magtatagal doon. Ang alam ko ay isasama lang nina tito at tita ang
magkapatid para makapag bakasyon. Knoxx is thrilled. Si Azi naman ay hindi masaya.

"Chill, isang buwan lang naman kayo." Sabi ni Chanel nang naumay na siya sa kaka
satsat ni Azrael tungkol sa Summer na sana ay masaya pero hindi dahil lalabas siya
ng bansa.

"Where's Klare?" Tanong ko nang narealize na kulang pa kami sa van. Kasama namin
sina tito at tita papuntang Camiguin.

"We're fetching her. Nasa Fit and Well." Ani Azi habang binabasa ang kanyang
cellphone.
Tumahimik ako. Bakit alam niya palagi ang whereabouts ni Klare? Fuck. Fuck this
life. Hinilig ko na lang ang ulo ko sa salamin at nag dasal na sana makatulog ako.
Kaya lang nang nakalapit na kami sa Fit and Well ay agad akong hinila ni Azi para
masundo si Klare doon. Bakit ako pa?

"Hoping for hot girls in the gym." Nag cross fingers pa ang mokong.

"Capital G for gay." Umiling ako sa kanya at nagtungo na sa gym ni Klare.

Yes, there were hot girls. Kitang kita ko kung paano ngumiti ang mga mata ni Azrael
habang tinitingnan kung paano humuhulma ang dibdib ng babaeng nag wi-weights.
Hinanap ng mga mata ko si Klare at nakita ko siya sa studio. Suot niya ang isa pang
sapatos na bigay ko. Naka shorts lang siya at isang loose na black t shirt. Kumulo
ang dugo ko. Why would she wear that? Sumasayaw siya at 'yan ang suot niya.

Sumipol agad ako para makuha ang atensyon niya. Tumingin ang iilang tao sa gym sa
akin. May tumawag pa sa amin dahil kilala namin. Si Azi lang ang pumansin sa kanila
kasi nakatuon ang tingin ko kay Klare. Basang basa ng pawis ang kanyang bangs at
pinulot niya ang kanyang Gatorade sa sahig ng studio.

May sinabi siya sa kanyang personal trainer, nakipag high five, bago umalis. Nag
igting ang bagang ko.

"Nasan? Nakita mo na si Klare?" Tanong ni Azi.

"Oo. Magbibihis na yata." Iritado kong sinabi.

"Ano? Don't tell me, sa malayo pa lang, iritado ka na sa kanya? Mag aaway na naman
kayo the whole time na nasa Camiguin tayo?"

Hindi na ako nakapag salita. Hinintay ko na lang na lumabas siya. Lumabas nga siya
ng locker room suot suot ang isang mas maiksing shorts at kulay puting damit na
halos kita ang kanyang kaluluwa. Naka taas ang buhok niya at kitang kita ang
kanyang collarbones.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanyang legs. Damn it. Nakita ko rin kung paano
gumalaw ang collarbones niya nang inayos niya ang kanyang buhok. Now, I'm bothered.

"Babyahe tayo. Mag jacket ka nga." Iritado kong sinabi.

"Masyadong mainit para mag jacket. Kakasayaw ko pa lang." Sabi niya sa iritado ring
tono.

"Here we go again..."

"Bakit ka pa kasi nag gym? Alam mong aalis tayo tapos mag gi-gym ka pa?"

"Hoy, Montefalco... pinapangaralan mo ba ako? Wala kang pake sa gusto kong


mangyari." Sabi niya habang inuunahan ako sa pag lalakad.

"Kung makatawag kang Montefalco sa akin, parang di ka rin Montefalco, a?"

Hindi na siya nag salita. Nang nakarating kami sa gym ay agad akong kumuha ng
jacket ko sa bag ko. Umupo siya sa likod kasama sina Claudette, Erin, Chanel at Ate
Yasmin. Pagkahablot ko nong jacket ay agad kong itinapon sa kanya.

'Ano ba, Elijah!" Sigaw niya.

Hindi ako nagsalita. Nilagay ko na lang ang earphones ko sa aking tainga. Babyahe
na kami. Napatalon ako nang tumama ang jacket sa aking ulo.

"Ano ba 'yan!" Reklamo ni Knoxx sa aming likod.

Kinuha ko ang jacket at tinapon ulit kay Klare.

"Ano ba 'yan? Tigilan niyo 'yan!" Sabi ni Rafael.

"Ano ba, Elijah? Eh, pinipilit niya akong mag suot ng jacket! Naiinitan ako! Bakit
ako mag susuot ng jacket?" Tinapon ulit ni Klare sa akin iyong jacket.

Sobrang iritado na ako. Hindi ko na siya kayang kausapin.

"Erin, paki tapat nga sa kanya 'yong aircon. Paki lakasan na rin." Sabi ko sabay
tapon ulit sa kanya ng jacket.

"FUCK! Kayong dalawa! Tigilan niyo nga 'yan!" Sigaw ni Rafael dahil natatamaan ang
kanyang ulo ng jacket.

"Raf, si Elijah, e, nakakainis."

"Just wear the damn thing. You know I won't stop if you won't wear that." Sabi ko.

"Elijah, tama na 'yan." Sabi ni tito sa front seat.

"Fine!" Sigaw ni Klare sa likod.

Kabanata 9

Acceptance
The trip was okay. Aside sa masyadong behave si Azi at Knoxx ay halos wala ring
kabulastugang naisip si Damon at Rafael. I'm pretty sure Raf's trying to be a good
boy. Ang alam ko, humingi siya ng sasakyan sa kanyang susunod na birthday.
Although, he can drive his dad's car, mas gusto parin niya yata ng sariling
sasakyan niya. Asshole. Ang engrandeng regalo naman niyan.

"Kainis talaga. Masyadong conservative si Klare. Ayaw mag suot ng two piece." Ismid
ni Erin.

Nakikita ko sa malayo si Klare kasama si Claudette, Ate Yasmin, at Chanel. Ang


tatlo ay naka two piece na samantalang si Klare ay hanggang spaghetti strap lang na
pantaas. Hindi ko mapigilan ang pag ngisi.

"Hayaan niyo na nga lang siya." Sabi ni Josiah.

Nasa cottage lang kaming mga boys. Kanina pa kami ligo nang ligo. Ngayong hindi na
masyadong mainit ay ang mga babae naman ang gustong maligo. Hinilig ko ang mga
braso sa mesa ng cottage at tumingin ako sa malayo.

"Dapat parehas kaming mga girls. Dapat fair. E, maganda naman ang katawan non.
She's got the best body sa aming lima." Simangot ni Erin.

"Wala siyang dibdib." Sabi ko.

Nanlaki ang mga mata ni Erin sa sinabi ko. "Isusumbong kita sa kanya!" Sabay turo
niya sa akin.

"Stop it, Erin. Ayaw nating magka World War na naman. Mamaya mag patayan 'yan
mamaya."

"Elijah, kaya ka natatarayan e." Umiling si Erin.

"What? She should wear her t-shirt, Erin. Hindi bagay 'yong two piece. Besides, ang
ba bata niyo pa." Humalukipkip ako.

Inirapan lang ako ni Erin at umalis na siya doon. Nilingon ko ulit sina Klare at
nakita kong lumalayo na sila sa shore. They'll swim. Bakit di kaya kami mag
swimming na rin?

"Ohh, girls..." Sabi ni Azi nang may dumaan sa cottage namin na iilang mga babaeng
may makinis na legs.

"Knoxx?" Kumunot ang noo ng babae pagkakita kay Knoxx. Kilala niya pala ang mga
babaeng iyon.

Habang nag uusap sila ay panay naman ang titig nina Damon, Azrael, at Josiah sa mga
babae. Well, isama niyo na ako. It's good to appreciate their beauties too. Lalo na
pag may nakita kang mukhang nag tataray pero ilang beses namang sumusulyap sa'yo.

"Dude, I bet you thousand bucks, 'yong naka pulang two piece may gusto sa'yo."
Bulong ni Azi sa akin.

Apparently, I'm not the only one who noticed her. "Shut up. You're over reacting."

Papalubog na ang araw at hindi parin natatapos sa pag uusap si Knoxx at isa sa mga
babae kanina. Mabuti na lang at nasa hotel sina tito at tita.

"Come on, Elijah. Sige na. Para naman magka steady girlfriend ka na." Halakhak ni
Azi.

"Magkakasteady girlfriend ako in time. At hindi naman ako nagmamadali. Bakit ka nag
mamadali para sa akin?" Iritado kong tanong.

"Kasi sinasayang mo ang opportunity."

Bago pa ako makapagsalita ay agad niya nang nakuha ang atensyon nong babaeng
nakita. Kinawayan niya ito at nagpakilala siya.

"I'm Azi, Knoxx's brother. Eto naman si Josiah, Damon, Rafael, at Elijah."

Tumango ako. Kitang kita ang pagtigil ng tingin niya sa akin. Ngumiti siya. Ngumuso
ako, nagpipigil ng ngiti.

"You are?" Nagtaas ng kilay si Azi sa babae.

"I'm Gillian." Malamig ang kanyang boses.

Hindi na natapos ang titig nina Azi sa akin hanggang sa umalis 'yong mga kaibigan
ni Knoxx. Nakakairita nga dahil masyado siyang interesado sa mangyayari sa amin ng
babaeng iyon. I'm amused but I'm not interested. Ewan ko ba. Yes, I can't help but
stare at pretty girls. Pero hindi ko parin magawang pumorma. Simula yata nong nag
airsoft ako, nawalan akong ng ganang makipag text o sumabay sa mga usapan.
Well, that's wrong right? I should socialize. Mamaya maging anti-social ako nito.

"Ibigay ko number ni Gillian sa'yo?" Tanong ni Knoxx, tinutukoy iyong maputi,


makinis, may mahabang binti, mahabang buhok, at sexy'ng kaibigan niyang ipinakilala
sa akin kanina.

"Ano namang sasabihin ko?" Sabi ko.

"You puss shit. Edi kaibiganin mo." Galit na utas ni Azrael.

"Tumahimik ka Azi. Parang ang dami mong alam." Iritadong sinabi ni Knoxx sa
kapatid.

Tumawa si Josiah. "Isa lang 'yan, Ej. You choose the playboy thing or you choose
the good boyfriend. Mas masaya maging playboy pero mahihirapan kang makahanap ng
babaeng willing." Pangaral ni Josiah.

Gabi na at halos makita ko na si Rafael na nag hahanap ng beer. Nililingon niya ang
hotel. Hindi naman kami pinagbawalan pero mabuti na ang maingat. Besides, we're
underage.

"What do you mean, Joss?" Tanong ni Azi.

Nakatuon kaming lahat kay Josiah. Nakita kong nakipag usap na si Rafael sa waiter.
May lumapit sa kanyang isang lalaking pamilyar. I know this guy. Schoolmate ito ni
Spike.

"Pag playboy ka, alam ng mga babaeng kasama mo na panandalian lang ang hanap mo.
Although may ilang aasa, mas sanay kang itapon na lang sila ng basta basta. Pag
good boyfriend ka naman, alam mo sa sarili mong pinapaasa mo lang ang target mo,
pero hindi niya alam 'yon. Kaya ang mangyayari ay maglalaro kang mabuti sa mga
salita mo-"

"You mean like what you're doing." Ani Damon.

"Well, mas madaling imaintain ang image na ganon." Ngisi ni Josiah.

"Tang ina kayo, makapag salita kayo parang di na virgin. E virgin pa 'tong si
Azrael." Halakhak ni Knoxx.

"Sinong hindi na virgin, pataas ng kamay?" Sabi ni Damon sabay taas ng kanyang
kamay.

"Fuck you, dude." Sabi ni Azi.

Tumawa ako. "Eh, hindi naman umaamin si Josiah!" Of course, I won't tell them too.
Bahala sila.
"Hindi kasi kami nag se-serve ng beer sa mga underage." Sabi nong lalaking katabi
ng waiter.

"But we're tourists." Sabi ni Rafael sa lalaking ngayon ay naaalala ko na. Siya nga
ang anak ng may ari ng resort na ito.

"Brian?" Sabi ko.

Bumaling si Brian sa akin. "Uy! Elijah." He's Spike's schoolmate. Naka laro ko na
siya ng airsoft.

"These are my cousins. Sorry. Eto si Knoxx, Rafael, Damon, Azrael, at Josiah." Sabi
ko. "Sorry kung makulit kami sa beer." Tawa ko.

"Okay lang. Ayos lang naman kung bigyan ko kaya kaya lang baka isumbong ako sa dad
ko." Sabi niya.

"Tss.. Whattapussy." Ani Josiah.

�Shut up, Joss, we are trying to win the beer bro.� Ani Rafael.

Nakita kong sumulyap si Brian kay Rafael bago tumango. Nag kamot siya ng ulo at
kinausap ang waiter.

Ang tawanan ng mga girls ang bumasag sa katahimikan namig magpipinsan. Basang basa
sila, papalapit sa aming cottage. Kinuha agad ni Chanel ang kanyang cellphone na
iniwan niya sa mga kamay ng kanyang kapatid na si Josiah.

�Your boyfriend is cheating on you.� Utas ni Josiah nang hindi tinitingnan si


Chanel.

Hinanap ko si Klare sa likod ni Erin at nakita ko kung paano bumakat ang underwear
niya sa puting spaghetti strap. Damn it. Nilulugay niya ang kanyang buhok at
mukhang wala siyang pakealam sa nakikita ko.

�Anong oorderin niyo?� Tanong ni Erin.

Kinuha ko sa likod ko ang tuwalya. Ayokong itapon sa kanya. Baka mainis na naman
kaya inilahad ko sa kanya iyon. Tiningnan niya ang tuwalya ko.

�Azi, my towel please?� Aniya sabay tingin kay Azi.


Oh damn... Fine. Bigo kong nilapag ang tuwalya ko. Inabot naman ni Azi sa kanya
ang tuwalya niya. Umalis si Klare sa gilid ko at kinausap niya si Erin. Umalis din
silang tatlo. Si Chanel at Ate Yas lang ang naiwan. Tumabi si Ate Yas sa akin at
kinuha niya ang tuwalya ko.

�Chan, let�s go?� Yaya niya kay Chanel na ngayon ay abala sa pag titext.

�Wa�g mo ngang siraan �yong boyfriend ko, Josiah.� Iritadong sinabi ni Chanel at
tumayo na agad.

Dumating ang waiter na may dalang beer. I still can�t believe it. Hindi niya ako
tinanggihan pero binalewala niya ang offer ko!

�Here�s the beer. Isang bucket lang, a. Sorry, guys, Elijah, papagalitan ang staff
e.� Sabi ni Brian sabay tingin kay Chanel na nakabusangot ang mukha.

�It�s okay. Thanks, Bri.� Sabi ko at umalis rin siya.

Mabuti na lang at pagkatapos naming kumain ay omorder pa si tito nang tatlong


bucket para sa amin. Nong una ay kasama pa namin siyang nakikipag inuman.
Pinapangaralan niya kami tungkol sa mga babae, pag aaral, at negosyo. Habang
nakikipag usap ako kay tito tungkol sa negosyo ay abala naman si Josiah at Azi sa
pag pipindot sa cellphone ko.

�Tang ina mo, Elijah, katext mo pala si Cindy?� Nilingon ko sila at nakita kong
nagbabasa sila ng mga text ko.

Ilang sandali ang nakalipas ay nag tawanan na sila. Nilingon ko ulit sila at nakita
kong kanina pa sila may katext sa phone ko.

�What the hell?� Sigaw ko sabay kuha agad sa phone ko. Tiningnan ko iyon at nakita
ko na pinangalanan nila ang number ni Gillian ng �Gillian Sexy�. Nilingon ko sila.

�Magkikita daw kayo sa kabilang cottage within five minutes.�

Kumunot ang noo ko. �Ano?� Tiningnan ko ang mga messages. Maiksi lang naman ang
sagutan nila. Nagulat ako at napapayag nila agad si Gillian na makipagkita sa akin.
Probably Josiah�s skills.

�Oh don�t be suchapussy, Elijah. Puntahan mo na!"

Umiling ako at tumayo. First, I'm nopussy. Second, I can flirt thank you. I don't
need your help Joss. Nakakainsulto naman 'to.

"She's not my type. She's your type. I would pursue her, kung type ko siya." Utas
ko.

"Hindi naman namin sinabing girlfriend-in mo. Just go talk to her, dude. Chillax."
Iling ni Josiah.

"Whatever, losers. I'll give you what you want. Kaya tigilan niyo na ako." Sabi ko
at mabilis na umalis para dumiretso sa room naming dorm type.

Pagkadating ko doon ay naabutan ko kaagad na nanonood ng Jeepers Creepers ang girls


habang kumakain ng iba't ibang chichirya. Pumunta lang ako dito para mag
toothbrush. Kung haharap ako kay Gillian, kahit di ko siya type, gusto ko paring
maging presentable. Nag angat ng tingin ang mga mata ni Klare sa akin. Naka yakap
sa kanyang baywang si Erin habang si Claudette ay nakaidlip sa gilid niya. Si
Chanel ay abala sa pag titext, ganon din si Ate Yas.

"Di pa kayo matutulog, Ej?" Tanong ni Ate Yasmin.

Umiling ako. "Di pa. Nag iinuman pa sila." Diretso ako sa banyo.

Binuksan ko ang pintuan at kinuha ko kaagad ang toothbrush na nilagay ko sa


lalagyan kanina. Nilagyan ko iyon ng toothpaste at bago ko pa iyon naisubo ay
nakita ko sa repleksyon ng salamin ang nakatitig na mga mata ni Klare sa akin.

I tried to act normal. Umalis ako sa kinatatayuan ko at nag toothbrush na lang ng


hindi pinapansin ang mga titig niya. Pagkatapos kong mag toothbrush ay lumabas ako,
titig parin siya sa akin.

Oh... come on....

"Oh, aalis ka? Akala ko matutulog ka na?" Tanong ni Ate.

Umiling ako. "Di pa. Sasamahan ko pa sila."

"Asus. Style mo, bulok. Sabihin mo, may pinopormahan kayo." Sabi ni Erin. "Nag
toothbrush ka pa. Preparing for make out session."

Napaawang ang bibig ko. "Hindi, a." Nilingon ko si Klare na ngayon ay naka tingin
na sa TV.

"Deny pa, Ej." Tawa ni Ate Yas.

Ngumiti ako. "Wala nga."


"Hayaan na natin sila Ate Yas. Boys will be boys." Wala sa sariling sinabi ni
Klare. Humikab pa siya.

Wala talaga siyang pakealam sa mangyayari. Hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Sinubukan kong maglaro ng salita. "Hindi ako. Siguro si Azi may popormahan."

"Na naman?" Tamad na sinabi ni Erin.

Nag angat agad ng tingin si Klare sa akin. May kung ano sa tiyan kong bumaliktad. I
hate this feeling. "Ba't di mo pinigilan?"

"He won't get STD. Chill." Sabi ko kahit na iritado na.

Bakit big deal sa kanya pag si Azi pero ako, pinapabayaan niya lang? Balang araw,
pag nakita kong naapektuhan na siya. I swear to God, poporma talaga ako sa babae.

"Pigilan mo siya. That's too much for him, Elijah! Too much girls!" Tumaas ang
boses niya.

Hindi na ako makapag salita. Hindi ako makapaniwalang nagalit agad siya para kay
Azrael samantalang ako, hahayaan na lang daw. Hayaan my ass. I'm going to do
whatever hell I want. Or maybe whatever it is that will piss you off. Oh right!
Hindi nga pala siya naaapektuhan sa kahit anong gawin ko. Damn it!

Nawala ko kaagad ang sarili ko don. Lalo na nang mas naging malapit ako kina
Maxwell at Spike dahil sa pag alis nina Azi. True, Spike is tamed now. He has
Claudette. Hindi ko alam kung sila na ba o ano but he's pursuing her.

Pag kasama ko si Josiah, wala kaming inatupag kundi mang chics. Mas nakakasundo ko
nga lang si Damon kumpara kay Joss na ginigirlfriend lahat.

Mabilis ang panahon. Lalo na pag wala ka sa sarili mo. Kung anong krisis man 'tong
nararanasan ko sa sarili ko, I believe it's just part of growing up. This angst
that I'm feeling, the need for games, and all of these stupid things, parte lang
ito ng mga experience ko. I will regret them later but I'll learn from it.

Nang bumalik si Azi galing States ay nag simula na naman ang pagkahumaling namin sa
basketball. Now that we're in Grade 10, mas malaki na ang chance na maging first
five kami sa bawat laro. Graduate na ang mga senior na laging nasa first five.
Kasing tangkad naman namin 'yong mga nasa Grade 12 kaya hindi malabo na gawin nga
kaming first five ng team. Kaya bago 'yong official tournament ay sumasali kami ng
iilang out of school tournament as practice.

"Elijah! Salo!" Sigaw ni Rafael.


Sinalo ko kaagad ang bola. Medyo galit na si Raf dahil nag bubulakbol sa laro si
Josiah. Paano ba naman kasi, boyfriend ni Chanel 'yong kalaban namin.

"Damn it, Joss! Tanga mo!" Sigaw ni Rafael sa court.

"Easy bro." Sabi ko. "Kalma."

"Eh, tangina. Kung galit ka, supalpalin mo. Hindi 'yong tutunganga ka!" Sigaw ni
Rafael.

Now this isn't good. Nag aaway sila. Nilingon ko 'yong Ty na walang ginawa kundi
magsalita nang magsalita tungkol sa gusto niyang mangyari. Pinapangaralan niya si
Eion at 'yong boyfriend ni Chanel. I really hate these players.

So in the end, natalo kami. Pawis na pawis ako at sobrang sakit ng braso at binti
ko. Masyado yata akong napuruhan ni Rafael ngayon. Joss is useless for today.
Bumaling ako sa winning team. Naroon na ang mga pinsan kong babae. Panay ang ngiti
ni Chanel sa boyfriend niyang nanalo. May binabalak siya. Nakita kong hinawakan
niya ang braso ni Klare sabay hinila niya iyon sa tabi niya. Itinuro niya sa
kanyang boyfriend si Eion. Umayos ako sa pagkakaupo.

Nakita ko kung paano humarap si Eion sa kanya. Hindi man lang siya ngumiti.

"Elijah, alis na nga tayo." Ani Rafael.

"Raf naman. Kausapin mo muna 'yong mga babaeng nag co-comfort satin." Sabi ni Azi.

Hindi ko na nasundan ang usapan nila. Tumayo ako at tumingin sa kanila. Nakita ko
kung paano nag lahad ng kamay si Eion kay Klare. Sa likod ni Klare ay si Erin.
Pulang pula ang pisngi ni Klare habang tinitingnan ang kamay ni Eion.

Maraming dumaan sa court kaya halos mawala sa paningin ko ang ginawang pag shake
hands ng dalawa.

Hinawakan ni Rafael ang balikat ko para makaalis na kami. Hinawi ko ang kamay niya
dahil panay ang titig ko sa ngiti ni Klare kay Eion na nakasimangot.

"Tsss. Stop it, Elijah. Let her go. Siya na nga ang huling lumandi sa mga pinsan
nating babae, pagbabawalan mo pa." Ani Rafael.

Umiling ako. No. Way.


"What? Hindi 'yan papansinin nong Sarmiento. Suplado 'yan sabi ni Knoxx. Walang
pinapansin."

Nakita ko kung paano tinalikuran ni Eion Sarmiento si Klare. Pulang pula ang
kanyang pisngi na humarap kay Erin.

Kumunot ang noo ko. "Yeah. I should accept that."

But damn, I'm mad at her. So mad.

Kabanata 10

Hot and Cold

"Dude, stop it." Ani Azi nang napag usapan namin si Klare dahil nakita ko siyang
babad sa cellphone.

"Hindi, Azi." Iritado ko siyang tiningnan. "Close kayong dalawa pero ba't wala kang
pakealam?"

Umirap siya at ginulo niya ang kanyang buhok. Para bang iritado siya sa pakikipag
usap ko sa kanya. Kanina pa kasi ito may tinititigang babae at siguro ay kada
lingon niya sa akin ay nawawala siya sa concentration doon sa babae. "May pake ako
syempre. Unless gaguhin siya nong gagong 'yon, tsaka ko siya bubugbugin. In the
meantime, hayaan mo na lang siyang mag flirt. It's a natural tendency... of a
Montefalco... to flirt..." Putol putol ang salita niya dahil sa pagkakamangha sa
babaeng tinititigan.

"What? Hindi siya pinapansin nong lalaking iyon? You think ayos lang na hayaan
siyang gumawa ng first move sa lalaking iyon?"

Klare's texting Eion now. Hindi ko alam kung sino ang nagbigay ng number o sinong
naunang nag text pero hindi ko gusto ang nangyayari.

"Hindi siya gagawa ng first move, Elijah. Tsss. Palibhasa di mo kilala si Klare."
Wala sa sarili niyang sambit.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Azi. Hindi ako makapaniwala na sinabi ipinamukha
niya sa akin iyon. I know Klare, of course! Pero ayoko lang talaga. Ayoko lang
talaga!

"Dude, alis na ako." Humalakhak siya sabay tapik sa aking likod.


Medyo iritado ko siyang tinapunan ng tingin. Namataan ko kaagad sa malayo si
Roxanne. Iyong mahinhin, maganda, ngunit nerd na kaklase namin. "Fuck."

Tumawa si Azi at huli na ang lahat para sumunod sa kanya. Ayokong makita ni Roxanne
na iniiwasan ko siya. That would be rude.

"Hi, Elijah!" Bati niya bago pa ako nakapag iwas ng tingin.

"Hello, Roxanne!" Nginitian ko siya.

Kitang kita ang pamumula ng kanyang pisngi. At pag may Roxanne, may Glace. Maarteng
inayos ni Glace ang kanyang eyeglasses nang sinalubong si Roxanne.

Here we go again. I hate this. I'd rather entertain sluts.

"May kasabay kang mag lunch ngayon?" Tanong ni Roxanne kahit na hinihila na siya ni
Glace.

"Yeah. Mga pinsan ko." Sabi ko at iginala ko ang mga mata ko sa paligid para
maghanap ng pinsan.

"Oh! Akala ko mag isa ka na naman." Matabang na sinabi ni Roxanne.

Nagkasabay kasi kami isang araw ng lunch. Kinausap ko siya at kinausap niya rin
naman ako. Of course kakausapin ko, I'm not rude or anti-social. Kaya lang ang mga
babae talaga, kinausap mo lang ng isang beses, iisipin nilang mauulit ulit iyon.
Ayokong ganito ang isipin ni Eion para kay Klare. Kumukulo ang dugo ko. Ang kapal
niya naman para mag isip ng ganon.

"Rox, tara na. Hayaan mo na 'yan. He's not even hot." Ani Glace sa kanyang
bestfriend.

Si Roxanne ang top sa batch namin at ang kanyang bestfriend naman ay isa sa mga top
ding estudyante. Mas maganda si Glace, I admit it. Pero wala akong interes sa
kanila. Gaya ng sabi ni Joss, may dalawang klaseng babae: 'yong papayag na makipag
fling, at 'yong dadaanin mo pa sa bolahan para lang makuha. Pagkatapos ni Rianna,
naireto na ako ni Kuya Justin sa dalawa pang babae. I'm glad they were both sport.

"Oh yeah? You might wanna check me out, Glacelyn." Ngiti ko.

Nakita ko ang pamumula ng kanyang pisngi at pag awang ng kanyang labi. Nakita ko
rin ang paglinga ni Roxanne sa aming dalawa. "Excuse me!" Inayos niya ang glasses
niya.

Humalakhak ako. She's panicking. Pataray taray pero 'yon naman pala...
"Sabi mo di ako hot, diba? Bakit? Naramdaman mo na ba ako?" Nagtaas ako ng kilay sa
kanya.

Napakurap kurap siya sa tanong ko. Humakbang ako palapit sa kanya. Napaatras ang
kaharap kong si Roxanne.

"Tigilan mo nga ako!" Sigaw niya sa akin pero pulang pula parin ang kanyang pisngi.

Biglang nag walk out si Roxanne sa harap namin. Nilingon siya ni Glace pero
bumaling din siya kaagad sa akin, namumula parin ang kanyang pisngi. Oopps, wrong
move. Galit si Roxanne? Pinanood ko siya at inisip kong susundan niya ang kaibigan
niya ngunit hindi niya ginawa.

"Are you trying to seduce me?" Nanliit ang mga mata ni Glace.

Nagkibit balikat ako at ngumuso.

"You will never win, Elijah. Kahit kailan, di ako maiinlove sayo!" Aniya at tumakbo
palayo sa akin.
Sino ba ang may sabing maiinlove siya sa akin? Tss. Umiling na lang ako at umalis
doon. Girls, minsan ang daling espellingin, minsan mahirap. Bahala na nga sila.

"Bwisit na bwisit ako sa pag aaway ni Glace at Roxanne! Nadadamay 'yong dance
troupe!" Iritadong sinabi ni Chanel pagkalipas ng dalawang linggo.

Nilingon ko siya at nagtaas ako ng kilay. Nakita ko ang mga mata niyang nakatoon sa
akin.

"Sinong Glace?" Tanong ni Rafael.

"Basta, 'yong bestfriend ni Roxanne. Nadadamay practices namin. Kaya kailangan


naming mag practice sa bahay ngayong Sabado, imbes na sa school. Nandito kasi si
Glace sa school at ayaw ni Roxanne na nandito rin siya. Kainis talaga."

"Ba't daw ba nag away? Ang hot nong Glace." Ani Azi at nakita ko kaagad ang pag
beso ni Klare kay Chanel. Kararating lang nila galing sa kanilang klase. Uwian na
at nanlamig agad ako sa isasagot ni Chanel.

"Ewan ko ba kung sino 'yong pinormahan ni Elijah at bakit nag away ang dalawa!"
Iritadog sinabi ni Chanel.

Nilingon agad ako ni Klare.

"Wala akong pinormahan ah?" Sinabi ko 'yong totoo.

"Wala raw! Eh ang alam ko, umasa si Roxanne! May ginawang love letter sayo na
sinira ni Glace dahil ayaw daw ni Glace sayo. Sabi ni Roxanne, 'yong totoo ay may
gusto si Glace sayo kaya ganon!"

"What the fuck? Seriously?" Iritado kong sinabi.

"Seriously! You slut." Iling ni Chanel.


"Wala akong kinalaman diyan! Wala akong pinaasa at ewan ko bakit sila ganon-"

"You sound like Josiah. Shut it, Ej." Ani Chanel at binalingan na agad si Klare at
Erin sa kanyang gilid.

Panay ang mura ko kay Azi. Iiling iling lang si Azi sa mga mura ko. Ginagawa pa
akong dahilan ng mga babaeng iyon. Nakakairita. This is why I like sport girls,
hindi sila clingy at walang sabit na ganito.

"He did not reply? Ang kapal naman talaga ng mukha ng Eion na 'yan!" Ani Chanel at
humalukipkip.

"Ate, hindi 'yan. May minimaintain na image si Eion na dapat ay suplado siya." Ani
Erin.

Hindi ko mapigilan ang makinig sa usapan nila. Gusto ko ring sumabat. Hindi ko na
tuloy napigilan ang sarili kong magsalita.

"He's not worth your time. He's probably an asshole who likes hot girls, that's
why."

Nakapamaywang akong hinarap ni Erin. "You mean hindi hot si Klare, ganon?"

Bullshit! Nalaglag ang panga ko. Matalim akong tinitigan ni Klare. You wanna be
called hot? Really?

"Hindi siya tulad mo, Elijah kaya wa'g mo siyang igaya sa'yo!" Malamig na sinabi ni
Klare.

Kung makapagsalita ito ay parang ang sama sama ko na ah? Bakit niya pinaglalaban si
Azi kahit na mas malupit naman itong mambabae sa akin? Humagalpak lang sa tawa si
Azi sa gilid ko. The motherfucker is amused. "Yeah. Hindi siya gaya sa akin. If I
were him, I would text you back."

"Binabawi!" Tumawa si Damon.

"Dame, stop it. Mag aaway na namana ng dalawa." Ani Chanel.

"Well that's because you settle for just about anyone. Kahit sino basta babae,
rereplyan mo!" Ani Klare.

FUCK! Saan ako lulugar sa logic niyang hindi ko maintindihan? Bwisit na buhay ito!
"Hindi ka kahit sino kaya kita rereplyan!"

"Eh wala naman kayong number sa isa't-isa kaya walang reply-ang magaganap."
Hagalpak ni Azi.

Susuntukin ko na talaga ang ilong ng isang 'to.


"Eh, syempre pinsan mo ako. Crush ko 'tong tinutukoy ko, hindi pinsan." Umirap si
Klare at niyaya si Erin na umalis.

Umalingawngaw ang tawanan ng mga pinsan ko sa gilid. I wanna throw something.


Nanginginig ako sa galit at pagkakairita. Kinalabog ko ang mesa sa canteen dahil sa
frustration. God, I hate this girl! Makakaisa din ako sa'yo!

Nang nag Sabado ay ni hindi ko naalala na may practice nga pala sina Chanel sa
kanilang bahay. Kung ano man ang rason ni Josiah at nagyaya siyang mag jamming kami
sa bahay nila ay nalaman ko kaagad iyon nang nandoon na ako. Simple, Roxanne was
coming. They wanna see her reaction. At siguro para na rin makapang chics sa mga ka
dance troupe ni Chanel.

"Hanep din talaga 'yong si Cam. Binigyan pa ako ng sapatos!" Tumawa si Azi dahil
don sa binigay na sapatos nong ex niyang hinawi 'yong kamay niya nong nag thirdbase
sila.

Tinanggal ko ang t shirt ko. Nag cacarwash kami ngayon sa bakuran nina Josiah.
Kanina lang ay sinigaw niyang papunta na sina Chanel dito. Naisip ko tuloy kung
kasama ba si Hitler sa kanila. Syempre, kasama 'yon, dance troupe 'yon.

spinner.gif

"Cammy, darling, anong ibig sabihin nitong sapatos na ibinigay mo sakin?" Panunuya
ni Azi.

Nagsimula nang humagalpak sa tawa si Damon. Binabasa niya na si Azi sa kanyang


hose. Umiilag si Azi at ngumingiwi pag nababasa ng konti pero nagpapatuloy parin
siya sa kanyang mga kwento.

"Gusto mo na bang ipasok ko 'yong paa ko sa loob nito?" Ani Azi na siyang
nagpahagalpak sa aming lahat.

Binasa ko na siya at panay ang mura niya sa akin.

"Tangina mo, Azrael. Nakakahiya kang pinsan!" Ani Josiah.


"Fucker!" Tawa ko.

"Tumahimik ka nga, Azi!" Saway ni Knoxx na hindi rin mapigilan ang tawa.

Nakita kong bumaba na ang mga girls sa sasakyang naghatid sa kanila. Sa labas pa
lang ay kitang kita ko na 'yong ngiti ng mga kasama ni Chanel sa amin. Huling
bumaba si Klare. Nag iwas agad ako ng tingin. There she goes. Nakasuot na naman
siya ng sobrang iksing shorts at spaghetti strap. Nakakairitang tingnan. Mag panty
ka na lang kung gusto mo.

Tumunog ang gate nina Josiah at agad pumasok si Chanel. Sumunod naman iyong ibang
taga dancetroupe. Nakita ko si Roxanne pero di ko na siya pinansin. Ayokong
magkaroon kami ng issue. Ayoko ring umasa siya sa wala.

"Hi Girls!" Ani Azi habang pinaglalaruan 'yong hose.

Natulala ako sa sasakyan sa harap ko habang binabasa ko ito ng tubig galing sa


hose.

"Azi, mababasa si Klare." Ani Knoxx.

Tumakbo si Klare sa takot na mabasa. Wala sa sarili kong tinapat sa kanya ang hose
ko kaya imbis na maiwasan niya ay nabasa siya ng husto. Tumigil siya sa pagtakbo.
Pumikit ang mga mata niya at pumula ang kanyang pisngi.

"Uh-oh." Ani Joss.

"Tuwalya, Joss!" Sigaw ni Knoxx.

"Elijah!" Sigaw ni Azi sa akin.

Now you're going to wear something decent. Hindi ko pinagsisihan ang pagbasa ko sa
kanya. Sasabihin ko na lang kay Chanel na pahiramin niya ng mas desenteng damit.
Binigyan siya ni Josiah ng tuwalya. Better!

"Anong nangyari, Kuya?" Lumabas si Claudette galing sa bahay at agad nalaglag ang
kanyang panga.

Dumampot siya ng isang baldeng may lamang tubig at agad niya akong binuhusan.
"HINDI KA MAN LANG NAG SORRY!" Pumikit ako dahil sa tubig at dumilat din agad
pagkatapos niyang gawin iyon. Naramdaman ko kaagad ang lamig.

"I hate you so much! Wala kang modo!" Sinugod niya ako ngunit inawat siya ni
Josiah.

Tinitigan ko siyang mabuti. Wala akong pakealam kung mag reklamo ka. Sirang sira na
ako sa'yo, kaya wala akong pake kung ano ang sabihin mo ngayon.

"Mag sorry ka, dude. She'll hate you." Ani Azi.

"It's okay. I won't expect that she will love me anyway." Malamig kong sinabi
habang pinagmamasdan ang pag pasok niya sa bahay nina Chanel.

Hindi tulad ni Klare, mabilis na gumaan ang loob ng kapatid niya sa akin. Charles
liked me a lot. Hindi ko alam kung bakit pero simula yata nong summer ay malaki na
ang ngisi niya tuwing nakikita ako.

"Elijah, may bibilhin lang ako sa Robinsons." Ani Tito Lorenzo nang nasa Rosario
Arcade na kami.

Kumakain si Charles ng Belgian waffle at nakakatuwa ang mukha niyang punong puno ng
chocolate.

"Okay po." Sabi ko.

"Kunin niyo na lang si Klare sa Fit and Well ni Azi. Para pagkatapos ko, uwi na
agad tayo." Bilin ni Tito sa amin ni Azi.

He held on to my index finger while we walked. Panay ang tingin ko kay Charles
habang dinidilaan niya ang chocolate sa kanyang labi. Si Azi ay walang ginawa kundi
ang mag hanap ulit ng mga chics.

Namataan niya agad ang iilang kaibigan namin na kasama ni Klare sa gym. Nakita ko
kung paano nag grind si Klare dahil sa hiphop na sinasayaw. Nag iwas agad ako ng
tingin. Ang galing. Shit. Uminit ang pisngi ko. Gusto ko na lang umalis doon.
Pumikit ako at halos pukpukin ko ang sarili kong ulo sa dahil sa gulo nito.

"Sinusundo niyo si Klare?" Tanong ni Lanie, isang schoolmate namin.


Nilingon niya ako at ganon rin ang mga kasama niyang kilala din naman namin. Hindi
ako makatingin ng diretso sa kanila.

"Oo. Nag grocery pa ang dad niya sa Robinsons kaya iniwan kami dito. Mamaya andito
na 'yon." Ani Azi kay Lanie.

Sa gilid ng mga mata ko ay nararamdaman ko ang titig ng isa nilang kaibigan sa


akin. Nag angat ako ng tingin dahil umalis si Charles sa tabi ko para magpa bukas
nong Chuckie niya sa kanyang ate Klare na nasa gilid lang namin. Nakita ko kaagad
ang mga mata ni Gwen na nakatoon sa akin.

"Ganoon ba? Lagi niyo ba siyang sinusundo?" Tanong ni Gwen sa akin.

Nakita ko kung paano umirap si Klare habang binibigay kay Charles ang Chuckie.

"Yup." Sagot ko agad kahit na hindi naman 'yon totoo.

"Ganon? Mukhang mapapadalas talaga tayo dito." Kumindat si Gwen sa kanyang mga
kaibigan.

She's damn attractive. Maputi at mapupula ang mga labi. Nilingon ko si Klare at
nakita ko kung paano siya umirap at nag walk out. What's that? Why are you walking
out? Are you finally affected?

Kabanata 11

Movie

Gwen is a nice girl. Masaya siyang kasama. Hindi tulad ng iba na agad may
expectations sa unang pag uusap. Hindi rin siya nag tatago ng damdamin. Mahinhin
ngunit hindi naman sobrang tahimik. Ang sarap niyang biruin dahil nagbibiro din
siya pabalik. I like her.

She's also straightforward. Nong sinubukan kong manligaw sa kanya ay hindi na siya
nagpaliguy-ligoy.

"I like you, Ej. Hindi na kailangang manligaw. The feeling is mutual." Aniya.
Napangiti ako. I really like her. Sa wakas ay nakahanap ako ng diversion sa ibang
bagay. Hindi siya clingy. Nag titext lang siya kung mag titext ako. Naiintindihan
niya naman kung hindi ako makareply. Hindi siya 'yong tipong tulad sa mga naging
girlfriend ni Josiah na nagwawala pag hindi makareply. Nakakatakot ang mga ganong
klaseng babae. Freaks.

Pero mali ba pag mas lalo akong natutuwa tuwing naabutan ko ang busangot sa mukha
ni Klare pag naaabutan niya akong nakangiting tinitext si Gwen?

Nakita ko siyang dumiretso sa kusina habang naglalaro kami ng Xbox sa kanilang


sala.

"But seriously, Elijah. Nice taste talaga! Ganda ni Gwen Hazel Ramos. Di ko
maipagkakaila. Gusto ko ang fashion sense niya." Ani Chanel habang tinatalo si
Rafael sa Need for Speed.

"Kung totoong mga sasakyan ito, kanina pa kita natalo." Ani Raf kay Chanel.

Nilingon ako ni Chanel. Bumalik si Klare na may dalang mga donuts. Nilapag niya
iyon galing sa box patungo sa malaking pinggan sa harap ko. Wala siyang imik.
Pinagmamasdan ko siya habang maingat niyang nilalagay ang mga donuts.

"Yeah, interesado siya sa fashion. Mag fa-fashion design 'yon sa Manila pagka
college." Sabi ko at nakita ko kung paano siya ngumuso.

Fuck those lips. Nag iwas agad ako ng tingin at hindi ko mapigilan ang pag angat ng
labi ko.

"So, naka score ka na ba?" Biglaang tanong ni Azi habang kumukuha ng donut gamit
ang tinidor. Ang arte ng kulugong.

And the hell, hindi ko sasabihin sa kanya kung naka score ba o hindi.

"Ikaw ang first boyfriend non." Kumindat pa siya habang sinusubo ang nakaparteng
donut gamit ang tinidor.

"Wala no." Sabi ko sabay kuha ng donut gamit ang aking mga kamay.

Agad akong tinampal ni Klare sa aking mga kamay. Nanlaki ang mga mata ko.
"O, bakit? Galit ka kasi di ako naka score?" Nangingiti kong sinabi.

"Gumamit ka ng tinidor! Your hands are dirty!" Umirap siya sa akin.

Tumawa ako. "You are overreacting. This is how you eat donuts." Sabi ko.

Nanginginig ang kamay niya sa irita habang inaabot sa akin ang tinidor at platito.
She's effing serious! I can't believe it! Mas lalo lang lumaki ang ngisi ko.

"This is my house. You follow my rules." Aniya at agad na nag martsa patungo sa
kusina.

"Wow!" Sabay tingin ni Josiah kay Klare na nagmartsa patungo doon. "Galit na galit
talaga siya."

Hitler marking her territory. What a pain in the ass!

"Elijah, ano ba 'yang away niyo ni Klare, paliit nang paliit 'yong mga dahilan."
Ani Cladudette.

"Pinapatulan ni Elijah. Siya 'yong mas nakakatanda. Alam mo namang mainit ang dugo
ni Klare sayo." ani Erin.

"What? Dahil ako mas nakakatanda, ako dapat magparaya?" The hell.

"Madalas mong iniinis lalo, e." Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Erin.

"E, naiinis din ako." Sagot ko.

"Kung gusto mo kasing magkabati kayo, dude, ireto mo siya don sa crush niya. Just
please her or something..." Ani Damon habang namimili ng sasakyan sa Need for
Speed.

I please her every damn time at hindi niya iyon nakikita. Pinasadahan ko ng tingin
ang mga pinsan kong kahit na nagsasalita ay mukhang walang pakealam. Si Azi ay
kumakain lang ng donut gamit parin ang tinidor. Si Claudette ay babad sa cellphone.
Si Rafael ay hinihilig ang ulo sa upuan. Si Chanel ay namimili din ng sasakyan sa
laro. Si Erin at Josiah na parehong tinatanggalan ng Kitkat ang mga donut na may
Kitkat flavor. Wala silang iniisip na mali.

Pero alam kong may mali sa akin. Alam na alam ko nong una kaya ko iniwasan. And I'm
afraid that I'm doing these things just to get over it. It's wrong to feel
something for her. It's wrong to dream of her. It's wrong to think about her, her
lips, her cheeks, her collarbones, her neck, her legs, and even the way she flips
her hair. This is all wrong.

I'm pretty sure I'll get over this, though. Siguro ay ganon lang ang type ko.
Sinubukan kong mag date ng medyo may hawig pero bakit wala akong ibang maramdaman?

Humagalpak sa tawa si Gwen nang hindi niya matanggal ang kanyang seatbelt. "Sira ba
'to o talagang di ako marunong?" Aniya.

I used one of our cars for our dates. Hindi pa naman pwede pero marunong na akong
magdrive at hindi naman ako nahuhuli. Dad's okay with it too. 'Yon nga lang,
kailangan ko na ring kumuha ng license talaga para mas safe.

Sasamahan kong mag shopping si Gwen ngayon. Lagi niyang ginagawa ito. Nakakatamad
nga tuwing namimili siya. Inaantok ako pero pinagtyatyagaan kong sumama. This is my
diversion. Kung wala din kasi ako dito baka mas lalo lang akong mabaliw sa
kakaisip.

"Hindi ka marunong." Sabi ko habang tumatawa. "Akin na nga."

Hinawakan ko ang lock ng seatbelt sa gilid niya at sinubukan ko itong kalasin


ngunit hindi ito natanggal. Nagtawanan kaming dalawa.

"Mahirap lang talaga 'to." Sabi ko at buong lakas na sinubukan ulit.

Nakalas ko ito at agad nag angat ng tingin sa kanya para magyabang.

"See?" Nakataas ang kilay ko ngunit naabutan ko siyang nakatitig sa akin.

She's really pretty and hot. Simple at elegante ang suot niya at hindi rin siya
makapal kung mag make up. Kulot kulot ang kanyang buhok para sa araw na ito. Bumaba
ang tingin niya sa aking labi.

I'll kiss her right now. Sasalubungin ko na sana ang labi niya nang biglang tumunog
ang cellphone ko. Fuck. Bad timing.
"Sagutin mo." Aniya sabay lingon sa harap. Natatanaw namin ang parking lot ng Rio,
'yong paborito niyang mall.

Dinampot ko ang cellphone kong maingay na tumutunog. Nakita kong si Azi iyon. I'm
gonna kick his naked ass if he called for nothing.

"Ano?" Naiinis kong salubong.

"Elijah, asan ka?" Aniya.

"Nasa Rio. Bakit?" Kumunot ang noo ko at napatingin sa labas.

"Are you busy? Kasi ako, busy ako. You know... and uh, busy silang lahat. Raf's
with someone. Dame's out of town. Josiah's with his girls. Knoxx is busy with his
papers Erin's with her boyfriend. Chanel's with her boyfriend. Dette's with her
pet-"

"Tinatawag mo bang pet si Spike?" Agad kong sinita.

"Basta, dude. Busy silang lahat. Ikaw? Busy ka?"

"Busy ako!" Sabi ko kaagad. Hindi ko alam kung bakit pinapatagal ko pa ang usapang
ito.

"Kasi hindi ko naalala! May usapan kami ni Klare ngayon na manonood nong gusto
niyang movie. Nasa Centrio na yata siya, naghihintay sakin. Eh, busy ako. Walang
sisipot sa kanya. Nakita ko sa post niya sa Facebook na may tickets for two na siya
para sa movie at may caption na "Waiting for-"

"Wait! What? Kayong dalawa lang ang manonood?" Halos napasigaw ako. Nilingon ko
kaagad ang nakatitig sa akin na si Gwen.

"Yeah. Actually, lilibre niya ako kasi natalo 'yong team niya sa Sochi. So... yeah!
Nakalimutan ko." Halos takot na sinabi ni Azi.

"Fuck you, dude! Just fuck you! Iniwan mo siya!" Fuck! Ang swerte na nga! "What do
you fucking want me to do now? Kausapin siya para sayo? Coz your ass is gonna shit
bricks if you'll ask me that. Alam mong bad shot 'yon sa akin."

Nakita ko ang pag kunot ng noo ni Gwen sa akin.

"Mapupuntahan mo ba siya? Kayo na lang manood ng movie."

Hindi ako nakapagsalita sa gulat. Nakatingin ako kay Gwen at ang tanging naisip ko
na lang ay ang mga plano ko kung paano ako pupunta ng Centrio ngayon nang hindi
natatraffic. Walang pag aalinlangang pupunta ako don. Kahit sa gitna pa ng date
namin ni Gwen. Kahit sa gitna ng kahit ano, I will be there.
"Okay." Sabi ko kay Azi.

"Di ko na siya ititext na ikaw ang pupunta. I'm sure, pag malaman niya, uuwi 'yon
at mas lalo siyang magagalit sa akin." Ani Azi.

"Saan siya exactly sa lugar?" Tanong ko.

"Taters? Naghihintay na siya sa akin." Ani Azi.

"Okay." At agad kong pinutol ang linya.

Tumikhim ako at umiling. Nakita ni Gwen ang ekspresyon ko at agad siyang nagtanong
sa problema.

spinner.gif

"May kasalanan si Azi na kailangan kong linisin. I need to go." Sabi ko. "I'm
sorry."

"Uh, okay. May inindian ba si Azi?" Tanong niya.

"Si... Klare." Nag aalinlangan kong sinabi.

"Ah! 'Yong pinsan mo lang pala. Sure. I'll... We'll just text?" Natataranta siya
habang hinahanap ang door handle para makalabas doon.

"Sure." Sabi ko. "I'm sorry, Gwen."

Ngumiti siya at hinalikan niya ako sa pisngi.

Hindi na ako nagpaliguyligoy pa. Diretso na ang pihit ng sasakyan ko para makaalis
doon. This is Klare Montefalco you are talking about. Lahat ng pagdududa ko sa
aking sarili ay narealize ko rin sa limang minutong byahe patungong Centrio Mall.

This is crazy but I'm willing to be right next to her. Kahit na may importante
akong mga lakad. Nagdududa na ako sa nararamdaman ko para sa kanya. I hate her and
she hates me too but damn pakiramdam ko ay kaya kong iwan ang kahit ano para sa
kanya. Hindi ko maintindihan pero galit ako sa kanya dahil hindi niya ako mapansin.
Langit na sa akin ang mapansin ko niya, kahit sa gilid lang ng kanyang mga mata.
And I'm scared of this shit of a feeling.

Pagkasarado ko ng pintuan ng Silverado ay agad kong tiningnan ang mukha ko sa


salamin. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri. Binuksan ko ulit ang
pintuan at agad akong nagpabango. Naghanap ako ng kahit ano sa drawer. I found one
pack of Fisherman's Friend. Okay na 'to. Kumuha ako ng isa at nilagay iyon sa bibig
ko. What the fuck am I doing?
Sinarado ko ulit ang pintuan at nagmadali na sa elevator. Halos takbuhin ko galing
elevator patungong Taters. And I saw her there... Lumilinga linga siya sa paligid
at panay ang tingin niya sa kanyang cellphone. Nakalugay ang buhok niya at kitang
kita ko kung paano siya lingunin ng mga lalaking dumadaan.

You wish, dude. I'm her date for today.

What, Elijah? Talaga lang ah?

Kabado ako palapit sa kanya. Namamawis ang kamay ko at iritadong iritado ako sa
sarili ko. I've never been this nervous around a girl. What's the big deal?

"Klare." I cleared my throat to catch her attention.

Bumaling siya sa akin at nakita ko kung paano siya nagulat. Tumingin siya sa likod
ko at nang walang nakitang iba ay bumaling ulit siya sa akin. "Ginagago ba ako ni
Azrael?"

I wish I can say yes para sila naman ang mag away pero ayoko rin naman. Maiirita
lang ako pag sila ang nag aaway. Gusto ko ako. Gusto kong ako 'yong kasundo niya,
ako rin 'yong kaaway niya, ako ang lahat!

"Hindi. Uh, you, I think you may call him." Nanginginig ang labi ko habang
kinakausap ko siya.

Luminga ako para maghanap ng kung ano. Abala na siya sa kanyang cellphone. She's
mad and I'm scared. The fuck.

"Klare, anong gusto mo? Popcorn? Burger? Drinks?" Sabi ko habang tumitingala sa
Taters. Anything just to calm her nerves.

"Azi! Bakit si Elijah ang nandito? Ayoko! Uuwi na lang..." Umalis siya para hindi
ko siya marinig.

Napalunok ako. Pakiramdam ko ay sobrang ayaw niya sa akin. Pinipiga ang puso ko.
Ayaw ko rin sa kanya pero hindi naman ganon na nabubwisit ako tuwing nandyan siya.
In fact, I'm more conscious around her. In fact, I want her to notice me so I act
like a complete bastard everytime she's near around.
Umorder na ako ng dalawang popcorn at drinks na rin. My heart is aching physically.
Hindi ko alam kung ito ba ang unang beses kong naramdaman ito o naramdaman ko na
ito noon pero siya parin 'yong dahilan. Siya lang talaga ang makakasakit sa akin ng
ganito.

Hinintay ko siyang matapos na makipag usap kay Azrael. Tumayo lang ako sa malayong
likod niya. Ginugulo niya ang kanyang mataas na bangs at kita ko kung paano iyon
bumabagsak sa bawat panggugulo niya.

Bumaling siya sa akin at natigilan bago binaba ang cellphone. Nilapitan niya ako.

Lumunok ako. "Are we going to watch that movie?" Hindi ko maitago ang tabang sa
aking boses.

My heart is racing so fast. Fuck this is so gay. Hindi ko kayang marinig ang
sasabihin niya. Tiningnan niya ang dala kong popcorn. Huminga siya ng malalim at
yumuko.

"Let's go. Sayang pera ko." Aniya at agad akong tinalikuran.

spinner.gif

"I can pay you. Sorry, pinagbayad ka ni Azi." Hindi ko mapigilan ang sarili ko at
hindi ko rin mapigilan ang sayang nararamdaman ko.

"Okay lang. Natalo ako." Wika ni Klare.

Sinusundan ko siya nang binigay niya ang ticket sa babae at pumasok kami sa loob.

"It's okay. Para di ka na gumastos." Sabi ko at nilingon niya ako gamit ang kanyang
matalim na tingin.

Oopps! What did I do? May nasabi ba akong mali?

"It's for Azi. He's a big asshole!" Umirap siya.

Napangiti ako at kumalma. She's so adorable and I hate that I'm feeling giddy. I'm
one lucky fucker. Salamat kay Azi!

Naglakad ulit siya papasok ng sinehan. Inisip ko tuloy kung masaya ba siya na ako
ang kasama niya imbes na si Azi. Dream on, Elijah.

Umupo siya sa assigned seats namin. Umupo rin ako sa tabi niy. Nilapag ko sa tray
'yong popcorn at drinks niya. Nilapag ko rin 'yong akin. Malakas ang aircon. I
wonder if she's cold.

Kabanata 12

Let Go

Hindi ko alam kung kakalimutan ko ba itong nararamdaman ko o hahayaan na lang.


Siguro naman ay mawawala din ito. I've been a jerk to so many girls but I don't
wanna be a jerk to Gwen. Mabait siya at hindi siya nagger sa relasyon naming
dalawa. She's a cool girlfriend and I'm lucky to have her around.

Iniisip ko pa kung sisiputin ko ba 'yong mga pinsan ko ngayon na nandoon at


nagpapasukat ng mga gown nila para sa nalalapit na fine dining. I tried to shut my
eyes as I kissed Gwen playfully. One of my hands was at the back of her neck urging
her to kiss me deeper.

This isn't our first time pero palala na yata ako ng palala. Hinawakan niya ang
dibdib ko. We're inside her room at madalas na wala ang parents niya kaya nagagawa
namin ito.

"Bakit?" Tanong niya nang hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa dibdib ko.

Magulo ang kanyang buhok at pulang pula ang kanyang labi dahil sa mga halik ko.
Tumayo agad ako kahit hinahabol ko na ang aking hininga.

"I... I need to go... Hindi ako pwedeng mag tagal." I said.

Yes, I frigging need to go! Lalo na pag 'yong labi ni Klare 'yong naiiisip ko
tuwing naghahalikan na lang kami. Ganito na nong una ngunit hindi kasing grabe
ngayon. Instinct ang pag pipikit ko at magsimulang mag isip sa mukha, labi, at
katawan ni Klare. I am literally going insane!
Hindi ako pwede dito at hindi rin naman ako pwede sa mga pinsan ko, edi saan ako
pupulutin?

"Bakit?" Kumunot ang kanyang noo at tiningala lang ako.

"'Yong papalapit naming game, kailangan naming maghanda para don." Sabi ko.

Tumango si Gwen at ngumiti. "Sineseryoso mo talaga 'yan, a."

Hindi ko alam kung paano ako nakawala sa kanya. Tumawag muna siya ng mga kaibigan
para masamahan siya sa kanilang bahay bago ako umalis.

I parked my car outside Spike's house. Ngunit bago ako tuluyang nakalabas ay nakita
ko siyang lumalabas ng kanilang gate.

"Timing!" Tawa ni Spike sa akin. "Anong ginagawa mo dito?"

"Aalis ka?" Binalewala ko ang tanong niya.

Nagkibit balikat siya. "I'll steal Dette. Nasa... pagawan sila ng gowns ngayon,
diba?"

"May sasakyan ka?" Tanong ko.

"Wala, e. May ibibigay lang naman ako kay Dette tsaka aalis din. Magpapadesign ako
ng tattoo kay Will." Aniya.

"Magpapatattoo ka?" Tanong ko at biglang naisip kung magpatattoo din kaya ako.

"Pagka April, pag balik ko ng US." Sagot niya at walang pag aalinlangan siyang
pumasok sa sasakyan ko.

We are both Grade 11. Hindi ko alam kung may rule ba sa school tungkol sa
pagpapatattoo o wala. Siguro ay kung mag papatattoo man ako, pagka college ko na
lang.

Pumasok rin ako sa loob. "So where am I taking you? Ginawa mo akong driver."

"Don sa pinagawan nila ng gowns, of course. Why are you here by the way?" Nanliit
ang mga mata niya.

"Wala. Gusto ko lang tumambay."

Yeah right and now pupunta na naman ako malapit sa kanya. Hindi ko alam kung anong
gagawin ko pero I think it's useless to avoid her. We're cousins and I don't think
I could ever avoid her fully. Talagang may mga panahon na ganito.

Tumikhim si Spike at napalingon ako sa kanya. Tinawanan ko dahil pakiramdam ko ay


may malaking problema ito.

"You think pag nagpatattoo ako ng Claudette, mag fi-freak out siya?" Aniya.

"Bakit mo ipapatattoo ang pangalan ng pinsan ko?" Tanong ko at hindi siya sumagot.

Humahalakhak na lang ako habang pinapark ang sasakyan sa tapat nong shop ng isang
sikat na designer sa buong Cagayan de Oro.

"That's a permanent thing. We're just high school, Spike. Pag ipapatattoo mo 'yan
at mag bago ang isip mo sa kanya some time, baka pagsisihan mo. Or maybe you'll
despise that tattoo pag ikaw naman ang makalimutan niya."

Wala na ulit siyang sinabi dahil sa sinabi ko. Inisip kong nag iisip siyang mabuti.
Nang nakalabas kami ay sinabihan niya lang ako na bulungan ko si Claudette na
nandon siya sa labas. Tumango ako at dumiretso na sa loob. Pagkapasok ko ay
umalingawngaw agad ang tawanan ng mga pinsan ko habang nagsusukat si Azi ng kanyang
suit.

"Kuya, you are so vain. Marami ka namang suits sa bahay. Bakit nagpadesign ka pa?"
Narinig ko ang sinabi ni Claudette.

Nakikita ko si Klare sa gilid ng aking mga mata ngunit hindi ko siya pinansin.
Diretso ang tingin ko kay Claudette. I need to do something for that puppy lovesick
cousin of mine.

"THE Elijah Montefalco is here! We were just talking about you!" Sabay tawa ni
Damon.

Umiling ako at tinawanan na lang sila. Dumiretso ako kay Claudette. Nanlaki ang mga
mata niya nang bumulong ako. "Spike's outside."

Tumango siya at walang pag aalinlangang lumabas.

"Ayos ba, Ej?" Tanong ni Chanel sabay turo sa suit ni Azrael.

He posed like a UFC fighter. Halos maiyak ako sa tawa. "Okay na 'yan." Sabi ko
ngunit natigil ako sa pagtawa nang narinig ko 'yong munting boses ni Klare, kausap
si Erin.

"'Yong kulay pink na suot na gown ni Gwen Ramos noon. Gusto ko 'yon. Kaya medyo
hawig 'yong pinagawa ko."

Nalaglag ang panga ko. Did she mention my girlfriend? Hindi ko alam kung matutuwa
ba ako o ano.

"Oh yeah? Saan mo nakita 'yong suot ni Gwen?" Tanong ko na kahit ako ay hindi ko
maaalala.

"Facebook, of course, duh!" Sabay irap niya.

"Patingin ng design ng gown mo?" Sabi ko at hindi ko mapigilan ang pagsilay ng


ngiti sa aking labi.

I saw her blush. Hinawakan niya ng mahigpit ang papel na may sketch ng kanyang
gown. Oh damn, she's so cute. She's too cute!

"Hmmm, Elijah... Mag aaway na naman kayo." Narinig kong sinabi ni Erin.

Hindi ko na marinig ang tawanan nina Josiah at lahat ng mga sinasabi nila tungkol
sa akin. Tiningnan ko lang si Klare na mahigpit ang hawak doon sa sketch. Kinuha ko
iyon sa kanyang kamay at mas lalong pumula ang kanyang pisngi. Sinubukan niyang
kunin ulit iyon mula sa akin ngunit di niya magawa.

"Elijah!" Sigaw niya habang tinataas ko ito.

Hanggang leeg ko lang siya kaya hindi niya talaga maaabot.

"Ayan na naman!" Frustrated na sinabi ni Josiah.

"I just wanna see. Kung hawig ba talaga nito 'yong gown ni Gwen!" Paliwanag ko at
lumapit siya sa akin.

Hinawakan niya ang aking dibdib at ang isang kamay ay pilit na inaabot sa ere ang
design. Nanlaki ang mga mata ko. She smells so good. Pakiramdam ko ay maaadik ako
sa kakaamoy sa kanya.
"Where's Dette?" Biglaang sinabi ni Azi. "Tumakas na naman? Shit! Patay ako kay
Kuya Knoxx!"

"Elijah!" Sigaw ni Klare sa akin. Pumikit ako at agad na lang binaba ang design.
Gulat na gulat ako sa reaksyon ko sa isang haplos niya. Nanghina ako. Napaupo ako
sa sofa at hinayaan siyang mag maktol dahil sa ginawa ko.

"Idol ni Klare si Gwen in terms of fashion sense. Hayaan mo na, dude." Bulong ni
Damon sa akin.

Hindi ko talaga alam kung matutuwa ako o hindi. Iyong iniisip na gusto ni Klare na
maging si Gwen ay nagpapabaliw sa akin. Hindi ko alam kung normal o may katuturan
pa ba itong logic ko pero patuloy kong iniisip iyon.

Nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Pinaglalaruan ko ang lowerlip ko at nakita ko
kung paano mas lalong pumula ang kanyang pisngi at nag iwas ng tingin sa akin.

"Tara Erin, hanap pa tayo ng designs don." Sabay turo niya sa malayong table ng
designer.

Kinaladkad niya si Erin doon. At wala akong ibang maisip kundi siya. Fuck! Fuck ano
'tong ginagawa niya sa akin? For whatever reason, I needed to leave this
suffocating place. Cuz I'm pretty sure I want her. I want her so bad. And I'm
scared that I don't care if she doesn't want me back. I don't care about her
opinion of me. I don't care if we don't feel the same. Alam kong masama ito.
Masamang masama. She's my cousin and we can't be possible.

This crappy feeling is going to kill me soon. I need to sort this. Gusto ko si
Klare dahil pinsan ko siya. To want her that bad isn't a 'good cousin' thing to do.
I need to set limitations. I need Gwen to wake me up from this crazy thoughts pero
hindi ko na siya kayang halikan ngayon. I am being a dysfunctional boyfriend. Hindi
ko siya pinapabayaan pero alam ko sa sarili ko na ginagawa ko na lang ito because I
don't wanna be an asshole. She's been good to me.

"Gayahin mo si Elijah, pag nakikita ng mga babae, agad nang hinuhubad 'yong mga
panty!" Humagalpak si Josiah.

Minura ko siya. Ayan na naman sila ni Azi.

"Dude, pang pakalma ito bago 'yong game. Ano ka ba!? Ang KJ nito! Eh, naabutan kita
nong isang araw na nanonood ng porn-"
Pinutol ko si Azi. "Shut up!" Sabi ko habang nagsusuot ng sapatos.

"Kasali ka sa first five kaya dapat lang na kalmado ka. Mukha kang tensed." Ani
Josiah sa akin.

"So we feed him porn." Dagdag ni Azi.

"Tumigil nga kayo!" Sabi ko.

"Sobrang pavirgin nitong si Elijah." Tawa ni Rafael. "Masyadong masekreto. Ano naka
score ka na ba? Isang buwan na yata ang nakalipas mula nong nag anniversary kayo ni
Gwen ah?"

Umirap ako sa kanila. Kahit na gusto kong patulan ang mga sinasabi nila ay hindi
ako nagpadala.

"I'm not tensed. Shut up." Sabi ko at binalewala ang panunuya nila.

"Si Elijah na 'yan. Kayang kaya 'yong game. Track and Field, Chess, Football,
Swimming, Frisbee, Sword Swallowing, kayang kaya." Sabay taas baba ng kilay ni Azi.

Umiling na lang ako sa kanila hanggang sa sobrang saya ni Azi dahil sumisigaw ang
mga tao ng "Montefalco" sa buong gym. Sumipol siya nang papasok kami. Nakataas ang
dalawang kamay bilang pagbati sa lahat ng isinisigaw ang apelyido niya.

"Kita mo 'yan? 'Yang mga sumisigaw na 'yan?" Ani Damon. "Ganyan ka rami ang naging
girlfriend ni Josiah!"

Nagtawanan kami. Madali kong nahanap sina Gwen. May dala kasi silang banner at
medyo maingay sa hiyawan iyong mga kaibigan niya. Ngiting ngiti siya. Nginitian ko
rin at mas lalo lang silang nagsigawan. Sa baba ay naroon ang mga pinsan kong ni
walang reaksyon sa paglabas namin. Naka takip pa ng tainga si Klare sa sobrang
ingay. Nag iwas ako ng tingin.

Calm down.

Nagsimula ang laro at ilang beses naka score si Rafael. Sinabi na ni Knoxx na wala
sila ngayon dahil may laro sila kasama ni Hendrix Ty sa Davao. Iyong team B lang ng
varsity team ng XUHS ang nandito at sigurado na ang panalo namin. Si Eion Sarmiento
lang ang natira at naiiirita ako dahil pakiramdam ko ay minamaliit nila kami.
Seriously? Talaga bang inisip ng XUHS na mananalo sila na si Sarmiento lang ang
meron?

Tinambakan namin siyempre ang XUHS. Easy win. But Azi was so proud kaya nahawaan na
tuloy kami sa kanyang kasiyahan. Nagawa pa niyang umakyat sa bleachers para
kausapin iyong mga babaeng may dalang banner ng pangalan niya. Pumunta din ako doon
para salubungin si Gwen. Nakita ko ang nanlalaki na mata ni Klare habang papalapit
ako. Tumitig siya sa akin at kinabahan naman agad ako. Umiwas ako ng tingin at
dumiretso na ako kay Gwen.
Pinulupot ni Gwen ang kanyang braso sa aking leeg. Nginitian niya ako at hinalikan
ng ilang beses sa labi. "Congratulations! I love you, Ej." Aniya.

Walang kumakantsaw dahil abala din sila sa kani kanilang mga babae.

"Congrats! Kahit nanalo kayo dahil wala 'yong Ty at si Kuya Knoxx." Ani Claudette
nang nakalapit na si Azi.

"Shut up, Dette dette. Kahit nandito sila, talo sila." Ani Azi sabay akbay sa
kapatid niya.

Naabutan ko ang titig ni Klare sa kamay kong nasa baywang ni Gwen. Ano ang ibig
sabihin niyan, Klare?

"Biyernesanto, Klare?" Sabi ko, puna sa kunot niyang noo. Agad na kumawala ang
titig niya sa kamay ko. You better have a good answer for this.

"Oh! Natalo natin ang crush niya." Asar ni Azi.

"Nasiko ko pa. Pero di ko 'yon sinasadya." Totoo naman.

Matalim niya akong tinitigan at agad na sinabing ayaw niya sa mga dirty players.
Pinaliwanag ko naman na nangyayari iyon sa mga laro ngunit hindi niya ako
tinigilan.

"It's part of the game, Klare!" Napabitiw na ako kay Gwen dahil sa pagtatalo namin.

"Elijah's right, Klare. Ilang beses na rin siyang nasiko. Nasaktan na rin siya."
Singit ni Gwen.

I clenched my jaw. Dapat ay hindi na lang nagsalita si Gwen. Away namin to at


sigurado akong magagalit si Klare.

"Of course." Sarkastikong sinabi ni Klare at agad nang nag walk out.

Ngayon galit siya dahil nakisali si Gwen. Tumikhim ang mga pinsan ko. Nagkibit
balikat si Erin.

"We'll, she's pissed. Ikaw naman kasi, Ej. Sinisiko mo si Eion." Ani Erin.

"Hindi ko 'yon sinadya!" Sabi ko. Damn, sana di ko na lang pala 'yon sinabi!
Kitang kita kong naglalakad siya palabas. Hinaplos ko ang siko ni Gwen bilang
pagpapaalam at agad kong tinakbo iyong distansya sa pagitan namin ni Klare.

"Hey..." Sabi ko habang mabilis siyang naglalakad. "Hey, Klare!"

Hinawakan ko ang braso niya at hinarap ko siya sa akin. She looked so pissed and
I'm scared and excited at the same time.

"Aray, ano ba? Gusto ko lang bumili ng pagkain sa labas." Paliwanag niya nang hindi
ako tinitingnan.

Liar. "What's your problem with Gwen?"

Nanlaki ang mga mata niya. Bull's eye. I asked her this several times at palaging
ganon ang reaksyon niya. She liked Gwen's fashion sense but she never liked Gwen
around. Hindi ko iyon maintindihan. Buong akala ko ay magkakasundo sila pero palagi
siyang badtrip at umaalis pag dala ko si Gwen kasama ang mga pinsan ko. This is I
think the third time she got pissed and this is definitely the worst.

"Bitiwan mo ako!" Sabay piglas niya sa kanyang brasong hinahawakan ko parin


hanggang ngayon.

No, Klare. You answer me. Answer my goddamned question. Wa'g mo akong baliwin ng
ganito! If you're pissed because you don't like her for me, answer it like you own
this place, like you own every single fiber of me. Where is your Hitler mode? I
wanna see it! I wanna feel it so bad!

"What's your problem with my girlfriend, Klare?" Mas mariin kong sinabi at inilapit
ko ang mukha ko sa kanya.

"Aray, Elijah, nasasaktan ako."

Nagulat ako sa sinabi niya. Nasasaktan siya? Nasasaktan siya sa amin ni Gwen? No,
Elijah. Nasasaktan siya sa pagkakahawak mo sa kanyang braso. Nakita kong hindi maka
focus ang mga mata niya. Tinitingnan niya lang ang kamay ko. I want her to look at
me. Why can't she look at me? I want her piercing eyes to look at me!

"What can I do to stop the pain?" Malumanay kong sinabi.

Nag angat siya ng tingin. Maamong maamo ang kanyang mukha. Kinikilabutan ako sa
nararamdaman ko para sa kanya. Gustong gusto ko siya. Gustong gusto kong mapalapit
sa kanya. Gustong gusto kong malaman niya 'to.

"Let go." Aniya sabay bagsak ulit ang tingin sa aking kamay na nakahawak sa kanyang
braso.

"Let go of who?" I want her to demand. Gusto kong utusan niya akong itigil na 'yong
sa amin ni Gwen dahil ayaw niya, dahil nasasaktan siya. Baliw ako para gustuhin ang
kahibangang ito. But that's all I want right now. "Let go of who, Klare?"

Nanghina ako at agad ko siyang pinakawalan. Nanghihina ako dahil sa takot. Gusto ko
siya pero hindi ko alam kung magugustuhan ko ba ang isasagot niya. Alam ko sa
sarili kong guni guni ko lang ang lahat ng ito. Na sa sobrang pagkagusto kong may
maramdaman din siya para sa akin ay ginagawan ko na ng meaning ang lahat.

Pinipiga ang puso ko habang pinapanood siyang lumalayo sa akin. What can I do to
keep her? Dahil sa pag aaaway namin ay lalo kaming nalalayo sa isa't-isa. Should I
stop pissing her off? But how can I stop doing that? Pakiramdam ko ay kahit iyong
paghinga ko ay naiiirita siya.

How can we be normal cousins? Normal friends? I want that. Kahit iyon na lang.
Dahil alam kong wala itong patutunguhan.

"Let go of the other girl, of course. Because I can't let go of you." Sabi ko.
Hindi niya na yata narinig dahil tumakbo na siya palabas ng school.

Kabanata 13

Baby

I heard Gwen cried a lot after we broke up. Hindi ko alam kung tama ba 'yong
desisyon ko kung paano kami naghiwalay. I felt guilty. She was too good for me.
Siya ang unang official girlfriend ko at hindi ko alam kung tama ba 'yong ginawa
ko.

Hindi ko alam kung paano ko siya hihiwalayan so I went from hot to cold. I was a
coward. Hindi ko masabi sa kanya na may iba akong gusto dahil hindi ko rin naman
iyon maamin sa sarili ko. I think I'll get over this phase though so I refuse to
acknowledge it. Iyon nga lang, nahulaan niya. Girls and their amazing intuition.

"Bakit lagi kang busy? Is there someone else?" Iyon ang naging tanong niya nang
huli ko siyang tinanggihan para sa isang dinner kasama iyong pamilya niya.

I'm a jackass, I know. Stupid. But I can't keep on fooling her just to prove a
point. I can't do this to cover up my feelings.

"Gwen..." I trailed off. Hindi ako makahanap ng dahilan. Hindi ko kayang


magsinungaling sa isang babaeng walang ginawa kundi maging mabuti sa akin.

"May iba, Elijah?" Tumulo ang kanyang luha.

Hindi ko siya matingnan. It hurt seeing her hurt. Pero mas masakit dahil alam kong
wala akong magagawa. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kahit na alam kong wala
akong pag asa sa gusto ko ay ginagawa ko parin ito.

"Gwen, ayaw kong masaktan ka-"

"You just did!" She said.

Pumikit ako. Hindi ko alam kung paano siya patahanin. Kasalanan ko 'to kasi
pinormahan ko pa siya. She's a nice girl but I'm seriously attracted with someone
else.

"Bakit di mo na lang sinabi agad? Bakit hinintay mo pang magkaganito? Kung sana ay
sinabi mo agad ay sana hindi na tayo umabot sa ganito! Umasa ako at kahit
nasasaktan ako sa bawat pag tanggi mo, inisip ko parin na hindi 'yon totoo!"

Hindi ko alam kung paano nagagawa ni Josiah 'to sa ibang babae. Hindi ko yata
kayang ulitin 'to.

Kahit na mas masama pa 'yong nagawa ni Spike kay Claudette, pakiramdam ko ako parin
ang pinakamasamang tao sa mundo.

Gusto ko lang talagang mapalapit kahit paano kay Klare. Improve our relationship.
Kahit na kaswal na lang at hindi iyong laging nag aaway. Maybe I'll get over this.
Matatawa na lang siguro ako sa huli kung sakaling mangyari iyon. It's probably just
a stupid attraction.

"Ba't sumama 'yan?" Medyo iritado agad nang nakita ko si Klare sa practice game
namin kalaban ang Crusaders.

"Maka 'yan' ka naman." Ani Azi sabay tingin sa mga pinsan kong pumupwesto na sa
bleachers. "Of course we're playing kaya sumama."

"You're just really self-centered, Azi. Why can't you accept it? Sumama si Klare
dahil maglalaro si Eion." sabi ni Damon.

Diretso ang tingin ko kay Klare. Hindi ko maintindihan kung bakit iyan ang suot
niya. Gusto kong magpa good shot pero naiiirita na naman ako kahit sa simpleng
damit pa. Bakit ba kailangan sobrang iksi ng shorts at kita pa 'yong tiyan sa t
shirt na 'yan. I admit it, gusto ko 'yong ibang babaeng nagsusuot ng ganyan. Pero
pag siya, naiirita ako. She's flirting with her clothes.

"Tara na nga!" Sabi ni Rafael at itinuro na ang bench.

Mahalaga 'to kay Rafael. Gusto niya kasing sumali sa SBM Eagles, iyong team ng
School of Business and Management sa Xavier University. College na siya at iyon ang
isa sa goals niya pagka college. Ang practice game na 'to at ang tournament na
sasalihan namin ngayong April ay magiging training ground niya daw.

Kahit practice game, kitang kita ko parin na puno ng mga tao. Hindi pinatawad ng
mga babaeng ito ang game kahit na wala ng pasok.

Nilingon ko ulit si Klare at nakita ko kung paano siya tumingin sa kabilang team.
Hindi ka niyan papansinin. Tsss.

Nakinig ako sa mga gustong mangyari ni Rafael. Iritado pa nga siya dahil puro
pasikat lang talaga si Azi. Kung matatalo daw kami ay siya na ang dahilan.

Nagsimula ang game at dehado agad kami. Hendrix Ty was going all out. Hindi ko alam
kung bakit pero hindi man lang siya tumitingin sa mga kalaro niya tuwing nakaka
shoot siya ng bola. It was like the game was all on him. Nang nag third quarter ay
uminit ang laban nang pinantayan siya ni Rafael.

Hinihingal na ako sa kaka fast break. Tinukod ko ang kamay ko sa aking tuhod at
naghabol ng hininga.

"Fucking Sarmiento. Nasiko ako." Ani Azi sabay himas sa kanyang tiyan. Pareho
kaming hinihingal.

"GO EION!" Narinig kong umalingawngaw sa buong gym.

Kanina pa maraming nag chi-cheer sa amin o di kaya sa Crusaders pero dinig na dinig
ko ang boses ni Klare. Tumayo ako ng maayos at binalingan siya. Pulang pula ang
kanyang pisngi at tinakpan niya agad ang kanyang bibig.

"Traydor!" Sigaw ni Azi sabay turo kay Klare sa bleachers.

Napatingin siya sa amin. Kumunot ang noo ko. Nang nagtama ang aming mga mata ay
nakatanggap ako ng irap. The heck? Inirapan ako? Hindi naman ako 'yong sumigaw ng
traydor!

Inirapan ko rin siya kahit na hindi na naman siya nakatingin sa akin.


Nakakabadtrip. Hindi ko talaga mahulaan ang iniisip niya. Tumagilid kami sa fourth
quarter at talagang natalo na dahil hindi na magkasundo si Josiah at Azi. Tahimik
naman ako habang nag lalaro, medyo iritado parin.

"You're a stinking crap, Azrael. Kasalanan mo talaga 'to!" Iritadong sinabi ni


Josiah dahil sa mga bolang hindi pinasa ni Azi sa kanya o kay Rafael.

"Yaan mo na, it's just a practice game, bro, chill!" Ani Rafael kay Josiah.

Agad akong sumalampak sa bleachers. Kumuha ako ng tubig at uminom. Bahala nga kayo
kung mag away kayo. Pagod na pagod ako.

Nilingon ko ang mga pinsan kong papababa sa bleachers. About time, huh!?

Mas lalo akong sumimangot. I feel bad for the game. I'm not pissed like Josiah. Si
Azi naman ay panay ang pakikipag usap sa mga bumabang babae, hindi na kasi makausap
ng mabuti si Joss dahil sa irita. Si Rafael at Damon lang ang kumakausap sa kanya.

"Chill, bro." Dinig kong sinasabi nila kay Josiah.

Nagtama ang paningin namin ni Klare habang papalapit sila. She looked sad for us. I
clenched my jaw, you should be. We lost.

Tumigil si Claudette sa kina Damon at nakipag usap sa kanila tungkol sa laro.


Bahagyang tumigil si Erin dahil kinausap siya ni Rafael kaya ang kasama niyang si
Klare ang nakita kong nanguna don patungo sa taga XUHS. Sumunod din si Erin sa
kanya patakbo hanggang sa naunahan niya si Klare. I swear I got pissed the moment I
saw her head for their team. Diretsong pinagulong ko iyong bola habang naglalakad
siya. Gusto ko lang na maagaw ang pansin niya pero nagulat ako nang natalisod siya
at nadapa. She fell flat on her face!
"ARAY!" Sigaw niya.

I want her to know that I'm pissed but now she probably is too. Magaling, Elijah!
Sabi ko magkakasundo kami, paano na ito ngayon?

Dumalo agad ang mga pinsan ko. Hindi ko siya mapuntahan. Natatakot akong bigla niya
akong suntukin. Natatakot akong galit na galit siya sa akin!

Nakatingin ang mga tao sa kanya. Halos lahat. Nakangiwi dahil sa sakit ng nangyari.

"Pulang pula ang ilong mo." Puna ni Josiah habang dumadalo na rin maging si Azi.

Hawak hawak ni Klare ang ilong niya, iniinda parin ang sakit. Pinagpawisan ang mga
kamay ko.

"Dude, what the fuck?" Ani Damon sa akin.

I stared blankly at him. I didn't know what to say. That I'm jealous because she
wants to celebrate with the winners? No! "The ball tripped." Kibit balikat ko
habang pinaglalaruan ang bote ng mineral water.

"Klare, masakit pa ba?" Tanong ni Damon.

Nag iwas ako ng tingin kay Klare. Those death glare always directed at me.

Napatingin ako sa kanya nang bigla siyang sumugod sa akin. Bago pa ako maka react
ay naramdaman ko na ang sakit ng kanyang sampal. Damn! Damn girl!

Uminit sa hapdi ang pisngi ko at nalaglag ang panga ko. Hindi ako makapaniwala na
sinampal niya ako sa harap ng maraming tao!

"ASSHOLE!" Sigaw niya. Nasa likod sina Azi para pigilan siya sa kung ano pang
gagawin niya pero pagkatapos niyang isigaw iyon ay nag walk out din siya.
Tiningnan ko siya habang palabas ng gym. Hindi parin ako gumagalaw sa pagkakaupo
ko. Kinwelyuhan at tinayo ako ni Josiah. Sobrang gulat ko ay agad akong napatingin
sa kanya.

"Tang ina mo, Ej! Gulo na naman ba?" Sigaw ni Joss sa akin.
Tumikhim ako.

"Joss, calm down." Ani Azi at tinulak si Josiah palayo sa akin.

"Huwag kang makealam dito, pareho kayong dalawa!" Ani Josiah.

"Josiah, you're overreacting! Alam mo naman silang dalawa!" Ani Erin. "Hahanapin ko
na nga lang si Klare. Ayusin niyo 'yang gulo ninyo!" At umalis.

"Elijah, bakit mo 'yon ginawa? It was obvious na sinadya mo 'yon." Ani Rafael, mas
kalmado.

Nagkibit balikat ako. "Ayokong nilalapitan nila ang kabilang team pag talo tayo."

"Pwede mo namang sabihin sa kanila, ah?" Ani Rafael.

"Yeah and she would understand." Tumawa ako at umiling. Hindi ko maitago ang
sarcasm sa sinabi ko.

Kaya hindi na nila ako tinantanan kahit sa sasakyan. Lahat yata ng problema sa akin
ay nasabi na nila. Inaantok ako habang pinapangaralan ako ni Erin.

"The problem with you, Elijah, is that you're too impulsive! Tingnan mo, di kayo
magkasundo ni Klare!"

Pumangalumbaba na lang ako habang nag dadrive. Buti nasa likod ko siya. Si Azi ang
nasa front seat pero nairita ako lalo nong dumagdag pa ang mokong.

"Ahh! You should apologize, bra. Di ka talaga nag sosorry! Halata namang sinadya
mo-"

"The ball tripped, whatever." Sabi ko.

"Sa bahay nga nila tayo." He decided.

"Oo nga, Elijah. Puntahan na lang natin si Klare sa kanila." Sabi ni Claudette.

Bago pa ako makapagsalita ay narinig ko nang tumatawag si Erin sa kabilang


sasakyan.
"Hello, paki sabi kay Ate Chanel na kina Klare tayo matutulog ngayon... Oo...
Diretso na... Umuwi na siya, e. Ewan ko siguro nag tricycle o taxi basta di ko na
siya naabutan. Malilintikan 'tong si Elijah pag di siya sumunod!"

Ugh! This is frustrating. Medyo hindi ko gustong mag apologize. I was sorry because
she got hurt though but saying sorry would be weird.

"Eto na nga, nililiko na nga!" Sabi ko nang magulong magulo sila sa sasakyan ko
dahil sa maling dinadaanan ko patungo kina Klare.

They're lucky I'm obedient. Medyo gusto ko rin naman kasing pumunta nga doon.

"What's the plan, Erin? Paano natin sila pagbabatiin?" Tanong ni Azi.

"Alam niyo, pag pinagbati natin sila ng harap harapan, I'm sure plastikan lang
'yan. They should do it in private."

Hindi nagkakamali si Erin. Pagkadating namin sa bahay nina Klare ay sinalubong na


agad kami ni Tita nang "Hindi pa lumalabas ng kwarto..."

Hindi nga iyon papayag na mag bati kami in public. Hindi iyon marunong makipag
plastikan. Kung ayaw niya, ayaw niya talaga.

"Now what?" Sumipol lang ako. I'm bored here. Can we just go home?

Nag bulung bulungan si Josiah at Erin. Montefalco siblings working together to end
the world war. How can it end when Hitler's building her Nazi Party inside that
room. Paniguradong mapapatay na naman ako non ngayon.

"I suggest we leave and wait for the storm to calm." Natatawa kong sinabi.

Matalim nila akong tinapunan ng tingin. Pinakain kami ng dinner nina Tita at Tito.
Kinatok na kanina si Klare at ayaw niya paring lumabas.

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni tita.

I'm going to seriously kill anyone who'd answer that question. "Nag away kami."
Sabi ko.

Nagkatinginan ang mga pinsan ko. Don't say anything. It's bad enough that she
locked herself inside her cave because she's pissed. Ayokong malaman nila 'yong
nangyari. And the whole reason for the damn thing is my jealousy. Hell yeah!

"Na naman?" Nagtaas ng kilay si Tita.

Tumayo ako. Ayokong magtanong sila ng iba pang detalye sa away. Tumayo rin si Erin
para isagawa na 'yong plano niya.

"Are you ready, Ej?" Tanong ni Erin.

"Can you at least give me a minute? Gusto kong maligo at mag ayos. Besides, isang
pares lang ng damit ang dala ko. Hindi ko alam na dito matutulog-"

"Shut up and bring this!" Aniya at agad na ibinigay sa akin ang isang tray ng
pagkain para kay Klare.

Tss. Umiling ako at narealize na hindi nila ako pagbibigyan. Now I'm concerned. She
kinda smells good all the time. Kakagaling ko lang ng game. Hindi naman ako mabaho
pero I wanna feel clean for her.

"Erin, can I take a bath-"

spinner.gif

"Paulit ulit ka. Sa banyo ni Klare ka na lang maligo. Shhh!" Aniya nang nakalapit
kami sa kwarto ni Klare.

This is it! Hitler's den. Halos kaming lahat ang lumapit. Maging si tita ay
nandoon.

"I'm not hungry!" Sabi ni Klare nang kinatok.

"Klare, open the door. Dito matutulog ang pinsan mo." Sabi ni tita habang kinakatok
ang pintuan niya.

Hindi na siya nagsalita kaya nagkatinginan si tita at Erin.


"Klare?" Si Erin naman. "Just open the door. Ibibigay ko sayo ang pagkain. Di mo na
kailangan lumabas. Claudette is here with you food. Open it, Klare."

Natawa ako. Claudette has transformed into some jackass now, Klare. Open it and
you're doomed.

Nagulat ako nang binuksan niya nga ang pintuan. Bago pa siya makapag bigay ng
reaksyon ay itinulak na nila akong lahat. Buti na lang at nagawa ko pang itaas ang
tray para hindi matapon. Seriously, they wanna kill me. Halos mapamura ako don.
Bago pa makaangal si Klare ay kumalabog na ang pintuan at sinarado na nila galing
sa labas.

"Dyan! Magkulong kayong dalawa! Settle your fight! Hindi namin 'to bubuksan hanggat
di kayo magiging okay!" Sabi ni Chanel sa labas.

Pinilit ni Klare na buksan ulit ngunit hindi siya pinagbigyan nina Chanel.

"They won't open. Kumain ka na lang." Sabi ko at nilapag ang pagkain sa mesang nasa
gilid.

Iginala ko ang paningin ko sa buong kwarto. Soft pink ang kulay ng dalawang haligi
at ang dalawa pang haligi ay mas dark na pink. Kahit ang upuan, sofa, tables ay
puro pink. Mga gamit niya ay puro pink. Ang closet niya ay pink at kahit saan ako
tumingin ay pink.

Nilingon ko siya at nakita kong kumakain na. She must be hungry. Ayan, pakulong
kulong pa kasi. Nagtampo ako, nagtampo ka, kwits tayong dalawa.

"Mukhang nagsuka si Hello Kitty dito ah?" Ngumisi ako.

"Will you stop it?" Iritado na naman siya.

"Maliligo na lang muna ako." Sabi ko, natatawa. Ewan ko kung bakit.

"Ha! Buti pa nga. Ang baho mo." Aniya.

Nagtaas ako ng kilay. Humalukipkip siya at nag iwas ng tingin. Iginala ko ang mga
mata ko sa kanyang pambahay. Very short board shorts and a grey spaghetti strap.
Aren't you cold? Mag pajama at jacket ka nga. Kakainis 'to!
"You might wanna smell my socks and tell me kung mabaho ba." Nawala ang ngiti ko at
nag iwas agad ng tingin sa kanya.

Tumindig ang balahibo ko at naisip kung pink din ba ang banyo niya.

"Edi wa'g kang maligo kung tingin mo ay mabango ka." Aniya.

"Klare, hindi naman naliligo ang mga tao para maging mabango. Like me, natural
akong mabango. Naliligo ako to feel clean. I feel queasy from the game."

"Oh alright?! Edi maligo ka para mawala ang germs at maging malinis ang nakakadiri
mong katawan."

Tumayo ako. Tinalukiran niya ako at uminom siya ng tubig.

"We'll talk after my shower."

Pumasok ako sa loob ng banyo niya. I'm right. Her shower curtains are pink. Pero
'yong tiles ay puti naman. Tiningnan ko ang mga gamit niya. Dala ko 'yong
toothbrush ko but I left my mouthwash at home. Manghihingi na lang ako dito. Pati
na rin sa shampoo at body wash. Inamoy ko ang mga nandoon at narealize na ganitong
ganito nga ang amoy niya. Sweet and gentle. Kinda addicting.

Nakahawak ako sa tiles ng banyo habang nagpapaulan ang shower. Pumikit ako at
dinamdam ang tubig na dumaloy sa aking katawan. Hinampas ko 'yong tiles dahil may
pumasok sa utak ko. "Damnit!"

Mabilis kong ni switch ang shower sa hot at naligo ng mabilis. I smell just like
her. Makabili nga nitong body wash niya. Hindi bale na ngang pambabae. The smell is
addictingButi may spare jersey shorts ako at isang t-shirt. 'Yon nga lang, nasa
labas ang bag ko.

Kinuha ko 'yong towel niyang kulay pink at agad pinulupot sa aking katawan. Lumabas
ako don at naabutan ko siyang nagkukunwaring tulog. Sleeping my ass! Napangiti ako.

"Kunwari ka pa. You are awake." Sabi ko at nagbihis. "So you don't want to talk?"
Pagkatapos kong mag bihis ay nilingon ko ulit siya. Pikit parin ang kanyang mga
mata at natatabunan na ng pink na comforter. Pinatay ko kaagad ang switch at humiga
na sa kanyang kamay, inaagaw 'yong comforter.

Pinanood ko ang pag dilat niya. May ilaw pa naman sa lamp kaya kitang kita ko.

"Hey!" Aniya dahil sa pag agaw ko.

Humalakhak ako. "We'll share."

Hindi ako makapaniwalang kumuha lang siya ng konti sa comforter at pinagbigyan niya
ako. Akala ko kukunin niya ang lahat. Hindi ko maiwasan ang pag kagat sa aking
labi. Damnit... I can kiss you right now, Klare. If this isn't forbidden, I will
really damn kiss your lips.

Napatingin siya sa akin. She caught me biting my lower lip.

"So what's your problem with me?" Bumaling na ang buong katawan ko sa kanya.

"Pwede bang mag pretend na lang tayo na maayos na tayo at wa'g nang mag usap kasi
naaalibadbaran ako sayo."

"Bakit? Anong ginawa ko sayo?" Aside syempre sa ginawa ko kanina.

"Wala. That's why we'll just sleep, okay?"

"Palagi kang galit sa akin." I concluded.

"Well that's because you piss me off all the time!" Aniya.

Tumigil ako at tinitigan ko siya. Tiningnan ko ang bawat features na kumikinang sa


kanyang mukha. Her skin looks so delicate. Ang sarap haplusin. But I should stop
staring at her!

"You piss me off all the time, too." Sabi ko. I'm pissed because we're cousins. I'm
pissed because I will need to act like I'm gonna be a good cousin or friend to you
starting today.

Umirap siya at tinalikuran niya ako. Liko niya ang tinititigan ko. Her shoulders
looked frail. I want to touch it, to protect it... I can protect her because I'm
her cousin. I'll protect her as her family.
"And I'm sorry." Sabi ko. Parang kinukurot ang dibdib ko. This physical pain will
kill me eventually. Hindi ko alam na literal pala pag tumitibok 'yong puso para sa
isang tao. "I'm sorry kung naiinis kita kasi naiinis ako sayo, Klare. I'm sorry,
Klare."

"Ba't maiinis ka sakin? Hindi kita pinapakealaman? Hindi kita pinapansin?"

Tumitig ako sa kanyang balikat. "Kaya nga ako naiinis." At bumuntong hininga.

Hindi na ulit siya nagsalita. Ganon ang naging posisyon niya hanggang sa nakatulog
siya. I swear I couldn't sleep. Inisip ko kung paano ko mapapabuti ang relasyon
naming dalawa. I should not piss her off again. Maybe I'll get over this feeling
once I'll win her attention. This is just a passing feeling.

Humiga siya ng maayos at nakita ko ang kanyang mukha na natutulog. Tumitig ako sa
kanya. Klare, I know this should be awkward. Alam kong dapat mandiri ako.
Nakakadiri pero hindi ko iyon maramdaman. I'm... I'm deeply attracted. But I'll try
to get over this alright? Not that you care anyway. Siguro pag malaman mo ngayon
baka layuan mo ako dahil sa pandidiri. Kaya mas mabuting wa'g na lang.

Kahit na mas matagal akong nakatulog ay nauna parin ako sa pag gising. Nilingon ko
siya at inabangan ko ang kanyang pag gising. Nang nagising siya ay agad siyang
pumuna sa pintuan para i-check kung bukas na ba ito. Idinikit niya pa ang kanyang
tainga doon at siguro ay narinig niya ang ingay nina Erin kaya siya nag sisigaw.

"Erin! Erin! Buksan niyo na!" Aniya.

"They won't open unless we're cool." Sabi ko, pinapanood siya.

Bumaling siya sa akin. Her straight her is kinda tangled. Ngumuso ako. Cute.

"We're cool right?" Aniya sa akin bago bumaling sa pintuan. "Erin, maayos na kami
ni Elijah!" Sigaw niya.

"Tologo?" Nanunuyang sigaw ni Erin pabalik.

"Pagsalitain mo naman si Elijah, Klare. Baka pinatay mo na diyan!" Tumatawang sigaw


ni Azi.

"Well, I'm enjoying it here so I won't mind!" Sigaw ko pabalik.

"See? Maayos na kami!" Ani Klare at kinalabog ang pintuan.

Pinagbigyan siya ng mga pinsan ko. Binuksan nila ang pintuan. I'm disappointed
though pero dahil kumakalam na ang sikmura ko at kailangan nang kumain, lumabas na
rin ako.

Pinapanood ko siyang nilalagyan ng peanut butter ang bread sa malapad na dining


table nila. Nakaupo sina Damon, Azi, at Claudette doon. Si Rafael, Erin, Josiah, at
Chanel ay nasa sala at doon kumakain habang naglalaro ng Blur.

Tinanggal ko ang t shirt ko at agad nang dumiretso sa dining table. Gusto ko ng


bread at bacon. Tumayo ako sa gilid ni Klare at pinapanood ko siyang kumakain nong
peanut butter sandwich na ginawa niya.

"So you two good?" Ani Azi.

Kumuha ako ng bread at bacon. Nilagay ko ang ilang pirasong bacon at ham bago
pinatungan ng isa pang bread.

"Yeah." Sabi ko at nilingon si Klare.

Naabutan kong tumitingin siya sa aking katawan. Nanlaki ang mga mata ko. Nagtama
ang mga mata namin at kitang kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi at pag iwas
niya ng tingin sa akin.

"Right, Klare?" Halos natatawa kong tanong.

Dammit, couz. I don't like this but I can't help it!

"Yuh, Azi. We're cool." Ani Klare at tumayo para umalis, hinarangan ko kaagad siya.

"Pass the milk for me, baby..." Malambing kong sinabi sabay turo sa isang karton ng
gatas malapit kay Claudette.

Hindi siya makatingin sa akin. Sobrang lapit ng katawan namin. I think she's
intimidated or something. Kinagat niya ang kanyang labi at bumaling kay Claudette.
Baby, I like it when you bite your lower lip. Hindi ako tumatawag ng endearment at
hindi ko alam kung bakit ang sarap niyang tawaging ganon.

