Filipino: Kuwarter 2 - Linggo 8

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Filipino 3

Kuwarter 2 - Linggo 8
Talasalitaan at Salitang Hiram

Kagawaran ng Edukasyon • Republika ng Pilipinas


Filipino - Grade 3
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 2 - Linggo 8: Talasalitaan at Salitang Hiram

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work of profit. Such
agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders. Every
effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their
respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.

Published by the Department of Education


Division of Malaybalay City

Development Team of the Module


Authors: Margie Y. Cagatcagat and Doris O. Lopez
Editors: Armando A. Agustin Maria Luz G. Pama Vilma T. Fuentes
Valerie S. de Leon Guillerma S. Fortin Jeremy G. Lagunday
Lourdes O. Ducot Abel P. Galer Berna G. Bateriza
Leny G. Ama Zelda T. Arceno Jay Martin L. Dionaldo
Armand Anthony S. Valde Sr. Cosjulita K. Olarte Nairobi Jose B. Baja

Illustrator: Vanessa Joy D. Mirafuentes


Layout Artist: Manuel D. Dinlayan II, PDO II
Management Team:
Chairperson: Dr. Victoria V. Gazo, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Sunny Ray F. Amit


Asst. Schools Division Superintendent

Ralph T. Quirog
CES, CID

Members: Purisima J. Yap


EPS-LRMS

Maria Concepcion S. Reyes, EPS-Filipino


Jesus V. Muring, EdD. PSDS—District V

Printed in the Philippines by Department of Education


Division of Malaybalay City
Office Address: Sayre Highway P-6, Casisang, Malaybalay City
Telefax: (088) 314-0094
Email Address: [email protected]
3
Filipino
Kuwarter 2 - Linggo 8
Talasalitaan at Salitang Hiram

Ang instruksyunal na materyal na ito ay kolaboratibong nabuo at sinuri ng


mga dalubhasa mula sa Sangay ng Lungsod Malaybalay. Hinihiling namin ang
mga guro, administrator at stakeholders ng edukasyon na magbigay ng puna,
komento at suhestiyon at ipadala o email sa [email protected].

Pinahahalagahan po namin ang inyong feedback at rekomendasyon.

Sangay ng Lungsod Malaybalay • Kagawaran ng Edukasyon


Paunang Salita Para Sa Mga Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Ikatlong Baitang, modyul sa


Talasalitaan at Salitang Hiram.
Ang modyul na ito ay ginawa ng mga guro sa Sangay Lungsod ng
Malaybalay ayon sa Kurikulum ng K to 12 na ginagabayan ng mga punong-guro,
tagamasid pampook at tagamasid pansangay . Ginawa rin ito bilang tugon sa
iyong pangangailangan sa gitna ng pandemya (COVID-19).
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa
loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Paala-ala Para Sa Mga Guro:


Nakapaloob nito ay ang mga pamamaraan para matuto ang mga
mag-aaral. Inaasahang magagabayan ninyo ang mga mag-aaral sa paggamit nito.

Paala-ala Para Sa Mga Mag-aaral:


Ang modyul na ito ay ginawa para sa iyo upang maintindihan mo ang
mga competency na dapat mong matutunan.
Pinaalalahanan din kayo sa mga sumusunod:
1. Huwag dumihan at sulatan ang modyul. Ang inyong mga sagot sa mga
gawain ay isulat lamang sa aktibiti notbuk sa Filipino.
2. Isunod-sunod and pagsagot sa mga gawain.
3. Ibalik ang modyul na maayos ayon sa petsa na napagkasunduan ng iyong
guro.
4. Kung merong mga tanong at alinlangan, huwag mag-atubiling magkonsulta
sa iyong guro.
5. I teks o tumawag sa numerong ito ____________.
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa inyong


kapakanan. Ito ay isinagawa upang matulungan kang
masanay at mapaunlad ang inyong kakayahan sa pakikinig,
talasalitaan, pagsulat, at pagbasa. Ang buong nilalaman ng
modyul na ito ay maaring gamitin sa kahit anumang
pagkakataong matuto. Ang wikang ginagamit ay kumikilala sa
ibat-ibang antas ng bokabularyo ng mga mag-aaral.
Ang mga aralin ay inihanay upang masunod ang
pamantayan na pagkasunod-sunod ng kurso. Ang ayos kung
saan ninyo ito binabasa ay maaring mabago upang
matugunan ang aklat na kasalukuyan mong ginagamit.
Matapos matalakay ang modyul na ito, inaasahan kang
maunawaan ang mensahe ng binasang kwento.

Subukin
Panuto: Buuin ang nakatagong salita at isulat ang sagot sa
iyong aktibiti notbuk sa Filipino.

AAOKLRY - (gamit sa eskwela, pansining)


UILPS - (tagasupil ng krimen)
AADLS - (pakikipag-usap sa Panginoon)

Unang Araw Mensahe ng Binasang Kuwento

Tuklasin

Naranasan mo na bang makasaksi ng krimen? Ano ang


naging reaksyon mo? Sino ang tumulong sa iyo?