"Okay, Elijah." Ani Klare at kinuha 'yong karton ng fresh milk.


"Thanks." Sabi ko sabay kuha nito.

"Buti naman. Baka ikulong nila ulit kayo sa kwarto." Ani Damon.

Hindi parin ako umaalis sa pagkakaharang ko kaya wala siyang nagawa kundi umupo
ulit. There, Klare. You effing stay there. Kung nasan ako, nandon ka. This is fine
with me. Hindi ko alam kung pinaplastik niya ako o ano para lang matapos 'yong
gusto nina Erin at Chanel but I'm loving it. I sweat if she's just pretending, then
it's alright with me. Kahit na ako ang masasaktan sa huli, it's okay. It's okay.
Temporary happiness is okay with me. Because forever is too much to ask. Because
hell will rejoice and heaven will cry if I push it.

Kabanata 14

Eion

"Movie Marathon tayo kina Klare!" Naisipan na naman ni Chanel na gawin ito.

Nagkukunwari akong tinatamad pero gusto ko naman talagang pumunta din. Nakarating
na kami kina Klare at sinusulit ko na lang ang panahong ito. Next week, aalis ako
patungong New York kaya hindi ako dito mag Su-Summer. Babalik pag opening ng klase.

"Ano na naman ang papanoorin natin?" Tamad kong tanong kina Chanel habang inaalis
'yong mga unan sa sofa at nilalapag sa carpet ng sala nina Klare. Umupo ako sa sofa
at agad umangal sina Rafael.

"Sa carpet daw umupo, Elijah. Talagang mga girls, ang daming arte! Mag inuman na
lang tayo!" Ani Rafael.

"Wa'g na nga kayong mag inuman! Nag inuman kayo kahapon ah?" Ani Chanel kahit na
naglapag na si Josiah ng isang inumin sa mesa.

Tumabi sa akin si Charles. Nilingon ko siya at nakita kong humihikab na siya.


Kiniliti ko para mawala ang antok. Tumawa siya at umilag sa mga kiliti ko.

"What are you going to watch, kuya?" Tanong niya sa akin.

"Idunno. Maybe horror flicks, Charles. Where's your ate?" Pabulong kong tanong.

"Nasa kitchen. She's..." Nahihirapan pa siyang magsalita. "She's preparing the


pizza and she's making this weird nachos." Sabay laro niya sa kanyang paa.

Nilingon ko ang patungong kitchen nila at nakita kong lumalabas doon si Claudette
kasama 'yong pizza. Tumayo ako at agad dumiretso sa kusina. Nakita ko si Klare na
naka talikod at abala sa mga nachos.

"Ano 'yan, miss?" Pambungad ko.

Bahagya niya akong nilingon. "Nachos. I hate junkfoods." Aniya.

Humalukipkip ako at pinanood ko ang paggawa niya non. Ngunit imbis tingnan ko ang
pagkain ay sa kanyang mukha ako nakatingin. Dahil na rin siguro sa titig ko,
napatingin siya sa akin. Kumunot ang kanyang noo.

"Why are you wearing a ballcap? Hindi ka dito matutulog? Aalis ka mamaya?" Aniya.

Ngumuso ako sa tanong niya at agad tinanggal ang ballcap ko. Nilagay ko iyon sa
kanyang ulo at humalukipkip ulit ako. "Happy?"

Ngumiti siya. "So you're staying?"

Fuck what I'd give to see her smile like that. Mabuti na lang din at nasampal niya
ako non. Simula yata non ay hindi na siya masyadong malupit sa akin. Well, we still
fight at times kaya todo paraya ako tuwing nag aaway kami. Kahit na madalas ako ang
tama, e siya na nga lang 'yong tama at mag sosorry na ako para tapos!

"Oh I thought you're girl hunting again." Aniya sabay kuha sa isang tray ng nachos.

"Girl hunting? Klare, saan mo na naman napulot 'yan?"

Hindi siya nagsalita. Diretso lang siyang naglakad patungong sala. Yumuko ako. Damn
sobrang ikli naman non. Nakita ko ang juice na nandoon sa gilid ko. Dadalhin ko
sana para matulungan siya pero babalik pa 'yon kung di ko dinala. Mamaya na lang.
Nag hintay ako at tama ako, bumalik siya don.

"Di ka ba manonood? Don't tell me you're scared?" Tanong niya sabay kuha ng mga
chichirya sa ref.

Kinuha ko 'yong pitcher ng juice para sabayan na siya pabalik sa sala. "Scared my
ass. Baka ikaw 'yong takot. Ikaw lang mag isa matutulog sa kwarto mo mamaya."
Tumawa ako.

"Anong ako lang? Don ka rin matutulog, ano." Umirap siya at dumiretso pabalik sa
sala.

Halos mapatalon ako sa saya. Anong nagawa ko para pagbigyan ako ng ganito? Shit, I
can't wipe the smile on my face. Kaya ngiting ngiti ako pag dating ng sala.
Pinapanood ko ang payat niyang braso na binubuhat si Charles. Mabilis ko siyang
dinaluhan. Masyado nang abala sina Azi sa pag tatagay nong Red Label sa mesa. Si
Chanel at Erin naman ay tinitingnan na 'yong mga papanoorin.

"Ako na." Sabi ko sabay buhat sa tulog na si Charles.

Sabay kaming naglakad patungong kwarto ni Charles. Nilapag ko si Charles sa kulay


blue niyang kama. Nakita ko kaagad ang picture naming dalawa ni Charles sa isa sa
mga frames ng kanyang kulay blue na kwarto.

"Tara na." Dinig kong sinabi ni Klare. Nilingon ko siya, suot suot niya parin ang
ballcap ko. Sumunod na ako sa kanya palabas.

Pumwesto siya sa tabi ni Azi. Panay pa ang tulak niya kay Azi. Si Chanel ay
nakahiga na sa mga hita ni Rafael at si Claudette at Erin ay titig na titig na sa
screen. Umupo ako sa carpet, tabi kay Klare.
"Ang layo ni Elijah, pasahan mo ng shot, Azi." Ani Rafael at binigay sa akin ang
isang shot nong Red Label.

"Grabe talaga 'yong inabot non." Tawa ni Damon. "Suntukin ba naman ni Josiah sa
ilong at dagdagan pa ni Kuya! Kung nandon si Knoxx, baka kriminal na kayong tatlo!"

"Tumigil ka na nga, Dame. Get over it." Ani Chanel.

Pinag uusapan nila kung paano nasuntok ni Josiah at Rafael 'yong boyfriend ni
Chanel na babaero sa Rosario Arcade. 'Yong naabutan ko na lang don ay 'yong duguan
na mukha nong boyfriend ni Chanel. I mean, ex niya na pala. Habang nag iinuman kasi
sina Rafael don ay nakita nilang may kasamang iba 'yong boyfriend ni Chanel kaya
ayon at nagkasuntukan.

Ilang sandali ang nakalipas ay medyo may tama na kami. Nakakabingi na ang sigawan
ng mga girls. Mas nakakabingi naman ang pakikisali ni Josiah at Azi sa sigawan.
Ilang sandali ang nakalipas ay tumayo si Azi dahil may tumawag sa kanya. Maybe his
girlfriend or what.

Unti unting hinilig ni Klare sa balikat ko ang kanyang ulo. Umayos ako sa
pagkakaupo. Kahit medyo lasing na ako at nakakatamad umupo ng maayos ay nagsikap
akong umupo para lang maayos ang pagkakasandal niya.

"Ej, your shot." Ani Damon sabay lapag nong shot ko sa mesa.
Sinubukan kong abutin kasi masyadong malayo. Pag pipilitin ko ay magagalaw ang ulo
ni Klare, magigising ko siya.

"Paki abot, Dame, please?" Sabi ko.

Nilingon ako ni Damon at nakita niya ang ginagawa ko kay Klare. "Ipatulog mo na nga
'yan sa sofa."

Umiling ako at kinuha ang inaabot niyang shot. No way. She'll be sleeping on my
shoulders. Mamaya ay bubuhatin ko 'to patungong kwarto niya.

Bumalik si Azi at nag deklara ng tapos na ang lahat ng ito dahil aalis siya.
Apparently, his 'girlfriend' is out and no one will fetch her.

"Homerun coming." Tawa ni Rafael.

"Finally, after how many crying years, Azi! Ito na ba 'yon?" Ani Josiah.

Nag tawanan kami. Tinuro ako ni Azi. Hindi niya parin ako tinatantanan dito.

"Si Elijah na lang ang virgin after tonight!" Tumawa si Azi.

Umiling ako. Virgin my frigging ass. Tumango ako kay Rafael at nag yaya na akong
dumiretso na kami sa kwarto. Tulog na si Claudette kaya binuhat na ni Rafael
patungong guestroom. Dumiretso na rin doon sina Erin at Chanel na parehong antok
na. Si Damon at Josiah ay hindi pa yata natatapos at panay pa ang inuman.

"Di pa kayo matutulog?" Tanong ko habang inaangat si Klare.

"Ubusin lang namin 'to." Nakapikit na si Josiah pero malakas parin ang loob.

"Call me when you're poisoned." Halakhak ko at dumiretso na sa malamig na kwarto ni


Klare.

Nilapag ko siya sa kanyang higaan. Tumayo ako ng maayos at tinitigan siyang tulog
na tulog. Kanina ko pa tinanggal ang ballcap at napag desisyonan kong iiwan ko 'to
dito. Sa kanya na lang 'to. She looked cute especially when she's wearing my
things.
Kitang kita ang collarbones niya sa suot na sleeveless shirt. Kinuha ko ang
cellphone ko at kinuhanan ko siya ng picture. Bukas ipapakita ko sa kanya 'to at
pagtatawanan ko siya. Pagkatapos ko siyang kuhanan ay tinitigan ko 'yong picture sa
cellphone ko. Napawi ang ngiti ko.

Magkasundo na kami, pero di parin nawawala 'yong feelings ko.

Dumiretso na ako sa banyo. She'll go ape shit when she finds out I used her
showergel again. Pero tulog siya kaya hindi niya 'yon malalaman. Panay ang hikab
ko. I'm really kinda tipsy. Nagmamadali kasi kung tumagay si Damon. Pagkalabas ko
ay diretso na ako sa pag higa. Mainit ang katawan ko kaya hindi na ako nag t shirt.

Gumalaw si Klare sa gilid ko. Nilingon ko siya bago patayin 'yong lamp at nang
makatulog na nang bigla niya akong niyakap!

Oh damn! Ang kanyang mga daliri ay nakahawak sa aking dibdib at ang kanyang dibdib
ay nasa gilid ko. My face went hot to boiling. I swear I'm gonna explode!

"Baby, move alright. You've made your point." Bulong ko kahit wala akong kausap
dahil patay siya sa tulog.

Hindi siya gumalaw. Tiningnan ko ang kanyang mga daliri na nakapahinga sa aking
dibdib at ang kanyang mga binti na nandon na rin sa binti ko.

"Dammit, baby. I swear you just want to kill me. I swear you're damn evil." Bulong
bulong ko at lahat ng antok at alak ay nawala na sa sistema ko. Will I be able to
sleep with her ike this?

Ni hindi ko alam kung mas maganda ba 'yong di na lang kami tabi para walang ganito?
O 'yong tabi kami at may ganito? God!

"Klare, move come on." Bulong ko.

Yes, she moved pero iyon ay para mas lalo akong yakapin.

Kaya naman kinaumagahan ay sobrang puyat ako. Nauna pa siyang magising. Kinusot ko
ang mga mata ko habang umuupo sa kama. Magulong magulo na siya dahil sa tawanan
nila ni Erin sa labas. Nakaligo na rin siya at mabangong mabango na habang ako ay
inaantok parin sa sobrang puyat kagabi.

"Wake up, sleepy head. Maligo ka na! Shot pa!" Nanunuya niyang sinabi habang
binabato ako ng kulay pink na tuwalya.

Tawa siya nang tawa. Matalim ko siyang tinitigan. Kung alam mo lang talaga, Klare.
Umiling ako at dumiretso na sa banyo. Mapapahamak pa yata ako sa mga ginagawa ko.

Pagkabalik ko galing New York, nagpasalamat ako dahil tapos na ang interrogation sa
akin ni Spike tungkol sa walang lamang love life ni Claudette. I hate that I have
to answer his stupid questions. Walang closure ang nangyari sa kanila because Spike
went to the U.S. nang hindi alam ni Claudette. Well that's because he's anxious.
Sinabi daw ni Claudette na pag aalis si Spike, maghihiwalay sila. Spike didn't want
that to happen so he didn't tell her. Kinontak niya naman agad at sinabing babalik
siya by December but she called it kwits. I didn't know their whole story. I didn't
want to hear it, actually. Ayokong maisip na baliw si Spike sa isang babae,
pakiramdam ko ay hindi bagay. But for Azi's sake, I will listen and hang on Spike's
words.

"Oo na kasi, si Claudette daw 'yong nakipag hiwalay." Iritado kong sinabi papalabas
ng kwarto. Kakabalik ko lang at ito na agad ang mga tanong ni Azi.

Nandito silang lahat sa bahay at tinitingnan 'yong mga damit at sapatos na


pasalubong ko. Panay ang agawan ni Erin at Klare sa mga damit na pinadala ni Ate
Yasmin. Kitang kita ko 'yong mga maninipis na sleeveless ang kanilang mga kinukuha.

"Huy, Klare. Etong sayo. Wa'g kang mangarap niyang sleeveless." Sabay tapon ko sa
kanya ng iilang pull overs.

Nginiwian ni Erin si Klare. "These are all mine!"

"Ang damot nitong si Erin! Ang dami naman niyan para sa'yo!" Aniya.

Ngumiti ako ako habang pinagmamasdan na inaasar ni Erin at Claudette si Klare don
sa mga sleeveless. Lahat ng pull over ay napunta sa kanya.

Kinuha ko ang binili kong sneakers para sa kanya. May ganito akong kulay itim at
blue kaya binilhan ko siya ng itim at pink naman na combination.
"Your shoes." Sabi ko.

Ngumisi siya at kinuha ang bigay kong paper bag. Hindi ko talaga maiwasan ang pag
titig sa kanya tuwing ngumingisi siya.

"Patingin nong bago mo!" Ani Azi, istorbo.

"Bagong ano?" Tanong nI Chanel.

Kinagatan ni Azi 'yong apple na kanina niya pa hinahawakan. "Tats."

Nagpatattoo ako. Because Spike is such a good influence. Tribal naman 'yong akin,
just near the pecks. I removed my t shirt. Nalaglag ang panga ni Josiah.

"Dame, tribal tats." Ani Josiah.

"Grats, bra. Dalawa na tayong inked!" Ani Damon sabay tapik sa aking balikat.

"You trained, Ej? You look real hot." Ani Chanel habang pinipicture-an ako. "I'm
gonna sell this picture." Tawa niya.

Nag angat ng tingin si Klare sa akin. Tumitig siya sa katawan ko. Titig niya palang
para na naman akong mababaliw. I looked away. Buti at lumapit si Dame at Josiah
para tingnan ng mabuti 'yong tattoo.

"Galing ng pagkakagawa." Ani Damon.

Nagkibit balikat ako. Sasabihin ko sana na si Spike ang nag recommend pero tinikom
ko na lang ang bibig ko. Claudette is watching us.

"Patingin!" Ani Klare at lumapit na rin.

Sa kanilang lahat, siya lang ang may ganang humawak sa bawat itim na ink na naka
marka saking dibdib. Her touch were like butterfly kisses. Kinilabutan ako.
Dinungaw ko siya at nagulat ako dahil nakatingin siya sa mukha ko. It's like she's
watching my reaction with her touch! What the hell are you doing, baby?

"Looks good on you." Sabi niya at agad akong tinalikuran.

Ngumisi si Damon at kinindatan ako. Halos hindi ako makahinga sa ginawa ni Klare. I
need to get out of here and maybe shower.
"Kala ko world war na naman." Ani Damon.

But damn it... Tumalikod din ako at dumiretso sa kwarto. I swear to God, that girl
is mine. At pag hindi ako makahanap ng lalaking worthy sa kanya ay hinding hindi ko
siya ibibigay. Yes, maghahanap ako, dahil hindi naman siya pwedeng akin palagi. I
know that and I accept that!

She liked Eion Sarmiento so much. Kahit na hindi ko alam kung bakit ay pati iyon
tinanggap ko na lang. This Eion Sarmiento is a bit cold and very, very ugly. Hindi
ko talaga maintindihan kung bakit gustong gusto siya ni Klare na kahit hindi sila
close ay gusto niyang escort niya si Eion sa kanyang debut.

Okay, baby, we'll find a way to get him. He better be worthy of you. Pero kahit
anong gawin ko, hindi ko talaga maatim na makita siyang kinikilig sa Eion na iyan.
I'm trying but I fail all the time so I end up sour graping.

Fuck it! Kung sana di lang kami mag pinsan.

Naparami ang inom ko nong birthday ni Kuya Justin. This is it. I need to find a
girl again. A diversion. Klare will date Eion soon and I'll be a wreck so I needed
a diversion. Ngayong close na kami ay harap harapan na kung makita ko silang dalawa
na mag kasama.

"What's so embarrassing! It's Klare fucking Montefalco, dude! You have to be


grateful!" Ani Silver sa kanyang kapatid na si Eion pagkatapos ikinahiya ni Eion
ang pag amin na escort siya ni Klare.

"What bull crap is he talking about. Masusuntok ko 'yan." Bulong ni Azi sa akin.

Narinig ko rin 'yong sinabi ni Eion kanina at kung galit si Azi, mas lalo ako. I'm
beyond mad. I can't help but conclude that he's a freaking asshole and I didn't
want my Klare to date him. I changed my mind. No guy will ever deserve her.

Tiningnan ko si Klare at pulang pula ang kanyang mukha. Napapahiya siya!

"So what? Wala naman iyon sa pangalan o sa ganda, Kuya-" Eion and his epic big bad
mouth!
"Bakit, nasaan ba iyon?" Singit ko, hindi ko mapigilan. Uminom ako ng beer para
pampakalma at agad kong inilayo 'yong bote sa akin dahil baka mamaya ay mabasag ko
ito sa mukha ng Eion na ito.

Sinasabi niyang wala sa pangalan o ganda ang pagkakagusto niya sa isang babae. What
the hell? We all know that so shut the hell up and don't humiliate Klare in front
of these people!

Ngumisi ako habang naiisip kung paano ko babasagin ang kanyang mukha. Tumitig din
siya pabalik sa akin. Naramdaman ko na ang kamay nina Josiah sa likod ko na
pumipigil sa kung ano mang pinaplano ko.

"It's in the attitude. Kung maganda, mabait, matalino at talented, iyon... siguro
magiging grateful ako!"

She's talented, pretty, kind, and very intelligent you asshole! Susugurin ko na
pero bigla kong nakita ang ngiti ni Klare at tumayo siya para magpaalam. She's
hurt. Nilingon ko si Eion. Now you wont touch what's mine. Sayang at inisip ko pa
namang pwede ka para sa kanya because she likes you. Pero ngayon? You lost your
chance. You fucking failed this so you're going to fucking lose.

Kabanata 15

Feelings

"Elijah, doon ka na sa guestroom." Ani Klare pagkatapos ng party ni Kuya Justin.

Dammit, I'm so drunk. Did I hear her right? Pinapalabas niya ako sa kanyang kwarto?

"Hmmm." I only moaned. Ibinaon ko ang mukha ko sa kanyang amoy strawberry na unan.
Tulad ng kanyang buhok na amoy strawberry din.

"Elijah!" Iritado niyang sigaw.

She's mad? Why? "Doon din matutulog si Knoxx at Justin. We won't fit, Klare. Dito
na lang ako." I said.

Wala na siyang sinabi. Tiningnan ko siya gamit ang isang mata at nadatnan ko siyang
nagtatanggal ng bracelets. She'll sleep and I'm so drunk. Nahuhulog ang mga mata ko
at tingin ko ay naidlip ako. Namulat lang ako nang kumalampag ang pintuan, she went
out!?
Kinapa ko kaagad ang cellphone ko. Baka uminom ng tubig sa kitchen? Hindi siya
pwedeng umalis, disoras na ng gabi! When I heard her footsteps, mabilis kong
binalik ang cellphone ko at pinanood ko ang pag pasok niya. Gising na gising siya
at naglagay agad ng powder sa kanyang mukha. Kumunot ang noo ko.

"San ka pupunta?" Tanong ko.

It is inevitable. The way she answered me like I'm her stupid nosy brother, I hated
it, but it's inevitable.She's growing real fast at the moment. Mag de-debut na siya
at parang inaalis na ang karatula sa noo niyang 'No Parking'. Sooner or later, her
road will be really congested. She won't notice me anymore. Pag naipakita na siya
sa mga kaibigan namin bilang grown up, dadami ang manliligaw sa kanya and it will
be weird if I say she can't like anyone. Please don't like anyone else until I move
on, Klare. Paano 'yon? I've been with her for the past years and I haven't move a
single inch.

Gusto ko na lang matulog. This isn't normal. This should not be a big deal. I'm
probably just over reacting. Pero dilat na dilat ang mga mata ko.

Kaya naligo ako at nagbihis. Umupo ako sa kanyang kama at naghintay. I'm not
sleeping. I won't be able to.

Nang bumukas ang kanyang pintuan ay pinanood ko ang pagpasok niya. I saw her eyes
glide over my tattoed chest. Umupo siya kaagad sa kanyang tukador.

"Naligo ka? Akala ko inaantok ka?" Tanong niya. Kinuha niya ang guitar sa tabi ng
kama. That's my guitar. But then I'm hers so that means, it could be hers too.
Halos mapapikit ako. When I die, I'm prepared for hell. Incest is never good. I was
never good but I've never been this bad either.

"Not... anymore." Bumuntong hininga ako at umupo ng maayos sa kama. Nilagay ko sa


tiyan ko ang unan at pinagmasdan ko ang kanyang repleksyon sa salamin. "Anong
gagawin mo?"

Kumanta siya at wala akong nagawa kundi mahulog na lang ulit. Her voice is
soothing. Nakakaantok at nakakagaan ng loob.

"Sa hindi inaasahang

Pagtatagpo ng mundo
May minsan lang na nagdugtong,

Damang dama na ang ugong nito."

She continued. Wala akong ginawa kundi ang tumitig sa kanya. Hindi ko alam pero
pakiramdam ko ay may pinaparating siya sa kanyang kanta. Kahit na sigurado akong
hindi iyon para sa akin ay sapul na sapul naman ako. "Bakit di sabihin ang hindi
maamin." Damn!

Pagkatapos ay nag angat siya ng tingin sa akin. Kinagat ko ang labi ko. Sino ang
binabaan niya kanina? Si Eion ba? Humikab siya kaya pinutol ko ang pag iisip ko.

"Sleep now, Klare." Sabi ko.

Nilagay niya ang gitara sa gilid ng kama.

It was one of those nights. Iyong tipong nandito nga ako sa tabi niya pero alam
kong malapit na akong umalis dahil hindi ako pwede dito palagi.

Well, I'm not dumb. She's not interested. She likes someone else. Pero sa oras na
malaman kong gusto niya ako ay hindi ko na alam. Hindi ko alam kung anu ano ang
kaya kong gawin para sa aming dalawa.

I hated that I get jealous often. She likes Eion Sarmiento too much. Naiirita ako
sa pagtitig niya sa pangit na Eion na 'yon. I don't get it, really. Girls dig
annoying boys. Pinaghandaan ko pa naman ang regalo ko para sa kanya. Last Summer
nong lumabas kami ng bansa ay binili ko na ang regalo niya para sa birthday niya
ngayong September. Dammit, tapos di pala ako mapapansin?

"Screw it!" Sabi ko sabay sabog nong Henessy sa. Nagtawanan kami ng mga kaibigan ko
at iilang mga pinsan ko sa loob ng Illest. Lasing na lasing na sina Rafael at halos
di na madilat ni Damon ang kanyang mga mata.

"Poker pa, Raf!" tawa ni Azi nang nilagok 'yong isang shot.

I left my car. Magpapakalasing na lang ako ngayon! Cheers to the broken-hearted


fuckers! Iyong sasapul lang pala sakin ay 'yong sarili kong pinsan! I deserve this
karma! Right? She doesn't even know I exist! Ni hindi niya ako makita bilang
potential lover because I'm her goddamn cousin! No matter how much I train and how
hot my tats are, she will never notice me!

"Hi Elijah!" Sabay ngiti ni Annabelle.


Kilala ko si Annabelle dahil nasama na siya sa isang party noon sa New York. She's
half Pinay and her mother's from Cagayan de Oro. She's hot and jaw-dropping.
Dinungaw ko ang kanyang legs bago lumagok ng isa pang shot. Her boobs are such a
tease too.

"Hello, Anna." Ngiti ko.

"Do you mind if I sit here?" Tanong niya kahit na nakaupo na sa tabi ko.

"Nope." Sabi ko, nawalan ng sasabhin. Kahit anong gawin kong bigyan ng interes ay
hindi ko talaga magawa. Pero inaamin ko, gusto kong tumingin tingin sa physical
features. But that's not enough.

"Ej, umuwi na nga kayo!" Sabi ni Josiah, iritado sa kay Azi na nagpapaulan ng
mamahalin na inumin sa dancefloor sa sobrang kalasingan.

"Kakadating lang namin dito!" Sabi ko.

"Yeah, pero kakagaling niyo lang din sa Rosario. Bar hopping, eh? Umuwi na kayo!"
Iuuwi ko na 'to si Rafael. He's drunk. Sabi niya nakita niya raw si Tatiana kanina.
Meaning?" Nagtaas ng kilay si Josiah.

Nagkibit balikat ako at nilingon ko si Annabelle. "Hey, uh, I'm sorry, I need to
go. Catch up with you soon?" Sabay tayo ko.

Umismid siya pero pinakawalan din ako. That's the thing with westernized girls, di
nila dinidibdib ang mga sitwasyon. I like it.

Hinigit ko na si Azi doon bago pa niya maubos ang limang libo sa alak na pinapaulan
niya sa dancefloor. Panay ang mura niya sa akin habang kinakaladkad niya ako.

"Umuwi na tayo. Sa Xavier Estates na tayo matulog. Si Josiah siguro maghahatid kina
Damon at Raf sa Loop."

Hindi ko alam kung nabibingi ba ako o hindi lang marunong magsalita si Azrael
ngayon.

"F Ej, you ki joy."

Kumunot ang noo ko. He's obviously very drunk. Pulang pula na ang kanyang pisngi.
"Let me drive." Sabi ko.

"The hell!" Bigla siyang natauhan. "Drive mo sasakyan mo, sasakyan ko drive ko!"
Aniya at agad na pumasok sa front seat.
So there... Siya nga ang nag drive kaso naiinis ako dahil gusto niya pa dawng
uminom ng mainit na sabaw sa Siam bago umuwi. Is he out of his mind or something?

"Wake me up when we're home." I laid my seat back. Hindi ko na mapigilan ang antok
ko.

Nagising na lang ako dahil sa lakas ng impact ng sasakyan! Napaupo ako ng maayos at
naramdaman ko ang pagkabasag ng salamin. Umusok ang harapan at naipit ang paa ko sa
ilalim. Napamura ako sa sakit. Nilingon ko si Azi at tumatawa siya habang naiipit
ang kanyang braso sa manibela. Kitang kita ko ang pagdugo nito. May dumugo din sa
ulo niya.

"Shit, Azi!" Sabi ko at agad na may lumapit sa amin para tumulong.

Well he's obviously screwed. Paniguradong patay siya sa dad niya. Nabasag ang
harapan ng Fortuner at sobrang laki ng pinsala ng pagkakabangga namin. Hinawakan ko
ang dumudugo kong mukha. Stupid blood. Pinadaan ko ang dila ko sa aking ngipin,
thank God I still have the complete set of teeth. Hindi ko kayang mabungal ako.

Nagulat ako nang nandon na halos lahat ng pinsan ko. Pinagalitan syempre si Azi.
Nilingon ko ang ilang gasgas sa braso ko. Buti at sa puno naibangga ni Azrael.
Panay ang explain niya sa kanyang daddy.

"Nakatulog si Elijah, inantok ako, kaya..."

"Bakit ka ba kasi nag dadrive ng lasing!?" Sigaw ng kanyang daddy.

Tumahimik siya. Ngumiti ako. He's grounded now. Kinamusta ako ni Tita Claudine at
pagkatapos ay nilapitan na ako ng nurse para magamot na ang sugat ko sa mukha. Nasa
loob kami ng emergency room ng isang pribadong ospital. These were minor bruises
but I can't help it.

"Miss, bungi na ba ako?" Tanong ko.

Napangiti ang nurse sa akin. I want to drown Azi's moan on the other side of the
room. Nilalagyan ng cast ang kanyang braso.

May nahagip akong babaeng mabilis na lumapit sa akin. Nag angat ako ng tingin at
nakita si Klare na patungo sa akin. Sinapak niya ang balikat ko at namumula ang
kanyang mga mata at kanyang pisngi.

"Aray!"
Sinapak niya pa ulit ng ilang beses kaya sobrang sakit ng naramdaman ko! Anong
kinaiinis niya sa akin ngayon?

"What the fucking fuck, Klare? Masakit na, tama na!"

"Bwisit kayo! Nag alala ako!" Sigaw niya habang namumula ang ilong at kitang kita
ko ang luha sa kanyang mga mata.

Sinanggal ko ang mga sapak niya sa ulo ko. Oh God, help me. I am going to pull her
into my arms and hug her right now. Nag aalala siya? Of course, Ej, mag aalala siya
dahil pinsan ka niya.

"What? This is great! I live in this accident for you to kill me?" Sabi ko at nag
taas ng kilay. Tumigil siya sa pananapak sa akin. Nag iwas siya ng tingin. She's
truly worried. And I don't like it when she's upset.

"Why were you worried, Klare?" Marahan kong tanong na hindi niya sinagot. Nagtama
ang paningin namin. My heart raced. Hindi siya bumibitiw sa aking titig, like she
wasn't intimidated with my question. "Come here." Sabay lahad ng kamay ko.

Tinanggap niya ito na parang batang sumusunod sa aking utos. Fuck, Klare, I've got
the hots for you. I've got the hots for you, baby.

Hinawakan ko ang baywang niya. "Don't get upset." Hinanap ko ang mga mata niya. Nag
angat siya ng tingin sa akin. I've got the hots for you, baby.

That's when I really started dating again. Hindi pwedeng ganito. We also started
fighting over petty things. Tuwing may kasama akong babae, palagi siyang naiinis.
Or at least I'd like to think that she's iritated with the girls.

Bakit ka maiiirita? Tulad ng sinabi mo, Klare. "You are just my cousin. You have no
say on who I date." It was such a big slap. I know right, Klare!

Tutal ay patungo na rin naman ako sa impyerno dahil gustong gusto ko ang pinsan ko,
edi papa impyerno na. I went for girls who are easy. I don't need to chase anyone
to divert my attention. It's a waste of time. Luckily, hindi mahirap maghanap ng
mga babaeng sport. Gusto ni Klare na i-date ko si Hannah, but she's boring and too
mushy. I don't need that right now. So I went to Illest again and I found Annabelle
bored. Inuwi ko sa bahay and of course, Klare Montefalco is right there waiting for
me! What the hell?

"May taxi sa labas. Naghihintay!" Sabi ko kay Annabelle.


Because I'm not going to push Klare away just yet. I need to shout at her the exact
words she told me few hours ago.

"What the hell happened? Who is the bitch, Elijah? Nasaan si Hannah? What happened
to her? Iniwan mo siya para sa bitch na iyon?"

"JESUS, KLARE! may pangalan si Annabelle! Will you stop asking me damn questions?"
Sigaw ko at agad na nilagok ang Jack Daniels shot galing sa ref.

If I want to shout at her, I need that courage. We had a row and I'm not quiet sure
what her reaction meant.

"Kung ayaw mo? Edi ano, Klare? Ayaw mo ako sa ibang babae, ayaw mo yung kaibigan
mo? Edi ano? Ano ang gusto mo? What? Pag may kahalikan ako susugod ka at mag
eeskandalo na lang kasi hindi pwede kahit sino?" Sigaw ko nang napuno na ako.

Pumula ang kanyang pisngi at sinigawan niya rin ako pabalik. "YES! Hindi pwede
kahit sino! Hindi pwede, Elijah! Hindi pwede! Hindi pwede, hear me? Hindi pwede!!!"
Sigaw niya.

Nanlaki ang mga mata ko. No. No you don't say that to me right now, Klare. You
don't know how much I'm attracted and... you don't give me false hopes just because
you like it!

"You. Have. No. Say. On. Who. I. Fucking. Date!" There! I said it!

Pero pagkapasok ko sa kwarto ko ay nabasag ko 'yong flatscreen at iilang frame para


lang mapigilan ang sarili kong balikan siya at yakapin siya. Shit! Klare, do you
like me back? Do you want me back? Do you want me to fight for this?

"Manang..." Sabi ko nang kinatok ako ng aming katulong dahil sa ingay ng mga
nabasag kong gamit. "Paki check kung nakauwi na si Klare. Ipahatid niyo sa driver."
Sabi ko.

"Umuwi na. Nag taxi." Ani manang.

Pumikit ako at sinisi ko ang sarili ko. Now we're back to square one. Ang tagal
kong kinuha ang damdamin niya ngunit ako rin pala ang sisira nito.
Dumistansya ako kay Klare. She's dating Eion so I dated so many girls too. Ito ang
kahihinatnan naming dalawa. Of course, Elijah, Klare is your cousin and you can't
be together. Iyan ang parati kong iniisip pero walang epekto.

Parati din nila akong tinutukso kay Hannah kaya sinasabayan ko na lang. Pero kahit
na kasama o kausap ko si Hannah ay hindi ko kayang hindi mapatingin kay Klare at sa
kanyang wala sa mood na mukha. Ano kayang meron dito? Menstrual cycle? Hindi sila
gaanong nag uusap ni Eion. Mukha siyang bored habang nandito kaming lahat sa
kanilang rooftop para magplano sa pagpunta namin sa Camiguin. It's been weeks now
since her birthday at nanliligaw na daw si Eion sa kanya. Tsss.

Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang history ng mga text namin ni Klare. Ang
huling mga texts ko sa kanya ay noong hindi pa siya nag e-eighteen. Sinusundo ko
kasi siya palagi sa bahay nila. Hindi siya nag rereply, tamad kasi siyang mag text.
But now, this is my hope.

If she texts back...

Ako:

You look tired. I don't like it.

Napatingin ako sa kanya at ipinakita ko ang aking cellphone. Mabilis niyang kinuha
ang kanyang cellphone at nagbasa siya sa message ko. Ngumuso ako sa pag papanic
niya. Oh damn...

Klare:

Yup. Exhausted sa sayaw.

Iksi naman. Pinapatay ang usapan. Ni hindi man lang ako tinanong. Hindi talaga siya
marunong magtext. Ngumiti ako at nag angat ng tingin. Nakita kong lumapit si Eion
sa kanyang tainga at may binulong siya kay Klare. Nag bulungan silang dalawa at
gusto kong marinig kung ano ang pinag uusapan nila!

Kinagat ko ang labi ko. Nagsasalita si Hannah pero tanging nagawa ko ay tumango at
tumawa dahil sa paninitig ko sa dalawang nagbubulung bulungan sa harap ko.

"Tapos na ba ang usapan? Uuwi na kami. Inaantok na kami, e." Sabi ni Rafael.
Pagkatapos kong mag type ng message ay tumayo na rin ako. I don't wanna be
possessive but she needs to know that I'm jealous.

Iyon ang mga dahilan kung bakit naramdaman ko ring may feeling siya pabalik sa
akin. I will hold on to that faint hope that maybe she likes me back. Dahil sa oras
na malaman ko na mahal niya ako pabalik ay babaliin ko lahat ng prinsipyo ng
pamilyang ito.

Kaya nong nagpunta kami ng Camiguin at nakikita ko ang nakakalitong kilos niya ay
mas lalo lang akong naguluhan. Palagi ko siyang nakikitang nag seselos kay Eion at
Cherry pero tinititigan niya naman ako. What the hell, Klare? Eion or Me? I don't
know!

"Pumunta ka na don sa kanila. I'm okay here, Elijah. Naghihintay si Hannah sayo."
Aniya nang napag usapan namin nong napag isa kami sa Mantigue Island.

"Bakit parati mo akong nirereto sa kay Hannah?" Tanong ko.

"Kasi she likes you. You should date, Elijah. Ano, hindi ka pa ba nakakamove on kay
Gwen?" Natatawa pa siya.

Tinitigan ko siya habang hinihipan ng hangin ang kanyang buhok. She's beautiful.
Her lips were shaped like a bow. Kinagat ko ang labi ko. I wonder if her lips were
soft.

"Hindi ko alam kung nakita mo 'yong mga panahon na ang dami kong dinate na babae o
ano." Sabi ko.

"I mean, date, really date, Elijah. Hindi iyong ganon. Seriously date. Exclusively
d-" I interrupted.

"I'm done with that Klare. And this will sound stupid but it's all useless kasi
alam ko kung sino ang gusto ko." Sabi ko at agad kong nakita ang pagkagulat niya.
Wa'g ka nang magulat. Alam kong alam mo na 'yon. May duda ka na na gusto kita. And
now you're wrong. Hindi lang gusto, Klare. Hindi lang gusto.

"I-I don't know how you do it, Klare. I don't know." Iling ko sa kanya pagkatapos
niyang ipagkanulo ulit ako kay Hannah. "'Yong ipamigay ako sa iba. Kasi, ako, sayo?
Hindi, e. Hindi ko kaya. I'm not going to give you up to that asshole no matter
what."

We had another row. She wants me to be with Hannah and Hannah and Hannah. Fuck it,
I'm done with this stupid pretentious cousin thing.
"Why would you fucking give me to Hannah!?"

"Kasi iyon naman talaga dapat! Bakit ka nandito? Bakit mo ako kasama? When you
should be with someone like her! You should date her! That's what you should do-"
Ani Klare but I cut her off. Shut up, Klare. Pasalamat ka gusto kong malaman mo 'to
kahit na sobrang gusto ko nang mahalikan ka para tumigil ka na!

"I DATED SO MANY DAMN FUCKING GIRLS TO FORGET YOU, KLARE!" Sigaw ko. "At saan ako
dinala ng sarili ko? Sa'yo. Parin. Fuck. I'm sorry for the curses, baby." Huminahon
ako at tumayo. I need space between us. Because I might scare her... My feelings
are extreme and I'm not sure if she feels the same.

Kabanata 16

All For You

She's going to lie to me. I know she's going to lie to me about this. Kahit anong
gawin niyang tago sa akin sa pagseselos niya or whatever is whipping her ass out,
I'm sure she likes me back.

"What are you going to do if I don't stop?"

She asked me to stop but she looks really, really regretful. Nilagay ko ang kamay
ko sa dingding na hinihiligan niya. Hanggang baywang ko ang tubig sa lagoon na ito.
She closed her eyes and I can see her chest rising and falling cuz of her intense
breathing. Oh God. No hot or cold spring can ever calm me down right now. I need to
see her reaction.

"I will stop y-you, Elijah." She stuttered.

"What's with the stuttering words? What's with the trembling lips? And why are you
shaking so badly?" Bulong ko.

Huminga siya ng malalim at agad na akong itinulak para makawala sa pagkulong ko sa


kanya doon. Nilingon niya ako at tinapunan ako ng matalim na tingin. Tumikhim ako.
I told you so, Elijah. She's not going to give this all up just because you're
pursuing her.

She gave me mixed signals. It's frustrating. Nong pumayag siyang mag lunch kaming
dalawa sa Lim Ketkai ay itinuring ko iyong "go" signal. I guess I need to stop
pressuring her. Let's take it slow this time, Ej. Basted o sasagutin man, I still
like her. I'm drawn. I guess this is more than just a crush. If this isn't love
then I don't know what it is...
"Thank you, Elijah! I knew it! Kaya mong kunin 'yon! Ang galing mo! Sa dami ng
nanligaw sakin at pinapakuha ko 'yon? Ikaw lang talaga ang nakakuha! Thank you so
much!" Sabay yakap ni Cherry sa akin pagkatapos kong nakuha 'yong stuffed toy na
gusto niya sa Worlds of Fun.

Iniisip ko kung paano ko iyon ginawa. Anong technique ba iyon para naman makunan ko
ng gustong stuffed toy ni Klare. I'm already annoyed because Cherry's here. Dapat
ay kami lang ni Klare.

"So... I'll try the white ones for Klare." Sabi ko sabay kuha ng token para ilagay
na don sa stupid stuffed toy machine. Sarap bilhin na lang ang buong ganito para
ibigay kay Klare. I can afford a bigger stuffed toy but I don't want to fail her. I
know she's upset now. I'm kinda excited when she's jealous but I'd shit bricks if I
see her hurting.

"Huwag na." Malamig niyang sinabi at tumayo.

"I will try, Klare." Sabi ko.

"I want to go now." Ulit ni Klare.

"Bakit, Klare? You okay? Masakit ba ang tiyan mo?" tanong ni Cherry.

"Nope. I just want to go." Ani Klare sabay tingin sa akin. I know that expression
so well.

"No, I will give you the teddy bear." Sabi ko sabay hulog ng token sa machine.

"If you wanna stay, Elijah. Then stay. Uuwi ako." Ani Klare at biglang nag martsa
palabas ng Worlds of Fun.

Oh damn it!

She's mad! Wala naman kaming ginawang masama ni Cherry. Nag wala ako nong nalaman
kong hinalikan siya ni Eion. That was her first kiss pero hindi ko ipinakita sa
kanyo iyon. I was seriously jealous back then pero alam kong wala akong karapatan.
Ngayon galit siya kahit na walang ganon na nangyari sa amin? Oh great! Just great,
Klare!

"Klare!" Sigaw ko at agad na umambang susunod sa kanya ngunit hinawakan ni Cherry


ang braso ko.

"Elijah, baka masama ang pakiramdam niya." Ani Cherry.

"Yeah that's why I have to go. I'll take care of her." Sabi ko at mabilis na
tinakbo ang distansya sa amin ni Klare.
Mabilis ang lakad niya na para bang natatakot siya sa akin. Panay ang tawag ko sa
kanya at nagmumukha na akong tanga sa mga tao. I cursed so many times. Nang malapit
na siya sa gate ng Lim Ketkai ay hindi ko na napigilan ang pagdiin ng mga daliri ko
sa kanyang braso.

You are not going anywhere without me. We are not going to part when you're upset.
Nang hinarap niya ako ay tuliro ang kanyang mga mata. Kitang kita ko ang mga luha
sa kanyang mga mata. My heart raced like mad again. I'm not going to lie but
thinking about how jealous she is sent shivers down my freaking spine. I'm not
going to get over this. I'm not going to move on. Pumiglas siya at agad naglakad
ulit patungo sa gate.

"Klare! If you want to go, then we will go. Just don't get mad at me." Sabi ko at
sinundan ulit siya. "Wrong way, baby. Nandito ang sasakyan ko sa kabilang pinto."

Kinaladkad ko siya patungo sa gate kung saan malapit naka park ang sasakyan ko.
Panay ang biglas niya sa pagkakahawak ko sa kanyang pulso. Hurt me all you want.
I'll take it all but I won't ever let go.

"Where do you wanna go now?" Sabi ko at nilingon ko siya.

Nakita kong basang basa ang kanyang pisngi. Para akong nabuhusan ng malamig na
tubig. She's crying. I made her cry! Lumunok ako. Lahat ng iniisip ko kanina
tungkol sa kanila ni Eion ay nawala. Kahit na wala kaming ginagawang masama ni
Cherry kanina ay pakiramdam ko sobrang mali ko na. Pakiramdam ko napakasamang tao
ko na. Because I made the woman I'm in love with cry.

"I want to go." Nanginginig siya nang sinabi niya ito.

"Yes. We will go. I'm sorry." Anything for you, my baby. Anything. I could even die
for you if you want to.

Mariin akong pumikit at niyakap ko siya ng mahigpit. Sana ay maramdaman niya lahat
ng nararamdaman ko sa pamamagitan ng yakap ko. Gusto ko pa sana siyang yakapin ng
mas mahigpit pero natatakot akong masaktan ko siya. It's frustrating. I don't wanna
hold back but I need to. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang gagawin ko. I
kissed her forehead. And baby, I think that's the most assuring thing in the world.

Kinalas ko ang yakap ko. I need to stop myself. I need to hold back. Hinigit ko
siya patungo sa aking sasakyan.
"I don't like you with other girls." Bulong niya.

Nilingon ko kaagad siya. Nanlaki ang mga mata ko at halos natatawa ako. I can't
believe it. "I don't like you with other boys, either."

This is it. Ito lang 'yong hinintay ko talaga. Sa oras na malaman kong gusto niya
ako, wala na akong pakealam. I'm all in. I'm down with you, Klare. I'm not giving
this up anymore.

Hindi ko matanggal ang ngiti ko. Pinapanood ko siya habang naghahanda sa inuman
dito mamaya sa rooftop niya. Natutuwa ako tuwing nakikita kong limitado ang galaw
niya na para bang nako conscious siya kasi pinapanood ko.

Humalukipkip siya at tiningnan niya ako. "Don't flirt with me, Elijah." Kaming
dalawa lang dito sa kanilang rooftop dahil bumaba si manang, kaya ang lakas ng loob
niyang magsalita.

Don't flirt with you, Klare? Why i can't help it! Especially when you're flirting
back!

Humalakhak ako. Pinapanood ko siyang nagpupunas ng mga upuan. Tumutulo ang pawis
niya. I wanna help but I can't stop watching her. Humakbang ako palapit sa kanya.
Just one more, Klare. I wanna wipe your sweat off.

Inirapan niya ako. Arte talaga nito. "Why don't you help instead of just watching
me?"

Nilaro ko ang labi ko habang pinapanood ko siya. She's flirting back. The way she
raised her eyebrows, I know she is. Nag tataray pa. Maybe that's what it is! Simula
pa lang ay mataray na siya sa akin. My heart raced once again. Hindi ko kayang
isipin na simula pa noon ay may gusto siya. I'm sure that's too much to ask. This
love is one sided when it started. I need to keep my shit together.

"I am trying to help. Pero ayaw mo." Tumawa ako.

"No, thanks."

I really like it when we're together. Sana lang ay pwedeng ganito palagi. Nang
dumating sina Azi at iba pa naming pinsan, ang kaya ko na lang gawin ay ang titigan
si Klare sa malayo.
"Elijah, stick with Hannah. Klare's with Eion." Bulong ni Chanel sa akin pagkatapos

I don't wanna look pissed but I can't help it.

"Asus, galit ka pa? I heard 'yong huling dinate mo bago ka nawalan ng gana sa
dating ay si Hannah?" my jaw dropped.

Bakit niya nasabing wala akong gana sa dating? Was I too obvious that I'm too busy
with someone else? Nilingon ko si Klare. Sa totoo lang, wala akong pakealam kung
malaman man nila na may gusto ako kay Klare. But I don't wanna push my luck. It's a
miracle she likes me back. I need her to love me the way I'm crazy for her.

"Kumain ka na?" Biglaang tanong ni Hannah sa akin.

Nilingon ko siya. Pumula agad ang kanyang pisngi. "Uhm, di pa. Ikaw?" Tanong ko at
umupo na sa malapit na upuan. Kinuha ko ang cellphone ko at nag iisip ng itetext
kay Klare pero. Hindi na ako makabalik sa upuan ko kanina dahil nandon na si Eion
sa tabi niya.

"Hindi rin. Gutom na gutom ako. Di ako nakapag lunch."

Nilingon ko ulit si Hannah. Nakatingin siya sa pinggan sa harapan.

"Ba't di ka nag lunch?" Tanong ko.

"Nakalimutan ko." She smiled.

"Ako, imposibleng makalimutan. Gugutumin ako pag di ako nag la-lunch." Halakhak ko.

Ngumiti ulit siya. "Hindi rin kasi ako nagutom kanina. Ngayon lang."

Tumango ako at nagbalik sa pag iisip ng magandang itext kay Klare. Nilingon ko siya
at nakita kong nag uusap sila ni Eion habang kumukuha ng pagkain.

Umubo ako para mapigilan ang sarili kong manood sa kanila. Calm the fuck down, you
own her for sure.

"Kain na, Hannah." Sabi ko sabay bigay ng pinggan sa kanya.

Nakita ko ang panginginig ng kamay niya habang binibigyan ko siya ng pinggan.


Nahulog pa ang kanyang cellphone sa sobrang panginginig. Pumula din ang pisngi
niya. Kumunot ang noo ko at pinulot ang kanyang cellphone.

"I-I'm sorry." Aniya sabay ngiti at pula ulit ng pisngi.

"Anong ulam ang gusto mo?" Tanong ko habang pinapanood ko si Klare na nakikipag
usap ulit kay Eion. Come on, Klare, kala ko ba tayo? Tingin ka naman dito!

"Bra..." siniko ako ni Azi. Nilingon ko siya at nakita kong kumukuha na ng pagkain
si Hannah ngunit sinusulyapan ako. "Grab this chance. She's madly smitten. Nakita
ko 'yong pagkagulat niya dahil sa mga ginagawa mo."

"What the are you talking about?" Bulong ko pabalik.

"Hannah." Bulong niya at agad na kumuha na rin ng pagkain.

Kumain kami at nag inuman. Azi was so annoying. Imbes na mag tatype na ako ng
itetext ko kay Klare ay nandyan naman siya sa likod ko at nagpapatulong sa sariling
problema niya.

"Gusto ko talaga 'yong kakinisan ni Cherry, Elijah. Alam mo 'yon?" Aniya.

"Tapos? I know she's hot but not my type." Sabi ko tinutukoy 'yong maputi, makinis,
may maiksing buhok na babaeng pinagselosan lang naman ni Klare.

"Ang nipis ng katawan niya tapos malaki ang ngiti niya lagi. Those dimples, man!"
aniya sabay tapik sa dibdib ko.

"Pormahan mo na kung gusto mo." I know him. Ganito siya pag may gusto siyang
pormahan. Pinagpapantasyahan niya muna ng husto.

"Kaya lang ay mukhang type ka niya." Aniya.

"The hell I care with her." Sabay tingin ko sa paligid. Pinapanood ko ang mga galaw
ni Klare. 'Yong pag hawi niya sa kanyang buhok. Sinilip ko pa sa ilalim ng mesa
kung suot niya ba 'yong infinity anklet na binigay ko. Suot niya.

Sumilip din si Azi sa ilalim ng mesa. "Dude, what the hell?" Aniya.

"What the hell?" Inosente kong sinabi.

"Anong sinisilip mo dyan?" Nanliit ang mga mata niya. "Hannah's legs, I bet."

Nilingon kami ni Hannah. Siguro ay narinig 'yong pangalan niya.

"Wala, Hannah. We're not talking about you." Ani Azi kahit na obvious. Fuck, I hate
how he's too transparent sometimes.

"Hindi ko kailangang magnakaw ng tingin kung gusto kong makita 'yong legs ng kahit
sino, Azi." I pointed that one out. He needs to stop talking about Hannah's legs.
Ayokong marinig 'yon ni Klare.

"Yeah damn right. Yabang mo, Elijah! Porket gusto ka ni Cherry ay ganyan ka na!"
Aniya.

"Sinong may sabi sayong gusto ako ni Cherry?" Nilingon ko siya.

"Asus! Gossips. Alam mo naman, marami akong kaibigang babae. Anyway..." Dumami pa
ang pinag usapan namin ng lintik na Azi. Hindi ako makapag text kay Klare dahil
baka manood siya habang nagtatype ako.
Pagkatapos ng ilang sandali ng pag iinuman at kainan ay nakahanap ulit ng mapag
lilibangan si Azi sa akin.

"Uy, Elijah. Dude, can't you see? She's cold." Saway ni Azi sa akin sabay tinuro si
Hannah. "Give your jacket to her! Can't believe you! Akala ko gentleman ka!" Saway
ni Azi.

Tumawa ako. Pinapanood ako ng mga kaibigan namin. "I didn't know!"

Nilingon ko si Hannah at yakap yakap niya ang kanyang sarili. Kanina ko pa siya
nakikita pero ngayon ko lang na realize na medyo maiksi nga pala ang damit niya.
Nahagip ng tingin ko ang kanyang cleavage habang binibigay ko sa kanya ang hinubad
kong jacket. Agad kong nilingon si Klare. She's watching me! Dammit! Tiningnan ko
ang dibdib niya at si Eion naman ngayon. Thank God walang cleavage. I don't like
him looking at my belongings. Fuck it.

Nag inuman pa kami. Dinadaya ko na si Azi sa mga shot dahil medyo inaantok na ako
sa Jack Daniels. Ayokong malasing.

"Sa'yo 'to." Sabi ko sabay bigay sa kanya ng shot na dapat ay sakin.

Nilagok niya naman agad. "Cellphone please? I want to dial Hannah's number here.
Baka naman nag titext text kayo nang di ko alam?"

"Bahala ka nga!" Binigay ko kaagad sa kanya.

Halos bawiin ko to nang narealize na baka mabasa niya ang mga texts namin ni Klare
ngunit binalewala niya iyong pangalan ni Klare. Of course, she's family. Hinding
hindi niya 'yon pagdududahan.

Nakita kong binigyan ni Josiah si Hannah ng whiskey, pangalawang beses na 'to.

"Joss, cut it." Sabi ko sabay turo sa whiskey ni Hannah.

Nilingon ako ni Hannah. She's very very red. Mapupungay na rin ang kanyang mga
mata. "I got this, Elijah."

"Why don't you drink her part, Elijah?" Tanong ni Josiah. It's like he's testing me
or something. Nilingon ko ang mesa at may nakita akong isa pang shot. Kanina ko pa
pinapanood ang pag inom ni Klare ng beer. Umiinom siya ng hard drinks at medyo
mataas ang tolerance niya. "Is that Klare's shot?" Nakita kong nag uusap si Klare
at Erin.

"Yup." Sagot ni Rafael.


"'Yon na lang iinumin ko." Sabi ko sabay kuha nito.

Ininom rin ni Hannah ang kanyang shot. I think she's done for tonight. Bumaling ako
kay Azrael at agad niyang binigay sa akin ang aking cellphone.

Napatingin ako sa cellphone kong may 11 seconds ng nakatawag sa numero ni Cherry!


"WHAT THE FUCK?" Napasigaw ako sa irita.

Humagalpak lang ng tawa si Azi at pinatay ko kaagad iyong tawag.

"Congrats sa pagmumura!" Tumawa rin si Damon.

Mga walang hiya. Naging abala tuloy ako sa pagtext kay Cherry ng apology. Damn,
Azrael. Ang tanga ko, ba't di ko kinuha agad ang cellphone ko. He's drunk. Umiidlip
na ang mga mata niya kahit na nakangiti siya sa kinauupuan niya.

Nagdesisyon silang umalis na at matulog. Halos madaling araw na rin kasi. Pinilit
pa ako nina Erin na ihatid si Hannah, Liza, at Julia. I know they're doing this for
me and Hannah. Gusto kong tumanggi pero walang ni isang willing na mag hatid sa
kanila. Josiah is a jerk, Azi's a mess... Wala. Wa'g na nating isama si Dame at
Rafael na parehong walang pakealam sa kanila.

Hinihintay ko silang bumaba sa elevator. Nakahalukipkip ako sa gilid ng aking


trailblazer nang nakita ko si Eion na bumubulong kay Klare. Her cheeks went from
pink to red. My insides burned and it's not because of the alcohol. Yumuko siya at
mukhang guilty dahil nakita ko 'yong pagkakakilig niya kay Eion. She's obviously
still confused! I'm obviously not her only one!

"Akyat na kami. Elijah, kay Klare ka ba ulit matutulog?" Sabi ni Josiah.

"Yeah." Sagot ko at pinatunog ko kaagad ang sasakyan ko.

"Ay, hindi, hindi 'yan dito matutulog, Josiah. Baka di na 'yan umuwi dito dahil
maaakit na 'yan kay Hannah." Sabi ni Chanel.

Ma aakit? Might want to ask your cousin why I'm crazy about her. Baka makatulong pa
para 'yong magiging advice niya para makuha ng iba 'yong atensyon ko. Hanggang
katawan lang ang attraction ko sa ibang babae... and believe me, it doesn't last.
Pumasok ako sa loob kahit na nag bibiruan pa sila sa labas.
Pinasadahan ko ng tingin ang katawan ni Klare. Nothing much. No rack... at all.
Ngumiti ako. Siguro meron. She's just wearing a t shirt pero nahahigh blood naman
ako pag may makita akong konti sa kanya. Lalo na pag maraming tao. Her legs are
firm, I've seen it live. Iniisip ko tuloy paano kung medyo tumaba siya ng konti,
magpapaalipin na lang siguro ako sa kanya. Eh ngayon nga iniisip ko kung gusto ko
bang maging boyfriend niya o alipin. The hell am I thinking? Thank God for tinted
car windows. Hindi masyadong obvious na pinapanood ko siya.

"Bye!" Sabi ni Erin sa labas.

Nasa front seat si Hannah. Si Julia at Liza naman ay nasa likod, tahimik. Tiningnan
ko si Liza sa rearview mirror at nakita kong tulog na siya.

"Saan ba bahay nina Liza?" Tanong ko habang pinapanood ang mga mata ni Klare na
nakatingin sa aking sasakyan.

Wait for me. I'll be right back, baby.

"Si Liza taga Capistrano Complex. Si Julia taga Tagoloan. Tapos ako naman sa Santa
Barbara." Ani Hannah sa isang malambing na tono.

"So... si Julia yata 'yong huli kong-"

"I don't wanna be the last, Elijah. Si Hannah na ang huli mong ihatid!" Sabi ni
Julia kahit na 'yong bahay nila ang pinaka malayo. If I'm not mistaken, Tagaloan is
25 kilometers away from Cagayan de Oro. Agad kong pinindot ang GPS ko kahit alam ko
kung paano patungo doon. Gusto ko lang malaman kung gaano ako kabilis dapat mag
drive para maabutan lang si Klare na dilat pa. I don't want to wake her up when
she's asleep but I missed her tonight. I want to talk to her. I want to hear her
voice.

27 kilometers away ang Tagoloan, where Julia lives. Damn it!

Mabilis ang patakbo ko patungo sa Capistrano Complex. Nakakairita pa kasi tulog si


Liza at hindi sigurado si Hannah kung asan ang bahay nila doon.

"I think this street, Elijah. Ang alam ko lang kulay blue ang... gate." Malambing
niyang sinabi.

Nilingon ko si Hannah at nakahilig ang kanyang ulo na para bang inaantok ngunit
pinipilit na idilat ang mga mata. Ngumiti siya sa akin.
Nahulog pa ang strap ng kanyang damit. Kumunot ang noo ko at itinigil ang sasakyan
sa kulay blue na gate na bahay daw ni Liza.

Tinulungan ko pa si Liza na tumayo. Sinalubong siya ng kanyang ate at tumulong si


Julia na magpaliwanag kung bakit ganyan siya ngayon. Bumalik ako sa sasakyan at
ganon parin ang strap ng damit ni Hannah.

Mabilis ang patakbo ko patungong Tagoloan. Pero talagang kinain nito ang oras. Kung
sana ay mas una kong hinatid si Hannah tapos si Liza at huli si Julia ay mas
mapapaaga ang dating ko.

"Thank you, Elijah." Ngumiti si Julia. Alam kong may kahulugan ang kanyang ngiti.
"Good luck, Sis. Take care kayo." Sabay beso niya kay Hannah.

Her strap isn't fixed yet. Damn it. I want her to fix it. Iniisip kong naka
spaghetti strap si Klare at ganito 'yong mangyayari sa strap, I'd pee in my pants.

"Santa Barbara." Sabi ko para mabasag ang katahimikan naming dalawa habang
nagdadrive ako pabalik ng Cagayan de Oro. "I know someone from Santa Barbara." Sabi
ko. "Kilala mo si Chua? 'Yong player ng SBM kasama ni Rafael? Yol Chua?" Tanong ko.

"Ah! Oo, kilala ko. Classmate ko 'yon nong grade school." Ani Hannah.

"Ahh. Saan ka pala nag grade school?" Tanong ko.

Binanggit niya ang isang popular na eskwelang pang chinese.

"Ba't ka lumipat sa school?" Tanong ko dahil lumipat siya sa school namin nina
Klare nong high school.

"Change environment, I guess? Tsaka di naman ako chinese. At di ako nagsisisi na


lumipat ako don sa school natin. Because I met you."

What? What? Kinagat ko ang labi ko at patuloy ang pagdrive ng mabilis. Nilingon ko
siya at ganon parin ang kanyang mga mata. She's drunk. Really drunk. But she can
still answer my questions. In vino veritas, it is! Dapat ay awkward na para sa
kanya 'to ngayon.

"Saan banda ba?" Sabay liko ko sa gate ng Santa Barbara.

Nilingon ko siya at nakita kong tinuro niya 'yong isang liko.


"Fix your strap, Hannah." Sabi ko bago niliko ulit ag sasakyan.

"Oh! Sorry." Sabi niya na parang natauhan.

Hindi na ulit ako nagsalita. Tinigil ko lang ang sasakyan ko nang sinabi niyang
bahay na nila ito. Nilingon niya ako at dahan dahang kinalas ang seat belt.

"Thank you, Elijah. This night was fun because of you." Aniya.

Ngumuso ako. "Thank you din, Hannah. I'm glad you had fun. Good night."

Pinatunog ko ang mga auto lock ng mga pintuan para makababa na siya. Nilingon niya
ang pintuan at agad kong inabot ang door handle para pagbuksan siya galing sa loob.

"Thanks." Aniya.

Ngumiti ako. "You're welcome."

Nang nakita ko siyang nasa gate na at papasok na ng bahay ay halos pinaharurot ko


ang sasakyan pabalik sa mga dinaanan ko. Iniisip kong tulog na talaga si Klare
ngayon. Then I would just listen to her purr all night. Ngumiti ako. Pero mas gusto
ko parin 'yong nakakausap ko siya. I want to talk to her before I fall asleep.

Papalapit na ako sa Montefalco building. Madaling araw na at imposibleng may gising


pa sa kanila ngayon. Ngunit nang nakita ko si Klare na nakaupo sa gutter, tinutukod
ang kanyang mukha sa kanyang tuhod ay nataranta ako. Naghintay siya sa akin? Bakit
And it's damn cold! She's wearing a t shirt for goodness sake!

Hindi ko na naayos ang pag park. Basta't na ipark ko iyon doon ay agad ko nang
pinatay ang makina at ang lights. Itinakbo ko ang kaonting distansya sa aming
dalawa. Kinalas niya ang pagkakayakap sa kanyang tuhod at nakita ko ang naiiyak
niyang mukha.

Damn it! Ano ang ginawa ko para magkaganito siya?

Yinakap ko agad siya kahit na medyo iritado ako sa kanyang ginawa. "What are you
doing here?" Nanginig ang boses ko.
Naramdaman ko ang lamig sa kanyang balat. Siguro ay hindi siya umakyat. Kanina pa
siya dito! Isa at kalahating oras sa malamig na gabi? Really, Klare? Do you want me
to kill myself? Stop pulling this stunt or I'm really going to make your body
tingle in heat!

Kinagat ko ang labi ko nang narinig ko ang munting hikbi niya sa tainga ko. Gustong
gusto ko siyang pagalitan. Gustong gusto ko siyang pangunahan sa bawat galaw niya.
Na dapat ay naghintay siya sa akin sa kanyang kwarto para hindi siya manlamig. Pero
di ko magawa. Pag umiiyak na siya, pakiramdam ko sakin lahat ang mali. Ako ang may
kasalanan ng lahat.

Mahigpit ang kapit niya sa leeg ko. Para bang makakawala ako pag di siya kumapit ng
mahigpit. Baby, I want you to own me like this all the damn time. Para akong
lumilipad sa saya nang halos di na ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap niya.
Umiinit ang katawan ko dahil sa nararamdaman kong saya. Mahal niya ako. Mahal na
mahal niya ako. I'm pretty sure of that.

"Baby, you are so cold. Hush. Stop crying please. You are freaking me out." Bulong
ko habang hinahawakan ang malamig niyang pisngi.

I want to cover you with heat, baby. So, so much. Right now.

"Akala ko di ka babalik." Nanginginig ang boses niya nang kumalas siya sa


pagkakayakap sa akin. Pinunasan niya ang kanyang mga luha.

Nalalasing ako sa kanya. Lasing na lasing ako sa yakap niya. Gusto ko pa ng


maraming ganon. Gusto ko 'yong tipong mababaliw siya pag pinakawalan niya ako.
Gusto ko 'yong sabik at mahigpit na yakap galing sa kanya. I want it all the time.
I want it everytime we see each other. I want it always.

Hindi ko alam kung paano niya naiisip na hindi ko siya babalikan. Paano niya
nagagawang maging insecure sa pagmamahal ko sa kanya? Siguro ay dahil hindi ko pa
nasasabi sa kanya. Madalas kong ginagawa ay ang pagpaparamdam. Pero dapat ay ngayon
pa lang, naramdaman na niya na ako ay sa kanya lang. Kahit ano gagawin ko para sa
kanya. Pag aari niya ako. Mula ulo hanggang paa. Kahit anong gusto niyang gawin sa
akin ay pwede niyang gawin dahil mahal na mahal ko siya at isusuko ko ang sarili ko
sa kanya.

"Kailan ko pinaramdam sayo na hindi ako babalik? I will always come back. I will
always be back for you."
I'm in love with you, Klare Montefalco. I don't care if we break the rules, the
laws, their hearts. This time, I'm giving up all my cards. I'm laying my name,
risking my life on the line. I'm all on this, baby. I'm all for you.

Kabanata 17

I Hate That

"San tayo?" Tanong ni Azi habang pinaglalaruan ko ang kamay ko.

Pinapanood ko si Klare habang kinakausap niya sina Erin.

"Kina Klare daw." Sambit ni Damon.

Tumango ako at naisip na kaming lahat pala ang pupunta doon. Pagkadating sa
kanilang bahay ay tiningala ko ang christmas tree nilang kulay pula at gold ang mga
ribbons at bola. Agad pumwesto sina Azi sa sofa nina Klare at nagsimulang maglaro
ng Blur.

Nilingon ko si Klare at nakaaligid sa kanya sina Erin. Paano ko ba siya


mapupuntahan ng kami lang dalawa? Nagustuhan niya kaya ang regalo ko?

"Eto oh." Sabay bigay ni Azi ng joystick para makapag laro ako ng Blur.

Palabas pa lang kami ay agad na akong tumira kaya basag ang sasakyan niya sa
screen. Tumawa ako at lumingon ulit kay Klare.

�Good night, boys!� Sabi ni Chanel.

�Ang K-KJ niyo naman? What�s up?� Umuupo si Rafael at sinimangutan si Chanel.

�We�re exhausted.� Wika ni Erin.

"Nag hang." Ani Azi at agad pumunta sa harap para tingnan kung ano ang problema sa
Xbox.
Nilingon ko si Klare at pinanood ko ang pag iwas niya ng tingin sa akin. What is
it? Ayaw niyang mahalata kami? I know, Klare. Kaya nga dumidistansya din ako.

"Okay, bye! Good night!" Ani Chanel at agad hinila si Klare patungong kwarto niya.

Saan ako matutulog ngayon? Mukhang doon yata sina Chanel at Erin matutulog sa
kanyang kwarto ah? Well, just for tonight, maybe, I'll sleep on the guest room?

Inabala ko ang sarili ko sa paglalaro. Nagdala din ng Absolut si Josiah kaya habang
naglalaro kami ay umiinom din. Panay ang tingin ko sa cellphone ko. Baka may plano
si Klare? Maybe she'll get out of her room once our girl cousins are asleep?

Nagtype ako ng text dahil hindi ako mapakali.

Ako:

Merry Christmas, Klare.

Limang minuto ay hindi siya nag reply. Nagkakatuwaan kaya sila?

Ako

I miss you.

Nahuhulog na ang mga mata ko pagkatapos ng isang oras ng pag inom. Panay na ang
tawanan namin dahil sa mga walang katuturang bagay.

"I have a Red Room of Pain, girls! Come with me!" Sabi ni Azi dahil sa frustration
niya sa mga babaeng ayaw masaktan pero mahal ang isang sadistang lalaki.

Hindi ko alam kung saan niya napulot iyon but I think it's a popular book. Alam din
kasi iyon ni Rafael.

"That was my gift for Klare on her eighteenth birthday. They said it's a good read
pero 'yon nga lang, not suitable for young readers." Kumindat si Rafael at uminom
ng shot.
Gumapang ang init ng katawan ko sa aking pisngi. Whatever that book is, I don't
think it's suitable for Klare.

"Tingin mo nabasa niya na?" Tanong ko nang di na napigilan ang sarili. "What's that
book all about? Sex?"

"Dirty, hard sex." Tumango si Rafael.

Nanliit ang mga mata ko at sa puntong ito ay pakiramdam ko nakalimutan kong pinsan
ko si Rafael. I just suddenly want to punch someone's face!

"Bakit mo binigyan ng ganon si Klare?" Pasigaw kong sinabi.

"Easy, bra." Ani Azi sabay tawa. "High blood."

Nagulat ako sa reaksyon ko. Hindi ko maisip na babasahin iyon ni Klare.

"Elijah naman, parang di gawain. Klare is a normal girl, she's not your caged
animal. Talagang dadating siya diyan." Iling ni Rafael.

"She's not that kind of girl, Raf." Mariin kong sinabi.

"Well, she's not a saint." Ani Damon.

Nilingon ko si Damon at kumunot na lang ang noo ko habang pinapanood siyang umiinom
ng shot. Tinampal ni Rafael ang dibdib ko.

"Calm your tits. Talagang nababaliw ka pag si Klare ang pinag uusapan." Sabi ni
Rafael at tumayo.

Nagulat ako sa sinabi niya. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong kumuha siya
ng tubig. Kinalma ko ang sarili ko. I need to stop overreacting. Pumikit ako ng
mariin. I just can't imagine it.

Kinuha ko ulit ang cellphone ko at mabilis na nag type.

Ako:

Tulog na kayo?
And again, there was no reply. Siguro ay pagod sila? Siguro ay tulog na siya?
Tumunog ang cellphone ko at buong akala ko ay si Klare na ang nagrereply pero
nagkamali ako. It's a message from Ate Yasmin.

Ate Yasmin:

Ej, Skype or Facetime please? Merry Christmas!

Nagtype ako ng message sa Viber. Tatanggi sana ako at sasabihin kong busy ako pero
narealize kong pasko ngayon at kailangan ko silang batiin nina Mommy at Daddy.
Binati ko na sila kaninang umaga pero iba pa rin 'yong ngayon.

Tumayo ako at pumunta sa kusina nina Klare. Nagpaalam ako para makapag Skype kay
Ate Yas.

"Merry Christmas, Ate!" ngiti ko sa kanya.

"You're not busy?" Tanong ni Ate sabay taas ng kilay.

"Nope. Naglalaro lang kami. Dito kami matutulog kina Klare. She's already asleep.
Hindi ako makakatulog sa kwarto niya ngayon kasi nandon sina Erin." Medyo wala sa
sarili kong sinabi.

"Are you drunk, Ej?" Medyo nawala ang ngiti ni Ate.

Hindi ko naman mapigilan ang mas lalong pag ngiti ko. "I'm not."

"So... Uhm... Sino bang binigyan mo nong Aspial?" Nagtaas ulit siya ng kilay.

Ngumuso ako. "Pano mo nalaman na bumili ako ng Aspial?"

"Sabi ni Kuya Just. Tsaka nasa... accounts mo rin. Pinabili mo raw kay Kuya
Justin?" Niyakap niyang mabuti ang kanyang jacket.

"Yeah, ate. Malamig ba dyan?" Winala ko ang mga tanong niya.

"Yup. It's winter and we miss you here, Elijah. Do... you have a girlfriend now?
Perhaps nasundan si Gwen?" Ngumiti siya.

Kinagat ko ang labi ko. I don't wanna lie but I will need to. Masaya ako kasama si
Klare ngayon at gusto kong manatili itong ganito. Ang plano ko ay unti unti naming
sasabihin sa parents namin. Syempre, uunahin ko si Tito Lorenzo. Hindi siya
mahigpit at mabuti siyang ama kay Klare kaya paniguradong maiintindihan din niya
iyon kalaunan.

"Wala, ate." Pagkasabi ko non ay tumikhim siya.


"Then good. May irereto ako sa'yo, Ej-" Pinutol ko siya.

"I'm not interested, Ate. I'm fine." Sabi ko. "Don't worry, I'm not gay." Tumawa
ako.

"Loko! Pero totoo. It's just... this girl is nice, hot, pretty, and I think bagay
kayo. Next month, baka bilhan ka ng tix ni mommy at daddy patungo dito. They are
not happy kasi di ka dito nag Christmas. Dito ka na lang daw mag aral para tuwing
pasko ay-"

"Ate, mahal ang ticket lalo na pag Christmas lang naman ang ipupunta ko. And I'm
fine here in the Philippines. Second year na ako and just another two or three
years, gagraduate na. Chill." Ngiti ko.

Nawala na ang ngiti sa kanyang mukha. "Well at least entertain my friend for me.
'Yong irereto ko..."

Huminga ako ng malalim. Palagi niya itong sinasabi sa akin nitong mga nakaraang
araw. "I need to go, Ate. Tinatawag na ako nina Azi." Sabi ko. "Merry Christmas."
At binaba ang tawag niya.

I felt bad. Paskong pasko ay ganon ang inasal ko. Ate would understand. Ganon naman
talaga ako. Tsaka ayoko ng pinapangunahan ako sa mga gusto ko. I love my sister but
I can't tell her all my secrets. Bumalik ako sa sala at nagtatawanan na silang
lahat dahil sa laro.

Halos matigilan ako nang nakita kong may message pala si Klare sa akin. Papaupo,
tinitigan ko ang mga salitang siya mismo ang nagtype.

Klare:

Merry Christmas, Elijah! Matulog na tayo. I'm exhausted. Thanks for your gift. I
hope you liked mine.

Of course I like your gift. Binigyan niya ako ng itim na jacket tulad nong jacket
na meron siya. Mahilig siya sa ganon kaya madalas ko siyang bigyan din ng ganon.
But I'll be happier of we were together tonight. Damn!

Pinagpatuloy namin ang inuman hanggang sa makatulog na sa gabing iyon. Kinaumagahan


ay tinanghali kami ng gising. Nasa sofa ako nina Klare at naghihintay na magising
siya. Hindi parin siya lumalabas ng kwarto. Pabalik balik kong tiningnan ang
kanyang kwarto, baka sakaling bigla siyang sumulpot.

Nagbiruan na lang kami ni Azi habang kumakain. Nakita kong lumabas si Claudette sa
kwarto ni Klare at sumunod naman agad siya. There goes my Klare... Hindi ko
mapigilan ang kaba. Medyo namamaga pa ang mga mata niya siguro dahil sa pag
ooversleep. Hmmm. I want to sleep with her. Hindi ko mapigilan ang pagngiti.
Nahagip niya ang titig ko kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

Damn it, baby. You look so hot in the morning!

Ngumiti siya sa akin at nag iwas agad ng tingin. Hindi kami nag usap. She's
unusually silent today and I wonder why. Maybe she's still exhausted? Hindi ko alam
pero hahayaan ko muna siya.

"Bye, Klare. See you sa party?" Sabi ko at nagtaas ng kilay sa kanya.

Nag iwas siya ng tingin. "Yeah, see you." The way she turned her back at me felt
weird. Something is off, I'm sure of that.

Hinawakan ko ang earring ko habang nag iisip at pinipindot ang car alarm.

"Elijah, maaga ako mamaya." Sabi ni Azi.

Tumango ako at sumalampak sa driver's seat. There's something wrong with Klare.
Kinuha ko ang cellphone ko at nag text na kaagad.

Ako:

I really, really miss you baby. Hope I can spend time with you soon.

Tinitigan ko ang text ko kay Klare. Hindi ako makapaniwala na nababaliw na talaga
ako. Naghihintay ako sa wala. Panay ang pabalik balik ng tingin ko sa screen para
lang i check kung may text ba siya o wala habang nag dadrive ako.

"Fuck!" Sigaw ko nang bigla akong nagpaharurot kahit naabutan ako ng red light.

Kinuha ko ulit ang cellphone ko habang nasa traffic.

Ako:

Baby, I'm not being clingy, but I miss your texts :'(
Hinawakan ko ang labi ko at tinitigan ulit ang huli kong text. Klare, please reply.
At least let me read your thoughts.

Sa byahe pauwi ay inisip ko kung ano ang nagawa ko? Binigyan ko siya ng hairclip na
galing sa Aspial. Anong meron don? Nag freak out ba siya dahil sa gift kong iyon?
That's not even a ring, why would she freak out? Dahil ba sa price? May ginawa ba
akong mali? Wala naman akong maalalang tinext na babae?

Tiningnan ko ang inbox ko at halos wala akong nirereplyan kundi siya. I'll check my
Facebook. Where did I effing go wrong?

Ako:

Baby are we cool?

Nilog out ko na ang Facebook ko. Walang meron doon. Kailangan ko na bang ibigay sa
kanya ang password ko? Nagdududa ba siya? Fuck it! What's wrong? Kinakabahan tuloy
ako.

Klare:

Sorry, Elijah. I'm busy. Naghahanda lang para sa party.

She replied! Oh she's just busy. Yeah, she's just busy. I need to calm down.
Mabilis na akong pumasok sa shower para mawala na 'yon sa utak ko. I got it bad,
baby. I'm sorry. If I was your target, then you hit me, bull's eye.

Now I'm suddenly concerned about the shirts I'll wear for this night's party. Lagi
siyang nag iiwas ng tingin. I need to do something para dumikit ang titig niya sa
akin.

Dumating na ang mga kaibigan namin at iilang mga pinsan. Nag enjoy na lang muna ako
habang nag hihintay kay Klare. Nang dumating siya ay hindi ko ulit siya malapitan.
Masyado siyang nakadikit sa mga pinsan namin.

Dahil sa bahay ginanap ay naging abala ako. Welcome guests and check if everything
is alright. Nagkaroon pa ng mga laro dahil kina Chanel at isang kalabit na lang ay
masasabi ko nang may dalaw si Klare ngayon. She's unusually cold and not in the
mood.
Nakita ko kung paano siya nag iwas ng tingin nong kami ni Hannah ang nag partner sa
laro. Magseselos 'to! Ayokong mangyari 'yon. Ipapatalo ko na 'tong laro namin ni
Hannah. Mamaya pag hindi na masyadong halata na sinadya ko.

Mabilis akong tumungtong sa newspaper. Imbes na makatayo ng maayos ay pinulupot ni


Hannah ang kanyang kamay sa aking leeg kaya napahawak ako sa kanyang baywang.
Nilingon ko kaagad si Klare. Nawalan yata ako ng dugo sa mukha dahil sa panlalamig
nito. Nakita kong nag walk out siya kaya mabilis ko siyang sinundan. I left the
game! Tinawag ako ni Chanel pero binalewala ko iyon.

Not now, baby Klare, please? Ayokong mag away tayo. Hindi ngayon, hindi rin pwedeng
bukas.

"Klare?" Kinatok ko ang pintuan ng bathroom namin.

"Yup? Elijah, bumalik ka na don. I'm peeing." Aniya sa normal na boses.

No. You're lying, baby. I know you. Hinilig ko ang noo ko sa pintuan at pumikit
ako. Nanikip ang dibdib ko. Ang katotohanang sinusubukan niyang maging maayos ang
pakikitungo sa akin ay mas lalong nakakakaba.

"Klare, baby, are we okay?" Hindi ko mapigilan ang pagkabasag ng boses ko.

Hindi siya nagsalita ng ilang sandali. "What are you talking about? Of course we
are okay!"

"Then please, open the door, Klare. I want to see you." KInalabog ko ang pintuan ng
CR. I need her to damn open the door because I can't do this. I can't pretend that
I'm fine when I'm not. Hindi na ako sanay na ganito siya sa akin. Dahil kahit anong
gawin ko, nararamdaman kong may mali talaga.

"Umiihi ako." Nanginig ang boses niya.

"I'm waiting." Sabi ko at patuloy na pumikit at sinasandal ang ulo sa pintuan. I'm
damn smitten and I don't care if you think I'm crazy, Klare.

"God, Elijah! Please?" Humikbi siya.

Nanlaki ang mga mata ko at tiningnan ko ang kabuuan ng pintuan. I can open this
alone. I'm pretty sure of that. What the hell is happening, Klare?

"Klare..." Pumikit ako para kumalma. "Naririnig ko ang mga hikbi mo. Open the
goddamn door or I'll push this!" banta ko.
"Elijah..." Humikbi ulit siya. "Give me a minute, please."

Kinalma ko ang sarili ko. Isang kalabit na lang at wala na akong pakealam, sisirain
ko talaga itong pintuan!

"Don't open the door! Masasaktan mo ako. Humihilig ako sa pintuan ngayon." Sabi
niya.

Fuck.

"Okay, baby." Sabi ko pero iniisip na na kumuha ng keys.

"Elijah? Anong nangyari?" Tanong ni Claudette. Nakita ko si Rafael at Azi sa likod


niya at wala akong pakealam.

"Uuwi na si Klare, diba? Ihahatid ko na?" Ani Rafael, nakasimangot sa akin.

"What? No! Just... please can you leave us?" Ani Elijah.

I don't care anymore. Screw everything. Malaman nila. Malaman nila na baliw ako kay
Klare. Bahala sila kung tanggapin nila iyon basta ang mahalaga sa akin ay maayos
kami ni Klare.

"Elijah, tara na nga. Nag hihintay na si Hannah sa'yo don." Sabi ni Azi sabay tawa.

"Azi, will you just fuck off?" Sigaw ko.

"Huh? Anong meron? World War 4? 5? 6? 7? 8? Whatever?"

Umalis din sila nang sinabi ni Claudette. Nag pasalamat ako dahil talagang
masusuntok ko na ng tuluyan si Azrael pag di siya tumahimik. Ayokong magkagulo. I
just want to talk to Klare and feel good. Is that too much to ask?

"Klare? Are you jealous? May nagawa ba akong mali ngayong gabi? 'Nong nakaraan? Did
I hurt you?" Sabi ko sa pintuan.

"Elijah, sinong nasa labas?" Tanong niya sa loob.

"I'm alone. C-Can I open the door?" Tanong ko habang pinipihit ang door handle.
Parang may liwanag sa isipan ko. Please let me open the door, Klare.
"NO! Stay there. Gusto ko lang na marinig mo lahat ang sasabihin ko. Elijah, we
need to stop."

Narinig ko iyon pero hindi ko kayang tanggapin. I'm sure she didn't mean it. She
was so crazy in love with me, she can't just walk the fuck away!

"Come again, baby? I heard you wrong." Malambing kong sinabi.

"DAMMIT, ELIJAH! I said I want us to stop!"

Umiyak siya sa loob. Naramdaman ko rin ang mga luha sa mga mata ko. I can't do
this.

"Di kita maintindihan, Klare." Sabi ko. "Klare, open the door." Kinalabog ko ng
malakas ang pintuan. "Baby, you are just jealous. Take that back-" I completely
lost it. Lahat ng pagpipigil at pagkakalma ko sa aking sarili ay nabitiwan ko na.

"No! I'm not! Hell, I'm not! This is my decision! Itigil na natin ito. Please,
itigil na natin ito. Silang lahat, masasaktan natin! This is wrong from the very
beginning! Mali na tinolerate ko ang damdamin mo! I'm sorry!"

"Klare, it doesn't matter-" Frustrated kong sinabi.

"It doesn't matter to you! But it matters to me! Stop being selfish! Let's face the
effing truth! Mag pinsan tayong dalawa! Bawal magmaghalan ang mag pinsan ng ganito!
This is all forbidden! I can't... I can't fight for you! I can't fight for us!"

"Dammit!" Sigaw ko at tinulak ko ang pintuan.

FUCK IT! YOU CAN'T FIGHT FOR ME? We'll I can fight for the both of us! I just want
you to love me back! That is all I ask! LET ME FIGHT FOR US! Let me do this! As
long as you're with me, I can do anything, Klare. Naman! Klare! Kayang kaya ko kaya
wa'g na wa'g kang susuko! Hindi mo alam kung anong makakaya ko para sayo kaya wala
kang karapatan na sumuko! Mahal na mahal kita! At hindi ko alam kung ano ang
gagawin ko pag sumuko ka sakin!

Nabuksan ko ang pintuan. Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang basang basa ang
pisngi ni Klare sa luha. Parang binabaliktad ang sikmura ko sa sobrang kaba at
takot.

"We can't be seen or heard, Elijah!" Tatakas sana siya pero hinarangan ko. Tinulak
ko siya pabalik sa loob at sinarado ko ang pinto.

"Klare, ano 'yang sinasabi mo? Why give up now? We can fight together-" I can fight
alone as long as you're beside me!
"Elijah! We can't! Yes! Oo! Inaamin ko, we can fight, but we can't fight forever!
At mas lalong hindi ko kayang labanan natin ang ating mga pamilya! For heaven's
sake they are all we have!"

I'm fine when I have you, Klare. Oo! Mahal ko ang pamilya natin at hindi ako
naniniwala na tatalikuran nila tayo just because of this crazy thing. I still
refuse to call it a mistake! What mistake can make me feel so happy and alive?
Hindi ito pagkakamali!

At kung itatakwil man kami ng pamilya namin, kaya kong mag sakripisyo. Damn, I'll
get a job! I'll give up all my gold cards and get a job. Bubuhayin ko siya, not in
abundance but with much love. All the love I can give her. I can imagine it. I can
imagine Klare living a simple life with me. I don't mind. I don't need the cars and
the riches my family can give. I only need her. Kung mahal ako ng pamilya ko, they
will accept that. Pero kung hindi nila 'yon matatanggap ay hindi rin ako
manunumbat. This is a scandal. Yes. And it will break their hearts. But I need them
to know how much I'm willing to risk just to make us happen. Hindi ako natatakot.

"Klare, let's tell them now. Sina mommy at daddy? Kung hindi nila tayo
maiintindihan at itatakwil nila tayo, then we'll face the consequences!"

"Can you hear yourself, Elijah? What do you think are the consequences? Naisip mo
na ba ang mga iyon?" Sigaw niya sa akin.

My heart sank. I'm willing to risk everything but she's not willing to do the same.

"Klare, oo! Tingin mo ba bago ko tinanggap na mahal kita, hindi ko naisip iyon?
I've been thinking about everything from the very beginning! I'm not dumb or
shallow, Klare! Hindi ko ipaparamdam sa'yo na mahal kita kung hindi ko iyon naisip!
Pero sigurado ako! I am this sure! So what the hell is your problem with me now?
What's not enough? Am I not enough?" Nanghina ang boses ko sa huling mga tanong ko.

Pinunasan niya ang kanyang luha. Humakbang ako palapit sa kanya at hinawakan ko ang
kanyang mga siko kahit na agad niya namang hinahawi ang mga kamay ko.

"Baby, what's wrong? Am I not enough?" Bulong ko.

Tinulak niya ako at agad akong napaatras.

"No. It's not enough." Diretso ang tingin niya sa akin.


Nalaglag ang panga ko. Nanghina ako at hindi ako makapaniwala na galing iyong
masasakit na salitang iyon sa labing sinasamba ko.

"I want you gone, Elijah." She said firmly.

Hindi ko alam kung ilang beses pa nabasag ang basag ko ng puso. This is cruel,
baby. You are damn cruel.

For the love that I can't afford to lose but still lost it anyway, for the girl who
made my heart race but broke it into more pieces possible, for the family I loved,
and for the boy I was before I went away... this is for you.

"Cheers!" Tumatawa ako habang nasa bahay ni Kuya Justin. Malamig at sobrang ingay
namin dito. Iba-ibang camera ang nag ci-click sa bawat segundong lumipas.

This is my second Christmas in the U.S, simula nang umalis ako ng Pilipinas.
Kumindat si Selena sa akin bago uminom sa kanyang shot glass.

"I can down 20 shots of tequila, Ej. Are you sure you want to do this still?"
Aniya.

"Sure! 40 bucks per shot." Kumindat ako pabalik at napatingin sa Christmas Tree na
kulay Gold at Red. May naaalala ako pero pinilig ko ang ulo ko.

And to the memories that still linger inside my head... and my heart... Hindi ko
alam kung ano ang gagawin ko sayo. Itatapon ba kita o hahayaan diyan sa loob?

Ngumiti ako. Hindi ako ang mag dedesisyon niyan. Dalawang taon ko na 'tong
tinatapon, pero buhay na buhay parin.

Lucky, Klare. She wanted me gone, and I made her wish come true. I want her gone
now, but she couldn't do the same. Hindi ko siya maalis sa sistema ko. I hate that.
I hate that cousin.

Kabanata 18

Deal
Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Hindi ito ang unang pagkakataon na hinalikan
ko si Selena. Her lips tasted like cherry and metal at the same time. Tumigil ako
sa paghalik at agad kong pinunasan ang labi ko gamit ang aking daliri para
matanggal ang lipstick niyang pula.

Pinanood niya ako. Huminga siya ng malalim.

"Ej, I like you. I think I'm falling for you." Sabi niya.

Natulala ako sa kanyang mga mata. Hindi ako maghuhugas kamay, I am responsible for
her feelings. First few months ko sa US, galit at lungkot ang naramdaman ko. Went
to school but all I do is fail the tests and pick fights. 'Yong mga pinsan ko na
nga lang ang tumutulong sa akin.

Bukod sa pag aaral ay sinusubukan ko ring magtrabaho. My mom didn't want me to


work, though. Kaya kung hindi ako nagtatrabaho ay kumukuha pa ako ng extra classes
at pumupuntang gym kasama si kuya Justin at 'yong girlfriend niya.

Kilala ko na si Selena noon pero hindi kami close. Nakasama ko lang siya sa gym
tuwing wala si Kuya Justin at minsan sa extra classes ko. She isn't hard to get
along with. 'Yong mga nirereto ni Ate Yasmin sa akin 'yong mahirap pakisamahan.
Selena isn't clingy, annoying, or boring.

We share common interest: gym.

Sa mga oras na wala akong makausap at sobrang miss ko na si Klare, si Spike ang
sinasabihan ko. If he really did love Claudette, paano niya nakayang mahiwalay kay
Claudette ng ganito ka tagal? I can't understand him.

"We communicate." Aniya.

Hindi ko pwedeng tawagan si Klare. It's forbidden. And besides I don't think her
mind will change. Ni hindi ko nga nabago ang isip niya nong umiyak at nagmakaawa
ako sa harap niya. What more kung nandito ako sa malayo?

"Why don't you call her?" Nagtaas ng kilay si Spike.


"Call her? It's forbidden." Sabi ko.

"Nothing stopped you before, Ej. Ngayon ka lang yata natakot."

Hamon ni Spike iyon para sa akin. Tinitingnan ko ang Whey sa harap ko. Ang hirap ng
ganito.

Takot lang talaga ako na baka saktan niya ulit ako. Iyon talaga ang totoo. Gustong
gusto ko siyang kausapin pero ang sakit sakit nong ginawa niya. 'Yong tipong mahal
niya naman ako, pero may problema siya kaya hindi pwede. 'Yong tipong, andyan na
pero di mo maabot kasi siya mismo ang naglalayo sayo nito. Her love for me wasn't
enough. I'm not enough. Kulang pa 'yong panunuyo, pagsusumamo, at pagmamahal ko.
Naniniwala ako na sa isang punto sa buhay mo, you'll find someone worth the risk.
And I wasn't that guy for her. She was that girl for me. And I'm so afraid that she
might be that only girl.

Sinabi ko lahat kay Selena. Hindi siya nagreklamo. She listened but she never said
anything against my decisions or even Klare's decisions.

"Ang astig mong mag mahal." Aniya sabay ngiti.

Kahit anong party ko kasama ang mga kaibigan namin ay hindi ko parin makalimutan
lahat ng naiwan sa Pilipinas. Kahit 'yong lamig ng gabi, 'yong alak, 'yong mga
kanta sa bawat bar ng napupuntahan namin.

I cared for Selena. She was my fall back, my friend. Klare won't risk anything for
me. I want to love again but I'm not ready. Ayokong magkamali. Ayokong saluhin lang
siya dahil mahal niya ako. Right now, wala akong maisip kundi si Klare parin at
sana balang araw ay makalimutan ko na siya. Pero balang araw pa lang 'yon. Dahil
ngayon, hindi ko pa siya nakakalimutan.

My smile faded. I can't say it back. But it's my fault why she fell. I opened up to
her. Ni hindi ko man lang inisip kung ano ang naging dulot ko sa kanya. I used her.
She was cool. Pero ngayon, narealize kong hindi ganon. She wasn't cool. She was
bottling up all her feelings and I will fail her.

"I'm sorry, Ej. Di ko dapat sinabi 'yon." Mangiyak ngiyak siya habang tinalikuran
ako.

Selena! I want to call her. For what? Hindi ko rin naman masusuklian 'yong
pagmamahal niya. Pumikit ako ng mariin at tinanggap ko ang maingay na music galing
sa mga stereo ng apartment.

Maingay ang mga kaibigan namin dahil sa party. Nagtatawanan sila at nakikita ko si
Kuya Justin na medyo lasing na sa tabi ng kanyang girlfriend.

"Ej, where's Selena?" Tanong ng isa sa mga kaibigan namin.

Umiling ako at hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin sa mga tao. She entered her
room, I guess. Gusto ko siyang sundan but I don't want another mistake. I was cruel
to her. I'm a jerk... Useless asshole. Merry Christmas, Elijah!

"May lipstick ka niya dito." Sabay turo sa kanyang labi.

Pinunasan ko ang labi ko at huminga ako ng malalim. Bago pa ako nakapag isip ay
narinig ko si Ate Yasmin na panay ang kwento tungkol sa Pilipinas gamit ang lasing
na tono.

"Let's plan a trip! OMG Palawan! Nakuu!" She's drunk. Now I need to take care of my
sister.

"Ate, let's go." Sabi ko sabay kuha sa kanyang kamay na nasa ere.

"Elijah, stop being a dick, please! Go and get Selena back. Stop ruining the
night!" Sabi ng isa naming kaibigan.

"Kung sana ay hindi lang talaga umalis si Elijah don, baka noon pa ako nakarating
ng Palawan! God, I badly want that vacation."

"Would you rather go to Palawan or Maldives, Yas?" Humalakhak ang isa pang kaibigan
namin.

Hinila ko si Ate at matalim niya akong tinitingan. Tiningnan ko kung ano ang ininom
nila, Smirnoff and Sullivan's Cove, great! She's gonna puke all over the car.

"Palawan syempre. It's more fun in the Philippines! Plus, gusto ko talagang bumalik
sa Cagayan de Oro. I want to live there, you know! Kung sana ay hindi lang 'to
linayo si Elijah sa Cagayan de Oro."

"Ate..." Hindi namin sinasabi sa lahat kung ano ang dahilan kung bakit nilayo ako
kaya ngayon kailangan ko na talaga siyang pigilan o masasabi niya iyon ng wala sa
oras.

"At pagkaalis niya? Nalaman na anak sa labas pala 'yon?" Tumawa si Ate Yasmin.

"Ate..." Sabay hila ko ulit sa kanya.

Ilang sandali ko pa nakuha 'yong sinabi niya. Anak sa labas? What? Gumagawa ba ng
kwento si Ate Yasmin? Tumigil ako sa pag hihila sa kanya at hinayaan ko siya sa mga
sasabihin niya.
"Anak sa labas 'yong pinsan namin. Hindi siya Montefalco. She's chinita not because
her mother is, but because she's half chinese. I don't really know. Pure blood,
half blood? May ganon ba? Parang Harry Potter lang? I guess na mix na rin naman
siguro sa mga Pinoy 'yong dugo nila that's why I don't know why they call
themselves pure-"

"What is it, Yas? I don't get it, really. I think you're drunk." Tumawa ang isang
kaibigan nila.

Napaatras ako. Is that true? Is that possible? Hindi totoo 'yon! Anak sa labas si
Klare? Sinong? Hindi siya Montefalco?

Lahat ng tanong sa aking utak ay nagkabuhol buhol. Nanghina ako. Napaupo ako sa
sofa at natulala.

Nakita kong tumitig si Kuya Justin kay Ate Yas. Luminga linga siya at nagpasalamat
ako sa mga pinsan kong sumasayaw sa dancefloor kaya di ako nakita ni Kuya Justin.

Mabilis at marahas na hinablot ni Kuya Justin ang kamay ni Ate Yas at agad niyang
dinala sa sulok ng apartment. Pumiglas pa si Ate Yas at panay ang mura niya kay
Kuya Justin.

Nagtago ako sa mga sumasayaw at sinikap kong makinig sa pinag usapan nila.

"I told you to stop talking about that! Marinig ka ni Elijah!" Mariing sinabi ni
Kuya Justin. "Lagot tayo kay Dad!"

"Oh Kuya! Hindi mo pa ba nakikita si Elijah at Selena? They look so good together.
Naka move on na si Ej and stop being so dramatic. Your brother can't be that
smitten with our cousin. He got over it. Get over it too!" Sabi ni Ate Yasmin.

"Eh kung marinig ka niyang nagsasalita ng ganyan, do you think di siya magagalit
satin? Nilihim natin 'to sa kanya!" Mariing sinabi ni Kuya Justin.

Hindi ko matanggap. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang mag isip. Si Klare na
anak sa labas? Anong hirap ang dinanas niya? Na wala ako! Na wala ako! Elijah,
don't start this. Akala ko ba tapos na 'to. Stop blaming yourself! She pushed you
away kaya kasalanan niya kung bakit wala ka don!

But fuck pag naiisip kong umiiyak siya! Umiiyak siyang mag isa. Naiirita ako sa
sarili ko. Bakit ako lumayo? Bakit ako lumayo sa kanya? Hindi pwede 'to!
"Hindi maiiwasan 'yon. Malalaman din 'yon ni Elijah. Uuwi siya ng Pilipinas para sa
business. I'm sure he'll find out soon." Sabi ni Ate Yasmin na wala sa sarili.

"Stop it! Uuwi siya ng Pilipinas, oo, pero baka sa sunod pang mga taon. Hindi pa
naka move on 'yong kapatid mo. Kasi kung naka move on na siya, dapat matagal ng
steady ang relationship nila ni Selena!"

Bago pa nila malaman na nakikinig ako ay umalis na agad ako. Umuwi ako ng mag isa.
The next day I told them Selena and I had a row so I went out.

Pero ang totoo ay nag register ako sa Facebook at Instagram ulit. Her accounts
weren't there anymore. Hindi ko alam pero hindi ko mahanap. Nakita ni Selena ang
account ko kaya in-add niya ako. I confirmed her request and she gave me a beep.

Selena: I'm sorry, Ej. Really. :) Are we cool?

Nakita ko lahat ng account ng mga pinsan ko. Walang bakas ni Klare sa kanila. Nag
deactivate ba siya? Hindi ko alam. Siguro oo? Klare Montefalco isn't on Facebook.
Not Until I found few familiar friends... Hendrix Ty's profile picture was with
Klare!

Sobrang pribado ng kanyang account at hindi pa ako ina-accept sa gabing iyon. I


searched for his brother. Pierre Angelo Ty appeared and I saw Klare's whole face as
his profile picture. Naka skateboard at mahaba na ang buhok. She looked thin at
tumangkad din siya. Nanginig ang kamay ko. Are they together now? Pero bakit si
Hendrix, may picture din ni Klare? Nag away ba 'yong magkapatid dahil sa kanya?
Fuck! At sinong nanalo?

Pierre Angelo Ty accepted my request. I clicked his profile picture and there... I
saw it... Klare Desteen Ty, tagged on his picture.

Fuck?

Dalawang oras kong tiningnan lahat ng mga picture niya. Walang bakas ng pagiging
Montefalco. Hindi ko alam kung nasaang bahay siya at nasaang lugar. She changed a
lot. I saw her video, 'yong nasa Dance Studio siya. Ang dami kong nakita at hindi
ko na alam kung kanino ako magtatanong.

I went to Josiah Travis' profile, Azrael Ian's, Erin Louisse's, wala akong makitang
bakas. Nang nakita ko kay Claudette ang comments ni Klare ay don ako namalagi.
Claudette Jamila Montefalco: I'm missing...

Klare's comment: I miss you, Clau.

Fuck, baby. I miss you too. Tumindig ang balahibo ko. Hindi ko maiwasan ang
paninitig sa kanyang mga salitang nakatype doon.

Claudette: I miss you, too. :( Di tayo nagkikita masyado sa school.

Klare: :( See you soon.

Bakit di sila nagkikita sa school? Ni click ko ang profile ni Klare. Ang kanyang
profile picture ay siya kasama ang dalawang Ty. Naka akbay siya sa dalawang lalaki
at hindi ko alam kung maiinis ba ako o manghihinayang. Pero habang tumatagal ay
napagtanto ko, Klare Desteen Ty, Hendrix Ty, Pierre Ty.

"Holy shit..." Sambit ko at ilang beses pang natulala sa kakaisip.

Paano nangyari 'yon? I want to know everything! I want to know what happened! Kelan
lang 'to? At paano nangyari ito? Matagal na ba ito? Bakit hindi na siya Montefalco?
Bakit niya tinalikuran ang apelyido namin? Tinalikuran niya ba ang apelyido namin?
Hindi niya dad si Tito Lorenzo? Sino ang dad niya, 'yong daddy nina Pierre at
Hendrix? Sino ang kanyang ina? Fuck! This is confusing me!

Nanghina ako. Paano nakaya ni Klare tanggapin ang lahat ng ito? Was this real? Is
this true?

Pumikit ako at nakita ang chatbox kung saan may nakabukas na message galing kay
Selena. Ginulo ko ang buhok ko at pabalik balik kong binuksan at sinarado 'yong
chat niya.

I am Klare's man. I will always be. I don't want to regret anything.

Ako kay Selena: It's okay. I like you too.

Mabilis siyang nag reply.


Selena: Are you kidding me, Ej? Stop it. It's not funny.

Ako: I like you, Selena. Let's take this slow? Let's see if we'll click as a
couple.

FUCK! I've done it! Nalagpasan ko na siguro ang pagiging gago ni Azrael at Josiah!
Klare Montefalco or whatever her name is right now put a spell on me. I'm going to
get her whatever it takes.

Kung mahal niya pa ako, kukunin ko siya pabalik. Kung hindi niya na ako mahal,
gagawin ko ang lahat mahalin niya lang ulit ako.

"Hindi ko talaga mapigilan ang pag ngiti. Do you really mean it, Ej?" Tanong ni
Selena pagkatapos ko siyang imbitahan sa dinner kasama si mommy at daddy.

Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya.

spinner.gif

"Elijah." Tawag niya habang inaayos ko ang sintas ng sapatos ko.

"Yeah." Napatingin ako sa kanya.

Her eyes were full of yearning and adoration. I feel so guilty. She loves me. I
love her but not the way I love Klare. I love her as my friend. I appreciate her
presence. At hindi ko alam kung paano niya ako mapapatawad sa ginagawa kong ito.

"Of course, I mean it, Selena." I kissed her lips.

Hinila ko siya dahil hindi na ako makapag hintay na malaman ng mga magulang ko.
Dahil hindi na ako makapag hintay na makauwi.

Nag iwas ako ng tingin sa kanya at naalala ko ang halik ko kay Klare noon sa
airport. It was both my heaven and my hell. Heaven because her lips took me to the
skies. Hell because her words sent me to the depths.

I remembered how flustered I was while boarding the plane. I can't forget her kiss.
At hanggang ngayon, sabik parin ako don. Sabik na sabik. What it feels like to kiss
her again? What it feels like if she kisses me back? How am I going to handle that?

"Elijah, I trust you're serious with Selena?" Nagtaas ng kilay si dad habang
tinitingnan ako.

Hinawakan ko ang kamay ni Selena. "Yes, dad. I'm wondering if we can build a house
or something?"

"Whoa! Whoa!" Tumawa si daddy.

Nilingon ko si Selena at ngumiti siya sa akin. Guilt didn't last. I am that driven.

"You still need to run our business, Elijah. Balik ka munang Cagayan de Oro." Sabi
ni daddy.

That was my cue!

"Well sure. I'll be glad to run the business, dad." Hell yeah.

Nginitian ko si Selena. Ngumiti siya sa akin pabalik.

"Shall I book you a ticket, Ej? April? Will that be fine for you?" Tanong ni daddy.

Ang tagal pero hindi ako tatanggi. I want to see Klare so badly. I want to see her
in front of me! But I will surely need to pretend that I'm with Selena!

Napawi ang ngiti ni dad. Naglalaro sa isip ko kung kelan niya sasabihin sa akin na
anak sa labas si Klare o kung sasabihin niya ba.

Tumikhim siya at uminom ng red wine na nasa harap namin. Ang tanging narinig ko ay
ang music galing sa violinist...

"What if makita mo si Klare?"

Kumalabog ang puso ko na para bang totoong makikita ko na si Klare. Tumawa ako para
mapigilan 'yong kaba ko.

"Klare's my cousin dad. I've learned from my mistakes. I'm with Selena right now."

Nagtaas ng kilay si daddy. Tahimik si mommy pero napatingin ako sa kanya nang medyo
malungkot ang kanyang mga mata. "Pano kung bigla kong marinig na nag break kayo.
Nako, Ej! I don't want to do this over again. Nandito ka because she's not good for
you. You're not good for her. You two grew up together and that's bad for our
family. That's a sin-"

"Dad, dad, chill. Hindi ko 'yon magagawa. We share the same blood. That won't
happen again. That was... puppy love." Tumawa ako.

"A strong one at that." Singit ni mommy.

Napatingin si Dad sa kanya.

"Well, tito, may tiwala ako sa nararamdaman ni Elijah para sa akin." Tumawa si
Selena.

Nanatili ang titig ko kay Daddy. No you won't stop me, dad.

"What if you two are not related? Would you leave Selena for Klare?" Tanong ni
daddy.

Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko inasahan 'yon pero mabilis akong sumagot para
hindi niya mahalata.

"Of course not! Kahit na sabihing ampon siya ngayon. It's been two long years dad.
Two long, long years." Sabi ko at tumikhim.

Pinanood niya pa ako lalo sa likod ng kanyang salamin. "I trust you. Don't break my
trust, Elijah. You two look good together. I'll call Selena's grandma and tell her
Selena will come with you?"

Shit?

"Sure, dad. Sa Cagayan de Oro. Pwede ngang sa bahay na siya tumira pansamantala."
Sabi ko para mas lalo siyang makumbinsi.

"Hindi papayag 'yong lola niya, Elijah." Tawa ni dad. "We'll try."

"Try niyo po, tito." Halakhak ni Selena.

"I'm glad you're okay now, son. Thank you, Selena." Sambit ni daddy.

"Walang anuman po." Ngumiti si Selena.

Tinitigan ko ang wine sa harap ko. Namamanhid na ako. Wala na akong pakealam kung
sinu sino ang masasaktan ko. Sa oras na sabihin ulit ni Klare sa akin na mahal niya
ako, dire diretso na ang balik ko sa kanya. I will never give this up again. I will
risk my life for this. I will risk my life for her.

"I trust you, Elijah. Sa oras na malaman ko na may nangyayaring hindi maganda, I'll
send you back here or maybe I'll plan out your wedding." Biro ni daddy.
"Wala, dad. Trust me." I am going to break the trust of my own father.

Sumikip ang dibdib ko. Tinitingala ko ang dad ko noon at hanggang ngayon. Pero ano
talaga ang magagawa ko kung ito talaga ang magpapalaya sa akin? Ganon parin pala
talaga. Kaya kong talikuran ang pamilya ko noon para sa kanya, hanggang ngayon
kayang kaya ko parin. Siya parin talaga ang una at tangi kong gusto. For this
lifetime, God, I ask for her.

"Okay then we have a deal. I'll get you your tickets. And yes, Selena's going with
you. We'll have to talk again, Elijah. Next week siguro." Sabi ni dad.

At sa totoo lang, wala akong pinag sisisihan sa lahat ng ginawa ko. Kahit na
tinakwil ako at nasaktan kay Klare at para kay Klare, magpapatuloy parin ako.

Nanginig siya habang hinahalikan ko ang kanyang panga. She looks so cute and
adorable. I can't stop kissing every inch of her skin. God, she's my drug, my
addiction.

"Hmmm. Klare, how do you feel about this?" Bulong ko sa kanyang balat habang
hinahalikan ko siya.

Kinagat niya ang kanyang labi at mas lalo pang nilahad sa akin ang kanyang leeg.
Fuck!!! Mabilis na ang hininga ko at ilang mura na ang naitawag ko ng palihim sa
aking utak. I am going to pee in my pants if she continues acting like this!

"Do you like how this feels?" Tanong ko habang tumitindig na ang balahibo ko.

Ano kaya ang nasa isip niya sa bawat halik ko sa kanyang leeg? Nakikiliti ko ba
siya? Am I making her... shit! Nakita ko siyang pumikit at half open na ang kanyang
bibig.

"Baby?" Bulong ko, nanghihina. "Do you like this?"

Kabanata 19

Kisses

"I don't want to hurt you, Selena. I got my tix. I'm free. I'm sorry for being an
ass." Sabi ko habang nag iimpake.

Ayokong maging masama sa kanya pero kung ito ang kailangan kong gawin para
maintindihan niya ang ginawa ko ay kailangan kong saktan siya. At isa pa, saktan ko
siya ngayon o sa susunod na pagkakataon ay pareho lang din iyon. Parehong
masasaktan ko siya.

"Ej, Ej..." She sound frustrated. Well, I was too.

Sising sisi ako dahil pinaasa ko siya. Sising sisi rin ako dahil umasa ako na
makakalimutan ko si Klare.

Ang tanging gusto ko lang naman ay ang magkaroon ako ng tahimik na buhay. Why can't
I just fucking date anyone and like it at the same time? Don't get me wrong, I
liked Selena. But some likes are just passing. Iyong tipong maganda ngayon, mamaya
hindi na. And it's disappointing. Why can't I make myself like anyone without
thinking about Klare.

"Ej, please..." Umiyak si Selena at hinawakan ang kamay ko.

Kinurot ang puso ko nang napaupo siya sa sahig at sobrang sabog ang kanyang buhok
sa pag hagulhol. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Hindi ko na ito maigalaw para
makapag impake pa ng tuluyan.

Lumuhod ako para maglebel kaming dalawa.

"I can't stay here, Selena. I'm sorry." Kinagat ko ang labi ko.

Kung sana ay kaya kong piliin na lang siya. Kung sana ay hindi na lang ako ganito
ka baliw kay Klare ay sana hindi na mahirap 'to. I don't want to regret this
forever. Ayokong dumating ang panahon na magkikita kami ni Klare at huli na ang
lahat. Siguro ay araw araw sa buhay ko ay mag iisip ako kung ano ang pakiramdam
kung si Klare nga ang nakasama ko. I don't want that. It would kill me.

"Ej, I swear di ka rin makakalapit sa kanya. Your Ate Yas told me na pag nag break
tayo sa Pinas ay agad kang pababalikin dito!" Aniya.

"Damn, they can't do that. That's not their decision. Anong gagawin nila pag ayaw
ko? Ikukulong nila ako at isasakay sa eroplano?" Umiling ako.
"Elijah, please. You know you need me. You needed me last month, last year. Para
makalimot. And you will need me again right now! You need me! Kahit pretend lang!
Makakatulong ako, Ej." Sabi niya at pinanood ko ang pamamaga ng kanyang mga mata
habang lumuluha.

Naramdaman ko 'yong sakit na naramdaman ko nong hiniwalayan ko si Gwen. It hurt


seeing her hurt. Naisip ko ulit na hindi ko na talaga gagawin ito. Hindi na ako
magkakamali sa ibang babae.

Hinaplos ni Selena ang aking pisngi. Hinawakan ko ang kamay niya.

"I'm sorry." Mahinahon kong sinabi.

"Please, I believe in you. Nakalimutan mo na si Klare. Makakalimot ka ulit sa


kanya. Hindi mo pa siya ulit nakikita! Tingin mo pag nakita mo siya, ganyan parin
ang nararamdaman mo? It's been two years and you need me. You need me bad. You need
to have me!"

I can never forget her. That's the truth. Ito 'yong ilang beses ko nang isinugal at
pinusta sa sarili ko. At sa mga taong iyon, hindi ako kailanman nanalo. Hindi ko pa
kailanman nakalimutan si Klare. Kinainisan at kinamuhian, oo, pero nakalimutan?
Hindi.

"You will need me, Ej. I swear it. Babalik ka ng U.S. Masasaktan si Klare! Mas lalo
siyang masasaktan this time! Dahil sayang kasi pwedeng ipaglaban pero hindi
nangyari kasi mas importante sa kanya ang pamilya niya ngayon! She was a wreck,
right? She was devastated! At tingin mo pipiliin ka niya? Hindi ka niya pipiliin!
She will hold on to whatever's left of her family. Trust me, Elijah." She cried.

No, Klare will choose me. She will choose me this time. I will make her choose me
this time.

Sumalampak ako sa sahig at nanghina nang napagtanto na baka hindi. Baka tama si
Selena. Baka hindi niya ako piliin kasi ako ang dahilan. Ako ang dahilan kung bakit
nasira ang pamilya. Ako ang dahilan kung bakit nawala siya sa mga Montefalco.
Siguradong hindi siya masaya sa mga Ty. Sigurado ako doon. At ang mga Montefalco
ang kakapitan niya. She needs the trust of our family. I can't ruin this for her.

Nilingon ko si Selena. Pinunasan niya ang kanyang luha.


"Ej, isama mo ako sa Pilipinas." She said again.

And I can still remember how I felt the first time I laid my eyes on her. Titig na
titig ako sa kanya ngayon habang nilalaro ang whiskey sa harap ko.

"Isa pang JD, sir?" Tanong ng bartender habang inaayos ko ang sarili ko dito sa
high chair.

One more move, Klare and I'm going to break their bones.

"Yes, thanks." Sabi ko nang hindi binibitiwan sa tingin si Klare.

She looked weak and fragile. Hindi ko iyon makalimutan. Habang kumakanta siya ay
pakiramdam ko kahit anong oras ay pwede siyang mabasag. Natatakot akong mahawakan
siya dahil baka ako mismo ang makabasag sa kanya. But when she smiled, she lit up
the whole room. Na para bang wala siyang pakealam sa akin, na hindi siya kailanman
nasaktan sa pag alis ko, na kontento siya sa buhay niya ngayon, na nagpapasalamat
siya dahil lumayo ako. It's a scary to think that she's forgotten me.

Now that she knows all about my secrets, mas lalong nakakatakot. Siya ang
magdedesisyon kung wawasakin niya ba ulit ako sa pangalawang pagkakataon o
tatanggapin na ng buong buo.

No, Elijah, she's gonna break you into more pieces you can ever imagine. See?

Pagkahawak pa lang nong Vaughn na 'yon sa kanyang baywang ay nilapag ko na agad ang
shot glass na nilalaro at nag tapon ako ng pera sa mesa. He's not going to score.
Kahit na hindi ko alam kung ano talaga ang iniisip ni Klare ay hindi ko kayang
hayaan siya na ganito! Not while I'm alive!

"Shit!" Sigaw niya nang inilayo ko siya kay Vaughn. "Elijah!"

Galit na galit ako! Bakit niya hinahayaan ang sarili niya na makasama si Vaughn at
ma tsansingan pa ng ganon? Ganon ba talaga? Wala bang halaga 'yon sa kanya? She
changed a lot! I would literally sacrifice anything just for a touch like that and
now, kaya niya palang ibigay sa iba nang walang kahirap hirap? Who is this Vaughn
and why was he allowed to touch her like that?
Oh yes! Maybe because he won't give her bad goosebumps. Palagi ko siyang nabibigyan
ng ganon dahil tuwing hinahawakan ko siya, naiisip niyang magpinsan kaming dalawa
at hindi maganda iyon. That's incest!

Diretso ang tingin ko kay Vaughn na agad nagkamot ng ulo. Iniisip ko tuloy kung
paano ko sisimulan ang pagbugbog ko sa kanya.

"Sorry, dude. Sinasayaw ko lang ang pinsan mo-"

Damn he made it worse. "She's not my cousin."

Pinaalala niya sa akin ang bagay na ayaw kong maalala. It's true, hindi ko pinsan
si Klare pero siguro ay iyon parin ang iniisip ni Klare hanggang ngayon. Nanginig
ang braso ko dahil sa kasabikan nitong manuntok.

Hinawakan ni Klare ang braso ko at hinila niya ako. "Elijah, let's go."

Damn it! Kumunot ang noo ko at nag kuyom na rin ang bagang. I'm not going to let
Klare stop me from punching anyone who touches her!

"Sumasayaw lang naman kami. Don't be ridiculous!" Ani Vaughn.

Susuntukin ko na sana siya ngunit hinawakan ni Klare ang kamay ko at hinila niya
ako paalis doon. Damn! Isang hawak, isang hila lang ang katapat. Napapasunod niya
agad ako. Because I was hoping I could get her alone and talk to her! Because I was
hoping that she would comfort me. That she would fix me!

"Don kayo dumaan!" Napatingin si Claudette sa kamay ni Klare na nakahawak sa kamay


ko.

Hindi ko alam kung magsasalita ba siya sa mga pinsan namin o ano. I was hoping she
wouldn't say anything about us. Tinulungan niya kami noon at sa palagay ko ay kaya
niya ulit kaming tulungan ngayon.

"Klare?" Vaughn croaked.

Nilingon ko siya at mas lalo lang nag alab ang galit ko. The jerk would not stop.
He couldn't understand that this girl is mine!
"Vaughn, sorry. "Badtrip siya and probably kinda drunk. Next time." Hinila ulit ako
ni Klare.

Hindi ako nagpatinag hanggang sa sumigaw si Claudette. "Come on, motherfucker!


Klare didn't bitchslap Selena when she got jealous! Get your shit together or
you're both screwed again!"

Mabilis akong hinila ni Klare palabas sa back door ng Lifestyle District. Kinalma
ko ang sarili ko habang kinausap ni Claudette si Klare.

"You've got an hour. Balik kayo dito pagkatapos bago pa sila maghanap." Ani
Claudette at agad ng umalis papasok sa loob.

Fuck! Anong ginawa ko? I lost my grip again!? Buti at hindi kami nakita kahit nino!
Buti at wala si Erin doon kung hindi ay baka may mangyari na namang masama!

Sinuntok ko ang concrete wall sa gilid sa sobrang galit sa sarili. Namanhid ang
kamay ko at agad akong bumaling sa nanlalaking mga mata ni Klare.

"I'm sorry, Klare." I said.

I need to freshen up, Elijah. Pwedeng punta muna tayo sa sasakyan mo?" Kalmado
niyang sinabi.

Tumango agad ako at kinalma pa ulit ang sarili ko. Hindi ko talaga kayang pigilan
ang sarili ko. Kahit na alam kong makakasira sa aming dalawa ang pagpapadalos dalos
ko ay hindi ko parin kayang tanggihan ang sarili ko pag galit na ako!

We went inside my Chevy. She's wet. I hate foam parties... Basa din ako ngunit
hindi kasing basa niya. Her hair's wet and her shirt's all wet. Tinanggal ko ang
sleeveless ko at nilagay ko iyon sa likod.

Hinawakan ko ng mariin ang manibela ko at narinig kong pumasok siya sa front seat.
Nasa likod kasi siya kanina. She doesn't want to talk to me. Pero ngayon ay
tinabihan niya na ako ngayon dito at hinawakan niya agad ang kamay ko.

Nilingon ko ang kamay niya at namataan ko 'yong dugo sa aking kamao. What? Hindi ko
iyon namalayan kanina. Namanhid 'yong kamay ko sa panununtok kaya hindi ko man lang
iyon naramdaman. Binawi ko ang kamay ko galing sa kanya.
"Akin na 'yong kamay mo. Gagamutin ko." Aniya.

Mas lalo kong hinigpitan ang aking pagkakahawak sa manibela. Dapat ay hindi. God, I
swear I'm gonna fall for her again and again. Please, don't make me fall for her
even more. I'm fine feeling this stupid. I don't want to make it worse.

"Give me your hand, Elijah." She sounded pissed.

Fuck it! This was not my decision. Isang ganon, bigay agad. Just so great, right,
Elijah? Fucking great!

Kinalas ko ang kamay ko at binigay ko ito sa kanya. Pinunasan niya ito ng wet
tissue. Pinanood ko siya at mabilis ang takbo ng puso ko.

"Sorry kasi di ko mapigilang mag selos. Klare, pinipigilan ko pero nagseselos


talaga ako." Paliwanag ko dahil sa takot na magalit siya sa akin.

Wala siyang sinabi. Oh Jesus, this is great! Patay ako kay Klare. She's probably
very angry. Hindi na siya makapag salita sa sobrang galit.

"Klare, I'm not good with this pretend thing. I can't help it." Sabi ko sabay kagat
sa labi.

Nag angat siya ng tingin. "So what do you suggest?" She's pissed. I knew it!

I suggest we'll tell them again and just run away. May pera na ako and I can buy
you our own house, baby. May business akong iniisip kasama si Hendrix at meron don
kami ni Rafael. We can... make this happen for us.

But this shit is going to scare her. Iisipin niyang obsessed ako sa kanya at
pinaghandaan ko itong lahat ng mabuti. It's true but that's not good! Dapat ay
hindi niya malaman! I don't want her to run because she's scared of me. She's
scared of my feelings.

"I know. I'm sorry. Ito lang ang paraan diba. I need to... do this." Pumikit ako ng
mariin.
Naramdaman ko kung paano humaplos ang mga daliri niya sa aking kamay. It felt so
damn good. Tumindig ang balahibo ko at nairita ako sa sarili ko. Bakit ako ganito
ka apektado sa simpleng mga galaw niya?

And I am very jealous because Vaughn gets to touch her freely. I want to touch her
too. I want to touch her so, so bad. I want to touch her without hesitations. I
want her so bad. I want her.

"Fucking shit!"

Kinuha ko ang kamay ko at mabilis kong sinalo ang luha ko. I am smitten and I don't
know how to escape this thing. May paraan ba? Ang tanong, gusto ko bang makawala?
Kasi kahit na nasasaktan ako, kahit na ganito, ayos parin. Maramdaman ko lang si
Klare kahit konti, ayos na ako. Kaya ko parin.

"I'm sorry, Elijah." Ani Klare.

"Baby, it's not your fault." Tumingin ako sa labas at kinalma ko ang sarili ko.

Elijah, you stupid. Stop crying like a little girl. I wish I could stop the
physical pain I'm feeling.

"Sorry kasi nasaktan kita. W-Wala naman 'yon, Elijah. Vaughn is just my friend-"

"Yeah. And you can be together. Walang hadlang sa inyo." I stopped myself right
there.

Oo, Klare, walang hadlang sa inyo. Maghalikan kayo sa harap ko, walang aangal kasi
wala naman kayong issues. Ako lang ang aangal at natatakot akong titigil ka nga sa
pag halik kasi naaawa ka sakin! Kasi alam mong baliw ako sayo! Kasi alam mong ikaw
lang ang para sakin! Ayoko ng ganon. Thinking about it hurts like a motherfucker.
And I should stop thinking because thinking could not take me anywhere.

"But I don't want him, Elijah." Aniya, nakatingin siya sa akin.

Sumulyap ako sa kanya at pinakawalan ko ang naramdamang pagsakit ulit ng dibdib.


It's a good kind of pain. Iyong tipong magpapakamasokista na lang ako para
maramdaman lang iyon ng paulit ulit. . "Really? Coz I don't think you want me too.
Ni hindi mo kinumpirma sa akin na mahal mo ako."

Tumunganga siya sa akin. Like I'm some puppy who crossed the line and now I can't
eat my damn bone.
"Sorry, baby. I'm sorry for that. Just forget it." Sabi ko at pinanood ko ang
reaksyon niya. Kumunot ang kanyang noo at nakita ko kung paano pumungay ang kanyang
mga mata habang tinitingnan ang labi ko.

Kinagat ko ang labi ko at pinanood kong mabuti ang galaw ng mga mata niya. Nang nag
angat siya ng tingin ay medyo nataranta siya.

Tumingin din ako sa kanyang labi. It's half open. Like it wants to be kissed
tenderly. And I am so going to hell for this. She's going to slap me hard for this.
Swerte lang iyong first passionate kiss ko sa kanya sa airport. Ngayon, hindi na
pwede.

"Baby..." I hissed.

Bumagsak ang tingin ko sa kanyang collarbones habang nilalapit niya ang kanyang
sarili sa akin. Napatingin din ako sa kanyang kulay pink na labi at pinaawang ko
ang labi ko para papasukin siya doon.

She kissed me once but that wasn't enough for me. Akala ko ba kahit isang beses,
Elijah? What happened to that?

"Klare, are you sure about this?" I whispered.

Dumilat siya at tumingin sa akin.

"Do you want me to kiss you?" Nagtanong ulit ako.

Nag iwas siya ng tingin. Did she change her mind? Kasi hindi pala niya kaya? Well,
thats a good idea for you Klare. Because, to tell you frankly...

"If I kiss you some more, there will be no hope for me. I am not going to get over
you anymore."

A small smile touched her lips. "I'd like that."


Oh fuck. I am gonna explode right here in front of her. She kissed me tenderly.
Pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko. This is the moment I have been waiting
for ever since. Iyong mahalikan ang labi niya. Hindi ko lang iniisip kung malambot
ba ang labi niya dahil ngayon ay nararamdaman ko na. And I couldn't get enough. I'm
scared that I won't stop. I'm scared that I'm going to break her purity. Because I
want it so bad. Because I need her so bad.

"Getting over you isn't possible anymore, baby." Bulong ko at mas lalo ko siyang
hinalikan ng mariin at malalim.

But because I love her, I will need to stop! Okay, I need to stop!

My hands are all over her. Iyong isa nasa likod, at iniisip ko na basa siya at
kailangan niya ng spare tee shirt ko. At iyong isang kamay ko ay nasa hita niya.
Damn, she needs more clothes, stupid Elijah! Stop kissing your girl and give her
some clothes!

Dumilat ako para sana pigilan na siya sa paghalik ngunit hindi siya matigil tigil.
She got drunk on my kisses. My baby is drunk coz of my kisses. Kinagat ko ang labi
ko at napuna ko ang kanyang mga kuko na nasa aking likod. She's digging her
fingernails in my back!

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa likod ko at tinanggal ko ito doon.

"Your fingers want me so much." Ngumiti ako.

Nag iwas ulit siya ng tingin na para bang gusto niyang ibahin ang usapan.

"What's your tattoo?" Tanong niya para makawala.

"Hmmm. Just tribal and some hebrew." Bulong ko.

Tumango siya at tiningnan ang braso kong may tattoo patungong likod. "Anong
nakalagay sa hebrew?"

"Love is war. I am your soldier." Bulong ko.

Tumunog ang aking cellphone. Halos mapamura ako sa inis. True, we need to stop this
thing para makabalik na ng Cagayan de Oro, but I was too happy to stop. That was
months ago, bago pa ako tuluyang nabaliw na lang kay Klare. At nandito na ako
ngayon, I'm finally with her. Sa wakas ay dahan dahan na kaming natatanggap ng mga
pinsan ko. That's enough for me. I'm perfectly happy. No one can take this
happiness away from me.

spinner.gif

"Elijah, answer your phone." Naiilang na sinabi ni Klare dahil sa ingay ng tunog.

Isang beses ko pang hinalikan ang kanyang labi bago ko inabot ang aking cellphone.
Kung hindi ito importante ay papatayin ko talaga ang tumatawag.

Nang nakita ko kung sino ang tumatawag ay umiling ako at agad itong sinagot. It's
Azrael.

"Azrael, ano?" Sabi ko.

Umalingawngaw ang kanyang tawa. �Fucker. You try to kiss my cousin inside your
Chevy and make her feel cheap, I�m gonna punch you straight, Elijah!�

Nanlamig ang kamay ko. Napatingin ako kay Klare. Inaayos niya ang kanyang sarili.
Cheap ba ang pakiramdam niya dahil hinahalikan ko siya sa loob ng aking sasakyan?

�Fuck you, dude. Thanks for ruining my moment. She will never feel cheap with me. I
will never make her feel that way, asshole.� Sabi ko.

�Sino �yan?� Tanong ni Klare.

�Azrael.� Sagot ko.

�Then drive! Naka convoy tayo! Nag stop over kami kasi nawala ka! Drive, asshole!�

Mabilis kong pinatay ang tawag at agad na pinaandar ang sasakyan. Makababa ako dito
at susuntukin ko talaga si Azi.

�Uhm, nagmamadali ka?� Klare asked.

Binalingan ko siya. Nakakunot ang noo ko at hindi ko magawang ngumiti. Naparamdam


ko ba siya ng ganon dahil hinalikan ko siya sa loob ng sasakyan ko?

�You angry? Uhm...� ngumuso siya.


Nagpatuloy ako sa pagdadrive at wala akong sinabi. Paano ko sasabihin sa kanya
�yong mga sinabi ni Azi.

�I�m still not a good kisser... I still don�t know how to kiss...� Medyo bigo
niyang sinabi.

�Baby, no-�

�Kaya ka nag drive. Kaya ka tumigil...� She concluded.

Halos masira ko ang manibela sa sobrang kaba sa mga sinasabi niya. Kinailangan kong
mag park ulit kahit na tanaw ko na ang mga sasakyan nina Azi sa di kalayuan. Klare
wants my kiss and I�m deeply bothered.

�Klare, I don�t want to make you feel cheap. You know, kissing inside the car...�
Nakahawak pa ako sa manibela.

Nakita kong pumula ang kanyang pisngi at dahan dahang tumango. �Oh... O-Okay, I�m
sorry.� Now she�s shy.

Dammit, baby. Damn it. Just... how?

Kabanata 20

Back

Mabilis ang patakbo ko. Huli sa apat na sasakyang dinala ng mga pinsan ko. Klare's
asleep and I'm trying so hard to stop myself from watching her sleep. Nakita kong
nag vibrate ang cellphone ko. Nasa screen ko ang pangalan ni Knoxx. Sila siguro
'yong nasa unahan.

"Yeah." Sagot ko, nakatoon ang atensyon sa kalsada.

Humikab si Knoxx. "Kain tayo sa Maramag? O Valencia? What do you think?"

"Sa Valencia na. Hanap tayo ng restaurant o fastfood doon. Mahirap sa Maramag."
Sabi ko.

"Alright. Malapit na rin naman. Fastfood na lang tayo para di na magtagal."

Mabilis pinatay ni Knoxx ang linya. Sumulyap ako kay Klare na tulog parin. I'll
wake her up later. Siguro ay gutom na ito.
Ilang minuto pa ang lumipas bago kami nakarating ng Valencia City. Bumagal ang
takbo ko. Ganon rin sina Knoxx. Lalo na't dumadami ang sasakyan dahil nasa isang
syudad kami.

Gumalaw si Klare ng bahagya. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong inangat niya
ang kanyang ulo. Sumulyap ulit ako at nakita ko ang pagkusot niya sa kanyang mata.

"You awake, baby..." Sabi ko at pinagpahinga ko ang aking kamay sa kanyang tuhod.

Kinagat ko ang labi ko habang mas lalong binabagalan ang takbo nang nakitang lumiko
ang Hilux nina Knoxx sa Jollibee.

"Asan na t-tayo?" Luminga siya sa paligid.

"Valencia City." Sabi ko at niliko na rin ang sasakyan ko para mag park sa
Jollibee.

Halos sabay sabay kaming lumabas sa aming mga sasakyan. Sabay rin kami ni Klare.
Tinatali niya ang buhok niya at pinanood ko siyang pumasok sa fastfood. Siniko ako
ni Azi at humagalpak siya sa tawa.

"Pagod much?" Naglalaro ang mga mata niya.

"Huh?" Kinunot ko ang noo ko at hindi niya na ako hinintay. Pumasok na rin siya sa
loob ng fastfood.

Nakapila na si Klare sa counter at nakatingala sa mga pagkain. Kasunod niya si


Chanel at si Erin na parehong namimili.

"Klare, ako na lang dito. Anong gusto mo?" Tanong ko habang tumitingala din sa mga
pagkain.

"Ako na ang oorder." Sabi ni Klare nang di ako tinitingnan.

Napakamot ako sa ulo. Makikipagtalo pa ba ako? Medyo pagod ako sa byahe pero hindi
ako nagpapahalata sa kanya. Tumama ang paningin niya sa akin.

"Don ka lang sa upuan, Elijah. Ako na ang bahala dito. Rest." Mariin niyang sinabi.
"Oh. Okay." Sabi ko sabay bigay sa kanya ng wallet ko.

Tumingin pa siya sa akin. Hindi ko na siya pinagbigyang maibalik iyon. Dumiretso na


ako sa upuan kung nasaan sina Rafael at Knoxx.

"Sakit ng likod ko." Sabi ni Knoxx habang humihikab.

"Si Azrael na kasi ipag maneho mo hanggang Cagayan de Oro." Sabi ni Rafael.

"I can't let him drive. Remember Klare's birthday?" Ani Knoxx.

"Ano ka ba, ang tagal na non. And he was drunk."

"He's careless all the time."

Panay ang tingin ko kay Klare kaya naman ay tinulak ako ni Rafael na tumatawa.
Nilingon ko siya at umiling silang dalawa ni Knoxx.

"What are your plans now, Ej?" Rafael asked.

"Let's face it, the family wants you back but we're not entirely sure of their
approval. Alam mo 'yon. Maaaring gusto nila na bumalik na kayong dalawa ni Klare
pero hindi nila ito agad matatanggap." Sabi ni Knoxx.

Ngumuso ako. "I know that. We'll take it slow. Hindi rin naman sanay si Klare na
magpakita sa public na kami nga. And our friends would call it bullshit. I'm not in
a hurry anyway. We'll get there."

"What about your family? Nakausap mo na ba mga kapatid mo? Your mom or dad? Nong
umalis kami medyo malungkot ang mom mo. You should call, you know."

Hindi na ako nagsalita dahil nakita ko na si Klare patungo dito na may dalang
pagkain namin. Tumigil din si Rafael at Knoxx. Nandon na ang ibang mga pinsan namin
kasama ang mga pagkain.

Asaran at kulitan kahit pare pareho kaming pagod habang kumakain. Panay ang sapak
ko sa nang iistorbong si Azi. Klare's kind of uneasy. Siguro ay dahil nasa harap
namin sina Erin at Chanel na parehong nanonood. Hindi ko alam kung paano ko talaga
siya sasanayin.

"So... our friends... I think it's best to just shut up and not make a big fuss
about it?" Hindi makatingin si Chanel sa akin. "About your relationship."

Tumango ako at tumingin kay Klare na ngayon ay nakatingin kay Erin.


"Mas weird kung bigla nating iaannounce na mag on silang dalawa. Like us, kilala
din nila ang dalawa as cousins. We should take it slow." Sabi ni Erin.

"What bothers me the most is our parents. Ano ang gagawin nila?" Claudette said.

"They would understand. It's either they will or we'll all fight for it." Ani Erin.

Hindi ko alam pero nakokuntento na ako sa mga sinasabi ng mga pinsan namin. I know
Klare is also contented. Kahit na umalis kami ng Davao na magulo parin ay
nararamdaman ko na masaya siya sa bagong tungo ng mga pinsan namin. I'm happy too.
Kahit na sabihin kong masaya na ako pag kasama ko siya, syempre mas masaya parin
kapag nandyan din ang ibang taong mahal mo.

"Then after this, we can all party!" Sabi ni Azrael.

"Tumahimik ka, puro party ang nasa utak mo." Asar ni Josiah.

Tumawa na lang ako at sumali sa asaran. Klare's talking to Erin and Claudette. Girl
time.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa mga sasakyan. Hindi na inaantok si


Klare. Bumili pa kami ng makakain along the way. Nauna na naman sina Knoxx at huli
na naman ako sa pagpapaandar. Well, I don't care. Susunod lang ako sa kanila. I'm
kind of happy that I'm with her.

"You think matatanggap tayo ni tito Az?" She asked.

"Wala na siyang magagawa." I answered.

Alam kong natatakot siya kay Tito Azrael. Maging kay Tito Stephen. Si Tito Benedict
at Tito Lorenzo, parehong mukhang maayos lang. Suminghap ako nang naalala ang huli
naming sagutan ni Dad. That was too painful for me. Isang bagay lang ang hinihingi
ko pero hindi niya maibigay. And he called me a failure just because I wished for
that. I wished for their support.

"How about... your Dad, Elijah?" Nabasag ang boses niya pagkabanggit non.

Sumulyap ako at nilagay ko ulit sa kanyang tuhod ang aking kamay. "He will
understand. I will make him understand."

Hindi naman malupit si Dad. I'm just scared that I want him to accept us without
questions. Masyado akong ma pride para sagutin pa ang mga tanong niya. Gusto kong
pagbigyan niya ako ng diretso. Kaya naman nong tinanggihan niya ako bago ako umalis
ay hindi ko natanggap. I'll get Klare without his help but now we're going home.
Sisiguraduhin kong alam niya na hindi ko kailangan ng approval nino man. I'll have
Klare no matter what. Gustuhin man nila o hindi.

Ilang sandali ang nakalipas ay naramdaman ko ang pagtitig niya sa akin. Sumulyap
ulit ako. Nakita kong nakangiti na siya. Her sleepy eyes, sparkling.

"What?" Hindi ko napigilan ang pagngiti na rin.

"Gusto mo ako ang mag drive? You look tired." She seriously said.

At hindi ko alam kung dahil ba masyado akong hyper o ano ngunit iba ang
interpretation ko sa sinabi niya. My jaw dropped and I stepped on the gas, big
time.

"Y-You don't know how to drive." Sabi ko, nag aalinlangan.

Tumikhim siya. "Yup. You should teach me sometime. Para palitan kita pag ganitong
malayo ang mga byahe."

Umiling ako at kumunot ang noo ko. I should stop my thoughts. Hindi ko inasahan na
'yon ang sasabihin niya. "Nah. Wala akong tiwala. Natatakot ako para sa mga
mababangga mo." I chuckled.

"Ano? Kung turuan mo na lang kaya ako. I'm pretty sure mas magaling pa akong mag
drive kay Azi pag naturuan mo ako."

"Yeah because he sucks big time. Ang baba pala ng standard mo. You should make me
your standard."

Tumawa na ako nang tinampal niya ang aking braso.

"Nakakainis ka! Ba't niyo binubully si Azi. He drives okay. Wa'g lang 'yong lasing.
Kahit ikaw naman, ah? Pag lasing ka, pinapaharurot mo 'tong Chevy mo!" She pouted.

Can we stop here, baby. I want to kiss you.

"At least hindi nababangga. Hindi mo nakita 'yong Fortuner nila nong binangga niya.
Basag ang harapan." Tumaas ang kilay ko.

"Of course, binangga e. Kaya ikaw, wa'g na wa'g kang mag dadrive na lasing. I'm
gonna kill you." Aniya.

Ngumiti ako. "Hindi ako mamatay sa pagmamaneho. Mamamatay ako sa'yo."


Sumulyap ako sa kanya. Nakahalukipkip na siya at nakatingin sa akin. Hindi ko
mapigilan ang ngiti ko.

I missed her so bad. Kahit na nagkasama naman kami nitong mga nakaraang araw,
pakiramdam ko hindi kami nakakapag usap ng maayos. Pagkatapos niyang buksan ang
cellphone ko para kumanta ng ilang sandali ay nakatulog na agad siya.

Humikab ako nang naaninag ko na ang Cagayan de Oro. We're back! Pababa na kami at
tulog parin si Klare sa tabi ko. Halos papalubog na ang araw. Biglang nag vibrate
ang cellphone ko. Sinagot ko ulit at hininaan ang stereo.

"What..." Sabi ko kahit hindi alam kung sino ang tumatawag.

"Sino? Si Elijah na lang." I heard Erin's voice.

"No. Nalaman na ba na nagpunta tayo ng Davao?" Claudette asked.

Napatingin ako sa cellphone ko. Si Knoxx ang tumatawag. Is this a conference call?
Yep. I heard Josiah's voice.

"Hindi nila alam. Hindi ko alam kung sinabi ba ni Yas." Sabi ni Rafael.

"So Elijah should call." Sabi ni Claudette.

"I'll contact Ate Yas now. Umuwi na lang kayo sa bahay niyo-" Sabi ko na pinutol
agad.

"No way, dude. Papagalitan kayo, kasama kami." Azi said in a heroic tone.

"I'll drop the call. I'll call ate Yas and I'll call you back." Sabi ko at agad
pinindot ang cancel kahit na maingay parin sila.

Nilingon ko si Klare at mahimbing parin ang tulog niya. Buong playlist yata 'yong
kinanta niya kanina kaya ayan at pagod.

Wala pa sa contacts ko ang number ni Ate Yasmin kaya ang number sa bahay namin ang
tinawagan ko. Kung sino ang sasagot, I'm fine with it.

"Hello, Montefalco residence, good afternoon!" Sabi ni manang nang sinagot ang
telepono.

"Manang,"
"Hala! Elijah?" Halos magdiwang si manang sa tono niya. Hindi ko malaman kung nag
papanic o nagdiriwang.

"Nandyan ba si Ate Yas? Or Kuya Justin, perhaps?"

"Elijah! Asan ka po? Hinahanap ka! Dalawang buwan! Teka tatawagan ko-"

"Manang, calm down. Uuwi na po ako. No need to call anyone, I'll be there. Nasa
Cagayan de Oro lang po ako. I need to talk to Ate Yasmin."

"H-Ha? Wala po si Miss Yas dito. Pati ang Kuya Justin mo, wala."

Kumunot ang noo ko at pinanood ang pagliko nina Knoxx sa Lim Ketkai Drive.
Bumabagal ang takbo. "Asan sila? Pahingi na lang ng phone number niya. Nandyan ba
si mommy?"

"Wala rin." Halos hindi ko marinig ang boses niya nang sinabi niya iyon.

"Where are they?" Tanong ko.

Nakita kong pinark ni Knoxx ang sasakyan sa may Mcdo. Lumabas si Azi at Claudette
at pinanood nila ang pagsunod nina Rafael doon. Pareho silang nag stretching pag
labas. Pagod sa byahe. Habang nililiko ko naman ang sasakyan ko ay nakikinig ako
kay manang.

"Nasa Polymedic Medical Plaza po." She said.

"Ha? Anong ginagawa nila sa ospital?" Kumalabog ang puso ko.

Hell. What's happening?

"Tawagan niyo na lang po si Miss Yas. Bibigay ko ang number."

Tinigil ko ang sasakyan ko.

"What happened, manang?" Tumaas ang boses ko dahilan kung bakit nagising si Klare
sa tabi ko.

Tinanggal ko ang connector ng phone ko sa stereo. Nilagay ko ang cellphone ko sa


aking tainga at lumabas na para hindi ko maistorbo si Klare.

"Inatake sa puso 'yong daddy mo kagabi." Nag aalinlangang sinabi ni manang.


"Kritikal siya."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Tanaw ko pa ang mga pinsan kong
nagtatawanan at walang alam sa nangyayari. No way. What the hell happened at home?

Kabanata 21

I'm Sorry

"Elijah, sasama ako." Tawag ni Klare.

Halos isang minuto niya na itong inulit ulit ngunit hindi ko siya sinasagot. No.
She's going back to their house. Hindi ko siya pwedeng isama don. Ito ang unang
pagkakataong magpapakita ako sa pamilya ko pagkatapos kong umalis. Hindi ko alam
kung ano ang disposisyon nila. What if they're going to hurt her? No. Way.

"Hindi sinabi ni Yas, ah?" Ani Chanel habang may dina-dial sa kanyang cellphone.

Humilig ako sa aking sasakyan at pumikit. Walang imik ang mga pinsan ko. Parehong
nasa cellphone si Knoxx at Rafael. Hindi ko alam kung sino ang tinatawagan nila.

"Elijah..." Tawag ni Klare.

Dumilat ako at binalingan siya. She looks worried. This is all my fault. Kung sana
ay hindi ako umalis. Alam kong hindi healthy si dad. He's old and fragile. Dapat ay
hindi ko na siya binibigyan ng sakit ng ulo. Ang pag alis ko ay naging sakit ng ulo
para sa kanya. Especially that I handle most of our business. Wala na siyang
katuwang sa pagdadala non. The stress piled up and then...

"Klare, I'll drive you home." Sabi ko at agad pinatunog ang sasakyan ko.

"Elijah," Azrael called. "What's your plan?"

"Pupunta ako ng ospital. Ihahatid ko muna si Klare." Sagot ko at nilingon si Klare


na pinapanood ang bawat galaw ko.

"Uwi muna kami sa bahay, Ej. Magbibihis. Susunod din kami." Sabi ni Josiah, agad
kong tinanguan.

"Sasama ako, Elijah." Hinawakan ni Klare ang braso ko.

Umiling ako. "Kailangan mong umuwi. We'll see each other tomorrow."

"Gusto kong bumisita sa dad mo." She said.


Suminghap ako at hinarap siyang mabuti. "You need to go home. Hindi alam ng mommy
at daddy mo na umalis ka, kasama ko. We're not going to add fuel to this fire,
Klare."

Kinagat niya ang kanyang labi. Nagdadalawang isip siya sa kanyang gagawin. She
needs to follow me now. Ayaw kong magkabulilyaso dahil lang sa mga gagawin namin.
We will fight for our love, there's no doubt about that. Alam niya na iyon. I
assured her all my life. And I will never get tired of reminding her how much I
want to make this all work. For her.

Dahan dahang tumango si Klare. I'm relieved. Because I know for sure na kung
pipilitin niya ay pag bibigyan ko siya. Damn!

"Let's go." Hinawakan ko ang kamay niya at iminuwestra ko sa kanya ang front seat.

Nagpaalam ako sa mga pinsan ko. Susunod daw sila pagkatapos umuwi ng bahay. Wala na
ako sa sarili kaya tumango na lang ako sa lahat ng mga sinabi nila.

Tahimik sa pag dadrive ko pauwi kay Klare. Pinapanood niya ako. Sa lalim ng iniisip
ko ay hindi ko na siya masulyapan. Nang tinigil ko ang sasakyan ko sa tapat ng
kanilang bahay ay nilingon ko siya at hinawakan ko ang kamay niya.

"I'll call you later." Pinanood ko ang kanyang mga matang halos hindi makatingin sa
akin. "Klare." Tawag ko tsaka pa lang siya tumingin at tumango. "I love you."

Tumango ulit siya. "I love you."

Oh damn. Tinulak niya ang pintuan ko at agad sinarado. Nilagay ko ang kamay ko sa
aking noo bago binagsak sa manibela. Damn!

Inatras ko ang sasakyan at pinaharurot na iyon pabalik sa kalsada nang nasa


elevator na siya. Inisip ko ang kalagayan ni dad. Iniisip ko rin kung ano ang
iniisip ni Klare. Ang hirap hirap pag sabayin.

Pagka park ko ng sasakyan sa baba ng ospital ay halos takbuhin ko iyon doon


patungong tanggapan. May kausap pa ang mga nurse kaya agad kong tiningnan ang
cellphone ko para makita 'yong number na ibinigay sa akin ni manang kanina.

Pinagpapawisan ako ng malamig at kabadong kabado ako. Nilagay ko sa tainga ko ang


aking cellphone. Mabuti at mabilis na sinagot ni Ate Yasmin ang tawag.
"Hello, who's this?"

"Ate, si Elijah 'to." I said.

"Ej. Ej!" Una ay kalmado ngunit nabigla din.

Narinig ko ang pagsarado ng pintuan. I assume she's in his room or something?

"Nasa Polymedic, ako. Asan kayo? Tumawag ako sa bahay. Sinabi ni manang..." Hindi
ko alam kung ano ang mga idudugtong ko.

"ICU." That was it. She broke down and I'm pretty sure I'm at the edge too.

I cleared my throat. "Okay. I'll be there."

At pinatay ang tawag ko. Nagtanong ako sa nurse kung saan banda ang ICU nila doon.
Papalapit pa lang ako ay naaninag ko na kaagad si mommy, Ate Yasmin, at Kuya Justin
sa labas na para bang naghihintay sa pag dating ko.

Tumakbo si mommy patungo sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. Humagulhol siya
sa iyak ngunit imbes na tingnan ko siya ay nilingon ko ang malaking salamin na nag
paparte sa amin sa higaan ni daddy at ang labas. My jaw dropped. Kulay sky blue ang
nakapalibot sa kanyang kumot at may malalaking mga tube. Pumikit ako ng mariin.

"Where have you been? We were so worried!" Hagulhol ni mommy.

Parang pinipiga ang puso ko. Hindi ko alam kung kaya ko bang harapin si mommy. Nag
iwas ako ng tingin sa kwarto kung nasaan si dad. Hinawakan ni mommy ang magkabilang
braso ko.

"Ej, where have you been? Bakit di ka tumawag? 2 months! 2 months! We were so
worried! Your dad and I! Your Kuya and Ate, too." Ani mommy.

Hindi parin ako nakakapagsalita. Nilingon ko na lang si Ate Yasmin na umiiyak sa


upuan at si Kuya Justin na naka kuyom ang kamao na nakalagay doon sa salaming
bintana ng kwarto ni daddy.

"Are you okay? Sobrang nag alala ako, Elijah, sobra sobra! Don't do that again,
ever!" Naiiyak na sinabi ni mommy.
"I'm sorry." Sabi ko at bumagsak ang tingin ko sa kanyang mga kamay na ngayon ay
nakahawak na rin sa mga kamay ko.

Niyakap niya ulit ako. Iyon ang naging eksena sa sumunod na tatlumpong minuto.
Patuloy siya sa paulit ulit niyang tanong kahit hindi ko naman siya sinasagot sa
pagkakatulala ko sa nangyayari.

"How is he?" Iyon ang nagputol sa kanyang mga tanong.

Mas lalo lang humagulhol si mommy. Pakiramdam ko ay mawawasak na ang dibdib ko.
Nilingon ako ni Kuya Justin. Halong galit at pagod ang nakita ko sa kanyang mga
mata.

"He's not good, Elijah." Ani Kuya.

Ginulo niya ang kanyang buhok at hinarap niya ako. Hinawakan ni mommy ang braso ko,
hindi parin tumatahan. I want to comfort her but I need to be comforted too.
Especially that I think these are all my fault!

"He's better." Sabi ni mommy na nagpalito sa akin. "Kagabi, critical siya.


Unconscious. He's conscious now. Tulog lang." Sabi niya.

Nilingon ko si daddy na nakapikit. Medyo nahimasmasan ako ngunit hindi parin mawala
wala ang kaba.

"What happened?" Sabi ko.

"Tss. You know what happened. The stress piled up, Ej. He's stressed. Hindi halata
pero 'yon ang totoo. Good thing we are all here. Kung nasa US kami, sinong kasama
ni mommy?" Iling ni Kuya.

Nilingon ko si mommy para makapag tanong pa tungkol sa kalagayan ni dad ngunit


nagsalita na siya bago pa ako magtayo ng tanong.

"He's worried about you. It's been two months and we've been recieving news... you
know-"

"Impossible news. He's just over reacting." Sabay pikit ni Kuya. "This is my
fault!" Sigaw niya.

"Kuya..." Nanginginig na pigil ni Yasmin. "It's not anyone's fault."

"This is my fault!" Giit ko.

Napatingin si Ate at Kuya sa akin. It's like they knew it was mine but they didn't
want to accept it. They were both scared I'll run again.

"No, Ej. Kasalanan ko 'to." Giit ni Kuya. "Alam ko na kung nasaan ka nong sinabi ni
Knoxx sa akin pero hindi ko sinabi kay mommy at daddy, thinking I can help you!
Shit!"

"May mga nakukuha kaming leads sa isang lalaking napatay on the way to Surigao, in
Surigao, or anywhere near Cagayan de Oro. Suspetsa ng mga autoridad, ikaw 'yon.
Your dad and I are stressed out pero mas lalo na siya. And you know your dad, Ej.
He's old and he's not healthy anymore." Ani mommy, umiiyak parin.

Fuck! What? Ni hindi ko nakita ang mga rasong iyon! Ni hindi kailanman sumagi sa
isip ko na mag aalala sila ng ganon!

"Your dad is very worried. Ilang beses na kaming nakatanggap ng ganong balita this
month and when he received another yesterday..." umiling si mommy. "Our business is
also in chaos. Three ten wheelers vanished. Hindi niya alam anong gagawin para
mapasunod ang tatlo pa since they were all scheduled as you ordered."

"Vanished?" Napatanong ako sa gulat.

"Yes. He's guessing na may mga empleyadong nanggugulo na naman kaya he decided to
go to Surigao-"

spinner.gif

"By land, ma?" Napatanong ako at napapapikit ulit sa sagot. Damn it!

"Yes."

"And... nagkagulo don kasi ayaw ng mga tauhan masira 'yong scheduled deliveries.
We're exporting most of the goods and your client is big kaya without your
approval, they wouldn't let your father ruin the system."

Halos matulala ako. Hindi ko ma imagine kung paano iyon ginawa ni dad. He handles
the business ngunit hindi hands on. Ngayon niya lang ulit binalikan kaya siguro ay
nagulat siya.

"What about the managers?" I asked.

"They asked for millions, Ej. Para ma replace 'yong tatlong nawalang trucks so we
bought three new trucks instead. And then... there's another news about you-"
"Kasalanan ko 'to! Kung sana ay pinag aralan ko 'yong business!" Sabi ni Kuya
Justin at yumuko sa tabi ni Ate.

Hinaplos ni Ate ang kanyang likod. Nagpatuloy si mommy sa pagtatanong kung saan ako
nanggaling at saan ako nagtago.

"Nagpunta ako ng Surigao pero hindi ako nagtagal, mom. Sa Dynasty Court Hotel ako
nagstay. Because I don't think you'll find me there. I didn't want to be found."

Natahimik si mommy sa sinabi ko. Tinitigan niya lang ako, bigo ang kanyang mga
mata. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin. Gusto kong pumasok at tingnan
sa loob si daddy pero sa tingin ko ay ang makita ng malapitan ang mga makinang
nakapalibot sa kanya ay mas lalong pipiga sa puso ko.

"I know, son. You love her so much." Sabi ni mommy.

Tumango ako. "Very much."

Yumuko ako at niyakap si mommy dahil guilty'ng guilty ako sa mga nangyayari.

"I'm sorry, mom. Kung pinag alala ko kayo. I'm sorry for being so irresponsible.
I'm sorry kasi ganito ang nangyari sa kay dad. Mom, I love you and dad so much."

Umiyak ulit si mommy at niyakap niya ako ng mas mahigpit. "Really, Elijah?"

"Yes. Kahit na ganon ang ginawa ko ay mahal na mahal ko po kayo. Talagang ayaw ko
lang mawala si Klare. If I can hold both my family and Klare, then I will. I will
try. Pero mom, don't make me choose again. I'm tired."

Hindi ko mapigilan ang luha ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon.

"I'm sorry, Elijah. But... son... can you please make your dad happy. Or at least
stress free. Pag nagising siya, can you please stop telling him about Klare. I
understand that you won't give Klare up for anything. Even for us..."

Oh damn! Kinalas ko ang pagkakayakap ko kay mommy at hinarap ko siyang mabuti.

"You're not going to make me choose again." Mariin kong sinabi.


"No. What I'm saying is that... kung pu-pwede, pagkagising ng dad mo ay magpakita
ka lang sa kanya. Don't give him news about Klare and you. Nang umalis ka, he made
it clear that he didn't want you and Klare together. You know that. Nagkasagutan
kayo."

KInalas ko ang kamay ko sa kanyang braso ngunit hinawakan niya iyon.

"All I'm asking is for you to talk to your dad and avoid the topic. For the mean
time. At least when he's still recovering and we're still waiting for the doctors
feedback. Elijah, it would be a great help. Please help him with the business, too.
Your Ate and Kuya are scheduled to fly next week but we will cancel it because of
this. Please?"

NIlingon ko ulit ang kwarto ni dad. Pinanood ko ang pagtaas baba ng kanyang dibdib
sa paghinga. Dahan dahan akong tumango sa tanong ni mommy.

"Can I see him?" Tanong ko.

Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagtango ni mommy. Lumapit ako sa
pintuan at agad tinulak ang pintuan. Pagkapasok ko kinilabutan agad ako. This can't
be really happening, right? The person I look up to is lying here helplessly. My
dad is lying here helplessly. All my life, I thought this would never happen. Akala
ko palagi siyang nandyan para pagalitan ako sa bawat mali kong gagawin. Hindi ko
kailanman nakitang mahina siya. Ngayon lang. At iba ang pakiramdam na makita ang
taong hinahangaan mo na nakaratay at mahina, it's shaking my faith.

Narinig ko ang pagpasok ni mommy doon. Hindi ko siya nilingon. Umupo ako sa tabi ni
daddy at pinanood ang kanyang seryosong mukha na natutulog.

"Sabi ng doctor, maayos ayos na siya. Huwag lang siyang ma stress. Pag lumala ito,
baka kailangan niya ng surgery." Pumiyok ang boses ni mommy. "We might go to Manila
for further check up. Or heart rehabilitation. We will need experts, Elijah."

Kabanata 22

Stubborn

Umuwi si mommy. Ayaw niya ngunit iyon ang gustong mangyari ni Kuya Justin at Ate
Yasmin. Simula daw kasi nong naospital si dad ay hindi na siya umuwi ulit sa bahay.
She needs to rest. Ayokong magkasakit siya.
Nakapikit ako sa harap ng kama ni Dad. Nakalimutan ko na kung ilang oras na akong
nandito. I just want to be here. Gusto ko ay pagkagising niya ay ako kaagad ang
maaaninag niya. Hindi ko alam kung magandang ideya ba iyon. Hindi kaya mas lalo
lang siyang ma i-stress? I hope not. I want to say sorry. I'm sorry that this I am
all on this no matter what. Damn it! Hindi ko nga pala pwedeng sabihin iyon sa
kanya. I need to act normal.

Narinig kong bumukas ang pintuan. Batid kong umalis si Ate Yasmin pero hindi ko na
dinilat ang mga mata ko para tingnan iyon. Gusto ko lang magdasal na sana ay
magising na si dad at magkaayos na kami.

"Ej, our cousins are here." Sabi ni Kuya Justin.

Ni hindi ako natinag. Medyo naririnig ko ang ingay nila sa loob. Limitado ang mga
taong papasok doon at hindi sila pwedeng sabay na pumasok.

Iniisip ko kung sino ang nasa labas. Nandyan kaya si Klare? I want to talk to her.
I want to talk to her so bad. Kaya lang ay pinipigilan ko ang sarili ko. Gusto ko
maging maayos muna kami ni daddy. It's a punishment for myself.

"Di na lang daw muna sila papasok kasi baka magising si dad." Sabi ni Ate Yas nang
bahagyang binuksan ang pintuan.

Dinig na dinig ko ang pagsaway ni Rafael sa mga pinsan naming maiingay. Hindi sila
papasok? Mukhang mas mabuti nga 'yon.

"I'll go out. Elijah, labas tayo." Sabi ni Kuya Justin.

Hindi ulit ako natinag. Hindi ako tumango o umiling. Patuloy ako sa pagpikit at pag
salikop ng mga daliri ko. Yumuko ako at hinayaan na tumunog ang pintuan, hudyat ng
paglabas ng mga kapatid ko.

Hindi na rin ako hinintay ni Kuya Justin. Lumabas silang dalawa ni Ate samantalang
nandon parin ako sa loob.

Pagkagising ni dad, ano kaya ang sasabihin niya sa akin? Hindi ko babanggitin ang
tungkol kay Klare. At least not when he's here. Kailangan kong ayusin ang gulong
ito.
Hindi ko na alam kung ilang oras sila nasa labas. Hindi ako interesadong lumabas
dahil wala akong masasabi sa mga pinsan ko. I'm sure Klare's there. Pag nagkita
kaming dalawa baka manghina lang ako. Maghihintay ako hanggang sa magising si dad
bago ako makikipag usap sa kanya.

Bumalik ang mga kapatid ko at nilingon ko kaagad ang labas. Nakita kong wala na
doon ang mga pinsan ko. Umuwi na sila! Napabuntong hininga ako.

"Baka bukas, pupunta ako ng Surigao. Tingnan ko kung anong magagawa ko sa negosyo."
Salubong ni Kuya Justin.

"I'll go with you." Sabi ko.

"Dad will need you here, Ej." Humalukipkip siya at tiningnan si Dad.

"Ako ang bahala kay Dad, Kuya. Isama mo na si Elijah." Sabi ni Ate Yas. "You will
need him there."

Tumango ako. I will help. Hindi ako magtatagal don. Aayusin ko lang at uuwi din ako
dito.

"Bukas agad?" Tanong ko.

"Yup. Probably early morning, Elijah."

"Can we have it noon tomorrow?" Tanong ko na hindi naman tinanggihan ni Kuya


Justin.

Bibisitahin ko si Klare bukas sa kanilang bahay. Magpapaalam ako sa kanya. I'm


sorry, baby. I need to fix this.

Lumabas para kumain sina Kuya Justin at Ate Yas. Nagpabili na lang ako sa kanila ng
pagkain habang nandito ako at binabantayan parin si dad. Sinubukan kong i-on ang
cellphone kong lowbat na ngunit hindi na talaga nito kaya. I need to text Klare or
something.

Halos napatalon ako nang narinig ko ang pintuan na bumukas. Nakita ko ang mga tito
kong pumasok kasama ang mga tita ko.

Naunang pumasok si tito Stephen na amoy sigarilyo pa, then tito Azrael with tita
Claudine. Nanlaki ang mata ni Tita Claudine nang nakita ako. Ni hindi natinag si
tito Stephen at tito Azrael.
"Elijah, are you okay?" Tanong ni tita Claudine sa akin.

"Yes, tita." Sagot ko habang pinapanood ang istriktong mukha ni tito Azrael.

"How's your dad? Nagkausap na kayo?" Tanong ni tito Azrael.

Umiling ako. "Hindi pa siya nagigising simula nong dumating ako."

"Wa'g na wa'g kang magkakamali na lumaban ulit sa kanya, Elijah."

spinner.gif

I know. Nag iwas ako ng tingin kay tito Azrael.

"Kung ano man ang meron sa inyo ni Klare, you better keep it to yourself. What's
important is nandito ka na. 'Yon lang ang kailangan niyang malaman. You know your
dad isn't healthy anymore. He's old. Kaya mo parin siyang bigyan ng sakit ng ulo.
After all he's done for your family."

Hindi ako nagsalita. Ayokong magsalita. They can blame it all on me. Blame
everything on me. Just don't make me leave Klare again cuz that will never happen.

Umupo si tito Stephen sa tabi ko habang pinagmamasdan si dad.

"Hindi mo parin talaga maintindihan kung bakit kami tutol sa inyo. You kids are so
stubborn. Ito ang nakuha niyo. This is your dad, Elijah. Your dad. Are you willing
to lose him over your selfishness?" Ani Tito Stephen.

"I am not going to lose him-"

Bahagyang tumawa si Tito. "Hm. You are slowly losing him. Maghihintay ka ba na may
masama pang mangyari sa kanya?"

"I was hoping he would understand. I was hoping that the family would understand."

"Sinong pamilya ba ang makakaintindi niyan, Elijah. Sabihin mo nga. Would you want
your son to love Azrael's daughter in the future? I bet you'll raise hell if that
happens. Believe me."

"Klare is not a Montefalco, tito." Sabi ko.

But I get them, though. Ang mga Montefalco ang nagpalaki kay Klare. Nakita nila ang
paglaki ni Klare and they want to claim her. Hindi ko alam kung paano kung ilang
taon pa bago ko mapagbabago ang isip nila pero hindi ako mapapagod.

"She's the daughter of your tito Lorenzo's enemy." Sabi ni tito Azrael.
"Klare's biological father is harmless." Sabi ko.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo."

Natahimik ako. Sabay sabay naming pinanood ang paghinga ni dad. Halos tulala na ako
doon. Nakita ko kung paano inayos ni tita Claudine ang mga bulaklak at prutas sa
gilid ng mesa ni daddy.

"Your mom is depressed. Do you know that? And what if it complicates? Paano kung
magkasakit din siya?" Tanong ni Tito Stephen

Hindi ako sumagot.

"You have to be careful now, Elijah. Huwag kang padalos dalos sa desisyon mo. Be
sensitive. This is your family we are talking about. These are your parents.
Matatanda na sila and Klare can wait. Your love for her can. Hindi ko sinasabing
payag kami sa inyong dalawa. Pero may magagawa pa ba ako? Pero wa'g na wa'g mong
kakalimutan, bata pa kayong dalawa. Marami pa kayong pagdadaanan and ruining your
name or your family will last forever. You can never get back what was lost. You
can never undo your decisions."

Dumating sina Kuya Justin at Ate Yas ilang sandali ang nakalipas. Dinalhan nila ako
ng pagkain. Lumabas kami sa lounge para makapag usap at makakain ako. Si Ate Yas
ang naiwan kay dad. Panay ang tira nila kay Kuya Justin tungkol sa pagiging
iresponsable niya. I want to butt in but I don't want to complicate things. Ako pa
naman ang sinisisi nila sa lahat.

"This is the reason why you should have listened to your dad, Just." Sabi ni tito
Azrael pagkatapos siyang sagutin ni Kuya Justin.

"Well it's too late for now, tito." nag iwas ng tingin si Kuya Justin.

"Elijah is stubborn. Responsible but very very stubborn."

Hindi ako nagsalita sa mga sinabi ni tito Azrael.

"Precisely the reason why he handles the business very well. Tito, pagod na ako sa
usaping ito. Ilang taon kaming nag away ni dad tungkol dito. I am not made for that
business. Kaya ng kapatid ko iyon. Ginawa ko ang lahat nong nakaraan. But I'm
simply not into it. Dad knows that. Alam niyang si Elijah lang talaga, kaya si
Elijah ang pinagkakatiwalaan niya non. Wa'g niyo nang ipilit." Sumulyap si Kuya sa
akin.
"Leave Justin alone." Sabi ni tita Claudine. "He tried his best."

Of course. Malaking bagay ito sa buong pamilya. Ang aming negosyo ang siyang rason
kung bakit nakapag aral ang mga magulang namin noon. Our great great grandfather's
business in Surigao. Kahit na sabihin nating marami silang lupain ay ang negosyo
parin ang naging importante. Nag expand ito dahil sa lolo ko at ni daddy. At mas
lalo na itong lumaki nang nagpakasal si mommy at daddy. Ang negosyo nina mommy sa
Surigao ay tulad nong amin kaya mas lalong nag expand ito. Si Kuya Justin dapat ang
mamamahala nito. We can both work together but Kuya is not made for business.
Sumunod siya sa mga pinsan ko sa labas ng bansa para doon mag aral. Photography and
Filming, that's what he wants. Hindi iyon maintindihan ni dad kaya ilang taon din
silang nag aaway tungkol don.

"But your brother is mad. If he really care for your family, dapat ay hindi niya
iniwan ang mommy at daddy mo."

Nabitiwan ko ang kutsara ko at hinarap ko si tito. "I love my family tito. I just
want them to understand that this is what I want."

"That is still one selfish decision."

Umiling ako. Kahit ano pa ang sabihin nila, I'm still all on this.

Nakatulog ako a lounge. Nagising na lang ako ng mga alas tres ng madaling araw.
Napatingin ako sa loob ng ICU at nakita ko si Ate Yasmin na natutulog don sa tabi
ng kama ni dad. Sa harap ko ay si Kuya Justin at ang doktor, nag uusap. Tumayo ako
at lumapit.

"Maraming bawal sa kanya na pagkain. Just keep him stress free. He's doing better
but I'm not saying that he's safe, Justin. We need to prevent the second attack so
I need your cooperation. Sana ay sundin niyo lahat ng payo at lahat ng gamot ay
painumin niyo sa kanya. Mamaya, pwede na siyang lumipat sa regular room but I will
need him to stay for two weeks para mas matutukan. We need an approval for his
travel to Manila." Sumulyap ang doktor sa akin.

Tumango ako.

"I'll leave you now. We'll move him tomorrow afternoon. Good night!" Sabi ng doktor
at umalis na.

Nilingon ko ang ICU at nakita kong nakatayo na si Ate Yasmin habang hawak niya ang
kamay ni dad. Nakita kong bahagyang gumalaw ito. Napatingin ako sa kanyang mukha at
dilat ang kanyang mga mata.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam kung tama bang papasok ako
agad doon o hindi.
"He's awake. Let's go." Sabi ni Kuya Justin at agad nang pumasok.

Sumunod ako sa kanya at dahan dahan kong sinarado ang pintuan. Nang napatingin si
dad sa akin ay lumapit ako sa kanya.

"Kumusta, dad?" Tanong ko.

Wala siyang binigay na ekspresyon. Tumingin lang siya sa akin.

"Tsaka ka lang ba uuwi pag may nangyari nang masama sa akin?" He asked.

Hindi ako nakasagot. Tumawa siya at umubo. Inalalayan siya ni Ate Yas at sinaway
agad.

"Dad, I'm sorry." Hindi ko madugtungan. Ayokong maisip niya ang tungkol kay Klare
at ayoko ring magtanong siya ng tungkol sa amin.

"Iyan lang ang hinintay ko galing sayo. Where have you been, son?" Kumislap ang mga
mata.

Bahagyang gumalaw si Justin sa gilid ko. Alam ko. Alam ko kung anong gagawin.

"Nasa syudad lang po ako." Sagot ko.

Tumawa si dad. "Still very intelligent. Hinanap ka sa Surigao and yet nasa Cagayan
de Oro ka lang?"

"I'm sorry, dad. Mamaya, pupunta kami ng Surigao ni Kuya Justin. We'll fix the
business." Sabi ko.

Sumimangot si Dad at pakiramdam ko ay may nasabi na naman akong mali. "You'll leave
again. Kailan ka babalik, pag namatay na ako?"

Nanlaki ang mga mata ko.

"Dad..." Sabi ni Ate Yasmin.


"Uuwi din ako. Dalawa o tatlong araw lang kami doon, dad. It's for the business."
Sabi ko.

"I'll help, dad." Sabi ni Kuya Justin.

Hindi ko na dinagdagan iyon. Gising siya hanggang alas sais ng umaga kaya
kinailangan ding gising kaming tatlo para kausapin at bantayan siya. Nang nakatulog
siya ulit ay nagdesisyon na kami ni Kuya Justin na umuwi muna para makapag pahinga
sa bahay. Dumating si mommy kaya may kasama si Ate Yasmin sa ospital.

Natulog si Kuya Justin samantalang ako ay abala sa pag cha-charge ng cellphone ko.
I missed my room. Pero kailangan ko ulit iwan ito doon.

Isang message lang ang natanggap ko galing kay Klare. It's frustrating.

Klare:

I'm sorry.

Ano na naman kaya ang iniisip niya? Hindi ko alam. Kinuha ko kaagad ang susi ng
sasakyan ko. It's seven in the morning. Kung hindi ako nagkakamali ay hindi pa iyon
nakakaalis sa bahay nila para pumasok ng school kaya pupunta ako doon.

Hindi ko alam kung tatanggapin ba ako ng mommy at daddy niya pero pupunta parin
ako. Pinaharurot ko ang sasakyan ko papunta sa bahay nila at nagtext ako habang
natatraffic.

Ako:

Good morning! I'm sorry last night. Hindi ko kayo naharap. Nabigla lang ako sa
nangyari. Where are you? I need to see you.

Naaninag ko ang sasakyan ni tito Lorenzo at si Charles na nasa loob nito. Binaba ni
Charles ang salamin nang namataan ang sasakyan ko. Pinark ko ito sa gilid ng
building nila at agad na akong lumabas.

"Asan ang ate mo?" Tanong ko.

"Kuya Elijah!" Gulat na sinabi ni Charles.


Napatingin si tito Lorenzo sa akin. Nilapitan niya ako. Tiningala ko ang building
nila.

"You're back!" Lumabas si Charles sa kanilang sasakyan.

"Yup. Ngiti ko. I need to see your ate." Sabi niya.

"Maaga siyang umalis patungo sa mga kapatid niya. Maaga kasing dumating ang mga
kapatid niya galing Davao." Malamig na sinabi ni tito Lorenzo sa akin.

Kinagat ko ang labi ko at tiningnan ang cellphone kong walang reply galing sa
kanya. Baby, can you share to me your thoughts and worries? Now I'm fucking
worried.

Kabanata 23

Matibay

Tumango ako. Gusto ko nang tumakbo pabalik sa sasakyan ngunit ayokong maging bastos
kay tito Lorenzo at kay Charles.

"I'm sorry sa lahat, tito." Sabi ko. "Charles..." Bumaling ako kay Charles.

Malamig ang tingin niya sa akin at humalukipkip siya. Hindi ko alam kung naaalala
pa niya lahat ng mga ginawa namin noong bata pa siya. Madalas ko siyang utusan para
kamustahin si Klare o kung galit pa ba ang ate niya sa akin.

"No problem, Kuya." Sagot ni Charles sabay lahad ng kamay.

Ngumiti ako at nakipag high five sa kanya.

"Nagkausap na ba kayo ng daddy mo?" Tanong ni tito Lorenzo. "Kamusta na siya?


Pupunta kami doon mamaya. I'm glad you're home. Nag alala kaming lahat sa'yo."

"Nagkausap na, tito. Maayos na siya pero kailangan paring mag pahinga. Sorry kung
pinag alala ko po kayo. Aalis po kami ni Kuya Justin mamaya patungong Surigao to
check on the business."

"What? Aalis ka ulit, Kuya? Kakapagod kalaro sina Kuya Azi ng basketball. Sana
sumama ka rin." Sabi ni Charles.

"Sasama ako pagbalik, Charles." Sabi ko.

"Good. Mag ingat kayo. I heard naayos naman ng daddy mo last minute before siya
nagkasakit." Tumango si Tito Lorenzo. "Might want to go now and check on Klare.
Maaga ang pasok non baka umalis na." Sabi niya.

Halos mapatalon ako sa sinabi niya. Pag di ko naabutan si Klare, baka di ko na siya
makita bago pa ako makaalis. Damn!

Pinaharurot ko ang sasakyan pagkatapos kong magpaalam kay tito. Gusto kong tumawag
kay Klare pero mas gusto kong apakan ang gas para makuntento sa bilis ng patakbo
ko.

Pagkarating ko sa Hillsborough ay tiningala ko ang medyo tahimik at malaking bahay


nila. Tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko ang tawag ni Kuya Justin.

"Ej, asan ka na. Umuwi ka na. Nagkausap na kayo ni Klare? Hindi tayo pwedeng magpa
tanghali, mahaba ang byahe." Aniya.

"Kuya, nasa Hillsborough lang ako. Be there in fifteen." Sabi ko at binaba na ang
tawag.

Tiningnan ko ang cellphone ko at wala pa ring mensahe ni Klare. Nasa gate na nila
ako at narinig ko ang yapak ng kanilang security guard.

"Anong kailangan mo?" He asked.

"Si Klare. Nasa loob siya?"

Umiling ang guard at may kung sinong sinabihan. Wala na siya sa loob?

"Sino 'yan?" Narinig ko ang pamilyar na boses ni Hendrix Ty.

Binuksan niya ang malaking gate nila at nakita ako. Inisip kong nandon si Klare sa
likod niya kahit na kakasabi lang ng guard na wala.

"Where's Klare?" Tanong ko sa kapatid niya.

"Nagkasalise kayo. Umalis na siya kasama si Pierre. May pasok." Aniya at


humalukipkip.

Damn it! Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Paano na ito?

"I heard about your dad. Maayos na ba siya?" Tanong ni Hendrix.

"Yup. He's good. Aalis ako. Pupuntang Surigao, dalawa o tatlong araw. Ngayon agad.
Baka... di kami magkita ni Klare bago ako umalis." Paliwanag ko.
Tumango si Hendrix. "I'll tell her."

"Ayos lang ba siya? Malungkot ba?" Hindi ko matago ang mga tanong ko.

Ngumiti si Hendrix. "She's okay. I guess. Pero di rin naman kasi talaga siya
madalas nagsasabi ng mga iniisip niya, e." Nagkibit balikat siya. "May rason ba
para hindi siya maging okay, Elijah?"

Umiling ako. "Wala. I'll call her. Thanks." Tatalikuran ko na sana...

"By the way, I sent you the breakdown report of the money you invested. Check mo na
lang sa email mo." Aniya.

Tumango ako. "Thanks." at umalis na.

Gustong gusto kong pumunta ng Xavier University at hanapin si Klare pero baka may
pasok na siya at mauwi sa wala. I'll just text and call her, then. Lumipat ako sa
sasakyang dadalhin namin patungong Surigao. Kuya Justin asked for a driver. Siya
ang nasa front seat, ako ang nasa likod at mukha akong tanga sa kaka delete ng
natatype kong text para kay Klare.

I ended up with one simple text in the end.

Ako:

Can I call? Can you please, please reply?

Kailan pa ako naging ganito ka baliw? Kung tatawag ako ay tatawag ako agad. Hindi
ko na kailangang magtanong pero ayokong naiistorbo siya sa klase niya. Mamaya
mainit ang ulo non at mas lalong iinit lang pag inistorbo ko siya.

Labas na kami ng Cagayan de Oro nang nag reply siya. Inaantok ako pero nanlaki ang
mga mata ko nang nakita ko ang pangalan niya sa screen.

Klare:

Later. I still have class.

How cold. Later, then.

Ako:

Okay, baby.
Shit! Makatulog na nga bago pa ako mabaliw. Gusto kong sabihin sa kanya na nasa
byahe ako patungong Surigao pero paano ulit kung naiistorbo ko siya?

Nagising na lang ako nang nag tanghalian kami saglit sa Butuan City. Hindi na siya
nag reply kaya nag text ulit ako.

Ako:

How late is later?

Hindi siya agad nag reply. Siguro ay kumakain ng lunch? I hope.

Klare:

After class.

Mamaya pa? Ang tagal naman. Hindi na ako makapaghintay.

Ako:

Nasa Butuan ako. I'm bound to Surigao.

Mabilis ang reply niya sa tinext ko.

Klare:

For your business?

Ako:

Can I call?

Hindi na siya nag reply. At wala na talaga akong pakealam kung ano ang ginagawa
niya, tatawag na ako. Nilagay ko sa tainga ko ang cellphone at bumalik na ako sa
sasakyan habang kumakain pa si Kuya Justin at ang driver.
"Hello..." Her sweet voice filled my ears.

"Hi baby..." Sinubukan kong maging malambing. "Sorry tumawag ako kahit di ka pa
tapos. I just don't want to leave without hearing you. Nagpunta ako sa inyo kanina
pero wala ka na."

"I understand, Elijah. Ayos lang. Ilang araw ka sa Surigao?" Tanong niya.

"Dalawa o tatlo. We'll see each other pag balik ko, okay?"

She sighed. "Okay."

Natahimik kaming dalawa. Kinagat ko ang labi ko at tumingin sa labas. "Are you
okay?"

"I'm okay." Aniya.

"Nagkausap kami ni dad. Maayos na siya. Kailangan lang magpahinga."

Hindi siya nagsalita. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I want her to tell me
anything. What's inside her beautiful mind? I want to know.

"When he's healthy, sabay tayong pupunta sa kanya." I added nervously.

"Alright."

Pumikit ako ng mariin. "How's your day? Kumain ka na ng lunch? Sinong kasama mo? Si
Erin at Claudette?"

"I'm with Erin. Claudette's busy. Kumakain kami ng lunch ngayon." Aniya.

"Okay. Ayos lang ba kung magtitext ako sayo frequently?" Uminit ang pisngi ko sa
tanong ko sa kanya. Dammit! "I mean... I kind of want to know what are you doing."

Fucking... I'm being clingy.

"Okay... Kung ayaw mo, ayos lang. I know you're busy-"

"You are busy." Aniya. "Sa negosyo, Elijah. But if you want to text then, I'll read
and reply to when I can."

Halos mapamura ako ng malakas. Nababaliw na talaga yata ako.

"Hey... don't worry about anything, okay? We're okay. Don't worry about my family."
Sabi ko.

"Hindi ko iyon maiiwasan, Elijah. They are my family, too. I'm worried kay tito
Exel. I'm worried kay Tita Beatrice."

"Don't worry. I'll take care of them." Sabi ko.


Ilang sandali siyang natahimik sa sinabi ko.

"I'll call you later. Okay? Take care. I love you." Sabi ko at dumilat at inasahan
ang sagot niya.

"Take care. I love you." Sagot niya sa maliit na boses. I'm sure Erin's watching
her right now. Ngumiti ako.

"I love you more. Ibaba mo na." Sabi ko.

"Okay." At binaba niya ang tawag ko.

Nabunutan ako ng tinik sa tawag na iyon. Nang nakabalik na si Kuya Justin at ang
driver namin ay nakatulog ako ng mahimbing hanggang sa nakarating kami sa Surigao
City. Mas maliit na syudad ito kumpara sa Cagayan de Oro.

Dumiretso na ako sa tinutuluyan kong kwarto sa aming bahay roon. Sinalubong pa kami
ng iilang tita at tito ko, nangungumusta kay dad. Si Kuya Justin ang naging abala
sa pagsagot ng mga tanong habang ako ay nag aabang na naman ng text galing kay
Klare.

Ako:

Nasa Surigao na ako. Are you home yet? Saan ka tutuloy?

Iyon ang nangyari sa sumunod na araw. Pag may oras ako ay mag titext ako kay Klare.
Pareho kaming abala ni Kuya sa farm. Malawak na Palm tree farm ang nasa tapat namin
at binibilang ko ang lahat ng truck sa bodega. Pinalagyan ko ito ng numero. Iilang
truck ang wala dahil sa deliveries. May mga nasa port. Tiningnan ko ring mabuti ang
tatlong bagong truck at tingin ko ay nag aksaya sina dad ng pera para don.

"Ako na ang magpapaimbestiga sa nawawalang truck. We also need to think about the
plantation, Ej. Medyo maulan na dahil September na." Sabi ni Kuya Justin.

Tumango ako. "Yup, kuya."

Iyon ang naging trabaho namin. Mainit pa sa plantation kaya pakiramdam ko ay


magkakasunburn ako nito. Damn! Pagkauwi ko ay pagod na pagod na ako. Si Kuya Justin
ay diretso sa kanyang kwarto. Naligo ako, pagkatapos ay tumawag na kay mommy at Ate
Yas. Dad's doing good and it's a relief to me.
Nasa kama na ako at binasa ulit ang mga message ni Klare sa akin. Sabi niya ay
gagabihin daw siya ngayon dahil nag peprepare siya para sa presentation nila sa
English 47 or something. Role Play yata. She said "text you later." So I am gonna
text her later.

Binuksan ko ang Facebook kong naka deactivate. Bumungad sa News feed ko ang isang
picture ni Klare na kasama ang Vaughn, isang gabi. The photo was posted 15 minutes
ago! Heck! Magkasama sila ngayon?

Si Julia ang nag post nong picture. Silang dalawa lang habang abala si Klare sa pag
gamit ng glue sa isang malaking kulay yellow green na cartolina. Nakapangalumbaba
si Vaughn sa kakatingin kay Klare. Oh man...

Agad akong nag chat kay Azi at nagtanong kung asan si Klare ngayon. Nireplyan niya
lang ako ng sarkastikong sagot.

Azrael:

Girlfriend mo tas sakin mo hahanapin? Busy ako. Nag rereview ako.

Humiga ako sa kama at hinarap ang cellphone ko. I don't want to sound jealous but
it's offending.

Mabilis akong nagtype ng text kay Klare.

Ako:

So... Classmate mo si Vaughn sa English 47? Ka group?

Damn it. Parang mali pa yata ang tinext ko. Mabilis siyang nakapag reply.

Klare:

Hindi. Napadaan siya sa gazebo kung saan kami gumagawa ng props. How did you know?

It's all over my newsfeed, baby! Now I have no time to be jealous. Palalagpasin ko
ito. Baka bukas ay wala na. Baka dumaan lang. Pagbalik ko, wala akong pakealam sa
mga kaibigan namin.
Bumalik ako sa computer at nakita kong online si Hannah. Kinlick ko ang pangalan
niya at nagtanong ako kung magkasama ba sila ni Klare at nandon pa ba si Vaughn.

Hannah:

Yup. Groupmates kami. Nandito pa si Vaughn.

Gusto kong lumipad pabalik ng Cagayan de Oro. Isang araw pa lang akong nawala pero
ayaw ko na agad ng long distance relationship. It sucks big time. Yes, our love
will be tested. Kung mabuti ba o matibay ba. Hindi ko na kailangang subukan iyon.
Matibay ito. Matibay na matibay.

Kabanata 24

No Problem

Umaga na ako nagising. Halos mapatalon ako nang pumasok sa utak ko na tinulugan ko
ang paghihintay kay Klare kagabi! Damn it!

Kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng aking unan at kinusot ang mata ko. May
nakita akong isang text galing kay Klare, kagabi pa ito!

Klare:

Tapos na ako.

"Shit!" Mura ko umagang umaga.

Nilagay ko ang cellphone ko sa aking tainga at tiningala ang orasan sa taas. It's 6
in the morning!

"Baby, answer." Paulit ulit kong binulong habang nag riring ang kanyang cellphone.

Nang sa wakas ay sinagot niya ay niyakap ko ang unan sa gilid ko.

"Good morning, baby. I'm sorry last night. Nakatulog ako. Pagod na pagod ako." Sabi
ko.

"Ayos lang." Malamig niyang sinabi.

Pinakinggan ko ang kanyang paghinga pagkatapos ng maiksing sagot. Halatang bad shot
siya sa akin. Pumikit ako at tumikhim.

"Sinong naghatid sa'yo kagabi?" Tanong ko.

"Ako lang. Di na naman ako kailangang ihatid, Elijah. Malapit lang ang bahay namin.
Nilakad ko lang." Sabi ni Klare, may bahid paring lamig sa tono.

"H-Hindi ka ba sinundo ni Azi?" Tanong ko. Kung hindi siya hinatid gamit ang
sasakyan, baka naman may naghatid sa kanya na sumabay lang sa paglalakad? God, I am
this paranoid. Klare loves me. I trust her... Ayoko lang na may lumalapit sa kanya.
Alam kong hindi iyon maiiwasan. She's beautiful and very, very, damn kind. Paano
niya matatanggihan ang bawat lalaking nakaaligid sa kanya?

"Hindi. Abala si Azrael sa pag rereview." Ang tipid sa salita.

"Review para saan?" Pinahaba ko kahit wala naman talaga akong pake kung anong
pinagkakaabalahan ng unggoy na iyon.

"Law Qualifying. Mag ti-take silang tatlo ni Joss at Raf." Aniya.

"Oh... Great. Akala ko mag i-MBA siya?" Pinahaba ko ulit ngunit hindi na siya
nagsalita. "Kumain ka na ba?"

"Nope." Tipid.

"Eat your breakfast. May pasok ka ng maaga diba?" I asked.

Hindi siya nagsalita. Nawala na sa utak ko si Vaughn at ang kanyang maruruming


kamay na maaaring dumampi kay Klare. Damn it! Kung pwede lang lumipad pabalik ng
Cagayan de Oro.

"Klare?" Sabi ko ngunit narinig ko na lang ang tikhim niya.

"Nag chat ka raw kay Hannah?" Tanong niya sa mas malamig na tono.

Pinagpawisan ako ng malamig pagkatapos ng tanong na iyon. Totoo pero hindi ko


inisip na malaking bagay iyon!

"Yup. I kind of ask her if you're still with Vaughn." Sabi ko.

"Okay." Aniya, halos manginig ako sa lamig.


Kinagat ko ang labi ko. Medyo kinakabahan sa simpleng sagot niya. "Sorry. I'm...
not comfortable pag may kasama kang..." Hindi ko naipagpatuloy.

Narinig ko ang singhap niya. "I... miss you."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Sa gulat ko ay binitiwan ko ang unan at


humiga ako ng maayos sa kama. Uuwi na ako. Uuwi na ako ng Cagayan de Oro.

"I miss you even more. Even more, baby." Bulong ko.

Hindi siya nagsalita. Gusto kong iyon ang huli kong narinig sa kanya kaya kuntento
ako sa katahimikan niya. Ang sarap ulit ulitin sa isipan ko na sinabi niya iyon!
Hindi na tuloy ako makapag hintay na umuwi.

"Maghahanda na ako para sa school." Aniya.

"O-Okay. I'll text you, alright? Kung busy ka, ayos lang kung di ka mag reply. And
I swear I'll call you later, pagkatapos."

"Uh-huh. Sige... Kumain ka na rin." Aniya. "I love you."

"I love you." Ngiti ko. Pakiramdam ko ay ayos na ako sa araw na ito. Alam kong
imposibleng mapunta ako ng Cagayan de Oro kaya ayos na ako sa sinabi niya sa akin
at sa I love you niya. Ayos na ako. Maayos na maayos.

Ganon ang mga nangyari sa sumunod pang mga araw. Everything went fine. Maayos naman
daw si dad sa ospital. Baka mas mapaaga ang pag lipat niya sa bahay at ang pag alis
papuntang Manila.

"Ej, kung pupunta ng Manila ang dad mo, can you please go with him? Tayong dalawa."
Sabi ni mommy nang nasa linya siya.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Sinabi na ni Kuya Justin na ako na lang daw
ang magpapaiwan para maayos ang business namin. Ngunit hindi ko yata matatanggihan
ito...

"Your dad wants you to go with us." Mariing sinabi ni mommy.

Tumikhim ako habang tinatanaw ang malawak na plantation. Paano ko iyon tatanggihan?
Hindi ko iyon matatanggihan. Malalayo na naman ako kay Klare. She's shakey and I
don't like it. Hindi ko alam pero nararamdaman kong kaya niya na namang magparaya.
Hindi ako matahimik tuwing naiisip ko ang problemang ito sa pamilya namin. Kayang
kaya ni Klare na magparaya para lang sa kasiyahan ng ibang tao. Hindi niya kayang
pagbigyan ang kaligayahan niya o kaligayahan ko.

I should be mad at her, right? Pero hindi ko alam kung bakit ito mismo ang dahilan
kung bakit hindi ko siya mabitiwan.

"Browsing, huh?" Sabi ni Kuya Justin, nasa likod ko nang nasa sofa ako at
naghahanap ng kung ano sa internet.

Nilingon ko siya at gusto kong iiwas ang cellphone ko para hindi niya makita kung
ano ang mga tinitingnan ko sa internet pero nakita niya na rin naman. Umupo siya sa
harap ko at nagpatuloy ako sa pag hahanap.

"Don't you think it's too early for that, Elijah?" Tanong ni Kuya, seryoso.

"It's for her birthday." Sabi ko. "Regalo ko."

Tinitigan ako ni Kuya. Sumulyap ako sa kanya at binaba ko ang cellphone ko. May
nahanap na ako at sinabi ko na rin kay Spike. Sa kanya ako magpapatulong.

"That's not a birthday gift. It's certainly not a birthday gift. You know that."

"Kuya, fine. If it's not a birthday gift, then it's not. Whatever. Gusto kong
ibigay iyon sa kanya, bawal ba?" Medyo tumaas ang boses ko.

"You know dad's situation. For sure pag nalaman niya 'yan, do you think he'll be
better? He'll probably have another attack!"

Nanlamig ako sa sinabi ni Kuya. "Ayaw mo ba sa amin ni Klare?"

"Hindi. I don't mind, Elijah. If that's what you want. I'm just saying na hindi ito
ang tamang panahon. I get that it's her birthday but you should give her other
things muna. Hindi iyan. Engagement ring, promise ring? Tss.." Iling niya.

Tinitigan ko na lang siya.

"Be sensitive. Kung pwede, slow down. If it's meant to be, it will be. Wa'g kang
mag madali. You two are going to be together if it's meant to happen. You don't
need any assurance through that ring. Masasaktan ka lang pag hindi nangyari ang
gusto mo."

Ayaw kong makipagtalo. I'm buying that ring anyway. That's for her. Nothing can
change my mind. Hindi ko naman maipagkakaila na tama si Kuya. Dapat ay hindi ko
muna iyon ibigay lalo na ngayong may sakit si Dad. I need to slow down. No one's
taking Klare away from me. Maghahanap ako ng ibang regalo para sa kanyang birthday
pero bibilhin ko parin ang isang iyon. When the right time comes, I'll give it to
her.
Sa sumunod na araw, akala ko uuwi na kami ngunit nagkakamali ako. Marami pang
trabaho ang naghihintay. May malalaking deliveries. Kaya naman noon na wala kami
ngunit sa pagpapaimbestiga ni Kuya Justin, may lead kaming may kinalaman ang isa sa
mga managers. Para mas lalong maimbestigahan ay kinailangan naming magtagal.

Nakaka frustrate. Gustong gusto ko nang umuwi. Lalo na dahil inisip ni Klare na
uuwi na rin ako pero kinailangan naming magtagal pa ng dalawang araw.

Nasa kama ako habang tinatawagan si Klare. I missed the fun. Nandoon daw sina Azi
sa bahay nila sa Hillsborough. Hindi ko alam kung anong meron pero nakita ko ang
iilang picture ng mga pinsan ko kasama si Klare at ang dalawang kapatid niya sa
kanilang dining table, kumakain.

"What are you doing?" Medyo matabang kong tanong habang nakahiga na naman sa kama
at dinig na dinig ko ang tawanan ng mga pinsan ko sa background.

"Nag uusap lang naman kami." Tumawa siya at narinig ko ang saway niya kay Josiah.

Tinitingnan ko sa Ipad ko ang mga picture nila don nang biglang nag pop out sa
screen ko ang message ni Azrael na isang picture nilang dalawa ni Klare na parehong
nakadila at magkaakbay.

Azi:

Your girlfriend is mine. :P

Uminit ang pisngi ko at hindi ko na masundan ang sinasabi ni Klare.

Ako:

Hintayin mo ang suntok ko pag balik ko bukas.

"Bakit kayo nandyan?" Tanong ko.

"Wala lang. Inimbitahan lang ni Hendrix ang mga pinsan." Sabi niya at humalakhak
ulit.

Pinaglaruan ko ang labi ko. I miss that laugh. Oh I damn miss her bad. Kung
mahahawakan ko lang sana ang kamay niya ngayon.
"Medyo nag cecelebrate lang actually para sa birthday ko next next week. Pre
celebration daw sabi ni Pierre." Sabi ko.

"I thought your brother hates parties?" Tumaas ang kilay ko.

Narinig ko ang tikhim niya. "He hates it. Kaya nga bukas ay mukhang hindi siya
sasama. Lalabas kami bukas."

Now, I need to go home early morning tomorrow so I can be with her. Fuck. Hindi ko
siya pwedeng pagbawalan. Ano ako, tanga? Baby, can you stay at home pag wala ako?
Please? Holy shit! Hindi 'yon pwede pero mababaliw na ako.

"Ayoko ngang lumabas kaso baka magtampo ang mga kapatid ko." Aniya.

"Tingnan ko. Mukhang makakauwi na kami bukas." Sabi ko.

"That's good, then. Pero, hindi ba bibisitahin mo pa ang dad mo sa ospital pagkauwi
mo? Baka gusto niyang marinig ang mga nangyayari sa negosyo niyo?"

"Hindi siya pwedeng ma stress. Believe me, mas mabuting hindi niya na ito marinig."
Sabi ko.

Hindi siya nagsalita. Kapag usapang tungkol kay Dad ay medyo kabado ako sa maaari
niyang maisip.

Isa lang talaga ang gusto kong mangyari. Maging maayos na si dad. Kahit na hindi ko
pwedeng sabihin sa kanya agad ang desisyon namin ni Klare ay susubukan kong unti
untiin sa kanya iyon. Sana ay matanggap niya, this time. That's what I want and I'm
his son. That's the best thing he can give me, his approval.

I recieved a call again from mom. This time, hindi na ako makapagsalita sa mga
desisyon. Gusto kong tumanggi ngunit mas lalo lang magiging kumplikado ang lahat
kung tatanggi ako.

"Elijah, sasama ka sa amin ng dad mo. He's scheduled to fly next, next week. I got
our tickets. Iwan si Ate Yas mo at Kuya Justin. Susunod lang si Justin after a
week, tutuloy na siyang New York. Lumalakas na ang dad mo at tingin namin ay mas
lalo siyang lalakas pag mag papa heart rehab siya sa Manila." Sabi ni mommy.

"What date, mom?" Tanong ko.

"We'll fly early nineteenth." Aniya.