Suriin

Basahing mabuti ang kuwento.

1
Ang Krayola ni Kringkring
Margie Y. Cagatcagat

Isang araw, masayang umuwi si Kringkring


galing sa paaralan. Siya ang napili sa kanilang klase
na maging kalahok sa patimpalak sa poster making
sa Buwan ng Wika. Sabik din siyang sumali dahil
bago ang kanyang krayola.
Sa kanyang pag-uwi, nakita niyang may
nagkagulo sa daan. Sa di-kalayuan ay nalaman niyang mayroon palang
kababagong nangyaring krimen. May holdapan na nangyari at ang mga
holdaper ay nagtangkang tumakas at nanlaban.

Hinabol at hinuli ng mga pulis ang mga


holdaper. Hindi makapaniwala si Kringkring sa
kanyang nakita. Takot na takot siya kaya tumakbo siya
nang mabilis pauwi ng bahay at humihingal.

Pagdating sa bahay ay napansin niyang bukas


na ang kanyang bag at wala na ang kanyang krayola. Nalungkot at
nag- alala si Kringkring sa kanyang krayola. Kinabukasan ay agad niya
itong hinanap. Binalikan niya ang kanyang dinaanan kahapon.
Pinakahuli niyang pinuntahan ang gasolinahan. Magalang na
nagtanong sa lalaking nagtatrabaho sa loob. Sorpresang napulot ng
gasolinador ang kanyang krayola kahapon, habang mabilis siyang
tumakbo pauwi.
Dala na ang krayola, masayang umuwi ng
bahay si Kringkring. Hindi na niya kailangang magpabili
ng bagong krayola. Mayroon na rin siyang magagamit
para sa darating na patimpalak. Nangako siyang mag-
iingat na sa kanyang mga gamit.

2
Pagyamanin

1. Bakit masaya si Kringkring galing sa eskwela?


2. Paano nawala ang kanyang krayola?
3. Ano ang kanyang ginawa para malutas ang kanyang
problema?
4. Ano ang gagawin mo kung ikaw ay nawalan ng isang
bagay?
5. Anong magandang aral ang natutunan mo sa kuwento?

Ikalawang Magkasingkahulugan at Magkasalungat


Araw

Balikan
Panuto: Punan ang patlang ng tamang titik upang mabuo
ang mga salita.
1. k r __ y __ l a 2. n __ t a k __ t

Tuklasin
Panuto: Piliin ang tamang pares na salita. Lagyan ng (/) kung ang
pares na salita ay magkasingkahulugan at (x) naman kung
magkasalungat.

sagana - kapos pamilya – mag-anak pandak - matangkad

Suriin
Magkasingkahulugan = salitang magkapareho ang kahulugan
Halimbawa: mahirap - dukha maluwang - malawak
bitbit - dala mabango - mahalimuyak
tunay - totoo mabagal - makupad
mataas - matayog himagsikan - digmaan

3
Magkasalungat = salitang magkaiba ang kahulugan
Halimbawa: mahirap - mayaman mabagal - mabilis
masipag - tamad malapit - malayo
madilim - maliwanag malaki - maliit
bukas - sarado malakas - mahina

Pagyamanin
Panuto: Ibigay ang tamang kasingkahulugan.

1. masikap -

2. malawak -

Panuto: Ibigay ang tamang kasalungat.

3. mabigat -

4. masaya -

5. maulan -

Ikatlong Pagbaybay nang Wasto ng mga Salitang Hiram


Araw

Balikan

Panuto: Piliin ang tamang salitang magkatugma. Piliin ang


sagot sa loob ng kahon.
dukha masaya mahirap malungkot
Magkasingkahulugan Magkasalungat

4
Tuklasin

Basahin ang paalala ng doktor.


Doktor: Kailangang gumamit ng face mask kapag lalabas at
laging maghugas ng kamay upang maiwasan ang
virus na dala ng COVID - 19.
Tanong: Ano-ano ang mga salitang ginamit sa paalala na
bago sa inyong pandinig? Isulat ang inyong sagot sa
aktibiti notbuk.

Suriin

Kapag ang salitang banyaga na hindi matatagpuan sa


salitang Filipino ay isinasalin, ang tanging magagawa ay
manghiram o di kaya ay lumikha ng bagong salita.
NOON NGAYON
klinika clinic
laboratoryo laboratory/ laboratori
Kemistri Chemistry
enhinyero engineer

Pagyamanin

Panuto: Piliin ang tamang baybay sa bawat salitang hiram.