Gumulo ang utak ko sa sinabi ni mommy. Klare's birthday is on September 20. Hindi
ako pwedeng wala sa birthday niya! Ano ang sasabihin ko?

"Mom, can we reschedule the flight? Pwedeng sa twenty one na lang?" Tanong ko kahit
na medyo tagilid ako.

"Bakit?"

"Birthday ni Klare sa twenty." I said.

"Oh... God... Paano kung tanungin ako ng dad mo kung bakit ko kinancel? I-I'm
sorry, Elijah. I didn't know. Abala ako sa pag s-schedule nito. Hindi ko inisip-"

Pumikit ako. "Okay, mom. Okay. No problem."

Ngayon paano ko iyon sasabihin kay Klare? At mas importante, paano ko iyon
matatanggap? Damn!

"Ej, Tulog muna ako. " Sabi ni Kuya habang humihiga sa back seat.

Nasa front seat ako ngayon, paalis na kaming Surigao. Natapos na ang mga ginagawa
namin doon. Bumalik na sa normal ang sistema. Kahit na nawala na nga ang tatlong
truck, pero nakuha naman namin kung sino 'yong nag inside job. We have no problem
for now. And I'm very much stoked. I'll see her again.

Tumunog ang cellphone ko. It's an unknown number. Sino naman kaya ito? Hindi ko
ugaling sagutin ang mga tawag ng mga numerong hindi ko kilala pero inisip ko baka
importante so...

"Hello." Bungad ko.

"Hello, bro. I'm at NAIA." Boses pa lang ay alam ko na kaagad kung sino iyon.

"About time." Sabi ko sabay tingin sa labas. "Dala mo, Spike?"

Humalakhak siya. "Ni hindi mo ako tinanong kung kamusta ang flight namin? Diretso
sa singsing."

"What? Just tell me you have it." Iritado kong sinabi.

"Chill. I'm just kidding. Yup. Dala ko. I'll stay in Manila for... probably a
couple of months. So?"

"Ayos lang. Pupunta rin ako diyan. Para kay Dad." Sabi ko.

"Kailan? Kailangan mo ito diba bago mag Twenty?"

Umiling ako. "I'll give her another gift. Thanks, though."

"Ohhh. What happened? Changed your mind? Medyo natakot? Hindi pa pwedeng matali?
Natatakot matali?" Tumawa siya.

"Kung alam mo lang." Iyon lang ang nasabi ko.


Kung pwede lang itali ko si Klare sa akin ay matagal ko nang ginawa. Ako pa 'yong
takot? Are you kidding me?

Kabanata 25

Stop

Buong byahe ay gising na gising ako. Para bang hinintay ko talagang makarating
kaming Cagayan de Oro. Si Kuya Justin, tulog at gumigising lang pag kakain kami.
Panay ang usap namin ng driver tungkol sa kung anu-ano.

Nang naaninag ko ang papalubog na araw nong papasok na kaming Cagayan de Oro ay mas
lalo akong nagising.

"We're in CDO?" Tanong ni Kuya.

"Yup." I said. "Uwi muna tayo, Kuya." Anyaya ko sa kanya.

"Hindi ka na pupuntang ospital?" Tanong niya.

Ilang sandali pa bago ako nakasagot. Pinag isipan ko iyong mabuti. Tiningnan ko
muna ang mga text ng mga pinsan ko at ni Klare bago ako nag desisyon.

"I can't stay long." Sabi ko dahil sa mga nabasa.

Azi:

Dinner sa Redtail, tapos Microphone Hero, that's all. 7pm sharp.

Klare:

Ayos lang naman ako. I know pagod ka sa byahe.

"Sasama ka sa party nina Azrael?" Tanong ni Kuya Justin.

Nagulat ako dahil alam niya iyong mangyayari. Siguro ay inimbita din siya ng mga
pinsan ko.
Tumikhim siya, "Anong sasabihin ko kay dad? Na magpapahinga ka lang sa bahay?"

"Kuya..."

"It's okay, Elijah. We just need little white lies to stop dad's stress. Hindi kita
pinagbabawalan. Besides, they are our cousins. I just want you to really be
sensitive." Aniya sa seryosong tono.

Hindi na ako nakapagsalita. Kinumbinsi ko ang sarili ko na tama si Kuya Justin. Of


course, I don't want dad to be sick again.

"Bukas... Ayaw ko sana but mom insisted that we'll have a party. Si dad din ang
nagsabi non sa kanya."

Noong una ay hindi ko nakuha kung bakit kinailangang mag party bukas. Tsaka ko lang
napagtanto na birthday nga pala ni Kuya. It's September. "I invited our cousins.
Including Klare, of course. Hindi ko alam kung papayagan ba si dad na maka sama o
maka alis ng ospital just for that. I bet not. Pero kung papayagan siya, please..."

Hindi niya na kailangang dugtungan. Alam ko ang gusto niyang mangyari. At inisip
kong kailan kaya talaga kami magiging malaya ni Klare? I want the world to know
that she's my girl. I want to claim her in front of everybody. Kailan 'yon
mangyayari?

"Okay, kuya." Sabi ko.

"Sinabi ko na sa mga pinsan natin." Aniya habang nilalapag ang bag sa sofa at
mabilis na uminom ng tubig sa naka handa sa aming sala pagkarating namin sa bahay.

Dumiretso na ako sa hagdanan. Nagkasalubong pa kami ni mommy. Nagmamadali ako pero


dahil nandon siya ay natigilan ako.

"How's the trip? Ayos na ba ang business?" Tanong niya.

"Hindi kami uuwi pag hindi pa naayos." Sabi ko at humakbang ulit para maka diretso
na sa kwarto.

Ramdam ko ang sunod ng kanyang tingin pero binalewala ko iyon. Naligo ako sa
kwarto, nagbihis, at naghanda para sa pag punta ng ospital. I got 30 minutes to
report to dad. Pagka alas syete ay aalis na ako at pupuntang Redtail para sumama sa
mga pinsan ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinext ko si Klare.

Ako:

See you in a bit.

Bumaba ako ng hagdanan, nakabihis at bagong ligo. Wala na si Kuya sa sofa. Ang
natira doon ay si mommy na lang na naka ponytail ang buhok at tumayo nang nakababa
ako.

"Sasama ako sa'yo sa ospital." Sabi niya. "Hindi na ako magpapahatid sa driver. I
know you're going there, anyway."

Tumango ako. "I can't stay long, though."

"Alam ko. Binanggit nga ng kuya mo sakin." Pinanood niya ang ekspresyon ko. Nag
iwas ako ng tingin sa kanya. I don't want to explain further.

"Let's go, mom." Sabi ko at nilagpasan na siya.

Umupo siya sa front seat habang pinapagana ko ang engine. Hindi ako magsasalita
tungkol sa mga pinsan ko. I'm not keeping it a secret but then I also don't find it
necessary.

"Hindi binabanggit ng dad mo ang tungkol sa pag alis mo noon o kahit tungkol kay
Klare." Sabi ni mommy sa gitna ng pag da-drive ko. "I bet he's not ready to face it
yet. Ayoko ring banggitin sa kanya."

"Don't." Sabi ko.

"Why?"

Nilingon ko si mommy. Nagtataka siya sa sagot ko. "Ayokong ma stress siya. Alam
mong... si Klare..."

"Yup, son. Bukas, sa birthday ng kuya mo, you think it's better if he'll not come?
Or is it better kung si Klare ang hindi natin papuntahin?"

Nalaglag ang panga ko sa tanong ni mommy. Heck, I don't know how to answer that.
Certainly it's not okay to uninvite Klare! Pero...

"Mom, baka kailangan pang magpahinga ni Dad. Don't you think it's better kung sa
ospital lang siya?"
Hindi na ulit nagsalita si mommy. Hindi ko na rin inulit ang sinabi ko. That was
it. Kung wala si Klare sa birthday ni Kuya ay pupuntahan ko siya kung nasan man
siya.

Pagkarating namin ng ospital, naabutan kong nagtatawanan si Ate Yasmin at Dad. I'm
glad he's really okay now. Kinamusta niya ang nangyari sa Surigao. Sinabi ko ang
lahat ng magagandang bagay. Hindi ko sinabi iyong iilang alam kong makakapagpakaba
sa kanya.

"I can't stay for long, dad." Sabi ko at tumayo.

"Yes, yes. I know your tired. And we have a party coming tomorrow. Dapat ay
magpahinga kayo ng kuya mo."

Tumango ako at nagpaalam. He's excited about the party. Ibig sabihin pupunta siya.
Does that mean Klare's not invited? Damn!

Halos lumipad ang sasakyan ko patungong Redtail. Hindi na mapawi ang ngiti ko
pagkalabas ko doon. I immediately saw my cousins. Nagtatawanan sila at nag
kukwentuhan sa loob. Dinig na dinig ko kahit nasa labas pa ako. Klare was there
sitting with...

Bakit siya nandito? Lumingon si Vaughn sa katabi niyang si Pierre at nakipag usap.
Okay. We're here with some of our friends. Nakita ko si Julia, Hannah, at Liza na
katabi ni Claudette. Chanel's with Brian and Damon's with Eba. Tinuro agad ako ni
Azi at malaki ang ngisi niya kahit na halata ang busangot ko.

I saw Klare's eye glittered when she saw me. But that doesn't change the fact that
Vaughn is sitting beside her and I don't like it.

"I'm sure hindi na ako ang susuntukin mo!" Tawa ni Azi na agad namang sinapak ni
Josiah.

"Aray!" Sabi ni Azi at napaupo.

"Hi Elijah! Welcome back!" Sabi nina Hannah at Julia.

Ngumiti ako sa kanila at pinanood ang kaonting distansya ni Klare kay Vaughn.
"Bigyan niyo ng upuan. Bigyan niyo ng upuan!" Paulit ulit na sinabi ni Azrael.

Kumuha ng upuan si Rafael at nilagay niya iyon sa tabi niya. Kumindat pa siya sa
akin. I clenched my jaw. Kinuha ko ang upuan at nilagay sa gitna ni Klare at
Vaughn. Wala akong pakeaalam sa nanonood sa akin. I've been dead for days because I
have not seen my girl at ipagkakait niyo pa ngayon? Not me, stupid assholes.

Nakita ko ang pagpapanic sa mukha ni Klare. Baby, I don't want you upset but you
have to know that I want to be here.

Narinig ko ang ubo ni Pierre. Bahagyang tumabi si Vaughn, nakakunot ang noo sa
akin.

"Masikip na kami dito."

Halos bugahan ko siya ng apoy pero tumingin ako kay Klare. Hindi pa nagagalaw ang
pagkain niya. Hindi siya makatingin sa akin. Para bang nakakasilaw ako kaya imbes
na ako ang tinitingnan niya ay sina Josiah at Erin na lang.

"Move a bit, Pierre. Sumikip lalo." Utas ni Vaughn.

Napatingin ako kay Vaughn. Tahimik ang buong table. Napawi ang tawanan kanina.
Umubo si Rafael at nag yaya ng pagkain. Pumalakpak siya para sa menu at binigay
niya sa akin kaya natuon ang pansin ko doon.

"What do you want?" Tanong ko kay Klare sabay tingin sa kanya.

Nag sisimula na namang mag usap usap ang mga pinsan ko. Alam kong may mga
nakatingin sa aming dalawa. Be it Erin, Claudette, Chanel, or Julia, I don't really
care at all.

"May p-pagkain na ako, Elijah." Aniya. She stuttered.

"Yeah. I can see that. I just want to buy something for you. Anything. Hindi mo ba
ako na mi-miss?" I said recklessly.

Halos mailuwa ni Erin ang tubig na iniinom niya. Lumayo si Josiah sa kanya at
binigyan siya ng tissue.
"Erin naman. Mahal 'tong pantalon ko. Wa'g mong bugahan ng tubig!" Sabi ni Josiah
sa kapatid niya.

"So what kung malagyan ng tubig, Kuya? Matutuyo rin naman 'yan." Irap ni Erin sabay
tingin ulit sa akin. Nagtaas siya ng kilay sa akin. Nagkibit balikat ako.

"Ang sabihin mo lang, Joss. Gusto mong marinig ng lahat na mamahalin ang pantalon
mo." Tawa ni Azi.

Binaling ko ulit ang atensyon ko kay Klare at kitang kita ko ang pamumula ng
kanyang pisngi. Halos mabitiwan niya pa ang pagkain nang naramdaman ang tingin ko.
Kinuha niya ang kanyang cellphone. Nagpatuloy ako sa paghahanap ng makakain. Sinabi
ko sa waiter kung anong kakainin ko at dagdagan na rin ng pagkain sa mesa.

Nilingon ko ulit si Klare at naramdaman kong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko
iyon at tiningnan kung sinong nagtext. It was Klare!

Klare:

Elijah, hindi pa alam ng mga kaibigan natin.

I know. I just don't care. Malalaman din nila ito.

"Klare, 'yong juice mo." Sabay tulak ni Vaughn sa juice ni Klare.

I suddenly want to punch his face. Pag siya nagpatuloy, susuntukin ko na talaga ang
isang ito.

"I know." Baling ko kay Klare bilang sagot sa text niya.

Kinuha niya ulit ang cellphone niya at umambang mag titext. Ngumuso ako at hindi ko
na napigilan ang sarili ko.

"Stop texting me. I'm right here in front of you. We can talk." ngumiti ako.

Halos mapadaing ako nang may naramdaman akong sumipa sa ilalim ng mesa ko. Whoever
that is, I'm pretty sure it's one of the girls. Siguro ay si Chanel. Siya itong
mukhang hindi narinig ang sinabi ko.
Uminom si Klare ng tubig at narinig ko ang halakhak ni Hannah. Bumaling ako sa
kanya at nakapangalumbaba siya habang tinitingnan kaming dalawa.

"Ang sweet niyong dalawa." Halakhak niya. "Nakakainggit. Sana may pinsan din akong
sweet." She said.

Bumaling ako kay Klare at kinagat niya ang kanyang labi. Nagtama ang paningin namin
at halos lumipad sa langit ang kaluluwa ko. Naka ponytail ang buhok niya at sobrang
pink ng labi niya. I miss kissing her. I miss... her so much like this.

Ang lapit lapit namin pero parang ang layo.

"If you go out with your cousins most of the time, siguro ay magkakaron ka ng
ganong relationship with them." Pierre stressed.

I seriously don't give a fuck about anything right now. I'm just so thrilled that
I'm right here beside her. Kahit na hindi siya mukhang gulat o excited man lang. I
wonder what's in her mind right now?

"My cousins and I are close." Singit ni Vaughn sa usapan nila.

"Stop staring." Bulong ni Klare na kahit narinig ko ay pinagtaasan ko siya ng


kilay.

"What, baby?" Bulong ko.

Kinagat niya pa lalo ang labi niya. Oh, I'd like to bite that. "Sabi ko... stop
staring." Mas lalo niyang binulong. Uminit pa ang pisngi niya.

"That's hard. You stop being so beautiful first." Ngisi ko.

Mas lalong uminit ang pisngi niya. Oh, baby. Pu pwede bang umalis na lang muna tayo
dito? I want to be alone with you. I want to know all your thoughts. I want you to
know mine. I want to know everything.

"Tang... i... na..." Buga ni Damon, patagal niyang sinabi. Humalakhak si Eba sa
tabi niya.

Kumunot ang noo ni Hannah, Julia, at Liza sa kanya. Ngumiti lang si Damon at uminom
ng tubig habang nagtatype sa cellphone niya.

Sabay na tumunog ang cellphone namin ni Klare. It was a text from Damon.
Damon:

Will you two stop being so PDA!? Naiihi na ako sa kakatago sa inyo!

Humalakhak ako. You try to be in my shoes. Tingnan natin kung kaya mo.

Natahimik na si Klare. And I'm satisfied because I made her blush. That's it. I'm
good. Papatapos na kaming kumain at abala na naman ang mga pinsan ko sa usapang
eskwela nila nang narinig ko ang munting bulong ni Klare.

"Naging moreno ka. Nag bilad ka sa araw don sa Surigao?" Tanong niya.

"Yup. Medyo." Sabi ko at pinanood ulit ang kanyang pag iiwas ng tingin.

"Hi Elijah!" Narinig kong may biglang sumigaw nito.

Tumama ang paningin ko sa grupo ng mga babaeng kumakaway sa akin. I saw this group
of girls. Naging kaklase ko sila noon sa Xavier at nagkita kami nito isang araw sa
Surigao City. Tinanguan ko sila.

"Sabi na nga ba! Kanina ka ba bumyahe pabalik ng Cagayan de Oro? Kanina rin kasi
kami, e. Sabay pala tayong bumalik galing Surigao."

Oh shit!

"Uh... Yup." Sabi ko.

"Uy, Elijah!" Tawa ni Azi habang winawagayway ang kanyang pera.

I know his type and he likes these girls. Tall, fair, and bitchy. Alam ko na kaagad
kung ano ang iniisip niya sa pagwagayway ng pera. Katuwaan namin ito noon ni
Rafael. Because Rafael believed that most girls like material things. Sabi niya,
kung may gusto kang babae at may pera ka, malaki ang tsansang makuha mo 'yong
babae. I don't know where he came up with that idea pero dahil sa ideya niya ay
nagkaron kami ng birong ganito.

"I'll make it rain! I'll make it rain!" Sabay paulan ni Azi at Josiah sa mga pera
nila.

It's kinda insulting for the girls part. Wa'g lang nilang makita na ginagawa nilang
dalawa ito ay ayos lang. Buti at hindi naman nila iyon napansin. Pinagsasapak ni
Erin ang dalawa kaya natigil.

"Nong nasa Surigao tayo hiningi ko ang number mo pero nakalimutan mo yatang ibigay.
Pwedeng mahingi ang number mo, Elijah?" Tanong nong babae, lumapit pa sa akin.

"Why do you want to get his number. He's taken. May girlfriend na siya." Ani Hannah
sa istriktang boses.

Tumawa si Dianne (well if I remembered her name correctly). "Wala na sila ni


Selena. He's very very single. Sino ka para pagbawalan-" She said in a very bitchy
tone.

Halos umalingawngaw ang tawa ni Josiah at Azrael sa gilid. Gustong gusto ko silang
pagsasapakin.

"We don't want cat fights here, miss. Kumakain kami. Wa'g kang bastos" Mariing
sinabi ni Erin kay Dianne, in a very authoritative voice.

Bumaling si Dianne kay Erin. Pinagtaasan niya ng kilay si Erin at inirapan bago
pumihit para umalis sa restaurant kasama ang mga kaibigan niya.

"Oh. That was mean." Sabi ni Chanel.

"Very mean." Sabi ni Claudette at tumingin na rin sa walang pakealam na si Erin.

Biglang tumayo si Klare. "Excuse me." And she rushed to the comfort room, alone.

Sumunod ang mga mata namin sa kanya. Nagpatuloy si Josiah, Rafael, at Azi sa
kulitan. Tumayo na rin ang nasa gilid kong si Vaughn.

"Sundan ko lang." He declared.

Tumayo ako at nagulat siya sa ginawa ko.

"Ako na." I clenched my jaw.

Kumunot ang kanyang noo. Oh that face. I'm gonna punch that again someday. Well...

"What's your problem?" Tanong ni Vaughn sa akin nang nilagpasan ko siya para sundan
si Klare.

"What is your problem..." Nilingon ko siya. "Binasted ka niya, matagal na. Stop
being clingy. Stop hoping. Your ass needs to get over it. She's not into you. And
will never be." Mariin kong sinabi sa galit ko.

Nalaglag ang panga ni Vaughn. "I'm just being nice to your cousin. Masama ba iyon?"

"Boys! Will you stop arguing? Klare can go to the bathroom by herself. Elijah, stop
it." Sabay turo ni Chanel sa akin. "And Vaughn, please, calm down. Ganito kami
magpipinsan kaya makisama ka."

She's jealous. She's probably real jealous so I'm going after her. Kahit hindi ko
alam kung bakit niya kailangang mag selos. She's the world to me. No need to fret
about random girls.

Tumuloy ako kahit na pinagbawalan ako ni Chanel.

Kabanata 26

Party

Huminga ako ng malalim pagkatapos kong isarado ang pintuan ng cubicle. Hindi ko
masasabing ayaw ko sa mga ginagawa ni Elijah dahil sa totoo lang, siya lang talaga
ang makakapag patibok ng ganito ka lakas at bilis sa puso ko. Halos sumabog ako
kanina sa lahat ng mga sinabi niya. Pakiramdam ko ay parang kasing pula ng kamatis
ang mukha ko.

Lumabas ako doon at tiningnan kong mabuti ang mukha ko sa salamin. 'Yong mga babae
kanina. Naiirita ako sa kanila pero hindi ko naman masabi kay Elijah. Ayokong
mahalata kami. Masyado na kaming PDA ani Damon at ayokong gatungan pa. Umalis ako
dahil gustong gusto kong magtanong kay Elijah kung saan sila nagkita nong Dianne. I
know. It's a stupid question. I don't want to be a clingy girlfriend. Ayon sa
nabasa ko sa isang magazine, madalas iniiwan ang mga clingy girlfriend dahil
pakiramdam ng mga boyfriend nila ay nasasakal na sila at nawawala na ang challenge.
Not that I need to hide my feelings just to keep Elijah, though.

Hindi ko lang rin talaga malubayan ang mukha ni dad nang kinompronta niya ako
pagkatapos akong iuwi ni Elijah sa amin.

"Klare, can we talk?" Aniya, hindi pa ako nakakapagpahinga.

Hindi ko alam kung kailan at kanino niya nalaman na kasama ko si Elijah sa Davao.
Siguro ay nong pauwi na kami, sinabi na rin ni papa kay mommy. That's okay.
Naiintindihan ko si papa. Ayaw niya lang sigurong maglihim kay mommy. Besides, mom
cares for me too.
Pinapanood lang kami ni mommy. Kanina nang nagmano ako pagpasok ay kinamusta niya
lang ang byahe. She never mentioned anything about Elijah's come back. I was glad
about it. Hindi rin ako handang idetalye ang mga nangyari sa Davao. Ni hindi ko
alam kung sinabi rin ba ni papa sa kanila ang nangyari doon.

"Inatake ang tito Exel mo. He's unconscious nong nasa Davao ka pa." Hinga ni Dad.

Pakiramdam ko ay nabuhusan ako ng malamig na tubig. Alam kong ganon ang nangyari
kay tito nang nalaman ko galing kay Elijah pero iba parin pala talaga pag ganon ang
pagkakasabi ng isang mas nakakatanda.

"Inatake siya dahil sa stress, sa pag aalala sa business at sa pag aalala kay
Elijah. We have been receiving news about some kid, the same description kay Elijah
na pinatay, namatay o nadisgrasya."

"No..." Mabilis kong sinabi at malakas na agad ang pintig ng puso ko.

Kahit na narinig ko lang na ganon ay kabado at nasasaktan na ako. Hindi ko yata


kaya kung ako ang nasa kalagayan ni tito Exel.

"Yes." Dad said.

Hindi ako nakapagsalita. Nakita kong lumapit si mommy kay dad at hinaplos niya ang
likod ni dad. Hinanap ni dad ang kamay ni mommy at naghawak kamay silang dalawa.

"Nag usap na kami ng mommy mo. Hindi kami tututol sa inyo kahit na alam naming
hindi sana tama itong mga nangyayari. We want you happy, Klare. It's been what...
two years? three? And we've decided to let you go..." Nabasag ang boses niya.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot sa sinabi ni dad. Of course masaya
akong hindi sila tututol sa kaligayahan ko. Pero nakakalungkot isiping nasasaktan
sila sa desisyong ginagawa nila para sa akin.

"If you'll be happy with him, then hindi kami hahadlang. Hindi na kami hahadlang.
It's just right now, I want your mature side to surface again..."

Hindi ako nagsalita. Kahit na halata sa paninitig ni dad 'yong paghihintay sa


isasagot ko.
"I want you to reconsider the situation. You and Elijah can't be together fully
yet. His father is sick and we don't want him to be more sick because of this
situation."

Pumikit ako at yumuko.

"Ginagawa ng tita Beatrice mo ang lahat para maging maayos ang pamilya nila. Now
that Elijah's back, dahan dahan nilang aayusin ang samahang natibag. We don't want
you involve in it." Binitiwan ni dad ang kamay ni mommy at hinawakan niya ang akin.

Malungkot pareho ang mga mata ng mga magulang ko. They are asking me to make our
relationship discreet. I won't have a problem with that. Ilang beses ko na iyang
nagawa kay Elijah. Ilang beses na rin niyang hindi kayang itago ito but this time,
I think he can finally make it. Kaya niyang itago sa ibang tao. At least now our
cousins will support us.

"Your tito does not approve of this relationship. Kung meron mang pwedeng
makapagpabago sa kanyang isipan ay si Elijah lang iyon. And Elijah should stop
nagging him right now too. There's a time for that. Obviously, this isn't the good
time."

Tumango ako at inintindi ang mga sinabi ni daddy.

"I hope you understand the situation, Klare. I ask you to keep your relationship a
secret. Siguro ay ito rin ang magiging desisyon ni Elijah. The boy grew up into a
very fine man, Klare. And he's for you. If he deserves you, I think he'll handle
the situation the right way. I hope you truly understand this."

"I understand dad." Mariin kong sinabi.

Tumango si dad. "Thank you."

I truly understand, dad. Truly.

Lumabas ako ng bathroom at naabutan ko si Elijah na nakapamulsa, naghihintay sa


akin. Nalaglag agad ang panga ko. We want this relationship to be a secret ngunit
bakit niya ako hinihintay? Baka mag duda lang iyong mga kaibigan namin! We used to
be so close. Hindi sila magtataka pero kung parati nang ganito ay may makakahalata
rin kalaunan.
"Elijah, ba't ka nandito?" Salubong ko.

Pinapanood niya ako. Tumayo siya ng maayos at tumikhim.

"I'm sorry about that." Sabi niya. "About those girls."

Ngumuso ako. "It's okay if you go out with some girls sometimes. Mas maigi iyon
para hindi tayo pagdudahan sa relationship natin." Nag iwas ako ng tingin.

"What, baby?" Humakbang agad siya sa akin.

May mga dumadaang waiter at iilang mga mag C-CR na customer. Gusto kong mapag isa
kasama siya pero magdududa lang sila. Hannah's dad is powerful. And if Elijah
breaks her heart, he will know. And the news will spread. Ayokong mangyari iyon.

"Are you asking me to go out... did I hear you right?" Mariin niyang sinabi.

Hindi ako makapag salita. Hinahanap niya ang aking mga titig na kung saan saan ko
binabaling.

"Klare..." Nagbabanta ang boses niya.

Tumikhim ako at inangat ang tingin sa kanya. Nag mamakaawa ang kanyang mga mata

"Klare, please..." Aniya.

"I'm just saying that it's okay. No hard feelings kung umalis ka... uhm... kasama
'yong mga babae na 'yon nong nasa Surigao-"

"Oh fuck. You're jealous and I swear to God I've been very very good. Wala akong
sinamahang kahit na sino." Aniya at hinawakan ang pisngi ko.

Tinanggal ko ang kamay niya sa pisngi ko at nag iwas ng tingin. Kahit anong sabihin
ko ay hindi ko maipagkakaila na nagseselos nga ako.

I've been with him for all of my life. Alam ko na ang kakayahan niya pagdating sa
babae. Nagkakagusto ang mga babae sa kanya sa simpleng pag dila niya lang sa
kanyang mga labi. I don't blame him for that. I don't want to be a jealous
girlfriend but I am. Simula nong naging opisyal kami sa mga mata ng aking mga
pinsan, mas lalo lang akong nagiging apektado sa mga selos na ito.

"Hindi ako sasama sa kahit sino. Kumakain kami ni Kuya Justin nang nakita namin
sila don. I'm familiar with them. See? I didn't give my number." Aniya at naghintay
ng sagot sa aking mga mata.
Kinagat ko ang labi ko. Tinitigan niya iyon at napaawang ang bibig niya. Tumindig
ang balahibo ko.

"I want to be alone with you." Bulong niya.

Halos mangatog ang mga binti ko sa sinabi niya. Pumihit ako at hinawakan ko ang
kamay niya para mahila ko siya palayo doon. Kailangan na naming bumalik. But I
can't hold his hand till we get to our table kaya mabilis ko rin itong binitiwan.
Damn it, Elijah. How could I be this in love with you? Jealousy and
misunderstanding is a bitch, love isn't.

Nang naaninag ko na ang mga mukha ng mga pinsan ko ay natuon ang pansin ko kay Erin
na ngumunguso sa nakatingin saking si Vaughn. Medyo busangot ang mukha ni Vaughn at
nakatingin sa akin.

Nauna akong umupo. Umupo rin si Elijah balik doon sa tabi ni Vaughn ngunit bago
siya umayos ay nakipag high five muna siya kina Azi at Rafael. Umiling na lang ako
kahit nakatitig pa ako kay Erin.

Umayos si Erin nang napatingin si Vaughn sa mesa. Tinuro ni Erin ang kanyang
cellphone. Tumango ako at bumagsak ang tingin ko sa aking cellphone. May mensahe
doon galing sa kanya.

Erin:

Muntik nang magsuntukan ang dalawa kanina pagkaalis mo. Basag mukha niyang si
Vaughn pag kukulitin ka ulit. Be with me and Dette for tonight. Hayaan mo si Elijah
kay Azi. I texted Rafael na magsama na lang muna sila.

May isa pang mensahe galing parin kay Erin.

Erin:

Tabi ka lang sakin. Si Claudette sa kabilang side mo.

Iyon nga ang sinunod. Hindi ko alam kung paano humupa ang galit ni Vaughn kay
Elijah. I feel sorry for him. Nakakalito pa nong paalis kami sa Redtail para
pumuntang Microphone Hero sa Lifestyle District, hindi ko alam kung kaninong
sasakyan ako sasama.
"Klare, sa likod ka." Diretsong sinabi ni Pierre sa akin pagkapasok niya sa
sasakyan nila ni Hendrix.

Kaming apat dapat ni Vaughn, Hendrix, at Pierre ang magkasama kahit na sa mukha ni
Elijah ay makikipag patayan siya para lang sa tatlong minutong byahe na iyon.

"Klare, mas mabuting dito ka na samin sumama." Panimula ng mukhang mahabang


sasabihin ni Hendrix nang biglang pinulupot ni Erin ang kanyang braso sa akin.

"Klare, don na tayo sasama kay Elijah. Tayo nina Azrael, at Claudette. Si Ate
Chanel ay sasama kay Brian. Si Eba, Damon, at Kuya Joss ay kay Rafael."

"But we have more room for people." Mariing sinabi ng kapatid kong si Pierre na
agad namang hinawakan ni Hendrix sa braso.

"Let her go. Don na lang siya kina... Erin." Sabi ni Hendrix at sumulyap pa sa
pinsan kong nasa tabi ko.

Nagkibit balikat si Erin at agad na akong hinila patungo doon sa sasakyan.

Maingay sila sa tawanan. Naaninag ko na ang ngiti sa mukha ni Elijah nang hinila na
ako ni Erin patungo doon.

"Si Azi sa front seat kasi mas mabuti kung kanyang mukha 'yong mabasag pag nabunggo
tayo."

"Erin! You're so mean! Ipinaglaban kita noong mga bata pa tayo tuwing may
makakaaway ka tapos ngayon gusto mong ako ang unang mamatay?" Nagtatampong sinabi
ni Azi na sinapak na lang ni Elijah.

Umirap na lang si Erin at ipinasok niya ako doon sa loob kung saan nakaupo na si
Claudette. Ngumiti si Claudette sa akin ngunit nakatoon naman ang buong atensyon
niya sa kanyang cellphone.

"Silver?" Nagtaas ako ng kilay.

Pumula ang kanyang pisngi at umiling na para bang may tinatago. Nanliit ang mga
mata ko. May hula ako. Sana tama. Pero hindi ko alam kung masisiyahan ba talaga ako
kung tama. I don't want anyone hurting. I hate to see people in pain.

Bumaling ulit ako sa labas. Nasa front seat na si Azi, si Erin na lang at Elijah
ang nasa labas. Papasok na si Erin nang narinig ko ang mahinang boses ni Elijah.
"Erin... Salamat." Aniya.

Ngumisi si Erin, plastic at pinapahalata. Parang kailanlang ay nagkakainsultuhan


ang dalawa. "Though I like seeing you jealous, mas gusto ko namang makasama si
Klare. Don't thank me. I didn't do it for you. I did it for myself." Tawa niya kay
Elijah.

Tumawa si Claudette at hindi ko mapigilang mapangiti. I missed Erin. Naaalala ko


kung paano kaming dalawa noon. We were partners in crime. Close kami kay Claudette
pero mas nagkakaintindihan kami ni Erin pagdating sa maraming bagay. Claudette's
often bullied and we are her tough rescuers. We'd do anything for our cousin.
Nakakamiss.

Nang nakarating kami sa Microphone Hero ay panay na ang kantahan nila. Umorder ng
Red Label si Rafael at kinakantsawan pa siya nina Elijah at Azi dahil sa pagiging
broken hearted niya di umano.

Pumagitna nga si Claudette at Erin sa akin, sa paligid namin ay sina Hannah, Julia,
at Liza. Si Chanel at Brian ay may sariling mundo. Si Damon at Eba ay ganon rin. Si
Hendrix ay kausap si Josiah at Damon samantalang si Pierre naman ay kausap si
Vaughn. Tawanan at biruan lang ang nangyari. Tuwing pinapakanta nila ako ay panay
ang hiyawan nila.

Umiinit ang pisngi ko tuwing nararamdaman ko ang paninitig ni Elijah sa akin. Kaya
madalas akong tumatanggi sa pag kanta dahil hindi ko maayos ang boses ko sa kaba.

"Mapapaos yata ako nito!" Sabi ni Azrael nang pinindot ang isang kanta ng
Aerosmith. Sa halos tatlong oras namin dito ay naubos na yata nila lahat ng mga
bagong kanta.

Nagtawanan kami nang nakitang pulang pula silang dalawa ni Damon, hindi ko alam
kung dahil ba iyon sa alak o sa pagbirit.

"Stop it, Azrael. You murdered the song!" Tawa ni Elijah.

"Maganda kaya ang boses ni Azi! Maling kanta nga lang." Tawa ni Chanel.

"Ay tama na, ayoko na. Mag party tayo para medyo mahimasmasan 'yong mga lasing."
Sabi ni Erin.

"Sinong lasing? Walang lasing dito." Ani Azi.

"Nag pareserve ako ng table sa Illest..." Sabi ni Kuya Hendrix.

"Kuya, we will party?" Mariing tanong ni Pierre.


"We can chill if you don't want to, Pierre." Napatingin si Hendrix kay Erin,
naghihintay ng desisyon. "What do you think?"

Tinaas ni Erin ang kanyang mga kilay ay nagkibit balikat siya. "Go."

Sumulyap ako kay Elijah na medyo mapupungay na ang mga mata. Alam kong hindi siya
gaanong uminom ngayong gabi. Dinaya na naman yata nila si Azi kaya medyo sabog na
siya. Hindi parin sila nadadala.

"Sayaw tayo mamaya, Klare?" Ngiti ni Vaughn sa akin nang nilubayan sandali ni Erin
ang gilid ko.

Sasagot na sana ako nang biglang hinawakan saglit ni Elijah ang pulso ko at
binulungan niya ako ng mabilis lang.

"Meet you outside."

Kabanata 27

Depressant

Kinakabahan ako sa mga ikinikilos ni Elijah. Hindi ko siya matingnan nang palabas
na kami sa Microphone Hero.

"Okay ka lang?" Tanong ni Claudette sa akin nang hindi ako mapakali palabas.

"Ayos lang." Sabi ko.

Nauna na si Elijah sa labas. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Mabuti na
lang at nong nakalabas na kami ay nakita ko siyang kaabang doon, hinihintay kami.

"Elijah, tara na! Mauna na tayo, dude!" Sabi ni Azi.

Umiling si Elijah sa kanya. Nakapamulsa at ngumunguso.

"Hayaan mo nga 'yan, Azi! Tara na!" Sabay tulak ni Josiah kay Azi.

"Si Cherry ba 'yon?" Nanliit ang mga mata ni Azi at agad na pumanhik patungo sa
Illest dahil may nakitang chics.
Tumawa si Erin. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Nagtatawanan silang lahat sa kung
anong pinag uusapan. Lumingon si Rafael kay Erin.

"Baka nandon rin si Eion, Erin. I know Silver's coming." Medyo nag iingat na sinabi
ni Rafael.

Ipinagkibit balikat lang iyon ni Erin. "We're cool, Raf."

Lumingon si Erin sa akin at kay Elijah. Si Claudette ay kasama na si Hannah, Julia,


at Liza papasok ng Illest. Sumulyap si Erin kay Hendrix at agad ng linapitan ng
kapatid ko si Vaughn.

"Let's go, Vaughn." Ani Hendrix kahit na nag aalinlangan pang sumama si Vaughn
dahil sa paghihintay sa akin.

"Susunod lang kami." Sabi ni Erin sabay kaway kina Rafael.

Nauna na sila. Ang naiwan ay si Damon, Eba, Erin, Elijah at ako. Agad pumunta si
Elijah sa likod ko at hinawakan niya ng marahan ang baywang ko. Napatingin ako sa
kamay niya at halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko. Nakita ko ang pagdungaw ni
Erin sa kamay ni Elijah at ang pagtaas ng kanyang kilay.

"Wa'g kayong mag tagal, ah? Ayokong nagsisinungaling." Ani Erin at sumunod na sa
Illest.

Pinanood ko ang paglayo niya. Si Damon at Eba na lang ang naiwan. Ngumiti si Eba sa
akin, kumikinang ang mga mata habang pinapanood ang bawat kilos ni Elijah.

"Ang cute niyong dalawa." Ngiti niya.

Ngumiwi si Damon sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay bago tumingin muli kay
Elijah. "15 minutes. Balik kayo agad. Di rin kami magtatagal. Hindi daw makatulog
si Xian pag wala kami. Baka gusto niyong sumabay pag uwi?"

"We'll see." Sabi ni Elijah sabay tango kay Damon.

Sumulyap si Damon sa akin bago nakipag high five kay Elijah at umalis hawak ang
kamay ni Eba.

Pinanood namin silang pumasok sa Illest. Maingay na doon at sumasayaw na ang mga
neon lights. Tahimik kaming dalawa. Hinihintay kong mag salita siya. Kahit na
kaming dalawa na lang ay may mga naka aligid paring kilala namin kaya kailangan
paring mag ingat.
"Hmmm. You want to drink milk tea or something?" Paunang sinabi niya.

Nilingon ko siya at tumango na ako agad, nagpipigil ng ngiti.

Ngumiti rin siya pabalik. "Come on." at naglakad palabas ng Lifestyle District.

Lumiko kami sa gilid kung nasaan ang isa pang branch ng Sweet Leaf. Naka dim ang
lights. Pagkapasok sa lugar na punong puno ng mga pictures, paintings, at bagay na
kulay pink at brown ay agad akong naging komportable. Bukod sa hindi nang uusyoso
ang dalawang crew sa harap ay mas lalong gumaan ang loob ko nang nakitang walang
tao doon.

"Anong sa'yo?" Nilingon ako ni Elijah nang pumwesto na ako sa isang sofa.

"Wintermelon." Sagot ko.

Tumango siya at dumiretso na sa counter.

Kung eksena ito noon ay siguro hindi na ako pumayag na nandito kami sa Sweet Leaf
kahit na walang tao. Sa takot na baka makita kami ng mga pinsan ko ay hindi ko
makakayanan ito. Ngayong suportado na kaming dalawa ay mas nagkaroon ako ng lakas
ng loob.

Pagkabalik niya ay umupo siya sa tabi ko, umambang aakbayan ako. Hindi ako
makagalaw sa ginawa niya. Ni hindi ako makatingin sa kanya. I want to be intimate
but he's too much to take in.

"Finally, no Vaughn around. He's too nosy." Aniya. "Binara ko kanina."

"Mabait naman s-siya. Hayaan mo na." I stuttered.

"I honestly don't care if he's a good person. I just want him to seriously stop
hitting on you." Ani Elijah, dinudungaw ako ng seryoso.

Syempre, iniisip ni Vaughn na single parin ako. Hindi ko na lang binanggit iyon kay
Elijah. Baka mamaya ay sabihin niya pa sa lahat na kami na. Baka hindi siya
makapagpigil.

"Heto na po ang order niyo, sir." Sabi nong bading na waiter habang nilalapag ang
order naming may nakalagay na pangalang "Klare. Elijah."
Agad kinuha ni Elijah 'yong straw at nilagyan niya muna ang akin bago 'yong sa
kanya. Hindi ko maiwasang punahin ang kanyang pagka maalaga. I love him so damn
much for that. Inabot niya sa akin 'yong tea ko.

"Why don't you change your relationship stat on Facebook?" Nagtaas siya ng kilay.

Halos maibuga ko ang milk tea na iniinom ko. Kumunot ang noo niya.

"You change your relationship stat on Facebook." Utos na iyon.

"Elijah..." Nakangiti kong sinabi.

"Hindi ka titigilan ng mga lalaking 'yan kung hindi ka mag lalagay ng In a


Relationship." Untag niya.

"Pano kung mag tanong sila kung sino? Sinong isasagot ko?"

"Then don't answer them. It's not your obligation to answer their every damn
question, Klare."

Ngumuso ako sa sinabi niya. May punto siya don pero hindi lang ako makapaniwala sa
gusto niyang mangyari.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at nakita kong pinindot niya ang icon ng
Facebook. Pinanood niya ang pagdungaw ko roon.

"I'll change mine now. You can change yours tomorrow. Walang magdududa. And
besides, pag nag duda sila sating dalawa, I don't care. Saan din naman patungo 'to?
Malalaman at malalaman din nila 'yon."

Huminga ako ng malalim. "Ang kulit mo."

Ngumiti siya. "Ayoko lang ng may nag iisip na may pag asa sila sa'yo. Wala na
silang pag asa."

Nagtaas ako ng kilay sa confidence niya. Tumawa siya sa reaksyon ko.

Darn. Kapag kasama ko talaga siya ay nakakalimutan ko ang oras. Kahit buong
magdamag siguro kami dito at nag uusap ay ayos lang sa akin. Hindi ako nagsasawa sa
mga sinasabi niya.

Nang nag usap kami tungkol sa aking birthday ay nakita ko ang pamumungay ng kanyang
mga mata. Hinanap ko iyon nang naglakbay ito sa mga frame na nasa kabilang
dingding.

"Wala ako sa birthday mo." Aniya.


Sinubukan kong huwag pawiin ang ngiti sa aking labi pero siguro ay sa lungkot na
nadama ko ay hindi ko na naiwasan. Hinawakan ni Elijah ang kamay ko.

"Aalis kami kasama si Dad-"

Hindi ko na napigilan ang pag putol sa kanya. "U.S?" Basag ang boses ko.

Umiling siya. "No, baby. I won't go anywhere that far without you anymore. Pupunta
kaming Manila. I assure you na hindi ako aabutin ng isang buwan doon. Kailangan
kong sumama at bumawi kay dad. Gusto kong magpagood shot sa kanya habang mag
papatingin siya sa St. Luke's. Heart Rehab. I'll see if I can do something about
our relationship. Babalikan kita agad."

Inisip ko ang mga sinasabi niya. It's his dad. Wala akong karapatang sabihin sa
kanya na huwag dahil ayaw kong wala siya sa tabi ko. Natatakot ako sa pagkakataon.
Natatakot ako sa aming sitwasyon. Natatakot ako na baka may hindi magandang
mangyari. Natatakot ako na mapako ang pangako niya at hindi ko siya masisi. That's
too selfish of me though so I will let him go.

"Take your time. Don't rush, Elijah. Dad mo 'yan. He needs to recover." Sabi ko at
tiningnan ang mga daliri naming pinagsalikop niya.

Naglalaro ang daliri niya sa mga daliri ko. Isang bagay na paniguradong magpapaiyak
sa akin sa sobrang pangungulila. I'm gonna miss him so much. At sa birthday ko pa,
wala siya? Well, I've spent two birthdays without him anyway. This won't make a
difference right? I hope so.

"We'll Facetime every night. I promise." Ngiti niya.

Tumango ako at nakatoon parin sa aming mga daliri.

Tumunog ang cellphone ko. Umayos kaming dalawa at dinungaw ko ang pangalan ni
Pierre na tumatawag. He's worried? I don't know. Hindi nga pala ako nakapag paalam
sa isang iyon.

"Hello?" Sagot ko, pinapanood si Elijah habang nakatingin rin pabalik sa akin.

"Where are you?" Malamig niyang tanong.

"Bakit?" Tanong ko.

"Akin na, Pierre." Malamig na sinabi ni Claudette.


"Tss..." At narinig kong naka Claudette na ang cellphone. "Hello, Klare?" Boses ni
Claudette.

"Dette?" Medyo kinabahan na ako.

"'Yong kuya Hendrix mo, uhm... He's hurt." Sabi niya. "We are... We're heading
home. Diretso na. Asan kayo? Nasa Lifestyle pa? Sabay na tayo? Sumabay sina Azrael
kina Raf."

"W-What? Bakit? Anong nangyari kay Hendrix?" Napatayo ako at halos dumiretso na sa
pintuan.

Malakas ang pintig ng puso ko at inisip ko kung ano ang maaaring nangyari sa
kapatid ko. May mga masasamang loob ba na may alam na anak ang kapatid ko ng isang
negosyanteng multi millionaire? Oh my God!

"Elijah, let's go." Sabi ko kahit nakasunod na si Elijah sa akin.

"What happened?" Tanong niyang wala akong maisagot. Naka dungaw na rin siya sa
kanyang cellphone, tinitext ang kung sino.

Halos tinakbo namin ang daanan patungong pariking lot ng Lifestyle District.

"Lika na lang dito. Bilisan niyo. Si Damon ang nag hatid kina Julia, Liza, at
Hannah." Sabi ni Claudette. "Ida drop lang daw ni Pierre si Vaughn. Sasama kami ni
Erin sa inyo ni Elijah."

Habang nagsasalita si Claudette ay naaninag ko ang front seat ni Pierre na


nakabukas at may nakaupo doon. Nakatayo si Erin habang mukhang ginagamot ang
nakaupo.

"Klare! Where have you been?" Salubong ni Vaughn sa akin pagkatapos kong ibaba ang
cellphone ko.

Sumunod agad si Claudette sa akin nang binalewala ko si Vaughn at dumiretso na sa


kapatid kong dumadaing at umiiwas sa pag gamot ni Erin sa kanya.

"They're here. Klare, sumama ka na lang kay Elijah. Isama niyo si Ahia at Erin.
Ihahatid ko si Vaughn. Claudette's coming with me." Utos ni Pierre.

Kumunot ang noo ko.


Pinatunog ni Elijah ang kanyang sasakyan sa tabi ng sasakyan nina Hendrix. Nilingon
ko si Vaughn sa gilid ko na nakakunot parin ang noo sa akin at naghihintay ng
sagot.

"Jesus Christ, give it up, Vaughn." Sabi ni Erin at tinulak si Vaughn palayo sa
akin.

"Nagtanong lang naman ako. He's brother got hurt. She wasn't there." Mariing sinabi
ni Vaughn.

"Vaughn, nagutom ako kaya kumain ulit ako." Palusot ko. Hindi makatingin kay
Vaughn. "Rix, let's go. Sa back seat ka na." Sabi ko at nilapitan ang kapatid kong
dumudugo ang kabilang pisngi.

Ni hindi ko alam kung ano ang nangyari. Kahit paano ay napawi naman ang sobrang
kaba ko. I thought of the worst. Thank God, gasgas lang. But still I'm worried.
Hindi nagkakaron ng ganito ang kapatid ko.

"Pierre, take care of the car." Malamig niyang sinabi sa kay Pierre na
pinagbubuksan si Claudette sa back seat.

Tumikhim si Claudette at pumasok, sumulyap sa akin habang pinapapasok ko naman si


Hendrix sa likod ng sasakyan ni Elijah.

"Pupunta sina Rafael sa bahay niyo sa Hillsborough ngayon to check on us. Si Damon
at Eba nagpaalam na umuwi na." Sabi ni Erin bago pumasok sa loob ng sasakyan ni
Elijah.

Nilingon ko ang nakaabang na si Elijah sa akin. Tumango siya at lumapit na ako sa


front seat para makaalis na kami.

Nakita kong umalis na sina Pierre, Claudette, at Vaughn. Sumunod naman kami.
Nilingon ko ang dalawa at naabutan ko si Erin na patuloy ang pag gamot sa sugat ni
Hendrix.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"It's his fault." Sagot ni Erin.

"Nagtatanong si Klare kung ano ang nangyari. Hindi siya nagtanong kung sino ang may
kasalanan." Iritadong sinabi ni Hendrix at agad dumaing nang mariing pinindot ni
Erin ang namamagang pisngi. "Ouch!"

"Kung sana ay hindi siya nagpa bida ay sana hindi siya nagkaganito." Sabi ni Erin.
"Bar 'yon kaya syempre, sasayaw ako. What the hell is wrong with you?"
Kumunot ang noo ko sa kapatid kong nakabusangot ang mukha.

"You're dancing with your ex. Hindi ka parin nadadala? Just... nasan mo nilalagay
'yong utak mo?" Tumaas ang tono ng boses niya.

Naramdaman kong gumapang ang kamay ni Elijah sa kamay ko. Nilingon ko siya at
nilagay niya ang index finger niya sa kanyang labi. "Shh."

Tumingin ako sa daanan habang dinidinig ko ang pagtatalo ng dalawa sa likod ko.

"So what? Anong pakealam mo? This isn't your life." Malamig na sinabi ni Erin.

"Don't come running to me pag nasaktan ka niya ulit. I'm not going to shelter you
anymore."

Nalaglag ang panga ko at halos natunaw sa kinauupuan ko. Narinig ko ang sipol ni
Elijah. Nilingon ko siya at malaki ang kanyang ngiti. Gusto ko siyang sapakin
bigla. Tumigil siya at huwag na huwag siyang sasawsaw.

"I didn't ask for anything. I will never ask for anything, Hendrix." Sabi ni Erin.

At don ay natahimik ang dalawa. Halos wala na rin akong masabi nang ang lintik na
Elijah ay sumasalida pa.

"Baby, the deafening silence is killing me. Can you please turn the stereo on?"
Malambing niyang sinabi.

Matalim ko siyang tinitigan. Kumindat siya sa akin at sinunod ko na lang ang


hiningi niya.

Tahimik kami kahit na pumasok na kami sa Hillsborough. Sa malayo pa lang ay kita ko


na ang dalawang sasakyang naka park sa tapat ng bahay namin. Nasa loob na yata
'yong kina Pierre.

Lumabas kaming apat pagkatapos nipark ni Elijah ang sasakyan. Mabilis na nagmartsa
si Hendrix papasok sa bahay namin. Sumunod si Erin sa kanya. Nagkatinginan kami ni
Elijah. Nagkibit balikat siya sa akin at pumasok na rin sa loob kasama ko.
Narinig ko ang mga pinsan kong nag uusap sa sala ng bahay.

"Ang tigas kasi ng ulo ni Erin." Sabi ni Rafael.

"Malay ko ba na papatulan niya si Eion." Sabi ni Erin at umupo sa tabi ng isang


tulog ng si Josiah at Azrael. Maging si Claudette ay nakapikit na rin sa balikat ng
humihikab na si Rafael.

"Dito na lang kayo matulog." Sabi ni Pierre at tumayo na, nagtungo sa kay manang na
nasa gilid at naghihintay ng utos.

Napatalon si Rafael sa sinabi ng kapatid ko. Inisip ko kaagad na magkakasya naman


siguro sa mga guestrooms.

"Wa'g na." Ani Rafael.

"Sige na, Raf. Nag isip karin naman kanina na matutulog tayo kina Elijah." Sabi ni
Chanel.

Wala na doon si Brian. Siguro ay umuwi na kaya kaming magpipinsan na lang talaga
ang natitira.

"They're asleep. Dito na lang kayo matulog." Sabi ulit ni Pierre.

Napatingin ako kay Hendrix na hinahaplos ang sugat sa gilid ng kanyang labi at
tinitingnan ang dugo sa kanyang daliri. Narinig ko ang tikhim na Erin.

"God." Aniya at agad siyang tumayo para lapitan si Hendrix nang biglang tumayo ang
iritadong si Hendrix.

Natigilan si Erin lalo na nong nag walk out si Hendrix.

"Kung napipilitan ka lang na gamutin ang sugat ko, wa'g mo na lang gamutin!" Sabi
ni Hendrix at dumiretso sa kusina.

Laglag ang panga ni Erin nang hinarap niya kaming lahat. Napatingin ako kay Elijah
na walang kupas ang ngiti.
"Looks like bro needs a depressant." Sabay tingin niya kay Rafael.

Nilingon ni Rafael si Azi na patay sa tulog. "Sana pala di ko nilasing ang isang
'to. Magaling 'to sa advice, e." Tinampal ni Raf ang pisngi ni Azi.

Nakita kong gumalaw ang mata niya at halos masapak niya pa si Rafael kahit na hindi
pa nadidilat.

"Fuck... stop it." Bulong niya.

"Gising! Inom tayo." Sabi ni Rafael.

Umiling ako. "Tumigil na nga kayo."

"Hmmm. Why not." Sabi ni Azi habang nakapikit parin. "Employee of the month? Liver.
Hard working, e." Halakhak niya.

Tinapik ni Elijah ang likod ko. Nilingon ko siya at inilapit niya ang kanyang labi
sa aking tainga. "Show me your room. Para alam ko kung saan ako matutulog
pagkatapos naming mag inuman." Bulong niya.

Napatingin ako kay Pierre na abala sa pag uutos kay Manang.

"Hindi ka pwede sa kwarto ko." Sabi ko.

"Pwede. Pag lasing ang kuya mo." He smiled.

Umiling ako at sinapak siya. Humalakhak siya at tinanguan na si Rafael. Sabay


silang pumunta sa kusina, kung nasaan paniguradong nag lalasing ang kapatid ko.

Kabanata 28

Taken

Hindi ako sigurado kung nagkakatuwaan ba ang mga pinsan ko o ano pero naririnig ko
ang tawanan nila sa kusina namin. Doon yata nila napiling mag inuman. I thought
Azrael's down pero nong narinig niya ang tawanan ay nagising siya. Maging si Josiah
ay ginising ng unggoy para lang makisali sa kina Elijah.

Abala naman ako sa mga guests rooms na mukhang hindi yata gagamitin ng mga babae
kong pinsan dahil nasa kwarto ko na sila at nag kukwentuhan. Inisip ko tuloy 'yong
sinabi ni Elijah kaya nag text na ako sa kanya na sa guest room na lang siya dahil
nasa kwarto ko ang mga pinsan namin.
Binaba ni Pierre ang cellphone niya nang nagkasalubong kami sa ikalawang palapag ng
bahay. Abala din siya sa pag aasikaso sa mga guest rooms na matagal ng di
nagagamit. Naglakbay ang mga mata ko sa kanyang cellphone na nilagay niya sa
kanyang bulsa.

"Klare, ayos na ba ang mga comforter sa kwarto mo?" Tanong ni Pierre.

"Yup. Dinala na ni manang kanina. Kumusta 'yong guestrooms?"

Tumango si Pierre at hinawakan ang railing ng aming hagdanan, umaambang bababa.


Kumunot ang noo ko. Makikipag inuman siya sa mga pinsan ko?

"Iinom ka?" Tanong ko.

Tumango siya at hindi na ulit ako tiningnan pabalik. Nagkibit balikat ako at
pumasok na sa kwarto habang binabasa ang message ni Elijah.

Elijah:

Damn. Pupunta parin ako. But I'm sure they won't let me sleep there. I miss you.

Nakangiti pa ako nang naabutan ko ang mga babae kong pinsan na tahimik na nag uusap
sa kama ko. Naka upo si Erin habang si Chanel ay nakatayo at nakapamaywang,
seryosong pinapakinggan ang sinasabi ng kapatid. Si Claudette ay naka higa at may
cellphone sa kamay, nakikinig din.

"Ni hindi ko alam na si Eion 'yong sumasayaw sa likod ko." Naabutan kong paliwanag
ni Erin sa kapatid.

"That's why medyo napatayo si Rafael habang nagtatawanan kami. Hindi pa 'yon nakaka
recover sa nangyari nong huli nating punta sa Lifestyle na nandon si Eion, e."
Iling ni Chanel.

"The problem with Hendrix, ate, is that lagi siyang nag dedeliryo na alam ko ang
mga pangyayari. Na alam kong si Eion 'yon kaya ako sumayaw don. I didn't know. I
was tipsy and I want to dance." Sabay tingin ni Erin sa akin.

Inisip ko tuloy kung anong meron sa kanila ng kapatid ko. Ang alam ko lang ay gusto
ni Erin si Hendrix noon. Pero ngayong alam kong mula pa high school ay gusto niya
pala si Eion, naisip ko tuloy kung tunay niya bang crush ang kapatid ko o pang
divert lang iyon sa nararamdaman niya para kay Eion.

"Do you still like Eion?" Malamig na tanong ni Chanel sa kapatid niya.
Pinasadahan ni Erin ng kanyang mga daliri ang side bangs niya at sumulyap sa akin.
Tumikhim siya at tiningnan ulit si Chanel.

"He doesn't deserve-"

"You still like him." Humalukipkip si Chanel at umiling.

"Ate, what he did to me was painful-" Paliwanag ni Erin na agad pinutol ni Chanel.

"Fine, fine! Dito na kayo. Bababa ako. Don na ako sa mga boys. Bigyan niyo ako ng
comforter mamaya, a?" Sabay hawi ni Chanel sa kanyang buhok at pihit sa door handle
para makalabas.

Tumikhim si Erin at tumabi para makahiga ako. Kinagat niya ang kanyang labi at
nilingon ako.

"Masakit lang talaga 'yong ginawa ni Eion sa akin. Hindi ko makalimutan." Aniya at
hinagkan ang kanyang tuhod.

"Maybe you should forget him and date someone else instead." Sabi ni Claudette
habang nag titext sa kanyang cellphone.

"You don't date someone else to forget, Claudette." Kunot ang noo ni Erin nang
nilingon si Claudette.

Nagkatitigan ang dalawa. Papalit palit ang tingin ko sa kay Claudette at Erin.
Gusto kong magsalita. Na kaya hindi ko sinagot si Eion noon ay dahil ayaw kong
manggamit ng tao para lang makalimutan si Elijah.

"You'll learn to love that person eventually. So it's win-win for the both of you."
Giit ni Claudette.

Umiling si Erin. "No. Natatakot akong pumasok ulit sa ganon. I don't wanna be
dropped anytime. Ayokong makipag date lalo na pag alam kong wala rin namang
patutunguhan."

Tumikhim si Erin at napatingin siya sa kanyang cellphone. Hinintay kong dumugtong


si Claudette pero imbes na ganon ay tiningnan niya ang mga nakalatag na Dvds
malapit sa TV.

"Manood tayo ng movie." Aniya.

"'Yong horror." Dagdag ni Erin habang humihiga na at panay ang pindot sa kanyang
cellphone.
Nagkibit balikat ako at humiga na rin sa tabi ni Erin. Biglang tumayo si Erin at
bumaba sa kama. Umupo siya don sa nakalatag na foam sa sahig.

"Dito muna ako habang manonood." Aniya sabay tingin sa kanyang cellphone.

Abala si Claudette sa pag aayos ng TV. Tinulungan ko siya at bumalik rin sa kina
hihigaan ko nang natapos.

Ilang sandali ang nakalipas ay biglang pumasok si Pierre sa kwarto. Napatalon si


Erin sa kanya. Agad hinanap ni Pierre si Claudette na ngayon ay may kausap sa
cellphone. Kinagat ni Claudette ang kanyang labi ay dahan dahang binaba ang
cellphone niya.

"Oh, I thought you were asleep." Tumaas ang kilay ng kapatid ko.

Ngumiti ako at umiling. "Nanonood pa kami nitong movie-"

Pero hindi niya na hinintay na matapos ako. Tumalikod na siya at pinagsarhan kami
ng pintuan.

"Wait, Pierre!" Agad na tumakbo si Claudette sa pintuan na padabog na sinarado ng


kapatid ko.

Nagmura si Claudette at tinali muna ang kanyang mahaba at itim na buhok bago
lumabas para sundan ang kapatid ko. Nilingon ko si Erin na nagkibit balikat na
lang.

"Ano 'yon?" Tanong ko.

Nagkibit balikat ulit si Erin.

Panay ang usapan namin ni Erin tungkol kay Claudette at sa ex niyang iniwan siya
noon. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang topice namin pero pag love life ni
Claudette ang pinag uusapan, isa lang talaga ang maisasagot ko. Nandon ako nang
nangyari ang lahat ng iyon. Nandon kami. Kahit na tahimik iyon ay alam kong malaki
ang naging epekto non kay Claudette. That wasn't an easy love. And I'm sure it was
love.
Inantok ako sa kalagitnaan ng movie. Nakaidlip ako at nagising na lang nang may
naramdaman akong humawak sa baywang ko.

Dumilat ako at naamoy ko kaagad si Elijah sa tabi ko.

"Make it fast, Ej. Balik ka na sa room mo or I'll tell Hendrix-"

"Chan, don't be such a kill joy." Bulong ni Elijah.

Kinusot ko ang mga mata ko. Si Erin na tulog na sa tabi ni Chanel. Sa tabi ko naman
ay si Claudette na nakatalikod at mukhang tulog na rin. At sa gilid ko ay si Elijah
na nakangiti. I need to seriously check my face! Kakagising ko lang for God's sake!

Naaamoy ko ang mint at vodka sa kanya. Nandon parin ang bango ng kanyang katawan at
hindi ko mapigilan ang pag bilis ng pintig ng puso ko. Nakaupo siya sa tabi ko kaya
umayos ako sa pag upo.

Pinatay ni Chanel ang lamp. "Ikaw na bahala sa pag alis mo. Wa'g mo kaming apakan
kundi lagot ka sakin."

"Elijah..." Sabi ko na kahit sa dilim ay medyo kita ko parin ang kanyang mga mata.

"Saglit lang ako. Hindi ka na nakapag reply. I just want to check on you. If you
were sleeping." Aniya.

Umubo si Chanel sa gilid. Uminit ang pisngi ko. Damn it.

"Nakatulog ako." Bulong ko.

"Uh-huh. I can see that." His voice was husky. "Why do you have to whisper?"

"Tulog na sila." Mas mahinahon kong sinabi.

Umubo pa ulit si Chanel at bumulong bulong ng kung ano. Damn!

"Yeah. Can I have my kiss before I leave? Hinihintay na ako ni Azrael sa kabilang
kwarto." Halakhak niya.

Lumaki ang ngiti ko. Medyo naiilang ako sa hinihingi niya pero dahil sa sinabi niya
tungkol kay Azi ay hindi ko mapigilan ang sarili ko. "Gays."

"Gay, huh?" Aniya at mabilis akong hinalikan ng banayad at mababaw na halik.

Halos umikot ang mga mata ko. Nakakahilo at nakakawala sa sarili ang simpleng dampi
ng kanyang labi sa akin. Nagwawala ang mga demonyong matagal ko ng inaalagaan sa
tiyan ko. Hindi ako nakapagsalita. Lalo na nong hinawakan niya ang labi ko.

"Thank you." Aniya at agad hinila ang kumot ko.

Nanlalaki pa ang mga mata ko sa gulat sa halik na iyon. Pakiramdam ko ay


nakukulangan ako pero nahihiya rin kasi alam kong alam ni Chanel kung ano ang
ginawa namin ni Elijah. Hindi na siya umubo o gumalaw man lang. Hindi ko alam kung
ano ang nasa utak non.

Hindi pa ako nakakalma ay pinahiga na ako ni Elijah sa kama. Sinigurado niyang


nalagay sa unan ang ulo ko. Bahagya niya pang inayos ang gulo ng buhok ko.

"Good night. I'll see you later." Aniya at halos gusto ko siyang hilahin pabalik
nang umalis siya sa kwarto.

Pakiramdam ko ay hindi na ulit ako makakatulog. Kung anu-ano na lang talaga ang
pinaparamdam ni Elijah sa akin.

Sa sumunod na mga araw, madalas siyang pumunta sa school para lang maabutan ako at
makakain kami ng sabay o makuha ako galing doon. Alam ko namang abala siya sa
pakikipag palitan kina Ate Yasmin at Kuya Justin sa ospital kaya hindi ko hiningi
sa kanya na sana ay araw araw kaming nagkikita kahit iyon ang gusto ko. Ngunit
kahit hindi ko iyon hiningi ay siya na mismo ang naniniguradong ganon nga ang
mangyari.

Ilang beses ko siyang pinagsabihan na okay lang naman kung abala siya sa ospital.
He insisted. Natatakot nga akong baka mag tanong sa kanya si tito at wala siyang
maisagot.

"Pssst..." Naririnig kong tawag ni Erin ngunit binabalewala ko. Hindi ko rin naman
kasi inakalang para sa akin 'yon. Pero nang hinampas niya ang mesa ay napatingin na
ako sa kanya.

"Bakit, Erin?" Kumunot ang noo ni Hannah sa tabi ko.


Gumagawa kami ngayon ng term paper sa isang minor subject na nag aala major dahil
sa dami ng requirements para sa final exams. Ngumiti si Erin kay Hannah at, "Wala,
Hannah."

Tumango si Hannah at nag lakbay ang paningin niya sa mga taong dumadaan sa kiosk at
sa soccer field, kung saan kami tumatambay habang inaayos ang term paper. May
nginuso si Erin sa akin. Kasabay non ang pag papanic ni Hannah.

"Elijah's here! Oh my God!" Aniya at biglang nag ayos.

Naestatwa ako sa kinauupuan ko. Lalo na nang naramdaman ko ang kamay ni Elijah sa
balikat ko. Tumingala ako sa nakangiting siya. Tumabi siya sa akin at panay ang
tingin ni Hannah sa amin.

"Nag lunch na kayo?" Tanong ni Elijah sa akin, nakatitig.

Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Sa suot niyang stripes na polo shirt at maong
pants ay malinis at masyado siyang makisig. Hindi ko kayang tatabi siya sa isang
tulad kong naka uniporme at medyo sabog sa mga ginagawa.

"Hindi pa." Sagot ko.

"Sabay ka samin?" Ngiti ni Hannah sa gilid ko.

Nilingon ko si Elijah na nag tataas ng kilay ngayon. "Actually, di ako magtatagal


kasi ala una ang sunod na pasok namin. Baka dito na lang kami sa school mag lunch."
Sabi ko.

Tumango siya. "Alright then... What do you want? Bibilhin ko para sayo." Sabay
tingin niya sa mga papel na nakalatag. "You look real busy."

"Elijah, pati 'yong amin. Kasama mo ba si Azi? Isama mo na lang kaya siya. Bilhan
niyo kami ng porkchop ni Klare." Ani Erin.

Tumango si Elijah. "Nasa Canteen sila ni Joss at Rafael." Tumayo si Elijah hinaplos
ang likod ko.

Medyo naiilang ako dahil kita ko ang mga mata ni Julia na nakatitig doon.

"Pork chop na rin amin, Elijah. Here." Sabi ni Hannah at naglahad ng pera kay
Elijah.

Umiling siya. "Sagot ko na kayo." Aniya at dumungaw ulit sa akin at sumenyas na


aalis muna para bumili ng pagkain.
Tumango ako at hinayaan siya. Nang nakalayo na siya ay agad pinaypayan ni Hannah
ang kanyang sarili.

"Oh my God! Nilibre niya ako! Klare, wala na sila nong girlfriend niya diba? I mean
'yong ex niya? Does that mean?" Kitang kita ko ang pag asa sa kanyang mga mata.

"It means we have to move on too." Ani Erin at nagpatuloy sa kanyang mga sinusulat.

"Erin naman..." Tikhim ni Hannah. "You know I like Elijah so much and I couldn't
let go of our what could have beens. I dated him. He was my 'almost'! The one that
got away. Kung hindi sana siya umalis ay baka..." Ngumuso siya nang nakita ang
maasim na mukha ni Erin.

Hindi ako makapag salita. Alam kong ilang kalabit na lang ay mag aalburoto na ang
bibig ni Erin. Hindi ako magtataka kung bigla niyang sabihin kay Hannah ang tungkol
sa relasyon namin ni Elijah dahil sa ngayon ay masyado ng iritado at pagod ang
kanyang mukha para makinig doon.

"I'm sorry to break it to you, Han, but I want to be a good friend. You're not his
almost. It's someone else. At baka nga maging sila na nga, if the weather permits.
He's deeply in love with someone and I'm pretty sure this is life and death for
him. I know that. I've seen it. I'm his cousin." Sabay tingin ni Erin sa akin at sa
natigilang si Claudette. Mukhang takot rin siyang masabi na lang bigla ni Erin ang
tungkol sa amin. "Now will you please stop the delusions. We have Josiah and Azi
still single. Pati si Rafael. Stop it with one particular Montefalco. He's damn
taken. Always been taken by someone else."

Parang tumaba ang puso ko sa sinabi ni Erin. Hindi ko siya matingnan ng diretso.
Para akong lumilipad sa kalawakan dahil sa mga sinabi niya.

"We're close. Bakit wala akong makita, Erin? You just don't want me for him. You
think I'm not good enough." Kunot ang noo ni Hannah at basag ang kanyang boses.
Pakiramdam ko ay mag aaway ang dalawa.

Kinabahan ako. Lalo na nang nakisali si Claudette.

"Stop it, you two. May term paper tayong tinatapos! Baka di natin 'to matapos dahil
lang sa away niyo tungkol kay Elijah." Ani Claudette.

"Kung meron siyang iba, Erin, ba't di ko alam?" Tumayo si Hannah at nag ligpit ng
gamit.

Umiling si Erin at tumawa pa sa inasta ni Hannah. Tahimik na kaming lahat. Maging


si Julia at Liza ay wala ng masabi.

"Do you have to know? You think you really ought to know?" Ani Erin pero bago pa
iyon natapos ay padabog ng umalis si Hannah sa Kiosk.

Kabanata 29

Really, Baby

Naging malamig ang tungo ni Hannah kay Erin. Para kay Erin naman, normal na mga
araw lang iyon at hindi niya inaalintana 'yong pakikitungo ni Hannah sa kanya.

"So... Bukas? Sa Sentro 1850?" Tanong ni Julia kay Erin pagkatapos nila dinampot
ang mga librong nasa mesa namin sa Magis Building.

Tumango si Erin at uminom ng juice. "Yeah, see you." Aniya.

Umalis din silang tatlo. Kinalabit ni Claudette si Erin habang pinapanood ko ang
pag alis nila at pag bati sa iilang kaibigan ni Chanel at ilan pang common friends
namin.

"Hindi parin kayo maayos?" Tanong ni Claudette kay Erin.

"I'm cool. Siya ang ayaw mamansin. At ayos lang 'yon sakin. No hard feelings for
me." Kibit balikat ni Erin sabay tingin sa akin. "Maaga tayo bukas, a, Klare. 7pm
pa ang party pero punta tayo ng mga 5pm." Ani Erin.

Kinagat ko ang labi ko at umiling. "Wala si mommy, daddy at si Charles." Sagot ko


kahit sa totoo lang ay kung nandito man sila, tingin ko ay hindi rin ako pupunta.

Una sa lahat, binalaan na ako ni daddy tungkol sa party.

"Most probably your tito Exel will go to that party. Kahit saglit. Kahit next week
pa ang discharge niya. He will. We will all be invited but I'm not sure if it's
okay to take you." Bumagsak ang boses ni dad nang sinabi niya ito sa akin.

Tumango ako.

"Ang sabi ni Beatrice at ni Elijah, hindi pa daw nila napapag usapan ang tungkol sa
iyo. It's either he's avoiding it or he just doesn't want to talk about it because
it will frustrate him." Huminga ng malalim si Daddy.

"Ayos lang. I'll stay with my brothers. Hindi naman po sila pupunta. You three can
go. You don't have to take me." Sabi ko kahit medyo nabibigo.
"Elijah asked me to take you. But I know that's not a good thing. Ginagawa niya
lang iyon para sa'yo."

"I won't go, dad. Kahit ano pa ang sabihin ni Elijah. If I frustrate tito Exel,
then I won't see him." Mariin kong sinabi.

"We won't go too, Klare."

Nag angat ako ng tingin kay daddy na ngayon ay tumitingin kay Charles na nag lalaro
ng Xbox sa sala.

"May convention ako sa Cebu by Thursday and your mom and I will take Charles there.
Isasama ka sana namin. If you're okay with that. Charles isn't. May mga school
works siya. Dalawang araw na absent din iyon para sa kanya. But I'll find a way to
convince him."

Umiling ako. "I can't, dad. Finals is coming. Kayo na lang. Uuwi din ba kayo? I'll
stay with my brothers. It's okay."

"You can stay here. Or let your cousins stay here after the party. Hindi kita pinag
babawalan na pumunta. I just want you to be very cautious."

Ilang beses din akong pinilit ni Elijah na pumunta pero hindi niya ako nakumbinsi.

"Don't tell me di ka pupunta?" Sabi ni Erin.

"Nakapag desisyon na ako. Ayokong magkagulo. Tito is still sick, Erin." Paliwanag
ko.

Huminga siya ng malalim at nagkatitigan kaming dalawa. Hudyat yata iyon na tapos na
ang usapan naming dalawa. Kahit na gusto niya ring pumunta ako doon ay wala siyang
magagawa. We all care for Tito Exel and if I can hurt him, then I will try not to.

"Silver's going to be there." Singit ni Claudette.

Nilingon siya ni Erin. "How did you know? Nag co-communicate pa kayo?"

"That's not my point. My point is Eion's gonna be there too, for sure." Sabay hawi
ni Claudette sa kanyang itim at mahabang buhok.

"Malamang. Pero nag cocommunicate-"

Umirap si Claudette kay Erin. "Magkaibigan sila ni Justin. Kaya malamang din nandon
siya."

Ngumisi si Erin at nag asaran sila ni Claudette. Ilang sandali ang nakalipas ay
bumaling ulit ang dalawa sa akin para magtanong tungkol sa hindi ko pag sama bukas.

"I'll stay with my brothers. Ayos lang ako."

Kaya kinabukasan ay iyon ang nangyari. Actually, pagkaalis pa lang ni mommy at


daddy, kina Pierre at Hendrix na ako tumira. Kaya halos gabi gabi din si Elijah
doon para lang bisitahin ako at makipag kulitan sa sala.

Madalas pang nandon si Pierre sa harap namin kaya hindi ko mapansin si Elijah dahil
sa pagiging intimidating ni Pierre.

Gabi gabi rin akong nawawala sa kanyang mga matang laging kumikinang at ngumingiti
kapag nakikita ako. Sa sobrang saya ko ay takot na takot akong may biglang dumating
na makakapag palungkot sa akin.

Cherish everything while it lasts, ika nga. At ito ang ginagawa ko ngayon. Lahat ng
detalye ay kinukuha ko. Lahat ng pakiramdam, bango, panahon ay tinatak ko sa aking
utak. Dahil alam kong kahit na sobrang saya ko ngayon, wala paring kasiguraduhan
ang lahat. But I will hold on to the uncertain even if it means I'll break.

"Kuya..." Dinig kong tawag ni Pierre habang nagmamadaling bumaba sa hagdanan.

Tumingala si Hendrix sa kapatid naming mapormang maporma at medyo basa pa ang


buhok.

"I'll take the Accord. Di ka lalabas?" Tanong ni Pierre.

"Ayos lang. 'Yong isa ang gagamitin ko pag labas ko mamaya. Where are you going?"
Kunot ang noo ni Hendrix.

Umirap si Pierre at humakbang patungo sakin. "May lakad kami kasama mga Engineering
classmates ko. Kukunin ko si Vaughn. I want to take Klare but we are all boys...
so..." Nag kibit balikat siya at hinalikan ako sa ulo.

Linanghap ko ang sobrang bangong leeg niya. Ngumisi ako habang tinitigan siya.

"Pumuporma." Sabi ko.

"What? lagi naman akong ganito." Ani Pierre.

"Ang bango mo." Sabi ko ulit.

"Lagi akong mabango. You just don't pay attention. All you think about is Elijah's
scent. Tss..." Pagsusuplado niya.

"Now you go. Stop acting like a jealous pet." Ani Hendrix.

Umiling si Pierre at dumiretso na sa labas.


Nilingon ko si Hendrix na nakatoon ang mga mata sa laptop. Alas otso na at kanina
ay nag text si Elijah na nagsimula na raw ang party. May maiksing programme kaya
siguro ay abala pa iyon.

"Aalis ka rin, Rix?" Tanong ko.

"Yup." Aniya. "Pero mamaya na."

Tumango ako. "Saan ka pupunta?"

Lumipat ulit ang mga mata niya sa akin. "You sound like dad. You're my little
sister."

Tumawa ako. "I just want to know. You don't share anything to me." Sabay yakap ko
sa unan habang tinitingnan ang paa na nakapatong sa sofa.

"There's nothing to share." Aniya at bumaling ulit sa kanyang laptop.

"You're too stiff." Ngiti ko.

Ngumiti siya sa akin at hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin non.

Tinigilan ko si Hendrix nang nakita kong may text si Elijah sa phone ko.

Elijah:

Done. Can I take you out to dinner?

Kumunot ang noo ko at nag type agad ng message.

Ako:

Hindi ba kayo nag dinner diyan sa Sentro 1850?

Ilang sandali ang nakalipas ay tumunog ang cellphone ko. Nakita kong si Elijah
iyon. Napatayo agad ako at sinagot na iyon.

"Nagpaalam ako kay Kuya Justin. I also told dad na uuwi ako kasi nakalimutan ko
regalo ko kay Kuya. I want to be with you. I can't text. I'm driving."

Hindi ko maitikom ang bibig ko at hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko sa
kanya kaya...
"O-Okay... Magbibihis lang ako."

Pagkababa ko ng cellphone ay kumaripas na agad ako ng takbo sa hagdanan. Kahit nag


tanong si Hendrix kung saan ako pupunta ay ang tanging naisagot ko na lang ay ang
pangalan ni Elijah.

Nag dress ako pagkatapos kong pag pilian ang mga shorts at mga pants sa closet.
Kumuha rin ako ng jacket dahil gabi na at baka lamigin ako. Pababa ako nang
naabutan ko si Hendrix at Elijah na nag uusap sa sofa. Tumingala agad si Elijah
kahit na pababa pa ako ng hagdanan.

Naka puting polo na long sleeves siya na tinupi hanggang siko ay naka maong at top
sider na sapatos. Huminga ako ng malalim pagkatapos kong pasadahan siya ng tingin.
He really is breathtaking. I won't blame the girls who fell for him.

"Alas diyes, a?" Sabi ni Hendrix nang napansin ang pagdating ko.

Tumayo agad si Elijah at naglahad ng kanyang braso. Lumapit ako sa kanya at agad
niya akong yinakap ng mahigpit. Dammit! Ang bango niya.

"Yes. Saglit lang 'to." Ani Elijah kay Hendrix.

Nanliit ang mga mata ni Hendrix sa pagdududa ngunit tumango rin at pinakawalan
kaming dalawa.

Magkahawak kamay na kami palabas ng bahay. Hindi ko maitago ang sayang nararamdaman
ko. Kahit na masaya ako pag kasama namin ang mga pinsan namin ay hindi ko parin
maipagkakaila na masaya rin ako kapag kaming dalawa lang. Mas nakakapag usap kami
ng maayos.

spinner.gif

"Where are you taking me?" Tanong ko pagkatapos niya akong pag buksan ng pintuan sa
kanyang sasakyan.

"Well, you'll see." Aniya at kumindat, umikot patungong driver's seat.

Nakatingin ako sa kanya nang pinaandar niya ang sasakyan. Abala din ako sa
pagbabanggit ng tungkol sa pag greet ko kay Kuya Justin ng Happy Birthday sa
Facebook at sa cellphone.

Inimbita niya ako pero alam kong mas mabuti talagang wala ako para walang gulo.
Ayokong masira ang kanyang birthday.

"I bought you... uhm... a bikini." Aniya.

Nagtaas ako ng kilay. "A what?"

"Bikini." Aniya sabay abot ng isang paper bag sa likod ng kanyang sasakyan.

Pababa kami ngayon ng Mastersons Avenue. Iniisip ko kung bakit niya ako binilhan ng
bikini? Mag s-swimming ba kami? Pupunta ba kami ng dagat?

Hinalughog ko ang paper bag at nakita ko ang isang puting bandeau at maliit at
puting bikini bottom nito. May puting pambabaeng board shorts din doon.

"You look really good in your dress tonight." Kinagat niya ang kanyang labi. "Pero
pinagplanuhan ko na 'to. We're going to swim." Aniya.

"Saan?" Tanong ko.

Niliko niya ang kanyang sasakyan sa rotunda at idiniretso sa Macasandig. Mabilis


akong nag isip kung saan kami mag s-swimming sa lugar na ito. Ngunit nang
nilagpasan namin ang school namin noong high school ay isa lang ang tanging naisip
ko.

"Stargate?" Tanong ko.

"Yup." Ngiti niya sabay tingin sa akin. "We'll have dinner first then we'll swim.
Kaya ba 'yon ng two hours? I'm seriously taking you home by ten or Hendrix will
lead the anti Elijah team."

Tumawa ako. "Niloloko ka lang non."

"No, Klare. I need to remain dignified in the eyes of your brothers." Tawa niya.

Nanliit ang mga mata ko sa kanya. Pinagpahinga niya ang kanyang palad sa aking hita
at niliko ang sasakyan sa resort na tinutukoy ko.

Hindi ko inakala na pinagplanuhan niya ito. Walang tao sa resort. Siguro ay dahil
mahirap itong puntahan at walang mag iisip na pumunta dito ng ganitong gabi. Kung
umaga ay maaaring maraming tao, pero ngayon, wala nang naliligo. May kaonting mga
matatandang kumakain sa kanilang restaurant at walang pakealam sa aming pag dating.

Tiningnan ko ang lawak ng infinity pool. Sa baba nito ay ang kaonting city lights
ng down town Cagayan de Oro at ang ilog ng syudad.

"Let's go eat first?" Aniya.

Tumango ako kahit na hindi ko na mapigilan ang pagkalabog ng puso ko. Gustong gusto
ko nang maligo sa pool at gustong gusto ko ring sulitin ang oras namin ni Elijah.
He'll be gone next week and this is quality time for us.

Kumain kami habang over looking ang ilog ng Cagayan de Oro.

"Mas maganda sana rito kung umaga. Mas maganda ang infinity pool." Sabi ko.

Tumango si Elijah. "Pupunta tayo dito next time ng umaga."

Uminit ang pisngi ko at hindi ko maimagine na susuotin ko 'yong binili niyang


bikini sa umaga. Siguro ay ayos lang pag gabi dahil wala naman masyadong
nakakakita.

Ilang beses kaming nag picture gamit ang kanyang cellphone. Hindi ko maitatanggi na
masyado akong masaya sa mga picture na iyon. Pagkatapos naming kumain ay dumiretso
na sa dressing room para makapag bihis. Hindi na ako makapag hintay na maligo sa
pool na walang tao.

Mabilis natapos si Elijah sa pagbibihis. Samantalang nahirapan pa ako sa akin.


Hindi ko inakala na kakasya pala talaga 'yong bikini na bigay niya. He's good at
this, huh?

"Wear the board shorts." Sigaw niya sa labas ng room.

"Okay po." Irap ko kahit na ayos lang naman kung hindi dahil kaming dalawa lang
talaga ang maliligo ngayon at gabing gabi na.

Pagkalabas ko ay nagtaas siya ng kilay at pinasadahan niya pa ng tingin ang katawan


ko. Uminit ang pisngi ko. I know right, Elijah. Hindi ito tulad ng mga katawan ng
ex mong nakaka akit kahit saang banda. Kailangan ko pang mag effort para may maakit
sa akin. Nilagpasan ko siya at narinig ko ang tawa niya.
"Wait up."

Mas lalong uminit ang pisngi ko. Ngayon ay naisip ko 'yong mga ex niyang si Gwen at
Selena. Alright. They both have that perfect body. Palaisipan talaga sa akin kung
bakit ako ang gustong gusto ni Elijah.

Nilagay niya sa baywang ko ang kanyang kamay nang naabutan ako. Halos matigil ako
sa paglalakad.

"You look good." Bulong niya.

"Not as good as your exes." Hindi ko mapigilan ang tabang sa tono ko.

"You're not going to compare yourself to them, Klare." Mariing sinabi niya,
nakatitig sa akin.

Hindi ko siya nilingon at pinanood ko na lang ang bumubulang tubig sa maliliit na


pool sa gilid ng malaking infinity pool. Hugis isda ang buong pool. At may pool rin
sa baba. Gusto ko nga doon dahil mas kita ang city lights at mas pribado.

"They're both real hot." Sabay tingin ko sa kanya. Walang bahid na tabang doon.
Sinasabi ko ang opinyon ko ngunit sa kunot ng kanyang noo ay hindi niya iyon
matanggap.

"You are hot."

Nahirapan ako sa paglunok dahil sa sinabi niya. Binalewala ko iyon at dahan dahang
bumaba sa hagdanan ng pool. Naramdaman kong sumunod siya sa akin.

Nilangoy ko 'yon patungong dulo ng infinity pool, hindi na ako makaapak sa sahig ng
pool kaya panay ang hawak ko sa dingding. Marunong naman akong lumangoy pero mas
gusto kong may suporta.

Tinitigan ko siya habang umaambang lalangoy patungo sa akin. Naka puting board
shorts siya at ang ink sa kanyang tattoo ay magandang tumatatak sa kanyang pecs at
likod. Love is war, I am you soldier, huh? Whose soldier are you, Elijah?

Lumangoy siya. Kitang kita ko ang kanyang katawan patungo sa akin at nakaramdam ako
ng lamig sa paninindig ng aking balahibo at demonyo sa aking tiyan. Pagkaahon niya
ay ikinulong niya agad ako sa kanyang braso. Mabilis ang kanyang hiningang umaabot
sa akin. Dumikit ako ng mabuti sa dingding na hinihiligan ko.
"You're cold." Aniya at idinikit niya sa akin ang kanyang katawan.

Hinihila ko ang kaluluwa kong tumatakbo habang ginagawa niya iyon. Nag iwas ako ng
tingin sa kanya.

�You stop talking about my past.� Aniya, hinahanap ang mga mata kong nakatitig sa
kanyang dibdib. Hindi ako makagalaw dahil sa braso niyang nakahawak sa magkabilang
panig ng dingding na hinihiligan ko. Ang mga paa ko ay tumatama sa kanyang binti.

�It�s part of you. And besides, ayos lang �yon sa akin.� Sabi ko nang hindi siya
tinititigan.

Binaba niya ang isang kamay niya sa pool at naramdaman ko iyon sa baywang ko. Halos
mapapikit ako. Pinigilan ko ang sarili ko at tiningala ko siyang nakatitig ang
mapupungay na mga mata sa akin.

�You know what I did. You know I was just trying to forget you all the time, Klare.
And we need to stop talking about my past. Stop pushing my button.�

Tumango ako, nahi-hypnotize sa kanyang mga sinasabi. �I miss you so much. Dinala
kita dito dahil alam ko, ramdam ko na naiilang at natatakot ka parin na malaman ng
lahat ang tungkol sa atin. I�m not scared but I�m going to respect your feelings.�
Aniya at mas lalo siyang lumapit sa akin.

Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako sa simpleng sinabi niya. Tingin ko ay
mababaliw na yata talaga ako sa kanya. Iyon ay kung hindi pa ako baliw sa lagay na
ito.

Bumaba ang tingin niya sa labi ko at nanlaki ang mga mata ko nong nakita ko kung
paano niya inilapit ang labi niya sa akin para mahalikan ako ng mabababaw na halik.

�Most of my fantasies were about kissing you. And everytime we kiss, it feels like
you made my dream come true.� Bulong niya.

Halos matunaw ako sa sinabi niya. Kaya nang naglapat ulit ang labi naming dalawa ay
hinalikan ko siya pabalik. Huminga siya ng malalim at sinuklian pa ang halik ko.
Tumigil siya at hinabol niya ang kanyang hininga. Ang kamay niyang nasa baywang ko
ay nilagay niya sa baba ko para suportahan ito nang halikan niya ulit ako. Pumikit
ako at nag dasal na sana huwag na itong matapos.
Masyado na yata akong abusado sa Panginoon. Noon gusto ko lang na maging masaya
kami ni Elijah. Ngayon, kung anu ano na ang hinihiling ko. I don�t want to be
greedy. Masyado na yata akong maraming pinapangarap. Malakas at mabilis ang pintig
ng puso ko at hindi ko na maintindihan kung anong demonyo ang laman ng tiyan ko.

Tumigil ulit siya sa pag halik at sinandal niya ang kanyang noo sa aking noo.

�I am really gonna marry you. Really, baby. Hindi ako papayag pag hindi tayo.�
Bulong niya.

Kabanata 30

No Idea

Umupo ako sa pool side. Tumabi si Elijah sa akin. Pinapanood namin ang malaking
buwan sa langit. Hindi ko alam kung anong oras na pero sa tingin ko ay naka
dalawang oras na kaming dalawa.

Niyakap ako ni Elijah. Mainit ang katawan niya kaya naibsan ang panlalamig ko.
Pinagpahinga niya ang kanyang baba sa aking balikat.

"We really have to go." Bulong niya gamit ang napapaos na boses.

Tumango ako.

"Did you have a good time?" Tanong niya at inangat ang kanyang mukha para tingnan
akong mabuti.

Nilingon ko siya. "I have never been this happy."

Matamis na ngiti ang kanyang isinukli.

"I don't want to go yet." Aniya.

Ngumiti rin ako.

"Kung ito ang nakakapagpasaya sa'yo, then I'll break the rules." Nilagay niya ulit
sa balikat ko ang kanyang ulo.

I love him so much. Kung pwede lang ay iyakan ko siya ngayon para mag makaawa sa
kanyang wa'g na lang ulit akong iiwan dahil hindi ko pa kaya. I want him here
always. I don't want him to go anywhere. Kaya lang ay masyado naman yatang selfish
'yon. His family needs him now.
Nag ayos na kaming dalawa para makauwi na. Kahit na ayaw ko pang umuwi ay niyaya ko
na siya. Hendrix would blow up if his rules are not followed. Dumiretso na kami sa
sasakyan. Basa pa ang buhok ko at hinayaan ko na lang itong nakalugay habang
nagsusuklay ako sa kanyang front seat. Tinititigan ko si Elijah habang nagdadrive
siya. Ang isang kamay ko ay nagsusuklay at ang isa naman ay ka holding hands ng
kamay niyang nasa gearstick.

Sinulit ko ang byahe sa paninitig sa kanya.

"You intimidate me with those eyes." Ngiti niya nang narealize na nakatitig ako sa
kanya.

Tumawa ako.

Biglang may tumawag. Binitiwan ni Elijah ang kamay ko at kinuha niya ang kanyang
cellphone at binigay sa akin.

"Please, answer it for me, baby."

Tumango ako at ni connect agad 'yon sa stereo bago sinagot ang tawag ni Azrael.

"Dude, where the hell are you? Nasa Rotunda kami. Kanina pa kami tumatawag."

"Azi..." Sabi ko at natahimik agad ang pinsan ko.

"Oh, yeah, right." Aniya sa isang malamig na tono. "Asan boyfriend mo, Klare?
Nababaliw na naman ba sa'yo?" Tumawa siya. "Punta kayo dito. Dito na kayo mag
lambingan. Oopps, may friends nga pala."

"Hindi na, Azi. Iuuwi ko na siya. Besides, I doubt if Erin's there. She'll get
bored. We'd rather stay home."

"Ang killjoy mo naman talaga, Elijah. Andyan ka pala pinapasagot mo pa kay Klare
ang tawag ko. Gusto mo lang talagang isampal sa akin na single pa ako at ikaw ay
nagpapakasaya na."

"Shut the hell up!" Tumawa si Elijah. "Nasa Rotunda na kami pero lalagpas lang para
maiuwi na si Klare."

"How did you know by the way that Erin's not here? Tanong 'yan ni Josiah, ah?" Ani
Azi habang naririnig ko si Josiah na marming pinapasabi kay Azi. "Isa isa lang,
dude. Parang machine gun naman mga tanong mo."

Kumunot ang noo ko nang napagtanto kong bakit nga ba alam ni Elijah. "Azi, nandyan
ba si Claudette?"
Tanong ko habang tanaw na ang Rotunda. Binagalan ni Elijah ang takbo ng sasakyan at
nakita nga namin sa isa sa mga table si Azi, Eion, Rafael, Silver, Josiah, Hannah,
Julia, Liza, Chanel, at Brian.

Claudette's not there!

"Nope. Umuwi na ang kapatid ko. Sumakit daw yata ang tiyan niya kaya umuwi."

Tumawa si Elijah. "Make sure she's home, then. Bye Azi. If I were you, I'd stay
home. Baka masuntok ka lang nong babaeng gusto mo."

Pinatay agad ni Elijah ang tawag. Kumunot ang noo ko sa nakangising si Elijah.

"May babaeng gusto si Azi?" Tanong ko.

"You were here a year ago and you didn't notice?" Nagtaas siya ng kilay. "Bilib rin
talaga ako sa pagtatago ng unggoy na 'yon."

Bumilis ang pintig ng puso ko sa excitement. Nakita kong nag ring ulit ang
cellphone ni Elijah sa tawag ni Azrael. Humagalpak lang si Elijah at pinatay ang
cellphone niya. Mukhang nawindang yata si Azi sa sinabi ni Elijah, ah?

Pinag usapan namin iyon. Hindi nagsasalita si Elijah tungkol sa babae. Wala daw
siyang alam but I doubt if it's true. He was Azi's best friend. He should know.

Pagkarating namin sa bahay ay agad kong tiningnan ang relo. It's 11:00. Late kaming
dalawa at patay ako kay Hendrix nito. Dim ang lights pag pasok namin. Tahimik kami
ni Elijah.

Nang binuksan ko ang pintuan ay nakita kong walang tao sa sala. Sinilip ko sa
garahe ang mga sasakyan at isa na lang ang naiwan. Iyong van na lang na madalas
gamit namin pag landtrip patungong Davao. The two cars were used! Ibig sabihin ay
umalis ang dalawa. Then we're safe.

Ngumiti si Elijah. "Hintayin ko na lang ang pag uwi nila?"

"What if matagal ang uwi nila? Hahanapin ka sa inyo." Sabi ko.

Umiling siya. "Si mommy at Kuya Justin ang nasa ospital. Si Ate Yas lang ang nasa
bahay. She won't mind."

Inisip ko na gusto ko nga iyon. Besides, aalis siya next week and I want more
quality time together. So he stayed. Nanood kami ng movies sa sala. Kumuha rin ako
ng iilang snack sa fridge.

Naunang nakauwi si Pierre na medyo nagdadabog. Nang nakita si Elijah ay malamig


niya lang na tinitigan habang nagtatanggal siya ng wrist watch.

"Where's Kuya?" Tanong niya sa akin pagkatapos ay nilapitan para halikan ang aking
ulo.

Naramdaman ko ang pag higpit ng hawak ni Elijah sa aking baywang. Nagtaas ng kilay
si Pierre nang nahagip niya ang pagkakahawak na iyon.

"Ewan ko. Umalis na. Hinihintay nga namin." Sagot ko.

Tumango siya at nakipag high five bigla kay Elijah. "Kitchen lang." Aniya at
tinalikuran kaming dalawa para pumanhik patungo sa kusina.

Pinanood ko si Pierre na mapormang maporma patungo sa kitchen. Mas humigpit ang


yakap ni Elijah sa akin.

"You're intimate with your brothers." Sabi niya.

Tumango ako. "Ganon sila." Nilingon ko siya at nagkatitigan kaming dalawa.

Kinagat niya ang kanyang labi. "Siguro naman ay makaka adjust pa ako. Hindi ako
sanay na may ibang taong ganon sa'yo. Ako lang 'yong nakakahawak sa'yo ng ganon
noon."

"You're still the only man who can touch me that way until now, Elijah." Sabi ko.

Ngumiti siya kahit na kagat niya parin ang kanyang labi. Oh. He's so good looking
and it's intimidating.

Dahan dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Hindi pa nga nag lalapat ang
labi namin ay pakiramdam ko ay nawawala na ako sa aking sarili. Hinihila ko na
naman ang kaluluwa ko para bumalik dito sa pagkakaupo ko sa sofa katabi ni Elijah.
Marahang lumapat ang labi niya sa akin at nag lakbay ang halik niya patungo sa
aking tainga. Tumindig ang balahibo ko sa kiliting naramdaman. Bumaba ang halik
niya sa leeg nang biglang nagsalita si Pierre.
"Nag microwave ako ng lasagna. You two might wanna eat."

Halos napatalon si Elijah at nilingon si Pierre.

"Yeah, thanks. We will, Pierre." Ani Elijah.

Bumaling si Pierre sa akin pagkatapos matitigan si Elijah bago kami tinalikuran at


umakyat na siya sa taas.

Nagkamot sa ulo si Elijah at tumingin sa akin ng mariing nakapikit. "Nakita niya


ginawa ko?"

Tumango ako at uminit ang pisngi. Nahuli ang hiyang naramdaman ko dahil masyado
akong nawala sa sarili kanina.

"Damn it! Nagpapagood shot ako."

Sa kauna-unahang pagkakataon ay hiniling ko sa Panginoon na sana ay huwag na lang


muna akong mag birthday. Dahil pag dumating na ang araw na iyon, aalis na si Elijah
patungong Manila. Kung noon ay lagi akong excited, ngayon ay ayaw ko na muna. Sana
ay huwag na nga lang akong mag birthday sa taon na iyon. If it means he'll be away
from me, then I won't celebrate my birthday.

"I'm sorry, I can't be here for your birthday." Aniya at binigay sa akin ang isang
malaking teddy bear.

Nasa bahay na naman kami at bukas ay aalis na siya. Ito ang huling pagkikita namin
bago siya umalis patungong Manila. It makes me want to cry but I'll try not to.
Siguro ay nagiging over acting lang ako. Aalis siya at babalik din siya. Mamimiss
ko siya pero hindi ko naman siguro kailangang iyakan ang nangyayari ngayon. He'll
come back anyway. He'll be back for me. Always.

"So you'll give me this teddy bear instead? Para di kita mamiss?" Ngiti ko habang
niyayakap ang teddy bear na iyon.

"Nope. Binigay ko 'yan para may mayakap ka pag na mi-miss mo ako." He smiled.

I am really gonna miss him. Walang tatalo sa Elijah na nandito sa harapan ko. Iba
parin talaga pag nandito siya sa akin.

Sa araw na iyon, nasa bahay lang kami at naglaro ng Blur at Naruto. Hindi ko nga
lang alam kung pinagbibigyan niya ba ako o talagang natatalo ko siya.
"Ang galing mo sa strategies." Aniya pagkatapos ko siyang maunahan ulit sa Blur.

"Ang sabihin mo, pinagbibigyan mo lang ako!" Inirapan ko siya.

He laughed. "Hindi ah!" at niyakap niya ako ng mahigpit.

Kanina ko pa nirereplay lahat ng nangyari sa nakalipas na mga araw. I am truly


gonna miss him so much. Hindi ko alam kung kailan siya babalik. But he assured me
hindi siya aabutin ng isang buwan. I'll cling to that hope.

"Klare, patingin ng assignment mo." Sabi ni Erin pagkapasok niya sa classroom.

Kanina pa ako tulala sa kakaisip kay Elijah. He's probably on board now. Last text
niya ay nasa Laguindingan Airport na sila with his family. He can't text much kasi
inaalalayan niya daw ang dad niya. Nag dala naman sila ng personal nurse, katulong,
at body guards. I wonder if he's alright. Sana kumain siya ng maayos. And I also
hope he'll text me when they land.

Tumango si Erin habang tinititigan ang assignment ko. Kumunot ang noo ko nang
nakita kong may nagkakagulo sa labas. May mga naka uniform ng pulang jersey t-shirt
at itim na cycling shorts. These girls are from the volleyball team of the School
of Arts and Sciences. Matatangkad ang dalawang nasa labas at magkasing haba sa
maitim na buhok ni Claudette ang kanilang mga buhok.

Tumalikod 'yong isa at may ibinulong sa isang may bangs at pagkatapos ay tiningnan
ako. Chinita 'yong bumubulong pero ang apelyido niya ay hindi naman chinese. At
'yong binubulungan niya ay ganon rin.

"Sino 'yang nasa labas?" Tanong ko nang narealize na ako parin ang tinitingnan
nila.

"Some... Artscies volleyball players. May practice yata ngayon sa covered court."
Ani Claudette.

Nanatili ang titig nila sa akin hanggang sa huminga ng malalim 'yong isa at
naglakad papasok sa classroom namin. Narinig ko ang sipol ng mga lalaking kaklase
ko sa kanya. Tumitig pa sila sa kanyang maiksing shorts.

"Ikaw ba si Klare Ty?" She asked.


Nag angat ng tingin si Erin galing sa assignment ko patungo doon sa babae.

"Uhm, yup." Tumango ako, medyo naguguluhan.

Nilingon nong babae ang kaibigang nasa labas at tumango siya. "Ako nga pala si
Ivana de Asis." Ngumiti siya sa akin at naglahad ng kamay.

Hindi ako sigurado kung bakit siya nagpapakilala sa akin. Ngunit nang nakita kong
pumungay at naging malungkot ang kanyang mga mata ay nakuha niya ang loob ko.

"Nice meeting you." Aniya nang tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay.

Tumango ako at tumalikod na siya. Pagkalabas ay may kinwento siya sa babaeng kasama
niya. Nang tumalikod iyong babae ay nakita ko ulit ang isang pamilyar na apelyido.
"Salvador."

"That's Cherry's cousin, 'yong nasa labas. At 'yong pumasok? Hindi ko kilala." Sabi
ni Erin at tumingin sa akin. "What's this all about?"

Umiling ako. "I don't know, Erin. Nagulat na lang ako."

Kumunot ang noo niya at tumitig sa pintuan kung saan kanina lang ay nakatayo 'yong
dalawang players.

"May kinalaman ba 'to kay Elijah?" She asked again, ngayon ay pabulong dahil
nakatingin na sina Hannah at Julia sa amin.

Nagkibit balikat ako. I really have no idea at all.

Kabanata 31

Shall We

"Yes, it is ready. Don't worry about it, dad." Kanina ko pa nakikitang abala si
Hendrix sa kanyang cellphone.

Kumunot ang noo ko. Iniisip kong pupunta nga talaga si papa at si Tita Marichelle
dito para sa birthday ko bukas. Kabado na ako at alam kong abala na ang mga
organizers sa pag hahanda sa birthday celebration ko. Hindi sinasabi ni Hendrix sa
akin ang detalye pero alam ni mommy at daddy na sa Xavier Estates gaganapin.

"Rix, akit nag pe-prepare tayo sa malaking crowd. Don't you think the guestlist is
too small but the preparation is too grand?" Tanong ko pagkatapos kong ibaba ang
aking ballpen.

Gumagawa parin ako ngayon ng isa sa reaction paper na kinakailangan namin para next
week. Mas lalo akong naging abala sa studies ko dahil sa nalalapit na final exams.
Ang hindi ko maintindihan ay noong nakaraang dalawang taon ay simple lang naman ang
naging birthday ko. Simpleng dinner ng pamilya at 'yon lang. Ngayon ay siguro
kasama na rin dito ang pag ce-celebrate ng pagbabalik ko sa Montefalco. Dahil mas
naging kasundo ko na ang mga pinsan ko at pupunta pa si papa at Tita Marichelle
dito.

Pumikit si Hendrix at lumapit sa akin. Umupo siya sa sofa at dumilat para tingnan
ang cellphone niya. �I have no idea, Klare. Sinusunod ko lang ang mga utos ni Dad.
But I actually have a speculation.� Sumulyap siya kay Pierre na kanina pa nanonood
at nakikinig sa amin.

�What is it?� Tanong ko.

�I think Ama will be there.� Ani Hendrix.

Nagkatitigan kaming dalawa. Hindi ko maintindihan. Hindi iyon matanggap ng sistema


ko. Tinitigan kong mabuti ang kanyang mga mata. Naghihintay naman siya ng sasabihin
ko.

�Why would she be there, Kuya?� Tanong ni Pierre.

�Hindi ko maintindihan. She didn�t like me. She did not want to see me again.�
Nalilito kong sinabi.

�I don�t know, Klare. Maybe Ama changed her mind? Maybe she wants to see you and
ask for your forgiveness. Maybe she cares for you.� Sabi ni Hendrix.

Lahat ng dugo sa ulo ko ay nanlamig. Hindi ako makapagsalita. Napaawang ang bibig
ko at walang lumalabas na salita galing doon.

�Is... Is that possible, Rix?" Hindi ko mabanggit ng maayos ang mga salita.

Nagkibit balikat si Hendrix. "Ano pa ba ang rason ng pagpunta niya dito, Klare? If
she truly hates you, bakit ka niya lalapitan? Well..." Nag iwas siya ng tingin.
"That's just what I think. I'm not sure if she'll be here. Iyon lang ang tingin
ko."

"Ginusto ni dad na sa isang engrandeng venue siya mag bi-birthday dahil uuwi sila
ni mommy sa Cagayan de Oro, Klare. Kuya, you're overthinking. If I am not mistaken,
ito ang unang pagkakataon ulit after how many years na magkikita si tita Helena at
mommy. Mommy is cool, tita Helena, I hope, is cool too. This is why this should be
grand." Sabi ni Pierre.
Nakatitig kami ni Hendrix sa kay Pierre. Hindi ko alam kung maniniwala ako kay
Pierre. Pareho silang may point ni Hendrix. Why would dad book a venue for 150 plus
guests? Madalas ay 80 lang ang nasa guestlist namin at sobra pa iyon. It's just the
family and a few friends of mine.

"Pwede rin." Buntong hininga ni Hendrix sabay tingin sa akin.

Kabado ako kahit sa pagtulog. Sinabi ko lahat ng iyon kay Elijah pero ayaw niyang
mag alala ako sa birthday ko kaya mas minabuti naming matulog ng maaga. Tumunog ang
cellphone ko ng hatinggabi. Ni hindi pa nag si-sink in sa akin lahat nang narinig
ko ang boses ni Elijah sa kabilang linya.

"Hi, baby... Happy birthday." His voice was husky.

Halos napatalon ako. Wala na akong panahon para umubo at ayusin ang boses ko kaya
namamaos din ito nang sagutin ko siya.

"Thank you."

Narinig ko ang ngiti niya sa kabilang linya. "Sorry, nagising kita. Ayoko lang ng
may ibang makauna sa akin sa pag bati."

"Hmmm. Okay lang. Thank you." Sabi ko, dilat na ang mga mata.

May naririnig akong isa pang pamilyar na boses sa kabilang linya. Naririnig ko rin
ang strum sa gitara. Dilat na dilat na ako habang pinapakinggan ang cellphone ko,
naghihintay ng mangyayari. Malakas ang pintig ng puso ko sa iniisip ko...

"Shall I start?" I heard Spike's voice.

"Gising pa kayo ni Spike?" Tanong ko kay Elijah.

"Ginising niya ako, Klare." Spike chuckled.

Mas lalo kong narinig ang strum sa gitara. Nakangiti na ako at iniisip ko pa lang
na kakantahan ako ni Elijah ay nangingilabot na ako sa excitement. Hindi siya
madalas kumakanta. I've heard him sing. Tuwing nag vi-videoke kami pero madalas ay
isang kanta lang ang nakakanta niya at magka duet pa sila ni Azi. Hindi ko pa yata
siya naririnig na kumantang mag isa.

"Baby..." Malambing niyang sinabi. "I'm gonna sing for you. Listen very carefully."
Tumango ako at kinagat ko ang aking labi. Damn, I miss him.

Narinig ko ang strum ulit ng guitar bago siya nagsimulang kumanta gamit ang
napapaos at malalim niyang boses. Oh, I love him so much.

"How many times do I daydream

About making love to you...

And take you to a special place

Where it's only me and you..."

Humalakhak ako sa kanta niya. Kagat kagat ko ang labi ko at lahat ng antok ko ay
lumipad na sa bintana. Ang malalim niyang boses ay bumabalot sa kwarto kong
tahimik.

"I'll put away all your troubles

On the other side of the world

And run my arms around your heart

And tell you you're my girl..."

Doon pa lang ay nanikip na ang dibdib ko. Tumulo sa gilid ng aking mga mata ang
aking mga luha. I miss him so much. I want him for my birthday. I want him to be
always beside me pero hindi ako pwedeng mag request sa kanya ng ganon. I'm not
selfish. Alam ko na sa oras na marinig niya akong ganito ay lilipad iyon pabalik
dito.

"Whenever you're sad

Whenever you're crying

I'll be the one who wipes away your tears

Whenever you call

Whenever you need me

I'll be the one who runs to you

Giving my love

Well you know how much I love you


So you better not let me down

I'm not asking for too much baby

Just stick around..."

Nanginginig na ang buong katawan ko sa pag iyak. Suminghap ako kaya tumigil siya sa
pag kanta.

"Are you okay?" Tanong niya.

"Yup... I just... miss you." Sabi ko.

Hindi siya nagsalita. Natigil ang pag s-strum ng gitara. Naririnig ko ang hininga
niya. Pumikit ako at kinalma ang sarili.

"Do... Do you want me to come home?" Nag aalinlangan niyang tanong.

Umiling ako. Of course yes, Elijah. Pero di ko sasabihin sa'yo 'yan. "Okay lang.
Gusto ko lang talagang marinig ang boses mo. Nag si-senti lang ako." Halakhak ko.

Hindi ulit siya nagsalita at natatakot ako sa mga iniisip niya.

"Magpaparty na mamaya. Pupunta si papa at si Tita Marichelle dito." Winala ko ang


usapan.

"Sana kasama mo ako. I really want to be with you."

"Elijah, you have to be with your dad. Isa pa, pag maayos na siya, magkakasama na
rin tayo. You should help tito Exel. Para makauwi ka na."

"I know..."

Isang oras pa kaming nag usap bago ako inantok ng tuluyan at nakatulog ulit.
Kinaumagahan ay nagising na lang ako nang nandoon na ang mga pinsan ko sa aming
bahay.

Maingay si Erin at Chanel habang hinahalughog ang kwarto ko. May simpleng long gown
akong susuotin mamaya dahil pormal ang magiging party.

Kinusot ko ang mga mata ko nang nakita kong binubuksan nila ang kurtina ng aking
kwarto. Kulang na lang ay kaladkarin ako ng dalawa para lang makatayo galing sa
pagkakahiga. Sinalubong din ako ni Charles ng halik na siyang ikinagulat ko. Hindi
na ito nanghahalik, e.
"Charles?"

"Happy birthday, ate." Aniya sabay ngiti. "Mamaya na 'yong gift."

"You're here? Sinong kasama mo?" Tanong ko.

"I'm with mom and dad. Inimbita kami ni Kuya Hendrix ng breakfast. Aalis na rin
kami. Wake up, already."

"I'm awake." Giit ko sabay tayo dahil sa excitement.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nandito si mommy at daddy sa Hillsborough. I couldn't


believe it.

"So Klare won't be with us tonight?" Narinig ko ang lamig sa tono ng boses ni daddy
habang patakbo ako pababa sa sala.

Sumunod sa akin si Charles, Erin, at Chanel. Nandon sina Claudette, Pierre,


Hendrix, at Azi sa sala kasama si mommy at daddy. Tumingala na si mommy sa akin at
naglahad na siya ng yakap samantalang abala si dad sa pakikipag usap kay Hendrix.

"Klare will stay here for about a month tito. Kasi mukhang magbabakasyon si dad at
mommy dito for a month." Sabi ni Hendrix.

Tumango si dad. "Well, if Klare wants to sleep in our house, she's welcome. Wa'g
niyo siyang pagbawalan."

"Happy birthday, Klare." Sabay halik ni mommy sa akin.

"Thanks, my." Sabi ko at niyakap siya.

"Happy birthday, Klare." Yakap ni daddy at bulong niya sa akin. "I'm sorry for the
past years. You deserve a grand birthday celebration."

Ngumiti ako. "Hindi ko kailangan ng engrande, dad. Simple is fine. Kaya ko ngang
dinner lang with the family."

"No, Klare. You're my sister and you deserve the best." Giit ni Hendrix.

Ngumiti si Daddy sa akin at bumaling kay Hendrix.

"Anong oras ang dating nina Ricardo, Hendrix?" Tanong ni dad.

"Probably this noon, tito." Sabi ni Hendrix.


"Hindi na kami magtatagal. Binisita lang namin si Klare. Iba pa rin ang pakiramdam
pag na greet siya pagkagising niya. We'll see each other later." Ani dad sabay
yakap ulit sa akin.

Pagkatapos ko silang ihatid sa labas at nag paalam na ay naging abala na ako sa


pagkain kasama si Hendrix, Pierre, Azi, Erin, Chanel, at Claudette.

"So... mamaya pa si Zoe dito kaya before that, mag papa spa muna tayo sa Vanity
Works." Sabi ni Erin.

Tumikhim si Azi. "Damn girls. Ang daming arte." Umirap pa siya.

"Mas marami kang arte. You do spa and massage too, Kuya." Ani Claudette.

"Well that's because he's up to something everytime." Chanel smirked.

Umirap si Azi. "Ihahatid ko kayo sa spa tapos didiretso ako kay Josiah bago kami
pupunta kina Rafael at Damon."

"No, it's okay, bro. Ako na maghahatid sa kanila sa spa." Sabi ni Hendrix.

Nagkibit balikat si Azrael at nagpatuloy sa pagkain. "Wait... are you two cool?"
Sabay turo niya kay Hendrix at Erin.

Yumuko si Hendrix samantalang si Erin ay tinusok sa tinidor 'yong bacon sa harap.


Walang nagsalita sa dalawa. Umiling si Chanel samantalang nagkatitigan kaming
dalawa ni Claudette.

"Well... ako na lang ang maghahatid." Sabi ni Azi.

Hindi ako makapaniwalang kaya niya pang magsalita sa gitna ng ganong sitwasyon.

"Okay lang. May bibilhin din ako downtown." Sabi ni Hendrix.

Tahimik ulit kaming lahat hanggang sa natapos kaming kumain. Pinanood ko tuloy si
Hendrix at Erin na may away pa rin yata. Panay ang titig ko kay Erin habang
nanonood siya ng TV at naghihintay kaming lahat kay Hendrix na bumaba. Nauna na si
Azi kanina para masundo niya na si Josiah sa kung ano mang gagawin nila.

Kumalabog ang pintuan sa kwarto ni Pierre at tumingala ako galing sa sala nang
medyo nagmamadali siyang bumababa. Kitang kita ko ang diamond earring sa kanyang
tainga, isinusuot niya at naka itim na t-shirt siya at jersey shorts.
Nilingon ko si Claudette na kinakagat ang labi.

"Pierre, san ka?" Tanong ko.

"Laro." Aniya. "Marco."

Tumango ako at nilapitan niya ako para humalik ulit sa aking ulo. Nakatoon ako kay
Claudette na titig na titig kay Pierre habang ginagawa iyon.

"Take care sa spa. I'll be back after the game." Aniya at nilagpasan kaming lahat,
dumiretso sa pintuan para makaalis na.

Binuksan ko ang bibig ko para sana tanungin si Claudette tungkol sa kanya kaya lang
ay narinig ko namang kumalabog ang pintuan ng kwarto ni Hendrix. Naka puting t-
shirt siya at maong, top sider shoes at nagmamadaling bumababa na rin sa hagdanan.
Ngayon ay nilingon ko naman si Erin na nakatoon ang atensyon sa TV. Hindi niya man
lang pinapansin ang pag aayos ni Hendrix sa kanyang buhok.

"Let's go." Anyaya ni Hendrix sa amin.

"Okay." Tumayo ako. Sumunod si Claudette, Chanel, at Erin.

Kinuha ni Hendrix ang remote control ng TV at siya na mismo ang nagpatay nito.
Sumulyap siya kay Erin na walang ginawa kundi mag iwas ng tingin. Para bang hindi
niya kayang tignan si Hendrix.

"Sa likod na lang ako. Si Erin na sa front seat." Sabi ko nang nakalabas kami.

Tumango naman siya at mabilis na pinagbuksan ng pintuan si Erin sa front seat.


Iminuwestra ko kay Erin 'yong front seat. Sinuklay niya ang kanyang hanggang
balikat na buhok gamit ang kanyang mga daliri bago dumiretso sa front seat. Ngumuso
ako at nakita kong may ibinulong si Hendrix sa kanya nong nasa upuan na siya.

I know there's something really going on with them. Tahimik ang naging byahe
patungong Vanity Works. Matulin magpatakbo si Hendrix at maingay naman si Chanel
dahil sa mga tawag ni Brian at Rafael sa kanya.

"I'll fetch you after two hours?" Tanong ni Hendrix.

"No, si Brian na kukuha samin. Ihahatid namin si Klare sa Hillsborough." Ani


Chanel.

Tumango si Hendrix at sumulyap kay Erin na ngayon ay papalabas na ng sasakyan.


Lumabas na rin kami. Dumiretso kami sa Vanity Works na ngayon ay mukhang punuan
dahil may mga naghihintay sa sofa nila.

"Don't worry, nagpabook ako." Ani Chanel nang nilingon ko siya.

Tumango ako at naniwala dahil isa ito sa mga businesses nina Brian. Inisip ko ngang
baka free pa kami lahat dito. May ipinakitang card si Chanel sa counter.

Iginala ko ang paningin ko sa mga taong naghihintay doon sa sofa. Nakita ko ang
iilang pamilyar na mga mukha. Ngumiti ako sa mga kakilala kong naroon. Seymour
Salvador, Gavin Co, at iilan pang players ng kabilang school ang nasa sofa.

Nakita kong nanlalaki ang mga mata ni Gavin sa akin. May dala siyang bag na
pambabae. May kausap siyang babaeng mahaba at straight ang itim na buhok, naka
kulay royal blue na dress. Mabilis niyang binigay sa babaeng kausap 'yong
pambabaeng bag kaya nilingon ko ng babaeng kausap niya.

Napawi ang ngiti ko sa ginawa niya.

"Si Seymour, Dette." Halakhak ni Chanel.

Hindi ko na maituon ang pansin ko sa mga pinag uusapan nila. At sa tikhim ni Erin
na alam kong may problema. Nilingon ko siya at tinitigan niya lang ako. Bumaling
ulit ako kina Gavin at don sa babaeng nagpakilala sa akin nong isang araw sa
school. What's her name again?Ivana de Asis?

Nakita kong lumabas ng Vanity Works si Ivana de Asis kasam 'yong kaibigan niyang
dala niya rin nong nagpakilala sila sa akin. Sinundan ko sila ng tingin palayo doon
nang may biglang lumapit sa akin na kilala ko bilang isa sa mga kaibigan ni Hendrix
at Pierre.

Itinaas niya ang kamay niya at naghintay ng high five ko. Ang chinito niyang mga
mata ay nakangiti sa akin. Lumapit din ang isa sa mga kasama nilang babaeng
nakilala ko rin dahil naging kaklase ko sa isang subject noon. Alam ko ring kilala
sila nina Hendrix at Pierre pero hindi ko na nasundan ang mga pangalan nila.

"Trent." Ngiti ko at nakipag high five na sa naglahad.


"Asan mga kuya mo?" Tanong niya.

"Hinatid kami ni Hendrix dito. Pierre's out for a game." Sabi ko sabay tingin sa
mga kasama nila.

Nilingon ni Trenton ang mga natira sa sofa. "Seymour, Gav, 'yon ba 'yong game na
inindian niyo?"

Tumawa si Seymour at tumango. "Marami namang nandon. Makakalaro parin 'yon." Sabi
ni Seymour sabay tingin sa akin.

Nag iwas agad ako ng tingin at naalala ko kaagad 'yong nangyari sa bridal shower ni
Eba. I licked his wrist! Body shot!

"Shall we go?" Yaya ni Gavin sabay tayo. Ang chinito niyang mga mata ay matalim ang
tingin sa akin.

"Bakit, Gav? Hindi pa kami tapos. Kami na ang susunod." Sabi nong babaeng nasa tabi
ni Trenton.

"Umalis na sila, e." Sabi ni Gav sabay tingin sa labas at balik ulit ng tingin sa
akin gamit ang matatalim na mga mata.

Kabanata 32

Get Together

"What's his problem?" Tanong ni Erin habang nasa isang cubicle ako, pareho kaming
lahat na nag papa body scrub.

"Hindi ba sila ni Ivana de Asis na 'yon?" Narinig ko si Claudette.

"Talaga? Hindi ko alam. And what's his problem? Bakit naman ganon makatingin 'yong
Gavin na 'yon kay Klare?" Ani Erin.

Narinig ko ang padaing na boses ni Chanel sa medyo malayong parte ng cubicle.


"You're just overreacting, Erin. Hayaan mo na nga sila. Tsaka... si Seymour,
malagkit makatingin kay Klare, e. Pag nandon si Elijah baka pumutok na ang labi
non." Halakhak ni Chanel.

Umiling na lang ako at sinubukang tumigil sa pag iisip ng kung anu-ano. Pagkatapos
naming mag pa spa ay sinundo na agad kami ni Brian.

Tumawag si Pierre sa akin na nasa hotel daw 'yong mga gamit ko at didiretso na lang
daw ako don kaya iyon ang ginawa namin. Elijah's kind of bored. Panay ang text niya
sa akin at madalas ay hindi ko na narereplyan dahil sa sobrang busy.
Elijah:

Damn... I can't stand this.

Elijah:

What are you doin now, baby?

Kahit na dapat ay replyan ko na siya agad ay napapangiti pa ako sa mga text niya.
Kung sana ay hindi lang ako abala sa birthday kong ito ay talagang buong araw akong
mag ti-text sa kanya.

Nilalagyan ni Zoe ng konting mga crystals ang likod ng aking buhok. Ewan ko ba pero
pakiramdam ko ay masyadong ma effort itong birthday na ito. Muntik na nitong
mapantayan ang debut ko.

Unti unting bumukas ang pintuan ng kwarto. Kanina pa kami ni Zoe dito. Pumasok si
Silver kanina para kuhanan ako ng iilang pictures. Isinama niya rin 'yong team niya
na silang mag co-cover nitong event. Well, I invited Silver as a friend kaya 'yong
team niya ang bahala sa cover ng buong event.

Una kong nakita ay ang iba't-ibang kulay ng iba't-ibang bulaklak sa isang malaki at
engrandeng bouquet na dala ni Vaughn. Tinabunan niya ang kanyang mukha nito at
nakangiti niya akong sinurpresa.

Umiling ako at hinintay na makalapit siya.

"Happy birthday." Aniya sabay bigay sa akin ng bouquet.

"Thank you, Vaughn." Bumaling ako sa bulaklak na dala niya.

Dala niya ang kanyang coat na nakasabit sa kabilang braso. Naka puting sleeveless
siya at umupo sa tabi ng upuan ko.

"Kamusta?" Tanong niya.

Ngumiti ako. "Ayos lang." Tinitingnan ko siya sa salamin. "Medyo kinakabahan."

Tumango siya. "Nandon na ang guests. I'm sure you'll be surprised." Ani Vaughn.
Mas lalo akong kinabahan. Nilingon ko siya at mas lalong lumaki ang kanyang ngiti.

"Nandon ba si Ama?" Tanong ko.

"Secret, Klare." Tumawa siya.

Kumalabog ng husto ang puso ko. Kahit nong pumasok ang mga pinsan kong Montefalco
ay hindi maalis sa utak ko 'yong sinabi ni Vaughn.

Tulala ako sa salamin habang pinapanood ang pagpasok nina Rafael, Josiah, Damon, at
Azi na ngayon ay matalim na tinititigan si Vaughn sa gilid ko.

"The party will start in 10 minutes, Klare. Mag sho-shoot daw muna tayo." Sabi ni
Rafael.

Mas lalo lang akong naging abala nang pumasok na 'yong mga photographers. Unang
nakapag papicture kaming lahat ng mga pinsan kong Montefalco. Sumunod naman ay
kaming tatlo ng kapatid kong si Pierre at Hendrix. Tawanan at kulitan ang nangyari
kaya hindi ko matanggal ang ngiti sa aking labi kahit na kabado.

Nang pumasok sa loob si tita Marichelle at papa ay halos sumabog na ang puso ko sa
kaba. Hindi na ako makangiti ng maayos.

"You look so good." Sabay halik ni papa sa akin. "Happy birthday."

Champagne ang kulay ng dress ni tita Marichelle dahil iyon ang theme ng birthday
ko. Ang itim niyang gloves hanggang siko ang mas nakapagpatingkad ng kanyang puting
kutis. Nag beso siya sa akin at bumati na rin.

Hinawakan ko ang simple ngunit madetalyeng saya ng long gown ko na gawa ng paborito
kong atelier. Ilang shots pa sa camera bago kami tinawag ng organizer na kailangan
na kami para sa entrance.

Nauna ang mga pinsan ko. Sumunod na rin ang mga kapatid ko. Huli si papa at Tita
Marichelle kaya nagkaron pa ako ng oras sa kanila.

"Where's your mom, Klare?" Tanong ni papa kahit na wala naman talaga akong
maisagot. Sumulyap ako kay Tita Marichelle bago sumagot.

"Baka po nandon na sa hall."

Tumango si papa at naglahad ng braso kay Tita Marichelle. "Pupunta na rin kami. See
you there."

Tumango ako at bumuntong hininga. Ilang minuto pa ako doon bago ako bumaba. Kasama
ko si Zoe at 'yong photographer na naka assign sa akin. Naghihintay ang organizer
sa pintuan at malakas ang boses niya habang sinisigaw ang countdown sa pagpasok ko
sa double door na pintuan ng hall. Mas lalo lang akong kinabahan.

Huminga ako ng malalim kasabay ng pag taas niya ng kanyang kamay at ang sabay na
pag bukas ng pintuan. Nakangiti ako habang panay ang click ng camera sa akin. Ang
mga bulaklak na pink at kulay champagne ay magandang naka palamuti sa bawat table
kung saan may mga taong ganon din ang suot, nakatayo at sabay sabay na
pumapalakpak.

Naririnig ko ang background music, instrumental ng isang popular na kanta na


narinig ko rin noong debut ko. Umalingawngaw ang boses ng host na mas lalong
nagpakalabog ng puso ko.

"Klare Desteen L. Ty!" Tawag niya habang pumapasok ako at tinatahak ang red carpet.

Nilingon ko ang mga bisita na puno ng pamilyar na mukha. Nagpatuloy ako sa


paglalakad at unti unting napawi ang ngiti ko nang nakita ko ang iilan pang
pamilyar na mukha.

"Cristine..." Bulong ko nang nakita kong pumapalakpak ang chinita at kasing puti ni
Claudette kong pinsan. Kasama niya ang ilang pinsan kong ngumingiwi ngunit
pumapakpak sa pagpasok ko.

Iginala ko ang mga mata ko sa likod nila at isa-isa kong nakita ang iilang mga tita
ko sa side ng mga Ty.

"Tita Luisa, Tita Tania..." Bulong ko nang nakita kong nakahalukipkip si Tita
Tania.

Isang beses ko pang iginala ang mata ko ay nakita ko na si lola, inaalalayan ng


isang naka unipormeng nurse habang naglalakad at nakangiti sa akin. Kulay champagne
din ang kanyang damit at ang payat na pangangatawan at puting kutis ay nagpabata pa
sa kanya.

"Ama..." Bulong ko at halos natigilan ako sa paglalakad.

"Klare." Tawag ng organizer sa akin.

Ilang sandali pa bago ako nagising sa pagkakatulala ko sa ngiti ni Ama sa akin.


Iminuwestra niya ang nasa gilid ko. Nilingon ko kung sino iyong nakatayo at
nakalahad ang braso sa akin.

"Gavin?" Kumunot ang noo ko nang nilingon ko siya.

Malamig ang kanyang tingin sa akin. Sa kanyang gilid ay may nakita akong iilang mga
kilala namin noon na kabilang sa mga chinese family dito sa Cagayan de Oro.
Nagpalakpakan sila at nakangiti sa akin.

"Put your hands on my arm, Klare." Ani Gavin sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang braso. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
This is... Gavin Co. And why is he here? Birthday ko ito. Well, yes, maaaring
family friend nina papa.

Nilagay ko ang aking kamay sa kanyang braso at marahan kaming naglakad sa upuan sa
stage. Pinaupo niya ako doon. Laglag ang panga ko sa gulat habang pinapanood siyang
walang kahirap hirap na nagpaka gentleman sa akin bago umalis at umupo sa
presidential table sa tapat ko, kung nasaan sina Ama, papa, at tita Marichelle. May
iilan ding mga tao doon na hindi ko kilala.

Nilingon ko ang host na siyang maraming sinasabi tungkol sa istorya ko. Sa video sa
gilid ko ay ipinakita ang iilang picture ko kasama ang mga Montefalco. Sinabi doon
na doon ako lumaki ngunit hindi talaga binigyang diin na anak ako sa labas o anak
ako ni Helena at Ricardo.

"Smile, Klare." Dinig kong sigaw ng photographer.

Wala akong ginawa kundi ngumiti ng kaonti. Sa kabilang presidential table ay nakita
ko sina mommy, daddy, tito Az at lahat ng tito at tita kong tahimik na nanonood sa
video.

Pagkatapos nong video ay tinawag si Ama sa doon sa stage. Kabadong kabado ako.
Naiiyak ako sa kaba. Sa ngiti ni Ama sa akin ay hindi ako makangiti pabalik. Ni
hindi ko alam kung bakit noong nasa Davao ay halos mandiri siya sa akin ngunit
ngayon ay pinapaulanan niya ako ng ngiti. Natatakot ako.

"Good evening." Sabi niya sa isang sosyal na tono.

Nakatingin na ako kay Erin na kunot ang noong nakatingin kay lola sa stage. Nakita
ko ring nagbulong bulungan si Josiah at Azrael at tumingin ng sabay sa akin.

"Klare Desteen is my granddaughter." Mariin niyang sinabi at ilang sandali pa bago


nagsalita ulit. "Ricardo, my son, gave his name to her."

Lumunok ako at iginala ko ang aking paningin sa mga taong nakikinig kay Ama. Silang
lahat ang makakaalam sa mga sekreto ko sa buhay. Tahimik si Hannah, Julia, at Liza
doon sa tabi ng mga pinsan ko at iilang kaibigan naming invited din. Mukhang
nagkakasundo naman sina Brian at iilang kaibigan o kamag anak ni Gavin sa likod.

"Well..." Tumawa pa si Ama at bumaling sa akin. "Nevermind that part. I know I've
been hard on her and I want to make it right. She is, after all, my granddaughter."
Nagkibit balikat siya.

Inisip ko rin kung dala niya ba si Selena ngunit agad ko rin iyong binalewala.
Selena's a Chiong. Ang mga Ty lang yata ang nandito? O hindi ko lang siya nakita? I
don't know.

"Ilang kaarawan niyang wala kami bilang pamilya niya. Now she's twenty-one, I want
to be part of it. Klare..." Tawag ni Ama sa akin.

Nilingon ko siya. Halos kurutin ko na ang sarili kong mga daliri habang tinitingnan
ko siyang mangiyak ngiyak doon.

"I'm old and I have no time for bullshits."

Nagtawanan ang mga tao sa sinabi ni Ama. Napangiti rin ako doon.

"I welcome you to our family. Nagtanong ka raw kung bakit engrande ang party na
ito? Well because you are part of our family now." Tawa ni Ama.
Hindi ko parin mahanap sa sarili ko ang lakas para tumawa pabalik o maging masaya
para doon.

"Happy birthday!" Sabay lapit niya sa akin at halik sa aking pisngi.

I'm pretty sure I look constipated. Sa kaba ko ay hindi ko na magawang ngumiti.

"Before we start the feast, I want her to cut the cake." Sabay muwestra niya sa
simpleng cake ko sa gilid namin. Tatlong layer ito at nilapitan niya agad. Bumaling
siya sa akin at kumunot ang kanyang noo.

"Come here." Aniya.

Halos napatalon ako at mabilis na dumalo sa kanya. Inalalayan siya ng isa sa mga
tita ko. Binigyan siya ng cake cutter at puting platito. Binigay niya ito sa akin
at imunuwestrang i slice ko ang cake.

"This is a symbol of responsibility for yourself and for the family. Now that
you're at the right age, I want you to show us that you can provide for the family.
You well help us no matter what..." Patuloy ang sinasabi niya habang naglalagay ako
ng cake sa bawat platitong binibigay ng tita ko.

Hindi ko alam kung anong ritwal ito at nawala na rin ako sa mga sinasabi niya. Nang
natapos na siya sa pagsasalita ay ipinatigil niya na rin ako.

Nagtawag siya ng toast at binanggit niya lahat ng pamilyang nandoon sa party. Sa


mga Ty, sa mga Lim, Co, at Montefalco.

Pinaupo na ako ni papa doon sa table nila. Nilingon ko ang table ng mga Montefalco.
Pinapanood ako ni mommy at gusto kong sumenyas sa kanya na gusto ko doon ngunit
hindi ako binigyan ng pagkakataon. Nang tinabihan na ako ni Hendrix ay medyo
kumalma ako.

"Congratulations." Sabay beso ng ilang mga matatanda kay ama.

Pinanood ko ang pag upo niya sa harapan ko. Abala si papa at Tita Marichelle sa
pagbati kay Ama dahil sa mga sinabi niya kanina. Pinanood ko na lang ang paglalagay
ng appetizer ng mga waiter.

"Gavin, sit beside my granddaughter. How rude of you to sit with your cousins."
Matalim na sinabi ni Ama kay Gavin kahit malayo.

May sinabi rin ang isang matandang lalaki kay Gavin sa Mandarin. Hindi ko iyon
makuha kaya lumingon ako kay Hendrix.

"Oh, Pierre." Halakhak ni Lola nang hinawakan ni Pierre ang kanyang balikat at
umupo agad sa kanyang tabi.

Tumingin ako kay papa na nakatitig rin sa akin. Nagkakasundo ang mga mata namin
lalo na nang bumaling siya kay Ama at nagtanong.

"Shall we greet the Montefalco's?" Ani papa.

"Exel is not around, Ricardo. Nakausap ko na rin si Stephen at Azrael kanina. We'll
greet them again later if that's what you want." Nakangiting sinabi ni ama at
napatingin ulit sa katabi kong si Gavin. "You're cousin Jess is my granddaughter's
boyfriend." Sabay pagsalikop ni ama sa kanyang mga daliri.

"Yup, ama. I heard." Malamig na sinabi ni Gavin.

"Well, at first, Cristine didn't like Jess. But eventually, they clicked." Matamis
na ngiti ni ama.

Walang nasabi si Gavin kaya bumaling si ama sa matandang lalaking kausap ni Gavin
kanina.

"Mason, your grandson is such a gentleman." Ani Ama.

Nagkatinginan ulit kami ni papa. Umiling si papa at kumain na lang sa appetizer na


nakahain. Kumain na rin ako.

"Klare, whatever it is, sabayan mo na lang." Bulong ni Hendrix.

Agad siyang binalingan ni ama kaya napainom ng tubig si Hendrix. Tumingin ulit si
ama sa akin at kay Gavin. "Do you have a girlfriend, Gav?" Tanong ni Ama.

Padarag kong nabitiwan ang mga kubyertos. Dahan dahan namang binitiwan ni Gav ang
kanyang kutsara at nagpunas muna bago sumagot kay Ama.

"Wala." Aniya.
Nalaglag ang panga ko at nilingon ko siya.

"Well, that's good. Wala ring boyfriend si Klare. You two should date. Just try it.
Baka mag click kayo like Cristine and your cousin, Jess. What do you think, hijo?"

Sinisiko ako ni Hendrix. Gusto kong magsalita. Gusto kong umapila. Hindi ako
sigurado kung kaya kong pahiyain ang lola ko sa harap ng ganito ka raming tao pero
hindi ako papayag na para akong laruan na mamanipulahin niya.

"Ama, do you want a fixed relationship?" Boses ni Hendrix ang nangibabaw.

"Rix." Saway ni papa.

Natigil ako sa mga gusto kong isumbat at nagulat ako sa sinabi ni Hendrix sa harap
ng hapag. Nakita ko kung paano nakinig ang kabilang pamilya, ang mga Co at Lim sa
tabi namin. Si Hendrix ang tagapagmana. He's the eldest son and probably the first
born of the Tys. Ang magpakita ng ganong attitude sa Ama namin ay hindi yata
matatanggap.

"I'm just saying that they should get together sometimes, Hendrix. I am suggesting.
I am not fixing anything. Goodness, that's primitve." Halakhak ni Ama.

Nilingon ako ni Hendrix. Nagkatinginan kaming dalawa.

"No problem with me." Dinig kong sinabi ni Gavin.

Nilingon ko ulit siya. Hindi ba may girlfriend ito? Ivana de Asis? What the hell?
Nilingon ako ni Gavin. Nagkatinginan kaming dalawa. I want to ask him about Ivana
de Asis but I can't ask him in front of these people. Am I even allowed? Are we
allowed to mention someone like Ivana de Asis in front of our elders? I am not
sure. Probably not. That's probably why he's denying her. We are not allowed.

"May problema ba sa'yo, Klare? It's just a simple get together." Sabi ni Gavin.

Tumawa si Ama. "She's hard to get, Gav. She's my granddaughter. You can't make her
say yes right now. I tell you."

Fuck. What is this shit?

Kabanata 33

Lalaban Ako
"Ano, Klare?" Malamig ang titig ni Gavin sa akin. Naaalala ko si Pierre sa kanyang
mga titig. Chinito at mayabang.

Nilingon ko si papa at naghanap ng kakampi. Binuksan ni Ama ang kanyang bibig para
magsalita ngunit umubo si papa at pinutol iyon.

"Pupuntahan ko ang table ng mga Montefalco." Ani papa.

Bumaling si Ama sa kanya, halatang gulat sa sinabi ni papa. "Ricardo, where are
your manners. We are eating right now." Ani Ama. "There's time for that."

"Babalik ako pag main course na. I'll bring my daughter. I need her to formally
introduce me to her family." Sabay tingin ni papa sa akin.

Pansamantala akong nabunutan ng tinik. Kahit na ano ay tatanggapin ko mawala lang


ako sa mesang iyon.

"And they will think na I'm being snob kasi hindi ako sumasama sa'yo, is that it?
Well, I'm gonna come with you." Ani Ama at nauna pang tumayo.

"Ma, you eat. Kaya na ni Klare..."

Ngumiwi si Ama at nagsimulang mag ikot sa mga mesa ng mga Lim sa aming likuran.
Tumawa ang mga Co at nagbatian sila, tumitigil at ngumingiti para sa pictures.

"Klare, let's go." Bulong ni Hendrix sa akin habang tumatayo.

Nilingon ko si Pierre na nakatitig lang sa akin. Tsaka pa lang siya gumalaw nang
narinig ang utos ni Hendrix.

"Samahan mo si Ama, Pierre." AnI Hendrix at tamad na tumayo si Pierre.

"Don't you think this is rude, Ricardo?" Tanong ni Tita Marichelle nang sabay
silang tumatayo ni papa.

Nginitian nila ang mga Co. Ang kanilang lolo at iilang mga tiyahin ay abala sa
pakikipag kwentuhan kay lola. Si Pierre ay nasa gilid ng matanda kasama nong nurse
na nag aalalay sa kanya.
"Sandali lang naman. When the main course is served, we'll be back." Ani papa at
tumango sa akin.

Tumango rin ako pabalik at nagsimulang maglakad patungo sa mga Montefalco.

Batid ko ang titig ng mga pinsan kong nakatoon sa akin. Si Azi ay umiinom ng tubig
at matalim ang tingin sa bawat hakbang ko patungo sa table nina mommy at daddy.
Alam kong masyadong nakakaintriga. Si papa, tita Marichelle, at Hendrix ang nasa
likod ko patungo sa table ng mga magulang ko. This is awkward.

Nilingon kami ni Charles at may binulong kay mommy. Napatingin si mommy sa amin at
nagpunas agad siya ng labi gamit ang table napkin. Kitang kita ko ang resemblance
ng mukha namin ni mommy. At kahit di ko lingunin si papa ay hindi ko rin ma idedeny
na anak nga niya ako. This is so awkward.

"Dad..." Tawag ko dahil abala si dad sa pakikipag usap kay tito Stephen.

Tumayo si tito Benedict at naglahad ng kamay sa kay papa na ngayon ay nakatayo sa


gilid ni mommy. Naka hawak sa braso ni papa si Tita Marichelle na ginagala ang mata
sa long table kung saan naroon ang aking mga tito at tita.

Nakita kong lumapit si Azi sa kanyang daddy na nakaupo at hindi man lang tiningnan
si papa sa paglapit.

"Ricarcdo." Ngiti ni tito Benedict, inaayos ang kanyang salamin.

Tumango si papa kay tito. Tumayo rin si dad at naglahad ng kamay kay papa.

Nakita ko ang ulo ni Damon at Rafael na parehong pumirmi sa kamayan ng dalawa.


Kinagat ko ang labi ko nang tumayo si mommy sa gitna nila.

"I know you know my brothers, Ricardo but I believe I haven't introduced them to
you formally?" Ani daddy sabay tingin sa mga tito ko.

Ngiting pilit ang nakita ko sa mukha ni tito Stephen na kahit sa appetizer ay


champagne ang iniinom na panulak.
"This is Stephen and his wife Dana Montefalco."

Tumango si papa at naglahad ng kamay kat tito Stephen. Tinanggap ito ni tito pero
ramdam ko ang tensyon. Mabuti na lang at hindi nag papaapekto si papa.

"Kuya Azrael and his wife, Claudine Montefalco." Sabi ni dad.

Ganon rin ang ginawa ni papa kay tito Azrael na tinanggap din ang kamay kahit di
man lang tinitingnan si papa. Si Azi ay nakatitig kay papa na para bang sinusuri
kung anong klaseng tao talaga ang papa ko.

"That's their son, Azrael Montefalco the third." Ani dad at tinuro si Azrael na
tumayo ng maayos at tumango kay papa.

Nilingon naman ni papa si Tito Benedict at nagtawanan na ang dalawa.


"Of course I know Attorney Benedict and Leizl." Nagkamayan parin si Tito at papa
kahit na kilala na ang isa't-isa.

Nakita kong binaba ni papa ang tingin niya sa kay mommy na pinapanood si dad na
nakikitawa sa dalawa.

"And this is my wife, Marichelle Ty." Sabay hawak ni papa sa kamay ni tita
Marichelle na nakabalot ng itim na gloves.

Ngumiti si tita Marichelle. Chinita siya ngunit tulad ni Pierre at Hendrix ay hindi
lubusang singkit ang mga mata. Maganda, hindi maitatanggi. Sa kanyang porselanang
kutis, itim at makintab na buhok, tangkad ay hindi maipagkakaila na halos ituring
na siyang may dugong maharlika sa kanilang lahi.

"Nice meeting you." Sabay lahad ng kamay ni Tito Benedict sa kay Tita Marichelle
nang napagtantong walang naglalahad ng kamay sa kanya.

"Ang laking pamilya namin. Pasensya na kung mahirap isaulo kami isa-isa." Tawa ni
tito Benedict.

"Napansin ko nga. Bumabaha ng Montefalco. Halos lalaki pa ang mga anak ninyo."
Ngiti ni tita sabay pasada ng tingin sa mga tito at tita kong naroon. "Kulang pa
yata kayo, Exel is not around."

"Ah, yes. Nasa St. Luke's. Pupuntahan namin siya ni Kuya Stephen next week." Sabi
ni tito Benedict.

"Is he well?" Tanong ni papa sa lahat.

"He's doing better. Hindi lang pwede ma stress. He's with his family. Silang lahat.
Beatrice, Yasmin, Justin, and Elijah."

Nang marinig ko ang pangalan niya ay bumagsak ang tingin ko sa aking mga daliri.
"Sayang at iyon pa naman ang isa sa inaabangan ni mama. She wanted to see Exel."

"I'm surprised. She knows Exel?" Tumaas ang kilay ni tito Az kay tita Marichelle.
Lumunok si tita at napatingin kay papa. Hindi alam kung anong isasagot

"I... well, they know each other because of me." Sabi ni papa.

"Azrael, why don't you call your other cousins. Kahit saglit lang. We'll introduce
them also." Sabi ni mama na parang winawala ang usapan.

Nilingon ko si Hendrix. Hindi ko rin alam kung paano nagkakilala si tito Exel at si
Ama o si papa? Ngumuso lang si Hendrix sa akin.

"Maybe I should ask Kuya about it. I failed to ask him the last time." Sabi ni tito
Az.

"Dad, Kuya is not very well. Maybe you should lessen your queries." Marahang sinabi
ni tita Claudine. Nakatingin lang siya sa tulalang si tito Azrael. Nakikita ko si
Claudette sa kanyang ekspresyon ngayon na parang pinapanood ng mabuti ang mukha ni
tito.

Tahimik habang tinatawag ni Azi ang mga pinsan ko. Naramdaman ko ang kamay ni
Hendrix na kumakalabit sa aking braso. Alam ko ang pangangalabit niyang iyon.
Naramdaman niya ang tensyon.

Bumuntong hininga si papa at naunang nagsalita.

"Well, I bought a piece of land in Surigao way back. Kaya nakilala ko si Exel.
Malaki ang business nila doon kaya hindi imposibleng hindi kami magkakakilala."

Nalaglag ang panga ko. Nag iwas ng tingin si mommy at inabala ang sarili sa
pagtatawag kina Erin na nagdadalawang isip pang lumapit.

Ito 'yong mga panahon na hinahanap niya si mommy! Napadpad si papa sa Surigao dahil
hinahanap niya si mommy. Kaya ayaw sagutin ni tita Marichelle! Kaya hindi masagot
ni papa! Kaya ayaw pag usapan ni mommy!

Nilingon ko si tita Marichelle na kahit nakakapit kay papa ay nakatingin sa mesa ng


mga Ty.
"Tita..." Tawag ko.

Ngumiti siya sa akin ngunit kita ko sa mga mata niya ang pagiging balisa.

"Papa..." Nilakasan ko ang boses ko at hinawakan ang kamay ni tita. Sinubukan kong
magpakasaya para maibsan ang tensyon. "These are my cousins."

Sabay lahad ko sa kamay ko. Lumapit ang mga pinsan ko sa kanilang mga magulang.

"This is my brother, Charles Montefalco." Sabi ko. Tumango si Charles sa kanila.


"Erin, Josiah, and Chanel, tito Benedicts and tita Liezl's children. Damon and
Rafael, tito Stephen and tita Dana's boys. May asawa na si Damon, this is Eba
here..." Sabay turo ko kay Eba na nakakapit kay Damon. At kay Xian na bitbit ni
Damon sa kanyang kabilang braso. "This is their son, Xian."

"Oh! The first born of the third generation?" Ngiti ni papa.

Tumawa si tito Stephen at tumango.

"Si Azrael at Claudette naman anak ni tito Az at tita Claudine. Si Knoxx nasa
Manila, 'yong eldest nila." Sabay ngiti ko sa tumatangong si tita Marichelle.
"Ama..." Narinig kong sinabi ni Hendrix sa likod ko.

Nanlaki ang mga mata ko at nilingon ang aking lolang maliksing naglalakad patungo
sa amin. Si Pierre, tita Luisa, at 'yong nurse sa likod niya.

"Ah! This is my mother, Senica Chiong Ty." Sabi ni papa.

Nakangiti si Ama habang pinapasadahan ng tingin ang buong pamilya ko.

"I am saddened to hear about Exel's situation." Panimula ni Ama. "Mas masaya sana
ito pag nandito siya. I've met him and he's a good person. I am sure that his
siblings are just the same." Tumango siya sa mga tito ko.

Si Tito Benedict ulit ang unang naglahad ng kamay. Tinanggap niya ito. Ni hindi
tumayo si tito Azrael o tito Stephen para rumespeto sa lola ko. I know them. They
are proud, typical Montefalco. But I'm sure they will respect my grandmother. Pero
nang si daddy na ang naglahad ng kamay at hindi man lang tiningnan ni Ama iyon ay
kumalabog ang dibdib ko.

"Ricardo's brother and sisters will be happy to meet you all." Ngiti ni Ama,
iniiwan sa ere ang kamay ni dad na binawi niya na lang.

Hinawakan ni mommy ang braso ni dad. Alam kong alam ni mommy na hindi iyon dahil
hindi nakita ni Ama ang nakalahad na kamay ni dad. Iyon ay simbolo na ayaw niyang
makipag kasundo sa kanila.

Kumunot ang noo ko nang nilingon ni Ama si dad at nginitian. Nakita ko ang nag
aabang na tingin ni mommy sa kay Ama. Mas lalo lang akong kinabahan.

"I have to tell you, Lorenzo, you raised Klare well." Tumango si Ama.

Nalaglag ang panga ko at umatras ng kaonti. Ayokong pumagitna sa mga sinasabi niya.
Tumango si dad. "Hindi ko alam na nagkasundo pala kayo ng anak ko, Madame. I
thought you did not like her. I raised her the Montefalco way. And I am not sure if
she will suit your mood all the time." Ngumiti si dad.

Hindi ko idinitalye sa kay dad ang lahat ng nangyari sa Davao. Ngunit alam nila na
hindi nagustuhan ni Ama ang pag punta ko doon. Alam nila na umalis akong galit si
ama. They're not blind.

"Ah, Lorenzo. She bears my blood. How can she not suit me?" Tumaas ang kilay ni Ama
kay daddy.

Humalakhak si tito Azrael habang ginagalaw ang kanyang wine glass. "Well, she's
still half Montefalco. Her mother is married to one."

Nakita ko ang pag lingon ni Ama kay mommy. Lahat ng balahibo sa aking batok ay
tumayo. Nanginig ang labi ni Ama, para bang may gustong sabihin pero ayaw lumabas
sa bibig niya. Bumagsak ang tingin ni mommy, at bahagyang yumuko bilang pagbati sa
atensyon ni ama bago nagpantay ulit ang titig nila.

Nag iwas ng tingin si Ama sa kanya at pinasadahan ng isang beses ang buong pamilya
ko.

"Shall we eat the main course now?" Ngiti ni lola.

"Yes, we shall." Ani tito Azrael at tinanguan si tito Stephen.

"Luisa, let's go." Ani Ama at walang pag aalinlangang tinalikuran ang mesa ng mga
Montefalco.
"Klare..." Tawag ni papa sa akin dahil nanatili ako doon.

Hinawakan ko ang kamay ni mommy at daddy. "Babalik po ako." Sabi ko at hindi ko


alam kung bakit pinipiga ang puso ko habang umaalis doon. I belong there. My God, I
am sure that I belong there. Kahit wala akong ni isang patak na dugo nila... alam
ko...

Mas naunang nakabalik si Ama sa mesa namin kaya pagkadating ko ay nakita ko na


siyang nakikipag tawanan sa mga tiyahin ko.

"I will bring perhaps Pierre, Hendrix, and Klare. Hindi pa sila nagkakaroon ng
bonding abroad. It's a good chance to unwind and to visit the history. Learn the
traditions... again." Ngiti ni Ama, kausap ang isang matanda sa pamilya ng mga Co.

Tahimik na naghihintay si Gavin sa kanyang pagkain at halos wala akong pakealam sa


gagawin o sasabihin niya. Nakatuon ang atensyon ko sa sinasabi ni Ama.

"Well, I miss China also. If you want, we can bring some of your grandsons? Maybe
pwedeng isama na rin natin si Gavin. Alam kong walang problema ang batang ito."
Sabay tingin ni Ama kay Gavin.

Napatalon si Gavin at ngumiti kay Ama. "That's a good idea." Nilingon niya ulit
ako. "... don't you think?" Kita ko ang pang aasar sa mata niya.

Nag iwas ako ng tingin at itinuon ang pansin ko sa pagkaing inihahain sa akin.
Nagpatuloy ang tawanan ni Ama at ng buong pamilya sa kabila. Marami siyang sinabi
tungkol sa mga tradisyon at tungkol sa sakit niya, sa takot niyang hindi siya
payagang bumyahe ng malayo, at marami pang iba.

"Ama, why don't we visit Surigao?" Nagtaas ng kilay si Cristine, ang pinsan kong
panay ang laro sa kanyang cellphone. Tinanguan pa ito ng isa ko pang babaeng
pinsan. "Hindi ba ay may lupa si tito Ricardo doon?"

Lumiwanag ang mukha ni Ama at mas lalo lang dumami ang kanyang mga sinabi.

I heard that she'll stay here for about a month or two. Depende kung papayagan siya
ng doktor at sa kagustuhan niya na rin. Marami siyang sinabi tungkol sa Cagayan de
Oro. Nalaman ko rin na ang mga Co at Lim na pamilyang nandito ay originally galing
Davao at pumuntang Cagayan de Oro dahil sa expansion ng mga negosyo. Kaya pala
magpinsan si Jesse Co, iyong pinagkanulo kay Cristine, at si Gavin Co, itong katabi
ko.
Hindi ko na magalaw ang dessert ko. Pinaglalaruan ko na lang ang strawberry sa ulo
ng kulay pink na icecream at halos kada limang segundo ay nililingon ko ang mesa ng
mga Montefalco.

Umubo ang katabi ko. Naagaw niya ang atensyon ko. Nagtaas siya ng kilay sa akin.
Kumunot ang noo ko at nag iwas agad ng tingin sa kanya.

"Can we talk?" Aniya.

Bumaling ulit ako sa kanya. "Nag uusap na tayo."

Ngumisi siya. "I mean privately. Mukhang di mo naman kakainin ang dessert mo, labas
tayo ng hall. Pasyal tayo sa pool." Anyaya niya.

"Anong pag uusapan natin?" Tanong ko, nag aalinlangan.

Naramdaman ko ang tingin ni Pierre sa aming dalawa. Maging si papa ay nakatingin na


rin sa amin. Nagtataka kung ano maaari ang binubulong namin sa isa't isa. Luminga
ako dahil ayaw kong makunan kami ng mga larawan. Inisip kong ayokong makita ni
Elijah ito. Ayokong magselos siya sa isang walang katuturang bagay. Isa pa, hindi
diretsong sinabi ni Ama na pipilitin niya ako kay Gavin. At kahit sabihin niya man
iyon ay hindi ko parin ito susundin kaya walang dapat ipangamba si Elijah. He
should take care of his father. Nang sa ganon ay pag nakabalik na sila dito ay
matatanggap na kami nito.

"Sasabihin ko sa'yo pag nakalabas na tayo. If you want this to work, then lalabas
ka kasama ko." Aniya.

Ngumiwi ako at nayabangan sa sinabi niya. Bago pa ako makapagsalita ay tumayo na


siya, hinuhulog ang table napkin sa mesa at, "excuse me..." bago lumabas.

Sinundan ko siya ng tingin. Nilingon ko si Hendrix. Alam kong narinig niya ang
bulungan namin ni Gavin. Natulala siya sa aking mga mata at tumango rin pagkatapos
ng ilang sandali.

"You go. Sasabihin ko sa mga pinsan mo. Don't worry." Ani Hendrix.

Hindi ko naintindihan pero ang malamang maayos 'yon kay Hendrix ay nakapag pakalma
sa akin. Tumayo ako at sumunod na sa tinahak na daan ni Gavin. Sisiguraduhin ko na
sa pag uusap namin ngayon, malalaman niya na ayaw ko at lalaban ako.
spinner.gif

Kabanata 34
I Just Miss You

Ni hindi ko nilingon ang mga matang nanonood sa akin habang palabas ako doon.
Pinagsabihan pa ako ng organizer na mag papa view sila ng tatlong videos bago ako
kakailanganin ulit sa harap kaya kailangan ay mabilis lang itong gusto ni Gavin.

"Fifteen to twenty minutes, Klare." Sabi nong organizer na si Odessa.

Tumango ako at mabilis na humakbang palabas.

Halos tinakbo ko ang distansya ng pool side sa hall para lang maabutan si Gavin na
nakatingin sa tubig. Walang tao sa may pool ngunit may ilaw doon kaya kahit gabi ay
hindi masyadong madilim.

"Gavin..." Tawag ko.

Nilingon niya ako. Humakbang siya palabit sa sun lounger at umupo. Tumitig lang
siya sa akin. I don't have time for this. I need him to talk.

Hindi ako umupo. Tiningnan ko lang siya doon at nagdasal na sana ay diretsuhin niya
ako.

"You know what's going to happen to us." Aniya.

"What?" Alam ko ngunit ayokong mag assume. Gusto kong malaman kung ano ang
nalalaman niya. Sa side ng mga Co, ano ang ipinangako ni Ama sa kanila? Ako ba?
Kumalabog ang dibdib ko.

"Wa'g ka ng mag maang maangan. It is obvious, Klare." Aniya.

Hindi ako nagsalita. Tumikhim siya at nag iwas ng tingin.

"Gusto ng lola mo na i-date kita." Aniya. "Gusto ng lolo at buong pamilya ko na i-


date din kita. They want us together. At gusto kong malaman mo na ayaw ko."

"Good because we're on the same page. Ayaw ko rin." Mariin kong sinabi.

Nag angat siya ng tingin sa akin at ngumisi. Mapang asar siya at para bang hindi
siya naniniwala sa sinasabi ko.
"Really?" Nagtaas siya ng kilay.

Oh my God? I am gonna punch him right now but I need to talk to him too. Kinalma ko
ang sarili ko at nag isip ng mga magagandang bagay. Elijah will fly back pag
nalaman niyang may ganito.

"Really." Mas mariin kong sinabi.

"May boyfriend ka na ba?" Tanong niya.

"Yes." Diretso kong sinabi, nakatingin sa kanyang mga mata.

"That's not what I heard. Ang sabi ay wala kang boyfriend. Hindi rin naman kayo ni
Vaughn Aguirre, don't lie to me. Hard-to-get girls don't attract me much."

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Gusto kong mag mura at isa isahin ang buong
istorya ko sa kanya pero wala akong panahon para mag balik tanaw.

"Hindi kami ni Vaughn. Hindi siya 'yong boyfriend ko. At hindi ako nag papa hard-
to-get because the truth is, no one's gonna get me. I belong to someone, Gavin. I
understand na hindi mo pa 'yon naririnig because I don't tell people what's going
on with me." Mabilis ang hininga ko.

Nagkibit balikat siya. "I'm sorry. Nag research lang naman ako through friends at
nalaman kong wala kang boyfriend. I know you're from the Allstar Group, ikaw 'yong
isa sa mga tinatapon, diba? I've seen you dance every intramurals or any event in
our school. And we've met before through common friends and parties, at kahit ang
mga pinsan mo ay nagsabing wala kang boyfriend."

"I have a boyfriend. Now you know. Ito lang ba ang pag uusapan natin?" Nawalan na
ako ng pasensya at kapag pinagpatuloy niya ito ay talagang magmamartsa na ako
pabalik. Waste of time.

"Fine. Okay now, I have a girlfriend. Her name is Ivana de Asis. Hindi mo pa
birthday ay nanliligaw na ang lolo ko sa akin na kung pwede niya ba akong ipakilala
sa isang chinese at magandang babae. My family is very particular with the
traditions. Obviously, Ivana isn't chinese and I'm sure na hahadlangan kaming
dalawa."

"Sinubukan mo bang lumaban sa pamilya mo?"

Bumagsak ang tingin niya sa pool at umiling. "Ito ang unang pagkakataon na pinilit
akong makipagdate sa babaeng gusto nila. Hindi ko alam kung paano ko sila
susuwayin."

Tinagilid ko ang ulo ko. "So, hindi mo susuwayin ang pamilya mo? You'll leave Ivana
and date me?" Tinaas ko ang kilay ko.

"N-No..." Kumunot ang noo niya at binalingan ako.


"Then break the rules." Sabi ko at parang di ko na marinig ang sarili ko. Ako ba
talaga ang nagsabi non o si Elijah?

"Paano? My dad's gonna kill me. At natatakot akong suwayin si lolo. For now,
magpapadala ako sa agos nila. But I am not gonna leave Ivana. Never."

Tinitigan niya ako. Hindi na ako nagsalita. Hindi ko alam kung ano ang plano niya
pero hinintay ko siyang dumugtong non.

"Kakausapin ko si lolo na sinubukan kong i-date ka pero hindi tayo nag click."
Aniya. "I'll try my luck. Itatago ko si Ivana. I-I will date her secretly." Pumikit
siya at parang nalilito sa gagawin.

Naaalala ko noon 'yong sitwasyon namin ni Elijah. Naaalala ko ang pag tatago naming
dalawa. Naaalala ko 'yon sa kanila ni Ivana ngayon.

"Can you help me out?" Tingin niya sa akin. "We'll date for, let's say two weeks or
a month at sasabihin ko na sa lolo ko 'yong tungkol sa atin. It's a win-win
situation for you. Pag itinigil ni lolo ang pag rereto sa ating dalawa, malaya ka
na rin. You can date your... boyfriend. Pero pwede bang pag niyayaya kita, isasama
ko si Ivana..."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ang tanging laman lang ng utak ko ay 'yong
pag tatago niyang naiintindihan ko. Takot siya sa pamilya niya dahil mahal niya ang
mga ito pero gusto niyang suwayin ang gusto nila. Bakit kami nakakulong sa ganitong
mga sitwasyon? The key is to break the chain and be free. Kayang kaya kong suwayin
si Ama. I've done this before and I can do it again. Kahit na sabihin nating ayaw
ko siyang nasasaktan ay hindi ko parin kayang masakal para lang dito.

Pero ngayong hindi lang ako ang namomroblema ay nag iba ang pananaw ko. Si Gavin at
si Ivana ay biktima rin nito. Nakikita ko ang aking sarili sa kanila. I should do
this the right way.

Pinagtatalunan ko pa 'yong pag sasabi ko kay Elijah o hindi. Dahil natatakot akong
pag nalaman niya ay mas lumala lang ito. Sasabihin ko ito sa mga pinsan ko ngunit
ipaparating ko rin na dapat ay hindi na ito makarating kay Elijah. Anyway, by
semestral break, siguro ay nakauwi na siya. Doon ko sasabihin sa kanya ang lahat.

"I don't want you to lie to your lolo, Gavin. Kung magtatanong siya kung tayo na
ba, sana wa'g kang pangunahan ng takot mo. Be yourself. If he loves you, he will
understand." Sabi ko.

Tumango siya. "I know. Gusto ko lang makita niya na sinubukan ko naman 'yong gusto
niya, pero walang nangyari."
Tumango din ako. "Then we have a deal."

Lumiwanag ang kanyang mukha. "Really? After the finals, yayayain kita sa High
Ridge. I'm sorry but my lolo pressured me. Kahit ito na lang. This will be our
first and probably last date. Then I will tell him na hindi kita nagustuhan.
Isasama ko si Ivana, Klare, I'm sorry."

"No problem." That's two to three weeks from now. Elijah's probably home by then.
Pwedeng isama ko rin siya.

Doon ay nagkasundo kami. Wala naman palang problema kay Gavin. We share the same
sentiments and it won't be hard to deal with him.

Bumalik na ako sa hall dahil tinawag na ni Odessa. Ilang minuto pa bago siya
nakabalik at habang wala pa siya ay panay ang ngiti ni Ama sa akin. Hindi naman ako
makangiti pabalik sa kanya.

Dumiretso na ako sa harap para makinig sa iilang speech galing sa mga Montefalco at
mga Ty. Si daddy ang nagsalita para sa akin at wala siyang binanggit na tungkol kay
Elijah. Siguro ay para na rin mapagtakpan kaming dalawa. Naiyak ako sa lahat ng
sinabi niya. Nakangiti pero tumutulo ang luha ko. Gustong gusto ko tuloy sa
Montefalco Building muna umuwi.

Nang si papa naman ang nagsalita ay parehong naiyak din ako lalo na nong sinabi
niyang sa loob ng labing pitong taon ay nangulila siya sa akin. Wala siyang
binanggit na tungkol sa pag tatago ng mga Montefalco sa akin. Kahit paano ay
naintindihan ko na rin naman ang ginawa ng mga Montefalco.

Hindi pa agad natapos doon dahil ilang beses pa akong nagpapicture kasama ang
pamilya. Umalis na agad si Gavin at nagpasalamat ako dahil hindi na kami nakunan ng
picture dalawa. Kung meron man ay kasama naman ang pamilya namin kaya ayos lang.

Nang napadpad ako sa mga Montefalco ay panay ang yakap nina Erin at Claudette sa
akin. Sa higpit ng yakap ni Erin ay kaming dalawa na lang ang nagkakaintindihan sa
bulong niya...

"What's with Gavin Co? Fixed relationship, Klare?" Bulong niya sa tainga ko.

"Uhm, no. My lola is just suggesting at nagkasundo kaming dalawa na hindi talaga.
Kami ni Gavin Co." Bulong ko pabalik.

"Your lola is suggesting, huh? Suggesting." Ulit niya.


Hinablot ako ni Azi at niyakap na rin ako.

"Bastos!" Sabi ni Erin dahil sa ginawang pag agaw.

"Minsan lang 'to. Pag wala 'yong asawa." Humagalpak si Azi.

Tumawa rin ako at niyakap siya pabalik.

"Party?" Nagtaas ng kilay si Josiah.

"Wa'g na no. It's unfair for Elijah. We should stay here. Book a room for us, Raf.
Hindi ba dito ka matutulog, Klare?" Tanong ni Erin.

Kumalas ako kay Azi at nagkibit balikat. Nilingon ko si Hendrix na nasa gilid ko,
nanonood.

"Sa room ba o uuwi ako? Hindi ba sina Ama sa bahay matutulog?" Nilingon ko si Ama
na panay ang tawanan sa mga kaibigang matatanda na rin.

"Pagod siya. Dito na siguro siya matutulog. Baka rin ganon ang mga pinsan natin.
Bukas na sila uuwi ng bahay."

Umiling ako kina Erin at ngumisi.

"Book a room, Raf. Let's all sleep here. Isama natin si Klare." Excited na sinabi
ni Erin.

"Rix, can I?" Tanong ko sa kapatid kong pinapanood ng mabuti ang kasiyahan ni Erin.

Tumindig ang balahibo ko sa titig niya. Malalim.

"Rix." Tawag ko.

Tumikhim siya. "Yes. I'll talk to dad. Uuwi sila ni mommy sa bahay."

Umalingawngaw ang sigaw ng mga pinsan ko. Pinag titinginan na kaming lahat kaya
medyo nahiya si Claudette.

"Mas masaya sana 'to pag nandito si Elijah. But then, kung nandito siya baka kanina
pa nagkagulo." Pinanood ni Claudette ang ekspresyon ko.

Tumango ako. She's right. I should call him later. Pero hindi ko parin alam kung
sasabihin ko nga sa kanya ang nangyari o talagang hihintayin ang pagbalik niya.
Lumapit na rin ako sa mga pinsan kong Ty kahit na hindi naman talaga ako ganon ka
close sa kanila. Hinihintay nilang matapos si Ama at 'yong mga tita at tito ko sa
pag uusap. Humikab si Cristine at 'yong isang madalas niyang kasamang pinsan ko.
Hanggang ngayon ay hindi ko parin saulo ang mga pangalan nilang lahat.

"Happy birthday, Klare." Ngiti ni Cristine sa akin sa mapupungay na mga mata.

"Thanks." Iginala ko ang mga mata ko sa kanila. Hindi natanggal ang ngiwi sa mukha
ng kasing edad kong pinsang babae habang tinitingnan ako. Kausap naman ni Pierre
ang dalawang pinsan kong lalaki, halos kamukha niya ito. Apelyido lang ang alam ko
sa kanila. Bigo sina Pierre at Hendrix noon na ipakilala sila isa-isa dahil ayaw na
agad ni Ama sa akin noon.

"Pierre, ibigay mo na lang 'yong susi at card sa kanila para mauna na sila sa room.
Mukhang pagod na sila." Sabi ko.

Tumango si Pierre at nakipag high five sa kausap niyang pinsan namin. May kinuha
siya sa kanyang bulsa at ibinigay niya sa kausap niya. "Tatlong Family room ang
pinabook ni Dad, kasya siguro kayo don, Champ."

Kumunot ang noo ko at isinaulo na Champ ang pangalan nong pinsan namin. Gusto kong
magtanong ngunit natatakot ako na baka ayaw nila sa akin at kahit na pakikipag usap
ay hindi nila maatim.

Naririnig ko na ang sigaw ng mga pinsan kong Montefalco. Narinig kong nagpabook na
raw ng room si Rafael. Hindi na ako makapag hintay na makasama sila pero ayaw kong
umalis agad doon.

"Cristine, umakyat na kayo." Sabi ko.

"Sige na, Tine. Sina mommy na bahala kay Ama. Tara na nga." Sabi nong ngumingiwing
pinsan ko. "Champ, akin na ang susi. Pierre, sasama ka?"

Pinanood ko ang puting kutis nilang lahat. Hindi ko talaga maiwasan ang
pagkukumpara. Maputi ako ngunit hindi kasing puti nilang lahat.

"Nah... Either sasama ako kay Klare o kina daddy." Sabi niya.

Binigay ni Champ ang susi sa isang pinsan ko at nilingon niya ako. "Happy
birthday."

Ngumiti ako. "Thanks."

Tumango siya at tinalikuran na rin ako para umakyat na sa kanilang mga room.
Iniwan nila kami ni Pierre doon kaya agad akong nilapitan nina Erin at iba pang mga
pinsan ko.

"Magpapaalam muna ako kina Charles." Sabi ko sabay tingin kay mommy at daddy kasama
ang mga tito at tita kong Montefalco, umaambang paalis.

Sabay sabay kaming nag paalam sa kanila. Puro tawanan ang nangyari. Pare pareho
kaming excited sa pag o-overnight at gusto pa ata nilang makipag face time kay
Elijah mamaya para daw inggitin.

Kaya naman ay nang nakarating na kami sa room na kinuha ni Rafael para sa amin ay
naghanap agad ako ng cellphone. Inisip kong nasa room pala namin 'yon ng mga Ty.
Pupunta na sana ako doon ngunit kumatok si Pierre dala ang mga gamit ko.

Pinagbuksan siya ni Azi at malamig niyang ipinakita sa akin ang aking gamit.

"Where's Hendrix? Pasok ka, Pierre. Hindi ba dito ka matutulog?" Nagtaas ako ng
kilay habang tinatanggal ang mga hairpin sa buhok ko.

Nakita kong pumula ang pisngi niya sa sinabi ko. Iyon naman ang narinig ko sa kanya
kanina. Inisip ko ring sasama si Hendrix sa amin, naiwan lang dahil abala kay mommy
at daddy.

Malaki naman itong room. Isang King Size bed, isang Queen, at double. Kasya kami
dito. Tahimik na pumasok si Pierre at nilapag ang bag ko.

"Hinatid ko lang. Maingay kasi. May kanina pa tumatawag." Sabi niya at agad kong
kinalkal ang bag ko para sa aking cellphone na paniguradong tinatawagan na ni
Elijah.

Nakita ko ang pag tayo ni Claudette at pag lapit sa inuupuan ni Pierre. I'm sure
he'll stay. Binalewala ko na 'yon at pinaalis sina Josiah at Damon na parehong
tumatambay sa balcony ng room. Tumatawag si Elijah at agad kong sinagot.

"Hi..." Ngiti ko habang pinapanood ang tanawin sa pool ng hotel. Malamig ang
hangin. Ni hindi pa ako nakakapagbihis ng gown pero ayos lang, miss ko na siya.
"I kind of called you repeatedly for the past two hours. I'm sorry." Salubong niya,
naririnig ko ang hingal sa kanyang tono.

"Sorry. Hindi kasi ako pinabitbit ng phone nong organizer. Hindi ko naman inasahan
na aabot ng 11PM 'yong party."

"Must've been fun." Buntong hininga niya.

Kinagat ko ang labi ko. "What are you doing?"

"Working out. Dalawang oras na rin. Baka kasi masira ko ang phone ko pag nakahiga
lang ako sa kama at naghihintay sa'yo. But still, I think I raped the call button.
Damn, I have it bad."

Lumaki ang ngiti ko at lumakas ang pintig ng puso ko. Gusto kong pigilan ang sarili
ko ngunit hindi ko kaya... Kailangan kong sabihin sa kanya.

"I miss you." Sinabi ko.

Ilang sandali pa bago siya nagsalita. Inisip ko kung anong itsura niya ngayon.
Pawis habang nag wo-work out sa bahay nila. I miss my Elijah. So much.

"I miss you even more, baby. Can we kiss?"

"Ha?" Uminit ang pisngi ko. Tinakpan ko ng aking palad ang aking mukha. Dammit!

"I want a kiss from you. I want your lips, baby." Buntong hininga niya. "I'm really
not good at LDR. We won't do this again."

"Hahalikan kita pag balik mo dito. 'Yong matagal." Tumindig ang balahibo ko sa
sinabi ko.

Hindi siya nagsalita. Nangatog ang binti ko at wala na akong ginawa kundi ang
ngumisi ng malaki. Dammit, Elijah. I miss you so bad.

"Oh, dammit, baby."

Humalakhak ako. "I just miss you." Sabay kagat sa aking labi.

Kabanata 35

You're Pretty

The hotel night was a blur to me. Ilang shot lang ng Jaggermeister ay tulog na ako.
Dahil na rin siguro sa pagod sa
araw na iyon kaya ganon. Kinabuakasan naman ay abala sila sa pag s-swimming at ako
naman ay abala sa tawag ni
Elijah.
"How's your dad?" Tanong ko habang nakaupo sa sun lounger, pinapanood ang mga
pinsan kong nag tatawanan sa pool.

"He's doing great. Sa totoo lang, masayang masaya ako. It's just, what? Two days at
lumalakas na siya. Pag ganito
palagi baka di na kami abutin pa ng isang buwan." Ani Elijah.

There you go, Klare. I probably will wait for him bago ko sabihin sa kanya ang
tungkol kay Gavin. Well, hindi naman
din kasi kami pinilit ni Ama. She's just 'suggesting'. Hindi iyon dapat big deal
dahil tapat naman ako kay Elijah.
Wala siyang kailangang ipangamba. Ang takot ko lang naman ay kung may maling balita
siyang makuha. At least my
cousins know the truth. That would be enough.

Pagkatapos kong mag paalam para makapag swimming na rin at nang makapunta na siya
sa ospital ay binaba ko na ang
cellphone ko.

Humagalpak ako sa tawa nang nag agawan si Azrael at Josiah sa pambatang salbabida.
Suot ni Azi 'yong bibeng
salbabida at pinapatanggal ni Josiah 'yon sa kanya.

"Ako nag dala niyan dito, get off." Ani Joss.

"Magsitigil nga kayo. Para kayong mga baliw para lang diyan sa salbabidang 'yan!"
Saway ni Chanel.

Kinawayan ako ni Erin na kanina pa patalon talon sa swimming pool. Tumango ako at
dumiretso na doon.

Habang naliligo kami ay nag usap kami ng mga pinsan ko tungkol sa nangyari. Nang
nagtanong kasi si Chanel ay
nagsilapitan silang lahat sa akin para makinig. Maging si Hendrix at Pierre ay
lumapit doon. Si Erin ang gusto kong
nasa tabi ko dahil siya ang nakakaalam kaya hinanap ko siya ngunit naabutan kong
hinahawakan ni Hendrix ang kanyang
baywang. Uminit ang pisngi ko lalo na nang nakita kong tinanggal 'yon ni Erin at
ngumisi si Hendrix, tinataas ang
kamay. Defensive.

"Klare... Ano? I'm waiting? What's the score? Did the witch trick you to marry
Gavin Co?" Humalukipkip si Chanel,
ang pink niyang labi ay nakanguso pagkatapos niya akong tanungin. Inakbayan siya ni
Rafael at naghintay din ng sagot
ko.

"She did not. Pini pressure yata si Gavin na i-date ako. Pero ayaw niya. May
girlfriend siya." Sabi ko.

"Ivana de Asis." Singit ni Azi sabay hilig sa gilid ng pool.

"Yeah, I knew it! Sabi na nga ba. I know something's fishy about them." Sabi ni
Chanel.

"You're nosy, Chan." Halakhak ni Rafael.

"I'm not." Irap niya. "Barkada ko si Ivan, 'yong kuya ni Ivana. Psych din kasi
siya. At kasama ko siya nong nag NMAT
ako. Pareho kaming mag mi-med school and I met Ivana years ago. Ang alam ko ay
matagal na silang M.U. ni Gavin. Now
I understand bakit hanggang M.U. lang. God, the traditions."

"I seriously think that's bullshit. I would have called bullshit on that being a
thing but right now..." Sabay
tingin ni Azi sa akin. "totoo pala talagang nangyayari 'yan."

"Azi, hindi ako pinipilit ni Ama. She's suggesting. And you know I'm going to go
against her if that happens." Sabi
ko.

"Ya better help your mad ape of a cousin, Joss." Sabay tapik niya sa balikat ni
Josiah. "This time, he'll go to jail
for real." tawa niya kaya sinapak ko na kaagad.

Now they know. Mas kampante na ako.

Ang sumunod na mga araw ay maayos naman. Miss na miss ko na si Elijah at


nagkukulong na ako sa kwarto para lang
makapag Facetime kaming dalawa. Hindi na kasi pwede sa baba dahil nandito na si
Ama.

Umuwi na ang mga pinsan ko at ang kanilang mga magulang sa Davao. Pinangako rin
nila na babalik sila dito sa
semestral break. Malapit na iyon. Magbabakasyon yata sila dito.

Dinner is a pain in the ass. Palaging salida si Ama. Nandito si Tita Marichelle at
papa na parehong tahimik lang
tuwing nag sasalita si Ama.

Medyo napanatag naman ako nang hindi niya kailanman binanggit ang tungkol kay Gavin
sa hapag kainan. It's probably
just her spur of the moment. 'Nong birthday ko ay nagulat siya sa dami ng tao kaya
naisip niya agad iyon.

"Klare..." Katok ni Pierre sa kwarto ko sa gabing iyon. "Dinner."

Tumikhim ako at tamad na bumangon. If only I could skip dinner. Kaya lang ay
importante kay Ama na sabay kaming
kumain lahat. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Now, I need to change.
Maiksing jersey shorts at spaghetti
strap top lang ang suot ko. Parang naging rule sa hapag ng mga Ty na dapat ay
maayos ang damit mo kapag kumakain.
Lalo na dahil nandito si papa at Tita Marichelle.

Nagbihis ako ng simpleng dress at pinasadahan ng suklay ang buhok bago bumaba sa
dining table.

Sa hagdanan pa lang ay naririnig ko na ang maraming boses. Kumunot ang noo ko at


inisip kung sino kaya ang maaaring
nandoon. Nang narinig kong binanggit ni Ama ang pangalan ni Gavin ay nalaman ko
kaagad.

Damn it! Akala ko nakalimutan niya? Let's see.

"Good evening." Bati ko sa mga magulang ni Gavin, 'yong Lolo niya, 'yong kapatid
niyang babae at lalaki na mas bata
kesa sa amin nina Pierre.

"Good evening, Klare." Sabi ni Gavin.

Ilang beses ko siyang nakita sa school. Nagtatanguan lang kaming dalawa at ni hindi
kami nag uusap. Kahit si Ivana
ay nginingitian na lang ako. Kahit paano ay bilib din naman ako kay Gavin.
Nararamdaman kong mahal niya talaga si
Ivana. Kahit saan ko makita si Ivana, ay halos nakabuntot siya dito. Nong nag la-
light practice kami para sa Xavier
Days sa taong ito ay nakita ko silang dumadaan sa field na nag uusap. Napatingin pa
sila sa akin. Kinawayan ko na
lang. Hindi ko talaga maiwasan ang pag kukumpara sa relasyon nila sa relasyon namin
noon ni Elijah. Minus the incest
part though.

Inayos ni Gavin ang upuan ko. Iminuwestra niya iyon sa akin. Tumango ako at umupo
na rin doon. Narinig ko ang tawa
ni Ama sa ginawa niya.
"A gentleman." Tumango si Ama sa kay Gavin.

Tahimik lang ako doon. Lalo na nang nakita kong pinapanood ako ng singkit at
nakangiting mga mata ng lolo ni Gavin.
Tahimik din si Papa at mas pinag tutuunan ng pansin ang daddy ni Gavin.

"I invited them for dinner because I was bored. Palagi na lang si Ricardo at
Marichelle ang nakikita ko sa bahay na
ito. Pierre and Hendrix are always out and Klare's always in her room." Halos nag
hihisteryang sinabi ni Ama.

Nagpatuloy sila sa pag uusap. Sinusulyapan ko si Gavin na panay ang text sa ilalim
ng mesa habang kumakain. Isang
beses siyang nag text na mukhang medyo mahaba at kinailangan ng concentration.
Hahayaan ko siya ngunit nang nakita
kong nakatingin ng mabuti ang kanyang lolo sa kanya ay hindi ko na napigilan ang
pag sipa sa kanyang binti.

"Don't be rude, Gavin. Kumakain tayo. Stop texting!" Tumaas ang tono ng kanyang
lolo.

Kumalabog ang dibdib ko. Nararamdaman ko ang kaba kay Gavin. Naaalala ko lahat ng
nakaraan namin ni Elijah.

"Oh, hayaan mo na. It's probably important." Ngiti ni lola.

"It's for school." Ani Gavin.

"You're being rude to Klare. Magkatabi kayo pero di mo siya kinakausap." Sabi ng
kanyang lolo.

Nilingon ako ni Gavin.

"We talked naman po." Sabi ko.

Binalingan ako ng kanyang lolo. Seryoso niya akong tinitigan. Si Ama ay nakatingin
na rin sa akin. Mas lalo lang
akong kinabahan.

"So... nagkikita kayo sa school?" Ngiti ulit ni Ama.


"Yes po. We see each other almost everyday." Sabi ni Gavin.

"You two should bond. Niyaya mo na ba ang apo ko, Gavin?" Mas lalong ngumiti si
Ama.

"Yes. After finals. We're quite busy this coming week so..." Nagkatinginan kami ni
Gavin.

Tumango ako at tumingin sa kanyang lolo. "Pupunta po kaming High Ridge. The one in
Aluba... Overlooking ang syudad
don, the view is cool."

"Where's that?" Sabay tingin ni Ama sa lolo ni Gavin.

"Ah, it's in Aluba. Kailangan pa nating bumaba downtown o pwede ring dumaan sa
other bridge."

Nawala na ulit ang usapan dahil sa mga tanong ni Ama sa kanila. It's stressful.
They're expecting us to talk to each
other all the time kaya ginagawa naman namin lalo na pag sinusulyapan nila kami.

"I'll just... fetch you right after finals. Mga 5PM? Can i have your digits?" Ani
Gavin nang tiningnan kami ng
kanyang dad.

Tumango ako. "How about Ivana?"

Tinitigan niya ako. Para bang ayaw niyang pag usapan. Na kahit malayo kami ay
maaaring maririnig parin kami ng
pamilya namin.

"Ako na ang bahala sa kanya." Aniya.

Tumango ako at hinayaan siya sa plano niya. I'm just helping him out. Mag eenjoy
naman siguro ako doon sa tanawin.
At kung isasama ko si Elijah ay dapat mauna na siya sa lugar na iyon. And if
Elijah's not yet here by that time,
inisip kong habang mag isa ako doon ay sasabihin ko na sa kanya.

"Goodness, Erin, kausapin mo na si Hannah!" Iritadong sinabi ni Claudette


pagkatapos mag deadmahan ulit ni Erin at
Hannah for the nth time.

"Ilang beses ko na siyang kinausap. Ayokong dini deadma ako. If she doesn't want to
talk then I won't talk, Dette."
Ani Erin sabay tingin sa kanyang cellphone.

Wala paring development sa kanilang relasyon ni Hannah. Kahit na wala dito ang
taong pinagtalunan ng dalawa, si
Elijah, ay hindi parin sila nagiging maayos.

Inisip kong kakausapin ko na lang si Hannah at pag aayusin sila ni Erin pero paano
kung hingin niya sa akin 'yong
suporta kay Elijah? Ano ang gagawin ko? Damn, this is hard. Tama bang inilihim
namin 'yong tungkol sa amin? Well,
tama. Tito Exel's fine now kaya siguro tama 'yong ginawa naming dalawa.

Finals nang nalaman ko kay Elijah na hindi pa siya makakauwi. His dad is doing
really well and if he completes the
rehab, he'll be good to go. Magiging maayos na siya, maaaring hindi tulad ka sigla
noon pero at least he'll be fine
again.

"Hopefully, I'll be back there next week." Narinig ko ang ngiti sa kanyang boses.
"I'll claim the kiss you promised
me."

Ngumuso ako, nagpipigil ng ngiti. Hindi niya parin nakalimutan. "Hmmm."

"Wa'g mo sabihing ayaw mo na. Pinaasa mo ako, Klare." Halakhak niya.

"I'm kind of nervous." Hindi magkamayaw ang ngiti ko.

"What? Why?" Dinig na dinig ko ang pagkakaaliw sa boses niya.

Hindi ako nagsalita.

"Don't worry, we'll stop if you don't want to."

Kinagat ko ang labi ko. That's the problem, Elijah. What if I don't want to stop
kissing you?

Ilang sandali ay narinig ko na ang pag dating ni Gavin. Nagpaalam din ako kay
Elijah. Mag di-dinner out daw sila ni
Yasmin. Umalis na si Justin kaya silang dalawa na lang ang magkasama ngayon.

"I'll probably call you later. Can I?" Tanong ko bago ko binaba.

"Sure, baby."

Tatawag ako mamaya para ibalita 'yong sa amin ni Gavin. I think it's the right
time. Tutal ay next week, babalik na
rin naman siya. I just can't wait.
Tumayo ako at narinig ko kaagad ang boses ni Ama galing sa kitchen. Pumasok si
Gavin at panay ang puri ni Ama sa
kakisigan niya. He looked cute. Naaalala ko talaga si Pierre sa kanya. Clean cut,
earring, simple tee shirt, dark
pants, top sider. Simple pero maayos.

"Shall we?" Tanong ni Gavin sa akin pagkatapos batiin si Ama sa lahat ng papuri
niya.

Tumango ako at sabay kaming lumabas.

"Take care you two. Take care of my granddaughter, Gavin!" Halakhak ni Ama.

Ngumuso ako at bumaling kay Ama habang pinagbubuksan ako ni Gavin ng pintuan sa
sasakyan niya. Umikot siya at
pumasok sa driver's seat. Kumaway siya kay Ama bago pinaandar ang sasakyan.

Bumuntong hininga siya nang nakalayo na kami. "Nandon na si Ivana." Aniya.

"Sinundo mo siya kanina?" Tanong ko. Baka pinasundan ito at mabuking na lang? Yes,
I am that paranoid. I'm
professional when it comes to secret relationships.

"Hindi. Pinakuha ko siya sa kaibigan ko." Sabi niya.

Tumango ako. "Good. Baka kasi pinasundan ka."

Lumingon siya sa akin. "You think?"

"We don't know." Sabi ko nakatitig sa daanan. Nararamdaman ko ang titig niya sa
akin.

"Talaga bang ayos lang sayo ang arrangement na ito?" Tanong niya.

Kumunot ang noo ko at nilingon ko siya. "I have no problem, Gavin. Besides, masaya
ako na natutulungan ko kayo."

"Really?" Nagtaas siya ng kilay.

"Really."

"Err... Thank you." Aniya at binalot kami ng katahimikan.

Pinanood ko na lang ang unti unting pagiging kulay orange ng langit. Inisip kong
magandang panoorin ang sunset sa
High Ridge, tanaw ang buong Cagayan de Oro, malamig ang simoy ng hangin, at
tahimik. It's such a romantic place.
Inisip ko tuloy na pupuntahan namin 'yon ni Elijah.

"How's finals?" Tanong niya.

"Ayos lang." Tawa ko. "Pero kabado ako. It's the final semester next sem.
Gagraduate kaya ako?"

spinner.gif

"Hindi naman ikaw 'yong tipong bumabagsak." Aniya.

Nilingon ko siya. "Thanks. Iyan pala ang tingin mo sa akin." Sabay ngiti.

Nakatitig lang siya sa daanan. "Naisip ko lang. Ewan ko. Sikat kayo sa school, e.
And they said, kahit na medyo
magulo at magala kayong magpipinsan, maayos naman sa school."

I want to add: It runs in the blood. Pero hindi ko nga pala sila kadugo kaya
tumahimik na lang ako at ngumiti.

"And you're pretty." Aniya.

Ngumuso ako at nanatili ang tingin ko sa daanan. I'm not wearing something special.
High-waisted shorts and
pullover, that's it. I'm seriously not dressed for a date. Pero masaya ako dahil
marunong siyang mag appreciate.

"Thanks. Swerte ni Ivana sa'yo." Sabi ko.

"Maswerte ang boyfriend mo. If there ever is." Halakhak niya.

Umiling ako at hinayaan siyang isipin na nag iilusyon ako. God, Elijah, umuwi ka
na.

Kabanata 36

Bakit Ganyan

Sabay kaming lumabas ni Gavin sa kanyang sasakyan. Nakaupo sa isang may vintage na
disenyong upuan sa High Ridge si
Ivana na naka skater skirt at sleeveless top na agad tumayo nang nakitang dumating
na kami. Sa gilid niya ay ang
nakatayong si Seymour Salvador, nakahalukipkip at ang mga mata ay nasa akin.
Mabilis ang lakad ni Ivana na agad sinalubong ni Gavin ng yakap. Pinanood ko silang
dalawa ng nakangiti. Nakikita ko
talaga 'yong relasyon namin ni Elijah sa kanila.

Nilingon ako ni Gavin pagkatapos ng yakap, "So... Klare, ginugutom ka na? Let's eat
first?" Tanong niya.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga upuan at table sa lugar. Dalawang mag boyfriend
lang ang nakita ko. Bukod sa staff
ng High Ridge ay wala ng tao roon. We're probably safe here. Away from the eyes of
our family.

"Ayos lang. Di pa naman ako gutom. I just want to take a look around the place. Can
I, Gav?" Nagtaas ako ng kilay.

"Uh, sure. But if you order something, sagot ko na lahat." Aniya sabay ngiti.

Tumango ako. "Thanks." Sumulyap ako kay Ivana na pinanonood ako.

Nginitian ko siya. Whatever her stare was all about, I'm pretty sure she's
paranoid. She thinks I'm the Selena of
their love story. I'm not.

"Uhm, di pa aalis 'tong kaibigan kong si Seymour. He's kinda boring but..." tumawa
si Gavin.

"I'm not, Gav. Shut up." Tawa ni Seymour.

Umiling ako at halos hindi ko matingnan si Seymour.

"Sabi niya nagkita na daw kayo noon?" Ani Gavin.

Tumango ako kay Gavin.

"Sa... bridal shower ni Eba Ferrer?" Ngisi ni Gavin.

Alam kong inaasar niya na ako kaya nag iwas na lang ako ng tingin at ngumisi.

"Gavin, papanoorin ko lang 'yong sunset." Umirap ako habang tumatawa siya. Nilingon
ko ang nakangiting si Ivana.
"Excuse me."
Humakbang na ako patungo sa railings. Papalapit pa lang ako ay naramdaman ko na ang
malamig na ihip ng hangin.
Tinatanaw ko sa baba ang buong Cagayan de Oro City. Unti unting umiilaw ang mga
street lamps at ang mga ilaw ng
buildings dahil sa nalalapit na pag gabi. Sa malayo ay kita ko ang araw na nag
kukulay orange na at papalubog. Ang
ilog ng Cagayan de Oro ay tanaw ko rin sa malayo. Ang ganda dito!

"Seriously? Pumayag ka sa gusto ni Gavin?" Narinig ko ang boses sa likod ko.

Kahit hindi ko saulo ang boses niya ay alam ko na kaagad na si Seymour 'yon. Mas
sasaya siguro ako pag kaming tatlo
lang dito. I seriously don't mind if I'm alone here.

"Bakit naman di ako papayag?" Sabi ko nang di siya nililingon.

Hinawakan niya ang railings at pinanood ang ekspresyon ko habang nanonood sa buong
Cagayan de Oro.

"Nireto kayong dalawa tapos papayag ka na may kahati ka?"

Nilingon ko siya. Malalim ang titig niya sa akin. Para bang binabasa niya ang mga
galaw ko. "Nireto lang kami. And
besides, I am not in love with Gavin. Wala akong pakealam sa gagawin niya at sa mga
desisyon niya. He needs my help
and I can help him so I will help him."

"Hmmm. Nga naman... Parang ikaw kasi 'yong tipo ng babaeng nagpaparaya."

Ngumiwi ako sa kanya. "What do you mean?"

"'Nong nag bridal shower, ikaw yata 'yong may pinaka wholesome na body shot. Para
kang nag aalinlangan na maging
pilya. 'Yang mga tulad mo 'yong tipong tahimik na nagmamahal."

Pumikit ako at umiling. "Wait... Bakit ganito ang topic natin? Seriously?"

Tumawa si Seymour. "Tinanong mo ako, sinagot lang kita. That's what I think about
you."

"Hindi ko kailangang mag paraya. Ang ginagawa ko ay ang pagtulong sa dalawa. They
want each other, then I will
support. I am not into Gavin. We're just victims of the tradition." Sabi ko sabay
tingin kay Gavin at Ivana na
kumakain sa kanilang table at nag uusap ng masinsinan.
Hindi nagsalita si Seymour. Hindi ko alam kung anong iniisip niya sa sinabi ko
ngunit hinayaan ko na lang siya sa
gusto niya.

Tinitigan ko ang langit at nawawala na ang araw doon. Gumagabi na talaga. Umilaw na
rin ang mga lamps sa paligid ng
High Ridge. Mas lalong gumanda ang tanawin sa madilim na syudad. Kitang kita ang
mga ilaw. I wonder where my cousins
are? At ilang oras naman kaya kami dito?

"Akala ko talaga noon, Montefalco ka." Ani Seymour.

Gulat ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa kanya.

"Grabe kayo makapag bonding, e. Nagulat ako nong sinabing nagpalit ka raw ng
apelyido. I'm not nosy but I know Knoxx
Montefalco. Magkaibigan na kami since college. Senior namin siya sa basketball
team, kaya kilala ko ang mga pinsan
niya. Imposibleng hindi kayo makilala. Did you know?" Kumunot ang noo ni Seymour.

"Did I know what?"

"Na anak ka sa labas?"

Umiling ako at lumunok. "I didn't. Two years ago ko pa lang nalaman."

"Oh..." Ngumuso siya. "Sorry. Hindi na ako magtatanong. I don't want to be rude."

"No... it's okay." Ngiti ko.

Sa ngayon ay mas naging maayos na ang pakiramdam ko tungkol sa katotohanang iyan.


Dalawang taon na rin naman.
Tanggap ko na at mas naging okay na ako sa nangyari. Oo, masakit, pero ito na ang
katotohanan ngayon.

"Sabi ni Gavin may boyfriend ka na raw?" He smirked trying to change the topic.

Umirap ako. Hindi na sumagot dahil alam ko kung saan patungo 'to.

"Sino? Is it Eion Sarmiento? O your brother's best friend? Nakalimutan ko ang


pangalan. 'Yong engineering na
nakalaro ko na noon?" Humalakhak siya.

"Wala sa kanila. Oh, it's just an app sa phone. 'Yon 'yong boyfriend ko."
God, Elijah's going to kill me but the jokes are pissing me off.

Tumawa siya. "Virtual boyfriend? I'm sorry. Hindi ko talaga alam, e. Wala kasi
akong nakikitang ibang lalaking
nakaaligid sa'yo."

Ngumiwi ulit ako sa kanya. "Do you always research about people?" Sarkastiko kong
tanong.

"Uhm no. Madalas akong nag re-research sa mga babaeng gusto ko. I find you hot...
so..."

Uminit ang pisngi ko sa tono niyang seryoso. Shit! Humalukipkip ako.

"Your research is poorly done." Sabi ko.

"Tingin ko rin. Kasi sinasabi mong may boyfriend ka pero wala talaga akong nahanap.
And you're too secretive. We're
not even friends on Facebook." Sabi niya.

"Hindi ako nag fi-Facebook." Sabi ko pabalik. "Hindi madalas."

Facebook ang naging topic namin, kalahating oras na nandoon kami. Napaupo na ako sa
isa sa mga upuan doon dahil sa
pagod sa pagtayo. Umupo rin siya sa tabi ko. So much for calling Elijah... Should I
call still? Kahit na nandito si
Seymour? Would that be rude?