1. television a. telebisyon b. tilebisyon c. tilibesyon
2. taxi a. tatke b. taksi c. takse
3. computer a. kumpyuter b. kompyoter c. kompyuter
4. jeep a. diyip b. dyip c. dyep
5. driver a. drayber b. brayder c. driber

5
Ikaapat Panlinang na Gawain ng mga Salitang Hiram
na Araw

Balikan
Ibaybay sa Filipino ang mga salitang hiram sa ibaba.
radio - _______________ computer - _______________

Tuklasin
Paalala ng DOH: “Laging gumamit ng face mask”

Suriin

Panuto: Piliin ang tamang salitang hiram na nasa kaliwa.


1. sorbetes a. ice cream b. candy c. sugar
2. klinika a. hospital b. clinic c. school

Pagyamanin

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang


salitang hiram na ginamit sa loob ng pangungusap.
Isulat ang iyong sagot sa aktibiti notbuk.
1. Napakasarap ng nabiling cake ni nanay sa aking kaarawan.
2. Gumagamit ang mga bata ng kompyuter sa kanilang pag-
aaral.
3. Mabilis ang takbo ng taksi kaya ito nabangga.
4. Napakahusay umawit ng dalagang kumanta sa radyo.
5. Bumili si tatay ng hamburger, pasalubong kay bunso.

6
Ikalimang Salitang Magkasingkahulugan at
Araw Magkasalungat at mga Salitang Hiram

Tuklasin
 Magkasingkahulugan - magkatulad ang ibig sabihin
 Magkasalungat - hindi magkatulad ang ibig sabihin
 Salitang Hiram - salitang hiniram sa ibang wika

Suriin

Magkasingkahulugan Magkasalungat
masaya - maligaya araw – gabi

Salitang Hiram - laboratoryo (laboratory)

Pagyamanin

Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang wastong sagot sa


bawat bilang.
A. Kasalungat
1. mataas (matangkad, mababa, matayog)
2. malakas (maganda, mataba, mahina)
B. Kasingkahulugan
3. kalaban (kakampi, katunggali, kasalo)
4. iniibig (minamahal, inaaway, iniisip)
C. Salitang Hiram
5. (babae, clinic, ilaw, hayop)

Isaisip

Maraming mga salitang Filipino na mas madaling


mabibigyan ng kahulugan kung gagamitan ng mga salitang
magkasingkahulugan , magkasalungat at salitang hiram.

Isagawa
7
Ano ang dapat gawin upang maiwasang magkasakit?

Tayahin
Panuto: Isulat ang sagot sa inyong aktibiti notbuk.
1. Malalim ang tubig dagat. Ano ang kasalungat ng salitang
may salungguhit?
a. mataas b. mababaw c. mabangin
2. Mahalimuyak ang sampagita sa hardin. Ano ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
a. maganda b. makulay c. mabango
3. Ang salitang matapang at duwag ay ano?
a. magkasalungat
b. hiram na salita
c. magkasingkahulugan
Alin sa mga salitang hiram ng bawat bilang ang may
tamang baybay.
4. tricycle a. traysikel b. traycicle c. traysekel
5. customer a. kostomer b. costomer c. kostomir

Karagdagang Gawain
Gumawa ng poster na nagpapakita ng kaganapan sa
pamayanan tulad ng pamimigay ng ayuda, pagbibigay-
pugay sa mga frontliners at paalalang manatili sa loob ng
bahay.

8
1/2nd%20Qtr%20Filipino%203.pdf
https://rexinteractive.com/UserFiles/IM/Pointers-Filipino-
Pangkurikulum Mayo 2016
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM, K to 12 Filipino Gabay
Googlesearch.com.images
Batang Pinoy Ako, Unang edisyon, 2014, ISBN: 978-621-402-041-6
Nagbabagong Daigdig, ISBN 978-971-46-0705-7
2015 Diwa Learning Systems Incorporated, Wikang Filipino sa
Sanggunian
Ikalimang Araw Ikaapat na Araw
Pagyamanin radio- radyo
Sanggunian
1. mababa Ikatlong Araw
computer – kompyuter
2. mahina Balikan
Suriin
3. katunggali mahirap –dukha
sorbetes – a. ice cream
4. minamahal masaya - malungkot
klinika – b. clinic
5. clinic Pagyamanin
Pagyamanin
Tayahin 1. a
1. cake
1. b 2. b
2. kompyuter
2. c 3. c
3. taksi
3. a 4. b
4. radyo
4. a 5. a
5. hamburger
5. a
Unang araw
Subukin
Ikalawang araw krayola, pulis, dasal
Balikan Pagyamanin
1. krayola
Ikalawang araw 1. Siya ang napiling kalahok sa
2. natakot poster na patimpalak.
Pagyamanin
Tuklasin 2. Nahulog niya nang mabilis
1. masikap
2. malapad siyang tumakbo.
1. x
3. Hinanap niya.
2. / 4. Maghanap ng solusyon.
1. magaan
2. malungkot 3. x 5. Maging maingat at
3. mainit mapasalamat.
Susi sa Pagwawasto
For Inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education - Division of Malaybalay City
Office Address: Sayre Highway P-6, Casisang, Malaybalay City
Telefax: (088) 314-0094
Email Address: [email protected]

You might also like