Kaya habang nag sasalita siya tungkol sa Facebook niyang kinakalawang na rin ay
sinubukan kong mag text kay Elijah.

Ako:

Hi! Tapos ka ng mag dinner?

Nagpatuloy kami ni Seymour sa kung anu anong topic namin. Ilang sandali ang
nakalipas ay wala paring text si Elijah.

"Nagugutom na ako. Let's have dinner?" Ani Seymour na hindi ko rin naman
matanggihan dahil sa naramdamang gutom na
rin.
Humikab pa ako dahil sa antok. It's still eight but I am now sleepy. Siguro ay
dahil sa ihip ng hangin. Nilingon ko
si Ivana at Gavin na tahimik paring nag uusap na magkahawak kamay. Umorder si
Seymour at hiningi niya pa ang order
ko. Umorder lang ako ng light meals at pinanood ulit sina Gavin. Sweet. I miss the
sweetness.

Tiningnan ko ang cellphone ko at wala paring text doon.

"Pasensyahan mo na sila. Matagal yata 'yang di magkikita. Tuwing Sem Break kasi
umaalis sina Gavin para mag
bakasyon. So let's say three weeks silang hindi magkikita kaya sinisimot ang oras."
Ani Seymour.

Tinitigan ko si Seymour na pinapanood ang dalawa. Maputi siya at mapula ang labi.
Kaya naman gustong gusto siya ni
Claudette. Claudette digs for guys who look foreign. Inisip ko tuloy kung gusto
niya ba 'yong pinsan ni Elijah na si
Spike dahil doon. Naisip ko rin kung kelan kaya babalik ang isang 'yon dito? I
wonder if he'll be back with Elijah
next week?

"San ba kayo this Sembreak? Ang sabi ni Gavin sasama daw sila sa inyo?" Ani Seymour
at bumaling ulit sa akin.

"I don't know." Kibit balikat ko. "Ang alam ko lang ay magbabakasyon 'yong mga
pinsan ko from Davao dito. That's
all."

Mas may alam si Gavin sa mga plano ni Ama at ng kanyang lolo kesa sa akin. Sana
pala ay tinanong ko siya kanina.
Lalabas ba kami ng bansa? Wait! Uuwi si Elijah next week. Hindi ba pwedeng hindi na
muna ako sasama sa trip namin?
Kailan kaya 'yon?

"Why don't you invite your cousins sa Sembreakers party? I mean, your Ty cousins
because I'm pretty sure the
Montefalco's are coming." Ani Seymour habang nilalapag ng waiter ang mga pagkain sa
aming mesa.

"Hindi ako sigurado kung mahilig sila sa party pero susubukan ko. Well, I hope na
nandito sila sa party na iyon.
Tulad ng sinabi mo, baka magbakasyon." Sabi ko at uminom ng tubig.
Sinulyapan ko ulit ang cellphone ko bago kumain. Wala paring text ni Elijah. He
must've been busy and I don't wanna
be clingy.

Isang oras yata ang itinagal ng pagkain namin. Marami kasing tanong si Seymour na
kung saan saan nanggagaling. He
seemed pretty harmless too, like Gavin. Sana lang ay nasabi ko ito lahat kay
Elijah. Ngayon 'yong plano ko pero
paano ko sasabihin ngayong hindi naman siya nag rereply?

"Klare..." Tawag ni Gavin sa malayong table nila ni Ivana. "Do you wanna go home?
Are you tired?"

Ngumiti ako. "Uuwi ako pag uuwi ka na. I'm fine. Take your time." Sabi ko kahit na
sa totoo lang ay gusto ko ng
umuwi.

"Okay. Can I have another hour? One last."

Nagkibit balikat ako at hinayaan silang dalawa.

I know the feeling of missing your loved one so bad, Gavin. Kaya take your time.
I've been there. I've done that.

Tumunog ang cellphone ko. Halos napatalon ako at inisip na si Elijah ngunit ang
kapatid kong si Hendrix iyon.

"Where are you?" Mariing tanong niya.

"Chill. Kasama ko si Gavin. Nasa High Ridge." Sabi ko.

Narinig ko ang bosina ng sasakyan. He's driving.

"Okay." Mas kalmado niyang sinabi. "I'll call you later. Uwi ka na."

Dinungaw ko ulit ang cellphone ko. Pinapanood ako ni Seymour na agad tumira ng
usapan.

"Why don't you add me on Facebook?" Tanong niya. "Mabisita nga 'yong Facebook ko."
Kinuha niya ang kanyang cellphone at pareho kaming abala sa pag su-surf sa aming
mga cellphone. Kung ako ay nanatili
sa Viber, Facetime, at Skype, siya naman ay mukhang nasa Facebook. Inisip kong mag
Facebook na rin kaya binuksan ko
iyon.

Unang bumungad sa Newsfeed ko ay ang picture ni Elijah at Selena sa isang


mamahaling restaurant sa Manila.

"Date." That was the caption. The post was an hour ago. The post was made by Selena
Chiong. Hindi ko alam kung bakit
kahit hindi kami friends ni Selena ay nakita ko ito sa aking Feed.

Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi nag rereply si Elijah kasi... Well... They are on a
friendly date.

"I'm adding you now, Klare. You confirm me as your friend." Ani Seymour na
pinalagpas ko sa kabilang tainga ko dahil
tulala ako sa picture ng nakangiti at nakaitim na longsleeve polo na si Elijah at
si Selena na nakaitim na tube
dress, maiksi at maganda. May kandila sa kanilang harapan.

I clicked the picture at nakita ko ang baha ng mga comments. Their names were a
blur to me pero malinaw ang mga
sinasabi nila.

"Nagkabalikan!"

"Sabi ko na, e. You two were inseparable."

"I love you both! Umuwi na kayo ng New York! I want to hug you two."

"Bagay na bagay. Papatayin ko ang hahadlang sa inyong dalawa."

Hindi ako makalunok dahil sa bukol sa aking lalamunan. I want to call Elijah right
away but this was obviously
happening right now. He can't text because he's with Selena! She wanted him back.
He wants a kiss. Would he accept a
kiss from another girl?

"Ohhh... Isn't this your cousin?" Tanong ni Seymour.


Hindi ko siya nilingon at nag scroll down pa sa mga comments nong picture ni Elijah
at Selena. Nanlalamig ang kamay
ko at naninikip ang dibdib ko.

"Elijah Montefalco." Bulong ni Seymour habang naririnig ko ang ingay galing sa


cellphone niya.

"What?" Halos mabilaukan ako sa sinabi ko at agad tumingin kay Seymour na nakakunot
ang noo sa panonood.

"Hindi na dapat inauupload ang mga video na ganito." Aniya.

"Wh-What?" Napatayo na ako at nangatog ang binti ko habang lumalapit sa kay


Seymour.

Tumigil ang pinapanood niyang maiksing video sa Facebook. Nakita ko ang cover ng
video na ito. Ang babaeng nakaitim
ay nakapulupot ang braso sa isang lalaking naka itim rin. Mukhang nasa loob sila ng
isang club o kung ano dahil ang
mga neon lights ay kita sa video.

spinner.gif

"Ba't mo nasabing Elijah..." Hindi ko matapos ang sinabi ko.

"Because he's on this video." Aniya at ni tap ang kanyang cellphone at nag play ang
video ng isang nagsasayaw na
Selena at Elijah.

Oh my God!

Lumipad ang kamay ko sa aking bibig habang pinapanood ang video na ito.

Sinusuklay ni Selena ang kanyng umaalong buhok habang sobrang lapit nila ni Elijah
sa pagsasayaw. Naririnig ko ang
tawanan nila at sa nag vi-video.

"Stop the cam please..." Sabi ni Elijah habang tumatawa sa leeg ni Selena.
Laglag ang panga ko at nangilid ang luha ko. Nakita kong nag grind si Selena habang
ang kamay ni Elijah, galing sa
baywang ay bumaba pa. Hinalikan ni Selena si Elijah at humalik pabalik si Elijah,
kitang kita ko ang dila niyang sa
bibig ni Selena. Nanlaki ang mga mata ko at lahat ng pwedeng bumagsak sa sistema ko
ay lumubog ng buong buo.

"Bakit ganyan?" Humagulhol ako.

Natapos ang video nang hinawi ni Elijah ang video. Nanlaki ang mata ni Seymour sa
reaksyon ko. Hindi ko kayang
manahimik. I am... so hurt.
Kabanata 37

Change

Pinunasan ko ang luha ko. Pinaupo ako ni Seymour sa aking upuan.

"W-What's wrong?" Kanina niya pa paulit ulit na tinatanong pero umiiling lang ako.
Di ako makapagsalita.

Panay ang tingin niya kay Gavin, gusto niya atang tawagin para manghingi ng tulong
sa akin. I just want to go home.
O kahit saan. I just want to leave. I just want to be alone.

Pagmamakaawa sa kung sino man ang kinakausap ko sa utak ko. Si Elijah, oo. Siya. Sa
kanya ako nagmamakaawa. Dahil
bumubuhos lahat ng mga dahilan sa utak ko. Bakit nagawa niya sa akin 'yon?

"Klare..." Tawag ni Seymour sa akin. Lumuhod siya sa harapan ko habang pinupunasan


ko ang luha ko. Hindi ako matigil
sa pag hikbi.

Hinawakan ni Seymour ang mga braso ko, nag aalala.

Paano 'yon nagawa ni Elijah sa akin? Narealize niya ba na wala talagang mangyayari
sa aming dalawa? Sumuko ba siya?
But he was so sweet this morning! Was he drunk? Pag lasing ba siya sa video na 'yon
papatawarin ko ba siya? Is that
okay? No! Fuck! I know it is not okay. Kahit anong rason pa ang sabihin niya ay
hindi magiging maayos 'yon sa akin.
"What's wrong, Seymour?" Matigas na untag ni Gavin sa malayo.

Naririnig ko ang mga footsteps niyang patungo sa akin. Kahit sa mga matang puno ng
luha ay nakita ko ang pagsunod
rin ni Ivana sa kanya.

"Seymour..." Tawag ni Gavin na medyo marahas ng hinila ang braso ni Seymour.

"Dude, di ko alam. She broke down after..." Kumunot ang noo niya, hindi masabi ang
gusto niyang sabihin.

"Klare..." Lumuhod si Gavin sa harap ko. Hindi ko alam kung alin sa dalawang
ekspresyon ang nangingibabaw sa kanyang
mukha: pag aalala at takot.

Pinunasan ko ang walang humpay na luha sa aking mga mata. I am unable to speak. I
just want to be alone and not talk
to anyone.

"Ayos ka lang ba? What's wrong? Is there something wrong with Seymour? Inasar ka?"
Marahang tanong ni Gavin,
pinapasadahan ng tingin ang bawat sulok ng aking mukha.

"Seymour, what did you do?" Ani Ivana sabay tingin kay Seymour.

"Wala akong ginawa. We were just talking about our Facebook accounts. That's all."
Paliwanag ni Seymour sabay hawak
sa kamay ko.

"Klare..." Ani Ivana at umupo sa tabi ko, hinahaplos ang aking likod. "Okay ka lang
ba?"

Ang pag aalala nila ay mas lalong nag pahagulhol sa akin. Buti pa ang ibang tao,
nag aalala para sa akin. Si Elijah
kaya? It was him right? Hinding hindi ako pwedeng magkamali. Baby, I said I won't
give up on you. So don't give up
on me. Dahil ba tingin mo ay wala na tayong pag asa dahil ayaw ng pamilya sa atin
ay ganon ang gagawin mo?

"I... just want to go..." Sabi ko habang nagtatalo si Seymour at Gavin tungkol sa
akin.
Hindi ko masundan ang pag aaway nila. Ang alam ko ay iniisip ni Gavin na may
kinalaman 'yon sa pang aasar ni Seymour
sa akin. Habang si Seymour naman ay hindi makuha kung anong koneksyon ng video na
ipinakita niya sa akin sa pag iyak
ko. I didn't want to explain. I just want to cry and shut up.

"Iuuwi ko na siya sa kanila." Sabi ni Gavin kay Seymour. "Shall we, Ivana?"

Tumayo si Gavin at binalingan si Ivana. Hindi parin humuhupa ang pag iyak ko at
nagpapasalamat ako na nilubayan na
ako ng mga tanong nila.

Umiling si Ivana kay Gavin. "Mabibisto tayo. Sasama ako kay Seymour, isama mo si
Klare." Sabi ni Ivana.

"I don't want to go home." Sabi ko.

Medyo humupa na ang aking mga luha ngunit tulala parin sa nangyayari. Sa bawat
sandaling nakikita ko sa utak ko
'yong dila ni Elijah na pumasok sa bibig ni Selena ay nasasaktan ako ng lubusan.
'Yong kamay niyang nahawakan minsan
ang baywang ko ay nasa baywang ni Selena. Shit! Dammit! Pumikit ako ng mariin at
lahat ng pagmamakaawa sa aking utak
ay unti unting napalitan ng galit at pagtatampo.

"S-Saan kita... Shall I call Hendrix?" Tanong ni Gavin na dinudungaw na ang kanyang
cellphone.

"I'll call him." Mas kalmado kong sinabi. "Wa'g mo akong ihatid sa Hillsborough."
Mahapdi ang mga mata ko nang nag
angat ako ng tingin kay Gavin. "I'll meet Hendrix on... I don't know..." Nanginig
ang boses ko nang narealize na
wala akong mapupuntahan.

Ayokong umuwi sa bahay dahil masisira si Gavin kay papa at Tita Marichelle. Iisipin
nilang pinaiyak niya ako.

"Klare, ihahatid na lang kita sa inyo. But first, I want to know what's your prob.
How will I explain it to-"

"Don't, Gav. I'd rather be out. Namumugto ang mga mata ko sa pag iyak, papa will
not accept any answer and I don't
want to lie-"

"Then don't, Klare. Don't lie. What's your problem with that video? Elijah
Montefalco and his ex girlfriend kissing.
What's your problem with your cousin's video?" Kumunot ang noo ni Seymour.

Umiling ako at nagpigil ng luha. "Let's just go." Sabi ko sabay tingin sa cellphone
kong walang text kahit nino,
kahit kay Elijah.

"Okay, let's go. Seymour, 'tol, paki hatid si Ivana. I'm sorry." Sabay tingin ni
Gavin kay Ivana at halik sa pisngi
nito.

Tumango si Ivana at pinanood akong nakatitig sa aking cellphone. "Mag ingat kayong
dalawa. Thanks for tonight.
Klare..." Lumuhod si Ivana sa aking harapan. "I don't know what's wrong but I hope
it all turns out okay." Ngiti
niya.

Dahil hindi ako makangiti ay binaba ko na lang ang titig ko at tumango bago tumayo
kasama si Ivana.

"This is unfair, Gavin. I was with her when she cried. Pakiramdam ko ay responsable
ako sa nangyari." Narinig kong
bulong ni Seymour kay Gavin habang paalis na kami.

Si Ivana ay nasa gilid ko, tahimik. Ang dalawang lalaki naman ay nasa likod at
nagtatalo na naman. Ayokong makisali
sa usapan kahit na matatapos 'yong pagtatalo nila kung sasabihin ko ang totoo.
Nanginginig ang labi ko nang naisip
ko ulit ito.

Sa loob ng sasakyan ni Gavin ay dinial ko ang numero ni Hendrix na agad sumagot.

"Rix..." Mas lalong nanginig ang boses ko nang sinagot niya ito.

"A-Are you okay? What's wrong?" Nag aalala niyang tono. Siguro ay narinig niya sa
boses ko ang pagkakabigo.

"C-Can you meet me somewhere? Maybe, fetch me? Sa Dunkin Donuts Divisoria? I don't
want to go home yet." Sabi ko.
"And maybe I can't be home for t-tonight." Kinagat ko ang labi ko nang namuo ulit
ang hikbi sa akin. Tinakpan ko ng
kamay ang aking bibig kahit alam kong wala akong kawala. Malalaman ni Hendrix na
may problema ako.

"What... what the hell... is wrong? Where are you? Hindi ba ay magkasama kayo ni
Gavin? Where is he? Wh-What
happened, Klare?" Nagpapanic na boses ni Hendrix.

"Magkasama kami. Ihahatid niya ako ngayon sa Dunkin Donuts. Please, fetch me."
Humikbi ako.

"Okay. Okay." Pinipigilan niya ang panic pero damang dama ko parin iyon sa pag
bigkas niya ng salita.

Binalot kami ng matinding katahimikan sa sasakyan. Tulala parin ako at panay ang
isip ko sa pagkakahawak ni Elijah
sa baywang ni Selena, sa pagsasayaw nila, sa buhok ni Selena na ginugulo ni Elijah,
sa halik... Bakit niya nagawa sa
akin ito? Nangilid ang luha sa mga mata ko at hindi ko na naman mapigilan ang pag
hikbi.

Tumikhim si Gavin at sinulyapan ako habang nagda-drive. "Klare, I'm worried about
you. I want to respect your
privacy. Ayokong manghimasok dahil hindi naman tayo close pero I also want to know
what's making you cry. Maybe I
can do something about it."

Umiling ako. That's the sad thing there. Nobody can do anything about it. Kahit si
Elijah ay walang magagawa.

Nakahalukipkip si Erin na nag aabang sa pag papark ng sasakyan ni Gavin sa Dunkin


Donut. Hindi na ako nagulat na
kasama siya ni Hendrix. Basta ang alam ko ay dumiretso na ako palabas ng sasakyan
at niyakap agad si Erin na
nakakunot ang noo, hindi alam kung anong nangyayari.

"Klare..." Agad dumalo si Hendrix sabay haplos sa likod ko habang nakayakap ako kay
Erin. "Anong ginawa mo sa
kapatid ko?" Tumaas ang boses ni Hendrix kay Gavin.

Nilingon ko kaagad sila. "Rix, don't. Wala siyang ginagawang masama. Gavin, thanks
for tonight. You can go. I'm
sorry for ruining it."

Nakita ko ang pag aalinlangan sa mukha ni Gavin ngunit nang nasulyapan ang kapatid
ko ay agad na tumango at naglakad
palayo. "Call me when you need me, Klare." Ani Gavin bago bumalik sa sasakyan at
umalis.

"Klare, what happened?" Marahang bulong ni Erin habang hinihila ako at hinaharap sa
kanya.

Panay ang buhos ng luha ko. Tumunog ang cellphone ni Hendrix habang kinakalma ko
ang sarili ko. I need a backstage.
I need to tell someone. Baka sakaling maibsan ang sakit. Baka sakaling maliwanagan
ako. Baka sakaling malaman ko ang
totoo.

"Hello, Pierre?" Matigas na sagot ni Hendrix sa tawag. "Yup, I'm with her. Why?"
Nilingon ako ni Hendrix at tumitig
siya sa akin. "WHAT?"
Kumunot ang noo ni Erin at palipat lipat ang tingin niya sa akin at kay Hendrix.
Nagsimula ulit bumuhos ang luha ko.

"I saw a video, Erin. Si Elijah at Selena, naghahalikan sa bar." Sabi ko,
nanghihina. Hindi ko alam saan ako humugot
ng lakas para bigkasin ang mga katagang iyon.

"Where are you?" Narinig kong sinabi ni Hendrix.

"Impossible. Selena's probably in... New York... or maybe still in Davao?" Nag
aalinlangang sinabi ni Erin.

"Nasa Dunkin Donuts Divisoria kami." Pagkasabi non ni Hendrix ay may lumapit agad
ang isa pang pamilyar na sasakyan.

Hindi pa nakakapark ng mabuti ay tumakbo na si Chanel palabas sa sasakyan ni Brian


para yakapin ako.

"Oh my God. I saw the video and the picture." Niyakap niya na agad ako na para bang
alam niya kung bakit umiiyak
ako.

"What video, Ate? Can you enlighten me, please?" Tanong ni Erin.

Hindi ko na nasundan ang buong pangyayari. Nasa loob na kami ng sasakyan ni


Hendrix, ako ang nasa front seat at ang
magkapatid ay nasa likod. Si Brian ay naunang umuwi sa kanilang bahay at wala akong
ideya kung saan kami pupunta
ngayon. Kanina pa sagot nang sagot ng tawag si Hendrix at tulala na lang ako dito.

"God..." Marahang sinabi ni Erin habang naririnig ko ang boses ni Elijah sa likod.
"Stop the cam please..."

Pinapanood nila ang video. Nangingilid ang luha ko ngunit pagod na akong
humagulhol. Namanhid na ang dibdib ko at
ayoko na lang makaramdam ng kahit ano. Namataan ko ang daang patungo sa amin at
agad kong sinita iyon kay Hendrix
kahit may katawag pa siya.

"Rix, I'm not going home. Please, tell papa hindi ako uuwi. I am not going home..."
Nanginig ang boses ko. "Kahit sa
Montefalco building, ayoko."

"Hendrix, Morning Mist tayo." Ani Erin.


"Okay." Ani Hendrix at agad na niliko ang sasakyan patungo sa bahay nina Erin.

Anywhere, basta huwag lang sa bahay.

"Yes, Morning Mist." Narinig kong sinabi ni Hendrix. "Wa'g na sa inyo."

Binaba niya ulit ang tawag ng hindi man lang nagpapaalam.

"Pierre... Oo. Sa bahay nina Erin." Aniya habang nililiko liko ng walang kahirap
hirap ang sasakyan patungo sa bahay
nina Erin.

"I don't believe this, Ate." Narinig kong sinabi ni Erin at padabog na sinarado ang
pintuan ng sasakyan ni Hendrix.

Nanghihina akong lumabas at halos tulala ako doon sa labas ng bahay nina Erin.
Dinaluhan agad ako ni Hendrix at
pinag tatanong kung kumain na ba ako o anong gusto kong gawin. He was eager to lift
me up, to make me happy, but I
just can't help myself.

"He is wearing black sa picture. This is recent. The picture is recent. The video,
too, looks recent." Ani Chanel
habang pinapanood ulit ang video.

"No... Elijah can't do this to Klare." Ani Erin sabay iling sa kanyang kapatid.

Narinig ko ang pagkalabog ng iilang mga pintuan ng sasakyan. Dumalo agad si Josiah
at Azi sa harap ko. Yakap agad ni
Azi ang natanggap ko habang mga mura ni Josiah ang bumalot sa aking tainga.

"Fucking Ej. He's going to lose this fight." Ani Josiah.

"Klare, ayos ka lang?" Tanong ni Azi habang niyayakap niya ako.

Wala ng luha ang lumabas sa aking mga mata. Tulala lang ako habang nakasalampak ang
ulo ko sa kanyang dibdib. Lahat
yata ng lakas ko ay nihigop na ng pangyayari.
Narinig ko ang sabay na car alarm at nadagdagan ang dumalo. Medyo nagulat ako sa
pagdating ni Damon, Rafael, Pierre
at Claudette.

"Klare..." Sabay hila ni Clau sa akin galing sa yakap ni Azi. Umiiling na si


Claudette na para bang nagsasabing
huwag muna akong maniwala.

Narinig kong kumalabog ang dingding ng gate nina Josiah dahil sa suntok ni Azrael.
Nagkakagulo silang lahat. Gusto
ko silang pigilan sa pag aaway away at pagkakagulo ngunit ako mismo ay walang
lakas.

"Yasmin is not replying." Ani Chanel. "She's not answering my calls too." Sabay
tingin niya kay Rafael.

"Putang ina din 'yang si Elijah, ah? Nag text na ba sa'yo Azi?" Ani Rafael sabay
tingin kay Azi.

"Hindi. He's a big asshole." Mariing sinabi ni Azrael.

"Azi, don't conclude anything yet. Ni hindi pa natin alam kung totoo ba ito." Ani
Erin.

"Erin, it was posted an hour ago... This happened tonight. Kaya hindi siya
nakakapag reply." Ani Josiah.

"Elijah isn't like that." Giit na Damon. "We all know that..."

"We all know that he's an asshole like ourselves." Ani Azi.

"Shut the hell up, Azi. He is in love with Klare. Alam niyo 'yan. You've seen how-"
Giit ni Erin, tumataas ang
boses.

"I've seen him kiss other girls while he's in love with Klare, Erin." Mas iginiit
ni Azi sa mas mataas ng boses.

"Hey..." Ani Hendrix. "Stop it."

"You know that can't be true. Alam mong iba ngayon."

"He's probably drunk, that asshole. Putang ina niya. Sana gumapang siya sa
putikan." Ani Rafael sabay haplos sa
likod ko.

Hinawakan ni Pierre ang kamay ko. Nilingon ko siya at kita ko ang pag aalala sa
kanyang mga mata. I don't know what
to say... I don't know how to handle this situation.
"Are you tired? You want to sleep?" Ani Pierre.

Nilingon agad kami ni Josiah. "Sa bahay ka na matulog, Klare." Anyaya niya.

Hinawakan ni Erin ang kamay ko at hinila na papasok sa gate. Nanghihina ako at


namumuo na ng unti unti ang
panghihinayang sa akin.

"Can I sleep here too, Joss?" Tanong ni Claudette.

"Of course you can." Ani Josiah.

"Klare, I'll call mom and dad. Sasabihin ko dito ka muna sa kina Josiah." Ani
Hendrix sabay kuha sa kanyang
cellphone.

"Sasabihin ba natin kay tito Benedict ang nangyari?" Tanong ni Damon.

"Let's not make this issue big, Dame." Ani Josiah.

"This issue is already big, Joss. Your hell of a cousin cheated on Klare." Ani
Rafael sa isang siguradong boses.

"He did not, Raf. Look. Let's not conclude, okay?" Ani Erin.

Tumunog ang cellphone ni Chanel. Narinig ko ang mura ni Chanel sa anticipation sa


maaaring nag text at laglag panga
niyang binasa ang message.

"Patingin?" Ani Erin at kinuha sa kanyang kapatid ang cellphone.

Ang laglag panga rin ni Erin ay itinikom niya bago binigay kay Claudette na nasa
tabi niya. "Klare, let's sleep
here. What do you want to do tonight? Anything..." Napapaos niyang sinabi sabay
muwestra sa loob.

Nanatili ang titig ko sa cellphone ni Chanel na ngayon ay pinagkakaguluhan nila. I


heard Rafael's curse. I saw him
punch the wall too.

"Anong sabi ni Ate Yasmin?" Tanong ko.


Walang sumagot. Ang mala pusang mata ni Claudette ay tumama sa akin. Hinintay ko
ang sasabihin niya ngunit wala
siyang sinabi. Nangatog ang binti ko.

"Anong reply, Clau?" Tanong ko at dahan dahan niyang inabot sa akin ang cellphone.

Nakita ko ang mga text ni Chanel.

Chanel:

Yas, there's this vid and photo on Facebook of Elijah and Selena. Nagkita ba sila
today?

Yas, please reply.

Yasmin.

Yasmin:

Yes. We went out tonight. Nandito siya sa Manila kaya ayun.

Yes, Klare. No doubt. Everything's falling apart. Pumikit ako ng mariin at


naramdaman ko ang pagsikip ng aking
dibdib bago bumuhos ang panibagong luha.

�I was loyal to him. He wasn�t to me.�

They were all right. This is just a phase. This is all a mistake. My Elijah kissed
another woman tonight. He looked
contented in her arms. At wala akong laban don. Isa lang akong hamak na babaeng
nagmamahal sa kanya, natatakot na
dumating ang araw na pagsawaan niya ako. Because the end will always come. Kahit
anong gawin mong pag tanggi na iba
itong sa amin, na pang habang buhay na ito, dahil walang pang habang buhay. Change
will always be constant. We
change because we�re alive. We change because we grow. To hope that he won�t change
is selfish. To hope that
everything will stay constant forever is to hope for it�s death. Because dead
things won�t change. And we are not
dead. He isn�t. So he will change. Everything will change. And I hope my feelings
for him changes too in time...
Tulala ako habang nag uusap usap ang mga pinsan ko sa kama. Hindi ko alam kung
inaabangan ba nila ang pagtulog ko
bago sila makatulog. Naririnig ko ang bulungan nila tungkol sa mga nangyayari at
hindi na ako nakisali sa kanila.

spinner.gif

Nang nakita nilang kinuha ko ang cellphone ko ay agad nila akong pinanood.

�Are you going to deactivate?� Tanong ni Erin.

Umiling lang ako.

I posted a status: Please take all the pain away.

Dahil hindi ko kaya itong mag isa. I needed the help. All my life, nakakaya kong
mag isa. kayang kaya ko lahat. Kaya
kong harapin ng mag isa ang kahit ano, pero ngayon? Hindi na. I need all the help I
can get. I need everyone. Kahit
na alam kong hindi iyon magiging sapat. It will hurt still. It will make me
miserable.

Mabilis ang notifications. Bago ako makapag log out ay nakita ko ang mga comments
ng taong nandito sa kwarto.

Erin Louisse Montefalco: I love you, Klare.

Claudette Jamila Montefalco: We will take it.

Rafael Douglas Montefalco: Hayaan mo ang gagong �yon.

I saw more comments and some likes but then I pressed Log Out. I am never logging
in again.

Lumapit si Erin at Claudette sa akin at niyakap ako. Halos magsiksikan silang lahat
sa tabi ko. Tahimik silang lahat
habang humahagulhol ako. This is the last. I�m done.

Kabanata 38
Blur

Kinaumagahan ay isa ako sa huling nagising. Siguro ay dahil medyo matagal akong
natulog at gusto kong tulugan na
lang ang sakit. Pagkadilat ko ay si Claudette na lang ang katabi ko. Tulog na tulog
pa siya at sabog ang kanyang
buhok sa unan.

Nanghina ako nang kinapa ko ang cellphone sa tabi ko. Naging kagawian ko na ito
lalo na nong umalis si Elijah. I
don't know if it's still a good thing right now. I just want to turn it off, maybe
the pain will also go away that
way.

Isang mensahe lang ang nakita kong text ni Elijah at halos sabay nito ang pag
gising ko.

Elijah:

Klare...

That was it. Nanginig ang kamay ko at nagbara ang lalamunan ko. Umaga na nang nag
text siya samantalang panay ang
text ko kagabi. I told him we'd Skype or Facetime or even just call. Kaya lang ay
inuna niya 'yong kay Selena. And I
don't know what happened to the rest of the night. If they were on the same bed or
what pero ayoko nang malaman.
Galit na nga ako sa kanya ngayon pa lang paano na lang kung malaman ko ang lahat.

At kung hindi man totoo 'yong nangyari kagabi (yes, I'm still holding on to that
possibility), bakit ganito lang ang
text niya kinaumagahan? More importantly, why didn't he text me yesterday? Ganon ba
kahirap mag text man lang? Was
he too preoccupied? Was he too guilty?

Tinakpan ko ng palad ang mukha ko. Hindi ako nag reply. Inisip ko pa ngang pag ka
lowbat nitong 5% kong battery ay
siguro hindi ko na ulit ito i-cha-charge. I don't want to be reminded. I don't want
to text him. I hate him. I hate
him right now. I hate him to the core.

Iniwan ko ang cellphone ko sa kama at lumabas doon nang hindi ginigising si


Claudette.

Sinundan ko ang mga boses ng nag uusap kong mga pinsan. Wala sila sa dining room o
sa sala. Silang lahat ay nasa
kitchen nina Josiah. Probably eating breakfast... Natigilan ako sa kalagitnaan ng
paglalakad ko nang narinig ko ang
pag mumura ni Azi.

"I did not answer the asshole's call." Dinig ko.

"I think you should have-" Singit ni Chanel.

"Para saan? Magtatanong siguro siya kung ano ang problema ni Klare. If he was a
responsible boyfriend, dapat ay
kagabi pa lang alam niya na ang problema. At mas lalong kagabi pa lang, alam niya
nang masasaktan si Klare."

"I agree. He's completely aware that the video might reach Klare. Or the picture.
Inisip niya bang hindi kakalat ang
kamalian niya? No. Instinct ang pinagana niya-" Dagdag ni Josiah.

"Nagsalita kayo. All I know is that Ej has better judgement sa inyong lahat. Naakit
na kayong lahat ng magandang
babae, si Elijah lang ang hindi, siya ang huli. Instinct? Hindi siya nag papadala
don." Ani Erin.

"So what's your point, sis? Na he was drugged or probably hypnotized? It was
obvious he enjoyed that kiss." Ani
Josiah ng natatawa.

"The fucker commented." Ani Rafael at natahimik sila.

Napabuntong hininga ako at nagpasyang magpakita na sa kanila at magpakatatag na


lang.

"Sinong... gago 'yan?" Tumawa si Damon.

"The hell? Ganon ikinoment niya? He's stupid." Iritadong sinabi ni Josiah.

"Don't you dare tell him, Jos." Sabi ni Chanel.

"Talagang hindi. Magdusa siya sa ginawa niya."

Mabilis akong pumasok sa kitchen at nakita kong nakatingin silang lahat sa


cellphone ni Rafael. Agad nilang itinago
iyon at ang mga nakatayo sa tabi niya ay kumalat na malapit sa fridge at sa sink.
"Good morning, Klare!" Bati ni Erin at agad inilahad ang katabing high chair.

Kumakain sila ng fries at burger bilang breakfast. Tahimik sila at bulungan kung
mag usap si Azi at Josiah.

"Dette..." Dinig kong tawag ni Chanel at may ibinulong sa kanya, nagising na rin si
Claudette at nakisali sa gulo.

"You feeling better? Labas tayo mamaya?" Ani Erin ng nakangiti.

Nginitian ko siya pabalik. Kaya ko namang ngumiti kahit paano. But it's not because
I'm feeling good, I'm smiling
because I need to. "Tsaka na muna. Baka magtaka si papa at Tita Marichelle. Uuwi
ako ngayon. I'll stay at home for
tonight." Sabi ko sabay kuha ng piraso ng lettuce at ni dip sa ceasar salad
dressing.

Naramdaman ko ang titigan ni Erin at Azrael ngunit binalewala ko iyon. Kahit anong
gawin nilang pagtatago sa pag
uusap nila tungkol sa akin ay alam ko iyon.

"Sama ka na lang. May game kami mamaya sa Alwana Business Park, kasama sina Eion
tsaka baka sumama rin mga kapatid
mo."

"I'll try. I'm tired. Medyo kulang pa ako sa tulog baka itulog ko ito ng buong araw
mamaya." Ngiti ko ulit.

Hindi pa nakakadagdag ang mga pinsan ko ay narinig ko na ang tawag ng katulong nina
Erin.

"Nandito sina Hendrix." Ani Josiah at pumanhik sa sala para tingnan ang mga kapatid
ko.

Bumalik siya na dala si Pierre at Hendrix. Parehong pinanonood ako na para bang may
bomba sa akin na kahit kailan ay
pwedeng sumabog.

"Hey..." Ani Hendrix at lumapit sa akin.

Tumayo si Erin at kumuha ng mga plato. Kinalabit niya ang kanilang katulong at may
ibinulong dito.

"Hey..." Sabi ko sabay tingin sa kanya. Tinititigan ako ni Hendrix at alam kong
naghahanap siya ng maling
ekspresyon. "You okay? Nag usap na kayo?"

Umiling ako at nag iwas ng tingin. I didn't want to talk about it. Alam kong
nararamdaman din 'yon ng mga pinsan ko
kaya ayaw nilang mag usap sa harap ko.

"Don't you think it's wise to call him and ask?" Kumunot ang noo ni Hendrix.

"Hayaan mo na ang gagong 'yon, Hendrix. Klare's hurt-" Ani Azi.

Pinutol ko siya. "He texted me." Sabi ko.

Pinanood nila ako. Akala ay kung ano na ang sinabi ni Elijah sa akin.

"'Yong nakalagay lang sa iisang text niya ay, 'Klare...' that's all." Kibit balikat
ko.

"Asshole." Ani Azi.

"Don't you dare tell him, Dette." Banta ni Josiah sa nakahalukipkip at tahimik na
si Claudette.

Nakatoon ang tingin namin kay Claudette na ngayon ay ngumingiwi sa bilin ni Josiah.

"Why would I?"

"Baka lang may sabihan kang ibang tao na... you know... close sa kanya..." Ani
Josiah.

Kinagat ni Claudette ang kanyang labi.

"Yeah." Tango ni Azi at bumaling kay Rafael. "Wa'g mo ring sabihin kay Knoxx. He's
probably in Manila. Baka sabihin
niya kay Elijah. Let his ass suffer. So, Dette Dette, burn the bridges. Don't tell
Spike anything."

Bumagsak ang tingin ni Claudette sa kanyang mga paa.

"Hindi naman talaga. We're not close. Why would I tell him?" Marahan niyang sinabi.

Humalukipkip si Pierre at tinoon ang atensyon sa akin. "Let's go?"

"Kumain muna kayo." Ani Erin na ngayon ko lang napansin, naghanda ng pagkain sa
kanilang dining table.
Nang ihatid ako ni Hendrix at Pierre sa bahay ay nagpumilit din silang isama ako sa
game. Tumanggi ako dahil sa
pagod at mas ginusto kong matulog. Patay na ang cellphone ko kaya tahimik na.
Tuwing naaalala ko ang nangyari ay
hindi ko mapigilang mapaiyak na lang ng tahimik sa aking kama.

Tumatok si Ama sa aking pintuan. Dinig ko ang tawag niya sa akin kaya mabilis kong
inayos ang mukha ko para lang
maharap siya.

Binuksan ko ang kwarto ko at ang mukha niyang nakangisi ang bumati sa akin.

"You were with your family last night? How was your date with Gavin?" Tanong niya
at umupo sa aking kama.

"Ayos po. Pumunta kami ng High Ridge at kumain." Hindi ako makatingin ng diretso. I
did not lie but still...

"How is the boy? How is his ideals? His ambitions? Will there be a second date?"
Tanong ni Ama.

"I-I'm not sure about the second date, Ama. He's a good man. Funny and gentleman."
Tumango ako. Hope she doesn't
mind my vague answers.

Humagikhik siya. "I knew you'd click. Madalas magaling akong match maker."

Yes, Ama. That's why Elijah and Selena are meant to be. You are great match maker.

"Well, I guess I won't ask about your second date. Sasama ang kanilang pamilya sa
atin sa Surigao this coming
Tuesday." Ani Ama.

Sa Surigao kami pupunta? It's been decided? Well, that's Ama for you.

"Were you allowed by the doctor to... travel, Ama?"

Humagikhik siya. "Yup. We'll travel by land. Mas na s-stress ako ng connecting
flights from Cebu to Surigao so I'd
rather travel by land." Ani Ama nakangiti parin sa akin.

Tumango ako. I guess I have no choice.


"We'll take a look on that piece of land your father bought years ago and see if it
can help us in the business. At
isa pa, I adored the beaches in that place. Your brother Pierre suggested Siargao
so we will go there."

Tumango ulit ako at nag angat ng tingin kay papa na nasa pintuan, nakatayo. Hindi
ko iyon sinarado kaya naabutan
niyang nag uusap kami ni Ama.

"Ricardo! Nakakagulat ka naman." Sabay hawak ni Ama sa kanyang dibdib. "Klare and I
are talking about the trip. I am
excited."

Tumango si papa at tumama ang tingin niya sa akin. "I am too. We prepared two vans.
Bukas ang dating nina Luisa and
the kids... Don't you think it's better if we move the dates to Wednesday? Para
makapag pahinga naman sila."

"Oh Ricardo, don't worry about them. They are excited too." Ani Ama at tumayo.

Kung anu-ano pang pinag usapan ni Ama at papa. Tahimik lang akong tumayo doon at
hinayaan silang dalawa hanggang sa
nag desisyon si Amang lumabas para sa mga bulaklak na inaalagaan niya.

Bumuntong hininga si papa at bumaling sa akin pagkatapos pagsarhan ng pinto si Ama.


Umupo ako sa aking kama at
tiningnan siyang mabuti. Mukhang may gusto siyang sabihin sa akin kaya hindi pa
siya lumalabas.

"How are you, Klare?" Tanong niya.

Hindi ko alam kung sinabi ba sa kanya ni Hendrix o Pierre. Ayokong malaman niya.
Ayokong mag alala sila. It's enough
that my cousins think I'm a walking bomb. I don't need my papa to think that I'm
miserable.

"I'm fine po." Sabi ko ng nakangiti.

Seryoso niya akong pinanood lagpas sa kanyang salamin. Umupo siya sa maliit na sofa
katabi ng kama ko at tumikhim.

"How's Gavin?" He asked.


Tumango ako. "Maayos po. Mabuting tao po siya."

Tumango rin si papa. "Kamusta kayo ni Elijah? Alam niya ba ang tungkol kay Gavin?"

Tumitig lang ako kay papa. Hindi ko kayang magsalita. Hindi ko kayang sagutin ang
tanong niya. Nasasaktan ako.
Natatakot akong manginig ang boses ko sa sagot ko sa kanya.

Ngumuso siya at kahit hinihintay ang sagot ko ay dinugtungan na ang kanyang sinabi.
"You know... I am not totally
pro on your relationship with Elijah... or any other guy, Klare. I am protective.
But I've seen him work, I've seen
his principles..."

Habang sinasabi niya ito ay naninikip ang dibdib ko. Ayokong marinig ang kahit
anong tungkol kay Elijah. I want to
shout and make him stop praising Elijah but I couldn't. Kita sa mukha ni papa ang
pagtataka ngunit pinagpatuloy niya
ang kanyang sinabi.

"I've seen, well, his skills in business and in life. I must say he's a good man.
At kita ko kung saan nanggagaling
ang mga Montefalco. Kita ko kung bakit ka nila pinagbabawalan sa kanya. You grew up
together. You two are cousins
and the people around you thinks you still both are cousins. They are trying to
protect you two from all the
judgements and the consequences..."

Bumuhos ang luha ko. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni papa sa pag iyak ko pero
mukhang hindi niya naman
nakita... na wala na akong ipaglalaban sa kanya. Wala nang natira. The Montefalcos
are right. This is just a phase
and it was a big mistake. Mali na naging kami dahil dadating din ang panahon na
magkakasawaan. Magkakaroon lang ng
mantsa ang pangalan namin at pananaw ng mga taong may alam ng tungkol sa amin.

"I also want to protect you. I am not totally fine with the idea of you and him.
But if that what makes you happy
then I won't mind too. Klare..." Hinaplos niya ang aking likod.

Pa, it's too late.

"Your ama wants Gavin for you not only because he's chinese but because she thinks
he's a good man. You'll fit. But
please learn from my mistake..."

Nag angat ako ng tingin kay papa. Pinupunasan ko ang luha ko at sinasantabi si
Elijah. Enough of the tears for him.
He didn't deserve any of this. Asshole.

"I married your tita Marichelle because your Ama wants me too. Kaya naman nong
nakilala ko ang mommy mo sa Davao ay
parang nayanig ang mundo ko. Everything's my first time. First time kong mabaliw ng
husto, first time kong
paghirapan ang atensyon ng isang babae, first time kong magkagusto ng ganon."

Tumigil ang hikbi ko at nagulat sa sinabi ni papa.

"Alam kong dapat ay hindi mo na 'to nalaman pero gusto kong makita mo ang gusto
kong iparating. I love your tita
Marichelle but I fell for your mom. She was vulnerable that time. Lorenzo wasn't
there for her at ako lang ang meron
siya. You were made... out of love, Klare. I loved your mom. And I am not blaming
your Ama for making me marry
Marichelle because..." Nanginig ang boses ni papa. "I love her too. I love her as
my wife and as the mother of
Pierre and Hendrix. But your mom made me feel things I have never felt before so I
got hooked. Klare, I want you to
make the choice." Suminghap si papa at hinawakan niya ang kamay ko. "I want you to
disregard your Amas suggestions.
Don't let the society dictate your decisions. I want you to decide through your
heart."

His message was clear to me, but my decision isn't.

Elijah is a blur.

Kabanata 39

Back

Itinulog ko na lang ang buong gabing iyon. Kahit na dilat ako hanggang hatinggabi
ay nagkunwari akong tulog sa bahay
at sana na rin sa sarili ko. Nag usap lang kami ni daddy kanina pagkatapos naming
nag usap ni papa. Nangungumusta
lang naman si daddy kaya ginawa ko iyong pagkakataon para makapag paalam para sa
pag punta naming Surigao.
"Hmm, so you'll be there for three to five days." Ani daddy sa telepono.

Kanina ay tinanong niya ako kung bakit hindi niya ako macontact sa cellphone ko o
kahit sa iPad ko. I told him my
batt's dead. It's been dead for a while now.

"Opo. Baka po pagkatapos nito, si Tita Marichelle at papa uuwi na ng Davao. Pati si
Ama kaya... habang nandito sila,
dito na rin po muna ako. I miss you..."

"We miss you too, Klare."

Nang nakausap ko naman si mommy ay hindi ako gaanong nakapagsalita. Sariwa parin sa
aking utak 'yong mga sinabi ni
papa tungkol sa kanila. Pinaalalahanan niya lang ako na huwag masyadong lumayo sa
shore pag pupunta kaming Siargao
dahil maalon doon. Mag ingat sa pag su-surf at kung pwede ay huwag na dahil tingin
niya ay delikado. Kahit na
paniguradong di 'yon maiiwasan, Hendrix and Pierre will be there so...

"I will call you every now and then, Klare. Bakit kanina pa patay ang cellphone
mo?" Mom asked.

"Ah. Nakatulog po kasi ako." Sabi ko.

Pagkatapos ng tawag na iyon ay dilat ulit ako sa dilim ng aking kwarto. Pinapanood
ko ang moving lights galing sa
lamp. Kitang nakalapag sa mesa ng lamp na iyon ang earrings, anklet, at barrette na
binigay ni Elijah sa akin.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko nang narinig ko ang ingay sa labas ng aking
kwarto. May kumatok doon bago
binuksan at narinig ko ang pabulong na mga boses ni Pierre at Hendrix.

"I just wanna check if she's asleep. I think she is." Bulong ni Hendrix.

"Gavin called. Hindi niya raw matawagan si Klare. I called her a couple of times
today, ganon rin. Her phone's
probably dead since yesterday?" Ani Pierre. "Nagkausap ba kayo ni Elijah?"

"I... was kind of pissed. I told him to back off."

'Yon ang narinig ko galing sa dalawa bago sinarado ang pinto ko. Tumikhim ako at
mas lalong hindi dinalaw ng antok.
Imposibleng hindi niya alam ang nangyayari. It's all over the internet.

Kinaumagahan ay panay rin ang pakikipag usap sa akin ni Hendrix sa hapagkainan.


Abala si tita Marichelle sa
pagbibisita sa mga kaibigan nilang chinese sa Cagayan de Oro habang si Ama ay nag
papamasahe sa kanyang kwarto kaya
naiwan kaming tatlo sa sala.

"Saw your cousins sa court kanina... Sasama ka ba daw sa Sembreakers party? They
texted you but you didn't reply."
Ani Hendrix pinapanood ang paglipat lipat ko ng channel.

"Aalis tayo bukas. I shouldn't party." Sabi ko nang di siya sinusulyapan.

"Nah, it's okay, Klare. Pwede ka namang matulog sa byahe. It's probably 6-8 hours
to Surigao. Sa syudad pa tayo
magpapalipas ng gabi. The next day, we'll go to Siargao. Ama wants to see dad's
land in Surigao, so..."

Tumango ako. "I don't know..."

Napatalon ako nang umupo si Pierre sa inuupuan kong sofa at inakbayan niya ako.
Nilingon ko siya. Hinilig niya ang
kanyang ulo sa aking balikat.

"Pumunta ka. Pupunta ako. Let's go together. If you don't want to be with your
cousins, then we'll go together."

Ngumuso ako. "I want to be with my cousins. I want to be with you, Pierre. Wala
lang talaga akong gana. And... I
thought you didn't like parties?"

Ngumiti siya at nagkibit balikat sa akin. Umiling na lang ako. Narinig ko ang door
bell at tumayo agad si Hendrix.

"It must be tita Luisa and our cousins." Aniya ngunit bumalik ang katulong galing
sa gate, kausap ang security
guard.

"Gavin Co and... uhm, Vaughn." Anang katulong.

Nilingon ako ng dalawa. Nagtaas naman ako ng kilay sa kanila.

"Did you invite them?" Tanong ko.


"Hindi. Hindi mo ba pinabisita? Or is it Ama? Kay Gavin?" Nilingon ni Hendrix si
Pierre na ngayon ay nakatayo na at
tinitingnan ang labas.

Pumasok na si Gavin at naglalakad na patungo sa loob. Sumunod naman si Vaughn.

"I invited Vaughn. Not Gavin Co." Ani Pierre na kahit ganon ay nakipag tanguan at
kamustahan parin kay Gavin.
Nakipag high five naman siya kay Vaughn.

Tumayo ako para salubungin sila ng ngiti.

"Klare..." Ani Gavin at pinanood ako nang may halong pagtataka.

"Klare! I missed you!" Ani Vaughn at sinalubong ako ng yakap.

Nakita ko ang pag taas ng kilay ni Gavin at ang pagsunod niya ng tingin kay Vaughn.

"Vaughn." Tawa ko sa reaksyon niya.

I'm kinda preoccupied with Elijah this past few months kaya hindi ko na siya
gaanong nakakasama. He was good and
gentle to me. I shouldn't forget friends...

"Vaughn, this is Gavin Co." Ani Pierre at uminuwestra si Gavin na nakatayo sa tabi
niya.

Magkasalungat si Gavin at Vaughn. Kung si Gavin ay medyo seryoso ang chinitong mga
mata, si Vaughn naman ay may
palangiting mga mata.

"I think we know each other." Sabay lahad ni Vaughn ng kamay kay Gavin.

"Yeah. From the court." Ani Gavin at tinanggap ang kamay ni Vaughn.

Napagtanto ko kaagad na nagkakilala sila dahil sa basketball. Pinanood ko ang


tanguan ng dalawa. Si Pierre ay
pinagmamasdan ang reaksyon ni Gavin.
"Klare didn't tell me na nakasalamuha ko na pala ang boyfriend niya sa court..."
Inosenteng linya ni Gavin.

Narinig ko ang singhap ni Hendrix. Nakapamaywang siya at nilapitan ako. Kumunot ang
noo ni Vaughn at palipat lipat
ang tingin niya sa akin at kay Gavin.

"What... What boyfriend? May boyfriend si Klare?" Nanlaki ang mga mata ni Vaughn.

Mariin akong pumikit kahit na nakita ko naman kaagad sa mukha ni Gavin 'yong
pagkakarealize sa kanyang pagkakamali.

"Oh. I'm sorry." Ani Gavin.

"No... No... Pierre, may boyfriend si Klare? Because I'm pretty sure she dumped me.
I'm not her boyfriend..."
Natatawang sinabi ni Vaughn. "But, I'm willing to be. I want to be." Bumaling siya
sa akin.

"Whoa, whoa there Vaughn. You have the VIP ticks from that party? Don na tayo sa
kitchen mag usap." Ani Hendrix,
hinihila si Vaughn palayo sa akin.

Umiling si Pierre. "Walang boyfriend ang kapatid ko."

Mas lalo lang din akong umiling. Now, Gavin will think I'm a big fat liar. But
maybe... yes, wala na akong
boyfriend.

"Tara na, Vaughn." Tinulak na rin niya ang medyo nagwawala at natatawang si Vaughn.

Nginitian ko na lang siya at pinanood na nawawala sa aming kusina.

"No boyfriend, huh? Sino ba talaga ang papaniwalaan ko?" Nagtaas ng kilay si Gavin.

Kinagat ko ang labi ko. "Let's not talk about it, Gav. Uhm, you need something?"
Tanong ko, pinapanood ang katulong
na naglalapag agad ng mga cookies at juice sa aming center table.

Umupo na ako at kinapa ang remote control ng TV. Kinuha ko rin ang unan at niyakap
bago bumaling ulit kay Gavin na
paupo na rin.

"I'm just worried. I left you with Hendrix last Saturday. Ni hindi ko alam kung
bakit ka umiyak." Tumigil siya at
mukhang naghihintay ng idudugtong ko.
Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko siyang ipagpatuloy ito.

"I realized that... I've been an ass to you. Ni hindi ko... Ni hindi ko talaga
sinubukang makipag date sa'yo kahit
as friends. Instead, I brought Ivana and..."

"Gavin, it's okay. Wala 'yon. I understand your situation perfectly. Don't worry
about it."

"Did you cry because you were depressed? Because of our situation?"

Umiling ako. "Hindi."

Ngumuso siya. "Hindi ko talaga makuha. I'm worried because I think it's my fault."

"I assure you, Gav, it isn't your fault. Don't worry about it." Mariin kong sinabi.

Tumikhim siya. "Actually, muntik na kaming mag suntukan ni Seymour kahapon dahil sa
galit niya sa akin. He's worried
about you too. And he thinks it's his fault."

"No, Gav. Wala sa inyong dalawa. I'm just really..."

Hindi ko alam pero hindi ko parin kayang sabihin sa ibang tao. Kahit na sabihin
nating mapagkakatiwalaan naman sila
at kailangan nilang malaman ang dahilan ay hindi ko parin kayang sabihin kung bakit
ako nasaktan.

Tama na 'yong nasaktan ako. Sumusobra na yata kung kaawaan pa ako ng ibang tao.

Humalakhak siya. "Okay... So... Iisipin ko na lang na that's a piece of you a guy
like me can't touch." Tumango
tango siya. "By the way, you want to go out tonight?"

spinner.gif

"Uhm... Saan?" Tanong ko.

"It's a friendly night out. Pambawi ko sana sa'yo. I won't be with Ivana. She
encouraged me to do this. She's
worried about you too, so..." Nakita ko ang pagpula ng kanyang pisngi.

Tinitigan ko pa ito bago ako sumagot sa kanyang sinabi. Nakita ko pa ang pag iwas
niya ng tingin sa akin ng dalawang
beses.

"I'm guessing, it's a party?" Tanong ko.


"Yeah... I heard your brothers have ticks? Nasa guestlist ako kasi sina Seymour ang
nag organize. You know Silver
Sarmiento? Sila ang nag organize nito... so... I can add you to the guestlist.
Actually, nalagay na kita. I'm with
my friends but I assure you you won't feel out of place."

Hindi ako nagsalita. Ngumiti lang ako dahil nawala ako sa aking pag iisip. Come to
think of it, all my life my night
outs revolve around the Montefalcos or the Tys. Hindi ko maalala noon kung kailan
ako lumabas na ang kasama ko ay
ibang tao at walang kapamilya. Pag nanonood kami ng sine nina Hannah, Julia, at
Liza noon, palaging kasama si Erin
at Claudette. Of course because they are closer to them. I am only close to my
cousins. Medyo interesado ako sa
ideyang iyon.

"Uhmm... Is it a no? Your brothers are going? I'm sure your cousins too? Sasama ka
sa kanila?" Tanong niya.

Tumango ako at ngumuso. "It's rude pag hindi ako sasama sa kanila... But, I'll try
to... ask kung pwede ba akong
sumabay sa inyo tapos sumama sa inyo, magkikita kita rin naman kami don."

Ngumiti siya. "That would be great! Sige."

"Wala nga pala akong phone so... ano-"

"Wala kang phone? What happened to your phone?" Kumunot ang noo niya.

Nagkamot ako ng ulo. "Ganito, hihintayin na lang kita dito. Anong oras ka kaya
dadating?" I asked.

"Maybe 8PM?"

Sa usapang iyon ay nagkaroon kami ng deal. Nagpaalam na agad siya kahit na sinabi
kong kakain muna kami. Ni hindi
siya nasilayan ni Ama kaya mas gumaan ang loob ko sa lakad na 'yon. He wasn't
pressured by anyone. He's a good
person. Sasama ako sa kanya dahil gusto kong tanggapin ang alok niyang pakikipag
kaibigan. Bago siya umalis ay
sinabi ko sa kanya na dalhin niya si Ivana. It's okay with me.

"Are you sure about that?" Tanong niya.

"Sure." Ngiti ko.

"Sasama siya sa mga kaibigan niya. We'll see her there." Iyon ang sinabi niya bago
niya pinaandar ang sasakyan.
"Where's Gavin?" Tanong ni Hendrix nang pumasok ulit ako sa bahay at nasa sala na
sila.

Nakabusangot si Vaughn at pinapanood ang mga galaw ko.

"Umalis na. Pupunta ako sa Sembreakers, kasama 'yong mga kaibigan niya." Sabi ko.

Nagkatinginan sila.

"So... he's courting you?" Tanong ni Vaughn na agad namang sinapak ni Hendrix.
Nginiwian niya ang kapatid ko.

"Nope. He's just a friend." Sabi ko.

"Chinese is for chinese?" Sabi ulit ni Vaughn na sinapak na naman ni Hendrix.

"No, Vaughn." Ngiti ko.

Nagkulitan pa silang tatlo. Ang usapan ni Vaughn at ni Pierre ay tungkol sa


basketball. Si Hendrix naman ay abala na
naman sa kanyang laptop. At ako ay inubos ang oras sa panonood ng TV.

Pumapalakpak si Pierre sa harap ng mukha ni Vaughn kapag napapansin niyang


nagnanakaw ng tingin ito sa akin. Hindi
ko mapigilan ang tawa ko. I miss Vaughn and his crazy antics. Kahit na hindi tulad
noon na palagi niyang naisisingit
'yong mga biro niya ay masaya parin siyang kasama.

"We'll see each other there." Sabi ni Pierre nang dinalaw ako sa kwarto kalaunan ng
gabing iyon.

Nakaharap ako sa salamin at alam kong naghihintay na si Gavin sa baba. Ama


entertained him there. Hindi ko pa maalis
sa isip ko 'yong kagalakan sa mukha ni Ama nang nakita niya si Gavin na maporma at
hinihintay ako for the party.
Hindi ko alam kung nakuha niya bang party ang pupuntahan namin at hindi date.
That's two different things. And also,
we're with Gavin's friends and the probability that Ivana's there is high kaya
walang malisya ang lahat ng ito. This
is my diversion. I need it.

"Yup..." Sabi ko.


Tinitigan ko siya. Ayan na naman ang mga mata niyang kung makatitig ay parang
nanunusok. Ngumuso ako sa porma niya.
He looks cool. Kahit simpleng grey t-shirt, pants, at top sider lang ang suot niya,
may kung ano sa kanya. Maybe
it's the new haircut?

"My brother is so gwapo..." Ngiti ko at binalingan siya para yakapin.

Ngumiwi siya. "I'm worried about you. Are you sure you're okay? I... I don't want
you to be friends with Gavin just
because you're in pain, Shobe."

Tumindig ang balahibo ko sa tawag niya sa akin. Pierre can be sweet and it's
addicting. Ngumiti ako.

"I'm not gonna do that, Shoti." Ngiti ko, pang aasar sa kanya. Ayaw niya talagang
paniwalaan ko na mas matanda ako
sa kanya. He wants to be my Ahia.

Pagkababa namin ay agad kong narinig ang tawa ni Ama. I just want to be out of
here, away from her. Agad na akong
nag paalam.

"Mag ingat kayo..." Sabi ni Ama at kumaway na sa aming dalawa ni Gavin.

I can only magine what she told him. Nangako rin si Hendrix na susunod sila ni
Pierre at nasabihan na ang mga pinsan
ko na pupunta ako.

Maaga pa kaya kumain muna kami ni Gavin sa labas. Isa isa ring nag sidatingan ang
mga kaibigan niya don sa
Mykarelli's. Sabay sabay daw kaming pupunta sa Lifestyle District kung saan
gaganapin ang Sembreakers Wet n Wild
party. Tahimik ako habang nagtatawanan ang halos lahat mga chinese nilang mga
kaibigan.

I know some of them. Nakilala ko sa school nong high school at ang iba ay naging
kaklase sa college so it's not hard
to blend in. Hindi lang talaga maiwasan 'yong magkunot noo ng mga hindi
nakakaintindi sa sitwasyon. Of course, they
want Ivana for Gavin. I am the villain here.
Bumili sila ng Red Label. It's their sort of pre game before the party. Maingay
sila, halos kasing ingay ng mga
Montefalco. Mahilig silang mag bottom's up. Limang shot pa lang ay medyo tipsy na
ako.

"Hindi ba cousins mo sina Azrael at Josiah?" Tanong ng chinitang naging kaklase ko


sa isang subject nong 2nd year
College na si Rina.

"Yup." Tango ko, medyo namumungay na ang mga mata.

Itinigil na nila ang inuman. Hindi ko alam kung dahil ayaw nilang malasing ng
tuluyan o dahil ubos na ang Red Label.

"Anong balita don sa pinsan mo? Nagkabalikan ba sila nong ex niyang relative mo
rin? Selena Chiong? 'Yong laking
Davao na nasa New York na?" She asked.

Kinagat ko ang labi ko. Pinapanood ako ni Gavin.

"I've seen their video. The kissing part? God! It was hot. I'm jealous. Ang hot
lang talaga ni Elijah Montefalco."
Sabay hagikhik niya.

Kinuha ko ang menu. I guess I'll need another round of something. Can I be drunk?
Even just for tonight? Kinuha ni
Gavin sa kamay ko 'yong Menu.

"Unless you're hungry, Klare... I know how much alcohol you Montefalco's take in
with you." Iling niya.

"I don't know, Rina. Siguro. They kissed so... most probably..." Halos masamid ako
sa sinabi ko.

"Ayos na ayos sa Ama mo 'yon, huh? Because he's filthy rich with a famous family
name kaya ayos." Tango niya sa mga
katabi niya.

Tiningnan ko ang menu na nakay Gavin na ngayon. I want shots of vodka or something
really hard like whiskey.

"Let's go, guys." Tawag nila at tumayo na sila kaya ganon rin ang ginawa ko.
Dammit! The video's creeping on my mind! I hate it! Lalo na nong pinag usapan nong
mga kaibigan nila 'yon at
tiningnan pa nila 'yon. Dinig na dinig ko ang pamilyar na beat ng background music.
I felt sick. Naaalala ko ang
dila ni Elijah. I tasted his lips before... and he tasted Selena's. Fuck this!

"Where are you going, Klare?" tawag ni Gavin nang kumawala agad ako sa crowd nila
pagkalagpas ng Balbacue para
maghanap ng kahit anong shot. I need the pain out of my system.

"We'll see each other near Junno. I'm... gonna find my cousins." Sabi ko kahit na
nakita ko na si Erin na
pinapasadahan ng daliri ang buhok at may tinatawagan. Sa harap niya ay ang mukhang
nag aalalang si Josiah at Azi.

Medyo umiikot na ang mundo ko pero kulang pa iyon para mamanhid ang kung anong
sakit, galit at poot na nararamdaman
ko. Nang nakita ako ni Erin ay nanlaki ang mga mata niya at agad binaba ang
cellphone.

Ngumiti ako dahil nakita kong pareho kami ng suot: High-waist shorts, midriff top.

"Oh my God, Klare... You're here!" Ani Erin, dinig ko kahit maingay.

"Let's get her out of here." Sigaw ni Azi dahil sa ingay.

"No, Azrael."

Kumunot ang noo ko sa pagtatalo nila. "Kararating ko lang, aalis agad?" Ngiti ko.

Tumitig si Josiah at Azi sa akin. Nanliit ang mga mata nila. "Oh fuck, she's
drunk."

"What? No. I'm not!" Iritado kong sinabi. Totoong hindi ako lasing. They're just
over reacting.

"Your asshole ex is back in town. He'll hunt you down. You choose, leave or stay."
Mariing sinabi ni Azi sa akin.

Kabanata 40

Dinner

I don't want to leave. Kakarating ko lang at sa galit ko kay Elijah ay napangiti na


lang ako kay Azi.
"Bakit ako aalis?" Nagtataka kong tanong.

Nilingon ko sina Gavin. Umaalis na ang mga kaibigan niya, naiiwan na siya sa
kakahintay sa akin.

"And you're with that guy." Ani Azi.

"I'm with his friends. Saan kayo?" Tanong ko at umambang iiwan na sila.

"Punta tayo sa Junno. Nandon sina Dette, Rafael, at iba pa." Ani Erin,
pinagmamasdang mabuti si Gavin.

Tumango ako at sabay kaming naglakad patungo kay Gavin.

Gusto ko sanang pormal na ipakilala si Gavin sa kanila kaya lang ay mabilis ang
lakad ni Erin patungo sa Junno at
mas lalong umingay habang palapit kami sa puso ng Lifestyle District.

Maraming tao at dahil kalagitnaan na ng party ay medyo basa na rin sila. Nakita
kong may malaking hose sa taas ng
punong kahoy na siyang nagpapaulan ng tubig. Truly, it's wet and wild!

"Klare," Halos di ko marinig ang sinabi ni Gavin dahil sa ingay kaya inilapit ko
ang tainga ko sa kanya.

May dumaang grupo ng mga tao kaya medyo naitulak pa ako sa kanya. Hinawakan niya
ang baywang ko bilang suporta at
bumulong.

"I'll be at Microphone Hero. Ichi-check ko lang si Ivana don. Babalikan kita dito.
Seymour's coming here kasi sinabi
ko nasa Junno ako. Nasa gitna na rin ang friends ko, susunod ako mamaya pagkatapos
kitang balikan."

Tumango ako, hindi na nag salita dahil sa ingay.

"Klare..." Tawag ni Erin sabay turo sa loob ng Junno kung nasaan nasa malaking
table at sofa ang mga pinsan ko.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga naroon. Inisip kong naroon si Pierre at Hendrix
ngunit nagkakamali ako. Ang naroon
ay si Rafael, Damon, Eba, Chanel, Brian, Claudette, Josiah, Azrael, Eion, Silver,
Hannah, Liza, Julia, Cherry at isa
pang kaibigan ni Chanel.

"Tara na sa loob." Ani Erin at naglahad ng kamay.

Tumango ako at sinulyapan ng isang beses si Gavin bago tuluyang pumasok.

"We can't talk freely. Tayo lang ang nakakaalam at well, Eion. Mapag kakatiwalaan
naman siya kaya no problem."
Bulong ni Erin sa akin nang nakapasok na kami, malayo sa ingay ng party sa labas.

"Klare!" Ngiti ni Julia. "Hindi ka nag rereply."

Ngumisi ako at nagbeso sa mga kaibigan. "My phone's dead." Sabay pasada ko ng
tingin sa mga kaibigan naming naroon.

Nakita ko ang seryosong mga mata ni Eion sa akin na agad namang lumipat kay Erin.

"Klare!" Naglahad ng kamay si Silver sa akin at ni high five ko ito. "Si Seymour
Salvador ang nag add sa'yo sa
guestlist, a?" Nagtaas siya ng kilay. "He's my co photographer. Magkakilala pala
kayo?"

"Uhm, yup. Kay Knoxx at Claudette." Sabay tingin ko sa tabi niyang si Claudette na
medyo tulala.

Napansin ko ang pagiging pink ng kanyang pisngi at labi. It's weird, she's usually
bare.

"Ang saya ng party sa labas!" Tawa ni Azi habang pinapanood ang mga taong maiingay
at nagsasayawan dahil sa tubig na
binubuhos sa kanila.

"I don't wanna be wet." Ani Erin.

"You're in the wrong party, then." Ani Azi sabay bigay sa kanya ng isang shot ng
Smirnoff. "Let's get you drunk
first."

Humalakhak si Josiah at may ibinulong kay Azi at tuluyan na silang nawala sa


kanilang bulungan. Umiling ako, boys.
Umupo ako sa tabi ni Hannah na mukhang hanggang ngayon ay may tampo parin kay Erin.
Hindi parin nagpapansinan ang
dalawa.

Kinagat ko ang labi ko at tiningnan ang shot glass na nilapag ni Erin. Nagbuhos ng
Smirnoff si Rafael sa isang wine
glass at binigay niya sa akin.

"I know you want to dance. You came here for that." Ngiti niya.

Nakita ko ang titig ni Eba sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya habang tinitingnan
niya akong nilagok ang shot na
iyon. Pumalakpak si Chanel at sumigaw na gusto niyang mag party sa labas.

Pinanood ko kung paano niya hinila ang tahimik na si Brian palabas ng Junno. Tumawa
si Rafael at umiling. Nakita
kong nagtulakan si Azi at Josiah palabas na para bang may pinag uusapang babae na
naman yata.

"Hey, let's enjoy this night. Wala naman sigurong Elijah ngayong gabi." Bulong ni
Erin.

Ngumiwi ako. "Ano ngayon kung nandito siya? Bakit ako matatakot sa kanya? Siya
'yong may ginawang masama sa akin
kaya dapat ay siya 'yong matakot."

Nalaglag ang panga ni Erin at pinanood niya ang paglagok ko ulit ng isa pang shot
na binigay ni Eion sa akin.

"Thanks, Eion." Ngiti ko. "Kamusta ka na?"

"Eion, stop the shots." Mariing sinabi ni Erin sa kanya.

Tumikhim ako. I know when I'm drunk or not. I am not yet drunk. Yes, siguro ay
medyo umiikot na ang paningin ko pero
alam kong kaya ko pa ang sarili ko. People should stop over reacting. Hindi ako
bomba na pag nahulog ay sasabog. I'm
still me. I'm still composed. Until now. Kahit pagkatapos kong makita 'yong dila ni
Elijah sa labi ni Selena, I'm
still here partying and smiling. No problem with that! Well, Azi's right. I've seen
him kiss her before. Naging kami
parin pagkatapos. Pero hindi ibig sabihin non na ngayon ay magiging kami parin.
That's a different story if you tell
me.
Tumatawa na si Silver, Hannah, Liza, Julia, at 'yong kaibigan ni Chanel sa weird na
music video na nasa flatscreen
sa taas. It was green and very malicious kaya hindi nila kinaya ang manahimik.

"You guys should stop hiding here and let's party." Sabay tayo ni Eba at hinila ang
bumusangot agad na si Damon.

"Let's stay here." Utos ni Damon.

"What's wrong with you? You used to be so cool." Tawa ni Eba.

Nagtaas ng kilay si Damon at agad tumayo. Nakita ko kung paano niya hinila ang
baywang ni Eba palapit sa kanya,
bumaba ang kamay niya at hinaplos ang hita ni Eba.

Fuck. Halos mapapikit ako. Humiyaw si Rafael sa ginawang porma ng kapatid ngunit
ako ay gusto kong manuntok. Parang
sine sa utak kong nag fa-flash 'yong kamay ni Elijah pababa sa baywang ni Selena.
'Yong tikwas ng buhok ni Selena na
dumidikit sa balat ni Elijah. And his lips... his touch... his... everything.
Whatever happened that night, kahit
ayokong isipin ay hindi ko napigilan.

"I still am. But please stop being a pain in the ass." Aniya at hinila si Eba
palabas ng Junno.

Pinag usapan nina Julia at Hannah si Damon at Eba. Kung paano sila sobrang perfect
na couple at kung paano sila
swerte sa isa't isa. Hindi ko na sinundan 'yon kahit na sumali na si Erin sa
usapan.

Naglapag ng isa pang shot si Eion. Nagkatinginan kaming dalawa. Walang salita ay
nilagok ko kaagad 'yon. God, please
wash the memories away. Sana ay makalimot ako kahit isang gabi lang.

"Klare, Seymour's here." Ani Silver sabay kalabit sa akin.

Nilingon ko kaagad ang labas ng Junno at nakita ko si Seymour na naka v neck t


shirt at medyo kita ang kakisigan ng
katawan.
"Oh my..." Palihim na hagikhik ni Liza.

Nakangiti na agad si Seymour nang pumasok sa Junno. Nakita kong nasa labas rin si
Gavin, papasok doon. Kita niyang
nauna si Seymour sa kanya kaya mabilis ang lakad niya.

"Pare..." Sabay high five ni Seymour at Silver.

Tumango si Rafael sa kanya at nakipag high five din. Siniko ako ni Erin at nginuso
niya si Gavin sa likod.

"Can I take Klare out of this solemn place?" Tumatawang sinabi ni Seymour.

Nagtawanan sila. Ngumiti ako at tumayo.

"Pare..." Nakarating si Gavin at nakipag high five kay Eion at Silver.

"Sige ba. She looks bored here, anyway." Ani Rafael, kahit nakakunot ang noo.

"Klare, nandon na pala mga kapatid mo." Ani Gavin at tinuro sa akin sa labas sina
Hendrix, Pierre, at Vaughn.
Kumaway si Vaughn sa akin at mukhang badtrip naman ang dalawa kong kapatid. Ayaw
pang pumasok.

Tumango ako at nagpaalam na lalabas na sa Junno. Handa akong mabasa sa tubig at


sumayaw don.

Lumabas kaming tatlo at pagkalabas ay wala na don ang mga kapatid ko at si Vaughn.
Nawala na sila sa dami ng mga
tao.

"Asan na sila?" Tanong ko.

May sumalubong kay Seymour ng shots na puro Smirnoff. Binigay niya sa akin ang isa.

"Bottom's up!" Ani Seymour.

Sa gulat ko ay wala akong nagawa kundi sumunod.

May nagbigay ulit kay Gavin ng isang shot at nag aya ulit siyang mag bottom's up
kaya kumuha ulit ng isa pang shot
si Seymour na para sa akin.
I'm still good though. Lagpas sampung shots na yata ang nainom ko pero maayos pa
naman ako. Hinawakan ni Seymour ang
kamay ko at bumulong siya sa akin.

"Hawakan mo kamay ni Gavin baka mawala siya kasi ang daming tao." Aniya na sinunod
ko.

Sabay kaming naglakad sa Lifestyle District patungo sa gitna para makapag sayaw.
Nakita kong sumasayaw na si Chanel
kasama ang mga kaibigan niya. Brian is all over her so there's nothing to worry
about.

Nong umingay lalo dahil sa galing ng DJ ay hindi ko na napigilan ang sarili ko sa


pagsasayaw. I'll let it go even
just for tonight. Please!

And dammit it feels so good to be free. 'Yong kalimutan na lang kahit saglit 'yong
sakit. Kalimutan lahat. Kalimutan
na marami akong problema. Kalimutan na may malaking posibilidad na tatanggihan ako
ng pamilya ng kahit sino, na
iiwan ako ni Elijah, na galit na galit ako sa kanya at naiiyak ako sa inis dahil sa
halik niya kay Selena. Kalimutan
na galit ako sa sarili ko dahil mahal ko parin siya kahit na ganon ang ginawa niya
sa akin! Fuck love. Dapat ay nong
una pa lang alam ko nang walang sinasanto ang isang 'yon!

Nag may naramdaman akong kamay sa aking baywang ay agad akong lumingon sa humawak
non. Tumatalon si Seymour kasabay
ng beat ng Firebeatz at Afrojack. Sumigaw ako tumalon na rin.

Nakakalasing ang ingay at ang mga taong nagkakatuwaan.

Hinila ako ni Gavin at may ibinulong siya sa akin. Tumigil ako sa pagtalon at
dininig ang ibubulong niya.

"I'll fetch you, okay?" Sigaw niya. "Pupuntahan ko lang si Ivana. Hendrix is beside
us." Aniya at agad kong nilingon
ang kapatid kong may nag ga grind na isang petite at maputing babae. Erin's slender
and morena. Kahit na madilim ay
siguradong hindi siya 'to.

Tumango ako kay Gavin ngunit mukhang di pa siya natatapos.


"Babalikan kita o hahanapin kita. Ako kumuha sa'yo sa bahay niyo, dapat ako ang
maghatid. Wa'g kang pumayag pag mag
aya si Seymour. I don't want to be rude. Please, Klare, promise me?"

Tumawa ako at tumango. "Promise."

He's crazy. Hindi ko tatanggapin ang pag yaya ni Seymour. And besides nandito naman
ang mga pinsan at kapatid ko.
Why would I ride with Seymour? Kung hindi ako sinabihan ng ganon ni Gavin ay
talagang kina Hendrix ako sasabay.
Tinitigan ko si Hendrix at nakita ko si Vaughn, di kalayuan na may kasayaw ding mga
babae.

"Okay, deal." Ani Gavin at biglang nagmura dahil bumuhos na ang tubig sa hose.

Sumigaw kami at tumingala para tanggapin ang tubig. May mga tumakbo palayo dahil
ayaw mabasa pero 'yong iba ay
mukhang nag enjoy pa. Bago bumagsak ng tuluyan ang tubig sa akin ay may marahas na
humila sa pulso ko.

Napawi ang ngiti ko at halos mapamura sa sobrang badtrip.

"Klare!" Sabay na sigaw ni Gavin at Seymour nang nawala ako sa tabi nila.

Nakita ko ang paglingon ni Hendrix para hanapin ako. Ang kamay ng kasayaw niya ay
sumabit sa kanyang leeg. Nong una
ay sigurado akong susugod siya para kunin ako ngunit kalaunan ay binalewala niya
ako. The hell?

"What the..." Sabi ko sabay tingin sa paa kong naputikan dahil sa pagkakahila sa
akin ng kung sino.

Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Elijah Montefalco sa harap ko, umiigting
ang panga at galit na galit.
Nanlamig ang pisngi ko at nangilid ang luha ko. Ngumiti ako sa pagkakairita. Oo,
ngumiti. Because it was crazy.

Tinuro ko siya. Marami akong gustong sabihin sa kanya pero batid ko ang ingay at
ayaw kong paulit ulit na magsalita
kaya tumikhim ako at naglakad palayo.
"I am not done with you!" Sigaw niya at sumunod sa akin.

Who says I'm done with you too, huh? Sumunod ka dahil makikita mo! God, nagdidilim
ang paningin ko. Paano niya
nagawang magpakita sa akin dito? Habang naglalakad ako, nilalagpasan ang Junno at
ang nakahilerang mga restaurant
don ay nag flashback sa akin ang video.

Fuck that.

Nilagpasan ko ang Balbacue, palabas na ng Lifestyle District, palayo sa ingay.

"Klare!" Tawag ni Elijah sabay hawak sa braso ko.

Nilingon ko siya at nangatog ang binti ko. Someting changed about him. Hindi ko
alam kung ano 'yon. Pero
nararamdaman ko 'yon. Parang... nakatayo ako sa harap ng ibang tao. Parang hindi na
siya 'yong dating Elijah na para
sa akin. Pakiramdam ko ay nalayo ako ng husto sa kanya.

"You're a big cheater." Mariin kong sinabi, walang bahid ng panginginig ng boses.

Because it's true. And I'm so disappointed because I thought he would never cheat.
In the end, he turned into the
things he said he won't be. He assured me the world but he gave me hell. He assured
me the stars, he gave me a dead
one.

"Jerk. Liar. Ass... fucking... hole!"

Nanlaki ang mga mata niya sa mga katagang binitiwan ko. Nilingon niya ang
natitigilang mga tao, pinapanood kami.
"Let's go..." Sabay hawak niya sa kamay ko.

"NO!" Sigaw ko sabay balikwas sa kamay niya.

"Klare you... are making a scene here." Aniya.

Nanginig ang labi ko. Ayaw niyang mapahiya sa lahat ng taong ito. Ayaw niyang
malaman ng lahat na ganong klaseng tao
siya. Hindi ko naman sinasadya na sa harap ng mga taong ito ako mag wala. I'm just
that bitter. I can't wait until
this party is over. I want him to know everything!

"I don't fucking care." Mas marahan kong sinabi nang napagtantong marami ngang
nakatingin.

Tinuro niya ang labi ko. "Shut the curses." Aniya at hinila ako. Pumiglas ako
ngunit nasa tabi lang ang sasakyan
niya. Agad niya akong ipinasok doon.

Okay. We'll talk. It's better inside of this vehicle. Ayaw ko rin namang mapahiya.
Nang naamoy ko ang bango ng
kanyang sasakyan ay halos nanginig ang buong sistema ko. I missed him. I missed
this.

Pero nong pumasok na siya at nakita ko ang labi niya para akong napapaso. I don�t
want to be inside this vehicle.
But if he wants to end this, then I can participate for a while.

�Did you just call me a cheater?� Ngumisi siya at umiling. �Really, Klare?� He
started.

�Really.� Hinarap ko siya. �You were with Selena that night!�

�Yeah, so what if I was!?� Nakita kong kumislap ang mga mata niya sa nagbabantang
luha. Galit siya at frustrated.

Nalaglag ang panga ko nang nag sink in sa akin ang sinagot niya. It was true! It
was all true! Umangat ang dibdib ko
sa pagtikhim sa gulat sa natanggap na sagot niya. Kahit alam kong totoo �yon ay
nakakagulat parin na inamin niya sa
akin ngayon. Siguro ay dahil nong wala pa siya, may kaonting parte sa akin na umasa
na hindi totoo �yon!

�You... You were with a bunch of guys! You didn�t even tell me! Bakit? Are you
hiding something, huh, Klare? You�re
the one who cheated.� Mariin niyang sinabi.

�I did not!� Fuck. I�ve been a good girl! Ikaw ang hindi. Hate the club! Hate that
scene!

�I was with Selena for dinner. And you were with... God knows who. You didn�t even
tell me. How the hell do you
think will this work if you have those secrets, huh?�
Umiling ako at ang nangingilid kong luha ay bumuhos na.

�You were with her.� Tumango ako, patuloy na bumuhos ang luha ko. Gusto kong mag
mura. Iyon lang ang tanging
tinanggap ng utak ko. He�s with her for dinner. �And what kind of dinner was that,
Elijah? Grilled lips with tongue
sauce? What was for dessert?� Nanliit ang mga mata ko.

Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko. �Fuck!� Mariing sinabi niya.

Hinampas niya ang manibela at nagulat ako nang lumapit siya sa akin, marahang
hinila ang braso ko at idinampi ang
mainit niyang labi sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at sinampal ko siya. Tinulak ko
siya at mas lalong bumuhos ang
luha ko.

Sa gulat niya ay tumunganga siya sa kanyang upuan.

�Klare...� May pagbabanta sa tono niya.

Humagulhol ako. �Don�t you dare kiss me again.� Sabi ko at binuksan ang pintuan
habang humihikbi.

Hinila niya ang pulso ko ngunit hinawi ko ang kamay niya.

�I hate you. Wa�g mo na akong pakealaman!� Sigaw ko.

�Fine! Go with your boys! Di kita papakealaman! That video isn�t recent-� Padabog
ko siyang pinagsarhan ng pintuan.

Nakuha ko ang huling sinabi niya ngunit bumuhos na ang luha ko at nahihilo na ako
kaya tumakbo ako pabalik ng
Lifestyle District. Nakasalubong ko si Seymour, basa at hinihingal.

�Where have you been? Hinahanap ka ni Gavin sa akin.� Natigilan siya nang nakita
ang luha ko.

�I want to go home.� Hikbi ko.

Kabanata 41

He's Driving

Mabilis akong hinatid ni Seymour kay Gavin. Nakita ko ang panonood niya sa akin
habang nagpupunas ng luha. He's
curious again. Kung sana ay hindi niya ako napapanood na umiyak palagi ay sana
hindi na siya nagtataka.

"Gav..." Tawag ni Seymour nang tumigil kami sa tapat ng Junno.

Sa mga upuan sa labas ng Junno ay naroon si Gavin at Ivana na nagtatawanan kasama


ang kanilang mga kaibigan. Nang
nahagip ako ng tingin ni Gavin ay napawi ang ngiti niya at agad siyang tumayo.

Hindi tama ito. Luminga ako sa pagbabakasakaling mahanap ko ang isa sa mga kapatid
ko kahit alam kong imposible sa
dami ng tao. Tiningnan ko ang nasa loob ng Junno at wala nang kahit si Cherry o
Eion man lang. They are all out to
party. I have nowhere to go.

"Seymour, magtataxi na lang ako sa labas." Sabi ko ngunit tumabi na si Gavin sa


akin.

"What happened?" Medyo mariin niyang tanong kay Seymour.

Nagtaas ng dalawang kamay si Seymour. "I don't know-"

"You okay, Klare?" Tanong ni Gavin sa akin lumiliit ang boses kahit maingay sa di
kalayuan.

Nakita ko ang pag lapit ng nag aalalang si Ivana. Nagbulungan sila ni Gavin at
naramdaman ko ang gumapang na hiya. I
was being too needy here. Dapat ay lubayan ko na ang dalawa dahil ayokong mag pa
importante.

"Ako na ang maghahatid sa kanya." Sabi ni Seymour kahit na nag uusap pa ang dalawa.

"No, Seymour. Let Gavin take her home." Utas ni Ivana sabay lapit sa akin.

I feel so stupid. Ngumiti ako kay Ivana at umiling para sana tanggihan siya ngunit
umiling din siya sa akin.

"Sige na, Klare." Ani Ivana.

"Babalik din ako dito pagkatapos ko siyang ihatid, Ivana." Ani Gavin, tinitingnan
ang girlfriend niya.
That made me feel better. I didn't want to be in between the both of them. They're
good to me. Ivana's a nice girl
and Gavin's a gentleman. Mahal niya si Ivana at wala akong kinalaman sa relasyon ng
dalawa. I don't like Gavin
romantically and I have no other intention other than helping them.

"Let's go, Klare." Sabay hawak ni Gavin sa balikat ko.

Walang nagawa si Seymour kundi ang manood sa amin ni Gavin. Nag angat ako ng tingin
kay Ivana at kinalma ang sarili.

"I'm sorry. Pwede naman akong magpahatid sa mga kapatid ko... but first, I need to
find them-"

"No, Klare. Kailangan si Gavin ang mag hatid sa'yo." Aniya.

Ilang sandali pa bago ako tumango at nagpaalam.

I just want to be out of that place. At mabilis ang pag alis namin ni Gavin.
Palabas kami ng Lifestyle District ay
tulala na ako.

Hindi maalis sa utak ko ang sinabi ni Elijah na hindi bago 'yong video. Kailan 'yon
kinuha? Sa U.S. pa ba? Damn, it
still hurts! Pero bakit parang bago lang ito? Kahit 'yong damit nila ay mukhang
katulad nong nasa picture.

Naagaw lang ng pansin ko ang lalaking nakita ko sa labas. Dalawa sila, ang isa ay
nakatalikod at ang isa naman ay
nakaharap kaya siya 'yong napag tuonan ko ng pansin. It was Elijah's cousin, Spike.
He's here too? Tinitigan niya
ako. Hindi man lang siya ngumiti. Gavin's car isn't tinted so he saw me for sure.

"You okay?" Untag ni Gavin.

Nilingon ko siya. "Yeah."

Nalayo na kami kay Spike at hinayaan ko na lang 'yon. Dammit! He's going to tell
Elijah about this. But who cares?
Wala siyang tiwala sa akin dahil siya mismo ay gumagawa ng kababalaghan. That's it.
Pinilig ko ang ulo ko. Masakit na ito at umiikot ang paningin ko kaya pumikit ako
ng ilang beses.

"Of course, you're not. Umiyak ka kanina." Aniya.

Hindi ako umimik. Ibinalik ko ang iniisip ko don sa nangyari at sa mga sinabi ni
Elijah. Saan niya nalaman ang
tungkol kay Gavin? Sino ang nagsabi sa kanya at ano ang alam niya? Isa pa, bakit
hindi siya nag reply ng kahit isang
message man lang sa gabing iyon. Kung dinner lang naman talaga ang nangyari, bakit
wala akong natanggap na mensahe
galing sa kanya.

Yes, I have lots of question and I need his answers but I'm not ready to talk to
him now. Baka masampal ko lang siya
sa inis tulad ng nagawa ko kanina. And he's mad too. He wants me to be with other
guys...

Nangilid ang luha ko. Hindi siya ganon noon. He used to be... so selfish of me.
Dammit!

"Why are you so mysterious..." Bulong ni Gavin habang nag da-drive siya.

Hindi parin ako umimik. Kinalma ko na lang ang sarili ko sa kanyang front seat.

"'Yan 'yong sinabi ni Seymour sa akin noon. That he liked Claudette Montefalco but
he's more interested with you.
Because you're mysterious... You look fragile and..."

"I'm not fragile." Giit ko.

Natahimik siya. Ayokong iniisip ng ibang tao na kailangan ko ng tulong. Ayokong


kaawaan.

Tahimik nang itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng bahay namin sa Hillsborough.
Nilingon niya ako. It's rude to
just get out of the car and just leave so I looked at him.
"I'm sorry, again. At salamat na rin." Sabi ko.

Tumango siya. "Sasama ka ba bukas?"

Ngumuso ako. "I need the diversion. I want to unwind... but..." Nag iwas ako ng
tingin. "If it bothers you, I can-"

"No, it doesn't bother me. I just thought you changed your mind. Mukha ka kasing
maraming problema. If this will
ease your worries, then we should. I'll listen while we are there. We'll pretend to
talk so might as well talk for
real." Ngiti niyang pagod.

Tumango ako. "Thank you." Tinanggal ko ang seatbelt at binuksan ang pintuan.

Nilingon ko siya ng isang beses bago nag paalam.

Pagkapasok ko sa bahay ay nasa utak ko parin ang lahat ng nangyari. Tahimik na at


dim na ang lights sa sala kaya
dumiretso na ako sa kwarto. Humiga agad ako sa kama at niyakap ang teddy bear na
ilang araw ko ng binabalewala.

"I hate you." I said the the innocent bear.

Tinanghali ako ng gising kinaumagahan. Kung hindi ako ginising ni Pierre ay


talagang matutuluyan na ako sa pag tulog
buong araw.

"You haven't packed. You should." Ani Pierre.

Tumango ako at bumangon. Iniinda ko pa ang sakit ng ulo ko. Damn, hang over. I got
too drunk last night. Inisip ko
'yong nangyari sa amin ni Elijah kagabi at hindi ako makapaniwala na totoo 'yon. I
slapped him so hard. That was for
sure. Dumaloy sa ugat ko ang alak kaya wala na akong kontrol sa ginawa ko. I got
carried away.

"Klare..." Tawag ni Pierre nang nakitang natutulala ako. "Make it fast." Aniya sa
isang malamig na tono at umalis na
sa kwarto ko.

"Yes." Sabi ko at agad ng naligo at nag bihis.


Nataranta na ako sa pag iimpake lalo na nang bisitahin ako ni Tita Luisa sa kwarto
at maarte niya akong
pinagsabihan.

"Ganyan ka ba dito sa inyo? You should learn some household chores. Dapat ay maaga
kang nagigising araw araw." She
said.

Nasa baba lang ang mga mata ko habang pinapakinggan lahat ng mga sinabi niya. I
don't want to be scolded every damn
time of this trip. Sana ay hindi.

Nang nilubayan niya na ako ay si Pierre naman ang bumisita sa akin. May dala na
siyang bag at nakabihis na. May
malaking beatz sa leeg.

"Let's go." Aniya.

Tumango ako at sumunod na sa kanya.

Sa baba ay pinakain pa ako ni papa. Mas pinili ko na 'yong sandwich kasi inip na si
Ama at gusto na nilang tumulak.

"Walong oras pa tayo ba byahe, please, make it fast." Ani Tita Luisa.

Hindi lang naman ako ang nahuhuli. Kahit ang pinsan kong si Cristine ay nahuhuli
din kaya pinagalitan siya ng husto.
Nagreklamo siya dahil pagod pa siya sa byahe nila kahapon,

Ilang sandali ang lumipas ay umingay ang labas. Nakita kong tumakbo ang isang
pinsan kong si Champ patungo sa labas.
Tumayo si Ama at narinig ko ang sinabi ng katulong na nandoon na daw ang mga Co.

Mas lalong nataranta si tita Luisa at tita Tania. Mabilis na akong tumayo,
natatakot na mapagalitan. Umirap si
Pierre at nilagay sa kanyang tainga ang headphones at si Hendrix naman ay naka
Rayban's na.

"Sa Van na kami, dad." Sabay tapik niya kay papa.


Lumabas din kaming lahat kahit na nagkamustahan pa si lola at 'yong matatanda kina
Gavin. Kasama ang kanyang
dalawang pinsan at dalawang kapatid. Magkakilala naman ang mga pinsan ko at 'yong
kapatid niya kaya agad nag
kasundo.

Pinagmasdan ko ang medyo tahimik na usapan nina Champ, Cristine, 'yong dalawa ko
pang babaeng pinsan, 'yong kapatid
ni Champ, at 'yong mga pinsan at kapatid naman ni Gavin. That's some bond I can't
enter. Lalo na tuwing naririnig
kong nag cha-chinese sila at minsan ay nakikitawa pa si Pierre at nakikisali na
rin.
Nilingon ko si Hendrix. I don't want to be out of place.

"The kids should stay in the first van. They enjoy each other's company." Tawa ni
Ama na sinang ayunan naman ng iba.

Si papa lang yata at tita Marichelle ang may ayaw non pero nang pumwesto na ang mga
pinsan ko at mga pinsan ni Gavin
sa loob ng van ay agad nang napag desisyunan 'yon.

Pumasok ako sa van. Sumunod si Pierre sa akin na agad tinawag ni Ama.

"Pierre, si Gavin mauuna. Klare and Gavin like each others company. You should let
them bond." Ngisi ni Ama.

Nalaglag ang panga ni Pierre habang pinapanood ang reaksyon ni Ama. "I enjoy
Klare's company. I want to bond too."

Humagikhik si Ama at nakipag tinginan pa sa mommy ni Gavin, umiiling. "Don't be


silly. Gavin..." Tawag niya.

"Yes, ama." Ani Gavin at nauna na kay Pierre, tumabi sa akin.

"Hendrix, bantayan mo mga pinsan at kapatid mo. Nasa likod ang dalawang body guards
niyo. You'll be on the front?"
Dinig kong sinabi ni papa at tumango naman si Hendrix.

Nag mura si Pierre nang sinarado ang van. Iritado siya sa naging desisyon ni Ama.
Hinilig ko na lang ang ulo ko sa
bintana at narinig ko ang sinabi ni Gavin sa kapatid ko.
"You want to sit here, instead?" Ani Gavin sabay turo sa kanyang upuan sa tabi ko.

"No... It's damn okay." Sagot ni Pierre at nilagay ang headphones niya sa kanyang
tainga at pinikit ang mga mata.

Nilingon ako ni Gavin at nagkibit balikat siya sa akin. "It runs in your blood, the
mysterious thing." Ngiti niya.

Umiling ako. Pierre's grumpy this morning. I wonder why.

Palabas na kami ng Cagayan de Oro nang kinapa ko sa bag ko 'yong cellphone ko. Nag
charge ako kagabi habang tulog
ako. Hindi ko parin kayang mag text kay Elijah pero kailangan ko ng cellphone para
makapag text kay mommy at daddy.

I turned it on and saw text messages from my cousins. 'Yong iba ay nong isang araw
pa. Tumunog ang cellphone ko sa
text ni Elijah na agad kong binuksan. Mabilis ang pintig ng puso ko.

Elijah:

Klare, let's talk.

This text message was sent yesterday afternoon. Ibig sabihin tinext niya ako tapos
pumunta siya ng party sa
pagbabakasakaling mag usap kaming dalawa. At oo, nag usap nga kami at hindi naging
maganda ang resulta.

That's it? Wala na siyang ibang mensahe at 'yong galit na medyo humupa sa narinig
ko sa kanya ay nag alab.

If the video isn't recent then why is he so hard on me? Dahil nalaman niya ang
tungkol kay Gavin? He thinks I'm
cheating? Why are you such a fool, Elijah?

Sa sakit ng ulo ko at sa pagod na rin ay nakatulog ako buong byahe patungong Butuan
City. I can't believe it! Siguro
ay dahil sa sobrang pagod at sa sobrang lambot ng hinigaan ko. Oo, nagising ako sa
balikat ni Gavin, may unan na
nakalagay.
"I'm sorry." Sabi ko nang napatalon.

Nasa malawak na kalsada na kami ng Butuan City at hiyang hiya ako sa pag tulog ko.
Nilingon ako ni Gavin at ngumiti
siya.

"I don't mind." Aniya. "By the way, may tumawag sa'yo kanina. I... I didn't want to
wake you up so I kind of
cancelled it but then nagulat ako kasi nasagot ko pala."

Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita ang iilang mensahe galing kay Erin habang
nag sasalita si Gavin.

Erin:

Pray for our safety. He'll be driving and he's mad. Like so mad.

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko iyon naintindihan. Nag type ako habang
nagsasalita si Gavin.

"I think it was your cousin who called you. I don't know. Erin Montefalco nakalagay
pero lalaki 'yong ano..."

Ako:

Where are you going? Who's driving?

Nag angat ako ng tingin kay Gavin at nagtaas ako ng kilay.

"'Yong sumagot, lalaki?" Tanong ko.

"Yup. Binabaan ako. So probably it's your cousin?"

Shit. Was it Azrael? Or... fuck was it Elijah?

Kabanata 42

Mad At You
Napatalon ako sa reply ni Erin. Panay ang tanong ni Gavin sa akin kung may problema
ba sa pag sagot niya at wala
akong maisagot dahil abala ako sa pag titext.

Erin:

To Surigao of course. Can I call? Don't worry, he's driving.

Ako:

Please call.

Nawala ang antok ko sa mga nabasang text. Inaamin ko, may pagkakamali ako sa gabing
iyon. I slapped Elijah hard, I'm
sure. Sa alak na dumaloy sa dugo ko, naging madali ang sampal na ganon ka lakas.
Inis at sakit ang nangibabaw sa
akin. Sa lahat ng pinagdaanan naming dalawa, naisip kong nakakainis na ito lang
pala ang sisira sa amin. His kiss
with Selena. I'm still angry. Hindi nga lang kasing galit noong hindi ko pa alam na
totoo 'yon.

"Dad says kakain muna tayo saglit sa Robinsons dito." Ani Hendrix nang niliko ng
driver ang sasakyan tulad ng
naunang van sa Robinsons.

Tumunog ang cellphone ko at agad ko itong sinagot sa unang ring pa lang.

"Erin..." Sabi ko sabay tingin sa labas.

"Palabas pa lang kami ng Cagayan de Oro. And I don't know... if this isn't 200
kilometers per hour. Well, that's an
exaggeration." Nagawa niya pang tumawa.

"Saan kayo pupunta? Ha? Sinong kasama mo?" Kahit na may ideya ako ay kinailangan ko
paring kumpirmahin.

Kumunot ang noo ni Hendrix nang bumaba kami sa van. Tinawag kami nina Tita Luisa at
Tita Tania na mag madali na para
makakain na kami at tumulak ulit sa ilan pang oras patungo sa Surigao City.

Sinenyasan ko si Gavin na mauna na siya kasi hinintay niya ako at pinanood. Si


Hendrix naman ay kahit anong gawin ko
ay ayaw pang mauna samantalang si Pierre ay mukhang gutom na yata kasi nagmamadali
sa paglalakad patungo kay tita
Marichelle at papa.

"Sinong kausap mo?" Tanong ni Hendrix.

Nag angat ako ng tingin sa kanya at sa titig ko pa lang ay nag taas na siya ng
kilay. This is your Erin, Ahia.

"Kami. Mukha kaming sardinas. Ayaw mag dala ni Rafael ng sasakyan. It's good also
that we stay together in one
vehicle. Elijah's driving..."

May narinig akong nagsalita ngunit hindi ko iyon makuha. May tumawa pa na mukhang
si Rafael.

"Rafael, Me, Claudette, Ate Chanel, Kuya Josiah, Azi, Spike, and Maxwell.
Pagkarating sa Surigao, kukunin lang nina
Spike 'yong sasakyan nila sa ancestral house ng mga Vasquez-"

"You're all going to Surigao? Why?"

Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Hendrix nang narinig akong halos sumigaw non.
Malakas ang pintig ng puso ko.
Surely, they just want to visit Sohoton, the Enchanted River, and Britania Group of
Islands. Hindi naman pwedeng may
aasikasuhin si Elijah sa Surigao at dala niya silang lahat.

"To visit." Humagikhik siya at agad napawi. "Why do you think?"

"Klare! Hendrix! let's go!" Sigaw ni tita Tania sa amin nang nakitang hindi pa kami
gumagalaw ni Hendrix don.

"U-Uhm, okay, bye." Agad binaba ni Erin.

"Teka lang-" Ngunit naibaba niya na ito.

God. Binaba ko ang cellphone ko at nag text agad kay Erin habang naririnig ko ang
tikhim ni Hendrix. Hinila niya na
ako papasok sa Robinsons.

Ako:
Sa bahay kayo nina Elijah matutulog? Are you going to Sohoton? Please, slow down.

Dumiretso na kami sa Gerry's Grill. Nakita ko ang paninitig ng daddy ni Gavin sa


akin habang abala ako sa cellphone
ko kaya agad ko itong itinago. Umupo ako sa tabi ni Gavin dahil iyon na lang ang
upuang bakante at nag order na sila
ng aming makakain.

Pinag usapan nila ang pag unlad ng Butuan at ang pagiging first time nilang lahat
sa Surigao. Gusto nilang bisitahin
ang magagandang beaches sa Surigao at sa Hinatuan kaya lang ay nang nagsalita si
Hendrix ng... "We'll go there for
the waves." Ay tumango na lang si Ama at mukhang may naging desisyon na.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na agad kami sa van. Hindi man lang napagod
si Ama sa byaheng iyon. Tatawa
tawa pa siya nang pumasok ulit sa kanilang van.

Wala ring naging reply si Erin sa akin kaya nag text pa ako ng isa pang ganon rin
ang laman.

"So... nakausap mo na ba 'yong tumawag? Pinsan mo?" Tanong ni Gavin nang umandar
ulit ang sasakyan paalis ng Butuan.

"Uh, yup. Kay Erin na phone ang ginamit pero isa sa mga pinsan kong lalaki ang
tumawag." Sabi ko.

"Importante ba iyon?"

Nag kibit balikat ako. "Hindi naman siguro."

Hindi na ulit ako inantok. Hindi rin naman natulog si Gavin kaya pareho kaming
dilat buong byahe. Pinapanood ko sa
labas ang pag lubog ng araw at ang maraming bukid at puno, paminsan minsan naming
nadadaanan pagkatapos ng iilang
mga bahay.

"First time mo ba ito sa Surigao?" He asked.

Umiling ako. "Nakapunta na ako ng Surigao, bata pa nga lang ako. Ngayon ko pa lang
siya makikita ulit."

"This is gonna be my first time." Aniya.


Tumango ako ngunit di na umimik. I don't want to be rude but I can't think of
another topic.

"Pagkadating natin mamaya, siguradong dinner na. Can we... like stroll in the
city?"

Nilingon ko si Gavin. "Hindi natin kabisado 'yon."

"I have GPS." Sabay pakita sa kanyang phone at ngiti.

Alam kong maganda ang intensyon ni Gavin. Gusto niya lang sigurong mag libang muna.
Boring akong kasama sa byaheng
ito. Hindi ako gaanong nagsasalita at sinasagot ko lang ang tanong niya.

Tumango ako. Hindi ko siya matanggihan. Ngunit mukhang naramdaman niya na hindi ko
interesado.

"Uhm, we can stay for dinner if you don't want to. Nakakapagod din naman ang byahe
kaya mas mabuting don na lang
tayo sa hotel."

Umiling agad ako. "No, it's fine."

"Ahia, do it properly naman." Hagikhik ng babaeng kapatid ni Gavin sa likod.

Kinagat ko ang labi ko at hindi ko alam na nakikinig pala sila. Nakita kong pumula
ang pisngi ni Gavin.

"Do you want to go with us, Cess? You can, you know." Sabi niya sa kanyang kapatid.

"I don't want to. It's a date. I won't interrupt you." Sabi nong kapatid niya at
nakipag tawanan ulit sa pinsan kong
si Cristine.

"Pupunta tayo mamayang gabi sa lupa, diba Hendrix?" Dinig kong sinabi ni Champ sa
kapatid kong nasa front seat.

"Sina Ama, dad, at mommy lang ang alam kong pupunta. I'm not interested. Maybe
Pierre wants to go with them?"

"Why not. You coming with me, Cess?" Nilingon ni Pierre ang kapatid ni Gavin sa
likod.

Sinubukan ko ring lumingon sa likod para makita ang nakangisi ang chinitang mga
mata ni Princess, ang kapatid ni
Gavin.
"Okay, Pierre."

Kumunot ang noo ko at tinitigan si Pierre na nag taas ng kilay sa kalsada


pagkatapos matanggap ang sagot ni
Princess.

"So, we'll stay..." Ani Gavin.

Bumaling ako sa kanya. "No, we'll go. Ayos 'yon. Lalo na kasi bukas agad tayo
pupuntang Siargao. Baka di na tayo
makapasyal sa syudad."

"Sure? We can ask some of your cousins to come." Ani Gavin.

"Sasama ako." Singit ni Hendrix sa amin ni Gavin.

"Then that's good." Ngiti ni Gavin sa kapatid ko.

Tumango ako at nagkatitigan kami ni Hendrix. "Sa boardwalk tayo mamaya. I'll see if
I can borrow this van."

Kaya naman ay nang nakarating na kami sa Surigao City ng mga alas sais ay dumiretso
na kami sa Philippine Gateway,
'yong hotel na napili ni papa na tuluyan namin. Panay ang hikab ni Ama habang nag
lalakad kami patungong mga room
namin.

"You should have bought a house here, Ricardo. It's gonna be an asset." Ani Ama kay
papa.

"I will." Aniya.

Nilingon ko si Gavin na kausap ang kanyang daddy. Bumaling ang daddy niya sa akin
habang pumapasok sa loob ng mga
suite ang mga pinsan ko.

"Isang room tayo nina Mommy at Daddy." Paliwanag ni Pierre.

Tumango ako at pumasok na sa loob ng room kung saan naroon na si papa at tita
Marichelle.

May dalawang king size beds ang naroon. Malaki at kasya ang tatlo sa bawat isang
bed. Humiga na si tita Marichelle
at natulog sa bed. Si papa naman ay nag tatanggal ng sapatos. It's weird. Ito ata
ang unang pagkakataon na sa isang
trip ay isang room lang kaming lima. Madalas ay nasa ibang room si papa at tita.

"Hendrix, puntahan natin mamaya ang lupa..." Linya ni dad kay Hendrix na kakapasok
lang sa loob. Nilapag niya ang
kanyang gamit sa cabinet.

"Pierre wants to go. Ayoko. I'll be with Klare and Gavin. Pupunta kaming boardwalk
mamaya."

"Bakit ayaw mo? That could be a good asset for the business." Ani papa.
"I don't find it a good asset. Hindi naman ako araw araw bumabyahe ng walong oras,
e. It's far from Davao or Cagayan
de Oro City. Give it to someone else. Maybe, Klare?" Nagtaas ng kilay si Hendrix sa
akin.

Umiling agad ako sa tingin ni papa.

"Pupunta ako, dad. Titingnan ko." Sabi ni Pierre sa isang malamig na boses.

"Well then. I'll take a nap. Your Ama said we'll go there in an hour." At umambang
hihiga si papa.

"Klare, let's go out?" Anyaya ni Hendrix sa akin.

"Magbibihis lang ako. Pierre, sama ka?" Tanong ko sa kapatid kong abala sa
cellphone.

"Hindi na." Malamig niyang sagot nang di man lang ako tinitingnan.

Nagkibit balikat si Hendrix sa akin. Dumiretso na ako sa banyo para makapag shower.
Pagkatapos ay nag bihis na sa
loob at lumabas na. Ganon din ang ginawa ni Hendrix kaya bumaba na lang muna ako sa
hotel. Naabutan ko ang mga
pinsan ko at mga Co sa restaurant nila. Tulog din yata ang mga matatanda dahil sina
Princess lang ang naroon.
Nagkayayaan pa silang mag swimming sa pool.

Ilang sandali ang nakalipas ay nakita ko si Gavin, nakaligo na rin yata at naka tee
shirt palapit sa akin.

"Let's go? Asan na Ahia mo?" Tanong niya.

"Bababa din 'yon." Sabi ko sabay lingon sa elevator.

Habang nag hihintay sa medyo natagalang si Hendrix ay pinanood namin sina Champ na
lumalangoy sa pool. Tahimik sila
at kung mag tawanan ay hindi kasing lakas ng mga pinsan kong Montefalco.

"Let's go." Nabigla ako sa sambit ni Hendrix sa aming likod ni Gavin.

Tumango ako at tumayo galing sa pagkakaupo sa lounger. Pinasadahan ko ng tingin ang


kabuuan ng hotel. Malaki ito at
malinis. Ang loob ng room namin kanina ay malinis din at sakto lang para sa aming
lima. May sofa pa at flatscreen. I
wonder if the Montefalcos will stay in a hotel too? May bahay sina Elijah sa
Surigao at malamang ay doon talaga sila
tutuloy. Hindi ko pa nakikita ang bahay nila pero paniguradong malaki iyon.

"I'll drive." Sabi ni Gavin kay Hendrix nang nakalapit na kami sa van.

Hindi nakipagtalo si Hendrix. Van din naman kasi iyon nina Gavin kaya hinayaan
niya. Siya ang nasa frontseat at ako
naman ang sa backseat. Hindi ko alam paano namin nagawang umalis ng walang body
guard. Madalas 'yon mangyari sa
Cagayan de Oro pero hindi ko inakalang pwedeng mangyari ito kahit na nandyan si
papa at Tita Marichelle. I bet
Hendrix is going to be scolded for this.

"Joy ride muna tayo. Are you both hungry?" Tanong ni Hendrix.

"Nope." Sabay naming sagot ni Gavin.

"Kumain kasi tayo sa Butuan, Rix." Paliwanag ko.

"Then, mag iikot na lang muna tayo. Ang malaking mall nila dito ay 'yong nakita
nating Gaisano Mall kanina." Ani
Hendrix habang si Gavin ang nag dadrive.

Nilibang ko ang sarili ko sa panonood sa mga street lights sa labas. Si Gavin at


Hendrix naman ay nakakapag usap
kahit paano. Lalo na tuwing hindi alam ni Gavin kung saan ililiko. Hindi naman iyon
sobrang kabisado ni Hendrix kaya
tumitingin din siya sa kanyang GPS.

Dinungaw ko ang cellphone ko at nag text sa kay Erin at Claudette.

Ako:

Nakarating na kayo?
Inisip ko kung paano naexplain ni Elijah sa kanila 'yong nangyari. They were all
mad at him. Lalo na si Azi. Ano
kaya ang nangyari? God, I miss them! I suddenly want to be with the Montefalcos.
Hindi naman sa hindi ako nag eenjoy
kasama ang mga Ty pero miss ko na ang ingay nila.

"Where's this?" Tanong ko nang nakita ang dagat kahit na madilim.

Isang malapad na boardwalk ang nakita ko. Sa gilid ay ang iba't-ibang restaurant,
hotel, at kung anu-ano pang galaan
ng mga tao.

"This is their boardwalk. Park mo na 'yong sasakyan Gav. Let's eat in that hotel."
Sabay turo ni Hendrix sa Hotel
Tavern.

Pagkalabas namin ay tiningala ko kaagad ang hotel na iyon. Maganda siguro ang view
dito pagkaumaga dahil kaharap
nito ang dagat. Pagkapasok namin ay sinalubong agad kami ng malaking chandelier at
mga sofa ng hotel na iyon.

"This way." Sabi ni Hendrix patungo sa restaurant.

Sumunod kami ni Gavin papasok sa restaurant ng hotel na iyon. Maganda, medyo dim
ang lights, at ang mga upuan ay
moderno. May iilang tao ang kumakain doon.

"You've been here?" Tanong ko.

"I stayed here last time I went to Surigao."

Tumango ako. Umupo kami at binigyan ng menu.

Tahimik ang naging pagkain namin doon. Si Hendrix at Gavin ay nagkasundong uminom
ng beer pagkatapos naming kumain.
Uuwi kami agad dahil panay ang tawag ni papa kay Hendrix. Maaga daw kasi kami
bukas.

Humikab ako habang tinitingala ang flatscreen. Busog na busog ako at halos hindi ko
na makain ang mango float na
panghimagas ko. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa byahe.
Biglang may mga dumaan sa paningin ko. Ilang sandali pa bago ko nakita ng maayos
kung sino ang mga iyon. Kumindat si
Erin sa akin. Nasa malayong parte sila ng restaurant. Matatangkad at makikisig na
lalaki ang sumunod. Agad kong
nakita ang mga pinsan kong pare parehong hanggang tingin lang sa akin. Hindi iyon
namalayan ni Hendrix at Gavin
dahil abala sila sa pag uusap.

Huling umupo kaharap ko, katabi ni Azi, ay si Elijah na mukhang iritado parin sa
akin. Tinitigan niya ako kahit na
lumapit na 'yong waiter at isa-isa silang binigyan ng menu. He's wearing a black v
neck tee shirt, khaki shorts, at
top sider. Tumindig ang balahibo ko sa matalim niyang titig sa akin.

Nailunok ko ang kinakain ko at nilingon si Hendrix para sana mag salita.

"Klare, may dumi ka sa pisngi." Sabay turo ni Hendrix sa pisngi ko.

"Rix..." Sabi ko at natarantang kumuha ng tissue para tanggalin 'yong binanggit ni


Hendrix sa akin.

"Ako na." Sabi ni Gavin at pinunasan niya ang mukha ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla may narinig akong tili at agad napatayo si Gavin
dahil may kumwelyo sa kanya. Sa
gulat ay tumayo rin si Hendrix at ang iilang pinsan ko ay hinila si Elijah palayo
sa kay Gavin.

"Elijah!" Sigaw ko at agad hinila si Gavin palayo sa kanya.

"Hearing about you two is one thing. Watching you two is another." Sigaw ni Elijah.

Narinig ko ang hagalpak ni Azi sa mesa na agad yatang kinurot ni Chanel kaya
natahimik.

"Anong problema mo?" Tanong ni Gavin sa isang matigas na tono.

"Tara na nga!" Iritadong sinabi ni Rafael sabay hila kay Elijah sa labas.
Nakita ko ang panginginig ng braso ni Elijah nang lumabas sila sa restaurant.
Kumaway si Azrael at Erin sa akin
habang palabas silang lahat ng restaurant.

"What was that?" Tanong ni Gavin sa akin.

Hindi ako makapagsalita. Sinundan ko ng tingin ang mga pinsan ko.

"Hindi ba mga pinsan mong Montefalco 'yon? Nandito sila?" Ani Gavin.

"Yes. And her boyfriend is obviously very jealous." Sabi ni Hendrix sabay tapon ng
pera sa mesa namin. "Let's go."

Dumiretso si Hendrix palabas. Nakita ko sa mga mata ni Gavin ang pagkakalito. Hindi
ako umimik. Mas gusto kong
lumabas na rin para makita ang mga pinsan ko... para makita si Elijah.

Naabutan namin sina Erin, Azi, Claudette, Chanel, at Spike na nag uusap sa gitna ng
boardwalk.

Si Elijah, Rafael, Maxwell at Josiah ay nasa malayong bench. Halatang pinag


sasabihan si Elijah.

"Why are you all here?" Tanong ni Hendrix.

"To visit Surigao. Is that bad?" Nagtaas ng kilay si Erin.

Nakita kong lumingon si Rafael sa amin. Ganon din ang ginawa ni Elijah at nakita ko
ang pag pilig ng kanyang ulo at
hindi na nila siya napigilang lumapit. Nangatog ang binti ko. I don't know if I'm
damn scared or thrilled or both.
Shit!

"Klare..." Sabi ni Gavin at nilagay niya ako sa likod niya na para bang
pinoprotektahan laban sa halos nag wawalang
si Elijah.

"Just..." Kinagat ni Elijah ang kanyang labi habang nanginginig na itinuro si


Gavin. "How dare you touch her!"
Hinawi ko ang kamay ni Gavin at nagpakita ako. Ayokong masuntok niya si Gavin kaya
pumagitna ako sa kanila. Nakita
kong bumaba sa akin ang galit na mga mata ni Elijah.

"Stop it, Elijah! You've seen us together. Hindi 'yong naghahalikan. Stop
overreacting!" Sigaw ko.

Narinig ko ulit ang tawa ni Azrael at Spike sa likod. Mukhang nakikisali pa si


Josiah sa kanilang dalawa.

"Overreacting my ass! Naghirap ako sa Manila tapos maririnig ko 'to kay Knoxx?! Na
may nireto sa'yo?! Ang inchik na
ito?" Medyo tumawa pa siya bago umiling.

Tinitigan ko ng husto ang galit niyang mga mata. And still... I would wish to have
those eyes. I can trade my eyes
for his. God, Elijah. What are you doing to me?

"Nang iinsulto ka ba?" Sigaw ni Gavin at hinila ulit ako.

"Gav..." Sabay hawi ko ulit sa kamay ni Gavin. "You think hindi ako naghirap dito,
ha, Elijah?" I fucking miss you
so bad. "You were with Selena that night!" Sigaw ko.

Ayaw kong sabihin ang lahat ng nasa isip ko dahil alam kong pinapanood nila kaming
lahat na nag aaway. This is
better than have strangers watch us inside that restaurant.

"I was with her yes! For dinner! And that was it! She told me about you and you
motherfucking chinese Co. I didn't
believe her. Pero nong nalaman ko kay Knoxx! Sinabi ni Azi sa kanya..."

Nanliit ang mata ko kay Azi na nagkibit balikat.

"Dammit! Ilang linggo na ang lumipas! Hindi mo binanggit sa akin! Nakakainis ka!
What's this again? Is this one of
your ways to win your Ahma back? You're willing to date another guy just to win
your Ahma's trust? Baby, you are so
unfair! You are so unfair to me!"

Nangilid ang luha ko sa aking mga mata. Hindi ako makahinga ng mabuti. Nang marinig
ko 'yong 'baby' sa kanya ay
gusto ko na lang na magkabati kami. Hindi bale na 'yong nakita kong video nila ni
Selena. Hindi bale na kung
naghalikan sila don sa video o totoong nag dinner sila ng gabing iyon.

Lumandas ang luha ko sa aking mga mata. May pagkakamali ako. Ngayon ay galit na
galit siya sa akin. Gusto kong
pawiin ang lahat ng frustration na naibigay ko sa kanya.

"Sasabihin ko na sana sa'yo na nakipag dinner kami ni Ate Yas kay Selena that night
pero I just couldn't text you! I
couldn't text you when I'm fuming mad! Fuck, I don't want to text you!" Nakita ko
ang pag lapit ni Rafael sa kay
Elijah.

"Bro, tama na." Sabi ni Rafael.

"No... No... she needs to know, Raf."

"Elijah..." Sabi ni Hendrix at agad pumagitna sa amin.

Nilapitan ako ni Claudette at ni Erin at agad akong niyakap. Lumapit si Azi kay
Gavin para makausap.

Inilayo ni Hendrix si Elijah doon at nakita kong pinalibutan siya ni Rafael, Spike,
at Hendrix.

"Sorry. Nagsuntukan si Azrael at Elijah kahapon nong umuwi ka na. Medyo nagkagulo
kami kaya di ko agad nasabi sa'yo
'yong dahilan niya. And he also said na siya daw ang magsasabi sa'yo." Ani Erin.

Pinunasan ko ang luha ko at nag angat ng tingin kay Claudette.

"He's mad at you, Klare. Galit 'yan at iritado sa nangyayari." Sabi ni Claudette.

Nilingon ko sina Elijah at Rafael at nakita kong naglalakad na sila palayo kasama
si Spike. Pabalik naman si Hendrix
sa amin at nagyaya siyang umuwi.

"Let's go, Gavin." Sabi ni Hendrix sa medyo litong si Gavin.

"Rix..." Sabi ko sabay tingin kay Elijah.


"He's mad at you. You two need space." Sabi ni Hendrix ngunit nanatili ang tingin
ko sa lumalayong sina Elijah.
"Let's go, Klare..."

Kabanata 43

Suplado

Hinila na ako ni Hendrix sa loob ng sasakyan. Hinayaan ko siya lalo na nang naiwala
ko na sa aking paningin si
Elijah. Sina Erin, Chanel, Claudette, Josiah, at Azi na lang ang natitirang
nakatingin sa amin habang pumapasok kami
sa sasakyan.

"Could you let me drive, Gav?" Ani Hendrix nang nasa loob na ako.

Tumango si Gavin at tahimik na sinunod si Hendrix.

Pagkaandar ng sasakyan ay bumuhos ang mararahang tanong ni Hendrix. Tulala ako sa


labas. Pagkatapos ng iilang tanong
niya ay may nahinuha siya kahit wala pang sumasagot sa kanya.

"Elijah Montefalco, he's your boyfriend, Klare?" Nilingon niya ako.

Bumaling ako sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa. Tumikhim siya at umiling na para
bang hindi kapani paniwala.

"Paanong? I couldn't... You two are..."

"Cousins." Dagdag ni Hendrix.

Bumaling si Gavin kay Hendrix. Nalilito. I guess it's time for him to know about
us. Wala na akong kawala. Hendrix
is vocal about us. This should be a good thing.

"We're not cousins." Giit ko.

"Yes, Klare. You are my sister. You're not a Montefalco." Sabi ni Hendrix.

"But then..." Nilingon ako ni Gavin. "Is this why it's a secret? Hindi ko inakala."
Umiling siya. "Walang ibang
lalaki kaya pala... pinsan mo pala..."
"Hindi kami magpinsan ni Elijah." Sabi ko.

"But you two grew up as cousins. Alam ba ito ng pamilya mo? How about your
friends?"

Tinitigan ko lang siya. Tumikhim siya at mariing pumikit.

"I'm sorry. I don't want to be nosy but I am very curious..."

"Gavin, alam ng pamilya. Imagine what they have been through. They've been through
hell and back, they still love
each other. My dad won't get in their way. Pero si Ama, oo."

"Well of course! Elijah's ex girlfriend is your cousin, right? Selena Chiong?"

Pagkabanggit niya sa pangalan ni Selena ay bumuntong hininga ako. Pamamanhid na


lang ang nararamdaman ko tuwing
naaalala ko ang video nilang dalawa. I've seen Elijah kiss other girls. Nong high
school pa lang kami, 'nong
pinuntahan ko siya sa bahay nila, at marami pang ibang pagkakataon.

"He's got it bad for my sister, Gav. He's been in love with her before Selena.
Pumunta 'yong US para makalimutan ang
kapatid ko. He went back for her."

Natahimik si Gavin sa sinabi ni Hendrix. I want Hendrix to calm down and stop
spilling it. Hindi ko kayang marinig
lahat ng ginawa ni Elijah para sa akin noon at nasasaktan ko siya ngayon.

"Holy... shit..." Sabay hawak ni Gavin sa kanyang labi.

Hindi na ulit siya nag tanong. Pagkauwi namin ay pinanood niya lang ang bawat galaw
ko. Nang dumaan kami saglit sa
pool kung saan naroon parin ang iilang mga pinsan namin at nasa mga sun lounger si
Ama at 'yong mga tito at tita
namin ay kinabahan agad ako. Lalo na nang nakita ko ang titig ng daddy ni Gavin sa
akin. Tumayo siya nang nakita
niya ako at nilapitan ako.

"Could you excuse us, Hendrix, Gavin? I want to talk to Klare." Ngiti ng dad ni
Gavin.

"Sure, tito." Sabi ni Hendrix at umalis para lapitan si Pierre na nasa pool at
abala sa pakikipag usap sa pinsan ni
Gavin na si Princess.

"What's this all about, dad?" Tanong ni Gavin sa ama.

"Could you please, Gav?" Nagtaas ng kilay ang kanyang ama.


Nilingon pa ako ni Gav ng isang beses bago siya tuluyang umalis. Nakatayo ako
ngayon sa harap ng daddy ni Gavin.
Naka puting t shirt lang siya at maong na pants. May katangkaran siya tulad ni
Gavin at sa kanya rin minana ni Gavin
ang kanyng mga mata.

"How's your visit, tito?" Inunahan ko siya sa pagsasalita kahit na hindi naman
talaga ako interesado sa binisita
nila ni Ama na lupa.

"Well, good." Tango niya sabay lingon sa akin. "Klare, I know you're not into my
son."

Nagulat ako sa linya niya. Nalaglag ang panga ko at hindi kumibo.

"He told me about your date?" Nagtaas siya ng kilay. "He said tahimik lang kayong
dalawa at hindi ka gaanong
nagsasalita. He said you probably like someone else..."

Lumunok ako at hindi parin nagsalita. Hinayaan ko siyang sabihin ang lahat sa akin.
I don't care about the deafening
silence between us.

"But I know my son... He's stubborn. Alam kong siya ang may problema. He likes
someone else. May girlfriend siya at
ayaw kong malaman pa ito ng kanyang Angkong."

Kumunot ang noo ko. "May problema po ba kung malaman ng Angkong na may girlfriend
siya?"

Tumawa ng bahagya ang daddy ni Gavin sa akin. "There's no problem kung ikaw 'yong
girlfriend. Pero kung ibang
babae," Umiling siya. "At hindi chinese, you see..."

"I think Gavin is a nice guy and he deserves to be happy. If it makes him happy,
then why don't you let him be? I
like Gavin pero hindi ko po kayang diktahan ang puso ko para gustuhin siya ng higit
pa."

Natigilan ang dad ni Gavin sa sinabi ko. Gusto ko pang dugtungan na sana ay huwag
na nila kaming pilitin dalawa pero
alam kong na pe-pressure lang siya sa lolo ni Gavin at sa lola ko.

Tumango siya. "I understand your sentiments. But please, consider my son. Try. Kasi
kung aayawan mo siya, his
angkong would probably find just another chinese girl that we know para ireto
ulit."

Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Hindi ko kayang sang ayunan ang sinasabi niya.
Mabuti na lang at nilapitan agad
kami ni papa at nagpalit ng topic tungkol sa trip namin bukas.

I excused myself afterwards. Ako ang pinepressure nila ngayon para kay Gavin pero
wala na akong kinakatakutan. I
feel bad for Gavin but I can't do anything about it. He needs to sacrifice
something to gain something great. That's
what I learned. Yes, family shouldn't be sacrificed. Dapat ay walang tanong tanong,
sila ang pipiliin mo sa bawat
desisyon. Even if it hurts you... but for the past years, I found that if they
really love you they will support
you. Magagalit sila sa una pero pag pinatunayan mo na ito talaga ang gusto mo ay
matatanggap din nila. The world is
a cruel place. You don't just get what you want immediately, you will need to break
some principles, break some
people, and even break yourself.

Sa gabi ay panay ang tingin ko sa numero ni Elijah sa cellphone ko. I want to text
him. I want to text him so bad
but then, I don't want to be unfair. He deserved my side in person. Hindi pwedeng
idaan ko na lang ito sa text.

Hindi ko alam kung pupunta ba sila ng Siargao bukas o sa Hinatuan ang punta nila.
Will they follow us? Elijah
explained his side. Baka hindi na... shall I wait till we're all back in Cagayan de
Oro?

Higit kumulang apat na oras ang naging byahe ng barko patungong Port of Dapa sa
Siargao. Nakakapagod ang pag upo
doon at paghihintay na dumaong ng sinasakyang bangka. Nilibang ko na lang ang
sarili ko sa panonood ng mga alon at
ng mga islang nakikita namin sa byahe.

"Your cousins going to Siargao?" Tanong ni Gavin, siya kasi ang katabi ko.

For some reasons, our family thinks we should always be together. Kaya hayan at
pinagtatabi kami palagi. Wala naman
'yong problema sa akin. Wala namang malisya. Gavin doesn't mind too.

"I'm not sure." Sabi ko.

"Diretso na tayo sa Pilar para sa Magpupungko Beach. Buong araw tayo don bago tayo
pumuntang Island Dream Resort."
Sabi ng daddy ni Gavin. "Naka book na ako don para sating lahat."

Pumasok kami agad sa mga van. Hindi ko alam kung ilang oras 'yong byahe patungong
Magpupungko pero nakita kong medyo
malayo iyon at nakatulog pa ako sa byahe.

Pagkababa namin ay agad na kaming nagbihis ng mga rashguard dahil sa init. Si Ama,
tita Luisa, lolo ni Gavin at
'yong mommy at daddy ni Gavin ay nanatili sa cottage. Si papa naman at tita
Marichelle ay nauna na doon sa beach at
nag eenjoy maligo.

"Klare, I'm sorry." Sabi ni Gavin pagkatapos naming magbihis.

"Para saan?"

"Kasi I really thought you didn't have a boyfriend. Akala ko ayaw mo lang sa akin
kaya ka nag papanggap na may
boyfriend ka. I didn't know that Elijah Montefalco-"

"Shh." Luminga ako. "It's okay, Gavin. I don't mind." Sabi ko.

"Are you okay now? You had a row with your boyfriend. Nakapag usap na ba ulit
kayo?" He asked. Naglalakad kami
patungo sa tidal pool na pinagmamalaki ng Magpupungko, kung saan abala na sina Tita
Marichelle sa pagpapapicture.

"I don't think it's okay to just text him after that scene, Gav. He deserved a
proper explanation and apology. 'Nong
nakita ko kasi ang video nila ni Selena ay akala ko nangyari 'yon sa gabing 'yon."

"Ah! That's why you cried!?" Umiling siya. "Then, are you okay now? Can you have
fun? Kasi parang kanina ka pa
nakasimangot?" Ngumiti siya.

"Of course, I can, Gavin. Medyo malungkot parin pero hindi na kasing lungkot noon."
Sabay tingin ko sa dagat.

I badly want Elijah right now. I want to talk to him. I wonder where they are?

Bago ako lumusob sa dagat kasama ang mga kapatid ko at si Gavin ay tinext ko muna
si Erin at Claudette, nagtatanong
kung nasa Surigao pa ba sila.

"Let's take a picture!" Sabay kaway ni Cristine sa camera.

Ilang picture ang ginawa namin doon at pansamantala ay na enjoy ko ang lahat ng
ginawa namin. 'Yong pag langoy at
tawanan. Kahit paano ay nagkaroon ako ng interaksyon sa mga pinsan kong si Champ at
Cristine. Hanggang ngayon ay
hindi parin magaan ang loob ng dalawa kong pinsan na babae na si Faina at Shane.
Nararamdaman ko parin ang hindi ko
matibag na dingding sa gitna namin and it's okay... another thing I learned from
all of these is that you don't
force people to like you. Let them hate you. Let them feel what they want to feel.
You can't dictate their feelings.

"Selfie tayo, Klare." Sabay ngiti ni Cristine sa underwater camera na kanina pa


niya dala dala.

Maalon sa Magpupungko at kita ko ang layo ng tingin ni Hendrix. Kausap niya si


Champ tungkol sa mga alon. Hilig
talaga nila ang surfing. Laking samal yata ang mga ito. Hindi ko mapigilang
maengganyo.

"Tomorrow morning, we'll go to Cloud 9 to surf." Sabi ni Hendrix sa akin. "Sa hapon
ay mag a-island hopping tayo. I
hope Ama won't join us. She needs to rest." Aniya.

Pagkatapos naming mag lunch ay nilibang ko ang sarili ko sa paggawa ng sand castles
kasama si Pierre at Gavin. Si
Hendrix, Champ, at Frank (kapatid ni Champ) naman ay hinahamon ang malalayong alon.

"I want to surf." Sabi ko habang pinapanood sila.

"You know how to surf, Klare?" Nagtaas ng kilay si Gavin.

Tumango ako sabay turo kay Pierre. "Tinuruan nila ako.

Tumawa si Gavin. "Wow. I feel gay. I don't know how to surf. Bukas sa cloud nine, I
will try. Could you give me some
tips?"

Tumawa ako. "Sure, Gav."

The island is amazing. 'Yong beach, 'yong waves, 'yong mga tao, it's all perfect!
Kaya naman ay nong nag alas tres
na ng hapon at nalaman kong aalis na kami ng Magpupungko para pumunta na sa hotel
na ni book ni tito para sa aming
lahat ay nalungkot ako.

Bumyahe agad kami patungo sa General Luna, 'yong bayan sa Siargao na popular dahil
sa pagharap nito sa Pacific Ocean
kaya mas malalaki ang alon doon. Hendrix looked thrilled about it. Kahit anong sabi
niya sa aking bukas pa kami mag
su-surf ay mukhang hindi niya mapigilan ang sarili niya.
"You brought our boards?" Tanong ko.

Ngumuso siya. "Yup. Nasa likod ng sasakyan."

Narinig ko rin ang tawa ni Ama kasama ang mommy at daddy ni Gavin. Sa sinabi niya
ay may naalala ako.

"I'm thinking, I should throw the party in Cagayan de Oro instead. What do you
think, Marichelle?" Nag angat ng
tingin si Ama kay tita.

"Is it a good idea? Your friends are in Davao." Ani tita.

Naaalala ko noon. Dalawang taon na ang nakalipas nang sinubukan akong ipakilala ni
papa kay lola, birthday niya noon
at doon ko rin natanggap ang unang pag tanggi at pangungutya nila sa akin.

"Just an intimate dinner. We'll invite the Cos, Lims, and other friends from the
Chinese Chamber. Grand but
intimate. What do you think?" Tanong ni Ama.

"That's great! We should plan. Hindi natin naiplano. Pag balik natin ng Cagayan ay
kaarawan mo na."

Ngumiwi ako nang maalala ko 'yong nangyari noon.

Ilang sandali ang nakalipas ay, dinungaw ko ang cellphone ko na may parehong reply
ni Erin at Claudette.

Erin:

Wala na kami sa Surigao.

Claudette:

Siargao is cool.

Para akong natigilan sa reply ni Claudette. Erin's too vague. But then... oh,
Claudette!

Ako:

Saan kayo mag s-stay sa Siargao?

Tanghali yata nang dumating sila ng Siargao. Saan naman kaya sila ngayon? Nakapag
reply ulit silang dalawa.

Erin:

Somewhere in General Luna.

Claudette:

Buddha.

Tumigil ang sasakyan sa isang magandang resort. Naging abala kami sa pag hakot ng
mga gamit patungo sa tatlong villa
na kinuha namin. 'Yong isang villa ay para kay Ama, kay papa at tita Marichelle.
Ang pangalawang villa ay para sa
lolo ni Gavin, tita, at mommy at daddy niya. Ang pangatlo naman ay para sa aming
mga magpipinsan at mga kapatid ni
Gavin.

Nakaharap ang mga villa sa isang malinis na pool. Pinasadahan ko ng tingin ang
buong resort at kaonti lang ang
turistang naroon, madalas pa ay foreigners. Naka harap din ang resort sa beach.
Kita ko si Pierre na lumalapit sa
maliit na boardwalk.

Tumili si Cristine at ang dalawa ko pang pinsan at agad tumakbo sa buhangin para
makapag picture. Nakita kong
lumapit si Hendrix kay Pierre at tinuro 'yong kabilang dako.

"Puntahan natin sina Pierre." Anyaya ni Gavin sa akin.

Tumango ako at sabay na kaming lumapit sa mga kapatid ko. Tinitingnan ko ang
malayong dako na tinuro ni Hendrix
kanina.
"Anong nandon, Rix?" Tanong ko, tumatabi kay Pierre.

"Let's see if we can find liquors. Doon patungo ang boulevard 'yan ng General Luna
sabi nong manager. I can drive
the van." Paliwanag ni Hendrix.

"You want to drink? Wala bang liquor dito? Anything from Emperador to expensive
wines?" Nagtaas ako ng kilay.

"They don't have here."

"Hindi ba iyon 'yong Boardwalk ng Cloud nine?" Tanong ni Pierre.

"Nope. It's the boardwalk of Paseo de Cabuntog. Maraming tao dyan kaya baka may
mabili akong liquor. Well, we're
here so might as well have fun, right?" Nagtaas siya ng kilay kay Pierre.

Tumango si Pierre. "Let's go."

Dahil nagkasundo ang dalawa ay pinayagan naman nang nagpaalam. 'Yon nga lang, nag
dala ng body guard si Hendrix.
Sumama si ang mga pinsan ko. Ang dahilan nina Cristine ay dahil gusto daw nilang
makapag papicture doon at
makisawsaw sa ibang tao. Sumama din kami ni Gavin, syempre.

"Pupunta din naman tayo bukas dito." Sabi ni Hendrix. "Dito tayo manggagaling bago
mag a-island hopping."

Bumaba kami sa medyo mataong Paseo. Ito yata ang isa sa sentro ng General Luna.
Kanina pa kasi kami pabyahe byahe at
medyo madalang makakita ng mga tao bukod sa turista. Sa Paseo ay maraming tao, may
mga nag vi-videoke, may mga
barbecue at iilang mga tindahan ng pagkain. Malawak din ang boardwalk kung saan may
mga ilaw pa. Tumakbo na sina
Cristine at mga pinsan ko sa boardwalk para makapag picture.

Pinasadahan ko kaagad ang dagat ng mga tao nang namataan ko ang galit na titig ni
Elijah sa akin, di kalayuan. Nang
napatingin ako sa kanya ay nag iwas agad siya ng tingin.

Kumalabog ang puso ko at nilingon si Hendrix. Nakuha niya agad ang ibig kong
sabihin.

"Bakit?" Tanong ni Pierre at agad tumingin sa kung saan ako nakatingin kanina.
Tumikhim siya at nag iwas ng tingin.

"Go. Saglit lang. Di tayo pwedeng mag tagal. I give you 15." Sabi ni Hendrix.
"Huh?" Luminga si Gavin dahil di naintindihan ang nangyayari pero wala na akong
panahon.

Dumiretso na ako sa mga pinsan kong nag hahanap yata ng alak o makakain dahil panay
ang tingin nila sa mga barbecue.

"Klare!" Nanlaki ang mata ni Chanel sa galak.

Ngumiti ako. Si Claudette ay pinanood na ang pagtalikod ni Elijah at


pakikipagtawanan niya kay Azrael na ngayon ay
nagawa pang mag hulog ng limang piso sa videoke machine. Umubo pa siya roon.
Nagtawanan sila lalo nang kinuha ni
Josiah ang microphone.

"Duet by Azrael Ian Montefalco the third and Josiah Travis Montefalco, ladies and
gentlemen," Hagikhik ni Josiah.

Nagfacepalm si Rafael sa kahihiyan dahil pinagtitinginan sila ng mga tao.

"Gwapo na sana kaya lang ang kakapal ng mga mukha." Tawa ni Chanel.

Tumawa rin ako nang narinig ang intro ng kantang pinili nila... Why by Tiggy.
Tumindig ang balahibo ko nang sumayaw
si Azi.

"Azrael, maawa ka sa sarili mo!" Hagalpak ni Spike.

At di ko maipagkakaila na magaling mag sexy dance si Azi, if only the song is


different.

"Nananana, na nana." Nagawa niya ulit mag sexy dance nang nag instrumental ang
kanta.

Humagalpak na ako sa tawa. Si Erin ay pinupunasan na ang luha sa katatawanan.

"Why, why do this have to be a fantasy!? Let's make our love become reality!"
Tawang tawa silang lahat habang ako ay
napatitig na sa nakangiting si Elijah.

Sumulyap siya sa akin. Napawi ang ngiti ko. I want to talk to you, Elijah. Napawi
rin ang ngiti niya at nag iwas ng
tingin.

Kumalabog ang puso ko. Hindi parin humuhupa ito hanggang ngayon. Elijah... God!
Lumapit ako sa kay Rafael na katabi
ni Elijah. I want to be closer. I'm this pathetic right now. Parang isa ako sa mga
babaeng patay na patay sa kanya.

"Raf, saan kayo nag s-stay?" Tanong ko at sinulyapan si Elijah na humagalpak at


nakipag highfive kay Azi.

"Sa Buddha Resort. Malapit lang dito. Ayos lang. Dinala naman namin din kasi 'yong
Trailblazer." Ani Rafael.

Tumango ako at nilingon si Elijah na hindi parin tumitingin sa akin. Nangatog ang
binti ko kahit na wala naman dapat
ako ipangamba dahil hindi naman sakin ang atensyon niya.

"Elijah, suplado mo naman! Sus!" Sigaw ni Erin habang magkabilang kamay niya ang
mga alak, nilalagay sa supot na
hawak ni Maxwell, kapatid ni Spike.

Kumalabog ng husto ang dibdib ko at medyo lumayo sa kaba.

"Klare!" Sigaw ni Pierre sa likod ko. Nilingon ko naman ang nakabusangot kong
kapatid. "Let's go! Hinahanap na tayo.
Nakabili na si Ahia."

"Hi Pierre!" Bati ni Chanel sa kapatid ko.

Tumango si Pierre at malamig na tumalikod. Nilingon ko ang mga pinsan ko at


nanghinayang. "Bye... Uhm... See you..."
Sabay takbo ko patungo sa kapatid kong paalis na.

Kabanata 44

Surfing

Hindi ako mapakali sa gabing iyon. Nag inuman lang ang mga pinsan ko kasama si
Gavin. Nasa kwarto naman ako habang
sina Cristine ay naliligo sa swimming pool. Kaharap ko ang cellphone ko at nag
aantay ng reply ni Claudette at Erin
na isang beses lang yata sa isang oras.

Ako:

Anong ginagawa niyo?

Erin:

Nag iinuman kami, videoke, at kung anu-ano pa.

Claudette:

Punta ka dito. :)

Humiga ako at nag reply sa kanila. Nakakainggit ang pagsasaya nila!

Ako:

Cloud 9 kayo bukas ng umaga?

Bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok si Pierre. Kumuha siya ng charger sa


kanyang bag at sinaksak iyon sa
outlet. Nakita kong nakakunot ang noo niya habang tinitingnan ang cellphone.

"Pierre, you done outside?" Tanong ko sa kapatid ko.

"Nah. Matulog ka na lang. Maaga tayo bukas." Aniya at tumayo para lumabas ulit.

Dahil hindi rin naman ako nirereplyan ni Erin o ni Claudette masyado ay inantok din
ako at nakatulog. Kinaumagahan
ay maaga kami patungong Cloud 9.

Excited si Hendrix kaya mas nauna pa kami sa kina Ama. Hanggang restaurant lang din
naman sila dahil masyadong
mainit doon at hindi naman sila mahilig mag surfing.

"Klare, are you going to surf?" Tanong ni papa bago kami pinakawalan patungo sa
popular na boardwalk ng General
Luna.

Kitang kita ang haba nito at ang ganda ng tanawin. Sa malayo pa lang ay makikita mo
ring malalaki ang mga alon. Ang
mga pinsan kong babae ay nakapag two piece at nauna na sa boardwalk. Ako lang yata
ang naka rashguard tulad ni
Hendrix at Pierre. Si Gavin ay naka topless at shorts lang. Si Champ at ang kapatid
niya ay naka sleeveless shirts.

"Maybe, pa. Hindi naman po ako lalayo kina Hendrix." sabi ko.

"Be careful..." Iling niya sa akin.

Tinatawag na ako ni Pierre, dala dala niya ang surf board naming dalawa kaya
nagmadali na ako patungong boardwalk.

Ilang picture pa muna ang kinuha nila. Si Hendrix ay mukhang hindi na eengganyo sa
pictures. Dumiretso na siya sa
dulo kung saan may bahay na tinatambayan ng mga local at foreigner surfers.

"Klare, 'yong malapit tayo sa shore na lang muna. Si ahia na lang hayaan natin
diyan sa malalaking alon." Ani
Pierre.

Kahit na kaakit akit ang mga alon sa unahan ay sumang ayon ako kay Pierre lalo na't
kasama namin si Gavin na
nagpapaturo pa lang.

Bumaba si Hendrix at 'yong mga pinsan kong lalaki doon sa bahay samantalang bumalik
naman kami ni Pierre at Gavin sa
boardwalk. Hinanap namin ang hagdanan na malapit na sa shore tsaka kami bumaba.

Hanggang baywang lang ang tubig at malakas na ang hampas ng alon. Syempre dahil
Oktubre kaya ganon. Tumawa si Gavin
sa gulat sa mga alon. Sinakyan ko ang surfboard ko. Kitang kita ko si Hendrix sa
malayo nakikipag sabayan sa mga
foreigners.

"Isn't that dangerous?" Tanong ni Gavin, basang basa sa alon na humahampas.


Sumasakay din siya sa nirentahang
surfboard.
"Kaya niya na 'yan." Sabi ni Pierre.

"Pierre..." Sigaw ko sa kapatid ko nang sinubukan kong salubungin ang malaking


alon.

Ngumiti siya at kumindat sa akin. So proud that he taught me how to surf, huh?
Pagkalapit ko sa alon ay kinabahan
ako at baka nakalimutan ko na kung paano. Hinawakan ko ang surfboard at agad na
tumayo at tinalikod ito. Lumundag
ang puso ko nang tama ang ginawa ko. Hindi matanggal ang ngiti ko nang sinubukan
kong ibalanse ang sarili ko sa
board habang nakasakay ito sa alon.

"Galing! Klare!" Pumalakpak si Gavin sa akin.

Pagkatapos ng ilang sandaling pagtayo doon ay hindi ko na nakayang ibalanse at


nahulog ako sa surf board. Tumatawa
akong umahon at napanood ko kung paano namutla si Gavin sa pag aalala at si Pierre
na tumatawa at pumapalakpak.

Nakita kong si Pierre naman ngayon ang sumasalubong sa alon kaya tinabihan ko si
Gavin.

"You just ride the board and paddle through your hands. Lie on it, chest-down
position, Gavin." Sabi ko habang
pinapanood si Pierre.

"Parang ang dali tingnan. Pero tingin ko rin mahirap matutunan." Aniya, nalilito.
"Tingin ko may leash naman 'yong board mo." Sabi ko at nilingon ang surfboard
niyang may leash sa likod. "Itatali
'yan sa paa mo para pag nahulog ka, di mawawala ang board mo."

Nanlaki ang mga mata ko sa mangha nang nakita si Pierre na perpektong sinakyan ang
alon.

"Whoa!" Sigaw ni Gavin sabay dahan dahang pumalakpak.

"Go Pierre!" Sigaw ko sa sobrang mangha.

Kasabay ng sigaw ko ay ang ingay sa taas ng boardwalk. Narinig ko ang tili ng mga
babae kaya tumingala ako imbes na
panuorin ang kapatid ko.

Nakita kong tinuturo ni Erin kay Claudette si Pierre. Sa likod nila ay sina Elijah,
Azi, at Spike na may
nagpapapicture na mga babae. Kumunot ang noo ko nang ngumiti si Elijah sa isang
naka two piece na babae, isa sa mga
kasama nila sa picture.

"Galing mo, Pierre!" Sigaw ni Claudette sa taas.

Tumawa ako ngunit hindi ko maalis 'yong tingin ko sa kay Elijah na ngayon ay
binibigay 'yong camera sa babae bago
bumaling sa dagat. Kaya niyang pansinin ang ibang tao pero ako hindi. Well, may
atraso ako.

Lumunok ako at nilingon si Pierre na tumingala pagkatapos ng along iyon.

"Galing mo." Ngiti ko sa kapatid ko.

Pinilig niya ang ulo niya at ginalaw ang tainga. "Tss. It was nothing."

"Klare, I want to try. Can you please tie the leash?" Ani Gavin sabay tingin sa
leash sa dulo ng surfboard.

Tumango ako at sinunod.

Narinig ko ang sipol sa taas. Hindi ko kayang tingnan kung sino ang sumipol na
iyon. That should be Azi.

"Please, Klare, teach us how to surf too? Do you know how to surf, baby?" Dinig ko
ang palapit na boses ni Azi.

Humagalpak si Josiah at narinig ko ang mura ni Elijah. Pababa sila sa hagdanan! Oh


damn!

Binalewala ko ang mga sinasabi nila at tinoon ko ang pansin ko kay Gavin na palayo
na sa akin.

�Gav, paddle. And then pag may alon, dahan dahang tumayo. Wa�g kang mag madali.
You�ll fall the first time anyway.�
Sabi ni Pierre.

Sumabay si Spike sa pag pa-paddle ni Gavin. Ganon rin si Rafael.

�Go Spike!� Sigaw ni Azi. �Itayo ang bandera ng America!� Humagikhik si Azi.

�Shut up, Azrael.� Saway ni Erin.

Pareho silang tumayo nang nandon na ang alon. Hindi pa nakakatayo si Gavin ay
nahulog na siya. Ganon rin ang
nangyari kay Rafael kaya panay ang kantyaw nina Josiah at Chanel.

�Kung nandito si Damon, naligo ka na ng kantyaw!� Sigaw ni Chanel.

Si Spike lang yata ang medyo maayos ang pagkakatayo pero nahulog din ilang sandali
ang nakalipas. Sumigaw si
Claudette at Erin ng sabay sa pagkakahulog ni Spike.

Nag iwas ng tingin si Pierre at nag taas ng kilay sa akin. �It�s too crowded here.
Di ko matuturuan ng maayos si
Gavin. Don tayo.� Sabay turo niya sa unahan.

Tumango ako. Sumunod si Gavin sa kanya habang sinasabi �yong nangyari habang
tumatayo siya. Pumasok din daw yung
tubig sa kanyang tainga kaya panay ang pilig niya sa kanyang ulo.

�Klare, tara...� Lingon ni Gavin nang hindi parin ako nakakalayo sa mga pinsan kong
Montefalco.

�Uy, no, turuan mo muna kami, Klare.� Ani Erin sabay ngisi.

�Why don�t you ask your boyfriend to teach you instead, Erin? Mukhang magaling na
magaling ang isang �yon?� Ngisi ni
Chanel.

�What boyfriend, Ate?� Kumunot ang noo ni Erin.

�Sya, sya, sige na, Klare. Turuan mo na kami. Hindi marunong �yong Gavin na �yon,
eh nandon naman kapatid mo kaya
matuturuan din �yon.� Sabi ni Josiah.
Nilingon ko si Pierre na sinisigawan na si Gavin habang nagpapaddle patungo sa
alon. Sinabayan pa siya ni Pierre
kaya tama naman siguro na dito muna ako sa kanila.

�Okay... Uhm, just do the paddle thing and pag nasa alon ka na, dahan dahang
tumayo. Kailangan mong ma experience
ang pag balanse at pag tayo para matutunan mo. And if you have leash like Gavin�s
surfboard, you can tie it to your
feet.� Sabi ko at nag angat ng tingin kay Elijah na nakatitig sa akin.

Halos masamid ako sa sarili kong laway. Nag iwas agad ako ng tingin.

�Tara na.� Ngisi ni Erin. �Madali lang pala.�

Sabay sabay silang nag paddle. Nagulat ako nang nagtawanan si Claudette at Chanel
habang tinutulak ni Rafael �yong
surfboard nilang hindi naman gumagalaw sa pagpapaddle. Si Elijah at ako lang ang
natira doon!

�Hey!� Sigaw ni Elijah nang nakitang kami lang dalawa ang natira.

Kinagat ko ang labi ko at nilingon siya. �You know how to surf, right? You want to
try here?� Kabado ako. Natatakot
na baka balewalain niya ang sinabi ko.

Sumulyap lang siya sa akin. �Yeah, maybe later.�

Bumaling ulit ako sa mga alon kung saan nagsisigawan na ang mga pinsan ko. Si Spike
at Claudette lang ang hindi
dumiretso sa alon. Tinali pa ni Spike ang leash sa paa ni Claudette. Sweet.

�Piece of shit!� Sigaw ni Azi nang nakatayo siya sa alon.

Pumalakpak si Spike.

�Booo!� Sigaw ni Elijah at agad nahulog si Azi sa dagat.

Nagtawanan kaming lahat. Nilingon ko si Elijah na kinakantyawan si Azi. Hinawakan


niyang mabuti ang surfboard niya.
Iniisip kong madalas silang mag surf ni Spike noon sa New York dahil medyo marunong
din si Spike.

�Susubukan mo na?� Tanong ko.

�Yeah... Uhm, you stay here.� Hindi niya ako sinulyapan.

Kumunot ang noo niya habang nilalapag sa tubig ang surfboard.

�Where�s your boardshorts, anyway? Why are you wearing a bikini bottom?� Nagtaas
siya ng kilay sa akin nang sinakyan
niya ang kanyang board.

�Uhm... I think this is the appropriate suit.� Uminit ang pisngi ko.

�Then you stay and stop surfing.� Masungit niyang sinabi at lumayo para mag surf.

Ngumuso ako sa pagiging masungit niya pero hindi matanggal ang ngiti sa labi ko.
Elijah, let�s make up already
please.

Pinanood ko ang halos flawless niyang pag su-surf kasabay ng pumalpak na si Spike.
He�s good at this. Hinihingal na
si Erin nang lumapit siya sa akin. Nang nakita kong tinanggal niya ang rashguard na
suot niya ay ngayon ko lang
narealize na naka rashguard pala silang lahat.

Tinanggal din ni Azrael ang kanyang rashguard at inabot ang hagdanan. �Don tayo sa
mas malayo.� Anyaya niya kay
Spike.

Tumango si Spike at sumunod sa kanila. Nilingon ako ni Claudette at ngumiti siya.

�Ayoko sa rashguard, mas komportable ako sa bikini.� Ani Erin.

Nakita kong namalagi ang mga mata ni Claudette sa likod namin kung nasaan si Pierre
at Gavin. �Klare, punta tayo sa
kanila.�

�Okay...� Tumango ako at nilingon si Elijah na kinakausap ni Rafael at Maxwell.


Nakatitig siya sa akin.

Sumabay si Claudette sa akin patungo kay Gavin at Pierre samantalang nagpaalam


naman si Erin at Chanel na pupunta sa
dulo nitong boardwalk para panoorin sina Azi.

�Paano �yan?� Narinig kong tanong ni Claudette sa kawalan.

Magtatanong na sana ako pabalik ng alin �yong tinutukoy niya nang biglang nagsalita
si Pierre.

�Ba�t di ka magtanong sa ex mo?� Mariin niyang sinabi.

Nagpaddle si Pierre patungo kay Gavin na ngayon ay malapit na sa alon. Huminga ako
ng malalim at nilingon si
Claudette na pinapanood si Pierre.

�Ayos lang kayong dalawa?� Tanong ko.

�Pierre... Pierre, mag usap tayo.� Sabi ni Claudette at nag paddle na rin.

�Clau!� Sigaw ko para pigilan siya pero hindi ko na naabutan. Muntik ko pang
nabitiwan ang surfboard ko kaya mas
inuna ko �yon kesa sa ang pag tawag kay Claudette.

Hindi pa nakakatayo si Claudette ay kinain na siya ng alon kaya nagpahulog si


Pierre sa kanyang surfboard at agad
nilangoy ang distansya nila ni Claudette.

Napansin ko ang paglapit ni Elijah at Rafael sa amin. Iritadong iritado si Pierre


habang pinupulupot ang kanyang
kamay sa baywang ni Claudette at binabalik sa akin.

�Ang tigas ng ulo mo.� Mariing sabi ni Pierre.

�Pierre!� Sigaw ko sa kapatid ko. Bakit niya pinapagalitan si Claudette! Muntik na


nga siyang madisgrasya.

Inabot ni Gavin ang surfboard ni Pierre at kinuha rin ni Pierre ang nakataling
surfboard ni Claudette.

�Let�s go!� Aniya kay Claudette at hinila paakyat ng hagdanan kaya kami na lang
lima ang natira doon habang
pinapanood ko ang kapatid ko at si Claudette na nagmamartsa paakyat. Si Gavin,
Elijah, Maxwell, Rafael, at ako na
lang ang natira doon.
Nakita ko ang titig ni Elijah sa taong nasa likod ko. Walang iba kundi si Gavin.

�Elijah, puntahan natin sina Azi. Baka hanapin niya si Dette dette.� Ani Rafael.

Hindi gumalaw si Elijah at binalik niya sa akin ang mga mata niya. �You gonna stay
here, Klare?�

Umiling ako at agad tumingin sa taas ng boardwalk. �I�m gonna call Hendrix. Baka
hinahanap na kami. Mag a-island
hopping kami after lunch.�

Tumango si Elijah. �Good girl.�

Nangatog ang binti ko sa pagkakasabi niya non at agad nang dumiretso sa hagdanan ng
walang pag aalinlangan. Tahimik
na sumunod si Gavin sa akin.

Buti na lang din at umalis na kami doon at tinawag na si Hendrix dahil pagkarating
namin sa restaurant ay tinawag na
kami para kumain. Nabitin ako sa surfing. Kitang kita ko pa ang mga pinsan kong
nagsu-surf doon. Gusto kong sumali
pero hindi pwede. I wonder if we�re okay now.

�Pierre, where have you been?� Dinig kong tanong ni tita Marichelle.

Napagalitan si Pierre dahil nahuli siya sa pagkain. Pagkatapos naming kumain ay


nagpahinga kami saglit bago pumunta
sa van. Didiretso na kami ngayon sa pag a-island hopping. Sinabi ko kay Elijah na
mag a-island hopping kami. I wish
they do the same.

�Sa Resort na kami maghihintay, Hendrix. Kayo na lang ng mga pinsan mo ang mag
island hopping.� Sabi ni papa.

Desisyon daw iyon ni Ama. Nakangiti pa siya nang sinabi niya iyon kay Gavin.

�The crew says the islands here are great. Madalas pinupuntahan ng mga lovers at
�yong mga nag ho-honeymoon. You
kids should enjoy the view and the experience. Meanwhile, we�ll stay on the resort
and see if we can catch some
sun.� Dinig kong linya ni Ama.
Siniko ako ni Hendrix at binulungan.

�Mag a-island hopping din ang mga pinsan mo. Careful, though. Cristine knows Elijah
as Selena�s boyfriend. Alam din
nila na may kung ano sa inyo. One move and you two will be discovered again,
Klare.� Ani Hendrix.

Tumango ako. Hindi pa nga kami nakakapag usap ng maayos ay hindi na agad pwede?
God. I hope we can talk later. Ayoko
ng saglit. Gusto ko ng matagal.

Kabado ako nang sumakay kami sa medyo malaki laking bangka galing sa boardwalk ng
General Luna. Ayon sa guide ay
tatlong isla ang pupuntahan namin.

�Una ay sa Guyam Island tayo, tapos sa Daku Island, huli sa Naked Island.� Anang
guide.

Excited ang mga pinsan ko sa pupuntahan namin. Ready ang mga camera nila at
naghahanda pati sa bikini.

�Klare, mag ra-rashguard ka? Bikini tayo para maganda tingnan sa pictures!� Anyaya
ni Cristine sa akin.

Tumango agad ako. Nilingon ko si Hendrix na nakakunot ang noo sa akin. �Pupula ang
balat mo. Medyo mainit.� Aniya.

�Ayos lang.� Sabi ko at nagpatulong kay Pierre sa pagatatanggal ng rashguard ko.

Papunta pa lang kami ng Guyam Island ay pakiramdam ko naubos na ang memory ng GoPro
at ilan pang camera nila sa
kakapicture. Sumakit ang panga ko sa kakangiti.

Pagdaong ng bangka sa Guyam Island ay namangha ako sa ganda ng tanawin sa dagat.


Ang layo tingnan ng Siargao main
land. May iilang tao na rin doon. Kadalasan ay mga foreigners na nag sa-sun
bathing.

Panay ang kuha namin ng picture. Pagkatapos ay nagkayayaan silang ikutin ang isla.
As usual, hindi ako niyaya nina
Cristine. I don�t mind though. I�d rather stay here with Pierre and Hendrix. Kahit
na gusto nilang lumangoy sa
malayo at alam kong maiiwan din naman ako sa buhangin na nilatagan ko ng sarong ay
ayos lang.

Nag angat ulit ako ng tingin sa bangkang dumating at nakita ko ang naka bikining si
Claudette, Erin, at Chanel,
habang ang mga kasamang lalaki ay puro topless.

Natigilan ako at agad kinabahan. Elijah�s here.

Kabanata 45

Shouldn�t Dare

Niyayakap ko ang aking tuhod at halos maestatwa na sa pagkakaupo sa aking sarong at


pinapanood ang pag baba nila sa
bangka. Nang bumaba si Elijah ng walang kahirap hirap at nahagip ako agad ng
kanyang mga mata ay mas lalo lang akong
nanigas sa kinauupuan ko.

Kumunot ang noo niya at nanatili ang titig sa akin. Maingay na ang mga pinsan ko sa
tabi niya at nag tuturuan ng
pupuntahan. Dapat ay pupuntahan ko sila dahil mukhang hindi nila ako nakita sa
kinauupuan ko.

"Andito 'yong mga pinsan ni Klare, baka nandito din siya?" Narinig kong utas ni
Josiah.

Nilingon ko si Elijah na kausap ni Spike. Ang mga mata niya ay nanatili sa akin.

"Klare!" Tawag ni Chanel nang nakita ako.

Tinakbo nila Erin at Claudette ang distansya namin. Tumayo agad ako sa pagkakaupo
para salubungin sila ng ngiti.

"Picture tayo!" Sigaw ni Erin sabay tawag sa mga pinsan kong lalaki.

Humakbang din sila patungo sa akin at pumwesto na sa tabi ko. Malayo si Elijah sa
akin. Pinalibutan naman ako ni
Erin at Claudette. Sa likod ko ay si Spike at Azi.

"Wala ka, Kuya Joss! Teka lang." Sabi ni Erin at kinuha ang camera para ibigay sa
lumalapit at medyo basang si
Pierre. "Pierre, take our picture please." Hindi pa naka-oo ang kapatid ko ay
nilagay na ni Erin sa kanyang kamay.

Tumikhim si Pierre at kinuhanan kaming lahat ng maraming picture. Pagkabigay niya


ng camera kay Erin ay agad niya
akong tiningnan.

"Take a dip now if you want to swim. We'll go to Daku Island in 5 minutes." Malamig
niyang sinabi.

"Don na ako maliligo." Sabi ko nang nakitang umaakyat na ang mga pinsan kong babae
sa aming bangka.

"Aww! Aalis na agad kayo?" Simangot ni Chanel. "Magtagal naman kayo sa susunod na
Isla para magkitaan tayo." Sabi ni
Chanel.

"If the waves there are good, then we'll stay for a while." Sabi ni Pierre at
tinalikuran ulit kaming lahat.

Natigil siya sa paglalakad nang nakipag high five sa kanya si Rafael at mukhang may
tinanong. Lumapit din si Josiah
sa kapatid ko para makisali sa usapan.

"Smile, Klare!" Ngiti ni Erin nang nag selfie ulit kami.

Lumapit si Gavin sa amin at nakita kong sumali siya sa usapan ni Pierre, Rafael at
Josiah. Mukhang nalilibang naman
sila sa usapan kaya sana mag tagal kami kahit saglit.

"Ang mga unggoy na si Azi at Maxwell, hayun na at naligo!" Sabay tingin ni Erin sa
malayo.

"Hey, Erin..." Narinig ko ang boses ni Elijah sa likod ko.

"Hmm?" Napatingin si Erin sa kanya.

Lilingunin ko sana siya ngunit naramdaman ko kaagad ang mainit niyang braso na
pumulupot sa aking baywang. Bumagsak
ang tingin ko sa kanyang braso na nag paangat sa aking balikat. Nanlaki ang mata ko
at naestatwa sa kinatatayuan ko.

Malamig ang titig ni Pierre nang nakita ang ginawa ni Elijah. Nilingon niya agad
ang bangka kung nasaan abala ang
mga pinsan ko sa pagpi-picture.

"Could you take a picture of us?" Ani Elijah at nilagay ang kanyang ulo sa aking
balikat.

"Sure!" Nakangising sinabi ni Erin at medyo lumayo.

Ramdam ko ang hininga ni Elijah sa aking tainga kaya mas lalo akong hindi nakagalaw
sa ginawa niya.

"Cover it, Klare." Bulong niya. "If you can't then I will cover it for you."

"Smile!" Sabi ni Erin na ngayon ay sinamahan pa ng camera ni Claudette, Chanel, at


Spike.

Nalilito ako kung saan tumingin. Nakangiti si Claudette nang binaba ang cellphone
niya. Sabay na binaba ang tatlo
pang camera at hindi parin tinatanggal ni Elijah ang kanyang brasong nakapulupot sa
akin.

�Klare, Ahia�s here. Let�s go.� Ani Hendrix.

Nilingon kami ni Gavin at naabutan kami ni Elijah na ganon. Hinawakan ko ang braso
ni Elijah para kumawala. Kinalas
niya naman agad. Nilingon ko siya at nakita ko ang titig niyang nangingiti.

�See you later.� Aniya sabay kuha ng isang printed tee shirt na kasing bango niya.
Binigay niya sa akin iyon at alam
ko kaagad kung ano ang gusto niyang mangyari.

Tumango ako at hindi ko mapigilan ang ngiti. �See you.�

Hinawakan ni Pierre ang kamay ko at marahang hinila palayo doon. Kinawayan ako ng
mga pinsan ko at makahulugang
ngiti ang ipinakita ni Erin sa akin. Sumunod ang tahimik na si Gavin sa amin.
�Careful...� Sabi ni Pierre. �Baka mahuli ka.�

Tumango ako at pinanood ang pag akyat niya sa bangka. Pumwesto siya ng mabuti at
naglahad ng kamay sa akin. Sinuot
ko muna ang tee shirt na binigay ni Elijah bago ko tinanggap ang kamay ni Pierre.

�Tss, primitive.� Narinig kong bulong niya nang tumungtong na ako sa bangka.

Nilingon ko siya at nakita kong nanatili ang titig niya sa mga pinsan ko. Kinawayan
ko ulit silang lahat.

Sa malayo ay doon ko pa lang nakita ang makukulay nilang swimwear. Si Erin ay may
puting two piece, si Chanel ay may
blue and white stripes na one piece, at si Claudette ay naka hot pink na simpleng
two piece. I suddenly want to be
with them. I�m wearing black bikini bottom and a yellow anchor bandeau.

�Someone�s gawking at your shobe, Ahia.� Narinig kong bulong ni Pierre sa kay
Hendrix habang maingay na nagtatawanan
ang mga pinsan kong panay parin ang picture hanggang ngayon.

Umupo si Gavin sa tabi ko. Kumunot ang noo ko nang nakita kong tumingin si Hendrix
at Pierre sa akin.

�Pierre, he can gawk at her all he wants. Your shobe won�t mind.� Ngisi ni Hendrix.

Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti. Umiling ang supladong si Pierre at humalukipkip


habang tinitingnan ako.

�Sanay ka pala sa patago.� Ani Gavin nang bumaling sa akin.

�Rix, I think I saw ate Selena�s boyfriend kanina in Guyam. Siya ba �yon?� Nagtaas
ng kilay ang isang pinsan ko.

�Oh I saw Azrael Montefalco. Look.� Sabay turo ni Princess sa kanyang camera. �May
picture ako sa kanya.�

Ipinakita niya ang picture ni Azi na malalim ang tingin sa malayo. Sa kunot ng
kanyang ulo at pout ng kanyang labi
ay para bang may laman ang iniisip niya. Hindi halatang puro kalokohan lang naman
talaga.

�Cousins kayo diba, Klare?� Tanong nI Cristine sa akin.

Tumango ako at nag iwas ng tingin. Alam kong nanatili ang titig ng chinita niyang
mata sa akin. Tsaka ko lang
ibinalik ang titig ko nang nilingon niya na ang dagat dahil sa lakas ng hampas ng
alon.

�Maalon, Rix...� Nilingon ni Gavin si Hendrix.

Tumango si Hendrix at tumayo para panoorin ang islang papalapit.

Malaki ang susunod na Isla. Tingin ko ay anim na beses o higit pa ang laki nito sa
Guyam Island. Malakas din ang
hampas ng alon sa bandang hilaga ng pinag daungan namin kaya excited ang mga
kapatid kong pumunta.

Nakita kong itinuro pa ni Hendrix ang malayong mukhang trench yata dahil may
malalaking alon doon.

�Hendrix, dyan lang kayo sa shore. Don�t try to surf there. It�s too dangerous.�
Sabi ko.

�It looks dangerous, Klare. I know how to swim, then there�s nothing to worry
about.� Aniya at nagtaas ng kilay.

So cocky. Yeah, I know you�re from the swimming team of Ateneo de Davao, Ahia.
�Still. Wa�g na.� Mariin kong sinabi,
pababa sila.

�Yeah...� Aniya.

Medyo nawala ang pangamba ko. He�s true to his word so I�m good. Inabot ni Davin
�yong surfboard ni Pierre at
Hendrix pagkatapos ay bumaba na siya at nilingon ako para maglahad ng kamay.

�Thanks.� Sabi ko at bumaba.

Nagyayang mag picture ang mga girls kaya sumali kaming lahat. Ang bangkero ang nag
picture sa amin kaya kuha kaming
lahat doon.

�Klare, are you gonna surf?� Pinasadahan ng tingin ni Champ ang aking suot na t-
shirt.

�Uhm, probably not. Gusto mong manghiram ng surfboard?� Tanong ko.

�I have mine. Gusto ng girls mag try.� Sabay tingin nila kina Princess at sa mga
pinsan ko.
�Sure, you can borrow mine.� Sabi ko sa kanila.

�Sama ka?� Yaya ni Princess.

Nilingon ko ang bangka kung nasaan ang bag ng isa sa mga pinsan ko. Ngumiwi at
umirap ang isa sa mga pinsan kong
babae. Napalunok ako at umiling sa kanila.

�No, I�m good here. Babantayan ko na lang ang gamit tsaka... medyo naiinitan ako.�
Sabi ko.

�I�ll go with you, Klare.� Ani Gavin.

�No, Gav. You can go with Pierre.� Habang sinasabi ko ito ay umaalis na ang mga
babae kong pinsan.

spinner.gif

�No, it�s okay. Medyo mahapdi na rin kasi ang balat ko.� Sabi ni Gavin at napuna ko
nga ang mamula mula niyang
balat.

�Gav, can I take your board?� Tanong ni Champ sabay kaway sa kapatid niya.

�Sure.�

Umalis silang lahat. Mabilis ang lakad ni Pierre, Hendrix, at Champ sa mga niyog na
islang ito. May mga maliliit na
cottage sa harap namin at siguro ay mas maganda kung doon kami ni Gavin mamalagi
para makasilong si init. Nilingon
ko si Gavin na umupo sa bangka at nagawa pang tumalon galing doon patungo sa tubig.

�Dito na lang ako maliligo under the shade of our boat.� Ngumisi siya. �You sure
you don�t want to swim, Klare?�
Aniya.

Umiling ako. �Nauuhaw ako. Bibili muna ako ng buko.� Sabi ko sabay turo sa
tinderang nagtitinda ng fresh buko.
�Gusto mo?�

�Please.� Ngiti niya.

Naglakad na ako agad patungo doon para bumili.

Tulad sa Guyam Island, kaonti lang din ang tao. Binilang ko ang mga grupo ng taong
sumisilong sa cottages at
dalawang grupo lang ang nabilang ko. Sa malayo ay may mga naliligo. Nilingon ko ang
maberdeng mga coconut trees at
may ilang bahay kubo na nakatayo doon. Payapa ang isla.

Bumalik ako kay Gavin at inabot ko sa kanya ang buko. Hanggang tuhod lang ako pwede
dahil ayaw kong mabasa ang t
shirt ni Elijah. Sumilong ako sa bangka habang pinapanood ang magandang tanawin ng
dagat. It�s relaxing.
Napatunganga na lang ako habang humihigop ng juice.

Ilang sandali ang nakalipas ay natanaw ko na �yong bangka ng mga pinsan ko. Halos
ma estatwa ulit ako sa
kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung aakyat ba ako sa bangka o magpapasilong sa
cottage. Gusto kong mag suklay ng
buhok o tingnan kung maayos pa ba ang mukha ko.

�Your cousins are here.� Ani Gavin.

Tumango ako.

�You know... if you stayed because you want to talk to your boyfriend, then go
ahead. Hindi kita isusumbong. Wa�g
kang mailang.� Ngiti niya habang nagtatampisaw parin sa tubig.

�Alam kong di mo ako isusumbong.� Ngisi ko.

Tumango siya at nilingon ang dumadaong na bangka.

�Klare!� Agad tumalon si Azi galing sa bangka. �You�re here too! I missed you!�
Aniya at nanunuyang naglahad ng
braso, umaambang yayakapin ako.

Tumawa ako at nginiwian siya.

�Tumigil ka Azrael.� Dinig kong utas ni Elijah.

��To naman, we�re close before. Hindi ibig sabihin na dahil kayo na, di na kami
pwedeng maging close.� Kumunot ang
noo ni Azi.

�Where�s your cousins?� Tanong ni Rafael. ��Yong mga kuya mo?�

�Nasa kabilang parte ng isla. Maalon yata don, e.� Sabi ko.

�Let�s go, Raf?� Yaya ni Chanel.

�Tara...� Ani Rafael dala ang surfboard.


�Oy! Don�t leave me!� Sabi ni Azi at agad tumakbo sa bangka at kinuha ang surfboard
niya. �Elijah...� Lingon ni Azi
kay Elijah na nasa sea shore at hindi man lang natataranta.

�I�m staying.� Ani Elijah.

�I knew it.� Lumingon si Azi sa akin. �Sige, dude... Nasuntok pa naman kita. Ayusin
mo �yan. Wa�g puro mukha ang
pairalin.�

Humagalpak si Josiah. �Nagsalita!� Sabay hila niya sa umaayaw na si Claudette.

�Joss, it�s too hot. Ayokong mag ka sunburn.� Ani Claudette.

Umirap si Josiah at mas lalong hinila si Claudette. Inakbayan ni Spike si


Claudette. �Di ka magbibilad. I�ll make
sure you�re under the shade of something...�

Sumama si Claudette sa kanila. Tinapik pa ni Azi si Elijah bago siya nag jog para
maabutan sila. May dala dala
siyang surfboard. Umiling ako lalo na nang nakitang ganon din ang ginawa ni Josiah.
Some baywatch lifeguards, huh?

�Klare! Tara?� Kaway ni Erin na agad umiling. �Wa�g na lang pala...� Aniya at
tumakbo na patungo kina Azi.

Umahon si Gavin at nakita kong sumunod ang tingin ni Elijah sa kanya. Umakyat siya
sa bangka at doon niya ininom ang
kanyang buko juice.

Nagkatinginan kami ni Elijah, pinaglalaruan ko ang straw nong sakin. Kinagat niya
ang labi niya.

�Can we talk?�

Tumango ako at humakbang patungo sa kanya.

Sabay kaming naglakad palayo sa bangka. Ang paglalakad sa tabi niya ay


nakakapanindig balahibo. �Yon bang kahit na
normal na gawain naman ang paglalakad ay palagay koy pwede akong madapa anytime.
Para akong nililipad ng sarili kong
mga paa.

�Aling cottage ang gusto mo?� Tanong niya na hindi ko inasahan.


Itinuro ko ang isang nasa dulo at medyo malayo sa kaonting taong naroon. Malapit
iyon sa shore at tahimik.

�Alright.� Aniya at naglakad kami patungo doon.

Pagkapasok niya ay sumunod ako. Maganda nga ang tanawin galing dito. Hindi ako
nagkakamali. Kitang kita ko �yong mga
alon na tinutukoy ni Hendrix kanina na nasa gitna ng dagat. May isang bangka sa
gitna doon na hindi gumagalaw at may
dalawang surfers akong nakikitang nangahas na mag surf doon. I don�t know if this
is a hobby or they are training
for a competition. Cool but very dangerous.

Umupo si Elijah sa harap ng dagat. Hindi naman ako sigurado kung tama bang tumabi
ako sa kanya kaya umupo ako sa
kabilang banda.

Ngumuso siya. �Do I have to put you on my lap, Klare?� Nagbabanta ang kanyang tono.

�I�m sorry.� Sabi ko at kahit naiilang ay umupo sa tabi niya.

Humilig siya nang umupo ako. Tahimik kaming dalawa ng ilang sandali bago siya
nagsalita.

Nagulat ako nang bahagya niya akong hinarap. Ramdam ko ang init ng katawan niya.
Hindi ko maidiretso ang tingin ko
sa katawan niyang may makahulugang mga tattoo.

�I�m sorry about the video.� Aniya.

Nilingon ko siya at nakita ko kung paano niya pinaglaruan ang labi niya. �I�m sorry
din kung agad akong nag
conclude. Akala ko lang talaga. Kasi nakita ko �yong post na nag dinner kayo at the
same time nong nakita ko �yong
video na �yon. You two have same clothes...�

�Hindi �yon pareho. Dark blue ang suot ko non, and it was dark so you thought it
was black. That video is old. �Nong
nasa U.S. pa ako.�

Natahimik ako nang naalala ko ulit ang laman ng video. I know he explained it
already but it still hurts. Siguro ay
dahil nakangiti siya at mukhang wala siya sa sarili niya habang hinahalikan si
Selena. It�s like he�s drunk of her
kisses. I want him to feel that with me that�s why I�m jealous. Ngayon ay parang
sinampal sa akin ang katotohanan na
ilang babae na ang naranasan niya. It made me both curious and insecure. Naiisip ko
na baka magkulang ako sa kanya.
Uminit ang pisngi ko at hindi ko na siya matignan.

�Hindi ko alam na magkikita kami ni Selena sa restaurant na kinainan namin ni Ate


Yasmin sa Eastwood. We�re meeting
Knoxx there. Spike�s with his dad kaya wala siya don.�

Hinawakan niya ang kamay ko at pinaglaruan ang daliri ko. Halos mapapikit ako. God,
I miss his touch!

�Nagulat kami ni Ate Yasmin na nandon siya. She said she�ll eat alone. Aalis na
siya patungong New York. So... we
let her dine with us. I was about to tell you that but she told me that her Ahma
wants you to date this Chinese guy.
I admit it, I was kind of pissed when I heard that. Lalo na nong nalaman ko na
�nong birthday mo pa pala �yon. That
was, baby, ages ago and you didn�t tell me?�

�Elijah, kasi alam ko na maiisip mo na naman na may masamang binabalak si Ama.


Hindi niya naman ako pinipilit.�

Tumikhim siya.

�She�s suggesting it but she didn�t force us. May girlfriend din si Gavin and he�s
not interested in me.�

�Baby, you always think on the bright side. Your Ama didn�t force you, yes, maybe
she didn�t but you should have
told me still. Gavin�s not interested, I wasn�t interested on you, baby. Not even
slightly interested on you when we
were in high school.�

Ngumuso ako at tiningnan ang mga daliri namin.

�Gusto kong malaman mo na lahat ay posible. For our relationship to work, we need
to be honest to each other. Sorry
dahil hindi ko sinabi sa�yo agad that night. That was because I was pissed that you
didn�t even tell me. I have no
fucking clue what�s going on. I�m sick of being clueless. I don�t know what�s
inside your head and I�m scared shit
that you�re thinking of dropping me for your something more important.�

Inangat ko ang tingin ko sa kanya at kita ko sa mga mata niya ang pag aalala at
takot. Elijah Montefalco, ilang
beses kong papangarapin ang mga mata mo. Pag tayong dalawa ang magkakatuluyan, sana
ay makopya ng anak natin ang mga
mata mo. I love you so much and I won�t ever drop you.

spinner.gif

�Elijah, hindi ako ganyan mag isip. I won�t drop you. I won�t even think about
that.� Tinagilid ko ang ulo ko.

�I wish.� Aniya. �Kasi honestly, up until now I�m still stuck reading your moves.
You are still a mystery to me and
I�m afraid you will forever be. You�re like some star I can�t reach. Naging misyon
mo na ba na gawin akong ganito ka
baliw sa�yo, Klare?�

Ngumiti ako. Medyo naging panatag ang loob ko kahit na ramdam ko ang frustration sa
tanong niya.

�And now you�re smiling while I�m here frustrated. God, baby, can you tell me
what�s on your mind sometimes?�

Tumikhim ako. �Sorry kasi di ko sinabi. Ayoko lang din na umuwi ka dito habang
nagpapagaling pa si tito Exel. I�m
sure you�ll fly back the moment-�

�Yes, I will. You can read my mind. Why can�t I read yours?� Nagtaas siya ng kilay.

�Hindi ko alam kung nagsisisi ba talaga ako na di ko �yon sinabi. I just said I
don�t want you to fly back while
tito�s on heart rehab.� Ngumiti ako.

Umiling siya sa akin na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko.

�I got carried away. Nong nakita kong di ka na nagtext ay inisip ko agad na nag
enjoy na kayo ni Selena that night.�
Nag iwas ako ng tingin.

�I enjoyed that night with Knoxx and Ate Yasmin. After downing some hard whiskey, I
passed out. Sinabi ni Knoxx sa
akin na totoo �yong sinabi ni Selena. Azi told him that you dated the chinese guy
and I can�t believe you didn�t
tell me, Klare. I can�t have my girl date another man. Klare, I�m not only bothered
or jealous or scared, I�m
extremely pissed.�

�I was pissed too. Nong nakita ko �yong video niyo na akala ko nangyari talaga sa
gabing iyon. Dinagdagan pa ng
hindi mo pag titext ay inakala ko na talagang tama ang mga hinala ko. You look too
drunk with her kisses, Elijah.
You look happy.�

�Lasing ako sa video na �yon and that�s not because of her kisses. It�s the vodka
or the champagne.� Paliwanag niya.
�I regret that I tried to be happy without you.�

Nagkatitigan kami.

�Ilang beses kong sinubukan iyon. �Yong magpakalayo sa�yo tapos susubukan kong
magpakasaya kahit na alam kong hindi.
I can�t fool myself.�

�Elijah, there�s nothing wrong with trying to be happy without me. You deserve to
be happy that time, pagkatapos
kitang ipagtulakan. I don�t...� Nanginig ang labi ko. �I... I forgive you for that
video. Matagal na �yon.� Bumuhos
ang luha ko at unti unting nanuot sa aking dibdib ang sakit na naramdaman ko noong
unang beses ko iyong nakita. This
is the last time I will feel this pain. Now, I�m letting go.

Humigpit ang hawak ni Elijah sa kamay ko at pinunasan niya ang lumandas kong luha.

�I don�t mind if you tried to be happy. I don�t mind if you got drunk, kissed other
girls, and smiled without me.
You deserve to be truly happy at pasensya na sa sakit na dinulot ko sa�yo noon...�

�Shh...� Inangat niya ang baba ko, humuhupa na ang aking luha at kaonting hikbi ang
pinapakawalan ko sa bawat pag
hinga. �I deserved that pain, Klare. I deserve it. Kakayanin ko kahit ano pa �yan,
makuha lang kita.�

Hinawakan ko ang kamay niyang humahaplos sa pisngi ko. Bumaba ang titig niya sa
aking labi. Pa angat baba sa aking
mata at labi ang tingin niya. Natigil ako sa pag hikbi.

�I�m afraid that you slapped me that night because you�re disgusted of my lips.
Sabi mo sa akin, I shouldn�t dare
kiss you again.� Aniya.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang kamay niyang naglalaro ulit sa aking mga
daliri. Damn, Elijah!
Kabanata 46

Hindi Makahinga

Tahimik kami sa cottage. Hindi ko siya matingnan dahil alam kong nasakin ang buong
atensyon niya. I want to kiss
you, Elijah, but I'm afraid I won't stop if I did.

"Sorry sa sampal ko." Marahan kong sinabi.

"Hmmm. I deserved that." Bulong niya habang hinihilig ang kanyang ulo sa akin at
mas lalong hinigpitan ang kapit sa
aking baywang. "I'm sorry if I find you smoking hot when you're jealous and angry."

Nilingon ko siya at nag taas ako ng kilay. Ngumiti lang siya at nilagay niya
pabalik ang kanyang ulo sa aking leeg,
slightly kissing my nape. "Every nerve on my body might be mad or numb that time
but I still crave for you."

I want to be always close to him. I want to feel his touch, his skin, his breath
always. Natahimik ako at kinuha ko
ang kamay niya. Nanatili ang kanyang paghinga sa aking leeg. Tumindig ang balahibo
ko sa bawat pag galaw niya. Para
mailihis ko ang aking atensyon sa aking leeg ay pinaglaruan ko ang daliri niya.

"Where are you staying?" Tanong ni Elijah.

"Hmmm. Island Dream Resort? It's just in General Luna." Sabi ko.

"Hindi ka ba pwedeng hiramin sa papa mo ng kahit saglit? I missed you a lot." He


murmured against my neck.

May umilaw sa utak ko. Naalala ko 'yong sinabi ni papa na sundin ko ang puso ko.
Paniguradong papayag siya pag
magtatanong ako sa kanya kung pwede ba akong sumama kina Elijah kahit saglit. Kaya
lang ay baka hadlangan lang kami
ni Ama.

"Sasama ako sa inyo sa Hotel, ayos lang ba?" Tanong ko.

Umayos siya sa pagkakaupo at hinarap ako ng maayos. Kumunot ang noo niya, hindi
makapaniwala.

"Really?"

Tumango ako. "I'll ask Hendrix. Tatawagan ko rin si papa na uuwi lang ako before
midnight or something sa hotel
namin. Tomorrow, we might pack up and leave Siargao. Hindi ko alam kung mag tatagal
pa ba kami sa Surigao. Siguro ay
hindi na kasi kailangan na naming umuwi for Ama's birthday. She wants to celebrate
it on Cagayan de Oro."

Tumango ako. "Hindi ka ba papagalitan?"

Umiling ako kahit na alam kong papagalitan ako ni Ama. I don't know if she's
accepted everything about me. Sana nga
ay ganon. Sana nga ay gusto niya lang talagang iba 'yong mahalin ko pero
rerespetuin niya naman ang magiging
desisyon ko.
"Okay, baby. Let's ask your brothers. I can... uhm... drive you back to your hotel
later tonight kung kailangan na."

Nilingon ko ang aming bangka at nakita kong palapit na doon ang mga kapatid ko.
Nakita kong nag usap si Gavin at
Hendrix at itinuro ni Gavin ang cottage namin. Tumayo agad ako.

"Elijah, nandon na ang mga pinsan ko. Baka pupunta na kami sa huling isla. "

Tumayo rin siya at tumikhim, hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Okay. You
leave first?" Aniya.

Nilingon ko siya at umiling ako. "No, we'll walk together."

Nakita ko ang pagtataka sa mga mata niya pero kahit na ganon ay sinunod niya parin
ang gusto ko. Naglakad kami
pabalik sa bangka. Hindi man sobrang lapit sa isa't isa ay nakita ko na ang
panlalaki ng mata ni Hendrix. Sa likod
niya ay nagtatawanan ang mga pinsan kong Ty. Ang mga Montefalco naman ay nasa likod
na rin at mukhang pabalik na sa
bangka nila.

"W-We're leaving. Naked Island na tayo, Klare." Ani Hendrix.

Nakita kong nanatili ang tingin ng mga pinsan ko sa amin ni Elijah. Tiningnan ko
rin sila pabalik. Sinalubong ni Azi
at Rafael si Elijah sa likod ko at nag kwento agad tungkol sa nangyari kanina
habang nag su-surfing sila.

Tumango ako kay Hendrix. "Rix, gusto ko sanang sumama kina Elijah sa hotel nila
pagkarating natin sa General Luna."

Nagkasalubong ang kilay niya. "We'll ask dad."

"I'll call him later. I just want your opinion." Sabi ko.

"You'll get caught. That's my opinion."

Tumango ulit ako. "I don't care."

Tinitigan niya ako. Kung hindi ko tinagilid ang ulo ko ay siguro tumunganga na siya
sa akin.
"Kung si dad lang ang tatanungin natin, I'm sure papayag siya. He likes Elijah for
you, if that isn't obvious...
Klare, pero pag si Ama. We better not ask Ama or tell dad na dapat ay hindi 'yon
malaman ni Ama. And we should take
Pierre and Gavin with us. We'll tell them... damn... We'll tell dad to lie for us.
Tell them we're going to the
Paseo."
Ngumuso ako. "I don't want to lie anymore."

I am sick of lies, secrets, and pretensions. I have to face this. Para matapos na
ang lahat.

"I know you're sure about this, Klare..." Hinila niya ako palayo don at mas lalong
humina ang boses niya.

Nakita kong nilingon kami ni Elijah sa pagtataka at ang mga pinsan kong Ty at mga
kapatid ni Gavin ay sumakay na sa
bangka, naghihintay sa amin.

"They will find out eventually. I give them 12 hours. I swear Ama's gonna find out
about this."

"Alam niya ang tungkol dito. Rix, ayaw niya lang tanggapin. She wants me to be with
Gavin. I don't want Gavin. And
she knows I'm into Elijah."

"Hindi niya alam na nandito sina Elijah. Our cousins know, though. If we won't lie
right now, we'll screw your plan
up. Baka hindi ka na makapunta ng hotel nila ng matiwasay. We need to plan this
out. I know wala ka ng pakealam kung
malaman ito ni Ama but we need to stall them for a while. Paniguradong isa sa mga
pinsan natin ang magtatanong kay
Ama at magdududa na siya. Expect that by the time we're back in our hotel, alam na
ni Ama. So we're not going to
lie, we're going to delay what's bound to happen. Delay it so you'll be free just
for this night. Do you
understand?"

Tumango ako at huminga ng malalim.

"Let's go..." Ani Hendrix at umakyat sa bangka ng walang kahirap hirap. Naglahad
agad siya ng kamay sa akin.

Nilingon ko muna ang mga Montefalco bago ko tinanggap ang kamay niya at umakyat na
ulit. My eyes lingered on Elijah
until the boat went full speed.
Iyon lang ang naging tanging laman ng isip ko pagkarating ng Naked Island. Maliit
ang islang iyon, walang tao,
walang halaman. Ang tanging naroon ay puting buhangin at kami na panay ang kuha ng
picture. Hindi kami nagtagal
doon. Sumakay kami sa bangka at umuwi na sa General Luna.

Alas kuwatro pa lang at atat na akong makatapak sa boardwalk at matawagan si papa.


Kaya naman kahit palapit pa lang
kami sa tabing dagat ng General Luna ay tiningnan ko na ang cellphone ko.

"So what happens to us?" Nagtaas ng kilay si Pierre kay Hendrix.

"The plan is... iuuwi natin silang lahat. Hindi na tayo papasok ng hotel. Sabihin
lang nating mamamasyal tayo sa
Paseo. They're tired." Sabay tingin ni Hendrix sa natutulog na si Cristine at
Princess. "They won't go with us.
Ikaw, ako, si Klare, at Gavin, isasama natin sa Buddha Hotel, where the Montefalcos
are."

Nilingon ni Pierre ang walang kamuwang muwang na si Gavin, inaantok din.

"We have to bring him para hindi magduda si Ama." Paliwanag ni Hendrix.

Kaya nang nakatapak na kami sa buhangin ng General Luna at nagpahayag ang mga
pinsan ko ng pagod ay agad tinugon ni
Hendrix ang pagkuha pabalik ng sasakyan namin para makauwi na.

Pagkatapos kong magbihis ng shorts at nong tee shirt ni Elijah ay naging abala
naman ako sa pagda-dial kay papa para
makapag paalam. Narinig ko ang ingay sa kabilang linya ng sinagot niya ako. Mukhang
nag vi-videoke sila at
nagkakatuwaan.

"Pa," Sabi ko.

"Klare," Kakagaling niya sa tawa.

"Pa, pwede bang pumunta kami ni Pierre, Hendrix, at Gavin sa Buddha Hotel mamaya?"
Tanong ko.

"Where's that?"

"It's in General Luna. Near our hotel. Not very far from here. Kasi... nandito ang
mga pinsan ko."

Hindi siya agad nagsalita. "The Montefalcos?"


"Yes." Sagot ko.

"Just your cousins? Your mum here?" He asked.

"Nope. Just my cousins. And uhm... can you please keep this? Baka kasi magalit si
Ama." Sabi ko.

"Nandyan ba si Hendrix?"

"Yes, po." Sabay tingin ko sa kay Hendrix na ngayon ay naghihintay na sa loob ng


sasakyan.

"Give the phone to him, please." Aniya.

Sinunod ko ang sinabi ni papa. Sumakay na rin ako sa van. Driver ang nag drive
pauwi sa Island Dream Hotel. Si
Pierre ay panay ang pakikipag usap kay Gavin tungkol yata sa mangyayari kasi
madalas ang titig ni Gavin sa akin.

Binigay ni Hendrix sa akin ang phone at wala siyang anumang sinabi. Hindi ko alam
kung pinayagan ba ako o hindi
dahil patay na ang linya. Nang nakarating kami sa Hotel ay naging abala si Hendrix
sa pakikipag usap sa driver at sa
body guards. Si Pierre naman ang nagsasabi na gusto niyag pumasyal sa Paseo kasama
si Gavin na parehong ganon din
ang sinabi.

"Hindi ba kayo napapagod?" Tanong ni Princess. "Ay bahala nga kayo! I want to
sleep. Kahit isang oras lang."

Nagmadali silang umalis sa van. Bumaba din ako ngunit hindi sumunod sa hotel.
Hinintay ko lang ang Go signal ni
Hendrix nang nag dala siya ng isang driver/bodyguard tsaka bumalik sa loob ng van.

"Let's go to Buddha Hotel." Ani Hendrix at agad binuhay ang stereo ng van.

Ngumiti ako at kinalma ang sariling nagwawala sa sa excitement! I'll see my cousins
now!

Hindi kalayuan ang Buddha Hotel doon kaya ilang sandali ay nakarating na kami. Kita
ko ang Trailblazer ni Elijah sa
parking lot at nakikinita ko rin ang mga pinsan kong kakapasok lang sa hotel.
Kakarating lang yata nila. Maingay
sila at nagtatawanan.
"For our last night? Bon fire!" Narinig kong sigaw ni Chanel.

"Grabe ang mga pinsan mo, Klare. Di ba sila napapagod?" Tanong ni Gavin.

Ngumiti ako at mabilis na naglakad patungo sa magandang tanawin ng mga villas ng


Buddha. May mga palamuting Buddha
sa tanggapan at pati na rin sa bawat villas ng hotel. Kaharap ng mga villa ang
magandang tanawin ng dagat. Hindi ito
kalayuan sa Cloud 9 at kita ang boardwalk mula rito.

May duyan kung saan humiga agad si Azi at umupo naman si Claudette sa kanyang
gilid. Naglatag din ng malaking mat si
Erin sa bermuda ng front yard ng mismong villa.

Nilingon ko si Hendrix na kakababa lang sa kanyang cellphone. Ngumiti ako, tumango


naman siya. Pagkalingon ko ulit
sa kay Erin na nakaupo sa mat ay tumili na siya. Nakatingin siya sa kanyang
cellphone at luminga agad sa paligid.
Tumayo siya at sinalubong ako.

"You'll stay for the night? I knew it!" Sigaw ni Erin sa akin.

Pumikit ako sa pagtalon talon niya at pagyakap niya sa akin.

"Yehey!" Sigaw ni Azi at tumayo rin para salubungin kami.

Nakita kong lumipat ang tingin ni Claudette kay Gavin. Nagtataka siguro siya kung
bakit namin siya sinama. Narinig
ng ibang nasa loob ng villa ang ingay kaya nagsilabasan si Spike, Maxwell, at
Josiah para salubungin kami.

"Elijah Montefalco, kunin mo 'yong katabing villa para sa inyo ni Klare!"


Humagalpak si Erin habang sinisigawan ang
villa.

Nakita kong lumabas si Elijah villa. Naka grey v neck tee shirt na siya at itim na
shorts na may markang initials ng
brand, UA. Ngumuso ako nang nagkatinginan kami.

"May limitations ako." Malamig na sinabi ni Hendrix. "We're not staying for this
night. Uuwi kami later. We can't
stay." Aniya sabay tingin kay Erin.

Nagkibit balikat si Erin at nagawa pang bumulong, "KJ."


Kaya inubos namin ang halos kalahating oras sa pakikipag usap at sa mga plano
nilang pagkatapos ng dinner ay gagawa
sila ng bonfire mismo sa tapat ng kanilang villa. Pagkatapos naming mag usap lahat
ay iba iba na ang plano nila.

Kita ko si Azi na sinusubukang umakyat sa puno ng niyog habang binabayaran ni


Rafael ang caretaker doon.

"Piece of shits, don kayo sa malayo mag kalat!" Sabay turo ni Josiah sa mas
malayong puno ng niyog na maraming
bunga.

"Oo nga no?" Nangingising liwanag ang sumilay sa mukha ni Azrael at sabay pa silang
pumanhik doon ni Rafael. Kahit
na minura ni Josiah ay nagawa niya paring sumama sa kanila. Ganon din ang ginawa ni
Chanel.

Umiling si Spike na nagpaalam para pumuntang restaurant at pumili ng pagkain namin


mamayang gabi. He asked for
Claudette so they went together.

Si Erin naman ay hindi tinantanan ang snorkelling kaya hayun at nagtatakbo silang
dalawa ni Maxwell patungong dagat.
Nagustuhan ni Gavin ang ideya kaya ganon din ang ginawa niya.

Si Hendrix naman ay nagpaalam dahil gustong mag lakad lakad sa seashore. Paglingon
ko sa likod, inisip kong nandon
si Pierre ay wala na siya. Everyone's busy with something and I'm left yet again
with Elijah.

"Hindi ka pinagalitan?" Tanong niya nang umupo sa duyan.

Iminuwestra niya ang likod ng duyan. He wants me to lay there. Uminit ang pisngi ko
at nagkunwaring tinitingnan ang
nag o-orange na langit dahil sa pag amba ng paglubog ng araw.

"Nope. Si papa lang ang tinanong ko. At wala rin naman akong pakealam kung
papagalitan ako ni Ama. I just hope hindi
niya isasali si Pierre, Hendrix at Gavin." Sabi ko habang humihiga.

Tinitingala ko na siya pagkat nakaupo siya sa tabi ko, pinapanood ang pagsasalita
ko.

"Wala kang pakealam?" Nagtaas siya ng kilay.

"I mean... she knows about us. Ayaw niya lang tanggapin, Elijah. This news won't
shock her anymore. I don't care."
Tiningnan ko ang mga daliri ko.

Tumayo siya at biglang humiga na rin sa gilid ko. Tumawa pa ako nang ipinagsiksikan
niya ang sarili niya.

"Elijah, that's what you get. You work out too much." Sabi ko.

"I don't work out too much. I work out when I'm bored. Imagine ilang beses akong na
bored sa Manila?"

Hinawakan niya ang likod ko para makahilig siya ng maayos sa duyan. Pinakawalan
niya lang ako nang maayos na ang
pagkakaupo niya at bahagyang nakahilig na ako sa kanyang dibdib.

Papalubog na ang araw at halos pumikit ako. I will never ever forget how this
feels. 'Yong kami lang ni Elijah sa
isang napakagandang araw.

"Baby, I missed you." Bulong niya.

"I missed you too." Pabulong ko ring sinabi.

Nilagay niya ang kanyang baba sa aking balikat. Kung lilingunin ko siya ay
mahahalikan niya na ako.

"Where's my infinity anklet? Or the hairpin? Or the earrings, Klare?" Bulong niya,
halos manindig ang balahibo ko.

"Left it at home. I got pissed so..." Kinagat ko ang labi ko.

"Ouch." He chuckled.

Tumindig ang balahibo ko sa halakhak niya. Pinagsalikop niya ang mga daliri naming
dalawa. Ang isang kamay ay
namalagi sa aking tiyan. Wala akong ginawa kundi ang tumitig sa galaw ng kanyang
kamay. Damn, Elijah. This is why
the girls are crazy about you. You know your moves too damn well!

Inamoy niya ang aking buhok. He kissed my nape too! Mas lalo lang akong nanigas
doon.

"You smell good, baby Klare." He murmured.

Ngumiti ako. I like 'baby' damn much. "Elijah, can we kiss?" Nilingon ko siya.

Tumigil siya sa pag amoy sa akin at nagtaas siya ng kilay, natatawa. Uminit ang
pisngi ko at gusto ko na lang
tumakbo sa tanong ko.

"You don't have to ask for it like that..." Humalakhak siya.

Pumikit ako ng mariin sa kahihiyan at binitiwan ko ang kamay niyang nakahawak sa


akin. I want to run. But since, I
can't then just let me cover my face, Elijah. Pinigilan niya ang kamay kong
itatakip ko na sana sa aking mukha.

Tumawa siya. "No, you don't cover your face, Klare..."

"Nakakainis ka..." Paniguradong kasing pula na ng kamatis ang pisngi ko.

Tuwang tuwa siya at hindi niya hinayaang matabunan ko ang mukha ko kaya panay ang
layo niya sa kamay ko.

Hinawakan niya ang pulso ko habang umiiling ako sa kahihiyan dahil sa patuloy
niyang pagtawa.

Ang isang kamay niya ay hinawakan ang aking baba at hinila patungo sa kanya.
Hinalikan niya ng mararahan na halik
ang aking labi. Nanghina ang mga kamay ko kaya unti unti itong bumaba.

His lips are soft and tender. 'Yong parang kinikiliti ka sa bawat paghalik.
Namumungay ang aking mga mata nang
sinubukan kong dumilat para makita siya. Nakapikit siya at bakas sa kanyang mukha
ang ngiti.
"I was begging for this kiss, baby. You don't have to ask." Bulong niya at mas
lalong naging mababaw ang kanyang
halik na para bang titigil na siya.

Dumilat ako nang tumigil siya at hinilig niya ang kanyang ulo sa aking pisngi.

"I want to kiss you some more but, fuck, we're here. Ayokong makita nila 'yong
mukha mong hindi makahinga sa halik
ko."

Oh, I want to kiss some more, Elijah.

Kabanata 47

Closed Forever

Pagkatapos naming kumain ay sinindihan na nila 'yong bonfire na ginawa at doon na


kami tumambay sa labas. Pakiramdam
ko ay panaginip ang lahat ng ito. Ang makasama ang mga pinsan ko, mga kapatid ko,
at si Elijah ng sabay at walang
takot ay sobrang saya.

"Cheers!" Sigaw ni Chanel at itinaas ang plastic cup niya.

Hinawakan niya ang braso ni Rafael para itaas niya rin ang kanya. Ganon din ang
ginawa ng iba kong pinsan kaya
habang sinasalinan ako ni Erin non ay tinaas ko na rin ang plastic cup ko.

"We'll stay together no matter what. Walang makakatibag sa ating lahat!" Ani Chanel
ng nakapikit.

"Cheers!" Natatawa at sabay na sinabi ni Azi, Josiah, at Spike at sabay naming


ininom ang aming shots.

Pumikit ako nang naramdaman kong bumaba ito sa lalamunan ko. Inakbayan agad ako ni
Elijah at hinalikan sa ulo. This
is where I truly belong. Wala na akong mahihiling pa. Alam kong marami pa ring
problema pero para sa akin ay sapat
na ang nangyayaring ito para maging masaya ako at makontento.
"Turn it on!" Sabi ni Chanel at agad ng tumayo para sumayaw sa techno na narinig
namin sa iPhone ni Rafael.

Nakita kong umiling si Gavin at isinantabi ang gitarang dala na mukhang hiniram
nila sa reception kanina.
Nagkatinginan kami at ngumiti ako sa kanya. My cousins are kind of loud. Hindi sila
makokontento sa tahimik na
music.

Ginulo ni Erin ang buhok ko at tinayo niya ako para makapagsayaw na rin sa techno
music na pamilyar sa akin. Muntik
ng natapon ang nasa loob ng aking plastic cup. Nagtawanan kami lalo na nang niyakap
ako ni Erin at nag grind siya sa
akin.

"That's some serious bullshit." Ani Azi na sumasabay na rin sa kanta.

"Come on, Klare. Dance with me. You are a good dancer!" Halakhak ni Erin ang
umalingawngaw sa aking tainga.

Humiyaw sila nang pinatulan ko ang grind ni Erin. Narinig ko pang pumalakpak si
Rafael.

"Tawanan muna tayo. Nag text si Julia sa akin, release ng grades bukas.
Makakagraduate kaya ako? I think I failed
one of my exams." Hagikhik niya sa tainga ko.

"Hindi yata tayo makakaabot?" Nagtaas ako ng kilay sa kanya habang iniisip kong
hindi namin makukuha ang grades
namin bukas dahil ilang oras ang byahe pabalik ng Cagayan de Oro.

"Yup. Morning of Saturday pa siguro natin makukuha. Sabay tayo? God, I'm scared!"
Ani Erin.

Bago pa siya makapagsalita ay may humila sa kanya kaya natapon 'yong alak sa loob
ng kanyang plastic cup. Nakita
kong si Maxwell ang humila sa kanya. Tumawa siya at sinayaw pati si Spike.

Nagtatalunan na ang mga pinsan ko kasabay sa music. It's like some mini party.
Kabado din ako sa grades ko pero
kinalimutan ko iyon pansamantala.

Nagulat ako nang may biglang sumayaw sa likod ko. Ngumiti ako sa pag aakalang si
Elijah pero nang narinig ko na
nagmura siya sa likod ay nilingon ko kaagad ang natatawang si Azrael na sumasayaw
pala don.

"Find your girl and stop dancing with mine!" Ani Elijah sabay tulak kay Azi na
natatawa.

Kunot naman ang noo ni Elijah habang hinahawakan ang kamay ko.

"Hinayaan mo, e." Humagalpak na naman siya.

"That's what you should do. Set her free sometimes, di 'yong sinasakal."

"OW! OUCH!" Sigaw at sabay sabay na tawanan nina Josiah, Rafael, at Spike. Nakita
kong kumunot ang noo ni Azi.
Tinapik ng mga pinsan kong lalaki ang balikat niya at mas lalo silang nagtawanan.

Hinarap ako ni Elijah sa kanya at nilagay niya ang kamay ko sa kanyang balikat.
Nong umingay ulit ang music ay nag
sayawan ulit sila. Hinilig ni Elijah ang kanyang noo sa aking noo at marahan kaming
nag sayaw kahit na maingay at
mabilis ang music.

"Woooh!" Sigaw ni Rafael nang lumipad ang cork at bumuhos ang bubbles sa champagne
na dala niya kanina.

Tumawa kaming dalawa ni Elijah habang pinapanood sila. Pagkabalik ko ng tingin ko


kay Elijah ay nakita kong
nakatingin na ang mga mata niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya.

"I've never been this happy." Aniya.

Hindi ko maintindihan kung bakit tumibok ng mabilis ang puso ko. Pareho kami ng
nararamdaman. This is the best days
of my life. Masaya ako noon nang minahal ko si Elijah pero ibang klaseng kasiyahan
ang mahalin siya ng walang
pangamba.

Mas lalo akong lumapit sa kanya at halos yakapin ko na ang leeg niya. I love him so
much. Ngumuso siya at medyo
nagulat sa ginawa ko.

"I've never been this happy either." Sabi ko at ngumiti.

"You're too cute." Kinagat niya ang kanyang labi.

Tinagilid ko ang ulo ko at inenjoy ang tanawin ng kanyang mga mata.


Naramdaman kong pinulupot niya ang kanyang braso sa aking baywang. Halos iangat
niya ako para mahalikan ng marahan
ang aking labi.

Kumalabog ang puso ko lalo na nang narinig kong nag ubuhan ang mga pinsan ko.
Pumikit na lang ako. I don't care.

"Picture-an mo, Dette." Hagalpak ni Erin.

"Klare..." Narinig kong nalulunod na tawag ni Hendrix.

"Hayaan mo nga! Tss!" Iritadong sinabi ni Erin.

Ngumiti si Elijah at nilagay niya ako sa kanyang dibdib. I'm content with what I
have and I won't wish for anything
anymore. Hindi ko alam na magiging posible pala ito sa buhay ng mga tao. Madalas ay
lagi tayong nangangarap ng 'mas'
sa kung anong meron tayo. But I swear if you have Elijah Montefalco on your side,
you'll be content.

"We'll see each other in Surigao?" Nagtaas ng kilay si Elijah habang hinihintay
kami ng driver na matapos sa pag
uusap.

Uuwi na kami. It's midnight and papa's already worried.

"Hmmm... Maybe." Sabi ko.

Kinalabit niya ang ilong ko at tumingin sa likod ko. Alam kong nakatingin si Pierre
at Gavin sa amin.

"Bye..." Sabi ko kay Elijah.

"Goodbye, baby..." Ngiti niya habang tumatakbo ng konti ang sasakyan.

Nag jog pa siya para sundan ito habang kumakaway naman ako sa kanya para magpaalam.
Hindi niya ito naabutan kaya
tumigil siya na hinihingal. Huminga ako ng malalim nang nawala na siya sa aking
paningin.
"Okay lang mapagalitan, diba Klare?" Nagtaas ng kilay si Hendrix nang nilingon niya
ako.

Tumango ako ng nakangiti. Ayos lang!

Inakbayan ako ni Pierre at nilagay niya ako sa kanyang dibdib. Tumingala ako sa
kanya at nagtaka sa ginaa niya. Kita
kong nakatingin siya sa kawalan.

"You are so happy with him." Aniya.

Nagkatinginan kami ni Gavin na ngumiti lang sa akin. Ngumiti ako pabalik at pinikit
ko ang mga mata para umidlip.

Pagkarating namin sa aming hotel ay naabutan namin si papa at ang daddy ni Gavin na
nag uusap sa may tanggapan.
Nakita kong may iniinom silang alak doon. Tumayo agad ang daddy ni Gavin nang
nakitang parating kami. Agad tumabi si
Gavin sa akin.

"Where have you been?" Sigaw ng daddy ni Gavin na siyang nagpagulat sa akin.

"Hayaan mo na ang mga bata..." Marahang sinabi ni papa ngunit nalunod ito sa sigaw
ng dad ni Gavin.

"Paano kung anong nangyari sa inyo ni Klare? Hindi tayo tagarito!" Nakapamaywang
agad ang daddy ni Gavin na medyo
pula na sa ininom ng alak.

"Tito, it's my fault. Ako nag dala sa kanila. I am responsible-"

"No, kung gusto ni Gavin makipag date kay Klare, you can both go to the shore and
be there alone! Why do you have to
go somewhere far and this late?"

Nilingon ko si Gavin at nanlaki ang mga mata ko. Sinabi niya ba sa daddy niya na
mag didate kami? Nakayuko lang si
Gavin at walang sinabi.

"Tito, ako po 'yong nag yaya." Singit ko.

"Come here, Gav. We'll talk." Binalewala ng kanyang daddy ang aking sinabi at
humakbang na palayo sa amin.

Nilingon ko si Pierre na nakatingin sa kanan kung nasaan nakatayo ang naka robe na
si Ama. Nakahalukipkip siya at
matalim ang titig sa akin.

"Mama, dapat ay tulog ka na." Mariing sinabi ni papa at sinalubong si Ama.

"I couldn't sleep when your sons are still up somewhere, Ricardo." Hindi niya
tinanggal ang titig niya sa akin.

Tinitigan ko siya pabalil. Nilingon ako ni Hendrix bago siya humakbang patungo kay
Ama. Hinawakan niya ang
magkabilang braso ni Ama. "Ama, that's sweet but you need to rest. Come on,
ihahatid kita sa kwarto." Suyo niya.

"No, I want to talk to Klare first." Kumawala siya sa hawak ni Hendrix at naglakad
palapit sa akin, nilalagpasan si
papa.

"Mama, it's late. Hindi ba 'yan makakapaghintay?" Tanong ni papa.

"It's a short talk, Ricardo. Can you please leave us? I want to talk to her alone."
Nilingon ni Ama ang aking mga
kapatid at si papa.

"Whatever you want to say to her, we want to hear it too." Ani Hendrix.

Kita kong iritado na si Ama kay Hendrix kaya sumingit ako. Ayos lang, Rix. "No,
it's okay. May sasabihin lang si
Ama. You can leave..." Sabay tingin ko sa kanila.

Humakbang si Pierre at hinila si Hendrix palayo. Nanatili ang tingin ni Hendrix sa


akin habang naglalakad palayo. Si
papa ay ngumiti pa bago tuluyang umalis.

Naglakad din si Ama palayo sa tanggapan at dumiretso siya sa labas, kung saan
maririnig mo ang alon ng dagat na
nakaharap sa Pacific Ocean. Umihip ang malamig na hangin at sumunod ako sa kanya.

"Gavin's scolded by his dad..." Panimula ni Ama bago siya bumaling sa akin. "His
dad is angry. Ricardo is worried.
Your brothers lie to me. All because of you..."

Umawang ang bibig ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang magsalita. Alam
niya ang tungkol kay Elijah. Hendrix
was right!

"Selena's hurt. Your tito Exel got sick. Your mom and dad's problematic. Your tito
and tita's all have a bad
reputation. It's all because of you..."

Natatakot akong pag sisimulan ko ang pagasalita ay mawawalan ako ng respeto sa


aking Ama kaya itinago ko sa aking
sarili ang mga iniisip ko.

"Klare, these are the casualties of the war you started. Is it really that worth
fighting for?" Mariin at galit ang
kanyang boses nang sinabi niya iyon.

"Ama, sorry kung marami akong nasagasaang tao. Sorry kung marami akong nasaktan.
But I guess I won't make it out of
this life without hurting anyone..."

"Is that your principle? Is that what all of these taught you?" Umiling siya. "How
crooked your mind can be? You let
your instincts rule you just like Ricardo... just like your mother, Helena. You
don't use your head." Nanginig siya
nang diniinan ang huling salita. "It's disappointing. Very disappointing." Aniya at
umalis na.

Tumango ako at pumikit. My whole existense is disappointing. It's disappointing


that I was even born. Elijah made me
feel special. Siya 'yong nagparamdam sa akin na masaya ang lahat pag nandyan ako.
And I will fight for that. No
one's going to lose if you fight for what you love. I am not gonna lose this.

Sa gabing iyon ay wala akong ginawa kundi ang sabihin kay Elijah na napagalitan ako
ng kaonti. I don't care. I don't
care anymore.

Kinabukasan ay nagising ako na naghahanda na ang lahat sa pag alis namin. Normal
naman si Ama. Hindi niya nga lang
ako pinapansin. Medyo lumala nga lang ang trato ng mga pinsan ko sa akin at maging
nina Tita Luisa at Tita Tania.

Tahimik din si Gavin at katabi ko parin. Nanonood ang kanyang daddy sa amin sa
bawat galaw namin. Kahit nang sumakay
na kami ng barko at nakarating ng Surigao ay ganon parin.

"We'll go straight to Cagayan de Oro. Your Ama wants to rest. Tomorrow's her
birthday. Nagpaplano kami ng mga tita
niyo na susurpresahin." Ani papa kay Hendrix nang kumain kami bago bumyahe pabalik
ng Cagayan de Oro.

Nang nasa loob na kami ng Van at tatlumpung minuto pa lang ang byahe ay nagsimulang
magsalita ng masama ang mga
pinsan ko sa likod.
"Ang bait talaga ni Selena, hindi niya man lang sinumpa 'yong mga nanakit sa
kanya." Kahit naka earphones ay narinig
ko iyon.

Nagkatinginan kami ni Gavin. Mukhang nakuha niya rin ang pinaparating ng mga pinsan
ko.

"Kung ako si Selena, sinabunutan ko na 'yong mang aagaw. Nakakadiri pa. Pumapatol
sa kadugo. First degree and they
grew up together." Anang pinsan ko.

"Baka naman kasi alam niyang hindi sila kadugo?" Pabulong na tanong ni Princess.

Nilingon ni Gavin ang kanyang kapatid. Nagtataka siguro kung bakit nakikisali sa
usapan ng mga babae kong pinsan.

"Alam niya no. Lumaki silang ganon. Kadiri talaga. Hindi pa nakuntento.
Pinagpatuloy parin kahit maraming ayaw.
Spoiled bitch." Dinig ko.

Pumikit ako at pinigilan ang sarili pero sa paghinga ko ay kumawala ang mga salita.

"Trix, I'm not spoiled. Sinubukan ko namang kumawala pero..."

Nakita ko ang pag ngiwi ng dalawa kong pinsan at napagtanto kong kahit anong
sabihin ko, kahit anong paliwanag pa
'yan, pag ayaw nila ay talagang ganyan ang ipapakita nila sa akin.
"Klare, ginamit mo ba ang Ahia ko para mapagtakpan kayo nong pinsan mo?" Tanong ni
Princess.

"Cess!" Sigaw ni Gavin. "She didn't!"

"Hey, hey! Tigilan niyo na 'yan!" Ani Hendrix.

"Ahia, why did you let her?" Tanong ni Princess.

Tumunog ang cellphone ko sa isang text. Huminga ako ng malalim at nagdasal na sana
ay tumigil na lang sila sa
pagsasalita. Hindi ko naman hangad ang approval nila. Binuksan ko ang text message
ni Claudette.
Claudette:

Is that your van? Nasa likod kami.

Nilingon ko ang likod ng aming van at naaninag ko ang isang puting Colorado.

"Hindi 'to alam ng lahat ah? Are you sure kaya mo 'yang ipaglaban pag nalaman na ng
lahat? Your friends? The people
around your family? Everyone?" Sarkastikong sinabi ni Princess.

"Klare, wala ka bang awa kay Ama? You don't feel anything for her, do you? You
don't respect her at all!" Narinig
kong sinabi ni Trixie, 'yong pinsan kong ngumingiwi.

Nilingon ko siya at kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. "I care for our Ama. That's
why I'm here. Kung gusto niyang
nandito ako, then nandito ako because I want her to be happy. Hindi ibig sabihin na
dahil sinusuway ko ang gusto
niya ay hindi ko na siya mahal. Family is important to me-"

"Important? God if she was important to you, you don't make her mad!" Tumaas ang
kanyang tono.

"Trix!" Saway ni Champ.

"Rix, stop the car please." Sabi ko.

Gusto ko silang sumbatan na kung importante din ako sa kanila ay hindi nila ako
sasaktan at pangungunahan ng ganito.
But I don't want to be like them... Ayokong may kondisyon ang pagmamahal. I am not
perfect but I want to make it
right as much as possible.

"Stop the car." Ani Hendrix.

"Where are you going?" Nanginig ang boses ni Cristine. "What are you doing?"

Walang imik akong lumabas at nilingon ang mga nakasunod na dalawang sasakyan sa
likod. I figured the white Colorado
was Spike's pick up. Tumigil din sila sa harap ng van namin at sa likod ay
nakasunod ang itim na Trailblazer ni
Elijah.

"Klare! Papagalitan ka ni Ama! Do you want to depress her more? It's her birthday
tomorrow! Wala ka bang utang na
loob?" Sigaw ni Cristine.
Lumabas si Elijah at Azi sa Trailblazer. Nakita kong bumaba ang salamin ng
Colorado. Lumabas din si Hendrix sa front
seat at siya na mismo ang kumuha ng bag ko sa loob ng van namin.

"Are you okay?" Tanong ni Elijah, nasa likod ko na.

Nanghina ako habang pinapanood ang mga galit na mukha ng mga pinsan ko. Umiling si
Champ sa akin at bakas sa kanyang
mukha ang disappointment. Lumabas si Pierre at Gavin. Nakita ko ang galit sa mukha
ni Gavin habang sinasabi ito...

"Let her go! If you all can't shut your mouth then she deserves this!" Ani Gavin at
nilingon ako.

"Ama will hear about this!" Ani Trixie.

"Trix," AnI Hendrix.

"You go, Klare." Ani Pierre at kinuha kay Hendrix ang bag ko para iabot kay Elijah.

Umiling ako. Some minds are closed forever. I know that. Now, I need to accept
that.
Kabanata 48

Take Care of Her

Halos tulog ako buong byahe. Nasa likod ako kasama si Erin at Josiah. Ayaw kasi ni
Elijah na sa front seat ako
sasakay dahil mahaba pa ang byahe.

Nagising ako sa tawanan nina Azi at Josiah at pinasadahan ko ng tingin ang paligid.
Gabi na at nasa Cagayan de Oro
na kami.

"Gutom na ako..." Sabi ni Erin. "This isn't enough." Sabay pakita niya sa pagkaing
binili namin nong nag stop over
kami sa Butuan.

"Kumain muna tayo? Text them, Joss. Let's stop over somewhere near Gateway Tower."
Ani Elijah.
Nagkatinginan kami sa rear view mirror. Narinig ko kaagad ang tikhim ni Elijah bago
nagsalita.

"Good evening, sleepyhead." Malambing niyang sinabi.

Nilingon ako ni Erin at nakita ko ang medyo nagkasalubong niyang kilay at


natatawang ekspresyon. Yeah, right. Uminit
ang pisngi ko. NIlagay ni Azi ang kanyang mga palad sa kanyang ulod at tamad na
bumuga ng hininga, pinipigilan ang
paghagikhik.

"Hindi ka kumain, ah? Want to eat somewhere?" Ani Elijah.

"Uhm... I don't know. Where do you want to go, Erin?" Nilingon ko si Erin.

Naglaro ang isipan ko sa mga Ty. Asan na kaya sila? Mabilis mag maneho si Elijah
kaya sa tingin ko ay naiwan namin
sila. I need to text Pierre or Hendrix.

"I want pizza. Do you think hahanapin ka kaagad?" Tanong ni Erin.

"Ba't di sa Montefalco Building tayo kumain?" Tanong ni Azi.

"Ano ka ba!? Namemerwisyo ka pa kay tita Helena, e. Let's just eat somewhere.
Shakey's, Ej." Ani Erin.

"Ang sabihin mo, planado mo na na doon kumain." Ani Josiah.

Sinapak ni Erin ang kanyang kapatid. Nilingon ko ang mga dumadaang sasakyan sa
highway. Tiningnan ko ang cellphone
ko kung saan may text galing kay Pierre.

Pierre:

Ang bagal. Are you home?

"What do you think about Shakey's, Klare?" Tanong ni Elijah.

"Ayos lang." Sagot ko kaagad at nakitang liliko na kami malapit doon. "Have you
seen the vans?"

"Paalis tayong Butuan, kakarating lang nila at mukhang kumain sila doon." Ani
Elijah.

Tumango ako. "Therefore, they'll be late." Ani Azi.


Nireplyan ko kaagad si Pierre na nasa Cagayan de Oro na ako. Hindi ko nga lang alam
kung saan ako uuwi ngayong gabi.
I don't want to be in Hillsborough. Sa nangyari ay paniguradong babanatan na naman
ako ni Ama. I'm not running from
my problems, gusto ko lang umiwas muna habang sariwa pa ang mga pang iinsulto nila
sa akin.

Pinarada ni Elijah ang sasakyan sa tabi ng nakahilerang mga restaurant malapit sa


Gateway. Lumabas agad si Azi at
pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng Limketkai drive na kitang kita mula roon.
Humilig siya sa sasakyan ni Elijah.
Pumarada sa tabi ron ang Colorado at agad lumabas si Rafael, Claudette, Maxwell, at
Chanel. Huling lumabas si Spike,
kasabay ni Elijah.

"Kain muna tayo." Sabi ni Erin at hinila na si Claudette at Chanel patungo doon.

Humikab ako at nakitang papalapit si Elijah sa akin. Niyakap niya agad ako at
naamoy ko kaagad ang pabango niya.
Parang gusto kong matulog sa dibdib niya.

"Matching jackets, again?" Nagtaas ako ng kilay nang ngayon lang napansin na pareho
pala ang itim na jacket naming
dalawa.

Nagtaas siya ng kilay. "You don't like it?"

Ngumiti lang ako. "Shut up..."

"Mahirap bang umamin na gusto mo 'to?" Ngumisi siya kaya hinampas ko ang dibdib
niya at nagsimula kaming maglakad
patungo sa Shakey's.

Dire diretso ang lakad nina Erin, Chanel, at Claudette. Mukhang gutom nga sila. Ako
rin naman ay tatlong pirasong
fries lang ang nakain dahil inubos ko ang oras ko sa pagtulog. Papasok kami sa
pintuan ng naka holding hands ni
Elijah ay nakita ko kaagad ang pagbalik ni Erin.

"Dito na tayo, girls. Wa'g nang choosy." Sabi ni Rafael.

"No..." Ani Erin at tumingin sa akin, papasok na kami sa loob.

Lumagapak ang kamay ni Erin sa kanyang noo at hindi maintindihan kung babalik sa
upuang nakuha o aalis at lalabas sa
pintuang pinasukan namin. Kumunot ang noo ko at nakita kaagad na katabi nong table
ay isang table ng mga kaibigan at
kakilala namin.

"Oh shit..." Dinig kong mura ni Josiah sa likod ko.

Hinihintay kong bitiwan ni Elijah ang kamay ko. Hindi ko binitiwan ang kamay niya.
I don't think I need to.

Sa mesa ay nakangiti si Hannah, Julia, Liza, kasama ang dalawa pang lalaking
kaibigan ni Josiah. Nong una ay hindi
nila nakita ang mga kamay namin ni Elijah dahil natabunan iyon nina Erin at
Claudette.

"Shall we find another resto?" Tanong ni Claudette, tinatabunan kami ni Elijah.

"Where are you all going? Galing pa kayong Siargao? Pasalubong naman diyan!"
Halakhak ni Julia.

"No, we're fine here." Sabi ko dahil alam kong ang nagpipigil sa kanila ay kaming
dalawa ni Elijah.

We need to find a safer food place. 'Yong wala kaming kakilala at pwede kaming
makitang magkasama ng ganito ni
Elijah. But we can't run from this... This is how it's gonna be. I will fight for
this and I can't fight for it
quietly. I'll fight for this fiercely, no matter what.

Hinigpitan ni Elijah ang pagkakahawak sa aking kamay.

"Are you sure about this, baby?" Bulong niya nang hinarap ako.

"I'm sure about this." Sabi ko at hinila siya doon.

Parang gatilyo ni Erin ang sinabi ko. Agad siyang nagmartsa pabalik sa mesa at
nagawa niya pang makipag beso kay
Julia at Liza. Nilagpasan niya si Hannah at batid kong hanggang ngayon ay hindi pa
sila bati.

"Buhangin lang ang dala ko, e." Tawa ni Erin sabay upo sa katabing mesa.
Isa-isa ring nag upuan ang mga pinsan ko kasama si Spike at Maxwell. Inabutan agad
sila ng menu nong waiter.

"Klare!" Halakhak ni Julia. "Nakuha ko na grades ko, maayos naman kaya lang may D
ako. Pero ayos parin kaya heto,
celebrate!"

"Bukas pa namin kukunin ni Erin 'yong amin, e." Sabi ko habang nakikita kong
pinapasadahan niya ng tingin ang aking
braso.

Binaybay niya ang aking braso at napawi ang ngiti niya nang nakitang hawak ko ang
kamay ni Elijah. Naunang maupo si
Elijah at hinila niya ang kamay ko habang nakikipag usap ako kay Julia.

Bumaling si Julia kay Elijah. Ganon din ang nakita ko kay Hannah at Liza na
nagkatinginan pa.

"Hindi ko na kaya... Kabado ako sa mga minors! Gagraduate pa kaya ako?" Nanginig si
Erin at tumalon.

"Nakauwi na pala si Elijah, no? Kasama niya mga pinsan niya?" Tanong ni Liza.

"Uhm, yup. Ej, say 'hi' naman!" Sabi ni Erin.

Lumingon si Elijah sa kanila pero sabay namang nag 'hi' si Azi, Josiah, at Rafael.
Dinagdagan pa nila ng panloloko
at bola na kabisado na nina Julia.

"What do you want to eat?" Tanong ni Elijah habang tinitingnan ang menu.

Kumalabog ang puso ko. Kahit pala kayang kaya kong gawin ito ay kakabahan parin
ako. It's our first time in public!

"Anything... Pizza is okay. I'm starving." Sabi ko halos manginig ang boses ko.
Hinalikan niya ang kamay ko bago
niya binitawan para mamili ng order sa menu.

Nakita ko ang pagkakalaglag ng panga ni Hannah at Julia sa ginawa ni Elijah.


"Upo na kami, ah? Gutom, e." Sabi ni Erin at tinulak ako para maupo na sa tabi ni
Elijah at siya naman ay maupo sa
tabi ko.

Walang imik ang tatlo pero alam kong may naiisip na sila. Kabado kong tiningnan si
Elijah na tahimik na tinitingnan
ang mga pagkain. Nahagip ko naman ang tingin ni Claudette na bumalik yata sa
pagiging mala pusa.

Pagkarating ng order namin ay siyang pamamaalam nina Hannah, Julia, at Liza kasama
'yong dalawang lalaki kaklase
namin. Nginitian lang namin sila at agad silang nagyaya na bukas ay magkita kita
kami sa school o baka pwedeng mag
party.

"Tingnan ko lang. Birthday ng lola ko bukas." Sagot ko nang tanungin ako ni Chanel
kung ano sa tingin ko.

"Don't be KJ." Ani Julia at nakita kong tiningnan niya si Elijah. "It's my birthday
tomorrow! Kasabay pala kami ng
lola mo? Sige na, please? It's gonna be my treat!"

Tumango ako. "Pagkatapos siguro nong birthday ni lola."

Ngumiwi siya at isang beses pang pinasadahan si Elijah bago namaalam ulit.

Pagkalabas nila ay nag unahan agad sina Claudette at Chanel sa kanilang mga
sasabihin.

"Kita mo ang mukha ni Hannah? Ayaw niya ng humarap kanina!" Sabi nI Chanel.

"Pinag usapan nila. Well, what do you expect?" Ani Claudette.


"That's a natural Elijah and Klare move." Kibit balikat ni Erin habang sinisimulan
ang spaghetti. "Kung hindi ko
lang alam, hindi ako magdududa."

"That's a lie, Erin. Magdududa ako." Ani Claudette.

"Nag duda sila, that's it." Ani Chanel.

"So what if mag duda sila? That's a fact they need to accept." Nagkibit balikat si
Azi.

"Elijah is crazy over Klare kahit noong high school at nasanay na ako na ganon
siya. That's why it took me a while
to get over that shit..." Pumangalumbaba siya at tiningnan si Elijah.
"I'm not crazy over her since high school, Erin. We were cats and dogs." Giit ni
Elijah.

Tumango ako dahil totoo 'yon.

"Tama, bra. Nag aaway kayo lalo na pag nagseselos ka, diba?" Hagalpak ni Azi.

"Shut up, idiot." Ngiti ni Elijah.

"Admit it! You were crazy over Klare since high school. We failed to notice but I'm
sure you were, Ej."

Nilingon ko si Elijah na hindi makatingin sa akin.

"I don't want to think about it..." Tumawa si Azi at kumuha ng pizza. "Kumain na
lang nga tayo." May binulong siya
kay Josiah at nakita kong umiling at halos mailuwa ni Elijah ang iniinom na soft
drinks.

Mga baliw.

Ito yata ang unang pagkakataon na hindi ako nag alala sa sasabihin ng ibang tao.
Nasimulan ko na rin, lulubus
lubusin ko na.

"They're still an hour away." Sabi ni Claudette pagkatapos naming kumain,


kakagaling niya lang sa pagtingin sa
kanyang cellphone.

Nakita kong tumingin at nakiusisa si Spike sa katext ni Claudette. Tinakpan ni


Claudette ang cellphone niya at nag
angat ng tingin si Spike sa kanya, nakakunot ang noo. May binulong siya kay
Claudette at napangiwi ang pinsan ko sa
kanya.

Ngumuso ako. The Vazques blood includes those soft eyes. Ang malalim na mata ni
Elijah ay nakuha sa pagiging
Montefalco ngunit ang pilik mata at ang hugis ay mula sa mga Vasquez. Napatalon na
lang ako sa paninitig ko kay
Spike at Claudette nang inakbayan ako ni Elijah.

"Do you want to go to your mom and dad, instead?" Tanong niya.
Tumango ako. "Magtatanong ako kay papa kung pwede bang sa Montefalco Building muna
ako ngayong gabi."

Habang nag uusap kami ay natatarantang sinabi ni Chanel na may nabasa siyang status
ni Hannah.

"Incest." That was the only word that's on Hannah's mind on Facebook. At agad
silang nag usap tungkol doon at
tungkol sa maraming tao pang makakaalam nito.

"Well, they are just jealous." Iritadong sinabi ni Erin.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na agad kami sa bahay. Nag plano pa silang
matulog doon kung hindi lang kami
pinigilan ni mommy at daddy.

"We're all invited on your lola's birthday, Klare." Sabi ni daddy, kakaupo ko pa
lang sa sofa namin.

Lumayo ako kay Elijah na ngayon ay nakatayo at nakahalukipkip sa aming dingding


kasama si Rafael nakadungaw sa
bintana. Niyakap ako ni Erin at humikab siya, halatang pagod na.

"Why are we all invited, tito? They're not gonna announce some fucking engagement
shit like the usual cliche things
in movies?"

"Erin, your mouth." Ngumiwi si mommy sa pinsan ko.

"Hindi siguro. Why would they invite Elijah, then? Kung pipilitin ko si Klare na
ireto, hindi ko iimbitahan ang
taong handang pumatay para sa kanya." Sabi ni Azi.

"Wow! Some conclusions you got there, Azrael." Ngisi ni Erin.

"Azrael's right. Ayokong mag isip ng hindi maganda. Her lola's a good person. She's
just very very tight on their
traditions." Sabi ni daddy.

"At ayaw niya kay Klare dahil sa akin." Nakita ko ang pagsisisi sa mukha ni mommy
nang tiningnan niya ako. She was
sorry because I got into this trouble.

"Pwede namang hindi pumunta si Klare." Sabi ni Chanel. "Why are we all invited
anyway? Last time I checked, we're
not members of the Chinese chamber."
"It's her family, Chan. It's for his papa. Her lola is her papa's mother. She means
something to him. Klare needs to
respect that." Sabi ni daddy.

"Wait..." Basag ni Rafael sa kanyang katahimikan. "Tito, ibig sabihin ba nito pati
si tito Exel kasama?"

Nilingon ko si Rafael sa tanong niya. Nakita kong nakahalukipkip si Elijah at


tumingin sa akin. Alam o kaagad ang
sagot. Kahit blanko naman ang ekspresyon niya ay alam ko kung anong sasabihin ni
daddy.

"Yes. He'll be there." Sabi ni dad at tumingin kay Elijah.

Tumango si Elijah sa kay daddy. "Mom texted me, sinabi niya sa akin na pupunta
kaming apat ni Ate Yasmin."

"Is tito okay, Elijah?" I failed to ask him this while we were in Siargao.

Siguro ay dahil gusto ko lang talagang makasama sila ng walang halong takot at
pangamba sa kung anong problema na
naghihintay sa amin.

Ngumiti si Elijah. "Yup. He's never better."

Tumango ako at ngumiti rin pabalik. His smile is contagious. Nilingon ko si daddy
na pinapanood ang galaw ko.

"As much as I want you to stay here tonight, Klare, ay gusto ko paring respetuhin
ang pamilya mo. They want you
there. There's an event tomorrow. You need to be there." Sabi ni daddy.

"Ayaw nila kay Klare doon." Ani Erin at nilingon ako. "Diba, Klare?"

Hindi ko pa sinabi kay daddy ang lahat ng pang iinsulto. I don't think it was
necessary. Ang tanging umabot lang sa
kanya ay ang mga sinabi ni Ama tungkol sa amin ni Elijah. Na hanggang ngayon ay
ayaw niya parin sa amin at hindi na
ako nangangarap na tanggapin niya kami.

"Ganon ba? Mga pinsan mo at mga tita mo, Klare? Maayos ba ang pakikitungo sa'yo?"
Tanong ni daddy.

"I told you, Lorenzo. Luisa? Tania?" Ngumiwi si mommy. "This is why I don't want to
introduce you to the Tys..."

"If they don't want Klare there, then I certainly want Klare with me. I can take
care of her, tito." Nagulat ako sa
sinabi ni Elijah sa likod ko. "...tita."

Sabay na napatingin si mommy at daddy sa kanya. Wala silang nasabi. Tiningnan lang
nila si Elijah at natahimik.

Kabanata 49

You Belong Here

Dahil gusto ni daddy na umuwi ako, iyon ang ginawa ko. Nag aalinlangan pa si Elijah
na ihatid ako. I told him it's
alright. Mas marami na akong napagdaanan na mas malala pa dito. Mabuti na lang at
pagkarating ko sa bahay ay hindi
pa sila nakakarating. Ang sabi ni Pierre ay 30 minutes away pa lang sila.

Nagpahinga agad ako sa kwarto. Kahit na tulog ako buong byahe ay pagod parin ako.
Siguro ay dulot na rin ng
pagkakaupo sa sasakyan. Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita ang text ni Elijah.

Elijah:

I'm home. Tell me when your parents are home. Baka pagalitan ka, I'll fetch you if
you want.

Agad akong nag reply sa text niya.

Ako:

Ayos lang talaga. You should rest. Ikaw nag drive for 7 hours. Good night. I love
you.

Elijah:

I miss you. I love you more, baby. Just tell me, please.

Alam kong kahit ganon nga ang mangyayari ay hindi ko sasabihin kay Elijah. Kaya
natulog ako buong magdamag. Nagising
na lang ako nang kinatok ako ni papa sa kwarto. Kinusot ko ang mata ko at tumayo
para buksan ang pintuan.
Pinasadahan ako ng tingin ni papa pagkabukas ko. Umupo ako sa kama at hinintay kong
pumasok siya.

"Kakadating niyo lang, pa?" Tanong ko.

Tumango siya. "Are you okay?"

Tumango rin ako. "I'm just tired." Sabay tingin sa kawalan.

"Sorry sa mga sinabi ng mga pinsan ko. I heard from Hendrix..."

"Ayos lang, pa. I'm used to it."

Umupo siya sa tabi ko at hinaplos niya ang aking likod. Tumikhim siya kaya nilingon
ko si papa.

"Mababait ang mga pinsan mo. They're just acting that way because like other people
they think Elijah's still your
cousin. You grew up together. And they are also particular of our traditions. I'm
sorry. Sana ay mapatawad mo sila."

"I know, pa. Hindi nila kasalanan. These are the consequences of my relationship
with Elijah."

Pagkatapos naming mag usap ay tahimik niya akong iniwan. I appreciate papa's
concern for the family. Hindi ko rin
naman masisisi ang mga pinsan ko sa mga sinabi nila. Hindi nga lang non ibig
sabihin na mag titiis akong makinig sa
mga masasakit nilang salita. I accept it but I can't tolerate it.

Kinaumagahan ay wala na ang mga pinsan ko. Nalaman ko sa katulong na sabay silang
nag pa spa at namili.

"Hindi ko nga alam kung bakit di ka sinama. Sinabi ko namang pwede kitang gisingin
pero umalis na agad sila." Sabi
ng katulong.

Tumango ako at kumain kasama si Pierre at Hendrix. Si Hendrix ay mukhang magiging


abala na naman sa trabaho sa araw
na ito samantalang si Pierre ay mukhang kakagising lang.

"Ayos lang. I have to do things din naman. Pupunta ako ng school para kumuha ng
grades." Sabi ko.

"I'll get my grades maybe later. Be sure to be home by 3pm, Klare. Baka makalimutan
mo, birthday celebration ni Ama,
later." Ani Pierre.
"Hindi niya makakalimutan 'yon, the Montefalcos are invited." Ani Hendrix.

Nilingon ko ang mga katulong na abala sa paghahanda sa buong bahay. Ang simpleng
salu salo kasi na gusto ni Ama ay
dito sa bahay mangyayari. Nag lagay ng iilang mesa sa maliit na garden at nilagyan
na rin ng decoration kung saan
naroon ang mukha ni Ama at ang kanyang edad.

"Did you greet Ama kanina, Pierre?" Tanong ni Hendrix.

"Nope. Tulog pa ako nong umalis sila."

Habang nag uusap sila ay naisipan kong kailangan ko nga palang bumili ng regalo
para kay Ama. Hindi ko naman alam
kung ano ang maibibigay ko sa kanya. I don't even know if we're okay. Galit iyon sa
akin at baka itapon niya lang
ang mga bagay na ibibigay ko.

Sinundo ako ni Elijah sa bahay patungong school. Kasama naman namin si Claudette at
Azi na panay ang mura sa likod
habang iniisip lahat ng mga sinabi ng kanyang ama sa bahay nila kanina.

"Hayaan mo na nga!" Ani Claudette.

Nalilito ko silang nilingon. Hindi ko alam kung ano ang pinag uusapan nila at ano
ang pinag puputok ng butchi ni
Azrael.

Ang alam ko ay nauna sila sa school. Kukunin sana ni Claudette ang kanyang grades
habang si Azi naman ay mag eenrol
ng MBA o Law, hindi ko alam. Maganda naman daw ang nakuha niya sa exams. Galing gym
si Elijah ay nakita niya ang
dalawa sa labas ng school na palaboy laboy kaya napulot niya ang dalawa at sinama
sa bahay nila bago sila pumunta
dito.
"Ang sabi ko nga tsaka na mag papa house warming sa birthday ko, bakit dahil uuwi
si Knoxx biglang ganon? Annoying."
Ani Azi.

"Kasi nga he's with his girlfriend and besides, kuya, ang tagal pa ng birthday mo!
Tapos na ang bahay natin at
kailangan na ng blessing." Paliwanag ni Claudette.

"'Yong bahay niyo sa Balingasag gawa na, Azi? At si Knoxx may girlfriend?" Tumaas
ang kilay ko.
"Oo. Galing daw sa kilalang pamilya kaya kailangan pag handaan. Kaya we'll have it
last week of this month." Kibit
balikat ni Azi. "Kaya mamaya, didiretso tayo don. After your wholesome family
dinner, pupuntahan natin 'yong bahay
namin. Gusto ko ako makauna non."

Tumawa si Elijah. Nilingon ko siya at nakatitig siya sa daanan.

"Jealous boy." Aniya.

Hinampas ko ang kanyang braso dahil sa panunuya niya kay Azi. Walang ginawa si Azi
kundi ang mag mura tungkol doon.
Umiling na lang ako at tumingin sa daanan.

Sana payagan ako mamaya. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang inisip ang mga
mangyayari mamaya. Lahat kami ay
nandoon. My parents, Elijah's parents... tito Exel. Gusto kong mag tanong kay
Elijah kung nakapag usap na ba sila ni
tito Exel tungkol sa akin pero ayokong maisip niya na pinipressure ko siyang gawin
iyon. Of course he doesn't want
his father to be sick again...

"Sina Hannah, Julia, at Liza, oh." Sabay turo ni Claudette sa benches sa tapat ng
Immaculate Concepcion chapel.

Sinundan nila ng tingin ang sasakyan ni Elijah na kakapasok lang doon at papaliko
na patungong soccerfield, kung
saan niya ito ipapark. Napawi ang suot kong ngisi kanina lang dahil sa bulungang
nakita ko sa kanila.

Pagka park ni Elijah sa sasakyan ay nakita ko kaagad ang iilang kaibigan namin
galing sa School of Business
Management building na nagtatawanan sa Kiosk. Lumabas ako at ngumiti nang nahagip
nila ng tingin kaming lahat.

"Hi!" Ani Claudette at naglakad patungo sa kanila. Nakipag high five din si Azi sa
iilang lalaking kilala.

May iilan sa kanilang nanatili ang tingin sa amin ni Elijah. Umikot si Elijah at
sinalubong akong hindi pa
nakakagalaw sa tinatayuan.
Hinawakan niya ang ilang daliri ko sa magkabilang kamay.

"Kunin natin ang grades mo?" Aniya.

Tumango ako. Natatabunan ng kanyang dibdib ang paningin ko sa mga kaibigan namin.

Narinig kong nagtawanan sila lalo. Nilingon ko kung bakit at nakita kong kakarating
lang ni Julia, Hannah, at Liza.
Kitang kita ko ang pananatili ng tingin ni Julia sa amin. Si Liza ay binati at
bineso ang mga kaklase ko. Si Hannah
naman ay hindi kami tiningnan.

Narinig ko na may binulong sila kay Claudette. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.
Alam kong narinig din iyon ni
Elijah at tumitig lang siya sa akin.

"Tama ba ang nakikita ko, Clau? They are both holding hands?"

Bumaling ako sa kanila at nakita kong nahiya ang isa sa mga kaibigan kong tumingin.
Kinagat ko ang labi ko at
binalik ang tingin ni Elijah. Ngumuso siya. I want him to know that I'm brave
enough for this but it still isn't
easy...

"I'm sorry." Aniya at binitiwan ang kamay ko.

Umiling ako at hinawakan muli ang kanyang kamay. Humakbang ako ng kaonti para lang
maharap ang mga kaibigan namin. I
don't think I need to explain anything to them. Alam kong nag dududa na sila and
our actions are enough to explain
so many queer things between us.

"Clau, Azi, kukunin ko lang ang grades ko." Sabi ko ng nakangiti at parang normal
lang.

Nanahimik ang mga kaibigan ko. Bawat mga mata nila ay batid kong nakatingin sa
kamay namin ni Elijah.
"Sasama ako." Ani Azi. "I'll process something."

"Sama din ako. Don ko na lang hihintayin si Erin." Ani Claudette at tumayo na.

Nakakabinging katahimikan ang binigay sa amin ng mga kaklase at kaibigan ko. Labing
lima yata silang halu-halong
babae at lalaki ang naroon at nakatitig sa amin ni Elijah. Tumikhim si Hannah at
humalukipkip.

"This is what you all are hiding?" Nakita ko ang pagtaas ng kanyang kilay.

Sa kanyang mukha ay nakita kong sarkastiko at iritado siya. Katulad nong reaksyon
ni Erin nang una siyang nag duda
sa amin ni Elijah.

"I'm pretty sure cousins don't hold hands like that." Aniya.

Walang umimik kahit sino. Nakita ko pang hinila ni Julia ang braso ni Hannah para
pigilan siya sa pagsasalita.

"We're not cousins, Hannah." Naunahan ako ni Elijah sa pagsasalita.

Nanginig ang labi ni Hannah habang tinititigan niya si Elijah. Hinintay ni Elijah
ang magiging reaksyon nila.
Binuksan ni Hannah ang nanginginig niyang bibig. Pinanood ko ang bawat galaw niya
at napagtanto kong sobra sobra ang
sakit na nararamdaman niya. Hindi ko mawari kung ano ang nagawa ni Elijah sa kanya
at bakit ganito siya ka apektado
at ganito niya ka gusto si Elijah.

"You two grew up together. She's a Montefalco." Ani Hannah.

Walang awang umiling si Elijah. Tahimik ang ga kaibigan namin. Si Azi lang ang
gumalaw at humakbang patungo sa aming
likod. Ganon din ang ginawa ni Claudette nang nakita ang ginawa ni Azi.

"She's not a Montefalco. Watch and I'll turn her into one."

"Elijah..." Sabay hila ko sa kanyang braso.

"Let's go..." Ani Elijah at hinila niya ako palayo sa kanila.


Nilingon ko sila at nakita kong hinaplos ni Julia ang likod ni Hannah. Tsaka pa
lang sila nag bulung bulungan nang
nakalayo na kami. Naaawa ako kay Hannah. Ngunit alam kong wala na ring halaga kung
mag lihim pa kaming dalawa.

"That was cool-" Ngisi ni Azi.

"Tumigil ka, Kuya. Masakit 'yon kay Hannah. That wasn't cool. That was one asshole
move, Elijah." Ani Claudette.
"Kawawa naman si Hannah. Buti na lang at wala si Erin dito baka madagdagan pa."

Tumango ako kay Claudette. Alam kong may punto si Elijah na kailangan nilang
malaman ito pero masakit iyon kay
Hannah.

"Malalaman din naman niya, Dette dette. Parehong sakit lang iyon. Sabihin ni Elijah
ngayon o bukas, parehong sakit
lang iyon." Ani Azi.

Nilingon ako ni Elijah. Naging abala kasi ako sa panonood sa pagtatalo ng kapatid.
Hinaplos niya ang pisngi ko kaya
bumaling ako sa kanya.

"I'm sorry. Hindi ko lang talaga kayang manahimik. They will judge you if we shut
up." Aniya.

Tumango ako. Tumitig siya sa akin at nag taas siya ng kilay. Uminit ang pisngi ko
at nag iwas ako ng tingin.

Seryoso ba talaga 'yong mga linya niya? Dalawang beses ko na siyang narinig na
sinabing magiging Montefalco din ako.

Naging abala kami sa pag kukuha ko ng grades. Medyo mahaba ang pila kaya halos
maubos 'yong oras namin doon. Sabado
kaya half day lang ang mga offices ng school. Sama sama kaming kumain habang abala
si Claudette sa pag sasabi sa mga
pinsan ko tungkol sa nangyari kanina sa amin ni Hannah.

"Now she knows..." Ani Erin at nagpatuloy pa sila sa pag uusap.

Abala si Chanel sa requirements niya sa Med school. Si Rafael at Josiah naman ay


parehong mag lo-Law kaya iyon ang
pinag kaabalahan nila. Si Azi naman ay nag desisyon na mag i-MBA na nga siya. Gusto
niya ring mag aral ng
agriculture para sa farm nila kaya hindi siya makapag desisyon.

"Asus... ang sabihin mo-" Hindi natapos si Josiah sa pagsasalita kasi siniko na
siya ni Elijah.

Nagtawanan ang dalawa. Nagkatinginan kami ni Erin at sabay pang umiling.

Simple at intimate ang magiging salu salo mamaya. Ganunpaman ay binilin ni tita
Marichelle sa akin na mag suot ng
magandang dress dahil iyon ang gagawin nila. Ako lang ang nag ayos sa sarili ko.
Inisip ko sanang nandito sina
Chanel para matulungan ako pero hindi sila pupunta dito hanggang mamayang mga alas
sais.

"Klare..." Matigas na banggit ni Ama sa aking pangalan pagkababa ko sa hagdanan.

Puting midriff top at pencil skirt ang suot ko. Hindi pa ako sigurado kung tama ba
ang make up na nilagay ko.
Natanaw ko si Gavin, ang kanyang buong pamilya, at iilang hindi ko gaanong kilalang
mga chinese.

"Gavin's here. Be with him." Ani Ama.

Hindi ako umu-o at hindi rin naman niya iyon hinintay. Nagkatinginan kami ni papa
at tumango na lang siya sa akin.

Hindi ko pa nababati si Ama. Gusto ko siyang batiin kaso hindi ako makahanap ng
magandang tyempo.

Abala ang mga katulong sa paghahanda. Si Ama mismo ang nag entertain sa bawat
bisita at kakilalang dumalo. Ang
background music ay 'yong mga kantang sikat sa kapanahunan nila. May tatlong long
tables sa garden at iilang
maliliit. Pumwesto kami doon at narinig kong puro business ang usapan nila.

"Uuwi ako ng Davao dahil kailangan na rin namang umuwi ni Ricardo at Marichelle.
They've neglected their business
for the past weeks so we'll need to check on it." Nakangiting sinabi ni Ama sa mga
kakilalang intsik din.

Nahagip ng tingin ko ang mga mata ni Trixie at nong isa kong pinsan na medyo
matalim sa akin. Sa bawat pag uusap
nila ay chinese na ang ginagamit nila. Hindi ko iyon masundan pero tingin ko ay
pinag uusapan nila ako. Nagtawanan
sila. Bumagsak ang tingin ko sa baso ng tubig sa harap ko. Uminom na lang ako imbes
na makinig sa salitang hindi
pamilyar sa akin.

Galit na nagsalita si Pierre ng chinese. Natahimik ang dalawa sa tawanan at nagtaas


ng kilay.

"Stop it." Iyon lang ang tanging naintindihan ko sa sinabi ni Pierre.

Ngumuso ako at magtatanong na sana kung anong problema nang nakita kong kakagaling
ni papa sa loob. Ngumiti siya at
tumango kay Ama.

"The Montefalcos are here." Ani papa.

Naunang naglakad doon ang mga babaeng Montefalco, si Erin, Chanel, at Claudette na
parehong pormal sa kanilang suot.
Claudette's wearing a black, tight, assymetrical dress. Erin's wearing a tube top
royal blue dress while Chanel wore
a champagne-colored long dress. Sunod na nakita kong pumasok ay si tito Azrael
kasama si tita Claudine. Naka coat
and tie si Tito habang si tita naman ay naka simpleng itim na damit.

"Happy birthday." Ngiti ni Tita na sinundan naman ng mga bati ng mga sumunod na
Montefalco, sina tito Benedict at
tita Liezl...

Sumunod din si mommy at daddy kasama si Charles, at si Eba at Damon. Wala yata sina
tito Stephen at tita Dana dahil
nasa business na naman. Sumunod sina Azi, Josiah, at Rafael. Pang huli, na siyang
nag patayo kay Ama at siyang
nagpakaba sa akin ng husto, ay ang pagdating ni tito Exel kasama si tita Beatrice.

Ito ang unang pagkakataon na makkikita ko ulit sila pagkatapos nong sa ospital.
Nanliit ako sa kinauupuan ko.
Malusog si tito Exel tingnan at hindi ko mawari kung pumayat ba siya o tama lang.
Sumunod si Elijah at Ate Yasmin na
parehong pormal din.
"If it isn't Exel Montefalco!" Salubong ni Ama sa kay tito at tita.

"Happy birthday, Madame." Bati ni tito kay Ama.

"You look great!" Nakangiting sinabi ni Ama.

Si Elijah ay nasa likod lang ni tito Exel. Nanliliit ako habang tinitingnan sila.
Pakiramdam ko ay ako ang dahilan
kung bakit masisira ang lahat ng ito. Ako ang natatanging pagkakamali sa perpektong
mga pamilyang ito, sa perpektong
si Elijah.

Bumaba ang tingin ko sa aking mga daliri. Narinig ko ang tawag nina Erin sa akin,
kakaupo lang nila sa isa sa mga
maliliit na round table samantalang ang mga tita at tito ko kasama si mommy at
daddy ay nandoon sa mahabang mesa.
Nahagip ng tingin ko si mommy na nakangiti sa akin. Ngumiti din ako sa kanya at
umamba akong tatayo.

"Don't leave. Wa'g kang bastos, Klare. You belong here, you stay here. Stay there.
Wa'g kang bastos kay Gavin at sa
amin." Mariing sinabi ni tita Luisa.

"Babalik naman ako dito. Pupuntahan ko lang sana si mommy." Paliwanag ko ngunit
umupo ulit.

"You like attention so much. Pati dito? Seriously?" Pabulong niyang sinabi.

Nag iwas ako ng tingin kay tita Luisa. Binalik ko ang tingin ko kay Elijah na
ngayon ay ipinapakilala sa mga
kilalang mga chinese businessman. May naramdaman akong kung ano sa aking tiyan.
You made it this far! Thank you.

--------------------------------------------------------------

Kabanata 50

Blink of an Eye

It hurts to look at him when he's far away from me. I know it's such a selfish
thought. Hindi ko lang talaga
maiwasan na malungkot pag nakikita siyang malayo sa akin. I want him to stay close
to me. I want him to need me the
way I needed him.

Naramdaman ko ang pagkuyom ng aking mga kamay habang nakaupo ako doon. It sucks to
just stay quiet and still when
you know that Elijah's within reach. Pero ano nga ba talaga ang magagawa ko? Ano
nga ba talaga ang kaya kong gawin
para kaming dalawa sa huli ni Elijah?

Do I need to sacrifice something? Do I need to choose? Will they let me choose?

From the very beginning, I sacrificed so many things. Ganon din ang ginawa ni
Elijah para sa aming dalawa.
Sinakripisyo ko mismo siya. Sinakripisyo ko ang kaligayahan ko at kaligayahan nila
para sa aming pamilya. No, it was
never a mistake. To wish for the happiness and contentment of my family, to make it
happen, will never be a mistake.
Kaya kung ibabalik man ang panahon, kahit nasaktan man ako at nasaktan ko rin siya,
ay gagawin ko ulit lahat ng iyon
para lang maprotektahan ang mga Montefalco.

Nong nalaman ko na hindi ako tunay na Montefalco, nayanig ang mundo ko. My faith
got destroyed. I felt betrayed by
the family I protected. Rage, anger, self-pity took over my senses. Ni hindi ko
alam kung kaya kong mag mahal muli.
It was all too surreal. But then the best healer of the heart is, indeed, time.
Mananatili ang alaala ng mga abong
kinalat ng nasunog na kahapon pero hindi ang apoy. I learned to forgive, they
forgave me too.

Pero ngayon, kailangan ko ba ulit sindihan ang apoy na kumain sa aking sarili noon?
Kakailanganin ko na naman bang
pagdaanan lahat ng iyon? Is it too much to ask for my happiness with Elijah? Will
it hurt them a lot when I'm with
him? Yes?

Tahimik kaming kumain habang nag uusapan naman tungkol sa negosyo ang long table
nina Ama kung saan naroon din si
papa, daddy, tito Exel, tito Benedict, tito Azrael, at ilan pang mga kilalang
chinese businessman.

"Klare..." Bulong ni Erin habang nag se-serve ng panghimagas.

Tumingala ako sa kanya. "Punta tayo sa table namin." Sabay nguso niya sa mesa kung
nasaan sina tita Beatrice kasama
si mommy.

Nilingon ko pa si tita Luisa na nagtataas ng kilay sa pinsan kong humahatak sa akin


ngunit hindi siya nakaimik nang
kinaladkad na ako ni Erin patungo doon.
"Klare..." Ngiti ni mommy nang napadpad ako sa kanilang mesa.

Medyo malayo doon ang mga round table kung saan naka upo ang mga pinsan ko at
makakakuha ito ng atensyon.

"Mommy..." Sabay yakap ko.

"Ayos na ba kayo ng Ama mo?" Tanong niyang pabulong.

Naaasiwa ako dahil pinapanood kami ni tita Claudine at tita Beatrice. Hindi pa kami
nakakapag usap ulit ni tita
Beatrice at hindi ko alam kung alam ba nila ang tungkol sa amin ni Elijah. Ni hindi
ko siya matingnan ng diretso.

"Ayos naman." Sabi ko at nag iwas ng tingin.

"Where's Klare?" Narinig ko ang boses ni Ama galing sa kanilang mesa. Halos
napatalon ako at dumiretso ang tingin ko
sa kanila.

Nakita kong nakatayo na ang dalawa kong kapatid sa kanyang gilid. Si Hendrix at
Pierre ay nakasuot ng matamis na
ngiti habang hinaharap ang mga chinese businessman. Ipinapakilala ni Ama ang
kanyang mga apo na anak ni papa. Pansin
kong lumapit din si Champ at ang kanyang kapatid.

"Klare!" Sigaw ni tita Luisa at agad niyang iminuwestra ang mesa ni Ama.

Sabay ang pagtayo namin ni Gavin. Para bang may nagsabi o nag utos din sa kanyang
sumama sa paglapit ko kay Ama.
Marahan ang hakbang ko patungo sa mesa nina Ama. Nakangiti si papa ngunit napawi
ito nang nakitang nasa tabi ko
bigla si Gavin.

Kabadong kabado ako. Nakita kong pumirmi ang tingin ni tito Exel sa akin.
Pakiramdam ko ay nagwawala ang aking
tiyan. Natatakot ako sa maaaring mangyari. Natatakot ako na ang reaksyon ni tito
ang siyang maghahatol sa amin ni
Elijah. And I know Elijah won't accept 'No' for us... I won't accept it either. And
I'm scared I can't protect my
loved ones this time. I'm scared because I'm in love with Elijah too much and that
I think he's my home, he's my
family.
"This is Klare Desteen Ty, Ricardo's daughter." Halakhak ni Ama.

Tumayo ang isang naka coat and tie na medyo matabang chinese businessman para
maglahad ng kamay. Ganon din ang
ginawa ng mga katabi niya. Hindi na tumayo pa ang angkong ni Gavin at ang kanyang
pamilyang naroon.

"You've heard about them, Klare, right? I bet you know their children. This is Mr.
Lim, Mr. Kwan..." Hindi ko
nasundan ang mga sinabi ni Ama tungkol sa magagarbong businesses ng mga miyembro
doon.

Nginitian ko sila isa-isa at nahagip ko ng tingin si tito Exel na walang ekspresyon


at pinapanood lang ako.

"I'm happy with this granddaughter of mine. Her grades are good and she goes with
good people like Gavin." Ani Ama.

Humalakhak ang angkong ni Gavin at nag biruan pa sila ni Ama. Nagkatinginan kami ni
Gavin at hindi na natanggal ang
tingin ko sa kanya.

"You know, I don't think the eldest, Hendrix can give me a great granddaughter
anytime. And please, not Pierre.
Klare can give me and I'd be happy if it's gonna be a Co, from your family. Bagay
naman sila ni Klare at
paniguradong engrande ang magiging kasal! What do you think, hijo?" Nilingon ni Ama
si Gavin na hindi na makangiti
sa tanong ni Ama.

"Gavin..." Sabi ng kanyang angkong.

"Ama..." Sabi ko. Hindi ko alam kung susuwayin ko siya sa harap ni tito Exel.

"The Montefalcos should be invited, then..."

Halos malaglag ang panga ko sa nagsalita. Nanatili ang tingin ko sa kay tito Exel
na ngayon lang nagsalita. Ngumiti
si Ama at tumingin kay tito Exel.
"Of course, Exel. The Montefalcos are invited. I will never forget that my
granddaughter was once a Montefalco. Your
family raised her. You raised her well..." Tango ni Ama.

"Ama..." nanginig ang boses ko.

Ang hatol ni tito Exel sa amin ni Elijah ay ganon pa rin. Elijah will hate me for
this. He'll hate me because I'll
make his dad upset this time.

"Hindi pa po ako magpapakasal. It's too early for that." Sabi ko sabay tingin kay
papa at kay daddy na gustong
magsalita pero nagulantang din sa nangyayari.

"My Klare is still very young, mama." Ani papa.

"I won't allow it." Simpleng sinabi ni daddy. "She's too young for that kind of
thing!"

Humagikhik si Ama. "Oh Ricardo, Lorenzo, I was just thinking. I never said anything
like that. Hindi naman iyon
mangyayari kung hindi gugustuhin ni Klare at ni Gavin..." Nagtaas ulit ng kilay si
Ama kay Gavin. "Hindi ba, Gav?
You think you two are still too young for that? Or are you planning it already?"

Uminit ang pisngi ni Gavin. Bumagsak ang kanyang mga mata sa sahig at alam ko
kaagad na ang lahat ng pressure sa
pamilya ay nasa kanya. Narinig ko pang tinawag ulit siya ng kanyang angkong at ng
kanyang daddy.

"Ama..." Sabi ko. "Ayaw po namin ni Gavin ng ganon. You know we're not anything
like that. We're just friends."
Paliwanag ko.

Naramdaman ko ang kamay ni Hendrix sa braso ko. Tumikhim siya at magsasalita na


nang tumaas ang tono ni Ama.

"Well! It all starts there, Klare! Friends."

Tumango si tito Exel. Nakakapanlumo. Nangilid ang luha ko at hindi ko kayang isipin
na hanggang ngayon ay kalaban
parin namin ang pamilya ni Elijah.

�Anong nangyayari?� Narinig ko ang boses ni Chanel sa mesa sa malayo.


Ngayon pa lang nila napansin ang komosyon na nangyayari sa mahabang mesa na ito.
Bago pa marinig ni Elijah ang lahat
ng banat ni Ama ay kailangan ko ng kumilos. I don�t mind if tito Exel�s going to
hate me for this.

�I have a boyfriend, Ama.� Matigas kong sinabi sa kanilang lahat.

Hindi lang si Ama ang sinabihan ko nito. Gusto kong marinig nilang lahat. Hindi ko
tinitigan si tito Exel.
Pinasadahan ko ng tingin ang bawat isang naroon sa mesang iyon. Narinig ko ang nag
aalalang tawag ni mommy sa akin.
Mukhang lalapit na siya sa mesa.

Nakita kong medyo tumabang ang mukha ni Ama sa sinabi ko. Pinilit niyang ngumisi sa
angkong ni Gavin.

�Klare...� Dinig kong tawag ni Gavin. Hindi ko alam kung gusto niya bang
ipagpatuloy ko ang pagsasalita ko o gusto
niyang pigilan ako.

Gavin, this is for us. You�ll thank me later.

�Well then, I don�t mind if it�s Gavin. Spill.� Ani Ama at uminom ng tubig.

�Si Elijah Montefalco po.� Sabi ko, nanginginig ang boses.

Naramdaman ko ang hila ni Hendrix sa aking braso. Yumuko si Gavin. Hindi ko na


maaalis ang tingin ko kay Ama na
ngayon ay nakataas ang kilay habang nilalapag ang basong pinag inuman niya ng
tubig.

�Well, he�s your cousin. Isn�t that incest?� Nilingon ni Ama ang mga taong naroon,
para bang nahihiya sa sinasabi
ko.

Kumunot ang noo ng mga naroon. Lahat simula sa daddy ni Gavin hanggang sa mga
pinakilalang businessman sa akin.

�We�re not blood related.� Sabi ko.


�Goodness!� Tumawa si Ama. �You grew up together. Exel...� Tawag niya kay tito.

Hindi ko matingnan si tito. Nanatili ang tingin ko kay Ama.

�Mama, let them be-�

�Ricardo, it�s your daughter we are talking about! Because you were not with her
for the past 18 years of her life
doesn�t mean you�ll spoil her! Even the Montefalcos don�t agree! Bakit ikaw?�
Tumaas ang tono ni Ama.

�Madame, totoong ayaw naming magkaganon but I think we should stop-� Narinig ko ang
boses ni Mommy.

�Shut up, Helena. What do you know about ethics?� Mariing sinabi ni Ama kay mommy.

Nalaglag ang panga ni mommy. Tumayo si daddy at hinawakan ang braso ni mommy.

�She�s my daughter.� Mariing sinabi ni mommy.

�She has my family name, representing my family honour.� Ani Ama, tumatayo na rin.

May sinenyas si Hendrix sa mga katulong at agad tumakbo ang mga nurse kay Ama.
Narinig ko na ang paglapit ng mga
pinsan ko sa likod. Sa haplos pa lang sa pulso ko ay alam ko na kaagad kung
kaninong kamay ang dumampi sa akin.
Hindi ko na siya nilingon. Nakita kong lumipad ang mga mata ng mga Montefalco sa
aming dalawa. Si Elijah nasa likod
ko.

�Exel�s son is my granddaughter Selena Chiong�s boyfriend. He is also Klare�s


cousin. They obviously can�t have a
relationship! That is against the law of nature!� Aniya at hinampas ang mesa.

Nag sitayuan ang mga panauhin sa mesang iyon. Maging ang mga Montefalco ay nagkalat
na sa likod namin.

�They are not blood related-� Pinutol ulit ni Ama ang linya ni papa.

�Bullshit feelings! Those sentiments will all kill you! The two of them will leave
a scar in your family. Hindi nila
kayang panindigan ang relasyon na iyan, they are too young. What do they know about
family? What do they know about
names? And of family honour? Nothing!� Ani Ama.

Bumuhos ang luha ko. Ganitong gulo ang kaya kong ihatid sa aking pamilya.

�I know family honour. And I know that this scar is going to make our family
strong.� Ani Elijah.

Gusto ko siyang patahimikin. I want to do this. I don�t want him to interrupt. Lalo
na dahil nandyan ang kanyang
daddy, nanonood sa amin. Surely he�ll get mad!

Humakbang si Ama palayo sa mesa at lumapit sa akin. Ganon din ang ginawa ng mga
taong naroon. Pinalibutan nila
kaming lahat na para bang susumpain na kami.

Lumapit ang mga pinsan ko sa kanilang mga magulang at narinig ko ang mga tanong
nila kung ano ang nangyayari at
bakit nagkakaganito. Nasa gilid ko si mommy, sa likod niya naman ay si daddy. Sa
likod ko ay naroon si Elijah na
agad na binitiwan ang kamay ko para harapin ang lahat ng dismayadong kapamilyang
nasa harap namin.

�My dad taught me so many principles. Principles like honesty, respect, honor, and
loyalty. Mga prinsipyong minsan
ko na ring binali para lang makuha ang gusto ko.�

Napawi ang luha ko at natoon ang pansin ko kay Elijah nang tumayo siya sa harap
doon. Seryosong nanood sa kanya si
tito Exel. Sa tabi niya ay si tita Beatrice na mangiyak ngiyak at nakangiti sa
anak. Si Ate Yasmin ay nakayakap kay
Chanel sa tabi ni tita Beatrice.

Nilingon ni Elijah ang aking daddy at mommy. Tinanguan niya sila. Ganon din ang
ginawa niya kay papa at tita
Marichelle. Ganon din ang ginawa niya kay Pierre, Hendrix, at Charles.

�Ito po ang paninindigan ko.� Aniya at lumuhod siya sa harap ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya at halos lumipad ang kaluluwa ko sa taas.
Tumikhim ang mga taong nasa
paligid.

�No!� Sabi ni Ama.

Nakita kong pinigilan siya ni papa.

�Ricardo!� Alma ni tita Luisa.

�Exel! Bakit mo hinahayaang mapahiya ang iyong pamilya? Your son should not-
bitiwan niyo ako.� Ani Ama sa kay papa.

�Will you be a Montefalco again, Klare? My Montefalco.� Ani Elijah.

Lumipad ang aking mga kamay sa aking bibig. Bumuhos ang luha ko habang niyayakap
ako ni Claudette at Erin. Hindi ko
na alam kung paano tatanggapin ang nasa pulang box na singsing na nilalahad ni
Elijah sa aking harapan habang
nakaluhod siya.

May camerang dala dala si Azi na ngayon ko lang napansin, mukhang kanina niya pa
ito nirerecord. Hindi ko alam kung
tatanggapin ko ba ito sa harap ng kaguluhang ito. Pinili ni Elijah na mag propose
sa ganito ka komplikadong
sitwasyon. The nerve of him! I admire his guts! Dammit!

�Disgraceful!� Sabi ni Ama.

Nakita kong tinapik ng iilang businessman ang balikat ni tito Exel samantalang
umalis at nag walk out ang pamilya ni
Gavin kasama siya. Nilingon niya ako at nginitian kahit na alam kong papagalitan
siya sa oras na makaalis sila dito.

Pumalakpak ng marahan si tito Exel. Siya lang mag isa. Ni hindi siya sinabayan ng
mga nakangiting tumatapik sa
kanyang balikat. Nilapitan niya si Elijah.

Umiling si tito Exel at ngumisi bago bumaling sa akin.


�Are you gonna put that ring on, Klare? Or do we have to stop you two again?�

Nagulat ako sa hamon niya sa akin. Hindi ako makapagsalita. Hinila ni Elijah ang
aking kamay at tumayo siya, agad
pinadausdos ang singsing na may diamond sa gitna!

�Exel!� Tawag ni Ama habang pinapaupo na siya sa isa pang upuan at pinapalibutan na
ng nurse.

�This is what my son wants, Madame. And this is what your granddaughter wants, too.
We don�t always like their
decisions but as their family, the best thing we can do for them is to support.�
Ani tito Exel.

Nanatili ang tingin ko kay tito kahit na ibinaon na ako ni Elijah sa kanyang
dibdib. Mahigpit ang kanyang yakap at
nakisali pa sina Erin, Chanel, Claudette, at Ate Yasmin. Nakisawsaw na rin ang mga
lalaki kong pinsan. Parang mga
estatwa namang nanatiling nanonood ang mga pinsan kong Ty habang si Pierre at
Hendrix ay parehong kausap si tita
Marichelle at papa.

Nilingon kami ni tito Exel habang lumalapit siya sa nakangangang si Ama.

�I�ve learned that life is short. We should learn to accept everything, support our
loved ones, and make others
happy while we�re still here.� Ani tito Exel.

Nalunod na ng mga tawa ng mga pinsan ko ang usapan nila ni Ama. Hinalikan ako ni
Ate Yasmin ay malaki ang ngiti niya
sa akin.

�I�m sorry last time nong nag away kayo ni Elijah. Hindi ko pa nasabi ang buong
detalye sa inyo. That�s why you were
all cold to me. I�m sorry, Klare.� Aniya sabay yakap sa akin.

Umiling ako, hindi parin nakakapag sink in sa akin ang nangyayari.

�Elijah... come here.� Narinig kong matigas na sinabi ni daddy.

�Klare!� Tawag ni tita Beatrice at niyakap niya ako.


Pinanood ko si Elijah na lumapit kay daddy, nag usap sila ng masinsinan.

�I bet Elijah didn�t tell you that your titos cool with you two?� Nagtaas ng kilay
si tita Beatrice sa akin.

Umiling ako at nagulat.

�Hindi niya rin kasi inasahan na nong umuwi siya kasi nag away kayo, imbes na
tumakas, ay pinayagan pa siya ng
kanyang daddy at sinabing hahayaan niya na si Elijah kung saan siya masaya.�

Tumango ako. �Hindi niya po nabanggit sa akin. Nag away po kasi kami ng medyo
matagal tagal.�

Narinig ko ang mariing tawag ni tito Azrael sa kanyang lalaking anak. Parang tutang
lumapit si Azi sa kanyang ama.
Naglahad ng kamay si Tito Az at sumilay ang ngiti sa labi ni Azi.

�Magpaalam kayo sa mga Ty.� Dinig kong sinabi ni tito Az. �Don na kayo matulog sa
open house natin sa Balingasag.
And... don�t... you ever smash that Fortuner again!�

spinner.gif

�Yes, dad!� Malaki ang ngiti ni Azi at agad lumapit kay Pierre para makipag tanguan
at makipag usap.

�Klare...� Ani mommy at nasa tabi niya si Charles na medyo nakabusangot.


�Charles... I told you...�

�Ate...� Ani Charles.

�Your brother wants to go with you. Hindi ko pinapayagan because of what�s


happened. Baka matagalan pa kami dito.
Knowing your dad-�

�Ayos lang, My. I�ll take Charles.� Sabi ko.

�He�s too young. I know what your cousins will do!� Nilingon ni mommy si Charles at
matalim na tinitigan.

�I will just sleep, okay? If that makes you feel good, my.� Iritadong sinabi ni
Charles.

�Charles!� Ani Josiah at inakbayan agad ang kapatid ko paalis sa tabi ni Mommy.

�Josiah!� Tawag ni mommy ngunit hindi na siya pinansin. Umiling si mommy sa akin at
tumikhim.

Nagkatinginan kami at bigla siyang naglahad ng kamay.


�May I see the ring?� Ngiti niya.

Kinagat ko ang labi ko at pinakita sa kanya ang aking kamay kung saan sinuot ni
Elijah ang singsing.

Marahan niyang hinaplos ang aking mga daliri. Pati ang bato sa singsing ay
tiningnan niyang mabuti habang nakakagat
din sa labi.

�He�s really got nice taste.� Ani mommy.

Tinitigan ko rin ang singsing na simple at elegante. May diamond sa gitna ng


dalawang mas maliit na diamond.

�Congrats. Wa�g kayong mag madali. Consider this as a beginning, Klare. Your
dad...� Ngumiti siya. �Doesn�t approve
of your wedding anytime soon. Pu-pwede bang boyfriend at girlfriend muna?�

Tumawa ako at tumango. �I don�t think I�m ready for something like that, my.�

Tumawa din si mommy pero nakita ko ang kanyang luha sa gilid ng mga mata. Niyakap
niya ako bago pa bumuhos. �It�s
for formality, I guess. Na kayong dalawa na. Na tanggap na namin.� Humagulhol siya.
�And I�m so sorry for being so
hard on you. I�ve been a very bad mother to you, Klare.� Pumiyok ang kanyang boses.

Pinunasan ko ang luha ko at bumitiw sa yakap ni mommy. �Pinrotektahan niyo lang po


ako. You�re the best mom, my.�
Ngiti ko.

�Sige na, Dette! You all go!� Dinig kong sinabi ni tito Az. �Lorenzo... Elijah.�

Nilingon ni Elijah si tito Az at tumango kahit na mukhang papatapos pa lang sila ni


daddy sa pag uusap. Nilingon ako
ni daddy at ngumiti siya sa akin. Ngumiti ako pabalik.

�You all take care. Take care of Charles, Klare.� Ani mommy habang pinupunasan ang
kanyang luha.

Tumango ako at bumaling ulit kung nasaan si Elijah. Nag sialisan na ang mga pinsan
ko. Si Azi ay hinihintay kaming
dalawa. Ngumisi si Elijah sa akin at nagtaas ng kilay. Tumitig ako sa kanya habang
papalapit siya.

�Your dad says we shouldn�t marry yet anytime soon.� Ngumuso siya at inakbayan ako.
�He�ll give me three long
fucking years, baby.� Aniya, papalabas kami sa bahay.

Ngumisi ako. �Nagmamadali ka?� Tinaas ko ang kilay ko sa kanya.

Napaawang ang bibig niya at nangingising tinitigan ako na para bang tinatantya kung
ano na naman ang naiisip ko.
�Well...� Kinagat niya ang labi niya at ngumisi. Damn, he�s sexy.

Uminit ang pisngi ko. That�s not even long for me, Elijah. Even forever isn�t that
long for me. It�s a blink of an
eye when I�m with you.

AGAIN, SALAMAT! Till the next stories!

-----------------------------------------

Wakas

Nong umalis kami sa Hillsborough ay parang nawala ang langit na nakadagan sa aking
puso. Nong naging maayos kami
nina Erin at ng mga pinsan ko ay nabunutan ako ng tinik. Ngayong pinayagan na kami
ni Elijah ay nakahinga na ako ng
malalim. That was all I've been waiting for.

Life isn't perfect. May mga bagay na hindi ko talaga makakamtan sa buhay na ito.
Maybe in another life, but
certainly not in this lifetime. No. Ama's approval was beyond impossible. I will
not ask for something unreachable.
God gave me more than enough. In time, maybe. Ang tanging magagawa ko na lang ay
ang mangarap, hindi ko magawang
umasa.

Hinawakan ni Elijah ang aking kamay habang nag mamaneho siya. Hindi matanggal ang
ngiti niya. Tuwing bakante ang
kanyang mga daliri ay ginagalaw nito ang singsing na isinuot niya sa akin kanina.

"I am so thrilled! After how many shitty long years, that Fortuner is going to be
mine again!" Ani Azi.

"Kuya, hindi pa sinabi ni dad sa'yo na sa'yo na nga 'yon." Singit ni Claudette.
"Wa'g umasa."

"You are so hard on me, Dette dette. I'm positive, you know!"

"Ayaw mo ba sa Hilux mo, Azi? Ang kapal mo naman talaga." Halakhak ni Elijah.

"You know it's not mine! It's Knoxx's! Pati ba naman sa sasakyan may kahati ako?
Damn, I hate being the middle
child." Iritadong sinabi ni Azi.

"Aww, Kuya... We love you naman." Ani Claudette at naabutan kong niyakap si Azrael
nang nilingon ko sila.

Inabot yata ng kalahating oras ang byahe namin patungo sa open house nina Azi sa
Balingasag. Maingay pa siya dahil
sa kasiyahan niya.

Nong nakarating kami, napagtanto kong hindi lang pala siya ang maingay. My cousins
are louder today. Huli yata
kaming nakarating kaya sa gazebo nina Azi ay naabutan na namin sina Rafael na nag
bubukas ng iilang inumin. Nalaglag
ang panga ko sa dami ng hinanda.

Tumawa si Elijah nang nakita niya ang ekspresyon ko. Agad tumakbo si Azrael sa
kanila, padabog na sinarado ang
pintuan at nakisali sa mga pag pipicture na ginawa.

"They are all happy for you two." Ani Claudette bago siya lumabas din para sumali
sa kanila.

Nagkatinginan kami ni Elijah.

Tumikhim siya at ngumiti. "You want to go? I'll just park the car properly." Aniya.

"Uh, I'll wait for you. Sabay na tayo." Aniya.

Tumango siya at pinaandar ulit ang sasakyan patungo sa nakahilerang mga sasakyan sa
parking lot ng Open house nina
Azi.

Pinasadahan ko ng tingin ang malaking bahay nila na halong concrete at gawa sa


kahoy. May isang maliit na lagoon
doon na kung saan ay may foot bridge, nag papaalala sa akin sa mga lugar sa Asya,
Japan or China and the likes. I've
never been there but I've seen it on TV.

"Ang ganda ng renovation." Sabi ko ng wala sa sarili. "'Yong lagoon parang 'yong
nasa TV... like a japanese scenery
or something."

"Hmm... yeah." Ani Elijah.

Nilingon ko siya. "May pool sila don malapit sa Gazebo. It's a small pool but it's
nice." Aniya.

Tumango rin ako at nagkatinginan ulit kami. Tapos na ang pagpapark niya at walang
umaambang umalis sa amin doon.

"You okay?" Nagtaas ako ng kilay, nagtataka sa kanyang titig sa akin.

"More than okay, baby." Aniya at hinalikan ang likod ng aking kamay.

Ngumuso siya at bumalik sa paninitig sa akin, di ko malaman ang ekspresyon.

"What?" Tinagilid ko ang ulo ko.

"Dad wants us to go out of the country." Aniya.

Nalaglag ang panga ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kasunod ng kanyang
sinabi. Lumunok ako at nag iwas ng
tingin. What does that mean?

"Now that the secret's out, he wants to protect us both." Ani Elijah.

"What does it mean? Out of the country? When?" Nag angat ako ng tingin sa kanya.

"Immediately." Seryosong sinabi ni Elijah.

"Kelan tayo babalik? I'm graduating this March." Kabado kong sinabi kahit na alam
kong naisip na rin iyon ni Elijah.

Tumango siya. "I told him that. Kaya lang gusto niya talagang umalis tayo."

"Elijah..." Kinagat ko ang labi ko. Now, I'm torn.


spinner.gif
That's my studies you are talking about. Sayang naman! Kaya ko namang sundin ang
gusto ni tito pero hindi ko parin
maalis ang panghihinayang ko sa pag aaral ko.

"Sinabi ko na sa kanya na kung pwede ay pagkagraduate mo na tayo umalis. I'm sure


hindi papayag ang daddy mo."
Pinapanood niya ang ekspresyon ko.

"I'm sure." Tumango ako. "Do we really need to? Kaya naman nating harapin 'to."

"Ayaw niya lang na nandito tayo pag labas ng balitang ito. He's just overreacting.
I told him we can go somewhere
far for two weeks and then be back by the end of October so you can enrol for the
second semester."

Mabilis ang tango ko. "Mas maayos nga 'yon. Sayang naman kasi kung hindi ako
gagraduate. Isang semester na lang."

Medyo nakahinga ako ng malalim. Sana ay payagan kami. I'm sure dad won't let me do
that so...

"Hopefully he'll change his mind. Makakalimutan din naman 'yan ng mga tao."

Huminga ako ng malalim. Sana nga. Tito won't push this. Elijah and I can't run from
this. Kaya naman namin 'to.
He'll see.

"Don't you want to travel with me?" Malambing niyang sinabi nang napansin ang
pagiging kabado ko.

"I-I want to. Pero nasasayangan ako sa studies." Sagot ko.

"No, I mean... for two weeks." Ngumisi siya.

Nanliit ang mga mata ko. "You planned this out." Hindi ko mapigilan ang ngiti ko.

"No, I didn't. Dad's got crazier plans, Klare. Believe me."

Humalukipkip ako. Hindi pa kami nakakapag usap ni tito Exel. Abala pa sila sa
pakikipag usap kay Ama na alam kong
hindi nila kailanman mapapapayag.

Hinanap niya ang kamay ko at hinawakan ulit ito.


"Sungit." Ngiti niya. "I just want more alone time with you."

"Alone time naman 'to." Nagtaas ako ng kilay.

Nilagay niya ang kanyang index finger sa aking baba at hinila niya ito palapit sa
kanya. Tumindig ang balahibo ko sa
ginawa niya.

"No..." Ramdam ko ang hininga niya sa aking labi.

Humalakhak ako, nawawala na naman sa sarili dahil sa kanyang ginagawa.

"Oh you and your sexy laugh." Aniya at dinampian ng kanyang labi ang aking labi.

Humalakhak ako sa isang damping iyon. Nagwawala ang demonyong alaga niya sa aking
tiyan. Elijah's pretty good at
this. Dammit!

"Elijah! Tang ina ang tagal niyo, bra!" Sigaw ni Josiah at agad niyugyug ang
sasakyan.

"Fuckers!" Sabay tingin ni Elijah sa labas at bitaw sa akin.

Uminit ang pisngi ko at napapikit ako ng mariing. Si Azi at Josiah yata 'yong
lumapit sa sasakyan dahil kanilang
tawa ang narinig kong lumalayo. Bubuksan ko na sana ang pinto para makaalis kami
nang bigla niya akong hinila.

"No..." Aniya ulit.

"Hinahanap na tayo." Nagbabaga na ang aking pisngi at hindi na ako makatingin sa


kanya.

Hindi ko alam kung paano niya nagagawang titigan ang aking mga mata. Like he's
never scared or insecure of anything.
He knows he's good at this. He knows he's hot and all!

"One last kiss before we go out, please, baby." Bulong niya.


Bumagsak ang tingin ko sa kanyang labi na naghihintay. He wants me to kiss him.

"I love you." Aniya.

"I love you too." Sagot ko bago ko dahan dahang inilapit ang aking labi sa kanyang
labi.

Idinampi ko lang iyon ng medyo matagal at dahan dahan ulit na lumayo sa kanya.
Nakita kong nakataas ang kanyang
kilay at nakangiti sa akin. Para bang hinahamon niya ako. Klare, is that your best
shot? Is that the best kiss you
can give to the man you're engaged with?

Fuck!

Gusto kong tumakbo sa labas. I didn't fucking know how to kiss!

"I'm gonna go." Sabi ko at nag iiwas ng tingin bago niya pa ako mapigilan ay
dumiretso na ako sa labas.

Narinig ko ring padabog na sinarado niya ang pintuan habang tinatawag ako. Mabilis
ang lakad ko at kita ko na kaagad
sina Erin, Claudette, at Rafael sa gazebo na kumakaway sa amin.

"Klare..." Humalakhak pa ang lintik na si Elijah.

Tumikhim ako at nilingon siya. Inirapan ko pa. I hate that he's too good.

Niyakap niya ako ng patalikod at hinalikan niya pa ang tainga ko. Mabilis na
tinakpan ni Erin ang kanyang mga mata
at nakita ko pang natapon ang iniinom niyang Redbull. Nakapag mura pa siya kaya
nagtawanan sila.
"You're bad." Sabi ko kay Elijah.

"Oh I am. And you know that." Humalakhak siya sa aking tainga. "Your kiss is my
heaven. It's like some devil
suddenly went up to see paradise everytime you kiss me. Parang hindi pwede. It's
too good to be true." Bulong niya.
"Liar." Uminit ang pisngi ko.

"I'm bad but I don't lie, Klare. Someday, I'm gonna show you what I meant by that.
Hmmm."

Nilingon ko siya at nagtaas ako ng kilay.

"Someday." Kumindat siya at kinilabutan ako.

Okay, Klare. Easy. May after party pa tayong dadaluhan.

Kaya naman ay sa gabing iyon, walang pangamba kaming nag diwang lahat. Lahat ng mga
pinoproblema ng mga pinsan ko sa
kanilang mga buhay ay naging mas maliwanag sa akin. At oo, may mga problema kaming
lahat, iba-iba. Maliliit at
malalaki. Halu-halo.

Samantalang sa gabing iyon ay pinroblema ko naman si Charles. Pinapainom siya nina


Azi. Hindi na nangahas si Elijah
dahil alam niyang masusuntok ko siya pag ginawa niya iyon. But then his selfish
tendencies got him again.

"Hey, you're scolding Azi too much." Aniya, mapupungay na ang mga mata.

Hindi ko na alam kung ilang bote na ang nainom nila at nagkahalu halo na ang
kanilang inumin. I told him to stop
pero sinabi ni Erin sa akin na hayaan na dahil nagdiriwang kami para sa aming
dalawa.

Pinulupot ni Elijah ang kanyang braso sa aking baywang kaya napaupo ako sa kanyang
hita. Naka upo sila sa gazebo at
nong nakita kami ni Chanel ay pumikit pa siya ng mariin, tumikhim, bago dumilat
ulit.

"Okay, I'll get used to this." Aniya at tumango bago uminom ulit ng shot.

Kinagat ko ang labi ko at nilingon si Elijah. Nakatitig ang mapupungay niyang mga
mata sa akin.

"I want to be scolded too. We're back to square one again. Baka mainis ka na naman
sakin." Ngiti niya.
Ngumuso ako. "Just stay there and be good." Sabi ko.

Ngumiti siya at nagkatitigan na lang kami.

"Oh great God! Masasanay din tayo, guys! Ayos lang 'yan!" Sabi ni Erin.

Napatalon ako at napagtantong halos silang lahat ay nakatingin na sa amin. Uminit


ang pisngi ko at tumayo na lang.
Pinakawalan naman ako ng natatawang si Elijah. Panay ang high five nila sa kanya at
ilang puri pa ang natanggap
galing kay Damon, Rafael, Josiah, at Azi.

"Idol!" Sabi ni Josiah.

"Grabe ka! Ganon pala pumorma, no?" Tawa ni Rafael. "Masubukan nga 'yan."

"Masusuntok ka nong pinopormahan mo, Raf." Ani Azi at nagtaas pa ng kilay.

"Akala mo naman di ka nasusuntok nong sa'yo? E, literal kang nasusuntok!" Ani


Rafael.

"Buti pa gayahin niyo si Josiah." Ani Damon sabay tingin kay Josiah na umiinom.

"Shut up." Biglang nag seryoso si Josiah habang nilalagok ang shot.

Umiling ako at umupo sa tabi ni Eba at Claudette. Si Chanel at Erin ay parehong nag
sasayawan at nagtutulakan na sa
pool. Nanonood si Claudette sa kanila habang ako naman ay hinarap ni Eba ng
nakangiti.

"Nakaka proud kayong dalawa ni Elijah." Aniya.

"Thank you." Ngiti ko.

Mahirap maranasan ang lahat ng hinagpis na iyon. It was never easy for us. We've
been through a lot and I'm sure
this is just the beginning. Sa pagbabalik namin ni Elijah sa Cagayan de Oro,
paniguradong marami kaming haharapin.

Sa mga kaibigan namin, sa mga taong malapit sa aming pamilya, sa mga nakakakilala
sa amin, sa aming ibang kamag
anak, at marami pang iba... alam kong hindi nila ito maiintindihan. Mismo ngang ang
pamilyang mahal kami ay
natagalan pa bago kami pinagbigyan, ang mga tao pa kayang hindi kami lubusang
kilala? They will all judge us.
Everyone will... But one thing I learned for sure in this journey is that,
everything's fine as long as your family
is with you. That's how important they are to us.

Kaya hindi na ako natatakot na harapin sila. Pumayag si tito Exel na manatili ako
hanggang gumraduate. Bibisita din
daw siya sa Surigao, sa pamilya ng mga Vasquez. Si Elijah na mismo ang naglahad ng
kanyang plano na magbabakasyon
kaming dalawa.

Wala akong nasabi lalo na nong tiningnan kaming mabuti ni tito Exel at ni daddy. It
was too awkward at pakiramdam ko
talaga hindi kami papayagan. Lalo na't hindi naman sasama ang mga pinsan namin.
Kahit anong suyo nila sa mga pinsan
namin ay ayaw sumama. Hindi ko alam kung pinlano din ba nila ito o sadyang may
gusto silang gawin sa nalalabing
dalawang linggo ng sembreak.

"Travel? You two?" Ani mommy at nilingon si tito Exel.

"I actually want her to visit New York, dad. Makita niya kung san tayo nakatira
doon." Ani Elijah. "But since we
still need to process somethings like her Visa, I'll take her to Singapore na lang
muna. Hindi pa siya nakakapunta
don and I'll join a tournament in airsoft there, you know..."

"Ah! Yes! Ngayong buwan nga pala 'yon? Is it the 43rd cup, Ej?" Nagtaas ng kilay si
tito Exel.

"Yup." Sinulyapan ako ni Elijah.

Tumango si tito Exel at hindi na ulit nag tanong. "Very well."

"Kuya?" Umalma si daddy sa desisyon ni tito Exel.

"What is it, Lorenzo?" Ani tito Exel kay daddy.

"Are you sure they can travel alone?"

"If your scared that my son's gonna do something to your daughter, Lorenzo, then I
tell you now, that's inevitable."
Nagkibit balikat si tito Exel.

"Dad!" Ani Elijah, natatawa.

Nilingon siya ni daddy, seryoso ang mukha. Tumingin naman si Elijah sa akin at
pinipigilan ang tawa.

"We have to ask for Ricardo's permission." Ani mommy kay tito Exel.
Nagkakagulo na sila habang ako naman ay hinila na ni Elijah palabas ng aming
building. Sina papa, tita Marichelle,
Ama, ang ang mga kamag anak ko ay bumalik na ng Davao kaya mahihirapan silang
makipag usap kay papa ng masinsinan
lalo na't busy na naman iyon ngayon dahil kakarating lang doon, negosyo agad ang
inatupag.

And I tell you, I don't know if forever's true. Hindi ko rin alam kong gaano nga ba
iyon katagal. Ang ibig ba nong
sabihin ay 'yong buhay ko ngayon hanggang sa maging 65 years old ako? 90? 100? Iyon
ba ang sukatan ng forever? Hindi
ko talaga alam. Pero isa lang ang siguradong sigurado ako. I will love Elijah Riley
V. Montefalco until forever.

Mahigpit ang hawak ni Elijah sa aking kamay, papasok kami ng Resorts World Sentosa.
Wala lang ito sa kanya, ni hindi
na gumagala ang kanyang paningin sa ibang klaseng tanawin sa labas man o sa loob
nitong building. Everything is
foreign to me, though. Hindi naman kasi ako tulad niya na nakakatapak sa ibang
bansa taon taon. My life is in
Cagayan de Oro, my comfortzone. Pero batid ko rin na pag hawak ko ang kamay ni
Elijah Montefalco, I will need to get
out of my comfortzone and be brave to take so many risks... I don't know if I'm
brave enough, but I will always try
to be brave.

Sa kabilang kamay ay hawak ko ang mapa. Kanina niya pa ako pinapagalitan na gumamit
na lang ng GPS dahil masyado daw
akong makaluma kung mapa ang tinitingnan ko. Is it my fault? I'd rather use this
map.

"Elijah, malayo pala 'to sa tournament niyo?" Sabi ko, papalapit kami sa hall.

"Uhm, yup. But the view here is nice. Don't worry about it." Aniya.

Tumango ako at nakakunot ang noo habang tinitingnang mabuti ang mapa. Narinig kong
nakipag usap siya sa mukhang
pilipinang receptionist sa matigas na ingles. Napatingin ako sa sikat na simbolo ng
Hard Rock sa likod ng hall.

"Two Deluxe, please?" Ani Elijah.

Kumunot ang noo ko at agad kong nilingon si Elijah. "One." Sabi ko.

Huminga siya ng malalim at tumingin sa akin.


"May iba ba tayong kasama?" Nagtaas ako ng kilay.

"Wala." Napapaos niyang sinabi.

"Then, one." Sabi ko sabay tingin sa babae.

Hinila niya ako palapit sa kanya habang nagsasalita ang babae tungkol sa pag
hihingi niya ng mga impormasyon tungkol
sa magchicheck in.

"The last time we we're on the same bed was ages ago, Klare. Back in Davao. That
was diffrent. I was too mad at you.
Mad but in love." Bulong niya habang hinahawakan ang baywang ko.

Uminit ang pisngi ko. "Elijah, masyadong magastos kung dalawang room. We'll stay
here for a week. Goodness! And
what's the difference now? You are still in love with me." Ngumiti ako at tumingin
sa kanya.

Tumang siya. "Yes. Too madly in love. Baby, I think that's a big difference."

"I trust you." Hamon ko sa kanya.

Ngumisi siya, hindi ko alam kung anong iniisip. "Really?"


Tumango ako. "I trust you really, baby." Malambing kong sinabi sa kanya.

Pumikit siya ng mariin at bumulong ng iilang mga mura. Hindi ko mapigilan ang pag
halakhak. I'm giving Elijah
Montefalco a very hard time right now. I don't care, though.

==============================

You might also like